Issuu on Google+

Gabay sa Pagsasanay sa Disaster Management

Lorna P. Victoria CENTER FOR DISASTER PREPAREDNESS


Kahandaan, Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad: Gabay sa Pagsasanay sa Disaster Management ni: Lorna P. Victoria Philippine Copyright Š 2003 ng Center for Disaster Preparedness Foundation Inc. ISBN 971-92365-2-3

Inilimbag ng:

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc. Room 813, 8th floor Ortigas Bldg. Ortigas cor. Meralco Avenue Ortigas Center, Pasig City Tel. Nos. (0632) 634-7281 Fax No. (0632) 631-9326 e-mail: cdp@info.com.ph website: www.cdp. org.h

Binibigyang pahintulot ng Center for Disaster Preparedness Foundation Inc. ang pagkopya o pagpaparami ng mga halaw mula sa aklat na ito sa kasunduang magbibigay ng karampatang pagkilala sa naglimbag.

Inimprenta sa Pilipinas ng: Final Proof Printing Inc., 971-E Aurora Blvd., Project 3, Quezon City


Gabay sa Pagsasanay sa Disaster Management

Lorna P. Victoria CENTER FOR DISASTER PREPAREDNESS


PAUNANG SALIT A ALITA Hindi biro ang gumawa ng isang manwal tungkol sa kaligtasan, katatagan at kaunlaran ng komunidad. Bagamat ang Center for Disaster Preparedness ay isang maliit na organisasyon, napakalaki ang pangarap naming makitang ligtas, matibay at maunlad ang mga komunidad sa Pilipinas. Kaya kami ay nangahas at nagsikap na bumuo ng gabay sa pagsasanay sa disaster management halaw sa aming karanasan sa pakikipagtulungan sa mga komunidad, mga NGO at sangay ng pamahalaan sa Pilipinas at ibang bansa. Naniniwala kami na mapaghahandaan ang mga panganib mula sa kalikasan at maiiwasan ang mga panganib na gawa ng tao sa pamamagitan ng paglahok ng mga taga-komunidad at pagpapaabot sa kanila ng tamang impormasyon at angkop na mga konsepto, pamamaraan at teknolohiya. Dahil ang manwal na ito ay pangunahing nakatutok sa mga Tagapagpadaloy ng pagsasanay kung paano aangkop at kikilos ang mga taga-komunidad, inaasahang mapaparami ang mga komunidad sa Pilipinas na aktibong lalahok sa pagpapataas ang kanilang kakayahan at sa pagpapababa ng pagkabulnerable sa mga pinsala ng panganib at disaster. Nilalayon ng gabay na ito na gawing tunay na disaster manager ang mga taga-komunidad. Bagamat ang pangunahing pananagutan sa disaster management (gaya ng sa iba pang batayang serbisyong panlipunan) ay na sa pamahalaan, ang paglahok ng mga taga-komunidad ay mahalaga sa kagyat at pangmatagalang pag-iwas at pagpapababa sa mga pinsala at paghihirap. Ang manwal ay pangunahing binubuo ng limang bahagi o modyul. Ang unang modyul tungkol sa pagsusuri ng kalagayan sa komunidad at Pilipinas ay tuntungan sa pag-unawa sa mga batayang konsepto sa usaping disaster at disaster management na tinatalakay sa pangalawang modyul. Sa pangatlong modyul, idinidiin ang masinop na paghahanda at iba pang gawain ng komunidad katuwang ang iba pang gumaganap sa disaster management sa pagbawas ng peligro sa disaster. Ang ikaapat na modyul ay nakapatungkol sa paghahanda ng mga angkop na serbisyo sa panahon ng emergency. Ang pagbubuo ng isang plano ng komunidad sa pamamahala sa disaster (counter disaster plan, disaster risk management plan, disaster management action plan) at organisasyon sa komunidad na tututok sa gawaing disaster management ang paksa ng ikalimang modyul. Nasa simple at madaling sundan na pormat ang manwal. May mga larawan o icon para sa layunin ng modyul at sesyon, pangunahing ideya, pamamaraang maaaring gamitin, daloy sa pagtalakay sa paksa, mga kailangang gamit, nakalaang oras, tip at sanggunian para sa tagapagpadaloy, at ilang babasahin o hand-out para sa mga kalahok. Ang manwal ay kapaki-pakinabang sa mga organisasyon at indibiwal sa komunidad at mga nakikipagtulungan sa kanila sa disaster management at iba’t ibang larangan sa gawaing kaunlaran. Ang manwal na ito ay handog namin sa lahat ng naniniwala sa kahalagahan ng pagsasanay sa pagpapataas ng kakayahan para maiwasan ang disaster.

Zenaida Delica-Willison Eufemia Castro-Andaya CDP Board of Directors


PAS AS AL AMA T ASAS ASAL ALAMA AMAT Kay Lorna P. Victoria, isa sa mga nagtayo ng Center for Disaster Preparedness, sa pagtitiyaga sa pagsusulat ng manwal na ito mula sa mayamang karanasan ng Center for Disaster Preparedness (CDP) at personal na pakikilahok sa pagsasanay at pakikipagtulugan sa mga komunidad sa disaster management; Kay Malu F. Cagay, Ritz C. Santos, Mayfourth D. Luneta, mga tagasanay at tagapagpadaloy ng mga iba’t ibang pagsasanay sa mga komunidad, NGO at lokal na pamahalaan; Kay Labrador P. Victoria sa tulong sa pag-edit at kay Karla P. Victoria at Jelyne F. Geleone para sa ilang gawaing teknikal; Sa 13 kinatawan ng mga sumusunod na organisasyon sa kanilang pagdalo sa participatory editing ng “Dumating Man Ang Unos…”, (unang komiks na inihanda ng CDP) at ng inisyal na handbook sa paghahanda na pinagsimulan ng gabay sa pagsasanay sa disaster management: Buklod Tao, Caritas Manila, Binhi ng Pag-asa, CONCERN, KPDBataan, Balikatan, PSALMS- World Vision Area Development Program Bataan, at St. Anne Vicariate of Taguig; Sa Asian Disaster Preparedness Center sa Bangkok sa pagpapalaganap ng mga angkop na konsepto, pamamaraan at teknolohiya sa disaster management at pagtitiwala sa CDP na maging bahagi ng grupo sa pagbalangkas ng kurso sa community based disaster management; Sa mga organisasyon at indibidwal na kasapi ng Philippine Disaster Management Forum sa pagsusulong ng community based disaster management. Partikular na baggit sa World Vision Development Foundation Inc. para pagpapagamit sa ilang ritrato at sa Citizens’ Disaster Response Center para mga drowing at ilang karanasan sa citizenrybased development oriented disaster management na pinagbatayan ng mga unang pagsasanay namin sa disaster management; Sa mga organisasyon at 602 kalahok na naging ka-partner ng CDP sa iba’t ibang pagsasanay sa Luzon sa proyektong “Improvement of Community Based Disaster Management in Selected Regions in the Philippines”; Sa Japanese Embassy sa pamamagitan ng Grant Assistance for Grassroots Projects in the Philippines sa pagpondo sa mga pagsasanay para mapataas ang kakayahan sa disaster management ng piling komunidad sa Luzon at sa pagpapalaganap ng community based disaster management sa pamamagitan ng gabay sa pagsasanay.

Zenaida Delica-Willison Eufemia Castro Andaya CDP Board of Directors


nilalaman Paunang Salita Pasasalamat

Pagsisimula MODYUL

5

1:

K AL AGA YAN SSA A AMING LLUGAR UGAR ALAGA AGAY

27

Mga Disaster at Panganib sa Aming Komunidad Mga Disaster at Panganib sa Pilipinas

28 31

2:

MGA BA TAYANG K ONSEPTO SSA A DIS ASTER MANAGEMENT BAT KONSEPTO DISASTER

39

Panganib, Pagkabulnerable, Kakayahan at Disaster Disaster Management: Ang Panlaban ng Komunidad Nagbabagong pananaw sa disaster management

40 48 59

3:

MGA GA WAIN SSA AP AGHAHAND A SSA A DIS ASTER GAW PAGHAHAND AGHAHANDA DISASTER

68

Pagsusuri sa Panganib, Pagkabulnerable at Kakayahan Pagtukoy ng mga Gawain sa Pagbawas sa Peligro sa Disaster ng Komunidad Kaalamang Pampublika Sistema para sa Maagang Babala Paglikas at Pamamahala sa Evacuation Center

69 78 84 87 89

4:

MGA P AR TIK UL AR NA GA WAIN SSA AP ANAHON PAR ARTIK TIKUL ULAR GAW PANAHON NG EMERGENC Y EMERGENCY

94

Pagsusuri ng Pinsala, Pangangailangan at Kakayahan Mga Angkop na Serbisyo sa Panahon ng Emergency at Pagbigay ng Relief Emergency Operations Center

95 104 108

PL ANO A T ORGANIS ASY ON SSA AP AGHAHAND A PLANO AT ORGANISASY ASYON PAGHAHAND AGHAHANDA AT PAGHARAP SSA A DIS ASTER DISASTER

114

Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa mga Disaster Pagbubuo at Pagpapalakas ng Organisasyon sa Pamamahala sa mga Disaster Koordinasyon at Pakikipag-ugnayan Action Planning

115 122 128 134

SESYON 1: SESYON 2:

MODYUL

SESYON 1: SESYON 2: SESYON 3:

MODYUL

SESYON SESYON SESYON SESYON SESYON

MODYUL

1: 2: 3: 4: 5:

SESYON 1: SESYON 2: SESYON 3:

MODYUL

5:

SESYON SESYON SESYON SESYON

1: 2: 3: 4:

PAG TATAPOS AGT

137


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

PAGSISIMULA Layunin: 1. 2. 3. 4. 5.

Opisyal na buksan ang pagsasanay; Ipakikilala ang mga Kalahok at Tagapagpadaloy o Training Team sa isa’t isa; Ilabas ang inaasahan ng mga Kalahok; Magkaisa sa layunin, mga paksa at daloy ng pagsasanay; at Maitakda ang teknikal na kaayusan gaya ng iskedyul, host teams, house rules, atbp.

Mga Gawain sa Pagsisimula: 1. 2. 3. 4. 5.

Pagbubukas na Programa Pagpapakilala Mga Inaasahan Disenyo ng Disaster Preparedness Training Teknikal na Kaayusan

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

5


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

PAGBUBUKASNAPROGRAMA Layunin: 1. Opisyal na pagbubukas ng Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster o Disaster Preparedness Training; at 2. Malugod na pagtanggap at pasasalamat sa mga Kalahok at kinabibilangang organisasyon sa pagpapahalaga sa pagdalo sa pagsasanay

Pamamaraan: Maikling programa Nilalaman: 1. Panalangin at Pambansang Awit 2. Mainit na pagbati at pasasalamat sa mga Kalahok at mga organisasyon nila sa pagpapahalaga sa gawaing paghahanda sa disaster at sa pagdalo sa pagsasanay. 3. Pambungad na Pananalita at mga Mensahe ng mga namumuno sa organisasyon, komunidad, at/o lokal na pamahalaan

Daloy: 1. Ang grupong nag-organisa ng pagsasanay ang pangunahing responsable sa programa sa pagbubukas. 2. Piliin at imbitahin ang mga magbibigay ng Pambungad na Pananalita at mga maiikling Mensahe. 3. Ayusin ang ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain at magsasalita.

Mga Kailangan: 1. Imbitasyon sa mga magsasalita at panauhin 2. Paghahanay ng mga gawain at tagapagsalita

Oras: 15 minuto Tip sa Tagapagpadaloy: Makakapagpalapad ng suporta sa gawaing paghahanda sa disaster ang pag-imbita ng mga panauhin para magbigay ng Mensahe sa simula ng pagsasanay. Kung ‘di sa pagbubukas, maaaring mag-imbita sa pagtatapos o sa ilang sesyon ng pagsasanay.

6

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

PAGPAPAKILALA Layunin: 1. Maalaala ang pangalan ng mga Kalahok at Tagapagpadaloy o Training Team; at 2. Makapagpalagayang-loob ang mga Kalahok at Tagapagpadaloy

Pangunahing Ideya: 1. Pangalan, edad, tampok na katangian 2. Organisasyon, gawain sa organisasyon

Pamamaraan: “Siya Si…, Ikaw Si…, Ako Si…” o “Saluhin Mo Ako”

Daloy: 1. Hingin na ipakilala ng bawat Kalahok ang sarili niya sa grupo. Bukod sa pangalan, banggitin din ang organisasyon, gawain, edad at tampok na katangian na nais matandaan ng grupo tungkol sa kanya. 2. Kung dati nang magkakakilala ang mga Kalahok, hingin kung ano ang nararamdaman nila sa pagdalo sa pagsasanay at bakit. 3. Gumamit ng mga laro. “Siya Si…, Ikaw Si…, Ako Si…” Ihanay ang mga Kalahok nang pabilog o pa-U. Ang magsisimula sa pagpapakilala ay sasabihin ang kanyang pangalan at tampok na katangiang nais matandaan ng iba. Ang susunod ay magpapakilala ng sarili sa grupo at sa nagsimula. Ang mga susunod ay magpapakilala ng sarili at ng mga nauna sa kanya hanggang mabuo ang bilog o matapos ang hanay. Maaaring bigyan ng parusa ang mga hindi nakatanda ng pangalan ng mga naunang nagpakilala. Gayundin, puwedeng bigyan ng premyo ang nakaalala ng lahat ng pangalan. 4. “Saluhin Mo Ako” Ang may hawak ng bola (maaari ring gumamit ng dalandan o binilot na papel) ang magpapakilala ng sarili niya sa grupo (pagsabi ng pangalan, gawain sa organisasyon at ano ang nararamdaman sa pagdalo sa pagsasanay sa paghahanda sa disaster). Ipapasa ng may hawak ng bola sa susunod na gusto niyang magpakilala hanggang sa matapos ang lahat. Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

7


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

5. Banggitin na mapapalalim pa ang pagkilala sa isa’t isa sa proseso ng pagsasanay. Tuntungan din ang palagayang-loob ng mga Kalahok sa pagbubuo ng mahusay na koordinasyon ng mga organisasyon. 6. Pagtapos ng pagpapakilala, maglaan ng ilang sandali para bigyan ng pagkakataon ang mga Kalahok na nais palitan ang pangalang nakalagay sa Name Tag ng kanilang palayaw o palatandaan.

Mga Kailangan: 1. Name Tag 2. Isang maliit na bola o dalandan o binilot na papel para sa larong “Siya Si…, Ikaw Si…, Ako Si…”

Oras: ½ oras Tip sa Tagapagdaloy: Ang paggamit ng mga laro ay nakakatulong para makapalagayang-loob sa isa’t isa ang mga Kalahok at Tagapagpadaloy o Training Team.

CDP

Disaster Management Workshop Barangay Kulis, Hermosa, Bataan September 15-16, 2000

8

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MGA INAASAHAN Layunin: 1. Ilahad ng bawat Kalahok ang mga inaasahan sa Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster o Disaster Preparedness Training (DPT); at 2. Matukoy ang mga bagay na makakatulong o makakasagabal sa kanilang paglahok at pagkatuto

Pangunahing Ideya: 1. 2. 3. 4.

Ano ang mga inaasahan mong matutunan sa DPT? Ano ang mga bagay na makakatulong sa iyong pagkatuto at masiglang paglahok? Ano ang makakasagabal dito? Ano ang iyong maiaambag para sa matagumpay na pagsasanay?

Pamamaraan: “Sama-sama sa Bus Stop” o “Board Work” at Talakayan

Daloy: 1. Kung malaki ang grupo. “Sama-sama sa Bus Stop” Maghanda ng apat na pirasong manila paper o kraft paper para sa bawat tanong sa Pangunahing Ideya . Ang iba’t ibang bahagi sa silid-aralan kung saan ipapaskil ang mga papel ay ang mga Bus Stop. Lagyan ng numero 1 hanggang 4 ang bawat Bus Stop. Gumawa ng apat na tiket – 1234, 2341, 3412 at 4123. Hatiin ang grupo sa apat. Bigyan ng tig-isang tiket ang bawat grupo. Pupuntahan at isusulat ng grupo ang kanilang sagot sa tanong sa bawat Bus Stop ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga Bus Stop sa tiket nila. Pagkatapos ng lahat ng grupo, talakayin ang mga sagot. Pagkaisahin ang grupo na gawin at ipatupad ang mga bagay na magpapadulas ng kanilang bahaginan at pagkatuto at iwasan ang mga sagabal. Gayundin, bigyan ng pansin ang mga natukoy na maiaambag para sa tagumpay ng pagsasanay. 2. Kung maliit lang ang grupo. “Board Work” Maghanda ng manila paper para sa bawat tanong: Ano ang inaasahan mo mula sa pagsasanay? Ano ang mga bagay na makakatulong sa iyong pagkatuto at masiglang paglahok? Ano ang mga sagabal? Ano ang iyong maiaambag para sa matagumpay na pagsasanay?

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

9


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Mamahagi ng papel o meta cards sa apat na kulay (hal. dilaw, pink, light green, light blue) sa mga Kalahok. Ipasulat ang mga sagot nang gumagamit ng isang kulay lang para sa bawat tanong. Ipadikit sa mga Kalahok ang kanilang mga sagot sa mga manila paper. Talakayin ang mga sagot at tukuyin kung alin sa mga inaasahan ang hindi saklaw ng pagsasanay sa paghahanda sa disaster. Pagkaisahin ang grupo na ipatupad ang mga bagay na makakatulong sa kanilang bahaginan at pagkatuto. Iwasan naman ang mga sagabal. Gayundin, bigyang pansin ang mga natukoy na maiaambag para sa tagumpay ng pagsasanay.

Mga Kailangan: Manila paper, mga papel na may kulay, pentel pen, masking tape

Oras: ½ oras Tip sa Tagapagdaloy: 1. Sa lugar na may panganib na armadong labanan, maaaring “Checkpointâ€? ang tawag sa panimulang gawain. 2. Sa sesyong ito makukuha ang datos para sa disenyo ng pagsasanay dagdag pa sa ginawang Traning Needs Assessment.

Sanggunian: Pagsusuri ng Pangangailangan sa Pagsasanay o Training Needs Assessment Form

10

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Center For Disaster Preparedness DISASTER PREPAREDNESS TRAINING PAGSUSURI NG PANGANGAILANGAN SA PAGSASANAY NG KALAHOK (PARTICIPANT TRAINING NEEDS ANALYSIS) •

Impormasyong Personal: Pangalan:_________________________________________Kasarian:_________ Edad: _______________________Katayuang Sibil: _________________ Tirahan:___________________________________________________________ Trabaho:__________________________________________________________ Antas ng Edukasyon: Elementary ( ) High School ( ) College ( ) Vocational ( ) •

Organisasyon:

Pangalan ng Organisasyong Kinabibilangan:_________________________________ Tagal na sa Organisasyon:_______________________________________________ Posisyon sa Organisasyon: ______________________________________________ Gawain sa Organisasyon at Komunidad: ____________________________________ _____________________________________________________________________

• Mga Pag-aaral/Pagsasanay na Dinaluhan: Titulo ng Pagsasanay Ahensyang Nag-sponsor

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Petsa / Taon

11


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

IV. Karanasan sa Gawaing Pamamahala sa Disaster Halimbawa: Paglikas, pagbigay ng relief, search & rescue, first aid, pagkuha ng datos ng pinsala, pangangalap ng suporta, pagtulong sa nasunugan o nabahaan, atbp. kaugnay na gawain (tukukyin). Gawain

•

Disaster

Petsa

Lugar

Inaasahang Matututunan sa Pagsasanay 1 2 3 4 5

VI. Mungkahi at/o sa Pagdalo sa Pagsasanay 1 2 3 4 5

Lagda ______________________________ Petsa: ________________________ 12

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Center For Disaster Preparedness DISASTER PREPAREDNESS TRAINING PAGSUSURI NG PANGANGAILANGAN SA PAGSASANAY NG ORGNISASYON (ORGANIZATIONAL TRAINING NEEDS ANALYSIS) (paalala: kung may nakahanda ng profile ay ilakip na lamang ito at sagutin na lang ang mga aytem na wala pa sa profile)

ORGANISASYON:___________________________________________________ ADDRESS: __________________________________________________________ CONTACT PERSON: _________________________________________________ TELEPONO: ________________________________________________________ •

Maikling Kasaysayan sa Pagbubuo at Layunin ng Organisasyon (Brief Organization History, Vision, Mission, Goals)

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ •

Saklaw ng Programa ng Organisasyon Lalawigan

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Bayan/Lungsod

Mga Barangay

13


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Center For Disaster Preparedness DISASTER PREPAREDNESS TRAINING PAGSUSURI NG PANGANGAILANGAN SA PAGSASANAY NG ORGNISASYON (ORGANIZATIONAL TRAINING NEEDS ANALYSIS) (paalala: kung may nakahandang profile ay ilakip ito at sagutin na lang ang mga aytem na wala sa profile)

ORGANISASYON:___________________________________________________ ADDRESS: __________________________________________________________ CONTACT PERSON: _________________________________________________ TELEPONO: ________________________________________________________ •

Maikling Kasaysayan sa Pagbubuo at Layunin ng Organisasyon (Brief Organization History, Vision, Mission, Goals)

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ •

Saklaw ng Programa ng Organisasyon Lalawigan

14

Bayan/Lungsod

Mga Barangay

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

D. Mga Programa/ Serbisyo at Istruktura ng Organisasyon •

Mga Programa at Serbisyo

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ •

Istruktura ng Organisasyon (iguhit sa ibaba o ilakip)

E. Mga Pagsasanay Kaugnay ng Disaster Management na Nadaluhan Titulo ng Pagsasanay

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Petsa/Taon

Sponsor/Tagapagpadaloy

15


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

F. Mga Pagsasanay Kaugnay ng Disaster Management na Inorganisa ng Organisasyon Titulo ng Pagsasanay

Petsa/Taon

Mga Partner at Kalahok

G. Ano ang mga problemang kinakaharap ng inyong organisasyon kaugnay ng pagbibigay ng mga serbisyo sa disaster management sa mga ka-partner na komunidad at organisasyon? ( bago dumating ang disaster, sa panahon ng emergency, sa pagbangon)

H. Ano ang mga isyu/problema na nais ng organisasyon na tugunan ng pagsasanay?

I. Inaasahan Mula sa Pagsasanay?

Prepared by: _______________________________ Position: __________________________________ Date: _____________________________________ 16

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

DISENYO NG DISASTER PREPAREDNESS TRAINING Layunin: 1. Magkaisa sa layunin, nilalaman, pamamaraan at iskedyul ng Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster o Disaster Preparedness Training (DPT); at 2. Tukuyin kung alin sa mga inaasahan ng mga Kalahok ang matutugunan sa pagsasanay at kung paano

Pangunahing Ideya: 1. Limang Modyul Modyul 1: Modyul 2: Modyul 3: Modyul 4: Modyul 5:

Ang Kalagayan sa Aming Lugar Mga Batayang Konsepto sa Pamamahala sa Disaster Mga Gawain sa Paghahanda sa Disaster Mga Partikular na Gawain sa Panahon ng Emergency Plano at Organisasyon sa Paghahanda sa mga Panganib at Disaster

2. Paggamit sa pagsasanay ng iba’t ibang pamamaraan na ginagabayan ng prinsipyong matuto habang ginagawa o “learning by doing”. 3. Kasama sa disenyo ng pagsasanay na mag-enjoy ang mga Kalahok habang natututo.

Pamamaraan: Talakayan

Daloy: 1. Ikumpara ang mga inaasahan ng mga Kalahok sa ginawang Pagsusuri ng Pangangailangan sa Pagsasanay (Training Needs Assessment) at inihandang programa para sa pagsasanay (Training Design). Kung kinakailangan, gumawa ng mga angkop na pagbabago sa programa. 2. Ilahad ang mga pangkalahatan at partikular na layunin ng pagsasanay. Ipaliwanag ang paksang tatalakayin, mga pamamaraang gagamitin, at iskedyul. Ang limang modyul ay tatalakayin sa loob ng 3 araw. Sasaklawin ang Modyul 1 at 2 sa unang araw at ang Module 3 sa pangalawang araw. Ang Modyul 4 at 5 ay tatalakayin sa ikatlong araw ng pagsasanay. 3. Bigyan diin na sa Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster, ‘di lang makikinig ang mga Kalahok sa mga lektura mula sa mga Tagapagpadaloy, pero sama-sama nilang susuriin ang kanilang komunidad at gagawa ng mga plano para sa kaligtasan ng mga buhay at ari-arian. Bilang gabay, ang mga Tagapagpadaloy ay magbabahagi ng mga konsepto,

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

17


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

teknolohiyang angkop, at mga karanasan ng ibang komunidad sa paghahanda sa disaster. 4. Ang pangunahing prinsipyong gumagabay sa pagpili ng mga pamamaraan pagsasanay ay matuto habang gumagawa o “learning by doing�. Pagkatapos pagsasanay, inaasahang kayang gawin ng mga Kalahok ang mga gawain paghahanda. Gayundin, inaasahang kaya nilang ibahagi ang mga natutunan kanilang mga kasama sa komunidad.

sa ng sa sa

5. Banggitin din na isinaalang-alang sa disenyo ng pagsasanay na mag-enjoy ang mga Kalahok habang natututo.

Mga Kailangan: Training Design o Training Program

Oras: ½ oras

Tip sa Tagapagdaloy: 1. Kung hindi kakayanin ng mga Kalahok ang tuloy-tuloy na 3 araw para sa pagsasanay, maaaring gawing putol-putol o staggered ang iskedyul. Tiyakin na kahit sa isang araw lang na pagsasanay may nakukuha nang gabay sa paghahanda. Ang Modyul 1- 2 at pahapyaw na pagtalakay sa Modyul 3 at 5 ay maaaring tawaging Oryentasyon sa Pamamahala sa Disaster o Disaster Management Orientation. Ang Modyul 3 at pahapyaw sa Modyul 5 ang isunod. Ang huling iskedyul ay nakalaan naman para sa Module 4 at 5. Kung staggered ang iskedyul ng pagsasanay, tiyakin na may rebyu ng mga natalakay na bago simulan ang nakatakdang Modyul. 2. Batay sa resulta ng Training Needs Assessment, maaaring magdagdag o magbawas ng mga paksang tatalakayin. Maaari ring maglaan ng mas mahabang oras sa mga paksang kailangangang bigyang diin. 3. Sa pagpili sa pamamaraang gagamitin sa pagsasanay, isaalang-alang na ayon sa mga bagong pananaliksik, natatandaan ng mga tao ang 20% lamang ng naririnig nila, 40% ng naririnig at nakikita, at 80% ng tinutuklas nila sa sarili o ginagawa nila.

Hand-Out: Disenyo ng Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster

Sanggunian: Halimbawa ng Disenyo ng Pagsasanay sa paglunsad ng DPT sa komunidad sa Antipolo

18

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

DISENYO NG PAGSASANAY SA PAGHAHANDA SA DISASTER (Disaster Preparedness Training Design ) Mga Modyul PAGSISIMULA

Paksa/Sesyon PAGSISIMULA Pagbubukas na Programa Pagpapakilala Mga Inaasahan Disenyo ng Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster Teknikal na Kaayusan

MODYUL1

KALAGAYANSAAMINGLUGAR Mga Disaster At Panganib sa Aming Komunidad

Mga Disaster At Panganib sa Pilipinas MODYUL2 MGABATAYANGKONSEPTOSA PAMAMAHALASADISASTER Panganib, Pagkabulnerable, Kakayahan at Disaster Disaster Management: Ang Panlaban ng Komunidad Mga Nagbabagong Konsepto sa Disaster Management MODYUL3 MGAGAWAINSAPAGHAHANDASA DISASTER Pagsusuri sa Panganib, Pagkabulnerable at Kakayahan ng Komunidad (Hazard Vulnerability Capacity Assessment) Pagtukoy ng mga Gawain sa Pagbawas sa Peligro sa Disaster (Disaster Risk) ng Komunidad Kaalamang Pampubliko Sistema Para sa Maagang Babala Paglikas at Pamamahala sa Evacuation Center MODYUL4 MGAPARTIKULARNAGAWAINSA PANAHONNGEMERGENCY Pagsusuri sa Pinsala, Pangangailangan at Kakayahan(Damage Needs Capacity Assessment) Mga Angkop na Serbisyo at Gawain sa Panahon ng Emergency at Pagbigay ng Relief Emergency Operations Center Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Pamamaraan

Oras na Nakalaan

5 sesyon Maiksing Programa “Siya Si, Ikaw Si, Ako Si…” o “Saluhin Mo Ako” “Bus Stop” o “Board Work” Talakayan

2 oras 15 minuto 30 minuto

Talakayan

15 minuto

2 sesyon Gawain ng Maliliit na Grupo at Mapanlikhang Pag-uulat – Spot Map at Katangian, Kabuhayn at Kaugalian; Time Line & Seasonal Calendar; Hazard Map; Vulnerability Map, Resources Map, Skit/Drama o Panayam “Exhibit”, Lektura at Talakayan

2.5 oras 1.5 oras

3 sesyon

2 oras

“Debate”, Lektura at Talakayan

30 minuto

“Kaya Mo Ito!”, Lektura at Talakayan

1 oras

“Ito ang Magkakasama”, Lektura at Talakayan

30 minuto

4 sesyon

8 oras

“Nakikita Ba Ninyo ang Nakikita Ko?”, Gawain ng Maliliit na Grupo, Lektura at Talakayan

3 oras

Pangarap Para sa Aming Komunidad, Lektura at Talakayan

1 oras

Lektura at Talakayan, “Mahusay Ito Pero…”, Gawain ng Maliliit na Grupo Lektura at Talakayan Hersisyo ng Disaster, Lektura at Talakayan

1 oras

6 sesyon

4 oras

Hersisyo ng Disaster Lektura at Talakayan

1.5 oras

“Emergency!”, Lektura at Talakayan

1.5 oras

30 minuto 30 minuto

1 oras

1 oras 2 oras

“Kaya Natin Ito!”, Lektura at Talakayan 1 oras

19


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Karugtong

DISENYONGPAGSASANAYSAPAGHAHANDASADISASTER (Disaster Preparedness Training Design ) Mga Modyul

Paksa/Sesyon

MODYUL5

PLANOATORGANISASYONSAPAGHAHANDA ATPAGHARAPSA DISASTER Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa mga Disaster Pagbubuo at Pagpapalakas ng Organisasyon sa Pamamahala sa Mga Disaster sa Komunidad Koordinasyon at Pakikipag-ugnayan Action Planning

PAGTATAPOS

20

PAGTATAPOS Ebalwasyon Pagtatapos na Programa

Pamamaraan

Oras na Nakalaan

4 sesyon

4 oras

“Isa,Dalawa, Tatlo…Handa na Tayo!”, Lektura at Talakayan “Bawat Isa Ay Mahalaga!”, Lektura at Talakayan

1.5 oras 1 oras 1 oras

“Kapit-bisig”, Lektura at Talakayan Gawain ng Maliliit na Grupo, Talakayn 2 sesyon

1.5 oras 45 minuto 15 minuto 20 minuto

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

DISENYO NG PAGSASANAY Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster (Disaster Preparedness Training) Petsa Lugar Mga Kalahok

: : :

Hunyo 13 at 16, 2002 Barangay Calawis, Antipolo Mga miyembro ( 36) ng Grassroots Disaster Response Machinery (GDRM) - Calawis

Layunin ng Pagsasanay: Mabigyan ng oryentasyon hinggil sa gawaing pamamahala sa disaster para maging organisado at sistematiko ang pagharap ng Barangay Calawis sa pangunguna ng GDRM- Calawis sa panahon bago dumating, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster. Petsa/Araw

Layunin

Unang Araw

Pagkatapos ng dalawang araw na pagsasanay, inaasahan na ang mga kalahok ay: · Magkaroon ng pagbalik-tanaw sa “pangarap ng Barangay Calawis” na ginawa noong huling pagpupulong. · Makagawa ng inisyal na Pagsusuri ng Panganib Kakayahan at Pagkabulnerable ng komunidad. (HCVA - Hazard, Capacity Vulnerability Assessment). · Maipaliwanag ang kalagayan ng Calawis bilang Watershed Area sa batas, sa usaping Pag-iingat ng Kalikasan · Matukoy ang bahagi ng bawat isa bilang katiwala ng pangangalaga ng kapaligiran. · Maipaliwanag ang Kahalagahan ng Samu’t Saring Buhay sa Calawis · Maiugnay ang Kalagayan sa Disaster sa Konteksto ng Pilipinas. · Maipaliwanag ang mga Batayang Konsepto hinggil sa Pamamahala sa Kalamidad tulad ng Panganib, Disaster, Pagkabulnerable at Kakayahan. · Maipaliwanag ang oryentasyon at prinsipyong gumagabay sa gawaing Pamamahala sa Disaster.

13Hunyo (Huwebes)

Pangalawang Araw 16 Hunyo (Linggo)

Topiko/ Gawain

Workshop 1: Pagtingin sa Kasalukuyang Kalagayan ng Barangay Calawis sa usapin ng Pagharap sa Disaster

Workshop

Calawis-Watershed Area

Lektura

Ano ang aking Bahagi?

Talakayan

Samu’t Saring Buhay (Biodiversity) sa Calawis “Sampayan at Talakayan” Disaster sa Pilipinas Batayang Konsepto sa Pamamahala ng Disaster

Lektura

Pamamahala sa Disaster sa Komunidad o Community Based Disaster Management

Sampayan at Talakayan”

· Makagawa ng Sistema sa Maagang Babala o Workshop 2: Early Warning System para sa Barangay Sistema Para sa Maagang Babala para sa Calawis Calawis · Makagawa ng mga Materyales para sa Kaalamang Pampubliko (Public Awareness Materials) Hinggil sa Pamamahala sa Disaster · Matukoy ang mga Gagawin sa bawat Yugto sa Paglikas

Workshop

Workshop

Sa Panahon ng Paglikas: Isang Pagbibigay Buhay o Simulation GDRM- Calawis

Pagbibigay Buhay o Simulation Lektura Talakayan at Lektura Dulaan Talakayan

Pagpapaplano Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Lektura at Talakayan Gawaing Panggrupo at Lektura”

Workshop 3: Kaalamang Pampubliko

· Maipaliwanag ang mga gawain ng bawat komite ngGDRM · Makagawa ng inisyal na plano para sa GDRM

Pamamaraan

21


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

karugtong

Balangkas ng Kurso: Modyul 1 Kalagayan ng Calawis • Sitwasyon ng Calawis Sa Usaping Disaster • Calawis Watershed Area • Ano ang bahagi ko sa Pangangalaga ng aming Barangay? • Samu’t Saring Buhay • Kalagayan ng Pilipinas sa Usaping Disaster Modyul 2 Batayang Konsepto • Pagkabulnerable/Kahinaan (Vulnerability) • Panganib (Hazard) • Kakayahan/Kalakasan (Capacity) • Disaster Module 3 Pamamahala ng Pagtugon sa Disaster (Disaster Management) • Ano ang Disaster Management? • Mga Gawain sa Disaster Management • Nagbabagong Pananaw sa Disaster Management • Mapagpaunlad at Makakomunidad na Pananaw sa Pamamahala ng Disaster o Community Based Development Oriented Disaster Management (CB-DO DM) Module 3 Paghahanda sa Kalamidad o Disaster Preparedness • Pampublikong Kaalamang (Public Awareness) • Sistema Para sa Maagang Babala (Early Warning) • Paglikas (Evacuation) Module 4 Grassroots Disaster Response Machinery (GDRM) • Kahalagahan ng GDRM • Mga Gawain • Pagpapalano

Ebalwasyon ng Pagsasanay (Training Evaluation): Isasagawa ang pang-araw-araw na ebalwasyon upang matiyak kung may mga bagay na dapat pang sinupin o problema na dapat pag-usapan o mabigyang pansin. Ang pangkalahatang ebalwasyon ay isasagawa pagkatapos ng dalawang araw na pagsasanay upang makita ang kalakasan at kahinaan ng isinagawang pagsasanay. Ito ay makakatutulong ng malaki upang maging mas masinop ang mga susunod pang pagsasanay.

22

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

karugtong

Iskedyul: UNANG ARAW Hunyo 13, 2002 Huwebes 9:00- 10:00 am

Pagpapalista Pambungad na Panalangin Paglalahad ng Kurso ng Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster Pagpapakilala ng Center for Disaster Preparedness, Buklod Tao at Social Action Center-Antipolo Pagpapakilala ng mga Kalahok at Pagkuha ng Inaasahan Mga Layunin ng Pagsasanay Host Team Formation

10:00-12:00

Workshop 1: Pagtingin sa Kasalukuyang Kalagayan ng Barangay Calawis sa usapin ng Paghahanda sa Disaster

12:00-1:00 PM

TANGHALIAN

1:00-3:00

Calawis- Watershed Area Ano ang aking Bahagi? Samu’t Saring Buhay (Biodiversity) sa Calawis

3:00-4:00

“Sampayan at Talakayan” Disaster sa Konteksto ng Pilipinas

4:00-5:00 5:00-5:15

Batayang Konsepto sa Pamamahala ng Disaster Ebalwasyon

IKALAWANG ARAW Hunyo 16, 2002 Linggo 9:00-10:00 AM

Pamamahala sa Disaster (Disaster Management)

10:00-12:00

Workshop 2: Sistema Para sa Maagang Babala para sa Calawis

12:00-1:00 PM

TANGHALIAN

1:00- 2:00

Workshop 3: Kaalamang Pampubliko

2:00-3:00

Sa Panahon ng Paglikas: Isang Pagbibigay Buhay o Simulation

3:00-4:00

GDRM- Calawis

4:00-4:30

Pagpaplano

4:30-4:45

Ebalwasyon

4:45-5:15

Pagtatapos

Paalala: Magdala ng spot map ng komunidad! Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

23


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

TEKNIKAL NA KAAYUSAN Layunin: Maitakda ang mga teknikal na kaayusan gaya ng oras ng pagsisimula at pagtatapos, pagbuo ng host teams, komiteng mamamahala sa pagluluto, house rules, atbp.

Pamamaraan: Talakayan

Nilalaman: 1. Mga teknikal na uspin gaya ng iskedyul ng pagsisimula , mga break, at pagtatapos sa bawat araw, house rules, komiteng mamamahala sa pagluluto, atbp. 2. Mga Gawain ng Host Team

Daloy: 1. Pagkaisahan sa iskedyul ng pagsisimula sa umaga, mga break at pagtatapos sa hapon. Talakayin ang mga house rules. 2. Buuin ang mga Host Team na makakatulong ng Tagapagpadaloy sa pamamahala sa pagsasanay. Kung malaki ang grupo, puedeng isulat sa manila paper ang mga miyembro ng Host Team. Kasama sa susing gawain ng Host Team ang paghahanda ng mga gawaing pampagising o pampasigla, pagsasaayos ng silid-aralan, pagtiyak sa pagsunod sa oras sa iskedyul, pagtulong sa paglinis ng pisara, at pagbigay ng maikling rebyu sa natalakay sa nakaraang araw

Mga Kailangan: 1. House Rules 2. Mga Gawain ng Host Team

Oras: 15 minuto

Tip sa Tagapagdaloy: Kung malaki ang grupo, mas mabuting isulat sa manila paper o bond paper ang mga miyembro ng bawat host team.

Sanggunian: 1. Host Teams 2. Adult Learning Principles and Conditions

24

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Host Teams Ang host team ay grupo ng mga Kalahok (Participants) na tumutulong sa Tagapagpadaloy (Facilitator/Training Team) sa pang-araw-araw na pangangasiwa sa takbo ng pagsasanay. Sa pagsisismula ng pagsasanay, hinahati ng mga Kalahok sa mga host teams — isa para sa bawa’t araw ng pagsasasanay. Ang mga susuing gawain ng host team ay ang sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5. 6.

Pagtiyak sa oras sa iskedyul (timekeeper) Paghahanda ng mga gawaing pampagising at pampasigla (icebreakers & energizers) Pamamahagi ng mga hand-outs Pagtulong sa paglinis ng pisara, pagkabit at pagtanggal ng mga tulong biswal. Pagbigay ng maikling rebyu ng mga natalakay sa nakaraang araw (recap) Pagkoordina sa mga Tagapagpadaloy ng mga kuro-kuro at mungkahi ng mga Kalahok (feedbacking) 7. Pagtulong sa pagtiyak ng pangkalahatang kalinisan at kaayusan ng silid-aralan. Maaaring may ibigay pang dagdag na mga gawain batay sa pangangailangan, gaya ng mga sumusunod: · pagluluto · paghugas ng mga pinagkainan · pagsasaayos ng socials · pagsasaayos ng maikling programa sa pagtatapos ng pagsasanay para pasalamatan ang mga Tagapagpadaloy at Grupong Nag-organisa ng pagsasanay.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

25


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

ADULT LEARNING PRINCIPLES AND CONDITIONS When they enter the session room, they bring along: ¾ ¾ ¾

wealth of experience, knowledge and skills own beliefs, value and convictions own perceptions, biases and feelings

“Adults are motivated, not taught to seek newer knowledge, skills and behavior.” The adult learner is the richest resource in the learning process. KEY PRINCIPLES OF PAULO FREIRE

a.

No education is ever Neutral. Either designed to maintain existing situation or designed to liberate people.

b. Relevance - issues of importance NOW to participants. People will act on the issues on which they have strong feelings. c.

Problem-posing. The whole of education and development is seen as a common search for solution to problems.

PRINCIPLES IN ADULT EDUCATION 1.

No one directly teaches adult anything. What is being taught should have a meaning for adults and should be relevant to their needs and problems.

2. While adult learners want to be independent, they also enjoy functioning interdependently. Learning is cooperative and collaborative process. 3. Learners have feelings as well as thoughts. Learning is maximized when what learners SAY reflect what they THINK and FEEL. 4. People learn best as result of EXPERIENCE. 5. Learning is an EVOLUTIONARY process. Learning is not imposed. It is a DEVELOPING and EVOLVING process. IMPORTANT CONDITIONS IN ADULT EDUCATION 1.

Non-threatening Climate

2. Atmosphere of openness 3. Cooperative evaluation and Self-Evaluation.

26

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MODYUL 1 KALAGAYAN SA AMING LUGAR

Layunin: Pagkatapos ng Modyul 1, inaasahang kaya ng bawat Kalahok na: 1. Isalarawan ang kalagayan o disaster situation ng kanilang komunidad; at 2. Ikumpara ang pagkakapareho at pagkakaiba ng disaster situation ng kanilang komunidad sa kalagayan ng ibang lugar sa Pilipinas Bilang ng Sesyon: 2 Sesyon 1: Mga Disaster at Panganib sa Aming Komunidad Sesyon 2: Mga Disaster at Panganib sa Pilipinas

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

27


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 1: Mga Disaster at Panganib sa Aming Komunidad Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Isalarawan ang kalagayan o disaster situation ng lugar o komunidad; at 2. Ipakita ang mga ginagawang pagtugon ng mga pamilya at komunidad sa mga disaster at panganib

Pangunahing Ideya: 1. Ano ang mga disaster na naranasan na ng komunidad? Ano ang iba pang panganib na maaaring makaapekto sa mga tao at komunidad? 2. Ano ang dulot na pinsala ng mga disaster sa komunidad? 3. Sinu-sino ang mga dumaranas ng pinsala? Bakit? 4. Ano ang mga ginawa/ginagawang pagtugon ng komunidad sa mga disaster at panganib?

Pamamaraan: “Group Work” at Talakayan

Daloy: 1. Hatiin sa limang grupo ang mga Kalahok. Magtakda ang bawat grupo ng tagapagpadaloy, documentor at reporter. Talakayin ng bawat grupo ang kanilang sagot sa apat na tanong. Sumangguni sa Talahanayan ng mga Disaster at Panganib sa Komunidad para sa ditalye ng mga sagot. Bawat grupo ay pipili ng pamamaraan kung paano mag-uulat. 2. Ang unang grupo ay guguhit ng Spot Map ng komunidad. Isama sa mapa ng lugar ang mga tampok na pisikal na katangian ng lugar (bahayan, community facilities gaya ng simbahan, paaralan, health center), mga daan, tulay, ilog at sapa, sakahan, taniman, bundok, dagat, atbp.), kabuhayan, kalusugan at kaugalian. 3. Tutukuyin naman ng pangalawang grupo ang mga taon kung kalian nakaranas ng iba’t ibang disaster ang komunidad at paghahambingin sa laki at lawak ng pinsala. Ito ang tinatawag na Timeline of Disasters. Tukuyin din kung anong buwan sa isang taon nararanasan ang disaster. Ito naman ang Seasonal Calendar. 4. Ang pangatlong grupo ay gagawa ng spot map ng komunidad at tutukuyin ang mga pamilya, ari-arian at pasilidad sa komunidad maaaring mapinsala ng iba’t ibang panganib at disaster. Ito ang Hazard and Vulnerability Map at sa karaniwang pagmamadali ay tinatawag na lang na Hazard Map.

28

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

5. Ang pang-apat na grupo ay magbibigay ng ulat nila sa pamamagitan ng isang drama o skit, interview, tula o kanta. Tukuyin ang mga ginagawa at reaksyon ng mga tao sa pagharap at pagtugon sa mga disaster at panganib. 6. Tutukuyin naman ng panlimang grupo ang mga resources na ginagamit sa pagharap sa mga panganib at pagtugon sa mga disaster sa spot map. Ito ang Resources Map. 7. Ipatapos sa bawat grupo ang talakayan at paghahanda sa kanilang ulat sa loob ng 20 minuto. Bawat grupo ay bigyan ng 10 na minuto sa pag-uulat. 8. Buuin ang larawan ng disaster situation ng lugar mula sa report ng bawat grupo. Maaaring gumamit ng tulong biswal gaya ng mga cut-outs o transparency.

Mga Kailangan: 1. Manila paper, iba’t ibang kulay ng pentel pen o crayons 2. Cut-outs ng iba’t ibang bantang panganib

Oras: 1 ½ oras

Tip sa Tagapagdaloy: 1. Sa paghahanda sa pagsasanay, tagubilinan ang mga sponsor o nag-oorganisa ng DPT na magdala ng 5 kopya ng spot map o base map ng komunidad. 2. Ang pinsalang dulot ng mga disaster ay pangunahing nararamdaman sa mga komunidad. Una ring humaharap at tumutugon sa mga panganib at mga disaster ang mga taga-komunidad bago pa man dumating ang tulong mula sa labas. 3. Tuntungan sa pagtalakay ng mga batayang konsepto sa disaster management ang lokal na kalagayan. 4. Ang paggamit ng mga tulong biswal ay nakapagpapadali sa pag-unawa ng mga Kalahok sa mga konseptong ipinapaliwanag.

Hand-out: Talahanayan ng mga Panganib at Disaster sa Komunidad

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

29


1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

11

Ano ang mga disaster na tumatama sa lugar? Ano ang iba pang panganib na maaaring makaapekto sa komunidad?

Ano ang pwersang mapaminsala? - tubig -kawalan ng tubig - hangin - apoy - atbp.

Paano nalalaman na may parating na disaster? - mga siyentipiko at lokal na palatandaan at babala

Gaano kaikli o kahaba ang panahon mula sa palatandaan o babala at pagsalanta ng disaster sa inyong lugar?

Gaano ito kadalas nangyayari sa inyong lugar?

Kailan o anong buwan ito nangyayari sa inyong lugar?

Gaano katagal ang pangyayari?

Anu-ano ang mga napipinsala sa lugar at bakit? -bahayan; kabuhayan; pasilidad sa komunidad gaya ng tulay at tubig; kapaligiran

Sinu-sino ang nasasalanta sa disaster at saan sila matagpuan? - hal. Sa tabing dagat, bundok, atbp.

Anu-ano ang mga ginagawang pag-angkop at pagtugon sa disaster?

Ano ang mga resources sa lugar at komunidad na magagamit sa pagharap at pagtugon sa disaster?

(Disasters & Hazards)

(Force)

(Warning signs & signals)

(Speed of Onset)

(Frequency)

(When)

(Duration)

(Elements at risk)

(People at risk)

(Coping strategies & Disaster Responses)

(Resources/ Capacities)

Ulat: 1) mapa ng lugar na nagpapakita ng mga tampok na pisikal na katangian, kabuhaya, kalusugan at kaugalian (land and people) sa komunidad (spot map) 2) time line at seasonal calendar ng mga disaster at panganib 3) hazard & vulnerability map (spot map at mga mapipinsala ng iba’t ibang panganib at disaster) 4) resources map (spot map at mga resources) 5) skit/drama kung paano hinaharap/tinutugunan ang disaster

30

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

(Talahanayan ng mga Disaster at Panganib sa Komunidad)

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

DISASTER AT BANTANG PANGANIB SA AMING LUGAR


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 2: Mga Disaster at Panganib sa Pilipinas Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ikumpara ang pagkahalintulad at kaibahan ng kalagayan ng komunidad sa kalagayan ng ibang lugar sa Pilipinas; 2. Sabihin ang iba’t ibang tipo ng disaster na madalas tumama sa Pilipinas; at 3. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay laging nakakaranas ng disaster

Pangunahing Ideya: 1. Ang Pilipinas ay nangunguna sa listahan ng mga bansang laging sinasalanta ng disaster (one of the most disaster prone countries). Nag-aanak pa nga ang Pilipinas ng bagong tipo ng disaster gaya ng pagguho ng gabundok na basura (trashlide) sa Payatas noong Hulyo 10, 2000. 2. Ang bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang panganib mula sa kapaligiran o natural hazard ay dulot ng partikular na lokasyon at pisikal na katangian ng Pilipinas. 3. Pinatitindi ng pagkasira (degradation) at pagkaubos (depletion) ng mga likas yaman ng Pilipinas ang mapaminsalang epekto ng mga panganib mula sa kapaligiran. 4. May mahigpit na kaugnayan ang kalagayang sosyo-ekonomiko ng Pilipinas sa kahandaan at kakayahang harapin ang mga pinsalang dulot ng disaster. Dahil sa kahirapan, maraming Pilipino ang walang sapat na kakayahan na pangalagaan ang sarili, pamilya at komunidad, umangkop sa mga pinsala ng disaster, o mabilis na makabangon muli. 5. Ang kapabayaan at iba pang negatibong aktitud (kasakiman, pagwawalang-bahala…), gawi at gawain (gaya ng walang-habas o ilegal na pagtotroso at pangingisda) ay maaring sanhi kung ‘di man nagpapatindi sa mapaminsalang epekto ng disaster. Sagka rin ang mga ito sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon pagkatapos ng disaster. 6. Ang paglikas ng mga mamamayan mula sa kanilang komunidad dulot ng armadong labanan ay nagpapalala sa kalagayan. Nagdudulot din ng dislokasyon sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo at maralitang lungsod ang mga tinaguriang “proyektong pangkaunlaran”.

Pamamaraan: “Exhibit”, Lektura at Talakayan

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

31


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Daloy: 1. “Exhibit”. Gumupit ng mga newsclippings at/o ritrato ng mga disaster sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Humanap din ng mga newsclippings ng mga ginagawang pagtugon. Idikit sa mga bond paper. Ipaskil ito sa paligid ng silid-aralan o maaaring isabit sa tali o straw sa isang bahagi ng silid. 2. Paikutin ang mga Kalahok para tingnan ang mga newsclippings o Exhibit. 3. Pagkatapos pagmasdan ang Exhibit, tanungin ang grupo kung ano ang kanilang mga obserbasyon. Ano ang mga tipo ng disaster? Sino ang naaapektuhan? Ano ang naging tugon sa mga disaster? 4. Lagumin ang mga obserbasyon sa pamamagitan ng maikling lektura- talakayan. 5. Ang Pilipinas ay nangunguna sa listahan ng mga bansang laging sinasalanta ng disaster (one of the most disaster prone countries). Nag-aanak pa nga ang Pilipinas ng bagong tipo ng disaster gaya ng pagguho ng gabundok na basura (trashlide) sa Payatas noong Hulyo 10, 2000. 6. Ang bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang panganib mula sa kapaligiran o natural hazard ay dulot ng partikular na lokasyon at pisikal na katangian ng Pilipinas. 7. Pinatitindi ng pagkasira (degradation) at pagkaubos (depletion) ng mga likas yaman ng Pilipinas ang mapaminsalang epekto ng mga panganib mula sa kapaligiran. 8. May mahigpit na kaugnayan ang kalagayang sosyo-ekonomiko ng Pilipinas sa kahandaan at kakayahang harapin ang mga pinsalang dulot ng disaster. Dahil sa kahirapan, maraming Pilipino ang walang sapat na kakayahan na pangalagaan ang sarili, pamilya at komunidad, umangkop sa mga pinsala, o mabilis na makabangon muli. 9. Ang kapabayaan at iba pang negatibong aktitud (kasakiman, pagwawalang-bahala…), gawi at gawain (gaya ng walang-habas o ilegal na pagtotroso at pangingisda) ay maaring sanhi kung ‘di man nagpapatindi sa mapinsalang epekto ng disaster. Sagka rin ang mga ito sa paghahanda at kakayahang harapin at makabangon pagkatapos ng disaster. 10. Ang paglikas ng mga mamamayan mula sa kanilang komunidad dulot ng armadong labanan ay nagpapalala sa kalagayan. Nagdudulot din ng dislokasyon sa mga magsasaka, mangingisda, katutubo at maralitang lungsod ang mga tinaguriang “proyektong pangkaunlaran”. 11. Sagutin ang mga tanong ng mga Kalahok at magbigay ng buod ng talakayan.

Mga Kailangan: 1. Mga 10 - 20 newsclippings ng disaster at pagtugon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. 2. Masking tape o tali/straw at mga sipit

32

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Panahong Kailangan: 1 oras

Tip sa Tagapagdaloy: 1. Hindi man una, nabibilang pa rin ang Pilipinas sa lista ng mga bansang laging tinatamaan ng disaster. Ikailan man ang Pilipinas ay di ganoong mahalaga. Ang karanasan mismo ng mga Pilipino at mga taga-komunidad sa pinsala mula sa iba’t ibang tipo ng mga disaster ang mas mahalagang batayan para sama-samang magaral ng kalagayan at kumilos para labanan ang disaster. 2. ‘Di lang disaster ang inaanak ng Pilipinas. Kinikilala ngayon ang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga mapanlikhang pamamaraan sa pagharap sa mga disaster sa pamamagitan ng paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad at people’s organization. 3. Maaaring palitan ang sesyong ito ng kalagayan ng probinsyang sumasaklaw sa komunidad.

Sanggunian: 1. Disaster at Panganib: Bahagi ng Buhay sa Pilipinas 2. Relasyon ng Disaster at Development

Kamatayan, Paghihirap at Dislokasyon

Pinsala sa Tao, Komunidad at Lipunan

Pagkasira ng Ari-arian, Kabuhayan, Imprastruktura, Pasilidad at Kapaligiran Kawalan sa Agrikultura, Industriya, Ekonomiya sa Pribado at Pampublikong Sektor Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

33


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

DISASTER AT PANGANIB: Bahagi ng Buhay sa Pilipinas 1. Ang Pilipinas ay nangunguna sa listahan ng mga bansang laging sinasalanta ng disaster (one of the most disaster prone countries). Nag-aanak pa nga ang Pilipinas ng bagong tipo ng disaster gaya ng pagguho ng gabundok na basura (trashlide) sa Payatas noong Hulyo 10, 2000.

WVDFI

Naitala sa pag-aaral na ginagawa ng Center for Research and Epidiomology of Disasters sa Belgium ang 701 disaster mula 1900 – 1991 o halos 8 disaster sa bawat taon. Mula 1987 – 2000, naitala ng National Disaster Coordinating Council ang 523 disaster (halos 37 disaster taun-taon) na may kabuuang halaga ng pinsala sa P150.071 Bilyon. Ang dokumentasyon ng mga NGO gaya ng Citizens Disaster Response Network na sumasaklaw pati sa mga lokal na disaster na maaring hindi na nalalathala sa pambansang pahayagan gaya ng sapilitang paglikas at demolisyon bunga ng mga tinaguriang “proyektong pangkaunlaran” at armadong labanan, sunog, toxic waste contamination. May 197 disaster sa taong 2000 lamang na nakakaapekto sa 2,267,981 pamilya o 11,107,783 indibidwal. Mula 1991 – 2000 ang naapektuhan ng disaster ay 96,907,837 pamilya. Ibig sabihin, maraming Pilipino ay paulitulit na tinatamaan ng disaster. 2. Ang bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang panganib mula sa kapaligiran (natural hazard) ay dulot ng partikular na lokasyon at pisikal na katangian ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang arkipelagong napapagitnaan ng Pacific Ocean at South China Sea. Binubuo ito ng 7,100 isla at 34,000 kilometro ang haba ng ‘di magkakarugtong na baybaydagat. Ang topograpia ng Pilipinas ay nag-iiba mula sa matatayog na bundok, kapataan at mabababang latian (freshwater swamps). Mga 30 milyong ektarya ang kabuuang sukat ng lupa ng Pilipinas at 60% nito ay bulubundukin. May 421 ilog, 59 likas na lawa at mga 100,000 ektaryang latian na bumabagtas sa buong kapuluuan. Dahil malapit ito sa Western North Pacific Basin kung saan nabubuo ang 50% ng mga bagyo sa buong daigdig, dinaraanan ito ng 20 bagyo bawat taon, at 9 ang tuwirang tumatama at nakakaapekto sa bansa. Ang malakas na hangin dala ng bagyo habang papalapit na ito sa lupa ay nagdudulot din ng malalaking alon at abnormal na pagtaas ng tubig (storm surge o tidal wave) sa mga komunidad malapit sa baybay-dagat. Bagyo ang pinakamadalas na disaster sa Pilipinas at karaniwang kakabit nito ang pagbaha sa mga mabababang lugar. Mula 1988 – 2000, may 198 na bagyo ang dumaan sa Pilipinas na nagdulot ng P22.105 Bilyong halaga ng pinsala. Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire. Napapagitna ang Pilipinas sa 2 earthquake belt – ang Pacific Plate at Eurasian Plate – kaya madalas makaranas ng lindol. Tinatayang may 5 lindol na nagaganap araw-araw sa iba’t ibang bahagi ng kapuluuan bagamat di na ito nararamdaman. Mula 1599, nakaranas na ang Pilipinas ng mahigit 70 mapinsalang lindol. May 220 bulkan sa Pilipinas at 22 nito ay aktibo o may naitala nang pagputok sa loob ng 100 taon. Ang mga komunidad malapit sa tabing dagat ay may panganib mula sa tsunami o

34

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

karugtong

napakalaking mga alon bunga ng paglindol o pagputok ng bulkan sa ilalim ng dagat. Ang mga gilid ng bundok na may buhaghag na lupa ay maaaring gumuho (landslide) kapag malakas ang ulan at/o lumindol. 3. Pinatitindi ng pagkasira (degradation) at pagkaubos (depletion) ng ating mga likas yaman ang mapaminsalang epekto ng mga panganib mula sa kapaligiran. Noo’y sagana sa likas na kayamanan ang Pilipinas pero ngayo’y kritikal na ang kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Nauubos na ng malakihang pagtotroso (legal at ilegal) ng mga korporasyong lokal at transnasyunal. Mga 550,000 ektaryang kagubatan ang nasisira taon-taon. Mga 5.4 Milyong ektarya na lamang ang natitirang kagubatan ng bansa, o 18% ng kabuuang lupain ng Pilipinas kumpara sa ideal forest cover na 54% sana. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagreresulta sa baha, soil erosion, sedimentasyon (pababara o pagbabaw ng mga tubigan), landslide at tagtuyot. Nagkakaroon ng pagbaha sa mga mabababang lugar at sa tabi ng mga daluyan at imbakan ng tubig kapag may bagyo o malakas na pag-ulan. Noong Nobyembre 6, 1991, mga 8,000 katao ang namatay sa flashflood sa Ormoc, Leyte. Ang pagkapanot ng kabundukan ay maiuugnay sa pagbaha. Gayundin, ang kakulangan ng mahusay na sistema ng lagusan ng tubig at pagbara ng basura lalo na ng plastik ang mga salik sa pagbaha sa kalunsuran. Ang tagtuyot o drought ay pangmatagalang kakulangan ng inaasahang pag-ulan. Ang pinakagrabeng tagtuyot na naranasan ng Pilipinas ay noong 1982-83, 1986-87, 1990-91, at noong 1997-1998. Halos 1 milyong tao sa kabundukan ng Mindanao ang nakaranas ng kakulangan ng pagkain noong El Nino sa taong 1998. Pinatitindi rin ang epekto ng tagtuyot ng pagkakalbo ng kagubatan, kakulangan ng mga proyekto ng pamahalaan sa irigasyon at pag-ipon ng tubig (water impounding), at ang malaki at maaksayang konsumo ng tubig sa mga kalunsuran. Bukod sa panganib sa kalusugan ng mga Pilipino, ang polusyon sa lupa, hangin at tubig ay nakakaapekto sa ikinabubuhay at mapagkukunan ng pagkain lalo na ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo.

PHIVOLCS

May 50 ilog sa bansa ang tuluyan nang namatay dahil sa polusyon dulot ng industriya. Nawawasak ang mga coral reef dahil sa erosyon dulot ng walang-habas na pagtotroso at sa lasong galing sa pagminima. Ang mga bakawan naman na itlugan ng mga isda at likas na panangga sa malalaking alon ay ginagawang palaisdaan. Matindi ang epekto ng red tide sa kabuhayan ng mga mangingisda. Tumagal ng 3 buwan ang red tide noong 1983 sa Maqueda Bay, Villareal Bay at Samar Sea at may naitalang 278 na kaso ng pagkalason at 21 ang namatay. Mula 1987, ang red tide ay halos taon-taon nang nararanasan. Sa Manila Bay, may 40 katao ang nalason mula 1991 – 1998 sa pagkain ng mga shellfish. Dahil sa polusyon mula sa mga industriya, nagkaroon ng fishkill sa Manila Bay noong Oktubre 8, 1996. Sa Bolinao, Pangasinan ay nagkaroon din ng fish kill dahil sa sobrang dami ng mga nakatayong fish pen at fish cages noong Pebrero 2002.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

35


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

karugtong

4. Dahil sa malawakang kahirapan, maraming Pilipino ang mahina o walang sapat na kakayahan na pangalagaan ang sarili at pamilya, harapin ang mga pinsalang dulot ng disaster, o mabilis na makabangon muli. Kahirapan ang nagtutulak sa maraming Pilipino na tumira sa lugar na ‘ ‘di ligtas o lumahok sa mga hanapbuhay na mapanganib. Karaniwang tanawin sa kalunsuran ang mga barongbarong na yari sa mga lumang tabla, karton at yero. Maraming nakatira sa gilid ng riles ng tren, tabing ilog at estero, at kahit na sa ilalim ng mga tulay. May back log sa pabahay na 41,000 taon-taon at tinatayang may 3.726 Milyong bubong ang kakulangan sa pabahay mula 1993 – 1998. May 362 namatay (karamihan mga kabataan) nang gumuho ang 50 piye gabundok na basura sa mga kabahayan ng mga pamilyang umaasa sa pera mula sa basura sa Payatas dumpsite sa Quezon City noong Hulyo 10, 2000. Batay sa istatikstika mismo ng pamahalaan, 4 sa 10 Pilipino ang ‘di kayang tugunan ang minimum na pangangailangan para mabuhay (poverty threshold). Nagkakahalaga lamang ito sa napakababang P38.13 bawat tao sa isang araw para sa lahat ng batayang pangangailangan (P13,916 bawat tao sa loob ng isang taon o P228.76 bawat araw para sa isang mag-anak na may 6 na miyembro) . Ayon naman sa pag-aaral ng IBON Foundation, 77% ang poverty incidence at 90% ng mga pamilya sa kanayunan ay mahirap. Hindi nila kaya ang mga batayang pangangailangan gaya ng pagkain, bahay, damit, kalusugan, at edukasyon. Malayo ang agwat sa pagitan ng minimum na sahod at pang-araw araw na gastusin (daily cost of living) ng isang pamilya. Ang kailangang badyet sa isang araw ay P520.58 sa Metro Manila habang ang minimum na pasahod ay P265. Sa labas ng Metro Manila, P413.97 ang kailangan para sa mga batayang pangangailangan pero P168. 47 lamang ang minimum na pasahod. Malaki ang agwat sa yaman at kinikita ng iilan at kritikal ang kakulangan ng sapat na trabaho. May 2,500 na umaalis na overseas contract workers araw-araw (837,000 noong 1999 at 841,628 sa taong 2000) para buhayin ang mga iniiwang pamilya. Noong Disyembre 2001, 61 sentimos na lamang ang tunay na halaga ng piso. Ayon sa The State of Food Insecurity in the World ng Food and Agriculture Organization noong 1999, 15.6 milyong Pilipino ang ‘di sapat ang kinakain o undernourished. Walang malinis na tubig ang 23% ng mga sambahayan, habang 16% ang walang palikuran. Mga 10% lamang ng kabuuang populasyon ang may kakayahang mangalaga sa sariling kalusugan. Kondisyon o dahilan ang mga ito para sa pagkakaroon ng mga epidemiya tulad ng cholera at diarrhea lalo na kapag may matagalang pagbaha at tagtuyot. 5. Ang kapabayaan at iba pang negatibong aktitud, gawi at mapinsalang gawain (gaya ng walang tigil at/o ilegal na pagtotroso at pangingisda), kasama na ang maluwag na pagpapatupad ng mga probisyon sa batas sa public safety at pangangalaga sa kalikasan ay sanhi, kung di man nagpapalala, sa pinsalang dulot ng disaster. Sagka rin ang mga ito sa paghahanda, pagtugon sa disaster at pagbangon pagkatapos.

36

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Ang ‘di pagsunod sa mga safety regulations gaya ng sa pagtatakda ng fire exit ay sanhi ng maramihang pagkamatay sa sunog. Noong Marso 18, 1996, may 162 ang namatay at 104 ang nasugatan sa Ozone Disco sa Quezon City. Noong Agosto 18, 2001, 74 ang nakulong at namatay sa sunog sa Manor Hotel. Ang mga komunidad naman ng maralitang taga-lungsod ay sinusunog para mapaalis at magamit sa “proyektong pangkaunlaran” ang lupa. Sa landslide naman sa Cherry Hills Subdivision noong Agosto 1999, 59 ang namatay. Ang ferry ang nag-uugnay ng mga isla sa Pilipinas. Mula 1982 – 1990, nagkaroon ng 224 aksidente sa dagat. Tinaguriang pinakagrabeng trahedya sa dagat na walang kaugnayan sa digmaan ang pagbangga ng MV Dona Paz sa isang oil tanker noong kapaskuhan ng 1987 kung saan may 4,342 kumpirmadong patay. Noong 2001 at 2002, sunod-sunod ang mga aksidente at paglubog ng mga ferry. Ang mga basura ng mga minahan ay napupunta sa mga ilog at look. Halos patay na ang Boac River at napinsala ang Calancan Bay at mga sakahan dahil sa pagmimina ng Marcopper Mining Corporation. Nilason ng 4.2 tonelada ng mine tailings na itinapon sa Boac River mula Marso Mayo 1996 ang buhay at kabuhayan ng libong magsasaka at mangingisda sa Marinduque. 6. Ang paglikas mula sa kanilang komunidad dulot ng labanan ng mga armadong pwersa sa kanayunan o demolisyon naman sa kalunsuran ay nagpapalala sa kalagyan. Mula Marso – Agosto 2000 ang pamahalaan ay gumasta ng P 1 Milyon bawat linggo para tulungan ang mahigit 600,000 lumikas. Sa tala noong pangalawang kwarto ng 2001, may 190,195 pamilya o 1,014,654 indibidwal mula sa 26 munisipyo sa Cotabato, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao at Sultan Kudarat na lumikas dahil sa labanan sa Mindanao sa pagitan ng AFP at MILF. Simula Enero 2003, mahigit 200,000 sibilyan ang lumikas muli sa kanilang komunidad sa Gitnang Mindanaw. Malaking bilang din ng mga maralitang lungsod, magsasaka at katutubo ang natanggal sa kanilang komunidad dahil sa mga “proyektong pangkaunlaran” . Tinatayang may 100,000 pamilya ang umalis sa kanilang tinitirahan mula 1990 – 2000 dahil sa proyektong CaviteLaguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) industrial zone. Ang San Roque Multi-purpose Dam Project ay nagpaalis sa 61,700 katutubo na naninirahan malapit sa Agno River sa kanilang lupang ninuno. Tinatayang magkakaroon ng dislokasyon para sa karagdagan 60,000 katao para tapusin ang flood control component ng Pampanga Delta Development Project. Ilulubog din ang mahigit 1,000 ektarya ng sakahan at sisirain ang napakaraming tirahan, paaralan, simbahan at gusali.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

37


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

A N G R E LA S YO N S A P AG IT A N N G D IS AS TE R A T D EV EL O PM E N T

Ang Develo pm ent n a n agp apataas ng p ag kabu lnerab le sa Dis aster

An g Disaster ay nag pap aatr as (setba ck) sa Develo p ment

An g Dev elop men t na nagpapabab asa pag kab ulnerabl e sa d isaster

An g Disaster ay opo rtun idad para sa developmen t

P O S IT I V E R E A L M

N E G AT I V E R E A L M

D e ve lo p m e n t R ea lm

D is as te r R e alm

• Ang disaster ay isang krisis sa kom unidad at m ga naaapektuhang pam ilya. Ang salitang “krisis” sa Chinese ay binubuo ng 2 character – danger at opportunity

38

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MODYUL 2

MGA BATAYANG KONSEPTO SA DISASTER MANAGEMENT Layunin: Pagkatapos ng Modyul 2, inaasahang kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ipaliwanag ang ugnayan ng panganib (hazard), pagkabulnerable (vulnerability), at kakayahan (capacity) sa usaping disaster; 2. Tukuyin ang mga halimbawa ng mga gawain sa pamamahala sa disaster bago ito dumating, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster; at 3. Sabihin ang kahalagahan at mga katangian ng disaster management ng komunidad o community based disaster management

Bilang ng Sesyon: 2 Sesyon 1: Panganib, Pagkabulnerable, Kakayahan at Disaster Sesyon 2: Disaster Management: Ang Panlaban ng Komunidad Sesyon 3: Mga Nagbabagong Konsepto sa Disaster Management

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

39


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 1: Panganib, Pagkabulnerable, Kakayahan at Disaster Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ipaliwanag ang ugnayan ng panganib (hazard), pagkabulnerable (vulnerability), at kakayahan (capacity) sa usaping disaster; at 2. Magbigay ng mga halimbawa ng pagkabulnerable at kakayahan ng mga Pilipino at komunidad

Pangunahing Ideya: 1. Ang bagyo, lindol at pagputok ng bulkan ay ‘di agad maituturing na disaster. Ang mga sangkap sa pagkakaroon ng disaster ay panganib, bulnerableng komunidad o grupo at di sapat na kakayahang harapin ang pinsala dulot ng panganib. Ang resulta ay pagkasira at pinsala sa tao, hanapbuhay, ari-arian, kalikasan at pangkalahatang kaayusan ng komunidad. 2. Ang mga sektor at grupo na pinakabulnerable sa Pilipinas ay ang mga malilit na magsasaka, mangingisda, manggagawa, maralitang lungsod at katutubo. Kailangan bigyan ng ispesyal na pansin ang mga pangangailangan ng mga bata, matatanda kababaihan at may kapansanan. 3. Kadalasan makikita sa mga babasahin ang pormula sa disaster na Hazard (H) x Vulnerability (V) = Disaster (D) o kaya H + V = D. Ginagamit na ngayon ang pormulang H x V = D C (Capacity) para bigyan diin ang kakayahan ng mga tao at komunidad sa pag-iwas sa disaster. 4. Ang Disaster Risk (DR) ay ang probabilidad ng pagkakaroon ng disaster o DR = H x V. C Mas malaki ang kakayahan at mas maliit ang pagkabulnerable, mas maliit ang probabilidad ng pagkakaroon ng disaster o maaring maliit lang ang maging pinsala.

Pamamaraan: “Debate”, Lektura at Talakayan

Daloy: 1. “Debate” Dalawa ang tanong na sasagutin sa debate: l Ang Pilipinas ba ay mahirap dahil may disaster o may disaster dahil mahirap ang Pilipinas?

40

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

l

Ang bagyo, lindol at baha ba ay disaster o hindi?

Hatiin sa apat ang grupo. Bigyan ng posisyong pagtatalakayan ang bawat grupo. Pagkatapos ng 10 minutong talakayan, ipapaliwanag ng kinatawan ng bawat grupo ang dahilan ng kani-kanilang posisyon. 2. Lagumin ang mga sagot at gamitin para sa pagsisimula ng depinisyon ng panganib, pagkabulnerable, kakayahan at disaster. 3. Pag-ibahin ang panganib at disaster. Ang panganib ay penomena o pangyayari na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga tao, komunidad at kalikasan. ‘Di agad maituturing na disaster ang bagyo, lindol, o pagputok ng bulkan. Kung walang tao at komunidad na maaapektuhan at makakaranas ng pinsala, walang disaster. 4. May tatlong tipo ng panganib: l mula sa kalikasan gaya ng bagyo, lindol o pagputok ng bulkan l gawa ng taong gaya ng sunog, aksidenteng industriyal, oil spill sa dagat, giyera l gawa ng tao at kalikasan (combination o socio-natural hazards) gaya ng baha at tagtuyot 5. Ipaliwanag ang pagkabulnerable. Ang pagkabulnerable (vulnerability) ng mga tao at komunidad ay ang mga kahinaan, kondisyon, salik at dahilang hadlang sa pagangkop o pagbigay proteksyon sa sarili at komunidad mula sa mga panganib, at sa pagbangon mula sa pinsala ng disaster. Ang mga bulnerableng kondisyon ay nauuna sa pangyayari ng disaster. Pinatitindi nito ang negatibong epekto at madalas, nagpapatuloy kahit tapos na ang disaster. 6. Ang kakayahan (capacity) ay mga resources, lakas, kaalaman, at kasanayan na taglay ng mga tao, pamilya at komunidad sa pagbigay proteksyon, pagharap at pagbangon mula sa mga epekto ng panganib at disaster. 7. Ang mga salik/dahilan ng pagkabulnerable at kakayahan ay magkakaugnay na aspeto: l

l

l

mahahati sa tatlong

pisikal at materyal: lokasyon, likas na yaman, materyales at yari ng bahay at gusali, gawaing pangkabuhayan, akses at kontrol sa lupa, kapital at iba pang kagamitan sa produksyon, mga imprastruktura at pasidad, mga panlipunang serbisyo panlipunan at pagkaka-organisa: pormal at impormal na kaayusan ng komunidad at lipunan, mga alitan at paano ito inaayos, uri ng puliika, mga patakaran at batas ng pamahalaan, partisipasyon sa pagdedesisyon, mga organisasyon sa komunidad aktitud at motibasyon: paniniwala sa buhay at kakayahang baguhin ang paligid, pananampalataya, ideolohiya, pagtayo sa sarili, pagkakaisa, kooperasyon

8. Ang panganib ay nagiging disaster kapag ito ay tumatama o nakakaapekto sa mga bulnerableng tao at komunidad (na hindi sapat ang kakayahang harapin ang mapanirang epekto nito). Ang resulta ay pinsala at pagkasira sa tao, kabuhayan, ariarian, pasilidad sa komunidad, kalikasan, at pangkalahatang kaayusan ng takbo ng buhay ng komunidad. Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

41


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

9. Ang mga mahirap ay higit na nagkakaroon ng pinsala sa disaster kaysa mga mayaman. Nakatira sila sa hindi ligtas na lugar, yari ang bahay nila sa mahihinang materyales, at mahina ang kanilang pangangatawan. Ang pagkawatak-watak o ‘di pagiging organisado ay sagka sa pagharap sa disaster. Mas mabigat ang epekto ng disaster sa mga taong madaling mawalan ng pag-asa. Habang maraming mayaman ang walang panlipunang pananagutan, marami ring mahirap na nag-iisip na wala na silang magagawa para makaahon sa kanilang kalagayan. ‘Di rin nakakatulong ang mga aktitud gaya ng “bahala na”, “kapit sa patalim” at “crab mentality”. Gayundin, ang mga alitan sa komunidad o lipunan na ‘di nareresolba ay maaring pagmulan ng disaster. 10. Kahit ang mga nasalanta ng disaster ay may natitira pang mga kakayahan na maaaring magamit sa pagtugon sa disaster at pagbangon. Maaring may mga pananim na natira at mga kasanayan sila. Ang mga Pilipino ay magaling dumiskarte at nakakagawa ng mga pamamaraan para mabuhay. Likas din sa mga Pilipino ang pagtutulungan ng mga kamag-anak, damayan at bayanihan sa komunidad. Mayaman din ang karanasan ng mga organisasyon sa komunidad at sektor sa mga gawain sa samasamang pagsusulong ng kagalingan at kaunlaran. 11. Ang mga pinakabulnerable sa mga disaster sa Pilipinas ay ang mga mahihirap o ang mga maliliit na magsasaka, mangingisda, maralitang taga-lungsod, manggagawa, at katutubo. Bagamat marami silang kakulangan sa pisikal at materyal na mga resources, magagamit naman ang pagtutulungan at sama-samang pagharap at pagtugon ng mga pamilya, organisasyon at komunidad sa mga panganib at disaster. 12. Kailangang bigyan ng ispesyal na pansin ang mga pangangailangan ng mga bata at mga kababaihan, matatanda at mga may kapansanan. Bagamat ang pag-iwas sa disaster ay ugnay sa tungkulin ng mga kababaihan sa pag-alaga ng mga anak at kaayusan ng pamamahay, kailangang tiyakin na ang mga gawain sa disaster management ay nakakatulong at ‘di maging dagdag na pabigat. 13. Sa mga babasahin kaugnay ng disaster management, karaniwang makikita itong pormulang Hazard (H) x Vulnerability (V) = Disaster (D) o kaya H + V = D. Isinasama na sa pagkabulnerable ang kawalan ng kakayahan. 14. Para idiin na ang daan sa pag-iwas sa disaster ay ang pagpapataas ng kakayahan ng mga pamilyang proteksyunan ang sarili at komunidad, sinasama ang kakayahan HxV = D sa pormula o C (Capacity) 15. Para idiin na ang mga disaster ay maiiwasan sa pamamagitan ng paghahanda at pagpapababa ng pagkabulnerable, pinag-uusapan na ngayon ang disaster risk (DR) o peligro sa disaster. Ito ang probabilidad na magkakaroon ng disaster sa hinaharap o DR = H + V – C . o DR = H x V C Ang diin ay sa paghahanda, pagpapababa sa mga kondisyon sa pagkabulnerable at pagpapataas ng kakayahan para ‘di magkaroon ng disaster. 16. Sagutin ang mga katanungan. Magbigay ng buod ng talakayan at balikan ang mga layunin para sa sesyon.

42

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Mga Kailangan: 1. Tulong biswal gaya ng cut-outs, transparency o manila paper

Oras: ½ oras

Tip sa Tagapagdaloy: 1. H V c ; DR Kung malaki ang pagkabulnerable, mas malaki ang disaster risk o probabilidad na makaranas ng malaking pinsala mula sa disaster. 2. Maiiwasan ang disaster o mapapaliit ang pinsala sa pamamagitan ng pagpapababa sa pagkabulnerable, pagpapataas ng kakayahan at paghahanda. 3. Kadalasan, malaki ang kakulangan ng mga taga-komunidad sa mga materyal at pisikal na resources pero ang malakas na motibasyon at sama-samang pagkilos ay mga kakayahang magagamit sa pagpapababa ng pagkabulnerable sa disaster!

Hand-out: Mga Batayang Konsepto – Panganib, Pagkabulnerable, Kakayahan at Disaster

Sanggunian: Defining A Few Key Terms

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

43


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MGA BATAYANG KONSEPTO — Panganib, Pagkabulnerable, Kakayahan at Disaster 1. PANGANIB (Hazard) Ang bantang panganib ay penomena o pangyayari na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan, ari-arian ng mga tao, komunidad at kalikasan. Hindi agad maituturing na disaster ang bagyo, lindol o pagputok ng bulkan. May tatlong tipo ang bantang panganib:

• • •

mula sa kalikasan (natural) gaya ng bagyo, lindol o pagputok ng bulkan gawa ng tao (human-made) mga panganib gaya ng sunog, aksidenteng industriyal, oil spill sa dagat, gyera gawa ng tao at kalikasan (combination o socio-natural hazards) gaya ng baha at tagtuyot

2. DISASTER Ang mga bantang panganib ay nagiging disaster kapag tumatatama sa mga bulnerableng mga pamilya at komunidad na di sapat ang kakayahang umangkop at harapin ang mapinsalang epekto nito. Ang resulta ay pinsala at pagkasira sa tao, kabuhayan, ari-arian, pasilidad sa komunidad, kalikasan at pangkalahatang kaayusan ng takbo ng buhay ng komunidad.

3. PAGKABULNERABLE (Vulnerability) Ang pagkabulnerable ng mga tao at komunidad ay ang mga kahinaan, kondisyon at salik na sagka sa kakayahang bigyan proteksyon ang sarili at komunidad mula sa mga panganib, umangkop at makabangon mula sa pinsala ng disaster. Ang mga bulnerableng kondisyon ay nauuna sa pangyayari ng disaster, napapatindi ng negatibong epekto nito at madalas, nagpapatuloy kahit tapos na ang disaster.

4. KAKAYAHAN (Capacity) Ang kakayahan ay mga kalakasan, kaalaman, kasanayan at resources na taglay ng mga tao, pamilya at komunidad na ginagamit at maaaring gamitin sa pag-angkop at pagharap sa mga mapinsalang epekto ng mga panganib.

44

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

karugtong

5. Ang mga salik ng pagkabulnerable at kakayahan ay mahahati sa tatlong magkakaugnay na aspeto: • pisikal at materyal: lokasyon, likas yaman, materyales at yari ng bahay at gusali, gawaing pangkabuhayan, akses at kontrol sa lupa, kapital at iba pang kagamitan sa produksyon, mga imprastruktura at pasidad, mga panlipunang serbisyo • panlipunan at pagkaka-organisa: pormal at impormal na kaayusan ng komunidad at lipunan, mga alitan at paano ito inaayos, uri ng pulitika, mga patakaran at batas ng pamahalaan, partisipasyon sa pagdedesisyon, mga organisasyon sa komunidad • aktitud at motibasyon: paniniwala sa buhay at kakayahang baguhin ang kanilang paligid, pananampalataya, ideolohiya, pagtayo sa sarili, pagkakaisa, kooperasyon 6. Ang mga mahirap ay higit na nagkakaroon ng pinsala sa disaster kaysa mga mayaman. Nakatira sila sa ‘di ligtas na lugar, yari ang bahay nila sa mahinang materyales at mahina ang kanilang pangangatawan. Ang pagkawatak-watak o di pagiging organisado ay sagka sa pagharap sa disaster. Mas mabigat ang epekto ng disaster sa mga taong madaling mawalan ng pag-asa. Habang maraming mayaman ang walang panlipunang pananagutan, maraming mahirap naman ang nag-iisip na wala na silang magagawa para makaahon sa kanilang kalagayan. ‘Di rin nakakatulong ang mga aktitud gaya ng “bahala na”, “kapit sa patalim”, “ang buhay ay para lamang gulong - minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim”, at “crab mentality”. Gayundin, ang mga alitan sa komunidad o lipunan na ‘di nareresolba ay maaring pagmulan ng disaster. 7. Kahit ang mga nasalanta ng disaster ay may natitira pang mga kakayahan na maaaring magamit sa pagtugon sa disaster at makabangon. Maaring may mga mga pananim pang natitira o may mga kasanayan sila. Ang mga Pilipino ay magaling dumiskarte at nakakagawa ng mga pamamaraan para mabuhay. Likas din sa mga Pilipino ang pagtutulungan ng mga kamag-anak, damayan at bayanihan sa komunidad. Mayaman din ang karanasan ng mga mga organisasyon sa komunidad at sektor sa sama-samang pagsusulong ng kagalingan at kaunlaran. 8. Ang mga pinakabulnerable sa mga disaster sa Pilipinas ang mga mahihirap o ang mga maliliit na magsasaka, mangingisda, maralitang taga-lungsod, manggagawa, at katutubo. Bagamat marami silang kakulangan sa pisikal at material na mga risorses, magagamit naman nila ang pagtutulungan at sama-samang pagharap ng mga pamiliya, organisasyon at komunidad sa mga panganib at disaster. 9. Bigyan ng ispesyal na pansin ang mga pangangailangan ng mga bata, kababaihan, matatanda at may kapansanan. Bagamat ang pag-iwas sa disaster ay ugnay sa tungkulin ng kababaihan sa pag-alaga sa mga anak at kaayusan ng pamamahay, kailangang tiyakin na ang mga gawain sa disaster management ay nakakatulong at ‘di maging dagdag na pabigat. 10. Sa mga babasahin kaugnay ng disaster management, karaniwang makikita itong pormulang: Hazard (H) x Vulnerability (V) = Disaster (D) o kaya H + V = D. Isinasama na sa pagkabulnerable ang kawalan ng kakayahan. 11. Para idiin na ang daan sa pag-iwas sa disaster ay ang pagpapataas ng kakayahang proteksyunan ang sarili at komunidad, sinasama ang kakayahan sa pormula o HxV = D C (Capacity) 12. Para idiin na ang mga disaster ay maiiwasan, pinag-uusapan na ngayon ang disaster risk. Ito ang probabilidad na magkakaroon ng disaster sa hinaharap: DR = H + V – C o DR = H x V. C

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

45


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Defining a few key terms Hazard A potentially damaging physical event, phenomenon or human activity, which may cause the loss of life or injury, property damage, social and economic disruption or environmen-tal degradation. Hazards can include latent conditions that may represent future threats and can have different origins: natural (geological, hydrometeorological and biological) and/or induced by human processes (environmental degradation and technological hazards). Hazards can be single, sequential or combined in their origin and effects. Each hazard is charac-terised by its location, intensity and probability. Vulnerability A set of conditions and processes resulting from physical, social, economical and environ-mental factors, which increase the susceptibility of a community to the impact of hazards. Positive factors, that increase the ability of people and the society they live in, to cope effectively with hazards, that increase their resilience, or that otherwise reduce their susceptibility, are considered as capacities.

Risk The probability of harmful consequences, or expected loss (of lives, people injured, property, livelihoods, economic activity disrupted or environment damaged) resulting from interactions between natural or human induced hazards and vulnerable/capable conditions. Conventionally risk is expressed by the equation: Risk = Hazards x Vulnerability/Capacity Beyond expressing a probability of physical harm, it is crucial to appreciate that risks are always created or exist within social systems. It is important to consider the social contexts in which risks occur and that people therefore do not necessarily share the same perceptions of risk and their underlying causes.

Risk assessment/analysis A process to determine the nature and extent of risk by analysing potential hazards and evaluating existing conditions of vulnerability/capacity that could pose a potential threat or harm to people, property, livelihoods and the environment on which they depend. The process of conducting a risk assessment is based on a review of both technical features of hazards such as their location, intensity and probability, and also the analysis of the physical, social and economic dimensions of vulnerability, while taking particular account of the coping capabilities pertinent to the risk scenarios.

Coping capabilities/Capacity The manner in which people and organisations use existing resources to achieve various beneficial ends during unusual, abnormal, and adverse conditions of a disaster event or process. The strengthening of coping capacities usually builds resilience to withstand the effects of natural and other hazards.

46

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Resilience/resilient The capacity of a system, community or society to resist or to change in order that it may obtain an acceptable level in functioning and structure. This is determined by the degree to which the social system is capable of organising itself, and the ability to increase its capacity for learning and adaptation, including the capacity to recover from a disaster.

Disaster A serious disruption of the functioning of a community or a society causing widespread human, material, economic or environmental losses which exceed the ability of the affected community/ society to cope using its own resources.

Source:

Living with Risk: A global review of disaster reduction initiatives International Strategy for Disaster Reduction (ISDR); Preliminary Version, Geneva, July 2002.

*Nota: Ang ISDR ang nagpatuloy ng gawain ng katatapos na United Nations International Decade for Natural Disaster Reduction.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

47


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 2: Disaster Management: Ang Panlaban ng Komunidad Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Sabihin ang mga halimbawa ng mga gawain sa pamamahala sa disaster sa pagpababa ng pagpakabulnerable at pagpataas ng kakayahan at bago dumating, sa panahon at pagkatapos ng disaster 2. Isalarawan ang proseso ng disaster management sa komunidad

Pangunahing Ideya: 1. Kung paano tinitingnan at isinasagawa ang disaster management ay dumaan sa proseso ng pagbabago. Kasama rito ang pagpapahalaga sa papel ng komunidad sa paghahanda at pagharap sa mga panganib at tumatamang disaster. 2. Ang disaster management sa komunidad ay binubuo ng mga gawain bago dumating, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster. 3. Layunin ng disaster management sa komunidad na maiwasan o mabawasan ang mga pinsala, maibsan ang kahirapan, mapabilis ang pagbangon, mapababa ang pagkabulnerable, mapataas ang kakayahan ng mga pamilya, komunidad at lipunan sa pagharap sa mga panganib, at makaambag sa kabuuang kaunlaran ng komunidad at lipunan. 4. Bagong konsepto sa disaster management ang pagbubuo ng mga komunidad na matatag sa disaster o disaster resilient o disaster resistant communities. 5. Maaaring isalarawan ang mga gawain sa disaster management sa mga modelo bukod sa kinagawiang disaster management cycle – expand-contract; disaster crunch model/ disaster release model; atbp.

Pamamaraan: “Kaya Mo Ito!”, Lektura at Talakayan

Daloy: 1. “Kaya mo Ito!” Bigyan ang bawat Kalahok ng papel na may 9 tuldok. Tagubilinan ang mga Kalahok na pag-ugnayin ang mga tuldok sa pamamagitan ng 4 na tuloy-tuloy na linya. Pagkatapos ng 3- 5 minuto, i-guhit ng ilang Kalahok sa pisara kung paano nila pinag-ugnay ang mga tuldok.

48

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

2. Simulan ang lektura-talakayan sa pag-ugnay ng laro sa pagbabago sa pagtingin at pamamaraan sa pagsasagawa sa disaster management. Bagamat maunlad na ang agham at teknolohiya, ‘di pa rin bumababa ang bilang at dalas ng mga disaster. Kaya, isa sa mga nangyayaring pagbabago ay ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga ng mga taga-komunidad para mababa ang dami at pinsala ng disaster. 3. Ang disaster management sa komunidad ay binubuo ng mga gawain bago dumating ang disaster , sa panahon ng disaster at pagkatapos ng disaster. Layunin ng disaster management na: a. mabawasan, kung ‘di man maiwasan, ang pinsala sa tao, ari-arian, kabuhayan, pasilidad ng komunidad at kalikasan; b. sagipin ang buhay at mabawasan ang paghihirap ng mga tao c. mapabilis ang pagbangon mula sa mga pinsala d. mapababa ang pagkabulnerable ng mga pamilya at komunidad e. mapataas ang kakayahan ng mga pamilya at komunidad na harapin ang mga panganib f. makaambag sa pagbubuo ng mga komunidad na ligtas at matatag sa disaster (disaster resilient o disaster resistant) g. makaambag sa kabuuang kaunlaran ng komunidad at lipunan 4. Ipakita ang ang ilang halimbawa ng mga gawain bago dumating, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster. a. Bago dumating ang disaster i. Mga gawain para maiwasan ang panganib (prevention) lalo na ang mga panganib na gawa ng tao gaya ng paggawa at pagpapatupad ng mga safety regulations at pangangalaga sa kalikasan; reporma sa lupa at iba pang pamamaraan para magkaroon ang mga mahirap ng akses at control sa mga productive resources ii. Mga gawain para mabawasan ang pinsala o sira (mitigasyon): pagsusuri ng mga panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad (community risk assessment); paggawa ng plano sa pagpapababa ng pagkabulnerable at pagpapataas ng kakayahan o counter disaster plan; mga proyektong pangkaunlaran gaya ng primary health care at food security iii. Mga gawain sa paghahanda para sa anumang emergency (preparedness): pagbubuo at pagpapalakas ng disaster management organization; disaster simulation o drill; pagtukoy ng mga ligtas na lugar o evacuation sites; pagiimbak ng pagkain at kagamitan; disaster management orientation; disaster preparedness training; emergency response training; networking at koordinasyon b. Sa panahon ng emergency : i. mga gawain sa emergency gaya ng search & rescue; first aid; mabilisang pagkumpuni ng mga kritikal na pasilidad ng komunidad gaya ng kuryente, tubig, komunikasyon, at tulay; pagbigay ng relief (pagkain, damit, tubig); pagsasaayos ng pansamantalang tirahan; pamamahala sa evacuation center; psychosocial aid ii. damage needs capacity assessment, koordinasyon at networking

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

49


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

c. Pagkatapos ng disaster i. Mga gawain sa pagbangon at rehabilitasyon gaya ng pagkumpuni at pagpapatibay ng bahay na nasira; seeds & animal dispersal; pagsasaayos ng mga daan, tulay, at iba pang pasilidad ng komunidad na nasira; ii. Mga gawain sa pag-iwas, mitigasyon at paghahanda (tignan ang bahagi ai, aii at aiii) 5. Ipaliwanag ang mga modelo sa pagsasalarawan sa mga gawain sa disaster management. Ang disaster management cycle o continuum ang karaniwang ginagamit. Bagamat ‘di nito intensyon, sa kadalasan ay napopokus ang atensyon sa mga gawain sa emergency at rehabilitasyon. Ang ilan pang mga modelo: Ang expand-contract model ay halaw sa karanasan sa disaster management ng mga komunidad sa South Africa. (Kotze & Hollaway, 1998) Ayon sa modelo, ang pag-iwas/mitigasyon, paghahanda, emergency response, at pagbangon/rehabilitasyon ay maaaring sabay-sabay na ginagawa ng komunidad. Mayroon lamang diin ng gawain sa isang takdang panahon. Ang Citizens’ Disaster Response Network ay nanguna sa pagpapaunlad ng disaster management sa komunidad sa Pilipinas na tinagurian nilang “citizenry-based development-oriented disaster response”. Tinukoy na mas nakakatulong ang paghahati ng mga gawain sa disaster management sa panahon bago ang disaster, habang may disaster, at pagkatapos ng disaster. Ang disaster crunch model at disaster release model ay binalangkas nina Blaikie, Davis at Cannon (1995) mula sa pag-aaral ng mga karanasan sa pagtugon sa disaster sa mga ‘di pa maunlad (developing) na mga bansa. Ang skema nila ay tulong sa pagsusuri ng mga kondisyon at salik sa pagkabulnerable para matukoy ang mga partikular na gawain at proyekto para mapababa ang pagkabulnerable. Maaring makabalangkas ng plano at proseso mula sa kasalukuyang ‘di ligtas na kondisyon, ‘di sustenableng (unsustainable) kabuhayan at bulnerableng komunidad patungong ligtas na kondisyon, sustenableng (sustainable) kabuhayan at mga komunidad na matibay laban sa disaster (resilient o resistant community). Bagong skema ang total disaster risk management batay sa karanasan sa pagpapababa sa peligro sa disaster (disaster risk) sa Australia. 6. Ipaliwanag ang proseso ng disaster management sa komunidad. Gumamit ng tulong biswal. Iugnay sa proseso ng pagsasaayos ng paglulunsad ng pagsasanay sa paghahanda sa disaster at mga panimulang balak o plano/gawain ng mga samahan at komunidad sa disaster management. Iugnay din sa mga paksang tatalakayin sa pagsasanay

50

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Mga Kailangan: 1. Mga papel na ipapamahagi para sa “Kaya Mo Ito!� 2. Tulong biswal: drowing ng iba’t ibang gawain sa disaster management sa transparency o manila paper cartolina

Panahong Kailangan: 1 oras

Tip sa Tagapagdaloy: 1. Ang gawain sa rekonstruksyon, pagsasaayos ng komprehensibo at pangmatagalan pagbangon ng ekonomiya at pagsasaayos ng mga imprastukturang nasira ng disaster, lalo na pagkatapos ng digmaan, ay gawain ng pamahalaan. 2. Ang mga tinalakay na modelo ay maaaring may limitasyon sa paglapat sa mga partikular na layunin at kalagayn ng samahan at komunidad. Ang hamon ay ang pagiging kritikal, mapanuri at mapangahas sa pagbalangkas ng mga angkop at nakakatulong na modelo, skema at pamamaraan. Ang ating mga karanasan sa disaster management sa komunidad ay ating ambag sa patuloy na pagbubuo ng teorya at praktika ng disaster management sa komunidad!

Saggunian: 1. Disaster Management Activities 2. Relevant Disaster Management Models 3. Community Based Disaster Risk Management Process

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

51


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

KAYA MO ITO! (Exercise Nine Dots) Instruction:

Pagdugtungin ang siyam na tuldok sa pamamagitan ng apat na linyang tuwid nang hindi inaangat ang iyong panulat sa papel. Huwag ding balikan (retrace) ang mga linyang naidrowing na.

l

l

l

l

l

l

l

l

l

Sagot:

l

3

채l

l

4 l

l

l

1 l

l

l

2

52

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Disaster Management Activities MITIGATION and PREVENTION

1. Structural/Hard

2. Non-Structural/Soft

• Legislation

• Economic Mitigation

• Safety Measures LOG BAN

• Policy study & Advocacy Let’s study our disaster situation

• Training and education and drills

PREPAREDNESS

• Early warning and Public Awareness Logistics committee Food & water committee

• Strengthening organization and inter-agency arrangements

Barangay Tulong-tulong Medical & sanitation committee Network committe e

• Logistics support and stockpile

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

53


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

EMERGENCYRESPONSE

RECOVERY

RECOVERY • Re habilitation • Re construction

54

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

RELEVANT MODELS Prevention & Mitigation Preparedness strand

Prevention & Mitigation Relief & Response strand

Recovery & Rehabilitation strand

CRISIS Disaster Management Continuum Source: DSWD, Family and Community Disaster Preparedness Module

TIME

EXPAND-CONTRACT MODEL Source: Kotze & Holloway, Reducing Risk, 1998

HVc

HvC

Community at-risk with small capacity

Resilient community

Pre Disaster

During Disaster

Post Disaster

• • •

• •

• •

Prevention Mitigation Preparedness

Emergency Response

Recovery Mitigation

WITHIN THE FRAMEWORK OF PEOPLE-CENTERED DEVELOPMENT Source: Heijmans & Victoria, Citizenry-Based & Development-Oriented Disaster Response, 2001 Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

55


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

56

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

57


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Dis a st er Risk M an ag em e nt - T D RM and C H AR M C O M M U N I C A T E

ES TA BL IS H TH E CO NT EXT

A N AL YSE RI SK

M O N I T O R

EVA LU A TE R ISK

&

IDE N T IFY RI SK

& C O N S U L T

A cc ept R is k

Yes No

TR EA T R ISK

R E V I E W

Source: ADPC, Community Based Disaster Risk Management Course – 11, July 2003

Monitoring & Evaluation Community Managed Implementation Community Risk Reduction Planning Community Risk Assessment Understanding the Community Selecting the community

58

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 3: Nagbabagong pananaw sa disaster management Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: a. Ipaliwanag ang mga nagbabagong pananaw at pamamaraan sa pagsasagawa ng disaster management; at b. Sabihin ang kahalagahan at mga katangian ng disaster management sa komunidad (community based disaster management)

Pangunahing Ideya: a. Pagkatapos ng International Decade for Natural Disaster Reduction noong dekada 90, hindi bumaba ang dalas at mga pinsalang natatamo mula sa mga disaster bagamat nagkaroon ng malawakang kamulatan sa mga usaping disaster at disaster management. Ganito rin ang kalagayan ng Pilipinas. Nakikitang ang paglahok ng mga komunidad ay susi sa paglaban sa mga disaster. b. Nagbabago na ang mga pananaw sa disaster management tungo sa pagpapalahok sa mga taga-komunidad at pagdiin sa mga gawain bago pa man dumating ang disaster. c. Ang mga tampok na katangian ng disaster management sa komunidad: a. Susi ang paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad b. Pagtiyak sa interes at pagkilos ng mga pinakabulnerableng pamilya, grupo at sektor c. Ang mga hakbang at gawain sa pagpababa ng pagkabulnerable ay batay sa pagsuri ng panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad d. Pagsaalang-alang at pagpalakas sa mga pag-angkop at kakayahan ng mga pamilya at komunidad e. Ang papel ng mga taga-labas ay suporta sa komunidad at tagapagpadaloy ng mga resources f. Ang pagpababa ng peligro sa disaster (disaster risk) ay nakaugnay sa plano at gawain sa pagpapaunlad ng komunidad at lipunan g. Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulenrable at pagpataas ng kakayahan ng komunidad h. Ang tunguhin ng pagpalakas ng kakayahan at pagpapababa ng pagkabulnerable ay pagbubuo ng komunidad at lipunang ligtas at matatag (resilient o resistant) sa disaster.

Pamamaraan: “Ito ang Magkasama!�, Lektura at Talakayan

Daloy: Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

59


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

1. “Ito Ang Magkasama!� Hatiin ang mga Kalahok sa 4 o 5 na maliliit na grupo. Bigyan ng mga nakasulat at/o nakadrowing sa bond paper na mga katangian ng disaster management sa komunidad. Sa talakayan, pagsama-samahin ng mga grupo ang mga katangian ng disaster management NOON at NGAYON na magkatapat. Pagkatapos, idikit sa pisara at ipaliwanag ang resulta ng kanilang gawain sa maliit na grupo. 2. Mula sa ulat ng mga grupo sa magkakasamang katangiang NOON at NGAYON, simulan ang maikling lektura hinggil sa mga nagbabagong konsepto sa disaster management sa komunidad. 3. Mga nagbabagong pananaw sa disaster management NOON (Tradisyunal) a. Ang mga disaster ay mga pangyayaring ‘di inaasahan at maiiwasan. b. Ang mga tao sa komunidad ay mga biktima na naghihintay tumanggap ng tulong mula sa mga taga-labas c. Ang disaster management ay gawain ng mga ispesyalista gaya ng mga siyentipiko, ekonomista, social worker, pamahalan at NGO. d. Ang diin ng mga gawain ay sa panahon ng emergency at sa pagbangon e. Ang mga taga-labas ang nagtatakda kung ano ang kailangang tulong ng mga komunidad. f. Ang layunin ng disaster management ay malunasan ang kagyat na paghihirap ng mga tao at maibalik ang sitwasyon sa dati bago nasalanta ng disaster. PAGBABAGO (Ngayon) a. Maaaring maiwasan at mapaghandaan ang disaster. b. Kahit ang mga nasalanta ng disaster ay may mga pag-angkop at natitirang kakayahan na maaaring magamit para sa pagtugon sa emergency at pagbangon. c. Pagpahalaga sa paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad at karaniwang mamamayan. d. Ang diin ng disaster management ay sa mga gawain bago pa man dumating ang disaster, sa pag-iwas, mitigasyon at paghahanda. e. Ang papel ng mga taga-labas, kabilang ang mga NGO, ay suporta sa komunidad at tagapagpadaloy ng resources. f. Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpataas ng kakayahan ng mga bulnerableng pamilya, grupo at sektor sa komunidad at lipunan. 4. Bilang paglalagom, tanungin ang mga Kalahok kung ano sa tingin nila ang mga katangian ng disaster management sa komunidad (community based disaster management).

60

5. Iugnay ang mga sagot sa mga mahahalagang katangian ng disaster management sa komunidad: a. Susi ang paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad b. Pagtiyak sa interes at pagkilos ng mga pinakabulnerableng pamilya, grupo at sektor c. Ang mga hakbang at gawain sa pagpababa ng pagkabulnerable ay batay sa pagsusuri ng panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

d. Pagsaalang-alang at pagpalakas sa mga pag-angkop at kakayahan ng mga pamilya at komunidad e. Ang papel ng mga taga-labas ay suporta at tagapagpadaloy ng resources f. Ang pagpababa ng peligro sa disaster (disaster risk) ay nakaugnay sa plano at gawain sa pagpapaunlad ng komunidad at lipunan g. Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulenrable at pagpataas ng kakayahan ng komunidad i. Ang tunguhin ng pagpapalakas ng kakayahan at pagpababa ng pagkabulnerable ay pagbubuo ng komunidad at lipunang ligtas at matibay laban sa disaster (disaster resilient o resistant).

Mga Kailangan: 1. 4 o 5 na set ng mga nakasulat at/o nakadrowing sa bond paper ng mga pananaw at pamamaraan sa paggawa ng disaster management NOON at NGAYON. 2. Tulong biswal: drowing ng mga nagbabagong pananaw sa transparency o manila paper/kartolina

Panahong Kailangan: 1/2 oras

Tip sa Tagapagdaloy: 1. Bagong konseptong lumalaganap sa disaster management ang pagiging maatatatag sa disaster (disaster resilience). Ang tunguhin ng disaster management sa komunidad ay ang pagbubuo ng mga komunidad na ligtas at matatag sa disaster (disaster resilient o resistant communities). 2. Madaling maintindihan ng mga Pilipino ang konsepto ng disaster resilience sa halimbawa ng kawayan. Humahapay ang kawayan sa malakas na ulan at hagupit ng hangin ng bagyo, subalit nananatiling nakatayo at nakaugat sa lupa pagkaraan ng unos.

Hand-out: Mga Katangian ng Disaster Management sa Komunidad

Sanggunian: 1. Nagbabagong Pananaw sa Disaster Management 2. What Is Disaster Risk Management by Andrew Maskrey

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

61


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

WHAT IS DISASTER RISK MANAGEMENT? by Andrew Maskrey Normally, when we imagine a disaster, we imagine a natural or man made event: flood, earthquake; cyclone- explosion etc. When we ask ourselves “What is a disaster?” we also tend to think not only of these events, but also of the associated effects, loss and damage: destroyed cities and housing; people dead and injured etc. When we ask ourselves, ‘What works in disasters?” We tend to think of the fire brigade, ambulances, rescue workers etc. As a result, both CONSCIOUSLY and SUB CONSCIOUSLY we tend to associate disasters with emergencies and disaster management with emergency response. If we think further, we tend to look forwards and backwards from the emergency itself and begin to include in our thoughts, actions such as emergency preparedness and recovery, hazard mitigation and reconstruction. But, nonetheless, our attention is still firmly centered on the disaster event itself. But what happens if we reflect in a different way, asking ourselves about all the different factors and processes which create the risk that Emergency Management Approach: a disaster might happen. In one way Focuses on the emergency itself and in actions carried out before and or another in any community or after the emergency, including emergency preparedness and recovery. Its objective is to mitigate the losses, damage and disruption when disasters situation risks are always present. The possibility that a disaster might occur and to facilitate a quick recovery. Assumes that disasters are recurring and inevitable. or might not occur will depend on whether those risks are adequately Disaster Risk Management Approach: managed or not. If we reflect in that Focuses on the underlying conditions of risk, generated by unsustainable way, then the management of the development and which lead to disaster occurrence, and on actions emergency itself ceases to be intended to manage and reduce those risks. It’s objective is to increase priority problem but rather the management of those risks, which already exist in a community and Which if unmanaged can lead to disaster. When we ask ourselves, therefore, what disaster management actions or interventions should be carried out, in order to reduce disaster occurrence and loss, under the new vision, we will begin to list actions oriented towards managing and reducing risks in risk scenarios, rather than actions solely oriented to wards management of emergencies. When we ask ourselves which organizations should be involved in these actions, then we see that other kinds of organizations become involved: not just emergency response organizations such as rescue sewicps and the military but also local governments, planning departments, development NGOs etc. Importantly we realize at the same time that it is something which communities themselves are involved in. In this vision of DISASTER RISK MANAGEMENT, activities of emergency response, preparedness and recovery still have an important role, but as small part of a wide range of actions oriented towards managing and reducing risks. Source: Maskrey, Andrew. Module on Community Based Disaster Risk Management for CBDM-2, 1998

62

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

NAGBABAGONG PANANAW SA DISASTER MANAGEMENT NOON

Ang mga disaster ay mga pangyayring ‘di inaasahan at maiiwasan.

NOON

Ang mga tao sa komunidad ay mga biktima na naghihintay tumanggap ng tulong mula sa mga taga-labas.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

NAGBABAGONG PANANAW

Maaaring maiwasan at mapaghandaan ang disaster.

NAGBABAGONG PANANAW

Kahit ang mga nasalanta ng disaster ay may mga pag-angkop at natitirang kakayahan na maaaring magamit para sa pagtugon sa emergency at pagbangon

63


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

NOON

Ang disaster management ay gawain ng mga ispesyalista gaya ng mga siyentipiko, ekonomista, social worker, pamahalaan at NGO.

NOON

64

NAGBABAGONG PANANAW

Pagpapahalaga sa paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad at karaniwang mamamayan.

NAGBABAGONG PANANAW

Ang diin ng mga gawain sa disaster management ay sa panahon ng emergency at pagbangon

Ang diin ng disaster management ay sa mga gawain bago pa dumating ang disaster, sa pagiwas, mitigasyong at paghahanda

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

NOON

Ang mga taga-labas ang nagtatakda kung ano ang kailangang tulong ng mga nasa komunidad

NAGBABAGONG PANANAW

Ang mga papel ng taga-labas, kabilang ang mga NGO, ay suporta sa komunidad at tagapagpadaloy ng resources.

NOON

Ang layunin ng disaster management ay malunasan ang kagyat na paghihirap ng mga tao at maibalik ang ang sitwasyon sa dati bago nasalanta ng disaster

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

NAGBABAGONG PANANAW

Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpatass ng kakayahan ng mga bulnerableng pamilya, grupo at sektor. Ang tunguhin ay pagbubuo ng komunidad at lipunang matibay laban sa disaster (disaster resilient o resistant)

65


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MGA KATANGIAN NG DISASTER MANAGEMENT SA KOMUNIDAD 1. Mga nagbabagong konsepto sa disaster management NOON a. b. c. d. e. f.

Ang mga disaster ay mga pangyayaring ‘di inaasahan at maiiwasan. Ang mga tao sa komunidad ay mga biktima na naghihintay tumanggap ng tulong mula sa mga taga-labas Ang disaster management ay gawain ng mga ispesyalista gaya ng mga siyentipiko, ekonomista, social worker, pamahalan at NGO. Ang diin ng mga gawain ay sa panahon ng emergency at sa pagbangon Ang mga taga-labas ang nagtatakda kung ano ang kailangang tulong ng mga nasa komunidad. Ang layunin ng disaster management ay malunasan ang kagyat na paghihirap ng mga tao at maibalik ang sitwasyon sa dati bago nasalanta ng disaster.

PAGBABAGO a. Maaaring maiwasan at mapaghandaan ang disaster. b. Kahit ang mga nasalanta ng disaster ay may mga pag-angkop at natitirang kakayahan na maaaring magamit para sa pagtugon sa emergency at pagbangon. c. Pagpahalaga sa paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad at karaniwang mamamayan. d. Ang diin ng disaster management ay sa mga gawain bago pa man dumating ang disaster, sa pag-iwas, mitigasyon at paghahanda. e. Ang papel ng mga taga-labas, kabilang ang mga NGO, ay suporta sa komunidad at tagapagpadaloy ng resources. f. Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpataas ng kakayahan ng mga bulnerableng pamilya, grupo at sektor sa komunidad at lipunan.

66

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

2. Ang mga mahahalagang katangian ng disaster management sa komunidad: a. Susi ang paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad b. Pagtiyak sa interes at pagkilos ng mga pinakabulnerableng pamilya, grupo at sektor c. Ang mga hakbang at gawain sa pagpababa ng pagkabulnerable ay batay sa pagsuri ng panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad d. Pagsaalang-alang at pagpapalakas sa mga pag-angkop at kakayahan ng mga pamilya at komunidad e. Ang papel ng mga taga-labas ay suporta at pagpapadaloy f. Ang pagpababa ng peligro sa disaster (disaster risk) ay nakaugnay sa plano at gawain sa pagpapaunlad ng komunidad at lipunan g. Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulnerable at pagpataas ng kakayahan ng komunidad h. Ang tunguhin ng pagpapalakas ng kakayahan at pagpababa ng pagkabulnerable ay pagbubuo ng komunidad at lipunang ligtas at matatag laban sa disaster (disaster resilient or resistant community).

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

67


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MODYUL 3 MGA GAWAIN SA PAGHAHANDA SA DISASTER

Layunin: Pagkatapos ng Modyul 3, inaasahang kaya ng bawat Kalahok na: 1. Gawin ang pagsusuri sa panganib, pagkabulnerable at kakayahan; 2. Tukuyin ang mga gawain para mabawasan ang peligro sa disaster; 3. Tukuyin ang mga angkop na aktibiti, porma at mga dapat isaalang-alang (tips) para sa kaalamang pampulikong maaaring gawin sa komunidad. 4. Ipaliwanag ang angkop na sistema ng pagbibigay ng maagang babala sa komunidad; 5. Makahalaw ng aral kaugnay ng paglikas bilang isang gawain sa paghahanda mula sa hersisyo (disaster exercise or simulation)

Bilang ng Sesyon: 5 Sesyon 1: Pagsusuri sa Panganib, Pagkabulnerable at Kakayahan ng Komunidad (Hazard Vulnerability Capacity Assessment) Sesyon 2: Pagtukoy ng mga Gawain sa Pagbawas sa Peligro sa Disaster sa Komunidad Sesyon 3: Kaalamang Pampubliko (Public Awareness) Sesyon 4: Sistema sa Maagang Babala (EarlyWarning) Sesyon 5: Paglikas (Evacuation) at Pamamahala sa Evacuation Center

68

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 1: Pagsusuri sa Panganib, Pagkabulnerable at Kakayahan Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Talakayin ang mga katangian at kilos ng iba’t ibang panganib sa komunidad 2. Ipaliwanag ang dahilan kung bakit bulnerable sa pinsala sa iba’t ibang panganib ang kanilang komunidad at mga partikular na sektor/grupo/pamilya 3. Ipakita ang mga ginagawa nilang pag-angkop (coping strategies) sa mga disaster at mga kakayahan na maaaring magamit ng mga pamilya/grupo at komunidad para mabawasan ang kanilang pagkabulnerable sa mga pinsala ng panganib

Pangunahing Ideya: 1. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsusuri sa peligro sa disaster ng komunidad (community disaster risk assessment), nagkakaisa sa pagtingin ang mga tagakomunidad sa kanilang kalagayan. Batayan ang pagsusuri sa panganib, pagkabulnerable at kakayahan sa komunidad (community hazard vulnerability capacity assessment) ng pagsagawa ng mga angkop na gawain sa paghahanda at pagpababa sa peligro sa disaster. 2. Ang pagsusuri sa mga panganib (hazard assessment) ay pagtukoy, pag-aaral at pag-unawa sa mga sumusunod na katangian at kilos ng panganib: pwersa (force), mga senyales at babala (warning signs and signals), panahon sa pagitan ng babala ng pagdating at pagtama (forewarning) , bilis o bagal ng pagdating at pagsalanta (speed of onset), dalas (frequency), panahon ng pangyayari (when), tagal ng pangyayari (duration) 3. Sa proseso ng pagsusuri sa pagkabunerable (vulnerability assessment), pinag-aaralan ang mga elementong maaaring mapinsala (elements at risk) gaya ng mga tao, kabahayan, ari-arian, hanapbuhay at mga gawaing pang-ekonomiyang, pasilidad at serbisyo sa komunidad, at ang kalikasan. Sinusuri rin ang mga dahilan kung bakit nasa peligro ang mga elements at risk. 4. Sa pagsusuri sa mga kakayahan, pinag-aaralan ang mga karanasan sa pagharap at pag-angkop ng komunidad, mga grupo at pamilya sa mga panganib at disaster. Tinutukoy din kung sino ang may kontrol at akses sa mga kakayahang magagamit sa pagpababa sa peligro sa disaster (disaster risk). 5. Gumagamit ng mga participatory tools sa pagsusuri ng mga panganib, pagkabulnerable at kakayahan para makuha at mapagsama-sama ang nag-iibang pagtingin ng mga tao batay sa kasarian, edad, hanapbuhay, antas ng pamumuhay, at iba pang konsiderasyon. Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

69


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

6. Pinagsasama ang mga impormasyon ng mga taga-labas at mga taga-komunidad, lalo na kaugnay ng mga disaster at panganib na ‘di pa nararanasan ng komunidad.

Pamamaraan: “Nakikita Ba Ninyo Ang Nakikita Ko?”, Gawain sa Maliit na Grupo, Lektura at Talakayan

Daloy: 1. “Nakikita Ba Ninyo Ang Nakikita Ko?” Ipakita ang larawan at tanungin ang mga Kalahok kung ano ang kanilang nakikita. Itanong kung bakit may pagkakaiba sa nakita? 2. Ipaliwanag na sa pagsusuri ng kalagayan ng komunidad ay maaaring may pagkakaiba ng mga nakikita dahil sa kasarian, edad, hanapbuhay, katayuan sa lipunan, atbp. konsiderasyon. Ang pagsusuri sa peligro sa disaster ng komunidad (community risk assessment) o pagsusuri ng bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad (community hazard vulnerability capacity assessment) ay pagkakataon para maisaalang-alang ang iba’t ibang pagtingin ng mga kababaihan sa kalakihan, mga matatanda sa kabataan at mga may kaya sa mga mahihirap, ang mga opisyal sa mga kasapi ng samahan at gayundin, ang mga taga-komunidad at taga-labas. 3. Idiin na kailangang magkaisa sa malalimang pag-aaral at pagsusuri sa iba’t ibang panganib, ugnayan ng mga bulnerableng kondisyon at mga kahinaan, at ang mga pag-angkop at kakayahan ng komunidad para makatukoy at makagawa ng mga angkop na hakbang at plano para sa pagpababa ng peligro sa disaster ng komunidad. Maaaring banggitin din na ang perception of risk ay isa rin sa mga bagong konsepto sa disaster management. 4. Ipaliwanag na ang malalimang pagsusuri ay binubuo ng 4 bahagi: • pagsusuri sa iba’t ibang panganib sa komunidad (hazard assessment) • pagsusuri sa mga bulnerableng kondisyon at kahinaang dahilan kung bakit tinatamaan ng disaster ang komunidad, mga partikular na pamilya, grupo o sektor (vulnerability assessment) • pagsusuri sa mga pag-ankop (coping strategies), kakayahan at lakas ng komunidad (capacity assessment) • pagtukoy sa mga bahagi ng komunidad na may high, moderate at low risk sa iba’t ibang panganib 5. Sa pagsusuri sa mga bantang panganib (hazard assessment), pinag-aaralan at inuunawa ang katangian at kilos (nature and behavior) ng iba’t ibang panganib sa komunidad. a. Pwersa (force): elementong mapaminsala gaya ng hangin (bagyo, buhawi), tubig (ulan, baha, pag-apaw ng sapa o ilog, pagkasira ng imbakan ng tubig, dambuhalang alon, at maruming tubig sa epidemya), lupa (landslide, deposito sa ilog, lahar, mudflow), apoy (sunog sa mga kabahayan, sunog sa gubat), seismic (earthquake, tsunami, liquefaction), labanan o conflict (giyera, himagsikan, terorismo), pangindustriya/teknolohiya (polusyon, pagputok, radioactive leaks), atbp. b. Mga senyales at babala (warning signs and signals) - siyentipiko at katutubong palatandaan ng pagdating o pagkakaroon ng bantang panganib c. Panahon sa pagitan ng babala ng pagdating at pagtama (forewarning)

70

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

d. e. f. g.

Bilis o bagal ng pagdating at pagsalanta (speed of onset) Dalas (frequency) Panahon ng pangyayari (when), Tagal ng pangyayari (duration).

6. Ipaliwanag na maaaring ang isang bantang panganib ay may dalang iba pang panganib. Tinutukoy ang pangunahing panganib (primary hazard) at ang mga sekundaryong panganib (secondary hazards) na dulot nito. Halimbawa, ang bagyo ay maaaring magdulot ng baha. Ang matagalang pagbaha sa komunidad ay maaaring magdulot ng epidemiya gaya ng gastro-enteritis o dengue. 7. Iugnay ang pwersang mapanira sa tindi o intensity ng panganib. Gamiting halimbawa ang iba’t ibang lakas ng paglindol at lakas ng hangin sa bagyo. 8. Ipakita ang bahagi para sa hazard assessment sa talahanayan para sa pagsusuri ng bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan (hazard vulnerability capacity table), Ito ang hanay 1 – 7 ng talahanayang sa pahina 52. Ipalabas din sa mga Kalahok ang ginamit na talahanayan sa pagsalarawan ng Panganib at Disaster Sa Aming Lugar sa pahina 15. 9. Simulan ang paliwanag sa pagkabulnerable sa pagtanong kung ano ang mga kadalasang pinsala o sirang dulot ng disaster sa komunidad. Mula sa mga sagot, talakayin ang mga elements at risk. Ito ang mga tao, tirahan, ari-arian, taniman, kabuhayan, pasilidad ng komunidad at maging ang kalikasan na maaaring mapinsala kapag tumama ang iba’t ibang panganib. Saklaw ng pagsusuri sa pagkabulnerable ang pagtukoy sa maaaring pinsala sa mga elements at risk. 10. Kasama rin sa pag-aaral sa pagkabulnerable ang pagsusuri kung bakit maaaring mapinsala ang mga elements at risk. Balikan ang ang mga salik sa pagkabulnerable sa aspetong pisikal/materyal, panlipunan/pang-organisasyon at mga aktitud/pananaw. Maaaring gamiting pantulong sa pagsusuri ang disaster crunch model para matukoy ang ugnayan ng mga partikular na kondisyon at salik sa pagkabulnerable ng komunidad, mga grupo/sektor at pamilya. Sa pagtukoy sa mga dahilan at epekto, makikita ang mga ugat ng pagkabulnerable. Pwede ring gumamit ng problem tree. 11. Ipakita ang bahagi ng pagsusuri sa pagkabulnerable sa hazard vulnerability capacity table. Ito ang hanay 8 at 9 sa talahanayan pahina 53 at sa talahanayan sa pagsalarawan ng Disaster At Panganib sa Aming Lugar sa pahina 15. 12. Sa pagsusuri sa mga kakayahan ng komunidad, pinag-aaralan ang mga pag-angkop sa mga bantang panganib at pagtugon sa mga disaster na ginawa/ginagawa ng mga pamilya, grupo, sektor at komunidad. Tinutukoy din ang mga lakas, kasanayan, at iba’t ibang risorses na magagamit sa paghahanda at pagpababa sa pagkabulnerable. 13. Ipakita ang bahagi ng pagsusuri sa kakayahan sa hazard vulnerability capacity table. Ito ang hanay 10 at 11 ng talahanayan sa pahina 53 at 15. 14. Ang resulta ng pag-aaral at pagsusuri sa bantang panganib, pagkabulnerable, at kakayahan ay ilagay sa isang talahanayan o hazard vulnerability capacity table. Ito ang hanay 1 hanggang 11 sa talahanayan sa pahina 53 at 15.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

71


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

15. Gumagamit ng mga participatory tools para suriin ang peligro sa disaster ng komunidad. Sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan makukuha at mapagsama-sama ang nag-iibang pagtingin ng mga tao batay sa kasarian, edad, hanapbuhay, antas ng pamumuhay, at iba pang konsiderasyon. Ang pag-iiba ng mga pagtingin na ito ang tinatawag na perception of risk. Ilang participatory tools: para sa pagsusuri sa bantang panganib: hazard map, seasonal calendar, historical profile, time line, focused group discussion

l

l

para sa pagsusuri sa pagkabulnerable: transect, seasonal calendar, historical profile, time line, institutional and social network analysis, livelihood analysis, focused group discussions

l

para sa pagsusuri sa kakayahan: lahat ng mga pamamaraan para sa pagsusuri sa pagkabulnerable, hazard and resource map, gendered resource mapping, gendered benefit analysis

16. Tukuyin sa mapa ng komunidad ang mga bahagi kung saan may high, moderate at low risk sa iba’t ibang panganib

Mga Kailangan: Transparency, manila paper at masking tape

Panahong Kailangan: 3 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Marami at kumplikado ang tinatalakay sa sesyong ito. Makakatulong ang paggamit ng mga panimulang gawain, mga tulong biswal, mga halimbawa at paglagom sa mga tinalakay.

Sanggunian: 1. Talahanayan sa Pagsusuri sa Panganib, Pagkabulnerable at Kakayahan 2. Hazard Classification

Hand-Out: 1. Categories and Factors for Capacities Vulnerabilities Analysis 2. Nature and Behavior of Hazards 3. Some Tools for Community Risk Assessment

72

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Hazard classification HAZARD potentially damaging physical event, phenomenon and/or human activity, which may cause the loss of life or injury, property damage, social and economic disruption or environmental degradation. NATURAL HAZARDS Natural process or phenomena occurring in the biosphere that may constitute a damaging event. Natural hazards can be classified by origin in: geological, hydrometeorological or biological. ORIGIN Geological hazards Natural earth processes or phenomena in the biosphere, which include geological, neotectonic, geophysical, geomorphological, geotechnical and hydrogeological nature. Hydrometeorological hazards Natural processes or phenomena of atmospheric, hydrological or oceanographic nature.

PHENOMENA / EXAMPLES • • • • • • • •

Biological hazards Processes or organic origin or those conveyed by biological vectors, including exposure to pathogenic micro-organisms, toxins and bioactive substances.

Earthquakes, tsunamis; Volcanic activity and emissions; Mass movements i.e.: landslides, rockslides, rockfall, liquefaction, submarine slides; Subsidence, surface collapse, geological fault activity Floods, debris and mud flows; Tropical cyclones, storm surges, thunder/ hailstorms, rain and wind storms, blizzards and other severe storms; Drought, desertification, wildland fires, heat waves, sand dust storms; Permafrost, snow avalanches

Outbreaks of epidemic diseases, plant or animal contagion, and extensive infestations.

TECHNOLOGICAL HAZARDS Danger originating from technological or industrial accidents, dangerous procedures, infrastructure failures or certain human activities, which may cause the loss of life or injury, property damage, social and economic disruption or environmental degradation. Sometimes referred to as anthropogenic hazards. Same examples: industrial pollution, nuclear activities and radioactivity, toxic wastes, dam failures; transport, industrial or technological accidents (explosions, fires, spills) ENVIRONMENTAL DEGRADATION Processes induced by human behaviour and activities (sometimes combined with natural hazards), that damage the natural resource base or adversely alter natural processes or ecosystems. Potential effects are varied and may contribute to an increase in vulnerability and the frequency and intensity of natural hazards. Some examples: land degradation, deforestation, desertification, wildland fires, loss of biodiversity, land, water and air pollution, climate change, sea level rise, ozone depletion.

NOTES: 1. Hazards can be single, sequential or combined in their origins and effects. 2. Some hazards may have natural or human-induced origin, i.e., wildland fires and desertification, in such a case they may be classified as hydrometeorological hazard or referred to environmental degradation. Source: Living with Risk: A global review of disaster reduction initiatives, ISDR, Preliminary version, Geneva, July 2002 Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

73


PAGKABULNERABLE AT KAKAYAHAN NG KOMUNIDAD (Hazard Vulnerability Capacity Analysis Table) 1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

Ano ang mga disaster na tumatama sa lugar? Ano ang iba pang panganib na maaaring makaapekto sa komunidad?

Ano ang pwersang mapaminsala ? -tubig -kawalan ng tubig -hangin -apoy -atbp

Paano nalalaman na may parating na disaster? -mga siyentipiko at lokal na palatandaan at babala

Gaano kaikli o kahaba ang panahon mula sa palatandaan o babala at pagsalanta ng disaster Sa inyong lugar?

Gaano ito kadalas nangyayari sa inyong lugar?

Kailan o anong buwan ito nangyayari sa inyong lugar?

Gaano katagal ang pangyayari?

Anu-ano ang mga napipinsala sa lugar at bakit? -kabahayan; kabuhayan; pasilidad sa komunidad gaya ng tulay at tubig; kapaligiran

Sinu-sino ang nasasalanta sa disaster at saan sila matagpuan? - hal. Sa tabing dagat, bundok, atbp.

Anu-ano ang mga ginagawang pag-angkop at pagtugon sa disaster?

Ano ang mga resources sa lugar at komunidad na magagamit sa pagharap at pagtugon sa disaster?

(Disasters & Hazards)

(Force)

(Warning signs & signals)

(Speed of Onset)

(Frequenc y)

(When)

(Duration)

(Elements at risk)

(People at risk)

(Coping strategies & Disaster Responses)

(Resources/ Capacities)

11

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

74 TALAHANAYAN NG PAGSUSURI SA PANGANIB

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

NATURE and BEHAVIOR of HAZARD

Î

Force: wind, water (rain, flood, overflow, run-off, flashflood tidal wave, storm surge, epidemic) land (slides, deposits by river, lahar, mudflow) fire (forest fire, settlement fire), seismic (earthquake, tsunami, liquefaction), conflicts (civil war, insurgency, other actions leading to displacement and refugees), industrial/technological (pollution, radio-activity, explosions), other human-related (famine, drought, pests, etc.)

Î

Warning signs and signals :scientific and indigenous indicators that hazard is likely to happen

Î

Forewarning : time between warning and impact

Î Î Î Î

Speed of onset :rapidity of arrival and impact. We can distinguish between hazards that occur without almost any warning (earthquake), and hazards that can be predicted three to four days in advance (typhoon) to very slow-onset hazards like drought and famine. Frequency :does hazard occur seasonally, yearly, once every 10 years, once in a lifetime, etc When :does hazard occur at a particularly time of the year (wet or dry season; in November to December Duration :how long is hazard felt (earthquake and aftershocks; days/week/months that area is flooded; length of period of military operations

TOOLS FOR HAZARD ASSESSMENT :

¼ Hazard map ¼ Historical profile ¼ Seasonal calendar

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

75


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

TOOLS FOR VULNERABILITY ASSESSMENT :

¼ Hazard map ¼ Transect walk ¼ Seasonal calendar ¼ Livelihood analysis ¼ Institutional / social network analysis ¼ Problem tree ¼ Semi-structured interviews ¼ Ranking

TOOLS FOR CAPACITY ASSESSMENT :

h Hazard map h Historical profile h Seasonal calendar h Gendered resource mapping h Focus group discussion h Livelihood / coping analysis h Institutional and social network analysis h Community drama R e pre s e nta ti ve of

DE NR

M in i ng C o m p a ny

Re g iona l PO Al lia nc e B rgy S an J ua n C oop a n d C re d it

B rg y C oun c il

Fou n da t ion

M ul tipu rpos e Co o p

P eop le’s Organiza tion D is a s te r

C hurc h

R e sp ons e Ag en c y

H e a lt h N G O

R HU C DR C - C DP

76

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Categories and Factors for Capacities Vulnerabilities Analysis Physical/Material Location and type of building materials Economic Activities: means of livelihood, production and other skilled, land, water, animals, capital, other means of production (access and control) Infrastructure and services: roads, health facilities, schools, electricity, communications, transport housing, etc. Human capital: population, mortality, diseases, nutritional status, literacy, numeracy, poverty levels Environment factors: forestation, soil quality, erosion, etc.

Social / Organizational Family structures (weak/strong) Leadership qualities and structures Legislation Administrative structures and Institutional arrangements Decision-making structures (who is left out, who is in, effectiveness) Participation levels Divisions and conflicts: ethnic, class, caste, religion, ideology, political groups, language groups, and structures for mediating conflicts Degree of justice, equality, access to political process Community organizations: formal, informal, traditional, governmental, progressive Relationship to government, administrative structures Isolation or connectedness

Motivational/Attitudinal Attitude towards change Sense of ability to affect their world, environment, get things done Initiative Faith, determination, fighting spirit Religious beliefs, ideology Fatalism, hopelessness, despondency, discouragement Dependent/independent (self-reliant) Consciousness, awareness Cohesiveness, unity, solidarity, cooperation Orientation towards past, present, future Note:

In all categories, ask WHO has these things, WHO does not? Men only? Women? One class/ethnic group or another? Break it down.)

Adapted from list distributed by Mary Anderson & Peter Woodrow, during their workshop in Manila in 1992. Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

77


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 2: Pagtukoy ng mga Gawain sa Pagbawas sa Peligro sa Disaster ng Komunidad Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagtukoy ng mga angkop gawain sa pagbawas ng peligro sa disaster ng komunidad; at 2. Tukuyin ang mga gawain para mabawasan ang peligro sa disaster sa kanilang komunidad.

Pangunahing Ideya: 1. Mula sa resulta ng pagsusuri sa mga panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad, matutukoy ang mga angkop na gawain, aktibidad, o proyekto para mabawasan ang pagkabulnerable at mapataas ang kakayahan ng komunidad para umangkop, harapin at paghandaan ang panganib. Ito ang mga risk reduction measures. 2. Kung ang disaster crunch model ay tulong sa pagsusuri sa pagkabulnerable, ang katuwang nitong disaster release model ay magagamit na balangkas sa para sa pagtukoy ng mga gawain sa pagbawas ng peligro sa disaster ng komunidad. 3. Ang mga gawain sa pagbawas ng peligro ng komunidad ay maituturing na mga hakbang ng mga taga-komunidad patungo sa minimithing kaligtasan, matiwasay na hanapbuhay, at kaunlaran.

Pamamaraan: “Pangarap Para sa Aming Komunidad”, Letktura at Talakayan

Daloy: 1. “Pangarap Para sa Aming Komunidad”. Hatiin ang mga Kalahok sa 4 o 5 grupo. Tagubilinan ang bawat grupo na talakayin ang pangarap nila para sa kaunlaran sa komunidad. Talakayin din nila ang papel ng mga taga-komunidad, ng pamahalaan, mga NGO sa pamamagitan ng disaster management sa pagkamit ng pangarap na ito. Isalarawan o iguhit ang pangarap para sa kanilang komunidad sa manila paper. Isaisang mag-uulat ang mga grupo sa resulta ng kanilang talakayan. 2. Balikan ang mga layunin ng disaster management sa komunidad at ang resulta ng pagsusuri ng bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan. Iugnay ang mga ito sa pangarap para sa kaunlaran sa komunidad.

78

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

3. Ipaliwanag ang mga hakbang sa pagtukoy ng mga angkop na gawain sa pagbawas sa peligro sa disaster ng komunidad: a. Balik-aralan ang pagsusuri sa bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan b. Tukuyin kung alin sa mga elements at risk ang bibigyan ng diin. Ito ang mga tao, tirahan, ari-arian, kabuhayan, taniman, pasilidad ng komunidad at kapaligiran na maaaring mapinala o masira. c. Tukuyin ang mga posibleng gawain para mabawasan ang pinsala o sira sa mga elements at risk d. Tignan din ang mga salik sa pagkabulnerable na mapapababa at ang mga kakayahan na magagamit. e. Ikumpara ang mga natukoy na mga gawain sa pagbawas sa peligro sa disaster sa mga resources, pera, kasanayan, misyon at tungkulin ng samahan, at iba pang konsiderasyon. f. Tukuyin kung alin sa mga gawain ang uunahin at ano pa ang isusunod na ipatutupad. g. Pagsama-samahin ang mga gawain sa pagpataas ng kakayahan at pagpababa ng pagkabulnerable sa mga gawain bago dumating ang disaster, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster 4. Maaring tukuyin ang mga uunahin at isusunod na gawain ayon sa pamantayan sa ibaba: • • • •

mga maliliit na gawain na kaagad na isasakatuparan ng komunidad kahit walang tulong mula sa labas mga malakihang gawain na maaaring isakatuparan ng komunidad sa mahabahabang panahon kahit walang tulong mula sa labas mga gawain na kailangan ng tulong mula sa labas maaaring gumamit ng participatory tools gaya ng ranking at scoring

Mga Kailangan: Mga manila paper at mga panulat na may kulay; tulong biswal para sa mga hakbang sa pagtukoy ng mga gawain sa pagbawas sa peligro sa disaster sa komunidad

Panahong Kailangan: 1 oras

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

79


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Tip sa Tagapagpadaloy: Ang kalagayang mataas ang kakayahan at mababa ang pagkabulnerable ay matuturing na isang kalagayang may kaunlaran! Ayon nga kay Mary Anderson, “Development is the process through which people increase their capacities for producing things they need and for managing their political and social lives as they desire and, at the same time (especially in disaster-prone areas) reduce their immediate and long-term vulnerabilities to events which threaten their economic and socio-political existence�.

Hand-out: Steps in Identifying Disaster Risk Reduction Measures and Interventions

Sanggunian: Examples Practiced by the Citizens’ Disaster Response Center/Network to Reduce Disaster Risk at the Local Community Level

80

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Stepsin Identifying Risk Reduction Measures and Interventions

1. REVIEW HVCA

2. PRIORITIZE ELEMENTS AT RISK

3. IDENTIFY POSSIBLE RISK REDUCTION MEASURES

6. RANK MEASURES AND REACH UNITY

6. COMPARE MEASURES WITH AVAILABLE RESOURCES, SKILLS, ORGANIZATIONAL MANDATE, ETC.

5. COMPARE MEASURES WITH AVAILABLE RESOURCES, SKILLS, ORGANIZATIONAL 5. RANK MEASURES AND REACH UNITY MANDATE, ETC.

4. CHECK WHICH ‘V’ ARE ADDRESSED AND WHICH ‘C’ ARE USED

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

81


Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Examples Practiced by the Citizens’ Disaster Response Center/Network to Reduce Disaster Risk at the Local Community Level a. Reinforcing people’s existing livelihoods to increase or maintain the current level of production and income: farm implements dispersal, draft animal dispersal, irrigation expansion, rehabilitation, improvement of water-management), soil fertility improvement, seed dispersal (different nutritional value crops and vegetables), livestock dispersal, fishing implements dispersal. b. Reinforcing people’s coping strategies to reduce risks like diversifying crops: cereals, legumes, vegetables, fruits, root crops and cash crops (mixed cropping, inter-cropping, backyard vegetable gardening, non-staple food); promotion and production of disaster resistant and other indigenous crops; propagation and production of planting materials (nursery); improve water supply; establish herbal gardens, alternative sources of income (like weaving, bamboo products, etc.); reliable social and organizational support structures (especially in times of out-migrating adults); postharvest facilities (preserving and processing methods); improved storage methods, day care facilities. c. Conducting seasonally based preparedness action: drought, floods, pests, red tide, epidemics, and even militarization are seasonally in nature and are likely to happen in some areas. The key to effective action to combat disasters is a regular seasonal cycle of preparedness, like planting of disaster resistant crops, storage and post-harvest facilities, seed banks and nurseries, mobile resources (livestock, mills), temporary shift in sources of income and counter disaster planning. d. Encouraging long-term investments which increase the presence of fall-back resources in the community. These are resources which people rely on heavily in times of crisis, for instance, trees and forest products are fall-back resources. Cultivation of utility trees around homes and lands, maintaining forest reserves for food, fodder and cash, improving water catchments, protection of water sources, some SALT practices, etc. But also establishment of village pharmacy, training of community health workers, functional literacy are long term investments. e. Strengthening social and organizational support structures to establish a community spirit of cooperation, through organizational development and management, disaster response committee formation, counter disaster planning, leadership training, campaigning, functional literacy, daycare facilities, horse dispersal to facilitate communications, etc.

f.

82

Making health and sanitation services available at the community level, through capacity building of community health workers, establishment of medical/herbal gardens and village pharmacy, preparation of herbal medicines, first aid, mother and child care, supplementary feeding to third degree malnourished children, develop KSA on preventive health and nutrition (adults and children), promotion of breastfeeding, promotion of low-cost nutritious food, rehabilitation or provision of potable and accessible water, spring development, provision of latrines/toilets, education on personal hygiene and sanitation.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

g. Conducting advocacy and campaigns to press government, from local to national continually regarding policies and issues that affect the local food security and nutrition situation and/or that form a barrier to solve the problems. Community organizations should identify other groups and individuals to get support and cooperation. They might even build connections with local and national press. Campaigns will mainly focus on the government’s policies generating vulnerability at the community

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

83


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 3: Kaalamang Pampubliko Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Sabihin ang mga susing elemento at katangian ng kaalamang pampubliko (public awareness); at 2. Tukuyin ang mga angkop na aktibiti, porma at mga dapat isaalang-alang (tips) para sa kaalamang pampulikong maaaring gawin sa komunidad.

Pangunahing Ideya: 1. Bilang isang gawain sa pagbawas sa peligro sa disaster sa komunidad, layunin ng kaalamang pampubliko na pataasin ang kamulatan at kaalaman ng mga taga-komunidad sa kanilang pagkabulnerable at ang mga praktikal na pamamaraan sa paghahanda at pagpababa sa pagkabulnerable. 2. Para maging epektibo, ang kaalamang pampubliko ay dapat: • • •

ispesipiko para sa komunidad; isang nagpapatuloy na proseso na nilalahukan ng mga taga-komunidad mula sa disenyo at pagpapatupad; at bahagi ng gawain sa paghahanda at pagtugon sa disaster, kasama na ang sistema sa maagang babala.

Pamamaraan: Lektura at Talakayan, “Mahusay Ito Pero…”

Daloy: 1. Tanungin ang mga Kalahok “Ano ang Kaalamang Pampubliko?” 2. Mula sa mga sagot, ipaliwanag ang kahulugan ng kaalamang pampubliko: •

84

Sistematikong pagpapaabot ng impormasyon kaugnay ng peligro sa disaster at mga magagawa upang maiwasan at mabawasan ang pinsala sa buhay, ari-arian, kabuhayan, atbp. sa komunidad Maayos at sistematikong pamamahagi ng impormasyon upang magkaroon ng sapat na kamulatan, pag-unawa at kaalaman sa mga panganib at pinsalang dulot nito. Mahalaga ring magbigay ng tagubilin kung paano mapangangalagaan ang sarili, pamilya, at komunidad. Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Epektibong pagpaparating sa publiko ng angkop na kaalaman hinggil sa mga disaster at panganib at hakbang sa paghahanda at pagbawas ng pinsala

3. Idiin ang kahalagahan ng pagsasagawa ng kaalamang pampubliko: •

• • • •

Mai-angat ang kaalaman ng masa sa mga katangian at kilos ng iba’t ibang bantang panganib at mga inaasahang pinsala sa mga tao at pamilya, ari-arian, hanapbuhay at pasilidad ng komunidad at mga puedeng gawin para maiwasan o mabawasn ang pinsala. Madagdagan ang kaalaman ng mga tao sa komunidad sa mga paghahanda na maaaring gawin Mapataas ang kaalaman at kasanayan sa epektibong pagtugon sa panahon ng emergency Mapalaganap ang ibig sabihin ng mga babala kaugnay ng iba’t ibang panganib at mga dapat gawin kapag narinig o nakita ang mga senyales sa babala. Mangalap ng suporta para sa nabuong plano sa paghahanda at pagharap sa mga disaster o counter disaster plan.

4. Mga elemento ng kaalamang pampubliko: • • • •

Mensahe (message) Target na tagapakinig o tagapanood (target audience) Pamamaraan (means) Inaasahan resulta (intended results)

5. Mga katangian ng epektibong gawain sa kaalamang pampubliko: • • • • • • 6.

Ipinagpapatuloy (sustained) na proseso; ‘di epektibo ang one-shot deal na kampanya Paglahok ng mga taga-komunidad sa buong proseso, mula sa pagdisenyo hanggang sa pagpapatupad ng kampanya Ang programa sa kaalamang pampubliko ay batay sa pagsusuri sa mga panganib, pagkabulnerable at kakayahan May pagsaaalang-alang sa kasaysayan ng pag-angkop at pagharap sa mga disaster at kultura ng komunidad Ang impormasyon at pamamaraan sa pagpaabot ay angkop sa target na tagapakinig o tagapanood Bahagi ng lokal na sistema sa maagang babala at pagharap sa panganib

“Mahusay Ito Pero…”. Mamahagi ng ilang sampol ng mga materyales mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at NGO gaya ng poster at komiks. Bigyan ng 5–10 minuto ang mga Kalahok na basahin at pag-aralan ang mga materyales. Tanungin ang mga Kalahok kung ano ang puna nilang mabuti at ano naman ang mapapahusay pa sa iba’t ibang materyales kung gagamitin ang mga ito para sa kaalamang pampubliko sa kanilang komunidad. Isulat ang mga mungkahi sa pisara.

7. Tanungin din kung ano ang mga angkop na porma at gawain na maaaring gamitin para sa gawaing kaalamang pampubliko sa komunidad. Ano pa ang mga partikular na gabay na dapat isaalang-alang kaugnay ng epektibong kaalamang pampubliko?

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

85


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

8. Bilang pagsusuma sa sesyong ito, tagubilinan ang mga Kalahok na ang resulta ng talakayan sa sesyong ito ay ilalagay nila sa plano sa paghahanda na gagawin sa susunod na araw.

Mga Kailangan: Kopya ng iba’t ibang materyales pampubliko gaya ng komiks, poster, kalendaryo, praymer atbp. Tulong biswal gaya ng transparency o manila paper/kartolina

Panahong Kailangan: 1 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Maaaring gumamit ng iba’t ibang mapanlikha pero ‘di magastos na pamamaraan sa gawaing kaalamang pampubliko gaya ng mga timpalak sa paggawa ng poster, tula, o kanta.

CDP

2. Kung iba’t ibang pamamaraan ang ginagamit, tiyaking kasang-ayon sa isa’t isa (consistent) ang mga mensahe.

86

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 4: Sistema para sa Maagang Babala Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Talakayin ang kahalagahan ng pagbigay ng maagang babala 2. Ipaliwanag ang mga katangian ng epektibong sistema para sa maagang babala (early warning). 3. Gawin ang angkop na sistema para sa maagang babala ng komunidad.

Pangunahing Ideya: 1. Ang babala (warning) ay paghatid sa mga tao ng mensahe hinggil sa pagkakaroon ng panganib at mga kaukulang payo at tagubilin para sa pag-iingat at kaligtasan. 2. Nagiging epektibo ang babala kung ito ay maagang naibibigay at malinaw sa lahat kung ano ang ibig sabihin ng mga partikular na simbolo at senyales na ginagamit.

Pamamaraan: Lektura at Talakayan

Daloy: 1. Simulan ang lektura sa pagtatanong sa mga Kalahok ng: • Ano ang mga babala kaugnay sa iba’t ibang bantang panganib sa komunidad ang inyong alam ? • Ano ang inyong ginagawa kapag narinig o nakita ang babala? 2. Gamitin ang mga sagot nila sa pagpaliwanag sa kahulugan at layunin ng maagang babala. Ang kadalasang pagtanggap ng mga tao sa babala ay ang mga sumusunod: • Pinag-aaralan ang kanilang paligid kung may palatandaan na totoong may paparating na panganib o disaster • Nagtatanong sa ibang taong maaaring makaalam, gaya ng mga kamag-anak, kapitbahay o opisyal sa barangay • Pinag-aaralan at sinusuri ang nilalaman ng babala • Nagtatanong kung mapagkakatiwalaan ang pinagmulan ng babala 3. Ang babala (warning) ay ang pagpahatid sa mga tao ng mensahe hinggil sa pagkakaroon ng panganib at mga kaukulang payo at tagubilin para sa pag-iingat at kaligtasan. Nilalayon nitong: • Magbigay ng alerto at impormasyon tungkol sa panganib, mga elementong nasa peligro, mga pinsalang maaaring matamo, at mga potensyal na pangangailangan. • Magbigay ng payo hinggil sa mga hakbang para sa proteksyon at kaligtasan, paghadlang, pag-iwas at pagpapababa sa pinsala, at sa pagtugon sa panganib sa panahon ng emergency. • Tagubilinan ang mga indibidwal, pamilya at komunidad kung ano ang gagawin at paano kikilos – ano, kailan, sino, saan, at paano

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

87


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

4. Ipaliwanag na epektibo ang pagbigay ng babala kung: • Maagang naibibigay • Kung malinaw ang impormasyon tungkol sa katangian at galaw ng panganib gaya ng lakas nito (intensity), direksyon, kailan at tagal ng pangyayari • Malinaw kung sino, ano, saan at paano maaaring mapinsala at nagbibigay din ng mga hakbang sa pag-iingat, paghadlang at pag-iwas para sa mga indibidwal, pamilya at komunidad • May pana-panahong update hinggil sa galaw ng panganib • Malinaw sa lahat kung ano ang ibig sabihin ng mga partikular na simbolo o senyales sa pagbigay ng babala • Simple, madaling maintidihan at nasa sariling lengguahe ng target na tagapakinig o tagapanood • Ang mga tao ay kumikilos ayon sa payo at tagubilin ng babala. • Nagbibigay din ng mensahe hinggil sa kahihinatnan (consequence) ng ‘di pagsunod sa babala 5. Idiin na salik din sa pagsunod ng mga tao sa babala ang kredibilidad ng nagbibigay ng babala Mainam na magbigay ng mga update hinggil sa pagbabago sa kalagayan. Dapat pana-panahong tinatasa ang sistema para sa maagang babala at programa sa pampublikong kaalaman at gumawa ng kinaukulang pagsasaayos. Bahagi ito sa pagtiyak na angkop at kung sa gayo’y mapagkakatiwalaan ang sistema para sa maagang babala. 6. Tanungin ang mga Kalahok kung ano ang iba’t ibang angkop na pamamaraan ng pagbigay ng babala sa komunidad. Dagdagan ang mga sagot kung kinakailangan. Idiin na sa pagdisenyo ng angkop na sistema para sa maagang babala, dapat isaalangalang ang mga pangangailangan at kultura ng komunidad. Ang ilang pamamaraan sa pagbibigay ng babala ay pulong sa komunidad, mga simbolo o senyales na pinagkaisahan na nakikita o naririnig, mga poster at karatula, radio, megaphone, house-to-house, atbp. 7. Lagumin ang natalakay sa sesyon at sagutin ang mga natitira pang katanungan.

Mga Kailangan: Tulong biswal gaya ng Transparency o manila paper/kartolina

1 oras

CDP

Panahong Kailangan: Tip sa Tagapagpadaloy: Para maging epektibo ang sistema para sa maagang babala, kailangang alam ng buong komunidad ang mga ibig sabihin ng mga simbolo o senyales na gagamitin. Patuloy na pinapaunlad ang sistema sa pana-panahong pagsasagawa ng mga drill o disaster simulation.

88

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 5: Paglikas at Pamamahala sa Evacuation Center Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Makahalaw ng aral kaugnay ng paglikas bilang isang gawain sa paghahanda mula sa hersisyo ng disaster (disaster exercise or simulation) 2. Tukuyin ang ligtas na lugar na maaaring paglikasan para sa iba’t ibang bantang panganib 3. Sabihin ang mga kinakailangan sa pamamahala sa lugar na pinaglikasan o pansamantalang tirahan (evacuation center)

Pangunahing Ideya: 1. Ang paglikas ay maagap at organisadong pag-alis mula sa peligroso papunta sa ligtas na lugar. 2. Ang mga yugto sa paglikas ay sumasaklaw sa babala, atas ng paglikas, akwal na paglikas, pamamahala sa lugar na pinaglikasan o pansamantalang tirahan (evacuation center), pagbalik sa dati o paglipat sa panibagong tirahan. 3. Pinagtutulungan ang pamamahala sa evacuation center sa pamamagitan ng pagbubuo ng iba’t komite (gaya ng para sa pagkain, sa kalusugan, sa impormasyon at pakikipagugnayan, komite sa edukasyon, at sa seguridad).

Pamamaraan: Hersisyo (Disaster Exercise o Simulation), Lektura at Talakayan

Daloy: 1. Tagubilinan ang mga Kalahok hinggil sa papel nila sa Hersisyo. 2. Mga gabay na tanong pagkatapos ng Hersisyo: • Ano ang nangyari? • Ano ang naramdaman mo? Bakit? • Ano ang mga mahahalaw na aral? 3. Mula sa mga nangyari at nahalaw na aral sa ehersisyo, magbigay ng maikling lektura tungkol sa paglikas. Mag-umpisa sa depinisyon ng paglikas — maagap at organisadong pag-alis mula sa peligroso papunta sa ligtas na lugar. 4. Ipaliwanag ang mga dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng plano sa paglikas: • Tukuyin kung kailan dapat nang lumikas ang mga taga-komunidad. Ano ang mga lokal na indikasyon na dapat bantayan? Ano ang sistema para sa maagang Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

89


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• • • • • •

• • • • •

Ano ang ibig sabihin ng mga senyales o simbolo? Sino ang magbibigay ng atas sa paglikas? Tukuyin ang mga ligtas na lugar na pupuntahan kapag lumikas Tukuyin ang pinakamaikli at ligtas na ruta o daan. Maghanda rin ng mga alternatibong daanan. Tukuyin ang mga lugar kung saan magtitipon-tipon ang mga tao o magsusunduan (pick-up points) Maglagay ng mga senyales sa daan (road signs) o sa ruta Maghanda ng listahan ng mga magsisilikas at i-tsek kung kumpleto ang grupo sa bawat pick-up point Isaayos kung sino ang magkakagrupo sa pick-up point, iskedyul ng sunduan at sasakyang gagamitin. Unahin ang mga may sakit, may kapansanan, mga matatanda, mga bata, at mga buntis. Isaayos ang mga kinakailangang kagamitan at suplay sa evacuation center Gumawa ng probisyon para sa paghahanap at pag-rescue ng ‘di nakalikas Gumawa rin ng probisyon para sa paglikas ng mga hayop gaya ng mga baboy, kalabaw, atbp., at mga kagamitan Gumawa rin ng probisyon para sa seguridad o pagbabantay sa mga maiiwang tahanan at ari-arian Magbuo ng komite mula sa mga taga-komunidad na mamamahala sa paglikas at sa pamamahala sa evacuation center

5. Ang paglikas ay sumasaklaw sa 5 yugto — babala, atas ng paglikas, akwal na paglikas, pamamahala sa lugar na pinaglikasan (evacuation center), at pagbalik sa dati o paglipat sa panibagong tirahan. a. Babala (Warning) • pagbigay ng mensahe hinggil sa sa pagdating ng panganib, mga payo at tagubilin sa pagiging alerto, mga dapat gawing paghahanda, at mga kaukulang aksyon • pagpaabot ng mga update batay sa patuloy na pagmonitor ng kalagayan. b. Atas sa Paglikas (Order to Move) • tagubilin na kailangan nang kagyat na lumikas mula sa mga pinuno ng komunidad at organisasyon k. Aktwal na Paglikas • maagap, ligtas at organisadong paglikas batay sa mga ginawang paghahanda at plano • i-tsek ang listahan ng mga lumikas sa mga nakatala na sa evacuation center d. Pamamahala sa Evacuation Center • pagtala, pagmonitor at pagbibigay ng oryentasyon sa mga pamilya • pag-ayos ng pagkain, malinis na tubig, at iba pang pangangailangan • pagsasaayos ng sapat na lugar para sa mga pamilya, kalusugan, kalinisan, at pangkalahatang kaayusan • pagpadaloy ng mga serbisyo at impormasyon • pagbuo ng mga komite para sa tulong-tulong na pamamahala e. Pagbalik sa dati o paglipat sa bagong tirahan • pag-ayos sa mga nasirang tahanan • paglinis sa iiwang evacuation center • pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan para sa paglipat at pag-ayos ng mga kailangan sa bagong tirahan

90

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

6. Mahalaga ang paglahok ng mga lumikas sa pamamahala sa evacuation center. Pinagtutulungan ang pamamahala sa evacuation center sa pamamagitan ng pagbubuo ng iba’t komite Ang mga komite ay humihirang ng kanilang pinuno na kakatawan sa kanila sa pangkalahatang komiteng namamahala sa evacuation center. 7. Mga komite at gawain sa pamamahala sa evacuation center komite sa pagkain – pamamahagi ng relief – pagbibigay ng ispesyal na atensyon sa pangangailangan ng mga bata, matatanda, buntis at nagpapasusong ina; – pamamahala sa kusina at mga kinakailangang suplay; – pag-ayos at pag-imbak ng mga suplay sa pagkain komite – – – – –

sa kalusugan pag-ayos ng kalinisan at pangkalahatang kaayusan ng evacuation center; pagbigay ng paunang lunas at tulong medikal; referral ng mga pasyente sa ospital kung kinakailangan; paggawa ng mga herbal na gamot; pag-ayos at pag-imbak ng kinakailangang suplay at gamot

komite sa impormasyon at pagkikipag-ugnayan - pagtala sa mga taong pumapasok sa evacuation center (registration of survivors) at mga dala-dalang kagamitan - tulong sa mga pamilya sa paghanap sa mga nawawalang kaanak (tracing) - pakikipag-ugnayan sa mga tagalabas para magbigay ng impormasyon hinggil sa disaster na nangyari at mga tugon ng komunidad at iba’t ibang grupo at mga pangangailangan; - patuloy na monitoring sa kalagayan at pagbigay ng mga update sa mga kasamahan sa evacuation center - pangangalap ng mga resources na kailangan komite sa edukasyon - pagsaayos ng pagtutuloy ng klase para sa mga bata at day care center; - pagbigay ng mga oryentasyon sa mga gawaing sa paghahanda - pagsaayos ng paghehersisyo, pagpapalakas ng katawan at mga palaro - pagbigay ng seminar kaugnay ng iba’t ibang angkop na isyu gaya ng human rights; komite sa seguridad - pagtiyak ng kaligtasan ng mga taong lumikas; - pagbantay sa evacuation center sa araw at gabi; - may kapangyarihang mamagitan sa alitan sa loob ng evacuation center, negosasyon sa pulis at mga armadong grupo; - pag-monitor sa kalagayan sa lugar na pinanggalingan bago bumalik 8. Lagumin ang talakayan sa sesyong ito at sagutin ang mga katanungan.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

91


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Mga Kailangan: Istorya at props para sa Hersisyo Mga tulong biswal gaya ng transparency o manila paper/kartolina

Panahong Kailangan: 2 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Ang mga hersisyo (disaster exercise or simulation) gaya nang isinagawa ay makakatulong upang aktwal na maranasan ng mga Kalahok ang sitwasyon na maaaring mangyari sa kanilang buhay at komunidad. Nagkakaroon ang mga Kalahok ngpagkakataon na mapraktis ang ilang kasanayan at makakuha ng feedback at aral. 2. Ang drill o simulation ng pagbibigay ng maagang babala, paglikas at pagsasaayos ng mga kagyat na serbisyo sa panahon ng emergency ay mahalagang gawain sa paghahanda sa disaster sa komunidad. Huwag kalimutang isali ang mga bata at matatanda sa drill. 3. Maaring idugtong ang evacuation simulation sa hersisyo para sa pagsusuri ng pinsala, pangangailangan at kakayahan.

Sanggunian: Disaster Exercise Script

92

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Evacuation Simulation Script Ulat Panahon: Ika – 7:00 ng umaga. Tinatayang ang mga lalawigan ng Timog Katagalugan ay maaapektuhan o tatamaan ng Bagyong Manang ngayong ala-una ng hapon (1:00 p.m.) . Inaasahan ang bilis ng hanging mula 100 – 185 kilometro bawat oras. Ang tuloy-tuloy na pag-ulan ay nagdudulot na rin ng pagtaas ng ilog at tubig sa mga mababang lugar. Pinapayuhan ang mga sumusunod na komunidad: Barangay Masaya, Masagana at Matiwasay na lumikas na sa mataas na lugar at matitibay na bahay upang maiwasan ang anumang maaaring idulot ng bagyo at pagbaha. Inaasahang nakalikas na ang lahat ngayon bago mag-ika – 10:00 ng umaga Ihanda ang mga dapat ihanda at mahahalagang kagamitan na kakailanganin sa paglikas at sa evacuation center. Kung lulubha ang sitwasyon maaaring magtagal sa evacuation center ang mga apektadong pamilya mula 1 hanggang 3 araw o higit pa!

Nota: Bigyan ng kalahating oras para makapagplano (tasking, ruta, at itbp. ) ang mga participants. Ibigay ang papel o role na gagampanan ng bawat isa (buntis, mga bata, may sakit, bulag, pilay, atbp.). Itanong kung handa na silang lumikas. Habang lumilikas ang participants/komunidad magbigay ng karagdagang sitwasyon upang makita natin kung paano aaksyon ang mga lider at mga tao. Pagdating sa evacuation center, humingi ng listahan ng mga pamilyang nagsilikas at iba pang mahalagang impormasyon na kakailanganin para makapagtukoy ng mga pangangailangan ng mga pamilyang nasa evacuation center. Ano ang kalakasan, meron at wala at kailangang suporta o gawain mula mismo sa mga apektadong pamilya na nasa evacuation center, komunidad, gobyerno at NGO.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

93


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MODYUL 4

MGA PARTIKULAR NA GAWAIN SA PANAHON NG EMERGENCY Layunin: Pagkatapos ng Modyul 4, inaasahang kaya ng bawat Kalahok na: 1. Tukuyin ang mga datos at impormasyong kailangan ng komunidad at iba’t ibang ahensya para magsagawa ng mga tulong sa panahon ng emergency 2. Tukuyin ang mga ankop at napapanahong serbisyo at gawain sa panahon ng emergency mula sa resulta ng Pagsusuri ng Pinsala Pangangailangan at Kakayahan. 3. Tukuyin ang mga rekisito, kinakailangang pagsasanay, lohistika at suporta para mapataas ang kakayahan ng komunidad na gampanan ang mga serbisyo at gawain sa panahon ng emergency

Bilang ng Sesyon: 5

BUKLOD TAO

Sesyon 1: Pagsusuri sa Pinsala, Pangangailangan at Kakayahan Sesyon 2: Mga Angkop Na Serbisyo at Gawain sa Panahon ng Emergency at Pagbigay ng Relief Sesyon 3: Emergency Operations Center

94

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 1: PAGSUSURI NG PINSALA, PANGANGAILANGAN ATKAKAYAHAN Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Tukuyin ang mga datos at impormasyong kailangan ng komunidad at iba’t ibang ahensya para magsagawa ng mga tulong sa panahon ng emergency 2. Ipaliwanag ang halaga ng pagsasagawa ng pagsusuri ng pinasala, pangangailangan at kakayahan (damage needs capacity assessment o DNCA) ng komunidad sa pagbibigay ng mga angkop na serbisyo sa panahon ng emergency

Pangunahing Ideya: 1. Kadalasa’y ang saklaw at lawak ng pinsala lamang ang kinukuha ng mga ahensya at organisasyon para magbigay ng serbisyo sa panahon ng emergency. 2. Mahalagang isaalang-alang ang mga ginawang pag-angkop at iba pang kakayahan ng mga nasalanta para matiyak na angkop at napapanahon ang mga tulong sa panahon ng emergency. Maiiwasang mabawasan pa ang kanilang natitirang kakayahan. 3. Lumalahok ang mga taga-komunidad at organisasyon sa pangangalap at pagsusuri ng mga datos at impormasyon kaya bahagi ng paghahanda ang pag-aaral sa pagsasagawa ng pagsusuri sa pinsala, pangangailangan at kakayahan.

Pamamaraan: Hersisyo ng Disaster, Lektura at Malayang Talakayan

Daloy: 1. Hersisyo ng Disaster. Tagubilinan ang mga Kalahok hinggil sa mga papel na gagampanan nila bilang mga mangangalap ng datos at mga iinterbyuhing mga lider ng komunidad at organisasyon at mga nasa evacuation center. 2. Mga gabay na tanong pagkatapos ng Hersisyo ng Disaster: Para sa mga Nangalap ng Datos a. Anu-ano ang mga nakalap nilang datos at impormasyon? b. Ano ang mungkahi nilang mga tulong para sa panahon ng emergency? Kailan ito dapat ibigay? Paano ito ibibigay?

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

95


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Para sa mga Nagbigay ng Datos a. Ano ang puna nila sa mga datos/impormasyon at sa ginawang pagkuha nito? b. Ano ang puna nila sa mga mungkahing tulong at pamamaraan sa pagbibigay nito? Para sa lahat ng Kalahok a. Ano ang iba pang puna? b. Anong mga aral na mahahalaw sa hersisyo? 3. Mula sa mga puna at mungkahi ng mga Kalahok sa hersisyo, ipaliwanag ang mga katangian at pamamaraan ng pagkuha at pagsusuri ng datos . Ang DNCA ay sistematikong pangangalap ng datos hinggil sa naganap na disaster at ang epekto nito sa mga tao at komunidad. Ito ay pagsusuri ng kakayahan ng mga naapektuhan na tugunan ang kalagayan at ang mga kailangan pang tulong mula sa ibang mga ahensya, organisasyon, at komunidad. 4. Kahalagahan at gamit ng DNCA: • Sa pagtukoy ng angkop at napapanahong mga serbisyo at gawain sa emergency • Sa pagbigay ng sapat na impormasyon at update kaugnay ng kalagayan sa mga taga-komunidad at taga-labas • Sa pangangalap ng mga kailangang risorses — pera, materyales, kagamitan, tao atbp. 5. Mga mahalagang impormasyon saklaw ng DNCA: • mga pinsala sa mga tao, kabahayan, hanapbuhay, mga kritikal na pasilidad sa komunidad • paano tinugunan at hinaharap ng mga tao at komunidad ang disaster • tulong na ibinigay ng lokal na pamahalaan at ibang NGO • plano ng mga pamilya, organisasyon at komunidad sa pagharap sa kalagayan at makabangon • panganib na dapat pang hadlangan o paghandaan • mga pangangailangan (pagkain, malinis na tubig, pansamantalang tirahan, kalusugan, seguridad, pamamahala sa evacuation center, atbp) at kung kalian ito kailangan 6. Mga pamamaraan sa pagkuha ng datos at impormasyon: • Obserbasyon • Panayam • Pulong baryo • Pulong ng maliliit na grupo (focused group discussion) • Pag-ugnay sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga organisasyon 7. Ipakita ang pormat ng pagsusuri sa pinsala, pangangailangan at kakayahan (DNCA Form). Itanong ang mga sumusunod sa mga Kalahok: • Makakatulong ba ang paggamit ng DNCA Form? • Ano ang mga mungkahi nilang pagbabago para mas madaling gamitin at ipaabot ang mga pangyayari at pangangailangan ng mga pamilya at komunidad?

96

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

8. Ang isang simpleng pormat ng ulat pagkatapos ng pagsasagawa ng DNCA ay dapat maglaman ng: • Nangyaring disaster - ano, kalian, saan, paano • Mga pinsala at posible pang mapinsala • Tugon ng mga pamilya at komunidad – paglikas, search & rescue, pamamahala sa evacuation center, monitoring sa kalagayan at mga posible pang panganib, relief, DNCA, pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng lokal na pamahalaan at NGO • Mga plano ng komunidad at organisasyon • Mga pangangailangan – ano, ilan, kailan 9. Lagumin ang mga natalakay sa sesyon at sagutin ang mga natitira pang tanong.

Mga Kailangan: Istorya at Props para sa Hersisyo ng Disaster; Mga Tulong Biswal gaya ng transparency o manila paper/kartolina

Panahong Kailangan: 1 ½ oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Ang pangangalap at pagsusuri ng datos at impormasyon ay maituturing na isang proseso. ‘Di naman dapat matagal ang pagsasagawa ng DNCA sa kagustuhang makumpleto ang lahat ng impormasyon. ‘Di dapat maantala ang mga kagyat na gawain sa panahon ng emergency. Gayundin, kailangan ng sapat na impormasyon para makapagbigay ng update sa kalagayan at maiwasan ang duplikasyon at ‘di angkop na pagbibigay ng tulong. 2. Ihabilin sa mga Kalahok na tingnan din ang kalagayan at pangangailangan ng mga pamilyang lumikas at tumuloy sa mga kamag-anak. 3. Ang pagsagip ng buhay at pagpigil sa paglala ng kalagayan ang pangunahing layunin ng mga gawain sa panahon ng emergency. Kagyat na kinukumpuni rin ang mga kritikal na pasilidad sa komunidad gaya ng tubig, kuryente, komunikasyon at transportasyon.

Sanggunian: Damage Needs Capacity Assessment Form

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

97


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MGA GAWAIN SA PANAHON NG EMERGENCY

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

103


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 2. Mga Angkop na Serbisyo sa Panahon ng Emergency at Pagbigay ng Relief Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Tukuyin ang mga angkop at napapanahong serbisyo at gawain sa panahon ng emergency mula sa resulta ng Pagsusuri sa Pinsala Pangangailangan at Kakayahan 2. Tukuyin kung kailan dapat mamahagi ng relief sa komunidad 3. Ipaliwanag ang proseso at mga rekisito ng relief delivery operation.

Pangunahing Ideya: 1. Ang mga taga-komunidad ang unang tumutugon, kumikilos at nagtutulungan para masagip ang buhay, kabuhayan at ari-arian ng mga pamilya at komunidad Ang DNCA ng mga taga-komunidad ang pangunahing batayan sa pagtukoy ng angkop at napapanahong serbisyo at gawain sa panahon ng emergency. Nagbibigay ng relief at mga serbisyo sa panahon ng emergency para pigilan ang patuloy na paglala ng kalagayan at tiyakin ang survival ng mga taga-komunidad. 2. Bukod sa DNCA, ang ilan pang mahalagang gawain sa panahon ng emergency ay search and rescue; first aid; pagbibigay ng relief – tulong pagkain, damit, mga kagamitang gaya ng timba, kandila at posporo; kawali at kaldero, atbp; tulong pangkalusugan; psycho-social assistance, pagsasaayos ng pansamantalang silungan; mabilisang pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga kritikal na pasilidad sa komunidad gaya ng transportasyon, komunikasyon, tulay, kuryente, tubig, pamamahala sa evacuation center at emergency operations center. 3. Sa pamamagitan ng DNCA matutukoy kung sino ang nangangailangan, ano at kailan magbibigay ng relief. .

Pamamaraan: “Emergency!” at Lektura

Daloy: 1. “Emergency”. Balikan ang resulta ng community risk assessment para sa mga bantang panganib sa komunidad. Makakatulong kung ipapaskil muli ang resulta ng gawain ng grupo sa sesyon ng sa panganib pagkabulnerable at kakayahan. Idikit sa pisara ang simbolo ng mga pangunahing panganib o disaster sa komunidad. Balikan din ang mga halimbawa ng mga gawain sa panahon ng emergency. Ipakita ang mga larawan o drowing ng iba’t ibang gawain sa panahon ng emergency.

104

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Hatiin ang mga Kalahok sa 4 – 5 grupo. Ipasagot sa mga Kalahok ang mga sumusunod na tanong: • Alin sa mga serbisyong nakalarawan ang kailangan nilang gawin sa panahon ng emergency kaugnay ng iba’t ibang disaster? • Anong iba pang serbisyo ang ‘di nakalarawan pero kailangan nilang gawin sa panahon ng emergency? • Alin sa mga gawain ang pangunahing gagawin nila at alin naman ang ikokoordina nila sa mga NGO at local na pamahalaan? • Alin sa mga gawain (na sila ang pangunahing gagawa) ang ‘di pa nila kaya (kulang ang kaalaman at kasanayan)? Pagkatapos ng talakayan, ipadikit sa bawat grupo ang mga mga drowing para sa partikular na mga tanong. 2. Talakayin sa malaking grupo ang mga ulat. Lagumin ang mga sagot at idiin na taliwas sa karaniwang pag-aakala, ang mga taga-komunidad ang talagang unang tumutugon, kumikilos at nagtutulungan para masagip ang buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga pamilya at komunidad. 3. Ipaliwanag na ang batayan ng pagtukoy ng mga angkop na gawain at serbisyo sa panahon ng emergency ay ang DNCA. Hindi kailangang makumpleto ang DNCA bago makakilos. Tingnan ang DNCA bilang isang proseso. May mga esensyal na datos na pwede nang batayan ng mga kagyat na serbisyo sa panahon ng emergency. 4. Ipaliwanag ang ilang serbisyo at gawain sa panahon ng emergency sa pamamagitan ng pagtalakay sa proseso, mga rekisito at halimbawa. 5. Natalakay na sa naunang sesyon ang pagbibigay ng babala at paglikas. Mahalaga ang pagsasaayos ng pamamahala sa evacuation center at emergency operations center kapag malakihan ang disaster at matagalan ang paglikas. Habang inaayos pa ang evacuation center sa mga simbahan, paaralan o gusaling pampubliko, maaaring gumawa ng pansamantalang silungan. Karaniwang ginagawa ito sa kalagayan ng mga mga nasunugan o mga pwersahang pinalikas dahil sa demolisyon. 6. Kasali sa mga unang gawain sa panahon ng emergency ay ang search and rescue at first aid . Mahalaga ang orgnisadong paglikas para malaman kung sino pa ang kailangan pang hanapin at sagipin. Binibigyan naman ng paunang lunas ang mga nasugatan. 7. Ang mga nasirang kritikal na pasilidad para sa komunikasyon at transportasyon ay kagyat ng kinukumpuni. Inaayos ang suplay ng tubig at kuryente. 8. Ang tulong sa relief ay maaaring pagkain (bigas, tuyo, mungo, gulay, asin, mantika atbp), malinis na tubig, damit, at mga kagamitan gaya ng lalagyan ng tubig, kandila at posporo, sabon, atbp. Maaaring kailangan din ng mga trapal o plastic sheets para sa pansamantalang silungan.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

105


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

9. Mga konsiderasyon sa pagbigay ng relief: • pagkilala na kahit ang mga nasalanta ay may natitirang kakayahan. Dapat pinapalakas ang pag-angkop ng mga nasalanta. Hindi sinisira ang kanilang kakayahan at ginagawang palaasa sa tulong. • napapanahon - ibinibigay ang relief at pagkain kung kailan kinakailangan. Maaaring ilang oras, ilang araw o lingo o buwan pagkatapos ng pangyayari depende sa kalagayan; • sapat - pagkain para mabuhay sa loob sa takdang panahon. Halimbawa, ayon sa pangangailangan sa nutrisyon ng isang pamilyang may 6 na myembro para sa isang linggo habang may emergency • angkop - batay sa aktwal na pangangailangan; may pagsasaalang-alang sa kultura, kasarian atbp.; • kalusugan 10. Proseso • Pagsusuri sa Pinsala, Pangangailangan at Kakayahan (DNCA) • Pagpaplano (Planning) • Pagpapalitaw ng Pinansya at Risorses (Resource generation) • Pagbili ng mga relief goods (Purchasing) • Pag-iimbak (Warehousing) • Pagbalot (Repacking) • Pamamahagi (Distribution) • Pagtatasa (Assessment) • Pag-uulat (Reporting) 11. Maling pagtingin tungkol sa Relief • Pag-asa sa tulong mula sa labas • Kailangang agad mamahagi ng relief at pagkain sa mga nasalanta ng disaster • Mas maraming relief goods, mas mabuti • Kakain ang mga tao ng kahit ano kapag nagugutom • Pare-pareho ang pangangailangan ng mga tao at kailangang pantay-pantay ang dami ng ibibigay sa bawat pamilya • Paggamit ng relief para sa pamumulitika 12. Kapag may tulong na nais ibigay ang mga organisasyong taga-labas, ang lokal na organisasyon ang nagsasaayos ng programa ng pamamahagi at inaayos ang iskedyul sa mga tao. Maaaring gumawa ng master list at magbigay ng tiket o stub para maayos ang daloy ng pamamahagi. 13. Ang pagsasaayos sa pamamahagi ng relief ay karaniwang nakaatang sa Komite sa Relief ng EOC o ng komunidad o samahan. Kasama sa tungkulin ng komite ang sumusunod: • Pamimili ng mga kailangang gamit para sa relief • Pagbalot (repack) ng mga relief goods kasama ang mga bolunteer • Paggawa ng master list, pamamahagi ng tiket at pagpapaabot ng iskedyul sa mga pamilya • Pagdala ng relief goods mula sa imbakan o bodega ng EOC patungo sa lugar kung saan mamamahagi

106

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• • •

Pagtiyak sa pisikal na kaayusan sa ang lugar kung saan mamamahagi ng relief saan ilalagay ang mga mesa o sasakyan; saan maghihintay, pipila at daraan ang mga tao; alternatibong lugar kung sakaling umulan Pagsaayos ng programa sa pamamahagi – maikling oryentasyon kung bakit bulnerable ang komunidad at mga gawain sa paghahanda at pagbawas sa peligro sa disaster ng komunidad; paliwanag sa sistema ng pamamahagi ng relief Pagtiyak sa dokumentasyon ng pamamahagi - pagtsek ng pamamahagi sa master list at pagpapapirma sa mga tumatanggap Pangunguna sa pagtatasa kasama ang mga taga-komunidad hinggil sa pagpapahusay ng sistema ng pamamahagi ng relief Paghanda ng ulat hinggil sa pamamahagi ng relief

14. Huwag mamahagi ng gamot sa relief operation kung walang kasamang medical team na tumitingin sa dinaramdam ng mga pasyente. Maaaring magsaayos ng medical mission sa komunidad para mabigyan lunas ang karaingan ng mga may sakit. 11. Ang pagkawala ng mahal sa buhay at mga ari-arian (gayundin ang pagkabigla sa mga pangyayari lalo na sa mga kabataan), ay nagbubunga ng pagkatulala o labis na pagdadalamhati. Magsaayos ng counselling at mga critical stress debriefing o psychosocial assistance para makatulong sa pag-angkop sa mga pangyayari. 12. Mahalaga ang koordinasyon at pakikipag-ugnayan (coordination & networking) para matiyak na matugunan ang lahat ng pangangailangan sa panahon ng emergency. Gayundin, maiiwasan ang duplikasyon at ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tagakomunidad, organisasyon at mga tumutulong na taga-labas. Susi sa koordinasyon at pakikipag-ugnayan ang paglilinaw ng papel at saklaw ng tungkulin, hatian ng mga responsibilidad at ang tukoy na daloy ng komunikasyon (lines of communication).

Mga Kailangan: Mga ritrato o drowing ng iba’t ibang gawain sa panahon ng emergency

Panahong Kailangan: 1½ oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Bahagi ng paghahanda, pinapataas ng mga taga-komunidad ang kaalaman at kasanayan nila kaugnay ng mga partikulat na serbisyo at gawain sa panahon ng emergency. 2. Paalalahanan ang mga Kalahok na balikan muli ang mga kinakailangan nilang pagsasanay (para sa mga gawain sa emergency na kulang ang kanilang kaalaman at kasanayan) sa sesyon sa pagsasagawa ng plano ng komunidad sa pagharap sa disaster (counter disaster planning).

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

107


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 3. Emergency Operations Center Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Sabihin ang mga gawain at tungkulin ng Emergency Operations Center 2. Matukoy ang angkop na istruktura ng Komunidad sa pagbigay ng mga serbisyo at tulong sa panahon ng emergency.

Pangunahing Ideya: 1. Ang emergency operations center ay sentro ng operasyon, komunikasyon at koordinasyon ng pagtulong (command post) kapag malakihan ang saklaw ng disaster at matagalan ang panahon ng emergency. 2. Bukod sa pisikal na base at mga kagamitan, kailangang pamahalaan ang mga komite sa iba’t ibang gawain at mga organisasyon, tauhan at bolunteer na lumalahok sa pagbigay ng mga serbisyo sa panahon ng emergency.

Pamamaraan: “Magagawa Natin” Lektura at Talakayan

Daloy: 1. Piringan ang mga mata ng mga Kalahok. Bigyan sila ng lubid na hahawakan. Tagubilinan na bumuo sila ng hugis kuwadrado sa loob ng sampung minuto. 2. Ang emergency operations center o EOC ay sentro ng operasyon (command post) sa pagtulong sa komunidad at mga pamilyang nasalanta ng disaster. Sentro rin ito ng komunikasyon at koordinasyon ng mga tao at organisasyong kalahok sa pagtulong. 3. Nagtatayo ng EOC kapag malakihan ang saklaw ng disaster at matagalan ang panahon ng emergency. Maaring ang manggaling sa iba’t ibang organisasyon at/o komunidad ang tumutulong sa pang-araw-araw na gawain ng EOC. 4. Maaari itong nakabase sa opisina ng organisasyon sa komunidad o sa tanggapan ng lokal na pamahalaan. 5. Mga gawain at tungkulin ng EOC • pagplano at pagbigay ng iba’t ibang angkop na serbisyo sa panahon ng emergency; • sentro ng koordinasyon at komunikasyon ng mga tao at iba’t ibang organisasyon;

108

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• • • •

pagtipon at pamamahagi ng impormasyon kaugnay ng disaster, mga pangangailangan, mga tugon at kalagayan ng mga nasa iba’t ibang evacuation center; mangalap ng mga resources; pag-imbak at pamamahala sa distribusyon ng mga suplay para sa relief at iba pang serbisyo; pamamahala sa mga bisita sa lugar, kabilang na ang mga taga-media; at maagap na pagtugon sa mga lumilitaw na suliranin kaugnay ng operasyon at pagtulong.

6. Batayan sa pagpili ng EOC • nasa ligtas na lugar at may alternatibong lugar na maaaring paglipatan kung kinakailangan • madaling hanapin at puntahan (accessible) • may gamit pang-komunikasyon 7. Mga susing tao at mga komite para sa iba’t ibang gawain at serbisyo ng EOC: a. Emergency Operations Center Management Committee - binubuo ng Coordinator at mga pinuno ng mga komite - koordinasyon ng mga plano at gawain sa pagtulong sa panahon ng emergency b. Coordinator - taga-pangulo ng EOC Management Committee (pangkalahatang pamamahala sa mga komite, tauhan at bolunteer, at pangkalahatang kaayusan ng EOC) - nagdedesisyon sa pagitan ng pulong ng EOCC; - tumatayong tagapagsalita at kinatawan ng EOCC; - aprubahan ang lahat na lalabas na lohistika, pera, press releases. k. Deputy Coordinator - katulong ng taga-pangulo; - gumagampan ng tungkulin ng Coordinator kapag wala ito; - pinuno ng Networking Committee d. Networking Committee - koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang organisasyon at mga nais tumulong; - panganangalap ng mga risorses e. Public Information Committee - pangangalap ng datos sa kalagayang disaster, mga kahilingan para sa tulong at mga pangangailangan, at mga risorses na nakakalap; - pagbigay ng mga updates sa gawain ng EOC - pakikipag-ugnayan sa media at paggawa ng mga press release - pagsaayos ng bulletin board ng EOC f.

Relief Committee - pangangasiwa sa paggawa ng DNCA sa komunidad; - pagsasaayos ng pamamahagi ng relief

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

109


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

g. Evacuation Center Management Committee - pakikipagtulungan sa mga evacuation center; - pagbigay ng pagsasanay sa pamamahala sa evacuation center h. Finance and Administration Committee - pagmonitor ng mga perang donasyon - pagsaaayos ng mga record sa pinansya para sa operasyon - awdit ng operasyon - pagsasaayos sa kaayusan ng EOC i.

Logistics Committee - pamimili ng mga suplay - pag-imbak ng mga suplay; - pamamahala sa pagrepack ng mga ipamamahaging relief - pagsaayos ng pagpapadala ng suplay - pagsasaayos ng record ng pasok, labas at imbentaryo ng mga suplay

6. Mga dapat isaalang-alang sa pagtatayo ng EOC • mga tauhan na may kasanayan sa gawain sa pagtugon sa disaster at handang gumampan ng tungkulin sa loob ng 24 na oras • pagpapakilos sa mga bolunteer • Coordinator na mamumuno sa mga gawain at mga komite para sa iba’t ibang gawain ng EOC • gamit pang-komunikasyon gaya ng radyo, telepono, fax machine, computer, TV

EOC Management Committee

EOC Coordinator

EOC Deputy Coordinator

Finance & Admin Committee

Networking Committee

110

Public Information Committee

Evacuation Center Committee

Relief Committee

Logistics Committee

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• • •

akses sa mga sasakyang magagamit pangangasiwa ng impormasyon: mga mapa, ritrato, direktoryo, mga bulletin at black board ilang gamit pang-opisina at pambahay (mga mesa at silya, silid pulungan, silid pahingahan ng mga bolunteer, gamit sa kusina)

Mga Kailangan: Tulong Biswal gaya ng transparency o manila paper

Panahong Kailangan: 1 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Maaaring pagsama-samahin ang mga gawain iba’t ibang komite sa EOC para maging mas simple ang pamamahala.

Hand-out:

BUKLOD TAO

Emergency Operations Center

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

111


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Emergency

Operations

Center

1 . Ano ang EOC? Ang Emergency Operations Center o EOC ay sentro ng operasyon (Commond Post) sa pagtulong sa komunidad at mga pamilyang nasalanta ng disaster. Sentro rin ito ng komunikasyon at koordinasyon ng mga tao at organisasyong kalahok sa pagtulong.

2.

Kailang nagtatayo ng EOC?

Nagtatatyo ng EOC kapag malakihan ang saklaw ng disaster at matagalan ang panahon ng emergency. Maaring ang manggagaling sa iba’t ibang organisasyon at/o komunidad ang tumutulong sa pang-araw-araw gawain ng EOC. Maari itong nakabase sa opisina ng organisasyon sa komunidad o sa tanggapan ng lokal na pamahalaan.

3 . Ano ang mga gawain at tungkulin ng EOC? • • •

Pagplano at pagbigay ng iba’t ibang angkop na serbisyo sa panahon ng emergency; Sentro ng koordinasyon at komunikasyon ng mga tao at iba’t organisasyon; Pagtipon at pamamahagi ng impormasyon kaugnay ng disaster, mga pangangailangan, mga tugon at kalagayan ng mga nasa iba’t ibang evacuation center; • Mangalap ng mga resources; • Pag-imbak at pamamahala sa distribusyon ng mga suplay para sa relief at iba pang serbisyo; • Pamamahala sa mga bisita sa lugar, kabilang na ang mga taga-media; at ��� Maagap na pagtugon sa mga lumilitaw na suliranin kaugnay ng operasyon at pagtulong

4.

Batayan sa pagpili ng EOC

• Nasa ligtas na lugar at may alternatibong lugar na maaaring paglipatan kung kinakailangan • Madaling hanapin at puntahan (accessible) • May gamit pang-komunikasyon

112

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

5 . Mga susing tao at mga komite para sa iba’t ibang gawain at serbisyo ng EOC* • • • • • • • • •

Emergency Operations Center Management Committee Coordinator Deputy Coordinator Networking Committee Public Information Committee Relief Committee Evacuation Center Management Committee Finance and Administration Committee Logistics Committee

* Nota: Maaaring pagsamahin ang ibang tungkulin para maging mas simple ang istruktura ng EOC.

6 . Mga dapat isaalang-alang sa pagtatayo ng EOC • • • • • • •

Mga tauhang may kasanayan sa gawain sa pagtugon sa disaster at handang gumampan ng tungkulin sa loob ng 24 na oras. Pagpapakilos sa mga bolunteer. Coordinator na mamumuno sa mga gawain at mga komite para sa iba’t ibang gawain ng EOC Gamit pang-komunikasyon gaya ng radyo, telepono, fax machine, computer, TV, atbp. May akses sa mga sasakyang magagamit Pangagasiwa ng impormasyon: mga mapa, ritrato, direktoryo, mga bulletin at blackboard Ilang gamit pang-opisina at pambahay (mga mesa at silya, silid pulungan, silid pahingahan ng mga bolunteer, gamit sa kusina)

EOC Management Committee

EOC Coordinator

EOC Deputy Coordinator

Finance & Admin Committee

Networking Committee

Pulic Information Committee

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Evacuation Center Committee

Relief Committee

Logistics Committee

113


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

MODYUL 5

PLANO AT ORGANISASYON SA PAGHAHANDA AT PAGHARAP SA DISASTER Layunin: Pagkatapos ng Modyul 5, inaasahang kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano at organisasyon sa pamamahala sa mga disaster sa komunidad 2. Buuin ang plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster 3. Tukuyin ang mga partikular na gawain ng organisasyon sa pamamahala sa mga disaster sa komunidad 4. Ipaliwanag ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagpapatupad ng mga gawain sa pagbawas ng peligro sa disaster 5. Gawin ang balangkas ng mga kagyat na gawain pagkatapos ng pagsasanay sa DPT

Bilang ng Sesyon: 2 Sesyon 1: Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa Mga Disaster Sesyon 2: Pagbubuo at Pagpapalakas ng Organisasyon sa Pamamahala sa Mga Disaster sa Komunidad Sesyon 3: Koordinasyon at Pakikipag-ugnayan Sesyon 4: Action Planning

114

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 1: Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa mga Disaster Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster (community disaster management plan); 2. Tukuyin ang laman ng plano sa pamamahala sa mga disaster sa komunidad.

Pangunahing Ideya: 1. Layunin ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster (community disaster management plan) na pagkaisahin, gabayan at pakilusin ang mga taga-komunidad, lalo na ang mga pinakabulnerableng grupo at pamilya sa disaster, sa paghahanda at pagpapababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga kakayahan. 2. Ito ay plano sa pagpapababa ng pagkabulnerable sa disaster sa pamamagitan ng pagpapataas ng kakayahan ng komunidad sa pag-angkop at pagharap sa mga bantang panganib at disaster. 3. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi: a. Kalagayan sa Disaster sa Komunidad b. Layunin ng Plano sa Pamamahala sa Disaster ng Komunidad c. Konsepto ng Operasyon at Mga Patakaran d. Mga Sanib o Annexes

Pamamaraan: “Isa, Dalawa, Tatlo… Handa Na Tayo!”, Lektura at Talakayan

Daloy: 1. “Isa, Dalawa, Tatlo… Handa Na Tayo!” Hatiin ang mga Kalahok sa 4 – 5 grupo. Mamahagi sa bawat grupo ng mga hakbang sa pagbubuo ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster (community disaster management plan). Talakayin ng mga grupo ang mga hakbang at isaayos ang pagkasunod-sunod. Idikit sa pisara. Ikumpara ang resulta ng gawain ng mga grupo at ipakita ang tamang pagkasunod-sunod. 2. Ipaliwanag na ang plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster ay naglalayong pagkaisahain, gabayan at pakilusin ang mga taga-komunidad, lalo na ang mga Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

115


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

pinakabulnerableng grupo at pamilya sa disaster, sa paghahanda at pagpapababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga kakayahan. Maaaring tawagin ang planong ito sa iba’t ibang pangalan gaya ng plano ng komunidad sa paghahanda at pagharap, counter disaster plan, community risk reduction plan, community disaster response plan, community preparedness and mitigation plan, o community development plan. 4. Sa esensya, ito ay plano sa pagpababa ng pagkabulnerable pamamagitan ng pagpataas ng kakayahan ng komunidad sa pag-angkop at pagharap sa mga panganib at disaster. Saklaw ng plano ang kalagayan sa disaster sa komunidad at ang mga partikular na gawain sa disaster management bago dumating, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster. 5. Ang plano ay sumasaklaw at naglalaman ng ditalye kung paano paghahandaan at haharapin ng komunidad ang disaster. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi: a. Kalagayan sa Disaster sa Komunidad (Konteksto ng Plano) • iba’t ibang bantang panganib sa komunidad • pagkabulnerable – mga elementong nasa peligro at mga inaasahang pinsala; partikular na mga grupo at pamilyang bulnerable; mga salik at at kondisyon sa pagkabulnerable • kakayahan ng komunidad - kasaysayan sa pag-angkop at pagharap sa mga disaster • kabuluhan ng komunidad at ng paggawa ng plano sa disaster management Nota: Sa bahaging ito tinatalakay ang resulta ng ginawang pagsusuri sa panganib pagkabulnerable at kakayahan (hazard vulnerability capacity assessment). b. Layunin ng Plano sa Pamamahala sa Disaster ng Komunidad • mga target na nais makamit sa pamamagitan ng plano sa pamamahala sa mga disaster • bilang o bahagdan ng mga nangangailangan na bibigyan ng serbisyo Nota: Ano ang layunin o target kaugnay sa pagtiyak sa kaligtasan at pagbigay proteksyon sa mga elements at risk? c. Konsepto ng Operasyon at Mga Patakaran • partikular na gawain at serbisyo para makamit ang layunin ng plano (pag-iwas at mitigasyon - safety measures, pagpapalakas ng kabuhayan at kalusugan, pangangalaga sa kalikasan; paghahanda - sistema ng babala, gawaing pampubliko, paglikas, pamamahala sa evacuation center, pagsasagawa ng mga drill at simulation exercises; pagsasanay na kailangan para palakasin ang kakayahan sa paghahanda at pagtugon sa panahon ng emergency; mga serbisyo sa panahon ng emergency; pagbangon) • imbentaryo ng mga kakayahan at resources ng komunidad at mga organisasyon • mga organisasyon at indibidwal na responsable sa mga partikular na gawain • mga iskedyul • mga patakaran at alintuntunin sa pagpapatupad ng plano

116

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

d. Mga Sanib o Annexes Dito inilalagay ang ditalye ng mga plano. Ang ilang halimbawa nito ay ang sumusunod: • Alituntunin sa paglikas • Alituntunin sa pamamahala sa evacuation center at emergency operations center • Lista ng mga naninirahan sa komunidad • Istruktura ng organisasyon sa pamamahala sa disaster at tungkulin ng mga komite • Listahan ng mga organisasyon at mga kasapi • Direktoryo ng mga organisasyon, mga ahensya ng pamahalaan, mga NGO, media, supplier, atbp. • Mga mapa at talahanayan sa pagsusuri ng bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan 6. Tanungin kung ano ang mapapansin nila sa plano at mga natalakay sa mga nakaraang sesyon. Ipaliwanag na ang proseso at lalamanin ng plano ay ang mga ginawa na sa mga natapos nang sesyon ng pagsasanay. Ang resulta ng mga workshop sa mga nakaraang araw ay ilalagay sa pormat ng plano. a. Pagsusuri sa bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad (hazard vulnerability capacity assessment). Pagsusuri sa mga elements at risk (mga tao, ari-arian, kabuhayan at pasilidad sa komunidad na maaaring mapinsala o masira at bakit sila/ito bulnerable. b. Tukuyin ang mga layunin at target na nais makamit. c. Tukuyin ang mga serbisyo at gawain bago dumating ang disaster, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster (sistema sa maagang babala, paglikas at pamamahala sa evacuation center, pagbigay ng mga serbisyo sa panahon ng emergency; pagsusuri sa pinsala, pangangangailangan at kakayahan (DNCA), rekoberi d. Tukuyin ang mga rekisito at resources na kailangan (tao, kagamitan, pera, atbp.) e. Tukuyin ang mga indibidwal, komite at organisasyong gagaman ng mga partikular na mga gawain f.

Ilahad ang mga patakaran at alituntuning gagabay sa pagpapatupad ng mga gawain at plano

g. Balikan ang mga kritikal na bahagi ng plano. Tukuyin ang mga inaasahang balakid sa pagpapatupad at pagkamit ng layunin ng plano. Hanapan ng solusyon ang mga problemang ito. h. Ipatupad ang plano at mga gawain sa paghahanda. Gumawa ng mga drill at simulation exercises. i.

Pana-panahong pagrebyu sa plano at paggawa ng mga angkop na pagbabago kung kinakailangan.

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

117


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

7. Bigyan diin na sa proseso ng pagbubuo ng plano ay mahalaga ang paglahok ng mga taga-komunidad sa pagsusuri at pagbalangkas ng mga angkop na gawain sa paghahanda, pagpababa ng pagkabulnerable at pabpapataas ng kakayahan.

Mga Kailangan: 4-5 set ng mga hakbang sa pagbubuo ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster Tulong biswal gaya ng transparency o manila paper/kartolina

Panahong Kailangan: 1.5 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. May ibang mga komunidad na kaya lang munang gumawa ng Action Plan habang isinasaayos pa ang pagbuo ng kabuuang plano sa pamamahala sa mga panganib at disaster. Hatiin ang mga gawain o activities sa panahon bago dumating ang disaster, sa panahon ng emergency, at sa pagbangon. 2. Tingnan ang ilang paalala sa paggawa ng plano sa ibaba.

Hand-out: Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa Mga Panganib at Disaster

118

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa mga Panganib at Disaster 1. Layunin ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster (community disaster management plan) na pagkaisahain, gabayan at pakilusin ang mga taga-komunidad, lalo na ang mga pinakabulnerableng grupo at pamilya sa disaster, sa paghahanda at pagpapababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga kakayahan. Maaari tawagin ang planong ito sa iba’t ibang pangalan gaya ng plano ng komunidad sa paghahanda at pagharap sa disaster, counter disaster plan, community risk reduction plan, community disaster response plan, community preparedness and mitigation plan, o community development plan. 2. Sa esensya, ito ay plano sa pagbabababa ng pagkabulnerable sa disaster sa pamamagitan ng pagpapataas ng kakayahan ng komunidad sa pag-angkop at pagharap sa mga bantang panganib at disaster. Saklaw ng plano ang kalagayan sa disaster sa komunidad at ang mga partikular na gawain sa disaster management bago dumating ang disaster, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster. 3. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi: a. Kalagayan sa Disaster sa Komunidad b. Layunin ng Plano sa Pamamahala sa Disaster ng Komunidad c. Konsepto ng Operasyon at Mga Patakaran d. Mga Sanib o Annexes Kalagayan sa Disaster sa Komunidad • iba’t ibang bantang panganib sa komunidad • pagkabulnerable – mga elementong nasa peligro at mga inaasahang pinsala; particular na mga grupo at pamilyang bulnerable; mga salik at at kondisyon sa pagkabulnerable • kakayahan ng komunidad - kasaysayan sa pag-angkop at pagharap sa mga disaster • kabuluhan ng komunidad at ng paggawa ng plano sa disaster management Layunin ng Plano sa Pamamahala sa Disaster ng Komunidad • mga target na nais makamit sa pamamagitan ng plano sa pamamahala sa mga disaster • bilang o bahagdan ng mga nangangailangan na bibigyan ng serbisyo Konsepto ng Operasyon at Mga Patakaran • partikular na gawain at serbisyo para makamit ang layunin ng plano (pag-iwas at mitigasyon - safety measures, pagpapalakas ng kabuhayan at kalusugan, pangangalaga sa kalikasan; paghahanda - sistema ng babala, gawaing pampubliko, paglikas, pamamahala sa evacuation center, pagsasagawa ng mga drill at simulation exercises; pagsasanay na kailangan para palakasin ang kakayahan sa paghahanda at pagtugon sa panahon ng emergency) Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

119


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• • • •

imbentaryo ng mga kakayahan at resources ng komunidad at mga organisasyon mga organisasyon at indibidwal na responsable sa mga partikular na gawain mga iskedyul mga patakaran at alintuntunin sa pagpapatupad ng plano

Mga Sanib o Annexes Dito inilalagay ang ditalye ng plano. Ang ilang halimbawa nito ay ang sumusunod: • Mga mapa at talahanayan sa pagsusuri ng bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan • Lista ng mga naninirahan sa komunidad • Istruktura ng organisasyon sa pamamahala sa disaster at tungkulin ng mga komite • Listahan ng mga organisasyon at mga kasapi • Direktoryo ng mga organisasyon, mga ahensya ng pamahalaan, mga NGO, media, supplier, atbp. • Alituntunin sa paglikas pamamahala sa evacuation center • Alituntunin sa pamamahala sa emergency operations center 4. Mahalaga sa proseso ng pagbuo ng plano sa pamamahala sa mga disaster ang paglahok ng mga taga-komunidad sa pagsusuri at pagbalangkas ng mga angkop na gawain sa paghahanda, pagpababa ng pagkabulnerable at pagpapataas ng kakayahan. Ang mga hakbang sa prosesong ito ay ang sumusunod: a. Pagsusuri sa panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad (community risk assessment) b. Pagtukoy sa mga tao, ari-arian, kabuhayan at pasilidad sa komunidad na maaaring mapinsala o masira (elements at risk), at mga dahilan bakit sila/ito ay bulnerable. c. Tukuyin ang mga layunin at target na nais makamit d. Tukuyin ang mga serbisyo at gawain sa panahon bago dumating ang disaster, sa emergency, at pagkatapos ng disaster e. Tukuyin ang mga rekisito at risorses na kailangan (tao, kagamitan, pera, atbp.) f.

Tukuyin ang mga indibidwal, komite at organisasyong gagampan ng mga partikular na gawain

g. Ilahad ang mga patakaran at alituntuning gagabay sa pagpapatupad ng mga gawain at plano h. Balikan ang mga kritikal na bahagi ng plano. Tukuyin ang mga inaasahang balakid sa pagpapatupad at pagkamit ng layunin ng plano. Hanapan ng solusyon ang mga problemang ito.

120

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

i.

Ipatupad ang plano at mga gawain sa paghahanda at mitigasyon. Gumawa ng mga drill at simulation exercises.

j.

Pana-panahong pagrebyu sa plano at paggawa ng mga angkop na pagbabago kung kinakailangan.

LAST WORD A Plan must therefore be written So that it will be remembered; Simple, so that it can easily be followed; Communicated, so that everyone will know about it; Tested, so that its theory can be proved; Revised Regularly, so that it will be up-to-date; and easily Accessible to those who need it. Planning does achieve worthwhile results Results are achieved through action The time to start is now !!! Source:

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

ADPC/MNDR Planning Concepts and Disaster PMP Management Framework.

121


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 2: Pagbubuo at Pagpapalakas ng Organisasyon sa Pamamahala sa mga Disaster Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ipaliwanag ang halaga ng pagkakaroon ng organisasyon sa pamamahala sa mga disaster sa komunidad 2. Tukuyin ang mga gawain ng organisasyon sa pamamahala sa mga panganib at disaster sa komunidad

Pangunahing Ideya: 1. Matapos mabuo ang plano, mahalagang may mga tao at organisasyong makakatulong ang komunidad sa paghahanda at pagharap sa mga bantang panganib at disaster. 2. Maaaring iba’t iba ang tawag, gaya ng barangay disaster response organization, disaster response committee, disaster volunteers team, o grassroots disaster response machinery. 3. Pangunahing layunin ng organisasyon na makatulong sa komunidad sa paghahanda at pagharap sa mga bantang panganib at disaster at matiyak na mapatupad ang disaster management plan.

Pamamaraan: “Bawat Isa ay Mahalaga!”, Lektura at Talakayan

Daloy: 1. “Bawat Isa ay Mahalaga” Ipaliwanag na sa panimulang gawain para sa sesyong ito, gagawa ng bahay ang mga Kalahok. Tagubilinan ang mga Kalahok na bawat isa sa kanila ay may iaambag na tig-iisang linya sa pisara sa pagbubuo ng bahay. Pagkatapos ng bahay, tanungin kung gusto ba ng mga Kalahok ang nabuong bahay? Maaari ring gumamit ng popsicle o banana cue stick sa sahig o malaking mesa para sa hersisyong ito. 2. Tanungin ang mga Kalahok kung gusto ba nila ang bahay na nabuo nila? Idiin ang kahalagahan ng plano sa paggabay sa paggawa ng bahay.

122

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Tanungin naman ang mga Kalahok na kung may plano, magkakaroon na, mabubuo naba ang bahay? Ipaliwanag na matapos ang plano, ang mga taong gagawa ng bahay, gagamit ng bahay at patuloy na mangangalaga sa bahay ay mahalaga. 3. Simulan ang pagtalakay sa organisasyon o komite sa komunidad sa pamamahala sa mga disaster. Gaya ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster, iba’t ibang tawag din sa organisasyong pangunahing makakatulong ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster. Ang ilan dito ay barangay disaster response organization, grassroots disaster response machinery, disaster response committee, disaster response organization, disaster volunteers team, disaster response network. Ipaliwanag na may pag-iiba ang pakahulugan ng iba’t ibang tipo ng organisasyon, gaya ng: • Komite - bahagi ng nakatayong organisasyon • Team – grupo, komite • Organisasyon - kapag may itatayong bagong grupo • Network - pagsama-sama ng iba’t ibang organisasyon • Machinery - puedeng organisasyon, komite, grupo, team Bigyang diin na maaaring gumawa ng partikular na tawag sa grupo o organisasyon sa komunidad sa pamamahala sa disaster. Ang mahalaga ay ang layunin at tungkulin ng naturang organisasyon. 4. Maari ring dagdagan o palakasin ang tungkulin sa disaster management ng nakatayo nang organisasyon sa Komunidad. Hindi kailangan sa lahat ng pagkakataon ay magbuo pa ng hiwalay na organisasyon. 5. Mga layunin sa pagbubuo ng organisasyon o komite sa pamamahala sa mga disaster: • Mapahusay ang paghahanda at pagharap ng komunidad sa mga disaster • Matiyak ang pagpapatupad ng plano sa pamamahala sa mga disaster • Mapukaw ang kamalayan at mapanlikhang inisyatiba ng mga taga-komunidad para sa pagpapababa ng pagkabulnerable at pagpapataas ng kakakyahan • Mapagbuklod ang inisyatiba at pagkilos ng mga taga-komunidad at suporta ng taga-labas sa paghahanda at pagharap sa mga disaster • Mangalap at magpadaloy ng mga resources para sa epektibong pagpapatupad ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster 6. Mga gawain at proseso ng pagbubuo at pagpapalakas ng organisasyon • Pagkakaroon ng panimulang pagtutulungan sa pagharap sa disaster pagitan ng mga organisasyon at mga pinuno sa komunidad gaya ng paglahok sa DNCA at pagmamahagi ng relief. • Panimulang oryentasyon sa disaster management o pagsasanay sa paghahanda sa mga disaster • Pagbubuo ng mga grupo o komite gaya ng sa edukasyon at gawaing pampubliko, maagang babala, kalusugan, seguridad • Pagsusuri sa bantang panganib, pagkabulnerable at kakayahan at pagtukoy sa mga gawain para bawasan ang pagkapeligroso sa disaster • Pagbubuo ng Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa mga Disaster at pagtukoy ng mga tao at komiteng gaganap sa mga gawain • Aktwal na Pagbubuo ng Organisasyon at paghahalal ng mga pinuno • Pagpapatupad ng Plano at paggampan sa mga gawain Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

123


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

•

Mga gawain sa pagpapataas ng kakayahan gaya ng pagsasanay sa pamumuno, pagdalo sa pagsasanat sa iba’t ibang aspeto ng disaster management, lakbay aral sa mga ahensyang nagbibigay ng babala at tulong

Mga Kailangan: Tulong biswal gaya ng transparency o manila paper/cartolina Pisara at tsok o mga bananacue o popsicle stick

Panahong Kailangan: 1 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Lagi dapat may hawak ang organisasyon sa pamamahala sa disaster sa komunidad ng kopya ng Plano sa Pamamahala ng mga Panganib at Disaster 2. Maaaring dagdagan ng tungkulin sa disaster management ng nakatayo nang organisasyon sa komunidad. Hindi kailangan sa lahat ng pagkakataon mabuo ng bagong organisasyon.

Sanggunian: Mga Halimbawa ng Istruktura ng GDRM

Hand-out: Ang Organisasyon sa Komunidad sa Pamamahala sa Disaster (Grassroots Disaster Response Organization)

124

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Ang Organisasyon sa Komunidad sa Pamamahala sa Disaster (Grassroots Disaster Response Organization) 1 . Konsepto ng Grassroots Disaster Response Organization (GDRO) Ang pagbubuo at pagpapalakas ng organisasyon sa pamamahala sa mga disaster ay isang susing sangkap ng plano at programa ng komunidad sa gawaing disaster management. Mahalagang may mga tao at organisasyong makakatulong ang komunidad sa paghahanda at pagharap sa mga bantang panganib at disaster. Maaaring iba’t iba ang tawag sa organisasyong pangunahing makakatulong ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster. Ang ilan dito ay barangay disaster response organization, grassroots disaster response machinery, disaster response committee, disaster response organization, disaster volunteers team, grassroots disaster response organization, disaster response machinery, o disaster response network. • • • •

Team - grupo, komite; karaniwang bahagi ng isang organisasyon gaya ng nakatayong people’s organization o samahan sa komunidad Organisasyon - kapag may itatayong bagong grupo Network - pagsasama-sama ng iba’t ibang organisasyon Machinery - pwedeng organisasyon, komite, grupo, team

2 . Layunin ng GDRO i. Pangkalahatang Layunin: Makatulong sa komunidad sa epektibong paghahanda at pagtugon sa mga panganib at disaster ii.

Mga Partikular na Layunin:

a. b. c.

Mapahusay ang paghahanda at pagharap ng komunidad sa mga panganib at disaster Matiyak ang pagpapatupad ng plano ng komunidad sa disaster management Mapukaw ang kamalayan at mapanlikhang inisyatiba ang mga taga-komunidad para sa pagpapababa ng pagkabulnerable at pagpapataas ng kakakyahan Mapagbuklod ang mga inisyatiba, resources at pagkilos ng mga taga-komunidad at suporta ng taga-labas Mangalap at magpadaloy ng mga resources para sa epektibong pagpapatupad ng plano ng komunidad sa disaster management

d. e.

3 . Mga gawain ng GDRO sa pangunguna at pagpapakilos ng komunidad sa disaster management: a. Paghahanda - pagbigay ng pag-aaral at pagsasanay hinggil sa gawaing disaster management sa komunidad; pangunguna sa pagsusuri sa panganib, pagkabulnerable at kakayahan (hazard vulnerability capacity assessment) at pagpapaliwanag ng HCVA sa mga taga-komunidad; pagsasagawa ng mga aktibiti kaugnay ng kaalamang pampubliko (public awareness); pangunguna sa paggawa ng sistema at pagpapaabot ng maagang Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

125


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Disaster Risk Management Plan

babala; pangungana sa paggawa ng plano sa pamamahala sa disaster; pagsasaayos at pag-iimbak ng lohistika at suplay b. Gawaing mitigasyon at pag-iwas - mga aktibiti sa pangangalaga ng kalusugan at kalinisan sa komunidad; mga proyektong pangkabuhayan; pagtatanim ng mga puno (reforestation); mga aktibiti sa pagpapatibay ng mga bahay, tabing ilog; advocacy kaugnay ng mga isyung mga kaugnayan sa disaster management at kaunlaran c. Gawain sa panahon ng emergency - paglikas at pamamahala sa evacuation center; search and rescue; first aid; damage needs capacity assessment; kagyat na pagkumpuni sa mga nasirang kritikal na pasilidad ng komunidad; pangangasiwa sa Emergency Operations Center; pagbigay ng relief at iba pang angkop na serbisyo; pagsasasaayos ng medical mission at psycho-social counselling d. Gawain sa pagbangon - tulong sa pagkumpuni ng mga nasirang bahay at mga pasilidad sa komunidad; seeds, tools, animals dispersal at iba pang proyekto sa rehabilitasyon; mga gawaing mitigasyon at pag-iwas e. Coordination & networking - pangangalap ng mga resources; pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan, mga NGO, people’s organization para sa iba’t ibang gawain sa disaster management; pakikipagtulungan sa ibang komunidad

4 . Pagbubuo at Pagpapalakas sa GDRO: a. Pagpili ng mga kasapi at pinuno b. Mga pagsasanay sa iba’t ibang aspeto ng disaster management c. Pagbuo, at pana-panahong pagrebyu at pagpapahusay sa plano sa disaster management (counter disaster plan) d. Mga drill o disaster simulation e. Pagsasanay sa pamumuno (leadership training) f. Pag-aaral sa mga isyung nakakaapekto sa komunidad at kaunlaran g. Lakbay aral (study tour) sa mga ahensyang nagbibigay ng babala at tulong h. Palitan ng mga karanasan sa ibang komunidad at people’s organization

126

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Ilang halimbawa ng istruktura ng GDRM MANIBAUG-LIBUTAD BDRO, PAMPANGA (nabuo pagkatapos ng Disaster Preparedness Training noong Hulyo 1995 para sa paghahanda sa panganib ng lahar) Barangay Disaster Response Organization

Komite sa Paglikas (Evacuation Committee)

Komite sa Babala (Warning Committee)

Komite sa Kalusugan (Health Committee)

Komite sa Impormasyon at Edukasyon (Information & Education Committee)

Komite sa Relief at Rehabilitasyon (Relief & Rehabilitation Committee)

BUKLOD TAO, BGY. BANABA, SAN MATEO, RIZAL (nagbuo ng Disaster Response Committee pagkatapos ng Disaster Management & Preparedness Training noong Pebrero 1997)

Advocacy & Environmental Paralegal

Disaster Preparedness

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Waste Redemption Information, Education & Reading Center

127


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 3: Koordinasyon at Pakikipag-ugnayan Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa pagbawas sa peligro sa disaster ng komunidad; at 2. Sabihin ang mga salik para sa madulas na koordinasyon at mabungang pakikipagugnayan.

Pangunahing Ideya: 1. Ang koordinasyon ay sistematikong pag-uugnay ng mga tao, grupo at gawain para makamit ang takdang layunin. May koordinasyong nangyayari sa loob at labas ng isang organisasyon. 2. Sa karaniwan, tinatawag na pakikipag-ugnayan (networking) or partnerhip building ang koordinasyong ginagawa sa ibang grupo o organisasyon.

Pamamaraan: “Kapit-bisig”, Lektura at Talakayan

Daloy: 1.

Humingi ng limang bolunteer mula sa mga Kalahok. Tagubilinan ang mga bolunteer na mag-isip na lugar sa silid kung saan nila dadalhin ang grupo. Habang magkakakapit-bisig pero ‘di nag-uusap, dalhin nila ang grupo sa napili nilang lugar. Tanungin kung sino ang nakapagdala sa grupo sa lugar na inisip niya. Kung lahat ay nakapunta sa lugar na napili nila, tanungin kung paano nilang nagawa kahit may balakid?

2. Simulan ang talakayan hinggil sa koordinasyon at pakikipag-ugnayan. Ang koordinasyon ay sistematikong pag-uugnay ng mga tao, grupo at mga gawain para makamit ang mga takdang layunin. 3. May koordinasyong nanyayari sa loob at labas ng isang organisasyon. Sa karaniwan, tinatawag na pakikipag-ugnayan (networking) o partnership building ang koordinasyong ginagawa sa ibang grupo o organisasyon. 4. Sa pamamagitan ng koordinasyon at pakikipag-ugnayan, napagsasama-sama ang mga kaalaman, kasanayan at risorses ng mga pamilya, grupo, organisasyon sa komunidad para sa paghahanda at pagharap sa panganib at disaster. Naiiwasan ang duplikasyon at may epektibong paggamit sa mga risorses. 5. Kahalagahan ng koordinasyon at pakikipag-ugnayan: • tagumpay sa pagkamit sa mga layunin • mas maraming magagawa sa mas maikling panahon at kakaunting risorses

128

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• maililinaw ang mga prayoridad • maililinaw ang mga paraan ng pagkilos • pagbahagi ng mga risorses, kaalaman, karanasan at mga aral • mapapakinabangan ang lahat ng mabubuting resulta ng pagkilos (maximization of effects)

• • • • • •

• • •

6. Bagamat ang mga taga-komunidad ang pangunahing gumaganap sa pamamahala sa panganib at disaster, nakikipagpag-ugnayan sa iba pang kasangkot (stakeholders): Lokal na pamahalaan, sa Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) at Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) ahensya ng pamahalaang nagbibigay ng babala at impormasyon kaugnay ng panganib kanugnog na mga komunidad parokya at simbahan mga sibikong organisasyon (Rotary, Jaycees, Kiwanis, . . .) mga NGOng may programa sa disaster management (Philippine National Red Cross, World Vision Foundation Phils. Inc. Philippines, Center for Disaster Preparedness, Citizens’ Disaster Response Center, …) businesss organizations gaya ng Corporate Network for Disaster Response mga international NGO at embahada ibang people’s organization

7. Mga kailangan sa koordinasyon at pakikipag-ugnayan • malinaw na layunin • tukoy ang mga prayoridad at gawain • malinaw ang papel ng bawat kasapi, grupo o organisasyon • tukoy ang mga impormasyong kailangan at ang daluyan ng komunikasyon; mas mapagkakatiwalaan ang mga nakasulat na komunikasyon • malinaw na mga patakaran at alituntunin • takdang iskedyul ng mga gawain

Mga Kailangan: Tulong biswal gaya ng transparency o manila paper/kartolina

Panahong Kailangan: 1 oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. Sa mga Pilipino, isang batayan din ng madulas na koordinasyon ang personal na relasyon sa mga tao sa iba’t ibang organisasyon. Kahit may pagkakaiba sa mga pananaw, nakakatulong na may mga kontak sa iba’t ibang organisasyon.

Hand-out: Koordinasyon at Pakikipag-ugnayan

Sanggunian: Istruktura ng Lokal na Pamahalaan sa Disaster Management Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

129


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

KOORDINASYON AT PAKIKIPAG-UGNAYAN (Coordination & Networking)

1 . Ano ang koordinasyon at pakikipag-ugnayan? Ang koordinasyon ay sistematikong pag-uugnay ng mga tao, grupo at gawain para makamit ang takdang layunin. May koordinasyong nangyayari sa loob at labas ng isang organisasyon. Sa karaniwan, tinatawag na pakikipag-ugnayan (networking o partnerhip building) ang koordinasyong ginagawa sa ibang grupo o organisasyon. Sa pamamagitan ng koordinasyon at pakikipag-ugnayan, napagsasama-sama ang mga kaalaman, kasanayan at risorses ng mga pamilya, grupo, organisasyon sa komunidad para sa paghahanda at pagharap sa panganib at disaster. Naiiwasan ang duplikasyon at may epektibong paggamit sa mga risorses.

2 . Kahalagahan ng koordinasyon at pakikipag-ugnayan: • • • • • •

tagumpay sa pagkamit sa mga layunin mas maraming magagawa sa mas maikling panahon at kakaunting risorses maililinaw ang mga prayoridad maililinaw ang mga paraan ng pagkilos pagbahagi ng mga risorses, kaalaman, karanasan at mga aral mapapakinabangan ang lahat ng mabubuting resulta ng pagkilos (maximization of effects)

3 . Kanino nakikipag-ugnayan sa disaster management? Bagamat ang mga taga-komunidad ang pangunahing gumaganap sa pamamahala sa panganib at disaster, nakikipagpag-uugnayan sa iba pang kasangkot (stakeholders): • lokal na pamahalaan, sa Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) at Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) • ahensya ng pamahalaang nagbibigay ng babala at impormasyon kaugnay ng panganib

130

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

• • • •

• • •

kanugnog na mga komunidad parokya at simbahan mga sibikong organisasyon (Rotary, Jaycees, Kiwanis, . . . mga NGOng may programa sa disaster management (Philippine National Red Cross, World Vision Foundation Phils. Inc. Philippines, Center for Disaster Preparedness, Citizens’ Disaster Response Center, …) business organizations gaya ng Corporate Network for Disaster Response mga international NGO at embahada ibang people’s organization

4 . Mga kailangan sa koordinasyon at pakikipag-ugnayan • • • • • •

malinaw na layunin tukoy ang mga prayoridad at gawain malinaw ang papel ng bawat kasapi, grupo o organisasyon tukoy ang mga impormasyong kailangan at ang daluyan ng komunikasyon; mas mapagkakatiwalaan ang mga nakasulat na komunikasyon malinaw na mga patakaran at alituntunin takdang iskedyul ng mga gawain

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

131


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

ISTRUKTURA NG LOCAL NA PAMAHALAAN SA DISASTER MANAGEMENT

132

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

Organization of Disaster Coordinating Councils (Regional, Provincial, City and Municipal Levels)

Disaster Coordination Council Chairman

Civil Defense Deputized Coordinator

DCC Asst Chairman

Disaster Operations Center

STAFF Intelligence and Disaster Analysis

Plans and Operations

Resources

Task Units

Commo & Warning

Transportation

Evacuation

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

Rescue & Eng’g

Health

Fire

Police

Relief

Rehabilitation

Public Info

133


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 4: Action Planning Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Matukoy ang mga kagyat na balak at gawain kaugay ng disaster management pagkatapos ng pagsasanay; 2. Sabihin ang maiaambag ng bawat Kalahok sa mga kagyat na gawain.

Pangunahing Ideya: 1. Ano ang mga plano at gawain para sa susunod na anim na buwan? (sa paghahanda, mitigasyon at pag-iwas; sa panahon ng emergency; sa pagbangon) 2. Sino ang gagawa? (komite at/o tao) 3. Kailan gagawin? 4. Ano ang mga resources na kailangan? (mayroon na at alin ang hahanapin pa) 5. Anong suporta ang kailangan mula sa ibang ahensya? 6. Kailan sisimulan at inaasahang matapos ang mga natukoy na gawain?

Pamamaraan: Talakayan at Lektura

Daloy: 1. Ipaliwanag sa mga Kalahok ang pormat ng Action Plan sa pahina 138. · Pagkatapos ng pagsasanay, ano ang mga plano at gawain (activities) sa paghahanda at pagharap sa mga panganib at disaster? · Kailan ito sisimulan at gagawin? · Sino ang gagawa nito? Tukuyin ang tao, komite o organisasyong responsible. · Ano ang mga risorses na kailangan? Alin ang mayroon na at alin ang kailangan hanapin pa? · Anong suporta ang kailangan mula sa ibang ahensya o organisasyon? · Kailan target matapos ang activity o gawain? 2. Hatiin sa 4 nga grupo ang mga Kalahok. Tagubilinan ang mga grupo na talakayin ang mga sagot sa katanungan. Bigyan ng 15 minuto para sa talakayan at paglagay ang kanilang sagot sa pormat ng Action Plan. Sa pag-uulat , ipapaliwanag ng unang

134

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

grupo ang kanilang ang naunang grupo ang kanilang tinalakay. Ang mga susunod na grupo ay magdagdag sa naunang ulat at magpapakita ng pagkakaiba sa mga tinalakay nila. 3. Magpalitan ng kuro-kuro hinggil sa mga ulat at buuin ang Action Plan ng komunidad o organisasyon para sa susunod na 6 na buwan.

Mga Kailangan: Pormat ng Action Plan, manila paper, pentel pen

Panahong Kailangan: 1½ oras

Tip sa Tagapagpadaloy: 1. May dagdag na hanay (column) sa action plan para sa completion date. Ilagay sa column ng Kailan Gagawin ang iskedyul ng mga aktibiti. Sa column naman ng completion date, ilagay kung kailan aktwal na natapos ang mga gawain habang ipinapatupad ang plano. 2. Ipaala sa mga Kalahok na ang plano ay bale wala kung hindi gagamiting gabay sa pagkilos. Gayunpaman, kailangang maging plesible sa mga kalagayan at gumawa ng angkop na pagbabago sa plano. Tiyakin na ang mga pagbabago ay nalalaman at napagkakaisahan ng GDRM o organisasyon. 3. Banggitin sa mga Kalahok ang LAST WORD sa Sesyon 1 ng Modyul 5 kung di pa ito natalakay.

Hand-out: Action Plan Format

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

135


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

ACTION PLAN FORMAT Panganib: ____________________________ Mga Layunin: _________________________ GAWAIN/ AKTIBITI

KAILAN GAGAWIN

RESPONSABLE Komite

Tao

HVc 136

KAILANGANG RESOURCES Mayroon Hahanapin Pa

AHENSYANG SUSUPORTA

COMPLETION DATE

HvC Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

PAGTATAPOS Layunin: 1. Pormal na tapusin ang pagsasanay 2. Kilalanin ang kontribusyon at partisipasyon ng mga Kalahok 3. Pasalamatan at kilalanin ang kontribusyon ng mga Tagapagpadaloy 4. Pasalamantan at kilalanin ang kontribusyon ng mga kinauuukulang organisasyong nagtaguyod sa pagsasanay 5. Matasa ang kabuuang nilalaman, daloy at kaayusan ng pagsasanay

Mga Gawain sa Pagtatapos: 1. Maiksing Programa sa Pagtatapos 2. Pagtatasa o Ebalwasyon ng Pagsasanay

Mga Kailangan: 1. Programa sa Pagtatapos 2. Mga Katanungan o Evaluation Form 3. Certificate

Panahong Kailangan: 45 minuto

Tip sa Tagapagpadaloy: Maaaring gumamit ng iba’t ibang porma ng ebalwasyon depende sa pangangailangan ng isponsor ng pagsasanay.

Sanggunian: Evaluation Form

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

137


Center for Disaster Preparedness Foundation, Inc. Pangkalahatang Ebalwasyon ng Pagsasanay

Napapakahusay

‘Di Mahusay

1.

PAGKAMIT SA MGA LAYUNIN AT INAASAHAN 1 2 3 4 5 Komentaryo at mungkahi ______________________________________________________ __________________________________________________________________________

2.

NILALAMAN NG PAGSASANAY a. Kabuluhan at kahalagahan 1 2 3 4 5 b. Kasapatan 1 2 3 4 5 Paksang pinakamakabuluhan _________________________________________________ Paksang ‘di makabuluhan ____________________________________________________ Paksang dapat isama sa pagsasanay___________________________________________ 3. MGA BAGONG NATUTUNAN 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

4. HUSAY AT KAANGKUPAN NG PAMAMARAAN GINAMIT 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

5. PAGPAPADALOY NG PAGSASANAY 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

6. RESOURCE PERSONS 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

7. PARTISIPASYON NG MGA KALAHOK 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

8. PAGGAMPAN SA GAWAIN NG MGA HOST TEAM 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

9. TIME MANAGEMENT 1 2 3 4 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

5

10. VENUE/FOOD/ACCOMMODATION 1 2 3 4 5 Komentaryo at mungkahi ___________________________________________________ _______________________________________________________________________

Maraming Salamat Po!!!


A

ng Pilipinas ay isa sa mga bansang laging sinasalanta ng disaster. Ang paulit-ulit na karanasan sa pagtugon sa disaster ay ngayo’y nagtutulak na kilalanin ang kahalagahan ng paghahanda at ang paglahok ng mga taga-komunidad sa gawaing disaster management. Bagamat salik ang partikular na lokasyon at pisikal na katangian ng Pilipinas, hindi naman dapat ang bagyo o lindol ay maging disaster kung ang mga panganib mula sa kalikasan ay napaghahandaan o ang mga panganib na gawa ng tao ay naiiwasan. Mapapababa ang dalas at pinsalang dulot ng disaster kung mapaparating sa mga taga-komunidad ang tamang impormasyon at angkop na pamamaraan at teknolohiya sa pag-iwas, paghahanda at pagharap sa mga panganib at disaster. Higit na nadarama ang mga pinsalang dulot ng disaster sa mga komunidad. Gayundin, ang unang humaharap at tumutugon ay ang taga-komunidad. Ang “Kahandaan, Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad: Gabay sa Pagsasanay sa Disaster Management� ay naglalaman ng mga pinakabagong konsepto sa pagunawa sa usaping disaster at mga angkop na balangkas at gabay sa pagpapalakas ng kakayahang bigyang proteksyon ang sarili, pamilya at komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pag-aaral ng kalagayan, makagagawa at makapagpapatupad ng mga abot-kayang solusyon at plano sa pagsangga at pagharap sa mga panganib at disaster. Halaw sa mga karanasan ng Center for Disaster Preparedness Foundation, Inc. sa pagsasanay at pagtulong sa mga NGO, lokal na pamahalaan at komunidad sa gawaing disaster management sa Pilipinas at ibang bansa, ang manwal na ito ay isang ambag sa pagbubuo ng mga komunidad at lipunang maunlad, ligtas at matibay sa harap ng mga panganib at disaster. Parang kawayan na humahapay sa hagupit ng malakas na hangin at ulan, maaaring maging matatag ang mga komunidad dumating man ang anumang unos! for Disaster Preparedness C D Center Room 813, 8th floor Ortigas Bldg. cor. Meralco Avenue P Ortigas Ortigas Center, Pasig City Tel. Nos. (0632) 634-7281 Fax No. (0632) 631-9326 e-mail: cdp@info.com.ph website: www.cdp.org.ph

Pinondohan ng:

JAPANESE EMBASSY


Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad