3 minute read

Unit 2. Epekto ng paglabag sa karapatang pantao

Kinalabasan ng Pagkatuto

Masusuri ang mga sanhi ng paglabag sa karapatang pantao

Advertisement

Matutukoy ang iba ’t-ibang epekto ng paglabag sa karapatang pantao

Paunang Pagtataya: Gawin Natin

Hulaan Mo

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na aytem, gamit ang pagtukoy sa mga salitang gibberish. 1.Khaheyr Opph Fan 2. Ydhill Oh Hey Yeah 3. Moreh Alled Dead 4. Cool Tour Rough 5. Car Rough As Inn -

Pagsusuri: Suriin Natin

Panuto: Gamit ang iyong personal na pananaw, sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1.Ano sa tingin mo ang pinakamalaking epekto sa lipunan ng paglabag sa karapatang pantao? 2.Sinu-sino ang pinaka-apektado ng paglabag sa karapatang pantao? 3. Anu-ano ang maaring dahilan kung bakit nalalabag angkarapatang pantao?

Paglalahad: Dagdagan Natin ang Iyong Kaalaman

MGA SANHI AT EPEKTO NG PAGLABAG SA KARAPATANG TAO

Mayroong tatlong sanhi na maaaring makapagpaliwanag sa mga paglabag sa mga karapatang pantao. Ating alamin kungbakit nagiging sanhi ang bawat isa. 1. Ideolohiya

May mga paniniwalang nais isulong ng isang pangkat ng lipunan upangidikta sa iba pang pangkat ang nararapat na pagpapatakbo sa buhay ng tao rito. Ang tawag dito ay ideolohiya. Angideolohiya ay ang iba-ibang pananaw ng tao na humuhubog sa mga damdamin at pangarap ng tao tungo sa hinahangad nitongkaayusan ng kaniyang buhay

2. Kalakaran sa Kultura

Sa isang lipunan, may kinikilalangkalakaran o kaayusan na naaayon sa pamumuhay ng bawat tao. Ngunit maaari itong makita bilang mapanupil sa kaayusan ng ibang tao sa loob ng lipunan.

3. Kaisipang Pang- ekonomiya

Dahil sa pagiging maramot ng iilang grupo ng tao sa mga likas na yaman, nagkakaroon naman ng panunupil sa karapatan sa masaganang pamumuhay ng ib ang taong nangangailangan nito. Makikita ito sa kalakaran ng ekonomiya at sa konsepto ngkakapusan ng mga likas na yaman.

MGA EPEKTO NG PAGLABAG SA KARAPATAN NG TAO Malaki ang epekto sa pamayanan, bansa, at sa daigdig ang paglabag sa mga karapatang pantao tulad ng mga sumusunod:

Dahil sa panlalamang ng iisang pangkat ng tao sa larangan ng ekonomiya, nagkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao. Ang isang bunga nito aykahirapan. Ang kawalan ng sapat na ikabubuhay ang pangunanahing larawan ngkahirapan. Nagkakaroon ng hindi pantay na pagbibigay ng pangangailangan ng bawat tao at nagkukulang ang karamihan nito.

2. Kaguluhan at Karahasan

Nagiging bunga ng mga pagkakaiba sa ideolohiya at sa kalakaran nglipunan ang kaguluhan at karahasan tuwing ito ay isinusulong at idinidikta ng isang pangkat nglipunan sa iba pang pangkat. Isang halimbawa nito ay ang terorismo. Ito ay ang paggamit ng pananakot at dahas upang isulong ang nais na kaayusan ng isang pangkat ng lipunan.

3. Kawalan ng Moralidad

Nawawalan ng pamantayan para sa kabutihan ng lahat kapag may paglabag sa karapatang pantao. Hindi nakikita ang mabuti sa masama o ang tama sa mali at nawawalan na ng galang para sa mga mahahalagang elemento ng lipunan,lalo na sa pamilya, tao o gruponglumalabag sa mga karapatan ng iba.

Pagyamanin: Sukatin Natin

Panuto: Mula sa paksang nabasa hinggil sa mga sanhi at epekto ng paglabag sa karapatang pantao, bumuo ngdalawang minutong bidyo na naglalahad kung papaano mapapahalagahan at mapoprotektahan ang karapatang pantao. Rubrik para sa Gawain

ISAISIP

Mga Sanhi ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Ideolohiya - mga paniniwalang nais isulong ng isang pangkat ng lipunan upang idikta sa iba pang pangkat ang nararapat na pagpapatakbo sa buhay ng tao rito Kalakaran sa Kultura – mga kinikilalang kalakaran o kaayusan na naaayon sa pamumuhay ng bawat tao. Kalakaran sa Pang-Ekonomiya - dahil sa pagiging maramot ng iilang grupo ng tao sa mga likas na yaman, nagkakaroon naman ng panunupil sa karapatan sa masaganang pamumuhay ng ibang taong nangangailangan nito.

Kahirapan - Dahil sa panlalamang ng iisang pangkat ng tao sa larangan ng ekonomiya, nagkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao. Kaguluhan at Karahasan - Nagiging bunga ng mga pagkakaiba sa ideolohiya at sa kalakaran ng lipunan angkaguluhan at karahasan tuwing ito ay isinusulong at idinidikta ng isang pangkat ng lipunan sa iba pang pangkat. Kawalan ng Moralidad - Nawawalan ng pamantayan para sa kabutihan ng lahat kapag may paglabag sa karapatang pantao.

This article is from: