MGA NILALAMAN
opinyon
Iskolar ng Bayan. Iskolar ng Katotohanan.
Inabandona ang Nalulunod na Masa
Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Valenzuela City School of Mathematics and Science • Dibisyon ng Lungsod ng Valenzuela • Pambansang Punong Rehiyon • Tomo III - Isyu I • Hulyo 2024 – Enero 2025
lathalain
Kuwentong Sitsirya agham at teknolohiya
RapunZpill Kontra Oil Spill
balitanglokal
Pagharang ng PLV sa Writers' Workshop, kinuwestiyon ni Jon Jedwin Pineda
dibuho nina Jedidiah Jason Caputero, Ma. Michaela Sabile, at Lunnah Grace Gapido
Nanawagan si screenplay writer Jerry Gracio sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV) dahil sa pag-uutos sa mga mag-aaral na humingi ng permiso sa student affairs office nito bago lumahok sa Valenzuela Writers’ Workshop (VWW). Sinaad ni Gracio na ang kahilingan ay dahil sa paniniwala ng PLV na ang organisasyon sa likod ng VWW, ang Valenzuela Arts & Literary Society (VALS) ay diumano'y ‘leftist.’ "Nais kong ipaalala sa administrasyon ng PLV na walang pakialam ang OSA sa aktibidad ng mga estudyante labas sa pamantasan. Na napaglipasan na ng panahon ang bansag at pamamansag na ‘leftist’. Na kung pinagbabawalan ng PLV ang kanilang mga estudyante na dumalo sa mga aktibidad na inaakala nilang ‘leftist,’ isa itong uri ng redtagging. Inilalagay nito sa alanganin ang mga miyembro ng organisasyon,” ayon kay Gracio. Ayon sa isang mag-aaral mula sa pamantasan, hindi magandang isagawa ang pagharang dahil ang mga ito ay hindi magpapabuti sa talento at kakayahan ng mga magaaral. Binigyang-diin naman na dapat ay may kaalaman ang mga mag-aaral sa mga tuntunin ng paaralan upang maiwasan ang mga ganitong usapin. Pinaalalahanan din ng manunulat ang unibersidad na ang VALS ay inorganisa noong panahon pa ni dating Valenzuela Mayor Rex Gatchalian. Suportado naman ang VALS ng Commission for Culture and the Arts at Cultural Center of the Philippines Intertextual Division na iginagalang ng mga manunulat. Samantala, dapat ay agarang maaksyunan ang mga ganitong suliranin upang hindi na ito lumala pa.
balitangpambansa
Pisay Passers, hindi tinanggap ng PSHS ni John Lee Bincal Napilitan ang Philippine Science High School (PSHS) System na hindi tanggapin ang halos 5,800 kwalipikadong mag-aaral dahil sa kakulangan ng espasyo, na halos kalahati ng mga ito ay hindi nakapasa sa mahigpit nitong entrance exam. Batay sa ulat ng EDCOM 2 noong Enero 28, sa kabuoang 49,481 na aplikante mula sa 16 na kampus para sa taong panuruan 2022–2023 at 2024–2025, tanging 11,351 ang nakapasa sa PSHS National Competitive Examination, at 5,544 lamang ang nag-enroll. "Gaining admission into PSHS is competitive, with limited slots for a sizable pool of applicants," saad ng EDCOM 2. Karamihan sa 16 na regional campuses ng PSHS ay may kapasidad lamang na 90 hanggang 120 na mag-aaral, samantalang ang main campus nito sa National Capital Region (NCR) ay may kapasidad na aabot sa 240 na magaaral. Ayon sa komisyon, ang limitadong slots sa mga campuses at ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan para sa mga gifted learners ay isa sa malaking problema sa sistemang pang-edukasyon ng bansa. Upang makapantay sa mga internasyonal na antas, kinakailangang palawakin ng bansa ang mga programang sumusuporta sa mga gifted learners upang maabot ang 533,502 hanggang 2.43 milyong mag-aaral. Nirekomenda naman ng komisyon na dagdagan ang bilang ng slots sa nasabing paaralan upang matanggap ang lahat ng kwalipikadong mag-aaral at palawakin ang suporta sa Department of Education (DepEd) Special Science High Schools labilang ang pagpondo para sa pagsasanay ng guro, mas maayos na laboratoryo, at mas maraming learning materials.
samganumero
Naisip mo ba kung saan napupunta ang mga buwis ng bawat mamamayang naglilingkod pangkabuhayan?
H
indi lamang isang listahan ng mga alokasyon at gastusin, ito ay isang deklarasyon ng mga prayoridad ng gobyerno at ng kinabukasan ng bawat mamamayan. Ang 2025 National Budget kung saan sa bawat pisong inilaan, nakapaloob ang pangako ng mas maunlad na ekonomiya, mas matatag na serbisyong panlipunan, at mas maayos na kalidad ng pamumuhay. Ngunit nagiging instrumento nga ba ito ng tunay na kaunlaran o isa lamang na pabigat sa taumbayan?
ONLAYN NA!
33.4%
Social Services
Php 2.121 T 29.2%
Economic Services
Php 1.853 T General Public Services
17.1%
Php 1.083 T Debt Burden
13.8%
Php 876.7 B Defense
6.6%
Php 419.3 B
Ayon sa Department of Budget and Management.
angiskolar S T R O P IS Iskolar ng Bayan. Iskolar ng Katotohanan.
Tomo III - Isyu I • Ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Valenzuela City School of Mathematics and Science • Dibisyon ng Lungsod ng Valenzuela • Pambansang Punong Rehiyon • Hulyo 2024 – Enero 2025
galawathataw
Valenzuelanos, nakiindak sa Nestle Wellness Campus Hataw ni Bjorn Raphael Banastao
I
RUROK NG TAGUMPAY
Kuhang larawan mula kay Adrian Templora.
Bangis sa Pagsipa ni Templora ni Bjorn Raphael Banastao
S
a murang edad na anim na taon, inumpisahan niya ang kaniyang pagsipa sa mundo ng isports. Sa unang hakbang ng pagsasanay noong siya’y nasa unang baitang pa lamang, dama niya na ang kasabikang matuto at magtagumpay. Subalit, dumating ang panahon na kinailangang itigil niya ang aking paglalaro noong siya ay nasa ikatlong baitang. Sa kabila nito, hindi natapos ang kaniyang pangarap.
Matapos ang ilang taon, muling nagliyab ang kaniyang determinasyon nang ipagpatuloy niya ang pagsasanay noong siya aynasa ikapitong baitang. Hindi naging madali ang pagbabalik at pagsasanay muli, ngunit sa tulong ng iba’t ibang kompetisyong na kaniyang sinalihan, mas lalo siyang nahasa sa kaniyang angking talento at kakayahan. Ang bawat kompetisyon ay hindi lamang naging daan upang ipamalas ang kaniyang talento kundi naging oportunidad din upang patibayin ang sariling disiplina at dedikasyon sa isports. “Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ako ng pagkakataong makasali sa mga pambansa at rehiyonal na paligsahan, na siyang lalong nagpalakas ng aking loob upang patuloy na magsikap,” wika ni Adrian Templora. Ayon sa kaniya, siya ay lumahok sa Milo National Taekwondo 2023 Championships at patuloy na nakipagpaligsahan sa National Age Group 2024 at NCR Meet 2024. Kasunod nito,
isportslathalain
pahina 18
muli siyang sumabak sa Milo National Taekwondo 2024 Championships at ipinakita ang kaniyang husay sa Batang Pinoy 2024. Sa ngayong taon, naging matagumpay naman ang Division Meet 2025 both Kyorugi and Poomsae ang kaniyang ipinamalas. “Sa pamamagitan po ng pagbabalanse ng oras kagaya ng paggawa po muna ng mga school works bago po mag-training at pakikinig po sa mga guro habang nagtuturo upang hindi na kailangan rebyuhin ulit if ever may quiz man na darating at sa mga competitions ko po,” saad pa niya. “Sa mundo ng pampalakasan, hindi maiiwasan ang pagkatalo. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginamit ko ito bilang inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang aking laro.” "Kinakailangan ng sipag at pagsusumikap sa oras ng pagkatalo, at gawing inspirasyon ito upang mas
galingan pa sa susunod," ito ang prinsipyong niyang pinanghawakan sa bawat laban. “Isa sa pinakamalalaking dahilan ng aking patuloy na pagsisikap ay ang aking pamilya. Sa bawat laban na aking sinasalihan, sila ang aking sandigan at inspirasyon. Walang kasing saya ang makita silang nanonood at sumusuporta sa akin, anuman ang resulta ng kompetisyon,” dagdag niya. Ang kaniyang walang sawang pagtitiwala at pagmamahal ang nagsilbing gasolina sa patuloy na pag-unlad bilang isang atleta. Sa kaniyang kuwento ay patunay na sa kabila ng mga pagsubok, hindi dapat sumuko sa mga pangarap. Sa pamamagitan ng determinasyon, sipag, at suporta ng mga mahal sa buhay, walang imposible sa taong may matibay na pangarap at pusong lumalaban.
sang makulay at makabuluhang palatuntunan ang naganap noong ika-25 ng Nobyembre 2024 sa opening ceremony ng Palarong Pandibisyon. Tampok sa pambungad na programa ang pagtatanghal ng husay at talento mula sa iba't ibang paaralan ng Valenzuela na naglalayong bigyang-dangal ang bawat distrito ng lungsod. “Ang Division Meet ay hindi lamang patimpalak, ito rin ay selebrasyon ng pagkakaisa at kalusugan ng bawat distrito,” saad ni Education Program Supervisor Salvador A. Gaban, mula sa Schools Division Office ng Valenzuela City. Pinangunahan ng piling mag-aaral mula sa Batch Sanghaya ng Valenzuela City School of Mathematics and Science (ValMaSci) ang seremonya sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang pagtatanghal na nag-iwan ng inspirasyon sa mga dumalo. Bagama't nagtapos sa ikatlong na puwesto, ipinamalas pa rin ng ValMaSci ang dedikasyon at galing sa larangan ng Wellness Education, kasabay ng kanilang pagsuporta sa adhikain ng lungsod na isulong ang balanseng kalusugan at aktibong pamumuhay. “Siyempre, as a choreographer medyo nahihirapan pagdating sa mismong sayaw, nangyari kasi nun kami mismong ‘yung gagawa na hindi gagayahan ang mismong main step talaga nahirapan pero siyempre nandoon naman ‘yung enjoyment ng bawat isa, na kahit medyo nagkakagulo nandoon pa rin ‘yung pagkakaisa namin na makabuo nang makabuo ng magandang choreo,” panayam mula kay Martin Laurence De Guzman. Naiuwi ng Bignay National High School ang kampeonato, samantalang nakamit naman ng Lingunan National High School at Gen. T. De Leon National High School ang una at ikalawang parangal, ayon sa pagkakasunod. Tunay na naging matagumpay ang programa bilang isang plataporma upang maipamalas ang talento at pagkakaisa ng mga kabataang Valenzuelano habang iniaalay ang bawat tagumpay sa kanilang mga paaralan at distrito.
husayvalmasci
ValMaSci Taekwondo Team, handa na para sa Regional Meet 2025 ni Bjorn Raphael Banastao
B
uong tapang at dedikasyong naitawad nang maayos ng VCSMS Taekwondo Team ang kanilang angking galing sa Palarong Pandibisyon na ginanap sa Valenzuela, nitong ika-12 ng Disyembre 2024. Tutungo na sa Palarong Panrehiyon (Kyorugi at Poomsae) ang kanilang koponan at kung nagwagi sila ay irerepresenta nila ang National Capital Region (NCR). Lubos ang suporta ng ValMaSci community sa kanilang bakbakan na nagbubuhat sa kanila ng tiwala at inspirasyon sa bawat sipa, salag, at bigwas na kanilang ilalantad sa kompetisyon. Pinangungunahan nina Haven Quisteriano, Myeisha Lexinne Santos, Anika Maxinne Santos, Ella Micah Paranis, Jared Bautista, at Jose Carlo Alarcon II sa kategoryang Indibidwal na Poomsae. “Para sa akin, isa itong core memory sa pagiging atleta ko. Ito ang una kong sali sa ganitong kompetisyon at kahit hindi ako humantong sa larong panrehiyon ay marami akong natutuhan na bagong aral na makakapag-improve pa sa akin as a player ng isports na ito,” saad ni Poomsae Haven Quisteriano. “Marami. May mga kompetisyong pribado at limitado lamang na binabayaran para makasali ang mga manlalaro. At ang ibang mga kompetisyong hindi hawak ng DepEd ay mga larong ginaganap pampubliko at walang binabayaran,” wika pa niya. Hiling ng lahat ang kanilang tagumpay sa Division Meet. Ipamalas ang lakas, galing, at puso ng ValMaSci warriors na ibandera natin ang bandila ng tagumpay.