Ang Kabisera 2024-2025

Page 1


‘‘

Sentro ng Katotohanan

KAPOS NA SERBISYO

Guro, magaaral, umalma sa 45-minutes classes ng MATATAG

Ni Danilyn A. Seraña

Tumutol ang iilang guro at mag-aaral sa pagpapatupad ng 45-minutong klase sa bawat asignatura ng Junior High School batay sa DepEd Order No. 10, s. 2024 dahil kulang umano ang oras sa pagtuturo at mas kumokonti ang napagaaralan ng mga bata sa isang araw.

Batay sa pahayag ni Ronbel Lagata, guro sa MONHS, madalas syang kinakapos sa oras habang nagtuturo simula noong binawasan ng 15 minuto ang diskusyon.

sa titsers, ikinababahala ng MONHS

“Nahihirapan talaga kaming pagkasyahin yung mga itinuturo namin, nong dati nga isang oras, kulang pa nga, ano pa kaya ngayon na 45 minutes nalang at kinakailangan talaga naming na tumpak at malinaw ang sinasabi namin para hindi sayang ang oras,” aniya. Ayon naman sa mga mag-aaral, hindi umano sapat ang nakalaang oras para gawin ang kanilang pampaaralang gawain at karamihan sa mga ito ay nagiging takdang aralin na lamang na dumadagdag sa kanilang aasikasuhin pagdating sa bahay.

“To be honest adtong una kay nalipay na unta mi kay at least nakwaan ang time sa klase ug bisag 15 minutes lang pero ang nakaapan gyud pod ani is if kanang naa mi mga activities ana nga day dili namo mahuman ana nga day kay gikulangan mi sa time, dayun mahimo dayung assignment dayun imbes daghan pa tag himoon sa balay madagdagan pa gyud,” paliwanag ni Neiljaine Marie D. Yting, isang mag-aaral sa MONHS. Sa ngayon, hindi pa tiyak kung mababago o mananatili ang nasabing sistema sa kabila ng hindi pagsang-ayon ng

SCAN ANG QR CODE NA ITO upang magpatuloy sa opisyal na facebook page/account ng Ang Kabisera. Saksihan ang iba’t-ibang mga tampok na istorya at mga kwentong kapupulutan ng aral sa loob ng pahayagan at paaralan

ng mga guro sa Pilipinas, ang Misamis Occidental National High School (MONHS) ay nabahala matapos naiulat na may limang guro sa Mathematics Department ang umalis sa paaralan ng walang bagong gurong papalit.

Batay sa pahayag ni Imelda

D. Piñero, Mathematics Head Teacher 3, dahil sa limitadong career growth sa Pilipinas, marami umanong nakikipagsapalaran sa ibang lugar para sa mas mataas na sahod na naging rason sa bakanteng mga posisyon.

“Bag-o pa lang ang school year pero daghan na ang teachers ni resign. Wala na tay mahimo if they want to go abroad for the opportunities and the dollars,” aniya.

Isinaad naman ng mga guro lumipat na maliban sa may malaking, mas maraming opurtunidad at mas magaan ang trabaho sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas.

“First reason, aside from here having a higher wage compared to there, mas bright ang way of life diri and the work pod diri kay mas lighter kaysa dira and I am able

to give my family mas better life diri jud”, base sa pakikipanayam sa isang guro mula MONHS na ngayoy na sa USA, na itago natin sa pangalan, ma’am Mel.

Dahil dito, ang mga natitirang guro sa math ay pansamantalang itinalaga sa mga klaseng naiwan kung kaya’t mas nadagdagan pa ang kanilang trabaho.

“Kapoy usahay kay ma pun an akong klasehan, pero maghulat nalang gyud ta kung naay bag-ong mosulod” wika ni Edwin A. Seraña, isa sa mga naitalagang math teacher.

Sa panig naman ng mga magaaral, isinaad nila na malaki rin umano ang naging epekto nito sakanila sapagkat kinakailangan ulit na mag-adjust sa istilo ng pagtuturo ng panibagong guro.

“Kita as students kay ma apektuhan gyud gihapon sa shortage sa teachers especially

kung katong nibalhin nga teacher is nahinayak na ug tudlo ayha pa nibalhin tapos mag adjust napod ta sa teaching style sa mopuli nga teacher kay lahi lahi man gyud nag teaching style kada usa ka teacher,” base sa karanasan ni Hannah Janelle P. Edioma, mag-aaral sa MONHS.

Samantala, itinala din ni Piñero

na kabuuang pito (7) na guro na ang nangibang bansa, dalawa (2) sa Senior High School at lima (5) naman sa Junior High School.

“This hasn’t happened before.

Possible pa na madungagan, especially in demand ang some courses abroad” sabi ni Piñero.

Sa kasalukuyan, ginagawan na ng MONHSng solusyon ang problemang ito sa pamamagitan ng pagpapapasok ng mga bagong guro na kwalipikado para sa nasabing asignatura. Sa patuloy na pagbaba ng

Ang Opisyal na Pahayagan ng Misamis Occidental National High School | Tomo VI | BLG. I Agosto 2024 -Enero 2025 | Rehiyon X - Oroquieta City
Ni Danilyn A. Seraña
P12 Lathalain

OPINYON

Hanapan ng Paraan

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik ng old school calendar sa School Year 2025-2026.

Pinapangambahan ng nakararami ang magiging epekto ng pagpapabilis ng kasalukuyang SY para lang makamtan ito. Maipatupad man ito nang tuluyan, mahalaga na walang importanteng bagay sa klase ang masasagasaan.

Ayon sa Assistant Secretary ng Department of Education (DepEd) na si Francis Bringas, babawasan nila ng 15 araw ang pasok ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa SY 20242025. Layunin nitong mapabilis ang pagbabalik ng old school calendar sa bansa na mula Hunyo hanggang Marso ang pasukan.

Magandang balita ito para sa mga taong ramdam na ramdam ang init ng panahon lalo na’t nasanay sila noon na walang pasukan sa panahon ng tagaraw.

Ngunit nangangahulugan ito na bibilisan ang pagtatalakay ng mga leksiyon sa paaralan at may mga sitwasyon na hindi na talaga mapaguusapan ang lahat ng nakahanda sa lesson plan.

Magdudulot ito ng negatibong epekto partikular sa mga mag-aaral dahil may mga aral silang hindi matututunan na siyang magpapahirap sa kanila sa mga susunod na mga taon ng pag-aaral.

Dagdag pa ni Bringas, posibleng magkakaroon ng klase bawat katapusan ng linggo kapag sisiksikin ang SY. Hindi ito ikasasaya ng karamihan dahil nako-kompromiso ang kanilang araw ng pahinga lalo na sa mga nagsisimba kada Sabado at linggo.

May maganda at masamang epekto ang pagbabalik ng old school calendar. Nararapat lang na bigyan nila ng modules ang mga mag-aaral kung sakaling hindi matatapos sa pagtalakay ang ibang leksiyon nang sa gayon ay

’di sila mahuli.

Tungkulin ng DepEd na humanap ng paraan upang hindi ito maging sanhi ng problema sa hinaharap dahil hindi lingid sa ating kaalaman na sa kabataan nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan.

Pagtangkilik Sa Mananaliksik

Nagsimula nang maghanda ang mga mananaliksik ng Misamis Occidental National High School (MONHS) sa gaganaping paligsahan para sa Division Science Technology Fair (DSTF) nitong Setyembre 20, 2024.

Ayon sa mga batang mananaliksik, ang layunin ng kanilang proyekto ay matulungan ang lipunan, ngunit isinaad nila na hindi pa nila maaaring sabihin ang pangunahing layunin ng kanilang proyekto. Dagdag pa nila, nahihirapan silang maisagawa ang kanilang pananaliksik dahil sa mabagal na internet ng paaralan at kakulangan sa kagamitan kaya minsan ay nawawalan sila ng gana na gawin ang kanilang tungkulin. Sang-ayon ako sa reklamo ng mga mananaliksik tungkol sa mga problemang kadalasan nilang nararanasan sa tuwing may pagsasanay o proyekto silang isinisagawa sa loob ng

paaralan, katulad na lamang sa kanilang kasalukuyang gawain para sa kanilang paparating na paligsahan na kung saan sila ay inatasang magsulat at gumawa ng pananaliksik nang walang maayos na internet at kagamitan para rito. Kung iisipin, nakakawalang gana naman talagang gampanan ang ganitong mga tungkulin sapagkat sila pa mismo ang gagastos para sa kanilang mga proyekto na kung saan dapat sana ay suportado ng paaralan ang materyales na gagamitin dahil may mga mananaliksik din na namomroblema sa pinansyal subalit ay malaki ang potensiyal at talento sa nasabing proyekto.

Habang sila ay nagsisikap na gampanan ang kanilang mga tungkulin para ipresenta ang paaralan, limitado naman ang nakukuhang suporta para sa mga mananaliksik na sinisikap na isakatuparan ang kani-kanilang mga responsibilidad.

Hindi naman nararapat na magpatuloy pa ang problemang ito dahil kung tutuusin, ang paaralan ay nakikinabang din sa mga gawaing ito. Upang makamit ang tagumpay at magwagi sa anumang kompetisyon ay kinakailangang aksiyonan agad ang suliraning labis na nakababahala sa mga mananaliksik habang ginagawa ang mga gawain.

Nakagagambalang Pag-Ulan

Patuloy na dumadami ang mga propesyonal na guro sa Pilipinas na nangingibang bansa dulot ng malaking sahod na kanilang nakukuha kumpara sa suweldo na naibibigay ng bansang Pilipinas.

Ayon sa isang guro ng Misamis Occidental National High School (MONHS), tuluyan na siyang mangingibang bansa sa katapusan ng unang quarter ng klase upang doon na magturo dahil mas malaki ang oportunidad na alok ng ibang bansa para sa kaniya, malaki rin ang kaniyang sahod na kikitain na sapat lang para sa kanyang pangunahing pangangailangan at pansariling kagustuhan. Para sa akin, ang mga isyung tungkol sa edukasyon at sistema ng Pilipinas ay patuloy na nagbibigay ng paghihirap, hindi lamang sa mga guro kundi pati na rin sa mga mag-aaral na apektado sa kakulangan ng mga propesyonal na tagapagturo dahil sa dami ng mga guro na nangingibang bansa taon-taon upang kumita ng mas malaking pera kaysa sa minimum na sweldo dito sa Pilipinas. Habang pinapahalagahan ng bansa ang edukasyon ng mga mag-aaral na Pilipino ay may mga guro talagang mas tatahakin at pipiliin ang paghihirap para makapunta lamang sa bansang nakapagbibigay ng nararapat na puhunan para sa kalidad at mahusay nilang pagtuturo na nakaaapekto sa

kaalamang nararapat ding matutunan at makuha ng mga magaaral sa sarili nating bansa. Hindi naman talaga maipagkakailang mas malaki ang kita sa ibang bansa kumpara sa suweldo na natatanggap ng mga guro natin dito sa Pilipinas, kung kaya't hindi rin natin sila masisi sa desisyong kanilang pinili dahil naghihirap din ang ating mga propesyonal na tagapagturo sa pinansyal at oras na dapat nilang ilaan para lamang sa minimum na sahod na kanilang natatanggap, ngunit labis na nakaaawa rin ang mga mag-aaral dulot sa kakulangan ng mahusay na mga guro. Mas mainam na magkaroon ng pagtaas sa sahod ang ating mga guro upang magkaroon din ng pagtaas sa kaalaman ang mga mag-aaral sa ating bansa dahil kung magpapatuloy man ang pagkabawas ng mga mahuhusay na tagapagturo ay hindi kailanman uunlad ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, hindi rin naman pwedeng mag hintay na lang ang ating mga guro sa pagtaas ng kanilang kita kung may pagpipilian namang mas nakakapagbigay sakanila ng maayos na puhunan.

Mahal na Patnugot, Magandang araw! Nais ko pong ipahayag ang aking saloobin tungkol sa 45 minutong iskedyul ng klase. Sa sobrang ikli ng oras, maraming guro ang napipilitang madaliin ang pagtuturo, na nagdudulot ng hirap sa mga mag-aaral na intindihin ang mga aralin. Bukod dito, ang tuloy-tuloy na klase nang walang sapat na pahinga ay nakakapagod at nakaka-stress. Sana’y muling pagaralan ang iskedyul upang mas maging epektibo at maayos ang sistema ng pagkatuto.

Lubos na gumagalang, Sara

Nagkaroon ng malakas na pag-ulan habang nangyayari ang Learners’ General Assembly (GLA) na pinanguluhan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) noong Setyembre 6, 2024 na ginanap sa covered court ng Misamis Occidental National High School (MONHS).

Ayon sa sinabi ng SSLG

Secretary Van

Angel A. Morales, lubos siyang nabahala habang nangyayari ang kaganapang kanilang pinaghandaan kaya kinailangan nila itong itigil sa pinakaimportanteng bahagi ng pangyayari kundi ang closing remarks.

Sa tingin ko, hindi hamak na sa tagal ng aksyon at operasyon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mag-

aaral, guro, at iba't iba pang kawangi ng paaralan ay patuloy itong magdudulot ng suliranin sa isyung kapaligiran sa loob at labas ng paaralan, na magdadala ng matinding takot sa lahat sa kaunting pagpatak lamang ng ulan. Labis na nakatatakot na mapabilang sa isang bansang bawat araw ay tila pagsubok ang kinakaharap, kalakip na rito ang pangyayaring naranasan ng mga tao sa MONHS na walang kamalayan sa panganib na kanilang kakaharapin dahil

bukod sa malakas ang ulan ay malayo pa ang kanilang tatahaking daan pabalik ng kampus. Hindi maipagkakailang hindi na bago sa Pilipinas ang mga pinsalang natatamo ng bansa sapagkat madali lang itong kapitan ng mga sakuna sa iba't ibang uri ng lalawigan na hindi na lubos mabilang, at sa kabila ng maraming problemang nararanasan ay patuloy pa ring walang pagbabago sa kaligtasan para sa mga mamamayan upang sa gayon ay sila'y

maprotektahan. Naniniwala ako na ang pagtutulungan at pagbibigay aksyon sa mga napapanahong isyu ay isa sa mga nararapat na gawin ng mga tao, partikular na sa mga may kakayahang magsagawa ng pagbabago sa kapaligiran katulad na lamang ng pamahalaan, para sa kapakanan ng bansa sapagkat ito ay isa sa mga mabisang gawin upang maligtas at mabawasan ang mga biktima ng nakatatakot na sakuna.

LIHAM SA PATNUGOT
Dibuhista: Zhyantrell Marleigh Y. Fegi
Ni Lawrence Jay Tizon
Dibuhista: Zhyantrell Marleigh Y. Fegi
KALIGTASA’Y UNAHIN
Ni Aizen Zackhea P. Tapay SUPORTAHAN
TUTUKAN Ni Hannah Janelle P. Edioma

LATHALAIN

uniFORme

Likas sa mga pilipino ang maging pormal, pagdating sa pag-aaral ay uniporme ang siyang nagbibigay dangal sa mga mag-aaral, subalit, sa kasalukuyan ay tila nahinto sa iilang paaralan ang nakasanayan.

Taong 2021, sa muling pagbubukas ng face-to-face classes, umusbong ang iba’t ibang pagbabago sa paaralan na nagdulot ng mga negatibong epekto, isa na rito ay ang patungkol sa uniporme na siyang sukatan ng pagkakakilanlan ng mga mag-aaral, ngunit, dahil sa pagkakaroon nila ng kalayaan ay mas pinili nila ang ‘kaswal’ na kasuotan.

“Mas maayo nang mag-uniform kay dali ra para sa amuang mga securities nga mahibal-an kung studyante ba nang mo sulod, tapos ang disadvantages pud ani kay ang uban nalabian napud magkita kita ng pusud kay tungod free man sila mo suot sa ilahang gusto,” bitiw ni Sir Raymundo D. Caylan, isa sa mga security ng paaralan.

Sa kadahilanang hindi malaman kung sino-sino ang mga mag-aaral, nagresulta ito ng gulo, nakapasok ang mga hindi kilalang tao na mayroong bitbit na mga matatalim na armas na posibleng magdulot ng kapahamakan.

Bukod pa rito, naging hindi kaayaayang tignan ang paaralan dahil sa iba’t ibang kasuotan, na minsan ang iilan ay nagsusuot ng mga hindi kanais-nais kagaya ng croptop, spaghetti, above the knee skirt, at iba pa na sa simula pa lamang ay ipinagbabawal na.

Ka-Vogue na sa Oroshow

Sino ang mag-aakalang ang Oroquieta City na mas kilala bilang “City of

isang makulay at makabagong kilusang pang-fashion?

Isang grupo ang nagdala ng liwanag at kulay sa lansangan ng Oroquieta, ito ang Oro Fashion Tribe. Higit pa sa pagsunod sa uso, dahil ang kanilang pananamit ay isang simbolo ng tapang, kalayaan, at sining sa pagpapahayag ng sarili.

Isa sa mga iconic na istilong ginagaya ng grupo ay ang Kiel the Great-inspired outfits. Sa pamamagitan ng malikhaing “layering,” baggy trousers, cropped jackets, vivid graphic tees, chunky boots, at dramatic scarves, nagiging avant-garde ang kanilang fashion na may halong retro-modern vibes. Ang bawat piraso ay may kwentong pinagsama upang maging abot-kaya ngunit elegante.

Ayon kay Vince Laurence Morales, 20 taong gulang at isa sa mga tagapagsimula ng grupo, “Like nag plano mi nga mag outfit ug pang fashion so didto mi nag start hangtod

Aniya naman ng SPJ student na si Feb Leong, “Dili siya decent tan-awun mura rag gihimog mall ang school nga daghan kayg bata nga ga suroy suroy, mas maayo gyud tung mag school uniform arun han-aw tan-awun ang skwelahan.”

Kung kaya laging tandaan na hindi sa lahat ng panahon “Pabunggahay” ang labanan, matuto tayong pumili ng naaayon na kasuotan sa lugar na pupuntahan, sapagkat ito ang nararapat na kamalayan para sa karamihan.

sa ning daghan nami.” Ang kanilang istilo ay hindi lamang nagbubuo ng sining, ito rin ay pahayag ng pagkakaisa at pagiging totoo sa sarili.

Sa halip na gumastos sa mga mamahaling damit, sinasaliksik nila ang ukay-ukay upang makabuo ng natatanging outfit.

“Parang puzzle siya kay mangita mig nice nga clothes aron ma form ug nindot nga piece,” wika ni Christian Caliga, isa sa mga miyembro. Ngunit ang kanilang landas ay hindi laging makinis. Mula sa social media hanggang sa mga lansangan, patuloy silang nakakatanggap ng pambabatikos.

“Sige ra sila og bash, majority kay mga bashers jud pero dili lang gihapon mi magpa-apekto,” pagbabahagi ni Morales.

Sa kabila nito, hindi sila natitinag. Sa halip, lalo silang nagiging inspirasyon

sa mga kabataang nais magpahayag ng sarili.

“Goal namo unta magkadaghan pa mi, malingaw, ug magpadayon. Walay biyaay,” dagdag ni Vince. Sa kanilang pananamit, binabasag nila ang mga stereotype at nag-iiwan ng marka sa lungsod.

Ang Oro Fashion Tribe ay patunay na ang fashion ay higit pa sa uso. Ito ay isang rebolusyon ng pagkakakilanlan, tapang, at pag-asa. Sa bawat outfit na kanilang isinusuot, binibigyang-diin nila na ang istilo ay isang malakas na paraan ng pagpapahayag ng sarili. Sa murang halaga at walang takot na pagkamalikhain, patuloy nilang binabago ang tanawin ng fashion sa Oroquieta.

Iba’t-ibang Kasarian, Sari-saring Kasoutan

Ika nga nila, “The only constant in this world is change” kung kaya’t sa mundong pabago-bago, iba’t iba rin ang pananamit ng mga tao ngunit pagdating sa kasarian hindi parin ito nababago. Pero, ibahin niyo na ngayon, isang tahimik ngunit makulay na rebolusyong nagaganap.

Hindi ito tungkol sa mga bagong kulay o tela, kundi tungkol sa pagbasag sa mga lumang panuntunan— mga panuntunang nagsasabing “panglalaki lang ‘yan” o “pang-babae lang ‘to.”

Ang LGBTQIA+ fashion ay hindi lang tungkol sa istilo; ito’y isang pahayag ng kalayaan, pagkakakilanlan, at pagmamahal sa sarili. Sino bang nagsabi na ang pink ay para sa babae at ang blue ay para sa lalaki?

Kung ang damit ay nagsasalita, malamang sasabihin nitong, “Wala akong pakialam sa sa kasarian mo!” Sa LGBTQIA+ fashion, patok

ang gender-neutral at androgynous styles. Isipin mo nga si Harry Styles sa palda o si Billy Porter sa ball gown— walang sinasanto ang istilo nila, at ‘yun ang pinakadiwa at esensya ng LGBTQIA+ fashion.

Ang kasuotan ay hindi tungkol sa kasarian o para ikulong ang iyong sarili sa makalumang tradisyon kundi kung paano mo dalhin at ipahayag ang iyong pagkakakilanan, bilang babae, bilang lalaki, bilang isang miyembro ng LGBTQIA+.

Sa kabilang banda, alam mo bang ang LGBTQIA+ community ang isa sa mga dahilan kung bakit naging makulay ang kasaysayan ng fashion? Simula pa noong Stonewall riots, ginamit na ng komunidad ang damit bilang simbolo ng protesta.

Isang magandang halimbawa ang iconic na leather jackets noong ‘70s at ‘80s na naging simbolo ng rebellion.

Ngayon, mas malaya na ang komunidad na magsuot ng kahit ano. Drag queens, tulad ni RuPaul, ang nagpakilala ng extravagant na damit bilang art form. Samantala, ang mga non-binary na designer tulad ni Harris Reed ay nagbibigaydaan sa bagong henerasyon para yakapin ang sarili nilang istilo.

Sa kabilang panig naman, ayon sa isang miyembro ng LGBTQIA+ ng MONHS na si Lr Bustmante “As a miyembro of LGBTQIA+ and a Gay guy, ang fashion is very important jud sa akoa, kay despite ang uban na people is mo oppose sa akong gender, ang fashion is how I can freely express akong kaugalingon ug maishow sa ilaha na confident

jud ko” Basi sa kanya, ang pananamit daw ang pinakamabisa niyang paraan upang maipahayag ang kanyang kalooban at kanyang kasarian, taliwas man sa paningin ng iba basta daw ang importante ay may kumpysa siya sa kaniyang sarili.

Dagdag naman ng isa pang miymbro ng LGBTQIA+ na si Justin Caren “Ang fashion is more than our clothes its how we communicate pod with the people around us”. Kaya inyong pakatandaan, sa huli hindi ang damit ang nagdadala sa tao kundi ang tao ang nagdadala sa damit. Ang LGBTQIA+ fashion ay hindi lang tungkol sa kung ano ang nasa labas, kundi kung ano ang ipinapakita mo sa loob at sabi nga nila “That what makes you, you”.

Ni Princess Kayla Ritcha
Ni Neiljaine Marie D. Yting
Oro Fashion Tribe
Ni Rex T.Andujar
Oro Oro
vmagazine x

ANG ABISERA

2024ASENSOMARATHONRUN TOP3(MALE)

RichardSalaño

DavidKipkoech FlorendoLapiz

PinamunuanngPalarongPambansaGoldMedalist,AdrianCabrerangOroquietaCityangU15Paralympic Shot-PutngONEASENSOMIS OCC PALAROmataposmagbasagngbagongrekordna8 12m,saMisamis OccidentalProvincialAthleticComplex(MOPAC),Disyembre12

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.