SUC III Olympics 2022 Special Issue

Page 1

COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

SUC III OLYMPICS 2022 Special Issue

Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng CLSU | FOR STUDENTRY: Equality

TARGET LOCKED. Pagsubok man ang training ngayong walang face to face, matagumpay na nasipat ng CLSU Men’s Archery Team ang panalo matapos makapasok sa top 5 sa lahat ng mga event sa nasabing laro. Naibandera ng Green Cobras ang unibersidad nang magtala ang team ng apat na parangal sa kabuuan. © JEROME CHRISTHOPHER MENDOZA

CLSU Team naguwi ng panalo sa Men’s Archery competition Jerome Christhopher Mendoza

N

aipanalo ng CLSU Men’s Archery Team ang lahat ng mga events na sinalihan ng koponan sa naganap na Virtual State Universities and Colleges (SUC) III Olympics 2022. Kabilang dito ang First Distance, Second Distance, Team Match Play at Olympic Round kung saan naipasok ng mga manlalaro sa Top 5 ang lahat ng kategoryang ito. Pasok sa Top 5 si Marcus Andrei Cipriano matapos masungkit ang pinakamataas na puntos sa Second Distance ng 70-m Men’s Division ng Archery, Abril 20. Bigo mang makapana ng pwesto sa unang round, bumawi si Cipriano matapos kumamada ng 285 kabuuang puntos dahilan upang makamit ang unang pwesto. “To be honest, I did not expect na makakasama pa ako sa Top 5, but I am grateful enough to be here. Until now I’m speechless and happy about the result,” ani Cipriano. Samantala, hindi rin nagpahuli sa team match play ng Men’s Archery ang mga pambato ng unibersidad kung saan nakapasok din ang mga manlalaro sa Top 5. p. 02

SUC III Olympics ginanap nang birtwal, kauna-unahan sa kasaysayan ng SCUAA Jerome Christhopher Mendoza at Noel Edillo

S

a kabila ng umiiral na pandemya, hindi nagpatinang ang State Colleges and Universities Athletics Association (SCUAA) III upang isagawa ang State Colleges and Universities (SUC) III Olympics na kauna-unahang ginanap virtually. Labingtatlong (13) unibersidad sa Gitnang Luzon ang lumahok sa nasabing Olympics na nagsimula noong ika-18 at nagtapos ng ika-22 ng Abril 2022. Pinangunahan ng Tarlac

Agricultural University (TAU) ang patimpalak na may temang “Reinventing Sporting Events in the New Normal” na siya ring nagsilbing host school ngayong taon. Ayon kay Dr. Max Guillermo, presidente ng TAU at chair ng SUC III Olympics, na ang nasabing pagtulak sa patimpalak ay pagpapakita ng ‘resilliency’ at ‘spirit of sportsmanship and camaraderie’ ngayong pandemic. “…If there is one thing that this global

crisis has taught us, it is the importance of maintaining our health and well-being. Thus, the SUC III Olympics is a powerful way of keeping ourselves fit and strong, ” ani Guillermo sa virtual opening ng SUC III Olympics. Dagdag naman ni Dr. Enrique G. Baking, chair ng Philippine Association of State Universities and Colleges Region III, hindi matitigil ng kahit anong pandemya ang paglikha ng makabagong p. 03 paraan sa larangang ng isports.

CLSU hindi nagpahuli sa SUC III Virtual Olympics Jezzer David Nava at Melorie Faith Dizon

P

ito sa walong sport events na nilahukan ng Central Luzon State University Green Cobras ang matagumpay na nakapwesto sa Top 5 sa kauna-unahang SUC-III Virtual Olympics na ginanap noong Abril 18-22. Wagi ang CLSU Men’s Archery Team matapos makapana ng pwesto sa Top 5 ng First Distance, Second Distance, Team Match Play at Olympic Round. Bagamat ngayong taon pa lamang inilunsad ang E-Sports sa SCUAA, hindi naman nag pahuli ang CLSU Women’s team sa Bracket A na makapasok sa Top 5 ng Mobile Legends: Bang Bang. Sinigurado ng CLSU Green Cobras Arnis Anyo sa parehong Men’s at Women’s team na makapasok sa Top 5 ng Single Weapon at Double Weapon. Samantala, nakakuha rin ng pwesto sa Top 4 ang isa sa pambato ng CLSU Women’s team sa Chess.

Nagpakitang gilas naman ang DanceSports team ng CLSU matapos makapasok sa top 5 sa iba’t ibang kategorya nito. Pasok ang kalahok ng Men and Women’s team ng Green Cobras sa Rumba, Jive at Cha-cha-cha. Hindi rin nagpahuli ang mga pambato ng Taekwondo Poomsae Men and Women’s Team na makasipa ng pwesto sa Top 5. Tagumpay rin na makakuha ng pwesto sa top 5 ang parehong Men at Women’s team sa Karatedo. Wagi ang koponan ng Green Cobras sa magkakaparehong kategorya ng Kata Team A, Kata Team B at Kihon. Ito man ang kauna-unahang SUC III Virtual Olympics, hindi naman ito naging hadlang upang maipakita ang talento ng mga estudyanteng atleta sa larangan ng pampalakasan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
SUC III Olympics 2022 Special Issue by CLSU Collegian - Issuu