Kratky Starter Manual

Page 1


Hydroponics Para Sa Lahat

Simpleng Gabay sa Pagtatanim

Gamit ang Kratky Method

Paano ito Gamitin?

Ang gabay na ito ay ginawa upang maging kaagapay mo sa iyong Kratky hydroponics journey!

Dito, matututunan mo ang mga pangunahing konsepto ng hydroponics at ang tamang paraan ng pagsasagawa nito —mula sa paghahanda ng materyales hanggang sa pag-aalaga ng iyong mga tanim. Layunin nitong gawing mas madali at mas epektibo ang iyong pagtatanim upang matiyak ang masaganang ani!

Paghanda ng Pataba Mga Hakbang sa Paghanda ng Pataba

sa Paghanda ng Pataba Pagpatubo ng Halaman

https://bit.ly/3QRZggg

Ano ang Hydroponics?

Ang Hydroponics ay isang paraan ng pagpapatubo ng mga halaman gamit ang tubig na may halong pataba.

Sa pamamaraang ito, direktang nakukuha ng halaman ang lahat ng sustansyang kailangan nila mula sa tubig, kaya hindi na kailangan ng lupa para lumago. Dahil dito, ang hydroponics ay nagiging mas episyente at mas madaling paraan ng pagtatanim, lalong-lalo na para sa mga nakatira sa maliliit o urbanisadong lugar!

Paano nabubuhay ang halaman sa tubig? ?

Pag-isipan natin na ang hydroponics ay parang bitamina o juice. Hindi na itong kailangan nguyain. Iinumin na lang ito at agad nagagamit ng katawan.

Ganoon din sa hydroponics!

Dahil tunaw na ang mga kinakailangan sustansya sa tubig, mas madaling masipsip ito ng ugat at dalhin sa buong halaman.

Ang mga sustansyang (NPK) kailangan ng halaman ay nakukuha mula sa isang nutrient solution o pataba na hinahalo sa tubig.

Pinapadali nito ang pagsipsip ng mga ugat sa kinakailangang nutrisyon, kaya’t mas mabilis at mas malusog lumalaki ang halaman!

Kratky Method

Ang Kratky ay isang uri ng hydroponics na hindi nangangailangan ng kuryente, gaya ng motor o air pump. Dahil simple ang pagkakaayos nito, mainam ito para sa mga nagsisimula palang!

Dito, ang halaman ay inilalagay sa isang lalagyan na may halong tubig at sustansya. Bahagyang nakababad ang ugat sa tubig upang makakuha ng nutrisyon, habang ang itaas na bahagiay nakalantad sa hangin para makahinga.

Kilala ang Kratky bilang paraan ng hydroponics na

‘Itatanim

at Hahayaan’

Dito, ang halaman mismo ang nag-aalaga sa sarili! Posible ito dahil sa simula pa lang, nakahanda na hanggang ani han ang lahat ng kailangan ng tanim. Hahayaan mo lang tumubo ang tanim, at minsan mo na lang ito sisilipin!

Paano kusang lumalaki ang halaman?

Habang lumalaki ang tanim, bumababa ang tubig at lumalawak ang agwat sa itaas (air gap). Dito, likas nagkakaroon ng hangin (O2) na ganap nagbibigay ng hinga sa ugat ng halaman.

Sa pamamaraang ito, kusang nakakakuha ng halaman ang lahat ng kailangan niya para mabuhay! (Ang tamang balanse ng hangin, tubig (H2O), at pagkain (NPK)).

Benepisyo ng Kratky Method

Maraming benepisyo ang hydroponics. Alamin kung paano ito nagiging mas simple, mas tipid, at mas abot-kayang paraan ng pagtatanim!

Matipid sa Espasyo

Sa hydroponics, kayang mas dikit ang mga tanim dahil hindi kailangang kumalat ang ugat para kumuha ng tubig at sustansya.

Dahil dito, kaunting espasyo lang ang kailangan! Puede itong gawin kahit sa maliliit na urban areas katulad ng malapit sa bintana o sa tanimang nakasabit sa pader.

Abot-Kayang Materyales

Hindi kailangang gumastos ng malaki! Madaling makahanap ng gamit katulad ng mga lumang bote o lalagyan mula sa bahay, palengke, o recycling facility na maaaring gamitin para gumawa ng isang simplifed set-up!

Libreng Gulay

Habang tumataas ang presyo ng pagkain, malaking tipid ang pagkakaroon ng sariling taniman sa bahay. Makakakuha ka ng sariwa at malinis na gulay nang hindi na kailangang gumastos palagi. Mas mabilis din ang tubo ng tanim, kaya mas madalas ang ani!

Matipid sa tubig

Madalas, sapat na ang isang lagay ng tubig sa Kratky mula simula hanggang anihan! Dahil dito, matipid ito at walang nasasayang na tubig.

Nakakatipid ito ng 7090% na tubig kumpara sa tradisyunal na pagtatanim.

Lettuce Alugbati Kale
Wansoy
Mint Basil
Mga
Petchay
Arugula Mustasa
Kang Kong Kintsay Pipino
Sili Kamatis Presas

Mga Kailangang Materyales

Growbox

Lalagyan ng tubig

Maaring gamitin ang styro box, container, jar, bote o balde

Netcup

Lalagyan ng halaman

Maaring gamitin ang styro o plastic cup, o ang itaas ng bote

3 4

Growing Medium

Tagasuporta

ng mga ugat

Maaring gamitin ang hibla ng niyog o sponge

Tubig

Pantunaw

ng pataba

Maaring gamitin ang tubig gripo o tubig ulan

Hangin

Pampanhinga

sa mga ugat

Likas itong nagkakaroon sa pagkababa ng tubig

5 7 Pataba 6

Liwanag

Ginagamit ng halaman

para gumawa ng pagkain

Maaring gamitin ang LED lights o ang sikat na araw

Pagkukunan

ng sustansya

Para sa mga baguhan, inirerekomenda ang SNAP!

Alam mo ba... !

Taglay ng pataba ang NPK! Ito ay ang 3 pangunahing sustansya halaman upang lumaki nang malusog! Ito ay:

Mga Pantulong na Gamit para sa Paligid

Mahalagang protektahan ang mga tanim mula sa matinding panaho ng ating bansa. Narito ang mga gamit na makakatulong para mas mapabuti ang kanilang tubo!

Grow Lights

Kung kulang ang sikat ng araw sa taniman, lalo na kung nasa loob ng bahay o nasa madilim na lugar, makakatulong ang paggamit ng grow lights. Nakakatulong ito sa tuloy-tuloy na paglaki ng halaman kahit walang direktang araw.

Ginagaya nito ang liwanag ng araw pero mas kontrolado ang tagal, lakas, at kulay ng ilaw.

Dahil dito, posible pa ring magtanim sa mga sulok nahindi gaanong naaabot ng araw.

Magkaiba ang epekto ng kulay ng ilaw sa mga halaman. Ang asul ay tumutulong sa paglago ng dahon at tangkay, habang ang pula ay para sa pamumulaklak at pagbunga. Mayroon ding full spectrum na ilaw na taglay ang lahat ng ito! Alam mo ba... !

UV Plastic Sheet

Kung ang tanim ay nasa labas, makakatulong ang paggamit na plastic cover tulad ng UV plastic sheet. Ito ay panangga sa biglaang ulan at matinding init. Sa tulong nito, mas protektado ang tanim, lalo na sa panahon na pabago-bago ang klima. Kung gusto mong magtipid, maaari ding gumamit ng recycled na green plastic bottles. Gupitin ito at gamitin bilang bubong sa ibabaw ng tanim!

Panlamig ng Tanim

Mainam gumamit ng insulated o makapal na lalagyan gaya ng styrofoam box, o balutin ito ng insulated foam para hindi agad uminit ang loob ng lalagyan. Kapag sobra matindi ang init, puwede ring maglagay ng yelo bilang pansamantalang pampalamig.

Shade Net

Kapag sobrang init at tirik ang araw, mahalagang protektahan ang mga halaman para hindi malanta o masunog ang dahon. Dito nakakatulong ang shade net, na tumutulong bawasan ang tindi ng sikat ng araw. Sa paggamit nito, nakakapasok pa rin ang liwanag pero sapat lang para hindi makasama sa tanim

Paggawa ng Growbox at Cups

Ang growbox at cups ay mahalaga dahil dito lumalaki at lumalakas ang mga halaman. Dahil dito, mahalaga ang tamang lalagyan, pero hindi kailangang mahal o bilhin sa tindahan!

Alam mo ba na puedeng gumawa ng lalagyan gamit lang ang recycled materials na makikita sa bahay? Tingnan natin ang 2 murang paraan!

https://bit.ly/420s3V1

Container Method

https://bit.ly/3XvC2QQ

Bottle Method

Container Method

1

I-outline ang ilalim ng cup

Tiyaking hindi bababa sa 1.5 inches ang pagitan ng bawat butas

3

Gumupit ng mga hiwa

Gumawa ng 4-6 na hiwa na may 2.5 inch haba mula sa ibaba

2

Magupit ng maliit na hiwa

Tiyakin kasya ang cup sa butas pero hindi huhulog ng sobra

Ganito dapat ang Itsura!

Bottle Method

1

Gupitin ang itaas ng bote

Tiyakin ang gupit ay nasa 4 inches mula sa itaas

3

Gumupit ng mga hiwa

Gumawa ng 4-6 na hiwa na may 2.5 inch haba mula sa ibaba

2 Takpan ang bote

Ganito dapat ang Itsura!

2 Pagpatubo ng Seeds

Germination ang proseso kung saan nagsisimulang tumubo angseeds. Sa panahong ito, unti-unting nagkakaroon ng ugat at unang dahon ang tanim! Upang magsimula ang prosesong ito, may tatlong pangunahing kailangan ang buto: tubig, hangin, at init.

Karaniwan, tumatagal ng 1–2 linggo bago itong tuluyang umusbong bilang mga punla o seedling!

Pagpatubo ng Seeds

1

Maglagay ng cocopeat sa Tray Kung recycled tray ang ginagamit, butasan ang ilalim nito para makahinga!

2

Maglagay ng seeds sa ibabaw ng cocopeat

Gamitin ang gabay para sa tiyak na espayo

Paalala: !

Tiyaking may sapat na espasyo ang mga seeds para lumaki ito nang maayos!

Malalaki na seeds

3-7 cm

Maliit na seeds

1-3 cm

3

Diligan ito ng bahagya araw-araw

Diligan ito ng parang ambon!

Dapat mamasa-masa lang ito.

1-2 Days Old!

4

Ilipat ang tray sa may lilim o takpan

Kailangan ng buto ng init para magsimulang tumubo!

5

Ilipat ang tray sa may araw

Kapag may tumubong tangkay at maliit na dahon, puede nang ilipat ang tray sa araw

6

4 Days Old!

Ilagay ang tray sa 1L ng mababaw na tubig

Ipatuloy ang bottom watering gamit ng tubig lamang mula mula day 4-6

10 Days Old!

7

Maghalo ng half-strength na pataba sa 1L na tubig

Ipatuloy ang bottom watering na may halong pataba mula day 7-12

Half Strength:

Maghalo ng 1.25 mL ng

Solution A sa 1L na tubig sa tray, pagkatapos ay maghalo ng 1.25 mL ng Solution B. Tiyaking huwag pagsabayin ang paghalo ng 2 solusyon.

Tunay na Dahon

Malaki at Matalim

Unang Dahon

Pabilog at Maliit

12 Days Old!

Kung tumutubo nang maayos ang iyong tanim, sa day 12, magiging punla o seedling na ito!

Kadalasan, mayroon itong 3-4 na tunay na dahon at mapuputing ugat na may habang 2-3 inches.

Kung ganito na ang iyong tanim, handa ka nang magpatuloy sa susunod na hakbang!

Paglipat ng Seedlings

Transplant ay ang

proseso ng paglilipat ng seedlings sa growbox.

Sinisigurado ng hakbang na ito na may sapat na espasyo, pagkain, at suporta ang halaman para lumaki.

Subukan natin ang 2 karaniwang paraan –ang paggamit ng cocopeat at sponge bilang mga growing medium!

Sponge Method

Tiyakin ang kapal ng sponge ay mga 1-1.5inches 1 1 3

Gupitin ang sponge sa cube

2

Magupit ng maliit na hiwa

Magupit ng maliit na hiwa

Tiyakin huwag putulin ito nang buo

Ganito dapat ang Itsura!

Balutin ang stem ng seedling at ilagay sa cup

Cocopeat Method

1 2

Punuin ang cup ng Cocopeat

Tiyakin ang kapal ng sponge ay mga 1-1.5inches

3

Magupit ng maliit na hiwa

Humukay ng maliit na butas

Tiyakin huwag putulin ito nang buo

Ganito dapat ang Itsura!

Itanim ang seedling sa butas at patpatin

4

Hardening

Sandali Lang !

Bago ilipat ang halaman sa permanenteng taniman, kailangan muna itong masanay sa magiging panibagong kapaligiran.

Ang prosesong ito ay tinatawag na hardening. Mahalaga ito upang hindi mabigla ang tanim at maiwasan ang pagkalanta o pagkamatay nito. Mula sa yugtong ito, gagamit na tayo ng full strength na pataba.

Maglagay ng 1L na tubig sa tray

Siguraduhing ang pinakailalim lang ng cup ay bahagyang nakalubog sa tubig.

5 6

Haluin ang Solution

A sa 1L na tubig

Maglagay ng 2.5 mL na

Solution A at haluin ng mabuti

7

Ilagay ang mga

seedlings sa tray

Iwanan ito dito nang mga 2 araw upang masanay ang mga tanim

Haluin ang Solution

B sa 1L na tubig

Maglagay ng 2.5 mL na

Solution B at haluin ng mabuti

14 Days Old!

Hintayin lumabas ang ugat sa ilalim ng cup

Kapag lumabas na ito, puede na itong ilipat sa growbox!

Paghanda ng Pataba 4

Ang pataba ay isa sa pinakamahalagang materyales ng hydroponics dahil dito kinukuha ng halaman ang lahat ng pagkain! Hindi mabubuhay ang halaman sa tubig lang. ailangan nito ng sapat na nutrisyon para lumusog!

Sa kit na ito, gagamit tayo ng SNAP na pataba na gawa ng UPLB. Pinapasimple nito ang hydroponics sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga teknikal na bagay na nagpapahirap dito. Ihalo mo lang ito sa tubig, at puwede nang magtanim!

Paghanda ng Pataba

Maglagay ng tubig sa growbox

*Ang lalagyan sa kit ay may 6L na kapasidad, o sundan ang marka sa loob bilang gabay.

Paalala: !

Ang dami ng tubig ay depende sa laki ng growbox!

Mahalagang punuin ang lalagyan hanggang sa pinakailalim ng baso. Dapat ang ugat lang ang nakalubog sa tubig. Sa ganitong paraan, mapipilitan ang ugat na hanapin ang tubig, kaya’t lalaki ito nang mahaba at malusog!

2

Haluin ang

Solution A sa tubig

Gumamit ng 2.5 mL na

Solution A sa bawat 1L ng tubig

Paalala: !

3

Haluin ang

Solution B sa tubig

Gumamit ng 2.5 mL na

Solution B sa bawat 1L ng tubig

Puwedeng mauna ang Solution A o B, ngunit huwag pagsabayin ang paghahalo ng dalawang solusyon

4

Ilagay ang seedlings sa Growbox

Depende sa tanim, mananatili ito dito nang 4–6 na linggo para lumaki!

5

Ngayon na nailipat ang tanim, panoorin natin itong tumubo!

Pagpatubo ng Halaman

Sa grow box nagaganap ang karamihan ng ‘growth cycle’ ng halaman. Karaniwan, tumatagal ng 4-5 na linggo ang isang cycle, depende sa uri ng pananim. Tingnan natin kung ano ang nangyayari sa bawat yugto at kung nasa tamang landas ang iyong tanim!

1 Linggo

Sa ika-1 linggo, bagong lipat ang seedlings sa growbox. Puno pa ng tubig ang karamihan ng growbox, kaya’t nakababad ang buong ugat at patuloy na sumisipsip ng sustansyang kailangan para sa pagsisimula ng kanilang paglaki.

2 Linggo

Sa ika-2 linggo, nagsisimula na ang growth stage ng halaman. Unti-unting lumalakas ito habang ang ilang bahagi ng ugat ay nakalantad sa hangin (air roots) dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig. Mahalaga mangyari ito para sa mas makapaghinga ang ugat.

4-5 Linggo

Sa ika-4 o 5 na linggo, ganap nang lumaki ang halaman. Karamihan sa mga ugat ay nakalantad na sa hangin dahil paubos o tuluyang naubos na ang tubig. Sa pagtatapos ng linggong ito, handa nang anihin at kainin ang iyong tanim! 3 Linggo

Pagsapit ng ika-3 linggo, nagsisimula nang lumago ang matatabang dahon. Habang lumalaki ito, patuloy ding bumababa ang antas ng tubig sa lalagyan, at dumarami ang airoots, natumutulong sa mas mabilis at malusog na paglaki ng halaman.

6

Karaniwang Problema ng Baguhan

Ngayon na naitanim mo na ang halaman, hintayin nating itong lumago. Subalit, ang pagtatanim ay hindi madali. Madalas, may mga hamon! Huwag matakot kung magkaroon ng problema ang iyong mga tanim! Napakanormal ito para sa lahat, baguhan man o eksperto.

Narito ang ilang karaniwang isyu na maaaring mong maranasan at kung paano ito malulutas.

Leggy na Tanim

Ang mga leggy seedlings ay may mahahabang at manipis na tangkay na madaling tumumba o mabali. Karaniwan, ito ay dulot ng kakulangan sa liwanag. Dahil dito, pilit hinahanap ng halaman ang ilaw, kaya’t tumatangkad ito nang mabilis at hindi ayon sa normal na pag-unlad.

Upang maiwasan ito, siguraduhing nakakakuha ng 5-8 oras ng liwanag ang tanim araw-araw.

Kakulungan ng Nutrisyon

Ang paninilaw at pagkatuyo ng mga dahon ay nagpapahiwatig na kulang sa nutrisyon ang halaman. Kung patuloy ito, maaaring magdulot ng paghina ng paglaki ng halaman at mababang ani.

Upang malutas ito, kailangan magdagdag ng karagdagang pataba sa tubig.

Paalala: Siguraduhing gumamit ng 2.5mL ng Solution A at Solution B para sa bawat 1L ng tubig sa lalagyan

Amag Pest Diesease

Ang amag ay mga mapuputi o berdeng tubo sa ibabaw ng growing medium o dahon. Ito ay nagdudulot ng pagkabulok ng ugat at dahon. Karaniwan, nangyayari ito kapag may labis na tubig sa lalagyan at kulang sa hangin ang ugat.

Upang maiwasan ito, tiyaking may sapat na agwat sa pagitan ng ilalim ng baso at ng tubig upang mapanatili ang tamang daloy ng hangin at makahinga nang maayos ang ugat.

Ang mga peste tulad ng aphids at thrips ay maliliit na insektong sumisipsip ng katas ng halaman. Nagiging sanhi ito ng panghihina at pagkasira ng dahon at tangkay na makaapekto sa paglaki ng tanim.

Kadalasan, ito’y dulot ng maruming paligid. Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ito ay ang pagpapanatiling malinis ng paligid at regular na pagsusuri sa iyong setup!

Bulok na Ugat Lumot

Ang pagkabulok ng ugat ay isang kondisyon kung saan nagiging kayumanggi, madulas, at malambot ang ugat ng halaman. Dahil dito, naaapektuhan ang kabuuang kalusugan ng tanim, at maaaring huminto ang paglaki nito o tuluyang mamatay.

Upang maiwasan ito, putulin ang apektadong ugat. Siguraduhin din na may sapat na hangin ang ugat at hindi lubusang nakababad sa tubig.

Ang lumot ay berdeng o kayumangging halaman na tumutubo sa tubig at humahadlang sa pagsipsip ng ugat. Nagdudulot ito ng kompetisyon para sa nutrisyon. Karaniwan ito ay nangyayari kapag labis na natatamaan ng liwanag ang tubig.

Upang maiwasan ito, siguraduhing makapal ang growbox at hindi tumatagos ang liwanag sa loob. Ilipat din ang lalagyan sa isang lugar na may lilim.

Mga Tala

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.