Atang: Tradisyon ng Pag-aalay

Page 1

AUGUST 2021 | WIKA 1

ATANG: TRADISYON NG PAG-AALAY CHRISTEL JANELA BAPTISTA

Tuwing araw ng mga patay sa iba’t ibang bayan sa Ilocos Norte, bukod sa mga bulaklak at kandila, kaliwa’t kanan ang mga nagbebenta ng mga kakanin. Hindi para kainin, kung hindi para iaalay sa puntod ng mga yumaong kamag-anak. Sa mga Ilocano, tinatawag itong atang o panag-atang na kadalasan ay ginagawa para sa mga patay at para sa mga kaluluwang maaaring nasa paligid natin. Ito ay ang tradisyon ng pag-aalay ng pagkain sa mga altar o sa puntod ng mga patay. Sa Ingles, ito ay ang tinatawag na food offering. Ginagawa rin ang atang tuwing may mga malalaking okasyon (kadalasan pagkatapos magluto at bago kumain). Bukod pa rito, ginagawa rin ito para itaboy ang mga masasamang espiritu, para hindi magalit o maistorbo ang mga kaluluwa, o ‘di kaya ay para sa pagpapagaling ng isang taong pinaniniwalaang nakaistorbo ng mga kaluluwa o kahit ng mga nuno. Kadalasan ang mga atang ay binubuo ng mga kakaning gawa sa diket (sticky rice) at niyog na ibinabalot sa dahon ng saging, alak, sigarilyo o tabako, buwa (betel), at iba pang mga minatamis. Ngayon, bukod sa mga tradisyunal na mga isinasali sa atang, bawat pamilya ay naglalagay din ng mga pagkain o bagay na paborito ng yumao nilang kamag-anak. Sa amin, nagdadagdag kami madalas ng suman at soft drinks para sa lola naming namatay na. Kadalasan ay nag-aatang din kami ng barbeque o empanada na binibili sa mga tindahan sa tapat ng sementeryo. Ngunit, ang mga sumusunod na larawan ay ilan sa mga tradisyunal na ina-atang.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.