Ang Sinagtala 2024-2025 | Tomo XXXII, Bilang I

Page 1


Presyong abot-KAYA?

Regionalistas, pinuna ang nagtaasang presyo sa kantina

Binatikos ng mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ang mga nagsisitaasang presyo sa kantina na nagdulot ng aalalahanin sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Ibinahagi ng ilan sa mga mag-aaral na sila ay napilitang humanap ng mas murang alternatibo, tulad ng pagbaon ng pagkain mula sa bahay o pagtangkilik sa mga tindahan sa labas ng paaralan na may mas murang presyo na pasok sa badyet nila.

"Kahit anong pagtitipid ang gawin, sa totoo lang, hindi kailanman sasapat ang 64 pesos na budget kada araw. Ang pinakamurang snacks sa kantina ay nasa 15 pesos, ngunit hindi pa ito nakakabusog para sa mga estudyante. Kapag isinama pa ang lunch, lampas na sa itinakdang budget ang nagastos, kaya malinaw na hindi makatotohanan ang 64 pesos bilang budget para sa pang-araw-araw na pagkain,” ayon kay Ian Galia, Supreme Student Learner Government (SSLG) Grade 11 Representative. Giit pa niya, hindi na makatarungan ang pagtaas ng presyo kumpara sa kalidad ng mga bilihin sa kantina, kaya napipilitan siyang humanap ng mas murang alternatibo sa labas ng paaralan.

Batay sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang food threshold para sa isang tao ay nangangailangan ng Php64 kada araw, o Php9,581 sa buwanang antas upang matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pagkain.

Sa katunayan, ipinahayag ng NEDA na ang food threshold ay hindi sapat upang matiyak ang disenteng pamumuhay, kundi ito ay isang sukatan ng pinakamababang kita na kailangan upang masustentuhan ang pangangailangan sa pagkain.

Patuloy ang pagtaas ng mga presyo sa kantina, kaya't isang malaking hamon pa rin sa mga estudyante ang pagbabadyet upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa paaralan.

Panangga sa Banta

Hindi kailanman sasapat ang 64 pesos na budget kada araw.

angsinagtala

Bakas ng Karanasan, Tanda ng Kaalaman

Tomo XXXII • Bilang I • Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Regional Science High School - X Dibisyon ng Cagayan de Oro • Rehiyon X • Nobyembre 2024-Prebrero 2025

Panunuhol at katiwalian 59.11% Paninira at pagnanakaw 57.79%

Paggamit ng ilegal na droga

‘‘

Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nahahanap, hindi pa nagbigay ng impormasyon ang pulisya pero nangako silang tatawagan nila ako kapag may nakalap silang impormasyon.

Alyas 'Joseph' Ama ng Nawawalang Bata

Bumuhos ng panawagan ang mga mamayan sa pagtaas ng seguridad sa Barangay Gusa matapos maitala ang kaso ng mga nawawalang bata sa loob ng

Matapos lumawak ang usapin labis na ikinabahala ng mga mag-aaral

“Marami na talaga akong nakikitang mga post sa sosyal midya patungkol sa mga nawawalang bata pati na rin mg poster na nakapaskil sa kalsada,” wika ni Hyacinth Pabonita, mag-aaral ng nasabing paaralan. Dagdag pa ni Oliver Salvacion, magaaral ng GRSHS-X, umuuwi siya ng maaga para maiwasan ang ganyang pangyayari dahil malayo-layo pa ang kanyang lalakarin

Aprobado na sa kamara ang pagbibigay kilala sa lungsod ng Cagayan de Oro (CDO) bilang isang progresibong metropolitan ngayong susunod na taon matapos lumago ang ekonomiya at paglaki ng populasyon nito base sa ulat ng National Economic Development Authority’s (NEDA).

HIYAW HIYAW KAWALAN SA

Kaso ng nawawalang tao, lumobo; Pagtaas ng seguridad sa komunidad, sigaw ng mamamayan nina RYAN TABAMO at ELOUISE CAÑEDO

usmos at walang kaalam-alam sa mundo, bawat landas ay tinutungo, ngunit sa bawat hakbang na tinatahak ng paa, ay isang pangyayari na hahatak sa kaniya sa madilim na eskinita na hanggang ngayon ay nananatiling misteryo.

KASO NG NAWAWALANG TAO

Matapos kumalat ang nasabing impormasyon, kinilala ang isa sa mga batang biktima na si Evan Aguinot, apat na taonggulang na nakatira sa Puntod, Cagayan de Oro na nawala noong Oktubre 21, 2024.

Base sa eksklusibong panayam na nakalap mula mismo sa ama ng bata na humihiling na itago sa pangalang Joseph, sa pamamagitan ng isang phone call, huling nakita si Evan sa St. John Puntod Coastal Road District 1 kasama ang kaniyang mga pinsan.

Sinabi niyang lilipat lang daw sana sila ng bahay, ngunit habang humahakot ng kagamitan ang nanay ni Evan, hindi nila namalayang sumama pala ito sa tatlo niyang pinsan.

“Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nahahanap, hindi pa nagbigay ng impormasyon ang pulisya pero nangako silang tatawagan nila ako kapag may nakalap silang impormasyon,” pagbabahagi ni Joseph. Dagdag pa niya, nakita raw ng kaniyang pamangkin na nakasakay na ang bata sa isang motorsiklo, na pinagdududahan niyang kidnapping.

PAMBABASTOS SA KALSADA Nakaranas ng mga pambabastos sa kalsada ang mga mag-aaral ng GRSHS-X tuwing uuwi ng gabi na labis na ikabahala ang kanilang seguridad.

/ipagpatuloy sa P5

Napagkaloob sa plano ng Metro CDO Bill na sakop sa saklaw ng ekonomiya ang kalapit na bayan ng Misamis Oriental, tulad ng Opol, Tagoloan, at munisipalidad ng Manolo Fortich sa lalawigan ng Bukidnon. “Sana magpatuloy pa ang pag-unlad ng lungsod lalo na sa mga gusali, sistema, at mga opportunidad para sa mga tao,” pahayag ni Johara Jumo, isang mag-aaral ng Gusa Regional Science High School – X. Matatandaang nakatanggap ang lungsod ng CDO nang kauna-unahang parangal ng Seal of Good Local Governance at kabilang sa Most Competitive Highly Urbanized City. lungsod na maipagpatuloy pa ang pagunlad sa lugar upang maging pangunahing sentro ng kalakalan at ugnayan.

BALITANG KOMUNIDAD
KAMPUS EKSPRES

BALITA

Kakulangan sa laboratoryong kagamitan, tinugunan ng admin

Naipabalik na ang mga pangunahing laboratoryong kagamitang sa pang-agham mula sa pagkaimbak nito sa pinagkukunan upang magamit ng mga mag-aaral ang kagamitan sa kanilang mga pananaliksik.

Ayon kay John Rey Alguso, property custodian ng paaralan, kinailangan itabi ang mga kagamitan at ilipat ang mga laboratoryo dahil sa nagaganap na konstruksiyon sa paaralan. "Pansamantalang walang maayos na laboratoryo ang paaralan, kaya't ang iba ay nakaimbak pa rin dahil maliit lamang ang espasyo sa kasalukuyang laboratoryo," ani John Rey Alguso, sa pagsasantabi ng kagamitan sa opisina. Unti-unting ibabalik sa tamang lugar ang mga kagamitan para sa laboratoryo sa sandaling matapos ang konstruksyon ng silid-aralan.

Sa kasalukuyan, inaasahang ng administrasyon na maparami pa ang laboratoryo sa paaralan upang mapanatili ang kahusayan ng mga mag–aaral sa larangan ng pananaliksik.

GRSHS-X, nangibabaw sa resulta ng NAT sa CDO

Nangunguna ang Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) sa isinagawang National Achievement Test (NAT) noong ika-27 ng Hunyo, 2023 sa lungsod ng Cagayan de Oro (CDO).

Batay sa inilabas na resulta ng dibisyon, nakakuha ang paaralan ng 74.02 sa Ingles, 58.19 sa agham, at 67.90 naman sa matematika.

Sa paglalahat, nakamit ng paaralan ang unang pwesto sa pangkalahatang pagtataya sa dibisyon ng CDO habang pangatlo naman sa rehiyonal na pangkalahatang pagtataya.

Sa katunayan, naglunsad ng pag-eensayo ang paaralan sa mga mag-aaral bilang paghahanda sa resulta ng NAT sa susunod na pang-akademikong taon.

kuha

KAMPUS EKSPRES

PAGBASAG SA

Regionalistas, umapela ng reklamo laban sa pambabastos ng guro; Admin, sinibak ang guro sa paaralan

ni RYAN TABAMO

N

aipatalsik ang gurong nanliligalig ng mga mag-aaral sa Gusa Regional Science High School – X (GRSHS-X) matapos maglakas-loob na umapela ang mga mag-aaral ng pruweba sa panliligalig ng guro.

Ipinaprinta nila isa-isa ang mga pruweba ng mga mensahe ng mga guro sa aplikasyong messenger at ipinakita sa bagong admin upang mabigyan ng hustiya ang mga biktima.

“Simula noong Grade 7 ako, marami na akong naririnig na kwento tungkol sa guro na iyon, at tuloy-tuloy pa rin ang mga ito hanggang sa makarating ako ng Senior High. Kaya noong nagdesisyon ang admin na aksyunan at ilipat siya, nakaramdam ako ng ginhawa at saya dahil sa wakas, napakinggan ang mga hinaing namin,” pahayag ni “Berte”, isang

Regionalistas, nangamba sa ipinatupad na half-

day classes

Kakulangan sa oras ng pag-aaral, ikinayamot

CHELSIE CARNAJE

Nadismaya ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) sa ipinatupad na half-day classes kasunod ng patuloy na konstruksyon, na nagdulot ng samu’t saring pananaw mula sa mga mag-aaral patungkol sa bagong iskedyul.

Ibinahagi ng isang mag-aaral ng GRSHS-X ang naging epekto ng pagbabago sa iskedyul, na nagdulot ng kakulangan sa oras ng pagaaral na kung saan nabawasan ang mga asignaturang tinatalakay sa isang araw.

"Hindi siya gaanong epektibo kumpara sa wholeday classes, dahil sa half-day class, hindi lahat ng subjects ay kasama, tapos may distance learning pa pagkatapos ng klase," pahayag ni Ian Galia,

Supreme Student Learner Government Grade 11 Representative. Aniya, nakakaabala rin ito dahil maraming mag-aaral ang hindi gaanong natututo sa limitadong oras ng pagtuturo ng guro, na minamadali upang masakop ang mga kompetensiya.

administrasyon, mababalik sa normal na iskedyul ang klase pagkatapos ng konstruksyon, na inaasahang matatapos sa

Nagtaguyod ng prayer rally ang mga trabahador ng Cagayan de Oro Water District (COWD) sa tapat ng opisina ng water district matapos ang patuloy na tensyon sa pagitan ng mga opisyal ng COWD at ng mga pansamantalang opisyal ng distrito na itinalaga ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Nag-ugat ang pangyayari matapos magkaroon ng sigalot ng maglabas ng memorandum ang Interim General Manager Fermin Jarales na nag-uutos sa COWD General Manager Antonio Young na magpaalam muna sa kaniyang opisina at manatili sa kaniyang bahay. “Bago ko nailabas ang naturang utos, may mga papeles, rekord, at mga dokumentong pinansyal na hindi natin ma-access. Nauunawaan din natin na si Engr. Tony (Antonio Young) ay nirerespeto ang Board of Directors, kaya't isinantabi niya ang mga ito para sa kanyang sariling dahilan,” ika ni Jarales.

Samantala, sa isang video na nakuha ng isang source na humiling ng hindi pagkakakilanlan, nakita ang ilang empleyado sa labas ng opisina ng ‘General

Manager’ na nagtataka kung bakit pinagbawalan si Young na pumasok sa opisina.

Tinutulan ng lupon ng mga direktor ang nasabing aksyon na isinagawa ng interim officials, kung kaya't sinabi nila na isang kaso ang isinampa sa korte para tanggalin ang mga nasabing opisyal.

"Ang ating general manager ay itinuturing na pinuno ng opisina o ahensya. Hindi maaaring utusan siya ng Interim na magtrabaho mula sa bahay dahil may mga bagay na siya lamang ang makasasagot at siya lamang ang maaaring pumirma,” pahayag ni Dr. Gerry Caño, isa sa mga miyembro ng Board of Directors. Gayunpaman, sinabi ng interim officers na ang gusto lang nila ay malutas ang isyu sa supply ng tubig

na nag-ugat sa hidwaan sa pagitan ng COWD at bulk water supplier na Cagayan de Oro Bulk Water Inc. (COBI).

“Nasa antas pa rin tayo ng pakikipagtulungan, at malinaw naming ipinaliwanag na ang paglalabas ng memorandum tungkol sa work-from-home ay para sa proteksyon ng pansamantalang nakaset-aside na GM, Engr. Antonio Young, ng mga empleyado, at ng aking sarili, upang maayos din ang ating organisasyon,” wika pa ulit ni Jarales. Samakatuwid, nanatiling namamahala sa COWD ang LWUA at nagtalaga ng mga pansamantalang opisyal para resolbahin ang isyu sa suplay ng tubig.

susunod na semestre. Nagsimula ang konstruksyon noong nakaraang taon bilang bahagi ng proyekto ng pamahalaan na mapabuti ang mga pasilidad ng paaralan at layunin nitong magtayo ng mga bagong silidaralan para sa mga mag-aaral. Samantala, hinihikayat

alyas na pangalan ng mag-aaral na biktima ng nasabing guro. Dagdag pa niya, bilang isa sa mga nakatanggap ng mga mensahe mula sa kanya, kahit hindi kasing lala ng sa iba, nakaramdam siya ng ginhawa na natapos na ang sitwasyong ito at umaasa rin siya na hindi na niya maipagpapatuloy ang ganitong gawain sa ibang paaralan para wala nang ibang estudyanteng makaranas ng ganito.

HAKBANG NG PAARALAN

Ipinarating ng punongguro ang mga kopya ng reklamo ng mga mag-aaral sa opisina ng dibisyon matapos maibigay

ISYUNG KOMUNIDAD

ang mga pruweba ng panliligalig ng guro. Ayon sa pahayag ni Elizer Teruel, ang punongguro ng paaralan, sinikap niyang iparating sa division office ang mga reklamo ng mga mag-aaral, ngunit kinailangan din ng mga pormal na dokumento gaya ng sworn affidavit upang opisyal na maiproseso ang kaso. Gayunpaman, agad siyang kumilos base sa mga ebidensya mula sa mga screenshots ng mensahe ng guro na nagpapakita ng oras at pangalan. "Hindi ko pwedeng palampasin ang ganitong kaso dahil ito ay isang seryosong paglabag.

Sa pagtaas ng kaso ng suicide sa lungsod, 'Do not let your thinking control you, observe it' - mental health coordinator ni VASH SARAPUDDIN

Binahagi ng mental health coordinator ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtuon sa mental health awareness bilang tugon sa lumolobong kaso ng suicide ng lungsod.

Inihambing ni Angel Jeane Joson, mental health coordinator sa kaniyang diskurso ang mga natalang karanasan ng mga mag-aaral na nagdulot ng hinanakit sa buhay at ang epekto nito sa kanilang pag-uugali.

"Do not let your thinking control you, observe it," giit ni Joson, sa pagpapaliwanag na ang kinalakihan ng tao ang siyang magdedepende sa magiging asal niya sa paglaki.

Ulat ni Joson na mayroong iba't ibang antas ng pagharap sa sakit ang bawat tao at ito ang pundasyon sa magiging aksyon nila.

Dagdag pa niya na ang mental health ay isang estado ng kumpletong mental, pisikal, emosyonal, at panlipunang kalusugan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o pagkakaroon ng kapansanan.

Samantala, ang mga sakit sa mental health naman ay karaniwang nailalarawan sa pamamagitan ng ilang kumbinasyon ng mga abnormal na pag-iisip, emosyon, pag-uugali, at relasyon sa iba.

Gayunpaman, salaysay ni Joson na ang buhay ay isang interaksyon ng mga emosyon, kung saan ay binigyang-diin niya na kinakailangang balansehin ang mga ito. Samakatuwid, puspusang itinampok niya na kinakailangang kilalanin at damhin ang damdamin, at humingi ng tulong kung nangangailangan.

dibuho nina FRUJI SABELLO at ALEXIS DE GUZMAN

Ako mismo ang nagbigay ng opsyon sa guro na magsumite ng liham ng intensyong lumipat ng paaralan upang hindi na lumala ang sitwasyon. Kung mayroon mang pormal na reklamo laban sa kanya, ito ang agad kong ipapasa sa division office para sa kanilang aksyon,” paliwanag ng punongguro.

Dagdag pa niya, bukas ang opisina para sa anumang reklamo basta may sapat na ebidensya at ang sinumang lalabag sa batas laban sa pang-aabusong sekswal ay hindi pinapayagan sa institusyon at agad na isasagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa karampatang parusa.

MGA BATAS NA NALABAG

Ipinaalala ng punongguro sa kaniya ang Republic Act (RA) No. 6713, ang batas ukol sa mga etikal na pamantayan ng mga pampublikong empleyado, at ang kahalagahan ng paggalang sa mga mag-aaral bilang menor de edad.

Nalabag rin ang RA 7877 o kilala bilang Anti-Sexual Harassment Act, na magbibigay proteksyon sa mga magaaral laban sa anumang pananamantala at panliligalig.

Nakatala rin sa polisiya na ang sinumang lalabag sa batas ay maaaring patawan ng parusang pagkakakulong o pagbabayad ng multang 10000 Php hangang 20000 Php.

Pinatawag ang nasabing guro sa punongguro at nasisante sa kanyang trabahong bilang guro at ipinalikas sa ibang paaralan.

Matatandaang napatawag na ang nasabing guro sa mga nagdaang admin, ngunit hindi nagpapatinag at ipinagpatuloy pa rin ang kaniyang hindi wastong gawain.

“Sa akin noh, naghihintay lang ako na may mag-apela ng reklamo sa aking opisina. Huwag kayong matakot na magsumbong, lalo na’t nasa tamang panig ang iyong nilalaban,” ani ng punongguro.

Patuloy na inaaanyayahan ng administrasyon ang mga mag-aaral na magsumbong sa kanila kung may kaso man ng panliligalig ng guro o iba pang seryosong insidente, hanggat may sapat na ebidensya upang masolusyonan agad ng bagong administrasyon.

TEEN PREG-NO-NCY. Binigyan-diin ng pangulo ng PopDev, si Rod Izzander Tasi ang kahalagahan ng pagtuturo ng edukasyong sekswal laban sa pagtaas ng bilang ng maagang pagbubuntis.

kuha ni GABRIEL LADICA

“Palakad ako ng kalsada kasama ang aking nobya pauwi sa kanila, pabalik na ako sa aking daan at biglang may narinig akong sitsit mula sa mga tambay na lalaki sa gilid ng kalsada sabay sabing “Asa imong uyab dong, ako nasay patilawa” (Nasaan ang iyong nobya, patikim naman ako),” kuwento ni Drey, hindi niya na tunay na pangalan, biktima sa nasabing salaysay sa pagpapaliwanag sa kanyang naranasan sa kalsada. Dagdag pa niya, dahil sa gabi na silang umuuwi dulot ng pag-eensayo para sa kanilang ‘performance task’ sa paaralan, madalas niya itong nararanasan.

PAGTAAS NG SEGURIDAD Matapos marinig ng administrasyon ng GRSHS-X ang nasabing kaso, tiniyak ni Elizer Teruel, punong guro ng nasabing paaralan, na higpitan at mas ipatibay pa ang seguridad upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.

PopDev, sinuhayan ang pagkasa ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill

Abstinansya, sagot kontra pagtaas ng maagang pagbubuntis

VASH SARAPUDDIN

Pinanigan ng Population Development Club (PopDev) ng Gusa Regional Science High School-X ang pag-aproba ng Adolescent Pregnancy Prevention Bill bilang tugon sa lumulobong kaso ng teenage pregnancy ng lungsod.

Pinagsentrohan ni Rod Izzander Tasi, pangulo ng PopDev, na kinakailangan turuan ang mga mag-aaral sa edukasyong sekswal upang maprotektahan at maturuan ang mga mag-aaral sa epekto ng maagang pagbubuntis.

“Kasi karamihan sa mga mag-aaral nanonormalize na ang paggamit ng mga bastos na biro kaya kailangan natin silang turuan upang mapalawak ang kaalaman nila sa konsepto nito,”

Samantala, naglunsad ng room-to-room campaign ang PopDev ukol sa teenage

pregnancy sa mga junior high na klase kasunod ang pagtuturo sa mga classroom officers ng mga peer educators tungkol sa paksa. “Mahalaga ang pagsasanay ng abstinensya, kung saan dapat iwasan ang paggamit ng condom at turuan silang ikontrol ang sarili,” diin ni Tasi. Dagdag pa niya, bilang pangulo rin ng Population Development Federation ng CDO, hinimok niyang makilahok ang bawat isa sa mga oryentasyon na tumutukoy sa paksa.

“Para mapalakas ang seguridad, humingi ako ng hiling mula sa ahensya na palitan ang gwardiya dahil kulang ang kakayahan niyang mahigpitan ang mga mag-aaral sa paglabas-pasok sa paaralan lalo na at nag Set A at Set B na iskedyul na tayo. Kaya ilolock talaga natin ang gate tuwing dis-oras ng klase,” wika ni Teruel, sa paghigpit sa seguridad ng paaralan. Dagdag pa niya, pagbabawalan na niya rin ang mga magulang ng mga mag-aaral na pumasok sa paaralan upang maiwasan ang mga posibleng insidente. Nagpatupad din ng curfew hours ang punong guro sa mga mag-aaral upang mapauwi ng maaga ang mga mag-aaral. Gayunpaman, nanatiling determinado ang kapulisan na ipagpatuloy ang mga operasyon upang bantayan ang kalagayan at seguridad ng komunidad.

SA KAWALAN mula sa P1

Kaso ng nawawalang tao, lumobo; Pagtaas ng seguridad sa komunidad, sigaw ng mamamayan

dibuho ni FRUJI SABELLO

pagbubuntis ng mga kabataan. Bukod dito, tumaas din ang paggamit ng modernong kontraseptibo kagaya ng condom, mula 29% noong 2020 hanggang 36% noong 2022, batay sa inilabas na istatistika ng Inquirer. Gayunman, hinahangad ng PopDev na makapagsagawa ng mga symposium at maimbitahan ang mga kilalang speaker upang magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa paksa. Sa kasalukuyan, matagumpay ang mga nagdaang

Wala na talaga akong magawa kasi magkokolehiyo na rin ang aking bunsong anak kaya maglelending ulit ako para pantustus sa tuition ng anak ko.

Betty Labto Dugaduga

MAPAGLARONG BUHAY:

Pahintulot sa pagbebenta sa kalsada, daing ng mga tindera sa Cogon

ni RYAN TABAMO

Coastal Clean-up

Nagmamasid sa kanan at kaliwa, naghihintay lamang ng tamang tiyempo at lugar na mapagtataguan. Noon pa man, napakasaya makipagtaguan kasama ang mga kaibigan, ngunit para sa kanila, buhay ng pamilya ang nakasalalay sa mapait na buhay ng mga tindera na nakikipagtaguan sa kalsada.

magbenta sa kalsada matapos inaabuso ng mga Road and Traffic Administration (RTA).

nakikipagtaguan sa RTA para ang pangangailangan ng

lahat ng aking panindang

ibinabalik sa amin. Wala na talaga akong magawa kasi magkokolehiyo na rin ang maglelending ulit ako para anak ko," salaysay ni Betty Labto Dugaduga, isang pagkarate ng gamit mula

naiintindihan naman niya na trabaho lang ang ginagawa nagmamakaawa lamang siya na mabigyan sila ng sapat na lugar para makapagtinda at makapagtrabaho ng maayos.

ating lokal na batas. Lahat

ng mga tindera o tindero dito sa Cogon ay may oras na sinusunod kung kailan at saan pwedeng maninda," tugon ni Mark Joseph Dacobor, Traffic Aid 1 sa Cogon Market. Banggit pa niya, na sana sumunod sila sa batas dahil nakakaperwisyo sila sa daloy ng trapiko at sumunod lamang sa oras na binigay ng gobyerno para sa kanila.

“Para sa mga kagamitang aming kinukuha, binibigay namin yan sa City Social Welfare and Development (CSWD) o bahay-ampunan para makatulong rin sa kanila,” paliwanag ni Dacobor, sa pagpapalinaw kung saan napupunta ang gamit na nakukumpiska.

Naglunsad din ang lokal na pamahalaan Cogon Night Market kung saan pinapayagan silang magbenta sa saklaw ng napagkasunduang lugar.

Patuloy pa rin ang paginspeksyon ng mga RTA arawaraw sa Cogon Market upang mapatawan ng parusa ang sinumang lalabag sa batas.

Isang laro ng buhay sa kalsada, kung saan nakataya ang araw-araw na kabuhayan ng kanilang pamilya. Sa bawat hakbang, pasan ang mabigat na responsibilidad, habang ang mga desisyong dapat sana ay para sa kanilang kapakanan ay nakasalalay lamang sa galaw ng iisang manlalaro — ang gobyerno.

Nakalikom ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ng sako-sakong basura kasama ang ibang mga lokal na ahensya upang panatilihin ang kalinisan at palakasin ang kamalayan sa kapaligiran.

Pinangunahan ng Science Club, na kinabibilangan ng Philippine Science Youth Science Club, Youth for Environment in Schools Organization, at Youth Science Explorers Club, ang pagsagawa ng coastal clean-up.

Nakipagtulungan din ang GRSHS-X Girl Scouts of the Philippines, Boy Scouts of the Philippines (BSP), at Supreme Secondary Learner Government sa Barangay Gusa upang maisakatuparan ang malawakang pangkapaligirang proyekto.

“Napakahalaga ng ganitong mga aktibidad, naipapakita sa mga mag-aaral ang tamang pangangalaga sa kalikasan,” ani Joshua El Noah Suan, miyembro ng GRSHS-X BSP.

Agad dinala sa tamang disposal facilities ang mga nakolektang basura bilang bahagi ng wastong pamamahala.

Science Club rumatsada sa isinagawang mangrove planting

70 na sanga ng mangrove, naitanim

Nakiisa ang mga miyembro ng Science Club ng Gusa Regional Science High School - X sa pagtatanim ng mga mangrove sa Barangay Bonbon bilang bahagi ng Laudato Si na naglalayon ding maipabalik ang ekosistema at pagprotekta sa kalikasan.

Pinangunahan ang nasabing proyekto ng lokal na simbahan ng Jesus Nazareno Parish na nakipag-ugnayan sa science club ng paaralan na binubuo ng Philippine Society of Youth Science Clubs (PSYSC), Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), at Youth Science Explorers Club (YSEC).

“It was inspiring to see different members of the community come together with a shared purpose, reinforcing the idea that even small acts of service can collectively lead to significant positive change,” wika ni Krisnhelle Vasallo, pangulo ng YES-O. Sa ngayon, naghahanda ng ibang programa at pakikipag-ugnayan ang Science Club upang maipagpatuloy ang pag-aalaga sa kalikasan.

ni RUZTYLOU GAVIOLA
ni RYAN TABAMO
HIYAW
salita nina RYAN TABAMO at ELOUISE CAÑEDO
BALITANG LATHALAIN

HINAGUPIT NG PAGTUTOL

Mistulang pinutol habang namumunga ang punong matagal nang pinagpupugayan, ganito ang patuloy na sinasapit ng pamamahayag sa kasalukuyang panahon. Sa halip na payabungin, pinipili itong dagukan at patahimikin. Unti-unting nawawala ang lakas, integridad, at kahalagahan ng pamamahayag sa lipunan dahil mismong sistema ng edukasyon ay hindi na rin sapat na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng malayang pag-iisip, kritikal na pagsusuri, at makabayang paggamit ng impormasyon. Sa mga silid-aralan pa lamang, tila isinasantabi na ang papel ng midya bilang tagapagbantay ng katotohanan

Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pamamahayag. Ngunit tila sinasadya itong puksain sa katahimikan, isang paninikil na pilit itinatago sa likod ng reporma at makalumang pagpaplano. Isang halimbawa nito ang pagbuwag sa mga programang gaya ng Special Program in Journalism (SPJ) sa Gusa Regional Science High School, itinigil ang programa dahil sa paglalayong magtuon ng pansin sa agham at mga akademikong disiplina at pagsunod sa mga pagbabago sa kurikulum na itinutulak ng mas mataas na mga layunin sa agham at teknolohiya. Imbes na patatagin ang mga haligi ng pamamahayag bilang katuwang ng agham sa pagsusulong ng kritikal at makabayang edukasyon, pinili ng paaralan na putulin ang ugnayan nito sa pamamahayag.

ng Commission on Higher Education (CHED), mula 54 unibersidad noong 2014 na may programang ‘journalism’ , 40 na lang ang natitira nitong 2024. Ang pagbaba ay hindi lamang dahil sa pandemya kundi bunga rin ng palagiang ‘budget cuts’, kakulangan ng guro, at paniniwalang di praktikal ito. Ito ay malinaw na manipestasyon ng pambabalewala at pagsawalang-kibo ng sistemang pang-edukasyon sa isang larangang itinuturing nilang hindi ‘kapaki-pakinabang’, ngunit sa totoo’y batayan naman ng demokrasya at kalayaan. Kapag tuluyan na itong nawala, asahan darating ang panahong walang na ring mangahas na magsalita.

President at isang ‘campus journalist’, “nakakalungkot at nakakadismaya ang balitang ito, lalo na't dati'y kilala ang paaralan sa kahusayan sa larangan ng pamamahayag.” Dagdag pa niya, “Hindi dapat ibalewala ang pamamahayag.” Hindi ito simpleng pahayag ng pagkadismaya, ito ay panawagan ng isang kabataang lumalaban para sa karapatang marinig. Kapag ang mismong mga paaralan ay siyang unang pumapatay sa tinig ng kabataan, kanino pa aasa ang sambayanan. mamamahayag sa paaralan ay naglabas na ng pagkadismaya. Ipinahayag ng iilang ‘campus journalist’ ang posibilidad ng ‘boycott’ o di paglahok sa mga darating pang ‘press conferences’ at ‘training’. Sawa na ang mga estudyante at tagapasanay sa paulit-ulit na sakripisyo na nauuwi sa pagkakalimot. Marami sa kanila ang bumagsak sa klase dahil sa labis na pagliban dulot ng training, isang sakripisyo na sana’y sinuklian ng konsiderasyon. Ngunit imbes

Ang laban ng mga mamamahayag ay hindi natatapos sa loob ng isang paaralan, ngunit magpapatuloy ito hangga’t may mga tinig na handang magsalita laban sa kawalan ng suporta at pagpapahalaga.

kahalagahan ng isang larangang may direktang epekto sa paghubog ng malayang kaisipan at makabayang kamalayan ng mga kabataan. Gayunpaman, ang pamamahayag ay hindi dapat ituring na hadlang sa progreso ng agham o akademya bagkus ay katuwang ito sa pagpapalaganap ng mga makabuluhang impormasyon. Ayon sa isang pananaliksik ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa pamamahayag ay may direktang kaugnayan sa kanilang kakayahang magsuri, bumatikos, at makilahok sa mga usaping panlipunan. Samakatuwid, ang pagpapatibay ng ganitong programa ay isang mahalagang hakbang sa pagbubuo ng responsableng

Kailangan ring maglatag ng isang polisiyang naglalayong tulungan ang mga estudyanteng aktibong kalahok sa ‘co-curricular activities’ tulad ng ‘Journalism’. Ang mga estudyante na nagsasakripisyo ng oras upang makilahok sa mga pagsasanay at mga kumpetisyon ay hindi dapat magdusa mula sa pagbagsak ng marka. Isang itong paalala sa paaralan na ang kalidad ng edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa mga marka kundi pati sa mga sakripisyong ginagawa ng mga estudyante upang matuto at magtagumpay.

Sa patuloy na pag-uupos ng suporta, hindi lamang ang programang ito ang napag-iwanan, kundi pati na rin ang mga kabataang may potensyal na magsilbing mga tagapaghatid ng katotohanan at kritikal na ideya. Ang desisyong ito ay nagtatangkang patahimikin ang mga tinig na matagal nang nagsusulong ng makatarungan at makabayang edukasyon. Sa halip na patatagin ang pundasyon ng pamamahayag, pinili nitong putulin ito, na nagiging isang tadhana na magdudulot ng mas malaking paglimos ng mga oportunidad sa hinaharap. Bagama’t ganoon, ang laban ng mga mamamahayag ay hindi natatapos sa loob ng isang paaralan, ngunit magpapatuloy ito hangga’t may mga tinig na handang magsalita laban sa kawalan ng suporta at pagpapahalaga.

dibuho ni FRUJI SABELLO

Tuwing umaga, naririnig natin ang mga ‘campaign jingle’ ng mga kandidato. Kahit saan lumingon, makikita natin ang kanilang mga mukha sa sa pader, sa poste, sa kalsada. Subalit nakakalungkot lang isipin, ang bilis nilang makaabot sa mga lugar na ito kung sila ay nangangailangan, pero mailap silang hanapin kapag tayo naman ang may kailangan.

Ayon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), maraming lugar sa bansa ang patuloy na naghihirap dahil sa kakulangan ng serbisyong pangkalusugan at imprastruktura. Samantala, ang mga proyekto sa mga urbanisadong lugar ang binibigyan ng priyoridad. Hindi umaabot ang tulong at proyekto sa mga malalayong komunidad, kaya hindi nila nararamdaman ang tunay na malasakit ng mga politiko. Bagama’t sabi ng ilan, “Ganyan naman talaga lahat ng mga politiko, wala na tayong magagawa.” Dahil nasanay tayong niloloko, tila naging normal na lang ang mga pangakong napapako. Ngunit hindi ito dapat maging normal. Hindi natin dapat tanggapin ang mga lider na lumilitaw lamang tuwing eleksyon— hanggang mukha lang sa mga paskil. Kung tunay silang nagmamalasakit at nagseserbisyo, makikita natin sila sa gawa, hindi lang sa ngiti. Ang tunay na malasakit ay nasusukat sa mga konkretong hakbang, hindi sa dami ng nakapaskil na larawan. Ang tunay na lider ay tumutugon hindi lamang kapag may kamera, kundi sa bawat pagkakataon lalo na kapag walang nagmamasid.

KAPALIT ANG KARANGALAN

Sa bukana ng eleksiyon, tila parang palengke ang bansa, mataas ang tawaran, mababa ang prinsipyo. Kapalit ng ilang tiklop na salapi, isinusuko ng ilan ang kanilang boto, tinig, at kanilang dangal. Muli na namang pinapaalalahanan ang taumbayan kung paanong ang tradisyunal na politika, na matagal nang isinabuhay ng iilang pamilya, ay naging pamana ng bulok na sistema. Isa na namang patunay ang kamakailang ulat laban kay Camille Villar, matapos siyang padalhan ng Show Cause Order ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa alegasyon ng vote-buying na nakita sa social media.

Hindi dapat palampasin ang insidenteng ito. Ayon sa Batas Pambansa Blg. 881, Section 261(a), ang pagbili at pagbenta ng boto ay ipinagbabawal at may kalakip na parusa ng hanggang anim na taong pagkakakulong, diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon, at pagkakait ng karapatang bumoto. Subalit mahaba ang ugat na kaniyang pinanggalingan.

Mula pa noong 1963, nakaangkla na sa Las Piñas at maging sa buong bansa ang apelyidong Villar. Bagama’t sa isang panayam kay Senadora Cynthia Villar, iginiit niya na ang pamilya nila’y ‘di isang dinastiya kundi bagkos isang ‘legacy’ ng yumaong amang si Mayor Filemon Aguilar. Gayunpaman ang paulit-ulit na pagtakbo ng magkakamaganak, mula sa matanda hanggang sa anak ay malinaw na pag-angkin sa pamahalaan bilang personal na teritoryo. Kailangang maging mulat ang bawat Pilipino, lalo na ang kabataan, sa halaga ng isang boto. Dapat nang gisingin ng matatanda ang bagong henerasyon upang maipasa ang prinsipyo, hindi ang panlilinlang. Ang pera madaling kitain at mabilis ding

Mahal na Patnugot, Mula sa lugmok na pamamalakad ng sistema sa Pilipinas, patuloy kayong nagsisilbing sinag sa madilim na kalawakan, gumagabay upang lisanin ang patapon at bulok na pamamalakad sa bansa. Maraming salamat sa inyong pahayagan sa pagbibigay liwanag sa mga isyung matagal ng pinagkaitan ng katarungan. Ang inyong tapat at makatarungang pag-uulat ay nagsisilbing liwanag sa mga tala sa kalawakan na naninilim mula sa kasakiman.

Mahal na Mambabasa, Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa publikasyon. Ang pagbasa at pakikilahok ay mahalaga upang mamulat at lumikha ng isang mas makatarungan na paglilingkod sa lipunan. Nawa'y manatiling nakatutok at maglaganap ng mga usaping ito, upang magningning ang katotohanan sa kalawakan.

Sumasaiyo, Punong Patnugot

Message

SA MGA NUMERO

mahigit kumulang

ang utang ng Cagayan de Oro Water District (COWD) sa Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated (COBI)

Pinagmulan: City Government of Cagayan de Oro

Hindi Nakakatawang Biro

mawala, pero ang dignidad, kapag isinuko, hindi na muling mababawi. Kalakip dapat ring paigtingin ng Commission on Elections ang kampanya laban sa bilihan ng boto, ‘di lang tuwing eleksiyon kundi buong taon, sa gamit ang midya at pagtuturo sa mga pamayanan. Kailangang ipaloob sa mga paaralan ang paglinang ng kamalayang politikal upang maitanim sa kabataan ang kahalagahan ng prinsipyo at paninindigan. Kasabay nito, dapat gawing madali, ligtas, at kumpidensyal ang proseso ng pagrereklamo para sa mga lumalabag sa batas, upang hindi matakot ang taumbayan magsiwalat ng katiwalian. Nararapat lang na tuldukan ito at pati ang ibang dinastiyang matagal nang nagpapayaman sa pangalan sa bansa. Walang mabuting dulot ang pagboto sa pamilyar na apilyedo. Ika nga nila “The sin of the father is not the sin of the son,” ngunit katapat din nito ang “The

accomplishment of the father is not the accomplishment of the son.” Hindi dahil mahusay ang nauna ay awtomatikong may kakayahan na rin ang susunod.

Ang pera madaling kitain at mabilis ding mawala, pero ang dignidad, kapag isinuko, hindi na muling mababawi.

TuBig na Problema

Parang gripo ang sistemang pangtubig sa Cagayan de Oro, tila bukas sa pangakong serbisyo ngunit madalas walang patak. Tulad ng gripo na kinakalawang sa kapabayaan, nabubulok na rin ang tiwala ng publiko sa Cagayan de Oro Water District (COWD). Kung hindi na nito kayang tuparin ang pangunahing tungkulin, marapat lamang na ito’y ipasa sa may kakayahan at malasakit sa kapakanan ng nakararami.

Hindi isang simpleng usapin ang pagkabaon ng COWD sa utang na higit 400 milyon sa Cagayan de Oro Bulk Water Inc. (COBI). Kasunod nito ang sunod-sunod na pagkaantala ng suplay, pagtaas ng singil mula P16.60 hanggang P20.57 kada cubic meter, at higit sa lahat ang pagputol ng COBI ng distribusyon ng tubig. Pinatunayan pa ng mga rekord mula sa korte at sa mismong pahayag ng Regional Trial Court na ang hidwaan sa pagitan ng COWD at Local Water Utilities Administration (LWUA) ay nauwi na sa legal na banggaan sa halip na solusyong pangmadla.

Gayunpaman ‘di rin maikakaila na mas

pinagtutuunan ng pansin ang kapangyarihan at kontrol kaysa agarang pagsasaayos ng serbisyo. Lumalabas sa mga ulat na higit na tinututukan ng mga sangkot ang pormalidad ng pamumuno kaysa sa paghahatid ng serbisyong batid nilang krusyal sa araw-araw na pamumuhay ng mamamayan. Hindi malulutas ang krisis kung umiikot lamang sa alitan ng COWD at COBI ang usapin. May legal na batayan ang interbensyon ng LWUA kung napatunayang lumabag ang COWD sa kanilang kontrata, ayon sa Regional Trial Court. Ngunit higit sa lahat, dapat ay ang kapakanan ng mamamayan ang inuuna.

PAYAPANG PINIPEKE ni CLAIRE CARERAS

Kapayapaang May Suklob

Ipinamalas kamakailan ang isang “peace rally” na diumano’y layunin ang pagkakaisa sa gitna ng kaguluhan. Katulad ng telang puti na ginagamit upang tabingan ang maruruming sugat, ang ganitong pagtitipon ay nagiging kasangkapan upang pagtakpan ang pagkabulok ng sistemang politikal.

SUKATAN NG RESPETO

Biro ang siyang puhunan ng mga kandidato sa panahon ng eleksyon, ngunit sa ngalan ng paghihikayat tila walang sinasanto ang kanilang mga bibig, sa halip na maengganyo dala nito ay pang-aapi sa ibang tao.

Sa kalagitnaan ng pangangampanya nitong Abril, nagbitaw ng bastos na pananalita ang re-electionist ng Misamis Oriental, Gov. Peter Unabia, binanggit niya na ang nursing ay para lang sa mga babae. Pero dapat, magandang babae. Hindi puwede ang pangit at idiniin din niyang, banta ang mga Maranao sa seguridad ng Misamis Oriental kung hindi mananalo ang kaniyang anak. Tila pasilip ito sa ang bagong mukha ng politika sa Pilipinas, kandidato na walang respeto. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa taong 2022 mayroong 17.5% na kababaihan ang nakakatanggap ng seksuwal at emosyonal na pang-aabuso. Bagaman, mayroon ng batas ang ipinatupad sa bansa tulad ng “Violence Against Women” at “Bawal Bastos Law”, minamaliit ito at nangingibabaw pa rin ang pang-aapi sa kapwa tao. Sa panig ni Unabia, hindi niya intensyon ang makapang-api ng ibang tao at inaming mayroong

kakulangan sa pagiging sensitibo. Ngunit, hindi sapat ang dahilang ito upang naimungkahi ang kakulangan ng respeto sa pangangampanya. Hinggil dito, posibleng magiging daan ito sa diskwalipikasyon pagkat nilabag niya ang “Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines” na mahigpit na ipinagbabawal ang diskriminasyon, “labeling”, at “gender-based harassment”. Bagaman, isa lamang si Unabia sa mga kandidato na tinuturing biro ang pagbitaw ng bastos na pahayag. Sapat lang na hatulan ng diskwalipikasyon sa pagtakbo ang ganitong uri ng kandidato, dahil walang lugar ang diskriminasyon sa panahon ng eleksyon. Matuto sanang pumreno at pag-isipan dapat nila ang binibigkas na salita bagkus ang biro ay nakakatawa hindi nakakasakit ng iba. Hindi karapat-dapat sa ihalal ang mapagmataas sa lipunan dahil ang isang lingkod- bayan ay may respeto sa bayan.

Hindi karapat-dapat sa ihalal ang mapagmataas sa lipunan dahil ang isang lingkod-bayan ay may respeto sa bayan.

Nagpupumiglas ang katotohanan sa gitna ng ensayadong katahimikan Hindi likas na kapayapaan ang lumilitaw, kundi kontrol. Sa gitna ng rally na pinuno ng maputing kasuotan, nawawala ang espasyo para sa lehitimong pagtutol. Hindi nagkataon na kasabay ng mga ganitong kilos-protesta ay bumabagsak ang kumpiyansa ng taumbayan sa mga lider. Mula sa 32 milyong boto, umabot sa 41% ang nagsabing pabor sila sa impeachment ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, ayon sa SWS. Sa parehong panahon, lumalaganap ang mga kaso ng red-tagging mahigit isandaang insidente mula 2016 hanggang 2023 na nagpapahiwatig ng patuloy na pagkitil sa mga boses ng oposisyon. Ipinapakita ng Global Peace Index 2024 na ika-104 ang Pilipinas sa 163 na bansa sa taunang ulat na sumusukat sa relatibong kapayapaan ng mga bansa batay sa mga salik tulad ng kaligtasan, seguridad, at patuloy na mga salungatan. Isang patunay na ang mapayapang imahe ng bansa ay hindi sumasalamin sa tunay na lagay nito. Patuloy ang pag-abuso, patuloy ang manipulasyon, at patuloy ang pagpapatahimik sa mga nais maghayag ng katotohanan. Marami ang naniniwala na ang “peace rally” ay ginagamit upang ilayo ang atensyon ng taumbayan sa mga isyung dapat pagtuunan, isang estratehiya para patahimikin ang karamihan. Hindi dapat manatiling bulag at pipi ang taumbayan sa harap ng mga pagtatangkang kontrolin ang tinig ng marami. Sa halip na mga pekeng imahe ng pagkakaisa, dapat ipaglaban ang isang lipunang bukas, malaya, at tapat. Kapayapaan na may dangal, hindi katahimikang may kapalit.

Hanggang Mukha Ka Lang
ni VINCE VERULA
LABANAN NG KAPANGYARIHAN
ni HERSHEY CANO
dibuho ni FRUJI SABELLO
dibuho ni FRUJI SABELLO
SA MGA NUMERO
Pilipinas
mula sa 163 na bansa sa taunang ulat na sumusukat sa relatibong kapayapaan tinatayang ika
Pinagmulan: Global Peace Index 2024
Punong Patnugot Active now
Kenneth Baluyos 11-Lagmay sa Punong Patnugot

LATHALAIN

Paminsan-minsan o madalas, lahat tayo ay nakaranas nang mamili, mapa-tindahan man na malapit o sa mga naglalakihang mall na dinarayo ng mga tao mula sa iba't ibang lugar. Ang pamimili ay hindi lang isang pangangailangan, kundi isang karanasang may iba't ibang emosyon, mula sa kasiyahan hanggang sa pagkadismaya. Sa mga pamilihan, hindi lamang pamimili ang nangyayari. Ito rin ay isang pook para maglibang, makisalamuha, at makakita ng iba't ibang klase ng mamimili.

BUDGETARIAN

Manhid na Madla

Kawalan ng Empatiya Bunga ng Paghangad ng Pansin ni JOHARA JUMO

ISa likod ng pagiging kuripot ay may budget palang sinusunod. Sila ang mga mamimili na madalas naghahanap ng diskwento at palaging may listahan ng bibilhin upang hindi lumampas sa budget.

BIGLANG BILI

GANG

Tipo ng mamimili na ang motto sa buhay ay "I want it, I got it."

Basta nagustuhan, kuha agad! Madaling maakit kaya kuha lang nang kuha. Kung sila ay kasama, mag-ingat-ingat kana at hawakan ang bulsa.

KOLEK-HOLIK

Sila ay mga mamimili na nangongolekta ng mga bagay na may personal o sentimental na halaga sa kanila. Hindi sila mapapanatag kung may kulang sa koleksyon nila. Kapag bumili ng isa, bilhin na ang buong set.

sang tagpo sa pelikula, matao at abalang pamilihan ang biglang pinasiklab ng apoy na walang awa. Ngunit sa halip na tulong ang agad na ialay, kamera ang itinapat, hindi abuloy. Habang lumalaki ang ningas ng trahedya, mas nanaig ang hangad na pansin kaysa malasakit. Hindi na ito eksena sa teleserye o dula. Ito ang reyalidad—malupit, malamig, at tila manhid ang madla.

WALANG HAPIT

USO-SUNOD

sulit ang bawat bili.

SA E-WALLET

ni JOHARA JUMO

May kakaibang saya sa paghagis ng barya sa isang balon ng mga kahilingan. Isang bulong, isang dasal, at isang pilantik ng daliri. Hindi mo na iniisip kung magkano ang nawala; ang mahalaga, nakapaghiling ka. Ganoon nga siguro talaga—kapag hindi mo nakikita kung saan napupunta ang iyong inihulog, madali itong bitiwan. At sa bawat tunog ng baryang sumasalpok sa tubig, may kapalit itong hindi agad nararamdaman, ngunit tiyak na darating.

Tampok sa social media ang mga post kung saan lantaran ang pagbabahagi ng karamihan sa kanilang impulsibong paggastos gamit ang perang nasa loob ng kanilang GCash accounts. Marami sa kanila ang aminado; hindi nila gaanong ikinababahala ang gastusin dahil ang digital na pera ay tila hindi "tunay."

Dahil dito, nawawala ang likas na pag-iingat sa paggastos, gayundin ang pakiramdam ng pagkalugi o pagsisisi sa bawat sentimong nailalabas.

Tulad ng baryang inihulog sa balon, ang bawat tapik sa screen ay tila isang tahimik na panalangin—na sana'y may dumating kapalit ng isinuko. May kabuntot na bigat, kahit hindi agad dama. Sa kabila ng aliw at bilis ng teknolohiya, nariyan pa rin ang paalala; ang tunay na halaga ng pera ay hindi nawawala sa anyo— nasa tamang pag-iisip, disiplina, at kahandaan sa bawat desisyong pinansyal.

Ngayong 2025, tinatayang umabot na sa 81 milyong Pilipino ang aktibong gumagamit ng mga digital wallet gaya ng GCash at Maya. Isa itong patunay ng patuloy na pagtangkilik sa mga digital na paraan ng pagbabayad sa bansa, bunsod ng kaginhawaan at bilis na dala nito. Subalit, kasabay ng pag-unlad ay ang unti-unting pagbabago sa gawi ng mamimili—lalo na sa mga kabataan. Ayon sa mga pag-aaral, ang mabilis at halos walang hirap na proseso ng paggamit ng e-wallets ay nagiging daan sa padalos-dalos na paggastos.

“Kapag nakikita kong may laman ang GCash ko, agad akong gumagastos, at hindi ko masyadong nararamdaman ang guilt kumpara sa paggastos ng totoong pera. Minsan, umaabot ako sa PHP300 hanggang PHP500 ang nagagastos ko sa isang araw,” pagbabahagi ni Brenda Engalan, isang mag-aaral, tungkol sa kaniyang karanasan sa paggamit ng digital wallet.

Tinutukoy bilang “imaginary money” na pag-iisip—kung saan ang pera sa digital wallet ay hindi itinuturing na kasing-totoo ng pisikal na pera.

Paalalang Nakaukit sa Bato

Pagninilay sa Kultura ng "Resiliency" ng mga Pilipino

ni

“Itaga mo sa bato,” kasabihang madalas tumutukoy sa pangakong mahigpit ang kapit. Ngunit sa aking paglakad sa sentro ng Gaston Park, tanaw ko ang mga pangalang nakaukit sa harap. Tila paalala sa pait at sugat na iniwan ng sakuna. Paalala na kapag ang “resiliency” ay palaging inaasahan, hindi na ito tibay; ito ay pagtitiis na lamang habang patuloy na walang imik sa mga dapat sana’y hinahabol na pagbabago sa sistema.

“Ganun talaga, wala tayong magagawa. Konting tiis pa.” Parang sirang plakang paulit-ulit nang naririnig, unti-unti na ring humihina ang mga dibdib sa bawat banggit. Sa sobrang pagkasilaw sa titulong “matatag,” ibinabaon na lamang ang mga pangangailangan ng pagbabago sa likod ng pagtitiis.

Mula 1995 hanggang 2015, iniulat ng United Nations na pang-apat ang Pilipinas sa may pinakamaraming trahedya sa buong mundo. Nakapagtala ng 274 na kalamidad, ngunit hindi kailanman nagpatinag ang mga Pilipino sa pagbangon mula sa mga sakuna. Sinasabing isa itong marka ng pagiging Pilipino, ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kanilang

sana’y hindi katanggap-tanggap.

“Ako’y taga-Cagayan de Oro noong dumaan ang Bagyong Sendong, at masasabi kong isa ito sa pinakamatinding takot na naramdaman ko sa buhay ko,” pagsasalaysay ni Roberto Continedo hinggil sa kanyang karanasan sa naranasang bagyo noong 2011.

“Tinangay ng bagyo ang lahat ng ari-arian ko. Noon, tinanggap ko na kailangan nating maging matatag sa ganitong mga panahon. Ngunit sa sunod-sunod na mga kalamidad, mas lalong mahirap tawagin itong ‘katatagan’ kasi pagkukulang na talaga,” ani Roberto. Tampok ang mga kwento ng mga Pilipinong nakangiti sa kabila ng trahedya. Ngunit bawat ngiti, bawat

dibuho ni LIZETTE MACARAYO

SAGIP KALAKIP SUMBAT

Paghingi ng Pera Kapalit ang Pagsagip sa mga

Nasalanta

Hakab sa bungbungan ng dalawang palapag na bahay, ang tanging suklob ay mga basang manta dahilan ng tila walang tigil na ulan. Bilangan ng mga lumilipas na araw ang ginagawang libangan—maalog lamang ang pakiramdam ng gutom at lamig. Hinihinging tulong man ay dumating, salapi sa kamay muna ang dapat ihain.

“Kailan pa naging tama ang humingi ng bayad bago sumagip ng mga nasa peligro,” puna ng isang netizen hinggil sa kontrobersyal na balita—ang paniningil bago sagipin ang mga nasalanta.

Maraming nasalanta ang hindi makapaniwala na nasa kalagitnaan na sila ng sakuna, kinakailangan pa nilang magbayad bago matulungan. Asal ng pagiging hidhid dahilan ng pag-una sa makasariling pangangailangan, marami ang nabahala sa kaligtasan ng mga nasalanta.

Kagulat-gulat man, isiniwalat ng isang biktima ng Bagyong Sendong noong 2011 na hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong sitwasyon.

“Naalala ko noong tumama ang Sendong, ang tubig sa lugar namin ay mas mataas pa sa beywang. Kinailangan naming maghintay ng ilang oras bago dumating ang tulong. Nakakatakot dahil habang tumatagal ang paghihintay, lalong tumataas ang tubig, at may mga bata pa kaming kasama,” pagbalik-tanaw ni Annie Cabasa, residente ng Cagayan de Oro, sa mga pangyayari noong 14 taon na ang nakalipas.

“Nang dumating ang ‘tulong’ at handa na kaming sumakay sa bangka, sinabi nilang kailangan naming magbayad ng 500 pesos para dalhin kami sa evacuation center. Nagulat kaming lahat, pero dahil desperado na nga, pumayag na rin kami,” paliwanag niya, ikinukuwento kung paano sila siningil kapalit ng kanilang pagkaligtas.

tanungin niya ang isang kamag-anak na ‘social worker’, sinabi nitong hindi siya dapat nagbayad at dapat na lamang itong isinumbong sa mga nakatataas.

‘‘

Nang dumating ang ‘tulong’ at handa na kaming sumakay sa bangka, sinabi nilang kailangan naming magbayad ng 500 pesos para dalhin kami sa evacuation center. Nagulat kaming lahat, pero dahil desperado na nga, pumayag na rin kami.

kabilang panig na kakulangan sa pondo at kagamitan ang dahilan ng paniningil. Pero para sa mga biktima, lalo na sa mga mahihirap—hindi makatwiran ang dahilang ito. Mga ganitong pangyayari ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mas maayos na pondo para sa ‘disaster response’ ng bawat komunidad. Bigay-tulong na may kasamang sumbat. Naging atas ang paghandog muna ng halaga bago ang pag-alok ng tulong sa masa. Saan na lamang lulugar ang mga nangangailangan ng pagsagip? Kung kapahamakan ukol sa mga biktima ay napagwawalang bahala—kapag ang nasalanta ay walang-wala.

Hari ng mga Sakit

AGTEK-HAYNAYAN

LUGMOK SA KAHIRAPAN ni STEPHEN LLORENTE

Itinuturing pa rin bilang pinakamalaking sakit sa mga mamamayan ang mahinang sistemang pangkalusugan sa Pilipinas, kung saan patuloy na nahihila pababa dulot ng hindi wastong pag-alaga sa sitwasyong medikal. Isang pinakainiingatang ginto na unti-unting nababalot ng kalawang dahil sa palpak na pamamahala. Nangangahulugang dapat na ayusin at baguhin ang depektibong pamamalakad rito lalo pa’t maraming mahihirap ang nagdudusa sa kawalan ng pinagkukunan.

Isa sa patunay ng pagbagsak nito ay ang balitang ukol sa ‘zero subsidy’ ng PhilHealth ang nanatiling tinik sa lalamunan ng karamihang umaasa rito. Ayon kay Julieta Bernido, isang ina na nakikinabang sa benepisyo nito, “Para sa akin, napakalaking tulong ng PhilHealth sa pagbawas ng gastusin sa ospital. Ngunit nakakalungkot isipin na kahit gaano kadali nating ibigay ang kontribusyon, napakahirap naman pagdating sa pag-avail ng mga benepisyo.” Dapat mas pagtuonan ng pansin ang mga taong walang kakayahang humarap sa nagkakapalang bayarin. Nabanggit rin niya na hindi patas na mawalan ng subsidiya ang ahensiya lalo na sa mga pamilyang labis na kumakapit dito. Mainam na ipamahagi nang pantay sa mga mahihirap ang tulong na dapat ay sa kanila.

Global Medical Trends Survey, posibleng umakyat sa bahagdang 18.3% ang mga medikal na babayarin ngayong taon sa Pilipinas. Isang problemang ikakabahala ng bawat indibidwal sa bansa kaya’t lugi ang mga kapos ang pitaka pagdating sa ganitong usapan. Lugi na nga pagdating sa pinagkukunan, dagdagan pa ng nagsisitaasang presyo sa pagpapagamot. Nalulugmok na ang karapatan ng mga taong makakuha ng maayos na kalidad sa pangangatawan.

saan ay ayon sa Willis Towers Watson (WTW)

Sa kabila ng mga nabanggit na problema, mayroon pa ring mga aksyong patuloy na naisasagawa sa pamumuno ni presidente ng PhilHealth na si Emmanuel R. Ledesma Jr. tulad ng pagpapaunlad sa naturang sektor para na rin sa kapakanan ng lahat at pagtuon ng pansin sa mga naglilingkod para sa pangkalusugan. Batay kay Ledesma, idiniin niya ang lahat ng pangangailangan tulad ng mas maraming pasilidad, kagamitan, at

suporta sa mga nagtatrabaho. Ngunit nangingibabaw pa rin sa kadukhaan ang kabuuang estado pagdating sa ganitong usapan. Labis na kinakailangang bigyan ng importansya ang sistemang alam natin na lahat tayo ay makikinabang, at ito ay tungkuling pangalagaan ng mga nasa upuan. Kagaya na lamang ng mga karatigbansa tulad ng Singapore na nangunguna sa may pinakamaayos na serbisyo sa sistemang pangkalusugan. Kailanman ay wala sa tunguhin ng mga nasa posisyon ang piliin kung sino ang tutulungan sa hindi, at nagpapatunay lamang ito ng kawalanghiyaan sa totoong gampanin ng mga naatasan. Walang ikararating ang bulok na sistema kundi sa madilim lamang na kinabukasan.

Atakeng NewGenExpert ni STEPHEN LLORENTE

akalain bang ang pagiging isang imbentor, innovator, inhinyero, start-up founder, at filmmaker ay nagagawa ng iisang indibidwal lamang? Marahil ay mahirap pagsabayin, subalit kamangha-manghang naitaguyod ito ng isang matalino at malikhaing imbentor sa murang edad lamang. Kaalamang magsisilbig susi sa pagbubukas ng daan-daang mga solusyon sa agrikulturang larangan.

Bida ang 24 anyos na si Engr. Dennis Ivan

Chavez mula Cagayan de Oro City kasama ang kaniyang imbensyong nakalinya sa larangang pang-agrikultura. Mula sa kaniyang thesis na nakabatay sa Agritech Innovation at pinanguluhang “Advancing Precision Agriculture with Close-Range Photogrammetry and IoT-Enabled Microclimate Data Gathering System” ay nadiskubre ang isang device na may kakayahang bumuo at magpatubo ng isang pananim batay na gustong laki at timbang nito. Tampok ang konsepto ng Hydroponics sa kaniyang pag-aaral. Ito ay uri ng pagtatanim ng mga binhi sa tubig na pinuno ng mga sustansiya at abono sa halip na sa lupa mismo nang sa gayon ay yumabong pa rin ito. Pangunahing ginamit ng inhinyero ang

SPINE:

Kasangga sa Kurbadong Krisis

ni NURIEL GARCIA

Simula noon hanggang ngayon, walang lunas at walang wakas. Patuloy na nagpapahirap sa ilan, mapa-bata man o matanda ay sinusubukan. Kaputol ng pusod ng isa’tisa, Ang Scoliosis at Kyphosis Posture ay magkasama. Kaya’t alamin ang ‘SPINE’ upang mapalawak ang kaalaman tungkol dito.

Magkaiba ang senyales ng dalawa. Ang Scoliosis ay hindi pantay na balikat, balakang, o rib cage, ang isang talim ng balikat ay nakausli nang higit sa isa, o ang isang balakang ay lumalabas na mas mataas kaysa sa isa. Ang sa Kyphosis naman ay pananakit ng likod, paninigas, at isang bilugan o nakayukong postura.

Karaniwan ang pagkakaroon ng ganitong mga problema sa postura na sa ating bansa. Ayon sa Philippine Spine Society, “May kabuuang 421 na respondente. Ang point prevalence ay nabanggit na 54.37%. Ito ay mas mataas kumpara sa karamihan sa mga internasyonal na pag-aaral.” Ang tunay na pagkalat ng scoliosis at kyphosis ay maaaring mas mataas kaysa sa iniulat, dahil maraming mga banayad na kaso ang maaaring hindi matukoy o maiulat.

Ang Scoliosis ay ang patagilid na kurbada ng gulugod sanhi ng maaaring pagkakaroon ng genetic o idiopathic, ngunit hindi pa alam ang tunay na sanhi sa mga kaso ng karamihan. Sa kabilang banda, Kyphosis naman ang tawag sasobrang pag usbong sa kurba na maaaring sanhi ng hindi magandang postura, abnormal na paglaki ng buto, o mga isyu sa paglaki.

Kailangang gawin upang gamutin ang scoliosis at kyphosis ay depende sa kalubhaan at pag-unlad ng mga kurba. Maaaring kabilang sa mga opsyon sa paggamot ang physical therapy, bracing, at operasyon. Ang regular na pagsubaybay at maagang interbensyon ay mahalaga lalo na sa mga bata, upang maiwasan ang paglala ng mga kurba.

Kung lumala ang scoliosis o kyphosis, maaari itong humantong sa iba't ibang problema, kabilang ang pananakit ng likod, kahirapan sa paghinga, at pagbabago sa pustura. Sa malalang kaso, maaaring magkaroon ng nerve compression at maging ang mga problema sa puso.

konsepto ng photogrammetry. “You are taking multiple images from different angles of an object,” ani nito bilang paglalarawan sa nasabing pamamaraan. Labis na nakaaambag ito lalo na kapag nangangailangan ng mas matulin na pagmamasid sa kalagayan ng mga pananim. Binubuo ng labindalawang kamerang kumukuha sa pisikal na anyo ng tanim, habang idudugtong naman ito sa isang software tuwing aanalisahin. Bukod diyan ay kasali rin ang iba pang komponent na Light Intensity Sensor at Digital Twin na nagpapadali sa kabuuang daloy ng imbensyon. Nangangahulugang maaaring manipulahin ang sukat ng isang pananim gamit ang nakakonektang software, at aabot sa 87 hanggang 95 na bahagdan ang kawastuhan ng device. Upang mas maging mayabong ang nasimulan,

nagtatag sa pangunguna ni Chavez ng Fresco Greenovations, isang pahinarya o website na may layuning pag-usapan ang lumulobong problema sa agrikultura at magbigay ng mga paalala sa mga magsasaka. Isang problemang pinag-uusapan rito ay ang isyu sa seguridad sa pagkain, kaya’t ninanais ng mananaliksik na bigyan ito ng solusyon sa pamamagitan ng pagbabahagi nito ng kaalaman. Naging isang ehemplo ang karanasang ipinakita ni Dennis lalo na sa mga kabataang nangangarap ng isang matayog na kinabukasan ng agrikultura. Diskarte, kaalaman, at tiwala sa sarili ang naging susi ng inhinyero upang mabuksan ang hinaharap na nakalaan para sa kaunlaran ng sarili, pamilya, at maging sa buong bansa. Isang maalam modelo na naghahandog ng motibasyon at pag-asa sa masa.

KAGAT NI KAMATAYAN

ni JASMINE MICLAT

Minsan, isang simpleng sugat lang ang nararamdaman at wala rin gaanong pansin. Ngunit sa ilang pagkakataon, ang hindi nakikitang panganib ay maaaring sumunod, at ang pinakamaliit na aksidente ay magbukas ng mas malalim na usapin. Isang kagat ang kailangan para magbanta ang kamatayan. Sa isang iglap, ito ay maging pintuan sa pagkakitil ng buhay.

Ang 55 kaso ng rabies ng bansa mula Enero hanggang Marso taong 2025, o 39% na mas mababa sa nalikom noong 2024 sa parehong panahon. Kilala ang rabies bilang zoonotic, na ang ibig sabihin ay naipapasa mula sa hayop hanggang sa tao. Karaniwang laway ng mga alaga ang nagsisilbing lason sa 84% naman ang nakaranas ng aerophobia o malubhang pagkasindak sa hangin. Ipinapakita ng mga sintomas na ito ang malalang epekto ng virus sa central nervous system ng tao. Naglunsad ang City Veterinary Office (CVO) ng Cagayan de Oro City noong Marso ngayong taon ng libreng bakuna sa mga pagkatutukan, kaya’t patatagin ang resistensya at panatilihing malusog ang pangangatawan. Huwag balewalain ang bawat kagat at sa paligid ay maging maingat.

Huwag balewalain

Asenso sa AI-grikultura

ni ANDREW BALLESTEROS

sensado na talaga ang kalidad na natatanggap ng sektor sa agrikultura, sapagkat pati ang

Amga bilang ng ani ay kalkulado na ng lumalagong Artificial intelligence (AI) at iba pang mga aplikasyon ng teknolohiya. Gamit ang matatalas na utak ng isang mananaliksik na may may malawak na tunguhin sa mundo ng palayan, hindi maikakailang mabubungang mga binhi ang tutubo na magbibigay ng liwanag habang kasangga ang mala-makinang sistema.

Matagumpay na ibinahagi ni Gilbert Claude R. Imperio mula Gusa Regional Science High School - X ang kaniyang pananaliksik na "Multimodal Data Integration for Rice (Oryza sativa) Yield Prediction in Northern Mindanao through Machine Learning Models” kung saan kasama rito ang pinagsamang satellite data na ibinahagi ng Landsat at Soil Moisture Active Passive (SMAP). Nakuhanan rin ng mga lokal na datos ang mga ahensiyang Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa taong 2015-2023 upang hulaan ang ani ng palay batay sa iba’t ibang Machine Learning (ML) models. Tampok sa proseso ang mga modelong Random Forest, Gradient Boosting, and Support

Kapos sa datos ang nakalap ng rehiyong Northern Mindanao, at natagpuang mas mababa sa 47% ang kawastuhan sa unang tumaas ito sa bahagdang 75%89% nang siya ay gumamit ng

Nabanggit na kasali ang ‘ML models’ sa kaniyang pananaliksik, at matimbang ang kontribusyon

Sa abilidad nitong hindi makaramdam ng pagod at kumuha ng milyon-milyong kumpol ng datos, tunay na maaasahan ang kapasidad nitong mamahala kahit saan mang pag-aaral. Ayon pa kay Imperio, ang malapad na potensyal ng mga modelong ito ang nagpapatunay kung gaano kaliksi at kabisa ang teknolohiya kumpara sa mga tao.

“For me, what makes this study important is it enables better resource allocation and planning for farmers and policymakers and it also addresses issues such as climate impact on agriculture and predictive modelling and data integration challenges,” salaysay ng mananaliksik sa kadahilanang importanteng pagtuonan ng pansin ang kabuuang klima sa loob ng sektor.

Ilan pa sa kalakasan ng nabuong pananaliksik ay ang katumpakan ng mga impormasyon at dekalibreng prediksyon mula sa mga naturang modelo, ngunit limitado lamang sa siyam na taon ang saklaw ng datos. Isa sa mga rason kung bakit ito itinatag ng mag-aaral ay sa kagustuhang makaambag sa agrikultura, lalo pa’t malaki ang posibilidad na yumabong ang Pilipinas sa ganitong sektor nang sa gayon ay masolusyonan ang kakulangan sa mga detalyeng kaugnay sa seguridad ng pagkain

Sigurong Kaligtasan Tungo sa Kinabukasan

ni NURIEL GARCIA

Mahalagang hakbang ang pagkakaroon ng lig tas na seguridad sa kagamitan lalo na kapag ito ay lubos na pinag-iingatan. Sa tulong ng umuunlad na Artificial Intelligence o AI, nasisigurong asensado ang bawat isa dahil sa malawak nitong kakayahan sa kahit anong pagkakataon. Langkapan pa ng mga inobatibong kaisipan, nagiging tulay ang instru mento sa pagkamit ng mas makabuluhang epekto.

Naipakita ang angking talino ng mga mag-aaral mula sa Gusa Regional Science High School - X sa larangan ng teknolohiya matapos makapagtuklas ng pananaliksik na “OBVI: Object-Based Visual Identification for Gusa Regional Science High School-X” habang kaagapay ang teknolohiya sa pagtakbo nito.

tumaas sa

ang kawastuhan ng datos sa ani ng palay nang ginamitan ng Satellite Data hanggang 89% 75%

Mailalarawan ang proyektong isinagawa na may kakayahan sa deteksyon na idinisenyo upang matulungan ang mga mag-aaral na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan sa tulong ng AI. Nais ng mga mananaliksik na sina Mikah R. Mabulay at Anne Princess A. Lagradilla na makakatha ng isang proyektong makatutulong sa mga mag-aaral at makapagbigay din ng kaginhawahan sa mga admin o Prefect of Discipline ng paaralan. Layunin din nilang mapabuti at maipalaganap ang kaalaman tungkol sa mga pag-unlad sa artipisyal na kaalaman, lalo na sa aspeto ng integrasyon at seguridad nito.

Naglalayon rin itong hanapin ang mga bagay sa mga digital na imahe gamit ang computer vision. Dahil dito, ito ay isang halimbawa ng artificial intelligence na binubuo ng pagsasanay sa mga kompyuter nang sa gayon ay makita nang wasto gaya ng isang tao, partikular sa pamamagitan ng pagkilala at pag-uuri ng mga bagay ayon sa mga kategorya ng semantiko.

“With an approx of 89% satisfaction rate, we believe that our research on a machine learning-based attendance system will be able to pioneer many more if its kinds in Cagayan de Oro—whether it be in public schools, and definitely in Science High Schools,” saad ni Mabulay ukol sa binuong pananaliksik.

Labis rin ang kahalagahan ng OBVI sa iba pang mga layunin kagaya lamang ng pagkilala sa mukha at awtomatikong pagsubaybay sa identipikasyon habang tinitiyak ang katumpakan at kahusayan nito. Ito ay para mapanatili ang mas mahigpit na seguridad, lalo na sa naglilipanang isyu ngayon ukol sa pamemeke.

Mabungang kinabukasan ang nakaabang gamit

Pinagmulan: Gilbert Imperio, student researcher ng GRSHS-X

Kalkuladong Panangga ng Masa

ni STEPHEN LLORENTE

Kahit saan, kahit kailan, baha ay nakaabang tuwing tag-ulan. Bumabarang kanal at nagsisiksikang paagusan, tiyak na balakid sa mamamayan. Ngunit dahil sa patuloy na pag-agos ng talas ng mga kaisipan ngayon, kalkulado na pati sa pag-iwas ng ganitong mga uri ng kalaban. Bawat galaw ng tubig, bantay-sarado na saan man

Napatunayan ng mga mag-aaral mula sa Gusa Regional Science High School - X na sina Acmad A. Pandapatan, Mark Kenzo B. Paduga, at Maica L. Uyan na kayang-kayang malutas ang dumadaloy na problema sa baha gamit ang kanilang pananaliksik na “DrainForce: A Reinforced Drainage Placement System Formula” na may matematikong pamamaraan gamit ang natatanging pormula sa wastong paglulugar ng mga drainage system. Umiikot ang konsepto ng kanilang pag-aaral sa tinatawag na ‘Placement Score’ o PS. Ito ay isang kompyutadong halaga na nakakatulong sa pagtukoy ng pinakamabisang lokasyon na pwedeng pagtayuan ng nabanggit na sistema. Ibinatay ito sa karaniwang ‘Flow Rate Formula’ na ibinago nang kaunti, subalit upang mas maging epektibo ay sinalihan ng iba pang mga baryabol na runoff coefficient, rainfall intensity, slope, distance from a steep road, and presence of flood control measures. Ang mga hakbang na ito ay mahalaga sa pag-aanalisa kung gaano rumagasa ang tubig, gayundin kung anong

klaseng hulma ng lupa ang dadaluyan nito. Labis itong nakaaambag sa pagbuo ng mas tiyak na pagpaplano at matagumpay na pagpoproseso.

Nakatuon ang kabuuang pag-aaral sa paksang Hydrology o Idrolohiya dahil sa pagtasa sa daloy ng tubig sa lupain, habang nagamitan naman ng pisika at matematika upang unawain ang bawat galaw nito. Masusing sinuri ng mga estudyante ang lahat ng bahagi sa kaning pananaliksik, mula sa pagbuo ng pormula hanggang sa pagsubok ng nagawang kalkulasyon. Kasali ito sa iilang mga isyu ng Sustainable Development Goals (SDGs) na; SDG #6 o Clean Water and Sanitation, SDG #11 o Sustainable Cities and Communities, at SDG #13 o Climate Action. Dulot ng limitadong oras, hindi nakamit ng mga mananaliksik ang kanilang naunang planong gumamit ng mahihirap na pormula tulad ng Derivatives at Integrals bilang batayan. Ayon kay Mandapatan,”Because of that, our final method turned out simpler than what we originally wanted. That’s why we hope

future researchers can continue and improve this study.” Malaking alalay ang nadiskubreng pamamaraan upang maiayos ang bawat takbo ng tubig sa lupain lalo na tuwing may baha. Napagtanto nila na kahit may drainage system ay wala paring humpay ang pagbaha, kaya’t doon nagsimula ang kanilang interes kung paano ibsan ang umaagos na suliranin sa pagitan ng tubig at kanal o iba pang mga daluyan nito. Nagsilbing tulay ang pananaliksik na kanilang nailikha lalo na sa panahon ng panganib. Napakainam na pagtuonan ng pansin ang bawat ganap sa kapaligiran, at sa kanilang matalinong pag-uusisa ay unti-unting nababawasan ang bumabahang peligro sa pamayanan. Sa bawat kaalamang nababahagi, kapanatagan at kaligtasan ang siyang magwawagi.

SA MGA NUMERO

63.24%

kawastuhan sa pagkabawas ng pagbaha nang ginamit ang pormula

Pinagmulan: Acmad Pandapatan, student researcher ng GRSHS-X

kaunlaran.

ISPORTS

HINAING NG MASA ni BEA SABELLINA

Buwag sa Bansag

Sa larangan ng pampalakasan, hindi natin maipagkakaila na ang mga estereotipo ng kasarian ay matagal nang nakaimpluwensya sa partisipasyon ng mga manlalaro sa iba't ibang isports. Madalas itong nagpapahina sa loob ng mga kabataang atleta, at kung magpapatuloy, maaari itong maging hadlang sa pagkamit ng kanilang buong potensyal sa paglikha ng mga pinakamagagaling na manlalaro.

Ayon sa isang survey na isinagawa ng GMA News Online noong 2023, 77% ng mga respondente ang nagsabing ang mga isports ay "gendered," kung saan ang basketball at boxing ay itinuturing na para sa mga lalaki, samantalang ang volleyball at gymnastics naman ay para sa mga babae lamang. Ang mga resulta ng survey na ito ay nagpapatunay na hanggang ngayon ay may mga ganitong pag-iisip pa rin na umiiral, na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga potensyal na manlalaro na nawawalan ng pagkakataon.

Sa katunayan, 67.6% ng mga respondente ang naniniwala na ang mga tradisyonal na estereotipo ng mga babae sa Pilipinas ay humahadlang sa kanilang partisipasyon sa sports, na nagpapakita ng epekto ng mga saradong pananaw sa kanilang paglahok, hindi lamang para sa mga babae kundi pati na rin sa mga lalaki.

Kaya naman, ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa weightlifting, na siyang kauna-unahang Pilipinang nag-uwi ng gintong medalya sa Olympics, ay naging makapangyarihang pahayag na nagpapakita na ang mga kababaihan ay may kapangyarihan at lakas na lumaban sa mga larangang kadalasang itinuturing na panglalake.

Gayundin, ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na nagwagi kamakailan lang sa idinaos na Paris Olympics 2024, ay nagpakita ng tagumpay sa gymnastics, isang isport na hindi karaniwang itinuturing na "masculine" na nagpakita na ang mga lalaki ay maaari ring maging malambot at maliksi. Ang kanilang pagwagi ay nagpapatunay na ang tagumpay sa larangan ng isports ay hindi nakadepende sa kasarian kundi sa dedikasyon at pagsisikap kung kaya't nararapat lamang na suportahan ang bawat manlalaro anuman ang kanilang pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng pagbuwag sa mga pambabae at panlalaki lamang na bansag dulot ng mga estereotipo ng kasarian, makakamit natin ang mas inklusibong komunidad sa iba't ibang aspeto

PH Darters, inasinta ang panalo sa National Dart Tournament

Dinagundong ng halos kalahating libong manlalaro ng Darts mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa ang nagtipon sa lungsod ng Cagayan de Oro, upang lumahok sa 250K Higala-ay Festival National Dart Tournament na ginanap sa City Tourism Hall mula ika-9 hanggang 11 ng Agosto,

ISPORTS EKSPRES

Sa Youth Singles Category na may 20 entries, nagwagi si Rafael Arcasa (LA DartsLinamon) bilang kampeon. Pinangunahan naman ni Junjun Biala ng (GWDT/Bulacan) ang kategoryang Open Singles na may 134 entries. Nakibahagi rin ang ilang kababaihan sa Ladies Singles Category na may 14 entries, kung saan si Daphnie Navida (Team Pacman) ang hinirang na kampeon Bumida naman sina Rogylenn Macapaz Jr. (WDC CDO) at Don Flores (Hardheaded/QDarts) sa Classified Doubles Category na may 190 entries o 95 pares habang nangibabaw

naman sina Eduard Largo ng (SVP) at Boyet Morales ng (Butuan City) sa Classified Draw Doubles Category na may 156 entries o 78 pares. Sa kategoryang Fixed 4 Person Team, tampok ang 47 teams na binubuo ng 188 players. Nanaig sina John Mark Bracero, Eduard Largo, John Ray Sajol, at Vincent Babayenon ng SVP. Ang nasabing palaro ay aprubado ng National Darts Federation of the Philippines kasabay ng mga aktibidad sa selebrasyong bahagi ng Higalaay Festival noong nakaraang taon, bilang paggunita sa patron ng lungsod, si San Agustin.

BINARIKADASAKOREA

GRSHS-X jins, kinubra 5 ginto sa 9th MBC Cup C’ships

Matagumpay na nakipagsapalaran ang Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) jins na sina Zoe Orcales, Christian Llanos, Hendrix Mabaylan, at Scarlet Carbos sa Taean, South Korea kung saan humakot sila ng ginto sa Team Poomsae at Kyorugi sa 9th MBC Cup International Open Taekwondo Championship, Agosto 15.

Napasakamay ni 9th-grader Orcales ang gintong medalya sa Kyorugi event matapos durugin ang kinatawan ng Tai-pei sa bisa ng 11-0 birada, dagdag pa riyan ang ginto sa Team Poomsae, kasama si Christian Llanos.

“First glance sa akong opponent, akala ko talaga na matatalo ako kase like she seems like a flexible player and I was scared kase I thought she would be much stronger than me, but thankfully napalabas ko yung full potential ko and hindi ko na sya napasipa,” ayon kay Orcales.

Sa kabilang banda, naibulsa rin ni Mabaylan ang ginto sa ibang class ng Kyorugi sa tulong ng 12-0 bendisyon upang dominanteng mamayagpag kontra sa hometown favorite ng South Korea.

“Before going to Korea, gamay ra gyud akong

MARKA NI MARCO

Bagamat suhestiyon lamang ng regionalistang manlalarong si Zacari Marco Verdeflor na sumali sa soccer dahil ito lamang ang larangan sa isports na mayroong aktuwal na kumpetisyon sa kaniyang elementarya, ito ang hudyat sa kanyang malalimang dedikasyon at mga tangluyang nakamit.

Isa sa mga pinakamahalagang karanasan ni Zacari ay ang kanilang tagumpay sa Luzon Cup noong 2019 kung saan pinabagsak ng Bukidnon boys mula sa Camp Philips Del Monte Company ng Manolo Fortich ang De La Salle boys, 4-2, na kumandado sa kanilang kampeonato. Saad ng Coach nilang si Guiller Sumampong bago ang laro na bantay-sarado na ng mga bata niya ang galawang depensa ng La Salle at alam na nila ang gagawin, na siyang tiniyak naman ng Bukidnon boys. Nakasungkit din ang kanilang koponan ng kampeonato sa Olles Cup 2024 sa Manolo

Fortich, Bukidnon kung saan binansagan siyang best striker (boys 17) at best midfielder (boys 16) noong Nobyembre 23-24, Abba’s Cup na pinangaralan siya ng Golden Boot Award nitong January 20, 2024, at PediaKicks Invitational Football Tournament for a Cause noong Setyembre 21 na naganap sa Tionko Football grounds sa Davao City. Puno ng tinik ang karanasan ni Zacari sa nagdaang taon, "Atong G10 ga lisod jud ko kay once a week rako maka train then pag tourna kay di kaayo ko ginapasulod kay kulang daw sa training," ayon sa kanya. Sa kabila ng mga hamon, piinagsikapan niyang tunguhin na pagsabayin ang pag-aaral at pagiging atleta, "Ga manage ko sa time nako by answering assignments ditso pag uli tas mag konting extra workout ko pag uli after training then ang wa nahuman nga assignments padayunon nalang nako after maligo," giit niya. Para kay Zacari, ang pinakamahalagang aral na natutunan niya ay ang tamang balanse sa buhay, "Ang advice nako kay manage ug time

properly tas always remember na in student-athlete naa jud na sa first ang pagiging student," aniya.

"What inspired me most was the support that my parents and coaches gave me, which helped me continue even though soccer didn’t seem like a good option for the future," ani Zacari, dagdag pa niya ay plano niyang sumabak sa mga tryout ng iilang mga unibersidad sa loob at labas ng bansa pati na rin ang magtayo ng negosyo para mayroon din siyang pinagkakakitaan maliban sa soccer. Patuloy na nagsasanay si Zacari at patuloy na naglalakbay patungo sa mga mas mataas na antas ng laro, kasalukuyan siyang nag eensayo para sa 19th Thirsty Football cup na mapupuno ng mga atleta mula sa iba't-ibang panig ng Pilipinas ngayong March 28-30, sa Cebu City Cports Center, "Naa mi dula sa Cebu [Thirsty Cup] which teams from all over the country mag dula and gapadayun pa kog improve sa akong weak spots sa pag dula para inig dula ready ko mag compete sa national level," ani Zacari.

ISPORTS LATHALAIN
ni YSHMAEL MICLAT
GINTONG SIPA. Nagpamalas ng husay ang GRSHS-X jins sa 9th MBC Cup International Open Taekwondo Championship at inuwi ang 5 gintong gantimpala sa bansa.

BAGONG HARI NG KAGAY-AN RIVER

Dominanteng Butuan, rumagasa ng tatlong ginto

sa

2nd Kagay-an Int’l Dragon Boat

Muling nagbalik ang International Dragon Boat Fiesta Race bilang isa sa mga core event ng Higalaay, kung saan nagpasiklab ang Butuan Dragons upang tubusin ang hindi pagkapasok noong unang serye ng torneyo.

Umukit ang Butuan Dragons ng sapat na 10:13 minutong run para mapangalanang bagong hari ng Kagay-an River.

“Sauna adtung Bugsay Balanghay, gamay pa among members, unya karon ni-increase among population, so ang uban

Karera ng Cagayan de Oro, kumabig ng kampeonato ni

naningkamot gyud na makatarong karon kay layo-layo biya pud ni na competition,” paliwanag ng team captain ng Butuan Dragons.

“So I think ang nagpadaog gyud sa amo karon is ang among chemistry, so before mi mag training, mag-ila-ila sa mi, mag-socialize mi, dayon ang among program pud sa training is mao-mao ra pud,” dagdag pa niya. Hindi naman nagpatinag ang Team A at B ng Ricspeed Dragon Boat nang makuha ang kampeonato para sa 24U Open 400M at sa Open 400M, kasama ang pilak at tanso na medalya para sa Mixed 400M at Open 200M. Sumunod naman ang Team Carmen na sinungkit ang unang ginto sa pinakaunang kategorya matapos pinangunahan ang UZ Wildcats, Butuan Dragons, at Amihan Davao ng isang segundo lamang. Muling lalahok at maghahanda ang Butuan Dragons para sa susunod na Kagay-an International Draon Boat Fiesta Race.

Nilahokan ng mahigit na 300 na riders, kabilang na ang mga kilalang motocross legends na sina Glenn Aguilar at Jovie Saulog, ang lumahok sa 8th Leg ng MotorAce Motocross National Series na ginanap sa Carmen, Lungsod ng Cagayan de Oro noong ika-21 ng Agosto, taong 2024.

Sa Veterans Category, kung saan naglaban ang mga beteranong riders, nanguna si Glenn Aguilar at itinanghal na kampeon. Nagpakitang-gilas naman si Junpadon Sulinay sa Underbone Class 125cc 8th Leg Category.

Pumangibabaw si John Paul Aranges sa KLX Challenge 8th Leg Category, habang nanguna naman si Sharlet Gallarde sa Ladies Class Open Category.

Rumatsada naman si Zian dela Cruz sa 50cc Class 8th Leg Category at si Dexter Bacabac ang itinanghal na kampeon sa kategoryang Executive 50+ 8th Leg.

Bumida si Clark John Abar-abar sa Power Enduro Class 8th Leg Category habang si Bugoy Fernandez ang namayagpag sa Novice Open Class Category.

Ang nasabing paligsahan ay isa sa mga tampok na bahagi ng selebrasyon ng Higalaay Festival kung saan nagtitipon tipon ang mga magagaling na riders upang ipakita ang kanilang husay at matitinding stunts habang naglalaban-laban para sa panalo kasabay ang mga hiyawan ng suporta mula sa mga manonood.

GOLD MEDALS

[Billiards 8 Balls] [Kyurogi Bantam Category Girls] [Kyurogi Welter Category] [Poomsae Individual Category Boys]

SILVER MEDALS

[Kyurogi Middle Category Girls] [Chess Girls Single Blitz] [Poomsae Mixed Category]

BRONZE MEDALS

[Badminton Boys Second Singles] [Badminton Girls Doubles] [Boxing Junior Boys: Fly Weight] [Boxing Junior Boys: Light Fly Weight] [Kyurogi Bantam Category Boys] [Kyurogi Fin Category Girls]

TINAKTAK SI TABAC

Bumagsak ang Gusa Regional Science High School - X 3x3 Basketball Team sa District Athletic Meet Championship Game kontra Lapasan National High School sa bisa ng 12-7 birada sa Gusa Elementary School Court na nagpatuloy sa kanilang lose-streak sa nasabing larangan, Disyembre 9.

Bigo ang 10th Grader Point Guard, at Team Captain ng RS 3x3, Robert Tabac na magtagumpay sa kanyang pangalawang pagkakataon na mag kampeon sa District Meet matapos makuha ang kaparehong resulta sa laban nila kontra Sacred Heart noong nakaraang taon.

“Honestly, I thought makaya ra namo silag pilde basta depensahan lang and tinuod man sad, pero napilde mi because sa among lack of communication with my teammates. Wala gyud mi nagkasinabot especially sa among depensa we were focused to set our play correctly rather than thinking of winning and that caused us to lose focus.”, diin ni Tabac.

Umarangkada ng maaga ang LNHS nang bigyan ang RS ng isang 7-2 run sa unang limang minuto ng laro.

Nagbitaw naman ng apat na puntos si Tabac upang maibaba ang lamang sa dalawang puntos ngunit hindi na ito kinaya dulot ng mala pader na depensa ng LNHS sa huling dalawang minuto.

Walang kahirap-hirap na winalis ng GRSHS-X ang kanilang

mga nakasagupa sa unang round nang patumbahin ang East Gusa National High School, 12-7, na pinamunuan ni Tabac matapos umambag ng siyam na puntos at tatlong two-pointers.

Sinunod naman ng RS Ballers ang University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) na pinaluhod nang tambakan ng siyam na puntos sa loob lamang ng 10 na minutos na pinangunahan muli ni Tabac kasama ang No.24, Mark Ihalas mata pos kumana ng walong puntos sumatotal.

Sa kabila ng magandang ipinakita nina Tabac, bumungad sa kanila ang panibagong problema na mahirap tapatan sa panghuling match-up.

“I really wanted to win in the finals even though na nakita namo na napilde sa LNHS ang nipilde sa amoa last year which is ang Sacred Heart. Instead of being afraid to face our enemy in the finals, I treated it as if na it was a challenge because in there I would really know if we improved from last year even if we had one of our teammate injured.”, pahayag ng Team Capatin ng GRSHS-X.

LABAN NI DALAGAN

Dalagan, nagreyna sa Women's Chess, aarangkada sa Division meet

ni

Aariba sa Division Meet ang Gusa Regional Science High School - X Chess Player na si Lara Dalagan matapos magkampeon sa naganap na Women's Chess District Meet noong ika-9 ng Disyembre, 2024 sa Gusa Elementary School.

Silyado na ni Dalagan ang kanyang pwesto makaraang makamit ang imakuladang tagumpay sa loob ng pangkalahatang anim na rounds kontra ang kanyang mga katunggali kabilang ang East Gusa National High School, Capitol University Basic Education, Lapasan National High School at University of Science and Technology sa kanilang 10|5 rapid match. "I have lots of techniques that I use (in order to win), but the one I use the most is "predicting moves," where I would predict my opponent's next move. Though it's hard predicting what's their next move, it's quite satisfying if your predictions are right off the bat," saad ni Lara sa kanyang matagumpay na laro.

Samantala, kumana rin ng tanso ang kapwa chess girl player na si Alyana Jhoy Gaid, habang kapareho namang nalugmok sa ika-apat na pwesto sina Henessy P. Ringel at Gabrielle Timothy Ladica sa Men's Chess District Meet.

PAGHAHANDA PARA SA DIVISION MEET

Kasalukuyan nang pinaghahandaan ni Dalagan ang papalapit na Division meet na gaganapin mula Pebrero 15 hanggang 17 ngayong taon kung saan nagbahagi siya ng kanyang mga hamon, lalo na sa mahigpit at abalang iskedyul ng kanyang mga akademikong gawain. "Proper training is impossible, given that I'm busy with my acads so I do a simple training where I can balance out my acads and chess. Firstly, I jog in the morning for 10-15 mins for air. Then, some chess puzzles. After that, I'll open my book and review some chess openings and endgames," giit ni Lara. Sa ngayon, patuloy na pinagsisikapan ni Dalagan na pagsabayin ang kanyang paghahanda para sa Division meet habang hinaharap ang mga hamon ng kanyang mga akademikong responsibilidad.

Proper training is impossible, given that I'm busy with my acads so I do a simple training where I can balance out my acads and chess.

umulusok ang paggaod ng Butuan Dragons sa pangalawang Interna-tional Dragon Boat Fiesta Race nang iuwi ang unang puwesto sa Mixed 2000m, 400M, Open 200M, 24U Mixed 400M, 24U, Open 400M sa Cagayan de Oro River, Agosto 11.
YSHMAEL MICLAT
HIBONG DRAGON.
Butuan Dragon nasungkit ang unang pwesto sa anim na kategorya ng torneyo sa 2024 International Dragon Boat Fiesta Race noong Agosto 11 sa Cagayan de Oro River. kuha ni GABRIEL LADICA
BANGIS NI RIAREESE. Nakakuha ng pwesto si Zoe Riareese sa Palarong Pambansa matapos makuha ang
gintong medalya nh Individual Kyorugi sa 2024
Athletic Meet, Junior Welterweight.
GABRIEL LADICA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Ang Sinagtala 2024-2025 | Tomo XXXII, Bilang I by Ang Sinagtala GRSHS-X - Issuu