Aquinian Herald (Volume I, Issue 1)

Page 14

14

HE R A LD AQUINIAN

The Official Student Publication of the Aquinas University of Legazpi

Ang pagpaslang sa isang Aquinian:

katarungan para kay Ambo ni Jillian J. Estrellado

Ika-31 ng Hulyo, 2006, anim na taon na ang nakalilipas nang paslangin si Rei Mon Guran. Isang ordinaryong lunes ng umaga; isang ordinaryong lunes para sa isang ordinaryong estudyante ng Pamantansang Aquinas ng Legazpi kagaya natin. Habang nakaupo sa bus papuntang eskwelahan, isang di pa nakikilalang lalaki ang lumapit kay “Ambo” at pinagbababaril ito. Namatay si Ambo sa tama ng baril sa kanyang ulo at sa katawan. Ang isang mag-aaral ng ating pamantasan ay naiwang nakahandusay sa kanyang kinauupuan, naliligo sa sariling dugo. Sa ikaanim na anibersaryo ng kanyang pagkamatay, marami ang nagtatanong kung nabigyan na ba ng hustisya ang walang awang pagpatay kay Ambo. Sinu-sino nga ba ang nasa likuran ng pamamaslang na ito? At bakit hinayaan itong mangyari sa isang Aquinian kagaya ni Ambo?

tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS) sa Aquinas. Sa panahong iyon si Ambo ay nasa ikalawang taon ng kursong AB Political Science at naging taga-pagsulat din ng Pegasus, ang opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Aquinas noon. Karamihan sa kanyang mga isinulat ay mga political analyss at komentaryo sa mga isyu ng lipunan. Ang grupo niya na LFS ay nagsimula noong panahon ng Martial Law bilang isang grupo laban sa panggigipit at pagsupil ng gobyerno sa mga estudyante’t eskwelahan. Hanggang ngayon ang LFS ay nagpapatuloy pa rin sa paglilingkod sa mga kapwa estudyante. Huwarang Anak Ayon sa kaniyang mga magulang, si Ambo ay isang mapagmahal at malambing na anak. Minsan nga’y naikuwento sa isang panayam ni Mang Arnel, ang tatay ni Ambo, na tumatabi pa raw si Ambo sa kanilang mag-asawa sa pagtulog kahit malaki na ito. Ayon pa kay Mang Arnel gusto raw maging abogado ni Ambo para daw mas lalo siyang makatulong sa mga tao. Sabi pa nito sa tatay, wag daw umasang yayaman siya sapagkat wala naman daw yumayaman sa pagiging Human Rights lawyer.

SCREENCAP COURTESY OF WWW. YOUTUBE.COM/USER/SINAGMAN

Lider-Estudyante Marahil ay nabasa niyo na ang kuwento ni Ambo o kaya’y dati niyo siyang kakilala, kaklase, o kababayan. Isa si Ambo sa libu-libong estudyante na nagdaan sa dalusan ng ating pamantasan. Isa rin siya sa mga tumatambay sa T-Lobby kasama ang kanyang mga kaibigan habang naghihintay ng pagsisimula ng kanyang mga klase. Ayon sa kanyang mga kaibigan, masayang kasama si Ambo at itinuturing siya na life of the party ika nga, ngunit seryoso naman siya kapag ang pinag-uusapan na ay tungkol sa karapatan ng mga estudyante at kapakanan ng mga mamamayan. Bukang bibig ni Ambo palagi ang pagtatanggol ng mga karapatan ng mga mahihirap at mga estudyante. Si Ambo na minsa’y sa katuwaan ay tinatawag na “Rambo” ng kanyang mga kakilala ay palabiro din kung kaya’y naging paborito siya ng mga guro at kaklase kahit minsan ay ‘delingkwente’ sa eskwela. Siya ay 21 años sa panayong iyon at tubong Bulan, Sorsogon. Isa siyang transferee mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, kung saan kumuha siya ng kursong BS Agricultural Chemistry. Habang nasa Los Baños si Ambo siya ay nakikibaka at sumasama sa mga rally laban sa mga pag-uusig sa mga estudyante. At sa UP, isa siya sa naging mga taga-suporta sa pagtataguyod ng Rebel Perspective, ang alternatibong pahayagan ng UP Los Baños. Nung nasa Aquinas na si Ambo, ipinagpatuloy pa rin nya ang pagigiit ng mga karapatan ng mga kagaya niyang estudyante bilang pinuno at pangunahing

Hindi lingat sa kaalaman ng mga magulang ni Ambo ang layunin niyang maging isang aktibista. Labis daw ang pagmamalasakit nito sa kapwa kahit noong bata pa. Sabi ng LFS sa isang panayam na minsan naikuwento pa nga ng nanay ni Ambo na “madalas daw hindi ito nagpapaalam at kumukuha ng pagkain upang ipamigay sa iba. Nang punahin sya ng mga magulang tinanong niya sila, ‘Bakit tayo masarap ang pagkain habang marami ang wala?’” Bilang mga magulang, labis ang pag-aalala nila sa kapakanan ng anak. Minsan nga ay pinayuhan ni Mang Arnel ang anak na maghinay-hinay muna sa pakikibaka. “Pero naging matigas si nonoy”, sabi ng ama ni Ambo sa isang panayam sa Pinoy Weekly. “Kung pagkamatay ko ang ikaliligaya ng mga kaaway, bahala na sila sa akin”, sabi naman ng aktibistang anak sa ama. “Huwag naman ganyan, anak. Marami ka pang magagawa,” paki-usap naman ni Mang Arnel.

Mang Arnel sa Aquiniyang anak habang hinahatid ito sa terminal ng bus papuntang Legazpi. Pinaupo pa nga ni Mang Arnel si Ambo sa may likuran ng bus. Habang naghihintay na umalis ang bus, nakikinig ng kanta sa kanyang ipod at nagbabasa ng Harry Potter si Ambo; di naiiba sa mga kapwa niyang Aquinian noon. Ngunit, ayon sa mga nakasaksi, isang matipunong lalaki ang umakyat sa bus patungo sa kinauupuan ni Ambo, tumango ito sa isa pang lalaki na katabi ng Aquinian saka pinagbababaril ang estudyante sa ulo at sa katawan. Kumaripas ng takbo palabas ang ibang pasahero ng bus habang kalmado namang lumabas ang mga salarin. Duguan na ang Aquiniyang si Ambo nang makabalik sina Mang Arnel sa kinaroroonan nito. “Ano ang ginawa ninyo sa anak ko?” ang naibulalas na lamang ng ama sa mga pulis na nandoon, marahil sa labis na hinagpis nito. Isusugod pa sana sa ospital si Ambo ng dalawa nitong kapatid, ngunit pagkakita ng ama sa mga tama ng bala sa dibdib at sa katawan nito alam niyang sumakabilang buhay na ang anak. Sa dami ng tao sa terminal noong araw na iyon, mga pasahero ng bus kabilang na ang isang pasaherong pulis - wala niisa mang naglakas ng loob na opisyal na tumestigo laban sa mga taong bumaril kay Ambo. Marahil sa takot na sila naman ang isunod kaya’t nanahimik nalang ang mga ito. Ayon sa mga kaanak ni Ambo, hanggang sa kasalukuyan, taong 2012, hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. Kung sinu-sino na ang nilapitan ng pamilya ngunit katulad ng daan-daang pamamaslang dahil sa pulitika o ang tinatawag din extra-judicial killings wala pa ring nangyayari sa kaso ng Aquiniyang si Ambo. “Nakapanghihinayang ang buhay ni Rambo,” ani Mang Arnel sa isang panayam sa Pinoy Weekly. “Pero ipinagmamalaki naming nagkaroon kami ng anak na tulad niya. Masaya kaming nagkaroon ng anak na di namin ikinahihiya, na itinuturing ng marami na bayani at huwarang kabataan.” Silang walang pangalan Si Ambo ay ika-715 na aktibistang pinatay simula nang umupo sa pwesto ang dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nong 2001. Naniniwala ni Renato Reyes, kalihim ng Bayan Partylist na ang mga pagpatay na ito ay kagagawan ng militar,sa harap ng kawalang-bahala ni Pangulong Arroyo.

pinuno ng LFS-UPLB noong 2006 sa isang panayam sa Katarungan Bikol, si Ambo ang unang biktima ng tinaguriang “Killer SONA” ni Pangulong Arroyo. Isang programa umano laban sa mga rebelde na binansagang “Oplan Bantay Laya” ang ipinatupad ng gobyerno noon. Ito ay naglalayong pangalagaan ang seguridad ng estado laban sa mga kumokontra dito. Ang proyektong ito na umaabot ng isang bilyong piso animo’y ginagawang legal, ayon kay Velasco, ang pagpaslang sa mga taong tutol sa gobyerno kung saan nagiging target ang mga kabataang Pilipino. Ang pag-alala kay Ambo Sa pagdiriwang ng ika-anim na anibersaryo ng pagkamatay ng ating kapatid na si Ambo ang pinakamalaking karangalan na maibibigay natin sa kanya ay ang hindi natin paglimot sa kanyang pinaglalaban. Animo’y isang kandila ang pagdaan ni Ambo sa mundong ito at sa kanyang pagdaan sa gitna ng kadiliman nagbigay siya ng maikli ngunit nakakasilaw na liwanag. Ang mga katanungan binuno noon ng isipan ni Ambo, hanggang ngayon tinatanong pa rin natin. Ano nga ba ang nararamdaman natin kapag nakakita tayo ng mga taong hirap sa buhay, mga inaapi at mga pulubi? Iisipin ba natin na kasalanan nila kung bakit sila naghihirap? Ipipikit nalang ba natin ang ating mga mata na animo’y wala tayong nakita? Na sadya talagang may mahihirap na tao sa mundo at wala na tayong magagawa doon? O may magagawa nga ba tayo? Anim na taon na ang nakalipas nang ang isang simple ngunit dakilang Aquinian ang pinaslang dahil sa lakas ng kanyang di matitinag na mga prinsipyo sa buhay. Sa parehong mga klasrum, parehong mga tambayan at parehong kapaligiran siya naging estudyante ng Aquinas. Ang dugong nalaytay sa kanyang katawan ay parehong dugo sa katawan ng kapwa niyang Aquinian; dugo ng buhay na binuwis ni Ambo para sa kanyang mga pinaglalaban. Ano nga ba ang sagot ng makabagong Aquinian sa kadakilaan ng nakaraan? Sa ngayon, huwag nating kalimutang ipagbunyi ang buhay ng mga bayani sa kasaysayan ng ating munting pamantasan. Si Ambo ay mananatiling simbolo ng umaalab na pagmamahal para sa mga inaapi at tinatapakan. Ngunit, habang nag-iisa, ang simbolo ay walang gaanong halaga; kapag may sapat na tao na sumusuporta, ang simbolo ay makapagpapabago ng mundo.

Ayon naman kay Mark Velasco,

Hulyo 31, 2006 Lunes ng umaga, katulad ng karamihan sa’tin sumakay si Ambo sa bus papuntang Aquinas. Tatlong oras na marupok na daan sakay sa maalikabok na bus ang tinatahak ni Ambo linggu-linggo. Sa partikular na lunes na ito, katatapos lamang magdiwang ng kanyang ika-21 na kaarawan si Ambo noong nakaraang araw kasama ang mga kaibigan. Bago ilang araw ang nakalipas nagprotesta din sila laban sa pagpatay ng isa pa nilang kasamahan na si Cris Hugo ilang buwan bago noon. Dahil na siguro dito naging mainit sa mata ng mga may kapangyarihan si Ambo. “Low profile ka lang sa biyahe” ani

SCREENCAP COURTESY OF WWW. YOUTUBE.COM/USER/SINAGMAN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Aquinian Herald (Volume I, Issue 1) by Aquinian Herald - Issuu