BALITA 3
HULYO-AGOSTO 2015
Linggo ng Karapatang at Kamalayang Pang-mag-aaral, inilunsad
10 LATHALAIN
HULYO-AGOSTO 2015
UNSUAN ‘TA MAN?
Duterte sa pagkapangulo,
ganahan ka? ni June Karlo Suan
POST-IT PARA SA PAGBABAGO? Ibinahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga komento ukol sa mga serbisiyo ng pamantasan.
GUHIT NI: JONIE ALABAN KUHA NI: MARK PHILLIP YCAZA
ni Loren Justo “Paano mo ipapaalam sa mga tao ang isang bagay na ikaw mismo eh hindi moa lam? Hindi lang El Consejo Atenista ang challenged sa pagpapaintindi sa kung ano nga ba talaga ang students’ rights. Challenge din ‘to sa student body.” Ito ang winika ni Sitti Chua, kalihim ng Kagawaran ng Pakikilahok Pang-estudiyante ng El Consejo Atenista sa pagbubukas ng Linggo ng Karapatang at Kamalayang Pangmag-aaral (Students’ Rights Awareness Week) noong ika-3 ng Agosto sa tapat ng Bulwagang Sauras. Ipinagdiriwang ito ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga sa kauna-unahang pagkakataon. Ang tema para sa taong ito ay “Estudyanteng may alam tagapaglaya ng inang bayan kinabukasan,” at ang linggo ng Agosto 3-7 ay naging saksi sa ilang mga patimpalak tulad ng pagsusulat ng sanaysay, paggawa ng pamansag, at canvass making. Nagkaroon din ng isang pantas-aral ukol sa mga karapatan at kapakanan ng mga estudiyante, na siyang nais bigyang-diin ng naturang pagdiriwang na pinangunahan ng pamahalaang pang-mag-aaral ng AdZU. Upang mas hikayatin ang mga estudiyante na makilahok sa mga nasabing palatuntunan, may inihandang Freedom Wall kung saan maaari nilang isulat ang kanilang mga hinaing ukol sa kanilang mga guro, pag-aaral, sa mag serbisiyo ng pamantasan, sa mga opisiyales, at sa mga pasilidad. Nagkaroon din ng isang eksibit na nagtampok ng mga gawa ng sining na nakapalibot sa mga paksang bullying, mabilis na pagtaas ng
AdZU, ganao ya tambien na Cine Chavacano .
por Pristine Janielle Padua y Jorace Dayrit
Del aca-23 de Junio, ya celebra el ciudad el Dia de Fundacion de Chavacano, y un actividad que ya prepara para comemora con este dia ay el Cine Chavacano, que ya hace na Centro Latino, Paseo del Mar. Tiene dos categoria el competicion, y maga estudiante del Universidad Ateneo de Zamboanga el ya lleva volve con el primer premios de ambos categoria. Para na Animation Category, el cortometraje titulao Tienda de Juguete de Dale Aldrin Lee Maniego el campion. Ya hace si Maniego con este durante su ultimo año como un estudiante de BS New Media and Computer Animation (BSNMCA). Para na Live Action Category, el cortometraje El Muerte del Un Mariposa (The Death of a Butterfly) de Jorzheema M. Hamid, un estudiante de BS Information Technology, el ya gana. Parte de su production team sina Anthony Neil A. Drapiza, Emmanuel C. Buenvenida ,
Khaled T. Majid, y Jehyo B. Baraquia. Maga otro finalista desde AdZU para na Animation Category ay sina Alted Nebrija (Comida Zamboanga), Aljhun Rey Canillo (Movimiento), Anthony Neil A. Drapiza (Terminado Y Hecho), Jerome Peniones (El Niño Pescador), Jorzheema M. Hamid (Cuando Contigo), y Abraham Ysmael Alvarez (Juego de Rol). Para na Live Action Category: Mal Sueño (Nightmare) que escrito y dirigido por Ryan Covarrubias –un fotografo del The BEACON –y Tagu-Taguan (Hide and Seek) de Aljhun Rey Canillo. El ceremonia de premiacion ay ya conduci junto con el Battle of the Bands na Noche de Chavacano. El competicion ay para na todo’l interesao Zamboangueño estudiante cineasta y animador. Este el aca-cuatro año ya celebra el ciudad con el Dia de Fundacion de Chavacano, y acasegundo vez fiesta de Cine Chavacano. •
matrikula, at iba pang problema na kinakaharap ng mga estudiyante ngayon. Nagtapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang pagtitipon na siya rin namang sinundan ng isang misa. Nagsimulang ipalaam sa publiko ang mga aktibidades na gaganapin sa naturang pagdiriwang noong huling linggo ng Hulyo. Kaugnay nito, nagkaroon din ng libreng pagprint ng mga t-shirts ukol sa mga karapatan ng bawat mag-aaral. •
Sa taunang pagtitipon ng mga guro at kawani ng AdZU: Mga bagong talagang opisiyales ng pamantasan, ipinakilala nina Merzsam Singkee at Ciara Obillo Kasabay ng ulat ng pangulo ng pamantasan ukol sa mga estado ng paaralan sa nakalipas na taong panuruan, ipinakilala rin niya ang mga bagong talagang mga opisiyales ng pamunuan ng pamantasan. Ito’y ginanap noong ika-3 ng Hulyo sa taunang General Convocation ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga na dinaluhan ng lahat ng guro at kawani ng pamantasan mula sa iba’t ibang sangay nito. Simula noong ika-1 ng Abril ay nahati na ang dating Tanggapan ng Kaagapay ng Pangalawang-pangulong Pang-akademiko sa dalawa. Itinalaga sina Maureen Olive Gallardo at Claribel Concepcion para sa mga bagong katungkulang ito. Ang hanay ng trabaho ni Gallardo ay sa pananatili, pag-iibayo at pagtitiyak ng kalidad ng mga gawain sa pamantasan. Bahagi ng trabaho niya ang pagsisipat at pagpapayo sa Tanggapan ng Ugnayang Pang-mag-aaral, mga aspetong patungkol sa kurikulum, at marami pang iba. Habang ang kay Concepcion naman ay nasa hanay ng mga serbisiyong pangmag-aaral na direktang may kinalaman sa mga pananagutan ng mga estudiyante katulad na lamang ng pag-aasikaso sa mga mag-aaral sa kategoriyang academic probation. Kasabay din ng pagtatalaga ng mga nasabing kawani ay ang pagtatalaga ng mga bagong dekano para sa kasalukuyang taong panuruan. Simula noong ika-28 ng
Pebrero ay muling nahati at nahiwalay sa dalawa ang dating Paaralan ng mga Sining at Agham –ang Paaralan ng Malalayang Sining (SLA) at ang Kolehiyo ng Agham at Teknolohiyang Pang-impormasiyon (CSIT). Dahil sa paghihiwalay na ito ay nagkaroon ng pagtatakda ng dalawang bagong dekano na mamamahala sa mga nasabing kolehiyo. Si Robert V. Panaguiton ang naitalagang bagong dekano para sa SLA habang si Rochelleo E. Mariano naman ang naitakdang mamahala sa CSIT. Ang mga nasabing opisyales ay maninilbihan bilang mga dekano simula noong ika-1 ng Abril hanggang ika-31 ng Marso sa taong 2018 o isang tatlong-taong termino. Si Robert V. Panaguiton, ang bagong-hirang na dekano ng SLA ay 19 taon nang propesor sa pamantasan. Siya ay may MA in Teaching Philosophy mula sa Pamantasan ng Ateneo de Manila at PhD in Anthropology mula naman sa Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan. Samantala, si Dekano Rochelleo Mariano ng CSIT ay may MA in Mathematics Education mula sa Pamantasang Pambansa ng Kanlurang Mindanao (WMSU) at PhD in Mathematics mula sa Pamantasang Pambansa ng Mindanao-Suriang Teknolohikal ng Iligan (MSU-IIT). Halos 16 na tao nang naninilbihan bilang guro si Mariano sa Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. •
Karun nga isa na lang katuig usa ang sunod nga eleksyon, ug di na kahulat ang mga Pilipino nga munaog na si PNoy sa pagka-presidente sa nasud, daghan na sad gatabi kung kinsa ilahang gusto ipuli. Kung maayo ka’g pandungog o kung daghan ka’g jeje friends sa Facebook, pareha nako, ang pangalan nga pirmi nimo madunggan kay ang sa alkalde sa dakbayan sa Davao, si Rodrigo Duterte. Pero unsaon man ang kasikat sa iyahang pangalan nga dili man daw siya mudagan? Mao nang pait ani run kay makaluoy kaayo ang mga tawo nga gusto makatilaw sa iyang “iron fist.” Ingon pa nila, oras na daw nga naa tay gahi nga presidente kay wala daw lami nang mga
humok. Pero unsaon man ta ni? Di man diay siya mudagan. Buot pasabot ba ani dili na matinuod ang 50 Shades of Grey nga pantasya sa iyang mga fans? Unsa diay pulos ana iyang paghimo-himo ug mga vine pati pagbisita sa GGV? Dili ba kay gihimo to niya para makuha ang atensyon ug gugma sa tawo? Pasabta daw ko. Uban pa ana, kung dili man diay siya gusto mudagan, nganong sige man siya’g istorya ug padungog mahitungod sa iyang mga himuon kung “ma-presidente” daw siya? Hangtud padungog na lang ba ta ani? Abi ba kog bagtik siya. Murag wala pa man gyud siya ka huna-huna sa iyang desisyon. Mas makalibog pa siya sakong uyab kay dugay kaayo makabuot kung unsa ba jud, kung naa man galing koy uyab.
Ana pa tong mga babayi sa pikas lamisa mintras gakaon ko, “Bes, tan-awa gud na bes o. Ang Davao daw kay 4th safest city in the world. Bes, kay Duterte na jud ko bes. Naa na jud sa iyaha ang akong boto.”
mukalit ra na’g tukar ug patyon tang tanan kung mapresidente siya. Makab-ot na jud nato ang 0% nga krimen nga pinangandoy sa tanang nasod sa kalibutan. Dili pa ka ana? Kana ra siguro ang pamaagi para mapugngan ang mga pabebe girls.
“Bes, di man siya mudagan.”
siya.”
“Ay joke! Da uy, mudagan unta
Unya ganahan pud ang tawo niya kay ginahatagan niya ug importansya ang pagtuon. Ingon pa siya, “Free Google dapat, di free Facebook para mabawasan ang mga tanga.” Ang tinuod, gusto lang gyud siya magkatawo ang Google Plus nu? Wala ba siya kabalo nga iyang mga tagasunod tua sa Facebook gatrabaho sa Edi Sa Puso Mo <”3? Looy man. Ang kataw-anan pa kay tungod sa Free Facebook nako to nabasa. Aw.
Didto pa lang, makita na gyud ang kasikat ni Mayor Rodrigo Duterte dili lang diri sa Mindanao, kung dili pati sa kalibutan. Lisud pud, unsa pa bang ubang lugar diri sa Pilipinas ang naay in-ana nga titulo? Laliman ka? Pila kaha ang gipatay ni Duterte para maingon-ana na nu? Binuang lang, ayaw ko patya, magdoktor pa ko. Pero kung buot huna-hunaon, ana ra ba siya sa usa sa iyang mga padungogdungog nga patyon daw niya ang mga pulis na kurakot. Maong pagbantay mo kay basig naay pagkagamay ang inyong mga manok karung eleksyon. Basin
Pero sa walay tiaw-tiaw, kitang mga Atenista mga utukan man ta, mao karung padulong nga eleksyon pilion nato ang maayo para sa posisyon. Pero kay Duterte gihapon ko kay nag-Nae Nae siya sa GGV. •
Mula sa ibayong dagat: Si Jaimie Kang ni Amira Solaiman
Si Kang Jung Min, o mas kilala bilang Jaimie Kang, ay isang binibini mula sa ibayong dagat. Siya ay nagmula pa sa bansang Korea at kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kanyang kursong BS Office Administration sa Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Bukod sa pagiging isang masipag at masikhay na estudyante, si Jaimie ay may hindi pangkaraniwang kuwento. Ito ay isang kuwento ng pagsisikap at pagpapatibay ng lakas ng loob. Ito ay isang kuwento na magbibigay inspirasyon sa lahat ng makababasa nito, hindi lamang sa kaniyang mga kapwa dayuhang mag-aaral kundi para na rin sa mga Pilipinong mag-aaral ng Ateneo. Pakikiayon sa mga Pilipino Matagal nang nanirahan si Jaimie sa Pilipinas, simula pa noong siya ay nasa hayskul. Sa itinagal ng kanyang pananatili rito, ang mga bagay na nagsilbing kakaiba para sa isang Koreanang kagaya niya ay ang kaniyang mga naiangkop para sa kaniyang sarili. Ninais ni Jaimie na mag-aral dito sa Pilipinas dahil gusto niyang matutunan ang wikang Filipino at Ingles. Bukod pa rito, nakita niya sa kanyang pakikisalamuha sa ating mga Pilipino pagiging palakaibigan at maaalalahanin tungo sa mga taong hindi naman natin lubos na kilala. “Filipinos are friendly though they are not familiar with, and also thoughtful..” banggit ni Jaimie.
Sa kabilang dako naman, may mga kahirapan din siyang naranasan habang naninirahan siya dito. Iyon ay walang iba kundi ang paggamit ng Tagalog at Chavacano. “When I arrived in the Philippines, my first difficulty was the language. Especially Zamboangueños’ use of Chavacano and Filipino” Noong una, mahirap para sa kanya ang intindihin ang mga salitang Chavacano, ngunit kalauna’y napagtanto na rin niya ang mga ibig sabihin ng mga salitang ito. Matayog na pangarap Matatayog ang mga pangarap ni Jaimie para sa kaniyang sarili. Pinili ni Jaimie na mag-aral sa Pilipinas sapagkat maraming oportunidad para sa kaniya na matutunan ang iba’t-ibang wika at kulturang nakapaloob sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Masasabi nating bukod-tangi siya dahil sa kaniyang pananaw ukol sa pagiging okupado. Naibahagi pa nga niya na ang dahilan kung bakit niya kinuha ang kursong ito ay “To make my life busy. Because when your occupation [entails] mingling [with other people] in business, it’s obvious that you have a lot [of things]to do. I love being busy...” Mahalagang halimbawa si Jaimie para sa mga estudiyanteng mahilig sa mga ‘mañna habit’. Sana naman, ay matuto tayong pangalagahan ang bawat oras na mayroon tayo upang mas marami pa tayong bagay na magagawa.
Inspirasyon ni Jung Min Napakahalagang makapagtapos na si Jaimie ng pag-aaral dahil nais niyang makapaghanapbuhay at masustentuhan ang kaniyang mga personal na pangangailangan. Ayon kay Jaimie, “It is important for me to get a job to support myself… To stand alone and be independent… Nowadays, if you don’t have a job, you can’t do anything.” Para sa kanila, mahalagang may kasarinlan ang isang tao. Hindi naaayon sa kultura ng mga Koreano ang katamaran at pag-asa sa mga magulang upang masuportahan ang kanilang pangangailan sa pang araw-araw. Para sa kapwa dayuhan Isang mahalagang bagay na nais
ipamahagi ni Jaimie sa mga dayuhang katulad niya na nag-aaral sa isang pamantasang Pilipino: “Just be Filipino [in your ways and actions]! Being a foreigner to survive in a Filipino school, I learned the way they do, how they deal with others, what is their culture. I really tried to understand though I was unlike Filipino.” Sa pagsisikap, maaabot natin ang mga pangarap. Saan ka man nanggaling o ano ang iyong mithiin, kahit ang ibig-sabihin nito ay kailangan mong manirahan sa lugar na hindi mo kinalakhan, ang mahalaga ay tayo ay nagsusumikap upang makamit ang ating mga ninanais. •