Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad

Page 44

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

l

Ang bagyo, lindol at baha ba ay disaster o hindi?

Hatiin sa apat ang grupo. Bigyan ng posisyong pagtatalakayan ang bawat grupo. Pagkatapos ng 10 minutong talakayan, ipapaliwanag ng kinatawan ng bawat grupo ang dahilan ng kani-kanilang posisyon. 2. Lagumin ang mga sagot at gamitin para sa pagsisimula ng depinisyon ng panganib, pagkabulnerable, kakayahan at disaster. 3. Pag-ibahin ang panganib at disaster. Ang panganib ay penomena o pangyayari na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan, at ari-arian ng mga tao, komunidad at kalikasan. ‘Di agad maituturing na disaster ang bagyo, lindol, o pagputok ng bulkan. Kung walang tao at komunidad na maaapektuhan at makakaranas ng pinsala, walang disaster. 4. May tatlong tipo ng panganib: l mula sa kalikasan gaya ng bagyo, lindol o pagputok ng bulkan l gawa ng taong gaya ng sunog, aksidenteng industriyal, oil spill sa dagat, giyera l gawa ng tao at kalikasan (combination o socio-natural hazards) gaya ng baha at tagtuyot 5. Ipaliwanag ang pagkabulnerable. Ang pagkabulnerable (vulnerability) ng mga tao at komunidad ay ang mga kahinaan, kondisyon, salik at dahilang hadlang sa pagangkop o pagbigay proteksyon sa sarili at komunidad mula sa mga panganib, at sa pagbangon mula sa pinsala ng disaster. Ang mga bulnerableng kondisyon ay nauuna sa pangyayari ng disaster. Pinatitindi nito ang negatibong epekto at madalas, nagpapatuloy kahit tapos na ang disaster. 6. Ang kakayahan (capacity) ay mga resources, lakas, kaalaman, at kasanayan na taglay ng mga tao, pamilya at komunidad sa pagbigay proteksyon, pagharap at pagbangon mula sa mga epekto ng panganib at disaster. 7. Ang mga salik/dahilan ng pagkabulnerable at kakayahan ay magkakaugnay na aspeto: l

l

l

mahahati sa tatlong

pisikal at materyal: lokasyon, likas na yaman, materyales at yari ng bahay at gusali, gawaing pangkabuhayan, akses at kontrol sa lupa, kapital at iba pang kagamitan sa produksyon, mga imprastruktura at pasidad, mga panlipunang serbisyo panlipunan at pagkaka-organisa: pormal at impormal na kaayusan ng komunidad at lipunan, mga alitan at paano ito inaayos, uri ng puliika, mga patakaran at batas ng pamahalaan, partisipasyon sa pagdedesisyon, mga organisasyon sa komunidad aktitud at motibasyon: paniniwala sa buhay at kakayahang baguhin ang paligid, pananampalataya, ideolohiya, pagtayo sa sarili, pagkakaisa, kooperasyon

8. Ang panganib ay nagiging disaster kapag ito ay tumatama o nakakaapekto sa mga bulnerableng tao at komunidad (na hindi sapat ang kakayahang harapin ang mapanirang epekto nito). Ang resulta ay pinsala at pagkasira sa tao, kabuhayan, ariarian, pasilidad sa komunidad, kalikasan, at pangkalahatang kaayusan ng takbo ng buhay ng komunidad. Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

41


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.