Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad

Page 92

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 5: Paglikas at Pamamahala sa Evacuation Center Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Makahalaw ng aral kaugnay ng paglikas bilang isang gawain sa paghahanda mula sa hersisyo ng disaster (disaster exercise or simulation) 2. Tukuyin ang ligtas na lugar na maaaring paglikasan para sa iba’t ibang bantang panganib 3. Sabihin ang mga kinakailangan sa pamamahala sa lugar na pinaglikasan o pansamantalang tirahan (evacuation center)

Pangunahing Ideya: 1. Ang paglikas ay maagap at organisadong pag-alis mula sa peligroso papunta sa ligtas na lugar. 2. Ang mga yugto sa paglikas ay sumasaklaw sa babala, atas ng paglikas, akwal na paglikas, pamamahala sa lugar na pinaglikasan o pansamantalang tirahan (evacuation center), pagbalik sa dati o paglipat sa panibagong tirahan. 3. Pinagtutulungan ang pamamahala sa evacuation center sa pamamagitan ng pagbubuo ng iba’t komite (gaya ng para sa pagkain, sa kalusugan, sa impormasyon at pakikipagugnayan, komite sa edukasyon, at sa seguridad).

Pamamaraan: Hersisyo (Disaster Exercise o Simulation), Lektura at Talakayan

Daloy: 1. Tagubilinan ang mga Kalahok hinggil sa papel nila sa Hersisyo. 2. Mga gabay na tanong pagkatapos ng Hersisyo: • Ano ang nangyari? • Ano ang naramdaman mo? Bakit? • Ano ang mga mahahalaw na aral? 3. Mula sa mga nangyari at nahalaw na aral sa ehersisyo, magbigay ng maikling lektura tungkol sa paglikas. Mag-umpisa sa depinisyon ng paglikas — maagap at organisadong pag-alis mula sa peligroso papunta sa ligtas na lugar. 4. Ipaliwanag ang mga dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng plano sa paglikas: • Tukuyin kung kailan dapat nang lumikas ang mga taga-komunidad. Ano ang mga lokal na indikasyon na dapat bantayan? Ano ang sistema para sa maagang Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

89


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.