BALITA Bahaghari umalma sa kanselasyon ng ‘Patuchada’
EDITORYAL 03
SG Election Series: Agawan sa proyektong nakulayan
LATHALAIN 06
Pacesetter
T h e O f f i c i al Stud e n t P ubl i cati o n o f B u l a can State Un ive rs i ty
07
I can seize your vote Sino ang kandidatong nasa tono at sintunado
VOLUME NO. XLXIV SG PRIMER 2018 Our Solidarity will set us free bulsupacesetter.com /BulSUPacesetter
Tapatang BulSU One kontra Stand, ikinasa; ‘Di umano’y gayahan sa plataporma, kinondena MIGUEL MAGHINANG, JOHN MARC CRUZ AT JEROME CALAYAG
KARAPAT-DAPAT IBOTO. Sa huling pagkakataon, hinarap nina Nieky Quitain at Paulo Tanjente ang mga Bulsuans hatid ang mga plano nila sa mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante. Larawang kuha ni Mao-len Abad
M
atapos ang ilang linggong panunuyo at pangangampanya, nasaksihan sa unang pagkakataon ang pormal na tapatan ng dalawang magkalabang partido ng Bulacan State University (BulSU) Supreme Student Council sa ginanap na Meeting de Avance na nasaksihan ng masang estudyante sa Heroes’ Park, Abril 13. Sa gitna ng mainit na tunggalian ng hangarin at batuhan ng mga hinaing, inihayag ng bawat kandidato ang kani-kanilang mga layunin sa pagtakbo na siya namang pinuna ng mga estudyanteng nakapakinig nito. “Sa akin lang naman siguro ay hindi sila mulat o hindi nila alam ang mga mas mahahalaga pa na problema na kailangang solusyunan. Sa tingin ko nagiging competition na din ang nangyayari sa mga plataporma, dahil iniisip nalang nila ‘yong pang-tapat na solusyon sa kalaban,” pagbabahagi ni Edmund Tagle, BSAR 3C. Sinang-ayunan naman ni Alex Manalastas
mula sa College of Home Economics ang nauna na nakapansing may pagkakahalintulad nga ang mga ibinabanderang plataporma ng dalawang partido na dahilan upang maging tila hilaw ang mga layunin nila sa pagtakbo. “Platform nila e about competition lang talaga. Sobrang pataasan kasi ng ihi ang nangyayare sa election ngayon sa school e. Walang concrete na platform ang bawat isa. Nag i-imitate lang. Lakas mangako, lakas magsalita pero ang totoo wala naman nangyayari. Puro drawing lang,” ani Manalastas. Bughaw at dilaw na bandera Bagaman kinuwestiyon ang pagkakahawig ng mga plataporma, siniguro naman ng standard bearers ng magkalabang alyansa na magkaiba ang sigaw ng bawat isa. Sa panimula ng meeting de avance na pinangunahan ng Debate Society at ng Pacesetter, mariing nilibak ng asul na partido ang ‘di umano’y huwad na libreng
edukasyon na kasalukuyang ipinatutupad ng administrasyon. Ayon sa Stand BulSU, hindi pa rin naibibigay ng BulSU ang totoong libreng edukasyon na dapat na tinatamasa ng mga estudyante sapagkat may binabayaran pa ring miscellaneous fee ang mga ito kaya’t ang tugon nila rito ay mas malaking budget upang matugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng institusyon. “Dahil tunay lamang na matutugunan at tunay lamang masusulusyunan ang kanilang activity-based platform [ng BulSU One] kung mayroon tayong sapat na budget at wasto ang budget allocation at utilization. Matagal na po tayong nagkaka-isa, matagal na pong nasa atin ang pagkaka-isa, matagal na po nating hiniling sa kanila na sumama sa laban ng tunay at libreng eukasyon,” pambungad na pasaring ni Nieky Quitain standard bearer ng STAND BulSU. TAPATANG BULSU ONE KONTRA STAND, IKINASA
02