Gabay sa Pagsasanay sa Paghahanda para sa Disaster sa mga Komunidad
Plano ng Komunidad sa Pamamahala sa mga Panganib at Disaster 1. Layunin ng plano ng komunidad sa pamamahala sa mga disaster (community disaster management plan) na pagkaisahain, gabayan at pakilusin ang mga taga-komunidad, lalo na ang mga pinakabulnerableng grupo at pamilya sa disaster, sa paghahanda at pagpapababa ng pagkabulnerable sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga kakayahan. Maaari tawagin ang planong ito sa iba’t ibang pangalan gaya ng plano ng komunidad sa paghahanda at pagharap sa disaster, counter disaster plan, community risk reduction plan, community disaster response plan, community preparedness and mitigation plan, o community development plan. 2. Sa esensya, ito ay plano sa pagbabababa ng pagkabulnerable sa disaster sa pamamagitan ng pagpapataas ng kakayahan ng komunidad sa pag-angkop at pagharap sa mga bantang panganib at disaster. Saklaw ng plano ang kalagayan sa disaster sa komunidad at ang mga partikular na gawain sa disaster management bago dumating ang disaster, sa panahon ng emergency, at pagkatapos ng disaster. 3. Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi: a. Kalagayan sa Disaster sa Komunidad b. Layunin ng Plano sa Pamamahala sa Disaster ng Komunidad c. Konsepto ng Operasyon at Mga Patakaran d. Mga Sanib o Annexes Kalagayan sa Disaster sa Komunidad • iba’t ibang bantang panganib sa komunidad • pagkabulnerable – mga elementong nasa peligro at mga inaasahang pinsala; particular na mga grupo at pamilyang bulnerable; mga salik at at kondisyon sa pagkabulnerable • kakayahan ng komunidad - kasaysayan sa pag-angkop at pagharap sa mga disaster • kabuluhan ng komunidad at ng paggawa ng plano sa disaster management Layunin ng Plano sa Pamamahala sa Disaster ng Komunidad • mga target na nais makamit sa pamamagitan ng plano sa pamamahala sa mga disaster • bilang o bahagdan ng mga nangangailangan na bibigyan ng serbisyo Konsepto ng Operasyon at Mga Patakaran • partikular na gawain at serbisyo para makamit ang layunin ng plano (pag-iwas at mitigasyon - safety measures, pagpapalakas ng kabuhayan at kalusugan, pangangalaga sa kalikasan; paghahanda - sistema ng babala, gawaing pampubliko, paglikas, pamamahala sa evacuation center, pagsasagawa ng mga drill at simulation exercises; pagsasanay na kailangan para palakasin ang kakayahan sa paghahanda at pagtugon sa panahon ng emergency) Center for Disaster Preparedness Foundation Inc.
119