Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad

Page 37

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

DISASTER AT PANGANIB: Bahagi ng Buhay sa Pilipinas 1. Ang Pilipinas ay nangunguna sa listahan ng mga bansang laging sinasalanta ng disaster (one of the most disaster prone countries). Nag-aanak pa nga ang Pilipinas ng bagong tipo ng disaster gaya ng pagguho ng gabundok na basura (trashlide) sa Payatas noong Hulyo 10, 2000.

WVDFI

Naitala sa pag-aaral na ginagawa ng Center for Research and Epidiomology of Disasters sa Belgium ang 701 disaster mula 1900 – 1991 o halos 8 disaster sa bawat taon. Mula 1987 – 2000, naitala ng National Disaster Coordinating Council ang 523 disaster (halos 37 disaster taun-taon) na may kabuuang halaga ng pinsala sa P150.071 Bilyon. Ang dokumentasyon ng mga NGO gaya ng Citizens Disaster Response Network na sumasaklaw pati sa mga lokal na disaster na maaring hindi na nalalathala sa pambansang pahayagan gaya ng sapilitang paglikas at demolisyon bunga ng mga tinaguriang “proyektong pangkaunlaran” at armadong labanan, sunog, toxic waste contamination. May 197 disaster sa taong 2000 lamang na nakakaapekto sa 2,267,981 pamilya o 11,107,783 indibidwal. Mula 1991 – 2000 ang naapektuhan ng disaster ay 96,907,837 pamilya. Ibig sabihin, maraming Pilipino ay paulitulit na tinatamaan ng disaster. 2. Ang bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang panganib mula sa kapaligiran (natural hazard) ay dulot ng partikular na lokasyon at pisikal na katangian ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang arkipelagong napapagitnaan ng Pacific Ocean at South China Sea. Binubuo ito ng 7,100 isla at 34,000 kilometro ang haba ng ‘di magkakarugtong na baybaydagat. Ang topograpia ng Pilipinas ay nag-iiba mula sa matatayog na bundok, kapataan at mabababang latian (freshwater swamps). Mga 30 milyong ektarya ang kabuuang sukat ng lupa ng Pilipinas at 60% nito ay bulubundukin. May 421 ilog, 59 likas na lawa at mga 100,000 ektaryang latian na bumabagtas sa buong kapuluuan. Dahil malapit ito sa Western North Pacific Basin kung saan nabubuo ang 50% ng mga bagyo sa buong daigdig, dinaraanan ito ng 20 bagyo bawat taon, at 9 ang tuwirang tumatama at nakakaapekto sa bansa. Ang malakas na hangin dala ng bagyo habang papalapit na ito sa lupa ay nagdudulot din ng malalaking alon at abnormal na pagtaas ng tubig (storm surge o tidal wave) sa mga komunidad malapit sa baybay-dagat. Bagyo ang pinakamadalas na disaster sa Pilipinas at karaniwang kakabit nito ang pagbaha sa mga mabababang lugar. Mula 1988 – 2000, may 198 na bagyo ang dumaan sa Pilipinas na nagdulot ng P22.105 Bilyong halaga ng pinsala. Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire. Napapagitna ang Pilipinas sa 2 earthquake belt – ang Pacific Plate at Eurasian Plate – kaya madalas makaranas ng lindol. Tinatayang may 5 lindol na nagaganap araw-araw sa iba’t ibang bahagi ng kapuluuan bagamat di na ito nararamdaman. Mula 1599, nakaranas na ang Pilipinas ng mahigit 70 mapinsalang lindol. May 220 bulkan sa Pilipinas at 22 nito ay aktibo o may naitala nang pagputok sa loob ng 100 taon. Ang mga komunidad malapit sa tabing dagat ay may panganib mula sa tsunami o

34

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.