Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad

Page 20

Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad

DISENYO NG DISASTER PREPAREDNESS TRAINING Layunin: 1. Magkaisa sa layunin, nilalaman, pamamaraan at iskedyul ng Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster o Disaster Preparedness Training (DPT); at 2. Tukuyin kung alin sa mga inaasahan ng mga Kalahok ang matutugunan sa pagsasanay at kung paano

Pangunahing Ideya: 1. Limang Modyul Modyul 1: Modyul 2: Modyul 3: Modyul 4: Modyul 5:

Ang Kalagayan sa Aming Lugar Mga Batayang Konsepto sa Pamamahala sa Disaster Mga Gawain sa Paghahanda sa Disaster Mga Partikular na Gawain sa Panahon ng Emergency Plano at Organisasyon sa Paghahanda sa mga Panganib at Disaster

2. Paggamit sa pagsasanay ng iba’t ibang pamamaraan na ginagabayan ng prinsipyong matuto habang ginagawa o “learning by doing”. 3. Kasama sa disenyo ng pagsasanay na mag-enjoy ang mga Kalahok habang natututo.

Pamamaraan: Talakayan

Daloy: 1. Ikumpara ang mga inaasahan ng mga Kalahok sa ginawang Pagsusuri ng Pangangailangan sa Pagsasanay (Training Needs Assessment) at inihandang programa para sa pagsasanay (Training Design). Kung kinakailangan, gumawa ng mga angkop na pagbabago sa programa. 2. Ilahad ang mga pangkalahatan at partikular na layunin ng pagsasanay. Ipaliwanag ang paksang tatalakayin, mga pamamaraang gagamitin, at iskedyul. Ang limang modyul ay tatalakayin sa loob ng 3 araw. Sasaklawin ang Modyul 1 at 2 sa unang araw at ang Module 3 sa pangalawang araw. Ang Modyul 4 at 5 ay tatalakayin sa ikatlong araw ng pagsasanay. 3. Bigyan diin na sa Pagsasanay sa Paghahanda sa Disaster, ‘di lang makikinig ang mga Kalahok sa mga lektura mula sa mga Tagapagpadaloy, pero sama-sama nilang susuriin ang kanilang komunidad at gagawa ng mga plano para sa kaligtasan ng mga buhay at ari-arian. Bilang gabay, ang mga Tagapagpadaloy ay magbabahagi ng mga konsepto,

Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.

17


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Kahandaan Katatagan at Kaunlaran ng Komunidad by Center for Disaster Preparedness - Issuu