Dyaryo
May 1-15, 2015 Mula sa pahina 8
Dondon sa pagbabago ng isip ni Kapitan Junior. Baka sakaling hindi na kamag-anak ang maipalit. S i y e m p r e ang iba pa ay ang mga reeleksyunistang konsehales na sina Atty. Boyet Alejandrino, Sunshine Abcede, William Noche, Vic Paolo, Benny Brizuela at Dan Zaballero. Ang target daw ni Mayor Dondon sa 2016 ay 10-0, na ang ibig sabihin ay wala ni isang oposisyong mananalo sa konseho! Isang pangarap na di pa nare-realize buhat sa administrasyong Mario Tagarao hanggang ngayon. There is a first for everything, sabi siguro ni Mayor Dondon. Decision battle daw ang salpukan sa 2016 sa mayoralty ni Dondon Alcala at Ramon Talaga. May tig-isang talo panalo ang bawat isa sa kanila sa mga nakaraang laban. Kaya naman tiyak na magiging matindi ang labanan na inaasahan. Siyempre kumpiyansa si Mayor Dondon bilang incumbent. Tatlong taon halos na hawak niya ang tangan sa resources ng City Government na siyempre ay materyal para mapatibay ang makinaryapulitikal. Pagkakataong ginamit para tibagin o mahawakan kaya ang vestiges ng anupamang pwersa na naiwan ni Talaga, na mapatutunayan lang sa return bout sa 2016 kung kanya ngang nakamit. Kung ang paguusapan ay mga kaalyado sa konseho, madaling nagayuma ni Alcala ang mga kakampi dito ni Talaga. Hindi nakatiis sa pagiging minorya, ay mabilis pa sa alas kwatrong nag-ober da bakod kaagad ang mga kampon Talaga pagkatapos ng 2013 election. Sa 2016, lahat ng indikasyon ay ipinakikitang ang mananatili lamang at muling makakasama ng dating mayor ay si Konsehal Danny Faller bilang palabang Vice Mayor. Sa mga barangay samantala ay sinasabing kay Mayor Dondon na rin daw ang mga dating kaalyado ni RYT. Anong pruweba pa nga ba eh si Kapitan Junior Alcala ang presidente ngayon ng Association of Barangay
The Informers:
Councils. Pero sa lahat ng ganitong political factors, kanta lang ang komentaryo ni RYT – “doon ay kaya kong ipunin ang lahat ng bituin, doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin, doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan, sa panaginip lang kita mahahagkan tuwina, doon lang.” Kung mai-tatranslate ito ni Talaga sa 2016 ay aabangan pa natin. Pero kung hindi, para ko na ring nakikini-kinita ang ganting awit naman ni Alcala – “sa panaginip lang kuya, makakamtan tuwina, doon ka lang.” Tinimbang ka ngunit... Kung ang paguusapan ay termino ni Mayor Dondon pati ng pag-upo nito bilang acting mayor sa simula, aminado ang political circles na hindi nagpatulog-tulog sa pwesto si Dondon Alcala. Sa day 1 pa lang ng panunungkulan nito, ikinasa na ng kanyang kampo ang pagpapatibay pa sa Alcala political organizations. Sinunod nito ang old tradition sa pulitika – politics is addition – at trinabaho sa ligaw dito at ligaw doon technique ang mga political leaders na supporters ng kanyang kalaban. Ang hindi kayang ligawan ay inaplayan ng pressure na kailanga para itaas ang kamay – sa trabaho, sa negosyo, sa proyekto, sa kamag-anak, etc., etc. Iniisolate ang mga matigas ang ulo at ma-prinsipyo, habang nag-hihintay ng tamang pagkakataon na mangailangan ang mga ito ng pabor sa tangan na kapangyarihan ng mayor. Ang mga tigasin kuno ay nakabaon na sa “utang na loob” isang araw. Aalagaan na lang, dahil maamo na! Dito naiba si Dondon Alcala kay Bernard Tagarao na unang tumalo kay Ramon Talaga Jr. Pabaya si Bernard kaya nasingitan ng recall ni Talaga! Kung tutuusin, higit na may popularidad si Tagarao kaysa kay Alcala pero higit namang may lalim, politically, si Mayor Dondon kaysa kay Bernard. M a r u n o n g gumamit ng kapangyarihan at political advantage si Mayor Dondon. Nakapaghahatid
BANDILYO Kwentong Alcala/Talaga sa Lucena...
ng mensahe ang mga ngiti at mga “opo.” Pero, hindi mangingiming gumamit ng poder, magpakita ng galit, mang-insulto kung minsan, para bigyang diin na siya ang bosing. May commonality sila sa kakayahang ito ni dating Mayor RYT! Risko ito ng isang lider para umani ng katapatan o makakampi kaya ang kalaban. Santong paspasan kung ayaw ng santong dasalan! Pero risko dahil walang monopolyo ng prinsipyo, tigas at tapang! Kung minsan pag nagkamali ng gamit sa technique, ang kakampi na dapat, eh nauuwi pa bilang matinding kalaban! Mali ang karkula sa Art of War! Nagamit ng administrasyong Alcala ang resources ng siyudad pati ng resources ng kamaganak at political allies sa national government para makapag-dala ng proyekto ng mabilis sa Lucena. May ilang sumablay katulad ng Satellite Market sa Gulang-gulang at Iba. Dupay pero karamihan ay kapaki-pakinabang. May inaabangan pang palengke at City Hall na ang sabi ay matatapos raw ng 2016. Siyempre inaasahan ito bilang political gains. Higit ding pinasigla ang ayuda sa social services, gamot, senior citizen benefits, libreng serbisyo at libing, libreng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, libreng school supplies at kung ano ano pang dole-outs sa mga komunidad. Mga bagay na inaasahang may katumbas na boto sa 2016. Paano kaya tatapatan ni former mayor Ramon Talaga Jr. ang mga diskarteng nabanggit ng ngayo’y Mayor Dondon Alcala? A n g propagandista ni Mayor Dondon ay nilalagyan ng negatibong slant ang anila’y 20 taong panunungkulan ni RYT sa lungsod na tila walang nagawa. Bagay na imposible raw naman, ang hirit ng iba! Ang sabi ng mga kakampi ni RYT ay paano raw naman ang road network na naisagawa sa term ni Talaga na halos nagpakumpleto raw sa kongkretong kalsada ng poblasyon at mga barangay ng siyudad? Ang farm to market roads sa Iba. at
Ilayang Talim, Mayao Parada at Castillo pati sa Silangan at Kanlurang Mayao, at sa iba pang rural barangays? Ang mga school buildings raw na katakot-takot ding naitayo na maganda na anya ay may CR pa! nakalimutan na rin daw ba na si Talaga ang nagpatayo ng City Hall Annex sa Isabang? Sino raw ba ang nag-establish ng City College of Lucena? Nang Manpower Skills Training Center? Ng building ng City College? Ng ABC Building? Ng dapat ay DFA building na ginamit na rin bilang classrooms? Ng City Health Office building? Ng Youth Reception Center? At mga walk-sheds sa siyudad? Hindi pa nga raw tapos ang City Hall at palengke ng Alcala ang hirit pa ng maka-Talaga, ay ipinagyayabang na! kahit daw magbilangan at magkwentahan ng mga ipinagawang imprastraktura ay baka raw hindi maka-kalahati man lang si Alcala sa naipagawa ni Talaga, ang pagrat-rat pa ng mga kampon Talaga! Kung para sa amin lang, eh di wow na sana pareho!? Pero ang eleksyon ay hindi lang sa naipagawa kundi nasa diskarte rin! At resources siyempre! Tama o mali? Ayon kay RYT, daig lang naman daw siya ng inaanak na si Dondon ay sa pera! (Itinaas pa nito ang kamay ng sabihin sa amin.) Pero mabilis ding idinugtong na ang eleksyon daw ay hindi lang naman sa pera! Tama anya na may mga nakuha sa kanyang mga lider si Mayor Dondon, pero marami pa rin daw ang tahimik lang anya pero nananatiling supporters niya at makikita ito sa 2016! Sa kanya raw pagiikot ay marami ring mamamayan ang nagpahiwatig ng disgusto sa pamamahala raw ngayon sa Lungsod ng Lucena! Mga negosyanteng hindi nasisiyahan sa mataas na umano’y bayarin sa City Hall, sa kawalan ng disiplina sa kalye, malubhang trapiko. Ang mga kontratista aniya, ayon pa kay Talaga ay buwisit din dahil kung hindi kamag-anak ay mga taga City Hall na rin ang nangongontrata! Naka cordon-sanitaire pa
raw ang mayor ngayon at hindi basta makausap ng karaniwang tao. Higit sa lahat aniya, lumalala sa mga komunidad ang problema sa drugs. Bakit? Ang tanong pa ni Talaga? Eh di sagutin nila! Nangingiting tugon ng dating mayor. Naniniwala si Talaga na pinakamarami pa rin daw sa mga botanteng Lucenahin ang boboto hindi dahil sa pera kundi sa mga isyung kanilang nau-unawaan. Kung tama si RYT kanyang paniniwala, hintayin natin. Pero sino ba ang makaka-dispute sa katangian ng dating alkalde bilang isang survivor – sa pulitika at sa matinding kinaharap na problema sa nakalipas. Noong panahong inakala ng iba na wakas na ng kanyang pulitika ng talunin ni Bernard Tagarao, nakabalik pa ito ng mahigit tatlong termino; dagdag pa ang pag-upo ng asawang si Ruby Talaga. Kung sabagay, hindi naman si BGT ang kalaban niya kundi si Dondon Alcala na ibang-iba dito, at nakaupong mayor pa! May kwento rin para sa bayan... Kung magandang labang pulitikal, isa sa totoong masarap at kapana-panabik na abangan ang Alcala-Talaga return bout sa 2016. Yun ay kung mananatili na silang dalawa lang ang protagonists, pero kung mag-tatlo, ibang usapan yan, pero masarap pa ring subaybayan! Kung lumabas na ang pangatlo kung sakali at may pangalan na, eh saka natin subukang basahin ang labanang magaganap. Sa ngayon Alcala vs Talaga muna pa rin tayo. Walang duda, may kanya-kanyang loyalists ang mga Lucena political kungpins na magtutunggali. Ang boto nila ay kung saan nakahilig. Gagawing lahat ni Mayor Dondon ang buong kakayahan para ilampaso si Talaga, at ang former mayor hahatawin si Alcala hanggang hindi makagulapay para mapatalsik! Ang magdedesisyon dito, ang mas maraming Lucenahin na politically non-aligned.
7
Ang mga wala pang pasya, ang nag-o-obserba pa ang namimili at nagtitimbangtimbang pa. Maraming pwedeng pagbatayan ng boto – tiwala, kakayahan, nagawa, sinseridad, katapatan. Huwag sanang presyo, takot o kawalang muwang! Sino kaya sa dalawa ang paniniwalaan ng bayan? Para sa amin, dapat gugulin ang panahon buhat ngayon hanggang sa araw ng halalan para sa pagsusurri ng mga botante. Hindi lahat ng itinatalumpati ay katotohanan, hindi lahat ng ipinapangako ay maipatutupad, hindi lahat ng sinasabi ay tama! Dito kailangan ang tinig ng botante, ang talino, ang talas ng pakiramdam. Dapat isaisip ng magha-halal na gagawin nya ang electoral exercise hindi lang para sa sarili. Kapasyahan ito para sa sambayanan. Paglalagay ito sa mamumuno, mamamahala at magpapasya sa pamahalaan. Kailangan ang may kakayahan sa good governance. Kapag sablay ang napili, mapapariwara ang kabang yaman ng bayan, maaabuso ang kapangyarihan, mawawalan ng tiwala ang mamumuhunan, mawawalan ng negosyong magbibigay ng trabaho, lalala ang karalitaan, gugulo ang lipunan at dadami ang kriminalidad. Magkukulang ng pondo sa social services, sa kalusugan, sa edukasyon, livelihood programs, kakapusin sa pagkain, hindi uunlad ang bayan! K u n g mamamayan ka na hindi makatugon sa tamang obligasyon mo sa halalan at patronage lamang ang ginagawang pamantayan ng pagha-halal, hindi ka dapat magreklamo kung naging masama ang gobyerno, dahil nakamit mo lang ang isang pamahalaang karapatdapat sayo! Nakakamit ng tao ang gobyernong karapatdapat sa kanya, ang paalala ni Rizal. Mahigit isang taon pa para makapagnilay ka, at makapag suri at makapamili! Goodluck sa iyo at sa amin.