SJNHS_Ang Medalyon

Page 1


Humakot ng 26 gintong medalya ang San Jose National High School (SJNHS) sa 2024 Division SNEd (Special Needs Education) Sports and Talent Day na ginanap noong ika25 hanggang ika-26 ng Setyembre sa Sablayan, Occidental Mindoro na lalong nagpatibay ng kanilang reputasyon bilang isa sa mga pinakamahusay sa buong dibisyon.

Nagtala ang SJNHS ng kahangahangang tagumpay sa larangan ng talento at palakasan, kabilang dito ang mga panalo sa solo at grupong pag-awit, pagsayaw, at mga malikhaing kompetisyon tulad ng FSL (Filipino Sign Language) Storytelling, Poem Recital, at Poster Making Contest.

Ipinakita rin ng mga magaaral ang kanilang lakas sa mga paligsahan, na pinangunahan ni John Mark Coloma sa Athletic Blind category, habang nagwagi si Jane Janice Sagnip ng unang puwesto at si Kaycee Bernardino ng ikatlong puwesto sa Athletic Girls. Samantala, si Edsel Vito ay nagkamit ng ikatlong puwesto sa Athletic Boys.

Nakamit din nila ang ikalawang puwesto sa Group Cooking Contest, gayundin sa Bocce na nilahukan ni Prince Arnold Gabao.

Ayon kay G. Arnel Makiling, isa sa mga tagapagsanay, ang tagumpay na ito ay dahil sa likas na talento ng mga mag-aaral na lalong hinasa sa pamamagitan ng masusing pagsasanay.

“Number one na roon, may talento na talaga ang mga LWD. Kumbaga, ang mga LWD ay mayroon nang innate knowledge or talents. Dahil sa mga pagtuturo at mga training, lalo pa itong naenhance,” aniya.

Dagdag pa ni G. Makiling, ang dedikasyon ng mga tagapagsanay at pagpupursige ng mga magaaral ang naging susi sa kanilang tagumpay.

“Kung i-enjoy mo lang ‘yong company nila sa halip na isiping mahirap, ay hindi mo mararamdaman ang hirap. Pero kung ‘yung ibang tao na walang dedication, siguro sasabihing mahirap, syempre may mga special [needs] ‘yan eh,” dagdag pa niya.

Binanggit rin niya na ang kanilang tagumpay ay bunga ng kanilang tiyaga at pagsasanay bago pa ang kompetisyon.

“Syempre, bago pumunta, maraming mga trainer ang tumulong at kahit papaano ay nag-prepare din talaga sila [LWDs]. Syempre, number one na roon, may talento na talaga ang mga LWD,” saad niya.

Sa kabilang banda, ayon kay G. Makiling, 66 na mga LWD (Learners with Disabilities), kasama ang malalabo ang mata, ang nakatala sa paaralan para sa taong panuruan 2024-2025.

Bilang ng mga Learners with Disabilities (LWD) na nakatala sa San Jose National High School para sa panuruang taon 2024-2025.

LIHIM SA DILIM angmedalyon

“Nakababahala ang ganitong dami ng bilang. Ang 60% ay napakalaking bahagi ng populasyon ng aming mga mag-aaral, at malinaw nitong ipinapakita na marami sa kanila ang nangangailangan ng tulong sa kanilang mental at emosyonal na kalusugan,” ani Gng. Aida Corpus, Guidance Counselor I ng SJNHS. Batay sa datos na nakalap mula sa pagtataya, 480 mag-aaral mula sa 800 na sumagot sa pagtataya ang napag-alamang nakararanas ng isyu sa mental at emosyonal na kalusugan. Kaugnay nito, mahigit 170 mag-aaral mula ikapito hanggang ikalabindalawang baitang ang nagpahayag ng seryosong pag-iisip na wakasan ang kanilang buhay na nagpapahiwatig ng patuloy na paglala ng krisis sa mental health ng kabataan.

PAGTATAYA TUNGO SA PAGBABAGO

Kabuuang bilang ng mga medalyang naiuwi ng San Jose National High School sa ginanap na Division SNEd Sports and Talent Day.

Dagdag pa niya, layunin ng HEEADSSS na makapagbigay ng nararapat na interbensyon upang masolusyunan ang mga matutukoy na isyu sa pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng mga mag-aaral.

Ang layunin ng Self -Administered Rapid HEEADSSS sa mga estudyante ay upang maibigay ang isang mabisang paraan para ma-assess ang kalusugan ng mga kabataan.

CORPUZ

Samantala, ayon kay Gng. Corpus, isinagawa ang HEEADSSS assessment sa paaralan noong Disyembre, ang kauna-unahang pagtataya ng

“Layunin ng Self-Administered Rapid HEEADSSS na magbigay ng isang mabisang paraan para malaman ang kalusugan ng mga kabataan, lalo na sa mga aspeto ng kanilang mental at emosyonal na kalusugan, tulad na nga ng mga regular monitoring sa mga bata,” paliwanag niya. Nakaangkla ang isinagawang pagtataya batay sa Republic Act No. 11036 o ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act, na naglalayong maglunsad ng mga programa at serbisyo para sa pagpapabuti mental health ng kabataan.

TUGON SA NAKAKUBLING MGA HAMON

Bilang tugon sa mga natukoy na hamon sa mental health ng mga mag-aaral, maglulunsad ang SJNHS ng ilang mga programa na layong suportahan ang emosyonal at mental na

NOELLA VILLARIN
nasa loob
pahina

BALITA

Ilan sa mga planong interbensiyon ng paaralan ay ang regular na counseling sessions, psychosocial support activities, at peer group discussions upang mabigyan sila ng pagkakataon para maipahayag ang kanilang nararamdaman.

Binigyang-diin rin ni Gng. Corpus na mahalagang bigyangprayoridad ang kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral.

“Plano naming magsagawa ng mas maraming aktibidad tulad ng mental health awareness seminars, training para sa guro tungkol sa counseling, at regular na monitoring gamit ang mga screening tools gaya ng Rapid HEEADSSS,” aniya.

Naniniwala naman ang paaralan na ang mga hakbang na ito ay makatutulong upang agarang matugunan ang mga suliranin tungkol sa pisikal, emosyonal at mental na kalagayan ng mga mag-aaral. Samantala, target ng SJNHS na maipatupad ang mas sistematikong plano sa susunod na

taong panuruan 2025-2026.

“Ipinapakita ng bilang na ang SJNHS ay hindi naiiba sa iba pang paaralan pagdating sa mga hamon sa mental health ng kabataan, ngunit malinaw rin na bukas kami sa pagtugon dito at handa kaming magbigay ng mga kinakailangang suporta,” aniya. Dagdag pa rito, hinihikayat ni Gng. Corpus ang lahat ng mga mag-aaral na huwag matakot maglahad ng kanilang nararamdaman at humingi ng tulong kung kinakailangan.

“Ang pagkakaroon ng lakas ng loob na humingi ng tulong ay isang hakbang tungo sa mas mahusay na kalusugan at mas maliwanag na hinaharap,” wika ni Gng. Corpus. Sa kabilang banda, patuloy ang SJNHS sa pagpapaunlad ng kamalayan sa mental health at sa pagpapabuti ng pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan ng mga mag-aaral.

Kauna-unahang traffic lights sa lalawigan, itinayo sa San Jose

Itinayo noong ika-12 ng Oktubre, 2024 sa San Jose, Occidental Mindoro ang kauna-unahang traffic lights sa buong lalawigan na matatagpuan sa interseksyon ng F.Y. Manalo Avenue at Rizal Street na nakatulong upang masolusyunan ang suliranin sa trapiko at mapababa ang bilang ng mga aksidente sa kalsada.

Ayon sa datos ng Local Government Unit (LGU) ng San Jose, mahigit 50,000 na residente at 2,000 na mostorista ang natulungan ng nasabing proyekto.

Sa ulat ng Municipal Planning and Development Office, nakapagtala ng 30 bahagdan (30%) na pagbaba sa mga aksidente sa kalsada sa unang buwan ng operasyon nito.

Anibersayo ng Mindoro landing, ipinagdiwang

BRIAN MANGAMPO

Isinagawa ang makasaysayang programa na handog ng Local Government Unit ng San Jose (LGU) ang ika-80 anibersaryo ng Mindoro Landing at Liberation Day bilang pag-alala sa makabuluhang kwento at kasaysayan ng San Jose Occidental Mindoro sa Second Landing Marker, Aroma Beach, Barangay San Roque nitong ika-15 ng Disyembre 2024. Sa pagsisimula ng programa, nagsagawa ng simbolikong pagdaong sa baybayin ng Aroma Beach na sinariwa ang landing ng Allied Forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinundan ito ng pag-aalay ng bulaklak sa Second Landing Marker bilang pagpupugay sa alaala,

kabayanihan, at sakripisyo ng mga sundalong Amerikano at Filipino na nagpalaya sa bayan ng San Jose mula sa pananakop ng mga Hapones. Ayon kay Bernard Supetran ng Republica Filipina Reenactment Group, layon ng programa na ito ay mabalik ang mga alaala ng mga Mindoreños kung saan nga ba sila nagmula.

“Our duty is to remember. Pero paano natin mare-remember kung hindi natin alam, ‘no. So, magsisimula tayo sa pananaliksik, pagre-research, pagbabasa ng mga existing records. Ano ba ang nangyari noon?,” ani Supetran. Dagdag pa niya, dahil sa nakasanayan na ng tao ang panonood sa mga bagay, isinagawa nila ang pagsasadula upang

Bukod pa rito, batay sa datos ng lokal na pamahalaan, 30 bahagdan (30%) ng aksidente sa San Jose ang nagaganap sa mga interseksyon. Kaugnay nito, inaasahang mababawasan pa ng 40 bahagdan (40%) ang mga insidenteng ito sa tulong ng bagong traffic lights, batay sa pag-aaral ng ilang mga eksperto mula sa ibang lugar na nagsagawa ng parehong proyekto.

Dagdag rito, napabilis din ng hanggang 25 bahagdan (25%) ang biyahe ng mga commuter, ayon sa LGU. Ang mas maayos na daloy ng trapiko ay inaasahang magpapalakas sa lokal na turismo ng bayan, na maaaring tumaas ng 15 hanggang 20 bahagdan (1520%).

muli nating masilayan at maisaisip ang mga pangyayari sa kasaysayan.

“Iyong kasaysayan, tapos na ‘yun eh, pero hindi ibig sabihing tapos na, wala na siyang kwenta, wala na siyang saysay,” ani Supetran.

Nagpahayag naman ng papuri si Alyssa Limos, mag-aaral sa San Jose National High School, sa isinagawang programa.

“Maganda po ang programang ito, nagkakaroon at nag-gain kami ng knowledge lalo na bilang mag-aaral ukol sa kasaysayang ito,” ani Limos.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Rey C. Ladaga sa mga dumalo at nanood sa Aroma Beach upang masilayan ang ginanap na programa.

Nakilakad

ang mahigit-kumulang 370 kalahok ng iba’t ibang sektor at ahensya ng pamahalaan ng San Jose nitong ika-13 ng Oktubre sa Alay Lakad 2024, na naglalayong magkaisa sa pagsuporta upang makalikom ng pondo para sa edukasyon ng mga taga-San Jose.

Nagsimula ang aktibidad sa Occidental Mindoro Sports Complex kung saan nagtipon ang mga kalahok bago ang parada patungo sa San Jose Town Plaza.

Nakilahok naman ang mga mag-aaral, kaguruan, at kawani ng San Jose National High School (SJNHS) na siya namang pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG).

Naipakita nila ang pagtulong sa mga kabataang nangangailangan ng pinansyal na suporta sa pamamagitan ng “Walk for a Cause” na inorganisa ng Local Government Unit (LGU) ng San Jose.

Ibinagi naman ni Dane Alvaro, ika-10 baitang mula sa San Jose National High School (SJNHS), pangkat Amethyst ang kaniyang pakiramdam matapos dumalo sa Alay Lakad 2024.

“Masaya ang aking naging pakiramdam matapos makiisa sa Alay Lakad sapagkat nakatulong ako para sa mga nangangailangan,” pahayag ni Alvaro.

Kasing-init naman ng panahon ang

pagtanggap ng LGU San Jose sa mga nakilahok na hindi alintana ang sikat ng araw para lamang makiisa sa nasabing programa. Bukod rito, isa sa pinakatampok na bahagi ng programa ang Mr. and Ms. Alay Lakad 2024 kung saan kinatawanan ng SJNHS sina Hanz Cunanan at Shahannah Lopez. Nasungkit ni Lopez ang ikalawang pwesto para sa Ms. Alay Lakad, samantalang bigo naman ang kaniyang kapareha na si Cunanan. Nakuha rin ng SJNHS Drum and Lyre Band ang ikalawang pwesto para sa Standout School Marching Band at sila ay nakapag-uwi ng halagang P2,000.00.

Umabot naman sa halagang P2,138,348.00 ang nalikom na koleksyon mula sa Alay Lakad na mapupunta bilang donasyon para sa mga iskolar ng Alay Lakad.

Taos pusong pasasalamat naman ang hatid ni Hon. Rey C. Ladaga, punong-bayan ng San Jose sa lahat ng nagbigay ng donasyon, at naglaan ng oras para suportahan ang edukasyon ng mga kabataan na matibay ang hangaring makapagtapos ng pag-aaral.

“Bilang punong-bayan ng San Jose, ako po ay malugod na nagpapasalamat sa mga taong [mayroong] mababait na puso at [mayroong] mapagmahal na puso, sapagkat kung wala kayo, wala rin pong silbi ang programa ng Alay Lakad,” ani Mayor Ladaga.

SJNHS, kaisa sa ‘Bakuna-Eskwela’ ng DOH, DepEd

Nakiisa

ang San Jose National High School (SJNHS) sa muling pagsasagawa ng SchoolBased Immunization (SBI) program o ang Bakuna Eskwela na inilunsad ng Department of Health (DOH) katuwang ang Department of Education (DepEd) na naglalayong magbigay proteksyon sa mga magaaral laban sa mga vaccinepreventable diseases tulad ng Tigdas, Rubella, Tetanus, Diphtheria (MR, Td), at Human Papilloma Virus (HPV).

Pormal na inilunsad ang programa noong Oktubre 7, 2024, sa Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Maynila, sa pangunguna nina

Health Secretary Teodoro Herbosa at Education Secretary Sonny Angara. Pahayag ni Sec. Herbosa, sa muling pagbabalik ng mga face-to-face classes, mas magiging madali ang pagtunton sa mga magaaral na walang bakuna, na mahalaga ang para sa kanilang kalusugan. Kabilang sa mga bakunang ito ay ang bakuna para sa Tigdas, Rubella, Diphtheria, Tetanus at HPV na ibinibigay sa ikauna at grade ikapitong baitang, habang ang bakuna kontra HPV ay ibinibigay sa mga babaeng nasa ikaapat na baitang.

“Para ma-catch ‘yung zero dose, kasi if they get

to DepEd school na hindi man lang sila nabakunahan, at least mayro’n akong mga children na mababakunahan especially for measles,” paliwanag ni Herbosa. Bukod pa rito, nilinaw ni Herbosa na hindi mandatory ang nasabing programa, sa halip ay nangangailangan pa rin ng pahintulot ng mga magulang.

“Ang usual process namin, kapag may nagrefuse na parent, iyong health workers na namin ang pumupunta at ini-interview o tinatanong bakit ayaw magpabakuna, and then we try to convince them, baka maling information,” dagdag niya.

SJNHS, tumindig bilang Overall 1st Runner-Up sa ABM Summit 2024

Nagkamit ng Overall 1st Runner-Up ang

San Jose National High School (SJNHS) sa ABM Summit 2024 na ginanap noong ikawalo ng Nobyembre sa Divine Word College of San Jose, na nagpakita ng kanilang kahusayan sa larangan ng Accounting, Business, and Management (ABM).

“Isa sa aming pundasyon upang manalo ay ang pagtitiwala sa isa’t isa bilang isang koponan gayundin sa iyong sarili at higit sa lahat sa ating panginoon dahil walang impossible kay God,” saad ni Rexel Delos Santos, isa sa mga kalahok. Nanguna ang SJNHS sa aktibidad na “A Quest for the Lost Loot” matapos magwagi ang kanilang koponan na sina Rexel Delos Santos, Christian Jay Joves, Karloh Christopher Davas, John Zenric Olaya, Gaina Sicnao, at Jen Virginia Isit bilang kampeon. Nagpakitang-gilas din ang grupo nina Raiza Marie Las Piñas at Mark Christian

Gimeno sa Poster Making matapos silang magkamit ng ikalawang puwesto sa naturang kategorya. Nag-uwi naman ng ikatlong puwesto sa Junior Philippine Institute of Accountancy (JPIA) Quiz Bowl ang koponan nina Ayeesa Kaye Jumapit, Kyla Rose Tibang, at Airon Vispo. Samantala, nagpakitang-gilas naman sa General Knowledge ang grupo nina Cyril De Mesa, Liz Clare Acuzar, at Rommelyn Jongco, na nakasungkit ng ikapitong pwesto. Pinatunayan ni Ayeesa Kaye Jumapit ang kaniyang husay sa Accounting, Business, and Management matapos niyang makuha ang Top 3 Lead Scorer sa Quiz Bowl at Top 1 Lead Scorer sa ABM Pre-Elimination. Sa huli, ang tagumpay ng SJNHS ay naisakatuparan sa tulong ng kanilang coach na si Gng. Herminigilda G. Cabado, ABM Grade 12 Coordinator, na gumabay sa kanila sa buong kompetisyon.

Enero - Pebrero 2024
NOELLA VILLARIN
MHYLZ ACOSTA

Anti-terrorism Awareness, pinaigting sa SJNHS

Nagdaos ang San Jose National High School (SJNHS) noong Oktubre 1, 2024, ng Campus Peace and Development Forum kasama ang Philippine Air Force at Philippine Army bilang bahagi ng kanilang adhikain para sa seguridad at kapayapaan ng kanilang mga mag-aaral.

“Bilang isang estudyante, napagtanto kong mahalagang hindi pagsapi sa mga grupong may ugnayan sa rebelyon gaya ng NPA,” wika ni Michelle Gabani, baitang 12, dumalo sa oryentasyon.

Naniniwala si Gabani na ang mga programang ito ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan patungkol sa mga negatibong epekto ng terorismo, kahalagahan sa kamalayan patungkol sa mga isyung panlipunan at ang papel ng kabataan sa pagpapakalat ng kaalaman laban sa terorismo upang masiguro ang kapayapaan sa komunidad.

Nagpahayag naman si Ryan Cruz, baitang 12, ng kaniyang pasasalamat sa inisyatibo

ng paaralan dahil sa malaking ambag nito sa pagpapalawak ng kamalayan ng mga mag-aaral laban sa mga banta ng terorismo.

“Wala talagang magandang maidudulot ang karahasan, kahit na sa pagtatanggol ng sariling paniniwala,” ani Cruz.

Dagdag pa rito, ayon kay Saint Ariola, makatutulong ang oryentasyon na ito upang maging handa ang mga magaaral kung sakaling maka-engkwentro sila ng mga mapanganib na sitwasyong konektado sa terorismo.

“Mabuti at may mga programang isinasagawa sa paaralan na tungkol sa mga ganitong isyu, [upang] paalalahanan ang mga mag-aaral at malaman nila kung ano nga ba ‘yung mga dapat gawin kung sakaling mangyari sa kanila ang mga bagay na ‘yun,” paliwanag ni Ariola.

TEKNOLOHIYA LABAN SA TERORISMO

na binigyang-diin ang mga panganib ng Cyber Terrorism at ang maling paggamit ng Internet.

Ayon sa kinatawan ng Philippine Army, ginagamit ng mga teroristang grupo ang social media bilang paraan upang makapag-recruit ng kabataan at magpakalat ng maling impormasyon.

Affirmative Side, nangibabaw sa unang STEM’s Square Off ng SJNHS

Nanaig ang Affirmative Side, grupo nina Aliya Salomon, Ninz Estonilo, at Michelle Gabani, sa kauna-unahang STEM’s Square Off ng San Jose National High School (SJNHS) bilang isa sa mga patimpalak para sa Science Week noong ika-30 ng Oktubre 2024.

“Natutulungan nito ang mga estudyanteng kagaya namin na maging mahusay sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaalaman, na mahalaga sa mga presentasyon at group projects. Maliban dito, nakakapagpataas ito ng kumpiyansa sa sarili,” ani Gabani. Ayon naman kay Salomon, lider ng grupo, mahigpit na paghahanda ang naging susi ng kanilang grupo upang manalo sa talakayan patungkol sa Manila Bay Reclamation.

“Upang mapaghandaan ang aming debate, kumuha kami ng lahat ng datos na may kinalaman sa positibong epekto nito at nag-usap kung paano epektibong sasagot sa argumento ng kalaban,” ani Salomon.

Itinanghal naman bilang Best Defender at Best Speaker si Ninz Estonilo matapos ipamalas ang kaniyang husay sa pagsagot sa mga tanong ng kalaban.

“Hindi kami nagpadala sa kaba, sa halip, nagisip kami nang mabuti at nagtulungan bilang isang koponan, lalo na kapag may nahihirapan sa mga tanong,” ani Estonilo, na nagbahagi rin ng kahalagahan ng pagkakaisa sa kanilang pagkapanalo. Bukod sa STEM’s Square Off, kasama rin sa patimpalak para sa Science Week ang Science Expo Project Exhibit, Essay Writing Competition, Research Congress, Impromptu Speech Competition, PosterMaking Contest, Genius Olympics/Science Quiz Bee at Scilympics.

Tinalakay sa porum ang papel ng teknolohiya sa paglaban sa terorismo,

agkaroon ng pagkakataon ang 40 lokal na manggagawa ng Occidental Mindoro upang maipromote ang kanilang mga produkto sa ginanap na One Oksi Trade and Tourism Expo 2024 sa bayan ng San Jose sa pangunguna ng One Mindoro Marketing Association (OMMA) na pinamumunuan ni G. Ernan Declito noong ika-17 ng Disyembre. Labis ang pasasalamat ni G. Declito sa naging matagumpay na pagbubukas ng kauna-unahang Expo ng kanilang samahan.

“So far naman po sobrang supportive po ni Ms. Ann, ganun din po si Mayor na excited kahapon, kaya parang naoverwhelm kami. Hindi po namin ini-expect na bongga ‘yung opening, kaya, pinaghandaan po talaga namin ‘to para by next, may improvement,” saad

Kaya’t pinayuhan ang mga mag-aaral na mag-ingat sa pakikipag-usap sa mga hindi nila kilala online at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kanilang kaligtasan. “Ang pagiging alerto sa internet ay kasinghalaga ng pagiging mapagmatyag sa totoong buhay,” ani ng isang opisyal mula sa P. Higit pa rito, ipinaliwanag ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng ‘Cyber Hygiene,’ tulad ng pag-iwas sa mga mapanlinlang na link, paggamit ng matitibay na password, at pagiingat sa pagbabahagi ng personal na impormasyon upang makaiwas sa hacking at iba pang uri ng cyber-attacks.

Sa kabuuan, humigit-kumulang 150 estudyante ang nakatanggap ng parangal sa mga nasabing patimpalak para sa Linggo ng Siyensiya.

ni Declito.

Ayon sa kaniya, nagmula sa mga bayan ng San Jose, Magsaysay, Calintaan, Sablayan, Sta. Cruz at Mamburao ang nasabing 40 na manggagawa kung saan pinakamarami ang nagmula sa bayan ng San Jose.

“Tayo [San Jose] po ang may pinakamaraming exhibitors, almost 40 then 22 po ‘yung nasa San Jose. Ang ginagawa po kasi talaga namin ay pinupuntahan po namin kada barangay,” ani Declito.

Naisakatuparan ang programa sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) at lokal na pamahalaan ng San Jose sa pamamagitan ng Municipal Tourism and Community Development Office (MTCDO).

“Kaya po host ang San Jose, plan po namin ito na ilakbay per municipality. Tayo po ang nag-host ngayon in collaboration with DTI and LGU through Tourism Office,

kay Ms. Roxanne po,” ika niya. Dagdag pa niya, naitatag ang kanilang samahan sapagkat walang lakas ng loob ang mga lokal na manggagawa na lumapit sa mga ahensya ng gobyerno upang humingi ng tulong sa pag-promote ng kanilang mga produkto.

“Wala po silang idea kung paano i-promote ang products nila, through OMMA kami po ang lumalapit sa LGU at government agencies… [malaman nila] na pwede silang lumapit sa ganitong agencies para matulungan sila, halimbawa po, Department of Trade and Industries,” ano Declito.

Sa kabilang banda, ang kanilang samahan ang nagiging tulay ng mga manggagawa at mga ahensya sa pagpapaunlad at pagbebenta ng kanilang mga produkto.

“Ini-invite po namin lahat ng government agencies na makatutulong sa kanila. Everyday po meron kaming

seminars and on-the-spot na pwede silang mag-fill-up kung anong pwedeng maibibigay na tulong, like si DOLE, si DOLE po nagbibigay ng machine, ng mga gamit,” paliwanag niya.

Ang mga bulaklak na inspirasyon ng MAGDIWANG Parol ay mga simbolo na nakaukit sa ating mga barya. Ang katmon sa ating twenty-five centavo coin, waling waling na nakalagay sa piso, tayabak sa limang piso, kapa kapa sa sampung piso at nilad na nakaukit sa dalawampung piso at mga bunga ng fish tail na nagpapatunay kung gaano kayaman ang ating mga kagubatan.

Parol ng SJNHS, tampok sa Malacañang Palace

Nagningning

ang San Jose National High School (SJNHS) matapos ang kanilang tagumpay sa 2024 Division Parol Making Competition, kung saan ang kanilang parol ay itinanghal na kampeon at isa sa mga ipinadala sa Malacañang Palace. Bumuo ng isang makulay at makasaysayang parol ang grupo ng mga mag-aaral mula sa SJNHS, na pinangunahan nina Danielle D. Navarrete, Anika A. Liaban, James P. Vilmar, at Melvin A. Reyes. “Una po nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil nanalo po kami, sobrang saya po ang aking naramdaman, at hindi makapaniwala lalo’t higit po nang nalaman namin na isa po yung parol namin sa dadalhin sa Malacañang Palace. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa akin ang kagalakan,” wika ni Navarrete. Gayunpaman, ang tagumpay na ito ay kanilang nakamit sa kabila ng limitadong panahong inilalaan para sa paghahanda, na tumagal lamang ng mahigit dalawang linggo.

Ayon sa kanilang coach na si G. Reggine C. Fajardo, nakamit nila ang tagumpay sa kabila ng mga pagsubok tulad ng kakulangan sa pondo at maikling panahon ng paghahanda sa tulong ng mga guro, mag-aaral, at iba pang sektor na nagbigay ng kanilang suporta. “The Grade 9 students na nag-donate ng eco bags, SSLG na nagpahiram ng opisina, at si Bb. Alyssa Mararac na nagdonate ng Christmas light at nagpahiram ng sasakyan, pati sina Gng. Chelo Caugma, G. Roy Naviamos, Bb. Eden Vidal at G. Jomer Bermudo na tumulong sa pagkuha at paghatid ng parol,” paliwanag ni G. Fajardo. Ayon sa kanila, itinuturing nilang simbolo ng kasaganaan at kultura ng Pilipinas ang kanilang obra. Inilahad rin nila na ang kanilang parol, ‘Magdiwang Parol,’ ay nagsilbing paggalang sa mga magsasaka at mangingisda, at kinabibilangan ng mga elemento na sumasalamin sa likas na yaman at kulturang Pilipino.

Pailaw 2024, inihandog nang maaga para sa San Joseños

Nadaramana ang diwa at liwanag ng

Pasko sa San Jose Municipal Plaza, Rizal at Liboro Street, Pandurucan at Marzan Bridge, at Aroma Beach na handog ni Mayor Rey Cajayon Ladaga kasama ang buong suporta ng Local Government Unit San Jose (LGU) nitong ika-unang araw ng Disyembre sa temang “Angat ang Pasko sa San Jose Pailaw 2024.”

“Nais kong mas maging masaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan kasama ang ating pamilya kung kaya’t binigyan namin kayo ng maganda at maliwanag na pailaw,” ani Mayor Ladaga

Ayon sa kaniya, sa kasalukuyan marami nang dumadayo sa Pandurucan at Marzan bridge, Municipal Plaza, Rizal at Liboro Street, at maging sa Aroma Beach.

“Dahil sa pailaw marami nang bumibisita mula sa iba’t ibang bayan dahil sa maganda at maliwanag na pailaw sa Plaza, masayang tulay na Pandurucan at Marzan at tyaka naggagandahan na mga parol sa kahabaan ng Riza, Liboro Street, at Aroma Beach,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, mala-higante at nagniningning na Christmas Tree ang makikita sa plaza at ito ang simbolo ng pasasalamat sa kaniyang mga taga-suporta sa kaniyang pamamahala.

“Ito rin ang panahon upang ako ay magpasalamat sa iyong suporta sa aking

pamamahala,” pahayag pa niya.

Sa kaniyang huling pahayag, ang mga tagasuporta ang kaniyang inspirasyon at nagbibigay lakas para magtaguyod sa nasabing bayan, nagbigay din siya ng pagbati sa mga taga-San Joseños.

“Sa aking [mga] tagasuporta kayo ang aking naging inspirasyon at magiging inspirasyon upang makapaghandog pa ng mga makabuluhang kwento para sa ating mahal na bayan. Muli kasama ang aking pamilya, buong pusong bumabati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon,” anang Mayor Ladaga. Samantala, ayon kay Winchien Alejandro mula sa Barangay 7, mas maganda raw ang pailaw ngayong 2024 dahil sa mas malalaki at kumukutikutitap na mga parol.

“Mas maganda ‘yong pailaw ngayon since mas maaga, mas maganda rin ‘yung design kumpara last year,” saad ni Alejandro. Mayroon naman siyang mensahe para sa mga pupunta sa Pailaw ni Mayor ngayong taon.

“Sana mag-enjoy kayo and sana maramdaman niyo ang Christmas Spirit sa San Jose. Magiging worth it ang pagbisita dahil mayroong Night Market at Food Park para sa mga gusto masubukan ang foods and local products, maraming spots for picture taking and mapapansin talaga ang improvement ng pailaw especially this year na mas matingkad ang plaza kaya mararamdam niyo talaga ang pasko sa San Jose,” saad ni Alejandro.

KENJIE MALUCON
YRA YANO
JELOU QUIJANO
BRIAN MANGAMPO
Ernan E. Declito
Bilang ng mga manggagawa na lumahok sa One Oksi Trade and Tourism Expo na nagmula sa San Jose
HUKBO

LIHAM

Mahal na Patnugot, Nitong nakaraang buwan, ginunita ang ika-80 anibersaryo ng ikalawang pagdaong ng allied forces sa pampang ng San Jose noong ikalawang digmaang pandaigdig. Tunay na makasaysayan ang pangyayaring ito sapagkat dito nakamit ng San Joseños ang kalayaan mula sa mga mananakop na hapones. Nakagagalak isipin na binigyang pansin ng ating pamahalaan ang makasaysayang pagdiriwang na ito nang iproklama bilang isang special non-working holiday para sa lahat ng mga taga-San Jose. Ngunit, nakalulungkot lamang isipin na tila ba iilan lamang sa mga kabataan ang may interes ating kasaysayan na maay kinalaman sa kalayaang tinatamasa ng bawat isa ngayon. Kaya naman, inaasahan ko na malaman ang iba’t ibang opinyon ng mga estudyante ng San Jose National High School ukol sa kahalagahan ng kasaysayan ng San Jose. Labis kong ikagagalak kung maitatampok ito sa inyong dyaryo. Umaasa akong matutugunan ninyo ang aking liham.

Sumasainyo, Kristine J. Mina

Maraming salamat sa iyong komento at kagustuhang mabigyang pansin ang mga kaganapan sa ating lokal na komunidad. Sisiguraduhin ng aming pahayagan na ang mga impormasyon ukol sa isyung ito ay masisiyasat at ilalahad sa publiko nang may buong katapatan. Ikinasasaya rin ng mga miyembro ng aming pahayagan na kami ay nakapagbibigay ng makatotohanang balita na nagmumulat sa mga mata ng taong-bayan.

Maraming salamat, Ang Medalyon

Tinuldukang pangamba

Tumindig ang San Jose National High School (SJNHS) laban sa tumitinding isyu sa mental health ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng regular na counseling sessions, psychosocial support activities, at peer group discussions, muling ipinakita ng paaralan ang malasakit at pangako nito sa kalusugan ng mga kabataan.

Hindi maikakaila na ang sanhi ng pagdami ng bilang ng kabataang may mental health issue ay ang kakulangan sa mga programa at suporta hinggil sa usaping ito. Sapagkat, sa kabila ng mga pag-aaral at mga ulat na nagsasabing tumaas ang bilang ng mga kabataang nakararanas ng mental health issues, ang mga hakbang upang tugunan ito ay madalas na limitado o hindi sapat.

Gayunpaman, ang SJNHS ay hindi nanahimik sa likod ng isyung ito kundi nagpapakita ng malasakit sa kalusugan ng kaisipan at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga

Nobyembre - Disyembre 2024

PUNONG PATNUGOT: Cryztel Shaine M. Almogela

KATULONG

PATNUGOT

aaral lamang ang nais komunsulta sa kinauukulan. Ang mga counseling sessions at psychosocial support activities ay hindi lamang mga panandaliang tugon sa problemang ito, ang mga hakbang na ito ay magbibigay ng pangmatagalang epekto sa mga mag-aaral. Nagsilbi itong mitsa ng pag-asa na magiging kanlungan sa mga mag-aaral na nahaharap sa matinding pagsubok. Bukod dito, isang itinuturong sanhi kung bakit kakaunti lamang ang bilang ng mag-aaral na nagpapahayag ng kanilang mga karanasan ay ang stigma na nakapalibot

Naitala ang Pilipinas ng bilang 77 na ranggo mula sa 81 na bansa nakaraang 2022 Program for International Student Assesment (PISA)

Pagtitipid sa kaalaman, pagkalugi sa kinabukasan

Muling

pinatunayan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kakulangan nito sa pangmatagalang solusyon sa krisis ng edukasyon sa bansa sa panukala nitong pagbabawas ng asignatura sa Senior High School (SHS). Sa halip na tugunan ang ugat ng problema, ang kalidad ng edukasyon, tila mas pinili nitong takpan ang sugat sa pamamagitan ng panandaliang lunas.

Ang pagbawas ng asignatura ay tila pagsuko sa hamon ng pagpapataas ng kalidad ng edukasyon. Bagama’t magaan ito sa paningin ng mga magaaral na nabibigatan sa kasalukuyang sistema, ito’y nagdudulot ng pangmatagalang pinsala sa pundasyon ng kanilang pagkatuto. Maraming mag-aaral ang hindi naaabot ang kasanayan na dapat nilang matanggap. Katunayan, nagbunsod ng pagkadismaya sa bansa nang magtala ito ng ika-77 na ranggo mula sa 81 bansa sa nakaraang 2022 Program for International Student Assessment (PISA). Isang matunog na sampal sa sistema ng edukasyon ng bansa na tila patuloy na nalulunod sa sarili nitong kahinaan.

Sa ganitong kalagayan, hindi ba’t nararapat lamang na pag-ibayuhin ang kasalukuyang sistema sa halip na tanggalin ang mahahalagang bahagi nito? Nakapanghihilakbot na ang gagawing

Edukasyong

Hands-on

Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralan ng San Jose National High School (SJNHS), itinuro sa lahat ng mag-aaral ang Filipino Sign Language (FSL). Ang bawat pagkumpas ng mga kamay ay simbolo ng kalidad na kaalaman. Simula pa lamang ng pagsusulong ng inklusibong edukasyon ang pagtuturo ng FSL sa mga paaralan. Hindi dapat humangga na lamang sa Buwan ng Wika ang ganitong programa ng pamahalaan, bagkus ay patuloy na magamit ito sa bagong kurikulum. Nakalulungkot mang isipin, subalit ang mga programang tulad ng pagtuturo ng FSL ay tuwing espesyal na pagkakataon lamang. Kaya, hindi nakapagtataka kung bakit maraming deaf Filipinos ang hindi naaabot ang kasanayan na dapat nilang matutuhan.

Sa kabila ng malaking bilang ng Pilipino na may espesyal na pangangailangan sa pandinig, kakaunti lamang ang abot-kamay na edukasyon para sa kanila. Hindi maitatago na bunga ito ng kakulangan sa mga learning materials at mga guro na mahusay sa FSL sa mga paaralan.

Isa pa, ang pagkakaroon ng isang bukas na komunidad sa paaralan ay mahalaga para sa mga may mga espesyal na pangangailangan. Ito ay upang marami sa kanila ang mahikayat na mag-aral.

Marapat lamang na ikampaniya at palakasin ang mga programa ng pamahalaan para sa deaf students katulad na lamang ng FSL na makatutulong sa kanilang kapakanan at kaunlaran.

Sa kabila ng isang libong duda, nawa’y maging tiyak ang isang matatag na kinabukasan para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

pagbabawas ng asignatura ay magresulta sa kakulangan ng pundamental na kaalaman. Ang layuning mapagtibay ang work immersion ng SHS ay tila naging tamang dahilan lamang para bigyang-katwiran ang pagtanggal ng mahahalagang asignatura. Paano matitiyak ang maayos na pagsasanay sa industriya kung ang mga mag-aaral ay kulang sa pundamental na kaalaman sa agham, matematika, at komunikasyon? Ang mga asignaturang ito ang pundasyon ng kakayahan ng mag-aaral upang maging handa sa kolehiyo at trabaho.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang bigat ng kasalukuyang kurikulum ay dumadagok sa balikat ng mga kabataan. Para sa karamihan, gaya ng ipinahayag ng ilang mag-aaral ng San Jose National High School (SJNHS), biyaya ang planong ito. Sa kanilang pananaw ay makakapagpokus sila sa mga mahahalagang aralin at mababawasan ang stress.

Isang kabalintunaan ang pagpapagaan ng pasanin kapalit ng kalidad ng edukasyon. Ang hinaing ng mag-aaral ay indikasyon ng pangangailangang repormahin ang sistema, hindi sa pamamagitan ng pagbabawas ng asignatura, kundi sa pagpapahusay sa paraan ng pagtuturo, pagbuo ng dekalidad na materyales, at pagsasanay

sa mga guro. Ano ang magiging kapalit ng pansamantalang ginhawa kung ang kanilang kakayahan ay hindi sapat upang harapin ang mas malalaking hamon? Nakapanlulumo na ang ganitong polisiya ay tila pagsuko sa laban para sa mas mataas na antas ng edukasyon. Mas napagpasiyahang bawasan ang mga marapat na pagkatuto ng mga mag-aaral kaysa sa bigyang tugon ng ang kakulangan sa mga guro, pasilidad, at kagamitan. Obligasyon ng gobyernong matiyak ang pantay na oportunidad sa bawat mag-aaral sa pag-abot ng kanilang potensyal. Ngunit, tila nililimitahan nito ang kakayahan sa pamamagitan ng pagbawas sa kalidad ng edukasyon. Sa halip na magpatuloy sa mga panandaliang solusyon, kailangang bigyang-tuon ang pagbabagong tunay na makabubuti sa sistema ng edukasyon. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapataas ng pamantayan, tamang alokasyon ng badyet, at pagsuporta sa mga mag-aaral. Ang edukasyon ay dapat magbukas ng pinto, hindi magsara ng pagkakataon. Sapagkat, ang edukasyon ang pinakamahalagang puhunan ng mga kabataan sa pagkamit ng magandang kinabukasan, kaya marapat lamang na kalingain pa sa kasalukuyan.

Sabay sa takbo ng industriya

Malaking tulong ang pagkakaroon ng work immersion; subalit, dahil sa may iba pang asignatura ng kailangang pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral, kinakapos ang oras na nakalaan para sa work immersion. Bunga nito, minarapat ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na ipatupad ang pagkakaroon ng karagdagang oras para sa work immersion ng mga mag-aaral. Bilang kinatawan ng Rehiyon ng MIMAROPA, isa sa sampung paaralan sa Pilipinas ang San Jose National High School (SJNHS) na nakibahagi sa pagpapatupad ng Enhanced Work Immersion para sa mga mag-aaral ng Accountancy, Business,

and Management (ABM) at General Academic Strand (GAS). Sa pamamagitan ng paglalaan ng mas maraming oras, matitiyak na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa tunay na takbo ng industriya at magkakaroon sila ng karanasan na hindi lamang magagamit para sa isang partikular na trabaho, kundi maging sa pagharap sa mga hamong kalakip ng isang gawain. Ang kaalaman at kasanayang natutuhan ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa pagtuntong sa kolehiyo. Makatutulong ang kaalaman at karanasang makukuha sa work immersion sa pagharap sa mga hamong dala ng pabago-bagong takbo

ng industriya. Batid natin na hindi lamang talino ang hinahanap ng mga industriya sa atin maging ang kasanayan at karanasan sa isang partikular na gawain. Isa ito sa mga kwalipikasyon na nagiging dahilan kung bakit marami sa atin ang hindi makasabay sa industriya. Ang Enhanced Work Immersion ay isang malaking hakbang patungo sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, kung kaya’t katuwang ang DepEd sa layuning bigyan sila ng karanasang gagabay sa kanila sa bawat desisyong kanilang tatahakin.

Cathlyne

Matamis na lason, mapait na kinabukasan

Isang mapait na katotohanan ang pilit na itinatago sa matamis na lasa ng vape, ang kalbaryo na dulot nito sa kalusugan ng mga kabataan. Bilang isang kabataan, nakalulungkot malamang patuloy pa rin ang pagdami ng mag-aaral na gumagamit nito. Sa katunayan, mahigit 50 na mag-aaral sa San Jose National High School (SJNHS), ang nahuling gumagamit nito. Hindi maikakailang bunga ito ng kakulangan sa regulasyon sa pagbebenta ng nasabing produkto.

Pamatay na kombinasyon pa sa patuloy na paglaganap nito ang mga akusasyon na wala itong masamang epekto sa kalusugan. Taliwas sa pagaakalang ito, hindi lamang ang taong gumagamit nito ang maaaring magkasakit, subalit damay rin ang taong nakalalanghap lamang nito. Nagsilbing mitsa sa pagpapaalala ng sitwasyon ang patuloy na pagpapalaganap ng flavored vapes na mas nakahuhumaling sa mga nasa kasalukuyang henerasyon. Ang patuloy na pagpapauso nito ay isang bagong taktika lamang ng mga industriya upang patagilid na itulak pa lalo ito sa mga kabataan. Kung wala tayong hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng kalakarang ito, hindi malayong mas lalo pang dumami ang kabataang maguguluhan at magiging biktima ng mga maling pananaw tungkol sa kaligtasan ng paggamit nito. Dapat ay magsagawa ng mahigpit na regulasyon ang pamahalaan upang kontrolin ang produksiyon at distribusyon ng vape sa bansa. Kailangan ang malawakan at maigting na pagkilos na ito upang hindi natin malunok ang kasinungalingan tungkol sa vape. Hindi na ito dapat subukan pang tikman dahil nakataya rito ang kapakanan ng ating kalusugan.

Matagal nang isang kalokohan ang sistema ng ating lipunan, nawa’y huwag na tayong maglokohan kung kaligtasan ng kabataan ang pinaguusapan— kaligtasan ng mga tinuturing na pag-asa ng bayan. Batid nating hindi lamang talino ang hinahanap ng mga industriya sa atin, maging ang kasanayan at karanasan sa isang partikular na gawain.

Seguridad na walang kasiguraduhan

Sakabila ng mga gwardyang nakabantay sa bawat tarangkahan ng paaralan, may mga ulat pa rin ng mga mag-aaral na nakapapasok na may dalang patalim o delikadong kagamitan. Ang ganitong sitwasyon ay hindi lamang nakababahala kundi isang malinaw na hamon sa seguridad na dapat bigyang-pansin ng mga paaralan; Paano nga ba ito nakalulusot? At anong hakbang ang kailangang gawin upang matugunan ang problemang ito?

Sa isinagawang bag raid kamakailan sa San Jose National High School, mahigit 100 na ipinagbabawal na gamit ang natagpuan—kasama na ang vape, sigarilyo, at iba’t ibang uri ng patalim. Ang aking ipinagtataka, paano ito nangyari sa kabila ng presensya ng mga gwardya sa bawat tarangkahan? Para sa akin, simple lamang ang kasagutan, kulang sa aksyon at hindi seryoso ang pagpapatupad ng inspeksyon sa ating seguridad. Hindi ko maipagkakaila ang katotohanang ito, wala tayong sapat na ginagawa upang protektahan ang bawat isa sa loob ng paaralan. Kung tanging ID at palamuti sa katawan lamang ang sinisita at hindi man lang sinusulyapan ang mga kagamitang dala-dala, sino ang niloloko natin? Isang linggo lamang mula Hulyo hanggang Disyembre nakapagsagawa ng bag raid ang SJNHS. Tila bang isang ritwal na lamang ito para masabing mayroong ginagawa, pero sa totoo lang, hindi sapat ang ganitong kalakaran at sa dami ng nakalulusot, malinaw na may kamalian. Ang pagdadala ng patalim at ibang ipinagbabawal na gamit sa paaralan ay hindi biro. Isipin na lamang natin kung may mangyaring

masama—isang aksidente, isang gulo, o isang insidenteng hindi na mababawi pa. Hindi lamang ito banta sa pisikal na kaligtasan kundi pati sa tiwala nating lahat na ang paaralan ay isang ligtas na lugar. Kung hindi agad kikilos ang administrasyon, ang tanong, anong uri ng kapaligiran ang ipinakikita natin sa mga kabataan? Walang silbi ang pakitang-tao na seguridad. Matagal nang isang kalokohan ang sistema ng ating lipunan, nawa’y huwag na tayong maglokohan kung kaligtasan ng kabataan ang pinag-uusapan— kaligtasan ng mga tinuturing na pagasa ng bayan. Nararapat lamang na maghigpit ng inspeksyon araw-araw at itatak sa ating isipan na hindi sasapat ang isang beses kada taon na paggalugad ng mga kagamitan. Kasabay nito, kailangang malinaw na ipatupad ang karampatang parusa sa sinumang mahuhulihan ng delikadong kagamitan upang maibalik ang disiplina at kaligtasan sa paaralan. Kaya naman ang panawagan ko sa mga paaralan, kumilos kayo nang may tapang at determinasyon. Hindi lamang ito usapin ng patakaran, kundi usapin ng kaligtasan at kinabukasan.

KUMPAS NG ISIPAN ABANTE
TIMBANGIN NATIN
PANLASA NG MASA
Maira Patricia Herrera
Jedthon Marl Obrique
Wendy Lachica
Ashley Jacob
Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS
Ang Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School - DLS
WALANG PAG-AALINLANGAN
Noella Villarin

GASGAS SA PISAra

Mhylz Acosta

KABAYARAN

Sumailalim

sa pretest at posttest ang mga magaaral na may edad 15 taong gulang mula baitang 7 hanggang 12 bilang paghahanda ng San Jose National High School (SJNHS) para sa 2025 Programme for International Students Assessment (PISA). Lumabas sa resulta na ang mga mag-aaral ay hindi pa handang sumabak sa PISA 2025, dahil batay sa resulta, ang average scores ng mga mag-aaral na sumailalim sa naturang pagsusulit ay umabot lamang sa 30-35%. Isang patunay na hindi pa rin ito sapat upang masabing may pag-asa ang mga mag-aaral na makapasa sa gaganaping pagtataya.

Isa sa itinuturong dahilan kung bakit limitado ang kaalaman ng mga mag-aaral ay ang hindi nila pagbibigay-pansin sa pagaaral. Bunga ito ng kanilang pagkahumaling sa paggamit ng cellphone, na nagiging sanhi ng pagkawala ng atensyon ng mga mag-aaral.

Bilang aksyon sa hamong kinahaharap, nararapat na bigyang-pansin ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga nasabing asignatura. Higit sa lahat, dapat bigyang-pansin ang mga estudyante na nahihirapang unawain ang mga paksang nakapaloob sa bawat asignatura, sapagkat hindi lahat ng mag-aaral ay pantay ang antas ng kaalaman at pagkatuto sa isang bagay.

Kinakailangan ang kooperasyon mula sa mga guro at mga magulang, sa pagbibigay ng gabay at suporta sa mga estudyante upang matiyak na magiging handa sila para sa nalalapit na PISA.

Ang paghahanda sa PISA ay hindi lamang para sa pagsusulit, kundi isang paghahanda upang masukat ang kaalaman ng mag-aaral na siyang susi para sa magandang kinabukasan ng bansa. Ang markang makukuha sa pagtataya ay hindi lamang isang numero, kundi isang simbolo ng pag-unlad ng kalagayan ng edukasyon.

Matagal

nang nanatiling tahimik ang tugon ng pamahalaan sa mga hinaing ng mamamayan sa kabila ng maingay at masiglang kalakalan sa pamilihang bayan. Sa plano ng pamahalaan na bagong palengke na ito, maraming bagong oportunidad ang darating sa mga nagtitinda. Marapat lamang ang gagawing bagong palengke sa bayan ng San Jose sapagkat mahihikayat ang masa na tangkilikin ang mga produkto sa isang maayos at malinis na pasilidad. Subalit tila may namumuo namang alingasngas. Sa kabila ng masiglang plano, hindi maiwasang itanong—bakit tila ang mga tindera, pangunahin sa kalakalan, ay parang naiwan sa gilid ng talakayan? Hindi biro ang gagawing pagsasaayos ng palengke, ngunit kung tutuusin, hindi rin dapat maging biro ang pagbibigay ng tamang paliwanag sa mga mamamayan. Nakapagtataka ang kawalan ng opisyal na dokumento para sa structural design, na nag-ugat sa patuloy na agam-agam ng mga nagtitinda.

Matatandaan na ang proyektong ito ay plano na rin ng mga nakaraang administrasyon. Subalit, kaparehong problema rin sa pagpaplano ang naging dahilan kung bakit hindi ito nakulayan. Kaya’t hindi masisisi ang kawalan ng tiwala ng mga mamamayan dahil sa mga plano ng pamahalaan na hindi tugma sa

pangangailangan ng masa.

Hindi rin ligtas sa tanong ang proseso ng bidding at pag-apruba ng proyekto. Isang “proceed to construct” order ang naibigay, ngunit ni anino ng kumpletong plano ay hindi pa makita. Mistulang nagpapakita ng pagtakbo nang walang sapatos ang kawalan ng pinal na plano bago pa man maibigay ang proyekto sa kontraktor.

Tunay na ang mga mamamayan ang pangunahing makikinabang sa pagtatagumpay ng bagong palengke na maghahatid ng mas malinis, organisado, at maayos na pamilihan para sa mga negosyante at mamimili. Ngunit hindi ito magtatagumpay kung mananatiling nagdadalawang-isip ang mga mamamayan.

Ang modernisasyon ng palengke ay maaaring mag-udyok ng mas mataas na kita dahil mas maraming tao ang maeengganyong mamili, lalo na kung magiging komportable ang karanasan ng mga mamimili. Mas mabuti kung ilalaan ang espasyo sa ikalawang palapag para sa mga komersyal na establisyemento upang mabigyan din ng oportunindad ang mga negosyong tulad nito. Huwag gawing kalakal ang tiwala ng masa, sapagkat sa huli, sila ang tunay na makikinabang o mawawalan. Nawa’y sa pagtaas ng mga pangarap ay hindi bumaba ang kabuhayan ng mga mamamayan.

Hindi biro ang gagawing pagsasaayos ng palengke, ngunit kung tutuusin, hindi rin dapat maging biro ang pagbibigay ng tamang paliwanag sa mga mamamayan.

Kabuuang iskor ng mga mag-aaral na sumailalim sa 2025 Philippine International Students Assessment (PISA).

Sa pagiging mulat sa mga usapin, mas naaalisa ko nang maayos ang mga isyu na kinahaharap ng bayan.

30%

Porsiyento ng mga mag-aaral ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral dahil sa kakulangang pinansiyal

Walang koleksyon, walang komplikasyon Sa ulo ng nagbabagang pagdinig

Nitong mga nagdaang buwan, ang mga pagdinig sa Kamara na ipinalalabas sa publiko ay pumukaw ng atensyon ng marami. Sa pagbubukas ng mga diskusyong ito sa publiko, nagiging abot-kamay ng masa ang katotohanan. Ang pagdinig sa Kamara patungkol sa nawawalang pondo ng Opisina ng Bise Presidente ay isang halimbawa na nagtamo ng matinding pansin mula sa mga mamamayan. Ang pagdinig na ito ay marapat lamang na maipahayag sa publiko upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan patungkol sa kasalukuyang kaganapan ng bansa. Bilang estudyante, bukod sa mga kaalamang natatamo ko sa paaralan, mahalaga ring maintindihan ko ang mga kasalukuyang kaganapan sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagiging mulat sa mga diskusyong ito, mas nasusuri at nauunawaan ko nang maayos ang mga isyu na kinahaharap ng bayan.

Bukod dito, nakagugulat ang pagdami ng mga kabataan na tumatangkilik sa panonood ng mga pagdinig sa Kamara. Ang ganitong interes ay nagpapakita ng kanilang kahandaan sa kinabukasan ng Pilipinas. Dapat mapagaralan nating unawain ang kahalagahan ng pagiging mabusisi sa mga impormasyon na ipinahahayag sa atin. Sa panahon ngayon, kung saan ibinubunyag ang maling datos at impormasyon sa internet, mahalagang mapanatili ng pamahalaan ang katotohanan sa likod ng mga isyung ito. Ang pagsasapubliko ng mga pagdinig ay nagiging paraan upang matiyak na walang natatagong katiwalian sa likod ng mga pader ng gobyerno. Sa ulo ng nagbabagang pagdinig sa Kamara, nagkakaroon ng mas malalim na kamalayan ang masa. Sa pamamagitan nito, bawat Pilipino ay nagiging mas handang harapin ang hamon sa pagkamit ng makatarungang lipunan.

Nagsimula

na ang

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pagputol ng mga sipit na namimilipit sa bulsa ng mga mag-aaral at magulang. Marapat lamang na hayaan muna ang mga mag-aaral na huminga sa mga alalahanin ng bayarin. Isang matalim na tinik sa lalamunan ang mga bayarin at kontribusyon sa paaralan. Kaya naman bilang pagtugon sa mga paghihikahos ng mag-aaral, muling isinulong ng pamahalaan ang DepEd Memorandum No.41, s. 2024 o “No Collection Policy” na mahigpit na ipinagbabawal ang koleksyon ng anumang kontribusyon mula sa mga mag-aaral at guro sa mga pampubliko paaralan. Maraming magulang na below-averaged earner ang pinag-aaral ang kanilang anak sa mga pampublikong paaralan sapagkat libre at abot-kamay ang mag-aral dito. Kaya naman taliwas sa layunin ng pamahalaan, nakapagtataka na sa mga ganitong paaralan ay maraming ginagawang koleksyon at kontribusyon. Isa ang kawalan ng pera at kahirapan ng buhay sa mga dahilan kung bakit maraming mag-aaral ang pinipili na lamang huminto sa pag-aaral at pumasok na sa trabaho. Katunayan, itinala ng DepEd na 30% ng mga mag-aaral ang hindi nakapagtatapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansiyal. Pingangambahan din ng mga mag-aaral na

makaaapekto sa kanilang grado ang hindi pagbabayad ng mga kontribusyon. Lumalabas sa sarbey ng paaralan na mahigit 60% ng mga mag-aaral ang napipilitan ibayad ang kanilang baon sa takot na bumaba ang kanilang grado. Nakapanlulumong tila ang kalidad na edukasyon ay ang mga ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig lamang ang makalalasap. Matatandaan na nagsimulang ipatupad ang nasabing polisiya noong 2021. Batay sa DepEd, higit sa 28M ang bilang ng enrollees sa panuruang taon ng 2023-2024. Ito ay higit na mas mataas kaysa sa mga nakaraang taon na wala pa ang nasabing polisiya. Tunay na marami ang mahihikayat magpatuloy sa pag-aaral kung walang iniisip na mga bayarin sa paaralan. Sa pag-alingawngaw ng boses ng mga mag-aaral ay nagising na sa kahibangan ang mga nasa itaas. Subalit, tiyakin ng pamahalaan na nasusunod sa bawat paaralan ang polisiyang ito upang walang mag-aaral ang mapagsamantalahan ng mga buwaya. Ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon ay para sa lahat, may maibibigay man o wala. Nawa’y hindi ipagkait sa mga nasa laylayan, na higit na nangangailangan, ang ginto’t pilak na kaalamang namumulaklak. Sapagkat, ito ang susi sa pag-ahon at pagkamit ng maginhawang kinabukasan.

Vince Nickolas Quimoyog
HINGA MUNA
PANININDIGAN SA KATOTOHANAN
Mark Arthur Juliano
Raiza Marie Las Piñas

Modelong moderno, aka Nurse Cardo sa serbisyo

Umagang pumapatak-patak ang butil ng tubig mula sa alapaap. Tilamsik na dumadampi sa mga gulay at isdang sariwa sa talipapa. Habang ang atensyon ay binibili ng mga matatalak na nagtitinda, hindi inaasahang ang telepono ay uugong mula sa kaniyang masikip na bulsa. Walang pagpapaligoy pa, bagaman may hamon, ay isinuksok ang kanang kamay upang damputin ang nagsusumamo nang kumawalang tawag mula sa inaamag ng numerong sa telepono ay nakalista.

Sa pagsikat ng araw na kaniyang inaasahang normal at payapa, isang buhay pala ang sa mga palad niya ay muling madarama.

TATAK TATAD

Hindi isa. Higit sa dalawa. Subalit tatlong beses ang karanasang naka-ingkuwentro ni Victor D. Tatad na kasalukuyang isang pulis sa panunungkulan, sa pagiging kaagapay ng mga ina sa kanilang pagsilang.

Siya ay nahubog at nagtapos ng sekondarya sa San Jose National High School labimpitong taon na ang nakalilipas. Kakaiba at hindi angkop sa propesyon ang ganap na tampok sa buhay ni PCpl Victor D. Tatad RN kung pagmamasdan sa pananaw ng ilan. Sa pagkakataong ang madla ay walang bahid ng kalinawan sa katotohanan, maaaring pangungutya pa ang kaniyang madatnan. Medisina bago pulisya ang naging daloy ng kaniyang karera. Tatlong taon ang kaniyang ginugol sa ospital ng Zapanta. Kaya naman, napatalim at natasahan pa ang kaniyang karunungan sa naturang larangan. Siya ang patunay sa maimpluwensyang “Experience is the best teacher” na kasabihan.

SIR-TIFIED SANDIGAN NG MAMAMAYAN

Dahil sa kaniyang dunong, kabilaan na ang naghahanap ng kalingang kaniyang ibinabahagi sa tuwina.

Tila may magnet sa kaniya’y nakakabit sapagkat sa kaniya ay malapit ang kalooban ng mga kabuuang lokal sa Mindoro, at tunay na nakakandado na kanilang tiwala sa kaniya nang buo at walang bahid na puso.

“It’s like hitting two birds in one shot.” ani Tatad.

Maaaring bullseye, subalit may tiyansa pa ring ma-miss at hindi mahagip kung ang bawat detalye ng proseso ay iba at hindi basta lamang, hindi mahihimay, at makaliligtaan niyang masilip.

Isa sa pangamba niya ang makatuntong sa puntong hindi ayon ang hakbang habang nagsasagawa ng operasyon. Dagdag niya, “Kapag nagkamali ka, buhay ang kapalit.”

“Hindi puwedeng magdunong-dunungan kaya inaaral ko talaga. Minsan nanonood ako sa YouTube o kaya ay gumagamit ako ng Google. Naging basehan ko rin ang aklat na ‘Anatomy and Physiology’ na naka-pito o walong beses kong nabasa noong nag-aaral pa ako. From cover to cover ‘yun” ani niya.

Para sa kaniya, isang makabuluhang bahagi ng proseso ang pagkatuto. Hindi dapat umiikot lamang sa paulit-paulit na yugto ang kaalaman ng isang tao kung saan walang pag-unlad o pagbabago.

Walang duda na isa siyang nagniningning na simbolo na bilog ang mundo. Hangga’t mayroong buhay, mayroong pagkakataon upang ang kasanayan ay mahasa at patuloy na lumago bilang tao.

Dahil sa kaniyang dunong, kabi -kabilaan na rin ang naghahanap ng kalingang kaniyang ibinabahagi sa tuwina.

“Maaari mang kapos sa kakayahang mapakinggan ang sari-saring boses ng bawat mamamayan, ang paningin ay hindi nakulayan upang sana ay ningning ng daigdig ang masilayan

Inklusibong paraiso

CATHLYNE ASHLEY JACOB

Lupaing sing-aliwalas ng kalangitang bughaw. Pintong walang pinipiling dalaw. Bokabularyong sintamis ng kakaw. Partikular na matatamasa lamang sa mga telenobela at programang puno ng mahika at pantasya. Subalit para sa mga mag-aaral na may pangangailangang higit, isang tahanan ang komunidad na ang mga nabanggit ay kalakip. Sa mga ordinaryong pagkakataon, lalong-lalo na sa pag-aaral ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon, labis na mahalagang salik ang kapaligirang nagtataglay ng komportable at magaan na atmospera upang

mapagtuunan ng pansin ang larangan ng edukasyon. Ayon sa isang imbestigasyon noong taong 2011, tunay na malaking porsiyento ang negatibong impluwensiya na hatid ng ingay sa konsentrasyon ng isang mag-aaral. Para naman sa mga magaaral na humihingi ng atensyong karagdagan isang mabigat ngunit maituturing na positibong pagkakataon ang pagpapayaman ng kanilang talento at kaalaman ang isang inklusibo at yumayakap na kapaligiran. Maaari mang kapos sa kakayahang mapakinggan ang sari-saring boses ng bawat mamamayan, ang paningin ay hindi nakulayan upang sana ay ningning ng daigdig ang masilayan, o hindi man nagkaroon ng abilidad para makapa ang reyalidad, patuloy na

nangingibabaw ang kamalayan sa enerhiyang positibo at negatibo sa kanila komunidad.

Isang mabuting halimbawa na nito ang paaralan ng San Jose National High School na hindi lamang bukas-palad na inaanyayahan ang pagkatuto para sa tulad nila, kundi walang sablay rin sa paglulunsad ng mga programang mas napalalago pa ang kakayahang angkin upang patunayan ang sarili sa madla. Pag-eensayo rito, pagkandili roon. Sa bawat dugo at pawis na inilaan ng mga mag-aaral na espesyal at mga gurong ang suporta at kabihasaan ay kritikal, sari-saring pagwawagi na ang kanilang napasakamay at nabungkal.

Nito lamang nagdaan na Division SNEd o Special Needs Education Sports and Talent Day, sinalok nila ang mga medalya at pagkilala na higit pa sa inaasahang okey. Awitan, sayawan, akademikong talastasan, palakasan, at maging sa larangan ng pang-kusinang kasanayan, bawat salik ay umani ng unang gantimpala, ang ilan ay ikatlo, kung saan tumalim ang kanilang kahusayan at tumatak sa pampaaralang kasaysayan. Sa loob ng bawat pagkilalang natatamo ng mga natatanging mag-aaral na tulad nila ay matuturing bilang matibay na ebidensya ang pagpupunyagi ay karapat-dapat na paglaanan ng sakripisyo at siyang pagsikapan, kumpleto man o may kakulangan, maging sino ka man, sa kalinga ng isang komunidad na umaapaw ang pagtanggap nang may kaluguran.

Bangga ng bombang bongga

CATHLYNE ASHLEY JACOB

Tulala na lamang ang aking naging tugon nang kaniyang banggitin ang pangalan ko. Tuwing sinasambit ng boses niyang kay taimtim, tila kumakarera ang kaba at pangamba sa aking puso. Sa dami ng nagmamasid at umaantabay, bakit ako pa ang pinili sa dami ng kasalukuyang naririto? Bagaman nakatakdang oras ng pag-aaral ngayon, antok na hindi maitago ang tunay na hamon. Suksok sa bulsa, kapa at halughog sa ilalim ng mesa, sa paligid ay umaaligid kung may makakakita, habang hahagilapin ang teleponong kaantabay tuwing ang isipan ay lumilipad na. Hindi ko maunawaan ang leksiyon. Dulot nito, unang takbuhan at destinasyon ay ang aking selpon.

Block Blast ang larong kinaaadikan ng mga kabataan na nananahan sa henerasyong kasalukuyan. Mga kahon na pinagpapatongpatong at pinagdurugtong-dugtong. Isang bunga ng teknolohiya kaagapay ang makabagong inobasyon na kanlungan sa tuwing nakaririndi na ang aking kinatatayuang sitwasyon. Hindi maikakailang libangan ang hatid nitong aplikasyong maitatantyang sagot sa kalagitnaan ng pagkaburyo. Paraang mahusay upang sa larong ito ay magtagumpay, bumuo ng layunin sa saklolo ng isang banghay. Dito ay tumutugon ang pagtuturing na pangunahin sa pagresolba ng mga nakarahang sa bawat direksyon, bertikal man o sa daanang pahalang. Gayundin, hindi makakamit ang pagwawagi at pagkapanalo kung iiwasan

at tatakasan ang gawain ng pagpaprayoridad at pagkonsidera sa mga susunod na hinaharap pang posibilidad. Kung bawat isa rito ay mapangangatawanan at maisasakatuparan, ang manlalaro ay mayroong maigi na inaantisipang kapalaran.

Maihahalintulad sa mga pinakanauna nang namayagpag ang popularidad gaya ng Wordscapes, Roblox, at Among Us, ang Block Blast bilang tunay na isang epektibong pampalipas-oras. Gayunpaman, ito ay offline kung kaya naman mas patok at tinatangkilik ito ng masa saanman sa bansa. Kumbaga, sa ibang salita, swak na swak ito sa kanilang pangkabuuang panlasa.

Isang salik kung bakit hindi sila mawalay sa nabanggit na laro ay sapagkat kasiyahan ang hatid sa tuwing ang hilera ng makukulay na kahon ay nakukumpleto at naglalaho. Bukod pa rito, nakadadala at nakabibingwit na ugong sa kada maitutugmang hilera ng makaakit-matang disenyo.

“Strategic thinking skills ko ang nahahasa sa tuwing nilalaro ko ito dahil hamon sa aking pagkasyahin ang mga kahon sa maliliit na espasyo,” depensa naman ng isa sa mga magaaral na aminadong sangkot sa pagpapatongpatong ng kahon, bagaman nasa pampaaralang establisyimento at nasa kalagitnaan ng leksiyon habang nagtuturo ang guro. Pokus ng punto niya, nahuhusto ang pagbuo ng mga istratehiya at plano sa tulong ng larong ito, lalong-lalo na kapag nasa

sandali nang nararapat isiksik ito sa puwang na limitado.

Sa kabilang banda, ang pagkalulong dito ay may kalakip na bahaging nakapanghihila tungo sa nagkakagulong mukha.

“Minsan kapag tinatawag ni Ma’am ang pangalan ko para sumagot, hindi ko alam kasi hindi ako nakikinig habang naglalaro,” sambit ng isang mag-aaral na piniling ikubli na lamang ang pagkakakilanlan. Pagkakataon ang pumapasok na naaantala sa maka-reyalidad na responsibilidad kung buong panahon ay rito lamang itutuon ang atensyon at ang pagsisikap na ibababad. Minsan pa, may mga panahong hindi na nakasasabay sa deliberasyon ng leksiyon at hindi na pinakikinggan ang pagtalakay.

Matindi ang pahiwatig ng pangkasalukuyang nagpapabatid na ang bawat bagay ay nararapat na gamitin nang nasa moderasyon, upang ang pagkahatid sa bingit ng distraksyon ay maiwasan. Bagaman maituturing itong sa kalooban ay nakapagpapagaan, importanteng itatak sa isipan na ito ay isa lamang libangan. Anuman ang kaganapan, bawat daing at ugong ay mahalagang marinig at mapakinggan, hindi lamang palalagpasin na parang wala lamang. Ika nga ni Kuya Kim, “Ligtas ang may alam,” lalo na kapag edukasyon ang nakasalalay at nakaabang. Kahit pa man bongga, ang bombang ito ay kontrolado dapat ang takbo at sa reyalidad ay iwasang mabangga.

“ Matindi ang pahiwatig ng pangkasalukuyang nagpapabatid na ang bawat bagay ay nararapat na gamitin nang nasa moderasyon, upang ang pagkahatid sa bingit ng distraksyon ay maiwasan.

CATHLYNE ASHLEY JACOB
PCpl Victor D. Tatad RN

LATHALAIN

KASAYSAYAN NG KABAYANIHAN:

Sa baybayin ng Aroma Beach noong Disyembre 15, 2024, taimtim na inawit ang Lupang Hinirang bilang bahagi ng paggunita sa ika-80 anibersaryo ng Mindoro Landing, bilang pagkilala sa mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan ng San Jose mula sa pananakop ng Hapones.

guhit ni: DREXLER DE GUZMAN

CATHLYNE ASHLEY JACOB

Payapa

mula sa ugong ng mga busina at makina. Banayad na hanging nagmumula sa matatayog na puno ang sa balat ay lumalapat. Kada umaga, tanging tilaok ng manok ang naririnig sa tenga. Kilo-kilometro mula sa pangkabihasnang eksena, ang kanayunan ay tila katha para sa madla sapagkat naisasantabi na lamang ang nakagisnang mayabong na kultura. Pangkaraniwang tagpo na lamang ito para sa mga residenteng naninirahan sa Brgy. Naibuan. Subalit sa kabila ng hindi mahigitang katiwasayan, nakasalalay ang nasa bingit na pagkalimot sa tradisyon at talentong taglay ng tribo ng mga mangyan. Isa ang mababang paaralan ng Naibuan na nagsulong at patuloy na nagtataguyod ng adhikaing “Turismo sa Paaralan.” Binibigyang-ngalan nila ang mga malikhaing kamay na natatangi sa mga mangyan tungo sa mata ng pamayanan.

Bukod sa mga tanawing makapigil-hininga, masisilayan dito ang mga produktong puhunan ay purong sipag at walang palyang tiyaga.

Sa pagbubukas ng paaralan para sa mga manlalakbay, umuusbong din ang ngalan ng kanilang barangay, maski pa sa malalayong baybay. Bukod pa rito, hindi lamang lumolobo ang porsiyento ng turismo, pati na rin ang kumpiyansa sa sarili at ang kaisipang positibo. “Dahil ang bawat produktong kanilang binibili ay kumakatawan sa aming kultura, paniniwala, at tradisyon.” taas-noong pahayag ng isa sa mag-aaral nito nang may pagmamalaki sa kinabibilangang posisyon.

Sa bawat butil at hibla ng produktong kanilang ibinibida, mayroong malikhaing kamay na nananalaytay at nagpatingkad sa dakilang istorya nila upang maihayag at mairepresenta.

Kalidad ng kanilang mga ipinagsisigawang produkto ay mataas, gayundin ay paniguradong hindi makina ang humulma subalit hubad na mga kamay ang puminong wagas. Kung ikukumpara sa mga makabagong paninda na binuo

sa tulong ng mga makinarya, ang klasikal at orihinal na manwal pa rin ang numero unong nakalista.

“Ang adbokasiyang ito ay may positibong epekto sa pagpapanatili ng kultura at tradisyon ng Indigenous People (IP), nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga katutubong ipakita at buong ipagmalaki ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga katutubong produkto. Itinataas nito ang kamalayan tungkol sa mga komunidad ng IP at ang kanilang kontribusyon sa tagumpay sa hinaharap.” Sambit ng isa sa mga guro sa paaralang nabanggit.

Hindi lamang ang populasyon sa sibiko ang maaaring ipamalas ang talentong angkin, sapagkat tila diyamante ang taglay na kabihasaan ng mga katutubo, subalit nakakubli ang ningning.

Sa paglinang ng patakarang ito, nagkaroon ng entablado para sa tribong tila ay matagal nang nakatago.

Salik na may dumaragundong na impluwensya ang adbokasiyang ito hindi lamang sa paaralan, kung hindi lalong-lalo na sa mga estudyante rito. Sa pagsasalita, pagkilos, at paglahok sa mga interpersonal na gawain, kahit papaano ay naibsan ang kanilang pagkabalisa at pagkamahiyain, pagpapatunay ng isang guro rito, nang oportunidad sa panibagong pinto para sa kanila ay bumukas, nagkaroon sila ng pagkakataong magpakitang-gilas, magiwan ng historikal na bakas.

Bukod pa rito, maihahayag na ng mga katutubo ang kanilang sarili nang hindi nakaririnig ng anumang pamumunang may tono ng pagdidiskrimina.

Gaya ng mga taong nananahan sa mga sibilisadong estruktura, liwanag para sa kanila ay nakalaan upang suminag. Tulad ng mga tinitingalang persona, unti-unti na ring naihahayag ang pahinang sa kanila ay nakatakda. Higit sa lahat, sila ay tao rin, Pilipinong may katangiang kayumanggi ang balat, at may karapatang mamukhaan ng lahat.

Maraming paraan ng pagbuo ng sining ngunit kung sarili mong istilo at interes ang iyong lalakbayin, ito ay mas magkakaroon ng halaga

LILOK-GASIYA: Umukit si Ruben “Nonoy” Casuncad, isang pintor at manlililok, ng isang panibagong obrang maidaragdag pa sa kaniyang koleksyon upang masilayan pa ng mga susunod na henerasyon. Larawan mula kay Rod Rodrigo

KUBLING USAPIN sa dalampasigan Hulagpos ng kalayaan

Hindi ibig sabihing tapos na, wala nang saysay.”

Handa ka bang magbalik-tanaw sa nakaraan kahit na ito ay siksik ng masalimuot na kasaysayan? Sa ngalan ng paggunita, handa ka bang lumingong muli sa simula?

Sinuman ay may patak ng pait at sapilitang lulunukin ang katotohanang hindi sa bawat pagkakataon ay pighati lamang ang dulot ng bawat ikalawang tiyansa. Bagaman distansya ang layo mula sa larangan ng pagibig at romansa, kaloob pa rin nito ang konsepto ng paglaya.

HAGPAS NG NAKALIPAS

Pagtanaw liban sa tanglaw

DAONG SA PAGKABAON

“Eighty years have passed yet we still struggle to instill awareness among our people,” pagdiriin ni Ginoong Joe O. Paz, pangulo ng Western Mindoro Historical and Cultural Society, sa kaniyang manapik-diwang talumpati.

Sa tiningala ng madlang pangalawang beses na pagyapak ni Heneral sa sinilangang lupa, tagos ang dampi ng pino subalit banayad na buhangin sa aplayang maging ang nakarugtong ditong alat na hatid ng tubig-dagat ay nalasap ang tamis magmula nang maabot at makamit ang ganap na paglitaw ng pag-asa habang umaabanteng palayo mula sa mga Hapones. Walumpung nagmarkang mga taon na ang lumipas nang umalpas ang bayan ng San Jose mula sa mapang-aliping bigkis ng rehas ng pananakop ng mga Hapones. Sa pangunguna ni Heneral Douglas MacArthur, kapit-bisig ang kaniyang hukbo, pati na rin ang mga Pilipinong guerilla, na mula noon magpasahanggang ngayon ay tinatanaw ng masa bilang mga magigiting na bayaning sa mga manlulupig ay tumaboy palabas sa lupaing nakagisnan.

DAMPI NG PUNYAGI

Bilang isang patunay na nagsisilbing hindi magmamaliw na ang kaniyang kadakilaan ay patuloy na hinahainan ng pagpupugay, isang monumento sa kasagsagan ng baybayin ng Aroma sa kahabaan ng daang tungo sa Bubog Road ang kay Heneral McArthur inaalay. Gayundin, nakatanim ito upang ang kaniyang kontribusyon ay taontaong gunitain. Bagaman ang kaniyang bantayog ay nakabalandra na sa pangunahing lakbayin, hindi pa rin magawang usisain at kanila man lang kusang bungkalin ang salaysay na rito ay nakapailalim. Kahit pa man isang dangkal na lamang upang sila nito ay halos kausapin na at tukain. Markado bilang espesyal kung ang araw ng liberasyong ito ay kalakipan ng pangalan bilang isang engrandeng okasyon sa nayon. Nagsisilbing pruwebang karugtong nitong selebrasyon ay ang pagdedeklara ng pambansang pangulo sa makabuluhang araw na ito bilang isang bakasyon. Subalit, ang sakop lamang ng anunsiyong ito ay ang San Jose, at mamamataang eksklusibo lamang sa isang lokasyon.

Umaalingawngaw. Nakababahala. Sandamakmak na problema. Pilit na iwinawaksi ang sarili sa mapanibughong kaalaman. Hindi matapostapos na pagkawala ng sinag dulot ng kawalan ng susi sa kinagisnang piitan. Wari mo ay balakid sa pagpagaspas ng bagwis ngunit pwersahang iginigiit na pagbabagong-buhay sa kaisipan lamang ang ninanais.

Halos mainat ang labi ng isang magaaral na si Jane, hindi niya tunay na pangalan, nang siya ay tumapak na sa mismong tarangkahan ng kaniyang paaralang San Jose National High School. Uniporme at mga gamit sa eskwelahan ang bitbit sa araw-araw, baon ang hindi mawaring mapanlinlang na ngiti na masisilayan sa kaniyang mukha.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lahat ng natatanaw sa panlabas na kaanyuan ay angkop sa kung ano ang nasa

Mistulang isang dambuhalang dagok ang pagpapalaganap sa bawat mamamayan na nananahan sa Mindoro partikular na sa naturang pinagdaungang nayon ang nakakubling historikal na impormasyon ng liberasyon. Bagaman pagkahaba-haba ng prusisyon, hindi pa rin matunton ang kumukupas nang minimithing destinasyon.

Sa kalendaryo ay animo’y marka ng naghihingalong tinta ng pluma ang kamalayan dito ng masa. Iisang beses man lang sa kabuuang taong pagkilala ang kahalili ng araw-araw ritong pag-alala.

Subalit, umuusbong ang reyalidad na kapos pa rin ang abilidad ng mamamayang maipagsiksikan sa memorya ang namumukod na taunang petsa. Sa pagtawid ng kada selebrasyon, kakarampot lamang ang nakibabahaging populasyon.

hindi natin alam?”

pagsasabuhay ng Second Landing ni Heneral MacArthur sa kasagsagan ng ika-walumpung taong anibersaryo ng Liberation Day na si Ginoong Bernard Supetran.

kabataan pa, partikular na ang kaganapang nabanggit, isinasagawa na ang mga programang layon ang pagungkat ng kahapon. Waring pagmamasid lamang ang kaniyang gampanin noon subalit minsan ay inasam niyang maging bahagi nitong kaniya lamang ibinulong sa hangin. tables have turned.” Isang karangalan na kaniya nang panahon upang ang kasaysayan ay patuloy na maisakatuparan. Sa karagdagan, nagdaragundong ang impluwensya nito para sa mga mamamayan sapagkat inaangat niya ang tiyansa na maging maalam ang bawat isa sa makasaysayang larangan.

nakaraan ay mabigyang-linaw ay maghihingalo, kasabay pa ng paglisan sambayanang inisyatibo upang alamin ito, ang mayabong na istorya ay habambuhay nang maibabaon sa limot at maglalaho. maipatong ang walang patid na pag-alala. Sa mga maglalaan pa ng oras, inaasam na sa labi ng madla, ang kasaysayang ito ay maibulalas din sa wakas.

kanilang kaibuturan. Hindi alam kung ano ba ang hinihimutok ng puso at iniinda ng kaisipan, bagkus karamihan ay isinasagawa na lamang ito upang matabunan ang kalungkutang nagpapahimlay ng kaginhawaan.

“Halos dinaraan ko na lang po sa ngiti lahat ng mga problema ko,” malumay na saad ni Jane nang siya ay kapanayamin.

Madiing isinambit ng Department of Health (DOH) na 2.5% sa bawat 100,000 na kabataang Pilipino ay nakararanas ng sigalot sa kalagayan ng kanilang kaisipan.

Kabilang si Jane sa mga ito na gustuhin mang mawala ngunit makitid ang daan patungo sa solusyon na matagal nang nais makamtan.

Nang marinig ng kinauukulan ang hinaing ng taumbayan, naipatupad ang Basic Education Mental Health and Wellbeing Promotion Act. Nilagdaan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layon nitong magsilbing sandalan ng mga mag-aaral at gurong kawani ng kapwa pampubliko at pampribadong paaralan upang makamit ang minimithing kaayusan tungkol sa isyung kinahaharap patungkol sa mental health ng sanlibutan.

Layunin din nitong magkaroon ng epektibong pagpapayo at konkretong sandigan para sa mga estudyante at mga gurong humaharap sa nasabing krisis.

Kaya mo bang sumilip nang bukod sa anong ang kambas ay mahahagip?

“Opo, syempre.” Taas-noong sinabi ni Jane nang natanong siya kung nais ba niyang humingi ng angkop na payo sa naturang batas. Maayos na pagkonsulta man ang ipinamamahagi, pilit pa ring isinasabuhay ang kaayusang taglay na minsan na rin nating ginawang dapitan. Hindi man sapat na katahimikan ang dinaratnan ng karamihan, may tulong namang saksi kahit gaano pa kalalim ang napatutunguhan nilang kadiliman.

“Kung ano ang gusto mo, iyon ang sundin mo dahil kung patuloy kang gagaya sa ibang mga klase ng sining, mahihirapan ka lamang at sasakit pa ang ulo mo.” Si Nonoy, biniyayaan ng pangalang Ruben Casuncad, isang bihasang mang-uukit at pintor sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Occidental Mindoro. Nagsimulang magkaroon ng mata para sa sining mula noong siya ay nasa elementarya pa lamang. Nang siya ay tumuntong sa kolehiyo, saka niya inilapat ang Mangyang tema. Nang magkaroon siya ng oportunidad na magtrabaho sa kanilang komunidad, lumalim pa ang kaniyang interes dahil sa kamanghamanghang kulturang sa mga katutubo lamang masisilayan. Sa pamamagitan ng sining, hinangad niyang maipakita at maipakilala ang natatanging pamayanan lalong-lalo na sa mga kabataan. Bago siya makilala ng madla, maraming balakid ang kaniyang pinagdaanan. Isa sa naging problema ay ang limitadong pagbili ng kaniyang mga obra dahil ang bumili at tumangkilik nito ay pawang may kakayahan sa buhay lamang. Dahil sa kaniyang pagpupursigi, nakabuo siya ng kaniyang sariling tindahang LIGAD o Likhang Isinalarawan Mula sa Guni-Guni at Damdamin na naglalayong gumawa ng mga likhang sining sa pamamagitan ng mga materyal na makikita sa kapaligiran. Isa sa halimbawa nito ay mga inaanod na kahoy. Malaki rin ang naging papel ng DTI sa buhay ni Nonoy bilang isang pintor. Dahil sa nakitang potensyal ay sinuportahan siya sa paglahok sa Agbaliwa Provincial Trade Fair noong 1998 na naging simula ng pagkilala sa kaniyang mga likhang sining. Sa sunod-sunod niyang tagumpay, nahikayat siya ng turismo na bumuo ng isang grupo upang ipagsigawan sa daigdig ngunit mga kabataan ang kaniyang ginawang mga miyembro. Ngayon, ito ay kilala bilang ang Golden Tamaraw kung saan naibahagi ang kaniyang karunungan at talento sa mga henerasyong kasalukuyan. Aniya, sa lahat ng kaniyang mga naturuan, hindi niya nagawang husgahan ang bawat estilo ng likha, dahil bawat isa ay may kanikaniyang mga paraan sa paghahayag ng sarili at pamumukaw sa iba. Isang halimbawa si Nonoy upang gawin mo ang sining na siyang sa iyo ay nagpapasaya. Maraming paraan ng pagbuo ng sining ngunit kung sarili mong istilo at interes ang iyong lalakbayin, ito ay mas magkakaroon ng halaga. Tulad ni Nonoy na limampung taon ng pintor, huwag kang matakot na ipakita ang kakayahan mo at gawin mo ito nang may pagmamahal at may layunin.

CATHLYNE ASHLEY JACOB
DARYL BASILIO
YUAN RUIZ CASTILLO

Buklurang

binigkis ng prinsipyo

Namumukadkad. Nakapupukaw. Kanlungan ang tinatanglaw. Himig dito, sayaw roon. Kumukutikutitap ang mga palamuti sa kanilang katawan; nakaaakit ang ngiti sa kanilang mga labi. Binibihag ang puso ng mga manonood at hinihimok ang nakakubling kasiyahan ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagbigkas sa mga mapang-akit na liriko ng musika.

Landas ng mahalimuyak na Rosas

Binubungkal ang sakahan ng prinsipyo ngunit kalunusan ang nailathala. Hindi maintindihan kung ano ang kinauugatang dahilan, sapagkat ang dalisay na katotohanan ay hindi pa naisakatuparan. Wari’y hindi na halos maiwangis ang katauhan sa madla, sa kadahilanang lugmok na sa isang tabi. Lingid sa kaalaman ng lahat na simula pa noon ay minamaliit na ng lipunan ang kakayahan ng kababaihan. Nakaliligtaan ang mga karapatan nila at pinipili na lamang na magtago sa isang sulok, maiwasan lamang ang panghuhusga at diskriminasyon. Dinidiktahan na basta babae ay mahina at walang magagawa kung hindi magpatahan na lamang ng sanggol. Gayunpaman, sa kasalukuyang panahon, kitang-kita na ang untiunting pagbabago, ngunit hindi pa rin tuluyang maiwaksi ang tagilid na prinsipyong hadlang sa karapatan. Araw-araw ay nasa digmaan ang kababaihan, umaasang sana ay magkaroon ng pagkakapantaypantay sa mata ng sanlibutan. Sa ganitong uri ng pamamahala, sumibol ang isang batas na nagbibigay lakas at boses sa kababaihan upang maipaglaban at maipahayag ang kanilang likas na karapatan. Ang Republic Act 9262, o mas kilala bilang “AntiViolence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004,” ay itinuturing na matibay na haligi ng proteksyon laban sa pang-aabuso at diskriminasyong matagal nang nagpapahirap sa mga kababaiahan, diskriminasyong madalas na nangagaling sa kalalakihan. Bahagi ng responsibilidad ng pamahalaan ang pangunguna sa maayos na pagpapatupad ng batas na ito. Trabaho Nilang magpatupad ng mga programa at aktibidad upang mabawasan at mapigilan ang sigalot na nararamdaman ng kanilang mamamayan.

Isa si Alexa Fye De Leon, mag-aaral sa San Jose National High School, sa mga sumalang sa kamakailang Digital Logo Making Competition na pinangunahan ng bayan ng San Jose, Occidental Mindoro, at nakamit niya ang ikatlong pwesto sa paligsahan. “Ang inspirasyon ko po ay ang

Ngayong Disyembre, talamak na naman ang pag-awit at pagkendeng ng mga bata sa kanilang pangangaroling. Babatingaw na naman ang ang gabing katahimikan at mapakikinggan ang himig ng kapaskuhan. Mapupuno na naman ang bulsa ng kabataan dahil sa mga baryang inilalaan ng mga inaawitang

LGBTQ Drum and Lyre Band, isang banda na binubuo karamihan ng mga musikero mula sa San Jose National High School (SJNHS). Nabuo ang hanayang ito noong Nobyembre 3, 2024 na pinangunahan ng mga estudyanteng parte ng komunidad ng LGBTQIA+ na naglalayong magpasaya ng mga tao at maging kanlungan ng mga batang pakiramdam ay tinalikuran na ng mundo. Nitong kamakailan lamang ay nagsagawa sila ng aktibidad na pumukaw sa puso ng madla—ang pangangaroling. Isa si Clarence, magaaral sa SJNHS, sa mga namumuno sa nasabing banda at isa sa mga nangunguna sa pagbibigay-aliw sa mga manonood. May malapad na ngiti niyang isinambit na sila ay sumambulat ng mga mapangakit na melodiya sa kanilang kinagisnang komunidad, partikular na sa Brgy.

mga kakabaihan, who experienced such social injustices at ang pagnanais na magbigay boses at tulong sa mga biktimang nakaranas ng karahasan,” ani Alexa. Binigyang-hustisya niya ang opresyong nangyayari sa kababaihan at inilantad ang karahasang nangyayari dulot ng misohinong pananaw ng madla sa pamamagitan ng simple ngunit makapangyarihang logong kaniyang nilikha. Ayon kay Alexa, bawat detalye ng kaniyang likhang logo ay may kaakibat na simbolismo. Makikita sa kulay at hugis ng kaniyang likhang sining ang mga mensaheng humahaplos sa kung sino man ang makakakita rito. Samantala, ang bawat linya naman ay nagsisilbing tagubilin na tutuwid sa perspektibo ng mga tao, upang mapigilan at patuloy na mawala ang pang-aalipusta laban sa mga kababaihan kabilang na ang kawalan ng katarungang panlipunan, hindi pagkakapantay-pantay, at iba pa. “Hindi ka nag-iisa.” Pahayag niya ukol sa kung ano ba ang nais iparating ng kaniyang sining. Hindi lamang kamalayan ang ninanais iparating ng nasabing obra, bagkus gusto rin nitong magkaroon ng inklusibong mundo na magpararamdam sa mga tao lalo na sa mga kababaihan, na ano man ang seksuwalidad mo ay parte ka ng lipunan.

Isa lamang itong patunay na sa simpleng obra maestra ay makapagbibigay na ito ng malawakang pagbabago sa isip at puso ng bawat tao. Ilang dekada nang iniinda ng kababaihan ang abusong idinulot ng sanlibutan. Hinahangad na sana ay mabigyan sila ng boses at mailantad ang kanilang tunay na karapatan. Dahil dito, naisabatas ang VAWC na nagsilbing daan tungo sa maayos na kinabukasan. Batid ng lahat na malaking tulong ang kabataan sa pagpapalawak ng progresibong pang-unawa sa sarili at sa iba. Sinasalamin ng mga aktibidad na nangyayari ang mga opresyong naganap at gumagawa ng solusyon ukol sa nasabing mga isyu. Hindi man perpekto ang pagwaksi sa ibinulalas na kaguluhan, sigurado naman na napipigilan at ginagawa ang lahat ng kakayahang mawakasan lang ang karahasan at kawalan ng angkop na karapatan.

Caminawit at iba’t iba pang ibayo ng San Jose. Gabi-gabi ay hindi na niya masukat kung gaano na kabighani ang mga nasisilayang saya sa mukha ng mga madla. Maririnig ang pagpalo sa mga tambol at paggising sa awit ng mga lira sa bawat lugar na kanilang tinutugtugan. Hindi sila nagalinlangan na ipakita ang kani-kanilang kagalingan sa paggamit ng iba’t ibang instrumento. Walang makapagtatanggi na sa bawat miyembro na kabilang sa kanila ay mayroong angking husay at talentong taglay. “To emphasize the talents and skills of LGBTQ members by twirling their batons and swaying their flags,” sinabi ni Clarence nang kapanayamin siya ukol sa kung ano ang layunin ng kanilang banda. Hindi maikakaila na nailahad nila ang kanilang pagiging henyo sa larangan ng tugtugan at sayawan. “Kaya naming patunayan na sa kabila ng pamumula, pambababa, [at] pangiinsulto sa amin, mas marami parin ang mga tumutulong, nagmamahal, at sumusuporta sa amin,” dagdag niya.

Abot-tainga ang ngiti sa mukha ni Clarence sapagkat nailantad nila nang tuwiran ang kanilang layunin na sumaya at magpasaya. Hindi maitatanggi na ang bukluran ng kanilang awit ay nagsilbing simbolismo ng pagkakaisa at binuhay ang diwa ng kapaskuhan. Sa nasabing banda, nagsilbi itong tahanan kay Clarence at sa iba pa niyang kasamahan lalo na sa panahong wala nang matakbuhan. Nagbigaykasiyahan ito hindi lamang sa madla maging sa mismong mga musikerong bahagi ng grupo. Hindi man ganoon kaperpekto ang kanilang grupo ngunit nagsusumikap sila na maipahayag ang mensahe nila kahit na sa simpleng paggalaw lamang ng katawan. Bawat melodiyang kanilang pinatutugtog ay sumasalamin sa kung gaano sila kagaling hindi lang bilang musikero kundi pati na rin bilang isang istudyante at indibidwal. Tulad ni Clarence at ng LGBTQ Drum and Lyre Band, malaki rin ang potensyal ng bawat isa na maging talentado at maging henyo sa mga napiling larangan. Sa mga sigalot na kinahaharap nila, wari mo’y sirang plaka ang pagdagundong ng kanilang kalooban upang magpasaya. Saksi ang mga estrelya kung gaano sila nagpursige at nagsanay upang magpasaya. Hindi man ganoon kalawak ang samahan nilang binubuklod, wagi naman ang inilalathalang mensahe mula sa kanilang mga puso. Tinalikuran man ng mundo ngunit titindig pa rin. Ipinagkait man ang inaasam na kutitap sa kani-kanilang buhay, hindi pa rin hihimlay ang pagkakaisa nilang taglay. Marami mang butil ng kaisahan sa paligid na hiwa-hiwalay, mataas naman ang kompiyansa nila na maisakatuparan ang prinsipyong bigkisang isasabuhay.

TENTatibo:

Alamin ang sistema sa pagpapatayo ng Camping Tent

Minsan, may mga pagkakataong kailangan nating manatili bagaman mahirap na. Gayundin, iapak ang ating paa mula sa lupaing ang salitang pamilyar ay hirap pang ipinta.

Isa ito sa karaniwang tagpo sa tuwing nagsasagawa ng camping at tent-building sa iba’t ibang lugar at nalalayo mula sa nakagisnang tahanan. Sa mga ganitong pagkakataon, marapat na parating handa ang mayabong na kaalaman. Narito, alinsunod sa Bise Presidente ng Boy Scout of the Philippines ng San Jose National High School, ang ilan sa simple ngunit mabisang proseso sa pagaareglo ng toldang pansamantalang iyong magiging tahanan:

1 2 3 4 5 6

HAKBANG #1: ILAPAT SA LUGAR NA LIGTAS

Piliin ang lugar na pagtatayuan ng tent kung saan hindi gaanong nasa bukas na paligid. Mas mainam kung ito ay malapit sa isang matayog na puno sa paligid.

HAKBANG #2: IPINTA ANG TAHANANG PANSAMANTALA

Simulang iguhit ang magiging hitsura ng tent upang magkaroon ng direksyon at patutunguhang tunay na pinag-isipang talaga.

HAKBANG #3: SUKATIN ANG BAKOD

Siguraduhing wasto ang sukat ng bakod o pundasyon ng sisimulang tent upang mapanatili ang pagiging komportable habang nananahan, gayundin ang pagkakatayo nito mula sa lupa.

HAKBANG #4: ITAYO ANG TUNGKOD

Pagdikit-dikitin ang tatlong kahoy at simulang isagawa ang clove hitch o dulo ng tali. Ipalupot ito nang anim na beses papasok at palabas nitong tila imahe ng simbolong walo. Ulitin itong muli sa kabila at higpitan upang ito ay matagumpay na mabuo.

HAKBANG #5: IHANDA ANG LUNA

Bukod sa luna, bubong ang termino ritong ginagamit upang mas madaling makilala. Ito ay isa sa bagay na sa itatayong tent ay mahalagang ihanda. Magsisilbi itong panangga at magsasala ng mga duming papasok sa loob.

HAKBANG #6: GET SOME GADGETS

Kapag ang tutuluyan ay handa na, ang mga kasangkapan ay igayak na. Maglaan ng oras para sa paghahanda ng mga gamit gaya ng lamesa o hapag-kainan, gateway, shoerack, palikuran, at lababo o banggera. Kapag lahat ay naorganisa at naisaayos na, ang pananatiling pansamantala ay tuluyang magiging maginhawa.

DARYL BASILIO
DARYL BASILIO

SJNHS, ibinida ang ‘Ultrasonic Obstacle Detector Cane’ sa DSTF 2024

Nakalikha

ang mga mag-aaral mula sa San Jose National High School (SJNHS) ng isang proyektong idinisenyo para sa mga may espesyal na pangangailangan sa paningin na pinangalanang ‘Ultrasonic Obstacle Detector Cane’ na nagwagi sa ginanap na Division Science and Technology Fair (DSTF) 2024 noong Oktubre 18-19 sa Sablayan National Comprehensive High School.

Binuo ng mga ikasampung baitang ang proyekto, sina Fred Terrence Primero, Sam Alexis Reyes at Princess Kate Lalo, na nagpakita ng kahusayan sa larangan ng agham at teknolohiya sa kabila ng pagiging baguhan sa napiling larangan.

TEKNOLOHIYA SA LIKOD NG TUNGKOD

Ayon kay Fred Terrence Primero, miyembro ng Innovation Team, ang tungkod ay nilagyan ng ultrasonic sensor na nakatutukoy ng mga bagay sa dadaanan sa layong 35 sentimetro at nagbibigay ng babala sa pamamagitan ng buzzer at vibrator. Ang sistema ay pinapagana ng isang 9-volt na baterya at kinokontrol ng Arduino UNO upang matiyak ang maayos at tumpak na operasyon nito.

“Ang pinaka-una naming idea is to use infrared as the sensor for the cane. Pero nang i-testing namin ang unang sensor, we found out na ang infrared sensor ay sensitive, masyadong sensitive sa light, kaya napunta kami sa ultrasonic, which is sounds lang ng object ang kailangan,” paliwanag ni Primero.

Sa mga isinagawang pag-aaral, napatunayan ang kahusayan nito sa pagtukoy ng mga balakid tulad ng kahoy, bato, metal, at iba pa, maging sa mga komplikadong lugar tulad ng

hagdan at baku-bakong daan.

Bagamat epektibo na ang aparato, iminungkahi ang ilang pag-aayos tulad ng pagpapahaba ng tungkod upang mas malawak ang saklaw ng sensor.

Sa kabila nito, ang tagumpay ng proyekto ay nagbibigay ng inspirasyon na magpatuloy sa pagsasaliksik para sa mas advanced at abot-kayang teknolohiya.

MAKABAGONG SOLUSYON PARA

SA KALIGTASAN

Ayon kay Bb. Lara Aranda Pablo, assistant coach ng grupo, ang proyekto ay naglalayong gawing mas ligtas at mas madali ang paggalaw ng mga may espesyal pangangailangan sa paningin.

“Ang study namin is to help visually impaired individuals. Sa community natin marami tayong makikitang mga visually impaired individuals. At saka mahirap makapag-isip ng improvements para sa mga studies na nag-eexist na. Lalo na gusto namin makatulong sa community,” ani Pablo.

Dagdag pa rito, ang ilang sumubok ng tungkod ay nagpahayag ng kasiyahan sa kakayahan ng aparato na gawing mas madali at ligtas ang kanilang araw-araw na pamumuhay. Bagamat iminungkahi nilang pahabain ang tungkod upang mas mapalawak ang saklaw ng sensor, kinilala nila ang potensyal ng proyekto bilang makabuluhang teknolohiya. Ang ganitong uri ng teknolohiya ay paalala na ang agham ay hindi lamang tungkol sa pagiging makabago, kundi tungkol sa paglikha ng mas patas at makataong kinabukasan.

Ang“Pre, ano juice mo”

Samu’t saring palamuti ang naglilitawan at iba’t ibang paandar na handog ng bawat isa ngayong nalalapit na kapaskuhan. Nariyan ang mga nagniningning na Christmas light, magagarbong mga parol, at nagtataasang mga Christmas tree. Ngunit tila isang kakaibang palamuti ang pumukaw sa mata ng masa—isang bote na may kulay asul at pinaniniwalaang may dalang hiwaga sa loob ng silid. Para saan nga ba ito? Ating alamin ang hiwaga sa likod ng bumibidang bote na may asul na kulay. Sa isang munting silid tila isang madilim na hamon ang nagkukubli. Tila kapansin-pansin ang isang kakatwang palamuti na nakasabit mula sa kanilang bintana. “Ano ito?” pabulong na pagbigkas ng aking mga labi. Habang ako’y naglalakad aking napansin ang isang babae na bitbit ang isang boteng kulay asul. Unti-unti akong lumapit at binigkas ang salitang “Ano po bang meron dyan?”

A-SHOO-L NA BOTE

Ang blue bottle o mas kilala sa tawag na “scare-cat” ay naglalaman ng asul na tina na madalas makikitang nakasabit o nakalagay sa daraanan dahil sa paniniwala ng karamihan na nakatutulong ito upang maiwasan ang pagdumi at pagihi ng mga pusa sa loob ng silid o bakuran.

TEORYANG BUMABALOT

Ilan sa mga paniniwala na ang mga pusa ay takot na lumapit dito sa tuwing ito ay tinatamaan ng liwanag. Ayon sa pag-

“Pre, pahipak naman?”

Hindi natin namamalayan na sa pamamagitan ng paghigop at pagbuga nito unti-unti na pala nitong sinisira ang ating kalusugan. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin tinatangkilik ang “electronic cigarette” o mas kilala sa tawag na “vape,” kasabay ng pagka-aliw ng nakararami dahil sa iba’t ibang disenyo, kulay, at kakaibang lasa na inihahandog nito.

Alam mo ba na ang Electronic cigarette o vape ay binubuo ng elektronikong aparato? Tulad na lamang ng air flow, power button,

charging port, coil at atomizer na pinapagana sa pamamagitan ng baterya. Upang tuluyan itong maging ganap na “electronic cigarette” ito ay naglalaman ng “cartridge” na pinaglalagyan ng e-liquid o flavoring na iyong malalasahan sa bawat paghigop dito.

Binubuo ito ng ilang sa mga pangunahing kemikal tulad ng

“Propylene Glycol” at “Vegetable

Glycerine.” Ang “propylene glycol” ay isang uri ng sintetiko na alkohol na pinanggagalingan ng e-liquid at bumubuo ito ng bapor sa pamamagitan ng init. Habang

aaral, ang mga pusa ay “colorblind” at tanging kulay asul, dilaw at berde lamang ang kanilang nakikita. Subalit ang amoy ng kulay asul na tina o “bluing powder” ay pinaniniwalaang hindi gusto ng mga pusa kaya isa ito sa posibleng dahilan kung bakit natatakot sila sa mga inilalagay na bote sa bawat silid.

MGA BANSANG GUMAGAMIT

Bago pa man ito magsimula sa Pilipinas, ang kagawian na ito ay hindi na bago para sa iba. Sa katunayan, maging sa iba’t ibang bansa ay matagal na itong ginagawa. Ilan sa mga ito ay ang bansang India, Spain, Argentina, Mexico at Japan na kung saan ay gumagamit sila ng bote na puno ng naturang tubig. PAGLANTAD NG KATOTOHANAN

Ayon kay Dr. Sean Evan Javier, isang beterinaryo ang kagawiang ito ay hindi pa napatutunayan na dahil lamang sa paglalagay ng tina o kulay asul ay maaari itong makapagtaboy ng mga pusa upang hindi ito dumumi at umihi sa loob ng silid o bakuran. Hanggang ngayon ay patuloy na pinag-aaralan kung saan nagsimula ang ganitong kagawian. Bagamat hindi pa napatutunayan kung epektibo ang pagsasagawa nito, nasa sa atin pa ring mga kamay nakasalalay ang desisyon ng paggamit nito. Subalit, paalala lamang na ang kulay asul na tina o “bluing powder” ay isang uri ng nakalalasong kemikal. Kaya’t hangga’t maaari, iwasan itong ilagay sa lugar na madaling makuha ng mga bata.

ang “vegetable glycerine” naman ay isang uri ng likido na mula sa vegetable oil at fats na nagbibigay ng makapal na pagbuga ng usok. Ito rin ay nagbibigay ng kakaibang lasa tulad ng strawberry, grapes, mango, apple, menthol, coffee, at marami pang iba. Isa naman sa aktibong sangkap na nilalaman ng electronic cigarette o vape ay ang “nicotine”, isang uri ng kemikal na nakasasama at nagdudulot sa pagkasira ng baga, hirap sa pagtulog, asthma, heart attack, headache, diarrhea, at anxiety. Upang masiguro at mabigyan

proteksyon ang kalusugan ng bawat konsumer, mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang pagkonsumo at pagbebenta ng vape sa mga kabataan. Ayon sa Republic Act No. 11900 Section 7, nararapat na tiyakin ng mga retailer na walang indibidwal ang maaaring bumili ng produktong ito hanggang wala pa sa edad na labingwalo (18). Maging mapanuri sa bawat pagkakataon, alamin ang posibleng epekto nito sa ating kalusugan hindi lamang sa panlabas na ating nakikita. Ating isaalang-alang ang ikabubuti ng ating kalusugan upang sa huli ay hindi natin pagsisihan.

RSV: Karaniwang virus, maaring magdulot ng malubhang sakit

Respiratory Syncytial Virus o RSV ay isang uri ng nakahahawang virus na karaniwang nagdudulot ng sipon, ubo, at iba pang sintomas tulad ng trangkaso. Mild lamang ang epekto nito at gumagaling sa loob ng isa o dalawang linggo, ngunit nakapagdudulot ito ng malubhang komplikasyon, lalo na sa mga sanggol, matatanda, at mga taong mahinang immune system. Ayon sa mga eksperto, kumakalat ang RSV sa pamamagitan ng droplets mula sa ubo o bahing, at paghawak sa mga kontaminadong bagay tulad ng laruan o doorknob. Madaling maipasa ang virus, lalo na sa mga sanggol, buntis at may edad na. Ang RSV season ay karaniwang nagsisimula tuwing tag-ulan at tumataas ang mga kaso sa panahon ng taglamig, at untiunting bumababa pagdating ng tag-araw. Ang mga sintomas ng RSV ay karaniwang kahawig ng sipon, kabilang ang baradong ilong, tuyong ubo, pananakit ng lalamunan, at mababang lagnat. Maaari itong mauwi sa mas malubhang kondisyon tulad ng pneumonia at bronchiolitis. Ang mga taong may ganitong karamdaman ay kadalasang hirap sa paghinga at mabilis mapagod, walang gana kumain, at may matinding iritasyon. Sa mas malalang kaso, maaaring magkaroon ng kulay asul ang balat dulot ng kakulangan ng oxygen. Mahalaga pa ang wastong pag-iingat upang maiwasan ang mabilis na pagkalat nito. Inirerekomenda ng mga eksperto ang palagiang paghuhugas ng kamay, paglilinis ng mga laruan at mga bagay na madalas hawakan. Pinapayuhan na magkaroon ng sariling gamit sa pagkain tulad ng plato, kutsa at baso. Mahalagang isaalang-alang ang mga bakuna tulad ng Abrysvo at Arexvy upang mapigilan ang malalang epekto ng virus. Ngayong panahon ng RSV, mahalaga ang ibayong pagiingat at pagiging mapanuri sa mga sintomas at agad na pagkonsulta sa doktor kung kinakailangan. Sa wastong impormasyon at mabilis na aksyon, maaaring maiwasan ang seryosong epekto ng virus at maprotektahan ang bawat miyembro ng pamilya.

TRISHA TAÑALA
NINZ ESTONILO
NOELLA VILLARIN
MHYLZ ACOSTA LIWANAG

AGTEK

1958

Taon kung kailan unang nadiskubre ang sakit na Monkeypox (MPOX)

MPOX: Alamin ang Katotohanan, Kalusugan ay Protektahan

MARTHEENA GRACE BARAL

Bilog, maitim at malaki. Mga tila butlig-butlig sa ating katawan. Karaniwang may nana ito sa loob nito at ito ay kumakalat sa ating katawan. Ano nga ba ito at maari ba itong maging sanhi ng panibagong pandemya?

Ang Monkeypox o Mpox ay isang uri ng nakahahawang sakit sa ating balat. Ito ay bilog at maitim na nakadikit sa anumang parte ng ating katawan. Ito ay isang viral zoonotic infection na maari itong maipasa mula sa hayop papunta sa isang tao. Maari din itong maipasa sa iba sa pamamagitan nag skin-to-skin contact, paghalik, at pakikipagtalik.

UGAT NG MPOX

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention o CDC, ang Monkeypox ay nagmula sa Africa, dulot ng mga unggoy o kaya mga rodents na naninirahan dito. Dahil ito

Bagong tunog ng Peligro

Tunay na kaysarap balikan ang masasayang mga alaala sa tuwing sasapit ang hatinggabi. Tila ang buong kapaligiran ay binabalot ng katahimikan at bagong pag-asa ngunit ang masasayang sandali ay napalitan ng pangamba. Naririnig mo ba? Ang unti-unting paglakas ng dagundong na mula sa kalawakan. Ito na ba ang tanda ng pagbabago o ang bagong tunog ng peligro?

Ihanda ang iyong sarili pagpatak ng alas-dose ng hatinggabi dahil hindi pa diyan nagtatapos ang lahat, maririnig mo ulit ang sunod-sunod na malalakas na dagundong at sabay-sabay na pagbigkas ng salitang “Maligayang bagong baon,” kasabay din ng pagbungad ng mistulang makukulay na palamuti ng kalangitan ang agaw pansin na grupo ng kabataan dahil sa kanilang kakaibang libangan na kung tawagin nila’y boga.

“I-bomba mo na yan” naka-ngisi na wika ng kaniyang kasama. Sa isang saglit ay naglabas ito ng bote na may lamang alkohol na kaniyang inilagay sa ibabang bahagi kasabay nang pag-alog dito. Sa una ay aakalain mo na isa lamang itong simpleng libangan ng mga kabataan ngunit kinalaunan isang malakas na dagundong nanaman ang umarangkada. Aha! mula pala ito sa boga, isang popular na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Ngunit hindi maikakaila ang peligro na naghihintay. Ayon sa bagong naitala ng

Department of Health (DOH) nito lamang buwan ng Disyembre 25, 2024 umabot sa mahigit apatnapu’t pito (47) na bagong kaso ng mga nasugatan dahil sa boga. Isa rin sa ikinababahala ng Philippine National Police (PNP) ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na gumagawa nito. Lantaran nang ibinabahagi sa social media ang pagbuo ng boga at iba’t ibang tutorial video. Sa pahayag ni Fajardo spokerperson ng Philippine National Police (PNP) “Sa mga nagpo-post ng paggawa po ng boga, we want to warn everyone na meron po kayong kahaharapin na mabigat na kaso dahil matagal na pong itong ipinagbabawal.”

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinutugis ng pulisya ang salarin sa likod ng pagkalat ng mga tutorial video.

Dagdag pa rito, ipinapaalala rin ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na bigyang pansin at mahigpit na ipagbawal sa kanilang mga anak ang paglalaro ng boga dahil maaari itong humantong sa pagkabulag at pagkasunog ng balat.

Tila ang malalakas na dagundong ng kalawakan ay tanda ng pagsisimula ng panibagong yugto ng ating panahon, subalit ito rin ay isang paalala na ang peligro ay papalapit na. Kung sa bawat yugto na ating kahaharapin ay isang malakas na dagundong ang sasalubong, sana’y sa susunod tanging magandang alaala na lamang ang dala nito at hindi ang isang bagong peligro.

ay isang zoonotic na sakit, naipasa ito sa mga tao na naninirahan sa lugar na ito.

ANG KASAYSAYAN NG MPOX

Ayon sa CDC, ang virus ay unang nadiskubre noong 1958. Ang dalawang kaso ng Mpox ay natagpuan sa isang kolonya ng mga unggoy. Ang kauna-unahang kaso ng Mpox sa tao ay naitala noong 1975 sa Democrating Republic of Congo. Ito ay kumakalat sa buong mundo noong 2022 at ngayong 2024 ay may naitalang 15 na kaso ng Mpox sa buong Pilipinas.

MGA PALATANDAAN AT SINTOMAS

Ang mga karaniwang sintomas ng Mpox ay ang pagkakaroon ng mga pulang pantal sa ating balat at mga pulang sugat sa ating bibig. Ang mga sintomas ay maaring

may kasamang lagnat, ginaw o panginginig, pagkapagod, sakit ng ulo at kalamnan at sore throat o ubo. Tumatagal ito ng 21 na araw. Ang Mpox ay maaring matagpuan sa ating mga kamay, dibdib, bibig o kaya sa ating mga ari. Sa simula ng 3-17 na araw, hindi gaanong halata ang mga sintomas at walang nararamdamang sakit. Kapag ito ay agad na naramdaman ay mas mainam na magpakonsulta sa Doktor upang maagapan agad ito. Ang Mpox ay isang sakit na maaring maipasa sa ibang tao. Kahit ito ay mayroong gamot at bakuna, dapat tayo ay maging maingat at sumunod sa mga preventive measures. Sa pamamagitan ng wastong aksiyon ay maaari nating maiwasan ang sakit na ito at maaari nating mapigilan ang mas lalong pagdami nito. Ang kaligtasan ng isa ay kaligtasan ng lahat.

Bagong kaso ng mga nasugatan dahil sa boga “ 47

Sa una ay aakalain mo na isa lamang itong simpleng libangan ng mga kabataan ngunit kinalaunan isang malakas na dagundong nanaman ang umarangkada.

MHYLZ ACOSTA

Natamnang hardin: Lumalagong bugso ng damdamin

“Ma…? Pa…? Nasaan po kayo?” Masidhing pamamalimos ko sa katiting na tugon ng kanilang anino subalit bulong ng hangin lamang ang sa akin ay nagbigay-abiso.

Wala nang bago. Parati na lamang akong dumaraan sa mga ganitong tagpo. Tila ako ay naghihikahos na lunukin ang katotohanang nakasanayan na ang pangyayaring halos nakaturok na sa aking ugat at dugo subalit nakadudurog pa rin sa aking puso.

Ngunit sa isang iglap, hindi ko inakalang ako ay makatutuloy sa minimithi kong pagtakbo bagaman pinili ko lamang na makisabay sa uso.

Sa simpleng add to cart, nagbago ang lahat. Hindi lamang atmospera ng tahanan, maging ang matatag na samahan. Dalawang nangungunang salik na naapektuhan magmula nang lumago ang aming pinangangalagaan at pinangalanan pang halaman.

PLANT IN YOUR MIND

Grass Head Doll Plant kung ito ay bigyang-pagkakakilanlan. Maaaring bihisan at baguhin ang pisikal na anyo, sa ulo ay lalapatan ng diyenso, at mga pagtuturing na tila ay tunay na humihingang tao. Minsan pa, ilang uri ng hayop ang mapagmamasdang kinalalabasan nito.

Bago man sa pandinig subalit nakadaragdag ito sa pag-aalsa ng pananabik na sa aking isip ay matagal nang sumisiksik.

Mapabata, matanda, kahit sino ay tiyak na madadala ng mahiwagang alindog ng Grass Head Doll Plant. Sa unang sulyap, tila isang payak na halaman lamang, ngunit sa bawat himaymay ng berdeng damo nitong animo’y sutlang sumasayaw sa ihip ng hangin, bumubukas ang pinto patungo sa isang paraisong hitik sa imahinasyon.

Ang halamang ito’y hindi lamang palamuti kundi isang buhay na sining, isang lunan ng pagkamalikhain, isang larangan ng pag-asa, at isang kanlungan ng katahimikan mula sa magulong daloy ng modernong pamumuhay.

Sa bawat patak ng tubig na iyong inihahandog, tila nagbubunyi ang halaman sa ilalim ng iyong pagkalinga. Sa bawat dekorasyong iyong idinadagdag, hinuhubog mo ang isang obra maestra na tanging sa iyong mga kamay mabubuo.

MANY-KANG NAPATUTUBO

Upang buhok nito ay lumago, paaabutin nang tatlumpung minuto sa tubig na nakababad ito. Sa pagtubos dito mula sa sumpa ng pagkalunod, maaari na itong paupuin sa sulok. Humahaba ang “buhok” nito sa tuwing nabababad ito sa kaniyang shampoo. Karagdagan pa, sari-saring estilo ang maaaring igupit sa ulo nito.

Gayunpaman, apat na beses na mas mahaba pa rin ang aktuwal na buhok ng isang tao kumpara sa halaman na nasa hugis na ito. Hindi nagtatago at nakakubli kaya naman hindi hamon ang ito ay matunton. Isang pananaliksik lamang sa pamilihang online, agad nang masisilayan ang lokasyon nito.

Isa itong libangan mula sa reyalidad para sa karamihan. Maaari ring magsilbing simbolo ng muling pagsasamahan at paglalagay-alab sa nagyelong damdamin ng pagkakaibigan o pagkakapatiran.

Tara na’t lumikha ng isang bago at kakatwang libangan na SWAK para sa mga bata:

HAKBANG 1: TIPUNIN ANG MGA KAGAMITAN

Kolektahin ang mga pinaglumaang medyas, buto ng damo, sawdust o hindi kaya ay lupang taniman, at mga pampalamuti.

HAKBANG 2: IHANDA ANG MEDYAS

Gupitin ang isang parte ng medyas, itali sa kabilang dulo, at saka idagdag ang dalawang kutsaritang buto ng damo sa loob nito.

HAKBANG 3: PUNAN AT IHUGIS

Tambakan ang loob nito gamit ang sawdust o hindi naman kaya ay lupa upang makabuo ng imahe ng isang bola. Huwag kaligtaang itali nang mahigpit ang dulong nakabukas.

HAKBANG 4: DISENYUHAN

Ilapat ang mga anyong pantao gaya ng ilong sa tulong ng goma, mata, damit, at iba pang abubot na hindi nasisipsip ng tubig upang mapanatili ang kapit.

HAKBANG 5: PALAGUIN AT BIGYANG-ESTILO

Ilabas upang masinagan ng araw, huwag kaligtaang ang tubig dito ay dumalaw, at masilayang lumitaw ang buhok

Water Kefir para sa Healthy Happy Tummy

Oo, ikaw nga….Diba ikaw yun? Yung nagsabi na “Magiging Healthy Living na sa 2025” pero panay scroll sa social media at tulog lamang ang ginagawa? Alam mo na ba ang gagawin mo? Kung hindi pa, sagot kita diyan. Sa panahon ngayon samu’t saring mga sakit ang naglilitawan na nagdudulot ng pangamba sa kalusugan ng bawat indibidwal. Kaya para mapanatili na ligtas ang iyong pangangatawan isang makabago at natural na solusyon ang natuklasan na mayaman sa iba’t ibang benepisyong pangkalusugan na kung tawagin ay “water kefir”

SIKRETO NG HEALTHY LIVING

Ibinahagi naman ni Sir Joe Paz, guro sa Grade 11 at dedikadong gumagamit ng water kefir sa San Jose National High School, ang kaniyang karanasan sa paggawa at pag-inom ng water kefir. “Nagsaliksik ako ng ilang mga pag-aaral sa inuming ito at naging mas interesado ako nang malaman kong ito ay ginagamit ng mga Tibetan monks.” Ani Paz. Dagdag pa ni Sir Joe Paz na malaki ang naitulong ng Water Kefir sa kaniyang kondisyon bilang may Type 2 Diabetes. “Simula nang madiskubre at gamitin ko ang water kefir, may improvements sa aking pakiramdam”, sabi ni Paz.

Water Kefir na may Probiotic Power Isang uri ng inumin na mula sa pinagsamang tubig at kefir grains. Sa pamamagitan ng proseso ng fermentation, nagsisimula itong lumikha o bumuo ng probiotics at iba pang mahahalagang nutrisyon na kapakipakinabang sa ating kalusugan. Kinikilala ang water kefir dahil sa yaman nito sa probiotics content; ilan sa mga ito ay ang Lactobacillus, Lactococcus, Streptococcus, at Leuconostoc. Ang probiotics ay isang uri ng “good bacteria” na tumutulong upang tunawin ang mga pagkain sa ating digestive system. Isa rin sa kagandahan ng water kefir ay maituturing itong “dairy-free” o produktong mula sa natural ingredients na walang sangkap ng gatas.

BENEPISYO NA HINDI DAPAT PALAMPASIN

Bagama’t limitado pa ang pag-aaral nito, ang mga eksperto ay nagsagawa ng ilang proseso upang alamin ang mga benepisyong hatid ng water kefir. Sa pamamagitan ng test tube studies, napag-alaman na ang kefir extract ay maaaring makatulong upang pigilan ang paglaki ng cancer cells sa mga indibidwal na may kondisyon nito. Dagdag pa rito, ang mga probiotics strains na meron ito ay nakatutulong upang pigilan ang ilan sa mga karamdaman na nararanasan ng isang indibidwal, kabilang ang intestinal infections, urinary tract infections at respiratory infections. Nagsagawa rin ng animal studies ang mga eksperto at napag-alaman na nakatutulong din ito upang labanan ang iba’t ibang inflammatory problems tulad ng asthma.

SUBUKAN NANG MAPATUNAYAN

Narito ang ilan sa mga hakbang sa pagbuo ng water kefir ayon sa Cultures for Health: (1) Una, maglagay ng ¼ tasa ng asukal sa isang litro ng tubig at haluin ito hanggang sa matunaw ang asukal. (2) Sunod, idagdag ang 2-4 tablespoons ng water kefir grains sa tinunaw na asukal. (3) Pangatlo, ilagay ang kefir grains sa garapon, takpan ito gamit ang tela o coffee filter at itali ito gamit ang rubber band. (4) Pang-apat, ilagay ang garapon sa isang lugar na may temperatura na 20-24°C (68-75°F) at hayaang magferment sa loob ng 24-48 oras. (5) At panghuli, matapos ang fermentation period, ang water kefir ay handa nang salain. Bagama’t mayaman ito sa mga benepisyong tinataglay ng ating katawan. Kinakailangan pa rin nang mas masusing pag-aaral para sa mga posibleng epekto ng water kefir sa ating kalusugan. Pinapaalalahanan din ang lahat na komunsulta muna sa mga eksperto upang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kondisyon ng inyong kalusugan. Sa pamamagitan nito mapipigilan natin ang negatibong epekto sa ating katawan.

MARTHEENA GRACE BARAL
CATHLYNE ASHLEY JACOB
LAKAS SA BAWAT KATAS. Inihahanda ni Sir Joe Paz ng San Jose National High School ang
Water Kefir, isang likas at probiotikong inumin, noong ika-22 ng Setyembre 2024. Ito ay nagsisilbing healthy substitute para sa soft drinks at matatamis na inumin, na nagbibigay ng sustansya at tumutulong sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.
Larawan mula kay: Joe O. Paz

SJNHS, KAYO ANG

GINTO: SJNHS, Namayagpag sa Dance Floor, 6 Medalya sa Provincial Meet ang nakamit. Sa bawat spin, sway, at flawless footwork, ipinakita ng SJNHS ang pusong kampeon at galaw na walang kapantay.

Larawan mula kay: Precious Gale Cruz

SJNHS Dancesport, sayaw tungo sa ginto

agsimula ang lahat sa simpleng pangarap—ang makapag-perform, makasayaw, at maranasang sumali sa kompetisyong dancesport. Hindi maikakailang ang bawat tagumpay ay nagmumula sa dedikasyon, tiyaga, at pagtitiis. Ngunit sa dancesport, hindi lamang sining at ritmo ang bumubuo rito, bagkus may isang karagdagang elemento ang kasama upang lumikha ng kompletong pagganap—ang pagkakaisa.

“Hindi ko alam kung ano iyong ‘secret strategies’ ko para makuha yung gold, pero ang masasabi ko lamang ay kailangan ninyo ng partnership in dancesport.” Binigyang-diin ni Patricia Eterlyn L. Castillo, isa sa mga naging kampeon sa larangan ng dancesport mula sa San Jose National High

Para sa mga mananayaw, isang napakahalagang hakbang sa pagkamit

EDITORYAL

Uwian na, hindi na masaya

ng tagumpay ang maayos na samahan, sapagkat ang matagumpay na pagsasayaw ay nagmumula sa mabuting komunikasyon sa ating kapareha; madali nating maisasakatuparan ang mga pamamaraan at paggalaw na kinakailangan sa bawat pagsayaw. Ang maayos na koneksyon ay magbibigaydaan patungo sa ating perpektong eksibisyon.

“Kinakailangan ninyo rin ng mahabang pasensya dahil kinakailangang naiintindihan at iniintindi ninyo ang bawat isa,” dagdag pa niya.Isang ebidensya na sa dancesport, hindi lamang pagod, pawis, at luha ang puhunan; kasama din dito ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at pagtutulungan.

Minsan, ang mga hindi pagkakaintindihan at mga alitan ay hindi maiiwasan, ngunit sa huli, ito ay nagiging bahagi ng proseso ng pagkatuto at pagbuo ng mas matatag na relasyon sa kapareha. “Minsan nag-aaway, nagtatalo

at hindi naman talaga naiiwasan iyon. Pero at the end of the day, kailangan naming mag-ayos at magkasundo agad,” pahayag ni Patricia.

“Sa dancesport, hindi namin iniisip na dapat makuha namin ang gold. Sa halip, iniisip namin na kailangan gagawin namin ang best namin at enjoy-in lamang ang laban,” patuloy ni Patricia. Ang kanilang pananaw sa kompetisyon ay nagsisilbing gabay na hindi ang ginto ang sukatan ng tagumpay, kundi ang pagsasagawa ng bawat galaw nang may pusong buo at may malasakit sa isa’t isa. Sa SJNHS Dancesport, ang mga mananayaw ay hindi lamang sumasayaw patungo sa tagumpay upang masukbit ang ginto—sila’y nagkakaisa at samasamang nagtutulungan upang mapaunlad ang bawat isa. Ang bawat gintong medalya ay nagsisilbing simbolo ng kanilang sakripisyo, ngunit higit sa lahat, isang patunay ng natatanging pagkakaisa at pagtutulungan.

Ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa puntos, ngunit sa disiplina at dedikasyong matuto sa bawat laro.

na nakadidismaya ang nangyari. Matagal

natuloy ang inaasahang kaganapan ng mga mag-aaral, ang pagkawala ng isa sa mga pinakainaasahang pangyayari

Larong angat sa matibay na pundasyon

STatlong araw na puno ng pagpapakita

aaral, ang panahon ng Intramurals ay maaring natapos na, ngunit ang diwa ng pagkakaisa, kasiyahan, at pagtutulungan ay magpapatuloy sa bawat hakbang na ating tatahakin sa bagong kaganapan.

a isports, hindi sapat ang talento lamang. Kinakailangan ang wastong pagsasanay, disiplina, at pagpapalawak ng kaalaman. Ang Volleyball Training workshop ay nagsilbing tulay na makatutulong sa mga manlalaro upang makamit ang minimithing tagumpay. Isang mahalagang hakbang para sa mga manlalaro ng volleyball ang pagkakaroon ng wastong pag-eensayo sa kanilang larangan. Ang workshop na ito ay naglalayong mapabuti at mapalakas ang kasanayan at estratehiya ng bawat manlalaro, isang daan tungo sa pagiging dalubhasa at pagtamo ng mga mas mataas na antas na paligsahan. Bilang isang atleta, malaking tulong ito para sa akin upang mapaunlad ang aking disiplina at kasanayan. Bago pa ako sumali sa nasabing workshop, aaminin kong hindi ako gaanong

Balagso, nanguna sa larong Shot Put

ng atletang si Angelie Balagso mula sa San Jose National High School (SJNHS), ang pinakamataas na gantimpala sa larong Shot Put, na ginanap sa oval field ng Pedro T. Mendiola Sr. Memorial National High School (PTMSMNHS) noong ika-21 ng Nobyembre 2024. Matinding pag-eensayo at pagtutok sa pagpapabuti ng lakas at koordinasyon ng pangangatawan ang ginawang paghahanda ni Balagso upang

maibato ang pinakamahusay niyang tira sa kaniyang laban.

“Hindi lamang ang pagkokondisyon ng lakas ng aking katawan ang aking pinaghandaan, maging ang aking mental na aspeto ay handa dahil kailangan ko maging kalmado at kumpiyansya sa aking laban.” aniya. Kitang-kita ang kahanga-hangang lakas at husay ni Angelie sa bawat bato na kaniyang ginawa. Sa huling round ng kumpetisyon ay ipinamalas niya ang

pinakamalakas na tirang nagbigay sa kaniya ng pinakamataas na puntos na 7.59 meters. “Nakakakaba, anlalakas din ng throw ng mga kalaban ko.’’ Tamang lakas at teknik naman ang ipinamalas ni Balagso kaya’t matapos ang kanyang tagumpay sa Area Meet ay nakatakda nang maglaro muli si Balagso para sa darating na Provincial Meet.

magaling sa paglalaro ng volleyball. Mahina ang aking pisikal na pangangatawan sa pagsalag ng mga bola, at nahihirapan akong isagawa kung anong klaseng receive ang kinakailangan upang hindi makapagtala ng puntos ang kalaban. Kahit ako ay nakalahok na sa maraming kompetisyon, alam kong mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng wastong pagsasanay.

Gayunpaman, nang mailunsad ang Volleyball Training Workshop sa aming paaralan, naging isang epektibong programa ito para sa mga manlalarong katulad kong nahihirapan. Hindi lamang ito nagbigay sa akin ng mga teknikal na kaalaman sa mga laro, subalit ito rin ay nagturo sa akin ng mga iba’t ibang pamamaraan o estratehiya na magagamit sa bawat laban. Katulad na lamang ng wastong pagreceive, pag-set, pag-spike, at matikas na posisyon

habang naglalaro. Hindi lamang din ito tumutukoy sa pagpapabuti ng pisikal na aspekto ng isang atletang katulad ko, gayundin ang pagpapalawak ng aming kaisipan. Nahahasa rito ang aming kakahayang makapag-isip nang mas mabilis at gumalaw nang mas naaayon sa bawat laro. Isa rin sa mga layunin ng nasabing programa ang pagpapaunlad ng buong koponan at maging ng ating paaralan. Sa tulong ng Volleyball Training Workshop, tiyak na magiging mas malakas, mas matatag, at mas handa ang ating mga atleta na harapin ang mga hamon sa laban. Ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa puntos, maging sa disiplina at dedikasyong matuto sa bawat laro. Sa bawat bagong kaalaman, mas magiging handa tayo upang makipagsabayan sa mga malalakas na paaralan.

“Masaya ako at nagtagumpay ako kahit hindi ako masyadong satisfied sa mga tira na ginawa ko. Mas malakas kasi ang mga throw ko nong nakaraang training namin. Masaya pa rin ako dahil nanalo ako at nakuha ko ang pinaka mataas na points,” aniya. Dagdag pa niya, inaasahan niyang magiging matagumpay siya sa susunod na laban dahil matinding pagsasanay at paghahanda pa ang kaniyang gagawin upang makasungkit muli ng gintong medalya.

LARO ATBP. Alexa Fye De Leon
ALEXA FYE DE LEON
WENZYRRA TAÑEDO

Nobyembre - Disyembre 2024

Talampakan ang puhunan

Nabigo

sa ibang larangan, hindi naipagpatuloy ang karerang sinimulan, itinuwid ang daan patungo sa tagumpay na walang katapusan. Takbuhan ang kinagisnang laro ng kampeon na si Julia Sacmar na kasalukuyang manlalaro sa larangan ng Futsal. Nasa ika-limang baitang si Julia ng pasukin ang mundo ng palakasan. Mula pagkabata, inakala na niya na iikot na lamang sa takbuhan ang buhay niya bilang manlalaro ngunit nang hindi siya natanggap sa Provincial Meet noong taong iyon, lubos siyang nasaktan at nalugmok sa kalungkutan.

Hindi maikakaila na masakit sa damdamin ng isang manlalaro na tumigil sa pagsulong ng kanilang nakasanayang laro. Kaya naman, hindi maitatanggi na mayroon ding pagtulo ng luha mula kay Iya nang itinigil niya ang kaniyang pagtakbo.

Sa paglipas ng ilang mga taon, isang oportunidad ang bumukas para kay Julia. Nagsimula sa yayaan nilang magkakaibigan ang pagtahak niya sa bagong yugto ng kaniyang buhay bilang isang manlalaro.

Nagsimulang sumali-sali sa mga larong may kinalaman sa Futsal si Julia sa edad na 12, ngunit wala siyang kaalam-alam na ito pala ang maghahatid sa kaniya sa mga opurtunidad na makapagbibigay-aral hindi lamang bilang isang manlalaro, bagkus bilang isa ring disiplinado at matiyagang mag-aaral. Sa panahong iyon, mas tinutukan niya ang pagtakbo kaysa sa pagsipa’t pag-asinta sa bola.

Nang pumasok siya sa mundo ng Futsal, nagkaroon na agad siya ng problema ukol sa pakikihalubilo

FUTS-SPLASH: SJNHS, patuloy na nagpapakita ng lakas at galing sa bawat laban. Sa Futsal walang hindi kaya, tagumpay ay laging bida.

Larawan mula kay: Julia Sacmar

AREA MEET 2024

sapagkat siya ay isang baguhan noon. “Naiintimidate ako sa mga looks nila pero as time goes by, marami na akong naging friends”, aniya. Makalipas ang walang tigil na pag-eensayo at mga kompetisyong pambayan, dumating ang araw kung kailan siya at ng kaniyang koponan ay sumabak sa isang prestihiyosong kompetisyon, ang MRAA Meet 2023 kung saan iniwagayway nila ang bandera ng ating lalawigan. Nakarating ang kanilang galing sa iba’t ibang sulok ng bansang humasa na rin sa kanila upang maging dalubhasa sa paglalaro ng Futsal. Sa bawat laro at kompetisyon, hindi laging panalo sapagkat mayroon ding pagkabigong mga mararanasan. Sa katatapos lang na MRAA Meet 2024, nakarating ang koponan ni Julia upang irepresenta ang buong lalawigan. Sila ay nabigong pataubin ang katunggaling Oriental Mindoro, ngunit para kay Julia isa lamang itong pirasong leksyon at rason upang mas galingan pa sa susunod. Dahil sa Futsal, umalab ang kaniyang puso at naging malakas ang kaniyang espiritu ng pakikipaglaban. Nagbigay ito ng pagkakataon kay Julia upang mas maging mabuti pa siya kumpara sa dating Julia na ibang-iba sa kasalukuyan. Masalimuot man ang nangyari kahapon, may nakakubli itong leksyon na tiyak na dulot ay pag-ahon.

SJNHS, muling namayagpag sa Futsal Girls

Muling namayagpag ang San Jose National High School (SJNHS) Futsal Girls matapos makamit ang titulo ng kampeonato, 4-0, kontra Bubog National High School (BNHS) sa katatapos lamang na Area Meet Championship Game ng Futsal na ginanap sa Pedro T. Mendiola Sr. Memorial National High School (PTMSMNHS) gymnasium nitong ika-21 ng Nobyembre 2024.

Umarangkada kaagad ang mga magagaling na limang manlalaro na sina Julia Sacmar, Ashley Lineses, Mikaella Buen, Lynniel Tatoy, at Princess Jocelyn Mateo sa pagsisimula ng laro sa pamamagitan nang mga mapanlilang na back door attacks upang umabanse sa pagsisimula ng labanan.

Sinundan ito ng mahihigpit na opensa mula kay Sacmar na nakapag-ukit ng buena-manong goal sa unang set, 1-0. Subalit, pilit na pinapaliit ng BNHS ang iskor sa pamamagitan ng mga walang butas na depensa.

Gayunpaman, patuloy na nagreyna ang SJNHS sa mga susunod na set sa ipinakitang hindi macounter na attacks upang hindi makalapalag

Tang katunggali. Sinabayan ito ni Lineses mula sa ipinakitang pagdala ng precision kick na nakapaghatid ng isang puntos sa pangalawang pagkakataon, 2-0. Hindi nagpaawat, ipinamalas pa ni Lineses ang kaniyang gilas na nakapagmarka ng solidong dalawang iskor, 4-0 upang tanggalan ng kakayahan ang katunggali na makabawi.

Matagumpay na naisukbit ng SJNHS Futsal team ang titulo sa ginanap na laro. Bakas sa kanilang mukha ang kanilang ngiti at tuwa bunga ng pagkapanalo.

“Hindi sa pagmamayabang pero dahil alam kong mas marami na kaming experience sa larangan ng futsal, kaya habang lumalaban kami, alam kong malaki ang chance na kami ang mananalo sa laban,” saad ni Sacmar.

Matatandaang nito lamang ng MIMAROPA Meet 2024 ay nirepresenta ng SJNHS ang probinsiya ng Occidental Mindoro.

Nakatakdang sumabak muli ang mga manlalaro ng futsal sa darating na Provincial Meet na gaganapin sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Ilan ito sa estratehiyang kalahok sa pagtuntong sa entablado ng kampeonato ng isang batang bagaman nasa murang edad, wari ay isa nang beterano. Sa larong bilyar, si Nhielson Viaña ay hindi maikakailang mayroon nang lugar. Bagaman kasalukuyang nasa ikasiyam na baitang, dalawang beses na niyang nairepresenta ang San Jose National High School sa pagkamit ng bawat medalya, mula Area Meet hanggang Provincial Meet.

“Since 2022 nag-simula na ako maglaro ng bilyar, kasi ‘yung araw na ginawa ‘yung bilyaran namin ‘yun din ‘yung araw na sinimulan kong maglaro, at ‘yung mga nakikita ko sa mga pro player kung paano ang tira lalo na si Efren Bata. Siya talaga ang naging inspirasyon ko sa paglalaro ng bilyar since talaga bago pa ipatayo ang bilyaran namin ay siya na talaga ang iniidolo ko, at especially sa family and coach ko na laging naka suporta sa akin.” Nakarating siya sa Area Meet na may uwing gintong karangalan. Gayundin, naging kalahok siya sa Provincial Meet at umuwing bitbit ang medalyang pilak.

Dulot ng kaniyang pag-eensayo ng bilyar ay marami siyang natutuhang iba’t ibang teknik upang magamit pa sa bawat larong kaugnay ang pagpasok ng bawat bola sa mga bulsang kaniyang makasasalamuha pa sa hinaharap.

Sa pagtuklas niya sa mga bagong estratehiya, mas lalo pa siyang nahasa at naging mahusay sa mga kompetisyon o palaro ng kaniyang kinabibilangan.

Sa pagiging manlalaro ni Nhielson, patuloy ang pag-aaral niya sa hindi lamang sa eskwela, kung hindi sari-saring kaalaman upang ang dunong niya ay mas lalo pang mapagyaman. Hindi hihinto ang lakbayin na kasalukuyan niyang tinatahak hanggang sa makamit niya ang kaniyang mga pangarap at maimarka ang kaniyang sinimulan at maiiwang legasiya.

AREA MEET 2024

SJNHS, pinagharian ang Badminton

Humahagibis na smashes at mapanlinlang na dropshots ang pinakawalan ng mga manlalaro ng San Jose National High School upang mapasakamay ang panalo sa kategoryang Singles A Girls, Doubles Girls, at Doubles Boys sa ginanap na Area Meet sa SJNHS noong Nobyembre 21, 2024.

Buwenamanong itinarak ni Tabernero ang mabilisang 8-0 run matapos magpaulan nang mga pamatay-sunog na smashes sa simula pa lamang ng laban, kaya’t agad namang binawian ng kalaban upang dikitan ang iskor, ngunit nagtapos ang unang set ng sinelyuhan ni Tabernero ang scoresheet, 21-13. Hindi nagpatalo, lumagkit ang labanan sa huling round nang pilit na nilulusaw ng Central ang kalamangan mula kay Tabernero na naging dahilan upang lalong bumagsik ang manlalaro at tuluyan nang ipinako ni Tabernero sa 21-17 ang laro at matagumpay na nasungkit ang kampeonato sa kategoryang Singles A Girls.

Sa kabilang banda, nagtagisan ng galing ang Doubles Girls na sina Dela Cruz at Agar kontra Mapaya nang sinimulan ang labanan na naghahabulan ng iskor at nagpapalitan ng sunodsunod na mala-kidlat na tira. Gayunpaman, tuluyan nang nakaabante ang SJNHS nang tumirada ng mapaminsalang smashes mula kay Dela Cruz na nagpasarado sa unang dwelo, 21-15.

Umabot sa pangalawang set ang dikdikang labanan at hindi maawat na palo mula sa mga manlalaro na nagpaukit sa 7-7, ngunit mabilisang rumesbak si Agar at mahusay na ibinaon ang kalaban sa 10 na nagpatuldok sa laro sa mahusay na 21-10 para sa kampeonato ng Doubles Girls. Matapos makamit ang unang dalawang titulo, hindi na pinalagpas nina Limos at Valdevieso ng Doubles Boys ang pagkakataon upang maiuwi ang ginto laban sa DWCSJ. Matagumpay na inukit ng SJNHS ang matamis na 21-8 sa unang laban.

Nagulantang ang mga manood sa siklab ng pangalawang laro na napuno ng splits at pagpapasubsob sa kapwa manlalaro sa loob ng court. Gayunpaman, tuluyang nang inangkin ng SJNHS ang natitirang kampeonatong 21-18.

Mahusay at matikas na ipinakita ng mga manlalaro ng SJNHS ang kanilang galing sa ginanap na laro. Hindi na makapaghintay ang mga coaches at ang mga manlalaro na sumabak muli sa susunod na paligsahan at manguna sa pangalawang pagkakataon!

utok. Sipat. Tusok.
CARIESHA VICENTE
MARK ARTHUR JULIANO
ALYSSA ROSE LIMOS
DARYL BASILIO
PALO’T PANALO: Sa bawat smash, drop shot, at clear, ipinamalas ng SJNHS ang lakas at galing sa badminton court! Game face on, walang tinatamaan kundi tagumpay, ika-21 ng Nobyembre 2024 kuha ni:
KRISNAH LEE FULLO

BInumpisahan ng SJNHS ang matinding laban mula sa sunod-sunod na attempt na makagoal upang lumikha ng mabilisang kalamangan sa pagsisimula ng laro. Ngunit, walang tigil din na inuungusan ng PTM ang koponan sa pamamagitan ng pagtatayo nang mga hindi malusutang depensa. Mistulang sagupaan ang bumuo sa kalagitnaan ng labanan na kung saan doblekayod na itinutulak ng SJNHS ang mga counter attacks ng PTM hanggang sa huling linya na nakapagtarak ng mahusay na 4-0 lead sa loob lamang ng 26 minuto para sa koponan. Sa kabila ng kanilang bakbakan, bumuo ng compact defense ang PTM, umaasa sa kanilang low block upang pigilan ang walang kapagurang pagsalakay ng kalaban. Gayunpaman, hindi nagpatinag ang midfield generals ng SJNHS at nagdikta ng tempo gamit ang nagliliyab na mga calculated passes at ball control na tuluyang nagpatusta sa depensa ng PTM, 7-0.

Umalingawngaw ang hiyawan at masigabong palakpakan ng madla nang waring kidlat na natibag ng SJNHS ang mapupusok na harang ng kalaban at walang kahirap-hirap na naiukit ang unang puntos para sa unang dwelo, 1-0. Hindi pa tuluyang nakahihinga ang PTM nang simulan ng SJNHS ang ikalawang bahagi ng laro sa nagraragasang lob shots at ginamitan ng high pressing strategies upang gawing imposible para sa katunggaling makabawi at makalagpas sa midfield.

Umigting nang mas mahigit ang patuloy na dikdikan ng dalawang koponan sa ikalawang set

MNINZ ESTONILO

Pumandera sa istadyum ang mga manlalaro ng San Jose National High School (SJNHS) Football Team matapos mapagtagumpayang maimarka ang matinik na 2-0 kontra Pedro T. Mendiola Senior Memorial High School (PTMSMNHS) sa ginanap na 2024 Area Meet noong Nobyembre 22, 2024 sa PTMSMHS Track and Field Stadium.

nang pinasiklab ng PTM ang laro sa pamamagitan nang mga hindi inaasahang blitz at hindi tinantanan ng mga play-and-action passes. Sa ika-45 minuto, isang matalim na long shot mula sa SJNHS ang tila punyal na bumaon sa goal ng PTM. Sinundan ito ng isang pamatay na counter attack na nakapagtala ng hindi mahigitang 5-0 lead sa kalagitnaan ng pangalawang set.

Subalit sa kabila ng paghahari ng SJNHS, hindi ito pinalagpas ng PTM at nagpakawala ng isang malupit na strike mula sa isang well-timed counter kick na tumagos sa goal keeper ng SJNHS at sumaktong naghatid ng unang puntos para sa PTM, 5-1.

Bumuhos ang nakabibinging hiyawan mula sa mga manonood sa kabila ng stadium nang naihatid ng PTM ang kanilang kaunaunahang goal matapos ang walang humpay na pandudurog ng SJNHS sa mga naunang minuto ng labanan. Bagaman handa nang selyuhan ang laro, hindi na binigyan ng pagkakataon ng SJNHS ang kalaban na makaresbak muli at tinuldukan ang laro sa pamamagitan ng matitikas na footwork at mga hindi matibag na pagkakaisa na ikinapako ng PTM, 8-1. Naitala ng SJNHS ang kanilang dominasyon sa 2-0 na panalo. Isang tagumpay na nagpatunay ng kanilang lakas, bilis, at walang kapantay na diskarte sa larangan.

atagumpay na naiuwi ng San Jose National High School (SJNHS) Taekwondo athletes ang 19 medalya matapos magpatagos ng mga solidong sipa sa Paligsahan sa Antas ng Distrito sa larong Taekwondo na ginanap sa covered court ng Barangay 8 noong ika-21 ng Nobyembre, 2024. Ipinamalas ng mga manlalaro mula sa SJNHS ang mala-kabayong lakas sa pagsipa at paghataw sa nakaraang kompetisyon sa Taekwondo. Naging daan ito upang mahusay nilang masungkit ang sampung ginto, limang pilak, at apat na tansong medalya. Matagal na pinaghandaan ng mga manlalaro ang Area Meet. Ipinakita naman ng kanilang tagapag-ensayo ang suporta sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na oras at pasensya para sa kanila. “Gusto kong makita ang aking

inatunayan ng San Jose National High School (SJNHS) ang kanilang lakas sa larangan ng volleyball matapos masukbit ang gintong medalya kontra Divine Word College of San Jose (DWCSJ) sa straight sets, 25-18, 25-11, at 25-23, sa ginanap na Area meet noong Nobyembre 22, 2024, DWCSJ Gymnasium. Maagang pinaingay ng DWCSJ ang laban sa unang set matapos magtala ng 5-0 run, dahilan upang humingi ng time-out ang SJNHS upang maibalik ang kanilang diskarte. Sa pagbabalik ng laro, ipinakita ng SJNHS ang kanilang lakas sa opensa, pinangunahan ng malalakas na spikes at mahusay na depensa, dahilan upang tapusin ang set sa 25-18. Hindi nagpatinag ang koponan ng SJNHS sa ikalawang set, kung saan sinimulan nila ang laban sa pamamagitan ng mga agresibong tira, dahilan upang makuha ang malaking kalamangan. Gayunpaman, pilit na sinisiksikan ng DWCSJ at pinaliliit ang agwat ng iskor, subalit sila ay nabigo nang maagang tinapos ni Bayog ang ikalawang set, 25-11. Sa ikatlong set, nagpakita ng mas matinding laban ang

DWCSJ, kung saan naging dikit ang labanan. Umabot sa 23-23 ang iskor, kaya nagpakitang-gilas ang SJNHS sa huling minuto ng labanan na humugot ng pwersa at tumirada ng sunod-sunod na rumaragasang ispayk na sinamahan pa ng hindi malusutang depensa na tuluyang nagpasarado sa huling set, 25-23. Mula sa simula hanggang sa huling set, ipinakita ng SJNHS ang kanilang disiplina at kahusayan na nagdala sa kanila ng tagumpay. Maliban sa kanilang opensa, naging susi rin sa tagumpay nila ang kanilang solidong depensa, na siyang pumigil sa kalabang makabawi. Ang kanilang pagkapanalo ay hindi lamang nagbigay sa kanila ng titulo, sa halip nagpatibay rin ng kanilang reputasyon bilang isa sa pinakamahuhusay na koponan sa distrito. Matapos ang laro, ipinahayag ng SJNHS ang kanilang pasasalamat sa suporta ng kanilang coach. Ang kanilang tagumpay ay isang inspirasyon hindi lamang para sa kanilang koponan, maging sa buong paaralan ding umaasang magpapatuloy ang kanilang tagumpay sa mga susunod pang laro.

LUSOT-PUNTOS: Isang nagliliyab na spike ang pinakawalan ng SJNHS mula kay Tomada na tuluyang nagpatusta sa depensa ng katunggali. 2024 Area Meet, Nobyembre 22, 2024.

Kuha ni: Alyssa Limos

ng 19 na medalya

idol na si CJ Nickolas, siya rin ang dahilan kung bakit gusto kong magTaekwondo, I trained hard and learned some new techniques,” ani Cyrus Ancheta, manlalarong nagkamit gintong medalya. Aniya, ang pagtutulungan nilang mga manlalaro na palakasin ang kumpiyansa ng bawat isa ay isa sa mga naging dahilan upang masungkit ang tagumpay sa mga kompetisyong kanilang sinasalihan. “Nakakakaba kasi nga maraming nanonood, pero once na nakatapak ka na sa loob, nawawala na ang kaba. Minsan po kasi nakaka-pressure,” saad ni Ancheta. Dagdag pa niya, ang pagpapadala sa kaba at takot ang magiging sanhi ng pagbagsak. Kaya, ang tiwala sa sarili at determinasyon ang dalawang pinakamahalagang sandata na kaniyang ginamit para maipanalo ang laban.

Kabilang sina Jeff Alojipan, Cyrus Ancheta, Sherlyn Dioso, Laurence Mendoza, Chesca Soro, Ma. Jenel Rivera, Grayanne Bantique, Meekoh Bantique, at Marz Bacungan, sa mga manlalarong nagkamit ng gintong medalya sa nagdaang kompetisyon. Sila ay ilan lamang sa mga manlalaro ng SJNHS na nagpakitang-gilas at nagtaas ng bandera ng kanilang paaralan sa larangan ng Taekwondo.

“Sa Taekwondo, lahat kami ay nagtutulungan at ine-encourge ang isa’t isa para manalo sa mga kompetisyong sinasalihan namin,” pahayag ni Ancheta.

Plano umano ng mga manlalaro mula sa nasabing paaralang lalong pagtibayin pa ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mas matinding ensayo at patuloy na pagsuporta upang muli nilang masungkit ang gintong medalya sa darating na Provincial Meet.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.