Ang wika ay mayroong kakayahang maghulma sa imahinasyon, kamalayan, at kakayahan sa kritikal na pag-iisip ng isang indibidwal. Hango ito sa malaking impluwensya ng kultura, na sikap na nagbibigay kahulugan sa wika ayon sa konteksto at simbolo sa isang lipunan. Kaya naman hindi mapaghihiwalay ang relasyon ng wika at usaping panlipunan sa pagsusuri ng suliranin at solusyon para dito. Kaya’t aming inihanda ang “Sa Mga Aklat Nina Jose at Maria: Ang Dinamiko ng Wika at Kasarian,” isang zine na nagbibigay pokus sa wika at usaping panlipunan, partikular ang diskriminasyong pangkasarian, gamit ang pagsusuri ng mga tugmang pambata sa artikulo nina Fuentes at Alvarado (2018).
Mula rito, nais naming ihatid ang komprehensibong impormasyon ukol sa malubhang suliranin na nakapaloob sa ating mga panitikang pambata upang magbigay kamalayan sa malawak na sistematikong problema na nakatanim sa ating lipunan.
Ating ipagpatuloy ang paggamit sa wika upang magbigay kamalayan sa ating kapwa Pilipino. Maraming salamat!