Ang Tanglaw | Tomo I Blg. VII

Page 1

DepEd MATATAG

Curriculum

Umani ng Iba’t Ibang Reaksyon sa Publiko

BALITA | PAHINA 3

Catch-up Fridays ng DEAR

EDITORYAL | PAHINA 4

2U Maya-7 CubeSat: Lipad Patungong Kalawakan

AGHAM | PAHINA 13

RMCHS Baseball Team para sa Kampeonato

ISPORTS | PAHINA 16

LATHALAIN | PAHINA 8-9 Bula sa Kawalan ANG TANGLAW Tomo I | Blg VII

BALITA

NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024

Ramonian, tagumpay sa 2023 DSTF contest

Nagwagi ang Ramon Magsagsay (Cubao) High School (RMCHS) ng iba’t ibang parangal mula sa 2023 Division Science and Technology Fair (DSTF) Secondary Level na ginanap sa Quezon City High School (QCHS) noong ika-28 ng Setyembre 2023 na may temang “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan.”

WORLD READ ALOUD DAY 2024, Isinagawa sa RMCHS

Matagumpay na

naisakatuparan ng Ramon Magsaysay (CubTao) High School (RMCHS) ang 2024 World Road Aloud Day (WRAD) noong Pebrero 7 sa covered court ng paaralan sa pamamagitan ng dalawang sesyon para sa wikang Ingles at Filipino.

Namuno si G. Reden

Juego, Overall Chairperson ng WRAD ang kabuoan ng aktibidad kasama sina Gng. Ma. Czarina L. Francisco, Reading Coordinator English at Bb. Andrea Jemina L. Basa, Reading Coordinator Filipino habang tagapagpadaloy sina Gng. Michelle Frondozo, sa Filipino at G. Juego, sa Ingles.

Naunang isinagawa sa ganap na alas-otso ng umaga ang pagbabasa sa wikang Filipino kasama ang mga mag-aaral mula sa baitang 7 at 10 na dinaluhan ni Dr. Florian L. Ruiz, Puno ng Kagawaran ng Filipino.

Sinimulan ang pang-umagang programa sa makabayang awit, panalangin at saka sinundan ng pambungad na pananalita ni Dr. Ruiz.

Idiniin niya na layunin ng aktibidad ang sikaping pasiglahin ang pagmamahal sa pagbabasa at hinamon ang mga mag-aaral na magbasa ng mga sulating Filipino tulad ng Noli me Tangere at El Filibusterismo.

Matapos nito, isinigawa ang masining na pagbabasa ng maikling kwentong “Sandaang Damit” ni Fanny Garcia na pinangunahan ni Gng. Evelyn Suarez, guro sa Filipino 7, habang nakikinig ang mga magaaral.

Masiglang nakilahok ang mga mag-aaral sa pagsagot ng mga katanungan kaugnay ng nasabing akda.

Nagwakas ang aktibidad sa pampinid na pananalita ni Bb. Basa na nagpasalamat sa mga dumalo, nakinig, at nakilahok sa aktibidad.

Nabanggit ang resulta sa Program for International Student Assessment (PISA) 2022 at ang epekto ng isinagawang aktibidad bilang pagtugon sa mababang resultang nakuha ng bansa rito.

Nag-iwan naman si Gng. Frondozo ng katagang “Isip ay pagyamanin, aklat ay basahin.” bago pormal na magwakas ang aktibidad.

Ayon kay Bb. Basa nang makapanayam ng Ang Tanglaw, mahalaga na naaayon sa panahon ang mga babasahing binabasa ng mga kabataan nang sa gayon ay nabibig-

yang-buhay nila ang mga ito, aniya “...nais nila (mga manunulat) na ‘yung reader nila ay pumapasok din sa estado ng pangyayari sa kwento.”

Naglalayong ipamulat sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa lalo na ang berbal na pagbabasa gayundin ang pagmamahal dito ayon kay G.Juego nang makapanayam ng Ang Tanglaw.

Inaasahang ang taonang aktibidad ng WRAD ay lubusang sinusuportahan ng Dibisyon ng Quezon City at sinabing maraming kaparehong programa ang isinasagawa sa paaralan tulad ng mga aktibidad tuwing Buwan ng Wikang Filipino, Buwan ng Ingles, at ang Catch Up Friday’s.

Sinundan ito ng pagbabasa sa wikang Ingles ni G.Jonniel Caadan na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa baitang 8 at 9 sa ganap na alas-dose ng tanghali kung saan binasa ang maikling kwento na “Ang Batang Maraming Bawal” ni Fernando Rosal Gonzalez na isinalin mula sa wikang Ingles.

Matatandaang inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA) taong 2022, ang resulta ng kakayahan ng mga 15 taong gulang na mga magaaral sa Pilipinas sa Matematika, Pagbabasa at Agham. Makikita ang paunti-unting pagtaas ng

Inuwi ng Math and Computational Sciences (MCS) Team na binubuo nina Yohan Andrei Keisser N. Umbao, Antho Christoph B. Isidoro, Joangelie S. Nuñez, ang 1st place, Emerging Research Award Across All DSTF - MCS Entries, Most Innovative Award Across All DSTF, at sila ay lumaban sa 2023 Regional Science and Technology Fair (RSTF) Secondary Level.

Nanalo naman si Margalo Amos V. Cerro ng unang parangal mula sa Life Science Individual na lumaban din sa 2023 RSTF.

Nakuha naman ng Life Science Team ang pangalawang puwesto, Best Research Paper Across All DSTF- LS Entries, at Best Display Board Across All DSTF- LS-Team Entries, na kinabibilangan nina Jhudiela G. Alcano, Aedriel Yani Dave N. Ferrer, Stephanie D. Padios, Robie Brian D. Perez, at Frinz Thoby J. Quezada.

Inilunsad ang 2023 RSTF Secondary Level sa Muntinlupa National High School (MNHS) noong Disyembre 1 - 2, 2023 na may temang “Rebuilding Resilient Communities: Embracing Science and Technology for a Sustainable Future.

Natamo ng MCS Team ang Best Shoutout SDO QC habang Top 8 Finalist naman ang Life Science Individual.

Sa tulong ni Bb. Jeanne Marie Gabrielle C. Tenchavez at Ginoong Abelardo Cruz Jr. ang dahilan ng tagumpay ng mga mag-aaral mula Junior High School hanggang Senior High School ng RMCHS.

Source: The Organization for Economic Cooperation and Development

puntos ng bawat asignatura kumpara sa naunang resulta ng PISA noong taong 2018. Una sa Pagbasa na tumaas ng mahigit pitong puntos mula 340 hanggang 347, ang Matematika na umangat ng tatlong puntos sa 350 hanggang 353 at ang pagbaba naman sa Agham ng isang puntos, mula 357 hanggang 356.

Inaasahan ang malawakang aktibidad ng WRAD ay susuportahan ng Dibisyon ng Lungsod Quezon at mga programa tuwing Buwan ng Wikang Filipino, Buwan ng Ingles, at ang Catch Up Friday’s.

Ang Tanglaw, nagwagi ng Ikawalong pwesto sa DSSPC 2024

Nakamit ng ‘Ang

Tanglaw’ Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS) ang Ikawalong pwesto bilang Top Performing School in Filipino sa ginanap na Division Schools Press Conference nitong Pebrero 3 at 10 sa Quirino High School, may temang “The Role of Campus Journalism in Fostering DepEd MATATAG;

Addressing Literacy, Chartering a New Path

Nasungkit ni Stephanie Anne A. Bernabe ang ikatlong puwesto at Sophia Anne A. Bernabe, ikasampung pwesto kapwa sa Mobile Journalism. Samantalang parehong ikalimang puwesto sina Lara Antoinette C. Palma sa Pagsulat ng Kolum at Margalo Amos V. Cerro sa Pagsulat ng Agham.

Naipagsigawan ng Radio Broadcasting team ang kanilang Ikalawang puwesto sa Overall Rank nang makapanalo ng Best Infomercial at Best Technical na kapwa 2nd place, Best News Presenter-3rd place at Best Script 4th place.

Nakuha ng The Apprentice na si Frinz Thoby J. Quezada ang 2nd

place sa Copy Reading & Headline Writing, gayundin si Jhudiela G. Alcano 7th place sa Feature writing. Panalo sina Ayaka Taniguchi, Brenz Carl M. Moral, Nayomi L. Polo, Ezekiel Bela at Pyeonghwa Cheon Jin Ame sa Collaborative Desktop Publishing na nasa 4th place sa Layout at 5th sa Feature page.

Nagwagi ang RMCHS ng 10th place sa Overall School Ranking ng pinagsamang puntos ng English at Filipino.

Salamat sa tulong at paggabay nina Gng. Evangeline S. Gagarin (Ang Tanglaw) at Bb. Abigail A. Driz (The Apprentice) ng mga batang mamamahayag ang nag-uwi sa tagumpay para sa RMCHS.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School Bernadine Leigh irish Divine S. Dueñas Maria Fatima Bautista Andrea Isabel R. Salazar
2 PAHI NA
Bernadine Leigh
ny
Nagbabasa ng maikling kuwento sa mga mag-aaral si Gng. Suarez para sa World Read Aloud Day.

BALITA

NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School

Inilarga na ng Department of Education (DepEd) ang pilot testing ng MATATAG Curriculum o ang revised K to 10 noong Setyembre 25 sa 35 na paaralan sa buong bansa.

Ayon sa DepEd, binubuo ng tiglimang paaralan ang pilot testing sa sumusunod na rehiyon: National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Visayas, SOCCSKSARGEN at CARAGA na personal na pinangasiwaan ng mga opisyal ng DepEd.

Binubuo ang MATATAG ng ‘MAke the curriculum relevant to produce job-ready, Active and responsible citizens; TAke steps to accelerate the delivery of basic education services and provision facilities; TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusiveness learning, and positive learning environment; and, Give support for teachers to teach better.’

Layunin ng programa na makalikha ng ‘competent, jobready, active, responsible and patriotic citizens.’

Target ng kurikulum na bawasan ang mga learning areas at sa halip ay magtira na lamang ng limang asignatura na magpopokus sa mga foundational skills tulad ng language, reading and literacy, mathematics, makabansa, at good manners and right conduct.

Umani ng positibong reaksyon ang mga magulang matapos isagawa ang pilot testing sa Central Visayas.

“The parents are happy knowing about the kind of curriculum that their children are already using.” saad ng regional director of DepEd-7, Dr. Salustiano Jimenez, matapos niyang kausapin ang mga magulang mula sa oryentasyon.

Sa kabilang banda, sa kampo ng Alliance of Concerned Tea- chers (ACT) tinatawag na ‘premature’ ang programa at

RMCHS Nxplorers, Bagong Henerasyon

Nakilahok ang mga magaaral ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS) sa tatlong araw na programa ng Shell NXplorers na ginanap noong Setyembre 13 hanggang Setyembre 15, 2023.

Kasama sa mga dumalo ang 40 na mga mag-aaral mula sa ika-9 hanggang ika-12 na baitang na kabilang sa Science Technology Education Program (STEP) at Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand.

Isinagawa ang programa sa Chemistry Laboratory ng RMCHS na pinangunahan ng mga mentors mula sa Shell Philippines na sina Monaleizl M. Dy, Lei Mitchen Sta. Maria, at

Teacher Ice.

Sa loob ng tatlong araw bumuo ang mga estudyante na kabilang sa Shell NXplorers ng isang project proposal na layunin na maresolba ang mga suliranin na kinahaharap ng mundo ngayon.

Higit pa rito, ninanais din ng Shell NXplorers na hasain ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga solusyon sa iba’t ibang problema partikular na ang may kaugnayan sa sustainable development.

Nagtapos ang workshop sa pagpiprisenta ng mga estudyante sa kanilang naisip na proyekto at pagbabahagi ng Shell Philippines ng mga sertipiko para sa mga mag-aaral na sumali sa ginanap na programa.

Inilabas ng Tanggapan ng Schools Division Office Undersecretary ang operasyon OUOPS No. 2023-03 noong Mayo 5, 2023 na binago ang katawagan at layunin ng dating Supreme Student Government (SSG) sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng sekundaryang paaralan.

Naglalayong palalimin ng SSLG ang kakayahan ng kabataan sa makabuluhang pag-unlad sa pamumuno at nagsisilbing hamon sa mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang galing bilang youth leaders na aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng paaralan.

itinuturing na isa pang ‘experimental education scheme’ matapos ang pagpapatupad ng K-12 program noong 2012, na ayon sa kanila ay kasimproblematiko ng kurikulum.

“Just like in the implementation of K-12 in 2012, it is disheartening that after more than a decade, the DepEd would tell the public that an implemented curriculum is problematic,” ani ng ACT.

Sa pagsisimula ng pilot testing, tutol ang ACT na dapat na ihinto ng DepEd ito at bumalangkas ng may-katuturan at tumutugon na kurikulum kasama ang mga stakeholder ng edukasyon na “tunay” na magbubunga ng mga nagtapos na maaaring mag-ambag sa pagbuo ng bansa.

Samantala, binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos na ang adyendang MATATAG ay magpapabago sa sistema ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng kampanyang “Bagong Pilipinas”.

Idinaos ang isang Mental Health Awareness Seminar noong ika-12 ng Disyembre 2023 sa Audio Visual Room (AVR) ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS).

Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa Baitang 10 at ng mga piling lider-kabataan mula sa iba’t ibang organisasyon ng paaralan.

Naisakatuparan ang naturang seminar matapos ihain ito ng Universal

Matagumpay ang aktibidad na “YOUTH Huddle 2024 Paving Paths” na pinamunuan ng Ateneo CODE noong Pebrero 2, 2024. Nagbigay ng inspirasyong mensahe si G. Kleid Pedraja, Project Head, Youth Huddle 2024 sa mga batang lider ng paaralan.

“Naiintindihan ko kayo sa mga ganitong sitwasyon dahil noon ay walang mga ganitong aktibidad na gagabay sa mga batang lider,” saad ni G.Pedraja.

Aktibong pinamunuan ni Fhe Dela Peña, alumnus facilitator ang mga mag-aaral upang maipakita ang kakayahan sa iba’t ibang larangan.

Pinangunahan ni Bb. Ma. Cecilia Velasco, SSLG Adviser at student leaders ang “Cupids’s Curtain Call” kung saan inayos

nila ang entablado ng paaralan at naghanda ng palaro na bukas sa mga guro at mag-aaral ng RMCHS sa Araw ng mga Puso.

Binubuo ito ng dedication wall kung saan ang mga magaaral ay malayang nagbigay at nagsulat ng kanilang mga damdamin para sa kanilang minamahal at photo booths na nagpakita ng iba’t ibang pelikula upang ilarawan ang kanilang karanasan sa pagmamahal, mula sa pagiging friends, lovers, brokenhearted pati na rin ang pagiging friendzone.

Ito ay nailarawan ng mga pelikulang gawang Pinoy tulad ng ‘Moron 5 and the Crying Lady’, ‘That Thing Called Tadhana’, ‘Camp Sawi’ at ‘I’m Drunk I Love You’.

Kinilig sa pasabog ng SSLG, ang ‘Express, Confess, Connect’ na aminin sa iyong minamahal ang iyong damdamin pati ang ‘Lights, Camera, Action’ na magkomento ng linya mula sa isang pelikula na naglalarawan ng love life status, na makikita sa kanilang Facebook page.

Sa huling araw ng programa ay may ‘Cupid’s Bingo’ para sa nagmamahalan at magkakaibigan.

Magbubukas ang halalan para sa susunod na mamumuno ng SSLG sa Akademikong Taon 2024-2025 sa tulong ng Learner Government Commission on Elections and Appointments (LG COMEA).

Church of the Kingdom of God (UCKG) Philippines sa School Parent-Teacher Association (SPTA) ng RMCHS, sa pamumuno ni Gng. Nhory Anne P. Siman, Pangulo ng SPTA, na katuwang na organisasyon. Layunin ng UKCG na tulungan ang mga taong itinuturing na “hindi ka tanggap-tang sa lipunan na karoon ng gong simula at harapin ang bu kas sa mas positi bong pa nanaw.

SSLG’s Cupid’s Curtain Call, pinusuan ng Ramonians PAHI NA SPTA, nagsagawa ng Mental Health Awareness Seminar Luishane A. Dahonog Paul Gabriel Manahan 3 Kyle Dylan Ahillon Hannah Faye Razon at Kyle Dylan S. Ahillon
Siscar Paul Gabriel Manahan DepEd Matatag Curriculum Umani ng Ibat’ Ibang Reaksyon sa Publiko https://images.app.goo.gl/gm8sXp3dby7aK8XU9 Nagbibigay ng mensahe ang isang kinatawan ng UCKG sa mga Ramonians.
Royanna

Catch-up Fridays ng DEAR, epektibo ba sa pagkatuto ng mga estudyante?

Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang pundasyong dapat maisakatuparan para sa mga mag-aaral. Ito ang nagsisilbing armas at panangga sa katagumpayan. Isa ang Pilipinas sa dumaranas ng krisis patungkol sa kalidad ng edukasyon. Gayunpaman, anong aksyon at oportunidad ang maaaring mailunsad para sa mga estudyante?

Inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA) taong 2022, ang resulta ng kakayahan ng mga 15 taong gulang na mga mag-aaral sa Pilipinas sa Matematika, Pagbabasa at

Agham. Makikita ang paunti-unting pagtaas ng puntos ng bawat asignatura kumpara sa naunang resulta ng PISA taong 2018. Una sa Pagbasa, na tumaas ng mahigit pitong puntos mula 340-347, Matematika na umangat ng tatlong puntos sa 350-353 at ang pagbaba naman sa Agham ng isang puntos, mula 357-356.

Bilang paghahanda para sa susunod na paglahok ng Pilipinas sa PISA, nagsagawa ng programa ang Department of Education (DepEd) ang Drop Everything And Read (DEAR) na layuning manghikayat ng mga mag-aaral sa mababa at mataas na paaralan, na gawing libangan at pagsasanay ang pagbabasa. Isa ang Catchup Friday na programa sa ilalim ng DEAR na tuwing Biyernes ay pag-uukulan ng oras ang pagbabasa sa lahat ng asignatura.

Ang bawat mag-aaral ay magbabasa ng teksto at pag-uusapan ang mga natutuhan. Bukod pa riyan, nahihikayat ang mag-aaral na makihalubilo sa kanilang kapwa at sa klase, maging bukas ang isipan sa kagandahang dulot ng pagbabasa at maiiwasan ang palaging paggamit ng teknolohiya.

Hindi pa naman huli ang lahat, marahil isa lamang itong paraan upang pag-igihan at paunlarin pa ang edukasyon sa ating bansa. Ang mga isinusulong na programa para sa mga mag-aaral ay higit na nakatutulong sapagkat nagsisilbing tanglaw sa kanilang tinatahak na landas.

Kaya naman, ang mga kabataan ay dapat bigyang pansin at agapay dahil sila rin ang magbibigay dunong sa susunod pang mga henerasyon. Sa huli, ang kaunlaran ay ipinagkakait ng mga nasa katungkulan ngunit ang talinong bunga ng pagpupursigi ay hindi maaangkin nino man.

Pagbabasa para sa Masa

Sinimulan ang Catch-up Fridays nitong Enero 12 sa ilalim ng National Learning Recovery Program (NLRP) ng Department of Education (DepEd). Ito ay nakatala sa nilagdaan ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Teaching na si Gng. Gina Gonong na Memorandum No. 001 s. 2024, tuwing Biyernes isasagawa ang nasabing programa.

Ang Catch-up Fridays ay naglalayong mapabuti ang kakayahan sa pagbabasa nang may pang-unawa. Bukod dito, inaasahang makatutulong upang mapaghusay ang bawat mag-aaral sa pagsusulat, pag-iisip, at pagsusuri. Ito ay bunga ng mga datos na pababa nang pababa ang bilang ng mga taong marunong magbasa, katulad ng datos ng World Bank kung saan 9-10 Pilipinong kabataan edad 10 ang nahihirapang magbasa at ang kontrobersyal na pangungulelat ng Pilipinas sa Program for International Student Assessment (PISA). Pahayag ng Pangalawang Pangulo at DepEd Secretary Sara Duterte, kailangan ng mga mag-aaral ang isang araw

upang makahabol sa mga kaalamang hindi nila matamasa. Kaniyang binigyang-diin na hindi maaaring paulit-ulit ang pamahalaan sa kanilang ginagawa ngunit wxala namang nakikitang pagbabago.

Gayunpaman, kasabay ng paglunsad ng Catch-up Fridays ay ang kabi-kabilang agam-agam ukol sa programang ito. “Literally, pinagbasa lang ang mga bata ng kung anuano,” saad ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative France Castro. Dagdag niya na dapat magkaroon ng pagsusulit ukol sa binasa upang masiguradong naintindihan ang binasa.

Bagaman maaaring may mabuting epekto ang nasabing programa, hindi mapigilang ipahayag ni ACT Chairperson Vladimir Quetua na nakagulo ito sa mga guro at mag-aaral kung ano ang papaksain

sa pagbabasa. Aniya’y dapat ay isinagawa ito nang tugma sa panahon na hindi okupado ang kanilang mga isipan at napaghandaan ang mga materyal na gagamitin tuwing Biyernes.

Mahalaga ang pagbabasa sa ating mundo, isa ito sa mga karunungan na nararapat taglayin upang manatiling mulat sa mundong ginagalawan. Kung sakaling hamon ito sa mag-aaral na nahihirapang magbasa, malaking tulong din ito sa pagyabong ng edukasyon sa hinaharap.

Sa huli, ang pagkakaroon ng maunlad na edukasyon ng bawat kabataan ay ang susi sa pag-unlad ng ating bayan.

Jabez Hance G. Bautista Punong Patnugot

Maria Fatima Q. Bautista Balita

Ariane Abas

Editoryal

Mary Cassandra P. Isip Lathalain

Margalo Amos V. Cerro Agham

Adrian B. Ibañez Isports

John Andrae G. Suan

Paglalarawang Tudling

Honey Lyn C. Tolentino

John Mark T. Hizalan

Stephanie Anne A. Bernabe

Sophia Anne A. Bernabe

Cianna P. Marquez

John Cedrick L. Buenaflor

Tagalapat ng Disenyo

Mga Kontribyutor

Irish Divine S. Dueñas

Royanna L. Siscar

Luishane A. Dahonog

Paul Gabriel J. Manahan

Hannah Faye A. Razon

Kyle Dylan S. Ahillon

Bernadine Leigh Gabriel D. Zerna

Knights V. Malacad

April Rose V. Cortes

Lara Antoinette C. Palma

Chrizdhel Laleine C. Vasquez

Jovelyn F. Tabbu

Christene Angel O. Rodriguez

John Ray Cacananta

Franz Joaquin L. Inaldo

Ma. Sofia M. Brusas

Andrea Isabel R. Salazar

Diana Marie B. Beceril

Catherine T. Rosal

Jaeyah O. Manalang

Lindsay T. Casiano

Millecent Reign Bo John Caleb M.Yepez

Gng. Evangeline S. Gagarin

Tagapayo, Ang Tanglaw

Florian L. Ruiz, PhD Filipino, Puno ng Kagawaran VI

Arliana A. Arboleda, EdD Punongguro IV

Salita ng Diyos

“Ang anak ng tao ay kailangang maipagkanulo sa mga makasalanan at maipako sa krus at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.”

(Lucas 24:5-7)

NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024 Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School EDITORYAL
4
Isinulat ni Ariane Abas Jabez Hance G. Bautista
PAHI NA
ANG TANGLAW PATNUGUTAN
a (Mula sa 24 na repondante)

Kabataan, Pag-asa ng Bayan

“Ayoko na.”

“Nakakapagod!”

“Ang daming gagawin!”

Mga katagang madalas kong sinasambit at naririnig sa mga mag-aaral sa panahon ngayon. Ang kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay maituturing na isang mabigat na responsibilidad para sa mga mag-aaral na katulad ko.

Ang usapin tungkol sa pagbibigay ng maraming gawain/activities sa mga magaaral ay matagal nang napag-uusapan o nagiging dahilan ng mga debate. Sinasabi ng iba na ang gawain na ito ay nagiging dahilan ng pagka-overwhelmed ng magaaral sa sobrang dami, mapaakademiko o extracurricular man na gawain. Ang iba naman ay naniniwalang ang mga ito ay

makatutulong sa pag-unlad ng mga magaaral tungo sa tagumpay. Sa aking palagay, ang kasalukuyang mga gawaing ibinibigay sa amin ay sobra at nakapagdudulot ng stress.

Unang-una, importante na malaman natin na hindi lamang nasusukat sa matataas na marka at dami ng natapos na gawain ang akademikong tagumpay. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magkaroon ng oras para magpahinga o mag-relax, pagbibigay ng oras para sa kanilang mga hobbies, at oras para makihalubilo sa iba. Gayunpaman, ang mataas na ekspektasyon sa mga kabataang tulad ko ay nagiging sanhi ng pagsasakripisyo namin sa aming mental health at mga personal na interes.

ANYARE

pagbaba ng motibasyon mag-aral. Kapag ang mga mag-aaral ay patuloy na natambakanng mga gawain tulad ng takdang-aralin at sunod-sunod na deadlines, maaari silang ma-burned out at mawalan ng in teres sa pag-aaral.

Higit pa rito, mahalagang isaalangalang natin ang epekto ng napakaraming workloads sa pisikal na kalusugan ng mga mag-aaral. Ang kakulangan sa tulog opagpupuyat upang matapos ang mga ibinibigay na gawain ay maaaring human tong sa pagkapagod at paghina ng immune system.

Para sa akin, hindi balanse ang mga iniatas na mga gawain sa mga mag-aaral. Mahalagang bigyang-prayoridad ang kala ainit ang usapan at pagdududa ng taumbayan nang kwestyunin ang Ikalawang Pangulo na Kalihim din ng Department of Education (DepEd) na si “Inday” Sara Duterte noong Setyembre, 2023 nang maharap sa mga debate ng plenaryo sa senado ukol sa 650 Milyong “Confidential” na pondo. Ang pagkakaroon ng naturang pondo ay bagay na hindi kayang mabigyang-katwiran nang agaran, gayunpaman ay nilikha para sa ikabubuti ng seguridad ng taumbayan. Madali kung sabihin, ngunit marapat na bigyang kahulugan ni VP Duterte ang bigat ng halaga ng confidential funds.

TAPIK SA BALIKAT

Pangalawa, ang pagbibigay ng sobrang gawain ay maaaring magresulta ng

Lantad na Kasakiman

Knights Malacad
“Lihim ang pondo, lantad ang kasakiman.”

Ayon sa 2015 joint resolution, ang Confidential Funds ay nagsisilbing kumpidensyal o lihim na gastusin para sa pagmamatyag ng sibilyang ahensya ng pamahalaan na ang layunin ay suportahan ang mandato o operasyon. Walang malinaw na layunin ang nakasaad na mga halagang 500 Milyong kumpidensyal na pondo sa OVP at 150 sa DepEd para sa 2024 GAA. Tila patuloy na pinakikita rito ni VP Duterte ang kawalan niya ng respeto sa bigat ng pera ng taumbayan.

Nagtatag ng bagong opisina para sa Satellite ang Office of the Vice President (OVP)—bagay na walang dudang makatutulong sa pagsulong ng pangkalikasang seguridad. Subalit ang perang ginamit upang tustusan ang nasabing opisina ay ang 125 Milyong Confidential na pondo noong 2022 na “transferred” mula sa Contingency funds ng Office of the President at ginastos lamang sa loob ng 11 araw. Binatikos ito ni ACT Teachers Representative France Castro marahil hindi nakasaad ang paggasta ng pondo sa alokasyon ng badyet sa 2022 General Appropriations Act (GAA). Batay rin sa Commission on Audit (COA), hindi sinunod ng OVP ang proseso na kinakailangan sa Republic Act No. 9184.

“A ‘people’s initiative’ (P.I) that started on the wrong foot and tainted with controversy would not do the country and the people good.” saad ni Sen. Grace Poe sa pagpupu long ng senado noong ika-30 ng Enero na isinagawa matapos sinuspinde ng Commision On Election (COMELEC) ang pangongolekta ng mga lagda para sa People’s Initiative (PI).

Hindi rin nakatulong ang kawalan ng pananagutan at transparency sa pagdagsa ng samu’t saring suliraning sa mukha ng karunungan katulad ng kakulangan ng kagamitan sa mga pampublikong paaralan, bentilasyon at mababang pasahod sa administrasyon ng paaralan, tila nagagawa pa ring ikibit-balikat, bigyang linaw ang alokasyon ng pondo. Sa halip din na magpaliwanag upang pakalmahin at bigyan ng rasyonal na sagot ang masa, binatuhan niya ng pambabanta ukol sa paglaban sa kapayapaang ibinibigay ng naturang kumpidensiyal na pondo.

Upang sumahin, nagbibigay ng napakaraming pagkakataon ang pondo para sa ikabubuti, ngunit ang paggamit nito nang hindi nakabatay sa nararapat ay maglalagay sa ating bansa sa peligro. Marapat lamang na wakasan ang confidential funds kung ito ay gagamitin lamang nang walang respeto sa taumbayang nagbabayad ng buwis para sa kanilang lihim na kasakiman.

PUNTO DE BISTA

Cha-Cha na Para Sa Masa; Hindi sa Kontrobersiya

lagda para sa PI, ngunit kaduda-duda kung lehitimo ang lahat ng lagda lalo’t walang pamatayang nilabas ang COMELEC. sa ‘People’s initiative.’ May katotohanan ba at matibay na ebidensyang magpapatunay sa nangyaring suhulan? Sa totoo lang, hindi mahihiwalay sa bansa ang kontrobersiya dahil

Sa ngayon, umabot na sa

Boses ng MASA

Nais mo ba na 1 sesyon (AM) na lang ang pasok sa paaralan?

Kukulangin ang mga room kung sabay-sabay na papasok ang JHS at SHS

-Hance

Naiintindihan na totoong kailangan isaayos ang ating konstitusyon dahil hindi na ito akma sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Kailangan makiayon sa paglago ng ibang bansa sa mundo ngunit hindi natin kailangan ipaubaya ang ating lupa sa dayuhan upang guminhawa ang ekonomiya.

Kung ako ang tatanungin,

Masyadong siksikan na sa canteen kung break time na -Irish

dapat laging may ‘safeguard’ na nakasunod sa pagbabagong nais gawin kung sakaling may hindi inaasahang mangyari.

Mahirap magkamali at magdusa ang taong bayan dahil papalya ang plano nila para sa bansa. Magandang hindi lang isa ang ating aasahan upang iangat ang ekonomiya, —gawin ang lahat ng posibleng solusyon.

Mapupuno ang quadrangle kung magkakasabay ng gamit ang MAPEH sa kanilang klase

-Adrian

OPINYON Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024
PAHI NA 5
Lara Antoinette Palma

KATARUNGAN

BEEP, BEEP! HULING BUSINA NG HARI

Beep! Habang ako’y sakay ng isang jeep sa kahabaan ng Kyusi, marami akong natanaw sa ilalim ng mainit na panahon. Mga bagay at mga taong tila ba’y may sariling mga mundo. Maingay na busina ng mga sasakyan, mga tindahan sa gilid ng daan, mga taong may iba’t ibang antas ng pamumuhay, at hindi mawawala ang mga tradisyunal na dyipni na makikita mo kahit saan, malayang nakikipag-unahan upang isakay ang mga taong kanina pa nakabilad sa araw. Kasabay ng huling araw ng nakaraang taon ay ang tuluyang pagpapagtigil sa pag-ikot ng manibela ng mga tradisyonal na dyipni sa bansa. Hindi pa rito natatapos ang byahe ng buhay ng bawat Pilipino at hindi pa natatapos ang laban na ito.

Binibigyang imahe at pinagmumukha ng pamahalaan ang jeepney modernization bilang isang handog sa mata ng mga drayber at mga mamamayang Pilipino. Mas komportable, mas maaliwalas, mas malawak at hindi hamak na mas maganda. Pagbabagong nangangako ng pag-unlad at pag-angat. Suba- lit nakikita ko na, sa kalauna’y matatanaw ng mga maralita ang isang huwad na pagsulong. Hindi bulag ang mga tsuper, batid nila na ang kaloob na ito ay isang linlang upang ipatupad ang mga bagay na tutugon lamang sa kagustuhan ng mga maimpluwensiya. Sama-samang patuloy na nanawagan sa kanilang karapatan sa kabila ng mga binging opisyal hanggang sa sila ay binigyan ng panahon hanggang huling araw ng Abril para patuloy na mamasada. Ngunit hindi ito sapat, hindi ko hangad na patagalin pa ang jeepney phaseout, nais ko itong tuluyang ibasura.

Totoong maganda ang modernisasyon lalo na sa panahong ito na tayo ay patuloy na nabubuhay sa pagbabago. Pero para sa akin, hindi pa ito ang natatanging oras. Hindi dapat na ibinabaon na lamang sa limot at burahin sa mata ng tao ang nakagisnang tradisyon. Isa pang bagay, maling-mali ang implementasyon ng bagay na ito. Hari man ng kalsada ang dyipni, ang mga tsuper naman nito ay walang kayamanan at nagtitiis sa kakarampot na kita. Nararapat lamang

PETSA DE PELIGRO

na sila’y bigyang prayoridad na hindi kasama ang tanggalan sila ng hanapbu hay.

Maaaring ayusin na lamang ang dyip na mayroon sila upang hindi na bumili ng bago, gayunpaman, mahalaga pa rin na pakinggan ang kanilang mga boses. Walang mararating ang pag babagong sinakripisyo ang mga nasa mababang uri. Sabi nga nila, “Sa laban ng tsuper, kasa ma ang komyuter.” Kasama ako at kasama kayo sa laban na ito.

Sa byahe ng buhay sa loob ng tradi syunal na dyip marami tayong alaala at karanasan. Iba-iba man tayong nakasakay at ang ating paroronan– estudyante, manggagawa, matatanda, ina o ama, batang lansangan at iba pang uri ng mga tao, tayo ay nasa iisang bubong, sama-samang naghihintay. Sa bawat “Bayad po!”, dala ang sakripisyong ibinibigay natin upang magpatuloy ang byahe, sa bawat “Sukli mo, neng!”, na ibinibigay at itinutugon sa atin ng iba. Sa bawat stoplight na nagpapahinto sa atin. Titigil, may bababa, may sasakay at magpapatuloy muli. Nariyan palagi ang “Para po, manong!” ang boses na ibinibigay sa atin upang sabihin ang ating saloobin.

Tayo ay bababa, magsasaya, at maya-maya’y maghahanap ulit ng masasakyan pabalik. At ngayon na itinutulak pa rin ang pagpapawala sa ating kilalang sasakyan, nawa’y handa tayo na ipaglaban at ito’y pigilan, bagamat, kailangan din nating maging handa at yumakap sa mga pagbabagong magaganap sa ating buhay. Sa bawat pagtigil at pagbabago, tayo ay nararapat na magpatuloy at umusad. Sa bawat laban ng ating kapwa Pilipino, sama-sama tayo tungo sa iisang ruta ng kaunlaran.

LAPIS SA KANAN, PAMAYPAY SA KALIWA

Matapos lumaganap ang Covid-19 na sanhi ng pagtigil ng mga klase at sa pagbabago ng School Year calendar, naging maagap ang Department of Education (DepEd) na ipagpatuloy ang pag-aaral sa tulong Blended Learning. Ang tradisyunal na pagsisimula ng klaseng Hunyo-Marso ay napalitan ng Agosto hanggang Hunyo.

Ngayon na unti-unting nawawala ang kamandag ng Covid-19, nais ng DepEd ibalik na sa dati ang pasukan. Kayanin kaya ng mga mag-aaral ang pagbabagong muli?

Paniguradong sa umpisa,

kung matuloy ang plano, maraming tututol na mag-aaral sa kadahilanang mababawasan ang kanilang pahinga bago ang panibagong pasukan. Marahil kung papipiliin ang mag-aaral na katulad ko mas nanaisin king ibalik sa nakasanayan ang paninimula ng klase. Sa pag-aaral nararapat lamang na nasa maayos na estado ang isang mag-aaral na ganahan at mahikayat, kailangan itatak sa isipan na dapat komportable sa kapaligiran upang maiwasan ang istorbo at pagkawala ng pokus.

Kilala ang Pilipinas sa tindi ng init ng panahon kung kaya’t

hindi maiiwasan ang pagdapo ng karaniwang mga sakit tulad ng hyperthermia, heat stroke, at panghihina na maaaring mag silbing panganib para sa mga kabataan.

Hindi lahat ng paaralan ay may maayos na facilities na kon tra-init. May mga hindi pinalad na wala silang libreng water fountain para maibsan ang uhaw. Minsan pa’y kulang-kulang at kadalasang sirang mga electric fan na nakaaalarma sa kalig tasan ng mag-aaral.

Sabay ng pagkatama ng Covid-19 sa bansa ay damay rin ang ekonomiya ng Pilipinas. Isa sa kadahilanang pagbaba ng

KAMANGMANGANG MADARAIG

ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, nananatiling isa ang bansa sa nasa hulihang pwesto sa tatlong magkakaibang asignatura. Napakaraming mga nagtanong kung ano nga ba ang puno’t dulo. Napakaraming ibinatong dahilan na kesyo kasalanan ng teknolohiya, social media, ng mga tamad na mag-aaral at iba pang mga paksang maaaring ikatwiran.

pa rin ang Pili pinas sa hulihang pwesto ng PISA. Gayunpaman, ang pagiging nasa hulihan ay hindi nangangahulugang huli na ang lahat. Hindi man tayo nagulat na hindi pa rin tayo umaangat, huwag nating hayaan ang ating sarili na hindi asamin ang kaunlaran para sa bayan. Ang kawalang pagbabago ay hindi kakambal ng wala nang pagbabago.

Sa inilabas na resulta

Imbis na ituon ang atensiyon sa pagbabato ng sisi sa iba, sa pagpapabango ng pangalan at pagrereklamo ng naging resulta, oras na upang maglaan nang maayos at makataong plano upang pataasin ang resulta. Una sa lahat, simulan sa pagbuo ng sistemang hindi bulok at hindi nagmula sa malansang politika. Imulat ang mata sa mga totoong problema- kakulangan sa mga establisyemento, libro, silid-aralan; mababang sweldo ng mga kaguruan at hindi kalidad na edukasyon ang dapat tutukan.

Sa isang banda, dapat paghusayin ang paraang pang-akademikong hindi

ekonomiya ng bansa ay dahil hindi kumikita ang tourist attractions. Ang Pilipinas ay

Royanna Siscar

na nagbabalak magpahinga sa napaagang bakasyon ng mga mag-aaral.

na epektibo dahil walang mangyayari kung patuloy na ginagawa ang mga nakasanayang wala namang kabuluhan at hindi nakatutulong sa pagdagdag ng kaalaman. Dapat isaisip ng taong nararapat umaksyon, kung ikaw ang nasa pwesto upang mamuno sa matatag na edukasyon, pakinggan mo ang mag-aaral at kaguruan, paunlarin ang kalinangan at kasanayan. Hindi maitatayo ang isang tahanang walang matibay na pun dasyon katulad ng mag-aaral na hindi uunlad sa hindi matatag na edukasyon.

Sa nagbabadyang ningas ng kamangmangan, ang oras ay patuloy na tu matakbo kasabay ng pagbabagong dapat na ilagay sa tamang daan. Hindi ito ang panahon upang mawalan ng pag-asa, bagkus ito ang pagkakataon upang magpasiklab pa ng determinasyong pa taasin ang pwesto ng ating bansa, hindi lamang sa PISA. Ipakita nating mga kabataan na hindi pa rin namamatay ang diwa ng pag-asa sa bayan. Walang nagbabago dahil tayo ang magpapabago.

Liham sa Patnugot

Mahal na Patnugot,

Nais kong ipaabot ang ilang alalahanin tungkol sa mga pasilidad na hindi naaayon sa amag-aaral.

Una sa lahat, sa iba’t ibang silid-aralan ay may kakulangan ng mga upuan para sa klase. Pangalawa, marami rin sa mga silid-aralan ang may sira o hindi maayos na mga pinto. Panghuli, napansin din namin na ang ilang pisara sa silid-aralan ay lubos na luma at ang ibang silid naman ay walang nagagamit na white board. Ang mga suliraning ito ay nagdudulot ng hindi magandang kapaligiran sa aming pag-aaral.

Kami po ay umaasa na bigyang- pansin ang aming mga alalahanin at maaksyunan sa lalong madaling panahon upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon na aming natatanggap.

Jace

PAHINA
Cortes
Buenaflor April Rose
NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024 Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School OPINYON 6

SIPOL

Isang madilim at nakatatakot na gabi. Isang hawak…. Isang sipol…. Isang sigaw! Kinaumagahan, kalat na naman ang balitang may isang babaeng nabastos habang naglalakad pauwi.

Katwiran ng lalaki, pananamit daw. Pananamit? Nakauniporme ang bata! Hay nako, ganito na ba talaga kadelikado ang mundo ngayon? Hindi na malandas nang maayos ang patutunguhan dahil sa takot at kabang nabubuhay sa loob ng puso.

Marahil ito ang dahilan ng pagpapatupad ng mga

Violence na gaganapin na bawat taon, mula Nobyembre 25 - Disyembre 12. Wala naman tayong ibang magagawa kundi maupo at hilingin na sana’y magkaroon ito ng epekto. Sana… sana sa mu- ling pagmulat ng aking mga mata, wala na akong nararamdamang kabog sa dibdib Sa mga araw na lumilipas, bawat kababaihan ay may kwentong maibabahagi. Tunay na kaysaklap kung iisipin na halos lahat ng kababaihan ay dumaan sa kamay ng karahasan. Bagay na kailanman ay hindi

Karamihan sa biktima? Estudyante. Mahina at wala raw kasi silang laban kumpara sa ibang kayang tumindig para sa kanilang mga sarili.

Tiwala. Isang malalim na salitang madaling sabihin ngunit mahirap ibalik kapag nasira. Tiwala. Isang salitang madalas ay dahilan kung bakit nayuyurakan ang dignidad at ang pusong walang ibang ginawa kundi magmahal nang buong-buo. Dahil kung hindi nababastos, nasasaktan naman. Rinig ang

yaw at paghingi ng tulong ng pusong lumuluha.

Malamig ang simoy ng hangin, tila ba’y sumasang-ayon ito sa nararamdaman ng mga pusong naghihinagpis. Mangyari pa kayang masilayan ang mundo kung saan hindi huhusgahan at gagawing dahilan ang iyong pananamit upang bastusin ka? Dapat na lalo pang paigtingin ang batas na pumoprotekta sa mga kababaihan –sa mga kabataang tulad ko. Dahil ang nag-iisang bagay na nararapat manaig sa mundong ito, ay ang sipol ng

Daloy ng Madilim na Dugo, tungo sa pagbabagong yugto

Ahhh! Napakahigpit na sakit.. ang pumipihit.. sa loob ng aking damit! Bakit may dugo?! Dugo, sa binti ko ay tumutulo. Tulong!!!

“Shh,” biglang bulong ng aking katabing babae. “Marahil ikaw ay may buwanang dalaw. Kasunod nito ay ang biglaang pagtubo ng mga pula sa aking mukha at tila paghaba ng buhok ko sa kilikili’t maselang bahagi ng katawan.

Ramdam na ramdam ko ang kadiliman ng pagbabagong ito na mas lalong lumala dahil sa mga tinginan ng kalalakihan sa daan. Malalaking mata na kung humusga ay hinihila ako papalapit sa kanila. Mga kamay na kung gumalaw ay halimaw manghipo na sa isip ko ay hindi maglaho. Nanginginig, natatakot, nayayamot, nangangamba, at kung minsan ay umiiyak pa. Gayun na lang kabilis ang pagbabago ng emosyon ko.

Sa pagpasok sa eskwela, nagsisitaasang mga kilay ang bumungad sa akin. “Ang dumi naman ng mukha mo,” “sinlaki mo yung nanay sa kanto,” saad nila na may halong tawanan pa. Sa puntong ito, hindi ko magawang ikalma ang kakaibang tibok nitong delubyong nakatago—haay, bakit lumalago!

Tanging ang “Anti-Bullying Act of 2013 (Republic Act No. 10627)” at ang “Anti Sexual Act of 1995 (Republic Act No. 7877) ang naging pinanghahawakan ko sa paglaon ng panahon. Ano man ang gawin nila, alam kong may laban na ako, kasi may karapatan ako!

Ganitong mga batas ay naka- tutulong sa paglutas ng problemang kinakaharap ng mga kababaihan. Nagbibigay proteksyon sa mapang-abusong mga tao sa maghapon. Kahit papaano, natatapalan ang animo’y itim na butas na nab uo kung saan bahagdan ng aming kumpiyansa sa sarili ay hinigop papalayo.

Simulan ang ating pagbaba- go, harapin ang pulang agos ng buhay. Hayaang sarili ay mapunta sa ibang yugto, nang kaalaman natin ay magwagayway na tunay. Mabuhay!

LATHALAIN
Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School
NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024 PAHINA 7
Mary Cassandra P. Isip Chrizdhel Laleine C. Vasquez

bula sa kawalan

Napabuntong-hininga sa kawalan, matindinding siphayo ang namayani sa aking isipan - inis, pagkadismaya, at lungkot. Sa halos isang oras kong pakikipagtitigan sa kawalan, papalit-palit ang aking pagsinghay at pagtingin sa papel kong walang bahid ng sulat. Sa mga sandaling iyon, hinayaan kong tangayin ng hangin ang aking iniisip. Dinala ako nito sa isang kakaibang larawan - madilim, tahimik, at mapanglaw. Sa patuloy na pag-iikot ay nakuha ang aking atensyon ng isang rehas - rehas ng mga taong itinuturing na mangmang at pinagkaitan ng kaalaman. Ang rehas na iyon ay larawan ng mapait na reyalidad ng pampagkatuto. Malayo pa at malayo pa talaga.

Ang estado ng edukasyon sa Pilipinas ay maihahalintulad sa isang bangka sa gitna ng dagat - matibay sa mga hampas ng alon subalit marupok sa tubig. Sa pagdaan ng mga taon, ang aspeto ng pagkatuto ay sumasailalim sa iba’t ibang mga pagbabagopagbabagong maaaring benepisyal o ‘di naman kaya’y hindi makaaapekto nang lubos sa pagpapabuti nito. Gayunpaman, ang ating edukasyon ay kilala sa isang katangian nito - ang pagiging matatag.

Noong nakaraang taon lamang ay inilabas ng Program for International Assess ment (PISA) ang resulta ng kanilang isinagawang pagsusuri na kung saan ang Pili pinas ay nasa ika-77 na pwesto sa 81 mga bansa na kasali. Masakit na katotohanan, subalit dapat itong lunukin at tanggapin. Negatibo man ang naging kahulugan nito sa iba, ngunit iminumulat lamang tayo nito sa mga pagkukulang ng ating sistema at ang mga bagay na dapat baguhin at paigtingin pang lalo upang makamit ang inaasam na bunga.

Maraming paraan kung nanaisin nating kumilos. Sa katunayan, nagsisimula na ang mga hakbangin ng gobyerno hinggil sa suliraning ito. Bukod sa MATATAG curriculum na patuloy na isinisulong, nariyan din ang bagong programa ng Depart ment of Education (DepEd) na D.E.A.R. o Drop Everything and Read. Ipinatupad ito kasunod ng naging resulta ng Pilipinas sa PISA, sa paghahangad na maibsan ang mababang pang-unawa o katalastasan ng mga Pilipinong mag-aaral pagdating sa pag basa. Ito ang tugon ng departamento sa krisis na kinakaharap ng ating edukasyon, maging ng ating kinabukasan.

Ang lagay ng ating pampagkatuto ay nanganganib, na siyang dapat nating ikabahala. Edukasyon ang pundasyon ng isang matagumpay na lipunan - ang pagtamasa sa dekalidad na pagkatuto ay ‘sing halaga ng isang namumukadkad na ekonomiya. Nakatutuwa na ang ating gobyerno ay pilit gumagawa ng mga positibong hakbang sa pagpapalawig pa ng kaalaman ng mga mag-aaral, subalit aanhin ang isang gasera kung ito’y ‘walang langis - aanhin ang isang plano kung wala itong aksyon. Sa likod ng mga larawan ng mga batang hawak-hawak ang mga naglalakihang libro, hindi tayo nakatitiyak sa ganap na kapangyarihan ng implementasyon na ito. Ang litratong ito marahil ay sumasalamin pa sa tunay na suliranin ng ating lipunan.

Gobyerno. Lipunan. Mga Pilipino. Sa pagsugpo ng lumalalang problema sa edukasyon, hindi lamang iisa ang dapat kumilos - pakikiisa at pagkakaisa ang kailangan upang maisakaturapan ang layuning ito. Ang nais marating ng D.E.A.R. ay tunay na maganda, subalit ito’y tila pansamantalang takip lamang sa sistemang patuloy na nabubulok - isang bula na kapag nagtagal ay maglalaho rin sa kawalan. Hindi sapat ang paglikha ng isang programa nang walang konkretong mithiin at pagkilos.

Mahirap ang maglakbay nang walang direksyon at mas lalong mahi rap kapag walang kasama. Kinakailangan ang bawat isa, kapitbisig, at maging responsable sa pagpapatupad ng mga adhikain para sa ikabubuti ng ating pagkatuto.

Tayo ang susi sa patuloy na nakakandadong silid ng ating kinabu kasan. Huwag magpaalipin sa rehas ng de-siklong sistema.

LATHALAIN NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024
8 PAHINA

kisapmata

Hep hep! Tigil muna! Halina’t maglakbay sa iba’t ibang mundo na tiyak na makapagpapakabog sa puso mo. Mayroong mundo ng kababalaghan, piksyon, romansa, mga pambata at iba pa. Ikaw na ang bahalang mamili kung ano ang bet mo! Habang nagbabasa, wari ba’y isa kang batang pumapalaot sa loob ng iyong malikhaing utak na maraming nabubuong imahe at nagpapadala sa kung saan man nais padparin nito. Sa mata ng mga bata, ang mundo’y simple ngunit sa tuwing nahahaplos ng kanilang mga kamay ang libro at dumadapo ang kanilang mga isipan dito, ang mundong simple ay nagiging puno ng mahika at kakaiba.

Pero dahan dahan ka! Kung masyado kang magpapadala, hihigupin ka ng libro’t baka doon ka na tumira. Kapag hindi mo namalayan, naku! Baka tuluyan ka nang mahigop at mapalayo sa reyalidad. May mga pagkakataon pa ngang nagpapanggap na siya ang karakter sa binabasa niyang nobela. Paano ba naman, maginoo at gwapo kasi ang bida kaya gustong siya ang kapareha. Aba, mala-

Mayroon namang mga pagkakataong sa sobrang inis mo sa bida, gusto mong pumasok sa libro at palitan na lang siya. Tipong gusto mo na lang maging lalaki para turuan sila kung paano tratuhin nang tama ang mga babae. Kung dadako naman tayo sa kultura’t pamahiin, aba, may panlaban tayo riyan! Nariyan ang kwentong bayan na Maria Makiling, isang diwatang taga-bantay ng bundok Makiling. May katagalan na rin ang kwentong bayan na ito ngunit buhay at nanalaytay pa rin sa mga Pilipino ang mga kwentong bayang napaglipasan na ng panahon. Kadalasan, ginagaya pa nga ng ibang mag-aaral ang wangis at anyo ni Maria Makiling para sa gawaing pampaaralan.

Sa unang paghigop sa iyo ng libro, dala-dala’y aral na panibago. Sa muling paghigop nito, nakapapasok at nalilibot ang dimensyong pabago-bago. Sa bawat dimensyong ito, hatid sa iyo’y tuwa, kaalaman, at karanasang tiyak na magmumulat sa iyong inosenteng isipan. Sa pagbabasa, hindi ka lang natutuwa, natututo ka pa. Bukod sa maaari kang magkaroon ng sarili mong mundo, may bitbit ka pang aral na tiyak na ikapapanalo mo kung ito’y isasapuso’t isasaisip mo. O ‘di ba, saan ka pa? Halina, tayo na’t pumalaot sa ulap na maraming handog para sa iyo.

BASA-BASA RIN 'PAG MAY TIME!

sland hopping, diving, street photography, at iba pa— ilan lamang ito sa mga paboritong pampalipas oras ng mga tao sa ngayon, lalong higit na sa nakalipas na mga buwan ay unti-unti nang niluluwagan ng pamahalaan ang mga restriksyon sa paglalakbay tungo sa iba’t ibang lugar. Binigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili na sulitin ang nakabibighaning mga tanawin hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa buong mundo. Ang paglalaan ng oras sa pagpa pahinga ay nakatutulong na mapalakas ang kalusugan, ngunit hindi lamang iyan ang maaari

Natuklasan ng mga mananaliksik na kabilang ang pagbabasa sa mga gawaing nagpapaunlad ng pisikal at mental na estado. Bagaman pangunahin itong ginagawa sa mga paaralan kung saan ay may pormal na edukasyon, napag-alaman ng isang pag-aaral noong 2015 na may direktang impluwensiya ang pagbabasa sa mas epektibong paggana ng utak. Gamit ang Magnetic Resonance Imaging (MRI) na may kakayahang makapagprodyus ng malilinaw na larawan o video ng utak, naobserbahan nila ang mas malaking utak na may mauunlad na koneksyon ng mga selula matapos bigyan ng babasahin sa loob ng itinakdang araw. Talaga ngang “nakatataba” ng utak ang pagbabasa!

Kung sakali mang iniisip ng ilan na limitado ang nagagawa ng pagbabasa sa pisikal na aspeto ng isa, hindi pa natin nararating ang dulo. Habang higit na umuunlad ang kakayahan ng utak sa pamamagitan ng pagbabasa, hinuhubog din nito ang abilidad ng isa na makiramay. Iyon bang theory of mind sabi nga nila.

Epektibo rin ang pagbabasa pagdating sa pagpapababa ng stress levels, na pangunahing salarin sa mataas na presyon ng dugo at mabilis na tibok ng puso. Ito ay dahil pinakikilos ng pagbabasa ang katawan na magprodyus ng mga hormone na nagpapakalma sa tao. Bunga nito, humahaba ang buhay ng isa, lalong gumaganda ang sleep cycle at nababawasan ang posibilidad na magkaroon ng depresyon. Tarang magbasa para iwas stress.

Pero hinay-hinay lang, mga kaibigan! Kung ikaw man ay nahuhumaling na sa pagbabasa, isang paalala na lahat ng sobra ay masama. Bago pa tuluyang masayang ang oras, huwag kalilimutang unawain at piliin ang binabasa sa masusing paraan.

LATHALAIN PAHINA
Mary Cassandra P. Isip
9 -
Margalo Amos V. Cerro

DING!

Ding!

Isa na namang notification ang narinig mula sa’king celular na telepono. Heto na naman! Ding, ding! Panibagong uri ng libangan, kaakit-akit na produktong nais itangkilik-- kay rami na talaga ng mga bagay na puwedeng ipakita’t tangkilikin ng masa! Kawili-wili, hindi ba?

“What’s up, guys!” Rinig mula sa aking gadyet habang kumakain, sa harapan ng mata ko’y isang makulay na pirasong damit ang ipinakitang nais maibenta. “Kailangan ko ba ito?” Nag-aalinlangang tinanong sa sarili, agad kong inisip kung mayroon pa bang pera at silbi kung bilhin ko ito? Sa isang iglap, Ding! Isang notification-- “Mine!”, komento ng isang manonood, ‘di na namalayang ako’y naunahan na pala. “Sa susunod na lang siguro...”. Para bang namalengke lang, muling naalala ang pakiramdam ng pakikipagkompetensya sa tuwing bumibili ng sariwang ani.

Kung hindi man pera ang nakuha, oras at atensyon ko naman ang aking nailaan. Sa paggawa ng mga napakasimpleng gawain– maging ang pagkain, paghugas ng pinggan, o kaya nama’y ang paghilata sa kama, ang paggalugad sa mundo ng internet, para sa isang pakiramdam ng pagkalibang ay unti-unti nang nagiging gawain.

Napakaliit na bagay man sa mga manonood na tulad natin, ngunit ito’y malaki’t nakatutulong sa mga lumilikha. Sa bawat segundong inilalaan sa pagkuha ng litrato’t paggawa ng bidyo, talagang makikita ang dedikasyon at pagsusumikap na nais nilang ipahiwatig sa masa.

Ding! Sa bawat interaksyong natatanggap, ito’y nagsisilbing isang tapak patungo sa tuktok ng bundok ng mga pangarap.

Tunay nga na ang pagtatagumpay ay hindi isang destinasyon, kundi isang mahabang paglalakbay. Hindi man natin sila nakikita o kilala, ang taos-pusong pagsuporta, sa anumang pamamaraan, ay paniguradong magbibigay-liwanag sa kanila’t sa bawat isang tumatangkilik sa bawat likha.

Mag-iba man ang Ganda'Y Mangibabaw!

Sa panibagong pagsikat ng araw, nasilayan ang mga kabataan na wari’y sariwa pa’t lumalangoy sa gitna ng kalayaan. Naging impluwensiya sa pagkakaroon ng mataas na pamantayan sa kagandahan ng mga kababaihan; tanging ang mga may edad na, may asawa, at anak ang naapektuhan.

Sa isang sandali, namuo ang limitasyon na kung tingnan ay sintaas ng araw na nagbibigay init sa pananaw ng bawat tao sa lipunan. Lumawak ang paglaganap ng diskriminasyon sa pagitan ng makinis na balat at katawang puno ng marka’t guhit. Naging usap-usapan din na ang matatanda ay hindi na dapat sumali pa sa pagandahan.

Magmula noon, itinuturing na ang kagandahan ang pangunahing kayamanan ng sinuman. Maaaring magdikta ng kahinaan sapagkat hindi natin maikakait na may taglay itong kapangyarihan. Inilalaban sa paligsahan na may layuning kinatawan ng bansang pinagmulan. Isinasagawa rin upang mapanatili ang pag-asa sa panibagong kinabukasan.

Sa bilis ng pagtakbo ng bawat minuto, nakasalubong natin ang mga kababaihang kung ngumiti, lumakad, o pumorma ay may edad na hindi natin aakalain. May talinong taglay na parang kahapon lamang na sila ay estudyante kung nadatnan.

Inilahad ng organisasyon ng Miss Universe noong Setyembre, 2023 na magmula sa taong 2024, may anak man o may asawa ay maaari nang maging kandidata ang kahit sinong

LATHALAIN Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024
CHRISTENE ANGEL O. RODRIGUEZ
10 Mula kay: Zumrotul Ma’lufiyah, Canva
Chrizdhel Laleine C. Vasquez
PAHINA
Mula kay: arsevaart, Canva

PANITIKAN

NOBYEMBRE

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School

PhilSA: Kaalamang Pangkalawakan, Palawakin!

Sa labas ng daigdig mistulang palaisipan kung ano ang makikita natin sa paligid nito. Narinig mo na ba ang PhilSA o Philippine Space Agency? Dito, maaaring tuklasin ang angking kagandahan, magbigay ng aral at inspirasyon para sa kabataan. Kung kaya ano pang hinihintay mo, halina at samahan kaming lumipad patungong kalawakan!

Ang PhilSA ay ahensya ng pamahalaan sa Pilipinas na nagsusulong tutukan ang lahat ng bagay na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng impormasyong kaugnayan sa kalawakan. Sila ang namamahala sa pagresolba ng mga problema, pagbibigay alam sa mga aplikasyon na maaaring gamitin tulad ng satelayt at pagpapasibol sa industriya ng agham at teknolohiya ng ating bansa.

Aba, gradweyt ng Monsay si Dr. Izrael Bautista na kasapi ng PhilSA. Si kuya IZ ang Supervising Science Research Specialist sa ilalim ng Space Mission Control and Operations Division, na may tungkuling gabayan ang mga grupong bumubuo ng mga satelayt. Bongga!! Kasalukuyang nakadestino sa United Kingdom dahil sa panibagong proyekto-ang Multispectral Unit for Land Assessment o MULA, na layuning kumuha ng litrato ng isang bansa at aralin ang kalagayan ng agri-

Sinta,

kultura, seguridad, kalamidad at iba pa. Una niyang ginawa ang NEST na layuning mabigyan ng kaalaman at mapukaw ang interes ng kabataan tungkol sa satelayt. Isa pa, ang pamamahala sa mga satelayt at ground station upang patuloy ang operasyon at mga datos na gagamitin ng nasa iba’t ibang institusyon sa Pilipinas. Plano ni kuya IZ na mahikayat ang mga lokal na kompanyang may kinalaman sa pagbuo ng eroplano o maging elektronika na pumasok sa industriya ng pangkalawakan upang gumawa ng bahagi ng satelayt.

BUWAN

Bago lang ang industriyang ito sa Pilipinas kaya nais niyang makahimok ng maraming kabataan na kilalanin pa ang ating kalawakan.Kaya paliwigin ang isip at palawakin ang kaalaman na parang kala-

wakan.

Mulasa:decadestudio,canva

ni Juan Karlos

akin. Ganda mo sa paningin. Ako ngayo’y nag-iisa. Sana ay tabihan na. Sa ilalim ng puting ilaw, Sa dilaw na buwan. Pakinggan mo ang aking sigaw, Sa dilaw na buwan. Ayokong mabuhay nang malungkot, Ikaw ang nagpapasaya, At makakasama hanggang sa pagtanda, Halina’t tayo’y humiga (saan kaya?).

Aking bituin, kumusta na? Walang kupas ang ‘yong kinang, sintingkad pa rin ng una nating pagkikita. Makalipas ang mahigit isang taon, ikaw pa rin ang hinahangaan at tinitingala. Liwanag mo sa dilim ang nagpapakalma sa aking damdamin. Isang sulyap at tingin lamang sa iyo, nawawala na ang lahat ng aking pasanin—pagod, problema, at hinanakit sa buhay. Sa simpleng salita, ikaw ang tahanan na palaging uuwian, ang paborito kong pahinga.

Kaya’t pwede mo ba akong pagbigyan, gusto ko kasing maranasang tawirin ang inaasam kong tulay, na ikaw ang kasama, ang bituin ng aking buhay ngunit mukhang imposible. Kaya’t ako’y matutulog na lang, umaasang sa pagpikit ng aking mata, ningning mo pa rin ang makikita. Umaasang kahit sa panaginip ay mabigyan pa ng isang pagkakataon.

Ang dami kong gustong sabihin, mga salitang nais mabigkas ng aking bibig sa iyo nang personal. Buo na ang aking loob. Handa na akong harapin ang aking kinaduruwagan. Ngayo’y itataga ko sa bato at aalpas na sa lahat ng bagay na pumipigil sa akin. Hahayaan ang puso na maging masaya at malaya. Heto na ako, titindig sa harap mo at lakas loob na ipagtapat ang lihim na pagtingin sa iyo. Subalit.. Teka nga lang muna.

Hays, akala ko sapat na ang aking determinasyon. Akala ko’y handa na ako. Pero hindi, dinadaga na naman ang dibdib ko. Muli na naman ba akong aatras at susuko? Pasensya ka na palagi akong urong-sulong sa nararamdaman ko para sa’yo. Kailan kaya kita maaabot? Kailan kaya kita masusungkit? Hindi. Mali. Kaya ba talaga kitang abutin? Kaya ba talaga kitang sungkitin? Ikaw pa rin ba kaya ang bituing makakasama ko sa pagtawid sa inaasam kong tulay? Patuloy kang titingalain,

Kasama Kita

John Mark Hizalan

Kasama na naman kita. Naglalaro na naman tayo. Habulan dito, habulan doon, tayaan dito, tayaan doon. Parang oras ay humihinto sa tuwing tayo’y magkasama. Sarap tumambay dito sa tabing ilog, ano? Pagalingan na naman tayo lumangoy. Araw-araw na lang tayong lumalangoy at walang ibang ginagawa. Halimaw ka lumangoy, sana maturuan mo ako. Hirap mo hawakan, parang hangin ka. Bilis mo masyado, hindi na kita makita. May nanghihila raw roon? Sus, maniwala!

Oo na, sige na, magaling ka ngang lumangoy. Umahon ka na, isang linggo na kitang hinihintay sa tabing ilog eh. Samahan mo na ulit ako, miss

2023 - PEBRERO 2024
PAHINA 11
Luna na Mula sa openclipartvectors, canva

Monsay, 8th place

sa Regional Brainiac Quiz Bee

Irish Divine S. Dueñas

Nasungkit ng Ramonians ang ikawalong pwesto sa Brainiac Quiz Bee Clash na ginanap sa Philippine Science High School (PSHS) noong ika-16 ng Marso 2024.

Binubuo ang grupo nina James Ivan R. Buenzalida 12 - Socrates, Anthony Christoph B. Isidoro 11 - Diocles, at Yohan Andrei Keisser N. Umbao 11Archimedes mula sa Senior High School sa gabay ni G. Abelardo Cruz.

Nagwagi ng Regional Bronze Medal si Isidoro habang Merit Award naman kay Umbao.

Bago ganapin ang Regional Contest sa PSHS, nagkaroon muna ng patimpalak para sa Pamamazon Cluster na nagkamit ng ikatlong pwesto ang RMCHS sa Top Highest Performing School.

NOBYEMBRE

KAPABAYAAN SA KAPALIGIRAN DULOT AY MASAMANG KINABUKASAN

Dumaranas tayo ng iba’t ibang suliraning pangkalikasan na kalaunan ay magdudulot ng masamang epekto hindi lamang sa atin bagkus pati sa mundong ginagalawan. Kaya kailangang aksyunan at solusyonan sa lalong madaling panahon.

Mapapansin ang madalas na biglang buhos ng ulan o kaya naman matinding sikat ng araw. Ang tawag sa ganitong penomena ay climatechange o pabago-bago ng klima kung saan may panganib itong dala-dala kung hindi matutugunan. Unang salik ng pagbabago ng klima ay dahil sa labis na pagtaas ng greenhousegas na naiipon sa loob ng atmospera. Pangalawa, dahilan ng mga gawain ng tao tulad ng pagkakaingin, usok na binubuga ng mga sasakyan at mataas na pagkonsumo ng tobacco o sigarilyo. Nagreresulta ang lahat ng ito ng matinding init sa napakaraming paraan, narito ang ilan: pagtaas ng lebel ng anyong tubig dahil sa mabilis na pagtunaw ng mga niyebe, pagbabago ng pagpasok ng mga bagyo at maging tagtuyot.

AN

Gayunpaman, maiiwasan ang mga suliraning ito kung makikilahok o makikiisa ang bawat isa sa mga aktibidades at programa sa komunidad na nagsusulong limitahan ang pagsisiga, pagtitipid ng kuryente at kahalagahan ng pagtatanim. Pangalawa, maiiwasan din ang patuloy na pagtaas ng carbon dioxide sa paligid sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga puno at halaman sapagkat kaya nitong palitan ang maduming hangin ng malinis. Higit sa lahat, sa simpleng paraan ng hindi paggamit ng mga teknolohiya o mga bagay na pinapatakbo ng kuryente ay maiiwasan ang labis na pagtaas ng init sa paligid.

Ang mundo ay biyayang ipinagkaloob sa ating mga tao upang gamitin at hindi para abusuhin. Kung may kakayahan tayong gumamit, mas matimbang na dapat may kamalayan tayo sa maaaring kahihinatnan ng ating labis na paggamit dito. Ang pagbibigay aksyon at patnubay sa ating daigdig ay magreresulta sa magandang kinabukasan. Kung kaya, gawing masaya at makulay ang mundo para sa susunod pang henerasyon.

Pagbabasa:

John Ray Cacananta

Isang proseso ng pag-unawa at pag-interpreta ng mga teksto, aklat, artikulo, at iba pang uri ng impormasyon ang pagbabasa. Ito ay isang kasanayan na mahalaga sa pagpapaunlad, pagpapalalim at pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa.

Sa pagbabasa, ginagamit ang mata upang basahin at unawain ang mga salita, habang ang kaisipan naman ay nagproproseso ng impormasyon, tumutukoy sa kahulugan, at nagbibigay ng konteksto sa binabasa. Bilang karagdagan, hindi lamang simpleng pagkilos ng pagtingin sa mga letra at salita ang pagbabasa, kundi isang aktibong proseso ng pag-iisip at pag-unawa. Ayon sa World Scholars Hub, mayroong 5 paraan upang ugaliing magbasa. Una, gumawa ng listahan ng babasahin. Sumunod, magtakda ng isang layunin. Pangatlo, magtakda ng oras. Pang-apat, magkaroon ng mahabang pasensya at panghuli, magbasa sa tahimik na lugar.

Narito ang ilan sa mga benepisyo ng pagbabasa. Una, ang pagbabasa ay nakatutulong na magkaroon ng magandang bokabularyo upang mapalawak at mapalalim ang kaalaman sa sali-

Epektibong

Pagpapaunlad sa Tao

ta. Ito ay mas lalong nagiging epektibo kung magbabasa o magkakabisa ng iba’t ibang salita tulad ng French, Spanish at iba pa. Pangalawa, napabubuti nito ang kakayahan sa pagsulat. Napapaunlad nito ang iyong grammar at kung sumusulat ng mga liham, sanaysay, tula at iba pa ay mas madaling maiintindihan ng mga tao ang iyong mga sinulat. Sumunod, pagbutihin ang konsentrasyon at kakayahang mag-focus at pagandahin ang memory retention. At panghuli, nakatutulong ito sa personal at propesyonal na pag-unlad. Bilang pagpapatunay, ayon sa mga pagaaral, literal na bumabata ang edad ng utak kapag nagbabasa.

32% ang ibinabagal ng pag-decline ng pag-iisip kapag nagbabasa o sumasagot sa mga puzzle Ang cortisol o stress hormone ay bumababa kapag nagbabasa kung kaya’t bumabagsak ang stress levels nang mahigit

50% Nasa

Sa pagbabasa, marami tayong natututuhan at nasasagap na kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay na sadyang kailangan natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay napakahalaga sapagkat hinuhubog nito ang ating pagkatao at nakatutulong din ito sa pagpapaunlad at pagpapahusay bilang isang tao.

Jabez Hance G. Bautista John MacDougall/ AFP via Getty Images
AGHAM
High School
Ang Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao)
PEBRERO 2024 12 Bernadine Leigh
2023 -
KAPALIGI
PAHINA https://bit.ly/496lEJp

Kakayahan ng Intelligence Technology: Kakayahan ng Intelligence Technology: Kakayahan ng Intelligence Technology:

Oportunidad o Hamon ng Mundo Oportunidad o Hamon ng Mundo Oportunidad o Hamon ng Mundo

https://www.linkedin.com/pulse/crucial-role-generative-ai-our-daily-lives-future-sumit-agrawal

Artificial Intelligence: Ang Makabagong Teknolohiya

John Ray Cacananta

Ang Artificial Intelligence o AI, ang simulation ng katalinuhan ng tao sa pamamagitan ng mga makina, lalo na ang computer system. Kasama sa mga partikular na application ng AI ang expert system, pagpoproseso ng wika at machine vision. Gumagana ang AI system sa pamamagitan ng pagbibigay ng malalaking halaga ng data o impormasyon. Sa ganitong paraan, ang isang chatbot ay maaaring matutong bumuo ng mga sariling impormasyon sa pamamagitan ng mga data na ibinigay. Nakatuon ang AI sa 4 na aspeto. Una ay ang learning, nakatuon ang aspetong ito sa pagkuha ng data at paggawa ng mga panuntunan para sa kung paano ito gawing impormasyon na naaaksyunan. Ang Algorithm ay nagbibigay ng mga computing device para malaman kung paano kumpletuhin ang isang partikular na gawain. Pangalawa, reasoning- nakatuon sa pagpili ng tamang

Sa paglipas ng panahon, sari-saring imbensyon at inobasyon ang nagagawang likhain ng mga tao. Nariyan ang mga makabagong sasakyan, kompyuter at maging mga Artificial Intelligence o AI na higit na nakapagpapadali ng mga gawain sa araw-araw. Gayunpaman, kinakailangan na handa pa rin sa kung ano mang pinsalang dulot ng paglago nito sa mundo. AI, si John McCarthy ang tao sa likod nito, ang tumayong pundasyon sa pagbuo at gumawa ng malaking impluwensya pagdating sa ebolusyon ng teknolohiya. Ngayon, isang kilalang AI na tinangkilik at pinupusuan ng masa, karamihan ay mga estudyante, ang ‘ChatGPT’ na ginawa ni Sam Altman dahil sa kakayahan nitong padaliin ang mga gawain katulad ng pagsagot ng ekwasyon sa matematika, pagsulat ng sanaysay. Hindi lamang iyan, maaaring sagutin ang iba pang mga gawain sa ibang asignatura at kuryosidad sa mga bagay-bagay. Dagdag pa, malaki rin ang gabay nito maging sa industriya at ekonomiya ng bansa sapagkat may kakayahan ang AI na kumilos ng hindi nagpapahinga at nababawasan din ang pagkakamali sa mga gawain. Mapapansin ang kahalagahan nito sa mundo na naaabutan ng tulong, subalit mayroon din itong kaakibat na masamang epekto. Una, ang pagtaas ng lebel ng katamaran. Hindi nagiging produktibo ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay bagkus dumidepende o umaasa na lamang sila sa kaalaman ng AI kaysa tuklasin ito at alamin. Pangalawa, ang mabilis na pagbaba ng empleyado. Marami ang mawawalan ng trabaho na ginagamitan ng AI kung saan sistematiko na itong kikilos hinggil sa utos ng

tao. Higit sa lahat, ang kinatatakutang maaaring mangyari ng mga eksperto sa pagbuo ng Artificial Intelligence ang pagdomina nito sa humanisasyong bumubuo sa mundo. Gaano man kayaman at bukas ang ating daigdig sa pagtangkilik ng modernisasyon, oportunidad man o hamon ang AI, hindi natin maikakaila na mayroon na itong bahagi sa kaunlaran ng bawat isa. Mahalagang limitahan na lamang ang paggamit at huwag abusuhin dahil may dala itong panganib kung aasa at dedepende tayo sa kakayahang taglay ng AI.

algorithm upang maabot ang ninanais na resulta. Sumunod ay self-correction na idinisenyo upang patuloy na tiyaking nagbibigay ito ng pinakawastong resulta. Panghuli ang creativity- gumagamit ng neural network, upang makabuo ng mga bagong larawan, teksto, musika at mga ideya. Huwag mag-alala, ilan sa mabuting epekto ng AI ay mas malawak ang access ng impormasyon, pagtugon sa hamon ng kalusugan at pagtulong sa pagtuklas ng kaalaman. Habang ang di mabuting epekto naman ay maaaring pagkawala ng trabaho, ang dulot na panganib sa kaligtasan at pang-aabuso sa pribadong imnpormasyon. Sa pangkalahatan, ang AI ay may malawak na potensyal na magdala ng mga pagbabago sa lipunan. Gayunpaman, mahalaga na maunawaan at pamunuan ang mga epekto nito upang matiyak na ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakabubuti sa lahat.

Opisyal na Pahayagan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024
AGHAM Ang
Jabez Hance G. Bautista
PAHINA13
Mulakay:tridsanu-thophet,Canva

KALUSUGAN

NG KAISIPAN, G PANLAHAT!

Cianna P. Marquez

Ayon sa Centre for Addiction and Mental Health (CAMH), ang kalusugan ng kaisipan o mental health sa ingles ay pumapatungkol sa kabuuang kondisyong pisikal, mental, emosyonal pati na rin espiritwal na kinakailangan upang ipagpatuloy ang nababagay at maayos na pamumuhay. Sa bawat araw na lumilipas, ang tao ay sumasailalim sa iba’t ibang karanasan na nagsisilbing dahilan kung bakit nagbabago ang apat na kondisyong nabanggit.

Isa sa apat na katao ang nakakaranas ng iba’t ibang isyu ng kalusugang pangkaisipan at base sa estadistika ng Philippine Information Agency (PIA), halos 3.3 milyong Pilipino ang nakikipagbuno sa depresyon. Ipinahihiwatig ng ilang pagsusuri na karamihan sa mga problemang konektado sa kalusugan ng kaisipan ay dulot ng biochemical disturbances sa utak o kaya naman ay may kaugnayan sa sikolohiya, lipunan at kapaligiran na nakakaapekto sa kalooban, pag-iisip at pangakahalatang kapakanan ng isang indibidwal. Kapag ang mga nasabing kondisyon ay hindi na akma sa estado ng pamumuhay, nagkakaroon ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan.

Noong Setyembre 2023 lamang ay nagtulungan ang Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) upang ma-isagawa ang 2024-2028 Philippine Council for Mental Health (PCMH) na naglalayong paunlarin at magpatupad ng iba’t ibang polisiya,

3.3

programa at mga serbisyong tutugon sa pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan ng mga Pilipino. Ang panukala nito ay bawasan ang maagang pagkamatay dahil sa depresyon, iwasan at solusyunan ang pagkaka-adik sa droga at pababain ang bilang ng mga Pilipinong mabilis matablan ng sakit.

MDepresyon o labis na pagkalumbay, pagkabalisa at pagkatakot, pag-iwas o pagpapakita ng kakaibang asal, hindi pagkain at sa mas malalang kaso, pagkakaroon ng mga delusyon o mga pagkakataong nakakakita ng mga bagay-bagay na pawang gawa-gawa lamang ng isipan ang ilan sa napakaraming uri ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan. Ang mga problemang ito ay maaaring makasagabal sa pang-araw-araw na pagkilos at maaari itong magtagal sa maikling kapanahunan lamang o kaya naman sa matagal na panahon. Kaya naman, napakahalaga ang kakayahang humarap sa mga pinagdaraanan sa buhay. Huwag kakalimutan na ang mga kinahihinatnan na ito ay iba-iba ang degree sapagkat nakadepende ito sa panloob at panlabas na salik na nakakaapekto sa nakakaranas ng problema sa kalusugan ng kaisipan.

Pambansang Service Hotline para sa Kalusugan ng Kaisipan

1553 (Landline) 0908 639 2672 0966 351 4518 (GLOBE/TM) (Smart/SUN/TNT)

Kung ikaw ay isang manlalakbay, o marahil isang airplane enthusiast, siguradong pamilyar ka sa winglet. Hugis tatsulok ang porma nito, at kadalasan itong makikita sa dulong bahagi ng mga pakpak ng eroplano. Iniisip ng ilan na disenyo lamang ito ngunit lingid sa kaalaman ng marami, bagaman tila wala itong silbi— isang espesyal na papel ang ginagampanan nito. Sa nakalipas na mga dekada, naging problema sa mga inhinyero o aeronautic engineers ang magastos na pagkonsumo ng mga eroplano sa gasolina. Ilang panahon din silang tumuklas kung paano patataasin ang episyensi sa pagpapalipad ng mga eroplano. Ang solusyon? Nasa pakpak ng mga ibon. Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang nakatikwas na pakpak ng mga ibon, partikular sa mga agila, ay nakatutulong sa pag-basag ng drag, o ang karaniwang hanging kumokontra sa paggalaw ng mga agila. Ito

bilyong litro ng gasolina ang mga air lines sa buong mundo, yamang napaunlad nito ang paglipad ng mga eroplano ng 10%, ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) at Encyclopedia of Flight noong 2010.

Tunay na kahanga-hanga ang angking kagandahan ng mga agila. Kung anong kina-ganda ng kanilang mga pakpak ay gano’n din kahusay ang gamit nito para sa kanilang ikinabubuhay. Kaya sa susunod na mapaharap ka sa mga palaisipan o mahihirap na mga kalagayan, huwag sanang iwaglit sa isipan ang kalikasan, at baka roon mo pa masumpungan ang tamang kasagutan!

Margalo Amos V. Cerro

2U MAYA-7 CUBESAT: LIPAD PATUNGONG KALAWAKAN

Ang kalawakan ay mistulang palaisipan na nais bigyang alam at aksyon ng mga eksperto para sa kaalaman ng masa at publiko. Isang instrumento na higit na makatutulong, ay ang pagbuo ng satelayt o ang mga teknolohiyang ipinadadala sa labas ng mundo upang magmasid sa ating daigdig o maging sa ibang planeta. Layunin nitong ipaabot ang mensahe gaano man kalayo ang distansya, malaman ang panahon at klima, at higit sa lahat mapalago ang kaalaman sa larangan ng teknolohiya

at siyensya. Gayunpaman, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa, maraming inobasyon ang sinusubok upang makita ang kakayanan nito at nang magamit sa susunod pang henerasyon.

Makaraan lang, huling namataan ang paglantsa ng Maya-5 at Maya-6 sa International Space Station (ISS) noong Hulyo taon 2023 na kasalukuyang umiikot ngayon sa orbit ng mundo. Dito ay muling nagsagawa ng tuntunin ang ACCESS Nanosat Project ng

Philippine Space Agency (PhilSA) na pinangunahan ni Dr. Adrian C. Salces (ACCESS Nanosat Project Leader), sa pakikipagtulungan ng Electrical and Electronics Engineering Institute (EEEI) ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD) at ang apat pa na ibang unibersidad dito sa Pilipinas na nagwagi sa 2022 Nanosat Mission Idea Contest (NMIC), upang simulan ang proyekto sa pagbuo ng 2U Maya7 CubeSat ng Setyembre, 2022 at magtatapos sa taong 2025.

Ang 2U Maya-7 CubeSat ay isang two-unit cube satellite na mayroong sukat na 10 cm x 10 cm x 22.7 cm at may bigat na bababa sa 2.7 kg. Sa pamamagitan ng pinagpatong-patong na 2U CubeSat makabubuo pa ito ng mas malaki na disenyo ng Maya-7. Isa pa sa kagandahan nito ay simple lamang ang estruktura at hindi tatagal ng dalawang taon ang proseso ng pagbuo nito. Ang layunin ng 2U Maya-7 CubeSat ay maipakita ang kagandahan ng teknolohiya,

magbigay leksyon at ensayo para sa mga naghahangad na maging isang inhinyero, komersyal, at mapabilis ang komunikasyon.

Bilang pagbibigay pugay sa gawang pinoy, ito na ang ikapitong nanosatellite na naipadala mula sa kalawakan at ikasiyam na satelayt kung kabilang ang dalawang naunang satelayt, ang Diwata-1 at Diwata-2. Ngayon, ating abangan ang paglantsa nito at maging bahagi sa paglipad patungong kalawakan.

Janetandphil Horacio Villalobos
PAHINA
NASA/ESA/M.Kornmesser. Music: Johan B. Monell (www.johanmonell.com)
Shutterstock
AGHAM
ng
(Cubao) High School NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024 14
ADIVINA Ang MatututuhanMosamgaAgila
Ang Opisyal na Pahayagan
Ramon Magsaysay

DWIGHT, ANG PERIGRINO

Muling nagsindi ng apoy nitong Enero ang 8th-time All-Star and three-time Defensive Player ng NBA Dwight Howard nang ating masaksihan ang kanyang pagkalong sa Strong Group Athletics (SGA) bilang representante ng ating bansa sa dalawang linggong Dubai International Basketball

Ang kawang-gawa ng isang bayani ay tunay na hindi mataKilala sa bansag na ‘Superman’ si Dwight sa angking lakas na 12.0 points, 10.0 rebounds at 1.7 blocks noong rookie pa siya sa

Nakitaan ng malaking poten-

France, ready na sa pagdaos ng Paris OlYmpics 2024

Nakatakdang umarangkada muli ang tagisan ng bawat nagsisibangisang atleta sa iba’t ibang isports mula sa iba’t ibang panig ng mundo—ang Olympics, sa Paris, France na magsisimula sa ika-26 ng Hulyo taong 2024 at magtatapos sa ika-11 ng Agosto.

Mahigit kumulang 10,500 ang bilang ng mga atletang magpapartisipa sa taunang internasyonal na palaro at nasa 10 milyong katao naman ang inaasahang luluwas sa Paris, France upang suportahan ang mga manlalaro.

Ang tradisyonal na opening parade ay nakatakda ganapin sa Seine River, Paris, na sa kauna-unahang pagkakataon ay

ilulunsad ang opisyal na pagbubukas ng nasabing summer Olympics sa labas ng mismong athletics stadium.

Kaalinsabay ang kayod kalabaw na paghahanda ng bawat sangay ng gobyerno at pamahalaan ng France para sa kaligtasan at seguridad ng bawat manonood, mga atleta at iba pang taong makikilahok sa Paris Olympics 2024.

“I know that we have the best security forces in the world and that we will succeed in showing not only that we can win medals but that we can play host to the world without any problems,” saad ni Gérald Darmanin,

Minister of the Interior of France.

Hindi naman magpapahuli ang Pilipinas dahil may ilang atleta ang nakwalipikang makasali at makalaban sa 2024 Olympics.

Taas-noong irerepresenta ang bansa nina Aleah Finnegan, gymnastics; Athletics Carlos Yulo, gymnastics; EJ Obiena, athletics; Eumir Marcial, boxing at si Kayla Sanchez, swimming.

Matapos ang Paris Olympics 2024 ay ilulunsad ang Paralympics na magsisimula sa ika-28 ng Agosto hanggang ika-8 ng Setyembre, 2024.

player noo’y 19 na taong gulang na naging #1 pick sa NBA Draft Pick 2004-2005 ng Orlando Magic bilang sentro.

Kalagitnaan ng pandemya nang makuha nila ang unang kampyonato sa playoffs ng NBA at nagkaroon ng mahalagang gampanin bilang sentro ng Los Angeles Lakers.

Nasa Taiwan’s T1 League ng China si Howard bilang overseas player ng Taoyuan Leopards at naglista ng 23.2 puntos, 16.2 boards at 1.2 blocks. Bagama’t sa magandang mga bilang na ito panghuli pa rin sa ranking ang Leopards sa naganap na Season ng T1.

Sa edad na 38 taong gulang, pinirmahan niya ang kontrata na makapaglaro sa Pilipinas para sa Dubai International Basketball

Championship na pasok sa SGA.

Ika-7 ng Enero nang makatapak na si Howard sa Pinas kasama ang naturalized na manlalaro na si Andray Blatched na kaniyang kasangga sa SGA.

Ikinabilib ng mga Pinoy ang ‘chemistry’ nila ni Kevin Quiambao ng De La Salle Green Archers na pinakamalakas na artilerya ng kanilang team.

Nabigong maiuwi ni Dwight ang kampyonato nang natalo sa iskor na 74-77 gamit ang palason na tres ng Al Riyadi Lebanon.

Sa ngayon, umaasa si Howard na makasali sa Philippine Basketball Association (PBA) bago ang kanyang pagreretiro sa basketball.

Matinding Pasiklaban nina Carlsen at Firouzja

Dinurog ni Grandmaster Magnus Carlsen si Grandmaster Alireza Firouzja, 2-0, sa Finals ng 2024 Online Chess Tour Master’s Division na ginanap noong Miyerkules, Pebrero 7, 2024.

Sa unang round pa lamang ay isang perfect game na ang ipinamalas ni Carlsen laban kay Firouzja upang makamit ang unang panalo.

Dinaan naman ni Carlsen sa matinding tactics ang ikalawang laro at sunod-sunod na nagpamigay ng mga piyesa upang makamit ang bentahe kay Firouzja

Nakamit nila ang puwesto sa Finals matapos talunin ni Firouzja at Carlsen si Grand Master Denis Lazavik sa Loser’s at Winner’s Division.

Matatandaang masterclass ang ipinamalas ni Firouzja nang ipamigay ang kanyang bishop upang kaniyang makamit ang kalamangan at pagkapanalo kay Lazavik noong nakalipas na round sa Finals.

Isang brilliant move rin ang pinakawalan ni Carlsen kay Lazavik upang durugin sa ikaapat na round at makuha ang bentahe sa laban nilang dalawa, 2.5-1.5. Matapos matalo sa Quarter Finals, mahaba ang paglalakbay ni Alireza sa Loser’s at mabigyang pagkakataong masungkit ang tropeo.

Finals, mahaba ang paglalakbay ni Alireza sa Loser’s at mabigyang pagkakataong masungkit ang tropeo.

Mabilis ang ruta ni Carlsen upang makaharap si Firouja matapos durugin ang mga kalaban simula Quarter Finals round.

Matatandaang si Carlsen ang top rated player sa buong mundo sa edad na 33 at makalaban ang isa sa pinakamagaling na prodigy sa edad na 20. Muling naibalik ang tropeo ng Online Chess Tour kay Carlsen matapos itong maagaw noong nakaraang taon.

PAHINA
kay: Ezra Shaw/Getty Images NOBYEMBRE 2023 - PEBRERO 2024
ng
Magsaysay (Cubao) High School ISPORTS
Mula
Ang Opisyal na Pahayagan
Ramon
Adrian B. Ibañez
15
Ma.Sophia M. Brusas
sa: https://www.designweek.co.uk/issues/21-27-october-2019/paris-2024-olympic-logo-revealed/ https://www.teamgb.com/article/what-are-the-olympic-venues-at-paris-2024/11YHeM3rZqsvQg1CoPEeKz Mula Kay: Lennart Ootes/Norway Chess
Franz Joaquin L. Inaldo
Mula

Lagablab ng mga Atletang Monsay, Basta Monsay, Mahusay!

Dehado Pero Determinado, ISPO RTS

Pinatunayan ng mga natatanging atleta na hindi lamang sa pang-akademikong larangan umaarangkada ang pangalan ng paaralan, pati na rin sa iba’t ibang uri ng pampalakasan.

Matagumpay na nakipagsagupaan ang mga koponan ng Ramon Magsaysay Cubao High School sa pampalakasan sa taunang Quezon City Division Meet.

Puspusan ang ensayo ng bawat koponan, tirik man ang araw sa katanghaliang tapat, abutin ng paglubog ng araw, pagdilim ng kalangitan, sige pa rin ang palo ng bola, sipa ng binti, hataw ng raketa at pitik ng braso at kamaong uhaw sa kampeonato.

Nanguna ang Baseball team

nina G. Alan Moral at Bb.

Julieta De Guzman. Sinundan ng Badminton Boys sa gabay ni Bb. Jezzamae Gallardo, Badminton Girls nina Gng. Mariel Isiderio at Gng. Maricel Curay, Basketball 5v5 Boys --Gng. Jennifer Fajardo at Gng. Ma. Grace Eugenio, Basketball 3x3 Boys ni G. Ernesto Isiderio, Basketball 3x3 Girls nina G. Alexander Leaño at Gng. Loida Cossid, Taekwondo Boys ni G. Nolan Arapo, Taekwondo Girls nina Gng. Inocencia Perez at Gng. Minda Tayao, Volley-

RMCHS Baseball Team para sa Kampeonato

Minsan sa kahit anong larong pampalakasan ay hindi maiiwasan ang bahaging nakadarama ang mga manlalaro nang kawalan ng pag-asang manalo dahil sa pagiging dehado laban sa kanilang katunggali.

Gayunpaman, ang ganitong mga eksena ay hindi naging balakid para sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School baseball team upang masungkit ang kampeonato sa Quezon City Baseball Division Meet nitong ika-9 ng Pebrero na ginanap sa Marist School sa Marikina City matapos nilang tuldukan ang mahigit isang dekadang paghahari ng Ateneo Blue Eagles de Manila baseball team.

Binansagan itong revenge game ng kanilang head coach, G. Alan Moral, “So before the game this year, I told my players since we, for 9 years yung rivalry naming dalawa ay talagang nando’n. So I challenge them, we will not going to consider this as a rematch for 9 years so this is a revenge for us,” wika ni G. Alan Moral.

Ito ay alinsunod sa naging kontrobersya noong nakaraang

taon sa sa finals ng Quezon City Baseball Division Meet, na kung saan ginulangan ang mga manlalaro ng RMCHS baseball team dahil sa ‘di umano’y pagsuot ng spike shoes na mayroong metal cleats na ipinagbabawal palang gamitin sa nasabing laro.

Ang masalimuot na alaalang ito ay patuloy pa ring binaon ng RMCHS baseball team at bagkus ay

ginawang motibasyon upang mas lalo pang galingan at maisakatuparan ang pagpapatalsik sa trono ng beteranong koponan ng Ateneo de Manila High School and Senior High School baseball team.

Maraming bagay ang nagpatibay sa determinasyon ng bawat manlalaro ng RMCHS baseball team, una na rito ang kawalan ng proper training ground na talaga namang nagdala ng malaking epekto sa performance ng bawat manlalaro.

players every Saturday sa Sunken Garden sa UP. May mga taon na restricted ang Sunken Garden, bawal siya. Kaya pag sinita kami, mga players ko aalis, kapag wala na yung sumisita babalik kami,” pahayag ni

G. Moral.

Isa pa sa kanilang naging problema ay ang kakulangan sa equipments ng mga manlalaro, “We are open for donations regarding our equipment sa baseball. We are in need po ng maraming mga gamit—helmets, catchers’ gear, bat, bola, and then gloves. Anything na pwedeng maging tulong sa’min is much appreciated po.” pagwawakas ni G. Alan Moral.

“Actually when it comes to playing area talagang ang hirap. Kasi nagpapractice ang mga

7

RMCHS Wizards,

Nakalusot sa Unang Ikot

Adrian B. Ibañez

Tila nablangko ang Tandang Sora National High School sa unang kanto ng kanilang tagpo sa Ramon Magsaysay Cubao High School Wizards Basketball Team matapos hindi hayaang pumuntos ang kalaban.

“Defense is the best offense” na siyang ipinakita ng RMCHS Wizards, pumamada ang grupo ng 12 puntos kasabay ng isang matindihang depensa at natapos sa iskor na 12-0.

Maestro kung tawagin si MJ Baluyot sa pagkumpas sa opensa ng laro at napuwersang gumamit ng isang time-out ang TSNHS matapos ang drive papuntang lay-up na nakagawa ng 7-0 run ang Wizards.

Ipinakita ng Wizards na nakipagsabayan sa iba’t ibang paaralan at nasungkit ang tiket para sa semis ng Division Meet ng Quezon City sa Amoranto Sports Stadium Arena noong Pebrero 16.

Matapos ang matibay na opensa sa unang kwarter ay muntikan ding maubos ang gasolina at umiimpis ang kalamangan sa sunod-sunod na turnovers.

Nadehado man sa ikalawa at ikatlong kanto, nakabawi sa 13-0 run ng TSNHS sa isang oneman-hustle-play sa lay-up mula sa stolen possession ni Ryan Jay Tomenio at tabla sa iskor na 24.

Sinundan naman ang pag-ariba ni Tomenio sa ikatlong kanto nina Baluyot at Deciembre nang maipasok ni Deciembre ang isang lay-up upang lumawig ang kanilang kalamangan, 38-24.

“Kailangan lang protektahan ang bola para hindi masayang yung possession… kailangan shoshoot din kami.” giit ni Tomenio #7. “Sabi kasi ni mamu (coach) kailangan daw mahipigpit ung depense tapos dapat iniisip lang namin lamang lagi ung kalaban ng sampo,” dagdag nito.

“Kailangan pa naming mas

9

11

pagbutihin ang mga play namin… maexcute yung play nang maayos para makatulong din sa game namin saka kailangan mas sumipag sa depense.” ani Baluyot # 9.

“Nakakapressure kasi maraming nanonood sa ‘min saka hindi nacoconver yung mga play nang maayos, gagawin lang namin ung best namin para makuha lahat ng panalo.” sa panig ni team captain Deciembre.

Nagtala sina Tomenio ng 9 na puntos, Deciembre ng 7 puntos at Baluyot ng 11 points para sa kanilang koponan.

“Maraming hinanda na play hindi lang siguro nasunod dahil meron nang isa, dalawang bumigay right after ng second kwarter pero nakita ko naman ginawa naman nilang bumangon at yun ung mahalaga… talagang ang Monsay mahuhusay pa rin.” ani RMCHS Wizards coach Jennifer Fajardo.

Ma.Sophia M. Brusas
PTS.
PTS.
PTS. DECIEMBRE TOMENIO baluyot
Ma.Sophia M. Brusas Andrea Isabel R. Salazar

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.