Paglalakbay sa Bayan ng Bahaghari


Sa loob ng bahaghari ay may isang bayang nakatago. Sa bayan na ito, iba’t iba ang kulay ng pintura ng bahay at kalsada. Maging ang mga tao ay iba-iba rin ang kulay. May kulay pula, kahel, dilaw, at iba pang kulay ng bahaghari.
Si Maya, isang manlalakbay, ay tila naligaw ng daan.
‘Mali yata ako nang pinuntahan.’
Bulong ni Maya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang kanyang dinadaanan.
Sa kaniyang pagkal niyang bali-baliktar
niyang mapa upang hanapin tamang daa kaniyang paroroon
Ngunit kahit nawawala’t nalilito siya ay nag patuloy lamang sa kanyang paglalakad habang pinagmamasdan ang kaniyang kapaligira




Sa isang gilid, may taong kulay pula na pumipitas ng mansanas na nakapansin sa pagkalito ni Maya at dali-dali niyang nilapitan ito.

Isang taong kulay pula ang lumabas sa harapan ni Maya.
“Naliligaw ka ba?”
Tanong nito sa kanya.
Umiwas lang si Maya at hindi sinagot ang taong pula.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang sinasabayan siya ng taong pula.
“Ako nga pala si Bogart, taga-rito ako. Saan ka nga pala pupunta?”
Pagtatanong muli ng ni Bogart.
Hindi umimik si Maya at patuloy lang siyang naglakad papasok sa bayan. “Uy!”
Napahinto sandali sa paglalakad si Maya upang pagmasdan ang paligid. Napansin niya na kahit magkakaiba ang kulay ng mga tao ay masaya silang nagtatawanan at nagkukwentuhan na tila ba ito’ y karaniwan lamang.




“Ang ganda ng bayan namin, ‘di ba?”
Pagtatanong ni Bogart kay Maya.

Hindi sumagot si Maya at nagpatuloy sa lamang siya sa kanyang paglalakad papasok ng bayan.
“Uy, nandito na pala si Bogart!”
Isang taong kulay kahel ang tumawag kay Bogart. ‘Kanina ka pa namin hinihintay.” Ani nito.
Lumapit ang taong kahel sa kinatatayuan nina Maya at Bogart. Napansin ni Maya na bukod sa taong kahel, may mga kasama pa sila na mga taong kulay lila at dilaw. Nanatili si Maya sa kinatatayuan niya at pinagmasdan lamang sina Bogart. Nagtatawanan sila at nag-aasaran na parang matagal na silang magkakakilala.
“Halika, ipapakilala ko kayo sa bago kong kaibigan,”
Sabi ni Bogart sa kanyang mga kaibigan habang naglalakad papalapit kay Maya.






“Ako nga pala si Alli.”
Sabi ng taong lila at kumaway kay Maya.
“Ako si Arkanghel, Kael na lang.”
Sabi naman ng taong kahel.
“Ako si Silay.’
Pagpapakilala naman ng taong dilaw.
‘At ako si Bogart!” Masiglang sabi ng taong pula.
“Marami pa kaming ibang kaibigan, may kulay dilaw din, pula tulad ko, at may luntian rin tulad mo. ”
Pagkukwento ni Bogart.
Tipid na ngumiti lamang si Maya sa kanila ngunit hindi pa rin siya nagsasalita at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Nagkibit-balikat lamang ang magkakaibigang Bogart, Alli, Kael, at Silay.
“Naliligaw ka yata, taong dilaw. Halika, ituturo na lang namin ang daan palabas sa bayan. Hindi mo na kami kailangang kausapin.”
Niyaya niya ang mga kaibigan niya na samahan si Maya maglakad sa bayan. Nakangiting sabi ni Bogart.
Nauunang maglakad si Maya habang nakasunod sa kanya ang magkakaibigan. Hindi nalalayo ang kanilang agwat kaya’t naririnig pa rin ni Maya ang kanilang mga pinag-uusapan.





“Bukas pala magkakaroon ng palaro sa plaza para sa ating mga kabataan. Hindi na ako makapaghintay!”
Masayang sabi ni Alli.
“Magkakakampi ulit tayo ha?” Sagot naman ni Kael
“Syempre naman! Tiyak, mananalo ulit tayo ngayon. ’
Pagsang-ayon ni Silay.
Napatingin si Bogart kay Maya,
“Kung gusto mo sumali sa amin bukas, nasa plaza lang kami!’
Pag-aaya ni Bogart, na sinang-ayunan din nina Kael, Silay, at Alli.’
Labag man sa loob ni Maya, hindi niya napiligang magtanong.
‘Paano kayo naging magkakaibigan kahit magkakaiba kayo ng kulay? Sa lugar namin, ipinagbabawal ang pakikipag-usap sa hindi namin kakulay.’
Napatigil sa paglalakad ang magkakaibigan at tinignan si Maya, Bakit naman bawal?!” Pagtatanong nila.Pagtatanong nila.
‘Bawal kami makipag-usap sa hindi namin kakulay.’
Mahinang sagot ni Maya sa taong pula.







Nagpatuloy sa paglalakad si Maya at magiliw namang sumunod naman sina Bogart.
“Ang turo sa amin, dapat hindi raw kami makipaghalubilo sa ibang kulay. Hindi kami magkakatulad kaya dapat hindi kami nag-uusap o nagkakalapit.” Paliwanag ni Maya.

“Ahh gano ’ n ba? Iba kasi ang aming kinalakihan sa bayan na ito. Dito, tinuturing namin na magkakapareho ang bawat isa.” Paliwanag ni Bogart
“Mula pagkabata pa lang kasi ay itinuro na sa amin na hindi hadlang ang kulay para maging magkaibigan.”
Pagsang-ayon naman ni Silay.
“Tama!” Sagot naman ni Alli.
‘Sabi ng aking nanay, basta daw kami ay may respeto sa kapwa, lahat magagawa!” Dugtong niya.
“Tignan mo, pareho tayo may dalawang kamay, dalawang paa, mukha, at parehong nakapagsasalita. Pareho tayo, magkaiba nga lang ang kulay.”
Sabi naman ni Kael.






Napaisip si Maya sa sinabi ni Bogart. Bakit nga ba pinagbabawalan sila makipagkaibigan at makihalubilo sa ibang mga kulay?
Habang naglalakad, nakaramdam na si Maya ng uhaw at gutom. Sinilip niya ang kanyang bag ngunit ubos na pala ang kaniyang dala. Napansin ito nina Bogart at hindi sila nagdalawang-isip na bigyan si Maya ng maiinom at makakain.
“Heto,”
Sabi ni Bogart habang may hawak na mansanas, “Ito yung mga pinitas ko kanina bago kita napansin. Malinis na yan. ”
Inilabas naman ni Alli ang kanyang maliit na tubigan at inabot din kay Maya, “Lagi akong pinapabaunan ni nanay ng tubig para hindi ako mauhaw. Heto, inom ka muna. ” Pag-aalok nito.
Nagdadalawang-isip man ay tinanggap ito ni Maya. Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad ngunit hindi na nawala sa kanyang isip ang ginawang kabutihan ng kanyang mga kasama.





“Nandito na tayo!”
Masayang sabi ni Bogart at tinuro ang daan sa tapat.
’Diyan ang daan papunta sa hinahanap mo. ’
Sabi ni Bogart.
“Ngayon, nagkaroon ako ng bagong kaibigan na kulay luntian. Ingat ka sa iyong paglalakbay!”
Sabi nito bago siya unti-unting naglakad papalayo.
Napagtanto ni Maya ang kabaitan ipinakita ni Bogart at ng kaniyang mga kaibigan bagama’t magkaiba sila ng kulay.
“Bogart!” Malakas na tawag ni Maya.
“Ako nga pala si Maya, Maraming salamat sa kabutihan niyo at mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo!’
Nakangiting sabi ni Maya sa nakilalang kaibigan habang ito’ y patuloy na naglalakad papalayo sa kaniyang paningin.

Nanatiling nakatayo si Maya habang pinagmamasdan ang bayan na nadaanan niya. Sa bayan na iyon, magkakaibigan ang iba’t ibang kulay at sila’ y masayang nagtatawanan at nagkukuwentuhan.
Bagama’t hindi sadya, ang sandaling panahon na ginugol ni maya sa bayan ng bahaghari ay nag-iwan ng isang alaala at aral na kaniyang dadalhin sa mga susunod na bayan na kaniyang lalakbayin.