JOURNAL 14 - Advice for Future Student Teachers

Page 1

ADVICE for FUTURE ST’s 16 November 2018 - Journal Entry #14 Hi, Ka-SocStud! ☺ Una sa lahat, congrats kasi andito ka na! Ilang semester ng paghihirap sa readings, papers, exams, lesson plans at demo teaching din ang kinailangan mong pagtagumpayan para makaabot sa puntong ito, kaya naman gusto kitang batiin. That’s already an achievement in itself. ☺ Ngayon, panahon na para sa huling yugto ng karanasan mo bilang pre-service teacher: ang practicum sa UP Integrated School (o kung saang school man ang mapili mo). Ngayon pa lang, sinasabi ko nang hindi siya magiging madali. Tulad ng advice na binigay rin ng kapwa kaSocStud natin dati, “It’s not hell, but it also won’t be a walk in the park.” Mahirap siya, oo. Kasi dito lang talaga natin maa-apply talaga ‘yung mga natutunan natin sa pagtuturo eh. Oo, alam man natin ‘yung mga teorya ng classroom management, o ‘yung content ng History, Geography, Socio, Econ, Anthro. Pero iba pala talaga pag andito ka na. Siguro bago ako magbigay ng “tips” subukan ko muna ipaliwanag ‘yung mga realizations ko na hindi ko talaga napulot anywhere else other than nitong practicum. Una, iba siya kumpara sa demo teaching na isang lesson plan at isang session lang. This time, naghahanda ka pa ng materials sa lesson mo this week, gumagawa ka na rin ng lesson plan para sa lessons mo 1-2 weeks from now. Bukod pa roon ‘yung pag-check sa mga homework, seatwork, quizzes, etc. at siyempre ‘yung mga responsibilidad mo rin bilang studyante sa 181. Dagdag pa siyempre ‘yung mga tungkulin mo sa org kung meron man, at bilang anak, kapatid, at kaibigan. Pangalawa, kahit alam natin ‘yung mga “dapat” gawin re: classroom management theoretically, the only way we’ll know if they’ll work is by actually doing. Kailangan din mag-adjust sa mga ugali ng studyante mo eh. At pwede ring iba-iba pa ‘yan per section. In a way, trial-and-error siya; you learn as you go along. Huli, may kakaibang emotional labor pala talaga na kasama sa pagtuturo. Minsan, ang hirap na hindi i-take personally kapag may mga students na parang ayaw o ‘di interesado sa klase, o mukhang bored kahit na sobrang pinaghandaan mo ‘yung activities para sa lesson. May times na baka sisihin mo sarili mo, o kaya magtataka ka kung ano pa sanang pwedeng nagawa mo, kapag mababa scores nila sa long tests at exams. Minsan din kapag parang naga-act out sila, mahihirapan kang balansehin ‘yung pag-rationalize sa behavior nila dahil sa current age and emotional maturity nila (lalo na para sa mga high school) versus sa pagpataw ng just na measure or consequence for accountability. Okay, baka nao-overwhelm ka na. Normal lang naman kabahan, kasabay ng pagiging excited. Para naman hindi ka masyadong kabahan, here are some tips na hopefully makatulong para ma-balance out ‘yung stress from the three realizations I’ve mentioned. ☺ 1.) On the reactionary nature of student teaching which entails deliverables on top of deliverables: This is where your relationship with your CT comes in. Sulitin mo na


mayroon kang go-to person na mapagtatanungan tungkol sa content, classroom management, strategies, at iba pang aspects ng pagtuturo – even how to handle stress. 2.) On time management para maiwasan ang pagpatong patong ng deliverables: Actually, magkakaroon talaga ng times na hindi ka pa tapos sa isa, may paparating na naming isa pa.  It would be helpful to have a planner or a checklist para mas organized. May sense of achievement din kasi sa paglagay ng “check” sa mga items sa deliverables checklist mo. ☺ Maganda rin siguro to have a routine para meron kang mababalikan kapag naooverwhelm ka na. 3.) On classroom management: Madalas, magkakaroon ng aspects sa lesson plan mo na hindi masusunod kasi mahirap ipasok sa lesson plan ‘yung time allotment sa pagsuway o paghintay sa klase to settle down kapag medyo umiingay na. Kaya mahalaga rin na magkaroon ng connection with your students. Friendly, pero professional pa rin so that they’ll know their boundaries. Minsan kapag masyado mabait, posibleng maabuso ng iba, o ‘di kaya isipin nila okay lang maging “pasaway” kasi mabait naman ‘yung teacher. Kapag masyado naming mahigpit, baka ma-alienate ‘yung iba. Kailangan talaga hanapin ‘yung balance – which won’t be easy. So don’t be too hard on yourself kung sa tingin mo hindi mo nakukuha agad. Remember that it’s always a learning process for you too. ☺ Makakatulong din dito makipag-usap sa co-STs mo who are handling the same level, para alam mo ‘yung patterns ng ugali ng mga studyante. At para rin hindi mo isipin na sa klase mo lang sila ganun. At the very least, you’ll be able to vent out to someone who knows exactly what you’re going through (and who you’re talking about). ☺ 4.) On the emotional labor that comes with teaching: Mahalagang magkaroon ng support system. As in. ☺ Pwedeng pamilya, mga kaibaigan at ka-org, mga co-ST mo. Talk to someone you can vent to when you feel stressed or frustrated should things go awry. Sobrang helpful mag-rant or feels session with your co-STs, or kung sino mang friend/s mo na nagtuturo rin, kasi siguradong mage-gets ka nila. Maganda rin mag-set ng time to bond with family and friends outside of work, para maalala mong hindi lang sa practicum umiikot ang buhay mo. :)) So ‘yun ‘yung apat na “tips” na naisip ko, sana makatulong. ☺ But if there’s one last piece of adviced I’d like to leave you, it’s this: Be kind to yourself. Take care of your health. When things go right, reward yourself. When things go wrong, forgive yourself. Remember that you’re also there to learn and grow to be the best teacher you can be. ☺ You’re allowed to make mistakes. You’re allowed to change and improve for the better. Good luck, congrats (in advance), at salamat, future guro ng at para sa bayan! ☺


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.