

Ikalawa mula sa 37 na paaralan ang
HNHS sa 8th National Wildlife Quiz Bowl
Kemuel June C. Tad-y
Sa tahimik na pasilyo ng Hinigaran National High School, isang kuwento ng tagumpay at inspirasyon ang umusbong, ang tagumpay ng dalawang estudyanteng puno ng dedikasyon at pangarap. Sina Herbert Jr. Subteniente at Ashley Bernadette Bereña na nagbigay karangalan sa kanilang paaralan matapos nilang masungkit ang ikalawang pwesto sa 8th National Wildlife Quiz Bowl, lang ng dalawang puntos para makuha ang
|BASAHINANGLATHALAINSAPAHINA8
PASAWAY SA HANDURAWAN FESTIVAL NANGIBABAW SA HINUGYAW SA SAOT 2024
Puno ng kaba at pananabik ang paligid habang ang 21 seksyon mula Hinigaran National High School ang nagtipon-tipon sa Hinigaran Gymnasium para sa “Hinugyaw sa Saot” Festival Dance Competition nitong nakaraan Disyembre 11, 2024. |BASAHINANGBALITASAPAHINA3
Erwilma Joy Purol
JoyMueño
Herbert Jr. Subteniente
Mahigit kumulang 200 recipients ang nabigyan ng tulong ng Project ANGGA. Binubuo ito ng baking class (cookery/bread and pastry) at flower arrangement (home economics). Namigay rin sila ng mga food packs sa mga tao.
Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ng Project ANGGA ang kanilang pasasalamat sa
Maligayang idinaos ng Project Angga ang kanilang Outreach Program sa komunidad ng Brgy. Gargato noong Oktubre 1, 2024 na kasama ang Grace Cares, TLE Department, at WOLM Cadiz-North Outreach. lahat ng tumulong at sumuporta upang maging matagumapay ang outreach; ang ganitong proyekto ay simula pa lamang ng kanilang plano para sa mas malawak na pagtulong sa komunidad. Kasama ang mga volunteers at mga donors, patuloy silang mabibigay tulong sa mga nangangilangan.
Hinigaran, Negros OccidentalMga naglalakihang floats na ipinakita ang sari-saring mga karakter na mula sa libro at pelikula ay itinampok sa Parade of Floats 2024 na may temang “The Enchanted Adventure on Wheels” noong Disyembre 8 sa Hinigaran Public Plaza na kalahok ang iba't ibang paaralan mula District I at II sa buong bayan.
Naging matagumpay ang Cluster 1, na kinabibilangan ng mga paaralang
Don N.L. Gayares Elementary School, Don Esteban Jalandoni Elementary School, Calapi Elementary School, at Nasuli Elementary School, sa pagkuha ng Best Float Design na itinampok ang pelikulang “Barbie”.
Sinundan ito ng Cluster 2 (Linao ES, Candumarao ES, Aranda ES, at Ayala ES) na ibinida ang “Enchanted” sa ikalawang pwesto, at Narauis-Paticui ES na itinampok ang pelikulang “Mulan” sa ikatlong pwesto.
Ito ay hindi lamang isang kaganapang kinaaaliwan ng mga Hinigaranon kundi isang rin itong kumpetisyon sa pagkakaroon ng pinakamahusay na mga float, tema, karakter, at disenyo.
Ang Parade of Floats ay bahagi lamang ng maraming pagdiriwang na ginaganap sa bayan tuwing Disyembre tulad ng "Lights On 2024" at ang 32nd Agro-Industrial Fair.
KemuelJuneTad-y
BAYANIHAN. Lokal na pamahalaan ng Hinigaran, nagbigay ng tulong sa mga mamamayan ng Brgy. Gargato noong ika-1 ng Oktubre, 2024.
Gwyneth Faye Miraflores
Nagwagi ng parangal ang dalawang kinatawan ng Hinigaran National High School sa ginanap na Division Science and Technological Fair (DSTF) na idinaos sa Rafael B. Lacson Memorial High School sa Talisay City noong Oktubre 29 at 30, kung saan 17 na paaralan mula sa Dibisyon ng Negros Occidental ang nagtagisan sa kompetisyon.
Itinalaga bilang 2nd Place ang estudyanteng mananaliksik na si Philip Kurt Pastor, na hindi lamang nakamit ang prestihiyosong posisyon, kundi kinilala rin bilang Best Presenter sa kategoryang Life Science - Individual.
Ang kanyang pananaliksik ay pinamagatang “The Synergistic Effect of Oyster (Ostreidae) Shells and Saba Banana (Musa acumulata x balbisiana) as an Alternative Feed Additive for Broiler Chicken”.
Sa kabilang banda, nakamit naman ng isa pang estudyanteng mananaliksik, si Cheryan De La Cruz, ang 2nd Place sa Physical Science sa parehong kategorya na may pananaliksik na may pamagat na “Escherichia coli Microbial Fuel Cell: An Alternative Bioelectricity”. Sa ilalim ng gabay ng dalubhasang mananaliksik at tagapayo na si Erwin Samson, ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan sa larangan ng agham at pananaliksik, na nagbigay hindi lamang ng karangalan sa kanilang mga sarili, kundi pati na rin sa paaralan.
Ang tagumpay na ito ay isang makabuluhang hakbang patungo sa pagpapalawak ng kaalaman at kahusayan sa agham sa Hinigaran National High School.
MAKULAYNAPAGDIRIWANG. Mgamag-aaralmula saiba'tibangmgapaaralanngHinigaran,masayang diniriwangsataunanggunitakadaDisyembresa Hinigaran, NegrosOccidental
Iba’t ibang “Houses” nagtagisan sa
Herbert Jr. Subteniente
Naging matagumpay ang
mga mananayaw ng Hinigaran National High School sa pag-secure ng titulo ng pagiging kampeon sa kategoryang Folk Dance at Pop Dance sa kakatapos na Tourism Cultural Showdown na ginanap sa Hinigaran Gymnasium, Hinigaran noong ika-17 ng Oktubre.
Malakas na hiyawan mula sa mga manonood ang maririnig habang ang bawat paaralang sekondarya sa buong Hinigaran ay naglalaban-laban sa iba't ibang kategorya ng patimpalak sa nasabing kaganapan.
Itinampok ng HNHS Folk Dancers ang sayaw na “Regatones” na isang katutubong sayaw na mula sa Cadiz City, Negros Occidental na nagpapakita kung paano naglalakbay ang mga nagtitinda ng isda at nagbebenta ng kanilang mga paninda sa mga kababaihan.
Sumayaw naman ang mga HNHS Pop Dancers sa kantang “Liwanag sa Dilim” ng bandang Rivermaya na naka-ugat sa tema ng kompetisyon ngayong taon na tungkol sa kapayapaan. Ang kanilang mahusay na pag-indak ay humantong sa kanila upang ma-secure ang kanilang pagkapanalo. Ang mga mananayaw sa folk dance at pop dance ay nag-uwi ng premyong 12,000 at 15,000 pesos, ayon sa pagkakabanggit.
GRACE Review Program
Pinangasiwaan ang Libreng Campus Journalism Workshop sa HNHS
Leah Linas
kamalayan tungkol sa lokal
Ang kaganapan ay nagkaroon din ng isa pang kategorya ng patimpalak na “Composo”, kung saan kumanta ang mga kalahok ng isang awit na nagpapatingkad sa pagkakakilanlang pangkultura ng Hinigaran. Ang kaganapang ito ay parte ng isang linggong pagdiriwang ng “Linggo ng Kabataan, Tourism, and Boys & Girls Week 2024” na nagsimula mula Oktubre 14 hanggang 18. Pagkatapos ng ilang taong paghihintay mula ng pandemya, naibalik na sa wakas ng Local Government Unit (LGU) ng Hinigaran ang Tourism Cultural Showdown na naglalayong magtanim ng
Matagumpay na naisakatuparan ang GRACE Review Program noong Enero 22-23 sa E-Library ng Hinigaran National High School, kung saan nagbigay si SB Mart Gayares ng inspirasyon at gabay sa mga mamamahayag ng paaralan. Ang programang ito ay bahagi ng youth empowerment initiative ng lokal na pamahalaan sa ilalim nina Mayor Jose Nadie P. Arceo at Vice Mayor Mary Grace S. Arceo, ay naglalayong suportahan ang mga mag-aaral na sasabak
ALAY NG PUSO. Buong pusong ipinamalas ng isang mananayaw mula sa seksiyong Newton ang kanyang sigasig at husay, na naghatid sa kanila ng tagumpay.
Hinigaran, Negros Occidental— Puno ng kaba at pananabik ang paligid habang ang 21 seksyon mula Hinigaran National High School ang nagtipon-tipon sa Hinigaran Gymnasium para sa “Hinugyaw sa Saot” Festival Dance Competition nitong nakaraan Disyembre 11, 2024.
Nagmistulang isang buhay na obra maestra ang gymnasium habang binubuhay ng bawat grupo ang kanilang interpretasyon ng mga
sayaw na tampok ang ibat’ibang festival sa buong Negros Occidental.
Bagama't matindi ang kompetisyon, naramdaman ang diwa nga kasiyahan at pagkakaisa ng mga kalahok.
Sa huli, ang entry ng STEM 12Isaac Newton na tampok ang Pasaway sa Handurawan Festival ng lungsod ng Sipalay ang nangibabaw sa gitna ng 21 sekyon, ikalawa ang STEM 12-Galileo Galilei na isinayaw
ang Pasalamat Festival mula sa La Carlota, ikatlo ang HUMSS 12Confucius tampok ang Bailes De Luces ng La Castellana, ika-apat ang HUMSS 12-St. Anselm na ibinida ang Sidlak Kadalag-an Festival ng Victorias City, at ikalima naman ang ABM 12-JP Morgan na isinayaw ang Udyakan Festival ng Kabankalan.
Naging posible ang kaganapang ito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Hinigaran na
nagbigay ng premyo kung saan nakatanggap ang kampeon ng 7,000 pesos at consolation prizes naman sa iba
Ang taunang kompetisyong ito ay sa ilalim ng asignaturang Health Optimizing Physical Education 3 na naglalayong tulungan ang mga magaaral na palaguhin ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagtanim ng kamalayan tungkol sa mga lokal na kultura tulad ng mga festival dance.
50 Medley Relay, 100 Medley Relay, at 400 IM. Sinungkit din niya ang pilak sa 200 IM at 800 Free at tansong medalya naman sa 200 Fly at 100 Fly.
Umarangkada sa lagaslas ng tubig ang mga magagaling na atleta sa Swimming, matapos nilang sisirin ang mga kumikinang na mga medalya sa Victorias City Aquatic Center, Disyembre 18 at 19, Division Meet 2024.
Mabungang nilangoy nila papuntang Provincial Meet, nang iahon ang 20 ginto, 15 pilak at 5 tanso, sa kabuuang 36 na mga medalya ng Boys at Girls Swimming Secondary.
Sa ilalim ng gabay ni Coach Jinky P. Tomazar, pina-unlakan ng mga lalaki ang galing ng pag-sisid sa tubig. Nakakuha si Hezekiah Diligencia ng 6 na medalya sa
Samantala, si Earl Dean Fernandez, nagkaroon ng 7 medalya. Inuwi niya ang ginto sa 200 free, 50 Medley Relay, 200 IM at ninakaw ang pilak sa 50 Breast at 100 Breast, at tansong medalya naman sa 200 Breast.
Pinamunuan ni Godden Tomazar III ang ginto sa 200 Back, 50 Back, 50 Medley Relay at 100 Medley Relay. Nakakuha rin siya ng pilak na medalya sa 100 free.
Sa kabilang dako, sa mahusay na
paggabay ni Rudelene L. Bautista, ipinamalas naman ng mga babae ang natatanging galing sa larangan. Hinablot ni Gabby Baldevia ang 7 mga medalya. Sa 400 Free, 100 Back, 200 Breast, 400 IM at 800 Free, nakakuha ito ng ginto, habang sa 50 Medley at 100 Medley Relay ay sinungkit niya ang pilak.
6 na medalya ang naiuwi ni Ashriel Jibbely Gangoso, ginto sa 200 IM, pilak sa 50 Fly, 50 Medley Relay at 100 Medley Relay at tansong medalya naman sa 200 Breast at 100 Breast. Sa kahusayan ni Marvelous Paragsa, pinasikat ang ginto sa 200 Fly at 50 Free Relay, pilak sa 1500
Free, 200 Free, 800 Free, 400 IM at 100 Medley Relay.
Hindi magpapahuli sa lahat, si Andrea Geanga, nakalikom ito ng 4 na medalya. Tinayuan niya ang pilak sa 4×50 Medley Relay at isa pang 4×100 Medley Relay, at isang tansong medalya naman sa 50m Back.
Katatagan sa pakikipagsapalaran sa tubig ang naging susi ng koponan at mga tagapaggabay ng Hinigaran National High School upang makarating at maayos na irepresenta patungong Provincial Meet.
INDAYOG NG LAKAS. Chrys at Jayla, masiglang nagpakitang-gilas sa Dancesports Competition noong Disyembre 19, 2024, sa UNO-R Gymnasium, na nagbigaydaan sa kanilang tagumpay.
Janthea Rica Pacaonces
Matagumpay na naiuwi nina
Chrys Simon Nolido at Jayla Alexa Rusia ang limang gintong medalya sa Dancesports, Modern Standard Category sa Division Meet 2024 na ginanap sa University of Negros Occidental - Recoletos (UNO-R) Gymnasium, lungsod ng Bacolod noong Disyembre 19, 2024. Dahil sa kanilang husay at dedikasyon, nakamit nila ang unang pwesto at naipanalo ang lahat ng mga sumusunod na
kategorya: Slow Waltz, Tango, Viennese Waltz, Foxtrot, at Quick Step.
Janthea Rica Pacaonces
Nadepensahan ng Hinigaran
Naging parte rin ng kanilang tagumpay ang mahusay at matiyagang paggabay at pagturo nina Coach Penny Lane Paduhilao at Coach Jose Jeapee Canson.
National High School Aerobic Gymnastics Team ang titulo bilang mga kampeon sa Division Meet 2024 na ginanap noong Disyembre 19,
Nagliliyab na mga galawan ang ipinamalas sa madla ng Hinigaran
Iannah Avril P. Argel ang isa pang gintong medalya. Nadagdagan pa muli ang gintong medalya nang sumali sa kanila si Arwill O. Opeda sa Trio Category. Matagumpay nilang
Naipatunayan muli nila ang kanilang kahusayan at katatagan na kanilang ipapamalas at ipapakita rin sa paparating na Provincial Meet.
National High School (HNHS), Taekwondo Team, matapos pitasin ang mga nagniningning na mga medalya sa Division meet 2024, ika20 ng Disyembre, sa Gaisano City Mall, Singcang, lungsod ng Bacolod. Napasakamay nina Kian Lyle
medalya, habang si Noli Fernandez ay ipinasikat ang pilak na medalya, bunga ng pagsisikap sa gabay nina Coach Kristelle Faith Norbe at Coach Erwel Monteneo.
Langreo at Val Lawrence Tribugenia ang mga maririkit na gintong
Sa kabilang dako, matagumpay na nakamit ni Jana Pasco ang silak ng gintong medalya, sa mahusay namang pamamahal nina Coach Myza Mae Pineda at Coach Agnes Salusa.
Puspusang pag-eensayo ang naging susi dulot ng pagkawagi. Isang karangalan sa mga atleta at tagapaggabay, lalo na sa paaralan ng HNHS, ang kanilang determinasayon at pagpupursigi. Hinding-hindi uurong ang Taekwondo Team, dahil muli silang sasabak at magpapaunlak ng galing sa darating na Provincial Meet.
Gee Ann Gerogalin Editor-in-Chief
Kemuel June Tad-y
Associate Editor
Herbert Subteniente
Managing Editor
Erwilma Joy Purol
Circulation Editor
Gwyneth Faye Miraflores News Editor
Izyl Shane Melleza
Opinion Editor
Eljein Nonato
Sports Editor
Janthea Rica Pacaonces Literary Editor
Staff Writers
Jerielyn Gepty
Farah Ashley Libo-on
Leah Linas
Rochelle Reign Gabas
Monique Nuñal
Ronmarc Ace Geraya
Arli Cyriech Lemoncito
Gwyneth Faye Miraflores
Marfhine Arcenas
Bea Golez
Jessica De La Pieza Adviser
Norelyn Aligata Co-adviser
Georgie Enrile Co-adviser
Dandy Siscar Co-adviser
IPARINIG. IPAHIWATIG. MAGING ANG TINIG.
Sa kasalukuyang panahon, ang pagpasok sa tinatawag na politika ay masasabing trabahong napakadaling gawin, lalo na sa mga taong may sikat na pagkakakilanlan sa industriya. Sa pagtaas ng bilang ng mga tanyag na personalidad na gustong tumahak sa mundo ng politika, kaliwa't kanan ang diskusyon at usapang nagpapahiwatig ng positibo at negatibong panig. Husto lang ba na ang mga sikat na personalidad ay sumasali sa politika? May puso ba talaga silang tumulong o ang nais lamang ay mas maging tanyag?
May mga taong mas kwalipikadong mamuno at mas mapagkakatiwalaan sa mga responsibilidad, ngunit sila'y nawawalan ng pagkakataon at nagkakaroon ng maliit na pagasa dahil tila mas madali para sa mga taong tanyag na pumasok sa nasabing larangan. Bihira sa mga taong hihingan mo ng pahayag ang magsasabing walang masama sa pagpasok ng mga sikat na tao sa politika, karamihan at halos lahat sa kanila ay iisipin na ang mga taong ito ay walang sapat na kakayahang manguna sa mga tao at ang hangad lamang ay ang benepisyong makukuha nila kapag sila'y magiging ganap nang parte ng gobyerno.
Batay sa Konstitusyon, para sa matataas na posisyon sa gobyerno, kinakailangan lamang nilang maging ganap na 35 taong gulang upang maging senador at 40 taong gulang naman para sa pagkapangulo. At saka, kinakailangan ding isa silang rehistradong botante na nakatira sa bansa ng dalawang taon upang maging isang bahagi ng Senado at sampung taon naman kapag gustong maging pangulo. Kaakibat ng hindi gaanong istriktong pamantayan sa pagtungtong sa liderato ng bansa ay ang pangangambang makakapagpatakbo ang kahit sino nang hindi man lang isinasaalang-alang kung sila ay may sapat na kakayahan at kabatiran sa mga napakahalagang responsibilidad na ito.
Maaaring sabihin na hindi naman lahat ay may
masamang intensyon at maruming isipan, mayroon ring mga taong nagpapakatotoo at hangad lamang tumulong sa pagpapaunlad ng Ang pagiging isang lider ay hindi lamang tungkol sa posisyon o titulo, ito'y may kaakibat na responsibilidad at sakripisyo. Kaya naman, dapat suriin at kilatising mabuti ng bawat Pilipino ang mga taong dapat ihalal sa gobyerno, dahil hindi lahat ng taong may gustong maging parte nito ay may dalisay at mabuting hangarin, mayroon talagang ang nais lang ay ang dangal at palakpak ng tao. Ang bawat tatak ng tinta sa balota ay makapangyarihan, kaya dapat hindi ito nakabatay sa katanyagan ng pangalan bagkus sa mga taong may totoong pagmamalasakit at hangaring maglingkod sa bansang minamahal. Ang pagiging isang lider ay hindi lamang tungkol sa posisyon o titulo, ito'y may kaakibat na responsibilidad at sakripisyo. Kaya naman, dapat suriin at kilatising mabuti ng bawat Pilipino ang mga taong dapat ihalal sa gobyerno, dahil hindi lahat ng taong may gustong maging parte nito ay may dalisay at mabuting hangarin, mayroon talagang ang nais lang ay ang dangal at palakpak ng tao. Ang bawat tatak ng tinta sa balota ay makapangyarihan, kaya dapat hindi ito nakabatay sa katanyagan ng pangalan bagkus sa mga taong may totoong pagmamalasakit at hangaring maglingkod sa bansang minamahal.
Krisis sa PhilHealth: Karapatan ng Sambayanan, dapat ipaglaban
Isa sa mga pinakamalaking hamon na kinakaharap ng bawat Pilipino araw-araw ay ang suliraning pangkalusugan. Bilang tugon, ang PhilHealth ay naging mahalagang programa para sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan. Gayunpaman, ikinabahala ng maraming Pilipino ang kumpirmasyon na walang matatanggap na bagong pondo o budget ang PhilHealth sa taong 2025.
Bagamat sinabi ng Department of Health Secretary, Teodoro Herbosa, na sapat ang 150 bilyong pisong budget mula 2024 upang masakop ang mga gastusin ng mga miyembro, ang pagkawala ng karagdagang pondo ay nagdulot ng pangamba. Ano nga ba ang magiging epekto nito sa milyonmilyong Pilipinong umaasa sa programa? Posible bang magkaroon ng pagbabago sa kalidad at saklaw ng mga serbisyong ibinibigay?
Maaaring hindi direktang maramdaman ng mga miyembro ang kakulangan sa pondo sa kasalukuyan, ngunit hindi maikakaila na ang pagkawala ng subsidyo ay maaaring magdulot ng pagbabago sa mga prioridad ng gobyerno. Kung magiging limitado ang pondo, posibleng maapektohan ang pagbibigay ng suporta, tulad ng pagbabayad sa mga ospital, coverage ng mga nay sakit, at iba pang benepisyo. Ito ay malaking dagok para sa mga benepisyaryong umaasa sa PhilHealth upang mabawasan ang kanilang bayarin sa kalusugan.
Bilang responsableng miyembro ng lipunan, mahalagang bigyan ng pansin at aksyunan ang usaping ito.
Nakakabighaning pagmasdan ang Bulkang Kanlaon na nagsisilbing tanawin at pook pampasyalan hindi lamang ng mga Negrense kundi pati na rin ng mga dayuhang turista. Ngunit ano kaya ang mangyayari kung ang bulkang dati'y nakakabighani't namamahinga, ay magiging dahilan sa pagkawasak sa pamumuhay ng mga Negrosanon at magdudulot sa kanila ng pinsala?
Noong nakaraang taong 2024, nagalburuto ang aktibong Bulkang Kanlaon na nagdulot ng pagkabalisa sa mga Negrense. Nitong mga nakaraang araw, sunod-sunod pa rin ang mga babala ng NDRRMC hinggil sa mga panganib na dala nito. Ang pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon ay nagdulot ng
pag-alburuto ng Bulkang Kanlaon. Unang-una, sa kadahilanang nakasira ito ng kanilang mga pamumuhay at pangunahing pinagkukunan ng kanilang mga pangangailangan. Labis ang pagkadismaya ng mga magsasakang Negrense dahil napuno na ng abo mula sa bulkan ang kanilang mga pananim at alam kong hindi na nila ito maisasalba at mapapakinabangan pa. Ang Bulkang Kanlaon ay bumubuga ng abo na may kasamang sulfur dioxide kaya't nagiging limitado na ang ibang mga gawain dahil sa banta ng ashfall sa kalusugan ng nakararami. Sa abiso ng Department of Health (DOH), ang ashfall ay nakapagdudulot ng masama sa kalusugan, Hindi lamang ang mga residente at magsasaka ang naapektuhan, kundi pati na rin ang sektor ng turismo. Ang Bulkang Kanlaon ay isang kilalang destinasyon para sa mga turista, at ang patuloy na pagbuga ng delikadong abo ng bulkan ay nagdulot ng takot sa mga turista at manlalakbay. Ang aktibidad ng bulkan ay nagresulta rin sa pagbaba ng bilang ng mga turistang bumibisita, na nagdulot ng malaking epekto sa lokal na ekonomiya ng mga lugar na malapit sa bulkan, lalo na sa mga hotel at negosyo na umaasa sa turismo. Kung ako ang magsisilbing turista, hindi ko kayang ilagay sa kapahamakan ang aking sarili at bumisita sa lugar. Ikaw rin, hindi ba?
Kailangang marinig ang boses ng sambayanan upang tiyak na ang programa ay magpapatuloy na maging maaasahan. Sa halip na balewalain ang isyu, dapat tayong magkaisa upang himukin ang pamahalaan na magpatupad ng konkretong hakbang upang mapanatili ang pantay na tulong para sa lahat.
Ang PhilHealth ay hindi lamang tungkol sa suporta sa kalusugan kundi simbolo rin ng pananagutan ng gobyerno sa kanyang mamamayan. Sa harap ng hamong ito, kailangang siguruhin ng pamahalaan na hindi mababawasan ang kalidad ng serbisyong ibinibigay. Kasama rito ang malinaw na plano para sa pondo, mas mahigpit na aninag sa paggastos, at bukas na konsultasyon sa mga kasapi.
Ang kalusugan ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyo. Sa pagkawala ng karagdagang pondo para sa PhilHealth, dapat maging alerto ang bawat Pilipino sa mga posibleng epekto nito. Sa tulong ng isang sama-samang paninindigan at aktibong pakikilahok, mapapanatili natin ang isang programang naglalayong magbigay ng pantay na tulong at suporta sa bawat Pilipino.
Ang ashfall mula sa bulkan ay nakaabot na hindi lamang sa mga kalapit na lugar sa Negros, kundi pati na rin sa isla ng Panay. Para sa akin, kung patuloy pa rin ang pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon, magdudulot din ito ng malalang pinsala sa kalikasan. Ang pag-aapura ng ashfall at lahar ay maaaring magdulot ng pagbaha at pagkasira ng mga kalapit na ilog at mga taniman, at ang polusyon mula sa sulfur dioxide ay maaaring magdulot ng mahabaang epekto sa ekosistema at mga kalapit nitong lugar.
Upang matugunan ang mga hamong dulot ng bulkan, kung ako ang tatanungin, kinakailangan talaga ng Gobyerno ang pag-aayos at pagbibigay ng suporta sa mga naapektuhang mamamayan. Ang mga magsasakang naapektuhan ay nararapat lang na tulungan upang sila'y makabangon mula sa pagkawala ng kanilang mga ani at pangkabuhayan. Sa sektor naman ng turismo, maaaring palakasin pa ang mga kampanya sa pagbalik loob ng mga turista. Kinakailangan nila ng mga alternatibong atraksyon at mga pamamaraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga dayuhan habang binabantayan ang aktibidad ng bulkan.
Gayunpaman, nararapat lamang na magpatuloy ang mga hakbang sa pagsasanay at edukasyon hinggil sa mga hakbang sa kaligtasan, tulad ng mga evacuation plan at paghahanda sa kalusugan laban sa ashfall upang masigurado ang kaligtasan ng taumbayan.
Sa ating paaralan, umabot na sa nakababahalang antas ang problema sa plastik na basura. Araw-araw, tumatapon ang mga estudyante ng napakaraming pang-isahang gamit na plastic water bottles, na nagdudulot ng lumalaking krisis sa kapaligiran. Ang ganitong ugali ay hindi lamang simpleng nakasanayan; isa rin itong pagkukulang sa pagkilala sa pangmatagalang epekto natin sa planeta. Panahon na para tayo’y maging responsable at magpalit sa paggamit ng tumblers, hindi lamang upang mabawasan ang plastik na basura, kundi para patunayan ang ating pangako sa pagpapanatili ng ating kapaligiran, lalo na sa National Zero Waste Month ngayong Enero. Maraming plastik na basura sa ating paaralan ay talagang nakakagulat. Ayon sa isang publikasyon, ForgeWaste, umaabot ng higit sa 450 taon bago matunaw ang plastik na bote sa mga agsaman. Ang mga plastik na bote na tinatapon sa ating paaralan ay hindi basta-basta nawawala at mananatili ang mga ito sa ating kapaligiran, dahandahang itong naglalabas ng nakasasamang kemikal sa lupa at tubig. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong gawi, ang ating paaralan ay magiging repleksyon ng mas malaking global na problema, kung saan ang polusyon mula sa plastik ay sumisira sa mga ecosystems at nagdudulot ng pagkagambala sa kalikasan. Bilang mga estudyante, aktibo tayong nakikibahagi sa kalamidad na ito sa tuwing pinipili natin ang kaginhawaan ng paggamit disposable na bote keysa sa tumbler.
Ngunit paano naman ang mga hakbang na sinasabing ginagawa natin para sa pagpapanatili ng ating kapaligiran? Ang Enero ay ang National Zero Waste Month, isang panahon kung kailan dapat nating bigyan ng kamalayan ang ating mga pangako sa pagbabawas ng basura. May mga pagsusumikap ang ating paaralan, tulad ng paghimok na itapon ang mga plastik na bote sa mga sako bag at pag-organisa ng mga clean-up events. Ngunit, ito ay mga temporaryong solusyon kung tayo'y mananatili pa rin gumagamit ng plastik na bote, hindi ba natin sinisira ang layunin ng mga inisyatibang ito?
Ang paggamit ng disposable na plastik habang sinasabing sinusuportahan natin ang mga adbokasiya para sa kalikasan ay isang anyo ng pagkukunwari, at panahon na upang kumilos tayo nang may integridad. Ang konsepto ng National Zero Waste Month ay hindi dapat puro salita lamang tungkol sa epekto; dapat nating gawing layunin ang pagbabawas ng paggamit ng plastik na bote bilang unang hakbang. Isipin natin ang malaking pagbabago kung tayo ay gagamit ng tumblers. Hindi lamang nito lubos na mababawasan ang basura, kundi magsisilbi rin itong pang araw-araw na paalala na ang maliliit na pagbabago ay maaaring magkaroon ng mas malaking epekto sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng paglipat sa tumblers, lubos nating mababawasan ang plastik na basurang nalilikha araw-araw, at sa paglipas ng panahon, magiging malaki ang resulta nito. Halimbawa, kung ang bawat estudyante sa ating paaralan ay gagamit ng tumbler keysa sa plastik na bote, maiiwasan nating maitapon ang daan-daang libong plastik na bote bawat taon. Bukod dito, mas matipid ang tumblers sa mahabang panahon. Sa halip na bumili ng plastik na bote araw-araw, ang kailangan lamang ay mag-invest sa matibay na tumbler, makakatipid ka na at makakatulong pa sa planeta. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang desisyon para sa kapaligiran, ito rin ay repleksyon ng ating mga pagpapahalaga bilang isang komunidad. Kung tunay nating pinahahalagahan ang ating kalikasan, dapat nating tanungin ang ating mga sarili kung ang ating mga aksyon ay umaayon sa ating mga salita. Ang isyung ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapanatiling malinis ang ating paaralan, ito ay tungkol sa pagtataguyod ng kultura ng responsibilidad at respeto para sa planetang mamanahin ng mga susunod na henerasyon.
Dati, palagi akong bumibili ng plastic water bottles dahil pakiramdam ko’y abala ang magdala ng tumbler. Ngunit isang araw, nung ako'y nagtapon ng basura, nakita ko ang tambaktambak ng plastik na basura sa ating paaralan, at napaisip ako kung paano ko ito mababawasan.
Dahil dito, napagtanto ko na gumamit na lang ng tumbler, naisip ko rin na makakatipid ako sa pera at magre-refill na lang sa kantina kaysa bumili ng plastik na bote palagi.
Sa kasalukuyang panahon, halos bawat silidaralan sa ating paaralan ay may water dispenser, kaya napakadali nang mag-refill ng tumbler. Kaya’t bakit ka pa bibili ng plastic water bottles kung may mas madali at mas maayos na opsyon? Ang simpleng aksyong ito ay naging bahagi na ng aking pang-araw-araw na gawain, at naniniwala akong kaya rin itong gawin ng bawat isa sa atin. Panahon na para sa ating paaralan na gumawa ng hakbang sa ating mga pangkapaligirang pagsusumikap sa pamamagitan ng pagbabawal sa plastic water bottles at pagtangkilik sa tumblers. Hindi lamang natin mababawasan ang basura at makakatulong sa laban kontra polusyon sa plastik, kundi ipapakita rin natin ang tunay na pangako sa sustenabilidad ngayong National Zero Waste Month. Ang simpleng aksyong ito ay maaaring magbigay ng makapangyarihang halimbawa para sa ibang paaralan at komunidad na nagpapakita na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Huwag tayong manatili sa salita lang tungkol sa sustenabilidad, isabuhay natin ito!
Ang paggamit ng disposable na plastik habang sinasabing sinusuportahan natin ang mga adbokasiya para sa kalikasan ay isang anyo ng pagkukunwari, at panahon na upang kumilos tayo nang may integridad.
siningni LuiJaneDarantinao
Hakbang Patungo sa Pagpapabuti o Panganib sa Kulturang Filipino?
Kemuel June Tad-y
Ang patuloy na pagtaas ng teenage pregnancy sa Pilipinas ay isang seryosong isyu na nagdudulot ng matinding hamon sa ating mga kabataan. Ang Senate Bill 1979, o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act na pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros, ay naglalayong tugunan ito sa pamamagitan ng komprehensibong edukasyon sa kalusugan at reproductive health. Gayunpaman, may mga konserbatibong grupo na nag-aalala sa Comprehensive Sexuality Education (CSE) na bahagi ng bill, na itinuturing nilang isang banta sa mga tradisyunal na pagpapahalaga.
Wala talagang Wisdom yung mga Politikong hindi Maka-Diyos.” ani ng isang netizen, ngunit mahirap ding isisi lahat sa kanila ang responsibilidad ng isyung ito. Ang mga kabataan, bilang mga “Pagasa ng Bayan,” ay may karapatan sa tamang kaalaman na makakatulong sa kanilang paghubog sa
Kemuel June Tad-y
Sa kasalukuyang panahon, kapansin-pansin na tila mas maraming kabataan sa Pilipinas ang mas interesadong gamitin ang wikang Ingles kaysa sa sariling wikang Filipino. Oo, mahalaga ang Ingles sa globalisasyon at sa tagumpay sa pandaigdigang laban. Ngunit, tanong ko sa inyo aking mga kapwang kabataan, ano ang halaga ng tagumpay kung nawawala ang ating pagkakakilanlan?
Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon; ito ang ugat ng ating kultura at kasaysayan. Sa bawat salitang Filipino, may dalang kuwento ng ating mga ninuno, ng kanilang pakikibaka, at ng kanilang pagmamahal sa ating bayan. Ngunit bakit tila unti-unti natin itong kinakalimutan? Bakit mas pinipili nating yakapin ang wikang banyaga kaysa sa sariling atin?
Hindi masama ang matuto ng Ingles. Sa katunayan, ito’y mahalaga sa modernong mundo. Pero ang masakit ay ang pagkakalimot sa Filipino. Hindi ba’t nakakatakot isipin na sa hinaharap, ang ating wika ay magiging bahagi na lamang ng nakaraan? Tayo'y nagiging estranghero sa ating sariling bayan dahil hindi
na natin nauunawaan ang ating kakinanglan na wika.
Sabi nga ni Jose P. Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Tayo ang tagapagmana ng wikang Filipino. Kung tayo mismo ang hindi magmamahal at gagamit nito, sino pa? Huwag nating hayaang ito’y maglaho. Huwag nating hayaang mawalay ang ating wika sa ating puso.
Panahon na para ipakita na ang pagmamahal sa sariling wika ay hindi hadlang sa tagumpay kundi isang tanda ng ating pagkatao. Gamitin natin ang wikang Filipino sa mga usapan, sa mga talakayan, at sa mga sulatin. Itaas natin ang antas ng wika sa modernong mundo.
Mga kabataan, mahalaga ang Ingles, pero huwag nating kalimutan ang ating ugat. Ang pagmamahal sa wikang Filipino ay pagmamahal sa bayan. Ibalik natin ang dangal ng ating wika. Tayo ang magsisimula ng pagbabago. Tayo ang magiging boses ng bagong henerasyon na marunong magmahal at magmalasakit sa sariling atin.
tamang desisyon. Hindi lahat ng kabataan ay may sapat na gabay mula sa pamilya o komunidad kaya’t nararapat lamang na maging bahagi ng kanilang edukasyon ang mga usaping may kinalaman sa kalusugan, relasyon, at responsibilidad.
Ngunit mas makatarungan bang hayaan ang mga kabataan na magdesisyon nang walang sapat na kaalaman, kaysa bigyan sila ng edukasyon na makatutulong sa kanilang mga desisyon sa buhay? Ang mga kabataan ay nagsisimulang magtanong at mag-explore sa kanilang katawan sa isang napakabata nilang edad, at kailangan nila ng gabay upang maiwasan ang mga panganib ng maagang pagbubuntis.
Ang tamang impormasyon ay hindi magtutulak sa kabataan sa maling gawain, kundi magsisilbing proteksyon at gabay upang makapagdesisyon sila nang tama. Ang edukasyon sa reproductive health ay hindi labag sa kultura; ito ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag at ligtas na kinabukasan para sa ating kabataan. Panahon na para suportahan ang edukasyong ito at itaguyod ang responsableng henerasyon ng kabataang Pilipino.
Makatarungan bang hayaan ang mga kabataan na magdesisyon nang walang sapat na kaalaman, kaysa bigyan sila ng edukasyon na makatutulong sa kanilang buhay?
Inspirasyonal at nakakamangha ang bawat segundo ng pelikula, inuukit ang salitang "Pag-asa" at "pananampalataya" sa bawat puso ng madla. Isang kwento na nagbigay pag-asa sa bawat batang may pangarap at pananampalataya.
Marami ang ibunuhos ng seksiyon ng Victor Hugo para lamang maipalabas ang "Panuaron". Pera, oras at talento ang nagsilbing pintura para maipinta ang pelikula sa kung ano ito ngayon kaganda.
Ang "Panuaron" ay isang maikling palabas na isinulat nina Althea Faith Gayondato at Andrea Beatx Galimba, mga estudyante ng Grade 11-Victor Hugo batch 2023-2024 ng Hinigaran National High School.
Bilang mga mag-aaral ang tanging nais ay makamit ang mataas na marka para
Si Althea Faith at Andrea Beatx ang mga direktor ng palabas, sila ang naging ugat para mabigyan ng buhay ang ideya, na sa tulong ng buong seksiyon ay nabigyan ng
Cinegaran Film Festival, at nakatanggap ng pagkilala bilang "Most Engaging Poster" at
Film Festival noong Disyembre 06 2024 sa
responsibilidad para sa
KAGANDAHAN SA AGHAM. Mga mag-aaral mula sa seksiyong Galilei, kinoronahan bilang Mr. and Ms. Earth, hinangaan hindi lamang sa kanilang talino at karisma kundi pati sa dedikasyon nila sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
marka, sino ang mag-aakalang magiging daan ito para bigyang buhay ang isang kwento na bibihag sa pananampalataya ng nakararami. May kaba yan ang sabi nila, ngunit nagwagi parin ang kagustuhang maikwento sa iba ang sigaw ng mga puso sa madla. Marami ang kwento na nasa ating mga puso, nais nating mailahad ang mga ito, ngunit kung hindi natin bibigyan ng oras at puso, kung hindi natin pagsisika -pan para mabigyang buhay ang mga ito, mananatili lamang itong mga kwento.
At para kina Althea Gayon -dato at Andrea Beatx Ga -limba, ang kwentong iyon ay nabigyang buhay sa pamamagitan ng isang opportunindad, ang
Ang Departamento ng Agham ng Hinigaran National High School ay pinamunuan ang isang patimpalak para sa mga mag - aaral na nagtataguyod ng katatagan at kamalayan sa kapaligiran. Ang kaganapan ay pinagsama - sama ang kagandahan at isang malakas na mensahe ng pangangalaga sa kapaligiran. Sina Samuel P. Sandel at Ashley Bernadette F. Bereña ay inihayag bilang Mr. at Ms. Earth HNHS 2024, na parehong nakamit ang dalawang korona. Ang paligsahan ay naganap noong Oktubre 10, 2024, na binubuo ng 7 lalaki at 22 babae na 'eco-conscious' na mga kalahok.
Ang paligsahan ay nagsimula sa pagrampa ng mga kalahok o tinatawag na production number. Ang entablado ay maayos na nilinawan upang i-highlight ang hitsura ng mga kalahok. Lahat sila ay nagkaroon ng pagkakataon na ipakita sa lahat at ipakilala ang kanilang sarili. Bawat isa sa 7 lalaking at 22 babaeng kalahok ay lumabas nang may kumpiyansa, ang kanilang mga ngiti ay nagniningning.
Ang production number ay puno ng sigaw at hiyawan ng mga manonood habang ang mga kalahok ay nakikipag-ugnayan sa kanila. Ang segment na production number ay matagumpay na napanalunan ni Ben David Zayco sa lalaki at Reana Angela Norbe sa babae, sila ay binigyan ng parangal na 'Best in Production'. Ang kanilang tindig ay nagbigay ng goosebumps sa mga manunuod.
Sumunod ang segment kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang mga video advocacies. Bawat isa ay naghain ng isang maikling video na naglalahad ng kanilang napiling isyu sa kapaligiran at ang kanilang mga mungkahi para sa solusyon. Pinagaralan ng mga hurado ang nilalaman, ang pagka-epektibo ng presentasyon, at ang kabuuang mensahe ng bawat video. Nagsilbi itong plataporma upang higit na mapaunlad ang kamalayan sa mga suliranin sa kapaligiran at hikayatin ang mga manonood na maging bahagi ng solusyon.
Ang advocacy ni Herbert T. Subteninente Jr. at Kish Anne B. Dolo ang namayagpag at tumatak sa isipan ng mga manunuod. Ayon kay Herbert, ay ang mga coral reefs ay nanganganib dahil sa gawain ng mga tao. Upang mailigtas natin ang ating mga coral reefs, dapat palakasin ang mga batas ukol dito. #SaveOurCorals. Sa advocacy ni Kish Ann, pinakita nito ang kahalagahan ng pagre-recycle. Ang mga Floaters—ito ay isang epektibong solusiyon kung saan gumamit ang mga mangingisda ng mga plastic bottles. Ang mga plastic bottles ay pinagsama-sama sa isang net bag upsng makagawa ng epektibong floaters upang makatulong sa mga mangingisda para makakuha ng mas maraming isda.
Pagkatapos ng showcasing of advocacies, ang excitement ay nagpatuloy sa EcoWear segment. Dito binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na ipakita ang kanilang pagka-creative sa pamamagitan ng pagsuot ng mga kasuotan gamit ang mga recycled na materials tulad ng plastics, compact disc, atbp. Bawat kasuotan ay naghatid ng malalim na mensahe kung gaano ka importante ang pagre-recycle.
Sa segment na ito, dinaig ni Ron Christian B. Naciongayo at Angel Ruth Itona ang kanilang mga kapwa-kalahok sa kanilang pagka-panalo sa “Best In Eco-Wear”. Napahiyaw ang mga manunuod sa kasuotan ni Ron Christian, sa kaniyang itim na suit na puno ng mga maliliwanag at nagniningningang mga palamuti. Kasama rito ang avantgarde gown ni Angel Ruth na mas ipinaganda gamit ang mga lumang compact disc.
Sunod ng mga kahanga-hangang pagpakita ng mga kalahok ng kanilang mga kasuotan, sinundan ito ng Picture Analysis Segment. Dito, ang mga kalahok ay binigyan ng mga litrato na nagpalakita ng mga environmental problems na may numero bawat isa. sila ay pinabunot ng numero isa-isa at binigyan ng isang minuto upang ilarawan ang litrato.
Dito namayagpag ang mga pagkapanalong mga sagot nina si Samuel P. Sandel at Ashley Bernadette F. Bereña. Sa sagot ni Samuel, dapat tayong mga tao ay kumilos upang protektahan ang ating mundo. Ika nga niya “Our micro efforts will have macro effects”. Sa kabilang panig, ang sagot naman ni Ashley Bernadette ay ang paghihikayat niya ang mga lungsod na supportahan ang mga aksiyon tungo sa mas sustinableng mga lungsod. Inilahad niya tungkol sa kahalagahan ng mga community garden sa mga urban areas para sa mas malusog at mas berdeng lungsod.
Sa wakas, ang pinakahihintay na awarding ceremony ay naganap. Matapos ang masusing pagsusuri ng mga hurado, inihayag ang mga nanalo sa iba't ibang kategorya, kabilang na ang mga special awards. Sa gitna ng masigabong palakpakan, sina Samuel P. Sandel at Ashley Bernadette F. Bereña ang kinoronahan bilang Mr. at Ms. Earth HNHS 2024, ayon sa pagkakasunod. Isang tagumpay ang pagtatapos ng paligsahan, na nagpapakita ng dedikasyon at pagmamahal sa kalikasan ng mga kalahok.
Kemuel June Tad-y
KemuelJuneTad-y
BARYA LANG PO SA UMAGA. Mga tsuper ng HNHS na maagang gumigising para sa barya na tumataguyod ng kani-kanilang nga pamilya, Hinigaran, Negros Occidental.
Kemuel June C. Tad-y
Sa bawat pagsikat ng araw sa Hinigaran, tila may mga bayani na agad na sumasalubong sa hamon ng araw-araw. Sila ang mga
"Tsuperman" ng Hinigaran National High School (HNHS), ang mga tricycle driver na walang sawang naghahatid ng mga estudyante sa kanilang patutunguhan, habang pasan ang bigat ng buhay upang maitaguyod ang kanilang mga pamilya.
Ang kanilang araw ay nagsisimula sa madaling araw, hinahabol ang unang biyahe habang naglalaban sa lamig ng umaga. Ngunit sa pag-init ng araw, kasabay nito ang init ng hamon na kanilang pinagdaraanan.
Tinitiis nila ang nakakapasong init ng araw habang nagmamaneho sa maalikabok o maputik na kalsada, ang ingay ng makina, at ang paglakas buhos ng ulan. Kahit na ang kanilang kinikita mula sa pamasahe ng estudyante, karaniwang barya lamang, ay tila maliit, ito ang nagsisilbing kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
Para sa karamihan ng mga tsuper ng HNHS, ang bawat estudyanteng sumasakay sa kanilang tricycle ay tila isang hakbang patungo sa kanilang layuning maitaguyod ang kani-kanilang mga pamilya.
Adelante! Ang Hinigaran NHS Sepak Takraw Team ay muling nagwagi, tinatapatan ang kompetisyon, at naging Kampeon sa Cluster V Athletic Meet 2024.
Muling nagpakitang-gilas ang Hinigaran National High School Sepak Takraw Team, sa ilalim ng gabay nina Coach Florentino Fontiveros at Coach Ronald Santillan, ipinamalas ng mga manlalaro ng HNHS ang kanilang pambihirang galing at dimatatawarang pagtutulungan.Sila ay tinanghal na Back-to-Back Champion sa Cluster V Athletic Meet 2024. Ipinagmamalaki ng Hinigaran National High School ang kanilang mga tagumpay at pagsusumikap sa muling pagkapanalo ngayung 2024. Ang sipa at takraw o mas kilala sa mga Pilipino na Sepak Takraw ay isa sa mga sikat na laro na kabilang sa Timog Silangang Asya. Halos bawat bansa na naglaro ng larong ito ay may iba't-ibang tawag dito. Sa Malaysia, Singapore, at Brunei, tinatawag itong "Sepak Raga", samantala sa Thailand karaniwang kilala ito bilang "Takraw". Ang parehong laro ay tinatawag na “Da cau" sa Vietnam, "Rago" sa Indonesia, at "Kator"sa Laos. Patungo sa katayuan bilang isang larong pang-Olympics,
ang Sepak Takraw ay isa sa pinakamabilis na lumalagong isport sa Asia, pati na rin sa iba pang bahagi ng mundo. Ang mga pag-ikot ng katawan,at ang nakakasilaw na bilis ng laro ay nag-iiwan ng paghanga sa mga manonood sa buong mundo.
Sa isang panayam kay Rainkyle Salvatona,ang team captain ng Hinigaran National High School Sepak Takraw Team, ika niya na sa kanya ang larong ito ay hindi lamang isang isport kundi ito na rin ang kanyang kaligayahan. Bilang kapitan ng koponan, hindi ito madali sa likod ng tapang at pamumuno ay isang kapitan na may nararamdamang siyang pressure na baka matalo ang kanyang koponan. Binago ng Sepak Takraw ang kaniyang buhay kung wala ito, hindi niya mararanasan ang kaligayahan. Binigyan siya ng Sepak Takraw ng karanasan bilang isang atleta. Isang malaking bahagi ito ng kaniyang buhay at huli, ang paglalaro ng ganitong klaseng isport ay tumutulong ito sa kanya na kalimutan ang lahat ng kanyang mga problema.
Sa kabila ng mga matitinding kalaban, muling ipinamalas ng Hinigaran NHS Sepak Takraw Team ang kanilang galing at disiplina. Bawat set at bawat laro ay nagsilbing patunay ng kanilang pagtutulungan bilang isang koponan at ng
Ang barya-baryang pamasahe ay nagiging bigas sa hapag-kainan, baon ng kanilang mga anak, o pambili ng gamot kung kinakailangan. Bagama't maliit ang kita, hindi nila pinapansin ang pagod dahil alam nilang mahalaga ang kanilang papel sa komunidad. Ngunit hindi rin nawawala ang kanilang pangarap. Sa kabila ng mga pagsubok, marami sa kanila ang naglalayon ng mas magandang kinabukasan—hindi lamang para sa kanilang mga anak, kundi pati na rin para sa kanilang sarili. May ilan na umaasang makaipon para sa ibang kabuhayan balang araw.
Ang mga "tsuperman" ng Hinigaran National High School ay hindi lamang tagahatid; sila ay inspirasyon. Ang kanilang sipag at tiyaga ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan, ang pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba. Bagama't tila ordinaryo lamang ang kanilang araw-araw na gawain, sila ang patunay na sa bawat maliit na bagay ay may malaking halaga.
kanilang walang sawang pagsusumikap upang mapanatili ang kanilang titulo. Hindi lang basta panalo ang kanilang naabot, kundi isang makapangyarihang pahayag ng dedikasyon,sipag, at mahusay na teamwork na nagbigay sa kanila ng tagumpay.
Sa kabuuan,ang Sepak Takraw ay isang kakaibang at kapana-panabik na isport na patuloy na lumalago hindi lamang sa Asia kundi pati na rin sa iba pang bahagi ng mundo. Ang larong ito ay, may matinding kultura at kasaysayan sa Timog-Silangang Asya,na patuloy na umuunlad at nagiging simbolo ng pagkakaisa, lakas,at kasiyahan sa mga atleta tulad ni Salvatona, na nagpapakita na sa bawat sipa, hindi lamang tagumpay ang kanilang
TAGUMPAY SA PANALANGIN. Mga manlalaro nang Sepaktakraw mula sa HNHS, muling matagumpay na nasungkit ang gintong medalya, Division meet 2024.
Sa tahimik
Ikalawa mula sa 37 na paaralan ang HNHS sa 8th National Wildlife Quiz Bowl
Kemuel June Tad-y
na pasilyo ng Hinigaran National High School, isang kuwento ng tagumpay at inspirasyon ang umusbong, ang tagumpay ng dalawang estudyanteng puno ng dedikasyon at pangarap. Sina Herbert Jr. Subteniente at Ashley Bernadette Bereña na nagbigay karangalan sa kanilang paaralan matapos nilang masungkit ang ikalawang pwesto sa 8th National Wildlife Quiz, na kulang na lang ng dalawang puntos para makuha ang kampeonato.
Ang kanilang tagumpay ay bunga ng tatlong taong walang kupas na pagsisikap at pagkakaisa. Sa ilalim ng masusing gabay ng kanilang mentor na si Sir Salem Talaugon, hinarap nila ang hamon nang may tapang at determinasyon.
Noong nakaraang taon, nagtapos ang kanilang laban nung nasungkit nila ang ikaapat na pwesto sa 18th Provincial Wildlife Quizbowl, isang posisyon na hindi sapat para makapasok sa pambansang kompetisyon. Ngunit imbes na panghinaan ng loob, ginamit nila ang kabiguang iyon bilang inspirasyon upang paghandaan nang mas mabuti ang susunod na laban.
Ngayong taon, naglaan sila ng mahabang oras sa pag-aaral, pagsasaulo, at pagtuklas ng iba’t ibang species ng hayop at mga halaman sa Pilipinas, batas, heograpiya, at biyolohiya.. Sa kabila ng pagod at maraming gabing halos walang tulog, nagtagumpay sila na pagsungkit nang unang pwesto sa antas panlalawigan, na tinalo ang 76 na paaralan mula sa Negros Occidental. Ang kanilang pangarap na makapasok sa pambansang entablado ay sa wakas natupad.
Ngunit ang laban sa pambansang kompetisyon na ginanap sa Butuan City, Agusan del Norte noong Nobyembre 26, 2024 ay hindi naging madali ang kanilang laban. Sila ay humarap ng mga sagabal habang ang kanilang mga katunggali ay handang-handa. Si Herbert ay nakakaranas ng mataas na lagnat sa araw ng quiz, ngunit hindi siya pumayag na maging hadlang ito. Sa kabila ng pagkakaroon ng sakit, nagpatuloy siya sa pagsusulit kasama si Ashley, na buong pusong nagbigay ng kanilang pinakamahusay na pagganap. Sa huli, nakuha nila ang ikalawang pwesto—
isang napakalaking karangalan para sa kanilang paaralan at komunidad. Dalawang puntos na lamang ang sana’y kanilang masungkit ang gintong medalya, pero sa kabila nito, masaya pa rin at sobrang proud ang buong paaralan sa kanilang tagumpay.
Hindi lamang ito tagumpay ng dalawang magaaral, kundi ng buong Hinigaran National High School. Ang kanilang karanasan ay nagbigay sa kanila ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kalikasan at inspirasyon na ipagpatuloy ang kanilang pangarap. Ang kanilang kwento ay nagsisilbing paalala na sa pamamagitan ng tiyaga at dedikasyon, walang imposibleng maabot.
KAPIT-BISIG SA GITNA NG KAWALANG-TIYAKAN.
Sina Angeline at Anne, magkapatid na nasa ika-3 baitang (kanan) at ika-4 na baitang (kaliwa), ay magkahawak-kamay pauwi sa kanilang tahanan mataposangmahabangarawsapaaralan.
HIWAGA NG AGHAM. SiGinoongJohnryColmenares, maymatamisnangitihabangdalisaynaibinabahagi anghiwagangaghamsakanyangmgamag-aaralsa HinigaranNationalHighSchool.
GABAY SA DIREKSYON NG BUHAY. SiKuyaGeorge, 40 taong gulang, ay buong puso at walang pagaalinlangan na iginiya ang isang batang lalaki patungo sa tamang landas, isang simbolo ng malasakit at pagtulong sa komunidad ng Hinigaran, NegrosOccidental.
KemuelJuneTad-y
SUKLIANG TIYAGA. SiAteBibi,46taonggulang,ay matiyagang nagtitinda ng sariwang gulay sa palengke,isanghalimbawangdeterminasyonparasa kinabukasanngpamilya.
LAKBAY TUNGO SA KARUNUNGAN. Si Ginoong Raylin Gerogalin, nasayang lumalakad patungo sa kanyangsusunodnaklasesaHinigaranNationalHigh School upang ibahagi ang kanyang kaalaman sa susunodnahenerasyon.
pixabay
Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, kasabay nito ang pagtaas ng presyo ng kuryente—isang lumalalang problema na nakakaapekto sa bawat Pilipino. Ang patuloy na pagtaas ng demand para sa enerhiya, dala ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya, ay nagtutulak sa pagmahal ng kuryente.
Ang nuclear energy ay isang potenteng solusyon sa lumalaking pangangailangan para sa enerhiya, na may kakayahang magbigay ng malaking halaga ng kuryente gamit ang maliit na espasyo. Ang isang nuclear power plant ay maaaring magbigay ng matatag at maaasahang supply ng kuryente, hindi tulad ng mga renewable energy sources na apektado ng panahon.
Gayunpaman, ang mataas na initial investment at ang mga potensyal na panganib sa kaligtasan ay nagiging hadlang sa mas malawak na paggamit nito. Ang maayos na pagpapatupad ng mga safety protocols at ang pagpapaunlad ng mas ligtas na teknolohiya sa nuclear energy ay mahalaga upang mapababa ang mga panganib.
Upang mabawasan ang pagtaas ng presyo ng kuryente, kailangan ang isang diversified energy mix. Ang paggamit ng renewable energy sources, tulad ng solar at wind power, ay makakatulong upang mabawasan ang paggamit ng fossil fuels at nuclear energy. Ang pagpapabuti ng energy efficiency sa mga tahanan at industriya ay makakatulong din upang mabawasan ang demand para sa kuryente. Ang pagpapalaganap ng kaalaman sa publiko tungkol sa kahalagahan ng pagtitipid sa enerhiya ay mahalaga rin upang maisulong ang responsableng paggamit ng enerhiya.
Sa huli, ang paglutas sa problema ng pagtaas ng presyo ng kuryente ay nangangailangan ng isang holistik na pag-unawa. Kailangan ang malawakang pag-aaral at pamumuhunan sa iba't ibang paraan ng pagbuo ng enerhiya, kasama na ang nuclear energy, renewable energy sources, at energy efficiency measures. Ang patuloy na pagunlad ng teknolohiya at ang pakikipagtulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at publiko ay susi sa pagkamit ng isang matatag at abot-kayang supply ng kuryente para sa lahat.
Nanatiling misteryo pa rin ang Negros Fruit Dove, isang ibong nakilala sa pamamagitan lamang ng isang specimen noong 1953
Ang Negros Fruit Dove (Ptilinopus arcanus) ay isang uri ng fruit dove mula sa pamilya Columbidae na endemic sa Negros. Ang ibong ito ay may berdeng balahibo at dilaw na "ring" sa paligid ng mata. Isa ito sa apat na fruit dove na endemic sa Pilipinas. Gayunpaman, nananatiling palaisipan sa mga ornithologist at conservationist kung may mga nabubuhay pa nito sa kagubatan o tuluyan na itong naglaho.
Noong 1953, natuklasan nina Sidney Ripley at Dioscoro Rabor ang isang pares ng species sa mga dalisdis ng Bulkang Kanlaon. Gayunpaman, isang babaeng specimen lamang ang nahuli at ito ang nagsilbing holotype na kasalukuyang nakaimbak sa Peabody Museum of Natural History sa Estados Unidos. Binigyan nila ito ng pangalang "arcanus," mula sa salitang Latin na nangangahulugang "lihim" o "sekreto" — isang akmang paglalarawan sa ibong ito.
Sa paglipas ng panahon, naging paksa ng debate sa siyentipikong komunidad kung ang Negros Fruit Dove ay isang natatanging species. Subalit, isang pag-aaral na pinamunuan ni John Nash ng Yale University noong 2024 ang nagpatunay na ito’y natatangi mula sa iba pang species ng fruit dove. Lumilitaw na naghiwalay ang species na ito mula sa karaniwang ninuno nito 12 milyong taon na ang nakalilipas, bago pa mabuo ang isla ng Negros. Maraming pagtatangka ang isinagawa upang muling matuklasan ang Negros Fruit Dove at pag-aralan ang pag-uugali nito, ngunit bigo ang lahat ng ito. Malamang, bihira na ang ibong ito noong una pa lamang itong nadiskubre. Ang patuloy na pagkasira ng kagubatan, kung saan ito unang natagpuan, ay isa ring pangunahing dahilan ng posibleng pagkawala ng species na ito.
Hanggang ngayon, nananatiling hindi malinaw kung may natitira pang populasyon ng Negros Fruit Dove sa mga kagubatan ng Negros. Nawa’y magsilbing paalala ito ng kahalagahan ng pangangalaga sa mga flora at fauna na nasa bingit ng pagkawala.
dagdag kaalaman
Isang hiyas kagubatan ng
pagsabog ng bulkan
Farah Ashley Liboon
Hindi maikakailang ang pagsabog ng bulkan ay isang kalamidad na lubhang mapanira at talagang nakakabahala. Kamakailan lamang ay binalita sa publiko ang pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon na kilala bilang isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Sapagkat biglaan, malawak ang naging epekto nito sa lalawigan ng Negros Occidental at mga karatig na lugar.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Counci (NDRRMC), maraming residente ang lumikas sa kanilang mga tirahan dahil sa pagsabog. Ito ay patunay na kinakailangan ang ibayong pag-ingat ng mga tao sapagkat nakakaepekto ang nilalabas na nitong abo sa kalusugan ng tao. Nagdudulot ito ng problema sa paghinga kapag ito ay nalanghap. Ang mga mapanganib na gas tulad ng sulfur dioxide at carbon monoxide ay maaari ring palabasin, na nagiging sanhi ng polusyon sa hangin at mga panganib sa kalusugan.
Ang pagsabog ay nagdulot ng malaking pinsala, hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi pati na rin sa kapaligiran. Nasisira din nito ang mga pananim dahil sa pag-ulan ng abo. Ang makapal na abo ay sumasakop sa dahon ng mga halaman, na naghihirap sa proseso ng photosynthesis at nagiging sanhi ng pagkamatay nito.
Hindi lamang ang kaligtasan ng mga residente ang nanganganib dahil sa pagsabog, kundi pati na rin ang turismo sa Negros. Ang pagkasira ng mga tahanan, pananim, at kagubatan ay nagdudulot ng malaking pinsala sa ekonomiya ng rehiyon, at ang panganib sa kalusugan ay nagpapababa sa bilang ng mga turista. Ang pagsasara ng mga establisimyento at ang pagkagambala sa mga aktibidad na may kaugnayan sa turismo ay nagreresulta sa malaking pagkawala ng kita at pagkakataon sa trabaho.
Sa kabuuan, ang biglaang pagsabog ng Bulkang Kanlaon ay nagpapakita ng malawak at malubhang epekto—mula sa kalusugan ng mga tao at pinsala sa kapaligiran hanggang sa pagbagsak ng ekonomiya ng rehiyon. Kinakailangan ang agarang pagtugon at mahabang panahong pagpaplano upang mapagaan ang mga epekto nito at maiwasan ang mga ganitong pangyayari sa hinaharap.
Farah Ashley Liboon
Walong buwan na. Walong buwan nang nilalamon ng apoy ang Amazon, ang tinaguriang "Lungs of the World". Hindi na ito balita lamang sa malayo; ito'y isang banta sa ating lahat, sa ating bansa, at sa ating kinabukasan.
Habang ang usok ay tumatawid sa karagatan, gayundin ang epekto nito sa ating klima at kapaligiran. Nakakapanglaw isipin na ang pinakamalaking rainforest sa mundo ay hindi na lamang isang luntiang paraiso; ito'y isang nag-aapoy na larawan ng krisis sa kapaligiran. Mula sa Brazil, Paraguay, at Bolivia, ang mga imahe ng nag-aapoy na kagubatan ay nagpapakita ng isang krisis na lumalagpas sa hangganan. Ang pagkasunog ng Amazon Rainforest ay may malaking epekto sa klima ng mundo. Ito ay dahil ang rainforest ay isang malaking carbon sink na sumisipsip ng malaking halaga ng carbon dioxide mula sa atmospera. Ang pagkasunog nito ay naglalabas ng napakaraming greenhouse gases, na nagpapabilis sa pagbabago ng klima at nagdudulot ng global warming. Higit pa dito, ang Amazon ay pinagmumulan ng 25 porsyento ng malinis na tubig sa mundo. Ang pagkasunog nito ay nagbabanta sa atin ng suplay sa malinis na inumin, Isang pangunahing pangangailangan para sa buhay at kaligtasan. Malawakang pagkawala ng biodiversity ay osa ring matinding dulot ng pagkasunog ng Amazon Rainforest. Ito ay nagsilbing tahanan ng milyon-milyong uri ng halaman at hayop, marami sa mga ito ay endemic at wala nang matatagpuan sa iban lugar. Ang pagkasira dito ay nagdudulot ng inaasahang pagkalipol na napapababa sa biological richness ng planeta. Ang pagkawala na ito ay hindi na mababawi. Ang sunog sa Amazon ay hindi isang malayo at balewalang problema. Ito'y Isang pandaigdigang krisis na may direktang epekto sa ating bansa. Ang pagkilos ngayon, ang pagsuporta sa mga inisyatibo sa pag-iingat ay hindi lamang tungkulin, kundi Isang pangangailangan para sa ating kaligtasan. Ang pag-iingat sa Amazon ay pagiingat sa ating kinabukasan.
Noong Enero 18, 2025 , itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang monitoring sa Bulkang Kanlaon. Ayon sa mga obserbasyon, mayroong pagyanig ng lupa at paglabas ng sulfur dioxide sa hangin. Para malaman kung ano ang gagawin tuwing maaring mangyari ang hindi inaasahang pagputok, tandaan ang akronim na ALISTO!
A L I S T O
lamin ang kalagayan ng bulkan sa pamamagitan ng balita o abiso ng PHIVOLCS.
umikas kung kinakailangan.
handa ang mga pangangailangan tulad ng emergency kits na naglalaman ng pagkain, tubig, first aid, flashlight, atbp.
umilong sa ligtas na lugar at kung may ashfall, manatili sa loob ng bahay.
iyakin ang kaligtasan ng pamilya at siguraduhing magkakasama.
bserbahan ang sitwasyon pagkatapos ng pagsabog tulad ng lahar flow at lindol.
Ang magkaroon ng kaibigan na palaging andiyan, kilala ka, at mapagkakatiwalaan ay isa sa mga taong nais mong tularan at samahan sa ano mang pangyayari sa buhay. Isa yan sa mga pinasasalamatan ko, na nagkaroon ako ng isang kaibigan na katulad niya. Magkasabay naming binuo ang mga pangarap sa puso, ngunit talaga ngang hindi natin hawak ang tadhana—kusa at kusa itong magpapakita sa oras at pagkakataon na hindi natin inaakala.
Sitting quietly in this seat, holding a book. Nanahimik ako dahil nasa ika-limang yugto na ako ng binabasa kong libro.
“HUHUHU Nazzzzz whaa!” Ngunit naudlot ang katahimikan nang marinig ko ang kaibigan ko.
“Liya, manahimik ka,” pabulong pero natatawa kong ani rito, nakatingin na kasi sa amin ang lahat ng tao rito sa library sa ingay ba naman na ginawa ng taong ito.
“Naz, hindi ko matanggap ‘to,” naiiyak na ito kaya naman kinalabit ko na ito palabas ng library ng paaralan.
Tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata niya. My fun emotion, na matatawa pa sana, ay nawala. Right now, I am really curious kung ano na naman ang nasa isip niya.
Dali-dali akong naghanap ng bench at inakay ito paupo roon.
“What is it, Liya? Bakit naiiyak ka?” I asked her, but she keeps on crying that I was near to crying too. Whaa, I’m not really a good comforter. Iyak na lang rin ambag ko rito.
Nang makita nitong parang maiiyak na rin ako, napaiyak ito nang malakas na kinaiyak ko rin nang malakas.
Ngunit bigla itong tumayo at niyakap ako nang mahigpit—sa sobrang higpit, parang magiging bulok na basura na ako dahil sa pagkadurog nito sa akin.
“Liyaa,” I whined, kaya binitawan na ako nito. May tumutulo pa ring mga luha sa mata niya habang nagsalita ito.
“If ever man na kakailanganin na kunin yung memory ko para mabuhay ako, wag mo hayaan ah? Bahala na akong mamatay, basta wag mong hayaan na kalimutan kita ha,” may mga pumapatak na luha nitong ani sa akin, kaya nakaseryoso ako at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang libro. Ano na naman ba ang nabasa nito?
“Surrendering Memories in Time,” pagbasa ko rito.
“Naz ha, makinig ka nang mabuti. Wag na wag mong hahayaan yun ah,” naiiyak pa rin ito.
“Ano na naman ba ang nabasa mo?” Pagtatanong ko rito, inakay ko na ito paupo balik doon sa bench.
“Kasi... yung magkaibigan sa kwento, kailangang operahan yung best friend niya para mabuhay, pero kapalit nun, mawawala yung memorya, mawawala yung lahat. Pumayag siya... Naz, wag kang papayag ah. Hindi ako papayag pag gano’n. Gusto ko, hindi mawala sa isip ko lahat ng memories natin, masakit man ‘yun o masaya, dahil parte ka nun. Ayaw kong mawala ka, Naz. Ayaw kong mawalan ng best friend gaya mo,” mahabang paliwanag nito.
“Hay nako, gutom lang ‘yan. Kumain na nga tayo,” pag-aaya ko pa rito. Tumayo naman na ito.
“San tayo?” Pagtatanong niya sa akin habang iniabot sa akin ang bag ko.
That explanation got me. Cause surely, if that time will come, papayag ako, Liya. I would endure the pain of losing our memories than losing you.
“Sa Math canteen? Kahit ambobo natin sa subject na ‘yun, hahahaha,” natatawa ko pang sagot sa tanong niya. Nagtungo na kami rito, papunta na sa side part para pumunta sa Math canteen. Ngunit napakunot ang noo ko nang sa left side ito nagtungo.
“Liyaaaa,” tawag ko rito kaya napatingin ito sa akin.
“San ka?” Pagtatanong ko rito.
“Sa Math canteen, diba?” Sagot nito, kaya napakunot lalo ang noo ko.
“Dito ang daan oh,” pagturo ko pa sa dinadaanan ko.
“Sa left ‘yun, Naz,” sagot nito, kaya mas lalo akong nalito. Math canteen is located near the stage area, and yung stage nasa right.
“Liya, sa right ang daan,” medyo natatawa kong sagot, pero nakita kong mukhang hindi ito nagbibiro.
“Sige, sa left, tingnan natin kung may Math canteen doon, hahaha,” natatawa kong sagot at naglakad kasabay niya sa left canteen. But what surprised me, Liya does not seem like joking. Seryoso ito habang naglalakad kami, kaya naman sumunod na lang ako rito.
We ended up roaming the whole left side of the school—walang Math canteen, kasi nga sa right yun located.
“No, I remember sa right yun, diba?” Ani Liya.
“Li, let’s go na. Nasa right side yung Math,” sabi ko rito. At sumunod naman ito, pero tahimik at nakakunot na ang noo.
Nang matapos ang lunch namin sa Math canteen, pabalik na kami sa room.
“Hay nako, nakalimutan na naman ni Ms. Philosopher yung notes na hiningi ko kagabi,” pagki-kwento ko rito.
“Who’s Ms. Philosopher, Nazia?” She asked me na ikinatigil ko.
“Liya, seryoso di mo kilala?” I once again asked.
“Hindi, sino ba yun?” Sagot nito, kaya naman napakunot na naman ang noo ko.
“It’s our teacher sa Philosophy, and you were the one who told me to nickname her that because she’s cool,” I explained.
I got no time for jokes. This is the second time around that Liya has been acting strange about forgetting things. I know na makakalimutin itong kaibigan ko, pero bakit sobra naman ata sa araw na ito?
“Is that so, I forgot.”
The whole week, the only words I would hear from Liya were:
“I forgot.”
“Di ko na maalala.”
“San ba yung Science lab?”
“Sino yun?”
“Ano ba ginawa ko?”
It’s getting weird as time goes by...
But that one day, September 1, 2024, was the worst.
Papasok na ako ng school at nakita ko si Liya na naglalakad, pero may kasama? Kapatid niya? Luh, hindi sila close ah.
“Hiiiiiii Liyaaaaa,” pagsigaw ko pa rito, pero hindi ito lumingon? Bakit?
Nagmamadali ko itong pinuntahan, at nang makita ako ng kapatid niya ay ngumiti naman ito sa akin.
“Hi Liya,” pagtawag ko sa pansin ni Liya, pero patuloy lang ito sa paglalakad.
“Ate Naz...” may sasabihin pa sana sa akin ang kapatid niya, ngunit hindi ko na pinakinggan at sinundan si Liya.
“LIYALEXA!” Medyo may bahid ng inis na tawag ko, at napalingon naman ito.
“Liya!” Tawag ko, ngunit hindi pa rin ito lumilingon kaya medyo nainis ako. Bakit hindi ako nito pinapansin?
“Huy, bakit di mo ako pinapansin?” Natatawang tanong ko rito, ngunit nakakunot ang noo na sinagot ako nito ng:
“Hi, do I know you?” Seryoso nitong sagot, kaya naman ay napatigil ako.
Ano na namang joke to?
“Liy...” Hindi pa ako nakakapagsalita nang hinablot ako ng kapatid nito palayo.
“Sandali!” Pagreklamo ko pa at babalikan si Liya ngunit nakita ko si Tita na kasama nito. Si Tita pala ang pupuntahan niya. Nakakunot pa rin ang noo nito habang nakatingin sa akin na papalayo.
Nang makaabot kami sa park malapit sa gate, binitawan ako ng kapatid niya.
“Ate Naz,” medyo malungkot ang boses nitong ani sa akin.
“Yes, Alexa? Is there something wrong? Yang ate mo ah, super maldita to ignore me. May utang pa ‘yon na ice cream sa akin. Takot sigurong magbayad kaya kinakalimutan—” Ngunit napatigil ako sa sinabi ni Alexa.
“May Alzheimer’s po si Ate,” nakatingin ito sa ilalim habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Natulala ako. Natahimik. Nabato sa kinatatayuan ko. Blanko ang isip at unti-unting nabibiyak ang puso.
“We just found out kahapon nung mawalan siya ng malay after Dad scolded her for not remembering yung birthday ko. The doctors said she is suffering from Alzheimer’s, due to some conflicts rin. Only to find out sa diagnosis na medyo noon pa daw, ngayon lang lumala. She is slowly losing all her memories, Ate,” pag-explain sa akin ni Alexa.
That day, I did not enter school but visited her at their house. Her mom talked with the teachers regarding that, and the doctor suggested her family spend time with her and help her too, because it will be hard for her to learn while she is undergoing something like this.
“Hi, Nazia,” she greeted me with a smile. “My mom told me that you are a classmate of mine, and you called me kanina sa gate,” she said softly, dahilan para pumatak ang luha ko.
This is not my best friend. No, she used to talk to me na parang bata. She used to talk to me with her rants. She used to talk to me as she is... No...
“Hi, Liya,” the only words I said.
“Excuse me, my name is Liyalexa. Uhmm, I’m not really used na tinatawag ako ng ganyan ng classmates ko. I’m sorry, can you call me by my name, Nazia?” Nakangiti nang bahagya nitong sambit.
I know that. And you said I am the only one who would call you that kasi best friend mo ako. Liya, wag namang ganito...
“Liya naman, wag naman ganito. Please remember me. Diba sabi mo ayaw mong mawala memories natin? Liya, ga-graduate na tayo sa susunod na buwan. Diba sabay tayong maghahanap ng school? Liya naman...” Naluluha kong ani rito.
“Nazia, I don’t know what you are talking about.”
“Liya, diba sabi mo, bibilhan mo pa ako ng ice cream? Diba sasamahan mo pa ako sa medicine department pag 30 na ako? Maghahanap tayo ng General Surgeon na magiging husband ko? Tapos gagawin pa kitang bridesmaid sa kasal ko, ninang ng mga anak ko? Liya, pagalitan mo ako! Diba? Liya naman...” Naiiyak na ako habang pinapaalala sa kanya lahat. Naiiyak na ako dahil natatakot na ako.
Realidad ito. Sana panaginip lang. Ngunit hindi...
“Nazia, I’m really sorry but—”
“Liya, please tell me this is not true! April ngayon, baka prank lang to! Itigil mo na, Liya! Mag-e-exam na oh, mag-aaral pa tayo. Liya, may ice cream ka na. Sakit na, Liya ha. Stop na po. Hindi na ako mang-aaway po. Liya, stop na...” pagsusumamo ko rito.
Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at niyakap ito nang mahigpit. Sa yakap na iyon, ako lang ang nakayakap sa kanya, pero nakatayo lang siya.
“Liya, nung isang araw lang niyakap mo ako nang mahigpit diba? Liya, please... Liya, pleaseee remember me,” sabi ko habang nakayakap pa rin rito.
“Please remember me.”
But Liya did not. That disease, her memories were completely erased. She was healed because of the medicine and some treatment sa brain niya. But sad to say, they needed to perform an operation in her brain para i-fix ang side regarding her memories.
During that day—the day of her operation—I was there, a stranger to her. I hugged her so tight and kept on telling her that I love her. I kept on telling her about our dreams together, hoping maalala niya sana. But no. But no...
I smiled so widely, and tears were flowing as I told her, “Kaya mo to, Liya.”
Liya did not remember me after that. I became a stranger to her. Daily, as I went to school, wala na siya. Her parents decided to move to Japan—her dream place—to help Liya heal.
I did not call her. I did not text her, even her family... I know she’ll be fine. She’ll find a good friend there. She’ll be alright there.
I know Liya will be hurt kung andito siya. I know my best friend will be hurt if ever she already foresaw this. She would fight against that disease, but no...
I’m gonna live my life. I will still fulfill our dreams together, hoping Liya would come back. Hoping Liya would remember.
Our life is uncertain, even the people. So we must always cherish every moment we have with them. Cause our enemy would not be the things that we thought it would be—it will be the things yet not seen and uncertain.
Lyra and Giselle were two admirable best friends. Despite their long-distance friendship, pag pinagsama mo sila, kailangan mo nang ihanda ang sarili mo sa kanila—either matatawa ka o maiinis na lamang sa kanilang mga kabaliwan. Kung hindi mag-aaway ay sobrang ingay nila sa mga usapan at kalokohan. Higit pa sa kaibigan ang turing nila sa isa’t isa—parang magkapatid na rin.
But did you know that their friendship, admired by many, has its own struggles? Their bond almost ended countless times. Pero amazing talaga si God dahil napreserba Niya ang friendship nila. Behind their smiles were tears shed in private—mga gabing hindi nila kayang tignan ang mata ng isa’t isa, o kahit mag-usap man lang. Isang kahon ng mga sulat para sa isa’t isa ang sumaksi sa kanilang mga dasal at iyak, asking God to preserve their relationship.
"How did we get here?"
Tanong ni Lyra sa sarili habang kaharap ang kanyang laptop. Kasalukuyang gumagawa siya ng school project, ngunit tila hindi makapag-focus ang kanyang isip.
"Kamusta na kaya siya?"
Patuloy na takbo ng isip niya, kahit anong gawin niya upang mawala ang mga tanong sa puso. Pilit niyang pinipigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.
Sa isip niya: Kailanma'y di ako naging mabuting kaibigan.
Giselle was always there for her during her down moments, but when it was Giselle’s turn to need someone, Lyra couldn’t find the courage to speak or encourage her.
“Lord, we made an agreement last time, right? I'll have my faith. You have the power na po,” Lyra prayed. Afterward, she forced herself to return to her school project.
“What happened?” you may ask. Honestly, I don’t know either. One moment, they were so happy and alive. The next, they were sulking in silence, staring at their phones.
"Lyra, may balita ka kay Giselle?" tanong ng kanyang Mama.
"Ang random mo, Ma," sagot ni Lyra.
"Di ba ngayon ang alis nila? Nag-pray kami para sa kanya kagabi sa prayer meeting," sabi nito. "Ha?" Gulat niyang tanong sabay tayo mula sa kinauupuan.
She ran to her room and grabbed her phone to check for any messages.
Nothing. Puro gc’s lang na nagpapaalam sa kanya. Suddenly, she noticed a message from Kate:
"Ma, saan sila pupunta?" tanong niya. Napakunot-noo ang kanyang Mama.
"Never mind. Kelan daw ang alis? I mean, anong oras?"
"Hi, Ate Lyra. Iiyak mo lang yan. May chat pa naman at video call. Kaya mo yan po."
"Mamayang 3 PM daw ang flight nila. Possible 11 AM ang alis nila mula dito, kasi 3 hours ang biyahe papuntang airport, tapos magpapa-check-in pa sila," sagot ng Mama niya.
She glanced at the clock—10:40 AM na.
Agad siyang tumakbo sa kanyang kwarto at kinuha ang tatlong folded papers na nakatali. She put them in her pocket and rushed outside.
Pagdating sa gate, she paused.
“Will she even face me?”
“Lord naman, why am I such a coward, ‘di ba?” she whispered.
But then she thought: Ngayon pa ba ako bibitaw? Should I try to take the risk once again, Lord? That friend of ours has always been with me even at my lowest times. Tapos ako, iiwan ko lang siya? Hahayaan ko lang siya dun? Hahayaan ko lang masira ito dahil sa unresolved conflict? Lord, hindi ko kaya ito.
( Space Between )
"Giselle!" Lyra shouted. She ran towards her and lightly hit her on the shoulder. Giselle was about to get into their car but stopped when Lyra hit her.
“Aalis ka nang walang paalam? Sa tingin mo ba kahit magpaalam ka ay pipigilan kita, ha?!” inis niyang sumbat.
Giselle turned to face her.
“Hindi kita pipigilan sa desisyon mong ‘yan. Malaki ka na. Pero I just want to say…” Lyra paused, took a deep breath, and continued,
“I will still be your friend whenever you need me, after ni God. You can message me if you’re bored. Mag-ingat kayo dun.”
She hugged Giselle and tried to hold back her tears. Three seconds. She held the hug for three seconds, then let go.
“Ingat po kayo dun, Tita, Tito,” Lyra said to Giselle’s parents before turning around and walking away.
She didn’t look back—she couldn’t bear to. She felt like a coward as ever.
The letter in her pocket remained untouched. She couldn’t bring herself to give it to Giselle.
sining ni LuiJaneDarantinao
isinulat ni Janthea Rica Pacaonces
Bata pa lamang ako ay malaki na ang ekspektasyon sa akin ng mga tao. Halos lahat ng paligsahan ay aking sinasalihan at palaging nakakasungit ng medalya. Marami ang humahanga sa aking abilidad, ako raw ay nabiyayaan ng talino at talento. Tanong pa nila, paano ko raw ito nagagawa nang walang kahirap-hirap? Ngunit, sa aking paglaki tila bang nagbago ang lahat. Ang mga medalya na dating nagbibigay lamang sa akin ng saya, ay naging batayan na ng aking halaga. Ang mga bagay na aking nagagawa noon ay para bang ang hirap nang abutin ngayon. Hindi na ako ang dating kinikilala nilang ma-abilidad na bata. Dahil nakasanayan na, mga tagumpay ko’y parang wala nang halaga. Naging normal nalang sa kanila at parang hindi na sorpresa. “Kaya mo ‘yan, ikaw pa!” Salitang palagi kong naririnig sa mga tao, hindi nila alam ako’y pasuko na. Pero, hindi ko ito magawa-gawa sapagkat dito lang ako magaling, dito lang ako kilala, at higit sa lahat ito lang din ang dahilan kung bakit mahal ako nila. Ginagawa ko ba ang mga ito dahil gusto ko o baka takot lang akong madismaya sa akin ang mga tao sa paligid ko? Kung mula bata pa ay hindi ako naging magaling, may pagbabago kaya ngayon sa aking nararanasan at nararamdaman? Hindi kaya ako matatakot na magkamali at mabigo? Ilan lamang ito sa mga katanungan sa aking isipan. Alam kong iisa lamang ang sagot sa mga ito. Ang lahat ng pagod at hirap ko ay para sa aking sarili. Natuto na akong hindi magpaapekto sa kung anuman ang sasabihin nila dahil ito ay aking ginagawa upang maabot ko ang aking mga pangarap at hindi para sila’y mapahanga. Mabigo man ako, muli akong babangon at lalaban. Sa bawat pagkakamali natin ay binibigyan tayo ng pagkakataon upang matuto at magpatuloy muli. Mahalin natin ang ating sarili at maging masaya kahit sa maliliit na tagumpay man o pagkabigo.