37
buwis tuwing susukatin ng opisyal 0 utusan ng asyenda, at tHa may isang pangyayaring kabaligtaran ng kalikasan, na lumalaki nang hindi nakikita ang lupa 0 isang likas na pangyayaring umiikli ang panukat ng opisyal, na sa anu't anuman ay hindi naman siya bihasa ni nag-aral ng pagsukat ng lupa, bagaman totoo siyang magdaraya. Kahit na wala ang pang-uulol na ito ay lumalaki rin ang buwis kapag sa bakuran ay may pagpapabuting ginawa ang namUIUuwisan, 0 kapag ang bakod na kawayan ay pinalitan ng bakod na bato, 0 kapag nagtayo ng bahay na tabla, kabagayan itong umiinis sa kaginhawahan at nakasasalabid sa ipagiging maganda ng bayan, sapagka't sa dahilang iyon ay hindi tuloy pinapalitan ng m.arami ang kanilang mga kubo kahit may magugugol sila. Pati mga bakurang pinagtatayuan ng mga gusaling bayan ay hindi nakaliligtas sa karangalang ito; ang buwis ng pinagtatayuan ng sabungan, na pinananagutan ng namumuwisang lalong nakaririwasa, ay itinaas ~uhat sa dating 16 na duro ay ginawang 100, gayong hindi aman lumaki kahit isang dali at wala namang pagbabagong ginawa ro n. 4. Sapagka't ang rv-ga btlkid na ang hasik na binhi'y 3 o 4 na kaban lamang, ay pinabubuwisan ng kasinlaki ng tinatamnan ng 9 0 12 at 14 na kaban, at kung hindi magbabayad ng gayon kalaki, aI\g iparurusa'y ipahayag na walang nangungupahan at ang lupa'y ipagkakaloob sa iba. Ang Asyenda'y walang anumang ginugugol sa ikabubuti ng bayan, hindi umaabuloy ni sa pagpipista, ni sa pagtuturo sa paaralan, ni sa pagpapasigla ng pagsasaka, ni sa pagpapaganda ng bayan at walang ginugugol kundi Hang kabang bigas na ipinamamahagi sa mga manggagawa kung panahon ng balang, ilang libong piso sa pagpapagawa ng padaluyang tubig na masama ang pagkakabalak at pagkakagawa so. ilalim ng pamamatnugot ng isang uldog na asendero, at ilang pagkakapangulugi gaya ng mga utang ng ilang kulang-palad no. hindi makabayad ng napakatataas na buwis. Malaki ang pagliit ng inaani para sa mga namumuwisan, sa kabila ng kanilang walang tigil na paggawa, hindi lamang noong una kuncli nang mga huling ta6ng nagdaan, gay a ng pinatotohanan ng malaking bilang ng mga magsasakang namulubi, nagkautang ng malaki, at sinamsaman ng kanilang mga ari-ari~lll.