Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad

Page 62

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 3: Nagbabagong pananaw sa disaster management Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: a. Ipaliwanag ang mga nagbabagong pananaw at pamamaraan sa pagsasagawa ng disaster management; at b. Sabihin ang kahalagahan at mga katangian ng disaster management sa komunidad (community based disaster management)

Pangunahing Ideya: a. Pagkatapos ng International Decade for Natural Disaster Reduction noong dekada 90, hindi bumaba ang dalas at mga pinsalang natatamo mula sa mga disaster bagamat nagkaroon ng malawakang kamulatan sa mga usaping disaster at disaster management. Ganito rin ang kalagayan ng Pilipinas. Nakikitang ang paglahok ng mga komunidad ay susi sa paglaban sa mga disaster. b. Nagbabago na ang mga pananaw sa disaster management tungo sa pagpapalahok sa mga taga-komunidad at pagdiin sa mga gawain bago pa man dumating ang disaster. c. Ang mga tampok na katangian ng disaster management sa komunidad: a. Susi ang paglahok at pagkilos ng mga taga-komunidad b. Pagtiyak sa interes at pagkilos ng mga pinakabulnerableng pamilya, grupo at sektor c. Ang mga hakbang at gawain sa pagpababa ng pagkabulnerable ay batay sa pagsuri ng panganib, pagkabulnerable at kakayahan ng komunidad d. Pagsaalang-alang at pagpalakas sa mga pag-angkop at kakayahan ng mga pamilya at komunidad e. Ang papel ng mga taga-labas ay suporta sa komunidad at tagapagpadaloy ng mga resources f. Ang pagpababa ng peligro sa disaster (disaster risk) ay nakaugnay sa plano at gawain sa pagpapaunlad ng komunidad at lipunan g. Ang layunin ng disaster management ay pagpababa ng pagkabulenrable at pagpataas ng kakayahan ng komunidad h. Ang tunguhin ng pagpalakas ng kakayahan at pagpapababa ng pagkabulnerable ay pagbubuo ng komunidad at lipunang ligtas at matatag (resilient o resistant) sa disaster.

Pamamaraan: “Ito ang Magkasama!�, Lektura at Talakayan

Daloy: Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

59


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.