Sinag July-August 2015

Page 1

BLG.I TOMO BLG.III APR HULYO-AGOSTO, 2015 LATHALA BLG.LATHALA XX TOMO BLG. XX - MAY 2014

S NAG

Opisiyal na Pahayagang Pang-mag-aaral ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga sa mga Wikang Filipino

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-MAGAARAL SA WIKANG FILIPINO NG PAMANTASANG ATENEO DE ZAMBOANGA BALITA

LATHALAIN

OPINYON

ISPORTS

Linggo ng Karapatang at Kamalayang Pangmag-aaral, inilunsad

Basa-basa pod: Stupid is Forevermore

Ang IgniTE at ang Rio Tuba Nickel Mining Corp.

Atletang Zamboangueño nakipagtagisan sa SEA Games

pahina 8

pahina 3

pahina 5

pahina 12

Pandaigdigang Araw ng Kabataan, ipinagdiriwang ng AdZU:

UN envoy para sa kabataan, bumisita Kabataang Mindanawon, bumida ni Trisha Ortega

MGA BALAKIN. Inihandog ni Comm. Saavedra kay UN Envoy Ahlendawi ang sipi ng Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon KUHA NI: Lea ALESSANDRA LIM

Noong ika-11 ng Agosto ay ginanap ang Paglulunsad ng Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon sa Bulwagang Carlos Dominguez Carlos ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Mas naging memorable ang nasabing pagtitipon sapagkat ito ay dinaluhan mismo ni Ahmad Ahlendawi, ang Sugo para sa Kabataan ng Punong Kalihim ng United Nations. Ito ay dinaluhan din ng iilang kinatawan mula sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) at ng Pambansang Komisiyong Pangkabataan (NYC).

Si Fr. Wilfredo Samson, SJ, Kaagapay ng Pangulo para sa Formation ang nagbukas ng nasabing palatuntunan. Nagkaroon din ng mga mensahe ng pagkakaisa na ibinigay nina Margaret Sheehan, Direktor ng Field and Operations ng UNICEF, at ni Christopher Lawrence Arnuco, Tagapangulo at Tagapamahala ng Zamboanga Economic Zone Authority. Ayon kay Sheehan, isang malaking hamon na ikinakaharap ng lipunan ngayon ay ang paghanap ng kasagutan sa kung papaano mahihikayat ang kabataan at kung papaano sila mabibigyan ng boses. Hinikayat ni Sheehan

Php60-M solar panel system, itinakda sa AdZU ni Jessanell P. Sevilla Tumataginting na animnapung milyong pisong proyekto na 320 kilowatt hybrid rooftop photovoltaic off-grid solar power system, ang inilunsad ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Noong ikadalawampu’t isa ng Mayo, pumasok sa isang kasunduan ang unibersidad kasama ang Orion International, Inc., tanyag sa pagiging kasosyo ang Urban Green Energy ng New York. Ang solar power system na ito ay maituturing bilang pinakamalaki sa buong Visayas at Mindano. Ang proyektong ito ay pinansyal na pinahirawan ng Bank of the Philippine Island (BPI). Inaasahan naman ng pamantasan na ito ay magbibigay daan sa unti-unting pagbaba ng milyunmilyong babayarin para sa kuryente. Gayunpaman, tinukoy ni Fr. Marlito

Ocon, SJ, Kaagapay ng Pangulo para sa Pamamahala, na ang proyektong ito ay isang epektibong paraan upang maging mas environment-friendly ang pamantasan sa pamamagitan ng untiunting paglihis sa paggamit ng nonrenewable energy. Itinakda na pitumpu’t limang porsiyento na kakailanganing elektrisidad ng unibersidad ay susustentuhan ng nabanggit na solar energy system ngayong Agosto. Samantala, ang natitirang dalawampu’t limang porsiyento na kailangang kuryente ay magmumula pa rin sa ZAMCELCO. Ang solar power system ay inaasahang ikakabit sa Salvador Campus sa La Purisima at Kreutz Campus sa Tumaga. •

ang kabataan na magtulungan at maging parte ng inisiyatiba para sa Mindanao. Ibinigyangdiin naman ni Arnuco na hindi dapat maging hadlang ang pagkalimitado sa pagpapakita ng walang takdang alaga sa lipunan. Ang pinakaaabangan na yugto ng programa ay ang pagbibigay ng sipi ng Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon ni Earl Saavedra, Kinatawan ng Mindanao sa NYC, kay Ahlendawi. Sa kaniyang maiksing talumpati, hinikayat ni Ahlendawi ang mga kabataan na bayaran ang kanilang utang na serbisiyo para sa lipunan. Dagdag pa niya na, hindi dapat makuntento ang mga kabataan na maghintay o umasa na lamang sa gagawin ng pamahalaan sapagkat ang lahat ay hinahamon na tumulong sa pagsasakatuparan ng mga adhikain at

hangarin. Aniya ay hindi magkakaroon ng kapayapaan at pag-unlad kapag walang interesadong kumilos para dito. Nagtapos naman ang programa sa pamamagitan ng pagtatanghal ng ilang piling mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Narsing. Binuo sa loob ng apat na taon, ang Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon, ayon kay Saavedra, ay isang conceptual framework kung saan matututunan ng kabataan ang mga programang magpapamalas ng kanilang mga kakayahan at pangarap. Ang aktibidad na ito ay isinagawa alinsunod sa taunang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan tuwing ika12 ng Agosto. •

Ugnayan ng LGBT sa ekonomiya, inilahad ni Bianca Alyana Zamora

PARA SA EKONOMIYA. May ugnayan ang pagtanggap sa LGBT sa ekonomiya ng bansa ayon kay MV lee Badgett MULA SA: OPISINA NG AVR NG AdZU

“LGBT people have the same human rights as everyone else.” Ito ang pambungad na pahayag ni Mary Virginia Lee Badgett sa kaniyang diskurso ukol sa ugnayan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) sa ekonomiya ng isang bansa, maging ng buong mundo. Ito ay pinamagatang “The Social and Economic Impact of LGBT Exclusion.” Si Badgett ay propesor ng ekonomiks at tagapangasiwa ng Sentro ng mga Palakad Pangmadla at Pamamahala sa Pamantasan ng Massachusetts-Amherst. Kilala si Badgett sa Estados Unidos bilang isang iginagalang na dalubhasa sa larangan ng labor economics, employment discrimination, economics of sexual orientation at same-sex marriage. Sa isang pagtitipon na idinaos noong ika-19 ng Agosto sa Bulwagang Carlos Dominguez ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga, inilahad ng nasabing ekonomista-akademiko ang kaniyang naging pananaliksik ukol sa

direktang epekto ng mga palakad at patakaran na naglalayong makilala ang mga karapatan ng mga LGBT sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Bilang introduksiyon sa nasabing paksa, ipinakita ni Badgett ang mga naging resulta ng mga sarbey ukol sa pagtanggap ng lipunang Pilipino sa LGBT. Ayon sa World Values Survey (2010-2014), tanggap ng 73% ng mga Pilipino ang mga LGBT, ngunit ang kabalintunaan, ayon naman sa Pew Research Center Global Views on Morality, 65% ng mga Pilipino ang naniniwala na labag sa moralidad ang LGBT. Inilahad din sa kaniyang naging diskusiyon na ayon sa World Bank Case Study: Cost of LGBT Exclusion, ang hindi pagtanggap sa mga LGBT ay maaaring magdulot ng hindi pagiging produktibo ng mga manggagawang hindi tanggap ang kanilang sekswalidad sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuan. Ipagpatuloy sa pahina 4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.