Ang Mangggawa RSPC Entry 2025

Page 1


Mayor Agatep, naghatid ng kaniyang ikalawang SOMA

PAG-ASA SA PAGSASAKA

Magsasaka sa bayan ng Lasam sumisigaw ng tulong matapos ang sunod-sunod na pananalasa ng bagyo

JANNA REGINALDO I HUMSS 12

Wala mang naiulat na nasawi, sumisigaw ngayon ng tulong pinansyal o anumang ayuda ang mga magsasaka na hirap makabangon at makapag-ani matapos payukuin ang kanilang sana’y aanihin ng mga palay dahil sa sunod-sunod na mga bagyong tumama sa bayan ng Lasam noong Nobyembre at Disyembre.

Sa isang panayam kay tatay Joseph Sacramento ng IBJ, Lasam, kung dati ay naka-aani siya ng nasa 35 na sako ng palay ay mukhang malabo na itong mangyari dahil sa sunod-sunod na bagyong nanalasa sa bayan ay sabay rin nitong pinayuko ang sana’y aanihin na niya sa katapusan ng Nobyembre.

“Ang hirap maging isang magsasaka. mamatay na lang siguro kaming ganito uhaw sa pag-asa,” sabi niya. Dagdag pa niya mas lalo pa niyang naramdaman ang hirap ngayon dahil hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha ng pambaon

Kahit suspendido ang ‘Classroom Observation, Project RAISE inilunsad

JANNA REGINALDO I HUMSS 12

Sa ibinabang DepEd Order No. 61, s. 2024, pinasususpende ng Kagawaran ng Edukasyon ang implementasyon ng Results-Based Performance Management System O RPMS(RPMS) para SY 2024-2025.

Kaugnay ng suspensyong ito ay ang RPMS Classroom Observation (COT), Monitoring, Evaluation, and Assessment na ginagawa ng mga guro sa tuwing sila ay kailangan ng iobserve sa klase.

Ngunit dahil sa kagustuhan ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Excelsis G. Pastor, Principal II, na mas maayos pa rin ang pagtuturo ng mga guro at matulungan ang mga gurong nangangailangan ng tulong teknikal sa kanilang pagtuturo, inilunsad ang Project RAISE (Revitalizing Assistance on Instructional Supervision of Educators).

balitang kinipil

Probinsiya ng Cagayan, isa sa lubhang napinsala dahil sa bagyo; higit 1000 na pamilya, 400 na magsasaka apektado

JAMIR JAMES MAMBA I GRADE 8

Lubhang naapektuhan ng mga bagyo ang Cagayan at dahil dito inilikas ang nasa 1800 na nasalantang pamilya samantalang aabot sa 400 na mga magsasaka ang apektado sa pananalasa ng nagdaang Bagyong Marce habang nagpapatuloy naman ang ginagawang paghahanda ng Bayan ng Lasam para sa paparating na Bagyong Nika ngayong Lunes, Nobyembre 11.

Matapos ang pananalasa ni Bagyong Marce sa bayan, agad na nag-ulat ang mga ahesya at departmento kung saan ang sektor ng agrikultura ang lubhang naperwisyo at mga pamilyang nasa Dante Dexter A. Agatep, Jr. kasama ang mga kawani ng Municipal at Barangay Disaster

Councils upang mapag-usapan ang mga gagawing hakbang ng bayan sa pagpapanatili ng seguridad ng bawat mamamayan. Samantala, Higit 5,000 na indibidwal naman ang inilikas sa Cagayan kasabay ng pananalasa ng Bagyong Nika sa Lalawigan.

Matapos ang ilang taong pag-aantay, Lasam isa ng ganap na first class Municipality

8

Isa nang ganap na first class municipality ang bayan ng Lasam matapos itong makapagtala ng mataas na Annual regular Income at Average Income sa tatlong magkasunod na taon. Ang nasabing pagtalon mula sa isang third class Municipality ay batay na rin sa inilabas na memorandum ng Department of

Finance na Department Order No 074-2024 bunga ito ng maayos na pangngongolekta ng buwis sa mga mamamayan gayundin ang magandang serbisyong publiko ng mga opisyal ng bayan. Kung dati nasa 130-160 milyon lamang ang annual income ng bayan, higit pa sa 200 milyon ang average at taunang income nito sa loob ng tatlong taon. Ayon kay Mayor Dante Dexter A.

Agatep ang nasabing pagtalon ng bayan mula sa third class at naging first class Municipality ay isang maagang pamaskong regalo at birthday gift na rin umano sa kanya.

“Lubos ang aking pasasalamat dahil sa wakas ay unti-unti nang nakikilala at nasasaksihan ang pag-angat ng ating bayan,” sabi niya. Ang pagiging first class Municipality ng Lasam ay bunga umano ng maayos na at masigasig na revenue tax collection efforts ng kawani ng

Municipal Assessor, Treasury at Business Permit at Licensing office

Bago pa man ito, matatandaan na nakakuha ng iskor na 2.27 at naging ‘Beyond Compliant’ sa 24th Gawad Kalasag National at Regional 2024 ang Lasam na ginanap noong Disymbre 5 at kahanay ang Tuguegarao City. Samantala, umaasa ang alkalde na magpapatuloy ang ang pag-unlad ng bayan sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

balita
lathalain
Datos mula sa Municipal Agriculture Office
JAMIR JAMES MAMBA I GRADE

ang manggagawa

“Lagit-lagi para sa katotohanan”

Karagdagang CCTV, tugon sa sunod-sunod na nakawan sa paaralan

Aabot sa apat na kaso ng sunod-sunod na nakawan ang nangyare mismo sa loob ng paaralan noong Nobyembre hangang ngayong buwan na siya namang ikinababahala ng pamunuan, guro at canteen owner, at bilang tugon, dinagdagan pa ang mga CCTV sa loob ng paaralan.

Nasa walong cctv ang idinagdag na aabot sa halagang 32k ang iniligay sa iba’t ibang bahagi ng paaralan kabilang na sa main canteen upang masiguring hindi na ito magkakaroon ng kaso ng pagnanakaw.

Nitong nakaraang buwan ay umabot sa 50k ang nawala sa canteen matapos magkaroon ng

insidente ng pagnanakaw hindi lang isang beses kung hindi apat na beses.

Ayon kay Avelina Agbayani, canteen manager ng paaralan, hindi nila inaakalang masasalisihan sila ng ganong kabilis.

“Ang lakas ng loob ng magnanakaw nandon pa kami mismo ng ginawa niya iyon,” sabi niya.

Dagdag pa niya, na malaking pera ang nawala at malaking bagay na rin ang pagkakaroon ng cctv sa

paaralan.

“ Yung mga magnanakaw walang pinipili, ilan sa kanila mga kabataan lang din na nakatira sa paligi ng school, at ewan ko ba kung bakit ang lakas ng kanilang loob,” sabi niya.

Ikinagulat din niya na kahit may cctv na ay may nagtangka pa ring nakawan ang canteen ngunit hindi naman sila nagtagumpay.

“Gabi yun at alam nila na may cctv kasi tinatakpan nila ang kanilang mukha, buti na lang ay agad na

Bilang sagot sa kaalaman ng mga mag-aaral, Pisa-like questions suportado ng mga guro

JAMERE JAMES MAMBA | GRADE 8

NAKBANTAY KAMI. Mas mapapadali pa ang pag-babantay ni Benjie Macadaeg, security guard ng paaralan, dahil sa walong dagdag na cctv na magiging sagot sa sunod-sunod na pagnanakaw. Ayon sa kanya, magiging katuwang nila ang cctv at mas lalo pa nilang hihigpitan ang pagbabantay sa paaralan.

naka responde ang guard na nakaduty at hindi sila nagtagumpay. Samantala, naging postibo naman ang naging tugon ng mga empleyado at mga school guards ng paaralan dahil sa mga dagdag cctv na iniligay sa paaralan.

Suportado ng mga guro ang pagkakaroon ng PISA-like questions sa pag susulit ng mga mag-aaral, upang itaas ang pagkatuto ng mga mag-aaral Western Cagayan School of Arts and Trades (WCSAT).

Sa panayam kay Ethel N. Urian, MT II, ang PISA ay sumusukat sa abilidad sa larangan ng matematika, agham at ingles ng mga estudyanteng 15 taong gulang.

“It evaluates how well students can apply their knowledge into real world situations and to improve their main characters,” aniya

Giit niya, hindi ito gaano kapabor sa mga guro, ngunit pwedeng makatulong ito sa kakayanan ng mga guro sa pagtuturo.

BAGONG DIREKSYON. Sa kanyang unang araw bilang bagong School Principal ng WCSAT, ibinahagi ni Excelsis G. Pastor ang mga direksyong dapat na magawa sa kanyang pag-upo bilang ina ng Paaralan. Isa na rito ang pagsasagawa ng Project Raise kahit pa pansamantalang kanselado ang RPMS sa taong ito. Ayon sa kanya, ito ay para sa mga bata at aspetong teknikal sa mga bagong guro at hinndi upang pahirapan sila.

“It provides valuable data that helps educators identify areas where students struggle, allowing for improvements in teaching methods and curriculum,” saad niya.

Dagdag pa ni Urian, makikinabang ang mga mag-aaral, sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga kalakasan at kahinaan sa Sistema ng edukasyon, na humahantong sa pinahusay ng mga diskarte sa pagtuturo at pagkatuto.

“It may also put pressure

on students, as countries use the results to compare performance globally, while it aims to enhance education quality, it does not always consider individual students needs and learning environments,” hayag niya, Samantala, karamihan sa mga estudyante ang nakakakuha ng mababang puntos, na sumisimbulo ng malaking pag subok sa mga estudyanteng 15 taong gulang.

Ayon kay Pastor, walong porsyento dapat ng oras bilang mga guro ay dapat ginagamit para magturo, magturo at magturo sa mga magaaral!

Dahil dito sa

pakikipag-ugnayan sa mga estudyante ay hindi dapat ikompromiso.

“Dahil ang mantra natin ngayon ay ‘WALANG MAGAARAL ANG MAIIWAN,’ nararapat lamang na hindi natin ikompromiso ang kanilang pag-aaral. Ang pokus natin ay ang mga mag-aaral,” sabi niya.

Binigyang diin din niya na ang coaching para sa mga guro ay 20% lamang ng kanilang oras at upang matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto, ang Project RAISE ay magiging epektibo simula Lunes, Nobyembre 4, 29, 2024.

“Maliban sa inyong supervisory plan, na ginagawa buwanan, sa pagdating ng inisyatibong ito o inobasyon, ang inyong supervisory plan ay magiging lingguhang plano.” Huwag mag-alala dahil ibibigay sa inyo ang mga template, ang kailangan niyo lang gawin ay magbigay ng kinakailangang datos,” sabi niya.

Ayon pa sa kanya, may mga

sa mga numero

Pagbabago sa Kurikulum ng ng

Senior High School base sa pulso ng mga grade 12 ng WCSAT

Hindi sang-ayon

15.3% 84.7%

Sumasang-ayon

...Kahit suspendido ang ‘Classroom Observation’

dahilan kung bakit ipapatupad ang Project RAISE.

“Anyway, ginagawa niyo naman na to dati pa, sa pamamagitan ng pagpapatupad nito, matutugunan natin ang mga kakulangan sa inyong departamento, mapapalakas at mapapalago rin nito ang pagtutulungan sa pagitan ng inyong mga guro, at masisiguro na magkakaroon ng coaching at mentoring para sa mga bagong guro,” sabi niya. Sa epekto nito, matutukoy din ng programa kung ang guro ay nagbibigay ng Higher Order Thinking Skills (HOTS) sa pamamagitan ng mga tanong sa pagsusulit at kung ang ginagawa ng mga guro ay naaayon sa Programme for International Student Assessment (PISA). Samantala, pinaalalahanan ni Pastor ang mga Head Teachers na ang kanilang papel ay katulad ng sa mga Master Teachers ngunit medyo mas mataas, kaya inaasahan sa kanila na magkaroon ng mas mataas na mga gawain at pagganap. Samantala, pinaalalahanan ni Pastor ang mga Punong Guro na ang kanilang tungkulin ay katulad ng sa mga Master Teacher

ngunit medyo mas mataas, kaya inaasahan sa kanila na magkaroon ng mas mataas na mga gawain at pagganap na dapat isagawa.

Dahil ang mantra natin ngayon ay ‘WALANG MAG-AARAL ANG MAIIWAN,’ nararapat lamang na hindi natin ikompromiso ang kanilang pag-aaral. Ang pokus natin ay ang mga mag-aaral

JANNA REGINALDO I HUMSS 12
mula sa pahina 1

ang

manggagawa

“Lagit-lagi para sa katotohanan”

Pagiging mahina ng mga mag-aaral sa larangan ng English, pinangngambahan

JANNA REGINALDO I HUMSS 12

Isa sa hamon ngayon sa mga guro lalong-lao na sa mga nagtuturo ng English ay ang pagiging mahina ng mag-aaral sa paggamit ng Ingles bilang parte ng kanilang pagkaktuto.

Ayon kasi sa mga gurong nagtuturo ng English ay hirap gumamit ang mga mag-aaral sa kainilang recitation at hirap din silang umunawa ng simpleng panuto.

Ayon kay Joseph Jed Peralta, SHS Teacher, sa kanyang subject na Oral Communication ay nahihirapan ang mga mag-aaral na sabihin ang kanilang nararamdaman o ang kanilang nalalaman

dahil sa hindi sila bihasa sa paggamit ng Ingles.

“Hindi ko naman nilalahat pero mostly kasi ganoon. Kapag gusto nilang magsalita sana, tatanungin pa nila ako if puwede raw ang tagalog. Sa part ko tinatanggap ko pero pagkatapos nilang sabihin iyong sagot nila sa tagalog at pinapatranslate ko sa kanila sa english,” sabi niya. Dagdag pa

niya, may mga pagkakataon pang kahit ang simple ng mga panuto ay hirap ang mga estudyanteng unawaain ang panuto.

“May simpleng gawain simpleng panuto, pero meron pa ring ipapaulit sa iyo ang sagot at ipapatagalog, na minsan nahihirapan akong itranslate kasi baka ibang translation naman masabi ko at ang epekto noon ay iba iyong magagwa

Presyo ng palay per kilo sa bayan ng Lasam

nila. Sabi niya na kadalasan ang mga sitwasyong ito ay nasa mga TVL strand na mag-aaral at meron din naman daw sa mga nasa academic strand.

“Mostly nasa TVL at meron din naman sa mga nasa academic. kadalasan naman ay vice-versa. Paano ko nasabi, kasi may mga activities din naman ako na madali agad maunawaan

ng mga nasa TV kaysa sa mga nasa academics at ganoon din nama sa mga nasa academic strand. Pero gayun pa man, nakikita ko naman na gingawa nila ang kanilang makakaya para maging bihasa talaga sa paggamit ng English,” sabi niya

...magsasaka sa bayan ng Lasam sumisigaw ng tulong matapos ang sunod-sunod na pananalasa ng bagyo

Ayon kay Sacramento napakainam na mayroong ayuda mula sa LGU ngunit, pinoproblema niya kung ito ba ay sasapat at kung paaano pa niya mababayaran ang kanyang utang mula sa simula ng kanyang pagsasaka.

“Kung puwede lang na iyong ayuda ay imbes na grocery sana para sa amin na mga magsasaka, binhi na lang na libre at abono para kahit papaano ay makabawi naman kami sa pinsala ng mga bagyo,” sabi niya.

Ibinahagi din niya na pahirapan pa sa pagkuha ng ayuda at kadalasan, nababalot pa ito ng politika

at kontrobersiya. “Nasubukan ko noon nasa pila na ako, ako na pero noong nag-verify ng name wala raw ako sa listahan keso ganito keso ganyan. Meron pa iyong isa kung nakasabayan na kararating pa lamang, nasa counter na kaagad. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon o baka ganoon talaga ang patakaran sa ayuda,” sabi niya.

Hirap man dahil sa naranasan matapos ang bagyong sunod-sunod na tumama sa Cagayan umaasa si Joseph Sacramento na siya makaaahon dito. “Lalapit na lang

muna siguro ako sa mga kamag-anak ko at doon magbabakasali. Kesa manisi ako wala naman iyong magagawa, bahala na si Lord,” sabi niya.

Samantala, sa buong Cagayan iniulat na mahigit isang libong mga pamilya at mahigit limang libong indibidwal ang naging apektado dahil sa mga bagyo sunod-sunod na nanalasa sa probinsiya.

Umaasa naman ang gaya ni Joseph Sacramento sa tuloy-tuloy na tulong sa kagaya niyang magsasaka sa bayan ng Lasam.

Suspensyon ng klase naging sagot sa pag baba ng kuryente sa paaralan

TIPI, TULONG, TARA. Sa halip na gumamit ng gripo na nangangailangan ng kuryente upang malinisan ang bakod ng paaralan bilang paghahanda sa DSPC ‘25, manu-manong naglinis si Jeremiah Cariaga, Grade 11, upang makatulong magtipid ng kuryente ng paaralan.

Naging sagot pa sa pagbaba ng bayarin sa kuryente ng Western Cagayan School of Arts and Trades (WCSAT), ang suspensyon ng klase sa nakaraang ilang buwan dahil sa sunod-sunod na bagyo at orange rain fall na naitala sa bayan ng Lasam.

Sa pahayag ni Jovelyn Balisi, School Accountant, mas lumiit ang bayarin sa taon ng paaralang ito, dulot ng pag taas ng temperatura at sunodsunod na mga bagyo dahilan upang maging sagabal sa mga klase.

“Mas bumaba yung bayarin natin this school year, because of the high heat index, and yung sunod sunod nap ag dagsa ng bagyo within almost the whole month of November,” aniya.

Giit pa ni Balisi, hindi porke bumaba ang bayarin sa kuryente, magiging kampante na ang paaralan, bagkos kakailanganin paring turuan na mag tipid ng tubig ang mga magaaral.

“We will always teach students na mag tipid sa paggamit ng kuryente,

like pag patay ang mga ilaw pag di ginagamit, at pag tipid sa paggamit ng tubig,” saad niya.

Pangamba naman niya na baka tumaas ang kuryente, dahil sa nakakalimutan ng mga estudyante na patayin ang mga hindi ginagamit na appliances.

“Yung kinakatukutan ng eskwelahan is yung nakakalimutan ng mga students na patayin ang mga ilaw pag umuuwi sila tapos naka close yung room nila, possible itong maging sanhi ng pag taas pa,” sabi pa niya.

Nasa 596,192 libong piso ang binayaran sa taong 2024 na mas mababa kung ikukumpara sa 753,414 libong piso na binayaran sa taong 2023.

Samantala, inaasahan naman ng paaralan na patuloy ang pag baba ng bayarin sa kuryente sa paaralan upang mas makatipid sa bayarin.

We will always teach students na mag tipid sa paggamit ng kuryente, like pag patay ang mga ilaw pag di ginagamit, at pag tipid sa paggamit ng tubig

JANNA REGINALDO I HUMSS 12
sa mga numero
mula sa pahina 1
HAMON SA PAGKATUTO. Aminado si Majoy Perciano, Grade 11, na minsan ay hirap din siyang sabihin ang kanyang mga ideya gamit and Ingles dahil nahihiya at hindi niya mahanap ang akmang salita para sa kanyang na-iisip. Para sa kanya, ito ay isang hamon kaya ang ginagawa niya sa tuwing may oras, siya ay nagbabasa ng mga aklat na Ingles.

ang manggagawa

“Lagit-lagi para sa katotohanan”

Kawani ng MHSO- Lasam nagsagawa ng symposium sa WCSAT tungkol sa HIV

JANNA REGINALDO I HUMSS 12

Naki-isa ang mga mag-aaral sa senior high school ng Western Cagayan School of Arts and Trades sa isinagawang symposium patungkol sa mental health awareness, health awareness, teenage pregnancy, human immunodeficiency virus (HIV), and sexually transmitted infections (STIs) ng mga kawani ng Municipal Health Services Office ng LGU-Lasam kahapon.

Dinaluhan ito ng ilang miyembro ng MHSOLasam kabilang na sina Municipal Health Officer, Dr. Lorelie Remando, Designated Doctor to the Barrio, Dr. Anna Marie Perez, Development and Management Officer ng Department of Health (DOH) Region II, Ofelia Soriano, Executive Secretary ng Office of the Mayor, Dannah Paula Agatep at RHU Nurse, JM Salva.

Sa pambungad na mensahe ni Dr. Daniel T. Aguidan, Principal III ng paaralan, upang

maiwasang makaranas ng mga isyung pangkalusugan gaya ng mga ito ay dapat makialam ang mga magaaral sa mga ganitong programa.

“We do not want you as much as possible to be engaged in teenage pregnancy, and we really need this symposium, and the more that we would want you not to suffer HIV, STIs, or STDs [sexually transmitted diseases],” sabi niya.

Binigyang-diin ni Dr. Lorelie Ricardo ang mga

kahalagahan kung bakit isinagawa ang mga ganitong kumperensya sa mga mag-aaral.

“Ang mga ganitong health issues ay very rampant sa inyo lalo na sa inyong mga kabataan; dapat nakikisabay tayo pagsugpo upang maiwasang ang mga na ito,” sabi niya.

Pinagtibay naman ni Dannah Paula Agatep ang kaniyang sentimento na dapat nang putulin ang mga diskriminasyon sa mga taong nakararanas at sa halip ay tulungan ang mga ito.

“Kabataan ang unang naaapektuhan mga ganitong problema, and we should break the stigma at kaya ito ang nagsisilbing boses ng mga nakararanas at damayan natin sila kasi hindi judgment ang kailangan nila,” sabi niya.

Samantala, inanunsyo rin niya na bukas ang tanggapan nito at ng MHSO-Lasam sa mga taong gustong magkuwento at magpakonsulta sa mga suliranin at nararanasan nila patungkol sa kalusagan.

Guidance Counselor ng WCSAT, inilahad ang posibleng epekto ng teenage pregnancy

Inilahad ni Imelda Spoliven, guidance councelor ng Western Cagayan School of Arts and Trade (WCSAT), ang ilang posibleng maging epekto ng teenage pregnancy sa mga mag-aaral matapos madagdagan pa ang bilang ng kaso sa paaralan.

Ilan sa mga solusyon kanyang inilatag para maagapan ang tuluyang pagtaas ng kaso ng maagang pagbubuntis ng mga Kabataan sa paaralan ay, pagsunod sa utos ng mga magulang, at huwag maging ignorante sa bagay sa paligid.

Epekto nito sa pagaaral

Ayon kay Soliven, Nakaka-apekto ito sa pag-aaral ng estudyante, dahil kakailanganin nitong hindi pumasok dahilan nang siyay buntis at kinakailangang mag modular learning.

“Of course, nakaka-

KALAT MO, TAPON MO. Naki-isa sina Jamere James Mamba, Aaron Acoba at Gwen Cajudoy, mga batang manunulat, sa polisiya ng paaralan at isinaayos ang mga kalat sa loob ng opisina ng the blazer. Ayon sa kanila, ang hakbang na ito ay malaking tulong upang tuloyan ng malawa ang basura sa paaralan.

apekto ang pregnancy sa pag-aaral, kasi during pregnancy, syempre sensitive, kailangan hindi pumasok yung bata at mag momodule siya, and mababawasan ang learning niya sa modular,” aniya.

Gagawing aksyon

Giit niya, nagsagawa na ang paaralan ng mga programa para maiwasan at malaman ang mga masasamang epekto nito sa mga Kabataan.

“We conducted symposiums regarding on teenage pregnancy, for

those students to know what are the negative effects of teenage pregnancy,” saad niya

Suporta para sa Sex education

Halos lahat ng Kabataan ay alam na kung ano ang ibig sabihin ng sex, at nag kakaroon na rin ng website na kung saan may mga napapanood ang mga Kabataan roon, kaya napakahalaga ng importansya ng pag papairal ng sex education dahil dito malalaman ng Kabataan kung ano ang tama at mali.

“Hindi na natin maikakaila na lingid sa lahat ng Kabataan ngayon kung ano ang sex, and may media na rin sila ngayon na kung saan sila nanonood, kaya mahalaga ang sex education para maipahayag sa mga estudyante ang tama at hindi tamang gawin,” sabi niya.

Samantala, may tatlo ng estudyante ang nakimpirmang tumigil sa pag-aaral sa paaralang dahilan ng maagang pagbubuntis.

do not want you as much as possible to be engaged in teenage pregnancy, and we really need this symposium

Sa kanyang unang araw bilang bagong School Prinicpal,

9 10 sa

na tao ang sumusuporta sa pagkakaroon ng sex education sa Lasam. datosmulasapulsong isinagawang ‘AngManggagawa’ We

Sa unang araw ng kanyang pag-upo bilang bagong School Principal ng WCSAT, sinuportahan kaagad ni Excelsis G. Pastor ang program ng dating School Principal na si Daniel T. Aguidan ang ‘No waste segregation, no collection policy’ sa mga silid-aralan.

Ayon sa kanya, bilang isang Head Teacher V ng paaralan dati na ngayon ay Principal na, malaking suliranin na ang pagbabawas o basura sa paaralan.

“Marami ng mga program iniimplement noon gaya ng 5-minute habit na ginagawa 5 minutes before the classes at meron din noong 4 o’clock habit na sabay-sabay na naglilinis pero hindi pa rin nagkakaroon ng zero wast disposal sa school,” sabi niya.

Dagdag pa niya, isa pa sa naging problema ay ang kawalan ng tamang tapunan sa paaralan kaya mahirap ayosin ang problema sa basura.

“Iyong dati naging tapunan ng basura, pinatayuan na ng school buidling ng SHS kaya limitado na lang talaga iyong space na pupuwede nating gamitin bilang designated na tapunan,” sabi niya.

Kaya bilang tugon, isinagawa ang

polisiyang ‘No waste segregation, no collection policy’ sa mga classroom na siyang tututukan ng mga class advisers.

“Dati naman na itong ginagawa kinokolekta ang basura tuwing Friday, at since ito iyong program na nadatnan ko at alam ko naman na maganda, susuportahan natin ito at mas lalo lang natin papaigtingin,” sabi ni Pastor.

Kasabay ng pagpapaigting ng naturang polisiya ay ang pagkabit ng cctv sa dating basurahan at powerhouse na kung saan dito nilalagay ang mga nahiwahiwalay ng mga basura na mula sa iba’t ibang silid-aral.

Ang koleksyon ng basura ay Biyernes ng umaga kaya Huwebes pa lamang ng hapon ay dapat lahat ng nahiwa-hiwalay na basura ay natapon bago ang koleksyon na isasagawa ng Munisipyo.

JAMERE JAMES MAMBA | GRADE 8
JAMERE JAMES MAMBA | GRADE 8

ang manggagawa

“Lagit-lagi para sa katotohanan”

ULAT SA BAYAN

samgaNUMERO

BAYAN ANG UNA. Ibinandera ni Mayor Dante Dexter Agatep ng Lasam sa kanyang ikalawang State of the Municipality Address (SOMA), na ginanap noong Enero 2, ang kanyang mga nagawa sa loob ng limang taon kabilang na rito ang pagiging isang first class municipality ng bayan mula sa third class. Ayon sa kanya magtutuloy-tuloy ang progresibo kung maayos ang pamamalakad at lahat ay tulong-tulong sa iisang adhikain.

mula sa dating

income ng bayan, tumaas na ito sa

kada taon

Layuning ilahad ang kondisyon sa ekonomiya at sosyal na estado ng mga Lasameño at mga nagawang proyekto sa nagdaang limang na taon, naghatid si Mayor Dante Dexter A. Agatep, Jr. ng kaniyang ikalawang State of the Municipality Address (SOMA) 2025 sa Natalged Arena, Enero 20.

Sinimulan ni Agatep ang kaniyang SOMA sa paniniwala ng kaniyang administrasyon sa pakikipag-kolaborasyon ng ibat ibang sektor na makilahok sa mga programa at proyekto na pinapatupad ng bayan.

“My administration firmly believes in the importance of transparent and participatory governance. This is the reason why I always encourage all stakeholders from different sectors to get actively involved in the various programs and projects we implement,” sabi niya.

Serbisyo para sa Lasameño

Ayon sa Alkalde, nagagampanan nang maayos ng kaniyang administrasyon ang mga tungkulin dahil nakikita nito na naghahatid sila ng delakidad na serbisyo sa mga tao na siya namang magiging hakbang para mapabuti pa ang pagtugon sa mga suliranin ng mga Lasameño.

“I will see to it that the Local Government Unit (LGU) delivers quality social services to our people. Know their other pressing concerns and solicit feedback from them to be able to craft ways to become even more responsive,” sabi niya.

Lasam First-Class Municipality

Ayon sa inilabas na datos ng Finance Office ng Bayan, ang Annual Average Income ng Lasam noong 2021 ay umabot sa 181,401,764.44 Pesos ; 2022: 243,197,320.08 Pesos; 2023: 212,025,749.68 Pesos at 2024: 222,508,948.23 Pesos kung saan naging basehan ang taong 2021-2023 sa pagkamit ng FirstClass Municipality ng Bayan

“As your servant and leader of the town, I’m very happy and proud to proclaim to the whole world that Lasam is now a first class municipality,” sabi ni Agatep.

Alinsunod sa Republic Act (RA) 11964 na naguutos na

maging ganap na first class ang isang bayan na may annual average regular income na 200 milyong piso sa loob ng tatlong taon.

Binigyang pagpupugay din nito ang mga taong nasa likod ng pagtamo ng nasabing parangal kung saan pribilehiyo umano ang pamumuhay sa bayan dahil sa mga sunodsunod na pagkamit ng Lasam ng mga pagkilala.

“This very significant milestone cannot be only attributed to my administration, but to all Lasameño and it is indeed a pride and privilege to serve and live in a first-class municipality,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Agatep na ipapapantay na sa first class rate ang mga sahod ng mga nagtatrabaho sa Local Government Unit (LGU) kasama na rito ang benepisyo sa pagtanggap ng medical allowance.

“We always give a premium to the welfare of our local employees. Their salaries will be adjusted based on first class rate and medical allowance was already included as one of the benefits,” sabi niya.

Bago ito, matatandaang nakatanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) ang bayan noong 2022 at 2024.

Badyet sa Sektor ng Edukasyon

Ayon kay Agatep, aakyat na sa 2 milyon Pesos ang badyet sa special education na dating 1.5 Pesos na milyon noong nakaraan taon gayundin ang dating 1 milyon Pesos na alokasyon sa scholarship program ay magiging 2 milyon Pesos at dating 200,000 Pesos na pondo sa non-formal education [Alternative Learning System] ay magiging 400,000 Pesos na ngayong taon.

“Aware of the fact that the best investment is investment in education, These are just

some of the manifestations that this administration always advocates and supports the educational development of our children and students,” sabi niya.

Hinikayat ni Agatep na ipagpatuloy ang pag-abot sa mga pangarap at sinigurado nito na lahat ay ng estudyante at mga bata ay pantay pagdating sa pagkakaroon ng edukasyon at lahat ng mga guro ay suportado.

“Let us continue to nurture these aspirations. Together, we will ensure every child in Lasam receives quality education, every teacher is supported, and our community actively participates in shaping a brighter tomorrow,” sabi niya.

Lehislatura sa Serbisyo

Pinasamatan ng Alkalde ang Bise Mayor nito dahil sa aktibo nitong kooperasyon sa pagtulong sa mga Lasameño upang matugunan at mailaan ang mga pangangailangan ng mga ito.

“Dagiti kameng iti lokal nga lehislatura nga idadauluan iti ay-ayaten tayu nga Bise Mayor, Hon. Randy Cachola Cambe ket aktibo ken naayat nga katulungan tayu tapnu maipaay kadagiti tau iti tarigagay ken ekspektasyon da,” sabi niya.

Hinamon ni Agatep ang mga miyembro ng mga Sagguniang Bayan (SB) nito na ituloy ang kanilang magandang samahan at isaalang-alang ang kapakanan ng bawat Lasameño

“Kariten kayu ngarud nga ituloy tayu kuma iti napasnek ken napintas nga panagbibinuyug tayu, saan tayo-n a panunuten [i]ti personal nga pagsayaatan nu di ket ipangruna tayu kuma nga panunuten iti pagsayaatan iti umili nangruna dagiti sumarunu nga henerasyon,”

Ayon sa tala, nakapagpasa

Pondo para sa janitorial at paglilinis ng mga palikuran ng paaaralan

JAMERE JAMES MAMBA | GRADE 8 balita sa komunidad

at nakapag-akda ang sagay ng Sagguniang Bayan ng Lasam ng 865 na resolusyon at 72 na ordinansa sa taong 2020 hanggang 2024.

Bisyon sa mga Lasameño

Ayon kay Agatep, maituturing na ‘golden age’ ang mga naipatayong imprastraktura at mga nagawang mga proyekto sa kaniyang pamumuno sa loob lamang ng dalawang termino dahil nasaksihan umano ang malaking pag-ulad na dulot nito sa bayan.

“The significant infrastructure and utility projects we’ve successfully completed during my time in [the] office truly mark a golden age of the development of the Municipality, we’ve made remarkable strides in improving our community’s infrastructure with just two terms,” sabi niya.

Ayon pa sa kaniya, natututukan ang pagpapanatili ng kaayusan sa bayan kung saan natugunan nito ang mga sektor at mga pangunahing pangangailangan ng mga kaniyang mga kababayan.

“We have prioritized Education, Healthcare, Agriculture, Tourism, Disaster Management and Peace and Order and we have embraced technology and innovation in governance,” sabi niya.

Sa pagtatapos ng SOMA, sinabi ni Agatep na ang mga proyekto na nagawa at pagunlad ng bayan ay karangalan ng bawat Lasameño at nangakong ipagpapatuloy ang pagbuo nang mas maliwawnag na buhay para sa munisipalidad.

“Lasam, this is your achievement. Together, we will continue to build a brighter, stronger, and more vibrant future for our beloved municipality,” pagtatapos nito. 25%

Gastos sa hosting ng mga programa ng Deped na isinasagawa sa WCSAT 05%

‘From third class to first class municipality’ – Mayor Agatep I

to ang ibinida ni Hon. Dexter Agatep, sa kanyang 2025 State of the Municipality Address (SOMA), kasama na rito ang mga programang kanyang natapos mula Pandemiya hangang 2024, kahapon sa Natalged A Lasam Arena.

Ayon sa kanya, tataas ang sweldo ng mga manggagawa, base na rin sa klase ng munisipalidad ang bayan.

“We always give premium to the welfare of our local employees. Ang kanilang suweldo ay ia-adjust base sa first class rate at kasama na ang medical allowance bilang isa sa mga benepisyo,” sabi niya.

Supporta para sa Edukasyon

Mula Kay Agatep, Daragdagan ang Pondo sa edukasyon mula 1.5 milyon hanggang 2 milyon ngayong taong 2025.

“Aware of the fact that the best investment is investment in education, the special education fund for 2025 is increased to 2 million pesos from last year’s 1.5 million”

Ilalaan ang pondong ito para sa ilang mga aktibidad at donasyon na ibibigay sa mga mag aaral at paaralan.

Pagsuporta sa kalusugan

Giit ni Agatep, kalusugan ay kabuhayan, kaya Bigyang-diin Ang Malalim na Kahalagahan ng pagbibigaypriyoridad sa kalusugan at kagalingan ng katawan.

“AS THE SAYING GOES, HEALTH IS WEALTH. THIS TIMELESS WISDOM Underscore The Profound Importance of prioritizing the health and well being of our citizens,” sabi ni Agatep.

Suporta sa mga imprastraktura

Ayon pa Kay Agatep, namuhunan ng mga hindi gaanong proyektong imprastraktura tulad ng mga pagpapabuti sa kalsada, tulay, at mga pampublikong gusali ang munisipalidad.

“We have invested insignificant infrastructure projects like road improvements, bridges, and public buildings,” sabi niya.

Kabilang sa natapos na imprastraktura sa pamumuno ni Agatep, ay ang Natalged Arena, Pag papagawa ng ilang kalsada at Ilan pang mga street lights sa mga highway.

Supporta sa kada barangay

Saad pa niya, nag bigay ang LGU Lasam sa kada barangay ng tig iisang rescue vehicle na magagamit ng mga lasameño sa kanilang mga lugar.

“Any barangay received a rescue vehicle that can use by people in their barangay, kabilang rin ang karagdagang ilang mga sasakyan na ating mga rescuers,” sabi niya.

Samantala, ipinahayag din ni Agatep ang mga paranagal na natanggal ng Lasam Pag dating sa kaayusan at kagandahan ng lugar.

JANNA REGINALDO I HUMSS 12
Mayor Agatep, naghatid ng kaniyang ikalawang SOMA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.