Skip to main content

Umalohokan | TOMO VI Isyu 1

Page 1

Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng RTPM-DSHS • TOMO VI ISYU I Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City

Agosto - Disyembre

2023

Tagumpay. Nakamit ng RTPM - Dumaguete Science High School ang titulong kampeon sa Sandurot 2023 Pasigarbo Showdown Champion (School Category). Larawan mula kay Neil Floyd Panaligan Morales

RTPM-DSHS, nagwagi sa Sandurot Festival Showdown ‘23

ni Niña Quesha A. Vallega • DUMAGUETE CITY — Tinaguriang dalawang milyong pisong halaga ng proyekto mula paghihirap at sakripisyo ng mga kalahok. Dagdag

kampeon ang Ramon Teves Pastor MemorialDumaguete Science High School (RTPM-DSHS) at tagapagtanggap ng natatanging gantimpala para sa Pinakamahusay na Tagapagtugtog at Pinakamahusay na Koryograpiya mula sa pitong pampublikong paaralan na lumahok sa ginanap na Sandurot Festival Showdown noong ika-24 ng Setyembre sa Pantawan Rizal Boulevard. Sumabak muli sa nasabing kompetisyon ang RTPM-DSHS matapos ang 15 taon upang ibalik ang kampyonato sa paaralan, dala-dala ang

sa gobyerno at Php 150,000 na halaga ng pera. Sa pamamatnubay ng Sandurot Coordinator na si Ginoong James Carl Umbac, punong tagapagsanay na si Oliver Gajano, at ang banda mula sa Banilad Tribe Drumbeaters, kasama ang walang katapusang suporta ng mga mag-aaral, magulang, at ng mismong paaralan ay naging posible ang mahusay na pagtatanghal sa kabila ng konstriktadong badyet at limitadong oras ng paghahanda. Ayon sa punongguro ng RTPM-DSHS na si Chinky May Freires-Paculanang, lubos ang saya niya sa pagwawagi ng paaralan matapos ang

Pista ng kultura’t wika, ipinagbunyi

Panghihikayat. Bilang parangal sa Buwan ng Wika, nagbigay ng intermisyon ang 7-Explorers. Larawan mula sa DuScian Multimedia Creatives Tatak ng iniraos na palatuntunin sa pagtatapos ng Buwan ng Wika ang pagbibigay ng importansya’t pagpapahalaga sa Wikang Filipino at kultura ng bansang Pilipinas na ginanap noong unang araw ng Setyembre sa Ramon Teves Pastor Memorial -

Dumaguete Science High School gymnasium.

Alinsunod sa temang, “Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan,” pinangunahan ang nasabing

pa niya, ipinakikita nito na hindi lamang sa larangan ng akademiks mapagkikitaan ng husay ang mga estudyante, dahil sa pagtatanghal, ay hindi rin sila magpapahuli. Sa isang pagpupulong na sinanggunian ng mga guro sa pangunguna ni punongguro Paculanang at representatibo ng Student Government, napagkasunduan na gagamitin ang napanalunang halaga para sa pag-rubberize ng gym, pagbili ng karagdagang aparato para sa science laboratory, kagamitan sa isports, at student government ng paaralan. UM

• ni Niña Quesha A. Vallega

pagdiriwang ng samahang LIKAPIYAN, kung saan ay nagkaroon ng samo’t saring mga aktibidad sa pagpapamalas ng mga estudyante ng kanilang angking talento pagdating sa Filipino katulad ng spoken poetry, pagkanta, pagsayaw, at ang inaabangang pagtatanghal ng mga banda. Nagwagi sina Rhogan Kleive Barrameda at Theonee Medel C. Piñero bilang Lakan at Lakambini ng Junior High School, habang sina Seth Derrick Mendez at Sol Amanda Tenebroso naman ang napangalanang Lakan at Lakambini ng Senior High School sa isinagawang Pinoy fashion walk upang ipagmalaki ang mga kasuotang Pinoy. Ayon pa kay Binibining Repe, hindi dapat magsisi ang mga mag-aaral sa init na kanilang nadarama sa pagsuot ng kasuotang Pinoy sa araw na ito dahil dito natin napatutunayan ang ating tunay na pagmamahal at pagmamalaki sa bansang sinilangan na magalak na sinang-ayunan ng mga DuScians suot-suot ang kanilang magagarbong kasuotan. UM

RTPM-DSHS, humakot ng parangal sa DSPC ‘23 Humakot ng parangal ang Ramon School Press Conference noong ikapito ng Teves Pastor Memorial - Dumaguete Disyembre, 2023 sa DepEd Dumaguete Science High School sa ginanap na Divisions Convergence Zone, Dumaguete City. UM

• ni Niña Quesha A. Vallega

Tunghayan sa pahina 4

2 Opinyon • Kurikulum 8 Lathalain • Lungga ng Karimlan 12 Agham

15 Isports


Opinyon • 2

Editoryal

Keith Maravillas Adamme Keith Maravillas Adamme

Matayog na pundasyon, matatag na edukasyon

T

Liham para sa Editor Para sa editor,

Bilang isang guro, nakikita ko talaga ang paghihirap ng aking mga mag-aaral sa pagpapatupad ng kanilang mga gawaing pampaaralan. Napakarami lang talaga ng mga ito at alinsunod dito, napagtanto ko na hindi rin nila nahahasa nang maayos ang mga pangunahing kasanayan na makakatulong sana sa kanila sa pagsagot ng mga gawaing ito. Kaya, ako’y sumusulat upang magbigay ng puna sa artikulong isinulat ng editor tungkol sa MATATAG K-10 Curriculum na kung saan ako ay sumasang-ayon sa pagpapatupad nito. Totoo nga na may krisis ng edukasyon ang bansa. Naoobserbahan ko naman na maraming mga estudyante ang hindi masyadong nakakaintindi ng mga aralin na nagsisilbi sana bilang pundasyon sa kanilang pag-aaral sa mas mataas na antas ng edukasyon. Maaaring nagmula ito sa kakulangan nila ng ganap na pag-aaral sa kanilang mga nakaraang asignatura. Dahil nito, naniniwala ako na kapaki-pakinabang ang pagpapatupad ng MATATAG K-10 Curriculum. Magbibigay ang kurikulum na ito ng mas mainam na oras sa pag-aaral ng mga estudyante ng mga “foundational subject” na nabanggit ng editor. Maaaring mabigyan din ng tuon ang mga aralin at kasanayang nararapat lamang na mabigyan ng prayoridad bilang mga pangunahing bahagi ng edukasyon. Sumasainyo, Christine L. Chiu

STEM Only sa RTPM-DSHS:

Kakayahang Paunlarin,

Bigyang Pansin

Komentaryo ni Adamme Maravillas

ni Lance T. Amores • atanggalin na raw ang senior high school lamang ang pagtutuunan ng pansin ng bagong

sa kurikulum? Maaaring marami nang nakapagsabi sa iyo na mawawala na raw ang senior high school o baka may nabasa ka sa sosyal medya na tatanggalin na ang dalawang taon ng pagaaral pagkatapos ng high school at bago mag kolehiyo. Mali, hindi totoo, at sabi-sabi lamang ang mga ito. Ang sistema ng ating edukasyon ay nangangailangan ng maraming pagbabago ngunit malinaw naman na hindi gaanong makatutulong kung ang bilang ng taon sa pag-aaral ang babaguhin. Kaya dahil dito, ipinakilala ng Kagawaran ng Edukasyon ang binagong kurikulum para sa Kindergarten hanggang Baitang Sampu na tinatawag na “MATATAG K-10 Curriculum.” Isa sa mga isyu na laganap sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay ang sobrang dami ng asignatura at paksa na kailangang talakayin sa loob ng maikling oras. Ang mga guro at mag-aaral ay parehong labis na nabigatan sa mga aralin at iba pang gawain at aktibidad sa paaralan. Bilang resulta, nalagay sa panganib ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga pangunahing kasanayan. Ang bagong kurikulum ay magsisilbing tugon sa krisis ng edukasyon sa bansa sapagkat ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, “it decongests foundational subject” upang bigyangdaan ang mga mag-aaral na tumutok sa kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang. Limang asignatura

Tinig ng Kolumnista

kurikulum at kabilang dito ang Language, Reading and Literacy, Mathematics, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct. Sapagkat isa ang krisis sa edukasyon sa mga mabibigat na isyung kinakaharap ng bansa, ang bagong kurikulum para sa Kindergarten hanggang Baitang Sampu ay magsisilbing simula ng bagong pamamalakad at paraan ng pagkatuto. Dahil sa pagpili ng tamang pokus sa mga paksang tatalakayin sa paaralan, mas magiging epektibo ang pagtuturo at pagkatuto ng parehong mga guro at estudyante. Magkakaroon ng katuturan ang kurikulum sa paghubog ng kahandaan sa trabaho, katangiang maasahan, at tiwala sa kakayahan bilang mag-aaral. Bagama’t mapagpapabuti ang kakayahan ng mga mag-aaral, ang pagkakapantay-pantay, katatagan, at kalusugan, hindi ito makakamit sa isang araw o ng isang tao lamang. Kinakailangan ang pagsasama-sama at pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan sa pag-asenso ng edukasyon sa bansa. Ang mga teksto at ibang materyales para sa bagong kurikulum ay isasailalim sa masusing paglinang sa lalong madaling panahon upang maging handa na ito sa taong akademiko 2024-2025. Bukod dito, kasalukuyan ding pinag-aaralan ang mga maaaring baguhin sa kurikulum ng senior high school. Kahit mahirap at malayo pa mula sa pagkakaroon ng magandang sistema ng edukasyon ang Pilipinas, unti-unti tayong umaangat dahil sa pakikinig ng nasa matataas na posisyon sa hinaing ng mga guro’t magaaral. Sapagkat edukasyon ang pundasyon ng bansa tungo sa matayog na kinabukasan, nararapat lamang na ito ay maging matibay at matatag. UM

“RTPM-Dumaguete Science High School”, kilala sa kanilang dedikasyon upang lumikha ng mga kabataan para makamit nila ang kanilang minimithi.Kahit sa anong layunin ng akademiko, hinuhubog nila ang kanilang mga mag-aaral upang maipalabas nila ang kanilang kakayahan. ‘Pag maging “STEM only” ang paaralan, ano ang mangyayari sa taon-taong pag-eenganyo ng mga DuScians? Bilang isang Science High School, prayoridad talaga ng RTPM-DSHS ang pagpapaunlad ng kakayahan sa aspetong agham at teknolohiya. Makikita natin ito sa apat na taong kurikulum sa Junior High na naka pokus sa siyensa. Gayunpaman, hindi lamang ang asignaturang ito ang kailangang bigyang halaga. Isang halimbawa nito ang pagsusulat. Malaking bahagi ito sa RTPM-DSHS na palaging nanalo sa mga paligsahan nito. Taontaon ang praktis na gawa ng mga DuScian para makamit nila ang kanilang buong potensyal. Ang nakapagod na pagsasanay na ginugol nila upang paunlarin ang kanilang kakayahan ay masasayang lamang dahil pagdating ng Senior High, STEM lang ang mapipili nila. Sa tingin mo, tama ba yon? Marami sa mga mag-aaral dito ay pinili ang RTPM-DSHS dahil sa ibang kalidad na edukasyon na bigay nito kumpara sa ibang paaralan. Hindi lamang dahil interesado sila sa agham. May iba’t-ibang asignatura naman silang gustong ipatuloy tulad ng ekonomiks at pag-negosyo na hindi nila makuhakapag STEM ang pipiliin nila. Ang apat na taong dedikasyon nila sa paaralan na ito ay mawawala dahil dapat sila lumipat sa iang paaralan. Pangako ng RTPM-Dumaguete Science High School na paunlarin ang iyong kakayahan at magbibigay ng kalidad na edukasyon upang handa ang kanilang mga mag-aaral sa mundo. ‘Pag STEM nalang ang nasa Science High, ang ibang talento ng mga mag-aaral ay hindi mabibigyang pansin at halaga. Paano natin paunlarin ang kakayahan ng ating kabataan ‘pag limitado ang kanilang mapipilian? UM

Luerecca Limitasyon ng makabagong henerasyon • ni Langgam

E

dukasyon ang pangunahing pangangailangan natin bilang kabataan. Hinuhubog nito ang ating pagkatao upang maging mas magaling na bersyon ng ating sarili. Ngunit, handa ka na ba sa pagsubok na dala nito? Bilang isang kabataan, may marami tayong layunin para mas umunlad ang ating sarili May sarili tayong angking galing at talino na kakaiba sa iba. Ngunit, mapapakita mo pa ba ito nang husto? Sa panahon ngayon, mas nabibigyang pansin ang siyensiya at teknolohiya kaysa ibang strand. Maraming kabataan ang mas nahilig sa teknolohiya dahil sa taglay nitong dala sa ating buhay. Pero, paano na kung mas nabibigyang halaga ang siyensiya kaysa ibang asignatura? Paano na ang ibang kabataan na ibang asignatura ang nais? Kahit mas umuunlad ang teknolohiya sa kasalukuyan, hindi pa rin maikakaila na may ibang kabataan na naghahangad umunlad sa sariling paraan ng pagkatuto. Edukasyon pa nga ba ang tawag dito? Kilala ang Ramon Teves Pastor MemorialDumaguete Science High School (RTPM-DSHS) bilang isang paaralan na humuhubog sa kakayahan ng kabataan. Hindi lang sa larangan ng siyensiya, kung hindi sa larangang sa tingin nila sila ay dalubhasa. Ngunit, paano kung ipaiiral ang “STEM only” sa paaralang ito? Bagaman kilala ang paaralang ito sa larangan ng

siyensiya at teknolohiya, may maraming kabataan pa rin na nasa ibang larangan ang kagustuhan. Bakit natin hahadlangan ang minimithi ng bawat isa kung pagunlad ang ating nais? Tama nga ba na ipairal ang “STEM only” sa paaralang pangarap ng lahat? Samantala, malaki ang naging kontribusyon ng siyensiya sa ating buhay. Natulungan tayo nitong umunlad at palawakin ang imahinasyon sa tunay na realidad ng makabagong henerasyon. Kabataang naghahangad para sa kanilang kaunlaran, mabibigyang pagkakataon pa ba? Hindi madaling pilitin ang sarili na mahalin ang isang asignatura dahil lang sa kagustuhan ng iba. Minsan, kailangan din nating bigyang pagkakataon na patunayan ng iba ang kanilang sarili. Dahil kabataan din sila, may hangaring nais makamit. Naging susi ang edukasyon sa pag-unlad ng bawat isa, ito ay naging pundasyon ng ating pagbabago. Marahil ang pagbabagong ito ay may limitasyon, pero ang aral na ating nakuha ay higit pa sa pagbabago ng dulot ng makabagong henerasyon. Siyensiya at teknolohiya, malaking bagay ang naitulong nila, ngunit bigyang-pansin din natin ang ibang asignatura. Ika nga nila “Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Kung mawawala ang ibang strand, paano na ang ibang ito ang hinahangad? Bakit nga ba hinahadlangan ang nais makamtan? UM


Opinyon • 3

Editoryal

Liham para sa Editor Ginagalang kong editor, Ako ay sumusulat bilang tugon sa isyu ng pagkiling sa daan tungong kolehiyo. Bilang isang mag-aaral sa Senior High School na nalalapit nang magkolehiyo, ako ay sumasang-ayon sa pahayag ng editor ukol sa mga pasulit na ibinibigay sa pagpasok sa kolehiyo. Ang mga pasulit na ito nga ay totoong pumapabor sa mga mayayaman sapagkat, kahit ano mang sabihin, mas mapagtutuunan nila ng pansin ang pagsasanay. Kaya nilang bayaran ang mga gagamitin sa pag-aaral kagaya ng pagkakaroon ng tagapagturo o mga librong mamahalin na talagang makatutulong upang makapasa. Kaya, bilang mag-aaral na nasa laylayan, dapat talaga na isaalang-alang sa parehong kahalagahan ang sitwasyon ng estudyante, pinansyal na kakayahan, antas ng kakayahang umangkop, katangian at ugali, at kagustuhang mag-aral, sa halip na sa pasulit lamang upang makapasok sa kolehiyo. Samakatuwid, sumusuporta ako sa ideya ng editor na iboses ang ating mga opinyon at ituwid ang ating daan tungong kolehiyo. Lubos na gumagalang, Lorenzo T. Alvarez

N

akapag-aral ka ba ng kolehiyo? O baka nagbabalak kang mag-aplay sa mga kilalang unibersidad sa bansa gaya ng Unibersidad ng Pilipinas? Maaaring alam mo na libre nang mag-aral sa mga pampublikong unibersidad ngayon. Noong 2017, nilagdaan ni dating Pangulong Duterte ang free tuition law o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na nagbigay ng subsidiya sa matrikula ng lahat ng estudyante sa mga publikong institusyon. Bagamat itinatanghal ang batas na pabor sa mga mahihirap, bakit mataas pa rin ang bahagdan ng mga hindi nakapagtapos na nasa laylayan? Nauna nang nanawagan si Finance Secretary Benjamin Diokno ng mga pagbabago sa pagpapatupad ng nasabing batas sapagkat aniya, “inefficient and wasteful” ang programang ito dahil sa dami ng tumigil sa pag-aaral buhat ng nagdaang pandemya. Ang mga mag-aaral na tumatanggap ng libreng matrikula ay dapat na siyasatin sa pamamagitan ng isang pambansang pagsusulit upang mapabuti ang paggamit ng pondo ng gobyerno. Ngunit isa sa problema ng mga pasulit na ibinibigay sa pagpasok sa mga unibersidad ay mas mataas ang bahagdan na makapasa ang mga mag-aaral na may mapagkukunan ng tagapagturo at rebyu sa pagsusulit. “Anti-poor” ang tingin ng Finance Secretary sa batas dahil mas maraming mayayaman na nakakakuha ng benepisyo mula rito. Sa halip na gawing pangunahing batayan ang mga pasulit sa pagpasok ng kolehiyo, nararapat

Saan aabot ang search engine S

Nakaukit na pagkiling sa daan tungong kolehiyo

aan nga ba aabot ang search engine mo? Algorithm, Chatbots, Voice Recognition bawat isa sa mga terminong ito’y maiuugnay natin sa isa sa mga pinakamahalagang imbensyon sa ika-21 siglo. Isang imbensyon na humuhubog sa kasalukuyang takbo ng ating mundo. Isang imbensyon na maaaring maging dahilan ng kaunlaran o ng pagkabagsak nating mga tao. Idinisenyo ang teknolohiya upang palawigin ang mga kakayahan ng katawan ng tao. Dahil dito, daan-daang imbensyon ang nililikha bawat taon at maaari pa nga itong madagdagan dahil sa mabilisang pagtakbo ng mundo at ng pag-unlad nito. Isa sa mga nasabing likha ay ang tinatawag nating ‘Artificial Intelligence’ o AI, isang kunwa sa katalinuhan ng tao sa pamamagitan ng mga tekonolohiya. Dahil dito, ang mga termino kagaya ng algorithm, chatbots, voice. Bagaman nakakamangha, huwag sana nating kalimutan na kinakailangan pa rin nating suriin ang mga limitasyon ng teknolohiya dahil ika nga nila, “With great power, comes great responsibility.” Malaki na ang epekto ng AI sa panloob na gawain ng iba’t ibang negosyo, organisasyon, at industriya sa ating mundo kaya mas mahirap nang isipin ang kinabukasan na wala ito. Dahil dito, may tatlong problemang nagbabadyang mangyari. Una, ang pagbaba ng antas ng mapanuring pag-iisip. Ikalawa, ang unti-unting pagkawalay ng pagkamalikhain. At panghuli, ang pagtaas sa pagwawalangpakundangan sa moralidad ng tao. Tila’y mababaw lamang ang mga dahilang ito upang mag-aalinlangan ngunit nararapat lamang alamin ang mga bagay-bagay na may potensyal na baguhin ang takbo ng ating mundo. Kailanman, hindi naging mabuti ang pagiging palaasa sa isang bagay maliban na sa pananampalataya.

•

ni Lance T. Amores ding isaalang-alang sa parehong kahalagahan ang sitwasyon ng estudyante, pinansyal na kakayahan, antas ng kakayahang umangkop, katangian at ugali, at kagustuhang mag-aral. Iwasan natin na manakawan ng oportunidad sa edukasyon at ating ipaglaban ang makatarungang pagpili ng tatamasa sa libreng kolehiyo. Ang pagbibigay-halaga sa mga lubhang nangangailangan ang dapat gawing prayoridad upang masigurado na hindi nasasayang ang pondo ng gobyerno. Kung hindi mapagtutunan ng pansin ang isyu na ito, siguradong malalagay sa panganib ng kahirapan ang bansa, bababa ang antas ng nakapagtapos, antas ng may trabaho, at antas ng produktibidad nito. Hahayaan na lang ba natin na mangyari ito? Sapagkat ang isyu na ito ay bunga ng mas malaking isyu sa kasalukuyan, mahalaga na umapela tayo sa pamahalaan upang dahan dahang maibsan ang mga epekto nito sa kasalukuyan at sa ating kinabukasan. Ang masusing proseso sa pagpasok sa libreng kolehiyo ay dapat hindi lamang nakatuon sa isang aspeto upang masabi talaga na masusi. Ipaglaban natin na maging patas ito sa lahat ng uri ng estudyanteng Pilipino. Dahil sa huli, isa lang din naman ang hangarin ng bawat mag-aaral, ang makatapos upang masustentuhan ang buhay na puno ng kaginhawaan. Huwag nating hayaan na ang nakatataas sa buhay lamang ang makinabang sa benipisyo ng bayan. Iboses mo ang opinyon mo at ituwid mo ang daan tungong kolehiyo. UM

• ni Kaye Maquiling

Kapag ipagpatuloy natin ang pagdedepende sa mga gawang AI maaaring mawalan tayo ng kakayahan sa mapanuring pag-iisip kaya’t mas mahihirapan ang mga taong gumawa ng mga mahahalagang desisyon ng magisa. Kalauna’y maaaring magdulot ito ng kawalan ng pagkamalikhain. Ang pagkamalikhain ay isa sa mga bagay na likas sa ating mga tao ngunit sa panahon ngayon, unti-unting nawawalay ang likas na kakayahang ito dahil nga sa AI. Ayon sa artikulo ng Entrepeneur, panggagaya lamang ang nagagawa ng nito. Ibig sabihin, hindi ito nakagagawa ng mga makabagong imbensyon. Bagaman mabuti ito para sa atin, ang pagkamalikhain ay karaniwa’y nabubuo lamang kapag may pagdidiin o paghihirap ang tao at inaaalis ng AI ang aspetong iyon. Dito na lilitaw ang pangatlo at panghuling problema ang taglay na isyung pang-etika nito. Sa pag-usbong ng tekonolohiya, nabuo ang AI upang makakapagbahagi ng impormasyon ng mas mabilis at mainam - sobrang bilis na kalauna’y maaaring maging banta sa moralidad nating mga tao. Bagaman maganda ang hangarin sa paggawa ng AI, maaaring gamitin ito upang manlinlang ng ibang tao. Mahalagang tandaan na ang AI ay isang makapangyarihang instrumento na maaaring gamitin para sa kaunlaran o di kaya’y kasakiman. Nasa atin lamang bilang tao na suriin ang impormasyong dala nito upang tiyakin na magagamit talaga ito sa tamang paraan dahil tayo lang din naman ang mananagot sa huli. Kaya’t simula ngayon, nawa’y ang katanungang ‘saan aabot ang search engine ko?’ ang gagawing gabay sa patuloy na pagtulak ng mga limitasyon ng internet dahil sa maniwala ka man o hindi, malayo nga ang mararating mo. UM

Patnugutan Athea Franchesca Bayno Punong Patnugot

Kay Chanelle Obate Tagapangasiwa ng Agham

Niña Quesha A. Vallega Katuwang na Patnugot

Jenson Ralph T. Remollo Tagapangasiwa ng Isports

Niña Quesha A. Vallega Tagapangasiwa ng Balita

Angelicka Louisse S. Baron

Tagawasto ng Sipi

Luerecca Dae M. Langgam Via Mariz M. Alcoriza Tagapangasiwa ng Editoryal Tagapangasiwa ng Layout

Nathaniel M. Caluscusin Taggaguhit ng Kartung Editoryal

Justine Cielo G. Ascura Shazi Lois M. Tatoy Lance T. Amores Shaneika L. Santillan Adamme Keith Maravillas Jasmin Torres Tagapansiwa ng Kolum Giemaya Marie C. Rosales Kaye A. Maquiling Gremar Jr. A. Estrellanes Wilzy Mae T. Patron Tagapangasiwa ng Lathalain Mga Kontribyutor

Aina D. Pino Tagapayo Taglay ng mga mamamahayag ng Umalohokan ang sigaw na sumasalamin sa diwa ng katotohanan. Sa bawat pahina, sila ay naghahatid ng mga balitang walang kinikilingan upang magampanan ang pangunahing tungkulin—ang maging sigaw para sa katotohanan.


Balita • 4

Kampeon. Matapos ang ilang buwan ng pagsasanay at pagbuhos ng kanilang determinasyon at pagtitiyaga, nakamit ng RTPM-DSHS ang titulong kabuuang kampeon sa naganap na Divisions School Press Conference noong ikapito ng Disyembre, 2023. Larawan mula sa DuScian Gateway

RTPM-DSHS,

humakot ng parangal

sa DSPC ‘23 •

ni Niña Quesha A. Vallega

Humakot ng parangal ang Ramon Teves Pastor MemorialDumaguete Science High School sa ginanap na Divisions School Press Conference noong ikapito ng Disyembre, 2023 sa DepEd Dumaguete Convergence Zone, Dumaguete City. Inuwi ng paaralan ang titulong kabuuang kampeon sa pangunguna ng mga tagapagsanay na sina Gng. Aina Pino sa kategorya ng Filipino at sina Gng. Christelle Mercader at Bb. Patricia naman para sa kategorya ng Ingles. Pitong panalo ang nasungkit ng mga indibidwal na manunulat sa Filipino at Ingles kung saan anim sa kanila ang sasabak para sa Regional Schools Press Conference na gaganapin sa Talisay City ngayong Abril 2024. Nagwagi rin ang lahat ng koponan ng paaralan sa pangkatang patimpalak kung saan apat na grupo para sa Filipino at dalawa sa Ingles ang makikibaka sa ilulunsad na rehiyonal na patimpalak.

Mula sa pahina 1

Talahanayan ng

mga nanalo Opisyal na resulta

ng indibidwal at pangkatang

panunulat

UM

panalo sa DuScian alumnus umarangkada, DuScian, pambansang patimpalak top 3 sa Geodetic Engineering sa pagsulat • Licensure Exam ‘23 • ni Justine Cielo G. Ascura

Bunga ng Pagsisikap. Nakamit ni

Alexis Sumugat, isang alumnus ng RTPMDumaguete Science High School ang top 3 ng Geodetic Engineers Licensure Examination na naganap noong Oktubre 2023. Larawan mula sa PRC Board at kay Alexis Sumugat

DUMAGUETE CITY — Si Alexis Jalbuna Sumugat, isang alumnus ng Ramon Teves Pastor Memorial - Dumaguete Science High School at nakapagtapos ng kolehiyong BS Geodetic Engineering mula sa Negros Oriental State University (NORSU), ay hindi nagpahuli at umarangkada sa Oktubre 2023 na Geodetic Engineer Licensure Exam (GELE), kung saan natamo niya ang ikatlong pwesto.

Ang porsyentong nakuha ni Sumugat sa exam ay 88.80 na bahagdan batay sa resulta na inilabas ng Prefessional Regulation Commission (PRC) noong ika-anim ng Nobyembre, 2023. Ang NORSU ay nakakuha ng passing rate na 84.21 na bahagdan at ang siyang nasa ikaapat na ranggo ng mga nangungunang unibersidad na may 10 o mas maraming examinees (16 mula sa 19). UM

ni Niña Quesha A. Vallega DUMAGUETE CITY — Isang karangalan ang natanggap ng Ramon Teves Pastor Memorial - Dumaguete Science High School sa pagwawagi ni Athea Franchesca S. Bayno sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Malayang Tula nitong ikalabing-apat ng Agosto sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon. Nagkaroon ng Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Malayang Tula ang Kagawaran ng Edukasyon na pinangungunahan ng Kawanihan sa Paglinang ng Kurikulum (Bureau of Curriculum Development) bilang pangwakas na programa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika kung saan nasungkit ni Athea Bayno ang pangatlong gantimpala para sa kategorya ng senior high school. “Although it was on short notice and something unexpected, I am honored to have been chosen to represent our school for this competition,” paliwanag ni Athea. Kalakip ang tema ng tula na “Pananaliksik gamit ang wikang katutubo,” ginawang simbolo ng manunulat ang tema upang maipakita ang kahalagahan ng katutubong wika sa kasalukuyang panahon. Alinsunod sa layon na pagpapahalaga sa wika bilang instrumento ng kapayapaan, seguridad at inklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan, nagbigay daan ang patimpalak na ito upang subukin at linangin ang pagpapahalaga ng mga estudyante sa wikang sinilangan. UM Gantimpala ng Malikhaing Pag-iisip. Naiuwi ni Athea Bayno ng RTPM-DSHS ang ikatlong gantimapala sa pagsulat ng malayang tula baitang 11-12. Larawan mula sa DuScian Gateway


Balita • 5

Siklab ng Simula. Pinangunahan ni Cristina Marie Ross, chairwoman ng Pink Panthers, ang torch lighting na siyang simbolo ng opisyal na pagsisimula ng Intramurals 2023. Larawan mula sa DuScian Multimedia Creatives

DuScian Intramurals ‘23, inilunsad Litrato ng DuScian Multimedia Creatives (Honey Credo)

• ni Niña Quesha A. Vallega

upang itanghal ang bagong pahina ng Intramurals sa paaralan. Ipinamalas naman ng mga estudyante ang pagmamahal sa sariling baitang sa pamamagitan ng isang paligsahan para sa batch yells. Bago dumayo muli sa mga palaro, nagkaroon muna ng pagtataas ng bandila na naging simbolo ng pagkakaisa at integridad. Bagaman naging tungkol

sa pagkapanalo ang nasabing selebrasyon, primadong layunin pa rin nito na palakasin pa ang mabuting relasyon at solidaridad sa pagitan ng mga estudyante sa kabila ng kompetisyon. Dagdag pa ng MAPEH koordineytor na si G. Cris Briones, palagi umanong tandaan ang importansya ng pagiging tapat at lumayo sa pandaraya. UM

DuScians, umani ng parangal sa RSTF ‘23

DuScians, top 7

Matapos ang halos tatlong taon ng masinsinang paghihintay, pinuno ng hiyawan ang gymnasium kung saan ay opisyal na binuksan muli ang anwal na pagdiriwang ng Intramurals nitong nakaraang Biyernes, Nobyembre 17.

Kasabay ng nagkakaisang kulay ng berde, dilaw, pula, asul, lila, at peach, magkasamang sinindihan ng mga mag-aaral ang bawat sulok

•

ni Shazi Lois M. Tatoy

sa Science Quiz Bowl • ni Athea Franchesca S. Bayno

Wagi. Sa 36 paaralan na nakikipaglaban sa 7th Dagdag Karanasan. Ilang mag-aaral ang nagrerepresenta ng RTPM-Dumaguete Science High School sa Rehiyonal na Pasigarbo sa Siyensa’t Teknolohiya. Larawan mula kay Julius Carballo

Nasungkit ng mga mag-aaral ng Ramon Teves Pastor Memorial - Dumaguete Science High School ang panalo sa iba’t ibang kategorya sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) na ginanap sa Ecotech Center, Sudlon, Lahug, Lungsod ng Cebu, simula Nobyembre 27 hanggang Nobyembre 29, 2023. Ang tatlong araw na paligsahan sa siyensya ay nakasentro sa temang “Rebuilding Resilient Communities: Embracing Science and Technology for a Sustainable Future.” Nagpakitang gilas ang mga DuScians sa iba’t ibang kategorya bilang mga kinatawan ng lungsod ng Dumaguete. Nanguna si Lester Aguilar sa kategoryang Siyensikula High School kasama ang kanyang tagapagsanay, Gng. Tarra Angela Y. Garsula. Si Yssa Jumalon naman, kasama ang kanyang tagapagsanay, G. Julius Ceasar Carballo, ay nagwagi ng ikalawang pwesto sa kategoryang Computational Science.

Samantala, nakasungkit din ng gantimpala sa kategoryang Life Science na indibidwal at pangkat, sa pagtuturo ni Gng. Blaire Sarande, ay nagtagumpay na makapasok sa top five. Si Lady Althea Castro, na kumakatawan sa kategoryang Life Science ng indibidwal, ay nasa ikalimang pwesto. Ang pangkat ng Life Science na binubuo nina Mark Lawrence B. Caroro, Kyleigh Anne I. Nuez, at Kyrelle Marie I. Nuez, ay nagtamo ng ikaapat na pwesto. Kabilang din sa mga mag-aaral sina Emmanuel M. Madalton, Aaliyah Kirsten A. Cutillar, at Sam Maverick T. Ventula ng kategoryang Physical Science team at sina Allisson Mae L. Pajunar, Daniel Emmanuel A. Lozada, at Kerlynne Abrasaldo ng grupong Robotics and Intelligent Machines na sumali din sa nasabing paligsahan sa gabay nina Gng. Rasel A. Dayuday at G. Alvin Leo T. Suasin. UM

National Wildlife Quiz and Biodiversity Talks, nakamit nina Kate Cadano at Lance Amores ang ikapitong pwesto. Larawan mula sa City Government of Ormoc

Nakuha nina Kate Cadano at Lance Amores, mga mag-aaral mula sa STEM strand, ang ikapitong pwesto sa 7th National Wildlife Quiz and Biodiversity Talks na ginanap sa Superdome, Ormoc City noong ika27 ng Nobyembre, 2023. Kalaban ang mga mag-aaral mula sa mahigit 30 paaralan, nasungkit nila ang pwesto na may kabuuang 35 puntos. Naging matagumpay ang koponan dahil sa pamumuno nina Yvette Gamora, Dallie Elum, at Ryan Huang. Nagwagi sa unang pwesto ang koponan sa panlalawigang patimpalak noong ika-22 ng Nobyembre at inirepresenta ang lalawigan ng Negros Oriental sa pambansang patimpalak. UM


Balita • 6

RTPM-DSHS earthquake drill 2023, matagumpay na ginanap

• ni Niña Quesha A. Vallega

Paghahanda. Isinagawa ng RTPM-DSHS ang isang earthquake

drill bilang paghahanda sa mga lindol na maaaring mangyari kahit kailanman. Larawan mula sa DuScian Multimedia Creatives

DuScians, umani ng parangal sa RSTF ‘23

• ni Shazi Lois M. Tatoy

DUMAGUETE CITY— Naging masigasig ang isinagawang earthquake drill sa Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School noong ikasiyam ng Nobyembre na pinangunahan ni Incident Commander Sir Tinay, alinsunod sa ika-apat na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2023. Pangunahing layunin nito na

maihanda ang mga estudyante at guro sa mga kalamidad tulad ng lindol kung saan ay matagumpay na naisagawa nila ang “duck, cover, and hold.” Bukod sa tradisyonal na pagtunog ng alarm at pagsunod sa pangunahing gagawin ukol sa lindol, pinasinamunuan din ng Duscian Emergency Medical Services (DEMS) ang isang medikal na simulasyon ng mga duguang biktima, habang ipinamamalas ang

kanilang kakayahang rumesponde nang mabilisan sa sakuna. Pagkatapos, nagtipon ang mga boy scouts, medics, search and rescue team, security committee at iba pang grupo na nangasiwa sa kaganapan upang punan ang kinakailangan pang pagbutihan ng paaralan gamit ang papel ng sistema ng ebalwasyon mula sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC). UM

DuScians, nagtagisan sa Buwan ng Pagbabasa ‘23 DUMAGUETE CITY — Alinsunod sa temang “Pagbasa: Pag-asa para sa Matatag na Kinabukasan,” opisyal na winakasan ng RTPM-DSHS ang pambansang buwan at araw ng pagbabasa 2023 sa idinaos na kulminasyon noong unang araw ng Disyembre, 2023 sa school gymansium. Pinarangalan ang mga mag-aaral na lumahok sa samo’t saring paligsahan para sa pagbibigay kahalagahan sa pagpapaunlad ng karunungan sa pagbasa’t pagsulat, tulad ng Bayani Look-A-Like, Readathon, Bayaning TikToker, Libro Mo Gaya Ko, at ang pinaghandaan ng lahat na Character Parade. Nakamtan nina Ethan Gavin Atillo bilang Russell at Princess Ann Marie Ojario bilang Ibong Adarna ang pagkapanalo sa character parade competition para sa antas ng junior high at sina Cesar Blanco III na gumanap bilang Joker at Samantha Kachno bilang Belle naman para sa antas ng senior high. Si Gregoria De Jesus na ginampanan ni Megan Gayo ang hinirang na kampeon ng junior high para sa Bayani Look-A-Like. Si Aaron Josh Patrimonio naman bilang Heneral Luna ang ginawaran bilang kampeon sa kategorya ng senior high. Sinundan ito nina Kate Pollaruste bilang Gregoria De Jesus at

• ni Niña Quesha A. Vallega

Pagbibigay Buhay. Bilang pangwakas ng pambansang buwan at araw ng pagbabasa 2023, isang

character parade and naganap kung saan nagbihis ang mga mag-aaral sa kanilang paboritong karakter. Larawan mula sa English Language for the Youth who seek Ideal Academic Novelty

Jasmin Suerte bilang Gabriela Silang, ayon sa pagkakasunod-sunod. Para naman sa Readathon kung saan ay tinahasang gumawa ng sipi mula sa Noli Me Tangere bilang Sisa ang mga kalahok, nanaig bilang kampeon si Wilzy Mae Patron, Ralph Christian Maltez para sa pangalawang gantimpala at Shazi Lois Tatoy para sa pangatlong parangal. Natamo ng grupong SKL o Samahan ng mga Kabataan sa Lipunan ang kampyonato ng

Bayaning Tiktoker sa kanilang bidyo tungkol kay Gregoria De Jesus, Pulang Paraiso sa pangalawang gantimpala tungkol kay Remedios Gomez Paraiso at Makaryo Rides sa pangatlong parangal tungkol kay Macario Sakay. Sa yugto naman ng Libro Mo Gaya Ko, nasungkit ng Unggoy Unggoy ang pagkapanalo sa kanilang rendisyon ng libro at pelikulang Smaller and Smaller Circles ni Felisa Batacan. UM


Balitang Pang-nasyunal

Balita • 7

SciHigh, nakilahok sa RTPM-DSHS, Nationwide Tree Planting binansagang • ni Shazi Lois M. Tatoy

Balitang Pang-rehiyunal

Most Outstanding

School sa Rehiyon 7 • ni Justine Cielo G. Ascura

PARA SA KALIKASAN, PARA SA KINABUKASAN.

Limang punong namumunga ang itinanim sa paaralan ng RTPM-DSHS alinsunod sa Proyektong Pamasko ng DepEd noong ika-anim ng Disyembre, 2023. Larawan

KARANGALAN.

mula kay Athea Bayno

Dumaguete City Nakibahagi ang Ramon Teves Pastor Memorial Dumaguete Science High School sa pagtatanim ng mga punongkahoy na pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ika-anim ng Disyembre, 2023 sa nasabing paaralan. Dumalo ang kabuuang 14 kinatawan ng mga mag-aaral pati na rin ang higit sa 22 guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon sa sabayang pagtatanim ng puno. Layunin ng aktibidad na itanim ang limang puno na mamumunga

sa loob ng paaralan. “Ang mga puno na ito ay magiging isang regalo ng mga guro para sa mga mag-aaral at sa susunod na henerasyon ng mga mag-aaral na darating,” ulat ni Gng. Chinky May Paculanang, ang punong tagapamahala ng paaralan. Ang 236,000 na Punongkahoy ng DePed Proyektong Pamasko para sa mga Bata ay may layuning itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at itanim sa mga kabataang Pilipino ang kahalagahan ng pagiging UM

RTPM-DSHS clubs, namahagi ng White Gifts PAGBABAHAGI NG BIYAYA. Binahagi ng mga mag-aaral ng RTPM-DSHS ang mga biyayang kanilang natanggap sa pamamagitan ng pagbibigay ng white gifts sa mga

kabataan ng LCP Hope Village. Iilang pampaaralang organisyon ang nagtutulungan upang maging posible ito. Larawan mula sa Liga ng mga Aktibong Kabataan Para sa Asignaturang Araling Panlipunan

Anim na pampaaralang organisasyon ng Ramon Teves Pastor Memorial- Dumaguete Science High School (RTPMDSHS) ang namigay ng mga white gifts nitong ika-21 ng Disyembre sa mga kabataan ng LCP Hope Village. Ang ALAPAAP, ELYSIAN, YES-O, CYM, EMC, at LIKAPIYAN ang mga samahan na nagkaisa upang makagawa ng isang

• ni Justine Cielo G. Ascura

inisyatibo para sa mga taong nangangailangan lalo na at papalapit na ang pasko, ang panahon pagbibigayan. Nagkolekta ng mga white gifts ang mga organisasyon simula Disyembre 11 hanggang Disyembre 16. Ilan sa mga natipon na white gifts ay mga pagkain, kagamitan para sa paaralan, kalinisan, at bahay. Tumulong din ang mga guro ng Social Science department

Sa naganap na Pasidungog 2023 noong ika-14 ng Disyembre, 2023 sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City, nakuha ng RTPM-DSHS ang parangalang Most Outsanding Secondary School (Large Category). Larawan mula sa DuScian Gateway

Pinangaralan bilang Most Outsanding Secondary School (Large Category) ang Ramon Teves Pastor MemorialDumaguete Science High School (RTPM-DSHS) sa Pasidungog 2023 na ginanap sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City noong ika-14 ng Disyembre, 2023. Nakatanggap din ng parangal na Most Outstanding School Head (Secondary Level) ang punongguro ng RTPMDSHS na si Mrs. Chinky May F. Paculanang. Bukod pa rito, pinangalanan bilang isa sa region’s top three Most Outstanding ChildFriendly School System program implementers ang school guidance counselor na si Mr. Randy Delfino. Ang Pasidungog ay isang kaganapan na pinangungunahan ng DepEd-Region 7 Central Office na nangyayari taon-taon. Ang lahat ng mga paaralan, empleyado, school division offices na mahusay at namumukod-tangi sa kanilang larangan ay binibigyan ng gawad para sa kanilang pambihirang pagganap. UM

sa pagtitiyak na maayos ang lahat ng proseso mula sa pangongolekta hanggang sa pamimigay. Sa araw ng pamamahagi, ang mga kinatawan mula sa bawat club ay naghanda ng maikling programa at mga palaro bilang karagdagang regalo para sa mga bata bukod sa paghahandog ng white gifts. Ika pa ng karamihan sa mga kabataan doon, “Sana bumalik kayong muli sa susunod na pasko.” UM


Lathalain • 8

Pag-Alpas sa Lungga ng Karimlan

N

ang ibinuka ko ang aking mga mata, nasilayan ko ang pagsinag ng araw sa aking mga balintataw na siyang nagpukaw sa aking diwa nang sagayo’y lumitaw sa aking isipan ang pagsasanay namin sa Sandurot Festival. Ibinaon ko sa limot ang aking pahinga noong Agosto upang masungkit ang minimithing tagumpay na hindi namin nahablot sa mahigit 15 taon. Sa bawat kagat ng panibagong araw, ang aking natitirang lakas ay siyang aking tinipon upang maipamalas ko ang angking galing sa pagsasayaw na mayroong dalisay na adhikain. Bawat indak ng aking katawan ay mayroong nakadugtong na hinanakit ngunit ito’y nagsilbing daan sa pagsibol ng kaalamang siyang naging himpilan ng kapanatagan na patuloy na nananalaytay sa aking dugo. Dumadagundong ang tibok ng aking puso na siyang bumubugto sa tanikalang nakagapos sa aking kapanatagan na nagpapalaya sa akin sa hawla ng kahinaan. Saksi ang mahabaging Poong Maykapal sa aking unti-unting paggapang sa daan ng pagsubok upang masungkit ang tumatanyag na pagkawagi. Aming kaligtasa’y isinantabi namin na tila ba’y laruan ang aming katawan at mas tinutok ang pansin sa pagsasanay hanggang sa tuluyang mawagtang ang katiwasayan sa aming isipan. Tuluyan naming nalimot ang panganib na maaaring sasalubong sa araw-araw naming paglinang ng kaalaman sa Sandurot hanggang sa

kumagat ang kadiliman at nahulog ang isa naming mananayaw. Tuluyan siyang napuruhan at naudlot ang kaniyang pangarap na malasap ang katagumpayan bilang isang mananayaw sa paaralang ito. Ngunit hindi namatay ang alab ng pag-asa bagkus patuloy itong naglalagablab hanggang sa nakabangon muli ang mga sinaktan ng mga katunggali. Nagising ang taglay naming kapangyarihan na siyang palaging hinanahangaan at mas napalawak ang nakalap na kaalaman na siyang naging dahilan sa pagguho ng mga balakid sa aming daraanan. Hindi nagpatinag sa tukso ang aking loob bagkus mas nabigyan ng katatagan at kapanatagan ang aking sarili bilang isang mag-aaral na dinadala ang bandila ng paaralang itinuturing kong pangalawang tahanan. Ilang pagsikat ng araw sa silangan ang lumipas, dumapo na naman ang araw na hindi namin lubos mawari. Habang nagsasanay kami sa Pantawan, bumalot ang kadiliman sa aming pananaw na para bang binulag kami upang matatak sa aming isipan na ang aming pagsayaw sa Sandurot ay isang malaking sablay. Sa kasamaang palad, dalawang binibining mananayaw ang sinugod sa pagamutan at bilang isang mag-aaral ng RTPM-DSHS, inaasahan kong madamdampot namin ang pagkawagi ngunit unti-unti itong naglaho at nawasak ang pag-asang aking pinakaiingatan. Maraming pagluluksa ang naganap at umusbong ang pagkadismaya ng ibang

• ni Gremar Jr. A. Estrellanes

mananayaw hanggang sa tuluyan ng nakain ng karimlan ang kanilang damdami’t isip na siyang nagtulak sa kanila na ibaon sa isipan na hindi kailanman maabot ng paaralang ito ang minimithing katagumpayan. Nagpatuloy kami sa pagsasanay upang linangin ang aming kakayahang sumayaw at upang hubugin muli ang naudlot na pag-asa sa aming mga puso. Dumating na ang pinakahihintay ng nakararami, ikalabing dalawampu’t apat ng Septyembre, tumubo muli ang katatagan sa aming diwa at bawat pagyapak palapit sa entablado ay tila ba sumusunod ang kaba sa amin. Habang ako’y sumasayaw, kumawala ang kaba na aking nararamdaman at napalitan ng kaligayahan sapagkat batid kong magiging matagumpay ang aming pagsayaw ng Sandurot Festival. Ilang oras ang nagdaan, inilahad na ang mga nanalo at bumalot ang galak at kaligayahan nang namutawi sa kanilang labi na ang aking iniibig na paaralan ay siyang nagwagi sa punyagian. Nasuklian lahat ng paghihirap at lakas na nasawi at nahablot muli ang katagumpayan na noo’y minimithi ko lamang ngunit ngayo’y taglay at hawak na ang karangalang ninanais. Nadiligan ng tapang at tatag ang aking diwa na siyang nagmulat sa akin sa katatagan na kinakailangan kong idugtong sa aking buhay. Binuklat ko ang bawat yugto ng aking buhay at dumako sa kaliwanagan na walang pag-aalinlangan ngunit pasan ang mga kaalamang nagsilbing hakbang upang umangat. UM Larawan mula sa Duscian Multimedia Creatives

Banayaban sa Mitsa ng Kandila P abugso-bugso ang pagtulo ng luha ng mga mamamayan na natatamasa ang talim ng pighati bunsod ng gunitang pasan ng kanilang isipan. Nasilayan nila ang marahang pagpatak ng kanilang luha sa mga titik na inukit sa bato na pangalan ng mga taong lubos nilang iniibig. Sila’y humahapis dulot ng kalungkutang hawak nang makita nila ang pangalan ng kanilang mga minamahal na nakasulat sa lapida. Noon, matiwasay ang kanilang pamumuhay, tawa ng mga kamusmusan sa kanilang nayon ay sumasabay sa ihip ng hangin. Kasing dalisay rin ng tubig ang pagmamalasakit na umiikot sa kanilang lupang tinubuan na tinatangkilik nilang tahanan. Sa kanilang pagsisid sa daloy ng panahon, umusbong ang kadilimang nanaig at sumiklab ang labanan sa pagitan ng Palestina at Israel. Nagbunsod ang pagtutunggali ng dalawang bansa ng marahas at madugong kinahinatnan na nagpukaw sa galit na naglulungga sa kaibuturan ng puso ng bawat mamamayan.

Marami ang nakatungtong sa palad ng kamatayan na nagsindi sa mitsa ng puot na nananalaytay sa dugong kumukulo ng mga taong nasadlak sa pagkadukha. Yumao man ang kanilang mga mahal sa buhay ngunit nananatili ang bakas ng kanilang pag-ibig sa damdamin ng kanilang mga minamahal. Kahit na nakahimlay sa ilalim ng lupa ang kanilang mga katawan, nananatiling matayog ang binhi ng kanilang pagmamahalan. Sa ating pananaw, pugad ng sukdulang kadiliman ang kanilang lupain, ngunit sa kanilang matang nababalutan ng pagdadalamhati, tahanan pa rin ito ng alaala ng mga yumaong tinuturing nilang kasangga ang kanlungang nagbigo sa pagbigay ng katiwasayan sa kanilang buhay. Ito’y nagpapatunay na kahit malayo sa isa’t isa ang langit at lupa, hinding-hindi mauudlot ang pagmamahalan ng mga yumao at ng mga taong naninirahan pa rin sa mundong ibabaw. Sa pagitan ng digmaan at pag-aagaw ng mga teritoryo sa giyera ng Palestina at Israel,

ni Gremar Jr. • A. Estrellanes

malalaking butil ng luha at pag-agos ng dugo ang siyang masisilayan sa lupaing nasadlak sa kalbaryo. Hindi lamang inosenteng puslit at mga matatanda ang nahulog sa bingit ng kamatayan sapagkat ang kanilang mga alagad ng bayan na tinatanggol ang nasyong kanilang tinubuan ay binawian din ng buhay. Kung tuluyang umusbong ang kawalan ng diwang makabayan, daluyong ng puot at alab ng galit ang sasalubong sa mapait na labanan at mas lalakas ang pagkagat ng kamatayan sa mamamayang tanging nais ay makawala sa lungga ng kapighatian. Kahit tumawid na sa tulay ng kamatayan ang isang nilalang, mananatiling buhay ang bakas na kaniyang iniwan sa mundong ibabaw. Maraming mamamayan ang maagang namaalam dulot ng digmaang humahadlang sa mga taong gumagapang. Kahit na sa pagtulog nalang nila mararamdaman nang buo ang kanilang minamahal, dalisay pa rin ang umaatikabong pagdagundong ng kanilang puso para sa isa’t isa. Sabay ng paglaki ng apoy sa kandilang sinindihan, mananatiling nakaukit ang pag-ibig ng mga yumao sa puso ng mga tao. UM

Larawan mula sa https://akosially.files.wordpress.com/2012/02/candle.jpg?w=1014


Pahinga Muna M

ni Athea Franchesca S. Bayno •

akikita sa mga balintataw ang kalawakan ng himpapawid mula rito—sa karurukan ng kabundukan. ‘Di mabilangbilang sa mga daliri ang mga daang natahakan upang makatungtong sa kinatatayuan ngayon. Ngunit, habang ginugunita ang lakbay patungo rito, walang paa ang makakatapak sa kinatatayuan kung wala ang mga gabay na nandiyan sa bawat pagdapa. Mga gabay na siyang naghulma sa katatagan na nananalantay sa aking dugo. Mga guro na siyang tawagin ng lahat. Guro. Apat na letrang salita ngunit isang salitang sumasalamin sa libo-libong oras na ginugol upang gabayan ang mga mag-aaral. Mula sa musmos na edad, sila na ang nandyan, kaagapay ang mga magulang, upang hulmain at gabayan ang mga estudyante sa bawat yugto ng kanilang buhay. Gamit ang kanilang talas sa pagtuturo at puso sa paggabay, handa nilang ibigay ang lahat ng kanilang makakaya upang ipagkaloob ang natatanging kaalaman at mga prinsipyo sa kanilang mga mag-aaral. Kasabay ng pamimitak ng araw, uniporme ay naisuot na nila at mga learning materials ay naihanda na sa bag na dadalhin sa paaralan. Ito ang lagay araw-araw ng isang guro sa bawat akademikong taon. Subalit, sa likod ng

Bahaghari

ng Kayamanan

Larawan Mula kay Garly Vinz Baldado

N

aranasan mo na bang masinag sa isang kulay na iyong nakita? Aba, nararapat mong mapuntahan ang isa sa mga bansa na tinaguriang “Perlas ng Silanganan”. Ang bansang ito ay nagtataglay

Lathalain • 9

nakahandang pustura, ay isa ring napapagod na nilalang. Lingid sa kaalaman ng karamihan, lagpas oras ng mga klase, sila ay nakatutok sa kani-kanilang mga laptop upang makahanda para sa kanilang mga diskusyon, mga gawain, at mga pagsusulit. Kahit kulang ang tulog o ‘di kaya namamaga na ang mga mata, patuloy pa rin sila sapagkat ang makapagturo sa mga estudyante ang kanilang pangunahing adhikain. ‘Yan ang katotohanan sa likod ng kanilang isinusuot na maskara. Sila ay napapagod din tulad nating mga estudyante. Sandamakmak man na mga gawain ang binibigay sa atin, mas doble o triple ang sa kanila lalo na’t may buhay pa sila sa labas ng larangan ng edukasyon. Palagi nilang sinasambit sa kanilang mga mag-aaral ang katagang “pahinga muna” kapag nakikita nilang pinagsuklaban ng langit at lupa ang mga mukha, ngunit, nawa’y maalala nila na ang katagang ito ay para rin sa kanila. Matatago man ng kolorete o ng ngiti sa mukha ang kanilang kapaguran ngunit hindi nito mababago o maiiba ang iniindang pagod.

ni Wilzy Mae T. Patron •

ng hindi mabilang-bilang na mga kulay sa iba’t ibang larangan, na tiyak na ikaw ay mamamangha. Sa iyong unang pagtapak sa isa sa mga humigit-kumulang 7,641 na mga isla sa Pilipinas, masasaksihan mo agad ang anim na mga kulay ng bahaghari. Asul ay para sa kapayapaan na iyong makakamit dahil sa natatanging mga tanawin na sa Pilipinas mo lamang makikita, pati na rin ang nakakalmang tunog ng bawat pagbangga ng mga alon sa isa’t isa kagaya lamang sa Boracay, El Nido, Coron, at marami pang iba. Pansunod ay ang kulay pula na kumakatawan sa pagmamahalan ng mga Pilipino. Kahit hindi ka kadugo, maaasahan mo pa ring matutulungan at tatratuhin ka nila bilang isang tunay na kapamilya. Ang kahel ay salamin sa init nang pagtanggp nila sa’yo. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging ‘hospitable’, o ang magalang na pagtanggap sa mga bisita. Hindi mapagkakaila na umaapaw ang kulay dilaw sa Pilipinas dahil sa bawat Pilipino na iyong masasalamuha, bibigyan ka ng ngiti na tila aabot na sa kanilang mga tenga. Hahanga ka rin sa walang katapusang pag-asa na mayroon ang mga Pinoy at sa kanilang hindi pagsuko sa panahon ng trahedya at problema. Mayaman din ang bansang ito sa mga berdeng puno at kabundukan na magiging isa sa mga

La f r raw t o e e an w o / f e p i k mu to r k m a . c o m la p_ - b l e s 27 u - s / p a h 95 r n i l h r e t 25 o u o m i tps -12 t - u e u m :// 62 w o t t e - p img 7.j m - o h o . pg a n v e - l rap -

Sa susunod na lakbay kasama ang mga guro na handang gumabay at humawak sa mga kamay, hindi ko malilimutang sambitin ang “pahinga muna” sa kanila. Nararapat nila itong matamasa dahil sa bawat pagtapak o pagdapa ko sa kalupaan, handa silang sumalo at maging kaagapay sa paglalakbay. Kaya pahinga muna kayo, bago kami ihatid sa karurukan. UM dahil kung bakit hahanap-hanapin mo ang Pilipinas kahit saan ka magpunta. Panghuli ay ang biyoleta na matatagpuan mo sa matatag na pananalig ng mga Pilipino sa Diyos. Patunay ang mga simbahan na ipintayo na libong taon na ang nakalilipas at nabubuhay pa rin hanggang ngayon tulad ng San Agustin Church sa Intramuros. Hindi rin imposible na aanyayahan ka sa pagdasal lalong-lalo na bago kainin ang mga pagkain na itinututing bilang biyaya ng Diyos. Masisiguro mo na hindi ka mag-aalinlangan at magsisisi dito sa Pilipinas. Palalampasin mo ba ang pagkakataon na maipinta sa iyo ang hiwaga ng mga kulay na ito? Kung nais mo ang bahaghari, kinakailangan mong manatili kahit na umuulan. Ang Pilipinas ay isang bahaghari, hindi lamang dahil sa mga kulay na iyong masisilayan, kundi pati na rin ang kasaysayan na pinagdaanan para sa kalayaan. Bago maranasan ang makulay na kasalukuyan at kinabukasan, tayo ay ipinaglaban ng ating mga bayani sa nakaraan sa pamamagitan ng mga reporma at himagsikan. Kahit saan at kailan, unti-unti kang makakarating sa isang hagdan patungo sa bahaghari ng kayamanan sa Pilipinas. Kaymananan na araw-araw madadala at dahilan upang maipagmalaki na ikaw, ako, at tayo ay mga Pinoy. UM


Lathalain • 10

Pahimakas sa Binhi ng Katatagan ng Kalinangan

Pagsuong sa Alab • ni Gremar Jr. A. Estrellanes

ni Gremar Jr. A. Estrellanes •

S

Larawan mula sa https://www.vistaresidences.com.ph/assets/img/nationalflag-day-in-the-philippines-_-condo-living-min_11zon.jpg

a bawat patak ng dugo sa lupa ng perlas ng silingan, mababaon at matatabunan ng banyagang kalinangan. Tulad ng isang duyog na kung saan ang kaliwanagan ay hindi masisilayan sa balintataw na nililo ng hindi kadugo sapagkat ito’y sinasaklaw ng kulturang hindi nakaugat sa lupain ng Pilipinas. Ang akala nating pahat lamang ang kampit ng pagkalimot, ngunit lubhang mga sugat ang natamo ng ating inang bayan. Sa pagpinid ko sa aking mga mata, marilag kong bansa at kanlungan ng kariktan ang nasilayan. Kalinangang Pilipino ay naglulungga sa kaibuturan ng puso ng bawat nilalang na nakayapak sa lupang ating tinuturing na tahanan. Harana’t pag-aawit upang malasap ang pag-ibig ng isang balingkinitang dilag ay siyang nagsisilbing bagwis ng mga kalalakihan upang maharuyo ang kababaihan sa bato-balani ng kanilang kabikasan. Pagwiwika ng “po” at “opo” ang siyang bukambibig ng bawat puslit upang maipamalas nila ang kanilang gipalpal na respeto para sa mga nakatatanda. Hiraya ng mga musmos ang siyang lungga ng kaligayahan at sarili nilang buntala upang makawala sa hagupit ng realidad. Pagmamano ay simbolo ng pagpapamalas ng dalisay na pag-ibig at matayog na dagitab sa pagitan nakatatanda at mga kamusmusan.

Ngunit sa pagbuklat ng aking mata, sinuntok ako ng katotohanan na nag-iba at nawaglit ang iniibig nating kultura. Ang dating marilaag na kalinangan ay ibinaon sa hukay ng pagkalimot. Kariktang taglay ng ating bansa ay katulad ng isang rosas na namukadkad, naharuyong ang hindi iniibig na mga banyaga at nautas hindi lamang ang kagandahan kundi pati na rin ang taglay na kalinangan. Ang noo’y “po” at “opo” ang bukambibig, mga salitang makahahabag-damdamin ay siyang palaging namumutawi sa kanilang labi. Tuluyang natanghay ng baha ng banyagang kultura ang dibdib ng bawat Pilipino. Pagmamano noon, pananakit at hindi makatarungang gawi ang bunga ng pagdapo ng paruparo na nakaugat sa lahing hindi atin. Kapalaran ang anakula ng bangka ng pagbabago. Hindi ko matarok kung anong landas ang susuungin kaya sasabay nalang sa daloy ng tadhana. Nasa mga Pilipino na kung magpapalilo ba sila sa dagsin ng panunudyo ng mga mapanibughong banyaga. Base sa nahagip ng aking mga balintataw, hinding-hindi ko ihahalinhan ang kultura na sariling atin sa kalinangang hindi naman ako nakaugat. Lubos kong iniirog ang aking lupang tinubuan na kahit sa aking paglisan sa mundong ibabaw, nakaukit sa aking lapida na ako ay Pilipino. UM

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” - Isang sipi mula kay José Rizal

Sumibol ang kaba na nananalaytay sa aking ugat na nagpupumilit na iudlot ang paghahanda na aking isinasagawa. Nasilayan ng aking mga balintataw ang pagpupunla sa binhi ng kasanayan na aking pinatubo sa diwa ng aking katatagan. Ngunit huminto ang takbo ng panahon nang mahagip ng aking mga tainga ang mga katagang namutawi sa kanilang mga labi na, “Kasali ka sa tatlong punyagian sa Intramurals.” Sa pag-ihip ng hangin na hinubog ng galak na aking nararamdaman, pinukaw ako ng katotohanan na yumanig sa aking dibdib na pumuputok at dumadagundong bunsod ng kaalamang aking nakalap. Papalapit na ang Intrumurals na nakaukit sa puso ng mga DuScians kaya hindi nararapat na ibaon ko sa limot ang nag-iisang kaganapan na binihag ang damdamin ng mga mag-aaral sa loob ng mga pader sa aming paaralan. Tumunog ang kampana ng aking isipan nang makaisip ako na sasali ako sa modern dance competition sapagkat batid kong binasbasan ng Poong Maykapal ang aking katawan upang makaindak sa himig ng musika. Banayad lamang ang daloy ng pagtibok ng aking puso at kalmado lamang kaming naghahanda kasama ang aking napiling kasangga sa punyagian at pagalingan sa pagsasayaw. Sa paglipas ng anim na bukang liwayway, nakakalap ako ng mga pagdadalawang-isip na lumabas sa labi ng mga katulad kong nasa baitang walo. “Nangangailangan kami ng mga mag-aaral na mayroong kaalaman sa pagpapamalas ng mga talento sa pamamagitan ng pag-awit at pagpupunla ng binhi ng kakayahan sa kanilang dila,” namutawi sa labi ng isa ko’ng kapwa estudyante. “Gremar, maaari bang ikaw ang magwawagayway sa bandila ng ikawalong baitang sa dancesport?” Winika naman ng aking guro. Sa puntong ito, hindi ko na talaga maaok kung anong landas ang aking tatahakin. Ngunit kumawala ako sa takot at tumindig nang matayog at harapin ang bitag ng kalbaryo. Tinanggap ko ang handog nilang alay at nagpakatatag sa gitna ng mundong nasadlak sa karimlan. Hindi naging madali ang pagpili ng daang siyang aking gagapangin ngunit nanatiling buhay ang tanglaw ng aking katatagan. Nilunok ko ang mga pagiisip na siyang naging balakid sa aking pagdesisyon sa kung anong landas ang aking susuungin. Nakatindig man muli ako sa baha ng pagkalito ngunit mananatiling misteryo ang kapalarang sasalubong sa akin. UM

Larawan mula kay Jeione Duran


Lathalain • 11

Kariktan sa Luntiang Kaligayahan

Pagpanhik sa Titik ng Kinabukasan ra w sa an iS mu to la ck

kinakagat ang katotohanan sa mga taong nabihag sa kawalan ng kaalaman. Subalit hindi sapat para sa akin ang maging isang tagapaghatid ng aliw dito sa paaralan lamang. Nais kong suungin ang buhay bilang isang manunulat at nagseserbisyo para sa ating lipunan na tahanan nang sumisibol na maling sapantaha at kasinungalingan. Kaya kinuha ko ang aking pluma upang sumulat ng artikulong maghahatid nang naglalagablab na balita. Bawat kataga’t pangungusap na isinulat ay hinubog ng pagnanais na mahablot ang buhay bilang isang ganap na manunulat. Sa pagtatapos ng artikulong ito, winika ko sa aking sarili na, “Hindi mababago ng mga titik sa isinulat na balita kinabukasan ng sangkatauhan ngunit ito ang magbubukas sa pintuan ng kamalayan na huhubog sa panibagong landas na kanilang kapalaran. UM La

K

inuha ako ang aking pluma upang sumulat ng isang artikulong ihahatid nang mainit sa tainga ng mga magaaral. Bawat salitang aking isinulat ay hinulma ng aking pag-ibig para sa paaralan at sa papel na aking ginagampanan. Sa aking pagsulat, napatanong ako sa aking sarili bilang isang manunulat, “Mababago ba ng mga titik na ito ang kinabukasan ng sangkatauhan”? Sa loob ng mga muog ng aking paaralan, ako’y isang manunulat na binubuksan ang bibig na nakapinid. Banayaban ng pag-asa at siyang boses ng mga mag-aaral sa Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School. Binibigyang daan ang bawat titik na aking isinulat sa papel upang mabahiran ng katotohanan ang bawat sulok ng kamangmangan sa puso ng mag-aaral. Sa aking pagsulat, sinindihan ko ang mitsa ng kamalayan at nagpupunla ng binhi ng kaalaman sa isipan ng kapwa estudyante. Nililinang ang paniniig ng mga nilalang at binubuksan ang panibagong kaliwanagan upang maging tanglaw sa sukdulang kadiliman na

• ni Gremar Jr. A. Estrellanes

unti-unti nang nagpapakita ang bukangliwayway. Ang dahan-dahang pagliwanag ng kalangitan ay nagtulak sa iyo papatungo sa mundo ng realidad. Nang maitapak ang unang paa sa mundong ito, dito lamang napagtanto na ang kaligayahan sa Kapaskuhan ay hindi masusukat sa kung gaano karaming pisikal na mga biyayang iyong matatanggap. Ang totoong diwa sa inaabangang okasyong ito ay ang biyaya sa init na madarama sa bawat yakap at halik na kaakibat ng pagmamahalan, pagpapatawad, pagbibigayan, at pasasalamat. Sa wakas, makakapiglas ka na sa sapantahang magiging masaya lamang ang pasko kapag may mga regalo. Mabibigyan mo na ng pahimakas ang tanikalang pilit kang pinipigilang makadama ng dalisay na kaligayahan. Ang dayang ng Kapaskuhan ay ang pagsasamahan na kailanman ay hindi mapapalitan ng kahit anong salapi, marahil ito ang simbolo ng tunay na pagkalinga. Ang Kapaskuhan ang magiging susi upang mabuksan ang luntiang kaligayahan. Luntiang kaligayahan na kay sarap pagmasdan marahil purong-purong na ang mga ngiti, at walang kahit anong bahid nang pagpapanggap. Luntian na makikita sa bawat krismas tri ay simbolo ng pagasa, at bagong simula na mag-aalab tuwing pasko. Makakamtan lamang ito kapag naisulat na sa mga teksto ng bawat pahina ng iyong buhay ang totoong kahalagahan ng pasko, marahil ito ang magsisilbing sandata sa bawat bagyo na madaraanan. Sa kwentong ito, matutunghayan ang lualhati ng mga nagniningning na mga parol na ang kakambal ay ang kariktan sa totoo, at luntiang kaligayahan. UM

Saan ang Pag-asa?

•

ni Gremar Jr. A. Estrellanes

Tulog pa ang umaga, dilat ang mata. Pag-aaral sa silahis ng kandila. Pumatak ang luha sa itim na tinta. Banaag sa pluma, ligalig sa mukha. Sa mundo na kamangmangan ay dumagsa, Kung saan edukasyon, aking kadigma. Kawalan ng alwan ang aking tinahak. Animo’y isang ibon na walang pakpak. Nakaupo, lugmok sa kaligaligan. Tila nalulunod na sa karunungan. Bawat pahina, natatamo ko’y kadlit. Nakuha sa pluma na animo’y kampit. Tinuran nila, “Paaralan ang daan.” Kanlungan na nililok ng kakiputan. Kalubkob sa isip ng mamamayan. Kaltas lang pala ito sa kalusugan. Tahanang hindi nangingiming kumitil. Inutas ang kasiyahan, bawat butil. Ang nais ko’y katas ng kayamuan. Ngunit kinipil ang aking kabatiran. Tulog pa ang umaga, dilat ang mata. Walang pahinga, patay na ang kandila. Pumatak ang luha sa itim na tinta. Pagsulat at pagbasa ba ang pag-asa? UM

Larawan mulsa sa https://i.pinimg.com/originals/e2/e7/80/ e2e780a7c74f1df6ce4eb380749f0c19.jpg

S

a pag-ihip ng hangin papatungong mo nalang ba ang araw ng pagkasilang ni amihan, sumasalamin sa Hesus bilang pagkakataon upang magpakita balintataw ang bawat kutitap ng ng ngiting parang aabot na sa taenga, ngunit ilaw, mala-rosas na kulay ng mga bulaklak, may kalungkutang ikinukubli? Humihimig at samu’t saring mga palamuti na nakasabit na ang ibon, at rinig na rinig na rin ang ingay sa krismas tri. Sa likod ng mga hiwagang nang pagkanta ng mga nangangaroling, ito, nalilito bagama’t may takot, at pagkalito subalit ang pintig ng puso ay matamlay pa ang nananalaytay sa iyong dugo. Siklab ng rin. Kasalungat sa nakakasinag na liwanag damdaming mistulang apoy dahil sa isang sa kalye tuwing Pasko ay ang karimlan na tanong. Isang tanong kung bakit ibang-iba dulot nang pangungulila. na ang lahat, at hindi mo na malasap ang Kapanglawan dahil sa tunay na samyo ng pasko. kinakahidlaw na makasama ang mga Iilang libong oras na ang nakalipas minamahal sa buhay. Hindi matuldokang ngunit animo’y ang katawan ay ibinabad pagsamo na makapiling ang pamilya, sa yelo dahil hindi makagalaw. Sumasabay bagama’t iilang karagatan at ang lamig ng panahon sa l a m i g kalangitan ang agwat. na nararamdaman Sa kabila ng labanang ng puso habang ito sa isipan, pilit na nakatitig lamang pinapakinggan ang halakhak sa kalawakan. Pilit ng bawat isa habang na binabalikan ang nasisilayan ang indak ng mga nakaukit na gunita batang sumasabay ang galaw ng ng ngiti noong ikaw katawan sa musika. ay isang paslit pa lamang N a k a t a t a k tuwing tumutunog ang na sa iyong kampana. Tunog pagkatao na ng kampana magiging kumpleto La r na hudyat lamang ang Pasko Mi awan xed mu C l ult ng pagbangon kung may matatanggap ure a sa Th e ng panahon nang kang regalo. Nakatulala pagbibigayan. Mga ka lamang ngunit walang sandaling ang ngiti ay bitbit na kahit ano, hindi maipinta sa puntong maging ‘ampao’ man napagmamasdan na ang mga ito, o mga bagay regalong ibinalot sa iba’t ibang na iyong paborito. hugis, mesang punong-puno N a i s mong itago ang ng hindi mabilang-bilang na katotohanang wala kang natanggap mga putahe, at panghimagas sa paskong ito, habang nararamdaman ang na singtamis ng pagmamahalan na bawat pagpatak ng ulan sa iyong mga mata. nadarama sa pasko. Ulan na hindi mo inaasahang luha na pala Mababakas sa iyong mukha ang na dala ng ulap ng kalungkutan, dahil wala mapanibughong emosyon dahil sa pag- kang Aguinaldong hinahawakan sa iyong aalala na hindi mo na malasahan ang sarap nanginginig na mga kamay. ng totoong diwa sa Kapaskuhan. Itinuturing Tapos na ang Noche Buena at

• ni Wilzy Mae T. Patron


Agham • 12

Mamulat sa Kapahamakan S

abay sa daloy ng ating panahon ang pagbabago ng klima nating ngayon. Nagmula sa maaliwalas at maginhawang temperatura, nauwi sa biglaang pagtaas ng klima. Likas nga ba sa daigdig ito? o sadyang sangkatauhan ang nagpasimuno sa pagsubok natin ngayon?

Sa pag-usbong natin sa modernisasyon, buhay natin ay napadali ang takbo. Nagkaroon tayo ng iba’t ibang solusyon sa kaharap nating pagsubok, ngunit hindi maiiwasan na sa bawat solusyon na nagawa, may problemang kasabwat. Kamakailan lamang inilahad ng National Aeronautics Space Administration (NASA) na puno’t dul ng Greenhouse effect na may dalang fossil fuels ang natuklasang pagbabago natin ngayon. Ang fossil fuels ay galing sa kailalimang parte ng daigdig na sinusunog upang makapagbigay ng elektrisidad, ngunit sa bawat usok na

d/mi p n g - b u r n/ m o -art ax.c -clip la sa l i p a r t m troleum u m l-pe w.c wan Lara s : / / w w fossil-fue ng _ p 8 p . 8 t n ht 619 cartoo 26-2 dle/ ssil-fuels o f g in

• ni Kay Chanelle Obate

binubuga may kasamang Nitrous Oxide at Carbon Dioxide (Co2) na nagdudulot ng negatibong epekto sa atmospera, partikular sa Ozone layer. Sa tuwing natatamaan sa sikat ng araw ang ating daigdig, napupunta ito sa ozone layer na siyang armas natin sa Ultra-Violet Rays (UV rays). Nang pumasok ang nasabing mga kemikal, nakukulong ang UV rays at magbubunga sa “greenhouse effect”. Maiuugnay natin sa sitwasyon ng National Capital Region (NCR) sa Port Area ng Maynila. Ayon sa ginawang index card ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na sa loob lamang ng tatlong araw, nagmula sa 38 °C hanggang 40 °C ang temperatura nila. Patuloy pa rin ba tayong magkikibit-balikat sa sitwasyon nating

ngayon? Nawa’y bigyan nating halaga ang pagbubuklod natin bilang isang mamamayan sa lipunang ating kinabibilangan upang mamulat tayo sa katotohanan na ang akala nating sagot sa ating mga suliranin ang siyang madudulot din sa kapahamakan ng sarili nating bayan at diwa. UM

Labanan ang Hagupit na Saklaw sa Sambayanan • S

ni Kay Chanelle Obate

a isang kisapmata, tayong mga Pilipino ay itinali sa lubid ng karimlan, naging makulimlim man ang landas nating tinatahak at buhay man ay itinaya sa sariling lipunan, bumangon pa rin tayo para sa pag-asang makaahon. Isinakripisyo ang edukasyon para sa kaligtasan ng sangkatauhan, subalit nakamit rin ang minimithing kalayaan sa tatlong taon na laban. Tatlong taon na pagtatago at pagiingat mula sa isang virus na nakakahawa na tila milyon-milyong tao ang binawian ng buhay. Nagdusa man tayo sa hamak na puno’t dulo ng Corona Virus Disease, naibalik pa rin sa dating normal ang kasalukuyan. Kalayaan ay nakamit muli ngunit tayo nga ba ay ligtas na? O may pahabol pang hindi nasisilayan? Usap-usapan ngayon ang Nipah Virus (NiV) na sikat sa bahaging timog-kanluran ng India. Noong 1999 nadiskubre ang Nipah Virus sa iba’t ibang parte ng Malaysia at Singapore, nakita ito sa isang sakahan na puno ng mga baboy at agad itong nakapukaw atensyon sa mga medical experts. Naipasa rin ang sakit na ito sa mga tao, at sa loob lamang ng dalawang taon, binawian ng buhay ang mahigit 105 na tao, ngunit hindi lamang mga tao ang naapektuhan

kundi sa aspektong panlipunan at pangekonomikal rin ng nabanggit na mga bansa dulot ng pagpatay sa mahigit isang milyong baboy para sa kaligtasan ng lahat, makikita nga sa nagawa nilang estatistika na nasa tinatantyang $582 milyon ang nawala matapos ang Nipah Outbreak. Batay din sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) , itinaguriang zoonotic virus na nagdudulot ng iba’t ibang hanga ng sakit mula sa asymptomatic infection hanggang sa respiratory illnesses ang Nipah Virus. Maaari itong ipasa mula sa isang hayop kadalasan ay (baboy at paniki) o sa isang pagkain na nahawaan ng sakit. Wala pang nagawa o nahanap na lunas o bakuna para sa NiV, sinasabi ng mga eksperto na mas maigi kapag “supportive care” na lamang ang ibibigay sa taong nahawaan sa nasabing sakit, ngunit paano nga ba natin malalaman kapag tayo ay nasa ilalim ng panganib na dala-dala sa sakit na ito? Ang mga sintomas ng NiV ayon sa Centers for Disease Control and prevention ay simpleng lagnat, at sakit sa ulo sa ilalim ng 14 na araw, pagsusuka, sore throat, at kahirapan sa paghinga. Maari rin itong sundan ng pagkatulala, bigla-biglaang pagkawala ng kamalayan, respiratory distress at mga seizures na posibleng magtungo sa coma sa loob ng 24-48 hours. Pumasok ang NiV sa Pilipinas noong 2014, ngunit hanggang ngayon wala pang naiulat na panibagong kaso, ngunit kahit wala pang naitalang kaso sa NiV dito sa

Pilipinas hindi pa rin nawawala ang lubos na pag-aalala ng karamihan sa medical workers at citizens kung ano ang posibleng mangyari. Isinaad din naman ni Dr. Rontgene Solante sa isang interview niya sa UNTV na malabong makapasok sa border ng Pilipinas ang sinasabing sakit dahil kontrolado na ng Kerala State of India at hindi raw dapat mangangamba dahil hindi ito pangunahing issue ngayon kagaya ng anong naidulot ng Coronavirus Disease 19 (Covid 19) noon. Ano nga ba ang nararapat gawin, gumawa ng aksyon o huwag aalahanin? Balikan natin ang nangyari sa taong 2020, kung paano tayo naghirap dahil sa bigla-biglaang pagbabago, libo-libong sira na trabaho at negosyo, at arawaraw na pangangamba sa sariling buhay kung ligtas nga ba talaga tayo.Labanan natin ng makatarungan ang posibleng hagupit na saklaw sa sambayanan, alam naman nating lahat na mas maigi kapag mananatili tayong handa. Maging kalmado tayo habang iniisip ng lubos ang posibleng solusyon sa pagsubok na maaring bubungad sa atin ngayon. Iwasan natin ang pagkikibit-balikat at tignan muli ang pinagdaanan natin nung nakaraan, nais pa ba nating balikan ang tatlong taon na ubod ng kahirapan? UM

Larawan mula sa https://res.cloudinary.com/dk-find-out/image/upload/q_70,c_pad,w_1200,h_630,f_auto/02_Defences_Virus_icon_xdduby.jpg


Agham • 13

Makabagong Enerhiya: Pagsiklab sa bisto ng pagbabago •

ni Kay Chanelle Obate

Ang Pilipinas ay isang tropikal na arkipelago, napapalibutan sa asul at banayad na alon ng karagatan. Bunga nito ang kakayahan ng bansa na yumari ng enerhiya galing sa yamang likas kaya’t kamakailan lamang itiniwalag ng batas ang paggamit ng makabagong enerhiya bilang isang mabisang alteranatibo sa langis at fossil fuels. Naisasalba ang kaligtasan at kadalisayan ng ating kalikasan mula sa kailalimang parte ng daigdig hanggang sa tuktok ng ating himpapawid. Hindi alitana na sa dekadekadang pagsusunog ng fossil fuels at carbon, utay-utay nasisira ang atmospera ng buntalang kinabibilangan natin puno’t dulo sa mga kemikal na ibinubuhos mula sa usok. Ayon sa isinigawang palaututan ng Environmental and Energy Study Institute (EESI) mahigit walumpu’t pursiyento (80%) ang kasalukuyang supply ng fossil fuels. Ubod ng lumigalig ang nararamdaman ng kusang mga eksperto at siyentipiko dahil hindi lamang buhay-ilang o sangkatauhan ang maapektuhan kundi buong daigdig na gumiginhawa ng buhay at pagasa. Isa ring problema ay ang ikinakalat na basura sa bawat sulok na hindi tinutuonan

pansin. Patuloy na paggamit ng Chlorofluorocarbons para kagagawan ay magiging mas magaan. Mahalagang aalahanin na maging singliit sa butil man ng kanin o singlaki sa planeta ng manlilikhari ang ating kagagawan. Bawat isa nito ay may tutunguhan maging isang solusyon man o suliranin na lalabanan. Sa kabilang palad sa panibagong tuklas na siyang dulot ng modernisasyon tayo’y nakahanap ng isang tanglaw ng pagasa, isang sagot sa laban sa banta ng inang kalikasan, ang makabagong enerhiya. Sa ngayon ang makabagong enerhiya ay may apat na uri; Hydroelectricpower, galing sa tubig, Geothermal Energy na mula sa lupa, Solar

Power, ipinapasa mula sa araw at ang Wind Energy mula sa Wind Turbines. Base sa datos ng Statista, nasa tinatantiyang dalawampu’t anim na pursyento (26%) sa kabuuan ng Pilipinas ang gumagamit ng makabagong enerhiya bilang isang panghalili sa mga kemikal. Isang mabisang kapalit ang makabagong enerhiya dahil ito’y hindi nauubos at galing lamang sa likas na yamang alay ng planeta. Iniimbak nito ang enerhiya kaya’t bumababa ang bahagdan sa paggamit ng enerhiya. Bagama’t ang makabagong enerhiya ay madalas na itinuturing na isang bagong teknolohiya, ang paggamit ng kapangyarihan ng kalikasan ay matagal nang ginagamit para sa pagpainit, transportasyon, pagiilaw, at higit pa. Dumadagundong ang aliw ng saklolo mula sa kalikasan, bumubulong ang hangin sa paghahanap ng kandili, at minimithi ng lupa ang kaliwanagan. Mabisang solusyon ang nagawa upang mawari ang kariktan na yumao sa palad ng kalikasan. Ibalik natin muli ang lumaho at gawing bisto ang pagbabago. UM Larawan mula sa https://img.favpng.com/21/2/21/clip-art-overhead-power-line-openclipart-electric-power-electricity-png-favpng-LkAGmiVpJn6zgUgCKRpYi1rM1.jpg

Bagisbisin ang kaalaman sa larangang Teknolohiya at Agham

Sa yugto ng makabagong panahon kung saan siyensya ang siyang tanging laumin para sa liwanag nating minimithi, paano kaya kung paiiralin natin ang inobasyon sa pag-asa ng isang matanglaw na kinabukasan? Ang mga Pilipino ay ibiniyayaan ng bagakbak na kadalubhasaan sa larangan ng agham at sipnayan, kaya’t sa paparating na linggo magaganap ang National Science and Technology Festival (NSTF) ilalim sa mandato ng Department of Science and Technology (DOST). Ang nasabing tema ng aktibidad ay “ Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon sa Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan”. Matutunghayan ang nasabing pagdiriwang sa rehiyon ng Iloilo, partikular sa Iloilo Convention Center (ICON) mula sa Nobyembre 22-26, 2023. Ayon sa pahayag ng Manila Bulletin magiging lunduyan ng pansin ang “Creating and Protecting Wealth for a Sustainable Blue Economy” o sa madaling salita ang mga dadayo sa nasabing NSTF

ay huhubugin upang sila’y mailinang at gawing mapanuri ukol sa kaharian ng nanatili sa dagat. Layunin ng NSTF na maipamalas sa kabataang Pilipino ang ating bansa bilang isang arkipelago na napapalibutan ng kamangha-manghang tanawin sa bawat sulok, at kung paano ang makabagong teknolohiya na isinigawa ay makakabukas ng isang daan patungo sa tanging kariktan ng ating inang bayan Pahayag ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. na ang pagdadala ng NSTW sa Iloilo ngayong taon ay nagpapahiwatig kung paano pinahahalagahan at binibigyang-priyoridad ng DOST ang paghahanay sa ating mga produkto at serbisyo upang mapaunlad ang inklusibong pag-unlad, lumikha ng mas maraming pagkakataon sa kabuhayan at karera para sa mga Pilipino, lalo na sa mga rural na lugar, na nagsusulong ang asul na ekonomiya. Idinagdag pa niya na ang NSTW ay patuloy na gaganapin sa lalawigan bawat taon, upang magbigay-pansin

• ni Kay Chanelle Obate

sa mga katutubong siyentipiko at mananaliksik mula sa iba’t ibang lokal na state universities and colleges (SUCs) na malaki ang naiaambag sa R&D-based na mga inisyatiba upang matugunan ang pagpindot. alalahanin sa iba’t ibang sektor ng industriya. Isang parangal para sa dadating na henerasyon ang pagsilang sa mga organisasyon na magsisilbing isang salpok at marka sa diwa natin bawat isa. Sa isinikatuparang biyaya at kaalaman ng Diyos para sa atin at sa yamang ating angkin makabuluhan lamang na ito’y bigyan pansin. Hindi lamang lipunan ang sinasalamin nito kundi ang sagisag ng perlas nating silangan na siyang ating kinaroroonan. Tayo’y mga Pilipino, nananalatay sa ating ugat at dugo ang lupain at himpapawid na nakabalot sa atin. Sa bawat alon ng karagatan na ating nalampasan, nananatili pa rin ang diwa ng makabayang mamamayan at ito’y hinding-hindi maglalaho. UM


Agham • 14

Solar Superstorm: Paglaho sa Dumog ng Sangkatuhan

Larawan mula sa https://static.scientificamerican.com/sciam/cache/file/ A4FA60DA-D848-4938-93FC318E81C26932_source.jpg?w=1200

asabay sa daloy ng panahon, ay ang pag-usbong ng modernisasyon. Mula sa simpleng pamumuhay, humantong tayo sa larangan ng teknolohiya. Ano kaya ang magiging salpok kung biglang maglalaho ang nagsisilbing dumog ng sangkatauhan? Maging musmos man o nakatatandang may alam, bawat sulok ng daigdig ay lulong sa internet. Mula sa pagsalubong ng bukang-liwayway at paglubog ng buwan, inobasyon na gawa sa teknolohiya ay nananatili sa palad ng bawat indibidwal. Ang sangkatauhan nga ay alipin sa saklaw ng dagisikan, mga busabos sa sariling inobasyon. Sa masamang palad, inanunsyo ng mga siyentipiko kamakailan lamang ang malaking posibilidad sa biglaang interupsyon ng elektrisidad sa bawat panig ng mundo. Ayon kay Professor Peter Backer ng George Mason University, dahan-dahang dumadaloy ang posibleng hamak na alay ng araw. Nagiging aktibo ang araw sa bawat 11 years, puno’t dulo sa pagsiklab ng solar flare at pagkalat ng Coronal Mass Ejections (CME) na maaring maging salpok sa isang solar superstorm. Ang solar flares ay nangyayari sa tuwing may sumasabog sa kalagitnaan ng electromagnetic field ng araw, habang ang CME ay ang pagkatiwalag ng plasma patungo sa magnetic field. Sa tuwing ang dalawang ito ay nagbubuklod-buklod, humahantong ito sa isang Solar Superstorm. Batid ng mga eksperto ng National Aeronautics and Space Administration na matutunghayan ang isang Solar Superstorm ngayong October 2025 at aabot ito ng ilang buwan, subalit hindi pa rin kumpirmado ang pagkakaroon ng mga CME. Natigatig ng kaba ang mga siyentipiko kung ano nga ba ang kaipala kung lumansag ang solar superstorm sa elektrisidad ng mundo. Gayunpaman, inilahad ni Mr. Backer sa isang panayam ang isinagawang pagsusuri at paghahanda upang mabigyang bahala ang maaring salpok ng mga solar particles. Hindi ito ang unang pangyayari sa ating kasaysayan na nagkaroon ng isang solar superstorm. Noong 1859, napagtantuhan ng isanng astronomer na si Richard Carrington ang utay-utay na paglaki sa mga solar spots nang araw nang bigla itong sumabog sa kaniyang harapan habang nakatutok mula sa isang telescope. Tumagal ito nang limang minuto at sa ngayon ay tinatawag na nating “The Carrington Event” ang pinakamalaking superstorm na naglilok ng bakas sa larangan ng astronomiya. Sa tsansa ng pagkawala sa elektrisidad at iba’t ibang uri ng teknolohiya na maaring maapektuhan, nasa hamak ang buhay ng sangkatauhan. Karamihan sa mga indibidwal ay nananatiling umaasa sa teknolohiya lalong-lalo na aspekto ng trabaho at pag-aaral, subalit maari rin itong magsisilbing isang pinto patungo sa pagmulat ng lipunan, baka sakaling mabawi ang nasayang na mga panahon dahil sa pagkalulong sa internet. Sa kabila ng agam-agam at pangamba, maaaring maging daan ito upang tuklasin natin ang mga alternatibong paraan ng pamumuhay na mas masinop at mas kaaya-aya sa kalikasan. Ang pag-usbong ng bagong perspektiba at sistema ng pamumuhay ay maaaring maging silver lining sa maitim na ulap ng isang potensyal na solar superstorm. UM

Laraw d e i p a an mula com/2 r i n e . f i l e s . sa https:/ w 019/03 / /nani.jpo r d p r e s s . g?w=7 68

K

• ni Kay Chanelle Obate

Ang Darag ng

Dayukdok

• ni Kay Chanelle Obate

Kamakailan lamang inanunsyo ng Kagawaran ng Edukasyon ang plano nilang magkaisa kasama ang SchoolBased Feeding Progam (SBFP) upang mabigyang saklolo ang mga musmos na bihag ng malnutrisyon. Ang malnutrisyon ay isang saklaw sa lipunan ng Pilipinas na nagsisilbing pangunahing suliranin. Mahigit labintatlong porsyento ng mga batang Pilipino ang nakukulong sa hagupit ng malnutrisyon. Sa alikmata ng munting bata, bisto ang dalita. Gayunpaman, kitang-kita ang pananalig sa bukang-liwayway. Sa hudyat ng marahas nilang dinanas, pinili pa rin nilang manaig sa kapanatagan at likas, ngunit, hahayaan na lang ba nating maging ganito ang buhay nila hanggang sa huli nilang hininga? Inilahad ng Philppine Development Plan 2023-2028 ang pagsama nila sa SBFP sa implementasyon ng strategy framework upang maihasa ang edukasyon at kalusugan ng mga bata. Iminungkahi ang Php5.7 bilyon at mahigit Php1.6 milyon na mga estudyante ang matutulungan. Isang karaniwang miskonsepsyon sa malnutrisyon na ang nagdudulot nito ay kasalatan sa pagkain, subalit, hindi ito ang pangunahing dahilan kung hindi ang kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang kakulangan sa calories, proteins, at minerals ay iilan lamang sa sanhi ng depisensya. Nawa’y patuloy dinggin ang darag ng dayukdok, kung ipagpatuloy ang umiiral na suliranin, sangkatauhan din ang magdudusa sa huli. Kabataan ang binhi ng pag-asa, ngunit, sino pa ba ang dadaig kung unti-unti rin silang binabalot sa sulok ng karimlan? UM


Balitang Pang-internasyunal

Isports • 15

Yaman ng Pilipinas. Natamo ni Pia Bidaure, isang DuScian alumna, ang

gold at bronze medals sa naganap na 2023 Asia Archery World Challenge noong ika-21 hanggang ika-25 ng Agosto sa Wonju, South Korea. Larawan mula sa World Archery Asia

DuScian alumna, panalo sa Archery World Challenge DUMAGUETE CITY - Pia Bidaure, muling ipinagmamalaki ng DuScians sa pag-uwi nito ng ginto at tansong medalya sa 2023 Archery World Challenge noong ika-21 hanggang ika-25 ng Agosto, 2023 sa Wonju, South Korea. Nagpakitang-gilas ang SEA Games gold medalist sa Recurved Mixed Doubles kasama si Mia Md Rakib ng Bangladesh, habang tansong medalya naman sa Recurved Women’s Team kasama sina Kanaya Arezi ng Indonesia at Cai Li ng Taipei. Kasama ni Pia Bidaure ang

• ni Jenson Ralph T. Remollo

kaniyang kapatid na si Abi, at si Phoebe Amistoso na makamit ang ginto sa Women’s Team na event sa 2022 SEA Games na ginanap sa Vietnam. Lumabas sila bilang nangungunang mga archer sa national team qualifiers na inorganisa ng World Archery Philippines ilang linggo bago ang kompetisyon at lumahok sila sa isang linggong training camp sa Wonju Archery Center. “I feel grateful whenever I win any competition.” “It was also quite

challenging since we were teamed with other countries and language became a problem. Overall, it was a really great experience,” Sabi ni Pia. Lalaban ang dating Pink Panther Marksman sa ika-19 na Asian Games sa Hangzhou, China, mula Oktubre 1 hanggang ika-8, 2023, at sa Asian Championships naman sa Bangkok, Thailand, mula sa Nobyembre 3 hanggang 10, 2023. UM

DuScian Pink Panthers, nagningning sa Dahunog Swim Fest at National Tryout Championship • ni Shaneika L. Santillana Balitang Pang-nasyunal

Hiyas ng Duscian. Kahit sa Aquatic Center ng Dipolog City, ipinakita ng DuScians kasama ang iilang miyembro ng Negros Oriental Blue Dolphins ang kanilang angking galing sa iba’t ibang kategorya ng swimming. Larawan mula kay Aimee Adanza

Nagpakitang gilas ang DuScian Pink Panthers nang nakahakot sila ng kumikinang na 13 na gintong medalya, 8 na pilak at 4 na bronzeng medalya sa Dahunog Swim Fest and National Tryout Championship na ginanap sa Aquatic Center, Dipolog City noong ika-anim hanggang ikawalo ng Oktubre, 2023. Sa pangunguna ni Aimee Nicolette Adanza, na nakabulsa ng 2 gintong medalya at 3 pilak sa 50m Freestyle, 100m Freestyle at 50m Backstroke, nagsunod-sunod na ang panalo ng grupo. Si Adanza ay nagpamalas ng dolphin-

like speed sa 200m at 100m Backstroke. Kitang kita sa mga mata ng Palarong Pambansa 2019 silver-medalist Marco Sayson ang determinasyon matapos ang hindi makakalimutang 200m at 100m Backstroke na nagpanalo sa kaniya ng gintong medalya. Bukod pa sa 2 gintong medalya, nakahakot din siya ng 3 pilak na medalya sa iba pang kategorya. “To make things short, my inspiration comes from my family and my desire to become better. As I get more immersed in the sport of swimming, I find myself not being satisfied with where I am now and craving to be more.

I thrive on becoming a better man than I was yesterday. I am on a journey to becoming the best man I can be,” ani ni Sayson. Hindi naman nagpahuli si Seth Derrick Mendez sa laro at umuwi ng 2 gintong medalya sa event na 100m at 200m Butterfly at 3 bronze sa iba’t ibang kategorya habang umambag naman si Janina Alexandra Lintula, ang rising star sa mundo ng swimming, ng 2 pilak at 1 bronzeng medalya para sa koponan. Sa kabilang banda, si Xander Matthias Correos, isang manlalangoy ng anim na taon, ay nagtala ng 5th pwesto sa 100m Butterfly, 7th pwesto sa 50m Butterfly, at 8th pwesto sa 50m Backstroke. Naging maganda naman ang kombinasyon nina Adanza, Lintula, Sayson at isa pang manlalangoy sa 4x100 Freestyle Relay na naghakot ng isang gintong medalya. Sa isa pang 4x100 Medley Relay, patuloy na ipinakita ng tatlo ang magandang samahan ng umambag pa sila ng isa pang gintong medalya. Ang tao sa likod ng tagumpay na si Coach Alfredo Elola ay hindi nakapunta sa kompetisyon ngunitUM nagpakita pa rin


ISPORTS Indayog ng Pasyon. Ipinamalas ni Colet ang kanyang kakaibang kombinasyon ng talento at pagtitiyaga sa Buglasan Swim Fest 2023. Larawan mula kay Kyle Solon Adanza

Agosto - Disyembre 2023 • Tomo VI Isyu I • Ma. Asuncion Village, Daro, Dumaguete City

Colet Adanza: Pagsisid sa Tagumpay •

DUMAGUETE CITY – Sa malawakang mundo ng tubig, kung saan bawat hagod ay isang himig ng tagumpay at pagpupunyagi, si Aimee “Colet” Adanza ay isang natatanging puwersa ng kalikasan na bumubuhos ang kintab ng determinasyon at galing sa Buglasan Swim Fest 2023. Bilang isang natatanging kinatawan ng Negros Oriental Blue Dolphins Swim Club, si Colet ang tumanglaw sa daungan ng kanyang katatagan at lakas, na nagwagi ng 7 gintong medalya ng indibidwal at 1 pilak na medalya ng team relay sa kompetisyong itinampok sa Lorenzo G. Teves Aqua Center noong ika-21 hanggang ika-22 ng Oktubre. Para kay Colet, ang pundasyon ng kanyang tagumpay ay hindi lamang batay sa matinding pagsisikap at pokus; ito rin

ay tungkol sa pagpaghahanap ng kasiyahan at pagpapahalaga sa natitirang panahon sa kanyang daan sa pagiging atleta. Gaya ng karaniwan, naglalaan si Colet ng mahabang oras araw-araw sa pagsasanay sa ilalim ng patnubay ni coach Alfredo Elola, na ang nagpabuti sa kanyang mga kasanayan, nagpatunay sa kanyang galing, at nagbibigay ng saysay sa kanyang likas na potensyal. Isinilang na may likas na pagmamahal sa tubig, lumitaw ang pagkahilig ni Colet sa paglangoy mula sa kanyang murang edad. Ang paglangoy ay naging permanenteng bahagi ng kanyang sarili na hindi niya maipaliwanag ang buhay na wala ito. Maraming mahirap na sandali ang dumaan sa kanyang paglalakbay ngunit sa kabuuan, wala siyang anumang pagsisisi at taos pusong nagpapasalamat.

ni Jasmin Torres Sa buong paglaki niya, hindi nagbago ang kanyang pagiging aktibo sa pagsali sa iba’t ibang mga torneo, kung saan laging nag-uwi ng mga medalya bilang patunay ng kanyang kahusayan. Dahil sa suporta ng kanyang mga magulang, nakakayang balansehin ni Colet ang kanyang akademikong pag-aaral kasabay ng masinsinang pagsasanay sa kanyang pinakamamahal na isports. “I have met incredible people and formed bonds because of swimming. The bottom line is, it’s the people that made this sport what it is for me. My coaches, my parents, my friends, and my family are the ones that made it exciting, worth it, and although I’m not a professional, successful,” paliwanag ni Colet sa kanyang paglalakbay bilang isang manlalangoy. UM

Researchers, nakamit ang ginto sa DuScian Intramurals ‘23

Nakuha ng Grade 12 Researchers Football Boys ang ginto sa DuScian Intramurals matapos patumbahin ang Grade 11 Discoverers, 3-1, noong ika-20 ng Nobyembre, 2023 sa RTPMDSHS Gymnasium. Nagtala ng 2 goals si Paul Albina at 1 goal naman galing kay Gabriel Rodriguez upang tuluyang masungkit ng Researchers ang kampeonato sa Football. Kakasimula pa lamang ng laro ngunit pisikal na sa isa’t isa ang bawat manlalaro. Sa simula ng laro ay makikitang lamang ang Grade 11 dahil nagkaroon sila ng mas maraming chances at shots on goal kaysa sa Grade 12. Pagkatapos

mag-atake ng Discoverers, napigilan ng goal keeper ng Researchers na si Jezryll Ege ang bola na nagresulta sa counter at naging dahilan upang maka-goal ang Grade 12 galing kay Paul Albina mula sa left wing. Lalong binilisan ng Grade 11 ang kanilang laro at nagresulta ito sa goal galing kay Marc Acibo upang maging equalizer ng laro. Naka-goal muli ang Researchers galing kay Michael Gador bago

• ni Jenson Ralph T. Remollo

ang 10-minute mark ngunit tinawag itong “disallowed” dahil bumanda ito sa backboard bago pumasok. Handball mula Discoverers, si Paul Albina ang sumipa sa penalty ngunit naisalbar ito ni Adrian Cadallo, Goal Keeper ng Discoverers. Sa huling limang minuto ng laro ay nagpakawala ng power shot si Paul Albina at naipasok niya ito upang ibigay sa Grade 12 ang kalamangan. All-out na ang naging laro ng Discoverers ngunit wala pa rin silang nakuhang goal. Sa huling minuto ng laro ay nakagoal muli ang Researchers galing sa chip shot ni Gabriel Rodriguez Alisto. Bawat manlalaro ng parehong 11-Discoverers at 12-Researchers ang naging alerto at alerto sa kanilang laban para sa pagiging kampeon ng upang maipanalo football boys. ang laro. UM Larawan mula sa DuScian Multimedia Creatives

Pinal na Iskor | 3 - 1


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Umalohokan | TOMO VI Isyu 1 by DuScian Gateway - Issuu