AGOSTO - NOBYEMBRE 2021
Ang TOMO 3, BLG. 1
SOLUSYON SA PANDEMYA. Bakuna para sa lahat para makamtan ang kaligtasan ng sambayanan.
bakunapara parasa samenor menor bakuna
Moderna at Pfizer, inaprubahan ng DOH 630 kaso ng Delta Variant, naitala nitong Lunes LOUREN JOY BISAGAR
ARTHUR CLYDE TAMAYO
Inaprubahan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng Moderna at Pfizer na mga bakuna laban sa sakit na COVID-19 para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 sa Pilipinas nitong ika-3 ng Nobyembre. Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, dahil sa matatag na suplay ng mga bakuna para sa COVID-19, nagpasya ang pamahalaan na magsagawa ng pambansang paglunsad ng pagbabakuna sa bata sa halip na ipatupad sa pamamagitan ng mga yugto. BALITA PAHINA
03
Nag-ulat ang mga awtoridad sa kalusugan ng 630 pang kaso ng nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas noong Lunes mula sa mga sample na nakolekta noong mga nakaraang buwan. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga kaso ng Delta ay umabot sa 94.59% ng 666 na sample na ipinadala para sa buong genome sequencing. BALITA PAHINA
03
Ligtas na balik-eskwela, ginanap na sa ibang parte ng bansa LIEN WENCE CASTRO Sa kabila ng banta ng COVID-19 o coronavirus disease 2019, ligtas na nakabalik ulit sa paaralan ang ibang mga estudyanteng napabilang sa low risk areas ng bansa nito lamang ika-15 ng Nobyembre. Matagumpay ang unang araw ng pilot implementation ng face to face classes dahil sinisigurado pa rin ng mga guro at mag-aaral ang pagsunod sa mga health protocols kabilang na dito ang pagsuot ng face mask at face shield, paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizer at temperature check. BALITA PAHINA
03