ANG BANGKA PAHINA
06
Lathalain
Bangka ng Buhay
“Maguunahan sa pagtawid sa rumaragasang tubig ng ilog ang mga kalahok...
LADY NICHOLE B. LUNASCO
K
ung para sa iba, ginagamit ang bangka bilang trasportasyon sa pagtawid sa mga ilog, para naman sa mga residente ng Delfin Albano,ito ang ginagamit nila hindi lang sa pagtawid sa Cagayan River kundi para din maitawid ang kanilang pang-araw araw. Bilang naging malaking parte ng araw-araw na pakikipagsapalaran ng mga Albanian ang bangka ay naisipan ng mga ito na simulan ang isang taunang pagdiriwang. Taong 2007 nang simulang ang pagdiriwang na ito na tinawag na Bangkarera Festival bilang pag-alala sa dating buhay ng mga tao ng lugar. Tila ba nakakulong ang mga tao ng delfin albano noon sapagkat bagi pa man magkaroon ng tulay na siyang ginagamit na ngayon bilang
lagusan sa paglabas at pagloob sa bayan,dumaan sila sa delikadong uri ng trasportasyon at ito ay ang bangka. Ngunit sa kabila ng ganitong kalagayan ng lugar noon nagkaroon naman ito ng magandang epekto dahil ito ang ginamit nila upang maitawid ang araw araw na buhay. Ang ilog ang isa sa pinagkukunan ng isdang inuulam at ibinebenta sa mga kabahayan at maliban oa diyan ito din ang hanap buhay ng ilang kalalakihang may bangka. Tinatawid ng mga bangkero(tawag sa mga namamahala sa bangka) ang mga taong nangangailangang lumabas para makabili ng pangangailangan at makapasok sa bayan na may kapalit na pera bilang kabayaran. Kagaya na lamang ni Tony
Suelen,45 na nagtatawid ng mga tao kahit umulan o bumagyo para lamang maitawid ang buhay ng kaniyang buong pamilya sa bawat araw. Ngunit nang matapos ang paggawa sa tulay taong 2010,sumabay ding nagtapos ang kabuhayan ng mga bangkero. At ang pagtatapos na ito ang naging simula ng pagdiriwang ng bangkarera festival bilang pagalala sa mga ito. Apat na araw ginaganap ang nasabing pista,at sa unang gabi nito ang DepEd's night kung saan dinadaluhan ito ng mga guro at mga mag-aaral mula sa ibat ibang paaralang ng bayan para sa pagkorona ng mga may pinakamalalaking halaga ng perang naibigay. Mga residente ng lahat ng barangay naman ang bumubuo
Ang Tulong ng Tulay
LADY NICHOLE B. LUNASCO
Para sa iba, isang istruktura lamang ang tulay na siyang ginagamit upang mapagdugtong ang dalawang lugar na magkahiwalay dahil sa mas mababang lupain sa pagitan nito o ilog na namamagitan sa kanila.
Ngunit para sa mga residente ng Delfin Albano, ito ang nagsilbing daanan nila upang malagpasan ang mahirap na bahagi ng kanilang buhay. Bago pa man masimulan ang paggawa sa Delfin Albano Bridge na siyang nagsisilbing daanan na ng mga mamamayan, naranasan muna ng mga ito na tumawid sa rumaragasang tubig kasama ng nangangatog na tuhod gamit ang bangka.
Dahil nga bangka lamang ang tanging paraan ng trasportasyon noon, bihira lamang magpunta sa bayan ng Tumauini ang mga taga Delfin Albano upang umangkat ng pang-aras araw na pangangailangan. At nang matapos gawin ang tulay naging araw araa ang na paglabas mula sa dating bihira lamang. Dito na nagsimulang makalabas ang tila ba nakakulong na mga tao ng delfin albano. At dahil dito tumaas din ang bilang ng mga pumapasok sa unibersidad at kolehiyo dahil sa mas ligtas na trasportasyun, tumaas din ang bilang ng mga lumalabas sa unibersidad at kolehiyong may bitbit na diploma.
sa ikalawang araw kung saan lahat ay inaanyayahang makisali sa pagsasaya,mula sa mga kabataan hanggang sa matatanda ng mga barangay at kung minsan isinasagawa din ang Delfin Albano Got talent na mula sa labas at loob ng bayan ang kalahok. Sa ikatlong araw naman ang pinakainaabangan at ito ay ang bangkarera at ang mga kalahok ay ang mga mangingisda o dating bangkero na ginaganap sa dating daungan ng mga bangka biglang pag-alala sa dating daanan ng mga tao. Maguunahan sa pagtawid sa rumaragasang tubig ng ilog ang mga kalahok upang makabalik mula sa tabing ilog ng Delfin Albano tungo sa kabilang bayan at pabalik muli ang mga kalahok, ang mauuna sa pagbalik ang magwawagi.
Masayang nagsisigawan at nagpapalakpakan ang mga manonood at hindi alintana ang sikat ng araw na nasa taas nila. At hindi pa dito nagtatapos ang pagdiriwang ng pista,matapos ang bangkarera magsasama sama ang lahat sa Centro para sa paradang isang beses lamang sa isang taon kung isagawa. Pagkatapos ng parada,maghihiwa-hiwalay na ang bawat isa,magtutungo sa kung saan gusto at sa mga kakilala upang makikain at pagkakataon na din na makipagkwentuhan tungkol sa nakaraan. Alaala ng nakaraan na patuloy na yayakapin ng mga ito sapagkat ang bangka ang minsang naging hangin nila--minsang nagmumulan ng buhay ng mga Albanian.#
Dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga taga- Delfin albano na magkaroon ng mas maunlad na komunikasyun at mas madaming oportunidad sa labas ng kanilang bayan naging mas maganda ang daloy ng kanilang pang-araw araw kung ikukumpara sa dating bangka lang. Dati, kailangan pang magbangka ng mga tao upang tumawid sa Cagayan River at makapunta sa Tumaui, karatig bayan ng Delfin Albano. Dala nito ay hirap lalo na sa kalakan na isang susi upang mabuksan ang pinto ng kaunlaran. “Ang hirap lalo sa pagaangkat ng mga bilihin pati na rin sa pagbebenta ng mga produktong agrikultura,” sabi Romeriko, 47, isang magsasaka sa bayan. “Ngunit mula ng nagkaroon ng tulay, unti-unti bumilis ang kalakaran, dagdag niya. Masasabing isa si Romeriko sa mga taong nagtatamasa ng biyaya na dulot ng tulay. Bukod pa riyan, Malaki rin ang naging ambag ng
tulay upang mapabilis ang pagdadala ng serbisyo sa mga mamamayan ng Delfin Albano. Patunay ditto ang paghahatid ng serbisyong medikal na dati kailangan pang ibangka ang mga pasyente, ngayon ay mabilis na lamang silang nakakatawid sa ilog. Pinalaya din ng tulay ang mga mamayan sa panganib ng pagbabangka. May mga naitala din kasing mga aksidente sa “bangkero” na kumitil ng mga buhay. Delikado rin ang pagtawid sa ilog lalo ng tuwing may pagbaha. “Idi mabutbeteng nak nga bumallasiw diay karayan lallalo nu napigta tudo ken aglaylayus. Ngem awan gamin ti mabalinan mi, ta isu la iti maglatan mi nga mapan diay bangir ballasiw tapno makagatang ti kasapulan,” sabi ni Aling Roselyn, 42. Marahil ngang isang straktura lamang ang tulay para sa iba, ngunit ang tulay, ang tulay sa Delfin Albano ang nagsisilbi ngayong biyaya na nagdadala ng progreso sa baying ito.#