Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad
karugtong
napakalaking mga alon bunga ng paglindol o pagputok ng bulkan sa ilalim ng dagat. Ang mga gilid ng bundok na may buhaghag na lupa ay maaaring gumuho (landslide) kapag malakas ang ulan at/o lumindol. 3. Pinatitindi ng pagkasira (degradation) at pagkaubos (depletion) ng ating mga likas yaman ang mapaminsalang epekto ng mga panganib mula sa kapaligiran. Noo’y sagana sa likas na kayamanan ang Pilipinas pero ngayo’y kritikal na ang kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Nauubos na ng malakihang pagtotroso (legal at ilegal) ng mga korporasyong lokal at transnasyunal. Mga 550,000 ektaryang kagubatan ang nasisira taon-taon. Mga 5.4 Milyong ektarya na lamang ang natitirang kagubatan ng bansa, o 18% ng kabuuang lupain ng Pilipinas kumpara sa ideal forest cover na 54% sana. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagreresulta sa baha, soil erosion, sedimentasyon (pababara o pagbabaw ng mga tubigan), landslide at tagtuyot. Nagkakaroon ng pagbaha sa mga mabababang lugar at sa tabi ng mga daluyan at imbakan ng tubig kapag may bagyo o malakas na pag-ulan. Noong Nobyembre 6, 1991, mga 8,000 katao ang namatay sa flashflood sa Ormoc, Leyte. Ang pagkapanot ng kabundukan ay maiuugnay sa pagbaha. Gayundin, ang kakulangan ng mahusay na sistema ng lagusan ng tubig at pagbara ng basura lalo na ng plastik ang mga salik sa pagbaha sa kalunsuran. Ang tagtuyot o drought ay pangmatagalang kakulangan ng inaasahang pag-ulan. Ang pinakagrabeng tagtuyot na naranasan ng Pilipinas ay noong 1982-83, 1986-87, 1990-91, at noong 1997-1998. Halos 1 milyong tao sa kabundukan ng Mindanao ang nakaranas ng kakulangan ng pagkain noong El Nino sa taong 1998. Pinatitindi rin ang epekto ng tagtuyot ng pagkakalbo ng kagubatan, kakulangan ng mga proyekto ng pamahalaan sa irigasyon at pag-ipon ng tubig (water impounding), at ang malaki at maaksayang konsumo ng tubig sa mga kalunsuran. Bukod sa panganib sa kalusugan ng mga Pilipino, ang polusyon sa lupa, hangin at tubig ay nakakaapekto sa ikinabubuhay at mapagkukunan ng pagkain lalo na ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo.
PHIVOLCS
May 50 ilog sa bansa ang tuluyan nang namatay dahil sa polusyon dulot ng industriya. Nawawasak ang mga coral reef dahil sa erosyon dulot ng walang-habas na pagtotroso at sa lasong galing sa pagminima. Ang mga bakawan naman na itlugan ng mga isda at likas na panangga sa malalaking alon ay ginagawang palaisdaan. Matindi ang epekto ng red tide sa kabuhayan ng mga mangingisda. Tumagal ng 3 buwan ang red tide noong 1983 sa Maqueda Bay, Villareal Bay at Samar Sea at may naitalang 278 na kaso ng pagkalason at 21 ang namatay. Mula 1987, ang red tide ay halos taon-taon nang nararanasan. Sa Manila Bay, may 40 katao ang nalason mula 1991 – 1998 sa pagkain ng mga shellfish. Dahil sa polusyon mula sa mga industriya, nagkaroon ng fishkill sa Manila Bay noong Oktubre 8, 1996. Sa Bolinao, Pangasinan ay nagkaroon din ng fish kill dahil sa sobrang dami ng mga nakatayong fish pen at fish cages noong Pebrero 2002.
Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.
35