4 minute read

Unit 1. Anyo ng paglabag sa karapatang Pantao

Kinalabasan ng Pagkatuto

Paunang Pagtataya: Gawin Natin

Advertisement

·Maipaliliwanag ang iba ’t – ibang anyo ng karapatang pantao

DetiktiBibo

Panuto: Gamit ang mga katumbas na simbolo ng mga letra, i-crack ang code upang malaman ang nakatagong salita.

Pagsusuri: Suriin Natin

Panuto: Gamit ang iyong personal na pananaw, sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1.Ano ang ibig sabihin ng salitang "karapatan " para sa iyo? 2.Magbigay ng isang karaniwang sitwasyon kung saan angkarapatan ng tao ay na-aabuso? At ano ang iyong pananaw tungkol dito?

Paglalahad: Dagdagan Natin ang Iyong Kaalaman

MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO Ang mga sumusunod ay ang tatlo sa pinakakilalang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao.

1. Pisikal na Paglabag

May mga magulang, guro, at iba pang matatanda ang nananakit at nagpapataw ng mabigat na parusa sa pag-aakalang ito ay mabisang paraan ng pagdidisiplina Ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao ay pisikal na paglabag sa karapatang pantao. Ang pagdukot, kidnapping, pagbubugbog gaya ng hazing, pagputol sa anumang parte ng katawan o mutilation, lalo na ang pagkitil ngbuhay ay mga pisikal na paglabag

Ang seksuwal na pananakit tulad ng panghahalay o rape, pagsasamantala, panghihipo, martial rape, at domestic violence ay halimbawa rin ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao. Gayundin, ang tinawag na police brutality o ang labis na pagiging marahas ng mga pulis at military sa mga napagbibintangang Kriminal at kaaway ng batas. Ang extrajudicial killing at extralegal killing sa mga napagbibintangang kriminal o kaaway ng pamahalaan ay mga paglabag sa karapatang pantao. Ang mga biktima ng nasabing paglabag ay hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa korte, bagkus sila ay agad na hinatulan at pinatay.

2. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag

Ang pag-aaway ng mag-asawa, magkamag-anak, o magkaibigan na nauuwi sa sigawan at pagbibitaw ng masasakit o malulupit na salita ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao. Gayundin, ang panlalait at pangaalipusta ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Nagiging mababa ang tingin ng isang tao sa kaniyang sarili at nagdudulot ng ito ng kawalan ngkapayapaan ng loob. Nawawala angkaniyang kumpiyansa at hindi na makapamuhay ng matiwasay. Ang simpleng tuksuhan at asaran sa paaralan ay maaaring mauwi sa bullying na sumusugat at lumalatay sa emosyonal na katatagan ng mga bata. Malimit na ito ay nagpapatuloy sa mga social networking site o tinatawag na cyberbullying.

May mga kaso na kung saan ang mag-aaral, dahil sa sobrangkahihiyan, panlulumo, at panliliit sa sarili, ay nagpapakamatay. Ang pananakot upang mapilit ang isang tao na gumawa ng isang bagay na labag sa kaniyangkagustuhan ay paglabag din sa karapatan, gayundin ang pamimilit na sumapi sa samahan.

3.Estruktural o Sistematikong Paglabag

Ang mga ganitong uri ng paglabag ay nagaganap dahil sa mga estrukturang umiiral sa ating pamahalaan at sa mga alituntunin o batas na ipinapatupad dito. Halimbawa, may mga serbisyo ang ating pamahalaan na hindi naipaparating sa mahirap na mamamayan na naninirahan sa mga probinsya dahil ang mga lugar na ito ay mahirap marating. Ang mga ito ay nalalasap lamang ng mga lungsod at sentro ng pamahalaan. Isa pa rito ang pagkakaroon ng mga antas sa lipunan kung saan ang mga nabibilang sa mataas na antas at ang nakaririwasa ay mabilis na nabibigyan ng atensyon at preferential treatment samantalang ang ordinaryong mamamayan ay hindi mabigyan ng kaukulang atensyon. Kadalasan, kailangan pa nilang maglagay o manuhol para lamang mabigyan ng kinakailangang serbisyo.

Pagyamanin: Sukatin Natin

Panuto: Gamit ang iyong natutunan sa unit na ito, buuin ang acrostic at punan ang bawat letra sa mga salitang iyong gustong sabihin o ipaabot sa mga taong nang-aabuso ng karapatan ng iba.

K A R A P A T A N G P A N T A O -

Karapatang Pantao

ISAISIP

Mga Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Pisikal na Paglabag - Ang pananakit at pagsugat sa katawan ng tao, sekswal na pang-aabuso, police brutality at extra judicial killings. Sikolohikal o emosyonal na Paglabag – Ang panlalait at pang-aalipusta ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ang pananakot upang mapilit ang isang tao na gumawa ng isang bagay na labag sa kaniyang kagustuhan ay paglabag din sa Karapatan.

Mga Anyo ng Paglabag sa Karapatang Pantao

·Estruktural o Sistematikong Paglabag - Pagkakaroon ng mga antas sa lipunan kung saan ang mga nabibilang sa mataas na antas at ang nakaririwasa ay mabilis na nabibigyan ng atensyon at preferential treatment samantalang ang ordinaryong mamamayan ay hindi mabigyan ng kaukulang atensyon

Pagtataya

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1.Ito ay isang anyo ng paglabag sa karapatang pantao kung saan sila ay hindi nabibigyan ng pantay na pagtrato sa lipunan. A. Estruktural B. Emosyonal C. Sosyal D. Pisikal

2. Ito ay isang anyo ng paglabag sa karapatang pantao kung saan naalipusta at nalalait ang isang tao na nakapagdudulot ng trauma. A. Estruktural B. Emosyonal C. Sosyal D. Pisikal 3. Ito ay isang anyo ng paglabag sa karapatang pantao kung saan mayroongkaso ng pananakit at pananamantala. A. Estruktural B. Emosyonal C. Sosyal D. Pisikal 4. Ito ay isang halimbawa ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao kung saan ang biktima ay hinahalay o pinagsasamantalahan. A. Sekswal B. Extrajudicial Killing C. Police Brutality D. Hazing 5. Ito ay isang halimbawa ng pisikal na paglabag sa karapatang pantao kung saan ang biktima ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol angkanilang sarili sa korte. A. Sekswal B. Extrajudicial Killing C. Police Brutality D. Hazing

This article is from: