Ang Sinag Tomo XXIX, Bilang I (Hulyo 2024-Pebrero 2025)

Page 1


Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng

Eastern Samar National Comprehensive High School

Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII

Tomo XXIX Bilang I Hulyo 2024 - Pebrero 2025

BALITA

Pagkayod ng mga Bata / 04

OPINYON

Dekalidad na Pundasyon / 06

Isla ng Pagtaguyod / 10

LATHALAIN Pag-alis sa Langis / 14 AGTEK

EDUKASYONG MALAYA

Suporta ng komunidad, isinulong para sa rehabilitasyon, reintegrasyon ng mga mag-aaral na bilanggo

ni John David Bantiles

Ipinanawagan ng Departamento ng Alternative Learning System (ALS) ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang suporta ng komunidad para sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga mag-aaral na persons deprived of liberty (PDL), Enero 22.

Sa isang panayam ng Ang Sinag, inihayag ni Shayne Delmonte, tagamasid at guro ng programa ng paaralan, na nararapat para sa ikalawang pagkakataon sa buhay ang mga mag-aaral sa bilangguan.

“Sana suportahan sila ng komunidad. Nagsumikap silang maging mas mabuti at produktibo sa loob [ng bilangguan]. Lumaya sila na kahit paano’y may pag-unlad sa kanilang pagkatao,” paghihikayat ni Delmonte.

Sa programa ng ALS-PDL, umaalalay ang edukasyon sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga

bilanggong nagbabalik sa komunidad. “Sa rehabilitasyon, hinihikayat naming sila na mag-aral muli. Habang nakakulong sila mayroon silang makukuhang sertipiko o diploma. Sa reintegrasyon, nagagamit nila ang kanilang diploma para makapagtrabaho at makapamuhay muli ng normal sa komunidad na tatanggap sa kanila,” paliwanag ng tagamasid.

“Inihahanda namin sila para sa kanilang paglaya mayroong nabago sa kanila o nanatili pa rin ang kanilang pagpapahalaga sa sarili kahit nakulong

sila,” dugtong niya.

Sa pinahuling tala ng ALS ng paaralan, dalawa sa 12 mag-aaral ng programa ang nalipat sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, anim ang nakapagtapos, at apat ang nakalaya na.

Ibinahagi ni Delmonte na malaki ang tulong ng dalawang taong pagaaral na nagturo sa kanila ng mga bagong kasanayan at kaalaman.

“’Pag nalalaman ng mga tao na natapos sila sa pag-aaral sa loob ng bilangguan, nawawala ang stigma at diskriminasyon na masama sila. Mas madali silang natatanggap ng

‘Zero bullying’ sa SNED, hinubog ng nagkakaisang pagkalinga,

INKLUSIBONG TUNAY. Dama ni Erica Art Angel Casillano, isang Comprehenyo, ang pagkalinga at pagtanggap sa kaniya ng mga kapwa mag-aaral. kuha ni HAZEL HILARIA

pagtanggap

Ibinida ni Marina Estrada, tagapamahala ng programa, na hinulma ng pagkalinga at pagtanggap ng nagkakaisang pampaaralang komunidad ang naitalang “zero bullying” sa Special Needs Education (SNED) Program ng paaralan para sa taong ito.

Sa isang panayam ng Ang Sinag, inihayag ni Estrada na mas mabuti na ang pagtingin ng komunidad sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan kumpara sa mga nagdaang taon.

“Naiintindihan na ng mga mag-aaral. Kumbaga natatanggap na nila ang mga batang may espesyal na pangangailangan. Kusa na silang tumulong. Sa tuwing nakikita nila na may nangangailangan ng tulong, tinutulungan nila,” saad niya.

“Pagdating sa mga guro, naiintindihan at tinutulungan din sila. Nagtutulungan kami para sa kanila,” dagdag niya.

komunidad,” sabi niya.

“Tulad ng isa kong mag-aaral na nakapagtapos. Natanggap siya sa trabaho sa isang grocery where in fact ang kaniyang naging kaso ay theft,” dagdag niya.

Sa gitna ng panayam, napaiyak naman si Delmonte nang maalala niya ang kaniyang pinagdaan bilang guro ng ALS-PDL at sa mga positibong pagbabago sa kaniyang mga magaaral.

SUPORTA /03

SINAG SARBEY

Sana suportahan sila ng komunidad. Nagsumikap silang maging mas mabuti at produktibo sa loob [ng bilangguan]. Lumaya sila na kahit paano’y may pag-unlad sa kanilang pagkatao.

Shayne Delmonte tagamasid at guro ng ALS

Isa si Erica Art Angel Casillano sa dama ang pagkalinga at pagtanggap sa kanya bilang isang mag-aaral na may espesyal na pangangailangan na nasa pangkalahatang klase ng ikapitong baitang sa ilalim ng mainstreaming program ng inklusibong edukasyon. Bagaman hindi nakalalakad, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy niya ang kanyang pagaaral dala ng suporta ng kanyang mga kaklase at mga guro.

“Marami akong natutuhan sa paaralan dahil tinutulungan ako ng mga guro at mga kaklase ko. Masaya ako sa pagpasok sa paaralan,” pagbabahagi niya.

91%

ang sumasang-ayong dapat mabigyan ng suporta mula sa komunidad ang mga person deprived of liberty

85%

Nanindigan ang mga Comprehenyo sa kahalagahan ng programang Alternative Learning System ng Eastern Samar National Comprehensive High School para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) o mga bilanggong nag-aaral. Nagsagawa ng sarbey ang Ang Sinag sa 120 na mag-aaral. ang naniniwalang dapat paigtingin ng pamahalaan ang kanilang programa sa edukasyon para sa mga naghahangad na makapag-aral na mga bilanggo

NSPC2024

Sa ginanap na #NSPC2024 sa Carcar City, Cebu, naiuwi ng Ang Sinag ang ikalawang gantimpala para sa Pinakamahusay na Pahinang Lathalain.

kulay ni GHISLAINE DIOLOLA

BALITA

Nanawagan si Maria Eva Muchamiel, guro at kinatawan ng guidance advocates ng paaralan, sa mga mag-aaral, magulang at guro na makiisa sa paghubog ng mabuting pag-uugali sa kabataan ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

Inilatag ni Muchamiel sa isang panayam ng Ang Sinag na pagtutulungan ang susi sa pagharap sa nagbabagong paguugali ng kasalukuyang henerasyon ng mga mag-aaral, Oktubre 25.

“Kung magtutulungan ang lahat—guro, magulang, at mga mag-aaral—mapapanumbalik natin ang kaayusan ng ating paaralan,” giit ng gurong guidance advocate.

“Pati na ‘yung ibang mga guro kung magtutulungan kaming lahat at ipapanumbalik ang mga ginagawang pagdisiplina noon ay maibabalik sa dati ‘yung magagandang ugali ng ating mga mag-aaral,” dagdag niya. Nilinaw ni Muchamiel na pupuno ang pagtutulungang ito sa kawalan ng nagretirong guidance counselor ng paaralan para sa patuloy na pagkintal ng kagandahang-asal sa mga Comprehenyo.

“Wala talaga tayong guidance counselor sa ngayon pero kami na guidance advocates, ang ating butihing principal at assistant principal, kaming lahat ay nagtutulungan para mapanatili ang kaayusan ng ating paaralan,” ani Muchamiel.

Handa namang sumuporta ang mga magulang at mga mag-aaral sa panawagang ito ng paaralan.

“I support the school’s efforts. I teach my child to be a good example,” saad ni Mario Mendoza, magulang ng isang Comprehenyo.

“Balak ng SSLG na makipagtulungan sa guidance office para sa mas pinaigting na student support system, para mapabuti ang disiplina at maibalik ang mabuting pag-uugali sa loob ng paaralan,” ani Akira Afable, pangulo ng Supreme Secondary Learners Government.

4,000

ang kinakailangang guidance counselor ng DepEd para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa

NAKABABASA NA SI JOSE

Pagkatuto sa pagbasa, pumutol sa pagtakas sa klase ng isang non-reader

“Huwag tatakas sa klase.”

Sa pagtungtong ni Jose, hindi niya tunay na pangalan, sa ikasampung baitang sa kasalukuyang taong panuruan, ang aral na ito kanyang natutuhan bilang isang mag-aaral na dating hindi nakakabasa.

Sa isang harapang

panayam ng Ang Sinag sa kanya, ibinahagi niya na natuldukan lamang ang kanyang madalas na pagtakas sa klase o cutting class nang matuto siyang bumasa.

Isa si Jose sa mga magaaral na mahilig tumakas sa klase na nagbunsod para hindi siya matutong magbasa mula noong elementarya hanggang sa pagtapak niya ng sekundarya.

“Wala akong mabasang salita. Tila mga pinagdugtongdugtong na titik na walang kahulugan,” paglalarawan niya sa tuwing tinatawag siya noon ng kanyang guro para magbasa.

Sa kabila nito, isa si Jose sa mga matatagumpay na magaaral na mula sa hindi makakilala

ng mga salita ay nakababasa na ngayon sa tulong ng Project Reading Enhancement Activity Drill (READ) ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

Ngayong taon ang ikatlong taon ng pagpapatupad ng proyekto na katuwang ng National Reading Program (NRP) ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagsugpo ng mababang kahusayan sa pagbasa ng mga batang Pilipino.

“Lahat ng 57 non-readers ay nakakabasa na. Masaya ako dahil positibo ang epekto ng programa. Sobrang nakatulong ito sa mga kabataan lalo na sa hindi mga nakakabasa,” malugod na pahayag ni Josephine Alegre, tagamasid ng

programa.

“Patuloy kayong magbasa,” huling paalala niya. Sa kaso ni Jose, dalawang taon ang kanyang ginugol sa ilalim ng proyekto mula Baitang 8 hanggang 9 bago tuluyang makabasa at makaunawa ng binabasa.

“Nagbabasa kami 5-10 minuto sa English. Pagkatapos nagpapahinga nang sandali at pinatatandaan ang mga [itinuro] sa aming pagbasa. Pinaaalalahanan din kami na magbasa nang 1-2 oras,” pagsasalaysay niya sa proseso ng pagtuturo sa pagbasa kaugnay ng proyekto.

Isinasagawa ang interbensiyon sa pagbasa tuwing oras ng kanilang asigtura sa Ingles sa tulong ng mga

Learning Support Aides ng paaralan. Kung dati madalas tumakas sa klase si Jose, ngayon aktibo na siyang nakikilahok sa pagbabasa at sumasabay sa talakayan sa klase.

“Diridiritso na ako magbasa sa Ingles. Nakakaintindi na. Nakakahabol na ako sa mga aralin. Hindi na ako masyadong nahihiya dahil nakakabasa na ako,” saad niya.

“Hindi na ako nag-cutting class at na-addict sa computer games. Naging maayos na ang aking pag-aaral,” dagdag niya.

*Hindi ginamit ang tunay na pangalan bilang proteksiyon sa pagkakakilanlan ng magaaral at bilang hiling ng kanyang magulang.

NAGKAKAISANG HILING

Tulay sa Siha na 24 taon nang nilulubog ng baha, muling idinaing sa pagpasok ng tag-ulan

Sa magkakahiwalay na panayam ng Ang Sinag, inihayag ng mga Sihanon na mag-aaral at magulang ng Eastern Samar National Comprehensive High School, ang hinaing nila sa tulay ng barangay na higit dalawang dekada nang nilulubog ng baha sa tuwing umuulan.

“Bilang isang estudyante, nahihirapan kami. Hindi kami nakakapasok sa eskwela kapag bumabaha,” pahayag ni Aldrin Bejar, isang mag-aaral mula sa Brgy. Siha. “Sana magawan na kami ng bagong tulay.”

Gayundin, nakadidismayang isinalaysay ng ilan pang magaaral mula sa barangay ang mga pahirap na dulot ng binabahang tulay sa kanilang pag-aaral.

“Noong Grade 10 pa ako, exam noon at hindi kami nakatawid dahil linubog ng

baha ang tulay kaya hindi kami nakapag-exam,” saad ni Madelaine Adora na kasalukuyang nasa ika-12 baitang.

“Noong Grade 8 kami, hindi kami nakauwi dahil linubog ang tulay. Mabuti na lang ‘yung adviser ng isang kasama namin ipinaalam ang kalagayan namin sa CDRRMO. Kinuha kaming mga estudyante ng Brgy. Siha ng rescue para doon na muna magpalipas ng gabi sa CDRRMO at pinuntahan kami ng mga guro namin para magbigay ng pagkain at damit,” pagkukuwento ni Abegail Adapon na nag-aaral sa ika-10 baitang.

Ayon sa mga opisyal ng Brgy. Siha, ang pagiging mababa ng tulay ang dahilan ng madalas nitong paglubog sa baha.

“Matagal nang panahon ganyan ang kalagayan ng tulay.

Sa baba nito, kapag umulan nang malakas o kahit mahina lang, agad itong naaabot ng tubigbaha dahil sa mababang lupa simula nang itayo iyan noong 2000 hanggang ngayon 2024 na,” paliwanag ni Paulito Estil, kagawad ng barangay. Lininaw naman nila na ang pagpapagawa ng bagong tulay ang nakitang tugon ng pamahalaang panlungsod kaysa sa pagpapaayos at pagpapataas ng kasalukuyang tulay.

“Maraming beses nang inilapit sa kinauukulan na mabigyan kami ng bagong tulay pero ngayon pa lang nabigyan ng aksiyon at nagsisimula pa lang,” giit ni Evangeline Apura, opisyal ng barangay.

Bagaman mayroong bagong proyektong tulay ang pamahalaang panlungsod, hindi

Lumakas ulit ang panawagan para sa isang maayos na tulay ng mga residente mula sa Brgy. Siha, isang upstream barangay, kasunod ng pagdating ng panahon ng tag-ulan, Nobyembre 4.

pa rin ito natatapos at dalawang poste pa lamang ang naipapatayo buhat noong nagsimula ang unang bahagi ng konstruksiyon noong Abril 2024.

Hiling naman ng mga magulang ng isang Comprehenyo na agad nang tapusin ang itinatayong bagong tulay.

“Sana mapabilis na ang ginagawang tulay ngayon at sana marami na ang mga materyales at mga taong gagawa sa tulay upang mapadali,” hangad ni Emily Villanueva, magulang ng isang Comprehenyo.

“Sana madagdagan ang pondo para matapos na agad at para mapagtuunan sa susunod na taon ang Phase 2 [ng proyekto],” saad ni Edilfonso Racal Jr., isang magulang at kagawad ng barangay.

ang isang taong panuruan, ipinagmalaki ng mga dating mag-aaral at

Pinanag-an, isang liblib na barangay ng Lungsod ng Borongan, ang mas malapit na

paaralang sekundarya.

Sa magkakahiwalay na panayam ng Ang Sinag, lubos ang galak ng mga mag-aaral at guro sa progresibong hakbanging ito ng Sangay ng Lungsod ng Borongan sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Edgar Y. Tenasas kaisa ang Pamahalaang Panlungsod. “Nabigyan na ng disenteng pasilidad ang mga mag-aaral, at ni Jessa Valerie Horca natulungan na ang mga magulang na masubaybayan ang kanilang mga anak,” ayon kay Jonalyn Cafe Arma, dating guro ng Compre na nagtuturo na sa bagong paaralan. Dagdag pa ng guro, hindi na rin idaraos ang mga klase ng ikapito hanggang ikasampung baitang sa himnasyo ng barangay na nagiging sanhi ng kakulangan sa espasyo at bilang ng mga guro.

“Nakatulong ito sa nga estudyante dito lalo na sa mga mahihirap,” saad ni Minerva Andia, dating mag-aaral ng Compre.

Sa pagtatayo ng bagong paaralan, naibsan na ang hirap sa pagbibiyahe patungo sa dating paaralan ng mga mag-aaral at punong paaralan ng extension class na Benowangan National High School na matatagpuan sa

kasunod na barangay na may layong mahigit 11 kilometro. Hakbang sa Kinabukasan Sa kasalukuyan, sinisikap ni Roy Busa, School-in-Charge ng extension class na dating guro sa Compre, ang pagkakaroon ng Temporary Learning Spaces (TLS) habang hinihintay na mailipat ang mga klase sa pinapagawang mga

bagong silid-aralan. “Mahaba pa ang landas na aming tatahakin, ngunit sa oras na ganap nang maitatag ang paaralang ito, tiyak na magbubukas ito ng maraming oportunidad para sa mga kabataan at mga guro,”

21.3

ang layo mula sa sentro ng

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXIX
SIPAT SA BARANGAY
ISANG AKLAT, ISANG PANGARAP. Matapos ang mga taon ng pagsusumikap, hawak ng isang mag-aaral ng ESNCHS ang kanyang unang aklat — isang simbolo ng tagumpay at pagasa na nagpapatunay na walang hadlang sa pangarap. kuha ni JOHN DAVID BANTILES

Mas malawak na suportang pangkaisipan, binuksan ng Compre

Tiniyak ng pamunuan ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang kanilang kahandaan at bukas na paggabay para sa ikabubuti ng kalusugang pangkaisipan ng mga Comprehenyo kaugnay ng dalawang magkasunod na taon na insidente ng pagpapatiwakal.

Dahil sa mga nakaaalarmang insidenteng ito, pinaigting ng paaralan sa kasalukuyang taong panuruan ang sistema ng pagsubaybay sa mga mag-aaral upang mapadali ang kanilang paglapit sa mga mapagkakatiwalaang indibidwal sa paaralan.

Isa sa mga nananatiling hamon para sa mga mag-aaral ang pagbubukas ng kanilang damdamin

dahil sa takot at panghuhusga na kanilang bibigyang solusyon para mabigyan sila ng ligtas na espasyo, ayon kay Maria Eva Muchamiel, guro at guidance advocate. “Ang dapat kasi na ginagawa ng mga bata na may problema kapag hindi na kaya, dapat nagsasabi sa mga kinauukulan dahil mauunawaan namin sila at may mga hakbang din kaming ginagawa para makatulong,”

dagdag ni Muchamiel.

Mas Malalim na Pagkalinga

Sa pangunguna ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro, katuwang ang mga guidance advocates at mga guro, patuloy na sinisikap ang pagkakaroon ng mapagmalasakit na kapaligiran upang maging bukas ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang suliranin at magtiwala

sa mga serbisyo ng paaralan na sumusuporta sa kabataan. Nakikiisa rin ang Supreme

Secondary Learners Government (SSLG) sa pagsasagawa ng mga seminar at workshop sa conflict resolution, anti-bullying, at peer mediation para hikayatin ang mga estudyante na maging aktibong bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan.

“Nang simulan namin silang turuan, wala silang kahit anong alam na iba. Ngunit sobra silang interesadong matuto at doon nagsimula ang aking paggabay kasama sila,” pagbabahagi niya.

POSITIBONG PAGBABA

Comprehenyong buntis, nabawasan ang bilang ng higit sa kalahati

Bumaba sa apat na kaso ng pagbubuntis sa murang edad ang naitala ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) para sa 2024 mula sa 9 kaso noong 2023.

“Minsan dinadalhan ko sila ng pagkain, medisina kapag masakit sila, pera para sa kanilang proyekto, maging tsinelas at iba pang maliit na bagay na napakalaki pala ng tulong sa kanila,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, hanggad ni Delmonte na maihatid niya ang isang edukasyong malaya para sa mga bilanggo hindi lamang sa Eastern Samar Provincial Jail kundi maging sa Bureau of Jail Management and Penology-Eastern Samar. “Sa totoo lang hindi madali [magturo sa bilangguan]. Pero ito ang pinakamakabuluhan kong karanasan,” pagtatapos niya.

9 sa 10 Comprehenyo, aprub sa mas mahigpit na seguridad

kasunod ng insidente ng awayan

Umani ng pagsang-ayon sa isang sarbey ng Ang Sinag ang pagpapatupad ng mas

Lumabas na siyam sa 10 mag-aaral ang arprubado sa mga bagong polisiya ng paaralan sa pagsiguro ng kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Bunsod ng mga pagbabago sa magkahiwalay na insidente ng awayan na nag-ugat sa gantihan ng dalawang grupo ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang na humantong sa mas masidhing mga pag-atake.

Matatandaang mapayapang naisaayos ng Compre ang nasabing hidwaan sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga magulang ng mga hindi pinangalanang magaaral bilang proteksiyon ng kanilang identidad.

Pinaigting na Pagbabantay

Bilang tugon sa pangyayari, ipinag-utos ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro, sa pamamagitan ng School Memorandum No. 63, s. 2024, ang mas istriktong implementasyon ng “No ID, No Entry Policy in School” kung saan hindi papasukin sa loob ng paaralan ang mga mag-aaral na walang suot na ID card, Oktubre 17. Kaugnay nito, ipinatupad ang isang makabagong ID System na Radio Frequency Identification (RFID) na gumagamit ng barcode scanning technology para mas madaling masubaybayan ng mga magulang

Ayon sa tala ng School Nurse na si Harold Labro, nanggaling ang nasabing bilang sa iba’t ibang baitang kung saan mula sa Baitang 9 ang pinakabatang naitalang kaso.

“Dapat natin ma-strengthen ang program ng Adolescent Sexual & Reproductive Health (ASRH) para maiwasan ang unprotected sex, premarital sex (sex outside marriage), maagang pagbubuntis (teenage pregnancy) at paglaganap ng sexually transmitted infections (STIs),” panawagan ni Labro sa mga guro’t magaaral bilang tugon sa kasalukuyang kaso.

Sa kabuuan, 74 na kaso ng teenage pregnancy ang naitala ng Lungsod ng Borongan para sa 2024 na bagamat mataas ay malayo pa rin sa 147 na kaso noong 2015. Nanguna naman ang Brgy. Balud sa mga nagtala ng mataas na bilang ng kaso

ang pagpasok at paglabas ng kanilang mga anak sa paaralan.

Sinang-ayunan ng pampaaralang komunidad ang mga pagbabagong ito sa patakaran pagdating sa seguridad.

“Wala nang outsiders na makakapasok sa Compre na kadalasang nagsisimula ng kaguluhan,” saad ni Bienalyn Navarro, guro at tagapayo ng Supreme Secondary Learners Government ng paaralan.

“I don’t find this policy inconvenient for me since it aims to decrease student conflicts on campus,” ani Jezzel KC Mendoza, isang Comprehenyo.

Masisiguro ang kaayusan ng anak ko pati na rin ng ibang estudyante para magkaroon ng ligtas na kapaligiran sa loob ng paaralan.

Jesusa Amoroto isang magulang

sa lungsod kabilang na ang mga barangay ng Amantacop, Songco, Surok, Sabang, San Pablo, Pepelitan, Bugas, San Jose, Pinanagan, at Maypangdan.

Sa ulat na ito, patuloy ang aktibong aksiyon ng Lungsod na Pamahalaan ng Borongan sa tulong ng Youth Hub Initiative of the Commission on Population and Development sa pamamagitan ng U4U (You-for-You) Teen Trail.

Isinagawa ang isang palihan kaugnay ng inisyatibong ito para sa mga mag-aaral ng Baitang 11 ng ESNCHS para maiwasan ang pagbubuntis sa murang edad, Disyembre 13.

“Bilang isang mag-aaral, natulungan ako ng U4U symposium para maging malay sa hirap at panganib na dala ng maagang pagbubuntis,” saad ni Cherisse Dorothy Rediang, mag-aaral sa Baitang 11.

Lumabas sa pag-aaral ng isang masteradong guro sa Eastern Samar National Comprehensive High School na napahuhusay ng pagpapalit-koda o code-switching ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Matematika.

Sa pananaliksik ni Ma. Danna S. Balbuena, nakita na mas mataas ang naitalang pagkatuto ng mga mag-aaral na tinuran gamit ang pagpapalit-koda kompara sa Ingles bilang daluyan ng pagtuturo.

“Mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang tanong sa mga gawain sa pamamagitan ng code-switching. Mostly on comprehension ito nakakatulong,” paliwanag ng gurong mananaliksik sa isang panayam ng Ang

Linahukan ang pananaliksik ng mga mag-aaral ng paaralan sa ikasampung baitang na hinati sa dalawang pangkat na sumailalim sa isang quasi-experiment sa nagdaang panuruang taon. Sa kasalukuyan, patuloy na ipinatutupad ng mananaliksik ang nasabing pamamaraan sa pagtuturo ng Matematika sa mga regular na klase at sa mga klase sa ilalim ng National Mathematics Program para punan ang mga puwang sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

“Sa NMP, mas nagagamit ang code-switching sa mismong pagtuturo. Kasi kahit sa ginagamit na tool para sa numeracy, may mga salita pa ring itinatanong ang mga mag-aaral,” pahayag ng Balbuena. “Pagdating sa learning gaps ng Grade 10, maraming competencies ang dapat balikan. Considering na dapat muling balikan ang mga aralin, nagiging mas madali ang pagtuturo at mas madali ring makuha ng mga mag-aaral ang mga aralin kung code-switched. Bukod diyan, nakatutulong din ito

sa mahusay na paggamit ng oras ng pagtuturo,” dagdag niya. Pinatunayan naman ito ni Adrian Gabriel Carvajal, isang mag-aaral sa klase ni Balbuena, na pabor sa paggamit ng pagpapalit-koda sa loob ng klase. “Mas effective ang code-switching kasi mas naiintindihan ko ang topic. Kasi kapag nag-code-switch mas madali kong maintindihan ang Math concepts. Mas madali ko rin ma-develop ang Math skills ko,” pagsang-ayon niya.

mahigpit na seguridad sa
Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).
ni Jessa Valerie Horca
ni Christine Ladiao
KAMPUS SARBEY
ang kaso ng teenage pregnancy sa Sangay ng Lungsod ng Borongan para sa 2024

PAGKAYOD NG MGA BATA

Lokal na mga batang manggagawa, hirap isabay ang trabaho sa pag-aaral

Nanatiling pasan ng ilang mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang bigat ng sabay na pag-aaral at pagtratrabaho bilang mga batang manggagawa.

Ayon sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority nitong Nobyembre 20, 2024, bumaba ang bilang ng mga batang nagtratrabaho edad 15-17.

Tinatayang 383 libong batang manggagawa ang nabawas sa 1.48 milyong nagtratrabahong bata noong 2022 sa pinakabagong datos na 1.09 milyon noong 2023.

Sa kabila nito, laganap pa rin sa mga koprahan at pamilihan ng Lungsod ng Borongan ang mga batang nagtratrabaho bunsod ng kahirapan.

Kabilang sa kanila sina Russel Andor at Daniel Dala, mga batang manggawa na nagsisikap para sa kanilang kinabukasan.

SUPORTA SA MGA COMPREHENYO

Si Russel, 17 taong gulang, ay tatlong buwan nang nagtatrabaho sa koprahan upang makatulong sa kanyang pamilya.

Sa kita niyang 300 pesos bawat araw, ginagamit niya itong pantustos sa baon at pandagdag sa pambili ng bigas.

Dahil sa kanyang pagtatrabaho, minsan ay hindi na siya nakakapasok sa klase at nahihirapan makasabay sa mga aralin, lalo na sa matematika.

“Nakakapagod pong magtrabaho pero kinakaya,” dagdag pa niya habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo.

Samantala, si Daniel, isang 16 taong gulang na mag-aaral sa ika-10 baitang, ay naglilinis sa merkado upang kumita ng 500

Maginhawang biyahe, umarangkada sa Libre Sakay

ni Jessa Valerie Horca

Nagsimula nang maghatid ng maginhawang biyahe ang Programang Libre Sakay ng Lungsod ng Borongan sa mga komyuter na mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) sa pagbubukas ng kasalukuyang taong panuruan.

Bilang daan para sa libreng transportasyon, inilunsad ang nasabing programa sa ilalim ng Panlungsod na Ordinansa 277 ng 2024 para sa mga residenteng magaaral, may kapansanan, matatanda, at manggagawa sa kalusugan ng Borongan.

Sa isang panayam ng Ang Sinag, ibinahagi ni Michael Edwin Amancio, isang komyuter at mag-aaral sa ika-12 baitang ng ESNCHS, ang kaniyang kagalakan sa nasabing programa na ginawang komportable, madali, at matipid ang kaniyang biyahe sa pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan.

“Hindi na ako kailangang magtiis sa mga upuang nagpapangalay ng aking mga paa sa mga pampasaherong traysikel,” saad niya.

Ayon kay Amancio, dati siyang

HATID NG GOBYERNO, LUWAG SA BIYAHERO. Libreng sakay ng pamahalaan ng Lungsod ng Borongan, sagot sa pang araw-araw na gastusin ng mga estudyanteng komyuter. kuha ni HAZEL HILARIA

madalas mahuli sa klase dahil sa layo ng kaniyang tirahan. “Mas mabilis na ang takbo ng sasakyan kaya’t hindi na ako nagaalala sa pagiging late sa pasok,” ani Amancio.

“Nakakaipon na ako ng pera para sa mga pangangailangan ko,” dagdag niya.

Sa simpleng kaluwagan na dulot ng programang ito, ibinahagi rin ng mga Comprehenyong komyuter na nagkaroon sila ng mas maraming pagkakataon na ituon ang kanilang atensiyon sa pag-aaral.

Sa kasalukuyan, umaabot sa tatlong bus ang nagbibigay-serbisyo araw-araw sa mahigit 6,363 na mga pasaherong Boronganon na rehistrado sa programa na binigyan ng e-card bilang pagkakakilanlan sa tuwing sasakay.

Mga magulang ng Comprehenyo, nagkaisang ‘hindi nararamdaman’ ang pagbuti ng ekonomiya ni Mira Angeila Capito

Aminado ang ilang magulang ng mga Comprehenyo na hindi nila dama ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa taong 2024.

Sa isang sarbey ng Ang Sinag lumabas na lahat ng sampung magulang na tinanong ay nagsabing hindi nila ramdam ang pagbuti ng ekonomiya ng bansa. Nagbahagi naman ang mga magulang ng kanilang saloobin tungkol sa usapin sa isang panayam ng Ang Sinag.

“Hindi ko nararamdaman ang sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa. Sa arawaraw na pakikibaka, mas nangingibabaw ang pagtaas ng presyo ng bilihin mataas na singil sa kuryente at kakulangan ng sapat na sahod para sa mga pangunahing pangangailangan,” pahayag ni Darlita Areglado, isang magulang.

“Ang tunay na sukatan na paglago ng ekonomiya ay dapat nararamdaman ng mga ordinaryong manggagawa,” saad ni Gladys Bello, magulang na isang Comprehenyo.

Sa patuloy na paglaganap ng batang paggawa sa Borongan, lumabas sa isang sarbey ng Ang Sinag ang kakayahan ng mga Comprehenyo na pagsabayin ang pag-aaral at pagtratrabaho. Kita Kalayaan Karanasan

ikinokonsidera ang pag tratrabaho habang nag-aaral kayang pagsabayin ang pagtratrabaho at pag-aaral

Tatlong Dahilan ng Pagtratrabaho

hanggang 1,000 pesos bawat araw. Nagsimula lang siya nitong nakaraang Pasko.

“Baon ko po at minsan ibinibigay ko kina nanay para mayroon silang gamitin sa bahay,” ani Daniel sa kung saan napupunta ang kinikita niyang pera.

Ayon sa ilang tindera na nakausap ng Ang Sinag, marami sa mga batang ito ay nagtatrabaho sa mga pamilihan at agrikultura

Tatlong Dahilan ng Hindi Pagtratrabaho

Dagdag Pagod Kawalan ng Oportundad Kawalan ng Oras

Suporta ng mga magulang sa edukasyon, kapos para sa mga batang manggagawa ni Hazel Hilaria

Aminado ang mga magulang ng mga batang manggagawa ng Borongan na hindi nila kayang lubos na masuportahan ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Si Josephine Alcido, isang 43-anyos na mangingisda sa Lungsod ng Borongan, ay isa sa mga magulang na pilit inaabot ang mga pangarap para sa kanyang mga anak. Kasama ang kanyang panganay na si Daniel, 16, sumusuong siya sa malansang merkado sa pag-asang makabenta na magbibigay ng pangtustos sa kanilang pangangailangan.

“Pero paano ko siya mapapaaral kung pati ang kanyang mga kamay ay ginagamit sa trabaho upang tugunan ang aming nga pangangailangan? Ang hirap ng ganitong sitwasyon,” sabi niya. Para kay Josephine, ang trabaho ng kanyang anak ay isang paraan ng pagtulong, ngunit hindi ito kailanman magiging kapalit ng edukasyon.

“Sana makapagtapos siya, pero alam ko na kailangan ko siyang matulungan. Wala kaming ibang pagkakakitaan,” saad niya. Kaugnay nito, si Donald Amboy, 57, ay isang manggagawa sa koprahan. Kasama ang kanyang bunso na si Russel, 17, ay tumutulong sa pagbubuhat ng mga kopra tuwing umaga.

“Sabi ko sa anak ko, gusto ko siyang maging nurse, pero paano siya magiging nurse kung kasama ko siya dito sa koprahan?” tanong ni Donald.

“Hindi ko gustong magtrabaho siya, pero anong magagawa ko? Mahirap ang buhay namin, hindi sapat ang kinikita ko para makapagaral sila,” panghihinayang niya. Nagpapatunay ang kalagayan nina Josephine at Donald sa patulpy

na pangunguna ng sektor ng agrikultura sa child labor mula pa noong 2023, batay sa International Labour Organization. Habang pinapanday ang kanilang kinabukasan sa bawat sakripisyo at hirap, hiling ang mga magulang ang suporta mula sa gobyerno at mga organisasyon upang matulungan silang makapagbigay ng mas magaan na buhay at edukasyon para sa kanilang mga anak.

“Dapat sana mayroong mga programa na tumutulong sa mga magulang na hindi kayang magbayad ng pamasahe _o mga gamit pang-eskwela,” ani Donald.

“Masakit para sa amin bilang magulang na makita ang mga anak namin na hindi makapag-aral ng buo,” dagdag pa niya.

SINAG SARBEY
ARAW SA KOPRAHAN. Lumalaban sa init ng araw ang batang katawan ng isang Boronganon sa pagbubuhat at pagtulong sa koprahan sa ilalim ng malupit na reyalidad ng child labor. kuha ni JOHN DAVID BANTILES BALITANG SURI
SIKAP SA PANGARAP.
Sa harap ng nagbabaga at malingasaw na amoy ng kopra, tinitiis ni Mang Donald ang pagtratrabaho dahil ito ang bumubuhay at nagbibigay ng pantustos sa kaniyang buong pamilya sa arawaraw. kuha ni HAZEL HILARIA

Dukwag Agrikultura, pinasisigla ang pagsasaka, pangingisda sa Borongan

Patuloy na lumalago ang epekto ng Dukwag Agrikultura sa Lungsod ng Borongan, isang programang pinalalakas ang sektor ng agrikultura at tinulungan ang mga magsasaka at mangingisda.

Mula nang ilunsad noong 2021, nagbukas ng mga bagong oportunidad ang programang ito sa mga magsasaka, mangingisda, at mga nag-aalaga ng hayop sa buong lungsod.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa City Agriculturist’s Office, umabot na sa 1,254 ang mga benepisyaryo ng Dukwag Agrikultura hanggang sa huling kwarter ng 2024—isang dobleng bilang kumpara sa 641 na benepisyaryo noong Disyembre 2023. Isinasagawa ang Dukwag Agrikultura upang matulungan ang mga lokal na magsasaka at mangingisda na magkaroon ng kapital na walang interes at kolateral. Sa pamamagitan ng programang ito, marami sa mga benepisyaryo ang nakakaranas ng makulay na pagbabago sa kanilang kabuhayan.

Si Daniel Bacuetes, 55, at ang kaniyang asawa na si Vilma Bacuetes, 50, mula sa Brgy. Taboc, ay mga bagong benepisyaryo ng Dukwag Agrikultura. Nagtatanim sila ng ampalaya at nakikinabang mula sa mga tulong pinansyal na ipinagkaloob ng programa.

Malaking tulong na daan [ang Dukwag Agrikultura] upang mapalawak ang aming kabuhayan at nakakapag negosyo pa kami.

Daniel Bacuetes benepisyaryo

“Unang-una, makakautang ka na walang tubo. Syempre malaking tulong na‘yan kumpara doon sa may tubo. Yung kita mo magiging pambayad lang ng utang imbis na mapunta sa’yo,” saad ni Daniel. Para naman kay Vilma, dahil sa tulong ng Dukwag Agrikultura, mas napabubuti ang kanilang buhay sa araw-araw.

“Ang masasabi ko sa programa ng Dukwag ay maraming salamat sa malaking tulong na daan upang mapalawak ang aming kabuhayan at nakakapag negosyo pa kami,” pagpapasalamat ni Vilma. Isa rin si Gerardo “Gerry” Bula na mula naman sa Brgy. Tabunan sa mga benepisyaryo na nagpapalaki ng mga isda tulad ng bangus.

“Importante lang ‘wag masyadong mataas yung presyo, kasi yun naman ang layunin ng Dukwag Agrikultura. Yung ating

kumong tao makabili ng medyo mababa ang presyo,” saad ni Gerry na tinutulungan ng programa sa pagbebenta ng kaniyang mga produkto.

Kasama ang mga benepisyaryo tulad nina Daniel, Vilma, at Gerry, ang Dukwag Agrikultura ay patuloy na tumutulong upang alalayan ang mga lokal na magsasaka at mangingisda sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pag-angat ng kalagayan ng mga pamilya sa Borongan.

Sa tulong ng programang ito, patuloy na lumalago ang mga negosyo at kabuhayan sa buong lungsod na nagbibigaydaan sa isang mas maginhawang kinabukasan para sa bawat mamamayan.

Implasyon sa Rehiyon Otso, pinalala ng pinsala ng bagyo sa agrikultura

Patuloy na pinapasan ng mga mamamayan ng Silangang Visayas ang matinding epekto ng Bagyong Kristine na humagupit sa rehiyon nitong Oktubre 2024 na nagdulot ng paglobo ng implasyon sa Rehiyon Otso.

Habang ang bansa ay patuloy na bumabangon mula sa mga kalamidad, naharap ang mga residente sa rehiyon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na lalong nagpapabigat sa kanilang kalagayan.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 2.1% ang inflation rate ng rehiyon noong Oktubre 2024 mula sa 1.8% noong Setyembre 2024 kung saan itinuturong pangunahing sanhi ang pagkaantala sa produksiyon ng mga pangunahing produkto tulad ng bigas at gulay dulot ng bagyo.

Bunsod nito, tumaas ng 9.6% ang presyo ng bigas noong Oktubre 2024 mula sa 5.7% noong Setyembre 2024.

Dumagdag din sa pagtaas ng implasyon sa rehiyon ang malawakang

pagkasira hindi lamang sa mga sakahan kundi maging sa mga pangisdaan.

Pinsala sa Pangingisda Isa ang sektor ng pangingisda ang pinagkukunan ng kabuhayan ng rehiyon na tinamaan ng matinding dagok ng bagyo, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ayon sa ulat ng BFAR, nagdulot ang Bagyong Kristine ng Php16 milyon na pinsala sa industriya ng pangingisda sa rehiyon na may kabuuang pinsala na umaabot sa Php27.7 milyon sa buong bansa.

Nawasak ang mahigit 55 ektaryang fishponds, 11 fish pens, at 365 ektaryang seaweed farms sa mga lalawigan ng Leyte, Samar, at Northern Samar.

LAMBAT NG PAGSISIKAP. Umabot sa 476,330 ang mga batang manggagawa sa sektor ng agrikultura para sa 2023 kabilang sakanila ang mga batang nagtratrabaho sa pangingisda kuha ni ANDREW ACLAO

kontribyutor sa mataas na bilang ng batang paggawa

ni Akira Afable

Pumalo muli ang sektor ng agrikultura bilang may isa sa pinakamalaking bilang ng batang paggawa sa bansa, batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority nitong Nobyembre 20, 2024.

Sa inilabas na ulat, 43.7 porsyento ng tinatayang 1.09 milyong kaso ng batang paggawa ay mula sa agrikultura noong 2023, mas mataas kumpara sa 43.2 porsyento ng 1.48 milyon na kaso noong 2022 ngunit mas mababa sa 45.7 porsyento ng 1.37 milyong bilang noong 2021.

Naitala naman ang 50.0 porsiyento ng batang paggawa sa sektor ng serbisyo at 6.3 porsiyento sa sektor industriya para sa parehong taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga batang manggagawa ay mga may edad 15 hanggang 17 taong gulang na nakikilahok sa mga gawaing pangekonomiya. Kabilang dito ang pagtatrabaho, pagnenegosyo, o pagtulong sa sakahan o negosyo ng pamilya nang hindi bababa sa isang oras sa loob ng isang linggo bago ang survey.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Federation of Free Workers (FFW)

President Jose Sonny G. Matula ang papel ng pamahalaan sa pagtugon sa nasabing isyu.

“Mahalaga rin na magbigay ng disenteng trabaho at sapat na sahod sa mga manggagawa upang hindi mapilitan ang kanilang mga anak o mas batang kapatid na magtrabaho dahil sa kalagayan,” ani Matula sa isang mensahe sa Viber. Sa kabila ng mga umiiral na hakbang tulad ng Republic Act No. 9231, ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, ipinaliwanag ni G. Benjamin B. Velasco na nananatiling hamon ang pagpapatupad nito.

“Gaya ng patuloy na sinabi ng mga pag-aaral, ang pagpapatupad ng mga mabubuting batas ang pangunahing hamon sa Pilipinas. Mahina ang ating estado at mababaw ang kapasidad na manghuli at magparusa sa mga lumalabag,” aniya.

Umakyat ng kabuuang

P27.7 milyon ang naging pinsala dulot ng Tropical Storm Kristine sa bansa, kasama na sa mga nagtamo ng pagkasira ang Silangang Visayas

BFAR Regional Office VIII

ILO, Canada, kabalikat ng Pinas sa pagsugpo ng pagtratrabaho sa murang edad

ni Christine Ladiao

Nagkaisa ang International Labour Organization (ILO) at Gobyerno ng Canada upang labanan ang mga kaso ng pagtratrabaho sa murang edad sa Pilipinas sa ilalim ng bagong proyektong Strengthening Freedom of Association and Action Against Child Labour in the Philippines.

Isinusulong ng proyekto na palakasin ang pagpapatupad ng mga pandaigdigang pamantayan sa paggawa simula nang ilunsad ito noong Agosto 6, 2024 sa Lungsod ng Quezon.

Sa tulong nito, masisiguro ng Pilipinas na nasa paaralan at hindi pagawaan ang mga batang Pilipino. Tatagal ang nasabing proyekto ng limang taon at pinondohan ito ng $854,657,600 mula sa Labour Program ng Employment and Social Development Canada (ESDC).

“We need a breakthrough to address child labour and rights at work. Freedom of association including the rights of workers and employers to effectively organize and bargain, as well as the effective abolition of child labour are fundamental rights. This project is crucial to improving their conditions and building a future with social justice for all,” pahayag ni Khalid Hassan, Director ng ILO Country Office ng Pilipinas.

Sinusugan ng proyekto ang mga rekomendasyon mula sa High-Level Tripartite

Mission (HLTM) ng ILO, kabilang ang pagtatag ng isang Presidential Commission at mga pagbabago sa mga batas upang mapadali ang pagbuo ng mga unyon at ang mga karapatan ng mga manggagawa na magsagawa ng sama-samang pakikipagkasundo at legal na pagwewelga.

“Canada sets the bar on workers’ rights around the world. Supporting our trading partners to strengthen workers’ rights is how we make sure those rights are upheld everywhere, so every worker has a workplace that is fair, safe, and equitable,” pahayag ni Steven MacKinnon, Minister of Labor and Seniors ng Canada.

Sa kasalukuyan, habang patuloy ang mga pagsubok at hamon, handang magbigay ng teknikal na tulong ang ILO upang suportahan ang Pilipinas sa pamamagitan ng karagdagang pakikipagtalastasan at paghahanap ng mga solusyon para sa mga problema ng child labor at mga karapatan sa paggawa.

ni John David Bantiles
REHIYONAL
NASYONAL INTERNASYONAL
PASANG PRESYO. Isa sa mga apektado ng implasyon ang Lungsod ng Borongan dahil sa sunod-sunod na pamiminsala ng nga bagyo. kuha ni JOHN DAVID BANTILES

DEKALIDAD NA PUNDASYON

Sa ilalim ng liderato ni Kalihim Sonny Angara, isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon ang Public-Private Partnerships (PPP) upang matugunan ang napakalaking kakulangan sa silid-aralan sa bansa. Ayon sa Kagawaran, umaabot sa 165,000 ang classroom backlog—isang bangungot para sa isang bansang nangangarap ng dekalidad na edukasyon.

Sa unang yugto ng PPP School Infrastructure Project (PSIP 3), target na maitayo ang 15,000 silid-aralan pagsapit ng 2027, na may pondong nasa P37.5 bilyon hanggang P60 bilyon. Gayunpaman, nangangailangan ng pangkalahatang solusyon dahil bukod sa kakulangan, may mga hamon pa tulad ng sirang klasrum at digitalisasyon sa pag-aaral. Bukod sa pisikal na imprastruktura, tinutugunan din ng DepEd ang pangangailangan sa digital infrastructure upang

solarisasyon ng mga paaralan upang matiyak na kahit ang mga malalayong paaralan ay may akses sa dekalidad na edukasyon. Kasama rito ang pagbibigay ng Low Earth Orbit (LEO) satellite internet connectivity para sa mga paaralang walang internet at mga tablet para sa mga estudyante at laptop para sa mga guro. Ang ganitong digital na pag-unlad ay makapagpapabilis ng pagtuturo at pagkatuto, lalo na sa mga lugar na matagal nang napagkakaitan ng teknolohikal na pag-unlad.

kabundukan, isla, o malalayong baryo—ay mas matinding naaapektuhan ng kawalan ng maayos na silid-aralan. Sa layuning tugunan ito, inilunsad ang Last Mile Schools (LMS) Program, isang inisyatibong naglalayong dalhin hindi lamang mga silid-aralan kundi pati makabagong kagamitan sa pinakamalalayong sulok ng bansa. Kaugnay nito, binigyang-diin ni Angara na “priority ni President Marcos ang pagtulong sa mga last mile schools na nasa bundok

ang mga suliraning ito. Sa pamamagitan ng PPP, nagkakaroon ng mas malawakang suporta mula sa pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sapagkat sa huli, ang isang dekalidad na paaralan ang nagsisilbing pundasyon ng isang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

Ang

Sinag PAMATNUGUTAN

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXIX Bilang I Hulyo 2024 - Pebrero 2025

REIGN KIEZHER ABOY Punong Patnugot

CHAD BANALDIA Pangalawang Patnugot

MIRA ANGEILA CAPITO

RAIVEN ROSE AMOYO Tagapamahalang Patnugot

JOHN DAVID BANTILES

JESSA VALERIE HORCA Patnugot sa Balita

LORAINE KIM ABOBO Patnugot sa Lathalain

ALYANNA KRIZZIA KAYE DOCENA Patnugot sa Opinyon

CHRISTIAN GABRIEL COUSIN Patnugot sa Agham at Teknolohiya

MARK VINCE LORD OWEN ARABA Patnugot sa Isports

STEPHEN GERALD CALVADORES Patnugot sa Dibuho

LLORIS ANIKA TY ANGELA SOPHIA YARAS Patnugot sa Larawan

EUGENIO MALINAO IV Patnugot sa Pag-aanyo at Sining

EARL JOSEPH CATALO Patnugot sa Onlayn

MGA KONTRIBYUTOR NG ARTIKULO AT LARAWAN

Ang isang dekalidad na paaralan ang nagsisilbing pundasyon ng isang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Pilipino.

Tayong mga mag-aaral at ang sektor ng edukasyon ang isa sa mga direktang apektado ng resulta ng halalan. Ngayong nalalapit na muli ang Eleksiyon 2025, nakasalalay sa mga polisiya at programang isusulong ng mga lider na ihahalal ng taumbayan ang kalidad ng edukasyon ng ating bayan, kaya naman nararapat na gamitin natin ang ating boto bilang instrumento ng pagbabago.

Marami sa mga kabataan ngayon ay magiging first-time voters mula sa kabuuang 68.6 milyong rehistradong botante sa Comelec kaya naman nararapat na magkaroon tayo ng malinaw na pangunawa sa kahalagahan ng ating boto na siyang isang hakbang upang masigurong ang lider na ating mapipili ay tunay na may malasakit sa mga kabataan at edukasyon. Ayon sa datos mula sa Comelec noong nakaraang halalan, 56% ng electorate ay mula sa hanay ng kabataan. Malaking porsiyento ito ng mga botante kaya naman kung malinaw at iisa ang ating mithiin, tiyak na magiging pundasyon ito ng isang maayos ng gobyerno. Isang tungkulin ang pagboto kaya naman mahalagang matuto tayong maging mapanuri. Dapat alamin natin ang plataporma ng bawat kandidato at kung paano ito tutugon sa pangangailangan ng taong bayan lalong lalo na sa sektor ng edukasyon. Makatutulong din ang pagbibigay ng boses sa social media o sa mga diskusyon ukol sa eleksyon upang maipalaganap ang kamalayan sa kahalagahan ng pagpili ng tamang lider. Edukasyon ang pundasyon ng kaunlaran at isa itong mahalagang aspeto ng lipunan kaya naman nararapat lamang na pusuan ang may kongkretong plano sa pagpapabuti ng kalagayan at kalidad ng pagkatuto ng mga kabataan sa ating bayan. Bilang isang mag-aaral, naniniwala akong ang boses ng kabataan ay tunay na makapangyarihan. Hindi lamang natatapos ang ating papel tuwing halalan sa pagboto dahil maaari rin tayong maging inspirasyon at magmulat ng iba pang mga botante tungkol sa kahalagahan ng kanilang desisyon.

Ngayong Eleksiyon 2025, magsilbi tayong boses para sa progreso at pagbabago. Isulong natin ang tamang pagpapasya para sa kalidad na edukasyon at magandang kinabukasan ng ating bayan.

8/10

9/10

rehistradong botanteng Comprehenyo ang mataas ang kagustuhan na lumahok sa Halalan 2025

Comprehenyo ang naniniwalang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga bagong botante sa halalan

Akira Afable, Rosh Hashana Latoja, Julius Yexel Lorenzana, Christine Ladiao, Adrian Gabriel Carvajal, Angel Rose

Amoyo, Andrea Obina, Khent Rhey Jhon Tanudra, Florenz

Marcel Encinas, Arriana Lapada, Reniel Natalie Balanon, Ernst Von Jardio, Joselle Kirsti Marie Tiu, Princesz Eula

Andriae Aserios, Rhett Brandon Bernas, Delmar Chauncey

Duane Araba, Hazel Hilaria, Ghislaine Diolola, Angela

Sophia Yaras, Sophia Denise Franco

MENESES, PhD Punong-guro

TALA NG PATNUGOT Ang mga opinyon at pananaw na ipinapahayag ng pamatnugutan ng

“Ang Sinag” ay hindi sumasalamin sa opinyon at pananaw ng pamunuan ng Eastern Samar National Comprehensive High School. Ang lahat ng nilalaman na ibinahagi ng manunulat ay kanilang opinyon at hindi nito intensiyong ilagay sa masamang posisyon ang anumang organisasyon, pangkat, samahan, indibidwal o kahit ano pa man.

TUNGUHIN NG PAHAYAGAN Ang pampaaralang pahayagang “Ang Sinag” ay naglalayong isulong ang malayang pamamahayag ng mga kabataan sa paaralan, komunidad, at lipunang kinabibilangan nito. Itinataguyod ng pahayagan ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon at masusing opinyon sa mga pangyayari at usaping kinakaharap ng mga mag-aaral.

SINAG SARBEY
guhit ni GHISLAINE DIOLOLA

MALAYANG ISIP

Balakid sa pag-asa ng bayan

Isang prinsipyong hindi pa dapat niyayakap ng mga kabataan, lalo na ng nasa edad lima pataas ang kasabihang “Kung walang tiyaga, walang nilaga” na nangangahulugang kinakailangan nilang kumayod at sa murang edad edad magbanat ng buto sa mga gawaing maski ang mga nakatatanda ay nahihirapan, para lamang mabigyan ng solusyon ang kagutuman.

Sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng Lungsod ng Borongan, hindi pa rin gumagaan ang suliranin sa ilegal na pagtratrabaho ng mga kabataang wala pa sa wastong edad. Itinuturing itong ilegal dahil linalabag nito ang batas na nagpoprotekta sa mga menor de edad o ang Republic Act No. 9231 na nagbabawal sa mga batang wala pang labing-walo upang lumahok sa kahit na anong uri ng hanapbuhay, alang-alang sa kapahamakang taglay nito. Isa pa, dapat na kinikilala na makapag-aral at pangalagaan ng kanilang edad. Bukod pa riyan, madaling maapektuhan ng pisikal na pinsala ang kanilang papalago pa lamang na katawan at kakulangan ng karanasan. Maaari rin magkaroon ng pangmatagalang epekto sa kanilang kalusugan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na materyales, malalakas na ingay, at iba pang mga panganib sa lugar ng trabaho. Malinaw na nagdaragdag ng panganib sa pisikal, emosyonal, at

sekswal na pang-aabuso.

Ayon sa Department of Education (DepEd) taong 2020, 44% ng mga batang biktima ng child labor ang tumigil na sa kanilang pag-aaral. 75% naman sa kanila ang nakaranas ng sakit at mga pinsalang natamo sa trabaho, nasa 60% naman ang nakaranas ng pagkabalisa, depresyon, at stress ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Samantala sa kasalukuyan, tinatayang 1.09 milyon ang bilang ng mga nagtratrabahong bata na may edad na 5-17, na bumaba ng 383,000 mula 2022. Ang proporsyon ng mga nagtratrabahong bata sa populasyon ng mga batang may edad na 5-17 ay 3.5% taong 2023, mula sa 4.7% taong 2022. Kahirapan ang pangunahing dahilan na nagtutulak sa mga kabataan na magtrabaho sa

planong pagpapamilya na walang kakayahan at sapat na kaalaman sa edukasyon, batas at polisiya at sa mga nakaabang na panganib. Isa itong paulit-ulit na daloy ng kahirapan sa bawat pamilya. Isang masaklap na katotohanang umiikot sa mga pamilyang sagad sa pinansyal na pangangailangan na nagreresulta sa maagang pagtratrabaho ng mga kabataan upang mapunan ang gutom. Ngunit napagtanto ko, kung mas pinapalakas ang pundasyon ng edukasyon upang maabot nito ang mga komunidad na malayo sa paaralan o mga imprastruktura, magkakaroon ng kakayahang matuto ang mga kabataan nang magkaroon sila ng ideya sa sitwasyong kanilang kinalalagyan. Kung mas pinag-iigting ang mga polisiya at sinusunod ito ng lahat ng mga kumpanya at korporasyon, maging ng mga magulang at

at garantisadong mabigyan ng edukasyon ang mga kabataang ito, tiyak na matutuldukan na ang pagdaloy ng suliraning ito sa bawat henerasyon. Hindi lamang isang solusyon ang edukasyon, isa itong karapatan na dapat tinatamasa ng walang pag-aalinlangan.Naniniwala akong sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, epektibong maitataas ang kamalayan sa child labor at sa pagtataguyod ng karapatan ng mga bata. Isulong ang karapatang pantao ng mga kabataan. Mula sa gobyerno, hanggang sa samasamang pagkakawang-gawa. Sa pamamagitan nito, masisiguro nating na mayroong pag-asa para sa ating bansa. Tayo lamang ang makapagbibigay ng pag-asa at progreso sa ating bansa at magsisimula ito sa paghuhulma ng mga kabataang sagana sa proteksiyon at pangangalaga.

Sa mga nakalipas na taon, humaharap ang Pilipinas sa mga krisis partikular ang edukasyon, kabilang na ang Sangay ng Lungsod ng Borongan. Kung kaya’t, sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ipinakilala ang bagong kurikulum upang bigyang solusyon ang suliraning ito— ang MATATAG Kurikulum.

Pormal na inimplementa ang unang taon sa pagpapatupad ng MATATAG Kurikulum ngayong panuruang taon 2024-2025. Ito ay nilagdaan ng huling sekretarya ng kagawaran na si Bise Presidente Sara Duterte at epektibo itong sinimulan noong ika 29 ng Hulyo, 2024. Ang ganitong hakbang ay magsisilbing daan sa mga balakid na nagpapahirap sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ayon sa DepEd, pinagtutuunan ng pansin ang kasanayan ng mga estudyante lalong-lalo na sa larangan ng agham, matematika, kalusugan, at edukasyong pagpapahalaga. Babawasan ang kasanayang pampagkatuto sa mga asignatura at ilalapat ang ilan sa ibang asignatura upang mapadali ang pag-aaral ng bawat kabataan.

1.09M 2023

1.48M

INANG OPINYON

Base sa ipinakitang datos ng World Bank, umabot sa 91% ang mga bata sa edad na 10 taong gulang ang bahagya lamang makapagbasa ng isang simpleng pangungusap. Isa itong dahilan kung bakit pinagtutuunan ng pansin ng DepEd ang kalidad na pag-aaral ng lahat.

Binibigyang-halaga at solusyon ng DepEd ang bawat aralin sa klase upang hasain at mabilis na matuto ang mga mag-aaral. Ang mga suliranin sa edukasyon ay siyang nagpapahina sa pagunlad ng mga batang Pilipino kaya kinakailangan ng agarang aksyon sa tulong ng gobyerno upang agad itong masolusyonan.

Sa kabila ng mga pagbabago na ginawa ng Kagawaran ng Edukasyon ay mayroon pa ring mga lubak na nagpapabagal sa larangan ng pagkatuto. Nahihirapan ang ilang mga estudyante na makaangkop sa bagong kurikulum na ito at ang hindi sapat na natatanggap na tulong galing sa pamahalaan ay siya ring malaking dahilan na nakakaapekto sa bagong paraan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang ganitong uri ng paraan ay isang malaking hakbang, nang sa gayon, unti-unting masolusyonan ang krisis sa sektor ng edukasyon. Ito ang magsisilbing ilaw sa malubak na daan para sa mga batang Pilipino tungo sa kaunlaran ng pagkatuto. Tayong mga mag-aaral ay may malaking papel sa makabagong inilunsad ng kurikulum na ito. Tayo’y magkaisa dahil kailanman, walang makapipigil sa nagkakapit-bisig na lipunan. Ating pahalagahan ang bagong reporma, nang sa gayon ay masiguro natin ang puno ng mga matatalinong mag-aaral at kaunlarang ng bansa sa pamamagitan ng MATATAG Kurikulum.

Adrian Gabriel Carvajal 16, ay isang mag-aaral mula sa 10-Rizal. Bilang isang Comprehenyo, naniniwala siyang gampanin ng kabataan ang pakikiisa na mapatibay ang kamalayang panlipunan ng bawat Pilipino.

***

Ang “Boses Comprehenyo” ay nakalaan para sa mga mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School. Ibinibigay ang espasyong ito para maiparating ng mga Comprehenyo ang kanilang boses tungkol sa buhay, pag-aaral, pangarap, pag-ibig, at maging ang lahat ng kasalungat ng mga ito. Sa kolum na ito, malayang naipapahayag at napapakinggan ang mga kuwento ng mga kabataan sa kasalakuyan.

Madalas na pinupuntirya ng iba’t ibang kalamidad ang Lungsod ng Borongan sa probinsiya ng Eastern Samar dahil sa relatibong lokasyon nito. Ngunit sa dinami-rami ng sakunang kinakaharap natin—sunod-sunod na paghagupit ng mga bagyo at pagtama ng mga lindol, bakit hanggang ngayon ang alam lang nating tugon sa kalamidad ay ang pamimigay ng sardinas, noodles at kakarampot na bigas?

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may inaasahang 20 na bagyo ang pumapasok o namumuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) taon-taon at dalawa o tatlo ay sa kabisayaan nagla-landfall. Ayon sa PHIVOLCS, halos 20 na lindol ang nararanasan ng Pilipinas araw-araw na nagreresulta sa halos 7,000 na lindol kada taon. Napapatibay lamang ng mga numerong ito ang pandaigdigang ulat ng World Risk Index. Ayon sa kanilang pagtatala, Pilipinas pa rin ang itinuturing na pinakamapanganib na bansa sa sunod-sunod na tatlong taon. Ang pagtatasang ito ay upang tukuyin ang pagkalantad sa mga kalamidad, suliranin sa populasyon, kakayahang makaahon at matugunan ang kinakailangan ng bansa upang makausad sa pagkalugmok. Idagdag pa sa mga isyung ito

ang mentalidad ng mga Pilipino na ang paghihirap na dinaranas ng bansa ay isang patunay lamang sa katatagan at kakayahan na makaahon mula sa kalamidad. Kahit inuulan na ng mga krisis, lumolobo na ang bilang ng mga kapahamakan, nagagawa pa rin nating ngumiti at tawagin itong “kalakasan ng diwang Pilipino” na para bang sasapat na ito upang labanan ang lahat ng pagsubok.

Batid kong ang layunin ng pahayag na ito ay purihin ang katatagan ni Juan, ngunit tila natatabunan lamang nito ang totoong isyu—ang kakulangan sa pagaksyon at pagtugon ng gobyerno. Ang gobyerno na siyang dapat na inihahanda at tinutulungan ang mga nasasakupan nito ay nagpapasakop na lamang sa kaisipang tanggapin ang kahirapan. Walang bansa ang hindi nakararanas ng kalamidad, ang

pinagkaiba lamang nila sa Pilipinas ay ang antas ng kahandaaan, matatag na implementasyon ng mga proyekto, at ang maayos na pamamahala sa pondo. Ayon sa pinakabagong ulat ng Oxfam Pilipinas, 70% ng kabuuang pondo ng bansa na nakatuon sa pagbabawas ng mga epekto ng mga kalamidad at sakuna ay halos hindi nagalaw. Kung kaya’t hindi na nakapagtataka na sa panahon ng kalamidad ay nangangapa ang ating mga kababayan. Higit sa pagtitiis sa isang krisis ang tunay na katatagan. Walang mali sa pamimigay ng tulong sa mga nasalanta, ngunit sa halip na tumugon lamang kapag lumalala na ang problema, dapat nating pagaralan ang mga sanhi at bumuo ng mga estratehiya upang maiwasan o mabawasan ang mga epektong naidudulot ng mga kalamidad. Sa ganitong paraan, hindi na

lamang sa ayuda o ano pa mang pansamantalang lunas ang ating magiging tugon, kundi sa isang pangmatagalang solusyon.

ni Mira Angeila Capito
ni Raiven Rose Amoyo

EDUKLUSIBONG PANGARAP

Sa isinagawang sarbey ng Ang Sinag patungkol sa inklusibidad sa loob ng kampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School, lumabas na 8 sa 10 mag-aaral ang nakikitang pinahahalagahan ng paaralan ang inklusibong edukasyon para sa lahat. Katuwang ng pamayanan ang Compre sa pagsulong ng inklusibidad sa edukasyon lalo na para sa mga mag-aaral na dating Persons Deprived of Liberty (PDL).

Isa sa mga ipinagmamalaking programa ng paaralan ang Alternative Learning System o ALS na siyang nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa mga magaaral. Nabibigyang pag-asa nito ang mga mamamayan na maipagpatuloy at tuluyang makamit ang kanilang mga ninanais sa buhay. Nabibigyan din sila ng pangalawang pagkakataong patunayan ang kanilang sarili, maabot ang kanilang potensyal, at maipakita ang kanilang kayang maiambag sa lipunan. Gayunpaman, nananatili pa ring malaking hamon para sa pagsulong ng inklusibong edukasyon ang kakulangan ng mga silid-aralan at kawalan ng sapat na pondo. Kinahaharap din ng mga magaaral sa ilalim ng programang ALS ang diskriminasyon. Ngunit sa kabila nito, isa sa mga kahanga-hangang katangian ng Compre ay ang pananatili nitong matatag upang maipagpatuloy nito ang pangunahing layuning dugtungan ang mga naudlot na pangarap ng ilang mga mag-aaral. Hindi lamang para sa mga PDL ang isinusulong na pantay na edukasyon ng Compre kung hindi maging sa mga mag-aaral na miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ at mga Person With Disability o PWD na kalimitang biktima ng diskriminasyon. Sa pamamagitan ng pantay na edukasyon para sa lahat natututo ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataang yakapin

ang pagkakaiba ng bawat indibidwal sa isang lipunan na siyang pundasyon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa. Higit kailanman, kinakailangan ng bawat paaralan–mapapubliko o pribado– ng sapat na suporta at sama-samang pagtutulungan ng bawat magulang, guro, mag-aaral, at lalo na ng pamahalaan upang mas lalo pang mapalawak at maipagpatuloy ang pagsulong ng mga

guhit ni GHISLAINE DIOLOLA

guhit ni STEPHEN GERALD CALVADORES kulay ni GHISLAINE DIOLOLA

KALULUWA NG DIWA

Para

sa kinabukasan ni Juan

Malasakit at pagbabayanihan para sa ikauunlad ng pagkatuto ng mga kabataan ang namamayani sa puso ng bawat magaaral, guro, at mga magulang sa Eastern Samar National Comprehensive High School. Sa kabila ng mga hamon sa kakulangan ng mga kagamitang pampagkatuto, malaki ang naitutulong ng mga boluntaryong ambagan upang matiyak ang mas maayos at epektibong pag-aaral para sa lahat.

magulang, na nagtutulungan upang masiguro ang maginhawang pag-aaral para sa lahat.

DAGITAB NG ISIP

Exodus ng mga Pilipinong guro

Nagbibigay-daan ang mga nalilikom na pondo sa pagbili ng mga projectors, telebisyon, pagsasaayos ng mga sirang upuan at pisara na siyang madalas na iniindang problema naming mga magaaral. Naisasakatuparan din ang mga programa at proyektong mahalaga sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon. Gayunpaman, mahalagang tandaan ng bawat institusyon na dapat manatiling boluntaryo at hindi sapilitan ang mga ambagan. Kinakailangan itong

Bayaning guro sa ibang bansa

isagawa ng patas nang walang sinuman ang maging biktima ng diskriminasyon. Mahalaga ang ganitong sistema upang mapanatili ang layunin nitong maging simbolo ng pagkakaisa at malasakit. Nararapat ding huwag lamang hayaan ng pamahalaang mas tumambak pa ang suliraning kinahaharap ng Sektor ng Edukasyon dahil responsibilidad nilang tugunan ito. Malaki ang pasasalamat ko sa mga mabubuting pusong bulontaryong nagbibigay para

sa ikabubuti ng aming pag-aaral ngunit hindi dapat natin iasa lamang sa ambagan ang mga butas na kailangang tapalan. Isang patunay ng dedikasyon ng mga mamamayan sa pagsulong ng kalidad na edukasyon ang mga boluntaryong ambagan. Ngunit, higit ding kinakailangan ang matibay ng suporta mula sa pamahalaan dahil sila ang may mas malaking responsibilidad sa pagtaguyod ng magandang kinabukasan para sa lahat ng kabataan.

sa mga numero

1,500

Nakakabahala ang balitang patuloy na paglisan ng ilang mga guro ng Eastern Samar National Comprehensive High School patungo sa ibang bansa. Sa bawat guro na umaalis, parang may nawawalang ilaw sa ating mga silid-aralan. Hindi ko maitanggi ang ugat ng kanilang desisyon—isang pagpipilian—sa pagitan ng kaginhawahan ng kanilang pamilya at misyon nilang magturo sa ating bayan.

Kabilang sa kanila ang mga dating guro ng Compre na sina

Eva Bagares at Fernando Buna Jr. na kasalukuyang naninirahan sa Estados Unidos kung saan sila ay namamayagpag bilang mga guro. Para sa akin, ang ganitong pangingibang-bansa ay repleksiyon ng kawalang-aksiyon ng ating gobyerno upang tugunan ang matagal nang hinaing ng mga guro. Sino ba naman ang manantili sa trabaho kung ang sahod ay hindi sapat para sa pang-araw-araw na pangangailangan?

Kung ang isang guro sa Pilipinas ay sumasahod lamang ng tinatayang 14,000 pesos sa mga pribadong paaralan at 27,000 pesos naman sa mga nagtuturo sa mga pampublikong paaralan kada buwan, ang parehong propesyon ay nag-aalok ng 4,000 hanggang

8,000 dolyar kada buwan sa US. Kaya’t natural lamang na piliin nila ang mas makabubuti para sa kanilang pamilya. Sa palagay ko, hindi lamang sahod ang usapin dito. Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay tila isang barkong unti-unting lumulubog—kulang ang suporta, mabigat ang trabaho, at walang katiyakan ang hinaharap. Kung patuloy nating pababayaan ang ating mga guro, paano natin aasahan ang dekalidad na edukasyon para sa ating kabataan? Bilang mag-aaral, nararamdaman ko ang epekto ng kakulangan ng mga guro, lalo na sa mga asignaturang Matematika at Agham. Paano natin mapapalakas ang Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM) sa Pilipinas kung ang

pinakamahuhusay nating mga guro ay nasa ibang bansa na? Sa bawat klase na nawawalan ng bihasang guro, tayong mga estudyante ang direktang naaapektuhan. Hindi sapat ang mga pangakong ibinibigay ng gobyerno. Kailangan ng konkretong aksiyon tulad ng pagtaas ng sahod, pagbibigay ng mas maayos na benepisyo, at pagkakaroon ng malinaw na plano para sa karera ng mga guro. Bukod pa rito, dapat na rin nating isulong ang mga panukalang makatutulong sa pagpapanatili ng mga guro tulad ng mas mataas na plantilla positions at scholarship programs na hindi nagtatali sa kanila na mangibangbansa. Kinakailangan din ng kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang tumatanggap ng

ating mga guro. Ang panukalang magbigay ng training programs para sa limang lokal na guro kapalit ng isang gurong kukunin nila ay isang magandang ideya. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pangangailangan ng ibang bansa at ng kapakanan ng ating sariling sistema ng edukasyon. Bilang isang mag-aaral, naniniwala akong ang bawat guro ay bayani. Ngunit sa kasalukuyang sitwasyon, tila napipilitan silang maging bayani ng ibang bansa. Hindi pa huli ang lahat para baguhin ang takbo ng kwento. Ang tanong na lang ay kung kailan kikilos ang ating gobyerno upang pigilan ang tuluyang pagguho ng edukasyon sa Pilipinas.

sa Philippine Overseas Employment Administration

guhit ni GHISLAINE DIOLOLA

Mahal na Patnugot,

Matunog ngayon ang isyu tungkol sa napapadalas na mga riot ng kabataan o gang sa loob at labas ng kampus. Nakababahala na ilan sa mga kasapi nito ay nasa 14-anyos pataas.

Minsan ko nang nakita ang grupo ng mga kabataang ito sa labas ng ating paaralan. May mga bali-balita ring isang estudyante ang kanilang pinagtulungang bugbugin. May ilan ding mga gusali at pribadong establisyemento ang kanilang nilooban at binandalismo na siyang malaking suliranin ng mga may-ari nito.

Isang banta ito sa seguridad at kaligtasan naming mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan dahil hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na sangkot dito.

Nais kong malaman kung ano ba ang ginagawa ng ating paaralan tungkol sa mga isyung gaya nito. Nawa ay mas paigtingin ang pagbabantay sa loob at labas ng kampus upang masigurong ligtas kaming mga mag-aaral.

Sumasainyo, April Anos, 12 STEM-A

Mahal na mambabasa,

Ikinalulugod namin ang pagpaparating mo ng iyong hinaing patungkol sa napapanahong isyung ito sa ating paaralan. Tunay ngang nakaaalarma ang mga ginawa ng grupo ng mga kabataang ito.

Malaking suliranin sa kaligtasan hindi lamang ng mga mag-aaral kung hindi maging ng mga guro at residente ang mga riot ng mga gang lalo na at ang mga kasapi nito ay mga kabataan. Maraming mga indibidwal na rin ang nababahala dahil maging mga pribadong gusali ay pinupuntirya ng mga kabataang ito.

Bilang pagtugon ng ating paaralan, mas pinaigting ang seguridad sa loob ng kampus sa pamamagitan ng paglulunsad ng bagong id system gamit ang Radio Frequency Identification Circuit (RFIC) nitong Oktubre 4. Sa pamamagitan nito ay matutukoy kung kailan pumasok at lumabas ang mga mag-aaral na siya namang ipadadala sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng short message service (SMS).

Dahil dito ay mas hinigpitan din ang pagsusuot ng identification card at uniporme upang masigurong walang makapasok na mga gang at sibilyan sa ating paaralan.

Sumasainyo, Patnugot ng Ang Sinag

BAGONG ILAW

Pagtatapos ng kabanatang GAS

Mahirap mang tanggapin, opisyal nang idineklara ang pagtanggal ng General Academic Strand (GAS) sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

Ayon kay Angel Alegre, isang guro at miyembro ng GA faculty sa ESNCHS, aalisin na ang nasabing strand sa kadahilanang mababa ang bilang ng mga enrollees nito na ikinababahala naman ng tanggapang pang-rehiyon ng DepEd. Base sa tala ngayong panuruang taon 2024-2025, mayroon lamang 25 estudyanteng naka-enroll sa strand na ito.

Sa katunayan, itinigil na ang pagtanggap ng mga enrollee ng Baitang 11 sa nasabing strand. Bagkus, ang mga kasalukuyang magaaral ng Baitang 12-GA ang siyang magiging huling batch ng strand na ito at tuluyan na itong mawawala sa susunod na taong panuruan.

Gayunpaman, hindi tiyak para sa karamihan kung maibabalik pa ang GA strand sa ESNCHS ngunit mayroon namang alternatibong paraang nakahanda para rito. Ito ay ang pagbibigay ng pagkakataong makapili ang mga estudyante ng ibang strand na kanilang nais kunin at kung sakaling marami ang enrollees sa partikular na strand na iyon, maaaring magsagawa ang ating paaralan ng karagdagang seksyon para rito.

Bilang isang mag-aaral ng Senior High School, sadyang ako’y nabigla nang malaman ko ang panukalang pagpapawalang-bisa ng GA sa ating paaralan. Kung tutuusin, mahalaga ang akademikong strand na General Academic. Hindi lamang ito nagbibigay ng malawak na kaalaman sa iba’t ibang asignatura, ngunit nagtuturo rin ito ng mga mahahalagang kasanayan tulad ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri, at komunikasyon na kailangan sa anumang larangan ng buhay.

Isa pa, nagsisilbing pundasyon ito sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa kanilang tatahaking landas sa kolehiyo.

Ang strand na ito ay nakalaan para sa mga estudyanteng wala pang naiibigan na kurso. Sa pamamagitan ng pag-aalok ng malawak na hanay ng mga asignatura, tulad ng Matematika, Agham, Ingles, at Panlipunang Agham, nagbibigay-daan ito sa mga magaaral na tuklasin ang kanilang mga interes at talento, at magkaroon ng mas malalim na pagunawa sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral na siya namang magiging daan patungo sa pagpapasya sa kanilang nais na propesyon sa hinaharap.

Sa aking palagay, ang lahat naman ng mga bagay na nawawala ay may dahilan. Marahil para ito sa mas magandang kinabukasan ng sistema ng edukasyon sa ESNCHS. Kaya, para sa mga susunod na mag-eenroll ngayong Senior High School ng ESNCHS, pinaalalahanan ko kayo na maging mapanuri at magsagawa ng maingat na pagpapasya patungkol sa strand na inyong pipiliin.

Kabataang MATHalino

asignaturang matematika.

Kaya naman, malaki ang gagampanang papel ng NMP sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa partikular na sa asignaturang matematika na siyang pinakamahirap na asignatura para sa mga kabataang Pinoy. Mas pauunalarin nito ang mga pundasyong kaalaman sa matematika ng mga mag-aaral, pagdadagdag sa mga kagamitang pampagkatuto, at pagbibigay ng hanggang limang linggong pagsasanay para sa mga tagapagturo.

Sa patuloy na pagtahak ng edukasyon tungo sa landas ng pag-unlad at tagumpay, magiging gabay nito ang NMP upang tuluyan nitong maabot ang maayos na kalidad ng pagkatuto. Isang mainam na hakbang ang pagpapatupad ng NMP upang maisakatuparan ng bansa ang komprehensibong kalidad ng pagtuturo sa asignaturang matematika. Sa tulong na rin ng

maayos na pagpapatupad dito at pakikiisa ng mga mamamayan, pati na rin ang sapat na pondo galing sa pamahalaan, tiyak ng magbubunsod ito sa mas pinalawig pang sistema ng pagtuturo sa bansa. Malaki ang gampanin ng asignaturang matematika sa pangaraw-araw na pamumuhay natin kaya naman nararapat na mawaksi ang takot ng bawat kabataan sa pagaaral nito. Sa pamamagitan ng NMP matututo ang mga mag-aaral na mahalin ang asignaturang itinuturing nilang kaaway at maisusulong ang kabataang MATHatalino.

Lima sa bawat anim na mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive Highschool ang nagsasabing Matematika ang kanilang pinakaayaw na asignatura. Malaking hamon para sa mga Pilipinong mag-aaral ang pag-unawa at pagsagot sa mga basic math problems kaya naman hindi na nakapagtatakang kulelat tayo sa mga isinasagawang pandaigdigang student assessment. Hindi maipagkakailang isa ang matematika sa kinatatakutan naming mga mag-aaral. Sa inilabas na datos ng Organization for Economic Cooperation and Development nitong nakaraang taon, ang ating bansa ang may pinakamataas na antas ng naitalang Mathematics anxiety. Ilan sa mga nakikitang dahilan nito ay ang pagkakaroon ng masamang karanasan sa pagkatuto ng asignatura at ang pagtuturo nito na hindi naaayon sa antas ng kaaalaman at pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pag-arangkada ng MATATAG Kurikulum sa bagong taong panuruan, kalakip nito ang programang National Mathematics Programme o NMP na naglalayong pataasin ang iskor ng bansa sa mga International Assessment at pakawalan ang mga mag-aaral sa pagkakagapos sa tanikala ng kamangmangan. Nakatuon ang programa sa pagpapalawig pa sa kaalaman ng mga mag-aaral sa

Sa pagsisimula ng bagong taong panuruan ay siya

Cassie Yu – 11-STEM E

Talagang malaking bagay para sa aming mga mag-aaral ang pagkakaroon ng sapat na seguridad sa loob ng paaralan dahil mas nagiging epektibo ang aming pagkatuto. Nakakagaan din ng loob kapag may mga security guard na nakabantay at nakikita naming talagang may malasakit ang mga guro sa amin. Nararamdaman kong ligtas ako sa Compre, kaya naman mas nagiging madali at maayos ang aking pag-aaral.

Leander Afable – 12-STEM E

Bilang bahagi ng LGBTQ+ community, malaking bagay para sa akin ang pakiramdam na tanggap at ligtas ako sa loob ng paaralan. Kaya naman natutuwa ako dahil nararamdaman ko ang suporta at pantay na pagtingin sa lahat ng mga guro, staff, at kapuwa ko mag-aaral dito sa Compre.

Leah Dela Cruz – 11 COOKERY Isa sa mga dahilan kung bakit napili kong mag-aral sa Compre ay dahil sa seguridad na kaya nilang maibigay sa mga mag-aaral na kagaya ko. Bilang isang PWD o person with disability malaking pangamba talaga sa akin ang diskriminasyon na madalas naming maranasan, kaya masaya akong ligtas ako sa loob ng kampus dahil maalaga at mababait naman ang mga guro, staff, at mga security guard.

Sa patuloy na pagtahak ng edukasyon tungo sa landas ng pagunlad at tagumpay, magiging gabay nito ang NMP upang tuluyan nitong maabot ang maayos na kalidad ng pagkatuto.

sa isyung to.

I-scan ang QR code para sa pagpapadala ng mga komento at suhestiyon ukol sa mga opinyong nakapaloob
ni Andrea Obina
ni Khent Rhey Jhon Tanudra
SINAG PULSO
mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School ang dama ang kaligtasan at seguridad nila sa loob paaralan, malayo sa kapahamakan at kadelikaduhan
SINAG TANONG
Learning Information System

Ang Sinag

LATHALAIN

ISLA NG PAGTAGUYOD

Sa Lungsod ng Borongan, karugtong ng buhay ang dagat at sinasalamin nito ang pag-asa ng isang manggagawang mag-aaral, ang pagpapatuloy ng isang binatang Comprehenyo na dating humarap sa kamay ng batas, at ang pagkakabigkis ng mga henerasyong umusbong sa Isla ng Ando at sa labas nito.

Distansiya ng Pag-asa:

Ang Paglalayag ng Isang Manggagawang Mag-aaral sa Laot ng Edukasyon

Dinadala ng mapanghamong layo ng isla ang pag-asang inilalayag ang mga mithiin sa gitna ng pagtratrabaho at pag-aaral.

Sa maliit na isla ng Ando nakatira si Raycen Benitez, 20 taong gulang, isang mag-aaral sa Eastern Samar National Comprehensive High School sa Baitang 12 ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Strand. Isa siya sa mga mag-aaral na araw-araw tinatawid ang isla sa kabila ng mabangis na mga alon patungo sa lungsod ng kaniyang paaralan.

Ang Pagsuong

Isang payak na kubo ang tahanan nina Raycen kasama ang kaniyang mga magulang at dalawang kapatid. Pinagkakasya nila ang kanilang tulugan, kusina, at kainan sa kanilang munting tirahan na puno ng pagmamahal at pangarap.

Walang sariling kuryente ang kanilang bahay, kaya isa ito sa mga hadlang na kaniyang kinakaharap tuwing siya ay nag-aaral. Madalas gasera lamang ang kaniyang ginagamit na nagbibigay ng malamlam na ilaw sa nag-aamoy-langis na paligid. Mabuti na lamang at pinapayagan silang kumonekta sa kuryente mula sa ilaw-poste ng kanilang barangay. Kahit papaano’y nabigyang-tanglaw ng isang bumbilya ang kanilang pamilya. Mahirap man, nagkakasya si Raycen at ang kaniyang mga kapatid sa kakarampot na liwanag sa buong magdamag.

“Mahirap ang buhay kaya kailangan kong magtiis at magtrabaho para sa aking pamilya, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila, gagawin ko ang lahat para sa aking mga pangarap,” saad ni Raycen na punong-puno ng inspirasyon sa kaniyang mga mata.

Sa patuloy niyang paglalayag, batid niyang kailangan niyang makipagbuno sa karagatan maabot lamang ang kaniyang mga mithiin.

Ang Pakikipagbuno

Huminto ng dalawang taon sa pag-aaral si Raycen dahil kailangan niyang kumayod, ngunit hindi niya hinayaang malunod na lamang ang kaniyang mga pangarap sa ilalim ng madilim na karagatan. Kaya, sinubukan niya muling mag-aral habang pinagsasabay ang pagtratrabaho at pag-aaral. Gamit ang kaniyang determinasyon, naipasa niya ang kwalipikasyong pagsusulit upang makapasok sa STEM strand ng paaralan.

Para kay Raycen, malaking papel ang kaniyang paaralan sa pagpapatuloy niya sa buhay dahil naiintindihan ng kaniyang mga guro ang mga mag-aaral na katulad niya na umuuwi sa malalayong lugar. Sa kaniyang sitwasyon, araw-araw niyang kailangang tawirin ang laot sakay ng isang pumpboat para lamang makapag-aral. Kung masama ang panahon at kahit alam niyang delikado, patuloy pa rin niyang hinaharap ang ngitngit ng karagatan.

Halata sa kaniyang hitsura ang walang humpay na pagtratrabaho. Magaspang ang kaniyang mga palad, may bakas ng pilat na naiwan sa paghawak ng lambat at mabibigat na gawain. Ang kaniyang buhok, magulo, at ang kaniyang mga mata, mugtong mula sa gabi-gabing pag-aaral.

“Araw-araw kailangan na magtrabaho, kumakayod para matustusan lamang ang aming pangangailangan,” saad ni Raycen.

Nauunang nagigising si Raycen kaysa pagsikat ng araw. Kung may oras pa siya, pinupuntahan niya agad ang karagatan at sisimulang makibaka sa mga alon nito—nagsusumikap siya na makahuli ng isda kasama ang kaniyang ama. Kung walang pasok naman, buong araw siyang nagbibilad sa ilalim ng tumitirik na araw, nangunguha ng puruton o mga yamang-dagat sa tinatawag nilang Patigayon. Kung may biyaya ang dagat, maswerte si Raycen dahil may maiuuwi siyang pera na kailangan niyang pagkasyahin para sa pamasahe, baon, gastusin sa paaralan, at kung minsan pagkain para sa

kaniyang pamilya. Malungkot man, madalas hindi sapat ang kanyang kita.

Sa panayam ng Ang Sinag, nabanggit ni Raycen na kahit kapos man sa pera, umaapaw naman ang pagkalinga ng isla para sa kaniya, kaya kahit malayo man ang paaralan, patuloy pa rin siyang sumusulong para sa mga pangarap.

“Gusto kong maging inhenyero balang araw. Alam kong mas magiging mahirap dahil kahit ngayon pa lang nakapapagod na, pero hindi ko na lang ito iniisip at titiisin ko na lamang ito dahil mahal ko sila [pamilya],” wika ni Raycen.

Ang Pagdaong

Sa kasalukuyan, makikita si Raycen sa sulok ng kanilang klasrum, tahimik ngunit malalim ang iniisip. Marahil, maingat niyang pinagplaplanuhan kung saan at paano niya pagsasabayin ang pag-aaral sa kaniyang pagtungtong sa kolehiyo. Alam niyang triple ang pagsusumikap na kailangan niyang gawin para sa kaniyang mga pangarap.

Sa kaniyang pagdaong sa isla at sa paaralan, batid niyang may patutunguhan ang lahat ng ito.

“Hindi ako susuko kahit ano man ang mangyari, mananalig ako sa Diyos dahil alam kong hindi niya ako pababayaan,” pagtatapos niya.

Sa huli, dinala ng distansiya sa pagitan ng islang tahanan ni Raycen at lungsod ng kaniyang paaralan ang isang pag-asang sumibol sa edukasyong hindi magagapi ng dagat kailanman.

Araw-araw kailangan na magtrabaho, kumakayod para matustusan lamang ang aming pangangailangan.

Raycen Benitez isang Comprehenyo

WALANG MALAYO. Patuloy sa pagsulong si Raycen Benitez sa pagtratrabaho at pagaaral sa kabila ng distansiya ng kaniyang isla. kuha nina ANDREW ACLAO at HAZEL HILARIA

Patigayon:

Ang Dalampasigang Nagbibigkis sa mga Henerasyon

Binati kami ng alat na dala ng dagat sa pagtapak namin sa puting buhangin ng dalampasigan. Sa paglapit namin sa asul na tubig, pinawi ng lamig ang init ng araw. Sandali pa’y minasdan namin ang guhit-tagpuang hinehele ng mga alon.

Sa hindi kalayuan, natanaw namin ang mga taong nangunguha ng mga tarukog, mga munting lamang-dagat na nananahan sa mga bato ng baybayin. Biyaya ang mga ito ng mayamang dalampasigan ng Patigayon—ang puso ng isla—na pinagdurugtong ang maraming henerasyon ng Isla ng Ando.

Sa dalampasigan, nakilala ng aming grupo si Lola Gloria Marasigan, 69, na hinubog ng isla sa paglipas ng mga panahon. Sa aming panayam sa kanya, ibinahagi niya na isang bahagi ng isla ang Patigayon na pinagmumulan ng isa sa mga hanapbuhay ng pamayanan, ang pagkuha at pagbebenta ng tarukog. Kaya hindi nakapagtatakang pinangalanan itong patigayon na nangangahulugang

“paggawa ng paraan” para sa kauswagan.

“Dito kami kumikita at natutustusan ang pangangailangan namin sa isang araw. Kung wala ang Patigayon, mababawasan ang aming pagkakakitaan,” saad ni Lola Gloria. Mula noon pa man, naging sentro na ng pagkakaisa ang lugar hindi lamang sa pagsisikap na kumita kundi maging sa pagpapatibay ng samahan ng komunidad.

“Doon sa Patigayon marami kaming kuwento na masarap balik-balikan ngayong matanda na. Doon nagsimula ang aming pagkabata at mga alaalang hindi ko kailanman

makakalimutan,” wika ni Lola Gloria na bakas ang saya sa pagbabalik ng mga alaala. Sa araw na iyon, dala ng dagat Pasipiko ang mahalumigmig na hangin. Sa ilalim ng araw, magkasamang nagbibilad ang matatanda’t bata at lalaki’t babae na nakasuot ng mahabang manggas at sombrero para kumuha ng mga tarukog. Gamit ang kanilang panungkit, iniipon nila sa hawak-hawak nilang maliit na balde ang bawat piraso ng tarukog na mahigpit na kumakapit sa mga bato. Sunod naming nakausap sa Patigayon ang mga batang nag-aaral sa Eastern Samar National Comprehensive High School. Isa sa kanila si Christyl Ann Amidao, 16, na nasa ikalabing-isang baitang ng paaralan.

“Masaya manguha ng tarukog dahil minsan maraming nahahanap at kapag mas marami pa, pwedeng ibenta. Masaya manguha dahil nakakaaliw ang mga kasama,” sabik na sabi ni Christyl. Sa maliit na isla, katuwang ang dalampasigan ng Patigayon sa paghulma ng mga pangarap ng mga bata.

“Pangarap kong maging arkitekto para makapagpatayo ako ng resort,” pagbanggit ni Christyl. Munting paraiso kung ituring ng mga taga-Ando ang Patigayon na lugar kung saan nagtatagpo ang kabuhayan at pamayanan na tumatawid

Walang Islang Mag-isa:

sa maraming panahon. Kaya isinusulong ng mga residente ng isla ang pangangalaga rito sa pangunguna ng Samahan ng Kababaihan ng Ando.

“Palagi kaming may aktibidad na coastal clean-up kabilang na sa dalampasigan ng Patigayon. Kagaya nga noong nagdaang mga bagyo, tulong-tulong kami ng aming asosasyon sa paglilinis,” saad ni Ginang Cathlyn Amidao, pangulo ng samahan.

Dagdag pa niya, marami ang kanilang plano sa kanilang islang barangay, kabilang na ang pagbibigay ng kabuhayan sa mga kababaihan sa pamamagitan ng paggawa ng tarukog chicharon. Kasabay ng pagtatapos ng aming pakikipag-usap sa mga nangunguha ng tarukog ang pagtaas ng tubig-dagat. Kalauna’y unti-unti nang nasakop ang mabatong bahagi ng dalampasigan ng mga alon na isa-isang nabibiyak sa aming paglisan.

Sa pamamaalam namin sa mga nakilala namin sa isla, bitbit namin ang pagtanaw sa pagkabata ni Lola Gloria, ang pagsulyap sa pagtanda ni Christyl, at ang pakikibaka para sa kinabukasan ng Ando ni Ginang Cathlyn—ang lahat ng ito ay tila pagtawid sa isang tulay ng mga henerasyong binibigkis ng dagat at binabasbasan ng dalampasigan ng Patigayon. Ang Pagsisid sa Karagatan ng Isang Dating CICL

Binubuhay ng dagat ang malayang mga pangarap kahit sa labas ng isla.

Si Julius Beros, 20 taong gulang, ay isang mag-aaral sa ikasampung baitang ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS). Namulat siya sa mundo ng pagkayod sa murang edad at napasok sa ilegal na pagtrotroso na naging dahilan para mapabilang siya sa mga children in-conflict-with-law (CICL).

Para sa kaniya, katulad siya ng isang isla na patuloy na hinaharap ang mga unos sa kaniyang buhay. Katulad siya ng Isla ng Ando—islang hindi mag-isa.

“Maganda doon, sa Ando, kahit hindi pa ako nakapupunta. Gusto ko itong puntahan,” wika ni Julius.

Tiningnan niya mula sa malayo ang Ando, binigyan niya ng hugis at mukha ang isla. Sa isip ni Julius, hindi siya nag-iisa dahil alam niyang bawat taong nakatira doon ay isa ring isla na kaniyakaniyang lumalaban sa hirap, pagod, at pagtitiis.

Bunsod ng kahirapan, sinuong ni Julius ang isang pinakamabigat na pasanin sa edad na 16. Pagkukwento niya, isa siya sa mga batang pinasok ang ilegal na pagtrotroso sa kanilang lugar. Pag-aamin niya, alam niyang bawal ang kanilang ginawa ngunit upang masuportahan ang kaniyang mga kapatid na nag-aaral sa kolehiyo at hayskul, pinasok niya pa rin ito kahit nasa rurok siya ng bundok ng panganib na naghihintay sa Nagbubuhat ng mabibigat na mga pinutol na punong-kahoy, binabagtas ang ilang ilog, at nagmamasid sa madilim na paligid tuwing inihahatid nila ang mga nakuhang kahoy sa mga bibili nito. Malaki ang kita ngunit mas malaki rin

“Dapat madilim kaming magtratrabaho, minsan sa gabi at minsan madaling araw, dahil mas madali ang paghahatid ng mga kahoy kasi walang makakakita. Siyempre takot na takot ako sa ginagawa namin, pero wala akong magagawa kasi wala kaming makain,” saad ni Julius. Kuwento pa niya, kahit may bagyo, minamabuti nilang magtrabaho dahil mas malaya silang nakakakuha ng mga kahoy nang patago. Hindi makalilimutan ni Julius noong tangayin siya ng rumaragasang ilog na naging dahilan ng kaniyang pagkahiwalay sa kanilang grupo. Sa kabutihang palad, hindi siya nag-iisa at nasagip siya sa tulong ng kaniyang mga kasama. Basangbasa nilang binagtas ang matarik at madulas na mga daan hanggang makarating sila sa kanilang

“Hindi ko na kinaya ‘yung bagsik ng agos

ng tubig, bata lang ako na may karga-kargang malalaking kahoy tapos ginaw na ginaw na ako ‘nun,” malungkot na sabi ni Julius. Salaysay niya, habang tinatangay siya ng ilog, tinatawag na lamang niya na parang isang sanggol ang kaniyang mga magulang bunsod ng takot habang nagtatagpo ang ulan at luha sa kaniyang pisngi.

Ngunit kapalit ng mga nakaw na biyaya ng paraisong gubat, isang araw, nahuli sila ng mga awtoridad kasama ang iba pa niyang kasama na parehong menor de edad din. Takot ang unang naramdaman ng binata, takot na baka hindi na niya makita ang kaniyang mga magulang, takot na baka hindi na niya maipagpatuloy ang kaniyang pangarap na mabigyan ng maginhawang buhay ang kaniyang pamilya.

“Umiyak na lang ako, bata pa lamang ako noon na walang kamalay-malay kung ano ang aking gagawin sa ilang araw kong pananatili sa piitan,” mahinahong bigkas ni Julius.

Mag-isa, hindi makakain, walang makausap si Julius. Dahil kapos sa buhay, hindi agad nakuha ng binata ang kalayaan. Ngunit sa pagpupursigi ng kaniyang mga magulang, nakapagpiyansa ang binata sa tulong na rin ng kaniyang mga kamaganak.

“Halos isang taon akong pabalik-balik sa korte, isang taong puno ng pag-aalala at panghihinayang,” saad ni Julius.

Matapos ang lahat ng iyon, napagdesisyunan ng korte na isailalim sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binata sa programa para sa mga CICL ng Regional Rehabilitation Center for Youth sa Lungsod ng Tacloban, malayo sa kaniyang tahanan.

“Hindi ko talaga gusto noong una, dahil halos dalawang taon akong napalayo sa aking pamilya. Noong nandoon na ako, umiiyak ako minsan dahil na-mimiss ko na talaga sila [pamilya],” aniya.

Para kay Julius maayos naman ang naidulot nito sa kaniya, pinaaral siya ng programa, binigyan ng mga kagamitan, pinakain, inalagaan, at natuto ng isang malaking aral na hindi siya nag-iisa sa laban ng buhay.

Sa kasalukuyan, nag-aaral pa rin si Julius, itinutuloy ang pagtaguyod sa sarili at higit lalo sa kaniyang pamilya. Nakalaya na siya sa kaniyang nakaraan at nagpapasalamat

siya rito. At sa minsan-minsan niyang pagtanaw sa Isla ng Ando, alam niyang katulad niya, isa rin siyang isla at hindi siya nag-iisa.
PAGYAKAP

Tayog ng Hangarin

Ang Búkas na Dala ng Programang SNED sa Isang Mag-aaral na may Dwarfism

Hindi tangkad ang panukat sa bukas na naghihintay sa mga mag-aaral na patuloy na itinatahak ang daan ng edukasyon.

Isinilang man na maliit, ni minsa’y hindi nanliit sa kanyang sarili si Leah. Gaano man kalaki at kabagsik ang mundo sa isang tulad niya, buong tatag at tapang niya itong hinaharap sa patuloy niyang pagtahak para sa kanyang mga mithi.

Si Leah Dela Cruz, 18, isang mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School, ay ipinanganak na may dwarfism o isang kondisyon kung saan mas mababa sa karaniwan ang tangkad ng isang tao. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng Program ng Special Needs Education (SNED) habang nag-aaral sa Baitang 11-Cookery ng paaralan.

“Masaya ako kahit ganito ako,” aniya nang may mga matang tila kumikislap.

Para sa kaniya, mahalagang pumasok sa paaralan at magkaroon ng mga bagong kaalaman dahil gusto niyang makapagtapos sa pag-aaral at makabawi sa kaniyang mga magulang na iniaalay ang dugo, pawis, at luha sa pagtataguyod sa kanilang buong pamilya.

“Tanggap ako ng mga taong mahal ko at may mga kaibigan ako na naiintindihan ako,” pagpapatuloy niya.

Sa pagtahak niya sa daan ng edukasyon, ang kaniyang pamilya at mga kaibigan ang nagsilbi niyang ilaw sa pagkamit ng kanyang pangarap—ang maging isang inhenyero.

“Walang imposible para sa’kin, basta dapat maging matiyaga lang at titibayan lang ang loob,” kwento niya na halata ang kaniyang pagiging determinado sa kaniyang boses.

Kaya hindi nakakapagtakang minabuti niyang magtrabaho habang nag-aaral bilang tagabantay ng kanyang pamangkin pagkatapos ng klase at tuwing walang pasok.

“Nagtratrabaho ako dahil gusto kong tulungan ang aking mga magulang at para rin hindi na ako laging hihingi sa kanila ng pamasahe ko at baon,” sabi niya,

Ang Pag-ulang Lumilikha ng Bahaghari

Lumuluha ang mga ulap. Nangingiliti sa pandinig ang ulan. Kumukumot ang lamig sa paligid.

Nilunod ng katahimikan ang boses ni Aries habang dahan-dahan niyang ipinipinta ang isang ngiti. At tila nagkaboses ang katahimikan sa loob ng silid-aklatan, maingat na ibinubulong, “Tatahan rin ang ulap. Masasanay ka sa pagbagsak ng ulan. Matututuhan mong yakapin ang lamig.” Isang paghaplos sa kanyang puso ang katahimikan para magpatuloy sa pagbabahagi sa gitna ng ulan.

“Mahirap pero kinakaya ko dahil kailangan,” ani Aries na puno ng pag-asa. Kabilang sa bahagharing komunidad o LGBTQ community si Aries Andrade, isang Comprehenyong mag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) sa Baitang 11-Caregiving na maagang namulat sa mundo ng pagtratrabaho.

Isa ang Eastern Samar National Comprehensive High School sa mga paaralang handang yumakap kay Aries. Isinusulong ng paaralan ang GenderResponsive Basic Education Policy (Deped Order No. 32, s. 2017) na binibigyangespasyo ang bahagharing estudyante tulad niya. Bukod dito, itinataguyod din nito ang Governance Act of Basic Education (Republic Act 9155) na nagbigay sa kanya ng bagong pinto ng mga oportunidad sa pamamagitan ng ALS bilang isang nagtratrabahong magaaral.

Bata pa lang si Aries naglalako na siya ng mga gulay at prutas, nagtitinda ng mga barbeque at mga damit, naglilinis ng ibang bahay, at nagbibigay serbisyo sa ibang tao.

Ayon sa kanya, noong regular na mag-aaral pa siya ay madalas siyang lumiban sa klase upang maghanapbuhay at tumulong sa kanyang mga magulang, kaya’t napapabayaan niya ang kaniyang pag-aaral dahilan ng pagbagsak ng kanyang grado at pag-ulit sa ikalabing-isang baitang. Gayunpaman, pinipilit niyang magsikap upang makapagtapos.

“Kahit na pinanghihinaan ako ng loob [dahil sa mga problema], kinakaya ko pa rin. Maraming problema [ang aking hinaharap], pero naghahanap ako ng paraan dahil ako lang ang makakapagbigay ng solusyon sa mga ito,” aniya.

“Pokus [ka] lang sa pag-aaral at pagtatratrabaho. Kung ano man ang sabihin sayo ng iba, na hindi mo kayang makipagsabayan, hayaan mo na lang [sila],” payo niya sa mga kapwa mag-aaral na nagtratrabaho.

Sa kabila ng lahat ng hirap, nanatiling positibo ang pananaw ni Aries sa buhay. Ipinagmamalaki niyang bahagi siya ng bahagharing komunidad at isang SK Kagawad sa kanilang barangay, ang Brgy. Sohutan, Lungsod ng Borongan. Ayon sa kaniya, ito ang nagbukas ng pagkakataon upang mas lalo niyang makilala ang sarili at matutunan ang mga bagay na hindi niya akalaing kaya niyang gawin.

“Huwag kang magpapaapekto sa [mga masasakit na] salita ng iba. Maging proud ka [sa kung sino ka]. Ipakita mo kung ano ka, kung ano ang kaya mong ibigay sa ating komunidad bilang

Bilang isang mag-aaral na may espesyal na pangangailangan, malaki ang papel ng Compre sa paghubog kay Leah.

“Isa sa mga dahilan kung bakit napili kong mag-aral sa Compre ay dahil sa seguridad na kaya nilang maibigay sa mga mag-aaral na kagaya ko kaya masaya akong ligtas ako sa loob ng kampus dahil maalaga at mababait naman ang mga guro, staff, at mga security guard,” buong galak niyang pagbabahagi.

Nakaangkla ang gampaning ito ng paaralan sa Republic Act 11650 o ang Inclusive Education Act nagsusulong ang pagkakaroon ng inklusibong edukasyon sa mga paaralan at pantay na oportunidad ng pagkatuto para sa mga mag-aaral. Sa Compre, pinagtitibay ang batas sa pamamagitan ng Programang SNED na tinitiyak ang ganitong uri ng progresibong edukasyon para sa nga katulad ni Leah.

Sa kabila ng positibo niyang pagtingin sa sarili at pagpupursigi ng programa, nanatili ang ilang taong sa labas ng paaralan tinitingnan na malaking kakulangan ang pagiging maliit ni Leah.

“Tinutukso ako ng ibang tao dahil sa height ko. Sabi nila ang liit-liit ko raw, wala raw akong mapapala sa buhay kasi ganito ako, ‘yon po ang madalas kong naririnig sa kanila,” sambit niya na bahagyang nakangiti pa rin subalit may bahid ng lungkot sa kaniyang boses.

Ngunit, hindi siya nagpapatinag sa tulong ng kanyang mga magulang.

“Malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko kasi tinutulungan nila ako at sinusuportahan para makapagtapos sa pag-aaral. Kung hindi po dahil sa kanila, wala po ako rito ngayon sa eskwelahan,” saad niya.

Sa kabila ng kanyang kaliitan, nagpapatuloy siya sa pag-abot ng bukas na dala ng edukasyong kasintayog ng kanyang mga pangarap.

isang miyembro ng LGBT,” mensahe niya sa mga kapwa bahaghari.

Para sa kanya, ang pagpupursigi niya ay hindi lamang para sa sarili, kundi para rin sa kanyang pamilya, ang itinuturing niyang pahinga at sandalan. Pinapangarap niyang makapagtapos at makapagtrabaho sa labas ng bansa upang mabigyan ng mas magandang buhay sa kanyang kaanak.

“[Kapag] umuuwi ako, kahit pagod ako mula sa eskwela at trabaho, basta makita ko lang ang pamilya ko, okay na ako. Nawawala na pagod ko. Kaya nag-aaral ako para sa kanila.”

Sa dulo ng aming pag-uusap, patuloy pa rin ang pagluha ng ulap, ang pangingiliti ng ulan, at pagkumot ng lamig. Ngunit sa kabila nito, alam ni Aries na ang ganitong mga pag-ulan kagaya ng maraming pagsubok sa buhay ang lumilikha ng isang makulay na bahaghari tulad niya.

Never ko kasi na-experience nung bata ako. Ngayon, kahit malapit na akong mag18, ramdam ko pa rin yung saya na parang bata. Para sa akın, yung remotecontrolled car, parang simbolo ng mga bagay na matagal ko nang hinihintay.

Khen Tabulao isang Comprehenyo

TARA SA SNED. Maliit man, determinadong inaabot

LATHALAIN 13

Paglalakbay ng Panlasa:

Ang Mapa ng Gastronomiya ng Borongan

Nagsimulang makilala ang munting Lungsod ng Borongan sa ipinagmamalaki nitong ginintuang pagsikat ng araw na gumigising sa mga kahalina-halinang tanawin nito na kakabit ng mga pagkaing pumupuno sa panlasa ng bawat bumibisita.

Kaya’t tara! Lakbayin natin ang mga lasa na sa lungsod matitikman at bubusog sa bawat destinasyong pupuntahan. Hayaan mong ako ang maging gabay mo. At tulad ng madalas sabihin ng mga batang Gen Z, bago tayo magsimula: “G ka ba?” Sa Bukal ng Sarap

Una tayong hihinto sa puso ng Lungsod ng Borongan, isang bukal na tinatawag na Hamorawon, kung saan mabibili sa tapat nito ang isang pinakasikat na pagkain sa almusal ng mga Boronganon—ang mainit-init na salukara.

Tradisyonal na gawa ang kakaning ito sa bigas na binabad sa tubig ng 6-7 oras na hinaluan ng gatas o gata, asukal at kilalang lokal na alak na tinatawag na tuba. Manipis ang bawat piraso ng salukara na karaniwang malambot ang itaas at bahagyang malutong ang ibaba. Payak man tingnan, puno naman ito ng sarap sa bawat kagat.

Katulad ng mayamang lasa ng salukara, salamin ng mayamang pananampalataya ang Bukal ng Hamorawon na bahagi ng mapaghimalang Birheng Maria, ang mahal na patrona ng Borongan. Isang mainam na pasyalan ito sa lungsod kung hanap mo ang isang mapayapang umaga habang ninanamnam ang sarap ng salukara.

Malaking parte ang parehong bukal at salukara sa pamumuhay ng mga Boronganon lalo na ang mga nagsusumikap na mga nagtitinda ng kakainin tulad ni Norma Apura.

“Maraming bumibili lalo na tuwing Sabado’t Linggo. Tuwing piyesta. Minsan namamasyal sila sa Hamorawon,” nakangiting pagkukuwento ni Aling Norma.

Sa Talon ng Pakla at Tamis

Isa sa mga sangkap ng salukara ang tuba. Kung nagtataka ka kung saan ito kinukuha, huwag kang mag-alala dahil doon tayo sunod na pupunta. Aakyat tayo sa bukid ng Barangay San Gabriel, ang lugar ng pamosong Talon ng Kaputian. Nagmumula sa katas ng niyog ang tuba na inaani ng mga mangangarit o “manananggot”. Kapareho nito ang lambanog kaya lang hinahaluan ito ng “barok” o balat ng puno ng bakawan na ginagawang malapulang kulay ang alak. Nag-iiwan ng mapakla o manamis-namis na lasa ang bawat lagok ng tuba na tiyak nakalalasing at sumisipa depende sa tagal ng pagkakaimbak nito.

“Maaga akong nagigising, mga alas siyete ng umaga, andoon na ako nananaggot. Umuwi ako mga alas onse at babalik ulit kapag hindi na mainit,” pagsasalaysay ni Mang Leonor Ador, isang magtutuba, sa ginugugol niyang oras araw-araw sa pagkuha ng katas ng niyog.

Kung mag-init ka na naman sa dami mong

Ang Sining ng Paghilom ng

Batang Ikaw

Kahit gaano pa tayo katanda, minsan may mga bahagi sa ating pagkatao na parang bata pa rin. Laruang hindi nakuha, yakap na hindi natanggap, o simpleng karanasang hindi nagawa—ang lahat ng ito’y nag-iiwan ng marka.

Parang sa mga TikTok trends na “POV: Healing Your Inner Child,” lahat tayo may kanya-kanyang kuwento ng pagpapatawad at paghilom. Para sa iba, parang chill playlist lang sa Spotify, may beats o vibes na tumatagos sa nararamdaman natin. Kaya halina’t, alamin natin ang sining ng paghilom sa batang ikaw.

nainom na tuba, mabisang magtampisaw sa malamig na Talon ng Kaputian na dinarayong destinasyon ng mga lokal at turista. Malinaw ang bumabagsak na tubig mula sa talon. Lumalagaslas ito pababa na tila isang pagyakap sa mga pumupunta at sinasabi, “Magiging magaan din ang lahat.”

Parehong mahalaga ang talon at tuba sa komunidad ng San Gabriel higit lalo sa tulad ni Mang Leonor sapagkat ipinapakilala at binibigkis nito ang kanilang lugar sa iba pang bahagi ng lungsod.

“Napakaganda talaga doon kasi ang linaw at lamig ng tubig,” panghihikayat ni Mang Leonor. Sa Dagat ng Linamnam

Pagbaba ng bukid, tutungo tayo sa huling lugar—ang tabing-dagat ng Canjaway kung saan makukuha ang mga puruton o mga kabibe sa mga bahura malapit sa baybayin.

Ginataan ang pinakapopular na pagkakaluto ng mga puruton. Nanunuot sa lalamunan ang sariwang linamnam na dala ng dagat sa bawat laman ng isang puruton. Kung damihan ang luya o dagdagan ng sili, guguhit sa dila ang mas malalim na lasa ng putahe.

Kagaya ng nanunuot na lasa ng puruton, damang-dama ang preskong bakasyon sa tanyag na Dagat ng Canjaway na binibisita ng mga naghahanap ng kalmadong lugar kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Napapalibutan ng mga lurang o maliliit na paliguan ang mabatong tabingdagat na ito na tinamnan naman ng mga bakawan. Kakaiba ang tabing-dagat ng Canjaway. Hindi lamang dahil sa hitsura nito kundi maging sa patuloy na pagtaguyod na pangalagaan ito para sa mga biyaya nitong mga puruton.

Sinisimbolo ng puruton at tabing-dagat ang malakas na panawagan ng mga mamamayan ng Canjaway sa pagpapanatili sa yamang dala ng karagatan.

“Protektahan natin ang tabing-dagat na nangangalaga sa maraming buhay,” paalala ni Rufo Amistuso, isang residente ng barangay.

Sa pagtatapos ng ating paglalakbay sa gastronomiya ng Borongan at pagsulyap sa kakabit nitong panlasa, pasyalan, at pamumuhay ng lungsod, dalhin mo ang mga pagkain at inuming natikman, mga tanawing namasdan, mga taong napakinggan, at ang mapang magdadala sayo pabalik sa Lungsod ng Ginintuang Pagsikat ng Araw.

Ang Sining ng Paghihintay

Sino bang hindi naranasan maghintay ‘nung bata tayo? Pila sa kantina ng paaralan, o kay Santa para sa regalo—lahat ng ‘yan sumubok sa ating pasensya. Pero habang tumatanda, parang nagiging parte ng mas makabuluhang karanasan ang paghihintay.

Sa pagbabahagi ni Khen Tabulao, 17, isang Comprehenyo, naaalala pa niya ang pananabik sa paghihintay nang makatanggap siya ng laruan— isang remote-controlled car.

“Never ko kasi na-experience nung bata ako,” kwento niya. “Ngayon, kahit malapit na akong mag-18, ramdam ko pa rin yung saya na parang bata. Para sa akin, yung remote-controlled car, parang simbolo ng mga bagay na matagal ko nang hinihintay.”

Hindi lang siya ang nakaranas ng ganoon.

Ayon sa Stanford University, ang “delayed gratification”—o ang kakayahang maghintay para sa mas magandang bagay—ay konektado sa mas mataas na antas ng kasiyahan sa pagtanda. Kaya para sa marami, ang paghihintay ay hindi lang nasayang na panahon—sinasabing malaki ang epekto nito sa kasiyahan ng isang tao sa hinaharap.

Ang Sining ng Pagpansin

Kung napanood mo ang Everything

Everywhere All At Once, baka napaisip ka tungkol

sa kahalagahan ng maliliit na bagay na minsan hindi natin pinapansin. Para kay Khen, hindi lang basta regalo ‘yung laruan. “Naroon ang aking kasiyahan,” sabi niya bilang pagtukoy sa kasiyahang hatid ng mga bagay na madalas nating balewalain.

Ayon sa sarbey ng American Psychological Association, ang pagpapahalaga sa small joys ay may malaking epekto sa kalusugang pangkaisipan. Kaya kahit kape lang sa umaga o larawan ng paglubog ng araw sa IG, sobrang dami na nitong epekto sa ating inner child. “Happiness is in the little things” nga, di ba?

Ang Sining ng Pagtanggap sa Sarili

Kung hindi mo pa napanood ang Barbie movie, spoiler alert: ang self-discovery ang tunay na bida. Ang pagtanggap sa sarili parang malaking glow-up—hindi madali, pero worth it. Para kay Khen, yinakap niya nang buong puso ang kaniyang pagiging “siya” nang mapagtanto niya ang kaniyang angking galing sa larangan ng volleyball. Mula sa isports niya, nayapos niya ang kaniyang pagiging isang bata na nangangarap lamang na makarating sa EVRAA Meet. “Noon, hindi ako nagsasabi sa aking mga magulang tungkol sa sports ko, sekreto ko lang. I was a dreamer, pangarap ko talaga ang EVRAA. Mabuti na lamang at hindi ako sumuko, ngayon tutungo na ako roon,” wika niya.

Ayon sa Pew Research Center, mas bukas ang mga kabataan ngayon sa pagiging iba kaysa sa pagsunod sa dikta ng lipunan kaya isang malaking hakbang sa paghilom ng inner child ang pagtanggap sa sarili. Kung dati’y nahihiya tayo sa mga bagay na magpapaalala sa ating pagkabata, ngayon parang niyayakap na natin ang mga ito bilang bahagi ng ating sarili.

Ang Sining ng Pagbabalik

Kung may “Hot Girl Walk” o “That Girl Morning Routine,” bakit wala “Healing My Inner Child Movement”? Sa social media, kita ang lumalaking trend ng nostalgia—mula sa pagbabalik ng mga old-school toys tulad ng Tamagotchi at Polly Pocket, hanggang sa pag-playback ng classic hits ng NSYNC at Spice Girls. Ang simpleng pagbili ng bagay mula sa nakaraan ay hindi lang trip-trip. Ayon sa isang report ng Mintel, ang nostalgia ay ginagamit ng maraming tao bilang coping mechanism kaya walang masama sa pagtanaw sa mga alaala ng pagkabata sa iyong pagtanda.

Kung natutunan mong maghintay, pahalagahan ang mga maliliit na bagay, yakapin ang sarili mo, at balikan ang bumubuo sayo, makikita mo, mas magiging masaya ka sa buhay— at mas maghihilom ang batang ikaw.

MUNTING HANGAD. Hinulma ng katatagan, bakas ang pagtanggap ni Khen Tabulao sa kaniyang pagkabata.
mga kuha nina HAZEL HILARIA at SOPHIA ANGELA YARAS
Dagat ng Canjaway
Salukara Puruton
Bukal ng Hamorawon
Talon ng Kaputian
Tuba

AGTEK

INOBASYONG PANGKALIKASAN. Linikha ng mga Comprehenyong batang imbentor ang SequaSea bilang hakbang sa pangangalaga ng karagatan. kuha

HAZEL HILARIA

PAG-ALIS SA LANGIS

‘SequaSea’ ng mga batang imbentor, solusyon sa pagpigil ng langis sa dagat

ni Joselle Kirsti Marie Tiu

Ibinida ng isang koponan ng mga inobatibong mag-aaral mula sa Science, Technology, and Engineering (STE) Program ng

(ESNCHS) ang kanilang aparatong nakatuon sa pagsugpo ng pagtagas ng langis sa dagat.

Ang pangunahing layunin namin ay makagawa ng solusyon na hindi lamang epektibong humaharap sa mga pagtagas ng langis, kundi ginagawa ring mas ligtas at mas madaling isagawa ang mga operasyon ng paglilinis.

Alexa P. Arceño batang imbentor ng SequaSea

Pinangalanang “SequaSea”, inimbento ang instrumento nina Joselle Kirsti Marie E. Tiu, Xanthe Malyssandre C. Escoto, at Alexa P. Arceño. Nag-aalok ito ng solusyon sa isa sa mga pinakamatagal nang banta sa kapaligiran ng karagatan— ang pagkalat ng langis.

Namumukod-tangi ang aparato dahil sa Arduino technology at mga kakayahan ng Internet of Things (IoT). Gumamit ito ng mga makabagong sensor at awtomatikong sistema upang matukoy, masubaybayan, at maalis ang langis mula sa mga katubigan.

Isang bahagi nito ang highprecision na pressure transducer na tumutukoy sa presensya ng langis sa kapaligirang pandagat.

Dagdag pa rito, gumagamit ang instrumento ng isang sopistikadong sistema ng pump na kumukuha ng pinaghalong langis at tubig, at pagkatapos ay pinaghihiwalay gamit ang isang mesh. Nagiging posible ang pagsubaybay sa real-time na nabigasyon ng instrumento gamit ang GPS module. Maaaring rin itong patakbuhin nang malayuan gamit ang isang espesyal na mobile application na tinatawag na SequaSea na nagpapahintulot sa mga operator na kontrolin ang sistema mula sa malayo. Sa isang panayam ng Ang Sinag, ibinahagi ni Escoto, isa sa mga imbentor, “Ang nagpapalakas sa sistemang ito ay ang kakayahan

nitong mag-operate nang may kaunting interbensyon mula sa tao.”

“Ang pangunahing layunin namin ay makagawa ng solusyon na hindi lamang epektibong humaharap sa mga pagtagas ng langis, kundi ginagawa ring mas ligtas at mas madaling isagawa ang mga operasyon ng paglilinis,” pahayag naman ni Arceño, isa sa mga mananaliksik.

“Malaking tulong ang imbensiyong ito sa unti-unting paglutas sa malaking halagang pinasala ng pagtagas ng langis sa ekonomiya sa bansa. Bukod dito, matutulungan din ang mga komunidad na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pagtagas ng langis,” dagdag niya.

Ipinahayag ng Borongan City Coast Guard ang matinding suporta para sa inobasyon. Saad ng ahensiya, ang kagamitan ay “may malaking potensyal at maaaring makamit ang panibagong progreso” sa pangangalaga ng kalikasan sa dagat. Samantala, nakatanggap ng malaking pagkilala ang SequaSea sa komunidad ng akademya. Itinanghal itong kampeon sa Regional Science Technology and Math Fair, Tuklas-Robotics and Intelligent Machines Team Category na ginanap sa Lungsod ng Tacloban noong Nobyembre 5-7, 2024.

Bunsod ng lumalalang suliranin sa kawalan ng kuryente at dumaraming basura, lumikha ang isang pangkat ng mga mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) sa ilalim ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand ng isang imbensiyong kayang magkagawa ng kuryente gamit ang mga naipong solidong basura—ang Waste-to-Energy Arduino System for Transformation and Efficiency (WASTE).

Binubuo ang pangkat ng mga mananaliksik nina Althea Ysabel A. Ador, Marionelle Caia C. Anos, Michael Edwin G. Amancio, Hazel Grace B. Buna, King Dele Maverick C. Casillano, Marby Rose P. Galo, Cedrik Denver S. Garcia, at Hien Katriel A. Medina.

“Ang aming imbensiyon ay nabuo dahil madalas na pagkawala ng kuryente at mataas na gastos sa kuryente sa Lungsod ng Borongan. Nagsisilbi itong maaasahang alternatibong pagkukunan ng enerhiya sa mga pagkakataong walang kuryente na lubhang nakakaapekto sa mga kabahayan at mga negosyo,” pagbabahagi ni Medina, isa sa mga imbentor na iniaalay ang kanilang likha sa komunidad. Tumanggap ng 150,000 pesos ang nasabing proyekto mula sa Bloomberg Philantrophies, isang organisasyon sa pagkakawanggawa, na nagpondo mula sa pagbuo ng disenyo at paglikha ng makina hanggang sa pagpapaigting ng diseminasyon. “Nakatulong ang pondo para sagutin ang mga gastusing pagaambagan sana namin,” pahayag ni Ador sa suporta ng organisasyon sa kanilang proyekto.

“Tapos naging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa amin na mga mananaliksik kundi pati sa aming organisasyon, ang YES-O, at sa buong paaralan,” dagdag niya. Gumagamit ang imbensiyon ng isang thermoelectric generator na kailangan sa paglikha ng enerhiya na mula sa init ng sinunog na basura at mahalaga sa sistema ng pag-init at paglamig ng kabuoang makina. Sa tulong ng Arduino System,

nagagawang matukoy ng thermocouple sensor ang temperatura at ng smoke sensor ang usok at mabalanse ito. Iniipon ang nakuhang kuryente sa isang baterya at ginagawang AC ang DC gamit ang inverter. Pagkatapos nito, dadaan ito sa isang carbon filter para salain ang mga dumi. Umani naman ng aprubadong marka ang imbensiyon mula sa mga eksperto mula sa Eastern Samar State University-College of Engineering at sa mga paunang gumamit nito mula sa Brgy. Campesao, Lungsod ng Borongan. Upang mapalaganap ang bagong teknolohiya, nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang simposyum kaugnay ng kanilang imbensiyon at pampaaralang patimpalak sa paglikha ng inobasyon noong Disyembre 6, 2024.

PAGDALOY NG PROGRESO

Sistemang ‘WATER’, daan sa sustenableng irigasyon

ni Christian Gabriel Cousin

Teknolohiya sa agrikultura—isang modernong solusyon para sa makabagong hamon—ang hatid ng isang mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) para sa mga munting taniman ng Lungsod ng Borongan.

Naimbento ni Angel Mae B. Liad, isang magaaral sa Baitang 12-STEM, ang Wireless Automation for Technical Enhancement in Robotics (WATER) para gawing awtomatiko ang irigasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tubig at pataba sa mga pananim. Ayon kay Liad, sa isang panayam ng Ang Sinag, gumagamit ang kaniyang likha ng soil moisture sensor upang sukatin ang humidity o kahalumigmigan ng lupa, water pump para sa pagbabahagi ng tubig, wireless control module para sa malayuang pagkontrol, solar panel bilang power source, at Arduino uno na nagsisilbing utak ng sistema na kumokontrol sa iba’t ibang bahagi nito.

“Dinisenyo ito para lamang sa mga maliliit na hardin at taniman. Nakatutulong ito sa mga may-ari ng maliliit na bukirin na mapabuti ang pamamahala ng patubig nang hindi nangangailangang gumastos ng

malaking halaga,” dagdag niya. Dahil awtomatikong teknolohiya, nababawasan at napapadali nito ang ilang mga gawain sa pagtatanim. Bukod dito, tipid kuryente ang imbensyong ito dahil sa nakakabit na solar panel dito.

Sa tulong ng awtomatiko at matalinong irigasyon, nasasagot ang ilang suliranin sa agrikultura na pinipinsala ng pagbabago ng klima na sumisira sa mga pananim. Patunay ang ulat ng Philippine Statistics Authority para sa Silangang Samar kung saan patuloy na bumababa ang produksiyon ng mga pananim.

“Ang Project W.A.T.E.R ay iniaalay para sa mga magsasaka, lalo na sa mga nasa malalayong lugar na walang madaling akses sa tubig at modernong teknolohiya. Ang layunin ng imbensiyon ay mapadali ang irigasyon gamit ang solar-powered at wireless automation upang mapataas ang produktibidad ng kanilang

mga pananim. Ito rin ay para sa mga komunidad na nakararanas ng kakulangan sa tubig upang matiyak ang mas maayos na pamamahagi at paggamit ng likas na yaman,” paliwanag ni Liad. Sa huli, para sa kaniya, ang kaniyang likha ay hakbang tungo sa modernisasyon.

“Ang Project W.A.T.E.R. ay maituturing na isang modernong hakbangin para sa sektor ng agrikultura. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng solar power, wireless automation, at sensor-based monitoring, nagiging mas episyente at sustenable ang mga tradisyonal na pamamaraan ng irigasyon,” sabi niya. Ang agrikultura sa kasalukuyan ay nahaharap sa ilang suliranin na nakaapekto sa mga pananim. Kaya naman, ang proyektong WATER ay malaking suporta para sa mga magsasaka na kayang gawing sustenable ang irigasyon sa mga munting bukirin.

BUKAS. Ipinamalas ni Angel Mae Liad ang kaniyang inobasyon para sa epektibong pagtatanim. kuha ni HAZEL HILARIA

Ibinandera ni Melbourne Pombo, isang mag-aaral sa Baitang 12-STEM, ang kaniyang pananaliksik na binigyang-solusyon ang patuloy na pag-akyat ng pandaigdigang init sa pamamagitan ng alternatibong thermal insulator na gawa sa pinaghalong mga hibla ng bunot ng niyog at mga piraso ng basurang papel.

Sa paglikha ng insulator, pinaghalo ang tuyong bunot at papel, pinagdikit ang mga ito gamit ang Epoxy resin, at minolde ng parihaba. Malaki ang tulong ng paggamit ng mga renewable na materyal na ito sa mas mahusay na katangian ng nilikhang alternatibong insulator na kapakipakinabang sa mga komunidad na nakararanas ng matindining init.

Sa panayam ng Ang Sinag, ibinahagi ni Pombo ang papel ng kaniyang natuklasan sa pagprotekta sa kalikasan.

“Napapangalagaan ng imbensiyon ang kalikasan sa tulong ng paggamit ng mga materyal na tumutugon sa mga pangunahing suliraning pangkalikasan pagdating sa basura,” saad niya.

Ayons sa Philippine Coconut Authority, matatandaang ang Pilipinas ang ikalawa sa pinakamalaking

pinagkukunan ng niyog sa buong mundo. Sa katunayan, nasa 14.69 bilyong niyog ang nakukuha taontaon, at tinatayang 9 bilyon sa bilang na ito ang nakukuhang bunot na itinatapon o sinusunog lamang. Batay naman sa ulat ng Philippine Statistics Authority, umaabot ng 19% na basurang papel ang naiipon mula sa kabuoang dami ng solidong basura sa bansa taontaon. Sa huli, mahalaga ang naimbentong thermal insulation sa pagpapanatili ng mainam na temperatura at pagbabawas ng inilalabas na greenhouse gas ng mga establisimyento sa pamamagitan ng pagpigil sa pangangailangang magkaroon ng mga heating at cooling systems o appliances na nakatutulong din sa pagpapaba ng konsumo sa kuryente.

Mahalaga ang imbensiyong ito para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapatibay ng suporta ng ating paaralan na labanan ang pagbabago ng klima.

Sa unti-unting pagbaba ng produksiyon ng palay sa Silangang Samar, ipinamalas ng tatlong batang mananaliksik mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School ang isang multi-modelong matematikal na dulog na ginagamit sa prediksiyon ng dami ng ani na makatutulong sa produksiyon ng palay.

Linikha ang modelo ng pangkat nina Chad B. Banaldia, Mark Owen T. Araba, at Carl Vincent R. Panis, mga mag-aaral sa Baitang 11-STEM.

Sa kanilang matematikal na dulog, pinagsama nila ang dalawang modelo, ang Autoregression Integrated Moving Average (ARIMA) Model at Decision Tree Model, na naglalayong magbigay ng prediksyon tungkol sa kabuoang ani ng pananim na palay batay sa salik ng panahon sa loob ng dalawang magkasunod na taon. Ginamit ang unang modelo sa pagkuha ng numero para sa pagtataya ng panahon at sinusukat naman ng ikalawang modelo ang iba pang salik na maaaring makaapekto sa resulta ng naunang ginamit na modelo. Inilapat ang mga ito sa software na Orange Data Mining para maproseso ang mga datos at makagawa ng prediksiyon.

Hindi katulad ng tradisyonal na ARIMA Model, ayon kay Banaldia, “Gumamit ito ng decision-tree model upang isaalang-alang ang mga salik tulad ng temperatura, klima, at panahon sa pagkuha ng mas makatotohanang prediksiyon.”Nakasandal ang mathematical model ng mga mananaliksik sa machine learning algorithm. Sa ganitong paraan may kakayahan itong makaproseso ng komplikadong matematika para mapatotohanan ang kabuoang datos. Sa tulong nito mas nagiging akma ang naibibigay na prediksiyon at natutukoy ang kalagayan ng mga pananim at ang sanhi ng mababang produksiyon ng palay. Nang suriin ang kaakmahan ng ginamit na dulog, nagtala ito ng mataas na antas ng kaakmahan

katulad ng datos mula sa Office of Provincial Agricultural Services (OPAS) at Philippine Statistics Office (PSA). Sabi naman ni Araba, “Ang aming modelo ay makakatulong sa magsasaka na magkaroon ng matalinong desisyon sa pagpaplano sa mga hakbang para mapataas ang produksiyon ng palay sa Silangang Samar.” Kilala man ang Silangang Samar bilang isang probinsiya na may masaganang agrikultura, hinaharap naman nito ang maraming balakid sa pagsasaka. Sa pamamagitan ng akmang prediksiyon ng produksiyon ng palay sa tulong ng linikhang multimodelong matematikal na dulog ng mga Comprehenyo, masusing mahaharap ng mga magsasaka ang mga hamon sa agrikultura.

LUNTIANG

Nakuhang Buwis ng Pilipinas noong 2023

182.6M

8.22M metriko

25,900

MGA ISLA SA HUKAY

Bakas sa mga isla ang pagguho na nagbabaon sa mga ito sa hukay ng pagkawasak.

Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang mapangwasak na pagmimina sa Guiuan, Silangang Samar. Sa halip na ipasara, lalong lumawig ang sakop ng mga minahan sa Isla ng Homonhon at lubhang nakababahala ang muling pagsisimula ng pagmimina sa Isla ng Manicani.

Pagpapalawak sa Homonhon

Sa pahayag ni Rev. Fr. James Abella sa Ang Sinag, isa sa mga paring nakikibaka laban sa pagmimina, nanindigan siyang dapat nang ipahinto ang hindi makatarungang pangwawasak sa mga isla at pang-aapi sa mga lokal na mamamayan.

“For the longest time na minimina ‘yung Homonhon, the people there remain poor,” giit ni Fr. Abella.

Ayon rin sa kaniya, umakyat sa lima ang bilang ng korporasyon na nagsasagawa ng operasyon sa isla bunsod ng isang bagong bukas na minahan.

Sa ngayon, patuloy sa pagmimina ang Nickelace, Inc., Chromiteking, Inc., Mt. Sinai

Mining Exploration and Development Corp, Emir Mineral Resources Corporation at nadagdag sa mga ito ang Chromerock Development Corporation sa pagpasok ng bagong taon.

“Hindi natitigil ang pagmimina dahil balak ng mga mining corporation na guhuin ang natitirang tatlong barangay ng Homonhon na hindi pa nagagalaw sa kasalukuyan,” dagdag ni Fr. Abella.

Sa ngayon, ang mga barangay ng Bitaugan, Hapag, at Inapulangan na lamang ang hindi pa minimina ng mga korporasyon at nakatuon ang kanilang operasyon sa mga barangay ng Casuguran, Pagbabangnan, Culasi, Casuguran, at Canawayon.

Sa pahayag ni Fr. Abella, ibinahagi niyang apektado maging ang pag-aaral ng mga bata sa isla.

Ayon sa kaniya, mahigit 500 metro lamang mula sa paaralan ang layo ng mga minahan na nagdadala ng alikabok na nakasasama sa kalusugan ng mga bata at nagdudulot naman ng ingay ang mga mining truck na nakagagambala

LOLO NG KALIKASAN. Tumatayong tagapangala ng mga bakawan si Lolo Rufo Amistuso, 69, sa Brgy. Canjaway, Lungsod ng Borongan. kuha ni JESSA VALERIE HORCA

sa kanilang pag-aaral.

“Imagine araw-araw ang mga bata pumapasok sa kanilang paaralan na mapuputi ang uniforms nila at kapag uuwi na sila, mga brown na,” saad niya.

Bukod sa mga ito, namuo rin ang hidwaan sa mga taga-isla sa pagitan ng mga grupo na sang-ayon at tutol sa pagmimina.

Sa pahayag ni Fr. Abella, dumating sa punto kung saan nawawasak ang ilang pamilya dahil sa pagpili ng mga asawa o anak na magtrabaho bilang minero sa kabila ng pagtutol ng kanilang maybahay o magulang.

Pagbabalik sa Manicani

Sa patuloy na pakikipagbuno para sa Homonhon, nagdala naman ng pangamba ang muling paglitaw ng Hinatuan Mining Corporation sa Isla ng Manicani.

Matatagpuan ang Manicani 31.2 km mula sa Homonhon. Ayon kay Fr. Abella, sa 1,113 ektaryang sukat ng lupain ng isla, mayaman ito sa iba’t ibang mineral. Malawak ang deposito

We are not stopping, kahit mahirap, kahit lubos na nakakapagod, kahit kakaunti lang tayo na lumalaban, patuloy pa rin tayo sa paglaban para sa ating kinabukasan at sa ating inang kalikasan.

ng nickel at chromite rito na karaniwang ginagamit sa paggawa ng stainless steel. At kung ikukumpara sa Homonhon, mas mataas na klase ng chromite ang nakukuha rito.

Ayon kay Fr. Abella, sa tulong ng Diocese of Borongan na tumindig para sa Manicani, ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagmimina sa isla noong Nobyembre 1994. Ngunit dahil sa muling pagpapahintulot ng gobyerno, muling nagbukas ang pagmimina ngayong Enero 2025. Inaasahang mas wawasakin ng operasyon ang mga likas na yaman na naroon.

Sa kabila ng mga nangyayari, patuloy pa rin si Fr. Abella at ang Diocese of Borongan sa pagsugpo kontra sa pagmimina.

“We are not stopping, kahit mahirap, kahit lubos na nakakapagod, kahit kakaunti lang tayo na lumalaban, patuloy pa rin tayo sa paglaban para sa ating kinabukasan at sa ating inang kalikasan,” saad niya.

Sa dulo, nananatiling naghihintay ang mga isla sa magsasalba sa mga ito.

PUNLA NG PAGBABAGO

Ang Pakikibaka

ng Nag-iisang Bantay Bakawan ng Borongan

Isang pakikibaka ang pangangalaga sa kalikasan na nagsisimula sa bawat ipinupunlang hakbang.

Sa isang maliit na barangay ng Canjaway, tahimik na gumagawa ng malaking pagbabago para sa kalikasan at sa kaniyang komunidad si Rufo Amistuso—ang natatanging bantay bakawan ng Lungsod ng Borongan.

Lolong Tagapangalaga

Sa isang panayam ng Ang Sinag, nagsimulang maging “bakawan ranger” o bantay bakawan si Lolo Rufo, 69 taong gulang, noong 2014 matapos ang mapanirang bagyong Yolanda bilang bahagi ng kaniyang adbokasiya at trabaho sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Umusbong sa mga bakas na iniwan ng bagyo ang kaniyang hangaring pangalagaan ang kalikasan.

Araw-araw siyang nagtutungo sa baybayin ng Canjaway upang magtanim, mag-alaga, magbantay, at magpalaki ng mga punla ng bakawan. Buwan-buwan, umaabot sa tinatayang isang libong punla ng bakawan ang kaniyang naitatanim na lalong pinayayabong ang angking-yaman ng ekosistema ng baybayin. “Ako lang ang nagtatanim rito,” ani Lolo Rufo. Ngunit, mag-isa man siya sa hakbanging

ito, lagi’t lagi niyang dala ang pag-asang hatid ng bawat bakawan. Bakawang Tagapagligtas Sa bawat puno ng bakawan, tiyak si Lolo Rufo na mananatiling ligtas ang kanilang komunidad mula sa bagsik ng mga daluyong at along dala ng karagatan. Ayon sa DENR, kritikal ang papel na ginagampanan ng mga bakawan para sa pagprotekta sa mga baybayin, pagsala ng carbon dioxide sa hangin, pagpapanatili ng saribuhay sa mga yamang-dagat na itinuturing itong tahanan. Ngunit dahil sa patuloy na banta dulot ng mga gawain ng tao at mga likas na pagkawasak, bumababa ang bilang ng mga ito. Sa pinakahuling ulat ng Climate Change Commission noong 2024, bumaba sa tinatayang 311, 400 ektarya ang kagubatan ng mga bakawan. Hindi biro ang pagtatanim at pangangalaga ng bakawan. Kaya naman mahalaga ang tungkulin ni Lolo Rufo sa pagsigurong mabubuhay ang bawat punlang kaniyang itinatanim upang napanatili ang balanse sa kalikasan, napataas ang kalidad ng tubig, at napalago ang yamang-dagat

na mahalaga para sa kabuhayan ng mga mangingisda sa kaniyang pamayanan.

“Andito ako parati sa dagat,” saad niya bilang pagsiguro na masugid niyang binabantayan ang mga punla’t puno ng bakawan.

Adbokasiyang Tagagabay

Bilang nag-iisang bantay bakawan sa kanilang lugar, naniniwala si Lolo Rufo na kailangang magkaisa ang komunidad upang mapangalagaan ang kalikasan. Bagamat hindi lahat nakikisangkot, nananatili siyang umaasa na magsisilbing gabay ang kaniyang adbokasiya sa iba.

“Ako pa lang ang nakikibahagi. Dapat makiisa ang iba,” panghihikayat niya na simulan ng kaniyang kapwa mga Boronganon na simulan ang isang maliit na hakbang para sa mas malaking layunin. Malalim ang pinag-uugatan ng ginagawa ni Lolo Rufo. Sa kaniya, higit pa sa tungkulin sa trabaho ang pagtatanim niya ng bakawan kundi isang gampanin para sa isang progresibong pagbabago sa mga susunod na henerasyon. Sa araw-araw, muli’t muli siyang susulong sa bawat niyang hakbang para pangalagaan ang kalikasan.

mula sa Philippine News Agency
ni Ernst Von Abrielle Jardio
PAGKABAON SA LUPA. Mas lalong naging mapanira sa kalikasan at kabuhayan ng mga residente sa lugar ng Homonhon ang patuloy na pagpapalawak ng minahan sa lugar, na nagdudulot ng
ang kita ng pambansang pamahalaan mula
Rev. Fr. James Abella tagapagsulong kontra pagmimina
ang

Tahimik na Karunungan

Bawat taon, may isang bagong kaalamang nabubuo sa mga silid-aralan at laboratoryo—isang kayamanan na dapat ibahagi, hindi itago. Ang mga akademikong pananaliksik na ito na naglalaman ng mga ideya, solusyon, at inobasyon ay may potensyal na magdala ng bagong pananaw at dulog sa mga lokal na isyu tulad ng mga epekto ng pagbabago ng klima sa agrikultura sa ating rehiyon, mga suliraning kinakaharap kaugnay sa edukasyon, at mga problemang nakakubli sa maraming sulok ng ating lipunan.

Subalit, lingid sa kaalaman ng masa, ilan sa mga mahahalagang pag-aaral na ito ay hindi nakakarating sa publiko o sa pangkat na dapat nakikinabang sa mga resulta nito. Ayon sa isang pananaliksik ng University of Arkansas for Medical Sciences, nananatiling hadlang ang mga salik sa pamamaraan, pondo, sistema, at pamamahala sa malawak na sakop na naaabot ng isang pananaliksik. Sa ating bansa, ipinaliwanag ng Kagawaran ng Edukasyon na dagok sa mga paaralan ang kakulangan ng pondo sa mas malawig na pagpasa ng kaalaman bunga ng pananaliksik, dahilan upang hindi ito maibahagi at magamit para sa ikabubuti ng komunidad. Marami sa mga pananaliksik ang nakasiksik lamang sa mga silid-aklatan na nagsilbi nang tambakan ng mga pag-aaral na naisagawa kada taon at naisantabi kalaunan. Nawawala ang masusing paglipat ng kaalaman. Bilang karagdagan, ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, kabilang ang mga pampublikong paaralan sa Pilipinas sa may pinakamababang internet access sa buong Asya. Nakapako ang internet access sa 68.43 porsiyento para sa mga paaralan sa junior high school at 81.75 porsiyento sa senior high school kompara sa universal access para sa lahat ng paaralan sa mga kalapit na bansang Vietnam at Singapore. Bunsod nito, nagiging malaking balakid ito sa digitalisasyon at awtomasyon ng mga mahahalagang datos. Sa ganitong sitwasyon, ang mga resulta ng pananaliksik

ang mga guro na iilan lamang sa mga pananaliksik ang naibabahagi sa mga magaaral at mga kapwa guro nila na maaari sanang makinabang sa mga ito. Labas pa sa bilang na ito ang mga komunidad at mga samahang hindi nararating ng mga mabubuting dulot ng mga pananaliksik na naisagawa. Madalas isinasantabi lamang ang mga ito sa madidilim na kabinet o ikinukulong sa mga koleksiyon ng papel na mahirap maabot ng nakararami, dahilan upang makaapekto sa kahusayang akademiko ng mga mag-aaral bunga ng limitadong pinagkukunan na pag-aaral. Hindi rin maitatago na halos lahat ng mga naisulat at naisakatuparang pananaliksik ng mga mag-aaral sa ating paaralan sa kanilang mga asignaturang may kinalaman sa pananaliksik ay binabalewala na lamang pagkatapos mabigyan ng grado sa dulo ng semestre o taong panuruan. Mag-aaral at guro ang unang mga benepisyaryo ng kanilang pananaliksik, subalit kung ang mga pananaliksik na ito ay mananatiling para lamang sa mga marka upang itawid ang pag-aaral, nalilimitahan ang potensyal na makinabang ang buong komunidad at maibahagi ang mga solusyon sa mga problema sa agrikultura, kalusugan, at edukasyon na maaaring dala ng mga pag-aaral na ito. Higit sa lahat, napipigilan ang pagdaloy ng kaalaman para sa mga susunod na mga pananaliksik at sa henerasyon sa hinaharap.

Sa madaling sabi, ang pagsasagawa ng mga pananaliksik ay hindi lamang para

ng mga desisyon, at pag-aambag sa akademikong diskurso. Kaugnay nito, dapat higit na paigtingin ang mga pamamaraan sa diseminasyon ng mga pananaliksik. Maaaring gumamit ng tinatawag na digital archiving ang mga paaralan at unibersidad kung saan gagawan ng digital na anyo ang mga pisikal na dokumento tulad ng naisagawang mga pananaliksik para sa mas madali at mas mabilis na pagkuha at pagbahagi ng mga ito. Nararapat ding maglaan ng mataas na pondo hindi lamang sa pagpapatupad ng mga pananaliksik kundi maging sa pagpapalaganap ng mga bagong tuklas at likhang kaalaman at imbensiyon. Dagdag pa rito, dapat tutukan ng mga institusyon at akademya ang mahusay na sistema at pamamahala ng mga pananaliksik na naisusulat at naililimbag taon-taon. Isang kapaligirang may kakayahang luminang, magpamalas, at bumuo ng isang pag-aaral na pakikinabangan ng buong komunidad ang kinakailangan para sa mas maaliwalas na kinabukasan para sa larangan ng panaliksik. Sa pamamagitan ng pagkakapit-bisig ng mga mag-aaral, guro, gobyerno, at iba pang mga eksperto, tiyak na makakamit natin ang tunguhing ito. Sama-sama, ang boses ng karunungang nananatiling tahimik sa isang sulok ng silid, sa wakas ay mapapakinggan sa bawat sulok ng daigdig.

MALAYANG ISIP

Balanseng Urbanisasyon

Sa isang bayan na umuunlad, kakambal na ng pag-asenso ang pagbabago. Ito marahil ang dahilan kung bakit walang pakundangan at paspasan ang isinasagawang pagbabago sa Pilipinas sa kahit anong aspekto lalong-lalo na sa kalikasan. Ang pagbabagong ito ang nagdudulot ng untiunting pagkakabaon sa matinding suliranin ng pagkalusaw sa mga natitira nating pagasa.

Ayon sa ulat ng World Wildlife Fund (WWF), ang populasyon ng mga alitaptap sa mundo ay patuloy na bumababa ng 2% kada taon. Ito ay bunga ng pagkasira ng kanilang natural na tahanan dulot ng pagmimina, pagputol ng kagubatan, at pagbabago ng klima. Dahil dito, isang suliranin ang kinakaharap ng mga mamamayan kung saan walang hanggan ang hindi semetrikong urbanisasyon at kalikasan. Isang senyales ang pagkawala ng lipon ng mga alitaptap sa patuloy na pagbabago sa kalikasan dulot ng urbanisasyon at pagsasakripisyo sa kalikasan. Sa bawat gusali at kalsada na itinatayo na unti-unting pumalit sa mga puno, ang mga alitaptap na dating sumisilaw sa gabi at nagbibigay ng liwanag sa kalangitan, ngayo’y naglaho na sa kakaunting natitirang luntian ng mga siyudad. Ayon sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Pilipinas ay patuloy na nawawalan ng kagubatan sa bilang na 0.7% kada taon mula taong 2001. Ito ay dulot ng patuloy na pagtaas ng pangangailangan para sa mga papel at kahoy, pagpapalit ng lupa para sa mga bagong imprastruktura, at pagtrotroso. Dulot ng kaunlarang hatid ng urbanisasyon sa ekonomikong pag-unlad at oportunidad ang pagkaluwal ng mabibigat na epekto ng progreso sa kalikasan.

Dapat higit na paigtingin ang mga pamamaraan sa diseminasyon ng mga pananaliksik.

Parehong may ginagampanan na tungkulin ang urbanisasyon at kalikasan para sa pag-angat ng kabuhayan ng maraming tao, ngunit hindi dapat kaligtaan ang pag-aalaga sa kalikasan. Kritikal ang balanse sa pagitan ng urbanisasyon at kalikasan upang masigurong sapat na likas na yaman at kaligtasan ang ipagkakaloob sa susunod na henerasyon. Para sa ating bansa na pilit hinahabol ang modernong pag-asenso, dapat hindi pa rin natin makaligtaan ang pangkalahatang seguridad, pangmatagalang pag-unlad, at sustenableng hinaharap.

Sa larangan ng enerhiya, isang mahalagang hakbang ang pagpapalaganap ng renewable energy sources tulad ng solar at wind power upang maiwasan ang pagdepende sa fossil fuels at bawasan ang carbon footprint ng ating bansa. Ayon sa Department of Energy (DOE), ang renewable energy ay hindi lamang makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan sa kuryente ng bansa, bagkus makatutulong din sa pagbabawas ng greenhouse gas emissions na responsable sa pagtaas ng temperatura at pagbabago ng klima. Sa nagpapatuloy na prosesong ito, maisasalba pa natin ang ating kalikasan mula sa pagkawala ng tinataglay nitong ningning. Sa pagpapatibay ng ating resolusyon para sa sustenableng kapaligiran, maaaring balansehin ang pag-unlad at pangangalaga sa kalikasan upang masigurong ang ningning nito ay patuloy na magliliwanag para sa mga darating na henerasyon. Upang malampasan ito, mahalaga ang aksiyon mula sa sektor ng gobyerno, industriya at kooperasyon ng pamahalaan. Habang hawak pa ng ating mga kamay ang kapalaran, tiyakin natin na ito’y patutungo sa maginhawang kalagayan. Sa isang bayang umuunlad tulad ng ating bansa, kakambal na ng pag-asenso ang pagbabago na dapat hindi maging hadlang upang isakripisyo ang natatangi nating kayamanan. Hangga’t lumilipas ang mga taon, sikaping muling hanapin ang nawawalang mga alitaptap sa gitna ng ating madilim na suliranin— ito ang magsisilbing liwanag na simbolo tungo sa pag-asa.

ISPORTS

BATANG HARI NG DAGAT

Makasaysayang pagwawagi ang nakamit ni Marionil Capacite nang hirangin siyang kauna-unahang National Surfing Champion na nagmula sa Silangang Samar.

Pinagharian ni Capacite ang Junior Boys Division ng Surf in the City 2024 ng United Philippine Surfing Association (UPSA) National Surfing Competition na ginanap sa Lungsod ng Borongan, Baybay Boulevard, Disyembre 20.

Nagtala ng 12.50 puntos si Capacite, daan upang angkinin ng Boronganon surfer ang bagong titulo sa naturang dibisyon.

Sa tulong ng kaniyang pambihirang tricks at routines, napataob ni Capacite bilang

batang hari ng dagat si UPSA National athlete at 2024 Asian Surfing Championships bronze medalist Troy Espejon para sa dikit na kampeonato sa 0.65 na pagitan ng panapos na iskor.

Masigla mang binuksan ni Capacite ang unang leg ng sagupaan sa mga alon, hirap siyang lamangan ang ibinidang malilinis na tricks ni Espejon na nagtala ng 3.25 lead.

Hindi nagpaawat, pinanipis ni Capacite ang agwat sa 0.85 gamit ang solidong routines sa ikalawang leg ng heat para sa

BITUIN NG RHYTHMIC GYMNASTICS

Pagsipat sa Pagwawagi ni Mae Nathalie Estrada ni Rhett Brandon Bernas

4.65 na puntos. Idinaong ni Capacite ang ikatlo at ikaapat na leg gamit ang kaniyang kalkuladong tricks at planadong routines upang masulot ang malaking pagitan sa kaniyang mga katunggali, 8.30, para sa huling dalawang leg.

“Hindi ako masyado nag-expect na mananalo ako hanggang sa magawa kong makalamang sa ikatlo at ikaapat na leg. Kaya grateful ako sa aking pagkapanalo,” pahayag ni Capacite matapos ang pamamayagpag sa kompetisyon.

Matatag na determinasyon at pagpupursigi ang naging gabay ko upang maging kaunaunahang national champ mula sa aking probinsiya.

Marionil Capacite National Surfing Champion

Traboco, nangibabaw sa gold comeback ng Falcons sa balibol ni Chad Banaldia BAGWIS NG MANDARAGIT

Muling pumailanglang si opposite hitter Johnrey Traboco ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) Falcons nang manduhan niya ang koponan sa pagbawi ng ginto sa Men’s Volleyball Finals ng 2024 Palarong Panlungsod, Sabang South Court, Disyembre 11. Pinangunahan ni Traboco ang paglupig sa mga balibolista ng Seminario de Jesus Nazareno (SJN), 25-22, 25-24, na nagpabagsak sa defending champion na Lalawigan National High School. Sa pagwawagi, muling nagbalik ang koponan pagkatapos ng isang taong gold drought sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2025 sa Maasin City. Nagpasabog ng apat na sunod-sunod na direktang ispayk si Traboco ng paliparin niya ang

agwat mula sa 7-7 deadlock para akayin ang Falcons sa ikalawang set. Masigasig na sinimulan ni Traboco ang bakbakan ng pangunahan ng kaniyang crosscourt attacks ang opensa ng ESNCHS. Umambag din si middle blocker Khen Tabulao ng blocks at wipes para maging lamado ang Falcons, 14-10. Agad namang binawi ng SJN ang pangunguna nang umusad ang puwersa nina open hitter Kobe Navidad at opposite hitter Keric Tiu at magposte ng anim na puntos, 16-14. Nadagit pa ng Falcons ang unang set nang isalba ni Traboco ang kaniyang koponan hatid ng service aces at deflections, 25-22. Bumanat naman ng quick attacks ang Navidad-Tiu tandem para tangayin ng SJN ang daloy ng laro sa pagbubukas ng ikalawang set, 7-0. Sa gitna ng hiyawan ng mga manonood, nagpaulan ng service aces at mautak na dumps ang mga balibolista ng Falcons para tuluyang isara ang labanan sa huling set, 25-14.

Nagpakitang-gilas si Nathalie ng nakapupukaw na mga pagtatanghal sa dalawang aparato, ang club at ang hoop, para lupigin ang kaniyang mga katapat mula sa ibang distrito. Ayon kay Nathalie, sa isang panayam ng Ang Sinag, hindi naging madali ang pagkamit niya sa kislap ng tagumpay. “Sobrang naghirap talaga ako kasi walang trainor, kulang ang apparatus at equipment, at kapos ang tulong pinansiyal. Kulang din po ang oras na ibinigay sa amin sa pagsasanay,” pahayag niya.

Bitbit ang sigasig at determinasyon,

2024, Disyembre 11.

Sa kabila ng mga balakid sa paghahanda, nagsilbing susi sa tagumpay ni Natalie ang disiplina at sakripisyo na nahubog simula nang elementarya siya. Bagaman matagal nang atleta, baguhan naman siya sa rhythmic gymnastics na isports din ng kaniyang ate na nagbigay

sa kaniya ng inspirasyon para subukan ang naturang pampalakasan.

“Una akong sumabak sa volleyball at sumunod naman sa aerobic gymnastics,” saad niya.

“Ngunit hindi ito naging hadlang para manalo kahit kulang sa ensayo at kaalaman sa rhythmic gymnastics,” dagdag niya.

Sa kaniyang pagkapanalo, tutungtong sa unang pagkakataon si Nathalie sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2025.

“Sa bawat atleta, ang pananaig ang aming ultimate

magpokus sa pagsasanay para

maging mabuti ang aking makukuhang resulta,” pagtatapos niya.

TIKET SA PALARONG PANREHIYON

Inakay ni tekong Al Padro ang District IV Maroons nang pagharian nila ang do-or-die na bakbakan kontra Dictrict II Greens, 15-13, 15-7, sa 2024 Palarong Panlungsod Men’s Sepak Takraw Championships-3rd Regu sa Lalawigan National High School Gymnasium, Disyembre 11. Ipinadama ni Padro ang kaniyang nagliliyab na puwersa nang tambakan niya ang kalabang koponan ng pulidong ace services at matitikas na sunback kicks upang lumasap ng 3-point lead sa gitgitan sa pagbubukas ng laro, 12-9.

Umarangkada ang Maroons at iba pang napiling atleta para sa regu sa palarong panrehiyon, ang Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2025.

Masigasig na binuksan ang laro nang agarang rumehistro ang Maroons ng ace services mula kay Padro at killer header mula kay Kian Cillo, 3-2. Sanib-puwersa namang nagpasabog ng mauutak na headers at maliliksing inside kicks sina spiker Aldrich Casillano at feeder Lance Arca ng Greens upang magtala humabol sa unang set ng laro, 9-8.

Hindi naman nagpagapi ang Maroons nang pangunahan muli ni Padro ang opensa ng koponan gamit ang madidiskarteng horse kicks at walang-mintis na services, daan upang tambakan ang katunggali sa ikalawang set, 12-6, at tuluyang angkinin ang ginto.

“Nakaka-proud na nanalo kami. Lahat ng ito ay salamat sa the best naming coach, Sir Edwin. Hindi kami mananalo kung hindi dahil sa mga pagplano ni Sir,” pahayag ni Padro matapos ang kampeonato.

“Hindi talaga kami mananalo kung hindi ako sumugal dahil sa aking estratehiyang nabuo na palit-palitan ang mga manlalaro sa bawat regu. Natapatan namin ang aming mga mahihinang manlalaro sa kanilang malalakas, daan upang manalo kami sa dalawang regu,” wika ni Edwin Abobo Jr., head coach ng koponan ng sepak takraw

ni Mark Vince Lord Owen Araba
ni Mark Vince Lord Owen Araba
sa mga numero
nagningning si Mae Nathalie Estrada, isang bagong bituin sa larong rhythmic gymnastics, nang sungkitin niya ang tinitingalang ginto sa Secondary Women’s Rhythmic Gymnastics ng Palarong Panlungsod

Higit sa lakas at liksi, dala ng pampalakasan ang pagkakaisa na angkla ng lawak ng pang-unawa at lalim ng pagkakapantay-pantay.

Isang para atleta si Kevin Lemon na kabilang sa mga mag-aaral sa ilalim ng Programang Special Needs Education (SNED) ng Sangay ng Lungsod ng Borongan. Sa kabila ng pagkakaroon ng intellectual disorder (ID), aktibo sa pampalakasan si “Lemon”, ang tawag ng mga nakakakilala sa kaniya. Sa katunayan, isa siya sa maraming atleta na lumahok sa 2024 Borongan City Para Games na programa ng lokal na pamahalaan at tanggapan ng sangay para sa mga Boronganon na may espesyal na pangangailangan.

Ayon kay Marina Estrada, tagamasid ng Programang SNED sa Eastern Samar National Comprehensive High School, laging sumasali si Lemon sa mga palaro ng lungsod para sa mga para atleta.

“Mahigit isang dekada nang nag-aaral si Lemon. Simula noon pa man, pinasasali na namin siya sa mga palaro ng lungsod. Doon siya nagsimula sa paglalaro ng isports,” paliwang ni Ginang Estrada.

Naging daan ang patuloy na pagsali ni Lemon sa para isports para magbigay inspirasyon sa mga kapwa niya mag-aaral sa SNED na makilahok sa larangan ng pampalakasan.

Ayon kay Lyxen Calzita, guro sa SNED, mas dumami pa

ang mga estudyante ng SNED ngayong taon na dumalo sa palaro ng lungsod dahil sa nakuhang motibasyon mula sa mga matagal nang manlalaro, kabilang na si Lemon.

“Maganda ang aktibad na ito para sa kanila [SNED na magaaral] na madalas na-ooverlook. Nagkakaroon sila ng pagkakataon para makapag-participate,” saad niya.

Sa araw na iyon, nasungkit ni Lemon ang dalawang gintong medalya para sa javelin throw at 4x100m relay at dalawang tanso para sa shotput at 100m dash.

“Sa tagumpay ni Lemon masasalamin na kailangan nila ng ganitong oportunidad na makasali sa isports kasama ang iba. At hindi lang dapat kaming SNED teachers ang sumusuporta. Pati na dapat ang ibang mag-aaral, pamilya, at lokal na pamahaalan,” dagdag pa niya.

Sa huli, patuloy na tataluntunin ni Lemon ang daan ng inklusibong pampalakasan na hatid hindi lamang sa kaniyang lakas at liksi kundi ang pagkakaisa para sa malawak ng pangunawa ng mga tao para sa kaniya at malalim ng pagkakapantay-pantay ng lipunan para sa tulad niyang para atleta.

2024 BORONGAN CITY PARA GAMES

HAKBANG NG PAGKAKAISA

Ang Pagtalunton sa Inklusibong Pampalakasan ng Isang Para Atleta ni Loraine Kim Abobo

BANGIS NG HAGIS. Determinadong bumida si Kevin Lemon sa bawat pampalakasan ng 2024 Borongan City Para Games. kuha ni Mark Vince Lord Owen ARABA

SNED runners, nagreyna sa 4x100m relay

ni John David

PADYAK NG TAGUMPAY. Nagpakitang-gilas si Jennifer Gulmatico ng sustinadong strides sa huling leg upang maselyuhan ang pamamayagpag. kuha ni JOHN DAVID BANTILES

Inangkin ng nagkakaisang koponan nina Rhonna Crebillo, Fatima Galla, Nieva Pagayanan, at Jennifer Gulmatico ng Special Needs Education (SNED) ang ginto sa Girls’ 4x100 Relay Championships ng 2024 Borongan City Para Games, sa Baybay Boulevard, Nobyembre 28.

Nagtala ng 56.5 segundo ang apat na dikit sa saktong 57.00 ng mga katunggaling kapwa para runners na sina Milagros Oledan, Presciosa Gutierez, Nilda Morfe at Angie Tumbaga. Sa pamamayagpag, tatakbo sila sa qualifying rounds ng 2025 Philippine National Para Games (PNPG).

Masiglang binuksan ang pabilisan nang agarang magtapatan ang mga pambato ng bawat koponan sa unang leg na dinomina sa loob ng 12.4 segundo ng umiigpaw na liksi ni Crebillo. Inungusan naman ni Morfe si Galla gamit ang

sa mga numero

Rhonna Crebillo, Fatima Galla, Nieva Pagayanan, at Jennifer Gulmatico

kaniyang malalakas na stride sa ikalawang leg at napaliit ang agwat sa 21.8 segundo ng gitgitan.

Sa mahigpit na bakbakan ng bilis, giniba ng liksi ni Pagayanan ang pangunguna ni Gutierrez sa ikatlong leg, 42.1 segundo, daan upang maselyuhan ang pangingibabaw.

Kumaripas naman si Gulmatico at nagpamalas ng sustinadong bilis upang ikandado si Oledan sa likuran, 54.2 segundo ng huling leg.

“Masaya ak nga nagdaog kami, maupay ko la,” pahayag ni Pagayanan matapos ang matinding karera.

Milagros Oledan, Presciosa Gutierez, Nilda Morfe at Angie Tumbaga

57.00s

TAKTIKA NI GIAN

Ang Biomechanics ng Pulidong Tira sa Archery

Sa likod ng payak na paghila sa busog at pagbitaw sa pana, isang masusi at mautak na kasanayan ang kinakailangan para makamtan ang isang pulidong tira sa archery. Kaya halina’t tarakin natin ang mga taktika sa isang mahusay na pagpana sa lente ni Gian Mar Agus, isang Comprehenyo na 2024 EVRAA gold medalist sa larong archery.

Ang stance: Posturang tumpak Nagsisimula ang archery sa tamang stance o postura na kaugnay ng saktong bow poundage o bigat ng busog na kailangan para hindi agad mapagod sa paghila. Katatagan ang unang layunin sa archery. Ayon kay Gian, “Ang stance ang pinaka-importante sa katawan. Ito ang magbibigay kontrol sa pagtira.”

Sa pagtuturo niya, dapat mong ilinya ang iyong paa sa balikat na nauuna ang didominanteng paa. Panatilihin ang isang tuwid na postura nang nakataas ang iyong ulo at bibig na kahanay ang lupa. Tiyaking tuwid ang linya patungo sa puntirya ng iyong pang-draw na kamay at pang-bow na braso.

Ang draw: Kalmadong lakas Matapos namang makamit ang tamang stance, susunod

ang pag-draw ng string bilang paghahanda ng tira. Ito ay ang paraan ng paghila pabalik ng string sa bow upang mag-ipon ng enerhiya para sa busog na nagpapakawala sa palaso. Ayon kay Gian, mahalaga ang kalma sa paghila pero mas kailangan ang lakas upang makatira nang maayos. “Nasa lakas mo talaga ang kailangan mo para maayos ang inyong hila. Kasi noong nagsisimula palang ako, nahihirapan ako noon. Kaya sinanay ko at kinondisyon ang katawan ko upang lumakas at mabuhat ang aking bow. Mula noon umayos na ang aking mga tira at naging matibay na ang aking paghila ng bowstrings,” aniya.

Ang anchor: Pormang tugma Upang palagi mo namang mapanatili ang tamang stance

at tira, lakas at tamang kontrol, kailangan mong gamitin ang iyong anchor points o ang mga punto sa mukha o katawan na kung saan nagpapahinga ang bow string at drawing hand.

“Iyan po ang pagiging pare-pareho ng inyong mga tira. Kailangan mo ito para hindi ka agad mapagod kasi ang anchor point, alignment ‘yan para hindi maharang ang inyong mga kamay sa inyong dibdib. ‘Yan ang pinaka ‘resting point’ ng kamay mo,” ika ni Gian.

Ang release: Akmang lipad Sa pagsasagawa ng tira, huli ang release o ang pagbitaw ng bow strings sabay ang palaso.

Ayon kay Gian, ito ang punto ng proseso ng tira kung saan ang inyong katawan ay dapat buo ang kalma. Dahil kung hindi, magdudulot ito ng panginginig.

PAGSULONG SA INKLUSIBONG PAMPALAKASAN

Para Games: Salamin ng ating Husay at Galing

Sa muling pagbabalik ng Para Games matapos ang limang taon, muling mabibigyan ang mga atletang may kapansanan ng plataporma na maipakitang hindi kailanman magiging balakid ang kanilang kalagayan upang makamit ang kahusayan. Ang mga ganitong programa at gawain din ay nagsusulong sa inklusibidad sa lahat ng mga atletang ipinagmamalaki ng ating bayan kaya ang suporta mula sa pamahalaan at mga pribadong sektor ay lubhang mahalaga upang mas mahubog pa ang kanilang kakayanan.

Kamakailan lamang ay bumida ang mga para athlete sa isinagawang tatlong araw na Borongan City Para Games. Kabilang sa mga larong itinampok sa kompetisyon ang chess, badminton, javelin throw, discus throw, dash, relay, table tennis, shot put, at swimming. Malaking bagay para sa mga para athlete mula sa Borongan ang pagkakaroon ng ganitong mga gawain dahil ito ay pundasyon sa pagbuo ng kasanayan at karanasang magdadala sa kanila tungo sa mas malaking hangarin gaya ng mga internasyonal na patimpalak o ang Paralympics na ginaganap kada apat na taon. Gayunpaman, kahit gaano pa man kalakas at kalaki ang potensyal na taglay ng ating mga atleta kung maliit na suporta lamang ang kanilang natatamasa ay mahihirapan tayong makalahok sa mga malalaking kompetisyon na mahalagang oportunidad para sa kanila. Sa bagong proposed 2025 national budget, nabawasan ang nakalaang pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) na may P725 milyon na lamang. Sa kabila ng potensyal na maitaguyod ang mas inklusibo at dekalidad na palakasan sa bansa, tila hindi ito nagiging pangunahing prayoridad. Matagal nang suliranin ng ating mga atleta ang kakapusan sa kagamitan, pasilidad, at sapat na pagsasanay na mahalaga para sa patuloy nilang pag-usbong. Malaki rin ang gampanin ng lokal na komunidad sa pagpapalaganap ng suporta gaya ng programa sa pampalakasan na isinasagawa ng Lungsod ng Borongan para sa mga atletang may kapansanan. Nabibigyang pagkakataon ang mga manlalaro mula sa mga malalayong nayon na ipakita ang kanilang angking galing lalo na ang mga nagsisimula pa lamang. Isang mahalagang panawagan para sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor na sana ay bigyan natin ang ating mga atleta ng sapat na pagkakataon at pondo upang maabot ang kanilang mga mithiin at sabay-sabay nating itaguyod ang inklusibidad at pagmamalaki sa ating mga kababayan sa larangan ng pampalakasan.

ni Mark Vince Lord Owen Araba

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus

NASYONAL

Weightlifting, bibida sa Palaro 2025 sa unang beses

ALAB NG SIPA

SIPANG TAGUMPAY. Masigasig na nagpamalas si Darrel Lorico ng perpektong high kick, isa sa mga bunga ng kaniyang labis na pagmamahal sa pampalakasan. mula kay DARREL LORICO

Sa buhay ng isang atleta, minsan ang isang munting kuryusidad ang ningas sa alab ng mga pangarap ng pampalakasan.

Si Darrel Lorico, isang taekwondo jin, ang isa sa mga pinakamahusay na atleta na hinubog ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) at sa kaniyang kuryusidad nagsimula ang lahat.

“Sa katotohanan, out of curiosity lang ‘yun. Nakita ko ang equipment ng aking pinsan at tinanong ko sa kaniya kung para ba ‘yan sa ano?” manghang kuwento ni Darrel sa isang panayam ng Ang Sinag.

“Sagot ng pinsan ko, ‘para sa taekwondo,’ pero hindi niya ipinaliwanag ang kaniyang sagot kasi mga bata pa kami noon. Out of curiosity, sinaliksik ko ito sa internet at sa YouTube kung ano ba ang taekwondo. At diyan ako nahumaling sa sports,” dugtong niya.

Kakambal ng dedikasyon at pagpupursigi, sinindihan ng kuryusidad na iyon ang husay at galing ni Darrel sa taekwondo.

Nangibabaw siya sa iba’t ibang panrehiyon at pambansang pampalakasan dala-dala ang pangalan ng ESNCHS na nagbukas naman ng maraming pinto ng oportunidad sa kaniya.

“Being recruited in a UAAP school was the biggest highlight of my career. I represented the Far Eastern University Tamaraws in 4 UAAP seasons (Seasons 76, 77, 79 and 81),” masayang pagbabahagi ni

Darrel sa makulay niyang mga taon bilang atleta sa kolehiyo.

“During the 2018 National Inter-School Championships in Manila, De La Salle University won the gold, but our team got the silver medal, defeating UP, UST and NU. It was definitely one of the most challenging Poomsae Team Male events that we have competed,” dagdag niya.

Naging daan din ang kaniyang pagiging atleta para masuportahan ang kaniyang pag-aaral sa kolehiyo.

“Pero noong aking college athletic days, yung motibasyon ko ay matulungan ang aking mga magulang sa pamamagitan ng aking athletic scholarship na sinigurado sa akin ng FEU. Malaki ang naipon ng aking mga magulang para sa aking pangkolehiyang edukasyon,” aniya.

Sa mahigit labing-isang taon niyang pagiging manlalaro, hininulma ng taekwondo ang kaniyang pagkatao.

“I learned that playing taekwondo or sports is knowing how to collaborate and

work with other co-athletes and your coaches. Learning how to be respectful to others and having the spirit of sportsmanship were the biggest values I have learned,” wika niya.

“Taekwondo is something I couldn’t imagine if I didn’t pursue it. My life would’ve been 100% different. I met so many great people and I have learned so many life lessons from the sport. probinsiya,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, bagaman hindi na naglalaro ng taekwondo, nagpapakadalubhasa naman si Darrel sa ilalim ng postgraduate program ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman na Diploma in Exercise and Sports Science. Karugtong ng pagsusumikap na ito ang kaniyang pangarap para sa mga batang atleta.

“I am studying to further enhance my craft as a future taekwondo coach and hopefully to become a personal trainer and strength and conditioning coach for any sport,” panapos niya.

Sa huli, magpapatuloy si Darrel na dalhin ang alab ng mga pangarap ng pampalakasan hindi na lamang para sa kaniya kundi maging sa bagong henerasyon ng mga atleta.

GILAS SA HAMPAS. Tinambakan ni Brennan Opeña ang kaniyang kontra ng walang-humpay na smash daan tungo sa kaniyang pagdomina. kuha ni LLORIS ANIKA TY

Hangad na linangin ang pundasyon ng pampalakasan o grassroots sports sa bansa, babandera ang weightlifting sekundarya pambabae sa gaganaping 65th Palarong Pambansa sa Ilocos Norte mula Mayo 24 hanggang 31, 2025.

“In the upcoming Palarong Pambansa, we will have weightlifting for the first time, with no less than Olympic gold medalist Hidilyn Diaz as our resource person,” pahayag ni DepEd Secretary Sonny Angara sa pagbubukas ng isang panrehiyong pampalakasan, Pebrero 23, 2025.

“I have long hoped for my sport to once again be part of the biggest national sporting event for student-athletes in the Philippines. Now, it’s finally happening,” saad ni Hidilyn Diaz, Olympic gold medalist sa weightlifting.

Magsisilbing demonstration sports ang weightlifting kalakip ang kickboxing. Dagdag dito, magiging regular na isports na sa Palaro ang pencak silat at pole vault pambabae.

INTERNASYONAL

Pole vaulter EJ Obiena, nasungkit ang unang ginto sa 2025 sa France ni Chad Banaldia ni Princesz Eula Andriae Aserios

Muling namayagpag ang Olympics pole vaulter ng Pilipinas na si Ernest John Obiena matapos niyang makopo ang kaniyang unang gintong medalya ngayong taon sa Meeting Metz Moselle Athlelor sa France, Pebrero 8, 2025.

Perpektong naigpawan ni Obiena ang 5.70 metrong taas sa isang subok gamit ang countback.

Natalon man ni Menno Vloon ng Netherlands ang parehong taas sa unang subok, umabot sa tatlong beses bago niya malampasan ang 5.60m dahilan ng pagbaba niya sa pilak.

Naging kalamangan ito ni Obiena na walang mintis na natalon ang unang dalawang napiling taas sa 5.50m at 5.70m bago magtala ng tatlong fouls sa 5.85m. Naibulsa naman ni Tokyo Olympics silver medalist Chris Nilsen ng USA ang tanso para sa 5.60m.

Samantala, matatandaang nadagit din ni Obiena ang pilak na medalya sa International Springer-Meeting Cottbus sa Germany noong Enero na pinakauna niyang sinalihang kompetisyon sa loob ng limang buwan matapos ang pagpapahinga mula sa

PRINSIPE NG SHUTTLERS

Opeña, nadepensahan ang trono sa badminton

Delmar Chauncey Duane Araba

Hindi natibag sa kampeonato ang itinuturing na prinsipe ng shuttlers ng Distrito IV na si Brennan Opeña nang dominahin niya ang Secondary Boys Singles A Championships, 30-16, ng Palarong Panlungsod 2024 sa Eastern Samar National Comprehensive High School Gymnasium, Disyembre 11.

Pinayukod ni Opeña ang nangangalawang na depensa ni Quinli Tiu ng Distrito V nang tambakan niya ito ng mga smash at dropshot upang rumehistro ng malaking agwat sa kalagitnaan ng laro, 25-9. Sa pananaig, muling sumabak si Opeña sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2025 sa Maasin City. Agarang nakamit ni Opeña ang pangunguna

nang magpakawala siya ng sunod-sunod na smash, 6-2. Humataw naman si Tiu at nagpamalas ng madidiskarteng dropshots upang mapanipis ang agwat ng iskor, 8-5. Hindi nagpasindak, tinibag ni Opeña ang ritmo ng kontra gamit nang magpaulan siya ng cross-court smashes, 17-8, sa gitna ng sagupaan. Pinilit ni Tiu humabol nang magpakawala siya ng maliliksing mga tira na

bigong lumusot sa matibay na depensa ni Opeña, 14-29. Tinuldukan ni Opeña ang labanan nang magpasabog siya ng huling mapangwasak na smash, daan upang lubusang durugin ang kalaban, 30-16. “Masaya po ako dahil alam ko sa sarili ko na pinaghirapan ko iyon at pinaghandaan para manalo,” pahayag ni Opeña matapos ang dominanteng pagbida sa kampeonato.

Ang tanging daan ko lang upang madomina ang aking katunggali ay pinagbutihan ko lang po ang aking pag-eensayo.

Brennan Opeña ESNCHS shuttler

Ernest John Obiena mula sa INQUIRER.NET

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.