


The moon slowly claws its way up to the sky, and the world seems to slip into slumber. As darkness envelops the air, the hustle and bustle of day calmly surrenders to the stillness of the night. Under the faint glow of the pale moonlight, all life fades into a gentle, peaceful hush.
But beneath silent walls are shadows shifting to restless sighs. Behind dimly-lit windows are erratic heartbeats of flickering consciousness. Troubled minds lie awake in the midst of quietude; as still as it is, the night is still alive.
There are memories itching to be remembered. There are stories waiting to be told. There are wandering souls who refuse to be forsaken.
And only in the dark of the night can they make their presence known in our mind—after midnight.
Duke Na Lang
Filth only becomes filth when you can’t wash it down the sink.
It’s something you can scrub red but never clean. Disgust plagues; unhealed cicatrix, Hide it— it must be left unseen, For days, weeks, months, years.
O beautiful Medusa, How cruel our gods are— Tell me, did you feel ashamed too? Did your rage reach the heavens too?
Confused, I basked in the glory of pity, Soaked every nook and cranny. And I said, please, purify me— Poor me, bring back the pure me.
But the lotuses crept up my back, Petals radiating a bright teal color. Southeast wind blew a million filaments, Yet the flower was never incomplete.
I am pure, touched or untouched, My unblemished body, skin and bone— Your evil does not make me, It’s not even something I have to atone.
She would often show up before my mirror. With such an eerie smile adorning her face, You would never guess the blood-filled horror. Filled with cracks beneath her state of grace.
Eerily condescending, the crimson that rules her being. The red of her tears flows serenely, giving such a tragic feeling. Nauseating in itself, her mouth bleeds all the same. She screams whenever I look away, ‘makes me insane.
When I leave the mirror, I feel her near the door. The silhouette of her being, it reeks of rage and sorrow. I always wake up to blood-stained sheets, With whispers of a mourning girl; oh, how it fleets.
The memories of that fateful night come crashing down. My friend, always in the mirror, now on the bed. Realizing why her face was fixed on a frown. For all this time, my hands were bleeding red.
This friend of mine – once was full of life. A girl who fell for the color of red; Beneath the sheets, between her legs, Bathing in the pools she often bled.
kei
Wala na yatang mas nakakatakot pa sa bangungot.
Ang pagbisita nito’y daplis sa buhay mo.
Daglian at hindi inaasahan, lalong ‘di mo rin naman hiniling maranasan.
Ngunit dumating ito,
At alam mong kailangan mo na namang magtiis hanggang sa pumutok ang haring araw.
Alam mong hindi ka na naman patutulugin nang mahimbing ng mga bagabag na ito.
Mala-dambuhalang rehas ang dulot ng bangungot.
Isang malawak na ilusyon ng hindi kanais-nais na mga bagay ang gustong itanim nito sa isipan mo.
At kahit pa nakapikit, tila dilat pa rin ang mga mata sa samu’t saring takot at pangamba.
Pero sa kabila ng lahat –bakit pakiramdam ko’y, totoo ang mga nasasaksihang lagim na ito?
Bakit kahit panay naman ang pagkurap ko, hindi ko parin masikmura ang mga nakikita ng mata ko?
Ang bawat saglitang pagpikit, na dapat sana’y papawi sa mga pagod ko; Ang siya ring nagnakaw ng sandaling pagpapahinga ng mga mata ko.
Wala na yatang mas nakakatakot pa sa bangungot na ‘to.
Dahil ang huling pagkurap ko, ay siya rin palang huling pag sulyap ko sa’yo.
Binawi ka agad sa akin ng panahon—
Mas saglit pa sa sandali; mas malagim pa kaysa mga bangungot ko sa gabi.
Hindi ko alam kung kakayanin ko bang masanay sa kasalukuyang hindi kita kasama.
Kaya’t pakiusap, gisingin niyo na ako.
Gallaera
“Shet, alas otso na pala!”
Hindi namalayan ni Jericho ang oras. Sa pagkakatanda niya ay palubog pa lang ang araw kani-kanina – nilalamon pa lang ng bughaw ang kahel sa kalangitan. Nagmadali tuloy siya sa pagpasada sa mga rebisyon ng ipinasang artikulo ng baguhang manunulat sa publikasyon nila. Komento ng ‘pakialis na ang kuwit’ dito, komento ng ‘pabago na lang ng headline’ doon.
Umaalingawngaw ang tunog ng kamay ng orasang nakamasid sa abalang editor mula sa malamlam at lumang dingding ng matandang newsroom. Sumasabay at nakikipagsayaw sa tunog nito ang kulang-kulang na tunog ng keyboard ng uugod-ugod na laptop; ang maya’t mayang pag “tsk” ng editor kapag may hindi natumbok na litanya sa artikulo ang baguhang staff; at ang elesi ng electric fan na donation pa ng unang Editor-in-chief ng matandang publikasyon.
“Double time! Baka maubusan ako ng dyip sa terminal, jusmiyo!”
Sa pagkakataong iyon, nagbubutil na ang pawis sa kayumangging balat sa noo ni Jericho. Tulad ng braso niya ay higit na kayumanggi ito kaysa sa kabuoan ng kaniyang mukha at katawan, bunga ng pagkakababad sa ilalim ng araw tuwing may coverage sa labas. Bakas ng sipag sa pagbabalitang hindi inaalintana ang nakakapasong init ng araw at pagkangalay ng binti.
Ilang minuto lang matapos i-pressure ang sarili, natapos na niya ang paggisa sa artikulo. ‘Rekta message na siya sa baguhang staff, may komento raw siya sa artikulo, ekis ng Chrome, sara ng laptop, pasok nito sa itim na laptop bag, sara ng zipper, hugot ng electric fan. Hindi na niya nagawang lingunin ang orasan sa pader – ang alam lang niya ay naiinip na sa kaniya ang huling dyip sa terminal.
Pinatay niya ang ilaw ng newsroom, ni-lock ang medyo kinakalawang na doorknob. DIre-diretso na siyang bumaba ng hagdan.
Habang naglalakad, naalala niya ang mga nakapilang artikulo na mukhang pagpupuyatan niyang rebisahin ngayong gabi, ang mga isinulat at tsinekan niyang artikulo no’ng nakaraan, ang pagpapatawag ng adminitrasyon ng kolehiyo nila sa kaniya.
Ang editoryal na sinabing hindi na dapat pinost pa – hindi raw dapat sinisiraan ang admin. Nangisi siya. Hindi naman paninira ang pagsasabi ng totoo, a?
Naalala niya ang mga utos na binabagsak kahit hindi na nila sakop, ang ilang taong pagmamakaawa ng publikasyon para makabalik sa kinandadong newsroom, ang mga personal na pagpaparinig na kalauna’y natutuhang ipasok sa kaliwang tenga at ilabas sa kabila.
Natigilan siya sa pag-iisip nang tumatakbo siyang salubungin ni Ella, ang head photojournalist ng Publikasyon.
“Chief, chief!..”
Napahawak ito sa tuhod habang humahangos.
“Pinapaalis uli ‘yung editorial natin. Take down daw.”
Lumamig ang hangin. Kumunot ang noo ng nagpapalayang alagad ng midya.
Minsan, hindi multo ang nananakot sa matandang gusali ng kanilang kolehiyo. Mukhang susulatan niya uli ng artikulo ang atraso ng aswang.
Ligalig
Katatapos ko lang maglaro ng League of Legends kasama ang mga kaibigan ko nang tumingin ako sa labas ng bintana.
Tumambad sa akin ang napakadilim na kalangitan. Walang bituin at tanging ang ilaw na nanggagaling sa buwan lamang ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng kadiliman. Nangunot ang noo ko, normal ba ang ganitong uri ng penomena sa ganitong panahon?
Napakibit balikat na lamang ako’t inalala ang proyeko na kailangan kong gawin, kaya nagpaalam ako sa mga kaibigan ko bago umalis sa call.
Habang nilalabas ko ang mga art materials na gagamitin ko sa proyekto, umalingawngaw ang isang boses mula sa ibaba.
“Anak! Baba ka muna riyan,” sigaw ni Mama.
“Teka lang ma! Inaayos ko lang po mga gamit ko,” sigaw ko pabalik sa kaniya.
Ilang sandali, nang mailabas ko na ang lahat ng aking mga gamit, ay nagmadali akong lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan, kapansin-pansin ang katahimikang namumutawi sa sala. nang silipin ko mula sa hagdan, wala namang tao roon.
“Ma, tawag mo po ako?” nagtataka kong sinagot.
Nakabibinging katahimikan lang ang aking narinig.
Tumugtog ang ringtone ng aking cellphone at nagulat ako nang nakita kong si mama ang tumatawag. Dali-dali ko itong sinagot.
“Ma, asan na po kayo?” tanong ko kay mama.
“Ah, anak di kami makakauwi ngayon. Baka bukas pa kami darating.” Malungkot niyang sinagot sa akin.
Panandalian akong natahimik sa narinig kong sagot mula sa kabilang linya. Ramdam ko ang kaba, maging ang panginginig ng aking mga kamay habang marahang pinasasadahan ng tingin ang sala, nagba-baka sakaling nagbibiro lang si Mama at guni-guni ko lamang iyong narinig ko.
“Ganon po ba?” nanginginig kong sinagot sa kanya nang wala na itong idinugtong na salita. “Sige po, ingat po kayo, ma.”
Nataranta ako at agad akong pumasok sa loob ng kwarto, nagtataka kung ano ang narinig ko. Naisip ko na baka pagod lang ako dahil ang daming ginawa sa school kaya kung ano-ano na lang naririnig ko, malay ko ba kung pusa ‘yon?
Nagkibit balikat nalamang ako’t kinalimutan ang nangyari at sinimulan ko na ang paggawa ng proyekto.
Maya-maya pa’y nagulat ako dahil may kumalabog sa labas ng kwarto. Hindi ko na lang ito pinansin at tumingin sa orasan, hindi ko napansing alas-dos na pala.
Ipinagpatuloy ko lang ang proyekto ko nang makalipas ang ilang sandali ay may bigla na namang kumalabog sa labas ng aking kwarto, tila bang may nahulog na gamit. Naisipan kong lumapit sa pintuan at dahan-dahan itong buksan para masilip kung ano ang pinanggalingan ng tunog na iyon.
Nang buksan ko ang pinto bahagya akong napatalon sa gulat, ngunit nawala rin ang kaba ko nang makita ko ang grupo ng maliit na daga habang sila ay nagtatakbuhan sa harap ko. Sinara ko na lamang muli ang pintuan at huminga nang malalim. Ipinagpatuloy ko na lamang muli ang mga proyekto ko.
Lumipas ang ilang mga oras nang matapos ko ang huli kong proyekto at nakaramdam na ng matinding antok. Ilang oras na ang nakalipas mula nang marinig ko ang nakagugulat na ingay sa labas ng kwarto.
Daga ba talaga ang gumawa ng ingay na ‘yon, o mayroon pang iba?
Habang nagliligpit ako ng mga gamit, naalala ko ulit yung tumawag sa akin kanina na bumaba raw ako. Bumisita muli sa isip ko ang mga kwento ng kaibigan ko noong may tumawag raw sa kaniya ngunit alam niyang walang tao sa bahay nila maliban sa kanya.
Maalala ko pa lang ang kuwentong ‘yon ay nagsisitayuan na ang mga balahibo sa aking katawan at bumibilis na ang tibok ng aking puso, kaya binilisan ko ang pagliligpit ng gamit, binuksan ko ang aircon, at pinatay ang ilaw.
Humiga akong yakap-yakap ang aking unan at nagtalukbong ng kumot. Inaantok na ako ngunit hindi ko magawang makatulog kaya naman kinuha ko ang aking cellphone at nanood ng reels upang makapag palipas ng oras.
Habang nanonood ay biglang may nag-play na horror video kaya agad kong nabalibag ang cellphone ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili sa nakita sa cellphone at sa mga kaganapan ngayong gabi.
Ilang sandali pa’y naramdaman ko bigla ang pagbigat ng aking mga mata hanggang sa ako’y tuluyang nakatulog.
Maya-maya, matapos dumaan ang ilang oras ng katahimikan, narinig ko ang ilang mga bulong na hindi ko maintindihan. Sa bawat paghampas ng tila mainit na hininga sa aking tenga kasabay ang mahihina at aligagang bulong nila, unti-unting lumilinaw ang kanilang mga sinasabi.
Bawa’t segundong lumilipas, nagsimulang maging mahirap at mabilis ang aking paghinga, tila bang may nakapatong sa aking katawan at pinipigilan akong makakuha ng hangin. Dahandahan kong minulat ang aking mga mata.
Bagamat madilim, nakapaninindig balahibo ang mga puting matang bumungad sa akin habang ito’y nakatitig. Isang matandang babae na may mahabang buhok, puting mga matang lumuluha, matutulis na ngipin, a t sugat-sugat na mukha.
Ngunit ang mas nakapipigil hininga ay ang labi nitong nakaukit sa isang ngiti na hindi pangkaraniwan ang unat.
Ramdam ko kung gaano tumagaktak ang malamig na pawis sa aking noo. Hindi ko magawang gumalaw, magsalita o kahit sumigaw. Mataman naman akong tinititigan ng babae habang ang sa pag piglas ko ay lalo lamang akong nahihirapang huminga at para bang nakatali ang buong katawan sa kadena.
Pinagmamasdan ko ang aking paligid kung mayroon ba akong pwedeng gawin. Sumasakit na ang aking ulo at hindi ko mapigilang maluha sa takot na kumakalabog sa aking puso. Pauntiunting lumalakas ang iba’t ibang mga boses na bumubulong sa aking tenga. Nakakabaliw, dahil hindi ko magawang pigilan iyon na ani mo’y hinihila ng mga boses nito ang aking isipan sa isang madilim na lugar.
Habang tumatagal lalo akong natataranta, ipinagdarasal ko na sana ay magising na ako sa bangungot na ito. Doon ko lamang napagtanto na hindi ito basta bangungot lamang at muling napatingin sa matandang babaeng kanina pa nakangiti at nakatingin sa akin.
May dahilan kung bakit ako nakararanas ng ganito. May paraan para makatakas ako mula rito.
Sinubukan kong tandaan ang napanood ko kung paano magising mula sa sleep paralysis. Agad ko itong ginawa; ginalaw galaw ko ang aking mga daliri sa aking kamay at sa aking paa. Sinubukan kong itaas ang aking braso hanggang sa maramdaman ko na ang paunti-unting pag gaan ng aking katawan.
Nang tumagal, pinilit kong ibangon ang aking sarili mula sa pagkakahiga. Pagbangon ko’y patuloy na sumakit ang aking ulo dahil sa mga pangyayari sa gabing ito.
Lumipas na ang ilang oras matapos ang karanasan na iyon. Hindi na ‘ko muli nakatulog hanggang sa nagpakita na ang haring araw at muling sumilay ang liwanag na hindi ko namalayang hinahanap-hanap ko magmula noong maranasan ko iyon.
Bawat sitsit at bawat bulong na marinig ko, nagsisilbi lamang itong paalala sa mga pangyayari at takot na naranasan ko noong gabing iyon.
Kahit anong gawin ko’y laging tumatatak sa isip ko ang eksena sa aking bangungot, lalo na ang matandang babaeng hindi pangkaraniwan ang mga ngiti at mga matang lumuluhang tila nanghihingi ng saklolo.
We four friends, Camille, Charisse, Diana, and I, love to explore and have visited many tourist spots. But among our adventures, this story is one that will haunt us forever.
We went swimming in Mabalacat, Pampanga, as a reward for passing our board exams. The four of us decided to drive there since it was close by. After our swim, we headed home right away because we had our job deployment the next day.
On the way home, we passed by Tres Marias, known for its three large Aguso trees, which are believed to be the site of strange occurrences. Many incidents have happened there, and little did we know that we’d witness one of these ourselves.
Camille decided to drive us home, with Charisse sitting next to her and Diana and I in the backseat. It was midnight when we decided to pack our things. It is also to avoid the huge traffic during daylight. It wasdark and the fog wasinsanely thick; there were no cars but us, considering it is midnight. As we got closer to Tres Marias, a shiver ran down my spine, and I warned Camille to slow down and be careful.
Charisse was sound asleep, her head resting against the window, while Diana and I were busy on our phones, unaware of the strange feeling in the air. As we neared Tres Marias, I looked over at Charisse and saw that she had woken up, but something was off. She stared blankly out the window, her expression empty, but I brushed it off then, thinking maybe it was because she just woke up from her deep sleep.
While we were still glued to our phones, Camille asked what we wanted to eat, trying to break the tension. We shared our cravings, but Charisse remained silent. I leaned forward, worried, and asked her again if she wanted anything. Her gaze was fixed outside, her face twisted with a mix of fear and anger, as if she were seeing something terrifying hidden among the trees. This wasn’t the lively Charisse I knew; she was usually loud and playful, but today she seemed distant and strange.
A thick silence filled the car, and I exchanged nervous glances with Diana, who looked just as uneasy. Charisse’s expression suddenly turned serious, her eyes narrowing as if she was staring down an unseen threat. My heart raced as I felt an overwhelming sense of dread, as if we were being watched by something lurking just out of sight.
I shifted in my seat, feeling a deep sense of fear. Within a minute, Charisse suddenly turned to Camille, and Camille laughed, saying, “Oh, why is the little one so angry?”
Without hesitation, Charisse lunged at Camille, grabbing the steering wheel, and screaming that she would kill us and drag us all to hell. We tried to restrain Charisse, but soon after, we crashed into a wall, leaving Charisse and Camille in critical condition while Diana and I sustained a few cuts and bruises.
Months went by, and while we physically healed, the haunting memories lingered in our minds. Finally, we decided it was time to confront what had happened that night. We sat down with Charisse, our hearts heavy with dread as we asked her to recount her experience.
“The only thing I remember,” she said, her voice trembling, “is seeing a woman by the tree from a distance. She waved at me, and there was something about her that felt wrong. When we got closer, the moment we were right by the tree, everything went dark. It was as if a thick fog swallowed me whole, and I couldn’t remember anything else—none of the terrifying things you all told me happened that night, all I know is that I woke up and I was already lying on the hospital having no idea what happened.”
A chill ran through us at her words, the memory of that dark place creeping back into our minds. We exchanged fearful glances, realizing that there was indeed something sinister lurking at Tres Marias, a force we had unwittingly stirred. Since the accident, we had promised never to return, terrified that whatever had claimed Charisse would rise again, waiting for its next victims. The thought of that woman in the shadows sent shivers down my spine, and I couldn’t shake the feeling that we had narrowly escaped a far worse fate.
Dìdi
Tahimik at tanging kaluskos ng mga tuyong dahong nililipad ng hangin ang naririnig ko sa paligid habang nakaupo ako sa damuhan. Palubog na ang araw kaya lumalamig na rin ang simoy ng hangin, dagdag mo pa rito ang magkasintahang nakatayo ‘di malayo mula sa akin na daig pa ang gabi sa ber months sa lamig dahil sa hindi nila pagkikibuan.
Matagal ko nang kaibigan sina Pat at Alex. Noong high school pa lamang kami’t nagsisimula pa lamang silang mag-ligawan, ako na ang nagsilbing wingman nila. Tanda ko pa ang reaksiyon ko noong araw na opisyal silang naging magkasintahan; iisipin mong ako ang sinagot ni Alex.
Akala ko nga’y doon na magtatapos ang pagiging tulay ko sa kanilang dalawa, pero hindi. Sa mga unang buwan nila’y parati akong third wheel tuwing magde-date sila, at hanggang ngayon ay ako ang nagsisilbing takbuhan ni Pat sa tuwing may tampuhan sila.
Kagaya ngayon. Hindi ko alam kung anong naging mitsa nito. Hindi rin naikukuwento sa akin ni Pat. Kanina pa sila nakatayo sa tabi ng isa’t isa at hindi nagkikibuan, siguro’y bumubuwelo o humahanap ng tiyempo.
Nagsisimula nang lalong dumilim ang paligid. Nararamdaman ko na ang bahagyang pagtayo ng mga balahibo ko dahil palamig na nang palamig ang bawat ihip ng hangin. Nakakarinig na rin ako ng mga kuliglig sa paligid.
Kanina pa kami rito pero nakatingin lang si Alex sa malayo, habang nakayuko naman si Pat at nakatingin lang sa may paanan niya. Maging ang kanina niya pa bitbit na bouquet ng bulaklak ay hindi niya pa naibibigay kay Alex. Siya siguro ang may kasalanan.
Unti-unti na akong nakakaramdam ng inip, ngunit wala akong magawa kundi manood mula sa may ‘di kalayuan. Nangako kasi ako kay Pat na bibigyan ko sila ng space para makausap niya nang maayos si Alex.
“Alex,” panimula ni Pat sa wakas, matapos ang isang malalim na buntong hininga.
“Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako–pero I’m sorry.” Tanaw ko mula rito ang pagtingala niya upang magpigil ng luha.
Hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin ni Alex.
“Wala nang magagawa ang sorry mo, Pat. Tapos na tayo.”
“I’m sorry, Alex,” muling sambit ni Pat na tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina pa pinipigilan. Napaluhod na ito sa damuhan.
“Tumayo ka riyan. Umalis ka na’t iwan mo na ako, tutal du’n ka magaling,” may pait na sumbat ni Alex.
Saglit na tinapunan ng matalim na sulyap ni Alex si Pat bago ito naglakad palayo sa kasintahan–dating kasintahan, na patuloy pa ring nagmamakaawa at humihikbi.
“Sorry,” muling pagmamakaawa ni Pat, ‘di alintana ang pagmamatigas ni Alex, “Sorry, Alex. Lasing ako no’n.”
“Sorry hindi kita nasundo noong gabing ‘yon, Alex. Kung nandoon lang ako,” pag-iyak ni Pat kahit wala na siyang kausap.
Kahit kanina pa siya walang kausap.
Wala kasing third eye si Pat. Kanina pa niya kausap ang puntod ng kasintahan.
Hindi ko na matiis na panoorin ang kaibigan kong halos magwala na kaiiyak, kaya’t nagtungo na ako sa kanya at inalalayan siyang tumayo.
“Shhh, tama na, Pat. Sigurado akong napatawad ka na ni Alex,” pagsisinungaling ko habang inaalo ang kaibigan.
Ilang sandali rin kaming taimtim na nag-aalay ng dasal sa puntod ni Alex, kahit pa hindi ako makapagdasal nang maayos dahil maya’t maya ay tumatayo ang mga balahibo ko sa lamig. Palinga-linga ako sa paligid, iginagala ang mga mata sa memorial park na walang ibang tao bukod sa amin.
Maraming ibang presensiya, pero tao, kami lang.
“Sa tingin mo, napatawad niya na ako?” basag ni Pat sa katahimikan, namumugto ang mga mata at nagpupunas pa rin ng luha, “Tingin mo, hindi ko na siya mapapanaginipan mamaya?”
“Kilala mo si Alex, Pat. Hindi ‘yon magtatanim ng galit,” muli ko na namang pagsisinungaling habang hinahaplos ang likod niya.
Muli na naman akong nakaramdam ng nakakakilabot na lamig na hindi galing sa ihip ng hangin; tila dumadaloy ito sa aking balat. Humahaplos. Tumutusok.
Napahawak na lamang ako sa aking batok. Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid.
Napakarami nila. Hindi ko mahanap si Alex.
Nagpunas si Pat ng luha at suminga. Tinitigan niya ang mga mata ko, at tinitigan ko rin ang kanya, “Tara?”
Hindi ako sumagot at tumago lang. Muli kong sinulyapan ang puntod ni Alex, kung saan naroon na ngayon ang dalang bulaklak ni Pat, bago umalis.
Pagtalikod ko’y bigla akong sinalubong ng pares ng namumulang mga mata, matalim at madilim ang tingin sa akin. Si Alex.
Napako ako sa kinatatayuan at lalong kinilabutan nang magsalita siya at ang boses na lumabas mula sa kanyang bibig ay malalim at tila puro hangin; parang hihigupin ako.
“Sinungaling.”
rysobs
In shadows where the towers loom, A heart beats loud, anticipating doom.
The staircase of thoughts, steep and tall, Whatever height we can reach, we all must fall.
With every step, the mind will sway. The ground beneath seems far away, Eyes wide open, the precipice calls, The voices in my head whisper:
“No matter how high you reach, you’ll always fall.”
My thoughts conspire, dark and deep, As I take some steps I start to weep. The dance with fear is a waltz with death. The air grew thin as I became aware of this threat.
So linger not at the edge of this knife, Where every nightmare comes to life . For in these heights where shadows sprawl, you’ll always fall.
Isang dekada na nakalipas mula nang mawala si Tatay. Nangisda siya noong araw na iyon para may maiulam, ngunit hating-gabi na’t wala pa siya. Kumakalam ang aming sikmura habang isipa’y nababalisa kung ano ang nangyari sa kanya.
Kasama niya sa pangingisda ang kumatok sa aming pinto. “Pumunta siya sa Biringan,” nababahalang saad nito. Sinubukan daw niyang pigilan si Tatay, subalit sa higpit ng pangangailangan ay sumagwan siya sa delikado, misteryoso, at nawawalang siyudad ng Biringan.
Bata pa lamang ako, usap-usapan na ang lugar na iyan. Diyan daw nakatira ang mga engkanto, espirito, at mga uri ng demonyo. Buong akala ko’y panakot lamang sa mga bata noon gayong mahilig akong gumala, hanggang sa nangyari ang aming kinatatakutan sa sarili kong ama.
Kaya ngayong nakapagtapos na ako ng kasaysayan at mitolohiya, nais kong mabigyan ng sagot ang walang katapusang mga tanong ng aming bayan at pamilya. Nasaan ang mga biktima ng Biringan? Ano ang buong katotohanan sa likod ng tila tahimik na ilog at kagubatan?
Ilang taon ang ginugol ko para lamang maintindihan ang pinagmulan ng Biringan, subalit kahit maski anong libro’y walang eksaktong nakapagtuturo kung saan? Kung paanong nagkaroon ng ideya tungkol sa Biringan at wala ito sa mapa ng kabisayaaan? Tanging napagtanto ko lamang ay nasa pagitan ito ng Siyudad ng Calbayog at Cataman dito sa Samar kung saan may puno roon bilang lagusan tungo sa ibang mundo. Kaya naman, doon ako nagpunta.
Kinausap ko pa ang ibang mamamayan sa bayan at sinabi nilang patuloy pa rin daw ang mga kaso ng nawawala sa Biringan.
breygrc
Mga kasong lumubog na lamang sa limot, takot, at pagtanggap na di na sila makikita kailanman. Nagtapos na mga buhay nang wala man lang pinatunguhan o ni isang malinaw na dahilan.
Dumating ako sa gilid ng ilog kung saan nawala si Tatay. Ayon sa mga nakakita, sobrang daming isda raw ang nasa ilalim nito sa tuwing nais ng mga engkanto na akitin ang mga mangingisda. Lingid sa kanilang kaalaman, sila’y namamangka na sa ibabaw ng mapanganib na mundo.
Gayunpaman, hindi ako matatahimik nang hindi nalalaman ang hiwaga ng lugar na ito kaya ako’y namangka. Nagsasagwan ako sa tila kalmadong paligid ngunit ramdam ko ang mga matang titig sa akin. Habang tumatagal, napapansin kong lumalamig ang paligid at patapos na ang dapit-hapon.
Ayokong abutan ako ng dilim kaya naman inikot ko ang bangka pabalik. Napansin ko ang puno ng Balete na may kakaibang hugis at laki. Bahagyang pakurba ang matanda nitong katawan habang di na maaninag ang tuktok nito dala na rin ng makapal na usok sa paligid. Kalahating oras na ang nakalilipas, at muli ko yoong nakita. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang may naaninag akong isang lalaki. Malawak ang kanyang ngiti at magkasing-tangkad sila ni Tatay. “Maligayang pagdating, anak,” sambit ng halilagyo
Mabilis akong nagsagwan hanggang sa malampasan ko siya, ngunit tatlong beses ko siyang nadatnang muli sa puno ng balete. Madilim na ang langit, at doon ko lamang pinaniwalaan ang sinasabi ng aking mga kababayan, “Ngan tawo nga nakakarawat ha Biringan, diri na muling makalalabas.”
“Sinumang pumasok sa Biringan ay hindi na muling makalalabas.”
Sa pagsapit ng dilim, takot ang bumabalot sa akin. Hindi ko mawari. Nagtataasan ang aking mga balahibo sa kalmadang paligid. Tila nag-uunahan sa pagtakbo ang aking mga pulso. Mahirap ilarawan ang pakiramdam na kahit kailan ay hindi ko pa naranasan.
Sa kabila ng bigat ng aking dibdib, pilit kong isinara ang aking mga mata na tila ayaw huminto sa paglibot sa apat na sulok ng aking silid. Hindi ito pangkaraniwang gabi. Gayunpaman, paglipas ng ilang minutong pagkapikit ay tuluyan na rin akong nahimbing marahil sa pagod ko na rin sa nagdaang maghapon. Payapa. Naramdaman ko ang saglit na kapayapaan sa aking pagpapahinga. Ngunit sa gitna ng aking pagtulog ay tila mayroon pa ring bumabagabag sa akin.
Butil-butil na pawis, malamig na hangin, at nakabibinging katahimikan ang bumungad sa aking pagdilat. Akala ko’y umaga na ngunit binabalot pa rin ng dilim ang aking silid. Naisip kong tingnan ang orasan. Alas-tres na pala ng madaling araw.
Napabalikwas ako at tiningnan muli ang orasan at ‘di ako nagkamali, saktong alas-tres nga ng madaling araw. Bigla tuloy sumagi sa aking isip ang sabi-sabi ng mga matatanda na nagiging manipis ang tabing sa pagitan ng mundo ng mga tao at ng mga espiritu tuwing alas-tres ng madaling araw.
Hindi ko maiwasang kilabutan. Tahimik ngunit parang may nakikinig. Madilim ngunit parang may nanunuod. Pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa sa aking silid, para bang may ibang presensya na nagmamasid.
Sinabayan ko ang katahimikan at huminga nang malalim. Napakalakas ng kabog ng aking puso na tila ba nagpupumilit itong lumabas sa aking dibdib. Sinasariwa ko sa aking alaala ang sinasabi ng mga matatanda—na kapag sumapit ang alas-tres, ang mga kaluluwa, mga multo, o kahit ang mga demonyo, ay malayang gumagala. Hindi ako panatiko ng ganitong kaisipan ngunit sa sandaling iyon, tila ba may katotohanan sa bawat kwento at alamat.
Hindi pa rin ako mapakali. Nakababalisa. Saglit akong tumayo at binuksan ang ilaw ng aking silid. Muling nilibot ang aking mga mata, ngunit wala akong ibang nakita, bukod sa sarili kong anino. Ilang minuto rin akong nagmuni-muni. Tinitimbang ko ang aking takot, kung ito ba’y dahil sa multo o dahil lamang sa sarili ko. Hindi ko na alam. Totoo man ang mga kuro-kuro o hindi, isa lamang ang aking napagtanto—na sa mga oras na ito, mas marapat kong harapin ang aking anino—na mas higit na nakakatakot.
Anino ng mga pangarap na naisa-walang bahala at anino ng mga pagkakamaling pilit kong binabalewala. Napagnilayan ko na ang bawat takot, bawat pag-aalala, bawat kabiguan, ay tila nakatali sa aninong iyon. Naghihintay na mapansin, yakapin, at kalagin.
Hindi pala ito matatakasan ng kahit anong pikit at pagtulog ng pilit. Kailangan ko pala talaga itong harapin. Kailangan ko pala talaga itong tanggapin—tanggapin na ito’y parte ng aking pagkatao.
Hindi ko pala ito kalaban. Hindi ko pala ito dapat katakutan. Isa pala ito sa dahilan sa kung sino ako ngayon. Ang aninong pilit kong tinatakasan ang siya palang humulma sa akin.
Huminga ako nang malalim, yakap ang aking anino. Pilit iniisip ang mga aral na natutunan ko mula rito.
Maya-maya’y nabasag ang katahimikan sa tilaok ng manok. Pa-umaga na pala. Humiga na akong muli, bitbit ang mga aral na aking nabulay. Oo nga, pansamantala lang ang alas-tres. Habang ang aking anino’y kasama ko bente-kwatro oras. Pumikit ako ng may magaan na pakiramdam at may pagnanais na magpatuloy, dala ang aking anino hindi bilang pasanin, kundi bilang paalala na kaya kong harapin ang aking sarili, anuman ang makita ko sa dilim.
My heart raced as the baby’s face contorted, revealing something monstrous beneath the guise of innocence. The creature writhed in my arms, twisting into an abomination—an echo of a life that should have been, a life marked by loss. It was a dark reflection of my past, a revenge born from regret.
I stumbled back, terror flooding my veins. The weeping had become a cacophony of rage and sorrow, a primal scream that reverberated through the cemetery. I realized then that this was not merely a lost child; it was the embodiment of my choices, the haunting reminder of what I had forsaken.
As I backed away, the creature lunged, its wails resonating with a vengeance I could not escape. The weight of my decisions bore down on me, an unrelenting reminder of the life I had denied. In that moment, I understood: it would never let me go. I had awakened a darkness that sought its due, and in the silence of the cemetery, I was left to confront the monstrous echoes of my past.
Iya
Halloween. My favorite time of the year.
As I was getting ready to head over to my friend Maya’s house, there was a knock at the door. On the other side, I heard the neighborhood kids uttering the same phrase every night this time of year, “Trick or treat!”
What a nuisance.
I waited for a few moments in hopes of the kids leaving, but to my dismay, another round of knocks hit my door, more insistent this time.
I opened the door and told the kids to go away. Two of the kids frowned, while one of them stared at me and smiled. It was oddly unsettling.
“Have you ever heard of Bloody Mary?” he said, smiling.
I didn’t respond and just waited for him to continue.
“She’s waiting for you,” said the boy as he giggled with the other kids.
Wait, what?
Was it a coincidence? Probably. These kids have nothing better to do, anyways.
I looked up at the pendulum clock suspended from the ivory-colored walls. 10:58. That’s odd. Why would the kids be out at this time? And with no adult? Oh well. As far as I’m concerned, I have no time left to waste. I had to leave now.
My friends and I planned on summoning Bloody Mary months before winter made its fall. Attending the annual Halloween festival here in Eldritch was getting boring. We wanted to do something that would really spook us. Just the idea of it strikes me with excitement.
Evan, the superstitious one of the group, told us stories about a girl named Mary Worth. Her beauty was unquestionable, until she got into an accident one fateful night. She became so disfigured that people were horrified when they saw her. Even Mary herself was forbidden from seeing her own reflection.
But as they say, curiosity killed the cat.
The girl could not take it any longer and decided to sneak into a room with a mirror while everyone was asleep. Lo and behold, she was horrified at what stood before her. Her own image petrified her. Mary was desperate to get her old appearance back, so she walked into the mirror and vowed that anyone who tried to find her would suffer the same fate.
But Evan says a lot of things. Would I really believe that some girl walked into a mirror because she missed her face? What a joke. Nonetheless, I would much rather pick summoning a legendary she-demon than go to some lousy festival.
As I arrived at the doorstep, I looked at the time on my phone. 11:23. Good. That leaves us enough time to prepare before midnight.
“Hey, you made it!” Maya greeted me.
“Yeah, I’m sorry I’m a bit late. Some kids were still trick or treating,” I replied.
“At this hour?”
“Same thought,” I shrugged, “And the weird thing is that one of them said Bloody Mary was waiting for me,”
“Huh? Did they know what we were planning on doing tonight?” Maya asked.
“Of course not. They were probably just messing around.” I replied.
As I made my way to the living room, I saw the others already gathered around the table. There were four of us in total. Evan and Lara waved at me as I walked towards them.
“It’s about time you showed up,” Evan remarked, sarcastically.
“How about we just start the ritual? It’s almost 12 midnight and we haven’t done anything yet,” scolded Lara.
We made our way to the bathroom which was adorned with faded floral wallpaper. A cathedral mirror hung slightly above the sink. Maya and I lit a few candles and placed them near the sink as Lara switched off the lights.
“Are we sure about this? There’s no turning back,” Evan asked.
We all agreed in unison. No one was backing out.
We formed a circle and started chanting.
“Bloody Mary, Bloody Mary, Bloody Mary.”
Silence.
“Bloody Mary, Bloody Mary, Bloody Mary.” we repeated.
The air was filled with anticipation as the temperature dropped. A cold breeze swept through the bathroom, blowing out all the candles but one. We were not alone.
Suddenly, a figure appeared in the mirror. It was a pale woman with hollow eyes, a white gown, and blood-stained cheeks. Her mouth was agape, and though her eyes were void, it felt as if she was piercing through my soul. She looked absolutely horrifying.
Lara screamed and ran out of the bathroom. Maya just stood there, almost fascinated. She was stepping closer to the mirror by the second.
I was paralyzed. I wanted to pull Maya back, but I couldn’t. It was like the apparition was drawing me in, closer and closer. I finally snapped out of it when I heard Evan scream.
“Maya! Get back!”
The entity disappeared. The room was still dark, but it was quiet. Oddly quiet. It was only the three of us in the bathroom at that point. Lara was gone, and we just stood there in shock.
I went towards the switch to turn the lights on, but it wasn’t working. I tried to open the door but it wouldn’t budge, either. We were trapped.
Suddenly, another gush of cold wind passed and extinguished the remaining candle. We were in complete darkness now. I felt something grab my shoulder from behind and I jumped. Out of fear, Evan grabbed a nearby object and threw it at the mirror to break it. He was losing it.
That’s when I saw Mary’s figure reaching out to Maya from behind. I yelled her name as I grabbed a glass shard from the floor and lunged at the white-clothed woman.
Silence fell.
Evan was able to turn the lights on, and what I saw before me would forever haunt me.
Maya was dead.
She was lying lifeless with blood pooling around her. I looked at my bloody hands as I saw my own reflection on the glass shard I was holding. I killed her.
Evan’s face was pale, his eyes wide with horror. “What have you done?” he whispered, his voice trembling.
Before I could respond, Bloody Mary appeared in the cracked mirror, and it made my blood run cold. In that moment, my mind raced back to those children earlier. How did they know?
Mary’s figure slowly emerged from the mirror as it came closer to us. I grabbed Evan’s hand, and we ran towards the window. The adrenaline running through me caused me to break the lock and open the screen with my bare hands. I looked back at Evan and heard him scream as Mary grabbed him.
I wanted to go back for Evan, but I couldn’t. I didn’t. I was too afraid. I left him there. I had to save myself.
I took one last look at the house, crying, and I ran as fast as I could. I could never go back.
Halloween. I hated this time of the year.
It’s been a year, but the memory still haunts me. They ruled Maya and Evan’s death as accidents, and I never came forward. No one would believe me.
I looked at the clock. 10:58. I stepped outside into the cool night air, and I saw the same kids running down the street, giggling and shouting their familiar phrase, “Trick or treat!”
But now their laughters felt sinister; they were not just innocent children celebrating Halloween, they were harbingers of something darker.
And somewhere deep inside me lingered a chilling thought: Mary wasn’t just a story; she was real, and she would never truly be gone.
EDITORIAL BOARD AND STAFF 2024-2025
HIGHER EDITORIAL BOARD
John Exekiel De Guzman Editor-in-Chief
Bianca Santos Managing Editor for Administration
Sophia Bautista Managing Editor for Community Involvement Art Director
Jian Zharese Joeis Sanz Associate Editor
Ryan Carlo Gomez Managing Editor for Research and Development
Joshua Carvajal Senior Managing Editor for Finance
Juliana Mae Burgos Junior Managing Editor for Finance
SECTION EDITORS
Katherine Francisco News and Current Affairs Editor
Louis Joseph Briones Literary Editor
John Rommer Santos Web and Technology Editor
Yasmien Nicole Catacutan Features and Lifestyle Editor
Neil Carlo Zapanta Sports Editor
Janella Christine Carrillo Development Communication Editor
SECTION HEADS
Rajirine Cloe Destacamento Head Photojournalist
Jewelrose Benedicto Head Cartoonist
John Ivan Santiago Head Layout Artist
Kelliever Rimas Head Video Editor
Paolo Angelo
Charles Cabusao
Kiara Domingo
Aubrey Garcia
Mary Rose Joy Robles
Blessaint Rostata
Karylle France Tolentino
Paolo Miguel Duka
Jessie Claire Santos
Reigne Bernadette Dillena Liam Samiel Cabuguang
PHOTOJOURNALISTS
Jessica Lara Angeles
Vaugn Fenel Bendijo
Mico Cerbito
Gian Carlo Cortez
Vianne Marie Garcia
Mark Joshua San Pedro
Andrei France Tanig
Nikita Tenorio
Geanne Ashlee Gonzales
Lara Jayne Estonio
Gian Keith Victoria
Juhachi Chie Martin
Allen Byron Danganan
LAYOUT ARTIST
Jowee Benedict Pangilinan
CARTOONISTS
Sheenawin Queen Delos Reyes
Christina Doreen Geslani
Shawn Gabriel Silvino
VIDEO EDITORS
Judd Russel Asuncion
Lance Reginald Cruz
Josiah Raff De Guzman
Klein Gabriel Mariano
Mary Hannah Caryl Reyes
James Samuel Godoy