
7 minute read
Unit 3. Mga halimbawa ng paglabag sa Karapatang Pantao sa pamayanan, sa bansa, at sa daigdig
from 2P- SOC02
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1.Sanhi ng paglabag sa karapatang pantao na nakasentro sa pananaw sa sariling pangkat na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa ibang pangkat sa lipunan. A. Kalakaran sa Kultura B. Ideolohiya C. Kalakaran sa Pang – Ekonomiya
Advertisement
2. Sanhi ng paglabag sa karapatang pantao na nakasentro sa pagkamaramot ng piling indibidwal na nagpapahirap sa pamumuhay ng ibang mamayan. A. Kalakaran sa Kultura B. Ideolohiya C. Kalakaran sa Pang - Ekonomiya
3.Epekto ng paglabag sa karapatang pantao na makikita sa pamamagitan ngkawalan ng pamantayan ng kabutihan sa pamayanan. A. Kahirapan B. Kaguluhan at Karahasan C. Kawalan ng Moralidad
4. Epekto ng paglabag sa karapatang pantao na lubhang kalunos-lunos sapagkat ang indibidwal ay nawawalan ng karapatan sa maginhawang buhay. A. Kahirapan B. Kaguluhan at Karahasan C. Kawalan ng Moralidad
5. Epekto ng paglabag ng karapatang pantao kung saan nagkakaroon ng pisikal na kalupitan at matinding hidwaan sa loob ng pamayanan. A. Kahirapan B. Kaguluhan at Karahasan C. Kawalan ng Moralidad
Kinalabasan ng Pagkatuto
Masusuri at maipapaliwanag ang mga halimbawa ngiba ’t-ibang paglapag sa karapatamng pantao sa pamayanan, sa bansa , at sa daigdig
Paunang Pagtataya: Gawin Natin
THE WHAT?
Panuto: Suriin kung anong salita ang tinutukoy ng grupo ng mglarawan sa bawat aytem.
1.

2.

3.

Pagsusuri: Suriin Natin
Paglalahad: Dagdagan Natin ang Iyong Kaalaman
Mga halimbawa ng paglabag sa Karapatang Pantao sa pamayanan, sa bansa, at sa daigdig
Panuto: Gamit ang iyong personal na pananaw, sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1.Basi sa pinakahuling balita na iyong nabasa o napanood, ano ang pinakamalaking issue ng paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa? At ano ang nakikita mong solusyon na gigagawa ng pamahalaan upang tugunan ito? 2. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nay napapabalitang giyera sa pagitan ng mga pangkat ng tao o sa pagitan ng mga bansa? 3. Ano ang gampanin mo bilang mag-aaral at bilangkabataan sa pagbuo ng mapayapang lipunan na may pagpapahalaga sa karapatang pantao?
Mahalagang malaman at masuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig. Ang sumusunod ay isang pagsusuri sa mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao, hango sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog.
Ang bilang ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa labanan at ang collateral damage sa mga armadong salungatan ay maliit lamang na bahagi ng matinding pagdurusa at pagkawasak na dulot ng mga salungatan at digmaan. Habang ang mga salungatan ay nagtatagal,dumarami ang kaso ng paglabag sa pangunahingkarapatang mabuhay. Ang ilan sa mga malubhang paglabag sa karapatan sa buhay ay ang masaker, pagkagutom ng buong populasyon, at pagpatay ng lahi o genocide. Ang genocide ay ang sinasadyang pagpuksa ng isang etniko, rasa, o grupong panrelihiyon. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpatay sa mga miyembro ng grupo, pagdudulot sa kanila ng malubhang pinsala sa katawan o kaisipan, pagpapataw ng mga hakbang upang maiwasan nila ang panganganak, o sapilitang pagkuha sa kanilang mga anak.Ang genocide ay madalas na itinuturing na pinakamalalang krimen laban sa sangkatauhan.

Ang war crime naman ay tumutukoy sa isang paglabag sa mga patakaran ng jus in bello (hustisya sa digmaan) ng sinumangindibidwal, militar man o sibilyan.

Ang mga batas sa armadong labanan ay nagbabawal sa pag-atake sa mga sibilyan at sa paggamit ng mga sandata na nagdudulot ng hindi kinakailangang paghihirap o ng pangmatagalang pinsala sa kalikasan. Kabilang sa iba pang mga krimen sa giyera ay ang pagkuha ng mga hostage; pagpapaputok sa mga lokalidad na walang depensa at walang military significance, tulad ng mga ospital o paaralan; hindi makataong pagtrato sa mga bilanggo, gaya ng paggamit sa kanila sa mga eksperimentongbiyolohikal; at ang walang kabuluhang pagwasak ng mga pag-aari. Bagaman malinaw na ipinagbabawal nginternasyonal na batas, ang mga krimen sa giyera aykaraniwan.

Ang mga tinatawag na comfort women ay isa pang halimbawa ng sekswal na karahasan laban sa mga kababaihan sa panahon ngdigmaan. At kahit hindi panahon ng digmaan, ang mga sexual assault, kung saan nakapaloob ang sexual mutilation, sexual humiliation, at forced pregnancy ay tila karaniwan. Ang pangangalakal sa mga kababaihan (women trafficking) ay isang uri ng sekswal na pagkaalipin kung saan ang mga kababaihan ay dinadala sa ibanglugar at ipinagbibili para sa prostitusyon.
17
Ang karahasang sekswal ay minsang itinuturingbilang isang paraan upang sirain ang pride ngkalabang bansa o upang ipahiya ang mga kalalakihan na hindi napoprotektahan ang kanilang mga kababaihan. Ginagamit din ito upang patahimikin ang mga kababaihan na aktibo sa pulitika, o upang magdulot ng takot sa komunidad.


Paglabag din sa karapatan ang torture, ang pisikal o sikolohikal na pagpapahirap na nagdudulot ng kahihiyan o pagkawasak ngdangal ng tao. Kasama sa sikolohikal na pagpapahirap ang mutilation, pambubugbog, at pagkuryente sa labi, gilagid, at ari. Kasama rin dito ang pagkakait ng pagkain at tubig sa loob ng mahabang panahon, pinapanatiling nakatayo ang biktima nang maraming oras, pinagkakaitan ng tulog, o pinahihirapan sa pamamagitan ng nakatutulig na ingay. Ang torture ay ginagamit sa ilang mga kaso bilang paraan upang isagawa ang mga interogasyon at para “ pakantahin ” o magbigay ng impormasyon ang biktima. Ginagamit din ito bilang paraan ng pagsugpo sa ibang pampulitikangideolohiya o pagpaparusa sa mga kalaban sa politika ng naghaharing grupo.


May mga kaso rin ngdisappearance—mga taong“ nawawala ” na karaniwangdinudukot, itinatago, pinapatay, at inililibing nang lihim. Ang ganitong pagdukot ng mga tao ay karaniwang ginagawa upang sapilitang makakuha ngimpormasyon at magkalat ng takot. May mga kaso rin ng pampulitikang pang-aapi o
political oppression.
Ang mga indibidwal na banta sa mga nasa kapangyarihan o mayibang pananaw sa politika ay maaaring mabilanggo nang walang due process o ipapailalim sa hindi makatarungang mga pamamaraan ng paglilitis. May mga tao rin na pinagkakaitan ng karapatan sa pagboto o ng karapatan sa pakikilahok sa politika, o kaya ’ yipinatutupad ang mga hakbang na nagsisiil sa kalayaan. Kabilang dito ang mga sapilitang relokasyon, maramihang pagpapalayas, at pagtanggi sa karapatang maghangad ng asylum o bumalik sa tahanan.
Pagyamanin: Sukatin Natin
Panuto: Gumawa ng isang infographic patungkol sa iba ’t ibang halimbawa ng karapatang pantao at kung papaano makakatulong ang mga kabataan para puksain ito. Rubrik para sa Gawain


ISAISIP
MGA HALIBAWA NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO Ang ilan sa mga malubhang paglabag sa karapatan sa buhay ay ang masaker, pagkagutom ng buong populasyon, at pagpatay ng lahi o genocide.
Genocide - ang sinasadyang pagpuksa ng isang etniko, rasa, o grupong panrelihiyon.Ito ay madalas na itinuturing na pinakamalalang krimen laban sa sangkatauhan.
War Crime – ang paglabag sa mga patakaran ng jus in bello (hustisya sa digmaan) ng sinumang indibidwal, militar man o sibilyan.
Comfort Women - ang sekswal na karahasan laban sa mga kababaihan sa panahon ng digmaan.
Torture - ang pisikal o sikolohikal na pagpapahirap na nagdudulot ng kahihiyan o pagkawasak ng dangal ng tao.
Political Oppression - Ang mga indibidwal na banta sa mga nasa kapangyarihan o may ibang pananaw sa politika ay maaaring mabilanggo nang walang due process o ipapailalim sa hindi makatarungang mga pamamaraan ng paglilitis.

Pagtataya
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Sabihin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na salita.
1. Ang torture ay ginagamit sa ilang mga kaso bilang paraan upangisagawa ang mga interogasyon at para “ pakantahin ” o magbigay ngimpormasyon ang biktima. 2. Ang comfort women ay isang halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao kung saan ang mga polito ay binabantaan angbuhay upang hindi tuligsain ang kalaban.
3. Ang war crime ay ang paglabag sa mga patakaran ng jus in bello (hustisya sa digmaan) ng sinumang indibidwal, militar man o sibilyan
4. Ang genocide ay ang pagpuksa ng isang etniko, rasa, o grupong panrelihiyon.
5. Ang Paglabag sa karapatang pantao ayu nagyayari lamang sa loob ng pamayanan at hind isa bansa at daigdig.
