Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad
Ang Organisasyon sa Komunidad sa Pamamahala sa Disaster (Grassroots Disaster Response Organization) 1 . Konsepto ng Grassroots Disaster Response Organization (GDRO) Ang pagbubuo at pagpapalakas ng organisasyon sa pamamahala sa mga disaster ay isang susing sangkap ng plano at programa ng komunidad sa gawaing disaster management. Mahalagang may mga tao at organisasyong makakatulong ang komunidad sa paghahanda at pagharap sa mga bantang panganib at disaster. Maaaring iba’t iba ang tawag sa organisasyong pangunahing makakatulong ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster. Ang ilan dito ay barangay disaster response organization, grassroots disaster response machinery, disaster response committee, disaster response organization, disaster volunteers team, grassroots disaster response organization, disaster response machinery, o disaster response network. • • • •
Team - grupo, komite; karaniwang bahagi ng isang organisasyon gaya ng nakatayong people’s organization o samahan sa komunidad Organisasyon - kapag may itatayong bagong grupo Network - pagsasama-sama ng iba’t ibang organisasyon Machinery - pwedeng organisasyon, komite, grupo, team
2 . Layunin ng GDRO i. Pangkalahatang Layunin: Makatulong sa komunidad sa epektibong paghahanda at pagtugon sa mga panganib at disaster ii.
Mga Partikular na Layunin:
a. b. c.
Mapahusay ang paghahanda at pagharap ng komunidad sa mga panganib at disaster Matiyak ang pagpapatupad ng plano ng komunidad sa disaster management Mapukaw ang kamalayan at mapanlikhang inisyatiba ang mga taga-komunidad para sa pagpapababa ng pagkabulnerable at pagpapataas ng kakakyahan Mapagbuklod ang mga inisyatiba, resources at pagkilos ng mga taga-komunidad at suporta ng taga-labas Mangalap at magpadaloy ng mga resources para sa epektibong pagpapatupad ng plano ng komunidad sa disaster management
d. e.
3 . Mga gawain ng GDRO sa pangunguna at pagpapakilos ng komunidad sa disaster management: a. Paghahanda - pagbigay ng pag-aaral at pagsasanay hinggil sa gawaing disaster management sa komunidad; pangunguna sa pagsusuri sa panganib, pagkabulnerable at kakayahan (hazard vulnerability capacity assessment) at pagpapaliwanag ng HCVA sa mga taga-komunidad; pagsasagawa ng mga aktibiti kaugnay ng kaalamang pampubliko (public awareness); pangunguna sa paggawa ng sistema at pagpapaabot ng maagang Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.
125