the blades stcaa 2011

Page 6

BATANGAS: WELCOME MABUHAY

FEATURE

OPENING SALVO. Education Program Supervisor Cecilia AE Tusing energetically recites her composed introduction of Batangas delegation to the 2011 STCAA.

INTRO: STCAA 2011 Magandang hapon, PILIPINAS Magandang hapon, CALABARZON Magandang hapon, Lungsod ng LUCENA, Lalawigan ng QUEZON MAGANDANG HAPON, MADLANG P-E-O-P-L-E... Magandang araw sa inyo, kami po ay nagpupugay, Delegasyong nagmumula sa SANGAY NG BATANGAN Sinasabi na ang Pilipinas ay Perlas ng Silangan At ang pinakatampok sa mga Perlas, BATANGAS na lalawigan. BATANGAS, BATANGAS, bukal ng kadakilaan Lalawigang pinagpala ng Poong Maykapal BATANGAS, BATANGAS, brilyante ng Katagalugan Mga bayani ng lahi, sa kanya’y isinilang. Mga sagisag ng bansa, sa Batangas

6

nagmula Ang barong tagalog at tumahi ng bandila Pinakamaliit na bulkan Taal, sa Batangas nakapunla Pinakamalaking Simbahan sa Dulong Silangan, badya ay pananampalataya. Sa lawa ng Taal, mahuhuli ang tawilis Isdang maliit man, kapag natikman iyong mami-miss May uuna pa ba sa tulingan at tilapia lasa ay manamis-namis Tapa”t longganisang malasa, panutsa’t sintunis na anong tamis Mga Batangenyong kalalakihan, macho at makisig Kadalagahan naman, mayumi at tapat sa pag-ibig Kaya kapwa Pinoy, kung hindi rin lang wagas ang iyong iniisip Tiyak di ka patatawarin ng balisong na matalim, dapat mong mabatid. Lupaing Batangas, kasimoy ng hanging Laguna

At ng hanging Quezong nasa gawing Silangan niya Ang dakong Cavite nama’y kaharana Ang Rizal malayu-layo man ay pinipithaya. Anim na raan at apat na pu’t anim (646) ngayon ay nagmamartsa Tagapamanihalang Ma’am Emma A. Bautista, siyang nangunguna Kaagapay niya’y Sir Tonee, Sir Donee at Ma’am Nadine pa Sir Jimmy M, Sir Leo, Sir Joel, Sir Jimmy P, tagapangulong lahat na. Ang Pununlalawigan Vilma Santos Recto bilang PSB Chairman Bokal Mabel Virtucio, Tagapangulo ng Edukasyon, laging kaagapay Pangulo ng PTA Federation, Arnel Dimaano at Mark Lorenze Alvarez, SK Chairman Gng Fortunata Lat, Ingat-yaman ng lalawigan, nagtulong-tulong para sa tagumpay

THE BLADES I MARCH 2011


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
the blades stcaa 2011 by DOMCAR CALINAWAN LAGTO - Issuu