Banaag Diwa 2011

Page 17

May kwento rin sa labas ng bus. At sa akin na nag-aaral sa galaw ng mga atomo, may kahulugan ang paglalayag ng mga ulap. Mahalaga maging ang paglagaslas ng mga mumunting kumpol ng tuyong lupaít buhangin mula sa bangin, may pumaparoon, may pumaparito. Depende kung sa kanan ba o sa kaliwa nakakiling. Bumabiyahe ako para lumisan. At habang lumilisan, ako’y umuuwi naman dahil batid kong sa bawat himpilan ay may tahanan at sa bawat tahanan, may pamilya. Kailangan kong bumaba ng bus at kasama ang pamilya’y maglalayag na parang mga ulap na sumusuyod sa kabundukan, dumausdos na parang mga kumpol ng lupaít buhangin na pumaparoon upang harapin yaong mga pumaparito. Hindi ito magtatagal. May susunod na namang

pagtakbo. P a g tatag p o . Paghinto. H i w a laya n .

Hiwalayan Paul Randy Gumanao

BANAAG DIWA 2011-2012

17


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.