Dyaryo Bandilyo 2nd ed

Page 6

Dyaryo

6

BANDILYO

Dear Diary Ni Bong Rivera

Si Kapitan, Kapitana at Kabitana... Dear Diary, Sumulat ako upang maglabas ng sama ng loob... Hindi ko na kasi kaya diary ang mga nangyayaring gulo sa aming barangay, kung kaya idinaan ko na lang sa sulat sa inyo ang hinanakit at mga hindi magandang ginagawa na nakikita ko sa aming kapitan. Napilitan akong mag-resign bilang isang brgy. tanod diary, kasi naman ay pinagmura kami nung isa pang tanod na kasama ko. Ang ikalawa diary, ay hindi ko kaya ang ginagawang kamanyakan ni kapitan. Alam kong chickboy itong kapitan namin, pero sobra naman yata. Diary, kasi wala ng pinatawad, daig pa ang may atsara sa kanyang bird kaya walang umay sa babae. Lahat na yata ng babaeng kanyang nakikilala ay pinapatulan. Basta kumagat sa kanyang pambobola ay go ahead na! Katulad nung tindera sa may kanto na malapit sa aming barangay tanod outpost ay hindi pinatawad at pinatulan din! Bukod pa sa kanyang iniskolar na estudyante sa kolehiyo na patuloy niyang mini-maintain. Kung baga sa pagkain ay kanyang minatamis, pampaalis ng umay! Minsan may nahuli kaming mga kabataan sa aming pagroronda, magagandang babaeng kabataan, Diary. Yun bang porma at tipong

Mula sa pahina 1

Estudyante sa Alec... ng kahirapan. Sa kwento ni abcede, nagtitinda anya ang bata sa kalsada para mag karoon ng panggastos sa pagaar al. D ahil sa pagsisikap at angking talino ay nakakuha ito ng scholarship sa sekondarya at pagtuntong sa kolehiyo ay scholarship grant naman ang nakuha sa ibang bansa dahil sa anya’y pagsisikap. Maswerte ayon pa kay Abcede-Llaga ang mga estudyante ng Alec Learning center dahil malaki ang ibinibigay na suporta ng

kanilang mga magulang. Sa huli ay sinabi ni Kon Abcede na huw ag bibitaw sa kanilang pangarap at pagsikapan ito upang makamit. Samantala, inihayag naman ng pamunuan ng Alec Learning Center na tumatanggap na ito ng mga estudyante para sa kasunod na school year at mayroon ding summer classes ngayong buwan. Ang Alec Learning Center ay nasa ML Tagarao St., sa Ilayang Iyam, Lungsod ng Lucena.

-MARY ANN CONSUL

Marso 9, 2015

witwiw, at nasa edad na 16 at 17. Nagulat kami ng mga kasamahan kong tanod, diary, sa naging aksyon ni kapitan. Inarbor niya ang mga ito, at alam nyo ang kasunod na nangyari, upang makabayad ng utang na loob ang mga girling bagets? Ooooops! Hindi pwedeng ikwento kasi sensored na. Tapos sa tuwing ronda namin sa may highway, madalas din naming nakikita si kapitan doon sa isang videoke bar na nag-iinom habang may ka-table na GRO na yummy ang dating. Ang masaklap diary, angal na sa kanya yung manager ng videoke bar, bukod sa laging naka-VIP room si Chairman ay madalas ding kulang ang bayad, at minsan walang pang bayad! Lahat na yata pinatos ni kapitan diary. Nito lang nakaraang linggo, bagong-bago ito na pangyayari sa aming barangay at sa buhay ni kapitan. Nagkagulo sa barangay hall, nagsisigawan, kaya naki usyuso ako. Nakita kong nagtutu-turo yong isang babae na medyo bata pa nagsisigaw! Alam mo ba diary kung sino ang kalaban at inaaway? Walang iba kundi ang original na asawa ni Chairman, si kapitana! Ang malakas pang sabi ng babaeng matapang, ay “bakit daw punta ng punta sa barangay hall e siya daw ang kapitana ng aming barangay!” Nagtaka ako Diary, pero yun daw pala ang kabit ni kapitan! Sa barangay hall nagpang abot… ang original na misis ni kapitan at ang kanyang kabit! Hahaha buti nga sa kanya! Wala magawa si kapitan at pulang pula ang kanyang mukha sa kahihiyan at kakamot kamot sa kanyang ulo habang pinagtitinginan ng mga empleyado at tao sa barangay hall. Sayang Diary, ang kanyang mala-pormang Jean Claude Van Damme! Yung asawa ni kabitan este kapitan pala ang sinugod ng kabit sa loob mismo ng barangay hall! Baligtad yata Diary. Bakit ganon? Parang Pilipinas at China, teritoryo mo na argabyado ka pa! Tsk tsk tsk..thats all Diary, maraming salamat sa pagbibigay daan mo sa aking liham. Itago mo na lamang ang aking pangalan at katauhan sa alyas na Barangay Tanod sa tabi ng riles.

Kap. Gilbert Marquez, solb na solb sa CCTV LUCENA CITYIpinagmalaki ni Barangay 4, Kap. Gilbert Marquez ang kanilang ikinabit na mga CCTV camera sa bawat purok ng kanilang barangay. Ayon kay Kap. Marquez,malaki anya ang naitutulong ng mga cctv sa paglutas ng mga kaso sa kanilang barangay. Ayon pa rin Kay Marquez,nakatutulong din ito sa kapulisan,kapag may

hinahabol na snatcher o mandurukot na ang kanilang barangay ang malimit na ginagawang takbuhan. Dahil malapit umano ang kanilang lugar sa palengke at gitna ng lunsod ng Lucena. Madali na anya nilang makikilala at matatagpuan ang mga suspek dahil sa CCTV. Ayon kay Marquez, hindi na kailangan pa ng barangay tanod ang madalas at palagiang pagroronda sa

kanilang barangay,dahil sa cctv camera ay kanila ng nakikita ang nangyayari dito. Ang monitor naman ng CCTV ay nakalagay sa kanilang barangay hall at dito ay 24 oras na may nagbabantay na barangay tanod. Nagagamit din umano ng mga pulis bilang ebidensiya ang mga nairecord ng CCTV na krimen dito.

FOR YOUR OFFSET PRINTING NEEDS, CALL: 0922-846-6916

-BONG RIVERA

Paninindigan: May Tinik ba ang Rosas...

Mula sa pahina 5

May maidudulot kayang positibo ang pagsisisihan? May mangyayari kaya sa pagtuturuan? Sa isang survey na inilabas ng Pulse Asia kung dapat bang magbitiw si Pnoy sa pwesto dahil sa Mamasapano Tragedy, 42% ang hindi sang-ayon sa pagbibitiw. 29% ang nagsasabing dapat na ngang mag balot balot na ang presidente. Dahil dito, mayorya pa din daw ng mga ‘BOSS’ ang nagtitiwala sa pangulo at nais na tapusin ang sinimulang ‘tuwid na daan’. Pero hindi pa rin kuntento at nadala ang mga PNoy detractors, mayroon pa ring nagsasabing no choice lang daw ang taong bayan. Bakit kamo? Kung bababa daw kasi sa pagka pangulo si PNoy ay papalitan ito ni Vice President Jejomar Binay na humaharap din sa sangkaterbang isyu ng korapsyon – mga pag-aaring multi million ang halaga, bukod pa sa Makati City Hall Building 2 na bilyong piso ang inabot. Bumalik tayo sa lokal, sa mga reaksyon naman ng mga observers sa lungsod ng Lucena at karatig bayan at Lungsod

BANDILYO iTV

na narinig at nabasa ang pribilehiyong pananalita ni konsehal Alejandrino. May mga nagkibit balikat lang at di mo mahulaan

LIVE STREAM

ng ekonomiya ng bansa. Mayroon pang reaksyon na thumbs up daw sila sa sinabi ni konsehal Alejandrino, dahil nakikita daw

www.bandilyo.com

ang iniisip. Pero mayroon ding mga nagsalita na sumasang-ayon sa opinyon ng konsehal. Tila daw ba natakpan na ng Mamasapano isyu ang mga nagawang positibo ng pangulo katulad ng mas seryosong pagsugpo sa katiwalian at ang paglago nito ang big picture at hindi lamang papogi sa masa ang inuuna kundi ang kalalagayang makakabuti para sa nakararami. Hindi tama ang nangyari sa 44 SAF troopers, pero hindi din tama na magpadala sa emosyon at magdesisyon ng padalos dalos, lalo na ang namumuno sa bansa. Dapat na makita ang kabuuan ng larawan, hindi lang puna, may puri din. Hindi lang mali, may tama din. Sabi nga ni Abraham Lincoln, “Maaari tayong magreklamo na matinik ang rosas, o magalak dahil may rosas ang tinik.”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Dyaryo Bandilyo 2nd ed by Dyaryo Bandilyo - Issuu