Pero, bakit? Sinulat ni MC Chisholm

Page 1

Pero, bakit?

SINULAT NI MC CHISHOLM
MGA DIYALOGO PARA SA MGA NAG-AALALA SA BAKUNA –at sa mga nagmamahal sa kanila…

MGA DIYALOGO PARA SA MGA

NAG-AALALA SA BAKUNA –at sa mga nagmamahal sa kanila…

Sa buong pandemya ang aming pinagtutuunan ay upang isentro ang mga artista upang tulungan kaming magkaroon ng kahulugan sa panahon na ito. Nung nilapitan kami ng Dr. Peter Centre tungkol sa paggawa ng proyekto tungkol sa pag-aalangan sa bakuna, alam namin na kailangan naming sabin ‘Yes!’ – dahil nakikita namin na ang isyu ng bakuna ay nagiging sanhi ng alitan ng mga kaibigan, pamilya, at komunidad.

Bilang mga artista gusto naming gawin ang aming bahagi upang pagsamahin ang mga tao, at ilaban, sa aming palagay, ang pinakamasamang epekto ng pandemyang ito – ang pagkakahati na umuusbong sa maraming sulok ng lipunan.

Sa Mga Diyalogo para sa mga Nag-aalala sa Bakuna at sa mga Nagmamahal sa Kanila, ang apat na mandudula na kinomisyon namin ay may karanasan ng buhay na maaring mag-alok ng kaalaman at pagkakaunawaan tungkol sa nagpapahiwalay at mga mahirap na sitwasyon na kinakaharap nating lahat. Itinuturing naming ito bilang mga theatrical conversations na nag sasaad ng mahihirap na kalagayan na karamihan sa atin ang nakararanas. Kung ito man ay isang pag-uusap sa iyong sarili, o isang tao sa iyong pangkat, umaasa kami na itong maiikling dulang ay makakatulong sa iyong pag-navigate ng isyung ito na may pagkakaunawaan.

1

TUNGKOL SA BOCA DEL LUPO

Ang misyon ng Boca del Lupo ay gumawa ng dula na walang katangi sa mga hindi inaakala na lugar. Ang kumpanya na ito ay nakatuon sa pagiging

naa-access at nagtratrabaho upang palawakin ang pakikilahok, pangunawa, at kahalagahan ng kontemporaryong pagganap sa mararaming kultura ng Canada. Sa pamumuno ng Artistic Director

na si Sherry J. Yoon at ang Artistic Producer

na si Jay Dodge, ang Boca del Lupo ay nakagawa na ng mahigit 60 na bagong dula mula noong

umpisahan ito noong 1996. Itong mga produksyon ay naglibot sa buong bansa at internasyonal at ang kumpanya ay nagho-host ng isang programa para sa pagpaunlad ng artists na kilala bilang

SLaM. Sa panahon ng panunungkulan ng pares, ang kumpanya ay nakatanggap ng maraming mga parangal kabilang ang Jessie Award para sa Outstanding Design, Outstanding Production, Significant Artistic Achievement at Outstanding Performance; ang Critic’s Choice Award para sa Innovation; ang Alcan Performing Arts Award at ang Patrick O’Neill Award, para sa Plays2Perform@Home, isang home delivery theatre project na nagbigay inspiration dito sa MGA DIYALOGO PARA SA MGA

NAG-AALALA SA BAKUNA – at sa mga nagmamahal sa kanila. Ang Boca del Lupo ay nagpapasalamat sa paglikha at pag trabaho dito sa teritoryo na hindi nasuko ng mga tao na xwm θkw y m (Musqueam), Skwxwú7mesh (Squamish), at S lílw taɬ (Tsleil-Waututh).

Bocadellupo.com

2

SETTING

Tayo ay nasa kusina na may maraming mga halaman at mahusay na sining, (karamihan gawa ng bata!). Naaprubahan na ang mga bakuna sa Covid para sa mga batang 5 taon hanggang 12 taon. May isang radyo na nagtutunog ng instrumental easy listening sa background.

MGA TALA

Ang aktor na gumaganap bilang LINDA ay magdo-doble bilang SPARKLES, na ang mga linya ay mga mungkahi lamang, mangyaring ipa sarili ninyo ito. Kung mas komportable kayo mag salita, mag squeak… biik, tuta etc… palitan ang pusa sa iyong uri ng hayop. Sinulat ko ito na may mahalagang input mula kay Dr. Elizabeth McLaughlin, isang child psychologist. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng pagsuporta sa katatagan ng bata, at ng pagtulong sa kanila na maunawaan kung paana tanggapin ang kakulangan sa ginhawa upang makamit and isang layunin. Itinuro niya rin ako sa “CARD” system para sa pagharap sa pagkabalisa/takot.

GINHAWAN

Tulungan and iyong anak na tanggapin ang mga negatibong kaisipan at damdamin. Ipaalam sa kanila na normal ito at ito ay lilipas. Turuan and iyong anak na maging matapang at maging boss ng kanilang pag-aalala.

3

MAGTANONG

Makinig at makipag-usap sa isa’t isa. Tanongin ang iyong anak kung ano ang kanyang nararamdaman at sagutin ang anumang mga tanong na mayroon sila nang matapat. Gumamit ng mga salita na madaling maiintindihan ng iyong anak at sundin ang danilang pamumuno. Kung ang iyong anak ay mukhang hindi interesado o hindi handing makipag-usap, ok lang ito. Sabihin niyo sa kanila na maaari silang palaging pumunta s aiyo kung mayroon silang mga tanong.

RELAX

Nakikita at nararamdaman ng mga bata kung ano ang ginagawa ng kanilang mga magulang at madalas ay ganoon din and ginagawa nila. I-modelo ang relaxation para sa iyong anak.

MAKAABALA

Subukang panatilihin ang mga normal na gawain at limitahan ang tagal ng oras na nakatuon ang iyong anak sa anumang bagay na nakakabalisa sa kanila.

4

Si KIM ay isang ama sa kanyang late thirties. Mukhang naaabala siya. Saad niya sa sarili na kakausapin niya ang kanyang elementary school age na anak na si SUZU ngayon araw tungkol sa pagkuha ng bakuna pero nahihirapan siyang ayusin ang mga iniisip niya. Ang kanyang nanay, si LINDA, ay bumibisita para mag kape ngayon Sabado. Sa palagay niya ay masyadong mapagbigay ang generation na itong mga magulang. Hinihinaan ni KIM ang radyo habang nagbubuhos ng kape para kay LINDA.

LINDA: Tama na yan. Kim! Mmmm, dapat hindi ako umiinom ng caffeine, ngunit mahal ko sobra ang amoy ng kape para isuko ito.

KIM: Pwede ako gumawa ng decaf.

LINDA: Yuck, hindi ako nagtitiwala doon, hindi mo alam kung ano-ano ang inilalagay nila diyan para ma wala ang caffeine. So, nakapag-appointment ka na ba para kay Suzu? Kailangan ng oras para magsimula gumana ang bakuna.

KIM: ‘Nay, alam ko paano ito gumagana – nung pwede magpa bakuna ginawa ko na agad.

LINDA: Gusto ko maingat tayo para sa apo ko, gawin mo na para matapos na.

KIM: Marami siyang mga tanong –

LINDA: Kalhokohan yan. Masyado pa siyang bata para ma intindihan –

KIM: Sa totoo lang, Nanay, palagi akong nagugulat kung gaano niya naiintindihan –

LINDA: Kase pinapalayawin mo siya at iyon ang dahilan kung bakit siya nagkakaroon ng ibatibang paniniwala.

5

Tulad nitong takot niya sa karayom…

KIM: Maraming mga bata na takot sa karayom. Pati ako, ayoko. Dapat kasama siya sa pag desisyon na may epekto sa kanya, lalo na sa kataway niya.

LINDA: Napakalaking bagay para sa kadali-daling pangyayari.

KIM: Medyo malaking bagay ito, ‘Nay! Argh, hindi bale.

LINDA: Hindi, sabihin mo saakin. Hinda ka isa sa mga anti –

KIM: Hindi, gumagana ang bakuna. Hindi ako nag dalawang isip tungkol sa bakuna – miski na ayoko ng karayom. Pero iba ang mag-desisyon para sa kanya, ang liit-liit niya, bata pa siya, hindi ito makatuwiran pero paano kung… argh, hindi bale sinusubukan ko lang… ayusin muna ang iniisip ko para malinaw ang sasabihin ko sa kanya.

LINDA: Na siraan na ako ng ulo kung ipinaliwanag ko ang lahat sa ‘yo at sa mga kapatid mo. “Bakit ako kailangan matulog?” “Dahil ma dilim na”, “Pero, bakit?” “Dahil wala na ang araw.” “Pero, bakit?” “Dahil umiikot ang mundo.” “Pero, bakit?” “Dahil ganoon. Matulog ka na!” Walang tigil yung mga ‘pero, bakit?’! Tapusin mo na agad at kung matakot siya, bilihan mo siya ng ice cream pagkatapos. Yoon ang ginawa ko sa iyo.

KIM: Oo. Natatandaan ko, uumiiyak ako ng matindi tapos kumakain ng moon mist ice cream tapos sumuka ako.

LINDA: Dati pang mahina ang tiyan mo. Tatlo kayong inaalagaan ko at dinadala sa doktor nang mag-isa ako.

KIM: Alam ko na ginawa mo ang iyong makakaya

LINDA: Diyos ko, natrauma kita.

6

KIM: (natatawa) Okay lang yon, ‘Nay, talaga. Kung hindi ko iniisip kung paano kausapan si Suzu, hindi ko naman maaalala sumuka ako sa kotse.

LINDA: Sinukahan mo si Kyle.

KIM: Buti nga sa kanya. Sinabi niya saakin na lalabas lahat ng dugo ko dahil sa karayom.

LINDA: Haayy, yoon talaga!

KIM: Baka sobrang iniisip ko ito. Paramdam ko, hindi ko alam lahat ng sagot.

LINDA: Hindi. At hindi yun mangyayari. Yan ang pagiging magulang.

KIM: Gusto mo pa?

Binuhusan pa ni KIM ng kape si LINDA

LINDA: Kim, tungkol sa sinabi mo – tama na yan, kailangan ko pa mag dagdag ng cream, salamat – ang sinabi mo tungkol sa mga bata na maliit … alam ko ang pakiramdam na iyon. Nung bata ka tinitignan mo ako na may sobrang tiwala… takot naman ako. So, minadali go na lang lahat. Sorry… Hindi ko alam yung ginawaga ko noon pero ikaw, mahusay ka na tatay. Hayaan mo siyang magsalita at sagutin mo siya ng totoo. Sana makabalik ako sa nakaraan at making sa sarili kong payo.

KIM: Salamat, ‘nay.

LINDA: At baka maka tulong ito – naging mas madali para saakin nung narealize ko na ang sagot sa mga ‘Pero bakit?’ ay pwedeng “Hindi ko alam.”

KIM: Hm.

7

LINDA: Nasaan nga ba siya?

KIM: Nasa taas, kasama ang pusa niya. (Sumisigaw papunta sa itaas) Suzu?? Hoy, Suuuuzu, anak…?

Papunta tayo sa itaas ng bahay kung saan natin makikita si Suzu at ang kanyang pusa na si SPARKLES, na naglalaro sa loob ng aparador. Nag hahalungkat si Suzu sa isang tambak ng mga craft supplies. Kaya ni SPARKLES mag meow, hiss at purr pagpayag, pagtanggi, pagmalito o pagmasaya…

SPARKLES: Mreoowrr? (Anong ginagawa mo?)

SUZU: Sinusubukan ko mag hanap ng bagay pag protekta sa iyo. Ang daming kalat sa aparador na ito! O! Pwede na ito! Tumigil ka lang, kailangan mo suotin ito… doo dooo do doo.

Kumakanta ng mahina si Suza habang tinatali niya ang ribbon sa leeg ng pusa. Walang pakialam si SPARKLES, sanay na siya mag laro ng pag-bihis.

Ta da! Ito ay ang magic invisibility ribon ng…. magic.

SPARKLES: Mrerp. (Hindi ako napahanga.)

Kaya ipaliwanag ni Suzu kung bakit ito importante.

SUZU: Sparkles. Gagawin kang invisible nitong ribon dahil ito ay…. force shield! At aalis ang mga Covid germs.

“Aaaarrrgghhghgh, patulong!!! – Gusto ko lusubin itong pusa, pero… Hindi! Itong magic ribon ay may kapangyarihan saakin, ito ay… nagpapasabog saakin! – Shaboooom! Brrrroom, Pyyow!” Yun ang tunog ng germs pagka sabog nila. Tapos –

“EEEEEeeeek!” Bagsak sila. Patay. Nagustuhan mo yon?

SPARKLES: Prrrrrr (Oo.)

8

SUZU: Mabuti. Protektado ka. At ang ganda mo! Hm, nasaan na ang wand ko? Tama nga si Tatay, magulo nga ang aparador ko. Kung mahahanap ko pwedo ko – Sha-zing – ipagbago ang mga masamang Covid sa mga snowflake o – tigilan mo, Sparkles, huwag ka mag kamot – mawawala ang magic bow mo! Gusto MAKUHA ka ng Covids?

SPARKLES: Hissssst! (Tinakos mo ako!)

SUZU: Sorry, huwag ka ma takot, sinusubukan lang kitang protektahan. Shh… dahil maliit ka lang pusa at mas malaki ako sa iyo. Mahal kita. At kailangan kita alagaan dahil mayroon na ngayon bagay sa mundo, tawag ay Covid na nananakit ng mga tao…

Umiisip muna si Suzu bago siya umamin kay SPARKLES.

Kilala mo si Lilly, yung book buddy ko?

SPARKLES: Merwr. (Oo.)

SUZU: Nagkasakit ang Lola niya…

SPARKLES: Mrrwor?? (Paano kasakit?)

SUZU: … sobra, sobra – sobrang maysakit at kamuntik nang namatay. Ayokong ma…. si Lola… mabigat na hininga. Galing sa labas, naririnig natin sumisigaw si KIM: “Suzu??...Suuuuz…?”

SUZU: Uh oh, shhh…

Kumakatok si Kim sa pintuan.

SPARKLES: MRRooowrR!! (Nakooo!!)

Nahulog ang mga kahon at nagulat si SPARKLES

9

KIM: Nasaloob ka ba, Su? Pwede ako pumasok?

SUZU: Okay.

Umupo si Kim sa sahig.

KIM: Anong ginagawa mo dito sa aparador?

SUZU: Ahuh. Natatakot si Sparkles at mas ligtas ang pakiramdam niya dito.

KIM: O, bakit kailangan niyang maging ligtas?

SUZU: Ewan ko.

KIM: Di, mabuti na kasama ka niya.

SUZU: Uhuh.

KIM: Suzu, naisipan mo na ba yung pinagusapan natin kahapon, na pwede na mag pa bakuna ang bata sa Covid?

SUZU: Opo.

KIM: Ano ang alam mo tungkol sa bakuna?

SUZU: Sa tingin ko hindi na dapat mag pabakumba, ba-Ku-Na, ang mga bata dahil nag pa bakuna na ako nung maliit pa ako, di ba?

KIM: Oo, bago ka nagsimula pumasok sa eskwela. Pero hindi yun pang Covid. Alam mo ba kung ano ang Covid?

SUZU: Invisible siya at masama siya. At takot siya pumasok sa aparador.

KIM: Oh, okay, alam mo ba kung ano ang Covid?

10

SUZU: Maliit na germs na nakakasakit sa iyo at may mga spike.

KIM: Tama, Suzu. Dahil may mga spike, ang tawag ay Corona virus. At oo, mas sigurado sa aparodor dahil walang ibang tao na pumapasok dito kaysa ikaw at si Sparkles.

SUZU: At ikaw, pag nagliligpit tayo.

KIM: Ano ang nararamdaman mo pagka tinatanong kita tungkol sa Covid?

SUZU: (Malaking hinga) Ahhhh, ayaw ko. Lahat ng tao palaging nag sasalita, blah, blah, blah, Covid. Umalis ka na, Covid! Mawala ka na Covid, huwag ka mag pa palo sa pinto pag alis mo Covid! Paalaaaaaaaaam!

KIM: Wow, sana makipag usap tayo ng ganoon sa Covid. Pero hindi yan aalis.

SUZU: Pero bakit?

KIM: Dahil ang mga germs at mga virus napapasa, di ba?

SUZU: Pero bakit?

KIM: Dahil dala-dala yan ng mga tao, hindi nila sinasadya, pero nakakalat nila ang virus sa mga ibang tao.

SUZU: Dapat tumigil na sila mag bigay ng Covid sa ibang tao!!

KIM: Iyan ang isang dahilin kung bakit tayo dapat mag pa bakuna. Para mas maliit ang posibilidad na ibigay natin ito sa ibang tao. Ano ang tingin mo sa pagkuha ng bakuna?

SUZU: Sa tingin ko ang mga bakuna ay para sa mga malalaking tao, sa mga magulang at lolo at lola at, at… mga

11

bus driver aaattt lahat ng mga matatanda at mga teachers pwede mag pa bakuna. At ako at si Sparkles ay dito nalang.

KIM: Hindi ka ba magsasawa kung nandito ka magpakailanman?

SUZU: (sabik) Pwede tayo bumili ng malaking TV at Playstation para saakin?

KIM: (natawa) Hindi yun mangyayari.

SUZU: Aww!

KIM: Paano lahat ng tao sa eskwela mo? Suzy?

SUZU: Mayroon bata, mas matandang bata, si Madison. Sinabi niya na hindi daw gumagana yung bakuna… pinakita niya saamin galing sa phone niya, na sinabi yon ng mga ibang tao.

KIM: Okay. Nagusap na tayo dati tungkol sa internet at paano mahirap maalam kung ano ang totoo, diba?

SUZU: Ahuh.

KIM: Ipangako mo sa akin na palagi tayo magkasama tumingin sa internet. At kung may ipakita sa iyo si Madison o kung sinuman sasabihin mo sa akin.

SUZU: Opo, hindi ko alam na ipapakita niya saamin yung lahat na yon! (sumasama ang loob niya)

KIM: Hindi ako galit, anak. Alam ko na iba-iba ang mga tuntunin ng mga bata sa pamilya nila. Pero dito sa bahay natin, sabay tayo tumingin, okay?

SUZU: Okay. Hindi masama ang bakuna?

12

KIM: Hindi, maraming mga scientist ang nag-test nito at kailangan nilang sabihin ang totoo. Minsan may reaksyon ang mga tao. Pagkatapos kong nagpa bakuna, pagod na pagod ako.

SUZU: ‘Di bakit mo kinuha?

KIM: Dahil ngayon, nagagawa ko na ang mga gusto kong gawin, pwede na ako mag bisita ng mga kaibigan nang hindi nag-aalala. Mamimiss mo ba ang iyong mga kaibigan kung nandito ka lang?

SUZU: Hindi ko alam… Isip ko, yung mga bata… yung mga bata ayaw nila ng karayom.

KIM: Naiintindihan ko. Hindi ko rin gusto ang karayom, nung nagpa bakuna ago kailangan ko huminga ng malaki.

SUZU: Talaga?

KIM: Oo, parang ganito… pwede ka bang huminga kasama ko, hinga sa ilong at… labas… ayan

Si KIM at si SUZU ay sabay huminga, paggawa nang tunog na whooshing pag labas-hinga galing sa bunganga.

SPARKLES: Purrrrrr mrrowr (Kakaiba ang mga tao)

KIM: At ang sabi ng nurse, minsan gusto ng mga tao tumingin sa kanilang telepono para mas madali sakanila. Sabi ko, “Ayos yon!” so tinignan ko ang mga litrato sa telepono ko – yung litrato galing sa bakasyon natin.

SUZU: Masakit ba?

KIM: Yung karayom? Hindi ko napansin dahil tinitignan ko yung litrato natin galing sa barko ni Tito Kyle. Pagkatapos, medyo masakit lang yung braso ko. Maayos na ngayon at

13

masaya ako na nagawa ko na.

SUZU: Pero bakit kailangan gawin ng mga bata?

KIM: Dahil miski na maraming nagkaka reaksyon galing sa bakuna, mas marami pang nagkakasakit, mas grabe na sakit, galing sa Covid.

SUZU: Gaano ka sakit?

KIM: Nahihirapan sila huminga at masama talaga ang pakiramdam nila.

SUZU: Namamatay sila?

KIM: Minsan lang, lalo na kung hindi sila nabakuna. Pero tinutulungan ng mga doktor at nurses ang mga nagkakasakit na ganoon.

SUZU: Paano si Lola?

KIM: Nagpabakuna na si Lola, katulad ko. Sa tingin ko, okay na kami.

SUZU: Ayokong magkasakit si Lola. At ayoko rin magkasakit.

KIM: Anak, malusog kang bata, at karamihan sa mga bata ay hindi nagkakasakit.

SUZU: Pero bakit?

KIM: Bata pa ang katawan mo. Yung ‘immune system’ mo –narinig mo na ba yon?

SUZU: Yoon ang dahilan kung bakit ako kumakain ng mga prutas and gulay. Para malusog ang aking moon system.

14

KIM: Immune system, tama. Pag bata ka pa at lumalaki, mas malakas ang iyong immune system kaysa mga malalaking tao.

SUZU: Eh di bakit ko pa kailangan yung karayom?

KIM: Iyan ang pinakamahusay na paraan para maging mas ligtas at tumulong din protektahan ang iba. May naiisip ka bang hindi mo gusto gawin pero alam mo na pagkatapos, matutuwa ka na ginawa mo?

SUZU: Siguro…

KIM: Maaari kang magisip muna, at maaari tayong magusap muli.

Kinakamot ni SPARKLES ang kanyang leeg gamit ang kanyang paa sa likod.

KIM: Halika dito, Sparkles, tanggalin natin yang ribon na yan...

SUZU: Huwag! Iwan mo lang yan.

KIM: Ayokong ma buhol-buhol si Sparkles –

SUZU: Nilagay ko yan sakanya para ma protektahan siya! Dapat ako ang nag-aalaga sa kanya.

KIM: Okay. Parang ang aking pag-aalaga sa iyo?

SUZU: Opo.

KIM: Inaalagaan mo naman siya ng mabuti… hoy, sasamahan mo ba siya kung kailangan niyang pumunta sa beterinaryo?

SUZU: Opo, sasabihan ko sa kanya na mabuti yon para sa kanya, minsan may ginagawa tayo na mahirap na bagay pero magiging maganda ang pakiramdam natin pagkatapos

15

at bibigyan ko siya ng treat para tulungan siyang maging matapang.

KIM: Pwede ba kitang tulungan kung magkasama tayo?

SUZU: Ikaw, ako at si Sparkles?

KIM: O, si Sparkles din? Hindi yata pwede – tatanongin ko, baka may paraan para makilala ni Sparkles ang nurse.

SUZU: Sa tingin ko mabuti yon, para mapakita ko kay Sparkles kung paano kumuha ng karayon. Para maging matapang siya.

SPARKLES: Meow. (Magiging matapang ako.)

KIM: Baka kapag nakuha mo ang karayom, pwede ka tumingin kay Sparkles parang pagtingin ko sa mga litrato.

SUZU: Baka. Oo. Kaya ko yan. (Tahimik siya habang tinatanggal niya ang ribon ni Sparkles…) Tatay. Bakit napakasama ng Covid?

KIM: Ano yon?

SUZU: Bakit ang naaapakasama ng Covid? Bakit gusto nitong saktan ang mga mabubuting tao, bakit tayo gustong saktan?

KIM: Dahil – uhm, kasi … (nahuli niya ang sarili niya) Hindi ko alam. Baka malaman natin.

SUZU: Baka ako ay maging isang virus scientist at alamin ang lahat.

KIM: Pwede! (nakangiti siya) Suzu, nasa kusina si Lola at nag dala siya ng cookies.

16

SUZU: Cookies! Tara na, Sparkles!

SPARKLES: Meowp (okay!)

KIM: Tanungin mo si Lola tungkol sa nangyari noon dinala niya ako para magpabakuna noong kaedad mo ako, ang ganda ng kwento, kasama si Tito Kyle mo at…

17

MARY-COLIN CHISHOLM

March 2020: my play A Belly Full (with M. Kash) closed a week after opening. Three scheduled productions, including one new work, were sent to limbo and my projected ‘best year in a long time’ disappeared. My personal crisis was quickly put into perspective by the stories of those directly affected by Covid. And I was one of many artists saved by the federal CERB. So, probably like you, I baked, walked, dreamed vividly, hunkered down, planted seeds, and discovered the ways of zoom. Through all this, I learned to re-see and value; kindness, connection, nature, reinvention, and breathing through uncertainty. I am not grateful for Covid, or thankful for its lessons. It is a random virus, and it hurt too many, especially our most vulnerable, to ever be thanked. But as we inch towards health, I will remember to hug my blessings and to love fiercely our wild, green fragile world.

© 2021 MC CHISHOLM

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin sa anumang bahagi sa anumang paraan – graphic, electronic o mekanikal. Para sa espesyal na pahintulot, kabilang ang mga layuning pang-edukasyon, mangyayaring makipagugnayan sa Boca del Lupo sa info@bocadellupo.com

DESIGN – cabin + cub

18
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.