QC Natin

Page 1

LIB PAHAYAGAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD AT MAMAMAYAN NG QUEZON CITY

RE

NG

KO P

YA

ISYU 1 BLG.1 • SETYEMBRE 2016

QC, PINAKAMAHUSAY

SA BUONG BANSA! Basahin sa pahina 2

MULA KAY MAYOR

A

NG ISANG BAYANG PROGRESIBO at mapayapa ay gumagalang sa karapatan ng kanyang mamamayan para sa wasto at napapanahong balita at impormasyon. Anumang desisyon, patakaran at programa ng pamahalaang bayan ay nakasalalay sa pagsang-ayon ng mamamayan batay sa wastong impormasyon. Ito ang magtitiyak ng pagpapatuloy ng mga gawaing ibayong magpapa-unlad sa lahat. Kung kaya minarapat ng inyong lingkod na mag-alay ng isang pahayagan na magsisilbi bilang karagdagang tulay sa pagitan ng ating pamahalaang lungsod at mamamayan. Layunin nitong tuwirang maghahatid sa lahat ng mga taga-QC ng balita at impormasyon hinggil sa mga nagaganap sa ating lungsod at lokal na pamahalaan nito. Batay rito, magkakaroon ng higit na pagkakataon ang lahat ng taga-QC na makilahok sa ibayong pagpapa-unlad ng lungsod dahil may higit na impormasyon tayong tangan. Ang pahayagang “QC Natin” ay diyaryo ng mamamayan ng Lungsod Quezon. Basahin, ipasa at suportahan natin ito.—Herbert M. Bautista

Ang nilalaman:

Mga programa para sa senior citizens, daragdagan

Emergency Operations Center, handa nang maglingkod

QC General Hospital, palalawigin ang serbisyo


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
QC Natin by Ares Gutlerrez - Issuu