Ang Bangka (The BOAT)

Page 8

ANG BANGKA PAHINA

08

Lathalain

Kasangga Sakuna sa

Bahagi na ng buhay ang pakikipagsapalaran sa tuwing may sakuna na tila ba normal na lamang ang pagdaan ng mga ito lalo sa mga taga Cagayan Valley na madalas tamaan ng mga tinatawag na “natural disaster” kabilang ang Bayan ng Delfin Albano.

N

gunit sa kabila nito, mapapadali ang pakikibaka kung mayroong kaagapay na laging handang umalalay lalo sa oras ng pananasala ng mga delubyo. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Local Government Unit ng Delfin Albano, kabilang ito sa mga bayan sa Isabela na madalas bahain buhat ng may pagkamababa ang lugar. Kung kaya minabuti ng dating alkalde na si Thomas Pua Sr. na buuin ang Delfin Albano Rescue Team (DART) na siya magsisilbing kasangga sa tuwing may

sakuna. Ang pagbuo nito ay suntok sa buwan sapagkat nariyan and sandamakmak sa suliranin nagaabangan upang sila’y pigilan. Ngunit tila walang imposible sa mga taong determinadong gawin ang isang bagay. Ayon sa kanila, kung taos bukal sa puso mo ang pagtulong, lahat gagawin upang magawa ito. Nagsimula sa kakaunti at dahan-dahang dumami hanggang ang bilang nila na dati ay mabibilang lamang sa mga daliri ay humigit sa 30 na sa kasalukuyan. Ayon sa kanilang miyembro, ito

ay dahil sa walang humpay na pagsuporta sa kanila lalo ng LGU-DA na nagsilbing pundasyon nila. Higit pa rito, ang taos pusong pagtulong ng mga volunteers na kahit kakarampot ang sahod ay hindi pa rin magawang humindi sa hamon ng DART. Masasabi ring milya-milya na ang narating ng DART. Isa na ito ngayon sa pinaka aktibong Rescue Team sa Isabela na umaagapay hindi lamang sa mga taga-DA kundi umaabot sila sa karatig bayan nito tulad ng; City of Ilagan, Cabagan, Tumauini, San Pablo at iba pa.

Maliban dito, sila ang inaasahan lalo ng mga paaralan upang magbigay kaalaman sa mga mag-aaral nang maging handa lalo sila sa oras ng mga sakuna. Saksi ang San Antonion National High School (SANHS) sa pagpursige ng DART upang maghatid ng kaalaman sa mga mag-aaral na magiging sandata nila sa pagharap sa mga delubyo. Gayon din ang paagapay nila sa bawat barangay upang maging handa ang mga ito. Ang patuloy na pakikibahagi ng DART sa mga inisyatibong may kinalaban sa “disaster preparedness” ay simisibulo sa adhikain nitong tumulong. Kung kaya, tuwing may tumatamang delubyo bayan, napapanatili nito ang zero casualty, tulad na lamang ng tumama ang malalakas na bayong Lawin at kamakailan ay Ompong.

Malaki rin ang naging ambag ng organisasyong ito upang makilala ang Delfin Albano hindi lamang sa buong Rehiyon kundi sa buong bansa. Patunay dito ang ambag nito upang makamit muli sa pangatlong pagkakataon ng Delfin Albano ang Seal of Good Local Governance Award. Sa ngayon, lumalawak na ang sakop ng pagtulong na ginagawa ng DART na mula sa dating paagapay sa tuwing may sakuna lamang ay tumulong na din maging sa mga aksidente oh anumang pangyayari may kinalaman sa kaligtasan. Bukod pa rito, bukas din ang kanilang tanggapan 24/7. Hindi man maiiwasan ang mga sakuna o pagtama ng mga delubyo ngunit, magiging madali ang pakikibaka rito kung may kamay na tulad ng DART na laging kasangga sa sakuna. #

SUPERHERO NG BAYAN HINDI LAMANG SA KOMIKS MERON ANG MGA SUPERHERO, KUNDI PATI SA BAYAN MAY MGA ITINUTURING DING BAYANI. “Helping one person might not change the world, but it could change the world for one person”-Eugene M. Salvador.

Sa kakayayahang pagpipinta, ang dalawampung taon at simpleng si Eugene ay nagkaroon ng daan para mapabilang sa Delfin Albano Rescue Team (DART 13). Matapos anyayahang magpinta sa gagamiting bagka noong piyesta ng bangkarera, hanggang nagtuloy-tuloy na makitaan ng potensiyal na mapabilang sa grupo at nahubog ang kanyang kakayahan na naging volunteer siya sa una hanggang nagpatuloy na naging emergency medical services o medics na ngayon. Ayon kay Salvador, ang gusto niya dati ay Architecture ngunit dahil sa problemang pinansiyal ay hindi kinaya at hilig din niya ang culinary ngunit siguro tadhana sa kanya na makatulong sa kapwa, ang mga paa niya mismo ang nagturo sa daan tungo sa DART. Tila nalulusaw ang puso at mababakas ang tila pagpatak ng luha sa mata ni Salvador, matapos ikwento ang eksenang kanyang natunghayan sa umaagaw na buhay ng bata sa Brgy. Bayabo. Matapos tumigil ang pagtibok ng puso ng bata dahil sa convulsion.

Ngunit dahil sa may kakayahan sa Basic Life Support ang grupo ng Delfin Albano Rescue Team (DART) ay nakarekober ang bata hanggang nakarating sa Hospital at mailigtas ang bata sa bingit ng kamatayan. “Hindi ko maipaliwag ang nararamdaman kase nakatutulong kana, yung mga recommendations nila, at kahit konti lang ang sahod, kapag nakatulong ka sa kapwa nakagiginhawa sa puso at yung pakiramdam na nakagagaan sa kalooban” dagdag ni Salvador sa pagiging parte ng grupo. Isa sa mga aktibong miyembro ng DART si Eugene. Makikita sa kanya na mahal niya ang ginagawa niya at parang hindi na matatanggal sa kanya ang pagtulong sa kapwa. Itinuturing isa siya sa mga maaasahan na takbuhan pagdating sa oras ng pangangailangan. Isang tawag lamang sa kanya ay asahan mong pupunta siya. Ang mga tao ay nagagalak sa kanya at lubos ang pasasalamat

dahil ginagawa niya ng mabuti ang tungkulin niya bilang superhero. “Attitude” o ugali ang natutunan niya sa pagiging parte ng pangkat kasama ang pagiging mapagkumbaba at pagbibigay serbisyo sa mga tao. Bawat pagtulong ay memorable sa kanya. Kaniyang pinapahalagahan ang bawat dampi sa kamay niya sa mga palad ng nangangailangan. At taos pusong ginagawa ang tungkulin bilang tagapagligtas ng bayan. Hindi madali ang pagiging superhero, ngunit kung talagang mahal mo ang ginagawa mo magiging madali na lamang sayo ito. Mga ganitong tao dapat pinaparangalan dahil sa pagiging bayani sa mga nangangailangan. Mga natitirang superhero na may kamangha-manghang kakayahan. Alisto at ma’y paninindigan. Ang pagtulong sa kapwa ay boluntaryo, kaya kahit sino maaaring mag-abot ng kamay sa mga taong nais ang serbisyo.#


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.