





Talino at Pagsisikap: Talonians, nasungkit ang ikalawang ranggo sa buong Las Pinas sa ginanap na NAT 2024.

: Tranquilino B. Orden IV




Talino at Pagsisikap: Talonians, nasungkit ang ikalawang ranggo sa buong Las Pinas sa ginanap na NAT 2024.
: Tranquilino B. Orden IV
Pinatunayan ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus ang kanilang kahusayan sa akademya matapos nilang makuha ang pangalawang ranggo sa National Achievement Test for Grade 12 learners o NAT12 para sa School Year 2023-2024, na isinagawa sa ilalim ng City Schools Division of Las Piñas.
Base sa resulta, nakamit ng paaralan ang kamangha-manghang Mean Performance Score (MPS) na 65.05% na kinuha ng 74 na mag-aaral kabilang sa NAT Takers ay ang parehong pampubliko at pribadong paaralan ng lungsod. Ang tagumpay na ito ay isang patunay ng mahusay na sistema ng edukasyon sa Talon Dos Campus. Ipinapakita ng mataas na MPS ng paaralan ang matibay na pundasyon ng literasiya at numerasiya na ipinasa-pasa sa pamamagitan ng masisipag na guro, pamunuan, at mag-aaral na patuloy na nagsusumikap upang mapabuti ang kalidad ng kanilang pagkatuto.
Tinutukoy ng tagumpay na ito ang pagtutok ng mga guro sa pagpapalakas ng kanilang mga pamamaraan sa pagtuturo, at ang suporta ng pamunuan na nagiging daan upang matulungan ang bawat mag-aaral na maabot ang kanilang potensyal.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong uri ng pagkilala ang Talon Dos Campus. Sa nakaraang taon ng NAT12, napanatili ng paaralan ang mataas na ranggo, na nagsisilbing patunay sa patuloy na dedikasyon at kasigasigan ng mga guro na naglalayon na matutukan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral at tiyakin ang kanilang kahandaan para sa kanilang mga susunod na hakbang sa buhay, maging sa kolehiyo o sa mga propesyonal na larangan.
Ang pagkilalang ito ay isang malaking hakbang para sa buong paaralan, hindi lamang bilang isang tagumpay na nagbigay ng karangalan, kundi bilang isang inspirasyon sa mga mag-aaral at guro. Ipinapaalala nito na ang lahat ng sakripisyo at pagsusumikap ay may kaakibat na tagumpay, at ang bawat hakbang na ginagawa nila patungo sa kanilang mga layunin ay nagbubunga ng positibong resulta.
:Marianne Lhevie Siscon
Sa kauna-unahang pagsabak, matagumpay na kinatawan ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS-TDC) ang kanilang paaralan sa 29th Annual Biosciences Quiz Bee na ginanap noong Nobyembre 23, 2024 sa Unibersidad ng PilipinasDiliman. Ang patimpalak ay inorganisa ng Molecular Biology and Biotechnology Society at dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng bansa. Ang siyam na kalahok na sina Robert Inigo Estrellado, Zanjo Diwatin,Gian Gabriel Borromeo, Blesslie Balerite, Annie Grace Alindogan, Joey Marie Lopez, Aldrin Magpatoc, Marc Alwyn Firme, at Karyn Beadine Villapando, pawang mga nasa ika-12 baitang, ay sumailalim sa masusing pagsasanay sa ilalim ng gabay nina G. Reian Glenn Batidio at Gng. Louise Ferrer. Kasama sa kanilang paghahanda ang review sessions, mock quizzes, at talakayan sa Molecular Biology at Biotechnology. Bagama’t hindi nagwagi, naipamalas ng mga kalahok ang dedikasyon at husay sa agham. Ang kanilang partisipasyon ay nagsilbing inspirasyon sa kanilang paaralan at komunidad.
Ang patimpalak ay naglalayong itaguyod ang pagpapahalaga sa agham sa kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo ng kritikal na pag-iisip at kaalaman sa biosciences.
Wagi ang apat na mag-aaral mula sa Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus sa Balangay 2024: PH’s Inside Out na isinagawa noong Nobyembre 23, 2024, sa University of the Philippines - Diliman na inorganisa ng UP Association of Political Science Majors. Inuwi ni Sandra Nicolette Manimbao, ang ikatlong gantimpala sa kategoryang Argumentative Essay Competition. Samantala, nakuha ng grupo nina Heart Majesty Emata, Ryan Vher Lacson, at Chaunzy Jae Galang, ang ikatlong gantimpala sa kategoryang Political Science Research Proposal & Defense. Kasama rin ng mga kalahok ang grupo nina Chris Lorenz Sace, Paul Jhon Ting, at Jilian Kyle Dela Cruz na siyang kalahok sa Quiz Bowl Competition at Alliyah Margaret Alquicer sa Extemporaneous Speech Competition. Layunin ng organisasyon, na itaguyod ang aktibong pakikilahok sa pulitika at sama-samang pagkilos sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga kabataan tungkol sa pambansang at internasyonal na mga banta sa seguridad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagsali sa ganitong mga kompetisyon, namumulat ang kabataan sa larangan ng agham pampolitika. Bukod dito, naipapamalas ang husay sa pagsusulat at pananaliksik na ipinagmamalaki ng paaralan, habang patuloy na pinagyayaman ang kaalaman tungo sa pagsusulong ng pambansang kapakanan.
FEU Alabang, ipinagkaloob ang kahon-kahong libro sa TDC
Sa pangunguna ng Library at Community Extension and Services Unit (CESU) ng FEU Alabang, matagumpay na naipagkaloob ang mga kahon ng aklat sa Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Olivia R. Aler, Punong Tagapamahala ng Aklatan, at ni Gng. Sandra Manansala, CESU Coordinator, layunin ng inisyatibang ito na mabigyan ang mga mag-aaral ng Senior High School ng mas maraming mapagkukunan ng kaalaman.
Bukod sa pagpapalawak ng akses sa iba’t ibang babasahin, pinagtitibay rin ng programang ito ang adbokasiya para sa pagpapalaganap ng literacy at edukasyon.
Ang mga donasyon ay tinanggap nina Bb. Diana Rose Dullas at G. Dave Renath R. Baguio sa Learning Resource Center ng Talon Dos Campus noong ika-5 ng Nobyembre 2024.
Ang donasyong ito ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga mag-aaral ng Talon Dos, habang pinapalakas ang diwa ng pagbabasa at pagkatuto.
Tagumpay ng Tagapagbantay ng Katotohanan: Mga kalahok ng DSPC, wagi sa taunang kompetisyon nitong Enero 26, 2025 sa Talon Elementary School. : Tranquilino B. Orden IV N
ag-uwi ang mga mamamahayag ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS - TDC) ng mga parangal mula sa ikawalong Division School Press Conference na may temang “Campus Journalism in the Digital Era: Advocating Truth, Values, and Inclusion” na ginanap noong ika-25 ng Enero sa Talon Elementary School.
:Isaiah Dzei Adorza
Nakamit sa kauna-unahang pagkakataon ng Collaborative Desktop Publishing (Filipino) ang gantimpalang kampeon at humakot din ng Pinakamahusay na Pahina sa Balita, Opinyon, at Lathalain nina Marjorie Obien, Gemes John Mandawe, Joey Marie Lopez, Gian Gabriel Borromeo, Angelica Manzo, Andrea Kei Teodoro, at Isaiah Dzei Adorza.
Nakuha rin ni Regnella Solano ang gantimpalang kampeon sa Feature Writing—na naglagay sa paaralan ng “title holder” dahil sa magkasunod na tatlong taong panalo sa kategoryang ito na siyang kwalipikado sa paglaban sa Regional School Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Parañaque City.
Nasungkit naman ang unang gantimpala ng mga kategoryang indibidwal na sina Joeven Novem Klarenz Furigay sa Pagsulat ng Pampalakasang Pampahayagan, Althea Tracie Gerali sa Pagsulat ng Pangulong Tudling at Job Adriel Yumul sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Sipi. Nakuha naman ang ikalawang gantimpala ni Chris Lorenz
Sace sa Pagsulat ng Lathalaing Pang-Agham na silang
Faith Angela Dela Cruz
BATAY SA SARBEY
mga kwalipikado rin sa RSPC. Nagwagi rin ang mga mag-aaral sa piling kategorya:
- Unang gantimpala sa Mobile Journalism (English)Jenielle Roxas
- Unang gantimpala sa Collaborative Desktop Publishing (English) - Ryan Vher Lacson, Savannah Bliss Dalura, Chloe May Velasco, Annie Grace Alindogan, Clarrene Marga Paraiso, Hannah Angela Aunzo, at Kaeli Denise Trinidad
- Unang gantimpala sa Online Desktop Publishing (Filipino) - Heart Majesty Emata, Gabriel Dela Cruz, Erinne Dwayne Tan, Sean Austin Rous, at Justin Sangalang
- Unang gantimpala sa Radio Broadcasting (Filipino)
- Von Merick Pasamba, Angelina Antonio, Willy James Arcosiba, Jhane Beranie Hernandez, Christian Servano, Alliyah Margaret Alquicer, at Louis Phillipe Sullivan
- Ikalawang gantimpala sa Mobile Journalism (Filipino)Robert Iñigo Estrellado
- Ikalawang gantimpala sa Online Desktop Publishing (English) - Karyn Beadine Villapando, Paul John Ting,
a pagsisimula ng taon, mainit na sinalubong ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS - TDC) ang kanilang bagong punongguro, si Gng. Jeanette J. Ruga, PhD, noong ika-6 ng Enero, 2025.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ng bawat estudyante at guro sa paglipat ng dating punong-guro, si G. Dave Renath Baguio, dahil sa mandatory rotation of school heads. Dahil dito, kinakailangang lumipat ang nasabing punongIsinagawa naman ng paaralan ang isang turnover ceremony, kung saan binigyang-pugay ang dating punong-guro. Isa-isang nagbigay ng pasasalamat ang Sa gitna ng iyakan at pasasalamat, nagbigay naman ng kanyang huling mensahe si G. Baguio. Ayon sa kanya, “Nagkaroon ang lahat ng mga punong-guro sa Las Piñas ng isang meeting sa division. Pinag-usapan ang mga isyu ng bawat eskwelahan. Ipinahayag ang mga problema sa ibang paaralan, pero pagdating sa ating paaralan, isa lang ang sinabi—alam nyo ba kung ano ‘yon? Sa Talon Dos, “Marahil ito na lang ang aking maiiwan sa inyo, kaya’t dapat itong panghawakan hanggang sa pagdating ng inyong bagong punong-guro,” dagdag pa niya. naman ng mga mag-aaral ang kanilang bagong punong-guro, si Gng. Jeanette J. Ruga, PhD. Si Gng. Ruga ay dating punong-guro ng Talon Village National High School, kung saan lilipat si G. Baguio. Malaking pagbabago ito para sa Talon Dos dahil sa mga bagong serbisyong darating.
Sa DepEd Computerization Program (DCP) sa Talon Dos Campus tinukoy kung epektibo sa mga estudyante ang nasabing programa
Datos mula sa: Talon Dos Campus ICT
Jilian Kyle Dela Cruz, John Rafael Morales, at Sebastian Publeo Ika-apat na gantimpala sa Science Feature - Jashren Arl Dupende Ika-apat na gantimpala sa Photojournalism - Helena Faith Goyena Itinanghal naman ang mga parangal para sa Top Performing School ngayong taon sa Division Schools Press Conference (DSPC), nakakuha ng ikalawang gantimpala ang paaralan sa Pangkalahatang Kampeon, Combined Individual Score, English at Filipino Group Secondary at unang gantimpala naman sa Combined Group Secondary. Sa bawat gantimpala na nakuha ng mga mamamahayag, ito ay nagsilbing parangal sa Talon Dos Campus. Ang husay, dedikasyon, at puso ang sumisimbolo sa bawat estudyante na lumahok kasama ang mga gurong taga patnubay. Manalo man o matalo, patuloy pa rin na magiging lingkod ng bayan at bantay ng katotohan ang mga mamamahayag.
: Von Merick Pasamba
Sa patuloy na pagsulong ng makabagong teknolohiya sa larangan ng edukasyon, ipinamahagi sa Las Piñas City National Senior High School – Talon Dos Campus (LPCNSHS-TDC) ang mga kagamitang pang-teknolohiyang bahagi ng DepEd Computerization Program (DCP). Ang programang ito ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na teknolohiyang kagamitan sa mga paaralan.
Nagsimula ang proyekto noong 2016, ngunit mas pinagtibay at isinakatuparan ang implementasyon nito sa ilalim ng pamumuno ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte. Matapos ang ilang taong pagpoproseso, nai-deliver ang mga kagamitan sa LPCNSHS-TDC noong Agosto 19, 2024 bilang bahagi ng pagpapatuloy ng programa sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa. Kabilang sa mga ipinamigay na kagamitan ang mga laptop, wireless mouse, at charging cart, na inaasahang makatutulong sa pagpapadali ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng silid-aralan. Sa tulong ng mga makabagong kagamitang ito, magkakaroon ng mas interaktibong paraan ng pagtuturo, na maaaring magpataas ng interes ng mga mag-aaral sa kanilang mga aralin. Ayon sa DepEd, layunin ng Computerization Program na mapunan ang kakulangan sa teknolohiya ng mga pampublikong paaralan at gawing mas inklusibo at epektibo ang edukasyon sa bansa. Bukod dito, inaasahang makatutulong din ito sa mga guro sa paghahanda ng kanilang mga aralin at pagbuo ng mas malikhain at makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Bagamat malaking hakbang ito sa pagsulong ng digital learning, inaasahan ding may mga hamong kakaharapin tulad ng internet connectivity issues, teknikal na maintenance ng mga kagamitan, at pagsasanay sa mga guro upang magamit nang husto ang teknolohiyang ito. Sa kabila nito, positibo ang pananaw ng paaralan na magiging epektibo ang programang ito sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa paaralan.
:Isaiah Dzei Adorza
Las Piñero Muna: Gobyernong hatid ay magandang serbisyo; Las Pinas City pasok sa kwalipikasyon para sa SGLG 2024.
I: Author Carlo Carasso
sang makasaysayang tagumpay ang natamo ng lungsod matapos nitong matanggap ang Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginawaran ng prestihiyosong pagkilalang ito ang Las Piñas, isang mahalagang hakbang patungo sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.
Ang SGLG ay isang parangal na iginagawad sa mga lokal na pamahalaan na pumapasa sa mahigpit na pamantayan ng DILG pagdating sa mahusay na pamamahala at pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pampubliko. Saklaw nito ang sampung pangunahing kategorya: Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business-Friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and
Ningning sa Dilim: TDC Rover Scouts nagsagawa ng kanilang taunang outreach program sa Pequeña Casa de Nazareth Orphanage nitong Disyembre 19, 2024.
: Chazzan Abad
Order, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture and Arts, at Youth Development.
Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, matagumpay na naisakatuparan ng lokal na pamahalaan ang mga programa at proyekto na nakatuon sa kapakanan ng mga residente. Ayon sa mga opisyal ng lungsod, ang pagkilalang ito ay isang patunay ng mahusay na pamamahala at aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa pagsulong ng Las Piñas tungo sa isang mas maunlad at progresibong hinaharap.
Rhianne Domingo
Pinangunahan ng Rover Scouts ng Las Piñas City National Senior High School – Talon Dos Campus ang isang matagumpay na Gift Giving Project noong Disyembre 19, 2024, sa Pequeña Casa de Nazareth Orphanage.
Nagsimula ang mga scouts ng isang donation drive sa mga mag-aaral ng paaralan, kung saan nagbigay sila ng mga donasyon ng damit, laruan, at mga aklat. Maging ang mga tagapamahala ng paaralan ay nagbigay din ng mga personal na kontribusyon para sa mga bata sa bahay-ampunan.
Bukod dito, nagsagawa ng isang programa ang grupo kung saan nagpakilala sila at naghandog ng almusal para sa mga batang nasa bahay-ampunan. Isinagawa rin ang ilang palaro na nagbigay kasiyahan at mga ngiti sa mga bata at scouts na nakibahagi.
Samantala, may mga scouts na naghanda ng mga regalo sa loob ng bahay-ampunan, at pagkatapos ng mga laro, inimbitahan nila ang mga bata upang pumili ng mga laruan at regalong nais nilang matanggap. Nagtapos ang programa na may mga bakas ng ngiti sa mga bata at pasasalamat sa mga regalong natanggap. Gayundin, nagpasalamat ang mga scouts sa pagtanggap ng kanilang programa at sa pagkakataong magbigay saya sa mga bata.
Sa ilalim ng gabay ng kanilang tagapayo, Bb. Eloisa May A. Masibag, at ng dating punong-guro na si G. Dave Renath R. Baguio, nagdala ng kagalakan at suporta ang mga Rover Scouts sa mga bata sa panahon ng pagbibigay, tinutugunan ang kanilang emosyonal at materyal na pangangailangan.
Christian Servano
Epektibo na ang bagong executive order ni U.S. President Donald Trump na nag-aalis ng awtomatikong pagiging U.S. citizenship para sa mga batang ipinanganak sa Amerika kung ang kanilang mga magulang ay hindi mamamayan o permanenteng residente ng bansa.
Sa kasalukuyang 14th Amendment ng Konstitusyon ng Amerika, sinumang isinilang sa U.S. ay itinuturing na mamamayan. Ngunit binago ito ng kautusan ni Trump, na nagsasaad na tanging mga batang may isa o parehong magulang na U.S. citizen o permanent resident lamang ang maaaring makakuha ng citizenship sa kapanganakan.
Apektado ng bagong patakaran ang mga anak ng undocumented immigrants, kabilang ang maraming Pilipino. Bilang bahagi ng mas mahigpit na kampanya laban sa illegal immigration, sisimulan na rin ang mass deportation ng tinatayang 14 milyong undocumented immigrants sa bansa.
Nagbabala naman ang National Federation of Filipino American Associations (NaFFAA) sa mga Pilipinong apektado na tiyakin ang legalidad ng kanilang pananatili at umiwas sa mga mapanlinlang na immigration schemes.
“We also want them to seek legal advice as much as they can. This is probably a time where there’s a lot of fraudulent schemes so... Try to stay away from that, try to stay informed as much as possible, obviously work ethically,” saad ni Ryan Namata, Presidente ng nasabing organisasyon. Samantala, paulit-ulit na pinaaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga undocumented na Pilipino sa Amerika na boluntaryong umuwi upang maiwasan ang deportation ban na maaaring magpigil sa kanilang pagbabalik sa U.S. sa hinaharap.
Mahigit 20 estado na ang nagpaplanong harangin ang kautusan, na sinasabing salungat sa Konstitusyon ng Amerika. Patuloy namang binabantayan ng mga eksperto at Filipino-American communities ang magiging epekto ng polisiyang ito sa mga Pilipino sa U.S.
Inanunsyo ng Meta Platforms, ang kumpanya sa likod ng Facebook, Instagram, at Threads, ang pagtanggal ng kanilang fact-checking program sa Estados Unidos. Ang desisyong ito ay nagdulot ng pangamba sa posibleng paglaganap ng maling impormasyon, lalo na sa mga bansang umaasa sa social media bilang pangunahing pinagkukunan ng balita, tulad ng Pilipinas.
Ayon sa Chief Executive Officer (CEO) ng Meta na si Mark Zuckerberg, layunin ng kumpanya na alisin ang fact-checking program at bawasan ang mga paghihigpit sa mga usaping may kaugnayan sa imigrasyon at gender identity. Sa halip, ipatutupad ang “community notes system,” katulad ng ginagamit sa platform na X (dating Twitter), na pag-aari ni Elon Musk.
Tinawag ni Zuckerberg ang pagbabagong ito bilang tugon sa isang “cultural tipping point” na lumitaw noong eleksyon, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mas malayang pagpapahayag kumpara sa pagsugpo ng maling impormasyon. Samantala, binatikos ng mga eksperto sa media at mga organisasyong nagsusulong ng fact-checking ang hakbang ng Meta. Ayon sa International Fact-Checking Network, maaaring magresulta ito sa mas mabilis na pagkalat ng disinformation. Iginiit nila na ang fact-checking ay hindi nag-aalis ng mga post kundi nagbibigay ng tamang konteksto sa mga maling pahayag.
Sa ngayon, ipatutupad pa lamang ang “community notes” sa Estados Unidos sa mga darating na buwan, at hindi pa tiyak kung paano ito makakaapekto sa regulasyon sa Europa, kung saan mas mahigpit ang mga batas laban sa fake news.
Sa Pilipinas, hati ang opinyon ng publiko. May mga naniniwala na ito ay isang hakbang patungo sa mas malayang pagpapahayag, habang ang iba naman ay nangangamba na maaaring lumala ang problema sa disinformation sa bansa, lalo na’t maraming Pilipino ang umaasa sa Facebook bilang pangunahing pinagkukunan ng balita.
Habang patuloy na inaabangan ang epekto ng pagbabagong ito, nananatiling hamon kung paano babalansehin ang kalayaan sa pagpapahayag at ang responsibilidad ng mga kumpanyang teknolohikal sa pagpapanatili ng integridad ng impormasyon sa social media.
: Jewel Eunice Martinez
Inaprubahan ng Senado ang isang panukalang batas na naglalayong palakasin ang proteksyon ng Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP), ang huling natitirang likas na wetland ecosystem sa Metro Manila na kinikilala bilang isang mahalagang pook pangkalikasan sa buong mundo.
Noong Enero 26, ipinasa sa botong 21-0 ang Senate Bill No. 1536 o LPPWP Protection Act. Isinasaad sa panukalang batas ang pagpapalawak ng protektadong lugar ng LPPWP ng tatlong kilometro patungong dagat upang mapangalagaan ang kalupaan at katubigan nito, mapanatili ang biodiversity, at mailayo ito sa banta ng mga proyekto sa pagpapaunlad.
Binago ng panukala ang Republic Act 11038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System Act (ENIPAS) upang mapalawak ang saklaw ng LPPWP. Ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change, ipinakita ng mga senador sa kanilang boto ang kanilang pangangalaga ng kalikasan. Sinabi niyang ang panukalang batas ay isang hakbang upang matupad ang mga obligasyon ng bansa sa ilalim ng mga kasunduang pandaigdigan tulad ng Ramsar Convention, World Heritage Convention, Convention on Migratory Species, at ASEAN Agreement on the Conservation of Nature and Natural Resources.
Maliban sa pangangalaga ng biodiversity, sinabi rin ni Villar na makatutulong ang mangrove forest ng LPPWP sa proteksyon ng mga lungsod ng Las Piñas at Parañaque laban sa mga sakuna. Bukod dito, magsisilbi itong tahanan ng fingerlings na makatutulong sa kabuhayan ng mahigit 300,000 mangingisda sa Manila Bay at makadadagdag sa seguridad sa pagkain ng Metro Manila.
“With the buffer zone expansion provided by the bill, the LPPWP will be better conserved, and more ecosystems can be conserved with a buffer zone that will broaden the scope of protection, ensure the integrity of its ecosystems, and ensure the free flow of water coming from four rivers — Parañaque River of Parañaque, Las Piñas and Zapote Rivers of Las Piñas, and Molino River of Bacoor — which are connected with each other,” paliwanag niya. Sa kasalukuyan, ang LPPWP ay binubuo ng mababaw na katubigan, tidal marshes, mudflats, at mangrove swamp forests. Ang iba’t ibang ecosystem nito ay tahanan ng hindi bababa sa 5,000 ibon mula sa 159 uri ng migratory at resident birds, 23 uri ng mangroves, at iba’t ibang isda at mollusk. Kabilang sa mga ibon dito ang mga itinuturing nang endangered tulad ng Philippine Duck, Chinese Egret, at BlackWinged Stilt.
Edd Gumban | Philstar
I: Isaiah Dzei Adorza
nilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang programa na tutugunan ang mataas na presyo ng bigas, ito ang Program 29 (P29) at Rice-for-All (RFA) program na inilunsad noong 2024, upang gawing mas-abot kamay ang pangunahing pagkain ng Pilipino.
Opisyal na inilunsad noong ika-5 ng Hulyo, 2024 ang Program 29, layuning magbigay ng dekalidad na bigas sa murang presyo na nagkakahalaga ng P29 kada kilo. Ang programang ito ay pangunahing nakatuon sa pagtulong sa mga Pilipinong kabilang sa vulnerable sectors tulad ng ‘indigents,’ benepisyaryo ng 4Ps, senior citizen, person with disabilities (PWD), solo parent, at indigenous people.
Ang bigas na ibinibenta sa ilalim ng Program 29 ay nagmula sa non-regular stocks ng National Food Authority (NFA) at binibili ng Food Terminal Inc. (FTI) bago ito ibenta sa abot-kayang halaga. Sa unang paglunsad nito, naging available ang programa sa 10 KADIWA ng Pangulo (KNP) centers sa Metro Manila at Bulacan, at inaasahan na palawakin ito at umabot sa Visayas at Mindanao.
Ang RFA program naman ay sinimulan noong ika-isa ng Agosto, 2024, ito ay nag-aalok ng well-milled rice sa halagang P40 kada kilo. Nang inilunsad ito, naging available rin ito sa mga KNP centers, at mga pampublikong pamilihan. Ang bawat mamimili ay maari lamang bumili ng hanggang 25 kilo kada araw.
Nakapagbenta ito ng 122 metric tons ng wellmilled rice at 0.85 metric tons ng premium rice, sa unang dalawang buwan nito. Samantala, ang Program 29 naman ay nakapagbenta ng 688 metric tons ng bigas, mula sa buwan ng hulyo hanggang Oktubre at nakinabang rito ang 140,827 households.
Base sa datos na ginawa ng Publicus Asia PAHAYAG survey noong ika-15 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024, tinatayang nasa 82 porsyento ng mga Pilipino ang sumusuporta sa dalawang programa. Dagdag pa ng DA, target ng gobyerno na mapalawak ang mga KNP centers, mula sa 21 ay maging 300 centers sa kalagitnaan ng 2025, upang mas marami pang Pilipino ang makinabang sa abot-kayang bigas.
Ani ni Pangulong Marcos, “Patuloy nating palalawakin ang mga programang ito upang matiyak na bawat Pilipino ay may access sa abot-kayang pagkain sa gitna ng hamon ng panahon.” Ang Program 29 at Rice-for-All ay bahagi ng pangkalahatang bisyon ng administrasyon Marcos para sa isang masagana, ligtas, at matatag na Pilipinas.
:Rhianne Domingo
umpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang trilateral call nitong ika-13 ng Enero, kasama sina United States President Joe Biden at Japan Prime Minister Shigeru Ishiba noong Lunes, kung saan binigyang-diin ang patuloy na pagkakaisa ng tatlong bansa at ang pagpapalakas ng kanilang ugnayan.
Ayon kay Marcos, “Our three countries will continue to work together closely to sustain the gains that we have made in enhancing and deepening our ties.”
Kasabay nito, nangako sina Marcos, Biden, at Ishiba na lalo pang palalalimin ang kooperasyon ng bawat isa sa ilalim ng trilateral arrangement, sa kabila ng mga hamong hinaharap sa katubigan ng Asya.
Pinuri ni Biden si Marcos sa kanyang diplomatikong hakbang laban sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea, kabilang na ang mga “provocative actions” ng Chinese Coast Guard, tulad
sa
: Inquirer.net
ng pagharang sa malalaking barko.
“Simply put, our countries have an interest in continuing this partnership and institutionalizing our cooperation across our governments so that it is built to last,” ani Biden.
Nitong Abril 2024, simula nang idaos ang trilateral summit sa Washington, nagkaroon ng pag-unlad ang kooperasyon ng tatlong bansa. Nangako ang tatlong bansa na magsanib-puwersa upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific Region, na isa sa mga pinakamataong maritime zones sa mundo.
MBukod dito, ibinahagi rin ni Ishiba ang obserbasyon ni Biden hinggil sa pinabuting kooperasyon sa mga kaalyadong bansa at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng matibay na trilateral relations. “Going forward, it is important to deepen trilateral cooperation in a variety of fields,” pahayag ni Ishiba.
Pinagtibay rin ng Pilipinas at Japan ang isang kasunduang militar na magpapadali sa pagpasok ng mga sundalo sa parehong bansa para sa sanib-puwersang pagsasanay. Nagkaroon din ng sama-samang pagsasanay ang Coast Guard ng tatlong bansa noong 2023 upang higit
ahigit dalawang milyong katao, miyembro at hindi miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC), ang dumalo sa peace rally na naganap noong ika-13 ng Enero 2025 sa Quirino Grandstand, Manila. Nagsama-sama ang bawat mamamayan para sa iisang mithiin at manawagan para sa kapayapaan sa gitna ng pagtatalo ng politiko para sa eleksyon 2025. Nanindigan ang sekta ng INC na walang kinalaman ang kanilang pagtitipon sa politika.
Kaugnay nito ang pagiging mahigpit ng mga kinauukulan sa pagsali ng mga taong tatakbo para sa darating na eleksyon. Ngunit, karamihan sa mga dumalo ay tatakbo para sa lokal at pambansang puwesto sa eleksyon. Kabilang dito sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Robin Padilla at Christopher “Bong” Go. Inilarawan ni Brig. Gen. Jean Fajardo bilang “mapayapa” ang nasabing kaganapan. Walang naiulat na aksidente, pinsala, o nawawalang tao na may kaugnayan dito. Binigyang-diin ng pamunuan ng INC ang pangangailangan ng kapayapaan at pagkakaisa para matugunan ang mga isyung ikinahaharap ng ating bansa, gaya
ng pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin. Higit pa dito, nagbigay suporta din sila sa pagtutol ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa isinagawang impeachment para kay Bise Presidente Sara Duterte. Ayon kay Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, ang naganap na rally ay bilang suporta sa mga inihain ni Marcos. Gayunpaman, ang mga miyembro ay mahigpit na pinagbawalan sa pagbanggit ng mga pangalan ng politiko. Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Duterte sa isinagawang pagtitipon ng grupo. Batay sa kaniya, nagpapakita ang rally ng “makapangyarihan” at “lakas ng pananampalataya” na kinakailangan upang makamit ang kapayapaan. Sa isang pahayag ni Jean Franco, isang propesor sa agham pampulitika sa Unibersidad ng Pilipinas, ang naganap na pagtitipon ay nag-iiwan ng mensahe sa politiko na sila ay “isang puwersa pa rin na dapat isaalang-alang.” Dagdag pa nito, “ang Iglesia ni Cristo ay importante kapag mahigpit ang labanan.” Ang Iglesia ni Cristo ay grupo ng mga taong nagkakaisa sa iisang desisyon, hindi kasali sa kanila ang mga taong labas sa kanilang organisasyon. Ngunit, ngayon binuksan nila ang rally para sa lahat ng naniniwala sa kanilang layunin upang marami ang makarinig ng kanilang dalangin.
Sa loob ng mahabang panahon, ang sistema ng K-12 sa Pilipinas ay nananatiling isang kontrobersyal na usapin. Bukod sa kakulangan ng mga imprastraktura, mga guro, at mga sapat na materyales para sa epektibong pagtuturo, kulang din ang gobyerno ng mga kongkretong plano upang maging kalidad ang pagpapatupad nito.
Isang panibagong House Bill bilang 11213 ang naimungkahi upang amyendahan ang K-12 kurikulum, na may titulong “An Act Providing Education Pathways for Basic Education Students,” kung saan ay mayroong pamimilian ang mga estudyante kung paano nila tatahakin ang kanilang sariling edukasyon at para na rin mabawasan na ang suliraning-pinansyal ng mga magulang. Ayon kay Lone Pasig Rep. Roman Romulo, ang Chairman of the House Committee on Basic Education and Culture, maaari na silang hindi tumuloy sa baitang 11 at baitang 12 at dumiretso na lamang sa kolehiyo sapagkat hindi na ito mandatoryo na siyang nagpapababa sa kalidad ng kanilang edukasyon.
Batay sa naging panayam kay Direktor Salustiano Jimenez ng DepEd-Central Visayas, inihayag niyang ang programang K-12 ay inilimbag upang makahulma ng mga magaaral na banat na para sa kolehiyo at bilang manggagawang lumelebel sa kompitensing pang-internasyunal. Dahil dito, maituturing na panibagong problema lamang ang nasabing mungkahi dahil gagawin na lang opsyunal ang pagtuloy sa senior high, kung saan ay mapag-iiwanan ang mga gradweyt
ng baitang 10 sa kolehiyo sa kadahilanang maaari nilang piliing lagpasan na lang ang mga posibleng dagdag-kaalaman at dagdag-karanasan sa dalawang taon pang pag-aaral.
Samantala, hindi naman maitatanggi ang pagiging malaking pasanin ng K-12 sa mga bata at mga magulang, lalo na sa usaping praktikalidad. Taong 2022, lumabas sa sarbey ng Pulse Asia na 44% na mga Pilipino ang hindi nasisiyahan sa kurikulum at isa kada limang gradweyt ng senior high lamang ang nakakapasok sa trabaho pagkatapos magtapos. Nakita ni Romulo ang mga anggulong ito upang ilathala ang batas, ngunit hindi pa rin nito mabubura ang katotohanang naging instrumento ang nasabing programa na kahit papaano ay hindi na nangangapa ang mga mag-aaral pagkatapos ng baitang 12.
Ang puwang sa kaalaman na naranasan ng mga mag-aaral na Pilipino sa kanilang edukasyon at kakulangan sa kahandaan ay hindi maireresolba sa pamamagitan ng paglalahad ng maraming pamimilian sa mga bata. Ayon kay Pam Robertson, ang
deputy director ng Assessment, Curriculum and Technology Research Centre (ACTRC), ang matematika ng K-12 ay nakapokus sa pagmememorisa at hindi mismo sa proseso ng pagkokompyut. Bilang karagdagan, sa resulta ng pagtataya ng Programme for International Student Assessment (PISA) taong 2022, ika-77 sa 81 na mga bansa ang ranggo ng Pilipinas. Nagpapahiwatig lamang ito na ang kasalukuyang sistema ng K-12 sa bansa ay isang matinding hamong hirap ipanalo ang mga batang Pilipino. Bilang rekomendasyon, kailangan ng mga estudyante ang mas epektibong K-12 kurikulum kung saan ay hindi na kinakailangan pang laktawan ang dagdag-dalawang taon ng pagkatuto. Ang pagbisita muli at pagrebisa sa kurikulum ang siyang tunay na magpapatibay sa pundasyon ng edukasyon bago tumuntong sa kolehiyo. Nararapat na ituon ng mga mambabatas ang kanilang layunin kung paano rumesolba ng suliranin, at hindi ang gumawa ng isa pa.
Muling umalingawngaw ang balita ukol sa isang diumanong kumakalat na sakit sa Tsina. Marami ang nagulantang, nag-alala, at nagmadaling magbahagi ng impormasyon. Ngunit nang kapanayamin ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na naninirahan mismo sa naturang bansa, napag-alamang walang katotohanan ang balitang ito. Sa pangyayaring ito, hindi isang bagong uri ng bayrus ang tunay na banta, kundi isang lumang sakit na matagal nang lumalason sa ating lipunan—ang fake news.
Hindi na bago sa Pilipinas ang pekeng balita. Matagal nang bumabalot sa ating bansa ang salot na ito, isang malubhang sakit na tila apoy kung lumaganap. Sa bawat isyu, sa bawat krisis, hindi nabibigo ang fake news na magdulot ng kalituhan, takot, at pagkakahati-hati sa ating mga mamamayan.
Isa sa mga pinakamatinding epekto ng pekeng balita ay ang panlilinlang sa publiko. Sa panahon ng halalan, naglipana ang mga impormasyon na may layuning pabagsakin o pagandahin ang imahe ng mga kandidato. Dahil dito, marami ang nalito, naniwala sa kasinungalingan, at bumoto nang hindi batay sa tunay na kakayahan ng mga kandidato kundi sa inimbentong kwento ng ilan. Hindi natin namamalayan, unti-unting nababaluktot ang ating demokrasya dahil sa maling impormasyon na nagiging batayan ng ating mga desisyon.
Noong kasagsagan ng pandemya, isa rin ang pekeng balita sa mga dahilan ng labis na pagkabalisa at takot ng mga Pilipino. Kumalat ang samu’t saring haka-haka, mula sa mga pekeng lunas laban sa COVID-19 hanggang sa mga teoryang nagsasabing ang bayrus ay isang lihim na sandata ng Tsina upang pabagsakin ang ibang bansa. Ang ganitong uri ng maling impormasyon ay nagdulot ng mas matinding diskriminasyon, lalo na sa mga Tsino at sa mga may lahing Asyano. Sa halip na magkaisa upang labanan ang pandemya, ang maling impormasyon ang siyang nag-
EDITORYAL
ing hadlang sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa krisis. Isa sa pinakamabisang paraan upang labanan ang fake news ay ang pagiging mapanuri sa lahat ng impormasyong ating natatanggap. Huwag basta-basta maniwala sa mga balita lalo na kung ito ay nagmula sa hindi kilalang mapagkukunan. Tiyaking may sapat na ebidensya at may kredibilidad ang pinagkukuhanan ng impormasyon bago ito ibahagi sa iba. Sa panahon ngayon na mabilis ang pagpapakalat ng impormasyon sa social media, kailangang maging mas responsable tayo sa ating mga ibinabahaging balita. Mahalaga rin ang papel ng mga mamamahayag sa paglaban sa pekeng balita. Ang mga nasa larangan ng pamamahayag ay dapat manatiling tapat sa kanilang tungkulin—ang ihatid lamang ang katotohanan sa publiko. Ang media ang isa sa pangunahing haligi ng demokratikong lipunan, kaya’t responsibilidad nitong tiyakin na ang bawat impormasyong inilalabas ay may sapat na basehan at hindi batay sa haka-haka lamang. Dapat ding gampanan ng pamahalaan angtungkulin nitong protektahan ang mga mamamayan laban sa disimpormasyon. Kailangang palakasin ang mga batas laban sa pagpapakalat ng fake news at itaguyod ang mas malawak na kampanya para sa digital literacy. Sa pamamagitan ng mas mahigpit na regulasyon at masusing edukasyon ukol sa tamang paggamit ng social media at iba pang online platforms,
maaaring mabawasan ang pagkalat ng maling impormasyon sa bansa. Sa huli, ang bawat isa sa atin ay may papel sa pagpuksa ng sakit na ito. Hindi sapat na tayo mismo ay hindi nagpapakalat ng pekeng balita—kailangan din nating turuan ang ating pamilya, kaibigan, at kapwa na maging mapanuri sa impormasyong kanilang tinatanggap at ibinabahagi. Ang pagbabago ay magsisimula sa ating sarili. Ang impormasyon ay isa sa pinakamakapangyarihang sandata ng tao. Ngunit tulad ng anumang sandata, maaari itong magamit sa kabutihan o sa kasamaan. Nasa ating mga kamay ang kapangyarihang ito—gamitin natin ito nang tama. Ang pagiging mapanuri at responsable sa paghahatid ng balita ay hindi lamang isang tungkulin kundi isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang katotohanan, katarungan, at kaayusan sa ating lipunan. Hindi na natin maitatanggi ang pinsalang dulot ng fake news. Isang epidemya itong bumabalot sa ating bansa, mas matindi pa kaysa sa anumang sakit na dulot ng virus. Ngunit hindi tayo dapat magpatalo rito. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, mapanuring pag-iisip, at responsableng pagbabahagi ng balita, sama-sama nating mapupuksa ang sakit na ito. Ang laban kontra fake news ay laban nating lahat— isang laban para sa katotohanan, integridad, at kinabukasan ng ating bayan.
Dating wala, meron na ngayon. Nagkaroon na ng insurance benefits na inilingkod ng kasunduan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Social Security System (SSS) ang mga benepisyaryo ng 4Ps o ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program simula noong Hulyo 2024 para sa kanilang ‘4Ps Alkansya Program’.
Ang programang ito ay naglalayong matugunan ang kanilang pangangailangan sa kasalukuyan at lalong lalo na sa hinaharap. Dagdag pa ng DSWS at SSS, layunin din nilang
magkaroon ng pang masang insurance para sa mga mahihirap. Sa ilalim nito, gagawa ang DSWD at SSS ng contribution subsidy na
angkop para sa 4Ps kung saan magbabayad sila ng ₱5,700 kada buwan.
Maliban sa walang sapat na kita para sa pang-arawaraw na gastusin, nahaharap pa sa iba’t ibang hamon ang mga benepisyaryo ng 4Ps kagaya na lamang ng kawalan ng seguridad sa trabaho, sakuna, sakit, at iba pa kung kaya’t makatutulong ang programa ng DSWD at SSS para mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-ipon na magagamit nila upang makabangon muli sa ano mang pagsubok na kanilang kinahaharap o mahaharap pa lamang. Sa pamamagitan nito, hindi na nila iisipin pa kung saan makakukuha ng mahuhugot na pera sa oras ng pangangailangan.
Maliban pa rito, magkakaroon din sila ng kakayahang makapagtayo ng sariling negosyo kahit sa simpleng tindahan lamang o hindi kaya makapagpaaral ng kanilang anak. O diba, nakapag-ipon ka na nga, nakapagnegosyo ka pa! Ang programang ito
ay tiyak na nagpapakita ng pagkakaroon ng malasakit ng gobyerno sa mga mahihirap. Isa lamang ito sa mga programang nakapokus mismo sa mga nangangailangan na siya namang magdadala sa kaunlaran ng bawat isa. Kagaya nga ng sabi nila, “No man left behind”. Datapwa’t, kailangan din tiyakin na mapapamahalaan ito nang maayos upang maiwasan ang katiwalian o pangungurap sa pera. Isa pa ay dapat bigyang kaalaman ang bawat isa sa mga benepisyo o kahalagahan ng insurance upang magamit ito nang wasto. Sa simpleng programang ito ng gobyerno, hindi lamang ngiti sa mga labi ang kanilang makikita sa mga benepisyaryo ng 4Ps kundi, pakiramdam ng pagkakaroon ng seguridad sa pang-araw-araw. Sa oras ng pangangailangan, tiyak na may masasandalan. Alkansiyang magdadala sa masa tungo sa pag-asa.
Marjorie Obien
Nararapat na pag-igtingin pa ng pamahalaan ang ginagawa nilang pagkwalipika at pagbabantay sa mga binibigyan ng akses na pamunuan ang mga ahensya ng gobyerno.
Sa mahabang panahon, patuloy na ipinaglalaban ng mga Tsino ang kanilang karapatan sa bansang Pilipinas. Gaya na lamang ng isyu ng bansa at ng Tsina sa Philippine Sea kung saan libu-libong mga Pilipino ang naperwisyo sa katubigan, muling sinalakay nang kontrolin na ng mga Tsino ang pangunahing suplay ng kuryente ng mga planta sa Pilipinas.
Ibinunyag ng Kamara ang pangunguna ng mga taga-Tsina sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung saan ang National Chairman na si Zu Wang Chao at tatlong miyembro nito ay pare-parehong Tsino. Ayon sa Chairperson ng House Committee on Ways and Means na si Representative Joey Salceda, ang kahit anong ahensiyang nakalista sa Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong lagpas 40 porsyento ay dapat epektibong pagmamay-ari ng isang Pilipino. Mananatiling walang porsyento ang mga dayuhan na siyang nilabag mismo ng Chairman ng NGCP. Batay din sa naisatitik sa Commonwealth Act No. 108 o Anti-Dummy Law, pinapasawalang-karapatan ang mga banyagang indibidwal na magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala, operasyon, administrasyon, at control sa entidad na personal na pagmamay-ari ng isang bansa o bahagyang pagmamay-ari lamang. Malinaw na mayroong naganap na paglabag sa loob ng NGCP, kaya naman ay umangal ang ilang mga kongresista at nagpetisyong amyendahan ang prangkisa ng nasabing ahensya. Isinaad din ni Salceda na magsasagawa pa sila nang karagdagang imbestigasyong detalyado bago rumepaso. Bagamat walang epekto ang nasyonalidad ng mga lider sa kalidad ng trabahong kanilang ipinapamalas o ipapamalas sa puwestong kanilang kinaluklukan, ang paglabag sa konstitusyong kakampi ang demokrasya ng mga Pilipino ay mananatiling paglabag.
Dahil dito, nararapat na pag-igtingin pa ng pamahalaan ang ginagawa nilang pagkwalipika at pagbabantay sa mga binibigyan ng akses na pamunuan ang mga ahensya ng gobyerno. Higit ding makakatulong kung manggagaling mismo sa boto ng taumbayan ang mga pangalan ng mabibigyan ng puwesto. Panatilihin ang pagiging mapanuri sapagkat kahit ang mga bantay sa gobyerno ay kayang-kaya tayong salakayin.
Byaheng Taas-Pasada
Erinne Dwayne Tan
Ang LRT ay pampublikong transportasyon, isang serbisyo na hindi lamang para sa iilang tao, kundi para sa lahat.
Mabilis, maginhawa, at malinis—ang Light Rail Transit (LRT) ay isa sa mga pangunahing bahagi ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas. Isang mahalagang serbisyo na nagdudulot ng malaking tulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga komyuter na umaasa rito upang makarating sa kanilang paroroonan. Ang LRT ay nagdudulot ng malaking kaginhawaan, kaya ang taas pasahe ay magiging isang malaking dagok na pasanin ng mga mamamayan. Sampung taon makalipas ang huling pagtaas ng pasahe sa LRT, inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na maaaring tumaas ito sa marso. Nakasaad sa “concession agreement” ng gobyerno at LRMC na may pribilehiyo itong humiling ng taas-pasahe kada dalawang taon. Ang balitang ito ay nakakuha ng halo-halong reaksyon sa masa. Ipinaliwanag ng LRMC na ang 2.17 bilyong pisong fair deficit—ang nawalang kita mula sa kasalukuyang pasahe—ay kailangan upang matugunan ang pagpapanatili ng mga riles at upang magpatuloy ang mga proyekto tulad ng Phase 2 ng LRT-1 Cavite Extension. Sa madaling salita, upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo at makumpleto ang proyekto, kailangan ng dagdag na kita. Dagdag pa nila, inaasahang tataas ang pasahe ng humigit-kumulang P15 mula sa dulo ng LRT-1 mula sa Fernando Poe Jr. (FPJ) station sa Quezon City hanggang sa Dr. Santos station sa Parañaque.
Ang planong ito ay makakatulong sa pagpapabisa ng transportasyon ngunit paano ang mga mamamayan na salat at hirap makasabay? Sa patuloy na pag-angat ng mga gastusin, mistulang ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo ay nagiging isang pang araw-araw na na kaganapan. Lahat ay nagsi-taasan, maliban sa sahod ng mga mamamayan. Kaya naman, napaka bigat na pasanin ang mga taas-presyo na daragdag sa kanilang gastusin. Ang LRT-1 Cavite Extension ay isang hakbang patungo sa mas maginhawang pampublikong transportasyon sa hinaharap, dapat ding isaalang-alang ang kalagayan ng mga kasalukuyang pasahero at ang kanilang kakayahang sumabay sa mga pagbabagong ito. Nagbigay naman ng pahayag ang tagapagsalita ng Department of Transportation (DOTr), na magiging masusing proseso ang pag-apruba ng hiling na taas-pasahe. Ipinahayag nila na maraming bagay ang ikokonsidera, at nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga manggagawang apektado ng hakbang na ito. Kung sakaling maaprubahan ang hiling na taas, sana’y magawa itong timbangin at tingnan kung may paraan upang mapababa pa ang presyo, upang hindi gaanong magdulot ng pasakit sa mga mamamayan. Ang kaganapang ito ay isang malinaw na salamin ng masalimuot na kalagayan ng ating lipunan. Sa kabila ng mga proyektong naglalayong magbigay ng kaayusan at pag-unlad, ay ang maraming ordinaryong Pilipino na buhat-buhat ang bigat. Hindi dapat kalimutan na ang LRT ay pampublikong transportasyon, isang serbisyo na hindi lamang para sa iilang tao, kundi para sa lahat. Ang mga pasahero—lalo na ang mga manggagawa at mga mahihirap—ang tunay na batayan ng tagumpay ng sistemang ito. Kung ang layunin ay paglingkuran ang nakararami, dapat isaalang-alang ang kanilang kapakanan at kakayahan bago magpatuloy sa mga hakbang na sila’y mapag-iiwanan.
Sa isang lipunang dapat pinangungunahan ng batas at prinsipyo, isang malaking kabalintunaan ang makita ang mga mambabatas na lumalabag mismo sa mga regulasyong kanilang nilikha at dapat ipatupad. Hindi lamang ito usapin ng isang simpleng paglabag, kundi isang seryosong hamon sa integridad ng ating sistemang pampulitika.
Kamakailan, isang insidente ang naglagay sa alanganin sa imahe ng isang kongresista matapos mahuling dumaan ang kanyang sasakyan sa Epifanio de los Santos Avenue o EDSA Busway—isang malinaw na paglabag sa batas trapiko. Bagamat hindi siya mismo ang nagmamaneho, hindi nito inaalis ang kanyang responsibilidad sa kilos ng kanyang sasakyan at mga tauhan. Ang mas malaking usapin dito ay hindi lamang ang mismong paglabag kundi ang implikasyon nito sa tiwala ng publiko sa ating mga halal na opisyal. Paano aasahan ng taumbayan na susunod ang ordinaryong mamamayan sa batas kung mismong mga gumagawa ng batas ang lumalabag dito?
Gayunpaman, mahalagang bigyan pansin ang mga posibleng paliwanag mula sa mga sangkot. Ayon sa pahayag ng kongresista, hindi niya naman sinadyang magkamali o mag-abuso ng posisyon. Maaari rin nating itanong: alaga bang isang pang-aabuso sa pribilehiyo, o maaaring ito ay isang tapat na pagkakamali sa isang sitwasyong puno ng stress o abala? Sa kabila ng mga paliwanag na ito, nananatili ang pananagutan ng mambabatas, lalo na’t ito ay may kinalaman sa kanyang imahe at sa pananaw ng taumbayan sa mga opisyal ng gobyerno.
Ang ganitong insidente ay nagdadala ng mas malalim na diskusyon tungkol sa accountability ng ating mga opisyal sa kanilang posisyon. Ang paggamit ng sticker ng House of Representatives sa sasakyang nasangkot ay lalong nagpapalala sa isyu. Bagamat hindi ito opisyal na plaka, hindi maitatangging maaaring magbigay ito ng impresyon na may ‘special privileges’ ang naturang sasakyan. Isa itong malinaw na indikasyon ng pang-aabuso sa posisyon, kahit pa sabihin na hindi ito sinadyang gawin. Lalong nakapanghihinayang ang tila pagiging depensibo sa naging tugon sa insidente. Ang pahayag ni Senador Raffy Tulfo, ama ng naturang kongresista, na hindi naman daw nag-abuso ang kanyang anak ay tila isang palusot na hindi makatwiran. Ang tunay na lider ay hindi nagtatago sa likod ng mga teknikalidad. Ang tunay na pinuno ay marunong umako ng responsibilidad at inuuna ang tamang ehemplo sa publiko. Hindi ito ang unang pagkakataon na may opisyal ng gobyerno o kanilang kaanak na nasangkot sa paglabag ng batas trapiko. Ilang beses na nating nasaksihan ang pagwawalang-bahala ng ilang matataas na opisyal sa mga regulasyong sila mismo ang nagtatakda. Isa itong paulit-ulit na eksenang nagpapakita ng kawalan ng tunay na pananagutan sa pamahalaan. Kaya’t marahil, isang mas malawak na tanong ang dapat natin sagutin: Dapat bang palakasin ang mga mekanismo ng pagpapataw ng batas, hindi lamang sa mga kasong ito, kundi sa
lahat ng mga opisyal upang matiyak na walang sinuman ang nakakalusot sa mga regulasyon?
Ang batas ay para sa lahat—walang kinikilingan, walang pinapaboran. Hindi ito dapat baluktutin o balewalain ng sinumang may kapangyarihan. Ang mga mambabatas ang unang dapat sumunod sa mga batas upang maipakita nilang sila ay may moral na awtoridad sa paggawa at pagpapatupad nito. Kung nais talaga ng ating mga opisyal na magpatuloy sa kanilang paninilbihan, dapat silang maging ehemplo ng pagsunod sa batas, hindi pasimuno ng paglabag nito. Ang pananagutan ay hindi dapat natatapos sa simpleng paghingi ng paumanhin. Nararapat itong samahan ng kongkretong hakbang upang hindi na ito maulit pa.
Ang taumbayan ang may kapangyarihang magpasiya kung sino ang dapat manatili sa puwesto. Hindi dapat manatili sa poder ang mga lider na paulit-ulit na nagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas at sa tiwalang ibinigay sa kanila ng publiko. Ang pagsuporta sa mga opisyal na patuloy na lumalabag sa batas ay tila pagsuporta rin sa isang sistemang hindi patas at hindi makatarungan. Kung nais nating tunay na pagbabago, marahil panahon na upang pag-isipan nating muli kung sila nga ba ang mga lider na nararapat nating ipagkatiwala ang ating kinabukasan.
Kate Celine Ligan
“Oh sa mga kabataan diyan, huwag puro cellphone, galaw galaw din!” Puro cellphone, mga tamad, hindi madiskarte sa buhay. Iyan na ba lagi ang tingin ng lipunan sa ating mga kabataan?
Nitong mga nakaraang araw ay naging usap-usapan ang sumikat na bidyo ukol sa isang dalagang nagtatrabaho at nagtitinda ng “hotdog sandwich” sa Quiapo, Manila. Mas kilala ang dalaga dahil sa kaniyang sinambit na katagang “Ma, anong ulam.” Dito ay inulanan siya ng puri ng madla dahil sa kaniyang pagsusumikap upang kumita, hindi tulad umano ng ibang mga kabataan diyan.
Dito kasi sa Pilipinas, halos mapapaluhod na lang ang madla kapag may nakikita silang taong nagtatrabaho sa murang edad. Sinasabing iyon ang isang magandang ehemplo ng tunay na kabataan sapagkat hindi ito umaasa lamang sa magulang at siya mismo ang nagsusustento sa mga pangangailangan niya. Tila ba’y nagiging isang karaniwang bagay. Ngunit, nakakalimutan ba natin na ang ganitong pangyayari ay isang uri ng child labor?
Sa murang edad, hindi dapat pinapasan ng mga magulang ang dapat na responsibilidad nila sa kanilang mga anak sapagkat pinili nilang buhayin ito. Naroon ang tungkulin na ibigay sa kanilang mga anak ang kanilang pangangailangan. Bakit ka pa nagkaroon ng anak kung hindi mo ito kayang ibigay? Kahit saang anggulo naman tingnan, sa anak pa rin ang pagpapahirap. Sa anak ang sakripisyo.
“Ma, anong ulam?” isang katanungan lamang na kadalasang naririnig sa mga kabataan ngunit hinuhusgahan na agad ng madla. Ano ba ang meron kung tatanungin lang nila ang kanilang mga magulang kung ano ba ang pagkain sa hapagkainan? Hindi dapat natin iniinsulto kaagad ang mga kabataang nagsasabi nito dahil maaaring meron naman silang pribilehiyo o kakayahan upang magkaroon ng pagkain dahil nasusustensyahan naman ito nang maayos ng kanilang mga magulang. Hindi na nila kasalanan iyon.
Wala namang masama kung kahit sa murang edad ay natututo na tayong magsumikap sa buhay at tumayo sa sarili nating mga paa. Ngunit, ito’y isang gawain na hindi naman sapilitan o responsibilidad. Nakakalungkot lamang na marami pa rin sa mga kabataan ngayon ang napipilitan na tumayo bilang “magulang” sa pamilya dahil sila ang nagtataguyod sa kanilang mga pangangailangan. Hangga’t mayroon pa rin na mga kabataan ang naaalipin sa ganitong sistema, patuloy pa rin natin ipagbigay alam ito sa ating gobyerno upang masugpo ito. Ang mga ganitong pangyayari ay maaari lamang matigil kung uumipsahin natin ang pagpapalakas sa pinakamaliit na sektor ng lipunan, ang pamilya.
Shout-out sa mga kabataan diyan! Tandaan na hindi kasalanan kung ang iyong ambag pa lamang sa pamilya ay paghuhugas ng pinggan o pagtulong sa kahit anong gawaing pambahay sapagkat ika’y bata pa. Hayaan natin na bigyan ng karapatan na maging bata ang isang bata na malaya mula sa abuso ng trabaho. Basta siguraduhin lang natin na panghahawakan natin ang araw na kung saan tayo naman ang mag-uuwi ng napakasarap na ulam para sa ating mga magulang.
Ngunit sa kasalukuyan, talagang mas mainam pa rin na marinig natin ang mga katagang “Ma, anong ulam?” kaysa na “Nak, anong ulam?”
Kulungang Hindi Matakasan
: Erinne Dwayne Tan
Nakabibighani at nakawiwiling pagmasdan, ngunit kaakibat nito ang ilang taong pananamantala at kalungkutan.
Si Mali, ang kaisa-isang elepante ng Manila Zoo, sa mga pinakaibinibida at sikat na atraksyon sa naturang pasilidad. Ang elepanteng ito ay dinadayo at pinipilahan upang masilayan ng mga tao. Kaya naman, hindi kataka-takang lubusang nalungkot ang sambayanan nang pumutok ang balita ng pagkamatay nito noong 2023. Ngunit ngayon, muling itinampok si Mali na sumailalim sa proseso ng taxidermy at ngayon ay patuloy na namamalagi sa pasilidad bilang isang “permanenteng” atraksyon.
Si Mali ay kilala bilang nagiisang elepante na namalagi sa Manila Zoo. Isang nilalang, sa kabila ng pagiging hari ng gubat, ay ginugol ang buong buhay sa maliit at liblib na espasyo. Isang laruan na pinagkukunan ng aliw at enganyo para sa mga tao, ang buhay ni Mali ay naging isang palabas, isang simbolo ng kaligayahan ng iba habang ang kanyang sariling kaligayahan ay hindi kailanman napagtuunan ng pansin.
Sa kanyang muling pagbabalik sa kanyang tinitirhan sa loob ng mahabang panahon, maraming mga tao ang natuwa na muling masisilayan ang elepante. Hanggang sa huling hininga ni Mali, siya ay hindi nakalaya mula sa mga kadena ng kanyang eksploytasyon. Ang kanyang pagkamatay, na sana’y nagsilbing simula ng kalayaan mula sa pagkakait at pagpapahirap, ay nagmistulang isang komersyal na pagnanasa upang tulutang pagkakitaan ang hayop.
Ang kaganapang ito ay isang malupit na salamin ng hindi makatarungang pagtrato ng lipunan sa mga hayop. Ang dapat sana’y malaya at payapang pamumuhay ng isang nilalang ay ninakaw at pinagkait ng mga tao para lamang sa pansariling kasiyahan at kapakinabangan. Ang pagkamatay na siyang tulay sana sa kalayaan ay kinuha’t pinagkait rin sa hayop upang pagkakitaan. Sa ganitong kaganapan, nagiging patuloy ang kalupitan at pagsasamantala, na mistulang nagiging bahagi na ng ating kultura at sistema.
Si Mali ay hindi lamang isang halimbawa ng pagpapahirap sa mga hayop sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo. Maraming mga hayop ang tulad niya, patuloy na inuusig, inaabuso, at pinagkakitaan ng mga tao. Sa kanilang mga kwento, makikita ang isang masalimuot na katotohanan na ang buhay ng mga hayop ay madalas ginagamit lamang bilang aliwan at negosyo para sa mga tao. Ang tanong, kailan natin bibigyan ng katarungan ang kanilang mga karapatan at kalayaan? Kailan natin sila tatratuhin ng tama at bibigyan ng kapayapaan? Habang ang mga tao ay patuloy na nagbabalik-tanaw at nangungulila kay Mali, sana’y maging pagkakataon ito upang mag-isip tayo nang mas malalim, hindi lamang tungkol sa mga hayop na tulad niya, kundi tungkol sa ating responsibilidad bilang mga nilalang na may kakayahang magbigay ng malasakit at pangangalaga sa mga hindi kayang magprotesta laban sa kanilang kalagayan.
Patnubay sa Peligro ng Pag-asa ng Bayan
Willy James Arcosiba
Handa ka bang isaalang-alang ang iyong kapakanan para lamang sa munting numero sa iyong paaralan?
“Gawin ang aktibidad at ipasa sa nakatakdang oras.” Mga salitang kadalasang tinatanggap na lamang ng mga estudyanteng inaalala ang kanilang kapakanan sa gitna ng delubyong dulot ng ulan. Mga batang nagugulumihanan kung uunahin ba nila ang itinakdang gawain o asikasuhin muna ang naiwang bakas ng bagyo. Iyan ang mga naging kalagayan ng bawat estudyanteng danas ang paghihirap sa asynchronous classes sa panahon ng kalamidad.
Ang pagkakalunsad ng mga “asynchronous classes” ay kadalasang dahil sa mga pangyayari na maaaring makapagdulot ng masamang epekto sa kalusugan at kalagayan ng mga mag-aaral. Sinasabing ito ay nagsisilbing paraan upang mapanatiling natututo sila sa kabila ng mga pangyayaring tulad na lamang ng mga bagyo. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay gawain sa mga estudyante kapalit ng hindi na kailangang pagpunta pa sa paaralan.
Bilang karagdagan, ito rin ang nagiging paraan ng mga guro upang may maipasang awtput para sa mga araw na hindi nila matuturuan sa pisikal na silid-aralan ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan gamit ang mga pampaaralan na platforms tulad na lamang ng “Google Classroom” at “Google Meet” nagkakaroon ng paraan ang mga guro at estudyante na makakuha ng mga impormasyon mula sa mga pre-recorded video at mga modyul.
Kahit na maganda ang intensyon ng pagkakagawa sa mga ganitong klase, nabigyang pagpapahalaga ba talaga ang kapakanan ng bawat estudyante o naging dagdag pasanin lamang ito sa kanila?
Sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, mabilisang pagbaha, pati na rin ang pagkalat sa hangin ng mga abo, mas mainam na bigyang prayoridad ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili kaysa sa mga aktibidad sa paaralan. Hindi marapat na dumadag pa sa problema ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral habang hinaharap ang mga sakuna. Nasa panganib na nga ang kanilang buhay, may sumasabay pang mga takdang aralin.
Ating tandaan, mga kabataang may pangarap ang ating pinag-uusapan. Nasa panganib ang buhay ng mga pag-asa ng bayan ngunit kahit sa kabila ng peligro ay hindi nila malubayan ang tungkulin na ito. Mas mahalaga ang buhay kaysa sa kinabukasan. Ating tanggapin ang katotohanang may mga pagkakataong mas kailangan unahin ng mga estudyante ang kanilang kapakanan kaysa sa kanilang mga grado sa paaralan. Hindi para sa lahat ang asynchronous classes. Ito ay hindi pumapabor sa lahat, may mga estudyanteng nagkakaroon ng kulang sa kanilang mga marka sa kadahilanang walang kakayahan sa paggamit ng mga devices o plataporma na kailangan sa ganitong uri ng klase. Isa pa rito ay ang mga estudyanteng lubos at pilit na nagmamakaawa na hindi muna ipa-pasa sa takdang oras ang mga gawain sapagkat sinalanta ng bagyo na nagdulot ng pagkabasa ng mga gamit.
Bakit itinutulak sa kapahamakan ang buhay ng mga bayani sa kinabukasan? Hindi ba’t guro ang dapat na nangangasiwa sa pagpapaunlad ng kanilang mga kaalaman? Ngunit bakit tila sila pa ang nagpupumilit na ilagay sa panganib ang buhay ng mga kabataan para lamang mapunan ang mga pangangailangan sa kanilang trabaho?
Kung patuloy pa rin na isasagawa ang ganitong uri ng mga klase, marapat lamang na mabigyan ng konsiderasyon ang mga nagsusumikap na mag-aaral dahil hindi lahat ay pinapaboran nito. Intindihin na hindi lahat ng lugar ay pare-parehas na kung saan may mga lugar man na hindi ramdam ang sakuna, at may lugar din na hindi na makilala dulot ng sakuna. Mas maganda kung magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na bigyan ng importansya at prayoridad ang kanilang mga sarili sakali mang sumapit na naman ang mga kalamidad. May tungkulin at responsibilidad man ang mga mag-aaral sa paaralan, ngunit hindi natin maikakaila na sila ay mga kabataan pa lamang na kailangan ng paggabay. Huwag nating pagsamantalahan ang mga estudyanteng magbubunga ng magandang kinabukasan para sa bayan bagkus ay iparamdam sa kanila na ang kanilang buhay ay dapat na pinahahalagahan. Tayo ang kanilang patnubay, hindi kalamidad na maglalagay sa peligro ng kanilang buhay.
Althea Tracie Gerali
Bangon Pilipinas, ika nila. Ikaw, isa ka rin ba sa mga taong naghahangad ng panibagong pahina para sa bansa? Muling lumitaw sa usapin ang mga reclamation projects ng EcoCity sa Manila Bay—“Pasay 265” at “Pasay 360” simula nang ito ay ipatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos noong taong 2023.
Pinatigil ang proyekto noong Agosto 7, 2023, kasama ng iba pang reclamation projects ngunit inaprubahan ang pagpapatuloy nito noong Nobyembre 27, 2023. Kung kaya’t, simula noon ay patuloy na sumusulong ang konstruksyon ng proyekto ayon sa Pasay City Government. Mayroong mga negatibong epekto ang paglikha ng Pasay 360 sa kapaligiran datapwat, mas marami ang magiging pakinabang ang maiaambag nito sa kaunlaran ng Metro Manila at ng bansa. Sa proyektong ito, mapapalawak ang lungsod ng Pasay at magiging mas mapabubuti ang negosyo, turismo, at pamumuhay. Pagdating sa mga establisyimento, inaasahang magtatampok ito ng mga mall, office buildings, residences, entertainment arena, convention center, at iba pa. Dahil sa mga maipapamalas ng mga nabanggit, maglilikha ito ng mga trabaho para sa mga unemployed Filipino workers at kita sa mga negosyante na makadaragdag sa Gross Domestic Product (GDP) at Gross National Product (GNP) ng bansa. Saad ni Pasay City Administrator Peter Manzano, sa House of Committee on Ways and Means, magbibigay ito ng tumatagingting na isang milyong trabaho para sa mga Pilipino.
Dagdag pa rito, magkakaroon din ng kaayusan pagdating sa transportasyon datapwa’t, madadagdagan ang mga tulay at kalsada sa Metro Manila. Mababawasan din ang trapik sa mga umiiral na distrito ng negosyo kagaya ng Makati at Bonifacio Global City na malapit lamang din dito dulot ng pagkakaroon ng bagong sentro ng negosyo at komersyo.
Bukod pa sa mga iyon, ayon sa layunin ng SM Prime sa Pasay 360, ito ay may potensyal na pagandahin at mapaunlad pa ang mga imprastraktura sa lungsod ng Pasay. Magiging daan ito para sa pagkakaroon ng mahusay na serbisyo para sa mga residente nito na maaring magdulot sa pagtaas ng turismo ng bansa.
Mayroon mang epekto ito pagdating sa aspektong pangkapaligiran ngunit, sinabi na mismo ng Presidente ng SM Smart City Infrastructure and Development Corporation, Glenn Ang, na ang proyektong ito ay dumaan sa mabusising proseso at pag-aaral kung saan tinignan ng Department of Environment and National Resources (DENR) ang mga posibleng maging epekto nito. Kaya, maaring gagawan na rin ng paraan kung paano mababawasan ang mga magiging negatibong epekto nito.
Sa mga benepisyo pa lang ng proyektong ito ay tiyak na magdudulot ito ng panibagong bukas para sa Pilipinas. Dahil sa patuloy na pagpasok natin sa globalisasyon ay patuloy din tayong umuunlad sa iba’t ibang aspekto.
Kung ito man ay magtagumpay, hindi ba’t kaakibat nito ay ang kaunlaran ng buong bansa? Makakamit kaya ang magandang bukas dahil sa proyektong ito at atin nang masasaksihan ang bagong mukha ng Pasay?
Mabilis, maginhawa, at malinis—ang Light Rail Transit (LRT) ay isa sa mga pangunahing bahagi ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas. Isang mahalagang serbisyo na nagdudulot ng malaking tulong sa mga mamamayan, lalo na sa mga komyuter na umaasa rito upang makarating sa kanilang paroroonan. Ang LRT ay nagdudulot ng malaking kaginhawaan, kaya ang taas pasahe ay magiging isang malaking dagok na pasanin ng mga mamamayan.
Sampung taon makalipas ang huling pagtaas ng pasahe sa LRT, inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na maaaring tumaas ito sa marso. Nakasaad sa “concession agreement” ng gobyerno at LRMC na may pribilehiyo itong humiling ng taas-pasahe kada dalawang taon. Ang balitang ito ay nakakuha ng halo-halong reaksyon sa masa.
Ipinaliwanag ng LRMC na ang 2.17 bilyong pisong fair deficit—ang nawalang kita mula sa kasalukuyang pasahe—ay kailangan upang matugunan ang pagpapanatili ng mga riles at upang magpatuloy ang mga proyekto tulad ng Phase 2 ng LRT-1 Cavite Extension. Sa madaling salita, upang mapanatili ang kalidad ng serbisyo at makumpleto ang proyekto, kailangan ng dagdag na kita. Dagdag pa nila, inaasahang tataas ang pasahe ng humigit-kumulang P15 mula sa dulo ng LRT-1 mula sa Fernando Poe Jr. (FPJ) station sa Quezon City hanggang sa Dr. Santos station sa Parañaque.
Ang planong ito ay makakatulong sa pagpapabisa ng transportasyon ngunit paano ang mga mamamayan na salat at hirap makasabay? Sa patuloy na pag-angat ng mga gastusin, mistulang ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo ay nagiging isang pang araw-araw na na kaganapan. Lahat ay nagsi-taasan, maliban sa sahod ng mga mamamayan. Kaya naman, napaka bigat na pasanin ang mga taas-presyo na daragdag sa kanilang gastusin.
Ang LRT-1 Cavite Extension ay isang hakbang patungo sa mas maginhawang pampublikong transportasyon sa hinaharap, dapat ding isaalang-alang ang kalagayan ng mga kasalukuyang pasahero at ang kanilang kakayahang sumabay sa mga pagbabagong ito.
Nagbigay naman ng pahayag ang tagapagsalita ng Department of Transportation (DOTr), na magiging masusing proseso ang pag-apruba ng hiling na taas-pasahe. Ipinahayag nila na maraming bagay ang ikokonsidera, at nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga manggagawang apektado ng hakbang na ito. Kung sakaling maaprubahan ang hiling na taas, sana’y magawa itong timbangin at tingnan kung may paraan upang mapababa pa ang presyo, upang hindi gaanong magdulot ng pasakit sa mga mamamayan.
Ang kaganapang ito ay isang malinaw na salamin ng masalimuot na kalagayan ng ating lipunan. Sa kabila ng mga proyektong naglalayong magbigay ng kaayusan at pag-unlad, ay ang maraming ordinaryong Pilipino na buhat-buhat ang bigat.
Hindi dapat kalimutan na ang LRT ay pampublikong transportasyon, isang serbisyo na hindi lamang para sa iilang tao, kundi para sa lahat. Ang mga pasahero—lalo na ang mga manggagawa at mga mahihirap—ang tunay na batayan ng tagumpay ng sistemang ito. Kung ang layunin ay paglingkuran ang nakararami, dapat isaalang-alang ang kanilang kapakanan at kakayahan bago magpatuloy sa mga hakbang na sila’y mapag-iiwanan.
Sa isang mundong puno ng mga pangarap at posibilidad, may mga kwentong tila naglalakbay mula sa mga pahina ng isang makulay na aklat.
Isa sa mga kuwentong ito ay ang kay Yuan S. Masuda, isang 23 taong gulang na alumnu ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus, Batch 2019-2020. Siya ay hindi lamang isang estudyante; siya ay isang simbolo ng inspirasyon para sa mga kabataan na nagnanais makamit ang kanilang mga pangarap sa larangan ng Kapnayan o Chemistry.
Mula sa kanyang pagkabata, ang Chemistry ay naging kanyang wika, sining, at misyon. Sa Setyembre 2024, nagtapos siya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at nagtagumpay sa Chemists Licensure Examination, kung saan siya ay nagtamo ng ikalimang puwesto na may markang 90.55%. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang isang personal na tagumpay kundi isang karangalan para sa kanyang paaralan at komunidad.
Ngunit hindi naging madali ang kanyang paglalakbay. Higit pa sa mga hamon sa kaniyang pag-aaral, mas marami siyang kinaharap na pagsubok sa kaniyang personal na buhay. Sa kabila ng lahat, nanatili siyang determinado. Sa kaniyang mga salita, “I stayed true to my goals to finish this course for my inner child who is waiting and cheering me on at the finish line.” Ang kanyang determinasyon ay nagbigay-diin sa halaga ng pagkakaroon ng layunin at ang pagsusumikap na makamit ito.
Nang dumating ang araw ng paglabas ng resulta ng board exam, naranasan ni Yuan ang isang hindi malilimutang sandali. Nakikipag-inuman siya kasama ang kaniyang mga kaibigan nang tumawag ang isa sa kaniyang mga kaibigan upang ipaalam na lumabas na ang mga resulta. “My other best friend called me to inform me that the results are out. We looked at the results together and the generic response was to scream in shock—except I didn’t! I was frozen in place, wondering if everything was a dream.” ang kaniyang pagkamangha ay nagbigay-diin sa katotohanan na ang tagumpay ay minsang tila isang panaginip na hindi mo akalain na magiging totoo.
Sa likod ng tagumpay na ito, nakikita ni Yuan ang paghilom ng mga sugat mula sa kaniyang nakaraan. Para sa kaniya, ang bawat hakbang ay isang paraan ng pagpapagaling sa mga hapdi buhat ng alaala ng mga dating pagsubok. “I view it as a way to heal my past wounds indirectly. I dreamed of nothing but becoming immersed and happy in this field, and now, we made it happen,” aniya.
Ngunit hindi rito nagtatapos ang kaniyang paglalakbay. Ayon kay Yuan, ang pagkapasa sa board exam ay isang malaking hakbang lamang. Nais pa niyang palawakin ang kaniyang kaalaman sa larangan ng Kapnayan. “Now that it is officially over, my mind craves nothing more but higher learning,” dagdag pa niya. Ang kaniyang pagnanais na matuto pa ay nagpapakita ng kaniyang walang katapusang pagnanasa na lumago at umunlad. Sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan, may mensahe si Yuan para sa mga kabataan na nagnanais sundan ang kanyang yapak. “It may seem like an oversimplification, but you only really need three things: a calculator, a periodic table, and the determination.” Dagdag pa niya, maraming oportunidad ang naghihintay sa nabanggit na larangan. “It can bridge you to medicine, engineering, law, education, or any other path if you will it to.” Ang kaniyang pananaw ay nagpapahalaga sa pagkakaroon ng determinasyon at pagsusumikap sa pag-abot ng mga pangarap gaano man ito katayog.
Tulad ng sinabi ni Yuan, walang larangang madali. Ang tapang at dedikasyon sa pagharap sa iyong piniling landas ay isang bagay na kahanga-hanga. Anumang hamon o takot ang humarang, dapat itong lagpasan upang marating ang tagumpay. Ang kaniyang kwento ay puno ng mga aral na maaaring gumising sa diwa ng mga kabataan magtulak sa kanila upang patuloy na mangarap at magsikap. Ang kuwento ni Yuan ay hindi lamang kwento ng tagumpay, kundi kuwento ng tapang, tiyaga, at hindi matitinag na determinasyon. Ipinapakita nito na kahit ang pinakamabibigat na pagsubok at pag-aalinlangan ay hindi kayang pigilan ang mga taong tunay na nagsisikap makamit lamang ang kanilang mga pangarap. Ang kaniyang tagumpay ay patunay na walang imposible sa taong handang magsikap at magtiwala sa sarili.
Kaya’t para sa mga kabataang nagsisimula pa lamang, tandaan: ang tagumpay ay hindi isang destinasyon kundi isang proseso—isang paglalakbay na puno ng mga aral, pagkakataon, at, higit sa lahat, pag-asa. Sa bawat hakbang, sa bawat pangarap, ang hinaharap ay nasa ating mga kamay. Ang kwento ni Yuan S. Masuda ay isang makapangyarihang paalala na ang tagumpay ay hindi lamang nakasalalay sa mga marka o pagkilalang natatanggap ng isang tao, kundi sa kaniyang tibay ng loob at determinasyon na harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay.
“Oh,
Ang kanyang ngiti ang palaging naalala ng mga tao. Ang rosas ay hindi lamang syon sa mga mag-aaral. Sa kabila ng mga tinik nito, ang rosas ay nananatiling kas ng landas para sa tagumpay ng iba. Sabi nga, “Ang guro ay tulad ng rosas—hindi
Sa bawat pagpasok sa silid-aralan, hindi lamang mga aklat
Ang mga estudyante ni Miss Dullas ay hindi lamang natututo ng mga akademikong yo, at gabay sa bawat hakbang ng mga estudyante. Sa mga pagkakataong
Most Outstanding Teacher Personnel: Isang Pagkilala sa Malasakit at Dahil sa kanyang hindi matitinag na malasakit at dedikasyon, si Bb. D bawat estudyante. Nanalo siya hindi dahil sa mga mataas na marka na epekto na iniwan niya sa aming mga buhay.
Pagbibigay ng Inspirasyon sa Pamamagitan ng Gawa at Salita Hindi lang sa pamamagitan ng salita, kundi sa mga gawa, nagpapakita ing tapat din ang estudyante sa sarili. Ang mga leksyon niya
Isang Gabay sa Panahon ng Paghihirap
Sa mga araw ng paghihirap, siya ang naging ilaw na nagbigay ng magpatuloy. Sa mga pagkakataong nawawalan ng
Isang Guro, Kaibigan, at Kakampi Hindi lamang isa, kundi ang lahat ng estudyante ni kundi pagiging tagapaglingkod sa ngalan ng malasakit
Sa huli, si Bb. D ay hindi lamang guro. Siya tuturo ay nag-iwan ng malalim na marka sa pi kami.
Sa kabila ng tensyon at hamon ng preparasyon, ang mga batang negosyante ng Talon Dos Campus lang basta naglunsad ng negosyo; sila’y nagbigay buhay sa isang matagal nang tradisyon ng entrepreneurship at pakikipagkapwa. Ang mga 12 baitang estudyanteng ang nagsilbing negosyante sa populasyon ng Talon Higit pa sa pagiging gawain para sa grado, ito ay nagsisilbing pagsasanay ng kanilang pakikisama munikasyon sa kanilang mga kapwa. Isa ito sa mga inaabangang kaganapan ng mga estudyante iba’t ibang putaheng inihandang ibenta ng mga nasa batang negosyante ng paaralan. Ngunit nap ito, dumaan sila sa mahaba - habang proseso ng paghahanda. Sa paglalapit ng Entrepreneurship Week, sinuri ng bawat grupo ang pagkaing nais tikman nidad ng paaralan. Ang mahalagang pagsasaliksik sa merkado na ito ay nagtutok sa kanilang produkto upang mag-alok ng mga bagay na makakatawag-pansin sa populasyon ng paaralan. Kinailangan ding ipresenta ng mga estudyante ang kanilang mga ideya sa negosyo sa harap ng mga hurado. Hindi lamang nito pinabuti ang kanilang mga proposal sa negosyo, kundi nagbigay feedback, at kumpiyansa, na naghanda sa kanila ng lubusan para sa kaganapan. Ilang linggo bago opisyal na magsimula ang inaasahang programa, ipinakita ng bawat ang pagkamalikhain sa promosyon sa pamamagitan ng skits at interactive media. Mula sa mga tatanghal na naglagay ng ngiti sa mga mukha ng mga estudyante hanggang sa makukulay na digital social media, ang mga makabagong paraan na ginamit ng mga batang negosyante ay mga susi sa taas ng benta kumpara sa nakaraang taon. Ang mga malikhaing pagsisikap ay hindi lamang lumikha ng malaking tao kundi nagdulot din pakiramdam ng pananabik sa mga estudyante, guro, at iba pang sumusuporta sa kanila. Ang masiglang ay nagbigay daan para sa isang linggo ng inobasyon, pagkatuto, at pagkakaibigan. Ang pagtatapos ng Entrepreneurship Week ay hindi lamang isang salamin ng pagnanasa at mga estudyante kundi pati na rin isang pagdiriwang ng kanilang pagkatuto at pag-unlad. Ang karanasan nagpatibay ng kahalagahan ng tiyaga, pakikipagtulungan, at kakayahang umangkop—mga mahalagang sa anumang matagumpay na negosyante. Naging malinaw na ang mga kasanayan at kaalaman na kakaroon ng pangmatagalang epekto, nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga pinuno syo na patuloy na itulak ang mga hangganan ng kahusayan.
: Christopher Boado
her eyes, make the stars look like they’re not shining hair, her hair, falls perfectly without her trying She’s so beautiful, and I tell her every day.”
lamang natatagpuan sa hardin; ito rin ay makikita sa paaralan sa anyo ng isang guro. Tulad ng rosas na nagbibigay ng ganda at bango sa paligid, ang guro ay nagbibigay liwanag at inspiramatatag at kaakit-akit—parang mga guro na, sa kabila ng hirap at sakripisyo, ay patuloy na nagiging gabay at lakas ng kanilang mga estudyante. Sila ang tahimik na bayani, nagbuburosas—hindi perpekto, ngunit laging may kakayahang magbigay ng kagandahan kahit sa gitna ng hamon.” aklat at aralin sa Filipino at Komunikasyon ang hatid ni Diana Rose Dullas, na mas kilala bilang “Miss Dullas” o “Bb. D” ng kaniyang mga estudyante, mga magulang, at kapwa kaguruan. akademikong aralin, kundi ng mahahalagang leksyon sa buhay. Siya ang guro na hindi iniwan ang mag-aaral sa pagsubok. Hindi lang siya tagapagturo sa klase kundi isang kaibigan, tagapapagkakataong pakiramdam nila ay nawawala sila ng direksyon sa mga pangarap, ang mga salita at gabay ni Miss Dullas ay nagbigay ng bagong pag-asa at lakas. Dedikasyon D ay kinilala bilang Most Outstanding Teacher Personnel. Ang parangal na ito ay hindi lamang dahil sa kahusayan sa pagtuturo, kundi sa malasakit at dedikasyon na ipinakita niya sa kundi sa walang sawang pagpapakita ng malasakit sa personal na paglago at tagumpay ng kanyang mga mag-aaral. Ang parangal ay patunay ng kanyang integridad at ang malalim nagpapakita si Bb. D ng inspirasyon. Siya ay laging tapat sa kanyang prinsipyo at hindi natitinag sa anumang pagsubok. Ang kanyang integridad ang nagsisilbing gabay upang magniya ay hindi lamang tungkol sa mga libro, kundi sa pagiging mabuting tao, pagpapahalaga sa bawat hakbang, at pagtitiyaga sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
nagbigay sa amin ng lakas ng loob. Hindi lang siya guro ng mga aralin, kundi tagapagtanggol ng aming mga pangarap. Ang mga simpleng salita ni Bb. D ay naghihikayat ng lakas upapag-asa, ang kanyang mga salita ay nagbibigay ng bagong pananaw: “Kakampi mo ako, hindi ka mag-isa.” ni Bb. D ay nakararanas ng kanyang malasakit at dedikasyon. Ipinakita niya sa ang pagiging guro ay hindi lamang pagtuturo ng mga aklat at nasa apat na sulok lang ng silid-aralan, malasakit at integridad. Sa bawat araw ng pagsubok, siya ang gabay na nagbibigay sa amin ng lakas at pag-asa. ay isang kaibigan, isang inspirasyon, at isang kakampi na nagbigay sa amin ng lakas at tapang upang harapin ang buhay. Ang kanyang malasakit, integridad, at dedikasyon sa pagsa aming mga puso. Sa kanyang mga salita at gawa, ipinakita niya sa amin na sa kabila ng lahat ng pagsubok, hindi kami mag-isa. At sa bawat hakbang patungo sa tagumpay, kakam-
Campus ay hindi entrepreneurship Talon Dos Campus. pakikisama at koestudyante dahil sa Ngunit bago naga-
tikman sa komukanilang mga linya ng paaralan. harap ng isang lupon nagbigay din ito ng
grupo ang kanilmasiglang pagdigital signage sa hindi inaasahang
din ng kasiyahan at masiglang kapaligiran at dedikasyon ng karanasan ay muling mahalagang halaga para nakuha ay magpinuno ng nego-
Kasabay ng kalansing ng mga kubyertos sa mesa ay ang kaluskos sa tainga ng hindi makamundong mga salita at aksyong hindi dapat sa publiko ipinapakita – mga gala- wang hindi pang-fine dining restaurant. Mama, mama, paano ka ginawa?
Kumalat sa social media ang bidyo ni Toni Fowler o Mommy Oni, vlogger at content creator, kung saan ay nileleksyunan niya ang kaniyang kapamilya sa kung tawagin ay Toro Family na si Mikay Marcelo tungkol sa proper etiquette dahil sila ay nasa fine dining restaurant. Matatandaang inilahad ni Mommy Oni ang walang prenong pagpapaulan ni Mikay ng mga nakakahiyang bala mula sa kaniyang bibig na siyang sumikat at bet na bet ngayon sa social media.
Simula noong tayo ay mga bata pa, inukit na sa ating buong pagkatao ang kahalagahan ng pagiging magalang at tila isang sampal sa ating kultura ang magpakita nang hindi kaaya-ayang gawi sa ating kapwa. Hindi lang sa tahanan makikita ang ganitong pagkilos dahil sumibol din ang mga asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Ed- ucation (VE) sa Programa ng Batayang Edukasyon ng K to 12 ayon sa Batas Republika Blg. 11476, ang GMRC and Values Education Act.
Ngunit bakit nga ba mahalaga ang tamang pag-uugali ka- pag nasa fine dining restaurant? Isa lamang ba itong gesture at kaartehan ng mga mayayaman? Hindi lamang kumukutikutitap at bumubusibusilak na chandelier ang nakasabit, amoy ng mama- haling hanging kumalat sa lugar, tila bato ang bigat na mga kubyertos ang nararapat na makita sa loob nang mamahaling resto, at naghuhumiyaw sa presyong mga damit, dapat ding makita ang propesyunal na gawi at magalang na pananalita ng mga taong paroroon dito.
Ang personalidad na hitik sa paggalang sa kapwa at pagkakaroon ng sensitibidad ang siyang tunay na yaman ng bawat isa. Kapanahunan man ng HUKBALAHAP o mga robots, hindi dapat magmaliw ang pagkakaroon ng kamalayan sa ating mga gawaing nakaaapekto sa ating kapwa.
: Jhane Hernandez
Palapit na ang araw—ang araw kung kailan tayo, ang mga mamamayan, ay may kapangyarihang impluwensyahan ang mga komportableng nakaupo sa kanilang mga upuan. Upuang siyang bumubuo ng tatsulok, na tila ba naging isang trono. Ngunit sa isang boto, maaaring magbago ang tatsulok na ito. Ang pagboto ay hindi lamang isang tungkuling mamamayan; ito ay isang makapangyarihang instrumento na humuhubog sa kinabukasan ng Pilipinas. Ang tanong dito ay: pananatilihin ba nating buo ang tatsulok, o babaliktarin natin ito?
Alam mo na ito ay talagang malapit na; paglabas mo palang, makikita mo ang nakadikit na mga karatula sa pader. Kung titingala ka naman, makikita mo ang nagla-lakihang at nagtataasang mga billboard na sumisigaw para sa atensyon. Kahit na ay pagkatapos mo lang manood ng telebisyon na puno ng kanilang mga mukha. Sa likod ng mga makukulay na poster at naglalakihang billboard, tila may mga tanong na hindi kayang sagutin ng ngiti o pangakong walang laman. Kaya’t nakakapanindig balahibo nang maalala ko ang dalawang awit na sumasalamin sa mga kasalukuyang nangyayari. Ilang dekada na ang nakalipas ng una nating marinig ang mga ito, ngunit inang bayan, may nagbago na ba?
“Kayo po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo.” Ang bawat taga ng liriko ay malalim, hindi ba? Tinutukoy nito ang mga opisyal na komportable sa kanilang pwesto, malayo sa mga paghihirap ng mga taong kanilang sinasabi na pinaglilingkuran. Sa konteksto ng halalan sa kalagitnaan ng taon, para bang isang salamin na itinutok sa mga kandidato—naiintindihan ba nila talaga ang bigat ng posisyong kanilang inaasam? O isa na lang ba itong simbolo ng kapangyarihan para sa kanila?
Sa darating na 2025 midterm elections sa Pilipinas, bo-boto ang mga Pilipino para sa labindalawang senador, lahat ng miyembro ng House of Representatives, at mga lokal na opisyal. Gaganapin ito sa ika-labindalawa ng Mayo. Ang labindalawang Senador ay naglilingkod ng anim na taon, sila ay nakakaimpluwensya sa mga batas at pambansang patakaran. Samantala, ang mga miyembro ng House of Representatives ay kumakatawan naman sa mga partikular na distrito, tinitiyak na maririnig ang mga lokal na boses. Pinangangasiwaan naman ng Opisyal ng Lokal na Pamahalaan ang mga usapin sa imprastraktura at mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan at mga programa sa pagtugon sa kalamidad na direktang nakakaapekto sa mga miyembro ng komunidad. Sila, na ating ihahalal ay parang mga bloke sa pundasyon ng tatsulok. Ang kanilang mga desisyon ay maaaring magpatibay o magpabagsak sa estruktura ng ating bansa.
Ang kanilang mga desisyon ay direktang nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon at parehong proteksyon sa pangangalagang pangkalusugan at pambansang seguridad. Kaya, “Totoy, kumilos ka, baliktarin ang tatsulok.” Ito ay isang tawag ng pagkilos. Ngayon, tayo naman ay manalamin, naiintindihan ba natin ang bigat ng ating boto sa pagpili ng mga taong aasam sa posisyong iyon? Ikaw, isang mambabasa, ay hindi lamang isang manonood sa teatro ng pulitika na ito. Bahagi ka ng sistema, ngunit higit sa lahat, may kapangyarihan kang hubugin ito. Ang kasalukuyang tatsulok ay mahirap matinag, ngunit maaari natin itong baliktarin sa pamamaraan ng pagboto nang matalino, kritikal, at may layunin.
Ang dalawang kantang ito ay hindi lamang basta himig at musika. Ito ay naglalaman ng kataga at mga salita ipinapakita ang reyalidad ng mundo at bansang ito. Upuan ay para sa mga taong nasa kapangyarihan. May kapangyarihang baligtarin ang mundo ngunit na madalas ay sinasamantala na manatiling nasa tuktok ng Tatsulok. Tatsulok na kailangan nang sirain, na hadlang sa tunay na pagkakapantay-pantay ng ating mundo. Huwag piliin ang mga taong hangad lamang ay upuan. Sana’y ang ating mga boto ay hindi maging batong ihahagis lamang natin sa langit at sa atin din bubukol; ibato natin nawa ito sa tama at ukol nang hindi tayo ang napupukol. Kung umabot ka man sa dulo ng mga awit at pahina nito, ako ay umaasa na ikaw ay magsilbing isang pagbabago sa bulok na sistema na nararanasan ng bawat isa ngayon. Ikintal natin sa ating mga isip na, “Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulo.” Ngunit sa isang boto—baka sakaling magsimula ang pagbabago.
Bagong Pilipinas, Bagong Mukha? Sa pagpasok ng bagong taon, nagkaroon
Sa likod ng mga pagbabagong ito, lumitaw ang mga tanong: Ano ang ating salapi? Habang ipinagmamalaki ng bagong pera ang tibay at seguridad,
Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang BSP ang mga bagong salaping ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ang mga ito kumpara sa tradisyonal na papel na pera. Ayon sa kanilang na mas mahaba, umaabot ng hanggang 7.5 taon, at may isang kaso nasa sirkulasyon.
Isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang pagtanggal kay Benigno limang-daang pisong bill. Nagbigay-diin ang August Twenty-One Movement mahalagang historical figures tulad nina Apolinario Mabini at Andres ang mga bayani na lumaban para sa ating kalayaan, at nagtanong kung kasaysayan.
Ayon din sa BSP, hindi lamang ito hakbang patungo sa modernisasyon ta ng isang pag-aaral mula sa De La Salle University na ang polymer warming kumpara sa papel na salapi. Bukod dito, ang polymer notes madaling linisin at i-sanitize nang hindi nasisira—isang mahalagang tampok Ang bagong polymer banknotes ng Pilipinas ay nagdadala ng din ito ng pangamba tungkol sa pagkawala ng mga pambansang bayani. halaga ring isaalang-alang ang ating kasaysayan at aral mula sa mga
Sa makabagong panahon, unti-unting nagiging pangunahing paraan ng pamimili ang ‘online shopping,’ na tila isang bagong rebolusyon sa kalakaran. Ang mga mamimili ay nahihikayat na iwanan ang mga tradisyunal na pamilihan at lumipat sa mas maginhawa at mabilis na alternatibo. Sa kabila ng mga benepisyo nito, may mga hamon din na kinahaharap ang mga lokal na tindera, na nagiging sanhi ng pag-aalala sa kanilang kabuhayan. Ang paglipat ng mga mamimili sa digital platforms ay nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang mga negosyo.
Sa mga pamilihan, naglalakad ang mga tindera ng prutas sa ilalim ng madilim na ulap, dala ang bigat ng pag-aalala habang unti-unting bumababa ang kanilang bentahan. Habang papalapit ang bagong taon, halos walang bumibili ng kanilang mga paninda. Ang mga sariwang prutas na dating puno ng kulay at buhay ay ngayo’y nagiging simbolo ng pagkalumbay at kawalan ng pag-asa.
Ayon sa iilang tindera, mas pinipili ng mga mamimili ang mga online sellers na nag-aalok ng mas maginhawa at mas mababang halaga. Nakikita ng mga tindera ang unti-unting paglipat ng merkado, kung saan ang kanilang mga produkto ay nalulugmok sa anino ng mas modernong pamamaraan ng pamimili.
Maraming tao ang bumabalik-balik sa kanilang mga smartphone o computer upang mag-order online gamit ang mga voucher at libreng delivery; tunay na nakatitipid sila sa ganitong paraan. Sa halip na maglakbay patungo sa palengke, maaari silang umupo nang kumportable sa kanilang tahanan, naglalaro sa iba’t ibang website habang pinipili ang pinakamurang alok. Sa panahon ngayon, mas naiisip ng mga mamimili ang halaga ng kanilang pera kaysa sa kalidad ng prutas na makikita lamang kapag personal na binili. Bawat piso ay tila may bigat, at ang bawat desisyon ay puno ng pag-aalinlangan.
Hindi na kailangang sumabak sa masikip na daan kung saan nagkakaroon ng kumpulan at siksikan. Ngayon, hindi na kailangang makipagsiksikan ang mga tao para makakuha ng sariwang prutas; maaari silang umorder mula sa kanilang tahanan at hintayin ang pagdating ng kanilang piniling produkto. Ang dating masayang pagtitipon at tawanan ay napapalitan ngayon ng pagkabahala at pagod habang sila’y naglalakad sa gitna ng masikip na daan. Idagdag pa ang panganib ng nakawan kapag siksikan—isang takot na hindi maiiwasan.
Ngunit dapat ding isaalang-alang na may mga scammer din sa online na nag-aabang sa mga walang ingat na mamimili. Kaya’t mahalagang maging mapanuri at huwag maging bias—pareho namang may benepisyo ang online at physical stores. Ang mga tindera ay nangangailangan din ng suporta mula sa kanilang komunidad upang hindi sila malugi.
Mahalaga ring maging maalalahanin at gumamit ng holistic thinking; isipin ang epekto sa parehong tindahan. Sa ganitong paraan, mapapanatili nila ang balanse sa pagitan ng tradisyonal na pamimili at modernong online shopping, na kapwa mahalaga para sa ekonomiya.
nagkaroon ng makulay at makabagong pagbabago ang ating salapi. ang mangyayari sa mga pambansang bayani na dati nang nakilala sa seguridad, tila unti-unting nawawala ang alaala ng mga bayani. bagong polymer banknotes noong Disyembre 26. Pinagtanggol ng ng datos na nagpapakita na mas matibay at mas mahirap pekehin kanilang pagsusuri, ang polymer notes ay may buhay na limang beses lamang ng pamemeke para sa bawat 82 milyong polymer notes na Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ang simbolo ng demokrasya, mula sa Movement (ATOM) na nagiging dahilan ito upang kalimutan ang mga Andres Bonifacio. Sinasabi nilang naglalayong burahin mula sa ating alaala kung bahagi ito ng mas malawak na pagsisikap na muling isulat ang modernisasyon kundi may mga benepisyo rin para sa kapaligiran. Ipinakipolymer notes ay may 38.36% mas mababang potensyal para sa global notes ay may makinis at hindi sumisipsip na ibabaw, kaya’t mas tampok lalo na sa panahon ng pandemya. ng modernisasyon at tibay, ngunit kasabay nito ay nagdudulot bayani. Habang ipinapakita ng BSP ang mga benepisyo nito, mamga bayani upang mapanatili ang pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
Sa huli, dapat magtulungan ang mga mamimili at tindera upang mapanatili ang buhay ng lokal na merkado habang tinatangkilik din ang kaginhawaan ng online shopping. Ang pagkakaroon ng tamang impormasyon at pag-unawa sa sitwasyon ay makakatulong upang hindi malugi ang sinuman sa industriya. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na umunlad kahit sa harap ng hamon ng modernisasyon. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay susi upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng tradisyonal at modernong pamamaraan ng pamimili.
Habang naglalakad ka sa anumang koridor ng paaralan, naglalakad sa mataong kalye, o nag-i-scroll ng iyong social media feed, makakahanap ka ng isang bagay na karaniwan—mga trinket o mas kilala sa Pilipinas bilang “anik-anik”. Mula sa makukulay na keychain na nakasabit sa mga backpack patungo sa mga pulseras na nakasalansan sa palapulsuhan, ang mga maliliit na aksesorya na ito ay sadyang kahali-halina at kinahuhumalingan ng marami. Ngunit ano nga ba ang kwento sa likod ng mga anik-anik na ito na bumihag sa mga puso ng napakaraming Pilipino? Matagal nang bahagi ng kulturang Pilipino ang anik-anik, lalo na noong ‘90s at 2000s kung saan sumikat ang friendship at slap bracelets, pati na rin ang beaded keychains. Ang mga bagay na ito ay sumisimbolo ng pagkakaibigan at kadalasang gawa sa kamay, ipinagpapalit sa pagitan ng mga magkakaibigan bilang mga tanda ng alaala. Nagsisilbi silang mga pagpapahayag ng personalidad, interes, at emosyon. Para naman sa isang Fine Arts Department Instructor na si Allan Pastrana, ang konsepto ng pagkolekta ng anik-anik ay hindi lamang simpleng hilig kundi isang generational practice. Aniya, “Anik-aniks are passed down from one family member to another and are kept within the Filipino household.” Ibinahagi niya na madalas niyang marinig ang salitang anik-anik mula sa kanyang mga magulang at nakatatandang kamag-anak. Noon, mahilig mangolekta ng kung anu-anong knick-knacks at vintage items ang kanyang ina—mga bagay na naging bahagi na ng kanyang paglaki at tahanan. (Pastrana, 2024, The GUIDON) Hindi lang alaala at makulay na bahagi ng tradisyon ang hatid ng mga anik-anik; para sa ilan, ito ay nagiging daan para sa pag-usbong ng malikhaing negosyo. Katulad ng mga kabataan at negosyante tulad ni Heart Majesty Emata, na nagsimula sa paggawa ng mga custom-made trinkets. “Nang magustuhan ito ng iba, naisipan kong gawing maliit na negosyo,” ani niya. Dagdag pa niya, “Nakakatuwang makita ang suporta mula sa mga kaklase at guro, lalo na sa Teachers’ Day. Fulfillment para sa akin na magustuhan nila ang custom-made charms ko, habang natututo ako ng mga kasanayan sa creativity at business management.” Sa mga nakalipas na taon, ang mga trinket stalls ay lumitaw sa lahat ng dako, na nagiging pangunahing bilihin sa mga malls, mga sulok ng kalye, at sa online marketplace. Sa impluwensya ng malawakang uso, nagpapakita na sila ngayon ng mga disenyong hango sa K-pop, anime, at kahit na mga “meme” sa internet. Kasama rin sa mga sikat na uso ngayon ang Labubu, Smiskis, Sonny Angels, at iba pa.
Ang mga platform tulad ng TikTok at Instagram ay may malaking papel sa pagpapasikat ng mga anik-anik. Ang isang viral video ay maaaring gawing isang “must-have item” ang isang simpleng keychain sa loob ng magdamag, habang ang mga online marketplace ay nagpapadali upang maabot at makuha ang mga bagay na ito. Ang mga presyo para sa mga bagay na ito ay mula ₱20 hanggang ₱500 at umaabot hanggang ₱1,000 batay sa disenyo at kalidad ng produkto. Higit pa sa pagbili, nariyan ang pananabik na mangolekta at makipagpalitan ng mga anik-anik sa mga kaibigan o iba pang interesado sa iyong koleksyon. Ito ay nagdaragdag ng lalo pang kasiyahan sa kinababaliwan.
Sa kabilang dako naman, habang may mga nag-uugnay ng anik-anik sa malalim na emosyonal na koneksyon, may ilan tulad ni Jilian Kyle Dela Cruz, isang kolektor ng mga anik-anik, na tinitingnan ito bilang isang paraan ng pagpapahayag ng kanyang kasalukuyang estilo, “Kung ano yung bagay sa bag ko o minsan, yung bagong biling anik-anik keychain ang ginagamit ko.” Para kay Dela Cruz, ang mga keychains ay hindi lamang piraso ng nakaraan, kundi kasalukuyang bahagi ng kanyang personal na fashion.“Isa rin itong paraan upang maipahayag natin ang pagiging malikhain pagdating sa pagpoporma,” ani niya.
Sa kabuuan, ang mga anik-anik ay nagiging dahilan ng paglitaw ng iba’t-ibang paraan ng pagpapahalaga ng tao. Ipinapakita rin nito ang mga katangian ng mga Pilipino—malikhain, may koneksyon sa isa’t isa, at ipinapakita ang kanilang natatanging ekspresyon ng sarili. Sa bawat piraso at disenyo ng makukulay na bagay na ito, nakikita natin ang kanilang pagiging bukas sa pagbabago at pagyakap sa kultura, kasaysayan, at karanasan, na nagbibigay ng malalim na kahulugan sa mga bagay na itinuturing na simpleng palamuti lamang. Ang tunay na halaga ng mga anik-anik ay hindi lang nasusukat sa presyo o dami ng koleksyon, kundi sa kwento at koneksyon na bitbit ng bawat piraso. Subalit, sa pag-usbong ng mga bagong uso, umiikot ang tanong: mananatili bang bahagi ng ating kultura ang anik-anik, o magiging isa lang ba ito sa maraming bagay na mabilis nating nakalimutan? Ngunit sa huli, nasa atin ang kapangyarihang pumili—hindi lang kung ano ang bibilhin, kundi kung paano tayo magiging responsable sa ating mga pagpili.
Ang bawat galaw ay sinasabayan ng ritmo ng musika—ang mga paa ay marahan ngunit tiyak ang hakbang, ang mga braso’y umiindayog kasabay ng bawat kumpas. Ang sahig ng paaralan ay tila nagiging entablado; may napapahiyaw sa bawat pag-ikot at pagtalon nila. Ang tunog ng sapatos na sumasayad sa sahig ay nagiging bahagi ng melodiya, habang ang hangin ay puno ng enerhiya mula sa mga katawan na nagkakaisa sa sayaw. Bawat kilos ay may galak, at sa bawat paggalaw, tila nabubuhay ang musika sa kanilang mga anyo. “Kumusta ang iyong karanasan bilang Leaper?” tanong ng tagapanayam. Habang iniisip niya ito, biglang sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. Masarap balikan ang mga alaala na nagpukaw sa puso at isipan—mga alaala na babaunin at kukumpleto sa senior high school journey ng bawat mag-aaral.
Nagsimula ang kanyang pagninilay-nilay sa Brigada Eskwela na naging isang makulay na tagpo ng pagkakaisa at bayanihan. Ang paaralan ay tila isang tahanang muling binubuhay habang ang bawat estudyante at guro ay nagkakapit-bisig sa paglilinis at pagsasaayos nito. Ang mga walis ay sumasayaw sa sahig; ang tubig ay bumubulong sa bawat kaskas ng basahan; at ang mga dingding ng paaralan ay tila ngumiti sa bagong siglang hatid ng kanilang pagsisikap. Naalala niya rin na sa unang buwan nila sa pagpasok, naranasan nila ang masigla at makulay na selebrasyon ng Buwan ng Wika 2024. Sa temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya,” napuno ang bawat sulok ng paaralan ng sigla at kasiyahan—mga poster at slogan na makukulay, mga estudyanteng abala sa paghahanda, at mga paligsahang naglalaman ng talento at talino. Sa entablado, buong husay na nagpakitang-gilas ang mga kalahok mula ika-11 at ika-12 baitang sa question and answer portion, sabayang pagbigkas, at pati na rin sa patimpalak na Lakan at Lakambini. Ang mga hurado—dating mag-aaral din mula TDC—ay masusing nagbigay-hatol habang nakangiti. Sa pagtatapos ng araw, nagtipon-tipon ang lahat para sa isang masayang “Boodle Fight,” puno ng tawanan at pasasalamat bilang pagkilala sa pagsisikap ng bawat isa—isang selebrasyong nag-iwan ng matamis na alaala. Sa isang kamangha-manghang Science Month naman noong Oktubre, nag-transform ang mga estudyante mula sa simpleng sangkap patungo sa mga edible masterpiece sa Food Modeling Contest. Ang Grade 12 ay bumuo ng mga edible art na kumakatawan sa estruktura ng cell, habang ipinakita naman ng Grade 11 ang kanilang galing sa paggawa ng modelo para sa layers of the Earth. Sa Agha-Mahika Show, ang mga magic demonstrations at eksperimento ay parang fireworks na nagbigay aliw at nagpasiklab ng mga ngiti at hiyawan mula sa madla; habang ang bawat trick ay nagdadala ng wow factor. Sa Sci-Yeah-Wan Competition naman, hindi lang basta sayawan kundi isang labanan kung saan ipinamalas ang kahusayan at determinasyon—isang adventure patungo sa pagtuklas. Ang pagdiriwang naman ng Teachers’ Day noong Oktubre ay naging tampok ang Teacher’s Impersonation Contest kung saan ginaya nila ang kanilang mga guro; nagdala ito ng tawanan at aliw para sa lahat—parang isang live na episode ng “Teacher’s Got Talent!” Ang Teacher’s Feud naman ay isang masayang laro na puno ng kompetisyon at talino. Nagkaroon din ng iba’t ibang booth kung saan naging epicenter ito ng kasiyahan. Sa Sinagtala Club booth, ipinamalas naman dito ang galing nila sa pagkanta; habang ang SSLG booth ay naghandog naman ng movie screening na tila isang blockbuster event na nagdala aliw para sa mga bisita. Ang B.S.P. at Math Club booths naman ay puno rin ng masayang laro na nagpakita ng husay at focus; habang ang LEAP/Luntian booth ay nagdala naman ng sining at kaalaman sa pamamagitan ng malikhaing aktibidad. Sa kaparehong buwan, naganap din ang pinakahihintay na Intramurals para sa mga mag-aaral. Sa loob ng tatlong araw, naging sentro ito ng kasiyahan kung saan naganap ang Mr. and Ms. Intramurals pati Yell Competition kasama apat na pangkat: Buhawi, Tiyera, Aluyo, at Siklab. Ang bawat grupo ay nagpakita hindi lamang galing kundi effort din para suportahan ang kanilang kinatawan; tila nagbigay-buhay ito sa bawat laban. Sa mga laro tulad Volleyball, Mobile Legends, Board game sa Chess, Basketball, Badminton, at Dance Sport makikita talaga ang husay at determinasyon mula sa mga leaper. Hindi rin nagpahuli ang mga larong lahi tulad Sack Race at Patintero; nagdala ito lahat nang nostalgia at saya—parang pagbabalik ito sa kabataan na puno nang tawanan. Ang Nobyembre naman ay may makulay at masiglang selebrasyon para sa United Nations Month. Ang buong paaralan ay tila naging isang maliit na mundo—puno ito nang kultura, tradisyon, adbokasiya mula iba’t ibang kontinente. Sa Advocacy Walk, naglakad nang taas-noo ang mga estudyante dala-dala kanilang kaalaman mistulang sumisigaw nang pagbabago’t pag-asa. Ang Advocacy Video naman ay nagbigay makapangyarihang mensahe tungkol global isyu. Samantala, naging paborito naman para lahat ang Taste of the World—bawat pagkain tila pasaporte patungo iba’t ibang bansa punong-puno nang lasa’t kwento. Ang Mini Diorama naman ay nagpapakita nang pagkamalikhain kung saan tila naging arkitekto sila nang mundo; ipinapakita natatanging tanawin simbolo nang kanilang nakatalagang bansa. Noong buwan ding ito ginanap din ang English Month; naging mind-blowing karanasan ito puno saya talino. Ang mga mag-aaral mula Grade 11 Grade 12 ipinamalas galing nila iba’t ibang patimpalak tila showdown nang wika! Ang Proficiency Test parang mental marathon kung saan sinubok kasanayan wika gramatika pagbabasa mahahabang teksto pagsagot katanungan—parang “Are you smarter than a fifth grader?” pero mas intense. Sa Lit and Grammar Wars, nakipaglaban-laban sila quiz bee. Ang Oratorical Speech nagbibigay-daan estudyanteng magsalita
Galing ala Talonians: Mga Mananaliksik ng Talon Dos Campus, sumabak sa DSTF 2024; Gas Alert Safety System, nakamit ang ika-apat na pwesto.
: Louis Philippe Sullivan
: Gian Gabriel Borromeo
Sa ilalim ng mainit na araw, ang tatlong mag-aaral ay tila mga alon na rumaragasa, bitbit ang ningning ng medalya at bigat ng tagumpay na hindi inaasahan. Ang kanilang mga hakbang ay puno ng sigla, parang tibok ng pusong sabik na magbahagi ng karangalang kanilang tinamo sa kabila ng mga suliranin na hinarap. Sa bawat kislap ng medalya sa kanilang dibdib, mababanaag ang sakripisyo, pawis, at determinasyon—mga simbolo ng kanilang hindi matitinag na paninindigan.
Sa titulong “Evaluating the Accept- ability of G.A.S.S. - Gas Alert Safety System: An ISO 9126 Quality-Based Assessment of an Arduino-Based Alert System for Smart Protection from Hazardous LPG Tanks,” iwinagayway ng mga kalahok ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS - TDC) ang bandera ng paaralan nang makamit ang ika-apat na karangalan sa 2024 Division Science and Technology Fair sa kategoryang ‘Science In- vestigatory Project’ nitong Oktubre 9, 2024. Napakapakinabang ng produkto na sinikap nila kung saan ito ay device na para sa early warning ng mga Liquefied petroleum gas tanks o LPG tanks, mag-aalarma ito kapag may natagpuang leak sa gas.
Pinangunahan nina Louis Philippe
Sullivan ng 12 - Efficiency, Richmond Nathan Bagatsing, at Clark Kent De Guzman ng 12 - Diplomacy ang pagrerepresenta sa paaralan sa patimpalak na ito na ginanap sa Las Piñas National High School. Tumulong naman sa preparasyon sina Jan Phoenix Alba ng 12 - Fairness, Hakim Eltayeb, at Julian Cedric Vil- larama ng 12 - Diplomacy. Sila ay ginabayan ni Gng. Ailine Austria para sa patimpalak na ito na siyang nagbigay ng mga saloobin at komento upang makatulong na pagandahin at pagtibayin pa ang kanilang papel.
Ibinahagi ni De Guzman ang kanyang mga saloobin at mga naganap bilang isa sa mga lumahok sa patimpalak na ito para ipresenta. Kanyang ibinahagi na humigit-ku- mulang sa isang linggo lamang ang kanilang preparasyon para sa patimpalak na ito, kung saan sila ay nabigla nang malaman nila na ang grupo nila ang magrerepresenta ng bandera ng paaralan. Kahit maikli lamang ang kanilang paghahanda, nagawa pa rin nilang masungkit ang ika-apat na pwesto sa patimpalak na ito—napakalaking bagay ang nagbunga ng karangalan tila alon ng tagumpay na hindi mapigilan ng kahit anong hamon.
Ang Division Science and Tech- nology Fair (DSTF) 2024 sa kategoryang
‘Science Investigatory Project ay nilalayon nito na maipakita ang likas na kagalingan ng mga mag-aaral sa larangan ng pananaliksik. Nahahati sa dalawang seksyon ang patimpalak na ito: ang preparasyon at ang research defense. Isinasagawa ang preparasyon sa bago ang patimpalak, kung saan inihahanda ng mga ito ang kanilang papel-pananaliksik at ang kanilang produktong ipapakita sa mga panel. Isinagawa naman ang research defense sa loob ng patimpalak, kung saan ipinresenta ng mga kalahok ang kanilang pananaliksik at naimungkahing produkto sa mga panel. Sa pagtatapos, ating tandaan na ang tagumpay ay hindi lamang nakasalalay sa resulta kundi pati sa proseso at sakripisyo. Ang bawat medalya ay simbolo ng dedikasyon at pagsusumikap—hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa pamilya, paaralan at komunidad. Ang mga mag-aaral na ito ay nagsilbing inspirasyon; sila’y patunay na kahit gaano kahirap ang daan, may liwanag pa ring naghihintay sa dulo. Sa bawat hakbang patungo sa tagumpay, dala nila ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal—isang aral na ating palaging nararapat na bitbitin.
Chris Lorenz Sace
“Panahon ng Siyensya, AI ang ating kasa-kasama.”
STEMazing Students: Tatlong estudyante ng Talon Dos Campus ipinamalas ang kanilang husay at galing sa DSTF 2024 STEMazing; grupo, nakamit ang ika-limang pwesto. : Gng. Louisse A. Ferrer
: Gian Gabriel Borromeo
Nagpakitang-gilas ang mga kalahok ng Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS - TDC) sa STEMazing na ginanap noong ikaw-28 ng Oktubre sa paaralan ng Las Piñas National High School, kung saan nasungkit ng paaralan ang ikalimang pwesto.
Nirepresenta nina Chaunzy Jae Galang ng 11 - Altruism, Annie Grace Alindogan ng 12 - Fairness, at ni Joey Marie Lopez ng 12 - Efficiency ang paaralan sa ginanap na kompetisyon. Isang uri ng kompetisyong pang-akademiko ang STEMazing kung saan kailangang makapag-isip at makapagsulat ang mga kalahok ng isang research proposal upang luta-
sin ang isang suliranin na makikita sa mundo.
Mayroon lamang tatlong oras ang mga kalahok upang mabuo ang proposal. Binigyan naman sila ng isang minuto upang ipresenta ang kanilang propsal sa panelist at limang minuto upang sagutin ang mga tanong na ibibigay ng mga panel. Nilalaman dapat ng proposal na iminungkahi ng mga kalahok ay ang pamagat ng proposal, buod nito, kaligiran at suliranin ng pag-aaral, kahalagahan ng pag-aaral, iminungkahing solusyon, at metodolohiya. Kasama na rin dito ay ang mga sanggunian na ginamit.
Ang mananalo sa kompetisyon na ito ay siyang mapipiling irepresenta ang Las Piñas sa regionals ng kompetisyon na ito. Ibinigay ang paksang “Marine Plastic Pollution” sa mga kalahok upang gawan ng proposal. Mula sa paksa na ito, naimungkahi ng mga kalahok ng TDC ang isang Arduino-based plastic collector para sa kanilang research proposal. Nakamit ng mga kalahok ang ikalimang pwesto laban sa 20 na paaralang lumahok sa sekondaryang lebel sa kompetisyon. Tunay na nagbigay ng karangalan ang mga kalahok sa paaralan ng TDC sa larangan ng pananaliksik.
Artificial intelligence binigyang pugay ng United Nations Education, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa taunang International Educational Day na isinasagawa tuwing ika-24 ng Enero. Sa bawat pagtakbo ng oras, ang mundo natin ay patuloy din sa pag-unlad. Hindi maikakailang malaki na ang naging ambag ng AI sa ating komunidad. Kamakailan lamang, ang Direktor-Heneral ng UNESCO na si Audrey Azoulay, ay pinagdisisyunang ialay ang International Education Day 2025 para sa hamon at oportunidad ng artificial intelligence. Ayon sa UNESCO, tinatawagan ni Azoulay ang lahat ng kasapi ng estado ng UNESCO upang mag-invest sa pagsasanay ng mga estudyante at guro sa responsableng paggamit ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon.
“Maraming oportunidad ang maibibigay ng AI para sa edukasyon. Upang makamit natin ang full potential nito, dapat maayon ng teknolohiyang ito ang social dimesions of learning ng mga tao at hindi dapat palitan. Ito’y ay magiging kasangkapan at rulong tungo sa sa pagkatuto ng mga mag-aaral at mga guro.” ani Azoulay.
Makatutulong man ngunit hindi pa rin tanggap sa mata ng ilan. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, marami pa ring bansa ang pumipigil sa paggamit nito sa loob ng silid-aralan. Mahigit 40 percent ng mga bansa sa buong mundo ay mayroong batas na ipinagbabawal ang paggamit ng selpon sa mga eskwelahan. Kahit anong magandang tulong ng AI ay patuloy pa rin ang tao sa pang-aabuso nito. Hindi na natututo at tuluyan na lamang nilamon ng sistema ng makabagong talino. Kaya naman, hindi lang dapat ang makabagong teknolohiya ang ating pagtuunan ngunit pati na rin ang pagpapalaganap ng maayos na paggamit ay nito ay kinakailangan. Binigayang diin din ng UNESCO ang mga resources na inilalaan ng mga gobyerno sa teknolohiya at pinansyal na tulong na ibinibigay sa bawat eskwelahan. Isa sa apat na primary schools ay walang kuryente, habang 60% nito ay wala namang access sa internet. Kaya naman dapat talaga itong pagtuunan pansin at hindi balewalain. Hindi lamang ito basta tulong ngunit nagsisilbing gabay sa pagkatuto. Ang mga teknolohiyang ito’y hindi dapat abusuhin at dapat pagyamanin. Tandaan na ang kaalaman ang nagbibigay pundasyon sa magandang kinabukasan.
Pinangunahan ng Las Piñas City Health Office ang paglulunsad ng kanilang dental health bus noong Setyembre 13, 2024, sa Las Piñas City National Senior High School - Talon Dos Campus. Ang programang ito ay may layuning itaguyod ang kalusugan sa dental ng mga mag-aaral, guro, at kawani gamit ang makabagong teknolohiya sa pangangalaga sa ngipin.
Bukod sa libreng oral consultation, fluoride treatment, paglilinis ng ngipin, paglalagay ng sealant, at dental filling procedures, nagkaroon din ng toothbrushing activity sa paaralan. Ang aktibidad na ito ay naglalayong itanim ang kahalagahan ng regular at tamang pagsisipilyo bilang bahagi ng pangaraw-araw na pangangalaga sa kalusugang dental.
Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, naging matagumpay ang inisyatibong ito. Gamit ang modernong kagamitan na naka-install sa dental health bus, napabilis at napataas ang kalidad ng serbisyong dental na naihatid sa komunidad.
Ayon sa mga eksperto, ang wastong pagsisipilyo, kasama ang regular na dental care tulad ng fluoride treatment at paglilinis ng ngipin, ay epektibong paraan upang maiwasan ang tooth decay at gum disease. Ang aktibidad na ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagsasanay sa mga kabataan tungkol sa tamang dental hygiene bilang pundasyon ng malusog na pangangalaga sa bibig.
Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng lungsod na gawing abot-kamay ang kalidad na serbisyong medikal at dental sa bawat residente, gamit ang mobile health technology bilang tugon sa mga hamon ng limitadong access sa serbisyong medikal.
Sa kalaliman ng Janao Bay, Anilao, Batangas, isang hindi pangkaraniwang tanawin ang nakunan ng underwater photographer na si Jones Wayne noong Enero 25, 2025. Sa halip na kumapit sa likas na bagay tulad ng dikya o lumulutang na debris ng dagat, isang babaeng Paper Nautilus (Argonauta hians) ang natagpuang nakakapit sa isang piraso ng plastik—isang candy wrapper na tila naging bahagi ng kanyang mundo.
Ayon sa Ocean Conservancy, ang Paper Nautilus o tinatawag ding “Argonaut” ay isang natatanging nilalang sa mundo ng mga cephalopod. Bagaman kahawig ng isang totoong nautilus, ito ay hindi isang molusko na may permanenteng shell, kundi isang uri ng pugita. Ang manipis at mala-papel nitong “shell” ay likha lamang ng mga babaeng Paper Nautilus bilang proteksyon para sa kanilang mga itlog at tulong sa buoyancy habang lumulutang sa karagatan.
Sa paglalahad ni Wayne, isang gabi habang lumalangoy kasama ang mga panauhin, napansin nila ang isang Paper Nautilus na marahang lumalangoy sa tubig. Subalit, sa halip na isang natural na materyales, isang balat ng kendi ang kanyang kinakapitan.
“Seeing what she was holding onto as obviously garbage, I wanted to capture the full details of this to emphasize the growing issue of waste—especially plastic—polluting our oceans,” ani Wayne.
Matapos ayusin ang kanyang kamera, sinundan niya ito habang patuloy na lumalangoy na tila walang kamalay-malay sa kaguluhang dulot ng plastik sa kanyang paligid.
“After a few camera adjustments, I moved into a good position and began capturing images as the Paper Nautilus calmly propelled her way along, seemingly oblivious to all the fuss,” dagdag pa niya.
Bukod sa nautilus, nakuhanan din ni Wayne ng larawan ang isang seahorse at octopus na nakakapit sa mga plastik na basura at isang toothbrush—patunay ng lalim ng epekto ng marine pollution sa ating ecosystem.
Ang nasaksihan ni Wayne ay hindi isang iisang pangyayari kundi isang manipestasyon ng lumalalang suliranin sa ating karagatan. Ayon sa United Nations Environment Programme (UNEP), tinatayang nasa 75 hanggang 199 milyong tonelada ng plastik ang matatagpuan sa mga karagatan sa buong mundo. Sa Climate Impacts Tracker Asia, lumabas ang nakababahalang datos na 36 porsyento ng lahat ng ocean plastic waste sa buong mundo ay mula sa Pilipinas.
Dagdag pa rito, iniulat ng Ocean Conservancy na mahigit walong milyong metriko toneladang plastik ang itinatapon sa karaga- tan taun-taon. Ayon naman sa UNESCO, 80 porsyento ng ma- rine pollution ay plastik, na kadalasang hindi natutunaw o in- aabot ng daan-daang taon bago tuluyang maglaho.
Ang mga marine organisms, tulad ng Paper Nautilus, ay hindi natural na nakikisal- amuha sa plastik, ngunit sa pagdami ng basura sa karagatan, ang mga likas na pag-uugali ng mga hayop sa dagat ay naapektuhan. Sa halip na kumapit sa organikong materyales tulad ng driftwood o jellyfish, napipilitan silang makisalamuha sa ating basurang iniwan sa karagatan. Sa lumalalang krisis na ito, patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa pamamagitan ng kanilang estero at river rangers. Gayunpaman, binigyang-diin ng ahensya na ang pangangalaga ng kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng iilan kundi ng buong komunidad.
“All I can do is take images and share them. It’s not just a local issue, it’s a national, global issue. And so that’s why everyone needs to get on board and share,” anang underwater photographer. Ang larawang kuha ni Wayne ay isang malinaw ngunit nakagigimbal na paalala ng maruming balanse sa pagitan ng ating basura at ng karagatang bumubuhay sa ating planeta. Habang patuloy na naghihirap ang ating karagatan sa bigat ng ating kapabayaan, nasa atin ang desisyong gumawa ng mga maliliit ngunit makabuluhang pagbabago sa ating pang-araw-araw na buhay tila mga hakbang na maaaring makatulong upang mapagaan ang pasanin ng ating kalikasan.
Sino nga bang hindi mahuhumaling sa liwanag na dala maipakita sa mundo ang mga ganap sa buhay mo. Ngunit ilusyon.
Mula sa mga bidyo hanggang sa mga larawan na minanipula ng makabagong teknolohiya, ang mga masamang artista ay nag-armas ng artipisyal na katalinuhan upang maghasik ng kalituhan, magsinungaling, magmaneho, o mag-scam sa mga tao. Ang teknolohiyang ito, bagama’t may mga positibong gamit, ay may mga kamay na hindi tapat na nagagamit upang manipulahin ang katotohanan at linlangin ang madla. Kasabay ng pag-unlad ng digital na teknolohiya ay ang mabilis na paglaganap ng artificial intelligence (AI). Marami nang mabuting naitulong ang teknolohiyang ito tulad ng sa medisina, edukasyon, at iba pang mga larangan, pero hindi pa rin mawawala ang mga taong may masasamang plano. Halimbawa na lamang ang deepfake, isang teknolohiya kung saan ang mga larawan, bidyo, at mga audio na makikita sa internet ay minamanipula gamit ang AI. Ang deepfake ay isang pinaghalong salita mula sa “deep learning” at “fake,” at ito ay nagsimula pa noong 2017. Subalit, habang lumilipas ang mga taon, lalo itong umunlad at naging mas mahirap matukoy kung ano ang totoo at hindi. Sa mga social media platforms, mahirap nang makilala kung alin sa mga post ang tunay at alin ang pekeng impormasyon. Halimbawa, sa pamamagitan ng deepfake, maaaring baguhin ang mukha o boses ng isang tao upang magmukhang siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi naman niya ginawa, at ito ay nakakapagdulot ng malaking pinsala sa kanilang reputasyon. politiko, mga kilalang publiko ang tinatarget, mga inosenteng tao na sa mga manipulasyong Ayon sa isang mula Enero hanggang mahigit 458 na artikulo
: Andrea Kei Teodoro
ng social media? Selfie rito, post doon, hindi mapakaling Ngunit kabila ng magagandang imahe ay may nakagigimbal na
Hindi lamang ang mga tao, at mga miyembro ng tinatarget, kundi pati na rin ang na walang kamalay-malay manipulasyong ito. isang artikulo mula sa Rappler, hanggang Disyembre 12, 2024, artikulo sa fact-checking ang o 12 porsyento, ay naglalabidyo, o audio na ginamaghasik ng maling impordito ay nakatuon sa mga ang iba ay naglalaman ng tungkol sa mga kilalang personpang mga propesyonal. nakababahalang aspeto ng paggamit nito sa pornograpi96 porsyento ng mga nauurong sa mga sekswal inosenteng tao ay biktima manipulasyon, at hindi nila kayang mga pekeng imahe o vidonline. Sa kalagayan ng social mabura ang mga ganitong kadalasang tumatagal sila kalaban-laban ang mga biktima. hamon sa paglaban sa na pinatatakbo ng AI ay Ang mga pamamaraan katotohanan ay hindi pa rin ang mga tool na ginagmamamahayag at fact-checkers o hindi tumpak. Ang mga
pamamaraan tulad ng pagsubok na tuklasin ang pinagmulan ng mga kahina-hinalang nilalaman at ang pagsasagawa ng masusing pagsisiyasat sa mga apektadong indibidwal o institusyon ay nangangailangan ng oras, ngunit ito rin ay nangangailangan ng mga makabagong solusyon upang mabilisang mapigilan ang paglaganap ng maling impormasyon. Ilang pindot lamang, ang iyong itsura at katangian ay mababago na. Kung ikaw ay mahilig magpost ng iyong sarili sa social media, mag-isip ka muna ng dalawang beses. Ang mga imaheng iyong ibinabahagi online ay maaaring magbago ng iyong buhay sa hindi magandang paraan, at hindi mo na ito kayang mabura. Hindi lang ito isang isyu ng ilang tao, kundi isang societal problem na dapat seryosohin ng bawat isa sa atin. Sa panahon ng AI at deepfake, hindi lang ang mga image manipulation ang dapat nating pangalagaan, kundi ang ating lahat na integridad at reputasyon. Ang mga ganitong bagay ay hindi dapat balewalain. Sa panahon ng mabilis na teknolohiya, mahirap nang matukoy kung ano ang totoo at ano ang hindi. Ano na lamang ang mangyayari sa ating kinabukasan kung hindi tayo magtulungan upang protektahan ang ating mga sarili at ang mga susunod na henerasyon laban sa maling impormasyon at pandaraya sa digital na mundo?
Habang mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya, kabilang na ang artificial intelligence (AI), patuloy na umuusbong ang mga tanong tungkol sa epekto nito sa trabaho at industriya. Ang AI ay nagbibigay ng maraming benepisyo, ngunit hindi rin maiiwasan ang mga alalahanin ng mga manggagawang posibleng maapektuhan ng mga pagbabagong dulot ng teknolohiyang ito.
Hindi maikakaila na isa ang AI sa mga pinakamalaking inobasyon sa panahon natin ngayon. Mula sa mga software na nagpapadali ng mga simpleng gawain, hanggang sa mga system na kayang magsagawa ng mga mas kumplikadong proseso, ang AI ay patuloy na nakikialam sa ating pang-araw-araw na buhay. Gayunpaman, sa likod ng mga makabagong teknolohiyang ito, may mga pagsubok din na kaakibat—lalo na sa mga industriya at manggagawa na maaaring mawalan ng trabaho dahil dito.
Ayon sa International Monetary Fund (IMF), tinatayang 14 porsyento ng mga manggagawang Pilipino ang posibleng mapalitan ng AI, partikular na sa mga sektor ng business process outsourcing (BPO), customer service, sales, at iba pang serbisyo. Bagamat may mga sektor na madaling palitan ng makina, ang mga trabahong nangangailangan ng mas mataas na kasanayan o analytical thinking, tulad ng mga propesyonal sa medisina, edukasyon, at batas, ay mas ligtas sa automation. Sa ganitong aspeto, may mga trabaho pa ring mahirap i-automate, kaya’t hindi lahat ng sektor ay maaapektuhan ng AI. Isa sa mga pangunahing takot ng marami ay ang pagkawala ng mga kasanayan na ipinagmamalaki natin, lalo na sa paggamit ng lenggu-
: Sho Austin Rous
waheng Ingles, na isang malaking bahagi ng ating kalakalan at serbisyo sa BPO. Habang kayang makipagsabayan ng AI sa mga wika at komunikasyon, may mga aspeto ng trabaho—tulad ng pag-unawa at empatiya—na mahirap palitan ng makina. Dahil dito, nagiging mahalaga ang pag-aangkop ng mga manggagawa at ang patuloy na pagpapabuti ng kanilang kasanayan upang makasabay sa pag-unlad ng teknolohiya. Ayon pa rin sa IMF, bagamat 36 porsyento ng mga trabaho sa bansa ay maaaring maapektuhan ng AI, hindi lahat ng mga trabahong ito ay mawawala. Marami sa mga manggagawa ay makikinabang mula sa paggamit ng AI upang mapabuti ang kanilang trabaho, magbukas ng mas maraming oportunidad, at mapabilis ang mga proseso. Sa halip na tuluyang mapalitan, maaaring magamit ang AI upang magbigay ng mas maraming oras para sa mga trabahong nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan at kritikal na pag-iisip. Upang matugunan ang mga hamon na dulot ng AI, mahalaga ang papel ng edukasyon at pagsasanay sa paghahanda ng mga
manggagawa sa mga bagong kinakailangang kasanayan. Dapat magtulungan ang gobyerno, mga paaralan, at pribadong sektor upang magbigay ng mga oportunidad para sa retraining at upskilling, upang ang mga manggagawa ay maging handa sa mga bagong tungkulin at responsibilidad na dulot ng teknolohiya. Sa ganitong paraan, magiging mas matatag ang ating workforce at mas madaling makakasabay sa mga pagbabagong dulot ng AI. Ang AI ay hindi lamang isang banta kundi isang pagkakataon din para sa pag-unlad. Kung magagamit ito nang tama, maaaring magdulot ito ng mas epektibong trabaho, mas mabilis na serbisyo, at mas mataas na produktibidad. Subalit, ito rin ay isang paalala na ang bawat hakbang na teknolohikal ay may kasamang mga pagsubok. Kailangan ng tamang pag-aalaga sa mga manggagawa, lalo na ang mga maaaring maapektuhan ng mga pagbabago sa kanilang mga tungkulin. Ang tanong na “handa ba tayo sa AI?” ay hindi lamang nakasalalay sa ating teknolohiya kundi sa ating kakayahan na mag-adapt.
: Gian Gabriel Borromeo
USA – Patuloy na lumiliyab ang ibang bahagi ng Los Angeles, California dahil sa serye ng mga wildfires na bumabalot sa lugar Enero ngayong taon.
Nagsimula ang matitinding wildfires na lumamon sa lugar ng Los Angeles noong ika-pito ng Enero 2024 na hindi pa rin tuluyang naaapula batay sa mga ulat.
Ilan sa mga pinakaapektadong lugar ay ang Palisades, Eaton, at Hughes sa Los Angeles, kung saan mahigit 57,000 hektaryang lupa ang sinunog ng mga wildfires.
Umabot na rin sa San Diego at Ventura county, California ang sunog dahil sa mga malalakas
na hangin. Kasalukuyang lumiliyab ang mga apoy na ito ngayong ika26 ng Enero 2025.
Pinalala ng Santa Ana winds ang pagliyab sa lugar. Sinasabi rin na kasing lakas ng isang bagyo ang mga hangin na dinadala ng mga ito.
Tinataya na umabot na sa humigit-kumulang 250 bilyong dolyar ang pinsalang dala ng mga pagliyab na ito sa lugar, isa sa pinakamalala sa kasaysayan ng Amerika. Umabot na rin sa 28 ang mga pumanaw dahil sa wildfires.
Lumiliyab pa rin ngayon ang apoy sa Palisades, Eaton, at Hughes, ngunit halos 90 porsyento na ang naapula rito. Malapit
na rin makontrol ang pagliyab na nararanasan sa San Diego at Ventura county. Opisyal na idineklara ni Pangulong Donald Trump na isang national emergency ang pinsalang dala ng Los Angeles fires. “I don’t think you can realize how rough, how devastating it is until you see it,” ani niya sa isang ulat. Patuloy na nakaalerto ang mga opsiyal ng California sa mga sunog na patuloy na nagliliyab. Naglunsad na rin sila ng anunsyo sa mga posibleng pagbaha at landslide dahil sa posibilidad ng pag-ulan sa lugar.
Sa bawat indak at galaw ng katawan, hindi lang talento kundi dedikasyon at tiyaga ang ipinamalas ng mga kalahok sa kauna-unahang Dance Sports Competition ng Intramurals 2024-2025 ng Talon Dos Campus. Sa pagsisimula ng bagong kabanata sa larangan ng palakasan ng paaralan, nagningning ang mga mananayaw na lumaban sa dalawang kategoryang Latin American at Modern Standard.
Sa pangmalakasang ‘Gymnastics’ kilala si Aleah Finnegan at Emma Malabuyo — Nagpaikot-ikot sa pamumuno ng ensayo para sa kababaihan. Ibinalita sa ABS-CBN News noong Agosto 17, 2024 ni Ron Anzures sa oras ng 05:34 ng gabi idinaos ang puspusan na pageensayo sa MVPSF Training Gymnastics Training sa Intramuros. Nagulantang ang Manila sa 2024 Olympics Games sa mala-unggoy na tagumpay sa palakasan. Nilamon ang madla sa ngalan ng kampo ng pagsasanay na ‘Yes Girl’ Women’s Gymnastic Training Clinique na kung saan higit 80 ang mga sumali sa kampo ng pagsasanay. Giit pa ng atleta na tatlong kakabaihan ang sumabak sa patimpalak ng ‘Gymnastics’.
Dinaos ni Finnegan at Malabuyo ang dahilan sa pagpadpad nila sa PIlipinas. Nagsalpak sina nang Clinic na maari makatutulong sa mga atletang babae. Makamandag na nakulangan si Finnegan at Malabuyo sa medalyang laban ng palakasan sa Paris — gaya na rin ni Levi Ruvivar. Bunga nito’y nagkaroon ng inspirasyon ang mga atleta na si Finnegan at Malabuyo na maari irepresenta rin ng ibang babaeng may potensyal.
Pinakain ng Lona ng atleta na si Finnegan na ang resulta noon ay 47th sa okasyon ng ‘Gymnastics’ at 41st naman sa huli. Gayunpaman, ang pahayag ni Finnegan ay naging tala sa kaniyang isipan kung saan tanaw ang ang kahirapan ngunit sa butas ng karayom ang sagot ay natugunan. Sinungkit ni Finnegan na unang Filipinang kwalipikado sa Summer Games sa 60 taon — paniniwala rin ni Malabuyo at Ruivivar na maraming nawiwili sa panibagong henerasyon dahil sa kampanya nila sa France. Inilahad sa panayam ni Finnegan ang kauna-unahang Olympics na iginawad sakaniya — kilala rin sa ikatlong magkasunod-sunod narito sa Pilipinas. Pinulbos sa pasasalamat ni Finnegan na marepresenta ang Pilipinas, biyayang mapalad na itinanghal sakaniya ng Panginoon na talento. Sa katuturan, lubos ang pasasalamat ni Finnegan — ang pahayag niya ay ang mahusay sa koponan nila ay hindi bumabase sa bilang ng kampo kung hindi dahil sa pagsuporta ng masa.
Namayagpag sa bibig ni Finnegan ang ngalan ni Carlos Yulo ang Olympics Gold Medalist. Nahihikayat sa palakasan ‘Gymnastics’ ang karamihan sa ipinamalas na talento ni Yulo. Ikinatutuwa ni Aleah Finnegan ang pangyayari nang sa gayon marami ang makilahok na mairepresenta ang Pilipinas.
Ibinandera ang Pilipinas sa pahayag ni Finnegan na pinagmamalaki ang pamana bilang Filipino. Tiyak sa pamalas ng kagila-gilalas talento sa palakasan ang paraan. Resulta’y makasisikwat ng medalya ng pagkakakilanlan.
Ibinida ni Emma Malabuyo ang kaniyang karanasan sa palakasan sa ‘Gymnastics’. Lumundag sa danas na hamon sa bawat kirot at sakit. Pahayag ni Malabuyo — suporta ng Pilipinas ang susi sa kaniyang mga hinanakit.
Masigabong suporta ang inabot kay Finnegan at Malabuyo. Bunga nito’y puspusan ang pageensayo ng mga na nalilibang sa palakasan. Hapilicious naman ang dalawang atleta sa kanilang layunin matugunan ang kampo ng puspusang pag-eensayo.
Ang nag-udyok sa akin na isama ang Dancesports bilang isa sa mga kumpitensiyang isport sa aming school intrams ay ang curiosity ng mga estudyante tungkol sa kung ano nga ba ang Dancesports,
ani G. April Jay Caole, guro sa MAPEH. Kamakailan lang, inanunsyo na ang Dancesports bilang isang opisyal na isport ng DepEd, at sa tingin ko, tamang-tama na itong pagkakataon para maranasan ng mga estudyante ng TDC ang pagsasayaw nito,”
Dagdag pa rito, isang hamon
kay G. Caole ang pagtuturo ng mga basic steps dahil bago lang ito sa mga estudyante. Ngunit, disiplina lamang ang kinakailangan ng mga ito sa mga
rehearsal ng sayaw. Aniya, kung ang mga estudyante ay may disiplina sa sports, maaari nilang mapaunlad ang iba pang katangian na makakatulong sa pagpapalakas ng kanilang potensyal bilang mga indibidwal. Kaya, pinatunayan ito ng pares ng Siklab na sina Neil Ragot at Fiona Aya-ay ang kanilang husay sa Latin American category, kung saan nakuha rin nila ang Best in Cha-chacha, Rumba, at Jive. Namayagpag naman sa Modern Standard Dance ang pares ng Buhawi na sina Bea Detosil at Justine Teope, na kinilala rin bilang Best in Slow Waltz at Best in Quickstep. Sa matinding kompetisyon, nagpakitang gilas din ang ibang mga kalahok. Nasungkit nina Mikaella Galdiano at Regil Kent Talamante ng Buhawi ang ikalawang puwesto sa Latin American, habang sina Blesslie Balerite at Luis Nalian ng Aluyo ang pumangalawa sa Modern Standard at nagkamit ng Best in Tango. Hindi rin nagpahuli sina Jewel
Martinez at Gemes Mandawe ng Tiyera, na nagtamo ng ikatlong puwesto sa Latin American. Inimbitahan bilang hurado sina Jay Andre Glaban at Japheth Dela Torre, kapwa alumni ng paaralan, kasama ang guro mula sa Las Piñas City Science High School, si Peter Daniel Bangug. Bagamat bago ang kompetisyong ito sa Intramurals ng Talon Dos Campus, umaasa ang mga guro na mas maram ing estudyante ang mahihikayat na lumahok sa susunod na taon. Sa pagtatapos ng kumpeti syon, hindi lamang medalya at titulo ang naiuwi ng mga kalahok, kundi pati na rin ang inspirasyon at deter minasyong ipagpatuloy ang sining ng pagsayaw. Ang unang Dance Sports Competition sa Intramurals 2024-2025 ay isang patunay na sa Talon Dos Campus, ang talento at pagsisikap ay patuloy na sumasayaw patungo sa tagumpay.
NG KAMPEONATO NG BAWAT KOPONAN
Dugo at pawis na inalay ng bawat atletang dala-dala ang pangalan ng bansa, ano ba talagang klase ng pagtrato
mga manlalarong nakikipagdikdikan para sa bayan ang mga nag-uuwi ng karangalan, karangalang tila ay isinawalang-bahala sapagkat sila pa ang walang maaasahan.
Sa dinaos na Paris 2024 Olympics, 22 na atleta ang ipinadala ng Pilipinas upang lumahok sa iba’t-ibang klase ng pampalakasan. Itinuturing itong pinakamalaking paligsahan sa larangan ng palakasan, kung kaya’t inaasahan ang matinding preparasyon ng mga manlalarong sasabak sa kompetisyon. Ang pag-eensayo ang kanilang primaryang pokus sa pagsungkit ng pagkapanalo, ngunit mahalagang aspeto ang pagsunod sa mekaniks kung saan kabilang ang paggamit ng tamang competitive gear. Kaya naman, matinding pagkadismaya ang ibinahagi ng Pinay Golf representative, Dottie Ardina, nang hindi man lang mabigyan ng uniporme.
Nilantad ng 30 taong gulang na atleta ang ‘nakakahiyang’ kawalan ng uniporme para sa mga PH Olympic Golfers sa bidyo ng kaniyang ina na agad-agad na nag-viral. Ika ni Ardina, “Sana all with Uniforms” [Sana lahat may uniporme]. Ipinakita niya ang pagdikit ng watawat ng Pilipinas gamit ng tape sa kaniyang suot-suot na personal niya pang binili sa Paris. Agad naman itong tinugunan ng executive director ng National Golf Association of the Philippines (NGAP), Bones Floro, ngunit hindi nito napigilan ang pagliliyab ng mga taga-suporta ng Golf sa bansa.
Bagamat ang Pilipinas ay maliit lamang ang mga delegado, nabigo pa ring bigyan ng todo pansin at sapat na suporta
ang mga manlalaro. 22 silang sumabak at 2 Pinay Golfers ang lumaban nang may unipormeng ang watawat ay sarili nilang ipinaskil. Kasama ni Ardina dito si Bianca Pagdanganan na may tyansa pa sanang mag-uwi ng medalya. Talaga namang hindi sila nagpadala sa mga tilang humihila pababa nang makamit ang ika-4 at ika-13 na puwesto. Pinatuyan nila na hindi hadlang ang kawalan ng maisusuot subalit binibigyang kahulugan nito ang klase ng pagtratong kanilang natatanggap mula sa mga nasa tuktok.
Puso, determinasyon, at katawan ang kanilang naging puhunan. Mga bagay na hindi basta-bastang ipinapamigay lamang sapagkat kapalit nito ang mahabang oras na ginugol at dedikasyong inilaan. Ang kanilang munting pangarap ay siyang nagbigay karangalan sa bayan. Kaya naman nararapat lang na bigyan sila ng pansin nang mapagpatululoy ang pag-angat ng ngalan ng Perlas ng Silanganan. Sa Batas Republika blg. 6847 o mas kilala bilang Philippine Sports Commission Act, nilikha at itinatag ang Philippine Sports Commission (PSC) para primaryang mapakinabangan ng larangan ng isports sa bansa. Dito, isinaad na isa sa kanilang mga kapangyarihan ay ang pag-regula ng pagbibigay ng sportswear na kinakailangan ng mga nasyunal na atleta. Base sa aktong ito, hindi nabigyang katarungan ng PSC ang kapangyarihang kanilang taglay nang hindi man lang magawan ng paraan ang uniporme ng dalawang manlalaro sa Olympics. Ibig sabihin lamang nito na kulang
ang suporta na ipinapamahagi ng gobyerno sa mga atleta. Sa kabila ng pambabatikos, nagawang maglabas ang NGAP ng bidyo ng kanilang executive director na nagsabing “Just Focus on the Golf”. Ipinapahiwatig niya rito na kahit walang uniporme ay kayang-kaya naman ng mga Pinay Golfers na maglaro at mairepresenta ang Pilipinas. Para bang walang magiging harang sa kanilang pagkamit ng tagumpay basta’t ilaan nila ang buong pokus sa paghampas ng bola at pagsagawa ng mga estratehiya dahil nga naman, sila ay dapat nakatutok sa kanilang ‘goal’ o layunin. Subalit kahit na hindi nakakaapekto ang kawalan ng pira-pirasong mga tela sa pagganap ng mga atleta, ang pagsuot nito ay nagsisilbing paalala sa pangunahing dahilan kung bakit sila lumalaban. Nagiging alaala ito ng bayang sumusuporta sa kanila hanggang dulo at ang kawalan nito ay nagsisimbolo sa tingin sa kanila ng gobyerno.
Ang sakripisyong iniaalay ng mga atleta ay dapat lang mabigyan ng karampatang pagtrato at benepisyo. Malaking pagkilala sa bansa ang kanilang inihahatid, manalo man o matalo. Sino pa ba ang kanilang aasahan kung hindi ang gobyerno? Ang gobyernong siya rin namang nakikinabang sa bawat pag-uwi nila ng ginto. Imbes na pagkaitan, nararapat silang bigyan nang lubos-lubusan.
: Rappler Philippines
: Joevan Novem Klarenz Furigay
Nagtapos ang kampanya ng national team ng Pilipinas sa ASEAN Championship matapos patumbahin ng Thailand, 3-1, noong Lunes ng gabi sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.
Kumana ng late goal ang defending champions upang tuluyang sarhan ang pag-asa ng Pilipinas matapos ang extra time ng first-leg deficit. Bagamat nagsimula nang maayos ang laban para sa national team, nahirapan silang pigilan ang pag-atake ng Thailand sa huling bahagi ng laro.
“I think we played good in the first 20 minutes, we played good the last 20 minutes. And in the first half of extra time was really poor game, and the last
10 minutes, we ... allowed too many crosses,” ani Philippine Coach Albert Capellas.
“Next time we will learn from that lesson, and we will come back stronger,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng pagkatalo, ipinakita ng national team ang kanilang determinasyon at galing sa laro. Nagpakita ng husay sa depensa at opensa sina [ilagay ang mga pangalan ng key players kung may impormasyon], ngunit hindi ito naging sapat upang pigilan ang matinding opensa ng Thailand.
Samantala, patuloy ang paghahanda ng Pilipinas para sa susunod na mga
torneo. Ayon sa coaching staff, magsasagawa sila ng mas puspusang pagsasanay upang mapabuti ang kanilang laro at matugunan ang mga kahinaan na lumitaw sa laban kontra Thailand.
“Alam naming malakas ang aming mga kalaban, pero hindi ito dahilan upang sumuko. Patuloy kaming maghahanda at babalik na mas malakas,” pahayag ng isang miyembro ng koponan.
Habang nagpapatuloy ang ASEAN Championship, patuloy namang susuportahan ng mga Pilipino ang kanilang national team sa kanilang paglalakbay sa internasyonal na kompetisyon.
Sa kabila ng pagsikat ng makabagong pampalakasan, muling bumida ang Larong Pinoy sa intramurals ng Las Piñas City National Science High School – Talon Dos Campus (LPCNSHS-TDC) ngayong taon. Sa pamamagitan ng sack race at patintero, muling naramdaman ng mga mag-aaral ang saya at diwa ng tradisyunal na palarong Pilipino, na minsan ay bahagi ng kanilang kabataan. Isa sa mga pinakaabangang laro sa intrams ay ang sack race, kung saan ang mga kalahok ay kailangang lumundag sa loob ng isang sako upang maabot ang finish line. Bukod sa lakas ng katawan, kinakailangan din dito ang balanse at determinasyon upang hindi matumba. Hindi matatawaran ang hiyawan at tawanan ng mga manonood habang pinapanood ang mga kalahok na pilit hinahabol ang tagumpay sa bawat lundag. Samantala, nagbigay rin ng matinding laban at estratehikang laro ang patintero. Sa mabilisang galawan at tusong estratehiya, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa pagsalungat sa mga bantay at pagtawid sa linya ng kalaban. Para sa ilan, ito’y hindi lamang laro kundi isang pagbabalik sa masasayang alaala ng kanilang kabataan, noong ang tanging kailangan lang ay isang guhit sa lupa at isang pangkat ng masisiglang manlalaro. Para sa ilang estudyante, nagbigay ng bagong sigla sa intrams ang pagsama ng Larong Pinoy. Para sa kanila, hindi lang ito isang simpleng laro kundi isang pagbabalik sa kanilang pagkabata. Kung dati ay nilalaro lang nila ito sa labas ng bahay para sa kasiyahan, ngayon ay bahagi na ito ng isang kompetisyon sa paaralan, na nagdagdag ng pananabik at hamon sa bawat kalahok. Sa pagtatapos ng intramurals, isang bagay ang naging malinaw na hindi kailangang mamahalin o high-tech ang isang laro upang magbigay ng saya at pagkakaisa. Ang sack race at patintero ay patunay na ang kasimplehan ng Larong Pinoy ay may hatid na hindi matatawarang sigla at diwa ng pagkakaibigan.
Dahil para sa maraming mag-aaral, isa itong tradisyong dapat ipagpatuloy upang mapanatili ang diwa ng ating kulturang Pilipino sa palarong pampaaralan.
Celtics; Brunson, bumandera kontra Sixers
Namuhunan sa tamang footwork at matikas na opensa ang Toronto Raptors para dispatsahin ang reigning NBA defending champions Boston Celtics, 110-97, noong miyerkules.
Naging bentahe rin ng Raptors ang masterclass na opensa ni RJ Barrett na kumamada ng 22 puntos at 10 rebounds para patumbahin ang kanilang 10-game losing streak.
“This group is very connected and is a very prideful group -- so we really wanted to go out there and compete at the highest level. Everybody contributed tonight,” ani Raptors head coach Darko Rajakovic.
Sa kabilang dako, sinandigan ng 38-puntos ni Jalen Brunson ang New Yorks Knicks para pabagsakin ang Philadelphia 76ers, 125-119, sa parehong gabi sa Wells Fargo Center.
Kumana ng 23 puntos si Mikal Bridges na ginatungan ng triple double ni Josh Hart na may 10 puntos, 17 rebounds, 12 assists, at apat na steals para sa panalo ng Knicks.
:Heart Majesty Emata
Muling umapaw ang sigla at diwa ng palakasan sa taunang Intramurals 20242025, na matagumpay na isinagawa noong ika-17 hanggang ika-19 ng Oktubre sa Villar Gymnasium at Veraville Court. Sa temang “Likhain ang Sangkap: Dangal ng mga Bituin,” layunin ng intramurals na ipakita ang tapang, dedikasyon, at pagkakaisa ng bawat kalahok sa paligsahan. Ayon kay Bb. Eloisa May Masibag, koordinator sa MAPEH, ang pangunahing layunin ng Intramurals ay magsaya, lalo na ang mga estudyante, at tumulong sa pagpapalago ng kanilang sportsmanship at camaraderie. Dagdag pa niya, nagkaroon din ng mga hamon sa pagbuo ng programa kagaya ng mga materyales, lugar kung saan ito gaganapin, pondo, at iba pa. Sa kabila nito, naniniwala siya na mas magiging suportado pa ng mga magulang at guro ang programa sa susunod na taon.
Mula sa pambungad na sigla ng opening ceremony hanggang sa huling laban sa bawat larangan, naging kapansin-pansin ang determinasyon ng bawat manlalaro na makamit ang panalo para sa kanilang koponan. Apat na koponan—Siklab, Buhawi, Tiyera, at Aluyo—ang nagtagisan ng husay upang makamit ang pangkalahatang kampeonato.
Sa iba’t ibang patimpalak, namayagpag ang Siklab sa Dance Sports at Mobile Legends, habang naging matibay ang depensa ng Buhawi sa basketball, volleyball (men’s division), at badminton. Nakuha naman ng Aluyo ang gintong medalya sa women’s volleyball, yell competition, at patintero, habang nangingibabaw ang Tiyera sa men’s volleyball at chess. Matapos ang tatlong araw ng matinding bakbakan, itinanghal na pangkalahatang kampeon ang Buhawi, na sinundan ng Tiyera sa pangalawang puwesto, habang nagtapos sa ikatlong at ikaapat na puwesto ang Aluyo at Siklab.
“Gusto ko talaga na nagkaroon ng kooperasyon at pagkakaisa sa mga kakampi ko, mga kapwa ko tiyera, kahit hindi kami masyadong magkakakilala. Nagkaroon kami ng pagtutulungan para makamit ang magandang resulta,” ani ni Willy Arcosiba ng Tiyera. Samantala, kay Aldrin Magpatoc ng Aluyo, napagtibay umano ang sportsmanship ng bawat isa mula Grade 11 hanggang Grade 12 at parang mas tumibay at nag-build ang relasyon sa isa’t isa, at mas nakilala ang bawat isa.
Matapos ang kanilang matagumpay na kampanya sa Cluster Meet, muling ipapamalas ng apat na atleta ang Las Pinas City National Senior High School - Talon Dos Campus (LPCNSHS - TDC) ang kanilang husay sa darating na Division Meet 2025 na gaganapin mula Enero 31 hanggang Pebrero 1.
Sila ay sina Carmelo Anthony Venida kasama si Rhiyanne Rachel Francisco na kapwa manlalaro ng table tennis at Angelina Antonio kasama si Christopher Boado na kapwa manlalaro ng billiards, na magpapakita ng kanilang galing sa kani-kanilang larangan ng isports. Kasama nila ang kanilang teacher-coaches na sina Bb. Mae Christine Diana at Bb. Diana Rose Dullas, na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa kanilang pagsasanay.
Sa nagdaang Cluster Meet, pinatunayan ng apat ang kanilang dedikasyon at determinasyon sa pamamagitan ng pagkamit ng kampeonato. Ang kanilang pagsisikap sa loob at labas ng training ay
nagbunga ng pagkakataong makipagtagisan sa mas mataas na antas ng kompetisyon.
“Yung Bata!” hiyaw ko nang masilayan ang chikiting na puspusang pumapadyak sa bisekletang walang pedal, tanging paang panulak ang ginagamit upang makagalaw. Ang bilis niya ay tila propesyonal na race car driver at ang kaniyang ekspresyon ay mala-tigre sa mga matang nagliliyab. Ako ay nagtaka at malalang nag-aalala, ngunit iyon lang pala ang bagong kinawiwilihan ng mga bata. Sa Metro Manila may bagong isport na ka-indak-indak. Ang gamit dito ay hawig sa tradisyunal na sasakyang may dalawang gulong na mano-manong pinapa-urong sa pamamagitan ng pagpapadyak, ang kaibahan lang ay sa halip na pagdyak, sinasamantala ang pagtulak. Kaya naman, tinagurian siyang “Pushbiking”, pinagsamang pagtulak at pagbisekleta.
“Sariling sikap ang ginawa naming apat sa pagtatraining. Habang naglalaro ako, may natutunan akong bago,” anang Boado, manlalaro ng billiards.
Sa pagsabak nila sa Division Meet, bitbit nila ang pangarap at karangalang maipakita ang natatanging husay ng mga atleta mula sa LPCNSHS - TDC. Sa patuloy na suporta ng kanilang paaralan, guro, at kapwa mag-aaral, dala nila ang pag-asa na makamit ang panibagong tagumpay.
Ang isport na ito ay tumpak para sa mga bagets. Sa panahon ngayon na puro panonood at paglalaro lang sa kani-kanilang mga gadyet ang inaatupag, mahalagang sila ay makibahagi sa mga aktibidad na parehong pinapasigla ang kanilang katawan at pakikipagkapwa. Isang magandang aktibidad ang Pushbiking kung saan maaaring silang makilahok sa mga race contest kasama ang kanilang mga kaedaran. May iba’t-ibang kompetisyon ang pwedeng salihan ng mga paslit depende sa kanilang araw ng kaarawan at kasarian. Ang mga isinilang sa mga taong pagitan ng 2016-2022 o mga nasa edad 2 hanggang 8 na taong gulang ay maaaring sumali sa girl, boy, at mixed na kategorya.
Ilan sa mga batang sumasali sa push-biking race ay ang 2-na taong gulang na si Gavin at Kian mula Santa Rosa, Laguna. Mabilis na nakisabay ang mga ito sa isport dahil kahit na 4 na buwan pa lamang nag-eensayo si Gavin dito, nakasungkit na siya ng kampeonato. Ang tatay naman ni Kian ay natutuwa sa pagpasok ng anak niya sa pag-pushbiking. Aniya niya “We wanna make sure na magbike siya rather na magcellphone” [Gusto naming siguraduhin na magbike siya sa halip na gumamit ng cellphone].
Tunay na pak na pak ang pushbiking sa mga kabataan dahil maging ang mga taga-Indonesia at Thailand ay dumadayo sa Pilipinas upang lumahok sa mga pushbiking competitions. Bukod sa paghahasa sa pisikal na kalusugan ng mga chikiting sa murang edad at pagiging tulay para makakilala sila ng bagong mga kaibigan, nagiging daan ito upang magkaroon sila ng quality time at makagawa ng masasayang alaala kasama ang kanilang mga magulang.