MUTYA
Athena Louise L. Sidlacan STM17 Mayo 26, 2023PROLOGO
Ang pamagat na napili ng manunulat ay nangangalang, mutya. Ito ay pambabaeng pangalan na nangangahulugang hiyas o mamahaling bato na kakaiba, na hindi madalas nakikita. Nababatid ng awtor na ang pagsusulat ng iba’t-ibang literatura sa kaniyang asignatura na Filipino sa Piling Larang (Akademiks) ay isang kayamanan. Ito ay magandang karanasan na nais niyang ibahagi sa mambabasa. Siya ay lumikha ng mga akademikong sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika. Nilalayon niyang magbigay kagalakan, kamalayan at impormasyon sa mambabasa.
Ang portfolio ay isang koleksyon ng mga nagawang aktibidad ng awtor. Naglalaman ito ng bionote ng napiling tanyag na tao at ng sarili, panukalang proyekto, adyenda, katitikan ng pulong, talumpati. Kada pahina ay matutuklasan mo ang kaniyang mga natatanging sining. Makikita rin sa huling parte ang personal na repleksyon ang rubriks na gumagabay sa pagmamarka at pagtasa.
Tumatanaw ng utang na loob ang manunulat sa kaniyang mga minamahal na mga karakter sa mga libro at pati na rin sa mga koreano na hindi siya kilala. Buong puso din siyang nagpapasalamat sa kaniyang mga kaibigan at miyembro na tumulong sa kaniya para kayanin ang taon na ito. Batid niya din bigyan pasasalamat ang guro na si G. Andrei Peñalba na gumabay at nagbigay kaalaman sa kaniyang mga estudyante.
Pamantasang De La Salle -Dasmariñas Dibisyon ng Senior High School

Filipino sa Piling Larangan Akademiko
Bionote ng Napiling Personalidad
Si Venus Raj ay ipinanganak sa Qatar na may Indian-American na ama at Pilipinong ina. Siya ay laki sa hirap ngunit hindi ito tumigil na makamtan ang mga pangarap. Sumali siya sa mga lokal na pagandahang patimpalak at pati na rin sa mga talumpati upang mahasa ang kanyang ingles. Sa pamamagitan ng pagwawagi sa mga paligsahan, natulungan niya ang kanyang ina sa pinansyal at nakapagtapos ng pag-aaral sa Bicol University ng BA Communication Arts. Noong 2008 siya ay pinarangalan bilang Miss Philippines Ecotourism at bilang 4th runner up sa Miss Universe 2010. Nakatanggap siya noong 2017 ng Masters Degree in Community Development sa Unibersidad ng Pilipinas at noong 2021 siya ay nagtapos sa Oxford Centre para sa Christian Apologetics.

Pamantasang De La Salle -Dasmariñas

Dibisyon ng Senior High School
Filipino sa Piling Larangan Akademiko
PANTUNAW SA IYONG UHAW
I. Titulo ng Proyekto
Panukala: Pagpapatayo ng Drinking Water Fountain
Organisasyon: SALTY
Petsa at Lugar: Disyembre 2023 sa Vermosa Sports Hub Bacoor
II. Abstrak
Ang panukalang proyektong ito ay para maibsan ang polusyon ng komunidad sa Bacoor na isa sa mga pangunahing dilema ng bansa. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga water fountain. Ito ay pinangungunahan ng organisasyong SALTY. May kabuuang badyet ito na P 500,000. Magsisimula ang proyekto sa Disyembre 2, 2023 at matatapos sa Disyembre 17, 2023. Layon nilang magbigay kamalayan at tulong sa komunidad para maibsan ang pagkauhaw ng mga atleta na maaaring maging dahilan ng pagkasira ng kanilang kalusugan.
III. Katwiran ng Proyekto
Isa ang Vermosa Sports Hub ng Bacoor sa pinaka abala at dinadayo ng mga sangkatauhan na ang nais ay magsi ehersisyo para sa kanilang mas mabuting kalusugan. Ito ay kinikilala sa pag kakaroon ng tahimik na kapaligiran at kilala na pinupuntahan ng mga nagsasanay na mga atleta.
Sa pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng polusyon sa syudad hindi inaasahan na ang mga atleta o ang mga nag eehersisyo ay bibili na lamang ng mga produktong hindi nakakabuti sa lokasyon katulad ng Vermosa Sports Hub. Kung ito man ay maisasakatuparan tiyak na hindi na kakailanganin pang ipang alang alang ang pag prepreserba ng lokasyon sapagkat ito ay makakaiwas na sa kung ano mang pwedeng mangyari sa ating mga kababayan na nag eehersisyo lalo na sa kanilang kalusugan.
Ang proyektong Drinking Water Fountain ay hindi lamang ang lokasyon at kapaligiran lamang ang mag be benepisyo kung hindi pati narin ang mga
taong nagnanais na magbibigay ng oras upang tingnan at magsaya sa kanilang hilig sa isports.
IV. Layunin
Makapaglagay ng water fountain upang maibsan ang pagkauhaw ng mga atleta, makapag bawas ng polusyon sa syudad at pati na rin maenganyo na magdala ng sariling tubigan upang makatipid at makasigurado na malinis ang iinumin.
V. Target na Benepisyaryo Mga mamamayan at atleta. Sa pagpapatupad ng proyektong ito ay ang pangunahing target dito ay mga atleta at mga taong nag-eehersisyo. Isa na rin sa mga benepisyaryo para sa proyektong ito ay ang mga mamamayan sa paligid ng sports hub sa Bacoor.
VI. Implementasyon ng Proyekto
A. Iskedyul Mga
1. Pagpaplano at pagbabadyet ng proyekto
2. Pagpapasa at pagaapruba sa mga namamahala ng lugar at sa pagkukuhanan ng tubig.
3. Pagbili ng water drinking fountains
4. Pakikipag-ugnayan sa napiling water drinking station.
5. Pakikipag-ugnayan sa mga napiling manggagawa.
6. Pagdisenyo at pagpapalimbag ng flyers.
7. Paggawa ng mga nakaka enganyong literatura o sining
Disyembre 2-4, 2023 Tagapamuno ng proyekto
Disyembre 5-12, 2023
Tagapamuno ng proyekto at tagapamahala ng mga kompanya.
Disyembre 6, 2023 Tagapamuno ng proyekto at kompanya.
Disyembre 7, 2023
Disyembre 8, 2023
Tagapamuno ng proyekto ay tagapamuno ng konseho.
Tagapamuno ng proyekto ay tagapamuno ng konseho.
Disyembre 9-10 2023 Tagapamuno ng proyekto at kompanya.
Disyembre 11-12, 2023 Tagapamuno ng proyekto. 6
tungkol sa water drinking fountain.
8. Pagpaskil ng mga nagawang literatura o sining sa ibat’-ibang platapormang sosyal.
9. Pagpaskil ng mga flyers sa iba’t-ibang bahagi ng Vermosa Sports Hub.
10.Pagpapatayo ng water fountains sa Vermosa Sports Hub Bacoor
11.Pagbayad sa mga manggagawa.
B. Badyet
Disyembre 14, 2023 Tagapamuno ng proyekto at kompanya.
Disyembre 14, 2023 Tagapamuno ng proyekto at kompanya.
Disyembre 13-17, 2023 Tagapamuno ng proyekto, kompanya, at manggagawa.
Disyembre 13-17, 2023 Tagapamuno ng kompanya.
Mga Gastusin Halaga
1. Tubig P145,000.00
2. Istasyon ng tubig (5 water fountains)
3. Bayad sa flyers
P320,000.00
P5,000.00
4. Bayad sa paggawa
C. Pagmomonitor at
Ebalwasyon
P 500,000
P 30,000.00 KABUUANG HALAGA
Ang paglikha ng isang Drinking Water Fountain ay lubos na nakakatulong. Inaasahan na pagkatapos ng proyektong ito, ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga tao na karamihan ay masisipag na atleta Inaasahan na sa loob ng mga buwan mula ngayon, makikita na natin ang pag-unlad kung paano ito naging kabutihan o kalamangan hindi lamang sa mga tao kundi sa ating kapaligiran. Ang proyektong ito ay maaari ding i-upgrade ng mas maraming mamumuhunan o imbentor na posibleng bumuo at makaapekto sa ibang mga lokasyon at maging malinis at malusog ang ating kapaligiran at kalusugan para sa ating lugar.
Inihanda nina:
De Castro, Samantha Rose G.
De Leon, Claire Adellaine A.
Pilapil, Alyanna M.
Sidlacan, Athena Louise L.
Songco, Thea Mariae P
Villanueva, Ayessa M.
Adyenda ng Pulong
Lokasyon: DLSU-D, JHS Complex Room 128
Petsa: Ika-28 ng Abril taon ng 2023
Oras: 1:00n.h. hanggang 3:00n.h.
Tagapangasiwa: Bb. Samantha Rose De Castro
I. Panimulang Panalangin
II. Pagtatala ng mga dumalo
III. Pagpresinta ng Panukalang Proyekto
1. Pagpaplano para sa Pagpapatayo ng Drinking Water Fountain
a. Target na Benepisyaryo
b. Iskedyul
c. Badyet
2. Pagsisiyasat ng mga Materyales
a. Pagbili ng mga Istasyon ng Tubig (Water Fountains)
b. Pakikipag-ugnayan sa mga Water Stations
c. Paghahanap ng mga magkakabit ng mga istasyon ng tubig (Labor)
d. Pagkabit ng mga istasyon ng tubig
3. Pagpaplano para sa unang araw ng pagpapatakbo ng mga Drinking Water Fountain
a. Pagaanunsyo sa Taong Bayan
b. Petsa ng pagsisimula ng pagpapaandar ng mga Drinking Water Fountain
IV Pangwakas na Salita
V Pangwakas na Panalangin
ANO NGA BA ANG STRESS?
Ang stress ay isang estado ng pag-aalala o pag-igting sa isip na dulot ng isang mahirap na sitwasyon. Ito ay isang natural na tugon ng tao na nag-uudyok sagutin ang mga hamon sa ating buhay Kahit anong edad ay maaaring makaranas nito ngunit ating pagbibigyan pansin, tayong mga estudyante. Kumusta na kayo?
Alam kong mahirap ibalanse ang ating oras lalo na mayroon rin tayong responsibilidad sa bahay. Naghahanda tayo para sa susunod na hakbang para sa kolehiyo at nagpaplano tayo kung ano ang ating tatahakin sa gitna ng pag-aalinlangan. Ang akademikong stress ay maaaring nagmula sa presyon ng magulang, sarili o ng lipunan. Kanilang hinahangad na tayo’y humusay upang makamit ang tagumpay ngunit di nila.napapansin na tayo'y nalulumbay Nalulunod tayo sa mga takdang aralin na nagreresulta sa mahinang pamamahala ng oras at pagpapaliban sa mga gawain. Nakakaapekto ito sa atin sa pisikal, emosyonal, at sa pag-iisip na aspekto. Ang ating kaisipan ay nagiging magulo at malito. Tayo rin ay puno ng pag-aalala na minsan ay humahantong sa pagkabalisa, pagkabigo at pagdududa sa sarili. Kung ito’y hindi maagapan, ito’y lalala at maaring maging sanhi ng pagbagsak sa isang pagsusulit o asignatura.
Hindi ko man kayo mabibigyan ng agarang solusyon ngunit mayroon akong ilalahad na mga epektibong paraan upang ating pamahalaan ang akademikong stress. Una, ihayag ang iyong sarili. Pag-usapan o sulatin ito upang mapawi ang stress. Ang pagkikila sa problema ang unang hakbang. Sunod ito ay ating harapin at hatiin sa maliliit na bahagi at unti-unting bigyan ng solusyon. Ang susi sa tagumpay ay ang pagkontrol sa stress sa pamamagitan ng pag-iisip ng positibo. Ating alalahanin na ito ay normal at hindi tayo nag-iisa sa lakbay na ito, matutong magpahinga at humingi ng tulong upang lahat tayo’y sumulong.
RUBRIKS

Pamantasang De La Salle -Dasmariñas

Dibisyon ng Senior High School
Filipino sa Piling Larangan
Akademiko
Sariling Bionote
Si Athena Louise L. Sidlacan ay kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng De La Salle Dasmariñas at may akademik track na Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM) Siya ay nakapag tapos ng sekondarya sa Dasmarinas Integrated High School at ng elementarya sa Sta Cruz Elementary School Siya ay laging nakatatanggap ng parangal sa paaralan at naging miyembro ng journalism bilang isang manunulat sa feature ng lenggwaheng ingles. Siya rin ay naging tagapamahala ng salapi o ingat-yaman sa sinalihang organisasyon sa paaralan Nais niyang tahakin ang landas ng manggagawa ng medisina at kumuha ng kursong BS Biology
