ALBARRACIN MagaSINING (Midterm Output)

Page 1

MagaSINING

TEKSTONGDeskriptibo

Kahulugan

Ang

tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

Ang tekstong deskriptibo ay tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay, lugar, at pangyayaring madalas nasasaksihan ng tao sa paligid.

Katulad ng mga visual na anyo ng sining, ang panitikan na kadalasang gumagamit ng tekstong deskriptibo ay itinuturing na isang anyo ng sining dahil ang may-akda ay naghahatid ng mga ideya at karanasan sa mambabasa. Ang kuwentong isinalaysay sa isang akdang pampanitikan ay nag-uugnay din sa mga indibidwal na mambabasa, na nakakaapekto sa kanila sa halos parehong paraan na maaaring gawin ng iba pang mga uri ng sining.

Katangian

- Ang tekstong deskriptibo ay karaniwang gumagamit ang mga manunulat ng pang-uri at pang-abay upang mailar awan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahi nasyon ng mambabasa

- Ito ay gumagamit ng cohesive devices o kohesyong gramatikal (reperensiya (reference), substitusyon (substitu tion), ellipsis, pang-ugnay, at leksikal) upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi nito.

- Ito ay kadalasang kabahagi ng iba pang uri ng teksto tulad ng ipinapakita ng mga halimbawa sa ibaba:

1. Sa tekstong naratibo, kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang emosyon, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa, ang tekstong deskriptibo ay lubhang makatutulong.

2. Sa tekstong argumentatibo, ginagamit ang tekstong deskriptibo sa paglalarawan ng panig na pinaniniwa laan at ipinaglalaban.

3. Sa tekstong persuweysib, ginagamit din ito para sa mas epektibong pangungumbinsi.

4. Sa tekstong prosidyural, maaaring gamitin ang tekstong deskriptibo sa paglalahad kung paano mas ma gagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay.

MIDTERM SA STEKSTO: MAGASEEN MARSO 1 2023
LITERATURA

Kahalagahan

Sapamamagitan ng tekstong deskriptibo ay epektibong mailalarawan ang kahit anong bagay na iyong ninananais. Sa gayon, halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito. Kapag malinaw ang paglalarawan ng teksto, mas maiintindihan ng mga mambabasa ang mensahe na nais ipadala ng manunulat.

Bilang isang anyo ng sining, ito ay nagsisilbing isang pagpapahayag ng ating kaisipan, damdamin, at karanasan. Ito rin ay salamin ng ating lipunan at kultura. Tinutulungan tayo nitong maunawaan kung ano tayo bilang tao at nakakaimpluwensya kung paano tayo nauugnay sa isa’t isa. Ito rin ay nakatutulong magpalawak ng imahinasyon ng bawat mambabasa.

Tulad ng ipinahayag sa nakaraang pahina, ang tekstong deskriptibo ay nagpapalinaw ng anumang tekstong susulatin. Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang tungkulin nito sa ibang uri ng teksto sapagkat ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto. Kadalasang ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang parte ng iba pang uri ng teksto.

Kaugnay na artikulo

“Untitled”

isinulat ni Crissel Famorcan

Ang bansang Pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho’t malumanay, Matalino’t masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay.

Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit

Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit

Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok?

Bakit hinayaan niyang Pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok?

Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok.

Kung minsan ay talagang napapaisip ako

Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno?

Para ba mangurakot at magbalatkayo?

At hayaang maghirap ang sariling bansa ko?

Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura

ANG OPISYAL NA MAGASINING - SINING NG TEKSTO INIHANDA NI: CRISTINA M. ALBARRACIN
(1/2)

isinulat ni Crissel Famorcan

Nasaan na ang pondo ng ating bayan?

Bakit naghihirap ang mamamayan?

Katwira’y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan

Isa daw dito ang 4p’s kung tawagin

Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang, mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain.

Bakit katarungan ay hindi makita

Sa gobyerno ng bayan kong kawawa?

Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay?

Kung ako ang tatanungin, ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami

Tapat na tao’y kanilang hinuhuli

At pamamalakad nila ang nais mamalagi

Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit

Mga tapat at di manggagamit

At kaunlaran ng Pilipinas ang nais makamit..

Hello Poetry. (n.d.). Bayan Poems on hello poetry. Hello Poetry. Retrieved from https://hellopoetry.com /words/bayan/
“Untitled”
(2/2) MIDTERM SA STEKSTO: MAGASEEN MARSO 1 2023

Kaisipan ng Artikulo

Anginilahad na tula ay isinulat ni Crissel Famorcan, isang mamamayan ng Pilipinas. Ang mga tula ay isa sa pinaka karaniwang sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo. Sa “Untitled”, ipinapahayag ni Crissel ang mga isyu ng ating bansa at ang bulok na gobyernong namamahala at ang nagiging sanhi pa ng paghihirap ng nakararaming Pilipino. Sa kaniyang tula, nailalarawan niya ang nakalulungkot na resulta at epekto ng pagkakaroon ng isang mahinang pinuno na walang habag para sa kaniyang mga kapwa Pilipino sa lipunan. Mahusay na nailarawan ni Crissel ang karanasan ng isang Pinoy sa isang gobyernong hinahayaang maghirap ang bansa. Ito ay naibahagi sa buong internet at nakatanggap ng 14.4 libong views sa websayt ng H*llo Poetry. Sa pamamaraan ng isang tula, si Crissel ay nakapagpahayag ng kaniyang sariling paninindigan at opinyon sa mga pangyayari ng ating bansa ngayon at protektahan ang karapatan ng mga Pilipino na lumaban sa nangyayaring inhustisya sa ating lipunan. Ang mga sulatin gaya nito ay maaaring magsilbing plataporma para sa nakararami na marinig ang kanilang boses sa kabila ng diskriminasyon at abuso ng sistema sa kanila o anumang paghihirap na kanilang hinaharap. Ito rin ay nagbibigay ng kaalaman sa ibang mga tao tungkol sa mga pangyayari at mga importanteng isyu sa lipunan upang ang madla ay magkaroon ng kamalayan sa kanilang kapaligiran. Ito ay nagiging paraan ng mga tao upang magkaisa at magtulungan na bumangon mula sa kahirapan at pagdurusa, m akisama at itama ang kamaliang nangyayari sa ating bansa. Mahalin at pahalagahan natin ang ating kalayaan gamit ang ating boses at mga salita.

Sa tulong ng teknolohiya at mga makabagong imbensyon, tayo ay may kakayahan na gumawa ng pagbabago sa lipunan. Ang ating boses ay may halaga at nagsisilbing isang instrumento upang maipahayag ang damdamin, opinyon, at ideya ng bawat isang mamamayan. Gamit ang tekstong deskriptibo, tayo ay may oportunidad na magpahayag ng isang makabuluhang mensahe na maaaring magdulot ng kahalagahan sa iba.

ANG OPISYAL NA MAGASINING - SINING NG TEKSTO INIHANDA NI: CRISTINA M. ALBARRACIN

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.