MGA DIYALOGO PARA SA MGA
NAG-AALALA SA BAKUNA –at sa mga nagmamahal sa kanila…
MGA DIYALOGO PARA SA MGA
NAG-AALALA SA BAKUNA –at sa mga nagmamahal sa kanila…
NAG-AALALA SA BAKUNA –at sa mga nagmamahal sa kanila…
Sa buong pandemya ang aming pinagtutuunan ay upang isentro ang mga artista upang tulungan kaming magkaroon ng kahulugan sa panahon na ito. Nung nilapitan kami ng Dr. Peter Centre tungkol sa paggawa ng proyekto tungkol sa pag-aalangan sa bakuna, alam namin na kailangan naming sabin ‘Yes!’ – dahil nakikita namin na ang isyu ng bakuna ay nagiging sanhi ng alitan ng mga kaibigan, pamilya, at komunidad.
Bilang mga artista gusto naming gawin ang aming bahagi upang pagsamahin ang mga tao, at ilaban, sa aming palagay, ang pinakamasamang epekto ng pandemyang ito – ang pagkakahati na umuusbong sa maraming sulok ng lipunan.
Sa Mga Diyalogo para sa mga Nag-aalala sa Bakuna at sa mga Nagmamahal sa Kanila, ang apat na mandudula na kinomisyon namin ay may karanasan ng buhay na maaring mag-alok ng kaalaman at pagkakaunawaan tungkol sa nagpapahiwalay at mga mahirap na sitwasyon na kinakaharap nating lahat. Itinuturing naming ito bilang mga theatrical conversations na nag sasaad ng mahihirap na kalagayan na karamihan sa atin ang nakararanas. Kung ito man ay isang pag-uusap sa iyong sarili, o isang tao sa iyong pangkat, umaasa kami na itong maiikling dulang ay makakatulong sa iyong pag-navigate ng isyung ito na may pagkakaunawaan.
SHERRY J YOON JAY DODGE Artistic Director Artistic Producer Boca del Lupo Boca del LupoAng misyon ng Boca del Lupo ay gumawa ng dula na walang katangi sa mga hindi inaakala na lugar. Ang kumpanya na ito ay nakatuon sa pagiging
naa-access at nagtratrabaho upang palawakin ang pakikilahok, pangunawa, at kahalagahan ng kontemporaryong pagganap sa mararaming kultura ng Canada. Sa pamumuno ng Artistic Director
na si Sherry J. Yoon at ang Artistic Producer
na si Jay Dodge, ang Boca del Lupo ay nakagawa na ng mahigit 60 na bagong dula mula noong
umpisahan ito noong 1996. Itong mga produksyon ay naglibot sa buong bansa at internasyonal at ang kumpanya ay nagho-host ng isang programa para sa pagpaunlad ng artists na kilala bilang
SLaM. Sa panahon ng panunungkulan ng pares, ang kumpanya ay nakatanggap ng maraming mga parangal kabilang ang Jessie Award para sa Outstanding Design, Outstanding Production, Significant Artistic Achievement at Outstanding Performance; ang Critic’s Choice Award para sa Innovation; ang Alcan Performing Arts Award at ang Patrick O’Neill Award, para sa Plays2Perform@Home, isang home delivery theatre project na nagbigay inspiration dito sa MGA DIYALOGO PARA SA MGA
NAG-AALALA SA BAKUNA – at sa mga nagmamahal sa kanila. Ang Boca del Lupo ay nagpapasalamat sa paglikha at pag trabaho dito sa teritoryo na hindi nasuko ng mga tao na xwm θkw y m (Musqueam), Skwxwú7mesh (Squamish), at S lílw taɬ (Tsleil-Waututh).
Bocadellupo.com
Nag aagaw dilim na. Sa Pender Island. Ilang sandali matapos ikasal ang batang mag-asawa sa Terrace of the Poet’s Cove Resort. Humahampas ang mahinang alon sa dalampasigan. Ang panahon ay medyo mainit, lumalamig lang. Ang langit ay kumikinang na bughaw. Nagsilabasan and mga bisita sa kasal mula sa mga hilera ng mga puting natitiklop na upuan at gumagala patungo sa “Seaglass Ballroom” ng venue. Tumitingin sila sa itaas, kumikislap sa magandang kalangitan.
Sa pintuan papuntang ballroom, dumadaan ang mga bisita sa sinag ng ilang flashlight habang sinusuri and kanilang mga QR code: venue policy. Mayroon maliit na sanggol sa braso ng isang Lola. Inaabot ng nobya at hinihimas-himas niya ang sanggol. Niyakap ng asawa ang kanyang maliit na pamilya at pumasok sila.
Malapit dito, sa ulo ng pantalan, ang kapatid ng nobya, si
VICKI at si VEDA, tumitingin sa tubig. Pareho silang nakamaskara, at naka tindi silang may pagitan ng halos anim na talampakan.
Ang hangin ay mahinhin at gumagalaw sa kanilang halos magkaparehong buhok – halos magkapareho dahil sina VICKI at VEDA ay kambal.
VEDA: Sobrang ganda.
VICKI: Yung Kasal o yung cove?
VEDA: Pareho.
May katahimikan sa kanila. Sa kalmadong tubig, may lumalabas na pangkat ng herring. May agilang pumailanglang.
VICKI AND VEDA: Mmmm.
Mas katahimikan. Galing sa ballroom, na ririnig natin ang “Can’t Help Falling in Love” ni Elvis.
VICKI: Pumasok ka na sa loob. Para maka kain ka pa ng talaba bago maubos lahat.
VEDA: Sasamahan kita sandali. Hintayin ko matapos ang pagmamadali nila.
VICKI: Pagmamadali sa talaba?
VEDA: Oo. ‘sakto.
Pinapanood ni VICKI ang tubig at pinapanood ni VEDA ang langit. Pagkaraan ng sandali:
VEDA: Alam mo nag bibigay sila ng bakuna sa mga botika.
VICKI: Hindi ko ‘yon alam. Siempre alam ko ‘yon. Salamat. Ok lang ako.
VEDA: Sorry.
Sumisisid ang lahat ng mga herring. Mamayatmaya. Ang langit ay kulay asul na malalim. Tumitingin si VICKI habang nagpapakita ang mga bituin. Nasilip ni VEDA ang Jupiter.
VICKI: Huwag kang ma-awa sa akin. Iniisip ko lang, katulad ito ng mga may aso. Hindi ka puede pumasok sa mga maraming lugar na may aso: mga restawran, gym, librerya… kasal ng kapatid mo. Kung may aso ako, dapat nandito rin ako. Ma aamoy niya ang tubig at ang siya-siya niya.
VEDA: (Patukso) Sinasabi mo saakin na may nasa isip ka’ng aso?
VICKI: (Tumatango-tango) Coco.
VEDA: Hindi. Totoo naman Coco.
VICKI: Ok, di si Hopper. Napakaganda ng ugali niya.
VEDA: Kung totoo siya, pwede bisitahin ng aso mo si Baby Ivy.
VICKI: Hindi. Dahil mga hayop ay napatunayang nagdadala ng virus. May dalawang miniature Schnauzers sa Florida nung nakaraang lingo.
VEDA: Hindi naman marami ang dalawa. Statistically speaking.
VICKI: Statistically speaking, karamihan ng mga hayop ay hindi kumukuha ng test. Dagdag pa ang fomites factor.
VEDA: Fomites?
VICKI: Fomites. “Mga bagay o materyales na malamang na nagdadala ng impeksyon, tulad ng mga damit, kagamitan, at kasangkapan sa bahay.” At, malamang, “mga Schnauzer”. Huwag mo sabihin hindi ko alam ang science ko.
VEDA: Sa tingin ko, hindo takot si Rachel sa fomites.
VICKI: Dati. Malamang takot na siya ngayon dahil sa baby.
VEDA: Tama. Hindi ko alam kung paano na ‘ko kung may baby ako.
VICKI: Na loka ka na.
(Hintay sandali). May sea lion na tumatahol mula sa baybayin ng Saturna.
VICKI: Magiging mag katulad kami ni Rachel. Ayaw ko ‘rin na nandito ako. Mask o walang maskara. Nag Caesarean si Rachel. Alam ko ‘yon. At kailangan nating protektahan ang ating kapatid. Hindi ibig sabihin na hindi ako namamatay sa sakit. Tinitignan ang pamangkin ko sa pamamagitan ng salamin na pinto. Kanyang nakakagigil na hita at psngi. Kumakaway na maliit na kamao.
VEDA: Kinawayan ka talaga ni Ivy?
VICKI: Pinapuppeteer ni Rachel kamao niya para kumayaw –para gumaan ang pakiramdam ni Auntie-Anti-Vax-Vicki.
Sa kalayuan, ang ballroom ay kumikinang na maliwanag habang lumalalim ang gabi. Nag uusap ang mga bisita sa kasal. Sa cove, sumisisid ang isang sea otter para sa kabibe at muling bumangon sa tubig.
VICKI: Dapat pumasok ka na sa loob.
VEDA: Baka. Mahilig ako sa talaba.
VICKI: At sa mabilog na baby.
VEDA: Oo. Sorry.
May tatlo pang bituin lumabas.
Sasamahan muna kita.
VICKI: Alam mo naman na gagawin ko. Kailangan ko lang maghintay ng sandali.
VEDA: Maghintay para sa ano.
VICKI: Konting oras pa. Para makita kung ano ang mangyayari sa ibang tao.
VEDA: Alam mo kung ano ang mangyayari sa ibang tao.
VICKI: Sa maraming tao.
VEDA: Parehas sa nangyayari sa mga tao sa highway, pero mas mabuti. Statistically speaking. Kabaligtaran sa anoman mangyayari sa kanila galing sa virus. Statistically speaking.
VICKI: Pero hindi naman ako istatistik. May phobia ako.
VEDA: Oo. Pero kung bakit hindi ka takot sa tamang bagay ay ang hindi ko ma intindihan. Bakit hindi ka nalang takot sa gagamba? Hindi halata na mamamatay ka galing sa iniksyon. Pero halata kung ano ang nangyayari sa isip ng mga nurses at PSW. Yan ang halata.
VICKI: Pakiusap lang, tumigil ka na. Dahil hindi halata yon. Galing sa isip mo lang yon. Baka bale wala lang ito sa mga nurses at iniisip nila na “Ito ay dapat. Ito ay lilipas. Ito ay lilipas.”
VEDA: Sige.
May nakuha na text si VEDA: ang ringtone ay isang submarino. Pinapanood ni VICKI kumislap ang isang maliit na barko sa kalayuan.
VEDA: Kailangan ko na yata pumasok.
VICKI: Oo.
Mamaya. Hindi pa pumapasok si VEDA. Marami nang lumabas na bituin. Marami nang isda sumisid para matulog.
VEDA: Hindi ka takot lumipad. O lumubog ang Ferry.
VICKI: Ang puso ay takot sa kinatatakutan ng puso.
Nagkasakit ka dahil sa bakuna at naistorbo ako nun.
VEDA: Tumagal lang ng isang araw. At dahil nangyari yon, hindi ako magkakasakit ng grabe, salamat sa bakuna. At hindi naman ako sumuka o kahit ano. Parang ramdam lang na mamamatay ako. Pero nag-overreact ako at dapat hindi kita tinawagan. Isang araw akong nakahiga sa sofa, nanonood ng Netflix. Hindi ko pa napanood ang The Wire. Ngayon na panood ko na. Alam ko na ngayon kung sino talaga si RuPaul. Salamat bakuna. Kailangan ko nang isang araw na walang Zoom. Pinanood ko ang mga unang episode ng Sex and the City. Mabuti naman pala yon.
VICKI: May taong namamatay.
VEDA: At nandito nanaman tayo sa highway. Hinda ka takot mag maneho.
VICKI: Kung ako and nagmamaneho.
Sa taas nila, ang isang cormorant ay pumailanglang, hinahanap ang bahay.
VICKI: Akala mo hinda ako nag babasa ng science? Wala kang alam. Hinihintay ko ang resulta ng bagong pag-aaral na nagmumungkahi na ang pagbabakuna sa mga host na tao, gumagawa lang tayo ng mga magdadala ng mas bagong mabalasik na virus. Na ang mga taong natural na dapat mamatay mula sa mga bersyong ito ay hindi namamatay dahil sa bakuna at kinakalat nila ang mas nakamamatay na bersyon.
VEDA: So, ano, inaalay mo ang sarili mo bilang sakripisyo?
VICKI: Hindi. Ang kabaliktaran. Hinihintay ko gawin yon ng ibang tao. Taposin na.
VEDA: Ang kawan.
VICKI: Ang kawan.
VEDA: Nasa ICU ang kawan. At ang mga baka ay itinatanong kung sino ang tatawagan ng mga nurse bago sila ilagay sa ventilator. Vicki, hindi ko maintindihan kung paano yung mga nabakunang tao ay mas malamang magkakalat ng mas nakamamatay na bersyon kaysa iyo.
Lumingon si VICKI para tignan ang kasalan, ang ballroom na kumikinag, ang mga taong sumasayaw sa “Halo”
VICKI: Hindi ako pwede pumasok. Kaya dapat ikaw. Pumasok ka at hawakan mo ang baby.
VEDA: Saglit lang.
VICKI: Akala mo tanga ako.
VEDA: Hindi.
VICKI: Akala mo hindi ako natatakot. Akala mo hindi ako na iilang?
VEDA: Hindo ko lang maintindihan.
(tumigil sandali)
VICKI: Tinanong mo kung ano ang hinihintay ko. Natatakot akong sabihin sayo dahil maiisip mo na tanga ako.
(tumigil sandali)
Hinihintay ko ang resulta galing sa bagong llama test.
VEDA: Llama test?
VICKI: Gumagawa sila ng spray sa ilong na parehong
maaaring maiwasan at magamot ang sakit. Ang Coronavirus. Ito ay isang paggamot na gawa sa mga nanobodies, maliit, mas simpleng bersyon ng antibodies, natural na ginagawa ng mga llama at camel bilang pagtugon ng impeksyon. Pag na subok na yung therapy sa mga tao, sinasabi ng mga scientist, maaari itong ibigay bilang simpleng spray sa ilong – para ma pigilan – at gamutin ang maagang impeksyon. Kaya posibleng walang bakuna na kailangan. Sabi nila ay hindi kapani-paniwalang kapana-panabik. Kaya nakikita mong hind ako anti-science.
VEDA: Nagsusuri sila ng science sa ilong ng mga llama?
VICKI: Nililinang nila ang mga nanobodies sa ilong ng mga llama tapos inimpekto nila ang mga daga ng Covid at ginagamutin. Gumagaling talang ang mga daga. Kaya bakit ko hahayaan lagyan ang katawan ko ng lason kung pwede naman ako maghintay para sa isang natural na llama-tested dagaproofed nasal mist?
VEDA: Mas mabuti ito kay sa karayom? Isang kaliit-liit na karayom na may mikroskopikong atomic-sized na… atom?
Na hindi nakikita ng mata pero malakas buhayin kaagad ang iyong immune system? Na makukuha sa iyong lokal na botika?
Ngayon? Nagkaroon ka ng malubhang cat scratch fever mula kay Loki. Natural din yon.
VICKI: Oo. Pero mahal ko siya. At namatay din siya.
VEDA: Matagal pa.
VICKI: Sa karayom.
VEDA: Na lilito ako.
VICKI: Nandoon ako.
VEDA: Wala ka doon.
VICKI: Maaring nandoon narin ako. Hiniling ko kay Nanay na ilarawan niya saakin kung ano ang nangyari dahil sa isip ko, maganda lahat. Maliit din ang garapata – at pinapalala nito ang iyong immune system hanggang may rheumatoid arthritis ka na. Science.
VEDA: Totoo yan. Pero ayon sa science, yung bakuna na ibibigay sayo ay parang kalmot ng pusa at hindi kagat ng garapata.
VICKI: Saan mo nakukuha ang science mo?
VEDA: Sa mga scientist. Hindi parang ikaw na galing sa mga malabatang lalake na naka suot ng sweatpants.
VICKI: Hindi, natututo ako galing sa podcast ng mga graduate ng Harvard.
VEDA: Hindi yon mga scientist. Mga manunulat yon. Nagtitiwala ako sa mga taong talagang nag-aral ng science.
VICKI: Natatandaan mo ba yung baliw na lalaki sa 80’s na nag lagay ng lason na Tylenol na bote ng Tylenol? At ngayon bilyun-bilyong ng mga produkto ay may selyo at takip? Ito ay kalamidad sa kapaligiran mula sa isang tao? Siya ay isang scientist.
VEDA: At ito ay dahilan kung bakit ayaw mo ng bakuna?
(tumigil sandali)
VICKI: Gusto ko. Talagang gusto ko. Pero talagang takot na takot ako, Veda. Ang hirap ng taon na ito.
VEDA: Oo. Oo talaga.
(tumigil sandali)
Natatandaan mo ba nung magkahiwalay tayo nung grade six at pareho tayong nalungot sa isang araw at sabay tayong hindi pumasok sa sarili nating klase ng hindi natin alam at pereho tayong pumunta sa Dairy Queen at doon natin nahanap ang isa’t isa?
VICKI: Oo.
Pinunasan ni VICKI ang kanyang luha. Nakatitig si VEDA sa makinis na tubig.
Ang tubig ay napakalinaw at patuloy lumilitaw ang mga bituin. Ang isang otter ay nagbasag ng kabibe sa isang bato sa kanyang tiyan.
VEDA: Ang hindi ko ma intindihan ay kung bakit ka natatakot sa mga kung ano-ano –
VICKI: Statistically speaking –
VEDA: At maghihintay para sa llama mist –
VICKI: Malapit na. At nabasa ko yon sa Guardian. Para alam mo. At sino ba ang kilala mo na may Covid? Wala akong kilala. Paano ko maaalam kung ano ang normal sa ER? Sa ICU? Maliit naman ang mga bilang sa lahat-lahat. Ang pagkakataon, kung ma-ingat ka, ay mas maliit kay sa sinasabi nila. Parang mga aksidente ng sasakyan, katulad ng sinabi mo.
VEDA: Maliban sa mga biktima ng aksidente sa sasakyan ay hindi nagbabaha ng ICU. Tapos si Joannah pa.
VICKI: Siempre naiisip ko si Joannah. Pero hindi natin alam kung Covid yon.
VEDA: Siempre Covid yon. Siya yung isang pinakauna. Walang pang may alam. Enero pa.
VICKI: Alam ko. Enero 20/2020
VEDA: Gabing paglipad galing sa Pilipinas. Stopover: Taipei. Pumasok siya sa trabaho na may konting kiliti sa lalamunan, nag subway pa-uwi para hindi mahawa si Nanay, tapos mag-isa nalang siya. Tapos namatay siya. Pinaka ma bait na tagapagalaga na walang mag-aalaga para sa kanya. Hindi ko kaya.
VICKI: Hindi ko rin kaya. Pero hindi ibig sabihin na Covid yon. Hindi ko siya maisip.
VEDA: Hindi ko siya matanggal sa isip ko. At ang lahat ng mga nurses, Vicki.
Si VICKI ay nagsimula umangol at nagsasaksak ng kanyang mga tainga.
VEDA: Ikaw na-iisip ko sa loob at lahat ng mga doctor sa paligid mo, at si Baby Ivy kung mahulog at ma tamaan ang ulo niya, diyos ko, at puno na ang ICU at hindi siya pwede Samahan ni Rachel. At hindi kita pwede samahan. At masyado silang okupado para bigyan ka ng telepono. Hindi mo naman magagamit ang keypad dahil malala na ang sakit mo. Yan ang impyerno saakin.
VICKI: Tama na. Kumain ka na ng talaba kasama yung mga masasayang tao.
VEDA: Iwanan ka dito kasama yung aso na nasa ulo mo?
VICKI: Sabing tama na. Sa tingin mo ba hindi ako nalulunkot? Na hindi ako takot mamatay mag-isa? Na hindi ko nararamdaman ang paghatol ng isat-isang tao sa kasal na ito? Alam mo ba na hindi ko makontrol ang takot na ito?
VEDA: Hindi pa.
VICKI: Hindi pa.
VEDA: Sige. Okay lang. Pasensya na hindi kita ma yakap.
VICKI: Alam ko.
(hintay sandali)
VICKI: Gagawin ko. Kailangan ko lang isipin kung paano. Meditation o parang ganoon. Hypnosis. Veda, impyerno din ito.
(hintay sandali)
Siya nga pala, hindi ko rin matanggal sa isip ko si Joannah. Pero saakin, patawarin sa diyos, yon ang bakit ako natatakot sa bakuna. Baka mangyari yon saakin.
VEDA: Alam mo na hindi yon mangyayari.
VICKI: Wala na akong alam. Wala pa.
VEDA: Okay.
(hintay sandali)
Ako ‘rin.
VICKI: Ehhh… Parang gusto kong mapag-isa muna.
Kailangan ko mag isip.
VEDA: Basta wag ka mag isip ng mga katangahan, kapatid.
VICKI: Susubukan ko.
Nakita ni VEDA si Rachel na nakaputi, lumabas para pakainin
si Baby Ivy.
VICKI: Pumunta ka na.
VEDA: (mahinhin) K. Okay, sige.
Umanlis si VEDA para samahan si Rachel at Baby Ivy. Itinutok ni VICKI ang kanyang mga mata sa bibig ng cove.
VEDA: Kalma lang, kalma lang Hopper. Okay lang. Magiging okay din ang lahat.
Niyyaakap niya ang kanyang sarili at binubulong niya:
Ayos lang…
Tumingala siya sa Jupiter at sa mga buwan ng Mars. Tumahol ang sea lion na lumalapit sa kanya.
KAREN HINES is an award-winning playwright, performer and director in theatre, television and film, and a National Magazine Award-winning writer. She is a recent finalist for the Siminovitch Prize in Theatre, and a two-time finalist for the Governor General’s Literary Award for Drama for The Pochsy Plays and Drama: Pilot Episode. Hines appeared as “Karen” for three seasons on CBC’s Emmy Award-winning Newsroom, and in many “awkward assistant” roles in Toronto-for-New York movies. Her short films featuring the character Pochsy have been presented internationally, as have the live performances, and her solo Crawlspace (recently presented by Boca del Lupo) has toured widely (Crawlspace is now a CBC PlayMe Podcast). Hines’s latest dark comedy All the Little Animals I Have Eaten was cancelled before its 2020 Toronto opening due to COVID-19, but morphed during lockdown, and will premiere in a French translation at Montreal’s Jamais Lu Festival this May. Along with a few current Boca projects, Karen is now writing the fourth in the Pochsy series, Pochsy IV: My Heart Breaks For You.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin sa anumang bahagi sa anumang paraan – graphic, electronic o mekanikal. Para sa espesyal na pahintulot, kabilang ang mga layuning pang-edukasyon, mangyayaring makipagugnayan sa Boca del Lupo sa info@bocadellupo.com DESIGN – cabin + cub