ANG NINGNING 2022-2023

Page 1

EDUKASYON SA KASALUKUYANG

PANAHON.

Pagsasailalim ng Lucians sa panibagong patakaran na temperature check bago pumasok upang makasiguro sa kaligtasan ng bawat estudyante.

4,156

Balik-eskwela sa New Normal: Full F2F Classes, ipinatupad

Opisyal na binuksan ng Department of Education (DepEd) ang taong panuruan 20222023 noong Agosto 22 upang bigyan ng tatlong buwan paghahanda ang mga paaralan sa pag-papatupad ng full face-to-face na klase.

Alinsunod sa itinatadhana ng DepEd Order 34, s. 2022, isinagawa ang full face-to-face na klase sa Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia

noong ika-2 ng Nobyembre, 2022 kasabay ng ilang mga pampublikong paaralan sa Quezon City.

Bilang bahagi ng preparasyon sa 'New Normal', nagsagawa ng 'Brigada

Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral' ang paaralan kung saan kabilang din sa mga proyekto ang oryentasyon sa mga magulang na ginanap noong Agosto 2022. Sa pahayag ni Gng. Marissa Duka, punongguro, binigyang-diin niya na kasabay ng preparasyon ang pagpapanatili ng pagsunod sa mga

safety protocols bilang pag-iingat sa mga mag-aaral at kaguruan.

"Kailangan 'yung safety protocols ay susundin pa rin nila, ang ating mga teachers ay pinaghahanda rin para sa pag-iingat dahil malaking hamon ito sa kanila dahil napakarami nilang estudyante na kakaharapin sa araw-araw," saad pa ni Gng. Duka Kabilang sa mga hamon na kahaharapin ng mga guro ang panibagong pagsasaayos ng mga silid-aralan, kasama na rito ang pakikipag-usap ng mga guro

sa kanilang mga estudyante.

"Hamon lang kung paano harapin 'yung paraan ng pakikipagtalastasan," ani Gng. Ma. Sharon Almorte, gurong tagapangasiwa ng baitang sampu, matapos ipaliwanag ang mga hamong mararanasan ng mga guro sa pagpapatupad ng face-to-face na klase.

Binanggit rin niya na hamon din ang pagbabago ng iskedyul dahil sa pag-iiba ng buwan ng pagtatapos, pati na rin ang matinding init

na nararanasan tuwing buwan ng Abril hanggang Mayo. Ayon naman sa punongguro, mas maganda ang nangyayari sa face-to-face dahil higit na nakikilala ang galing at kakayahan ng mga estudyante na hindi gaanong nabibigyang pansin noong online class pa lamang. Bagaman nabanggit ng punongguro sa kanyang pahayag na mas maganda ang face-to-face, bahagyang bumaba ng 111 ang bilang ng tala ng mag-aaral ngayong taon.

Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Paaralang Sekundarya ng Sta.Lucia SA

Titser

PAHINA 12

PAHINA

wagi bilang Pinakanatatanging

JEEPNEY PHASEOUT: Hindi napapanahong tugon upang maka bangon

Pandemyang ‘di matapos-tapos, patuloy na lang bang iraraos?

PAHINA 9

AFP, kumasa sa Joint Force Drill katuwang ang US Military

17.6K

BOLYUM XXXVIV BILANG 1
Kuha ni: Camille Marianne S. Nicolas Princess Lianne G. Campus Bilang ng mga mag-aaral sa taong panuruan 2022-2023.
ANG
“Makatotohanang Pamahayagan, Mata ng Paaralan”
GITNA NG PANDEMYA;
Rubs,
Guro NI MICAELLA MANAHAN BUONG DETALYE SA PAHINA 3
P A H I N A 4
LUMAHOK SA JOINT FORCE DRILL PAHINA 4

International Women’s Month, ginunita ng Lucian Community

"Ang babae ay may mahalagang papel sa ating lipunan."

Ito ang iwinika ng punongguro ng Paaralang Sekundarya ng

Sta. Lucia (PSSL) Gng. Marissa

F. Duka nang makapanayam siya ng pahayagang Ang

Ningning ukol sa paggunita ng

International Women's Month noong ika-walo ng Marso, 2023. Sa pahayag ng punongguro, ibinida niya ang mga babaeng

lider ng ating paaralan gaya ni Bb. Ruby Ana Bernardo bilang ACT-NCR President sa kasalukuyan. Dagdag pa rito, isinaad din ang mga pagkilos ng paaralan upang mahasa ang mga talento at kakayahan ng mga babaeng pinuno sa paaralan. Sinabi rin niya na pantay sa katayuan ang lalaki at babae. Kung anuman ang kayang gawin ng kalalakihan ay kaya ring

S.I.N.A.G Party, umani ng

‘landslide victory’

sa Lucians

Matagumpay na naisagawa kamakailan ang taunang eleksyon ng

Supreme Student Government (SSG) ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia kung saan namayagpag ang partidong S.I.N.A.G na nakakuha ng 22 sa 27 pinaglalabanang posisyon mula sa mga mag-aaral.

Nagwagi sina Jesie Roman Llesis (President); John Andrey Francisco (Vice President); Rheyzel Lilian Joy Flores (Secretary); Kassandra Yshi

Dalida (Treasurer); Ayesha Alvie

Planas (Auditor); Tessa Mae Degamo (Public Information Officer); Vince Aldraine Chiquino (Protocol Officer); Stephen So (Grade 10 Chairman); Maria Miguela Arbolardo (Grade 9 Chairman); Angela Carreon (Grade 8 Chairman); Aya Franceska Intal (Grade 7 Chair-

gawin ng mga kababaihan. Bahagi rin ng paggunita sa nasabing okasyon ang libreng facial massage nito lamang ika-17 ng Marso na kaloob ni Congressman Patrick Michael "PM" Vargas. Namigay naman ng libreng sanitary pads na ilalagay sa loob ng mga palikuran na may pamagat na "Project FEMININE" ang SLHS Supreme

man); Denise May Gagarin, Brix de Leon, Kimberly Anne Calabio, at Jamela Larze (Grade 10 Representatives); Arehssa Euqcaz Sta. Maria, Hanz Louise Delos Santos, Jewel Denosta, at Darren Atienza (Grade 9 Representatives);Kelly Alvarado, Kristina Cassandra Villaver, Kent Wynne Palaganas, at Mizuki Akira Amoroto (Grade 8 Representatives);Sky Charley Aimmee Tejada, Clarence Arkell Ramirez, Kriselle Charmell Villaver, at Lianne Leigh Nable (Grade 7 Representatives).

Maliban sa tradisyunal na pamamaraan ng pangangampanya ng dalawang partidong Students whose Purpose is to Inspire, Nurture, Advocate for Academic Success as Mentors (S.I.N.A.G) at Students

Student Government (SSG).

"Malaki ang gampanin ng babae sa pagtatatag ng isang lipunang nagkakaisa para sa ating bansa," ang pahayag ng tagapayo ng SSG na si Gng. Mary Joy R. Valenzuela nang tanungin sa kung ano ang importansya ng kababaihan sa kasalukuyang panahon.

"Ang thoughts ko sa Project FEMININE ay benefit siya sa mga babae sa school natin kasi

Aiming for Knowledge and Leaders Advocate for Academic Success as Mentors. (S.A.K.A.L.A.M) mas pinalawak nila ito gamit ang social media partikular ang Facebook mula Setyembre 12 hanggang 15.

Dagdag pa rito, isinakatuparan ang pagboto noong Setyembre 16 gamit ang online software na Google Forms kahit na may limited face-to-face classes na sa paaralan upang matiyak ang seguridad ng bawat isang mag-aaral na lalahok sa eleksyon. At sa parehong araw, inanunsyo rin ang listahan ng mga bagong halal na student-leaders sa ganap na ika-11 ng gabi. Naging maayos at malinis ang eleksyon ngayong taon sa pamamagitan ng tulong ng mga

itong project ay nag-start i-implement noong women's month. So, nagsisilbi rin siyang empowerment sa bawat kababaihan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga sanitary pads or any needs ng mga babae," saad ni SSG P. I. O. Tessa Mae Degamo nang tanungin tungkol sa kahalagahan ng proyektong ito.

nangasiwang guro ng YOUTH Commission on Elections and Appointments (COMEA) na sina Gng. Leilanie Engalan (Screening and Validation Committee), G. Carlo Barandino (Electoral Board Committee), Gng. Famela Roque (Grievance Committee), at punongguro ng naturang paaralan na si Gng. Marissa F. Duka (Chief Commissioner).

22

27 sa pinaglalabanang posisyon ang napagwagian ng S.I.N.A.G.

2023 DSSPC: Dyornong Lucians, nag-uwi ng mga parangal

Tagumpay at maningning ang paglahok ng mga dyornong Lucians sa katatapos na 2023 Quezon City Division Secondary School Press Conference matapos magwagi sa iba’t-ibang timpalak-pagsulat na ginanap noong Pebrero 18, 25 at Marso 4 sa San Francisco High School. Itinanghal na Top 7 Performing School sa Filipino matapos na magtala ito ng 21 puntos sa limang kategoryang pinagtagumpayan nito. Sa higit-kumulang 50 na

paaralan, pribado at pampubliko, kinilala ang mga nagwagi na sina: Princess Lianne Campus, ikasampung pwesto (Pagsulat ng Balita); Althea Lorraine Manliclic, ikaapat na pwesto (Pagsulat ng Lathalain); Kyleigh Aeesha Salanga, ikasampung pwesto (Pagsulat ng Kolum); at Brix de Leon, ikalimang pwesto (Mobile Journalism) ng 10-Abraham. Nasungkit naman ni Jewel Denosta (9-Sampaguita) ang Ikalawang pwesto sa

Pagsulat ng Balitang Isports. Sa temang “Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged”, binuksan ang 3-day Press Conference sa pambungad na pananalita ni Dr. Florito J. Gereña, punongguro ng San Francisco High School sa pambungad na program. Kasunod nito, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, School Division Superintendent. “Kayo ang magiging sun-

dalo laban sa fake news.” ang siya namang malakas na hamon sa mga kabataang mamamahayag ni G. Zhander Cayabyab, susing tagapagsalita ng komperensiya. Si G. Zhander Cayabyab ay News Anchor at dating Reporter ng DZMM ng ABS-CBN. Bago ang DSSPC, nakamit din ng PSSL ang ikalimang pwesto sa Top Performing School sa Filipino (Ang Ningning) sa nakalipas na District V

Secondary School Press Conference 2022 at ang Ikawalong pwesto para sa Overall Top Performing School noong Enero 7, 2023 sa Divine Grace School. Lubos ang pasasalamat ng mga dyornong Lucians na lumahok sa suporta at tiwala mula sa punongguro ng paaralan na si Gng. Marissa F. Duka at sa kanilang gurong tagapayo sa Pamahayagan na si G. Julius De La Cruz.

Katotohanan. Katapatan. Kahusayan.

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia ANG NINGNING BALITA 2
mula
Stephen So Olive Grace T. Tarrangco
NINGNING
Kuha ni: Kennevic C. Dela Peña
Princess Lianne G. Campus
NG
TAGUMPAY: Nag-uwi ang mga dyornong Lucians sa Filipino ng limang parangal sa iba't ibang kategorya at itinanghal bilang Top 7 Performing
School sa Filipino.

BALITA 3

SA GITNA NG PANDEMYA; Titser Rubs, wagi bilang Pinakanatatanging Guro

“Gusto kong patunayan na sa panahon ng pandemya, may mga teacheractivist na katulad ko na nagpapatuloy at naglilingkod sa kabila ng napakaraming fake news.”

Kasabay ng pagdiriwang ng World Teacher’s Day, binigyang pagkilala ng Quezon City Government ang mga gurong nagpamalas ng angking dedikasyon sa larang ng edukasyon sa pamamagitan ng paggawad ng parangal sa Pinakanatatanging Guro sa Panahon ng Pandemya noong Oktubre 5, 2022. Pormal na pinarangalan ni Mayor Joy Belmonte ang dalawang gurong nagkamit ng pagkapanalo sa lungsod sa nasabing kompetisyon

AFP, KUMASA SA JOINT FORCE

DRILL KASAMA NG US MILITARY

Bilang paghahanda sa posibleng krisis na harapin, nagsagawa ang US at Pilipinas ng pinakamalaking joint force drill.

Nilahukan ng 17,600 participants ang nasabing drill na kinabibilangan ng 12,200 U.S. troops at 5,400 AFP personnels ng Pilipinas, ilang araw matapos maisakatuparan ng China ang isang military drill sa paligid ng Taiwan.

Ayon kay Armed Forces Chief General Andres Centino, layon ng joint exercises na palakasin o pagtibayin ang pakikipagsabayan at kapasidad ng bansang U.S. at Pilipinas.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ay ang maritime security, amphibious operations,

live-fire training, urban and aviation operations, cyber defense, counterterrorism, humanitarian assistance at disaster relief preparedness.

Kasalukuyang nasa proseso ang AFP at U.S. military ng pagbuo ng ilang proyekto sa Humanitarian Civic Assistance (HCA) upang mas mapabuti ang kalidad sa imprastraktura, suporta sa medisina, at mapalakas ang ugnayan sa lokal na komunidad ng military forces sa Pilipinas at Amerika. Kabilang ang mga nasabing aktibidad sa pagpapaunlad ng tatlong community health centers at multipurpose halls kasama ang hands-on training para sa agarang aksyon at lifesaving techniques.

“The Balikatan Exercise enhances both the AFP and the United States

kabilang si Ruby Ana Bernardo, ACTNCR President at guro sa Filipino ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia.

“Para sa akin, it’s a way of life to serve the teachers and the people. Bahagi siya ng buhay ko. Para siyang dugong nananalaytay sa araw-araw.” ani Bernardo.

Ayon sa kanya, hindi lamang noong pandemya nagpapakita ng dedikasyon sa paglilingkod ang mga guro. Bahagi ito ng kanyang sinumpaang tungkulin

Tagisan ng galing sa Sipnayan, ipinamalas ng Lucians

Armed Forces’ tactics, techniques, and procedures across a wide range of military operations,” ani AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar. Mas napapataas din nito ang pangkalahatang kakayanan upang gumawa ng epektibong paraan upang tumugon sa dumaraming crisis situations ng bansa.

"China's reaction is not surprising, since it has its own concerns. But the Philippines will not allow our bases to be used for any offensive actions. This is only meant to help the Philippines should the need arise,” ani Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. Diin nito, ang nagtapos na dalawang linggong balikatan para sa taong 2023 ay nakatuon sa pokus na pagsusulong ng pang-rehiyong kapayapaan maging sa katatagan ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at United States.

Dalawang parangal ang inuwi ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia sa katatapos na District V Tagisan sa Sipnayan na may temang “Mathematics for Everyone” noong Marso 28. Kabilang sa mga kalahok si Raven Lavado mula ikasampung baitang na nagkamit ng ikatlong puwesto sa Individual Written Category at Diane Mission, ikapitong baitang, na nakatanggap ng ika-apat na puwesto sa parehong kategorya. Hindi nagtagumpay makapasok sa nasabing timpalak sina Christopher Salvador Jr. mula ikawalong baitang at Ian Zadrach Comandante, ikasiyam na baitang.

Bago ang araw ng kompetisyon, sumasailalim sa isang oras kada araw na training session ang mga kalahok kasama si Gng. Vicky Urbien bilang paghahanda sa nasabing pandistritong paligsahan.

Bigo man makapasok ang PSSL sa Division Level, lubos pa rin ang pasasalamat ng gurong tagapangasiwa sa Math Department Gng. Judith Bautista at punongguro Gng. Marissa F. Duka.

Panatang Makabayan, nagkaroon nang mas inklusibong rebisyon

Upang mas maging inklusibo sa iba't ibang relihiyon, ang Panatang Makabayan na binibigkas ng mga mag-aaral sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas ay nagkaroon ng pagbabago.

Sa tulong ng Republic Act

(RA) No. 1265, na kilala bilang An Act Making Flag Ceremony Compulsory in All Educational Institutions, at ang RA 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines and its Implementing Rules and Regulations, ay parehong nagbibigay awtoridad sa kalihim ng kagawaran na mag-isyu

ng mga tuntunin at regulasyon para sa wastong pagsasagawa ng pagtataas ng watawat. Ang salitang “nagdarasal” ay ginawang “nananalangin” at sasambitin ito bilang, ‘'naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan’' base sa inilabas na kautusan ng Department of Education, DepEd Order

4, S. 2023 nitong Pebrero 14, Ayon sa DepEd, inihayag ng The Linguistic Society of the Philippines na ang salitang 'nananalangin' ay "well-written, sufficiently

rationalized, more inclusive, more solemn, well thought of and extensively researched.”

Mas espiritwal at pandaigdigan ang salitang 'nananalangin' ayon naman sa mga indigenous cultural communities o indigenous people (IP) at mga nasa Muslim at Moro communities. Dagdag pa ng DepEd, “Likewise, it is more inclusive and appropriate as it does not refer to or specify religions, and at the same time, it encompasses indigenous belief system.

bilang unionista at teacher-leader sa kaguruan para paglingkuran ang mga kabataang estudyante.

“Isa sa unique qualifications na meron ako ay yung pagiging aktibista ko talaga, ‘yung pagiging unionistang teacher.” Naging daan ang suporta ng mga guro at layuning ipakita sa madla na may katulad niyang teacher-activist na handang tumulong at magbigay boses sa lahat ng guro at estudyante sa kabila ng fake news na kinahaharap nito.

Lucian Updates, pinasinayaan ng SSG bilang Information

Dissemination

Mechanism

Matagumpay na inilunsad ng Supreme Student Government (SSG) ang “Lucian Updates” bilang programa para sa information dissemination ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia, na opisyal na sinimulan noong Marso 1, 2023. Ang naturang proyekto ay pinangunahan ni Brix R. de Leon, mamamahayag ng Ang Ningning at Grade 10 Representative ng SSG, na naglalayong ipabatid ang mahahalagang balita at pangyayaring naganap sa paaralan. Sa pamamagitan ng mga kuhang larawan, audio at videos, gamit ang mobile phone o kung tawagin ay Mobile Journalism na naka-post sa SSG Facebook page, naipararating sa mga Lucians ang mga wastong impormasyon at update na kinakailangan nilang mabatid. Sa kasalukuyan, umabot na sa pitong posted videos ang makikita rito at pumalo sa 3.1K views ang unang post.

3.1k Bilang ng views ng unang video sa Lucian Updates

P300 milyong halaga ng ariarian, natupok ng sunog sa Manila Central Post Office

Humigit-kumulang P300

milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy ayon sa inisyal na pagtataya ng

BFP Metro Manila Director Chief Supt. Nahum Tarroza matapos ang sunog sa makasaysayang gusali ng Central Post Office sa Lungsod ng Maynila noong Mayo 22.

Sinabi ni Philippine Postal Corporation (PHILPost) Post Master General at CEO Luis Carlos na lahat ng stamps, mails and parcels, paintings, pati na rin ang mga records at data ay nawasak sa sunog.

Nagbigay panayam din ang Philippine Statistics Authority (PSA) tungkol sa mga nasirang National IDs bunsod ng sunog ay agarang papalitan nang hindi humihingi ng karagdagang bayad.

Sinigurado naman ng PHILPost na tanging mga PhilIDs na nakatakdang i-deliver sa Lungsod ng Maynila ang apektado sa nasabing kagana-

pan. Dagdag pa rito, ang ibang PhilIDs ay naipadala na sa iba’t ibang tanggapang panrehiyon sa bansa.

Tinatayang 82 firetrucks - 42 mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at 40 volunteer firefighting groups sa Lungsod ng Maynila at kalapit na mga lugar na tumulong rumesponde sa pag-apula ng sunog.

Ayon sa isang di-nagpakilalang stay-in employee ng Manila Central Post Office, napansin nito ang makapal na usok na nanggagaling sa maintenance room kung saan itinatago ang mga flammable materials. Inanunsyo naman ng BFP na kontrolado na ang apoy mga 7:22 ng umaga.

Limang bombero, isang volunteer fireman, at 16 anyos na babaeng sibilyan ang nakaranas ng iba’t ibang injuries tulad ng hirap sa paghinga at first-degree burns. Binigyang linaw naman ni Carlos na sakop ng insurance ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Central Post Office kung kaya’t inaasahang babayaran ang pinsala ng apoy sa gusali.

ANG NINGNING
Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia
Kyleigh Aeesha M. Salanga Micaella R. Manahan Ycia D. Diaz Micaella R. Manahan Brix R. de Leon Micaella R. Manahan
Kuha mula sa: Quezon City Government Official Facebook page
DEDIKASYON AT KATAPATAN. Pagkilala kay Titser Rubs bilang Pinakanatatanging guro kasama si Mayor Joy Belmonte BINAGONG LINYA. Pagbigkas ng mga Lucians sa binagong linya sa Panatang Makabayan na “nagdarasal” sa “nananalangin” bilang bahagi ng gawain ng pagtataas ng watawat Kuha ni: Camille Marianne S. Nicolas

EDITORYAL BALITA

JEEPNEY PHASEOUT: Hindi napapanahong tugon upang makabangon

"Mawawalan na ako ng hanapbuhay. Sana hindi i-phase out ‘yung mga jeep, dahil diyan kami kumukuha ng pangaraw-araw. Anong mangyayari sa amin? Saan kami kukuha ng pang araw-araw," ani Diosdado Estrada, isang jeepney driver.

Sa pagpasok ng bagong kadawyan ay ang pagbabago rin ng maraming bagay sa lipunan. Isa sa mga pagbabagong ito ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) kung saan hangad ng gobyerno na palitan ang mga luma at mga sirang dyip nang mas bagong modelo na kayang makasunod sa mahigpit na pamantayan sa mataas na kalidad na may kaugnayan sa binubuga nitong usok. Sinasabing isa itong hakbang sa mas ligtas, mabisa, at environment -friendly na sistema para sa mga pampublikong transportasyon. Kaya naman bilang daan sa pagpapatupad ng PUVMP ay nagtakda ang pamahalaan ng Jeepney Phaseout para sa mga tradisyunal na dyip sa katapusan ng Hunyo 2023.

“To enforce a deadline is not only insanity but also inhumane. Hindi makatao,” ang tugon ni Senator Risa Hontiveros ukol dito. Higit dalawang milyong piso para sa minibus? Saan nila kukunin itong malaking halaga ng pera kung sa pagkain pa lamang ng kanilang pamilya ay madalas nagkukulang na ang kanilang kita? Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, mababang kita ng mga umaarangkada, ay nagawa pang dagdagan ng pamahalaan ang pagdurusang nararanasan nila. Subalit sa kabila ng makabutas-bulsang presyo ng minibus na ito ay hindi pa rin pala ito ganoon ka-modernisado. Gumagamit pa rin ito ng diesel na nakadadagdag sa polusyon sa hangin. Alipin pa rin tayo ng mataas na presyo ng petrolyo. Kaya’t ano pang saysay ng pagpapatupad nito? Sa panahon kung saan pinipilit ng lahat na makabangon sa pinsalang dulot ng pandemya, hindi ba’t ang pagiging praktikal ang siyang nararapat na unahin? Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na epekto ng implasyon na hanggang ngayon ay wala pa ring solusyon. Ang pera na sana ay pambili na lamang ng kanilang makakain ay tila mapupunta pa sa pagbabagong pilit na ginagawang tugon upang makabangon. Hindi pa nakakaahon sa kawalan ng kita na dahil sa pandemya ay panibagong problema na naman ang kinahaharap nila. Problema na kung hindi agarang masosolusyunan ay mawawalan sila ng pagkakakitaan.

Kung itutuloy ang paglulunsad nito, sinabi ni Sen. Chiz Escudero na maraming manggagawang Pilipino ang mawawalan ng kabuhayan at maging ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga commuters ay maapektuhan. Kaya’t nararapat lamang na isaalang-alang nila ang kanilang mamamayan, at huwag magpadalos-dalos sa kanilang mga desisyon na kung akala mo ay minamadali ng panahon. Mabilisang modernisasyon ang kanilang gusto, ngunit paano ang mga tsuper na hindi makasasabay sa pagbabagong pilit na inihahain sa mga ito? Bagama’t mayroong mahalagang bahagi ang modernisasyon sa ginagalawang lipunan, hindi dapat natin tanggalan ng karapatan ang mga jeepney drivers na makapili kung ano sa tingin nila ang mas makagagaan para sa kanila. Sa halip na gawing solusyon ang phaseout na ito, mas mabuting tulungan na lamang ang mga tradisyunal na dyip na makasabay sa mga pamantayang inilatag sa mga pampublikong transportasyon nang sa gayon ay masiguro ang makabubuti para sa mga jeepney operators at mga commuters. Mayroong tamang oras para sa lahat. Hindi maaaring madaliin ang mga bagay na dapat ay dumadaan sa pangmatagalang proseso at pagsusuri. Isaalang-alang ang dapat isaalang-alang. Hindi dahil hindi nararanasan ay ipagsasawalang-bahala na lamang ang bigat na kanilang pinapasan. Jeepney Phaseout ay huwag nang ituloy pa, dahil ‘di aandar ang isang sasakyan kung walang may hawak ng manibela. Modernisasyon ang ating huling destinasyon, subalit walang dapat na maiwan sa pagbangon.

Pagitan ng guro at mag-aaral: Limitahan, huwag pagbawalan

Hindi natatapos ang tungkulin ng kaguruan sa oras na lumabas sila ng paaralan.

Dahil sa prohibisyon sa pisikal na interaksyon nitong nagdaang dalawang taon dahil sa panganib na dulot ng COVID-19, social media ang nagsilbing tulay sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, kamag-anak, kapwa mag-aaral, at ng mga guro. Ngunit kamakailan lang ay inilabas ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Order No. 49, s. 2022 na layuning isulong ang propesiyonalismo sa pagpapatupad at paghahatid ng mga programa at serbisyo sa mga saklaw ng kagawaran.

Sa unti-unting pagbabalik sa dating nakasanayan bago ang panahon ng pandemya ay kabi-kabila ang mga problemang kinakaharap ng bawat estudyante. Ito man ay tungkol sa kanilang pang-araw-araw na buhay, kalagayang pinansiyal, at maging sa kanilang kalusugang mental. Mayroon ding mga mag-aaral na nangangailangan ng mas personal na atensiyon at

tulong mula sa kanilang tagapayo. Dahil sa inilabas na probisyon ng DepEd na naglalahad na iwasan ang interaksiyon, ugnayan, at komunikasyon sa labas ng paaralan sa pagitan ng guro at estudyante ay tila nalimitahan ang kaguruan na magampanan ang tungkulin nilang magabayan ang bawat mag-aaral. Datapuwa't sa kabila ng masamang dulot nito sa mga estudyante ay may hatid din itong proteksiyon para sa kanila. Dahil sa nilagdaang DepEd Order na ito ay maaaring mapigilan ang namumuong romantikong ugnayan sa pagitan nila. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtingin (favoritism) sa mga mag-aaral na bunga ng ugnayan ng tagapayo at estudyante sa labas ng silid-aralan.

Maaaring maganda ang

layunin ng probisyong ito ngunit dapat pa ring isaalang-alang ang damdamin ng mga mag-aaral at kaguruan. Sa halip na ipatupad

ito nang basta-basta ay nararapat lamang na hingan ng pananaw ang mga tagapayo ukol sa kautusang ito lalo pa't isa sila sa pangunahing naipit nang ilatag ito ng kagawaran. Hindi ba't hindi makatarungan na alisin ang kanilang karapatan na magalala at gabayan ang kanilang mga mag-aaral? Tandaan na ang propesyon ng pagtuturo ay isang "peopleoriented" na bokasyon. Hindi dapat ilagay sa alanganin ang paghahatid ng pangangailangan sa mga mag-aaral. Sa panahong ito kung saan ang lahat nakararanas ng kahirapang umangkop sa bagong kadawyan, kailangang magkapit-bisig ang bawat isa upang makasabay sa hindi maiiwasang pagbabagong kasalukuyang nararanasan. Sa halip na maglabas ng kautusang guguhit ng linya sa pagitan ng guro at mag-aaral, mas nararapat na pagtuunan ng pansin kung ano ang magbubuklod sa kanila para sa mas epektibong pagkakaintindihan at maaabutan ang lahat ng karampatang tulong at gabay upang matamasa ang pagbangon at tagumpay.

2022-2023

ANG NINGNING
Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia Iginuhit ni: Raphael Mathew P. Vallez
PAMATNUGUTAN ANG
Micaella R. Manahan Punong Patnugot Olive Grace F. Tarrangco Kawaksing Patnugot
4
Princess Lianne G. Campus Balita Althea Lorraine R. Manliclic Lathalain Namie Moore S. Flegueras Agham Camille Marianne S. Nicolas Litratista Raphael Mathew P. Vallez Kartunista Brix R. de Leon Isports Kyleigh Aeesha M. Salanga Kolum Kimberly Anne T. Calabio Sirkulasyon Althea Lorraine R. Manliclic Denise May D. Gagarin Lay-out Artist Stephen B. So Ycia Karyn Diaz Cyrus Hamili John Alden Bagasbas Joy Francial Cyralyn Diane Barquilla Erica Shyne Labiga Pristine Kate Dacuag Jesie Roman T. Llesis Mark John N. Leop Jewel R. Denosta Mga Manunulat Julius A. De La Cruz Tagapayo Lily Grace D. Pingol Puno VI Kagawaran ng Filipino Marissa F. Duka Punongguro IV Dr. Rodolfo F. De Jesus Tagapagmasid Pansangay sa Filipino, Tagapangasiwa, Pamamahayag sa Filipino

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia

BALITA EDITORYAL BALITA

PUNDASYON

ANG NINGNING

Huwag maging dayuhan sa sariling bayan

Bagong pamamalakad, kasabay ay malalaking hangad. Ngunit, ang iminungkahi agad ay rebisyon sa kurikulum para sa mga mag-aaral ng elementarya. Maagang pagtuturo ng Ingles, kapalit ang pagtanggal ng hiwalay na asignaturang Mother Tongue - na nagsisilbing pundasyon ng literatura sa ating bansa. Isa nga ba itong mekanismo tungo sa pag-unlad ng edukasyon sa bansa o isa na namang maling aksyon na magpapabawas sa nasyonalismo ng masa?

Sa inilabas na paanyaya para sa isang pampublikong konsultasyon sa planong pagbabago sa kurikulum ng K to 12 Program ng Department of Education, ang asignaturang Ingles ay ituturo sa unang markahan para sa mga mag-aaral sa unang baitang, mas maaga kaysa sa kasalukuyang

ikatlong markahan. Sinasabing, naka-angkla sa balangkas ng K-12 kurikulum ang pinahusay na English kurikulum at ito’y sumasalamin sa pinaigting na kalikasan ng wika at upang makilala ang Filipino-English.

Samantala, kasabay nito ay hindi na iaalok ang Mother Tongue-Based Multilingual Education bilang hiwalay na asignatura sa baitang 1 hanggang 3. Sa halip ay gagamitin ito sa pagtuturo ng iba pang asignatura, pangunahin na ang Ingles at Filipino, upang higit na mapaunlad ang kakayahang makapagsulat at makapagbasa ng mga mag-aaral. Kung matatandaan, nakalahad sa Republic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013, na nararapat na nasa rehiyon o katutubong

wika ng mga mag-aaral ang pagtuturo, maging sa mga kagamitan sa pagtuturo mula kindergarten hanggang sa unang tatlong taon ng elementarya. Kung tatanggalin ang asignaturang MTBMLE, malaki ang magiging epekto nito hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi maging sa mga guro bagkus, maraming guro ang maaaring mawalan ng trabaho sa oras na tanggalin ito. Sa kabila ng pangangailangan sa kalidad na edukasyon ay nagawa pa nilang alisin ang isa sa mga pundasyon nito. Talagang dapat tiyakin ang pagbuo ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat dahil ang mga mag-aaral sa mga pangunahing baitang ay matututong bumasa at sumulat, gamit ang wikang kanilang ginagamit at pinakanaiintindihan. Pinapalakas

IAKMA

Pabago-bagong kalendaryo, pinipilit sa panahong

naninibago

Holabels, may chika akizkis!

Sabi nila, rito sa Pilipinas, kapag palapit na ang buwan ng Abril at Mayo ay masayang gumorabels, magtampisaw at magbabad sa malalim na dagat o kaya’y kahit sa inflatable pool ay keribels na, sabayan pa ng pagnamnam ng malalamig na pagkain tulad ng halo-halo. Ngunit, tila sa bagong normal, mapapa-gorabels at langoy ka nalang talaga sa dami ng mga nakasasakal at nakawiwindang na tambak na gawaing pampaaralan habang dinadama ang halos 39° na temperatura araw-araw. Makahihinga pa bang tuluyan si Juan, kung pilit na ipinakikipagsapalaran ang kalusugan?

Sa muling pagbabalik ng face-to-face

classes ng mga mag-aaral, alinsunod sa Republic Act 11480, An Act

Amending Section 3 of RA No. 7797

o ang “An Act to Lengthen the School

Calendar from Two Hundred (200)

Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days” na nakapailalim sa DepEd Order No. 34, S. 2022, ang taong panuruang 2022-2023 ay kasalukuyang sinumulan nitong Agosto 22, 2022 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023 na kung saan ay binubuo ng 203 school days.

Ayon sa datos ng online survey na inilunsad ng Alliance of Concerned Teachers, namataan ng 67% sa 11,706 public school teachers na ang init na dala ng buwan ng Abril at Mayo ay hindi matatagalan. Mapa-

pansin din na ang heat index ngayong panahon ng climate change ay hindi talaga ligtas sa mga mag-aaral at kaguruan upang magklase sa mga silid-aralang mala-hurno ang init at espasyong di-mahulugang karayom.

Paano pang makatututok sa leksyon ang mga mag-aaral kung ang mga lalamunan ay tila nauuhaw kada minuto at kahit na may mga electric fan nang nakapalibot ay hindi pa rin sumasapat, kung kaya’y kinakailangan pa ring magpaypay? Kailangan pa bang isugal ang kalusugan ng mga mag-aaral, tulad ng isang insidente sa Cabuyao City sa Laguna kung saan hinimatay ang ilang mag-aaral dahil sa naranasang heat exhaustion, na kasali sa isang unannounced fire drill sa eskuwelahan?

din ng MTB-MLE ang kamalayan at pagpapahalaga ng mga magaaral sa kanilang pagkakakilanlan, pinananatili at pinalalaki rin ang ating sariling kultura. Gayunpaman, ang iminungkahing abolisyon ng MTB-MLE bilang isang paksa ay sumasalungat sa layuning ito. Ang plano ng DepEd na magturo ng Ingles nang mas maaga ng dalawang kwarter ay nagiging sagabal sa lohikal na transitory framework ng mother tongue bilang unang wika, Filipino bilang pangalawang wika at Ingles bilang ikatlong wika sa pag-aaral. Nararapat na patuloy na ituro ang Mother Tongue bilang asignatura, huwag bigyan ng limitasyon ang bawat leksyon bagkus, ang lahat ng mga ito ay idinisenyo upang isama sa pagbuo ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat

TANIKALA

Kasarinlan sa kasarian:

Paglaya sa kaloob-looban

Isa ang paaralan sa pangunahing institusyong dapat na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mga magaaral at nagbibigay suporta sa kahalagahan ng paggalang sa pagpili ng bawat Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, +, sa ibang pagkakakilanlan. Ngunit, bakit sa kabila ng mga panukala para rito, hindi pa rin lubusang kinikilala at tinatanggap ng lipunan ang ekspresyon ng mga taong may piniling prinsipyo’t kasarian?

Matatandaang inayunan ng 19 na senador ang Senate Bill No. 689, “An Act Prohibiting Discrimination on the Basis of Sexual Orientation and Gender Identity or Expression and Providing Penalties Therefor”, mas kilala bilang SOGIE Equality Bill o Anti-Discrimination Act; isang mungkahing batas na naglalayong protektahan ang karapatan, gender identity o gender preference ng mga LGBTQIA+. Subalit, kuda agad ng nakararami, “NO TO SOGIE BILL and YES TO FAMILY!”. Bagaman tunay ngang si Adan at Eba ang tanging hinulma at binuo ng Diyos, hindi nararapat na diktahan o iangkla sa relihiyon at pananampalataya ang anumang patungkol sa pagkakakilanlan, karapatan at pagkatao ng isang Pilipino. Bilang pagsuporta ng ilang paaralan sa nasabing batas, inihain ng Department of Education ang Reteraition ng DepEd Order No. 32, Series of 2017 o ang “Gender-Responsive Basic Education Policy” na naglalayong patibayin at payagang ihayag ng mga mag-aaral na LGBTQIA+ ang kanilang mga sarili ayon sa kanilang kagustuhan. Dininig at ikinonsidera rin ng ibang paaralan ang kalayaan sa pananamit ng mga LGBTQIA+ at maging ang kanilang mga gupit, hanggat hindi ito maituturing na kabastos-bastos, malinis at disente pa

Sumisidhi ang panawagan na dapat ibalik ang dating school calendar ng bansa, na kung saan ay iminungkahi ng ACT na ibalik na ang Abril hanggang Mayo na summer break para sa mga mag-aaral o mula sa 200-205 araw ay gawing 185 school days sa tulong ng mga blended learning modes. Kasabay ng humahagupit na init, nararapat na bigyang pansin ang kaginhawaan, hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang mga kaguruan upang makapaglahad ng mas epektibong pamamaraan ng pagaaral nang walang inaalalang isyung pangkalusugan. Maituturing na “climate-vulnerable country” ang Pilipinas, kung kaya’t nararapat lamang na aralin kung ano ang tunay na kalagay-

LIHAM SA PATNUGOT

Jesie, Ako ay

na siya ring nakapagbibigay ng aral sa mga mag-aaral. Dapat unahin ang pagbibigay halaga sa “must-have” kaysa sa “nice-to-have” competencies. Isa lamang ang ating natatanging hangad. Magkaroon ng isang kurikulum na makapagbibigay ng kalidad na edukasyon at matutulungan ang mga kabataan na mapaunlad ang kanilang kaalaman sa kanilang pagkakakilanlan bilang isang mamamayan sa paraang madali nilang maiintindihan. Sa halip na alisin ang isa sa mga pundasyon upang sila ay matuto, nararapat lamang na pag-igihin ang pagtuturo nito dahil ito ang ating naunang wika. Hindi dapat isakripisyo ang mga paksang nag-uudyok sa nasyonalismo at nagtataguyod ng pambansang pagkakakilanlan at kultura upang paboran ang wikang Ingles. rin.

Sa kabila ng lahat ng ito, masasabi bang natatamo ng isang LGBTQIA+ ang ekwalidad at kalayaan, kung ang isang estudyanteng homoseksuwal sa Olongapo City ang patuloy na nakararanas ng karahasan at diskriminasyong tulad ng panununtok at pangungutyang “bading” o “bakla”? Ito ba ang resulta ng sinisikap na inklusibong kasarinlan ng kagawaran? Proteksyon lamang ang tanging hinihingi ng mga bumubuo sa bahaghari tulad ng ibang mga mamamayan, hindi espesyal na karapatan at hindi kalamangan sa benepisyo.

Nakapanlulumong isipin na hanggang ngayon, sa kabila ng mga panukalang nanggagaling na sa nakatataas, hindi pa rin lubos na kinikilala at natatamo ng mga LGBTQIA+ ang matagal nang minimithing “kalayaan”. Patuloy pa rin silang nakakulong sa pamantayan ng lipunan, inaalisan ng karapatang pantao at pilit isinasawalang-bahala ang tinig. Ang kalayaan ay para sa lahat. Walang pinipiling kasarian at hindi kailanman nakaayon sa panahon upang makamtan. Kalasin na ang kadena, isulong ang kinang na nakatadhana sa bawat kasapi ng LGBTQIA+. Samakatuwid, hayaan natin silang ihayag ang kanilang tunay na pagkakakilanlan. Kailanman, hindi ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ang maituturing na salot o kanser sa lipunan kundi ang mga mapanghusgang taumbayan. Nararapat lamang na ibigay natin ang buong pusong suporta sa kanila. Kailangan nating maging mulat, sa kung ano ang nagaganap sa ating lipunan. Maging kaisa tayo sa pagsulong sa lubusang pagtanggap at pagkilala sa pantay-pantay na karapatan at ekwalidad ng bawat isa patungo sa pagkamit ng kasarinlan sa kasarian.

an ng ating bansa, upang sa gayon ay mailapat at maiayon ang kalendaryo ng paaralan at hindi mailagay sa laylayan ang kalusugan ng mga kaguruan at mag-aaral. Huwag magpadalos-dalos at huwag tanging ikonsidera ang pakikisabay sa globalized trend. Imbis na gustuhing sumulong ni Juan sa languyan, mas gugustuhin pa niyang makiisa sa pagsulong sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa gayong paraan, hindi maipagsasapalaran ang kaniyang kalusugan at mabibigyang suporta ang kaniyang kagustuhang makapag-aral nang nakahihinga. Kaya, pabago-bagong kalendaryo’y gawing pihado at huwag nang ipilit pa sa panahong naninibago.

Batid natin ng mga kapwa estudyante at mga guro ang hindi birong kalagayan ng panahon ngayong araw ng tag-init. Makikita ang kaliwa’t kanang pagpapaypay at may ilang mga estudyante ang nagkakaroon ng iba’t ibang problemang

Ako ay nag-aalala sa kung ano ang maaaring mangyari sa mga mag-aaral dahil sa kasalukuyang nararanasan. Ito ay nagdudulot ng abala sa klase at mga tao sa loob ng paaralan. Nais ko po sanang idulog sa inyo na maiparating ito sa tanggapan ng punongguro ang kahilingan na makapagpatupad ng mga mekanismo na mapangalagaan ang buong paaralan sa panahon ng tag-init.

Lubos akong umaasa na mabigyan ng tugon ang hinaing na ito. Maraming Salamat.

Taos-pusong sumasaiyo, Jesie Roman T. Llesis

lubos na sumasang-ayon sa iyo na marapat maramdaman ng kapwa mag-aaral sila ay pinangangalagaan ng paaralan. Ayon sa napagkasunduan ng mga nakataas, magiging salitan ang oras ng pagpasok ng klase ng apat na baitang sa PSSL. Ito ay upang makatulong sa mga estudyante, guro, at non-teacher personnel sa ating paaralan. Sana ay naliwanagan ka
sa mga aksyon na ginagawa ng paaralan at salamat sa iyong pag-aalala. Nawa’y ipagpatuloy mo ang pag-iisip sa kalagayan ng iba. Lubos na gumagalang, Micaella R. Manahan
5
Kimberly Anne T. Calabio Micaella R. Manahan Kyleigh Aeesha M. Salanga

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia

Pasado =

Pagpadyak ang nagsisilbing ehersisyo sa malamig na umaga. Bago pa man lumitaw ang araw, humihigop na ng mainit na kape, tinatanaw ang labas, iniisip ang napakaraming bagay. Sa ilalim ng nakakasunog na tirik ng araw, binabaybay ang daan, bagaman sa iba daan ito sa kung saan, para sa kaniya, daan ito sa magandang buhay ng kanyang pamilya.

Sanay na sa pabago-bagong panahon, mga pasaherong mas mainit pa sa panahon ang ulo at ang minsang matumal na kita. Tinatanggap ang kahit anong halagang ibigay— magagalak kapag may nagbigay ng sobra— magkaroon lamang ng maipantutustos sa isang araw. Ganyan ang buhay ng aking ama, isang tricycle driver na ginagawa ang lahat hindi lamang upang may mailagay sa hapag, kundi para na rin sa aming mga pangarap.

Pangarap. Naaalala ko noon, pangarap niya ang maging isang piloto. Nais niya kasing pumunta sa iba’t ibang bansa at magmaneho ng eroplano, ngunit mapaglaro ang tadhana. Nakapupunta pa rin naman siya sa ibang lugar, kaya nga lang hindi eroplano ang kaniyang minamaneho. Nakapunta na kaya siya sa España, España Boulevard.

Huminto man sa pag-aaral at hindi natupad ang pangarap na maging piloto, hindi iyon naging hadlang para tumigil siyang kumayod upang tuparin ang aming mga pangarap. Hindi niya alintana ang hilo sa sobrang init, ang ginaw sa tuwing umuulan, at ang hindi matapos-tapos na traffic sa kalsada basta lamang makita niya kaming nabubuhay nang maayos.

Nahihiya raw ba ako na isa lamang tricycle driver ang tatay ko, ayan ang kalimitang tanong sa akin. Noong una, aaminin ko, oo, nahihiya ako. Nakikita ko kasi ang ibang estudyante, lalo na ang aking mga kaklase, na naipagmamalaking nakatapos at may magandang trabaho sa ibang bansa ang kanilang magulang. Nainggit ako na hindi na nila kailangan maging iskolar makapasok lamang sa pinapangarap nilang eskuwelahan.

Ngunit mali ako. Hindi ko dapat ikinakahiya ang tao at trabahong bumubuhay at sumusoporta sa akin. Ang pagiging isang tricycle driver ay hindi dapat “nila-lang”, isa itong marangal na trabaho at marami na ang nakaahon

sa buhay dahil sa pagiging tricycle driver, at magiging isa ang pamilya ko doon. Hindi man kami pinagpala ng marangyang buhay, busog naman kami sa pagmamahal at suporta, sapat na pundasyon na iyon para magpatuloy at abutin ang aming pangarap.

Kailanman ay hindi naging biro ang pakikipagsapalaran nila sa kalsada. Kasabay ang naglalakihang mga trak, maging ang maliliit na sasakyang sakit sa ulo dahil sa pagiging kaskasero ng nagmamaneho, pati na rin ang mga batang tila ginawang palaruan ang kalsada.

Kinaya at kinakaya ito ng aking ama, kaya naman kakayanin ko rin. Tila isang panaginip, hindi ako makapaniwala, hindi ko maproseso. Nakatanggap ako ng email sa pitong unibersidad na pinagapplyan ko. Halos lumabas na sa dibdib ko ang aking puso habang isa-isa itong binubuksan, nanginginig ang nagpapawis kong kamay.

Kinaya ko. Nagliwanag ang aking nanunubig na mga mata, pasado ako. Pumasa ako sa pitong unibersidad na iyon. Kahit puno ng luha ang mukha ay buong boses akong sumigaw at dali-daling pinaalam iyon sa aking magulang.

Nilingon ko ang aking papa, ngumiti ako sa kanya. Kita ko ang pagliwanag ng kanyang pagod na mga mata, kita sa mukha niya ang pagmalalaki, pagmamahal at suporta. Niyakap ko siya nang sobrang higpit, kasing higpit ng paghawak niya sa aking kamay noong unang beses kong pumasok sa paaralan na umiiyak. Unti-unti, napapalitan ko na ang lahat ng pagsisikap niya.

Edukasyon ay yaman, yaman na hindi mananakaw nino man, ayan ang lagi niyang sinasabi sa akin. Ang motorsiklong may sidecar na ito ang nagdala sa akin sa tamang destinasyon ng buhay. Ang naghatid sa akin sa aking pangarap. Ang nagmamaneho naman nito ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob, determinasyon at lakas na sumuong sa kahit anong unos. Magpatuloy, katulad ng mga gulong ng traysikel na patuloy na umiikot. Magpapatuloy kahit ano man ang delubyong kahaharapin. May mga humps at lubak na madadaanan ngunit hindi iyon rason para huminto sa mundong patuloy ang ikot.

Sa karera ng buhay, hindi basehan ang sasakyang gamit mo. Bago man ito o luma, nakadepende na sa iyo kung paano mo ito gagamitin para umusad. Ano man ang estado sa buhay, kung tayo ay magpupursigi, aangat at aangat tayo. Makakamit natin ang kinabukasang inaasam natin.

ANG NINGNING BALITA
6 LATHALAIN
Iginuhit ni: Cyrus Hamili Althea Lorraine R. Manliclic

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia

“Mirror, Mirror on the Wall, Who’s the Fairest of Them All?”

Lumugar ka. Sa pamantayang inukit ng lipunan, mahirap na harapin kung sino ka talaga, lalong mahirap na ipakita ang tunay na ikaw.

Mabigat na mga yapak, kasing bigat ng damdaming naiipon sa loob ng puso. Gustong kumawala, gustong sumabog.

“Ayan na, ayan na si bading” “Sige kayo, mahahawa kayo at maging bayot din”. Mga katagang namutawi sa labi ng mga estudyante. Mapait sa kalooban, ngunit sa paglipas ng panahon, masasanay ka na lang talaga.

Masasanay na gawing katatawanan, pandirihan at maging tampulan ng tukso. Mahigpit ang hawak sa blusa, rinig na rinig ang alingawngaw ng kanilang pagtatawanan.

Paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan, dito hinuhubog ang pagkatao ng isang tao. Ngunit, paano kung sa mismong paaralan, lilimitahan ang iyong kakayahan? Paano kung dito mismo, sa apat na sulok na ito, husgahan ang pagka-sino mo?

Ako si Norman, kung anong tapang ng pangalan ko. siya namang lambot ng puso ko. Noon pa man, magaslaw na kung ako ay kumilos, kaya naman ako ang laging puntirya ng karamihan sa eskwelahan, lalo na ng mga lalaki. Hindi ko alam, naiinggit ba sila sa beauty ko o crush nila ako? Mahirap talaga maging maganda.

Maraming beses na akong napatawag sa guidance office dahil sa pagsusuot ko ng pambabaeng uniporme. Galit na galit sila sa pagsusuot ko ng unipormeng taliwas sa dapat kong suotin pero sa mga manyak at bully na tao sa paaralan, bulag sila?

Dumaan muna ako sa banyo para mag retouch, mahirap na baka makasalubong ko ang aking prince charming tapos mukha akong frog. Tinignan ko ang sarili sa salamin, marami at malaki man ang pinagbago

ko, masaya naman ako sa kung sino ako ngayon. Aakalain mo ba na sa haba ng panahon, isa na akong guro? Nais ko na magturo, hindi lamang ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang asignatura kundi pati na rin kaalaman patungkol sa ibang kasarian. Ngunit bakit guro? Marami naman na ibang trabaho na magagawa iyon. Tulad nga ng sabi kanina, sa paaralan nahuhubog ang isang bata. Kaya kung magiging bukas ang isipan ng lahat sa ganitong usapin, hindi mahihiya ang kahit na sino na ipakita kung ano ang nais nila.

Tila ilaw ng pag-asa at nagliwanag ang aking mukha nang malaman ko ang balita na sa tinagal-tagal na panahon, may mga eskwelahan nang unti-unting hinahayaan ang mga estudyante na isuot ang uniporme na nais nilang suotin. Isa kasi ito sa paraan ng pagpapakita ng isang indibidwal sa kung ano ang nais niya. Hindi naman kasi nakaaabala ang kasuotan sa pag-aaral ng isang bata, diba?

Nabuhay tayo upang maging tayo, bagaman may ilan pa rin na patuloy na nabubuhay sa pamantayang itinakda sa lipunan, ang kaunting progreso ay isang malaking bagay na para sa katulad ko na parte ng LGBTQ.

Matamis na ngiti ang namutawi sa aking labi. Imbis kasi na pumunta ako sa guidance office para masaway sa pagsuot ng pambabae, nandito ako upang kausapin ang isang estudyanteng ginawang katatawanan ang ganitong bagay.

Malayo pa pero malayo na. Sa mabilis na pagbabago ng mundo, hindi lahat mapakikitunguhan mo, ngunit ang mahalaga ay hindi ka matakot na ipakita at ibahagi sa iba kung sino ka. Sa ganitong paraan, marami ang mahihikayat at mabibigyan ng tibay ng loob na harapin ang mapait at mapanghusgang mata ng lipunan.

Hikbi na maihahalintulad sa huni ng ibon ang namumutawi mula sa isang dalagang nasa madilim at makipot na sulok ng silid. Masasalamin ang bakas ng paghihirap sa mga pasang nagsisimulang mangitim bunsod ng karumaldumal na dinanas sa kamay ng taong minamahal. Pagiyak na kay bigat pakinggan, talagang ipinahihiwatig kung gaano kapait ang naranasan.

Nakabubulag ang sobrang pag-ibig sa taong inakalang magiging kabiyak ng buhay na inaasam sa hinaharap. Sabay na masayang binubuo ang matayog na pangarap na siya palang magiging rason ng pagsasara ng kabanata na handang ialay sa kapares ng buhay. Hindi lubusang kilala ang tao at kaya ka palang pagbuhatan ng kamay nito. Pagkitil sa buhay ang naging resulta, paano ito mareresolba?

“Tulong! Kahit sino, tulong!” Halos mapaos ako sa kasisigaw ng saklolo upang makatakas sa pagkakakandado ng pintong hindi ko akalaing huling beses kong masisilayan. Pinaniwala akong tanging pag-uusap ang magaganap sa apat na sulok ng silid, nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo ang naging kapalit.

Hindi ko lubos maisip ang karumal-dumal na karanasang aking sinapit. Malinaw sa aking alaala ang pilit na pagbubukas ng pinto ng parehong ina naming magkasintahan at pagtatangka nitong pagtakas mula sa pulisya. Hindi rin makubli sa aking isipan ang siyam na buwang gulang naming anak na siyang nasa pangangalaga ng aking kaanak. Mapait na realidad ang kailangan kong harapin at marapat na tanggapin ang landas na nakaukit sa aking mga palad.

Nasasapawan ng masasayang kaganapan ang pait ng balakid ng pagmamahalan. Mapanlinlang na patsada ngunit may tinatagong lihim sa likod ng maskara. Nakalulungkot isipin, mahirap nang bawiin ang magandang pinagsamahan na sa isang iglap ay sinira ng isang hindi

pagkakasunduan. Kadalasang isinasantabi ang maling nakikita sa pag-aakalang may kakayahang baguhin ang sirang pagkatao, ngunit ako pa ang mas nasisira sa proseso.

Tuluyan mang nakatakas ngunit hindi maikukubli na tila ba nakakulong pa rin ako sa mapait na pinagdaanan sa kamay ng aking pinagkakatiwalaan.

Walang buhay na nakalabas sa pagkakakandado sa silid, ramdam ko naman ang pagkapiit sa repleksyon ng salamin na ginamit bilang sandantang kikitil sa akin.

Hindi biro ang karumal-dumal na krimen na aking pinagdaanan. Nawa magsilbing ehemplo ang kwento ko sa maayos na pagdedesisyon sa buhay at hindi magpadalos-dalos.

Gawin nating tila panaginip ang mundong ating ginagalawan kung saan lahat ay payapa, maayos, at masagana. Pantay na pagkakaintindihan tungo sa buhay na inaasam nino man.

Malaki ang epekto ng pangyayari sa buhay ko at ng aking pamilya, dahilan upang kasuhan nila ang lalaking sangkot sa krimen na ito. Hindi ko lubos maisip na magagawa nito sakin ang isang kaganapan na labas sa ugaling pinapakita niya sa akin – sa umpisa lang talaga magaling.

Bukod sa basag na salamin, gumamit din ito ng upuan upang iumpog sa akin. Paulit-ulit na pinagpapalo at pinagsasaksak, tila isang halimaw na kayang kumitil ng buhay nang walang alinlangan. Epekto ng pinagbabawal na gamot sa sistema, nagawang patayin ang kinakasama.

Marami ang tengang nakarinig ng aming hindi pagkakaintindihan. Akala nila’y normal away-magkasintahan na nauwi sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi na iniisip ang sarili, tanging ang anak na naulila sa murang edad ang pinangangamba ng damdamin. Masakit bilang isang ina, ngunit nangyari na dahil sa lalaking hindi iniisip ang kapakanan ng iba.

Kimberly Achas ang aking ngalan. Minsan din akong naging bulag sa pagmamahal, pagmamahal na akala ko’y hindi matitibag kailan pa man. Binugbog at pinagsasak ng kasintahang hindi ko akalaing kaya akong pagbuhatan ng kamay. Nagsusumamong humingi ng tulong, ngunit hindi makalabas sa pagkakakulong.

ANG NINGNING
BALITA 7 LATHALAIN
Iginuhit ni: Cyrus Hamili Iginuhit ni: Cyrus Hamili
G.
Erica Shyne T. Labiaga
Joy
Francial

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia

Pasang pangarap ara sa hinaharap 8

Bigat ng paghinga ang tanging maririnig sa bawat yabag ng mga paa. Simula na naman ng isang ordinaryong araw nang walang katapusang paglalakad patungo sa paaralan, hindi alintana ang pudpod na swelas ng tsinelas makarating lamang sa tamang oras. Malaking pagsubok na suungin ang dalawang ilog gamit ang maliliit na biyas ng bulilit, ngunit, bitbit ang matayog na pangarap na siyang tumutulak na ipagpatuloy ang nasimulang paglalakbay tungo sa lugar na huhubog sa kanilang kinabukasan.

Abot tengang mga ngiti ang masisilayan sa kanilang mga mukhang walang bakas ng paginda dala ng pagod sa ilang kilometrong paglalakad. Pinagpagan ang mapuputik na paa at gusot na uniporme bago tumapak sa silid-aralan, silid kung saan sinisimulan ng kaguruan ang isang buong araw ng leksyon sa edukasyon at mga aral na babaunin ng mga mag-aaral hanggang sa paglisan sa eskwelahan. Litaw sa mata ng mga bata ang masugid na pagkasabik sa panibagong aral na matututunan sa loob ng paaralan. Kaliwa’t kanang pagbabasa at pagsusulat ang tiyak na nagpapasaya sa puso nila at hindi pinupuna ang siksikang nararanasan sa silid-aralan, baku-bakong pisara’t upuan, at butas na bubungan na hanggang ngayon ay hindi natutugunan. Sa oras ng tanghalian, maoobserbahan ang kalam ng kanilang mga tiyan. Nasasabik sa kaning nakabalot sa dahon ng saging at isang lata ng sardinas na ibabahagi sa buong klase upang mapunan ang espasyo sa kanilang mga sikmura. Nakalulungkot mang isipin ang sitwasyon ng mga bata, ito ang realidad na dinadanas ng mga magaaral sa kanayunan. Kailan ba mapagtutuunan ng pansin ang edukasyon ng mga estudyanteng may dedikasyon?

Walang iwanan at tila isang tren ang mga batang sunod-sunod na lumisan sa paaralan. Parehong ruta, parehong tao ang kasama. Ang tunay na digmaan ay magsisimula pa lamang paguwi ng mga mag-aaral sa kani-kanilang kabahayan. Pasan ang takdang-aralin, mas bibigat pa dahil sa nakaatang na responsibilidad na kailangang magbanat ng buto katuwang ang mga magulang upang may panglamang tiyan kinabukasan.

Ibang klase ang ipinapakitang sipag at tiyaga sa pag-aaral ng mga estudyante sa mga liblib na pook sa Pilipinas. Bihirang nabibisita at nakikita ang kanilang kalagayan kaya’t hindi nabibigyan ng agarang pagtugon sa pangangailangan. Hindi maiiwasang maging mitsa ang kahirapan upang masapawan ang kanilang mithiin sa buhay na nagreresulta sa mataas na tala ng liban sa klase at antas ng dropout dahil walang ibang pagpipilian kundi ang unahing kumayod para sa pamilya at panandaliang ipagsawalang-bahala ang kagustuhang makamit sa hinaharap.

Malaking sakripisyo ang dapat isaalang-alang sa pag-aaral lalo na sa ganitong mga lugar. Mahahati ang oras sa edukasyon at hanapbuhay subalit huwag sana ito maging hadlang sa pagsuko ng bata sa kaniyang sinumpaang karapatan sa buhay. Edukasyon ang pinakamatalim na sandatang pwedeng ilabas sa pakikipagsapalaran sa kinabukasang nakaguhit sa ating mga palad. Sako-sakong uling ang isa sa pangunahing pinagkakakitaan at pinapasan ito pababa ng kabundukan, hindi iniinda ang bigat nito sa likuran. Gaya ng sako ng uling, pasan natin ang ating mga mithiin. May bigat itong dala na nagpapabagal sa bawat paglalakbay ngunit hindi karera ang buhay. May sari-sarili tayong oras at panahon upang tuluyang matanggal ang pasanin at makamtan ang pinapangarap na buhay sa labas ng kanayunan.

Bahay-Eskwela: Pamamahala

para iwas sa pagkabahala

Bahay. Eskwela. Bahay. Eskwela. Ganito ang takbo ng aking mundo na para bang isang sirang plaka na nasira sa bigat ng mga responsibilidad. Marahil, kung bibigyan ako ng pagkakataon, na galawin ang kamay ng orasan, nais ko muna itong huminto – dahil pagod na akong habulin ang oras habang pasan ang aking mga tungkulin.

"Time management lang 'yan!" ito ang payo nila tuwing humihingi ako ng tulong sa aking mga dapat gawin. Napapabuntong-hininga na lang ako tuwing tumitingin sa listahan ng aking mga gawain. Isang babasahin, dalawang pahinang susulatin, tatlong takdang-aralin na hindi mawari kung paano gagawin, apat na pagsusulit at may mga proyekto pa na kailangan habulin. Minsan ay nakakalimutan ko na lang pakainin ang aking mga alagang aso, hindi na rin ako nakakatulong sa aming tindahan, maging ang mga plato ay hindi ko pa nahuhugasan, at ang mga gawaing-bahay na ibinilin ng aking magulang ay nakakaligtaan na rin. Ang pagpasok natin sa bagong normal ay hindi biro. Sa ilang taon na online class ay nagagawa ko pang pagsabayin ang mga gawain sa bahay at eskwela. Ngunit ang biglaang pagbalik sa face-to-face class ay naging isang malaking hamon sa akin. Sapagkat dito nagsimulang mahati ang aking atensyon. Sa dami ng obligasyon ko bilang isang estudyante ay nakakalimutan ko na ang aking gampanin bilang isang anak.

Ramdam ko ang aking panghihina, pisikal man o emosyonal. Nilalabanan ko na lang ang antok maging ang pagtawag sa akin ng higaan upang magpahinga. Ilang beses na rin tumutunog ang aking tiyan na senyales upang ako ay kumain na. Naririnig ko na rin ang boses ng aking mga magulang na pagalit na nagtatanong kung bakit hindi ko pa nagagawa ang mga utos nila. Hindi ito alintana dahil mas mahalaga ang aking ginagawa. Hanggang sa may pumatak na dugo mula sa aking ilong na nag-iwan ng bakas sa aking papel at wala na akong nagawa dahil dumilim na ang aking paningin. Nagising na lang ako sa katotohanan na mali pala ang paraan na aking ginagawa. Tunay na ang pamamahala sa oras ay solusyon ngunit ito ay dapat naaayon sa tama. Sinimulan ko ito sa pagpaplano, importanteng planuhin ang gagawin sa isang araw upang maging organisado at produktibo. Kasunod nito ay ang pagpaprayoridad ng gawain, inaalam ko kung anong gawain ang kailangan agad na matapos upang ito ay mabigyang-halaga o maging una sa listahan. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko na ang pagsasabay-sabay ng mga gawain dahil mas mabuti kung sa iisa lang ako nakatuon sa bawat oras upang madali ko itong matapos. At sa huli, binibigyang gantimpala ko na ang aking sarili. Tinanggap ko ang katotohanan na isa akong anak at estudyante ngunit tao lang ako, kailangan din na magpahinga. Bahay at eskwela. Bahay at eskwela. Nagbago ang takbo ng aking mundo nang mapagtanto ko na hindi ko na kailangang mabigyan ng pagkakataon upang galawin ang oras at naisin na ito ay huminto. Sapagkat hawak ko ito mismo – na sa mga daliri ko lang kung paano ko ito gagamitin at pamamahalaan.

ANG NINGNING BALITA LATHALAIN
Iginuhit ni: Micaella Manahan Micaella R. Manahan Cyralyn Diane R. Barquilla

9

Pandemyang ‘di matapos-tapos; Patuloy na lang bang iraraos?

Isang umuulit na bangungot ang naging dating sa karamihan nang muli na namang itinaas ang Alert Level 1 ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 73 lugar sa Pilipinas, kabilang na ang Metro Manila.

Tanong ng karamihan, Ano na namang nangyari Pilipinas?

Anila, ang biglaang pagluwag, ang siyang nagdulot ng kapabayaan. Sa pahayag na inilabas ng World Health Organization (WHO), ‘di dapat maputol ang pagbabakuna sa mga mamamayan, lalo pa’t marami pa rin ang bilang ng mga taong di nababakunahan, nangangahulugang nananatiling mababa ang kanilang proteksyon laban sa sakit na maaari na namang

Sa kabila ng pagluluwag ng mga safety protocols nitong mga nakaraang buwan, mahigpit pa ring ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagsusuot ng face mask kabilang ang Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia, kung saan patuloy itong sinusunod ng mga estudyante na nagdulot ng magandang epekto sa paaralan upang hindi na muling bumalik sa blended learning. Maituturing na malaki ang naging tulong ng face mask sa mga estudyante. Sa pagpasok pa lang sa silid ng paaralan ay nakatutulong na ang pagsusuot

maging dahilan ng pagdami ng kaso. Sa dinami-rami ng bakuna, bakit nga ba ‘di pa rin mabilang ang ‘di pa baksinado?

Sa inilabas na datos ni Dr. Ortwin Renn, isang scientific director ng International Institute for Advanced Sustainability Studies (IASS), 45% ‘di-baksinadong tao ang walang tiwala sa bakuna, ayon pa rito, patuloy na naghahanap ng alternatibong paraan ang mga taong di baksinado, kung saan ‘di nila kinakailangang magpaturok ng anumang bakuna.

Matatandaang Pfizer-BioNTECH ang kauna-unahang bakunang inaprubahan ng US Food And Drug Administration laban sa naturang virus, na sinundan ng marami pang bilang ng bakuna,

kung saan ipinaliwanag ng mga eksperto na ang mga itinuturok sa atin ay pawang mga inactived germs o mga pinahinang uri ng mikrobyo upang unti unti ay masanay ang ating katawan sa mismong virus, o immunity. Kung patuloy na ‘di magpapabakuna ang mga taong ito, maaaring sila ang mga madapuan ng sakit at makahawa ng maraming bilang ng tao, kung saan mauunang maapektuhan ang mga taong mahina ang resistensya ng pangangatawan gaya na lamang ng mga matatanda at may problema sa baga. Isa pa sa mga kinikitang dahilan ng muli nanamang pagtaas ng kaso ay ang unti-unting pagrelax ng mga Pilipino, bagaman biglaan ang naging pagtaas ng kaso ng Covid-19, nanatiling ‘di

mandato ang pagsusuot ng face mask, ayon sa inilabas na pahayag ni Health Officer in-charge Maria Rosario Vergereire, patuloy pa rin naman ang kanilang pagpapayo na magsuot ng face mask ngunit nanatiling ‘di sapat ang muling pagtataas ng kaso sa pagbabalik ng mandatory wearing ng face mask lalo pa’t may mga bakuna naman na. Kaugnay pa rin nito, mariin paring ipanaliliwanag ng mga eksperto na huwag nang hintayin pang magkaroon ng sakit bago pa man sumunod sa mga naturang protocol; matutong ingatan ang sarili, ani eksperto, maaaring manatili na lamang sa ating buhay ang Covid-19, at patuloy pa rin itong magmu-mutate o lalago, ngunit, kailangan ng Pilipino na umusad, at ‘di manatili sa restriksyong sagabal, at dagdag pasakit sa

Sagradong takip laban sa mapanganib na sakit

nito upang makaiwas sa mabilis na pagkalat ng naturang sakit, bagaman ‘di maikakailang marami na rin ang nagrereklamo sa sagabal na nagiging dulot nito. Sa pag-aaral ng Universal Medical Clinic, ang pagsusuot ng face mask ay makakatulong sa atin upang maprotektahan pa rin ang sarili sa kumakalat na sakit dahil hindi pa naman kompirmado na wala na ito sa ating bansa. Ngunit hindi lang naman yan ang maaaring dahilan upang tayo ay magsuot nito, lalo pa’t nakatutulong din ito sa pagf-filter ng alikabok na maaari nating malanghap sa hangin.

Ayon sa inilabas na pag-aaral ng Mayo Clinic, isang medical center sa Rochester, Minnesota, ang mga

medical masks na madalas nating makita sa mga pampublikong tindahan ay nakatutulong upang ma-filter ang mga patak o spray droplets na maaaring may mikrobyo, matatandaang pinayuhan din ang karamihan na suriin ang mga face masks na binibili at naging talamak din ang bentahan ng mga pekeng produkto. Matatandaang nagbanta ang mga doktor at iba pang mga medical frontliners lalo pa’t nauso ang ibinebentang pekeng uri ng face mask, lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Ang N95 mask ang siyang patuloy na inirerekominda ng mga doktor mapa hanggang ngayon. Bago pa man ang pandemya

ay ipinayo na ng mga medical professionals ang pagsusuot ng face mask, lalo pa’t higit itong nakatutulong upang makaiwas sa maraming sakit na ‘di nakikita ng tao, anila ang pagsusuot nito ay isang good hygiene practice. Sa ganitong paraan, maaari mong maprotektahan ang iyong sarili kasama ang iyong komunidad laban sa muli nanamang dumaraming bilang ng kaso ng Covid-19, lalo pa’t lahat ay mananatiling vulnerable, lalo pa at hindi pa rin tapos ang pandemya.

Hindi na natin maiiwasan sa panahon ngayon ang pagsusuot ng face mask dahil ilang taon rin natin itong sinunod upang tayo ay maproteksyunan sa kumakalat

AIng makabagong panahon, kinatuwang ang kahapon

Ikaw ba ay isa sa mga taong mahilig sa makabagong teknolohiya? O ‘di naman kaya’y maikukunsidera mo na ang iyong sarili na techdependent na? Tiyak na magandang balita ito para sa’yo. Sa patuloy na paglago ng teknolohiya, isa sa mga kilalang imbensyon nito ang AI o Artificial Intelligence, isang robot o internal system kung saan mayroon itong sariling pag-iisip o cognitive abilities tulad ni Alexa ng Amazon at Siri ng Apple, na talagang nananatiling mainit na usapin sa kasalukuyan.

MARAMI ang nag-iisip na maaaring palitan ng AI ang mga tao dahil sa unti-unting pagkawala ng mga trabaho dahil dito, ngunit marami rin ang naniniwala na mabuting pagbabago ang hatid ng teknolohiyang ito.

MABUTI nga ba ang dulot nito sa bagong henerasyon?

Oo, MALAWAK at talagang kapansin-pansin ang naging mabuting dulot ng AI lalo na sa larangan ng edukasyon, ginagamit ito upang mapadali ang pagsasaayos ng data ng isang estudyante at mapadali ang pag-mamarka sa kanila.

MALAKI ang naitutulong ng mga virtual assistants na ito sa mga mag-aaral dahil mas napadadali ang paghahanap ng mga kinakailangang impormasyon para sa mga gawain.

Artificial Intelligence rin ang nagsilbing katuwang ng mga magaaral noong panahon ng pandemya at online classes dahil MAS napabilis ang pag-intindi ng mga mag-aaral sa nilalaman ng Self-Learning Modules o SLM sa tulong ng search engines gaya ng Google dahil mas madali at mas mabilis na naibibigay ng mga search

engine na ito ang kinakailangang mga impormasyon ng mga mag-aaral kung ikukumpara sa pag-bisita sa silid-aklatan at maghanap ng libro. MABILIS ding naibibigay ng mga virtual assistants na ito ang mga serbisyong hanap ng mga guro, ayon sa isang survey na binuo ng EdTech Magazine, isang American magazine na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa teknolohiya at edukasyon, 74% ng mga guro ang nagsasabing nakatutulong sakanila ang teknolohiya kasama na rito ang Artificial Intelligence. Malaking tulong din ang mga E-books o mga libro na maaaring mabasa gamit ang kahit anong gadget o device. Sa tulong nito, mababawasan ang demand sa papel at mababawasan ang pagpuputol ng puno. Dahil sa teknolohiya, maraming mga bagay noon na mahirap

araw-araw na pamumuhay. Kung babalikan lamang ang taong 2019, batid ng sinuman na lubhang kahirapan ang tinamo ng karamihan, dulot ng sunod sunod na pagpapasara ng mga imprastraktura, malalaking kumpanya, bumagsak ang ekonomiya, isang pangyayaring, ‘di na maaaring maulit muli, o kung hindi ay, tuluyang babagsak ang ekonomiya nitong bansa. Sa muling pagtaas ng kaso sa Pilipinas, inaasahan at patuloy na pinapayuhan ang karamihan, ‘wag munang magrelax, lalo pa’t ‘di pa tapos itong pandemya, sa isang muling pagsipa ng kaso, babalik sa lockdown, babalik sa simula ang lahat, sa tatlong taong kulong, ‘di pa ba ito sapat? ‘Di ka pa ba natuto, Pilipinas?

na sakit sa ating bansa. Kaya’t mahalagang unawain ang mga nangyayari sa ating lugar at mas nakabubuting mag-face mask pa rin sa panahon ngayon, dahil bakunado man lahat, ay maaari’t maaari pa ring makahawa at mahawaan ng COVID-19. Maituturing na napakasimpleng gawain na lamang ang pagsusuot ng face mask ngunit malaking bagay na ito upang makatulong di lang sa sarili kundi sa bansa na mabawasan ang mga kumakalat na sakit. Kaya’t nararapat na sundin ang payo ng gobyerno at paaralan na muling panatilihin ang pagsusuot ng face mask at magingat sa mga mataong pook lalong lalo na sa mga pampublikong lugar.

gawin na ngayon ay "one tap away" na lamang katulad nga ng mga nabanggit na halimbawa.

Talagang PATULOY, sa pagyabong ang teknolohiya ng makabagong panahon, mas dumarami ang gampanin, benepisyo, at mas lalong nagiging epektibo ang AI at hindi lang edukasyon ang natutulungan nito. Kabilang sa mga mabubuting dulot ng AI ang "self-driving cars" na binabago ang industriya ng transportasyon at nagiging dahilan upang mas lalong maging mura ang pamasahe dahil hindi na kasama sa babayaran ang tsuper o drayber ng sinasakyan. Ginagamit din ito sa medisina upang malaman ang medikal na datos ng isang pasyente upang malaman ang mga paraan na maaaring ilapat upang mapabuti ang kalagayan nito.

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia ANG NINGNING BALITA AGHAM
Namie Moore S. Flegueras Pristine Kate L. Dacuag Stephen B. So

Bantang sakit ng tag-init, matinding panganib ang palit?

Ikaw ba ay madalas na naiinitan at nakararanas ng matinding pagkauhaw? Panghihina o ‘di kaya pananakit ng ulo? Marahil ang mga yan ay ilan lamang sa mga indikasyon na maaari kang ma-heat stroke.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, heat stroke ang pinakaseryosong sakit na sanhi ng init at maaaring magdulot ng permanenteng kapansanan o kamatayan kung ang tao ay hindi tumanggap ng agarang panggagamot. Ang heat stroke ay isang malubhang karamdaman kung saan lubhang tumataas ang temperatura ng katawan na hindi napapawi ng pagpapawis dahil sa dehydration. Ayon pa sa pag-aaral, ang heat stroke ay mas malalang kondisyon kumpara sa heat exhaustion. Bagaman kapwa

dulot ng init, ang heat exhaustion ay nagsasanhi lamang ng labis na pagpapawis, pagkahimatay, at labis na pagkapagod, resulta ng mababang blood pressure at blood volume.

Samantalang ang heat stroke naman ay nagdudulot ng higit na mataas na temperatura ng katawan, pamumula ng balat, pagkakaroon ng vertigo na maituturing na medical emergency.

Upang malaman kung ang tao ay nakararanas ng heat stroke, sinasabing ito ay kadalasang hindi na nangangailangan ng mga komplikadong pagsusuri o eksaminasyon para lamang makumpirma. Ito ay madaling natutukoy sa mga kapansin-pansin na sintomas at mga senyales. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang pagkahilo, pananakit ng ulo, pagkabalisa at pagkawala ng malay.

Ang mga sumusunod ay maaring mauwi sa mas malalang kundisyon ng heat stroke: mataas na lagnat,

mainit at nanunuyong balat, mabilis na pagtibok ng puso, kombulsyon, deliryo, at pagkawala ng malay. Marahil ay karaniwan sa atin ay talagang nakararamdam na ng matinding init lalo na’t Abril na naman, kung makararamdam na labis ng umiinit ang katawan at nanghihina o iba pang mga sintomas ng heat stroke, narito ang mga ilang paalala at paunang lunas kung may makaranas nito. Uminom ng maraming tubig, mahalagang manatiling hydrated lalo na kung taginit. Iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape at alak, limitahan ang pagbibilad sa araw, iwasan ang mabibigat na aktibidad kapag mainit ang panahon.

Para naman sa paunang lunas ay mainam na madala agad sa ospital ang sinumang makaranas ng heat stroke o hindi kaya, agad na dalhin sa malamig na lugar ang pasyente. Maaaring sa ilalim ng puno o kung saan may lilim, kung sa bahay

Suplay ng tubig, kapos ayon sa mga eksperto

Kabilang ka ba sa mga taong nawawalan ng tubig gabi-gabi?

At naging madalas na rin ba ang pag-iipon mo ng tubig lalo pa’t minsa’y biglang nawawalan at humihina ang suplay nito?

Ito ay bunsod ng sunod-sunod na pagbaba ng suplay ng tubig sa Lawa ng Laguna ayon sa Maynilad Water Services Incorporation sa kanilang inilabas na pahayag nito lamang Abril 16 na siyang nakaapekto sa maraming bilang ng lugar sa Pilipinas.

Isa pa sa mga dahilan sa kakulangan ng supply sa tubig ay ang climate change o pabago bagong klima na minsang nagdudulot ng kakulangan sa supply at tagtuyot sa ilang lugar. Maging ang pagiging over population ay isa rin sa sanhi ng water shortage dahil sa dami na ng kumukunsumo at patuloy na paglawak ng polusyon sa tubig at sa ating kapaligiran.

Ang tagtuyot ay isang pansamantalang pagbaba ng kakayahang magamit ng tubig dahil halimbawa sa hindi sapat na pag-ulan, at itinuturing na natural na mga phenomena.

Maaaring lumampas ang demand para sa tubig, maaaring hindi sapat ang imprastraktura ng tubig, o maaaring hindi balansehin ng mga institusyon ang mga pangangailangan ng lahat. Ang kakapusan sa tubig ay isang lumalaking problema sa bawat kontinente, kung saan ang mga mahihirap na komunidad ang pinakanaapektuhan.

Dahil madalas na kakaunti ang suplay ng tubig sa daigdig, bilang resulta, ang mga dam ay madalas na isinasara upang mapanatili ang kapasidad. Anim hanggang walong buwan ng taon ay halos tuyo, sa mga buwang ito, nangyayari ang matinding kakulangan ng tubig at umaasa ang mga tao sa mga pinagmumulan ng inuming tubig na maaaring hindi ligtas.

Isa sa mga pwedeng maging bunga nito ay pagkamatay nang mga palay, mais at iba pang pananim dahil sa pagkatuyot at kakulangan sa tubig na dumadaloy sa kanilang mga katawan katulad din sa ating mga tao. Maging ang kakulangan ng access sa ligtas at malinis na inuming tubig, mababawasan ang produksyon ng pagkain, mas mataas na halaga ng mga bilihin tulad ng mga gulay at mga prutas ay pwede ding maging bunga kung hindi agarang masusyolusyunan.

Bunsod nito, naging mahigpit ang pamahalaan sa mga prosesong maaaring makapinsala sa mga anyong tubig lalo na sa mga inuming tubig, patuloy ding ipinagtitibay ng gobyerno ang pagpapalaganap ng kaalaman sa pangangalaga ng mga anyong tubig, gaya na lamang ng lokal na lawa, wetlands at karagatan. # Sa isang ulat noong 2021, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi pantay ang distribusyon ng suplay ng tubig sa bansa dahil sa pagkakaiba-iba ng ulan, bukod pa sa laki at katangian ng bawat isla. Ang magagamit na supply ng tubig ay hindi makayanan ang mabilis na populasyon at paglago ng ekonomiya.

Isang opisyal na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang nagbigay ng katiyakan na walang krisis sa tubig sa 2023 ngunit inamin na hindi makumpirma o maitatanggi ng MWSS ang babala ni dating MWSS chairman Ramon Alikpala na posibleng magkaroon ng krisis sa susunod na taon.

naman, mainam na itapat sa harap ng bentilador o aircon. At kung maaari ay hubaran ng damit na nakasasagabal sa kanyang paghinga para bumaba ang temperatura ng katawan.

Isa ito sa pinangangambahan mga sakit sa panahon ngayong tag-init dahil sa sobrang init ng ating klima sa ating bansa. Marami ang nakakaranas ng init na sumisingaw sa ating katawan mapabata man o matanda. Ngunit wala sa edad ang pagkakaroon ng heat stroke. Kaya’t mahalagang bantayan natin ang ating pamilya lalo na ang mga matatanda dahil sila ang madalas at mabilis tamaan ng heat stroke.

Isa rin sa mahalagang bantayan ay ang mga bata dahil sa ganitong tag-init hindi talaga maiiwasan na tamaan ka ng heat stroke. Kung tamaan ka naman nito at hindi agad naagapan ay maaring humantong sa malubhang sakit sapagkat tataas ang temperatura ng iyong katawan na aabot sa 40 °C. Ito ay maaaring maging

dahilan upang mahimatay sa daan, magkaroon ng lagnat, panunuyo ng balat at mabilis na pagtibok ng puso. Mahalagang proteksyunan natin ang bawat isa sa magiging sanhi ng tag-init. Kaya’t mainam na sa ibang pribadong paaralan ay ipinatupad ang pagkakaroon ng blended learning dahil sa init ng panahon, Isa na rito ang Sta. Lucia High School. Samu’t saring pawis at init ang dinadanas ng mga estudyante sa bawat silid-aralan. Malaking tulong ang pagkakaroon ng blended learning upang makaiwas sa mga sakit na maaring makuha o maranasan ngayong tag-init. Ang heat stroke ay isang seryosong kondisyon na maaaring makaapekto sa paggana ng katawan lalo na sa utak, at kung mapapabayaan ay maaari mamatay. Kung kaya’t mahalagang alagaan at protektahan natin ang ating katawan upang mailigtas natin ang ating sarili sa banta ng mga karamdaman tulad ng heat stroke.

Kuha mula sa: https://newsinfo.inquirer.net/1754455/dict-only-36-79-percent-registered-sims-as-of-april-7

Sim Card Registration: Inobasyon o komplikasyon?

Ilang araw bago ang itinakdang deadline ng National Telecommunication Commission (NTC), nanatiling bagsak at ‘di man lang kumalahati ang bilang ng mga registered sim-card users, tanong ng karamihan, ano nga ba ang mangyayari matapos mong magpa-rehistro?

Sa pagpasok ng Administrasyong Marcos, nauna nang ipinatupad ang Batas Republika Bilang 11934, o mas kilala bilang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act na una nang nakilala sa Administrasyong Duterte, na naglalayong mabawasan ang sunod-sunod na pagkalat ng isyung scam at hacking sa mundo ng online media.

Bakit dati, ‘di naman uso ‘yan? New normal na naman ba ‘to?

Bungad pa lamang ng taong 2023, naging sunod-sunod din ang pagpasok ng mga usaping cybercrime na siyang nag udyok upang muli na namang buksan ang usapIng RA 11934. Sa pahayag na inilabas ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., iisa lamang ang layunin ng batas na ito; ang masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa mobile phishing, frauds, at identity theft na muli nanamang kumakalat online.

Kaugnay dito, naglabas din ng pahayag pang suporta ang Privacy International Organization sa kanilang blog na talagang mas mapadadali ang pagta-track ng pagpapalitan ng mensahe na talaga namang makatutulong upang mapigilan ang mga ilegal na transaksyon online, lalo pa’t kinakailangan ang mga personal na impormasyon sa pagrerehistro ng SIM card.

Bukod pa rito, mas magiging madali rin ang panghuhuli sa mga taong gumagawa ng krimen online, ani mga eksperto. Mahihirapang gumawa ng krimeng tulad ng scam at fraud lalo pa’t hindi na sila maaaring kumilos anonymously o walang pagkakakilanlan. Mahihirapan din silang humakbang lalo pa’t mas mabilis nang ma-detect ang ganitong uri ng krimen sa tulong ng SIM card registration.

Taliwas sa mga sunod-sunod na pahayag ng mga ICT Rights Advocates, anila malaki ang posibilidad na maging ineffective ang naturang batas at naniniwalang ito pa ang siyang magiging daan sa isang malawakang cybercrime widespread.

Kumalat din sa social media ang mga sunod-sunod na posts a t blogs na anila’y nagkaroon ng pagkukulang sa pagbibigay proteksyon ang mga telecommunications sa kani-kanilang cellphone number bunsod ng sunod-sunod na spam messages matapos nilang magparehistro. Malaking palaisipan din sa karamihan kung paano naman ang mga taong walang kakayahan at kaalaman sa pagrerehistro. Isyu rin ang kakulangan sa kahandaan ng mismong telecommunication companies. Matatandaang minsan nang nag-’down’ ang mismong site ng GlobeTelecom, unang linggo palang ng simcard registration matapos aminin mismong telecom na nag-crash ang kanilang site at hindi kinaya ang sunod-sunod at dami ng bilang ng mga registrants.

Talagang maiipit ka nga naman.

Bunsod ng mga sunod-sunod na isyu, iisa lamang ang naging tugon ng pamahalaan. ang muli nanamang pagbibigay ng another 90 days extension, at patuloy na umaaasang darami pa ang bilang ng mga nagparehistro.

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia ANG NINGNING BALITA AGHAM 10
Pristine Kate L. Dacuag Yesha Maicom Bautista Namie Moore S. Flegueras

Obiena, sinibat ang gintong medalya sa Copernicus’ Cup

Sinukbit ng Pinoy pole vaulter na si Ernest John "EJ" Obiena ang ikatlong ginto matapos pagharian muli ang 2023 Orlen Copernicus Cup na naganap sa Torun, Poland, Pebrero 9. Nagpasiklab ang World No. 3 sa taas na 5.87 metro para mapasakamay ang ikatlong ginto ngayong taon.

Naglagak sina Rutger Koppelaar ng Netherlands at Bren Broeders ng Belgium ng 5.82 metro subalit bantay sarado ni Koppelaar ang ikalawang pwesto sa countback habang naupo si Broeders sa ikatlong pwesto.

Tinangkang basagin ni Obiena ang kanyang personal best at Philippine indoor record na 5.91 meters nang dalawang beses subalit nabigo sa 5.92 at 5.95 metro.

Nakamit ni Obiena ang kanyang unang gintong medalya sa Golden Perche En Or sa Roubaix, France at sinundan ng kanyang tagumpay sa Orlen Cup sa Lodz, Poland.

Nakakuha rin si Obiena ng silver medal sa Springer International sa Cottbus, Germany at isang bronze medal sa Mondo Classic na naganap sa Uppsala, Sweden.

"Making it through one day at a time. Now time to recover and try to get the much needed rest. Thank you everyone who has supported me. We still fighting. Maraming salamat po.” pahayag ni Obiena sa kanyang post sa social media.

Lalahok sana si Obiena sa Asian Indoor Championship sa Astana, Kazakhstan subalit nabigong matuloy dahil sa problema sa transportasyon ng kanyang poles na gagamitin para sa

ProduktibongPampalakasan,Larong Huwag Sapawan

Pisikal na lakas ang puhunan kung nais mong maging isang atletang panlaban. Dapat aktibo at may benepisyo sa ating kalusugan dahil iyon ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong isports maliban sa pagiging libangan nito. Ehersisyo ay nararapat upang lumakas ang ating katawan. Kabilang na ang basketball, volleyball, tennis, badminton, maging taekwondo na isa sa mga isports na ehersisyo ring matuturing.

Ngunit sa kasalukuyan, patuloy na lumalago ang teknolohiya na nagresulta sa pagsilang ng Esports. Ang digital sports o online games ay ganap nang isports tulad ng paglalaro ng Mobile Legends, Call of Duty, Crossfire, DOTA at League of Legends. Sa kabila ng pandemyang ating nararanasan, naging kawili-wili itong libangan ng masa lalo na ang mga kabataan. Sa bawat hagod, napapawi ang pagod. Pisikal na paggalaw ang isa sa mga aspekto ng larong pampalakasan na siyang kaibahan sa Esports na tanging maliliksing galamay ang pinaiiral. Sa paanong paraan

Phnom Penh 2023 SEA

Games: Pilipinas, pumanglima sa bitbit na 58 gintong medalya

Sa pagsasara ng ika-32 edisyon ng Southeast Asian Games sa Cambodia, nagtapos ang kampanya ng Team Pilipinas sa ikalimang puwesto matapos itong makapagbulsa ng 58 ginto, 85 pilak, at 117 tansong medalya sa dalawang linggong pakikipagtagisan nito sa mga pinakamahuhusay na atleta ng Timog-Silangang Asya.

magkakatimbang ang pagkilala sa tradisyunal at modernong palarong pampalakasan? Noon pa man, matagal nang naglipana ang mga organisadong kompetisyon sa iba't ibang computer shops sa Pilipinas kung saan nagsimula ang pagiging kilala nito sa marami. Sumibol ito mula 1990s sa ibang bansa at dahil sa impluwensya ay nailaganap na rin ito sa mga Pinoy. Noon ay mababa pa ang premyo, halos walang maayos na sistema, at hindi kailangan ng propesyunal na paghahanda. Basta't maglalaro ka lang at makatatanggap ka na ng premyo kung sakaling ikaw ay mananalo. Malayo na ang narating ng Esports dahil mula sa kawalan ng suporta, sa isang iglap ay kumpol ng tao at mismong software at hardware companies na ang nagoorganisa ng mga tournaments para sa mga manlalaro. Ilang Pinoy na rin ang naging maugong ang pangalan sa mga karangalang inuuwi sa ating bansa. Bren Esports na nagkampeon sa MLBB M2 World Championships at Blacklist International na wagi

laban sa kapwa Pinoy na ONIC Philippines. Sa katatapos lamang na M4 World Championships, naghari ang ONIC laban sa defending champion Blacklist International na nananatiling pambato ng bansa.

Sa paglipas ng panahon, untiunting niyayakap ng mga tao ang hindi maiiwasang pagbabagong nakaaapekto sa ating kinagisnan sa larangan ng palakasan. Hindi dahil marami na ang nakagagawa at malaki ang perang kinikita, kundi dahil sa pag-usbong ng teknolohiya na kailangang sabayan ng madla. Subalit, pantay na atensyon sa pisikal na larong pampalakasan at Esports ang nararapat. Walang lamangan, walang maiiwanan.

Litaw ang determinasyon at galing ng mga Pinoy sa ganitong uri ng pampalakasan. Naging kaakit-akit sa paningin at higit na mas pinahahalagahan ngayon ng marami bilang makabagong uri ng libangan at larong pampalakasan. Ikaw, ano sa tingin mo? Nasasapawan na ba ng makabagong klase ang kinalakihan at tradisyunal na kaalaman ng mga Pilipino pagdating sa larangang ito?

Tuluyang naangkin ng Gilas Pilipinas Boys Basketball Team ang ginto matapos mag-uwi ng pilak noong nakaraang taon. Nanatiling ginto ang kinapa nina Carlos Yulo sa Gymnastics, Ernest John Obiena sa Pole Vault, at Agatha Wong sa larangang Wushu. Kasama rin ang mga olympic boxers na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na parehong kumagat ng ginto. Maging sa Esports, nagpakitang gilas ang Pilipinas nang magwagi ng ginto sa larong League of Legends at Mobile Legends. Karamihan sa gintong nauwi ng Pilipinas ay mula sa larangan ng self defense tulad nina Kaila Napolis, Annie Ramirez, Marc Alexander Lim sa Jujitsu. Angel Gwen Derla, Robin Catalan sa Kun bokator at sina Charlotte Tolentino, Jedah Soriano, Ella Alcoseba, Dexler Bolambao, Trixie Lofranco, at Crisamuel Delfin sa Arnis. Nanguna naman sa Obstacle Course Races (OCR) ang mga atletang sina Jaymark Rodelas na may 25.0921 seconds at Precious Cabuya na may 33.1278 seconds sa parehong larang. Nilagpasan din ni EJ Obiena ang kaniyang Hanoi Games Record na 5.46m matapos mapagtagumpayan ang 5.65m jump. Bumaba ang puwesto ng Pilipinas nang mapunta sa ikalimang puwesto sa kabila ng dami ng nauwing medalya ngayong taon. Kumpara sa 52 ginto at sumatotal 227 medalya na nagpaupo sa ikaapat na puwesto noong nakaraang taon. Nanatiling top 3 ang Vietnam, Thailand, at Indonesia ngunit naungusan ng host country Cambodia na dating top 8 ang Pilipinas. 22 medalya lamang, kung kaya't bumaba ito sa ikalimang puwesto. Inaasahang bubuksan ang ika-33 edisyon ng SEA Games sa taong 2025 sa Nakhon Ratchasima Province, Thailand.

Agos ng Pangarap, Haplos ng Pagsisikap

buto't kalamnang naghihiyawan sa sakit ng pagkabaluktot. Hapong-hapo at kita sa mga luhang pinipigilang tumulo.

Palad na uhaw sa panalo, paang namumulikat sa pag-eensayo. Liksi ng mata ay hindi dapat mawala dahil sa isang iglap ay maaaring masipa. "Oh, kailan titigil sa larangang ito, ramdam na ang pagod hanggang sa mga ugat ko." Kailan matitikman ang tamis ng pagpapagal? Pangako sa sarili sana'y huwag mapigtal. Pag-akyat sa entablado, pagtanggap ng medalya't tropeo ay simbolo ng husay at galing ng manlalaro. Hanggang saan mo kayang abutin ang iyong mithiin? Kahit ba pagkatalo'y... iyong susuungin?

Tagaktak ang pawis, hakab ang makapal na telang dala ay init, habang sakal ang baywang ng sinturong sumisimbulo sa ranggong nakamit. Tila kabayo kung sumipa tanging hangad ay nagkikinangang gintong medalya. Hindi biro ang sumalag ng sipa't suntok, pagbanat ng mga

Mula elementarya, sumasabak na sa sipaan ang "taekwondo pride" ng Paaralang Sekundaryang Sta. Lucia, Carl DanielleJuanta. Tangan ang sikap, sumusukbit ng karangalan para sa kaniyang paaralan. Small but terrible! Sa tangkad na " 5'4 ", pinatitiklop ni Juanta ang kaniyang mga kakompetensya sa nasabing larangan.

"Simula noong sumali ako sa Taekwondo, nagustuhan ko na siya." Tila 'love at first sight' ang nadama ni Juanta sa karerang

pinasok niya. Dagdag pa nito, "Kahit anong mangyari, hindi ko iiwan ang laro". Pangakong walang kasiguraduhan kung mabubuwag ng isang pagkatalo. Kamakailan, nag-uwi ng gintong medalya si Juanta sa Division Dual Meet dahilan upang umabante sa pandibisyong paligsahan laban sa mga pribadong paaralan. Matagumpay niyang hinablot ang ikalawang ginto nang magwagi via default sa Division Meet at muling aarangkada sa panrehiyong laban. Pasan ang sikmurang gutom sa panalo, umalpas si Juanta sa abot ng kaniyang makakaya upang mag-uwi ng gintong medalya.

Sa kabila ng kaniyang pagkapanalo at pagpasok sa Larong Panrehiyon, dismayado si Juanta dahil wala siyang nagawa upang manalo, matapos ang diskuwalipikasyong natamo ng kaniyang kalaban dahil sa kawalan ng coach nito. "Medyo disappointed kasi makakapasok ako sa NCR Meet nang hindi talaga lumaban.". Dahil dito determinado si Juanta na muling kumapa ng ginto sa pagtungtong nito sa panrehiyong laban. Lalo na't target nitong mapasama sa Larong Pambansa.

Inaalagaan at pinahahalagahan ni Juanta ang kaniyang kalusugan, pisikal man o mental upang makondisyon at ipagpatuloy ang magandang hangarin sa laro. "Time management lang,

sa pagkain at sa pagpapahinga.", hindi alintana ang kakulangan sa oras, determinado pa rin at masikap na nag-eensayo sa abot ng kaniyang makakaya.

Nitong ika-27 ng Abril, sa kabiguan humantong ang lubos na pagsisikap at paghihirap ni Juanta. Aniya, "Nasayang ko yung chance na makapasok sa Palarong Pambasa pero thankful pa rin ako dahil nakapasok ako sa NCR at nagkaroon pa ako ng pagkakataong makalaro ang Taekwondo Olympic Team ng Pilipinas." Sa kabilang banda, nakuha niya ang suporta at tiwala ng buong paaralan mula sa punongguro Gng. Marissa F. Duka, taekwondo coordinators G. John Mark Malamig at Gng Gem Gordo, kasama ang kanilang coach na si G. Matthew Moncada, mga guro, kaniyang kamag-aral at matatalik na kaibigan.

Nanatiling buo ang kaniyang pagmamahal at patuloy na paghahangad ng mabuti para sa kaniyang kinabukasan sa larangan. Umaasa siyang makapasok sa malalalaking paaralan na sinusuportahan din ang taekwondo tulad ng FEU, San Beda, at Ateneo. Tiyaga't pagsisikap ang puhunan upang kumandado ng panalo. Sa kabila ng kaniyang mga hamong kinaharap ay patuloy siyang bumangon sa ngalan ng inaasamasam na tagumpay.

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia ANG NINGNING BALITA ISPORTS 11
Dribble, spike, kick! Walang lamangan, walang maiiwanan. Iginuhit ni: Raphael Mathew P. Vallez
Mark John N. Leop Brix R. de Leon
KAMAO NG KAMPEONATO. Nasungkit ni Carl Danielle Juanta ang gintong medalya sa nagtapos na Division Dual
"Junbi (ready), shijak (start)!"
Brix R. de Leon Kuha ni: Camille Marianne S. Nicolas Brix R. de Leon Kuha mula sa: Google

Opisyal na pahayagan sa FilipinO ng paaralang sekundarya ng sta. lucia

ANG NINGNING

ISPORTS

TIYAGA AT DETERMINASYON.

Mga estudyanteng atleta mula sa PSSL na nagpakitang gilas at nagwagi sa Division Sports Meet for Public High Schools sa Batasan Hills National High School.

SLHS Taekwondo Team, umalagwa sa Division Dual Meet

Hakot kung hakot!

Dumagundong ang Batasan Hills

National High School sa nagtapos na Quezon City Division Dual Meet, Marso 5, 2023.

Hindi umuwing luhaan ang Sta. Lucia High School Taekwondo Team nang magbulsa ng tatlong medalya sa sparring (Kyorugi) at apat sa Poomsae sa tulong ng kanilang Coach, G. Matthew Moncada at taekwondo coordinators, G. John Mark Malamig at Gng. Gem Gordo."Training talaga ang kailangan. Good thing, consistent training ng mga athletes natin.

Ang

advice ko lang sa kanila, gawin lang ang best nila at i-enjoy ang experience kase yun naman talaga ang mahalaga." ani Taekwondo Coordinator, John Mark Malamig.

Hindi nagpaawat ang nakapupuwing na galing ni Carl Daniel Juanta nang magsukbit ng gintong medalya sa Boys Sparring at tanso naman kay Prince Jerrol Valdemar na parehong mula sa baitang sampu.

Kumapa rin ng pilak sina Cristal Mercado, Jayanne Chloe Labado at Daphnelei Ong sa Team Poomsae (Girls)

Category at si Nathalie Faith Dela Cruz ng 9-Dama De Noche sa Girls Sparring.

Tuluyang nadomina nina Hanz Louise Delos Santos at Cristal Mercado ang Mixed-pair Poomsae at nag-uwi ng tansong medalya.

Sa kabila ng tumpok na medalyang nauwi, tanging si Carl Daniel Juanta ang umabante sa Division Meet laban sa mga Pribadong Paaralan kung saan siya muling kumagat ng ginto, dahilan upang humakbang sa NCR Meet. "Masaya at proud na proud ako sa kanila dahil naitaas nila ang Sta. Lucia High School sa larangan ng

Taekwondo sa dibisyon ng QC. Okay lang kahit isa lang ang gintong naiuwi, bonus na lang ang medalya. Tulad ng sabi ko kanina, ang experience nila ang mahalaga ang learnings and lessons na magagamit nila sa mga susunod pa nilang kompetisyon.", ani G. Malamig.

Bigo sa NCR Meet si Juanta, ngunit hindi niya binigyan ng magaang laban ang kaniyang ka-kompetensya at lubos ang pagmamalaki ng Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia dahil siya ang kauna-unahang taekwondo player mula sa paaralan na nakayapak sa Regional level.

Nesthy Petecio, bigo sa IBA Women’s World Boxing Championships

abiguan ang sumalubong sa koponan ng Pilipinas matapos malipol ng Venezuelan boxer ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio sa ikalawang round sa New Delhi India, March 21. Napasakamay ni Omailyn Alcala ng Venezuela ang panalo matapos magpalanding ng sunod-sunod na suntok sa second round 3-4.

Nasabi ni Petecio na lumaban siya sa kabila ng kaniyang buwanang dalaw. “Ngayon lang ako nakapaglaro na okay ang kilos at galaw na may menstruation talaga sa mismong laban.” aniya.

Bagaman may iniinda, hindi binigyan ng madaling laban ni Petecio ang karibal na si Alcala. Agresibong sinimulan ni Petecio

ang unang round nang magpakawala ng mga suntok upang magapi ang karibal. Ngunit bumawi si Alcala sa ikalawang round upang tuluyang maiuwi ang panalo.

“I lost my second fight today against Venezuela. Hindi ko alam, basta manood na lang kayo ng video ng laban. So proud of myself! Slowly getting better and better! Para sa akin, another achievement ‘to!” ani Petecio sa kaniyang Facebook post.

Bago ang kaniyang pagkabigo, ipinamalas ni Petecio ang kanyang galing upang maiuwi ang silver medal sa 2020 Tokyo laban kay Tianna Guy ng Caribbean.

Kasabay ng kanyang pagkabigo ay nanatiling last Filipina standing si Petecio sa IBA World Boxing Tournament bago tuluyang mabuwag ni Alcala ang Filipina.

Sundan
11
Obiena, sinibat ang gintong
sa Pahina
Kuha
Jesie Roman T. Llesis Jewel R. Denosta
mula sa: Google.com
Kuha ni: Camille Marianne S. Nicolas

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.