Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad

Page 31

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

SESYON 1: Mga Disaster at Panganib sa Aming Komunidad Layunin: Pagkatapos ng sesyon, inaasahan na kaya ng bawat Kalahok na: 1. Isalarawan ang kalagayan o disaster situation ng lugar o komunidad; at 2. Ipakita ang mga ginagawang pagtugon ng mga pamilya at komunidad sa mga disaster at panganib

Pangunahing Ideya: 1. Ano ang mga disaster na naranasan na ng komunidad? Ano ang iba pang panganib na maaaring makaapekto sa mga tao at komunidad? 2. Ano ang dulot na pinsala ng mga disaster sa komunidad? 3. Sinu-sino ang mga dumaranas ng pinsala? Bakit? 4. Ano ang mga ginawa/ginagawang pagtugon ng komunidad sa mga disaster at panganib?

Pamamaraan: “Group Work” at Talakayan

Daloy: 1. Hatiin sa limang grupo ang mga Kalahok. Magtakda ang bawat grupo ng tagapagpadaloy, documentor at reporter. Talakayin ng bawat grupo ang kanilang sagot sa apat na tanong. Sumangguni sa Talahanayan ng mga Disaster at Panganib sa Komunidad para sa ditalye ng mga sagot. Bawat grupo ay pipili ng pamamaraan kung paano mag-uulat. 2. Ang unang grupo ay guguhit ng Spot Map ng komunidad. Isama sa mapa ng lugar ang mga tampok na pisikal na katangian ng lugar (bahayan, community facilities gaya ng simbahan, paaralan, health center), mga daan, tulay, ilog at sapa, sakahan, taniman, bundok, dagat, atbp.), kabuhayan, kalusugan at kaugalian. 3. Tutukuyin naman ng pangalawang grupo ang mga taon kung kalian nakaranas ng iba’t ibang disaster ang komunidad at paghahambingin sa laki at lawak ng pinsala. Ito ang tinatawag na Timeline of Disasters. Tukuyin din kung anong buwan sa isang taon nararanasan ang disaster. Ito naman ang Seasonal Calendar. 4. Ang pangatlong grupo ay gagawa ng spot map ng komunidad at tutukuyin ang mga pamilya, ari-arian at pasilidad sa komunidad maaaring mapinsala ng iba’t ibang panganib at disaster. Ito ang Hazard and Vulnerability Map at sa karaniwang pagmamadali ay tinatawag na lang na Hazard Map.

28

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.