

LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)
Department of Education
Region X- Northern Mindanao
Division of Lanao del Norte

Copyright 2017
COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: ‘No copyright shall subsist in any work of thre government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of the office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit”.
This material has been developed in support to the English curriculum implementation in the Department of Education, Region X, Division of Lanao del Norte. It can be reproduced for Educational purposes and can be modified for the purpose of translation into another language provided that the source must be clearly acknowledge. Derivatives of the work including works are permitted provided all original works are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and profit

PANIMULA
Ang kuwentong ito ay isinulat para sa mag-aaral sa ikalawang baitang at sa ikatlong baitang. Inaasahan na sa pamamagitan nito ay matutunan ng mga magaaral ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento at masagot ang mga tanong na ano, sino, at bakit.
Sa pamamagitan din nito, ang mga bata ay matuto ng husto sa pakikipagkapwa-tao at mahasa ng husto ang kanilang kakayahan sa pagbasa.
Ang pagkumpleto ng aklat na ito ay hindi maisasakatuparan nang walang suporta ng mahahalagangtao.
Sa aking dating Punong-guro, Dr. Saleh M. Makiin, PhD., District Lead LRMDS, Sahanidah M. Makiin, PhD., Sa aking kasalukuyang Punong-guro, Potri M. Dimapinto para sa kanilang paghihikayat at walang sawang suportaupangmataposangaklatnaito.
Division LRMDS personnel, Carol R. Balwit, PhD. LRMDS Coordinator, Myles M. Sayre, PDO II, and Ms. Jocelyn R. Camaguing, Librarian II para sa kapaki-pakinabang na mungkahi parasaaklatnaito.
Sa aming Schools Division Superintendent, Edwin R. Maribojoc, CESO V, sa pagbibigay ng pagkakataong matulungan ang aming mag-aaral.
At higit sa lahat, sa dakilang Tagapaglikha ang Diyos (Allah) sa kanyang walang sawang pagbibigay ng kaalaman at karunungan para sa ikatatagumpay ng aklat naito

Grade Level: 3
Learning Area: Filipino
Learning Competency:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento.
Learning Code: (F3N-ic-j-3.1.1)

Isang araw, gumagala-gala ang malungkot na kabayo sa kagubatan.
Naghahanap siya ng isang magiging kaibigan.

Nakakita siya ng
unggoy sa daan.
“Puwede ba kitang maging kaibigan?” , Tanong ng kabayo.
“Masyado kang Malaki. Hindi ka makakaakyat sa puno tulad ko,” sagot ng unggoy.

Sumunod ay nakita ng kabayo ang kuneho. Gayundin, tinanong niya ito kung puwede sila maging kaibigan.
Ngunit sumagot ang kuneho, “Masyado kang malaki para maglaro sa lungga ko.”

Umalis ang kabayo at nakasalubong ang palaka.
“ Puwede ba kitang maging kaibigan?,” Tanong ng kabayo. Paano kita magiging kaibigan? Masyado kang malaki para maglundag-lundag katulad ko,”Sagot ng palaka.

Sa unahan, nakasalubong niya ang kambing.
kitang
“ Puwede ba
maging kaibigan?” Tanong ng kabayo.
“Pasensiya na po, masyado po kayong malaki,” sagot ng kambing.

Nang sumunod na araw, Nakita ng kabayo ang lahat ng mga hayop na nagtakbuhan at takot na takot.

Naisip agad ng kabayo na ang tigre ang kanilang kinatatakutan. Sa kagubatan,kilala kasi ang tigre na Kumakain ito ng kapwa hayop. Nag-isip siya ng paraan para maligtas ang mga hayop sa kagubatan.

Lumapit ang
kabayo sa tigre. “Nakikiusap ako sa iyo, kaibigang tigre. Huwag namang saktan ang kaawaawang mga hayop.”, samo ng kabayo.
“Huwag kang makialam dito!” galit na sagot ng tigre.

Kakainin na sana ni tigre ang isa sa mga hayop nang biglang sinipa ito ni kabayo.
Tumalsik at napahiga ito. “Maawa ka sa akin, kabayo. Hindi ko na po sasaktan ang mga hayop sa kagubatan”, kaawang-awang sabi ng tigre.

Nasaksihan ito ng mga hayop kasama ang tumangging makipagkaibigan sa kanya.

Lumapit sina
unggoy, kuneho, palaka at kambing kay kabayo. “Salamat sa pagligtas mo sa amin,kabayo.
Hihingi kami ng
kapatawaran sa aming nagawa sa iyo”, pagsumamo ni kambing. “Isa kang tunay na
kaibigan,kabayo”, dugtong ni unggoy.

Dahil sa likas na kabaitan ng kabayo, hindi siya nagkimkim ng sama ng loob sa mga
hayop. Naging magkaibigan silang lahat.
Masayang-masaya ang kabayo dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan.
Mga Tanong
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano ang dahilan kung bakit malungkot ang kabayo?
3. Sa iyong palagay, Bakit ayaw nilang makipagkaibigan kay kabayo
?
4. Kung ikaw ang kabayo, dapat bang magtanim ng sama ng loob? Bakit
?
5. Ano ang magandang aral ang natutunan mo sa kuwento? Ipaliwanag.
Deped-Lanao del Norte

Postal Address: Pigcarangan,Tubod, Lanao del Norte
Email Address: personnel.depedldn@gmail.com
Contact Number: 063-341-5109