ANG ISAROG 2024-2025 TOMO LXXX BLG.1

Page 1


Geronimo ng CSNHS pinarangalan ng Dangal ng Bayan ‘24

Husay, talento, at dedikasyon – ito ang mga katangiang taglay ni Donna Lyn Geronimo, isang guro sa Matematika ng Camarines Sur National High School. Bilang pagkilala sa kaniyang kasanayan, karanasan, at mga kontribusyon sa larangan ng edukasyon sa bansa, ginawaran siya ng prestihiyosong parangal na Dangal ng Bayan 2024 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang Palace noong Miyerkules, Setyembre 18, 2024.

Ayon kay Geronimo, halo-halong emosyon ang kaniyang naramdaman nang malamang isa siya sa mga nominado upang parangalan ng Dangal ng Bayan Award.

BAGONG MATATAG NA

SISTEMA

Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng Operation Timbang Plus (OPT+) sa Lungsod ng Naga, naitala ang pagbaba ng kaso ng malnutrisyon sa mga batang may edad lima pababa, mula 3.5% noong Pebrero 2025 patungong 3.2% nitong Marso, batay sa datos ng City Population and Nutrition Office (CPNO).

DEDIKASYON IN ACTION. Masigasig na nagtuturo si Rose Marie Christy, guro mula Senior High School ng Camarines Sur National High School (CSNHS), sa kaniyang mga mag-aaral sa 12 STEM 2, Abril 5.

masukat ang timbang at taas ng mga bata upang matukoy ang kanilang kalagayang pangnutrisyon. Bilang bahagi ng nasabing programa, nagsasagawa ang CPNO ng feeding program kung saan naghahanda ng pagkain para sa mga batang may edad isa hanggang anim na taon sa loob ng 120 araw. Ang mga pagkaing ito ay pinayayaman ng micronutrients upang makatulong sa pagbaba ng malnutrisyon. Bukod dito, may complimentary breastfeeding program din para sa mga sanggol na may edad anim hanggang 12 buwan tuwing Lunes at Biyernes. Direktang dinadala ang mga pagkaing ito sa mga cluster upang matiyak na makakarating ito sa mga nangangailangang pamilya. Dagdag pa ni Reblando, ang tagumpay ng mga programang ito ay bunga ng masusing pagpaplano at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor sa lungsod.

Patuloy na nagsasagawa ng monitoring at evaluation ang CPNO upang matiyak ang epektibong implementasyon ng mga programa at patuloy na mapababa ang antas ng malnutrisyon sa Naga City.

Kaguruan, mga mag-aaral naglabas ng saloobin sa bagong SHS Curriculum

Kasunod ng pagpapalabas ng planong baguhin ang kasalukuyang Senior High School (SHS) Curriculum ng Department of Education (DepEd), naglabas ng samu’t saring opinyon ang mga guro at mga mag-aaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ukol sa mga ipinanukalang mga pagbabago.

Ayon kay Melissa Bobos, Assistant Principal II ng SHS sa parehas na paaralan, ang mga pagbabagong ito ay “pinag-isipan, pinag-aralang mabuti at may mga batayang pag-aaral na pinagkunan” ng mga eksperto sa edukasyon.

Akma rin umano ito upang mas mapagtuunan ang paghulma ng mga inaasahang kasanayan ng mga mag-aaral ng SHS.

“Sapat na ang siyam na taong lumipas upang makita ang mga kailangang baguhin upang maging mas epektibo ang kurikulum at masigurong maihahanda ang mga mag-aaral sa pipiliin nilang curriculum exits,” dagdag pa niya.

Ayon din sa kaniya, posibleng may epekto sa magiging kalagayan ng mga guro ang pagpapatupad sa pagbabagong ito lalo na pagdating sa teaching load nila. Dahil umano ito sa mga asignaturang tatanggalin at mga asignaturang pag-iisahin na ituturo sa loob ng isang taon sa halip na isang semester lamang.

Sagot naman ng consultation packet, maaari umanong ibigay ang mga elective subject na may kinalaman sa core subject na kasalukuyang itinuturo ng ilang mga guro na hindi na kasama sa bagong curriculum.

Salungat ito sa pahayag ng ilang mga guro, kung saan sinabi nilang maaaring maibigay sa mga guro ang mga asignaturang malayo sa kanilang specialization.

“Ma-adjust na naman an mga teachers, ma-adjust na naman an admin (administration) sa pag-plot kan mga subjects saka sa pag-distribute kaiyan sa mga teachers,

kasi dati palang ngani, nagkukulang na kun sain ia-assign; ngunyan na matatapyasan pa, mas dakul an possibility na may teachers na matukdo na dai niya man talaga expertise or specialization,” pahayag ni Jennifer Castillo, guro ng SHS sa CSNHS at kasalukuyang Grade 12 Coordinator.

Panawagan ng ilang mag-aaral, dapat magkaroon muna ng sapat na bilang ng mga guro na may sapat na kaalaman sa kanilang specialization, upang maiwasan ang pagkakaroon ng “expertise misalignment”.

“Dapat siguruhin din na may sapat na training ang mga guro sa bagong curriculum. Huwag naman sanang mapunta ang mga subject sa mga gurong hindi naman akma ang specialization nito. Apektado ang kapuwa guro at magaaral, lalo na kung hindi naman maayos ang pagpapatupad at hindi epektibo ang pagbabago,” ani Hazel Rodriguez, magaaral ng CSNHS at kasalukuyang nasa Humanities and Social Sciences Strand.

Pagbigay-diin sa Karanasan

Ayon sa ipinalabas na Strengthened Senior High School Program Consultation Packet, isa sa mga malaking pagbabago sa kasalukuyang kurikulum ay ang pagbabawas ng mga core subject o ang mga asignaturang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, kung saan ang dating 15 asignatura ay gagawin na lamang bilang limang core subjects.

sundan sa pahina 4

Paglobo ng bilang ng mga academic awardee sa CSNHS naitala

Umabot sa mahigit 996 na magaaral sa ika-12 baitang ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang ginawaran ng Academic Excellence Award ngayong taong panuruan 2024–2025. Ayon sa tala ng paaralan, tumaas sa halos 40.08% ang bilang ng mga awardees kumpara sa tinatayang 711 noong nakaraang taon, dahilan upang lumitaw ang iba't ibang pananaw mula sa mga estudyante tungkol sa pamantayan ng pagkilala. Nagpahayag ng samu’t saring opinyon ang mga guro at mag-aaral kaugnay ng pagtaas ng bilang ng academic excellence awardees sa CSNHS ngayong taon, kung saan itinuring ito ng ilan bilang resulta ng determinasyon at pagsusumikap ng mga estudyante, habang itinuturing naman ng iba bilang indikasyon ng mas maluwag na pamantayan sa pagbibigay ng pagkilala, dahilan upang muling talakayin ang kahalagahan ng balanseng batayan at patas na proseso sa pagkamit ng mga parangal.

Pagkilala ba sa Sipag, o Resulta ng Pagluluwag?

Para kay Von Justin Estayani, isa sa mga nakatanggap ng karangalang akademiko, malinaw ang kanyang paninindigan na karapat-dapat siya.

“Alam ko namang pinagsikapan ko ito mula pa noon. At sa tingin ko, naibuhos ko naman ang lahat ng effort ko para makamit ang award na ito,” ani Estayani. Gayunman, sinabi rin niyang posibleng mas nagkaroon ng konsiderasyon ang ilang guro ngayong taon, dahilan kung bakit dumami ang mga nakapasok sa honor roll.

“Sa tingin ko, mas nagiging considerate na ang mga guro ngayon. Minsan, may mga estudyanteng nakakakuha ng mataas na grado kahit hindi naman talaga karapat-dapat. Nagiging mabait na kasi ang mga guro, hindi tulad noon. Kaya mas dumami ang mga nagkakaroon ng honor ngayon kumpara dati,” dagdag pa niya.

sundan sa pahina 3

Ni: Jeoff Patrick Tesorero
Ni: Sarah Jeane Royales
larawang mula kay: Aisha Dela Rosa

balita

Ladies’ Dormitory hatid ng Angat Buhay, inilunsad sa CSNHS

Opisyal nang binuksan ang Ladies’ Dormitory na hatid ng Angat Buhay sa pamamagitan ng isang blessing at ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ng chairperson nito, Atty. Leni Robredo, para sa mga estudyante ng Camarines Sur National High School (CSNHS) na nakatira sa malalayong lugar upang makatulong sa kanilang pag-aaral.

Dinaluhan din ang nasabing seremonya nina Schools

Division Superintendent Susan Collano, Punong-guro ng CSNHS Dr. Sulpicio C. Alferez III, at iba pang mga tagapangasiwa ng paaralan noong Marso 25. Ayon kay Robredo, solusyon ito upang mabawasan ang kaso ng mga mag-aaral na nahuhuli sa pagpasok o palaging liban dahil sa kalayuan ng lugar na nagreresulta ng pagkababa sa school performance ng mag-aaral.

“Ang pinakalayunin natin ay matulungan ang mga estudyante na nahihirapan dahil sa hirap ng biyahe, lalo na’t malayo ang tinitirhan nila. Matutulungan sila na makapagtapos sa kanilang pag-aaral at makapag-perform nang maayos sa paaralan,” ani Robredo.

Karapat-dapat

Sa pahayag ni Robredo, naibahagi niya ang mga pamantayan sa pagpili ng mag-aaral na titira sa nasabing dormitory, tulad ng walang drop out, kinakailangan malalayo ang lugar ng tirahan, at nahihirapan sa pinansyal.

“Ang aming matrix para sa dormitoryo ay una, walang dropout sa paaralan. Kaya nga po ang pinakalayunin namin kung bakit tayo nagtatayo ng dormitoryo, dahil marami ang nahihirapan mag-commute, lalo na ang mga malalayo ang tinitirhan. Dapat po ang titira dito malalayo ang tirahan at walang kakayahang mag board and lodging,” ani Robredo. Dagdag pa rito, naibahagi niya ang kanilang mga inaasa-

hang sukatan ng benepisyo ng dormitory sa pag-aaral at buhay ng mag-aaral.

“This is the first that we built in Naga City, initially because we thought na hindi ganon kalaki ‘yung need , but apparently, specifically in CSNHS, grabe ‘yung need talaga. One of the things we realized [is that] marami talagang non-Naga residents ang nag-aaral din,” pahayag ni Anagt Buhay Executive Director Raffy Magno.

(Ito ang unang dormitoryo na itinayo namin sa Naga City, noong una akala namin hindi ganoon kalaki ang pangangailangan, pero sa totoo lang, lalo na sa CSNHS, grabe ‘yung pangangailangan. Isa sa mga bagay na napansin namin marami talagang mga hindi Naga residents ang nag-aaral din.)

“We recognize na for sure there will be more needs, especially na growing ‘yung population. We saw the trend in CamHigh na pataas na ulit ‘yung enrollees so we are expecting a lot ay nangangailangan ng dormitory,” dagdag pa niya.

(Alam namin na tiyak na magkakaroon pa ng mas maraming pangangailangan, lalo na’t tumataas ang populasyon. Nakita namin ang trend sa CamHigh na tumataas na muli ang mga enrollees, kaya inaasahan namin na marami ang mangangailangan ng dormitoryo.)

Mga Tuntunin at Konsiderasyon ng Paaralan

Ayon sa panayam kay CSNHS School Principal

Sulpicio C. Alferez III, nakaranas din ang paaralan ng suliranin kaugnay ng attendance ng mga-aaral tulad ng madalas mahuli sa klase o lumiban dahil sa kalayuan ng tirahan ngunit karamihan ng mga kasong ito ay mga nasa malalapit lang nakatira. “May mga kaso. Pero sa akin kasi, medyo palaisipan ang bagay na ito kasi usually yung mga malalayo sa Naga, hindi sila daily commuter na nagbo-board dito, hindi issue yung late coming. May mga ilang tulad ng taga-Bula, pero tinatry nila ang best nila para magising ng maaga upang makahabol sa oras. Ang problema natin sa late coming ay hindi sa mga malalayo, kundi sa mga nandiyan lang sa malalapit,” pahayag ni Alferez. Naniniwala si Alfrerez na may malaking epekto sa mag-aaral ang kalayuan ng paaralan na dahilan upang maging huli o liban na nakakaapekto sa kanilang school performance.

Bukod sa pamantayan ng Angat Buhay sa pagpili ng estudyanteng karapat-dapat na tumira sa dormitory, may tinitignan pang ibang konsiderasyon ang CSNHS sa pagpili dito, kasabay nito ang sistema sa pagpaunlak ng Special People in Needs na mag-aaral ng CSNHS

“So far, ang priority natin ay mga SPED learners. Last year pa ito prior or ongoing construction yung dorm, may pumunta sa atin through coordinator ng SPED, na mayroong gustong tumira kasi nahihirapan sila sa pag-commute daily, they’re from Pasacao. Actually nakiusap sila na kung pwede mai-house sila dito that’s why kinausap ang

alumni, temporarily nakatira sila sa Alumni building kasama yung parent,” kuwento ni Alferez. Benepisyo at Kahalagahan Layunin din ng proyekto ng Angat Buhay ang makapagbigay

na si Mr. Hiren Mirchandani, masaya siyang maging parte ng proyekto sa pagpapagawa ng Ladies’ Dormitory, “We are thrilled today to be outputting the dormitory with cookware, kitchenware, dinnerware, glassware, and houseware,” ani ni Mirchandani. Dagdag pa niya, ikinagagalak niya ring ibahagi ang bagong appliance partner na Tough Mama sa pagbigay ng mga appliances na magagamit ng mga

Upang magawa ito, nakatakdang bumisita ang Tahilan Residence, partner ng Angat Buhay, sa mga partnership dormitory hindi lamang upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang paninirahan, kundi para matulungan din silang hubugin ang kanilang pagkatao at magandang asal habang nakatira rito.

Paglalarawan sa Dormitoryo

Sa panayam kay Supreme Secondary Learner Government President Sam Lim, ibinahagi nito ang impresyon pagkapasok niya sa dormitory.

“Napansin ko complete setup lahat like tutulugan na lang talaga. Meron na lahat ng kailangan, like si lutuan, cr, and super linis at ganda ng pagka-design. Actually, I’m happy for the students na matutulungan nung dormitory knowing na our current situation in the Philippines is really hard,” ayon kay Lim. Dagdag pa niya, higit na makatutulong ang dormitory sa mga mag-aaral na malalayo ang bahay. Hindi na sila mahihirapan sa transportasyon at magiging maganda ang performance sa klase.

Pareho rin ang naging panayam ayon kay Fiona Marie Parma, isang mag-aaral ng CSNHS, nang makapasok sa dormitory.

“Yung comfort rooms po maayos then malinis tapos yung bedroom naman maa-accommodate talaga yung mga titira doon, magbibigay sa kanila ng comfort yung facility since fully equipped then maayos din yung mga gamit,” ani Parma.

Pinagmulan ng Proyekto

Sa isang panayam kay Alferez, naibahagi nito kung paano nagsimula ang pagpapatupad ng proyekto sa paaralan.

“Nagsimula ito sa konsepto na may mga estudyante na nag-aaral sa Naga na nagbo-board. Naghanap sila [Angat Buhay] sa mga paaralan sa sekondarya na may ganitong sitwasyon. Noong inimbitahan ng SSLG si VP Leni para sa Women’s Month noong nakaraang Marso,

Guro na nagre-resign at nangingibang-bansa sa CSNHS, tumaas

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga guro mula sa Camarines Sur National High School (CSNHS) na nagre-resign at umaalis ng bansa upang magtrabaho, ayon kay Sulpicio C. Alferez lll, punong-guro ng nasabing paaralan.

Sa isang panayam, isiniwalat ni Alferez na mahigit 10 hanggang 20 guro na ang naitalang nagresign mula 2020 hanggang sa kasalukuyan.

“It’s between 10 to 20 teachers na ang nagresign, both Junior and Senior High School (SHS),” ani Alferez. Ayon naman kay Leonor Lidia Gavino, Administrative Officer ng paaralan, dalawang guro mula sa Agham, dalawa mula sa Matematika, at isa naman sa Edukasyon sa Pagpapakatao ang nagbitiw mula sa kanilang posisyon. Bago ito, limang guro mula sa SHS ang nag-resign din sa paaralan. Isa ang dating guro ng CSNHS na si Gerardo E. Naido Jr., na nagsilbi bilang isang guro sa loob ng siyam na taon, sa mga nag-resign at napiling pumunta sa ibang bansa. Sa panayam ng Ang Isarog kay Naido, sinabi niya na ang kagustuhang maayos ang kaniyang personal na kalagayan at magkaroon ng work-life balance ang isa sa mga nag-udyok sa kaniyang mangibang-bansa.

“Una, layunin kong muling maayos ang aking personal na kalagayan, kabilang ang pagwaksi ng mga utang, at muling makamit ang balanseng pamumuhay sa pagitan ng trabaho at pansariling oras,” paliwanag ni Naido. Nais din umano niyang mas pagbutihin ang kaniyang kasanayan sa larangan ng pagtuturo at upang maranasan ang ibang mga kultura at makakuha ng mas malawak na oportunidad.

“Ikalawa, nais kong mapaunlad ang aking propesyonal na kakayahan at makamit ang mas mataas na antas ng personal at karerang pag-unlad. Ikatlo, upang makaranas ng iba’t ibang kultura at makakita ng mas malawak na mga oportunidad sa larangan ng edukasyon,” dagdag pa ng guro. Sa kabila ng mga pag-resign, hindi pa rin ito naging hadlang upang maapektuhan ang kalidad ng pagtuturo sa nasabing paaralan. Ayon kay Alferez, mayroong nakareserbang mga

MATATAG Curriculum pinuri ng kaguruan ngunit sapat na oras, libro iginiit

Pinuri ng mga guro ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang MATATAG Curriculum sa magandang layunin nito, ngunit binigyang-diin nila na kailangan ng sapat na oras para sa pagtuturo at dekalidad na mga kagamitan, partikular ang mga libro, upang matagumpay itong maipatupad.

Ayon kay Vilma Cañete, guro sa Filipino mula sa CSNHS, maganda ang learning competencies ng MATATAG ngunit hindi sapat ang ibinigay nitong oras na 45 minuto sa pagtuturo ng isang asignatura.

“Maganda naman sana siya dahil nabawasan nang masyado ‘yung mga learning competencies. Nagkaroon ng pokus sa mga core skills na dapat maituro sa mga bata pero kulang ang 45 minuto lamang kasi kung puro activity at wala namang input na mas malinaw, siyempre, hindi gaanong mauunawaan ng mga bata,” ani Cañete.

Kukulangin umano ang kasanayang maibibigay sa mga mag-aaral dahil kapos sa oras, lalong-lalo na ngayong mas pinaikli pa ang ikaapat na markahan. “Hindi natalakay lahat sa karamihan doon sa natitirang competencies sa ikaapat na kuwarter dahil minadali ang oras, kaya hindi rin sapat ang nakuhang kasanayan ng mga mag-aaral,” ayon pa sa kaniya. Sinang-ayunan naman ang pahayag ni Cañete ng isang guro na si Amy Garcia. “Hindi masisiguro ang kalinawan at kabuoang pag-unawa ng mga mag-aaral sa loob lamang ng 45 minuto. Hindi nabigyan ng sapat na oras ang mga magaaral para unawain ang mga itinalakay dahil hindi mabilis na nakukuha ng lahat ng mag-aaral ang lahat ng itinuturo,” paliwanag ni Garcia. Ayon pa sa kaniya, maaaring makaapekto ang kurikulum sa mga mag-aaral na may "special educational needs” na kailangang mas tutukan at suportahan at maaari rin itong makapagdulot ng stress sa mga guro.

guro na papalit kung sakaling may umalis na guro. Nalulungkot din umano siya tuwing may umaalis na guro, ngunit kailangan talaga umano silang mapalitan agad.

“On my part as an administrator, siyempre nalulungkot ako pero we need to do na palitan sila, kasi ang naka-stake diyan is yung learnings ng mga estudyante,” saad ni Alferez. Dagdag pa nito, wala siyang magagawa sa pag-alis ng mga guro sapagkat isa lamang itong “normal na pangyayari sa buhay”. Para sa mga gurong lumuwas ng bansa katulad ni Naido, mas mataas na kompensasyon at mas malawak na mga oportunidad ang makukuhang benepisyo sa pangingibang-bansa ng mga manggagawa. “Ang bansang aking napili ay may mahusay na sistema ng pamamahala sa edukasyon, na

“Aalalahanin ng mga guro kung paano ipapasok ang lahat ng kasanayan sa loob ng 45 minuto at kung paano isasagawa ang bagong pamamaaran ng pagtuturo kung saan dapat naisasakatuparan ang lahat ng pangangailan ng mga mag-aaral,” giit ni Garcia.

Ibinahagi rin ng isang guro sa ikapitong baitang na si Mark Anthony de Leon na may mabuting layunin ang MATATAG dahil nakaangkla ang mga paksa sa kultura ng Pilipino at may layunin itong hubugin ang ‘mastery’ ng mga mag-aaral.

“Talagang matututuhan ng isang mag-aaral sa ikapitong baitang ang sarili nating kultura. Idagdag pa riyan na magkakaroon ng ‘mastery’ ang mga bata dahil mayroon itong ipinapagawa sa kanila sa pagtatapos ng taon sa bawat antas katulad ng paglikha at pagsulat ng komiks sa Grade 7,” ayon kay De Leon.

Ngunit sinabi niya rin na nagkulang sa pagpapatupad ang MATATAG dahil wala silang natanggap na libro na inaasahang suporta ng mga guro.

“Wala kaming nagamit na libro na ang sabi ay mayroon at iyon ang aabangan namin ngayong taon,” ani De Leon. Ayon naman kay Cañete, kahit na napakaraming worksheets ang kanilang natanggap, hindi naman naituturo lahat, bagama’t may mga opsiyon naman ang kaguruan

nagdudulot ng maayos na estruktura sa mga paaralan. Bukod dito, nag-aalok din ito ng mas maraming oportunidad para sa propesyonal at personal na pag-unlad,” sabi ni Naido. Nang tumungtong ang panahon ng pandemya, nagsimula

Ni: Charie May Magoljado
Ni: Cyrish Karla Sambo
Ni: Aprille Monique Corong

Sa kabilang banda, para kay Juliana Romero, ang pagtaas ng bilang ng honor students ay bunga ng pag-angat ng dedikasyon ng mga mag-aaral.

“Nakaka-proud lang. Mas nag-improve talaga ang academic intelligence ng mga students,” ani Romero. Bagaman positibo ang kaniyang pananaw sa pagdami ng awardees, giit niya, ang pagkakaroon ng parangal ay hindi para sa atensyon kundi bunga ng layunin.

“Lahat tayo nag-aaral, hindi lang para sumikat, kundi para may makamit tayong layunin sa buhay,” giit pa niya.

“Deserve Nila ’To”: Boses ng Mga Hindi Napabilang Hindi man napabilang sa mga awardee, tinanggap ni Joshua Immanuel Bawa ng 12ABM 1 ang resulta ng kaniyang academic performance.

"May dalawang subject kung saan bumaba ang grade ko, kaya hindi ako nakasali,” ani Bawa. Gayunman, puno ng respeto ang kanyang pananaw para sa mga nakatanggap ng parangal.

"Deserve nila ito dahil pinaghirapan nila at masisipag talaga silang mag-aaral," pahayag niya pa.

Ganito rin ang pananaw ni Jesha Mojedo ng 12-GA 5, isang student-athlete.

“Hindi ako nakatanggap ng academic award ngayong taon dahil masyado akong naging kampante, iniisip ko na hindi bababa ang grades ko kahit hindi ako gumawa ng mga performance task dahil student-athlete ako at nirepresenta namin ang Naga,” giit ni Mojedo. Subalit, gaya ni Bawa, kinilala niya ang pagsusumikap ng mga pinarangalan.

"Oo, deserve nila ang awards kasi lahat sila nagsumikap para mapasama sa listahan ng mga may karangalan."

“Masaya ako na dumami ang bilang ng mga honor students sa paaralan at iyon ay dahil marami sa mga estudyante ang ibinuhos ang kanilang buong pagsisikap upang makamit ang kanilang layunin na mapasama sa mga may karangalan,” dagdag niya. Higit pa sa Grado ang Sukatan

Para kay Denise Lozano, guro sa CSNHS, ang pagtaas ng bilang ng awardees ay maaaring sumasalamin sa positibong pagbabago sa pag-uugali ng mga estudyante.

“As a teacher, I view the recent increase in the number of academic awardees as a reflection of the students’ strive for excellence. It highlights how students give importance to the lessons, academic tasks, and deadlines,”ani Lozano.

(Bilang guro, nakikita ko ang pagdami ng mga awardees bilang repleksyon ng pagsusumikap ng mga estudyante na magpakahusay. Ipinapakita nito kung gaano nila pinahahalagahan ang mga aralin, mga gawaing pang-akademiko, at mga takdang petsa ng pagsusumite.) Dagdag pa ni Lozano, mahalagang paalalahanan ang mga mag-aaral na ang tunay na layunin ng pag-aaral ay hindi lang mataas na marka, kundi mas malalim na kaalaman na may saysay sa totoong buhay.

“However, it is necessary to ensure that students will not focus solely on achieving high grades for the sake of awards or recognition. Instead, they should perceive learning as a reward in itself—an opportunity to make informed and better decisions that benefit both themselves and their community,” dagdag niya.

(Gayunpaman, mahalaga na matiyak na hindi lang puro mataas na grado ang inaasam ng mga estudyante para sa parangal o pagkilala. Sa halip, dapat nilang ituring ang pagkatuto bilang gantimpala mismo—isang pagkakataong gumawa ng matalinong desisyon na makabubuti hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati sa kanilang komunidad.)

Ipinahayag din ni Luisa May Furio, isa sa mga guro ng CamHigh, ang kaniyang masinsinang pagsusuri sa biglaang paglobo ng bilang ng mga awardees ngayong taon. Aniya, ikatutuwa niya sana ang pagtaas ng bilang ng mga pinararangalan kung siya ay estudyante pa, ngunit bilang isang guro, dala nito ang mas malalim niyang mga pag-aalala.

“The teacher that I am today does not reflect the feelings I had as a student. Knowing where our country stands in educational assessments, reading how students compose their thoughts despite already being in a higher level, recognizing the shortcut patterns they tend to use with activities, and experiencing how disrespectful they are towards authorities, it just saddens me, ” ani Furio.

Naniniwala rin siya na kahit ayaw man itong aminin ng ilan, ang mga datos mismo ang nagsasalita kung mayroong pagkakahiwalay sa pagitan ng parangal at aktuwal na kaalaman ng mga mag-aaral.

“Even if we refuse to admit it, the statistics are undeniable. It’s honestly embarrassing to have such high number of awardees, only to be exposed by PISA and other assessments; revealing such low literacy rate, with Filipinos even being labeled as ‘functional illiterates’,” aniya.

Kaugnay naman sa umiiral na polisiya ng Department of Education (DepEd) sa grading at pagkakaloob ng honors, inilahad din niya ang kaniyang pagdududa sa epekto nito sa kabuoang paghubog sa mga mag-aaral.

“While I understand the good intentions behind the DepEd policy on grading and awarding, I still do not agree with it. I can see how recognizing effort can boost the morale of a student, but too much of anything wouldn’t be good in the long run. Making everyone believe that they are all special can lead to a burnout. It may even create false expectations, where students believe that life will always reward minimal effort,” giit ng guro.

(Bagaman nauunawaan ko ang mabuting layunin sa likod ng polisiya ng DepEd hinggil sa pagbibigay ng grado at parangal, hindi pa rin ako lubos na sang-ayon dito. Nakikita kong nakabubuti sa moral ng isang mag-aaral ang pagkilala sa kanilang pagsisikap, ngunit ang labis sa anomang bagay ay hindi maganda sa katagalan. Ang pagpapaniwala sa lahat na sila ay espesyal ay maaaring magdulot ng burnout. Maaari rin itong lumikha ng maling pag-aakala na palaging gagantimpalaan ng buhay kahit ang kaunting pagsisikap lamang.) Dagdag pa niya, dapat ihanda ng mga paaralan ang mga estudyante sa totoong buhay, hindi lamang sa pagkamit ng pagkilala kundi sa pagharap sa mga hamon ng realidad.

“Schools should prepare the students for real life, where consistency, resilience, good decision-making and humility are constantly needed, rather than awards. We cannot have a culture where students constantly seek external validation, instead of intrinsic motivation. Not every achievement in life needs a medal,” pahayag niya.

SPJ coordinator nanawagan: ‘Karagdagang pasilidad, kagamitan kailangan’

Ni: Aprille Monique Corong

WISH KO LANG: Nanawagan ng karagdagang pasilidad at kagamitan para sa Special Program in Journalism si Bryan Cariaga, SPJ Coordinator ng Camarines Sur National High School (CSNHS) Nobyembre 2024 sa Camarines Sur National High School, Naga City. larawang mula kay: Aisha Dela Rosa

Nanawagan ang coordinator ng Special Program in Journalism (SPJ) na si Bryan Cariaga sa administrasyon ng Camarines Sur National High School (CSNHS) hinggil sa mga kinakailangang karagdagang pasilidad, kagamitan, at mga learning materials upang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral ng programa.

Nanawagan ang coordinator ng Special Program in Journalism (SPJ) na si Bryan Cariaga sa administrasyon ng Camarines Sur National High School (CSNHS) hinggil sa mga kinakailangang karagdagang pasilidad, kagamitan, at mga learning materials upang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral ng programa.

Sinabi ni Cariaga na kinukulang sila ng mga pasilidad para sa kanilang mga klase katulad ng mga laboratoryo, gayundin ng mga kagamitan at learning materials na gagamitin para sa nabanggit na programa.

”I’m requesting more classrooms kasi nahahati sa dalawa ang programa. Mayroong Journalism sa English at Journalism sa Filipino, at kulang pa ang mga pasilidad para sa dalawang grupo. Sa kasalukuyan nga, ginagamit ang SRA (Science Research Associates) Laboratory para sa asignatura ng pamamahayag,” pahayag ni Cariaga.

”Walang available na mga laptop, camera, at mga libro na kinakailangan upang patuloy na mabigyan ng kaalaman sa pamamamahayag ang mga mag-aaral,” ani Cariaga.

Ayon naman sa mag-aaral ng SPJ na si Princess Anne Salvador, umaasa ang mga katulad niyang mga mamamahayag na matugunan ang mga hindi sapat na

kagamitan sa programa. “Alam namin na pangalawang taon pa lang ng SPJ kaya medyo kulang pa sa kagamitan tulad nga ng studio at iba pang kinakailangan para sa gagamitin namin sa Radio and TV Broadcasting, ngunit hinihiling namin na magawan ito ng agarang solusyon,” pahayag ni Salvador. Bukod sa mga pasilidad, kagamitan, at learning resources, kinukulang din umano ang mga kinakailangang mga tagapagturo sa programa kung saan maliit na bilang lamang ang naitala. “Mayroon lamang pitong tagapagturo sa ilalim ng SPJ, kabilang na ako,” ani Cariaga. Ang mga gurong nabanggit ay galing sa kagawaran ng CSNHS. Ibinahagi rin ni Salvador na nabibigyan naman umano sila ng may kalidad na edukasyon lalo na sa pamamahayag kung saan natuturuan sila ng programa nang maayos. “Talagang hinahasa kami rito at tinutukan. Magaganda rin ang mga ginagawa namin na workshops dito tulad ng JournTalk dahil mas nae-expose kami sa pamamahayag at nalalaman namin kung ano pa ang kailangan naming pagbutihin. Mayroon din kaming ‘maintaining grades’ bawat quarter, at dahil diyan, mas nahahamon kami na pagbutihin pa at hasain ang aming sarili,” tugon ni Salvador. Dagdag pa niya, isa sa pinakamagandang desisyong ginawa niya ang sumali sa programa. “Hindi ako nagsisisi sa pagpili ng programang ito dahil malinaw kong nakikita ang aking pag-unlad, hindi lamang sa aspekto

Geronimo pinarangalan...

“Isang karanasang nakapagpapakumbabaatnagbibigayng kasiyahanang malamang isaako samga nominado parasaDangal ng BayanAward. Halo-halo ang aking naramdaman, lalo nang alamkong makikilalaako saganito kaprestihiyosong antas.”

Ibinahagi naman ni Geronimo na ang parangal na ito ay hindi lamang para sa kaniya, kundi para na rin sa mga taong tumulong sa kaniya upang maging mas mabuti sa kaniyang trabaho.

“It made me reflect on the impact of my work as a teacher and how it extends beyond the classroom to influence students, colleagues, and the community. I realized that this award was not just about my individual efforts but about the collective contributions of everyone I’ve worked with,” ani Gng. Geronimo.

“Natulungan ako nitong mapagtanto ang epekto ng aking trabaho bilang isang guro at paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral, sa aking mga katrabaho, at sa komunidad. Napagtanto ko na ang ganitong gatimpala ay hindi lamang para sa aking sarili, bagkus ito ay para sa lahat ng tumulong sa aking makamit ito.”

Ipinagkakaloob ang Dangal ng Bayan sa isang indibidwal upang kilalanin ang kanilang hindi matawarang serbisyo sa publiko at dahil sa pagpapakita ng huwarang etikal na pag-uugali.

Ayon din sa mga pamantayan na itinatag sa Batas Republika Bilang 6713, ang isang indibidwal na pinarangalan ay nagpakita ng pangako sa interes ng publiko, propesyonalismo, pagiging patas at katapatan, neutralidad sa politika, pagtugon sa publiko, nasyonalismo at pagkamakabayan, dedikasyon sa demokrasya, at simpleng pamumuhay.

Bukod pa sa nasabing parangal, kinilala si Geronimo dulot ng kaniyang kahusayan bilang isang guro at empleyado ng pamahalaan. Isa sa mga ito ay ang pagwagi sa Math Dokyo Division, kung saan nakakuha siya ng unang puwesto sa Math Category sa Naga City Division Project.

Kabilang din sa Top 40 “Studies of Success” sa SEAMEO Pre-Congress Lecture ang kaniyang “CAMHI MathTABANG Innovation Project, kinoronahan din siya ng Search for Exemplary Employees of DepEd Naga City.

Nasungkit rin niya ang ikalawang puwesto sa Southeast Asia Mathematics Ratulangi Award, at isa siya sa mga nagwagi sa Regional Search for Gurang May K: Best Teachers of Knowledge Channel Awards.

Ayon sa kaniya, naging daan ang mga natanggap niyang parangal upang higit na magpursige na maging mahusay sa pagtuturo at magsilbing inspirasyon sa lahat.

Revised CSNHS Student Handbook malapit nang maipalabas; ibabahagi online, printed

Upang masigurado na maayos na nagagabayan at nabibigyan ng panibagong impormasyon ukol sa mga patakaran ng paaralan ang mga mag-aaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS), planong ipamahagi nang printed at online ang panibagong handbook ng paaralan.

Ibinahagi ni Assistant Principal for Operations and Learner Support Lynn Prilles, isa sa mga nangunguna sa rebisyon ng handbook, na nanawagan na siya sa mga stakeholders upang makalikom ng perang ilalaan para sa ipamamahaging panibagong handbook.

“Nakiusap na ako sa School Parent-Teacher Association (SPTA) ng ating paaralan para sa karagdagang pera. Nangangailangan kasi ito ng maraming gastos lalo na’t mayroon tayong mahigit na 10 libong mag-aaral,” ayon kay Prilles. Binanggit niya na layunin ng ipamamahaging panibagong handbook na masigurado ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.

“Iyong mga nilalaman ng handbook ay alinsunod sa issuances ng Department of Education (DepEd) partikular na sa Child Protection Policy, Anti-bullying Act, Safe Spaces Act, Gender Responsiveness, at iba pang may kinalaman sa mga kabataan,” pagpapaliwanag ng assistant principal. Inaasahang magiging daan ang isinasagawang rebisyon sa pagbibigay-solusyon sa mga suliraning kinahaharap ng paaralan.

“Umaasa kaming mga nasa administratibong panig at iba pang mga tagasuporta ng rebisyon na maisasagawa ang dokumentong ito na isang testamento ng paaralan sa pagbibigay ng ligtas, inklusibo, at sumusuportang kapaligiran para sa mga

mag-aaral,” dagdag pa ni Prilles.

Itinuturing niya na ang panibagong handbook ay hindi lamang para sa mga kasalukuyang mag-aaral ng CSNHS, kundi para din umano sa mga tauhan, magulang, at bisita ng paaralan.

“Magiging gabay din ito ng mga panibagong estudyanteng gustong mag-enroll sa paaralan kung nais nilang ma-review ang kanilang papasukang lugar,” ayon pa sa guro.

Ayon naman kay Sam Lim, pangulo ng CSNHS Supreme

Secondary Learners Government (SSLG), mahalaga ang hakbang na ito upang mas magabayan ang mga mag-aaral sa mga

alituntunin at mga patakaran ng paaralan.

“Importanteng malaman ng mga estudyante ang rules and regulations ng paaralan, para alam nila ang mga dapat at hindi dapat gawin. Sa huli, para naman ito sa kapakanan ng mga estudyante at sa ikabubuti ng paaralan,” pahayag ni Lim.

Ibinahagi niya rin na nagkaroon ng panibagong pagpupulong ang mga kasapi sa pagbuo ng revised CSNHS Student Handbook kung saan pinag-usapan nila ang pagsasapinal sa mga karagdagang pagbabagong isasagawa rito.

“Alinsunod itong mga karagdagang isasagawa sa bagong

inilabas na DepEd memo,” ayon sa pangulo ng SSLG. Pinag-aralan din nila sa pagpupulong kung ano ang mga maaaring maging kahihinatnan ng mga mag-aaral na lumala-

bag sa mga patakaran sa paaralan.

“Alam naman natin na may gagawin sila na parang ‘clean up’ sa paaralan kung sakaling may ginawa silang paglabag. Ngunit iminungkahi ng isang guro na magtanim na lang sila ng halaman sa halip na maglinis lamang sila sa paaralan,” pagpapaliwanag ni Lim.

Aalagaan umano ng mga mag-aaral na mayroong paglabag ang kanilang halamang itinanim bilang parte ng kanilang “consequences” sa buong prosesong iyon upang matuto sila kung paano pahalagahan ang mga bagay. “Habang inaalagaan nila ang halaman, malalaman nila kung ano ang mga dapat nilang gawin upang lumago sila bilang tao. Kaya maituturing din siyang proseso ng pagkatuto para sa mga mag-aaral,” banggit ng pangulo ng SSLG. Inaasam niya na maipapalabas na online ang bagong student handbook sa taong panuruan 2025-2026. Matatandaang sinimulan noong 2018 ang pagsasaayos ng school handbook ng CSNHS upang mas maging malinaw, komprehensibo, at inklusibo ito, na sa kasalukuyan

Ni: Aprille Monique Corong
larawang mula kay: Aprille Monique Corong
BAGONG GABAY: Rebisyon at pamamahagi ng bagong Student Handbook ay ibinahagi
mula sa pahina 1
KATAS
Ni: Sarah Jeane Royales
Ni: Jairus Salvador
larawang mula kay: Donna Lyn Gernonimo/ Fb Account
PARANGAL SA NATATANGING GURO: Pinangaralan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Dangal ng Bayan Award kay Donna Lyn Geronimo, isang guro ng Matematika mula sa Camarines Sur National High School (CSNHS), noong Setyembre 18, 2024, sa Malacañang Palace, Manila City.

Pamatnugutan

Jandhel Sarcilla

Punong Patnugot

Fritz Mathew Hernandez

Katuwang na Patnugot

Matt Ruel Lustre

Tagapangasiwang Patnugot

Heaven Ezekiel Alano

Tagapangasiwa ng Sirkulasyon

Jeoff Patrick Tesorero

Patnugot Balita

Vallerie Bigay

Patnugot Opinyon

Rose Anne Adolfo

Patnugot Lathalain

Prince Mac Laquindanum

Patnugot Isport

Carl Stephen Albania

Patnugot Agham

Hannah Leah Ador

Punong Dibuhista

Shiela Mei Broncano

Punong Taga-ayos ng Sipi

Aisha Dela Rosa

Punong Potograpo

Punong Brodkaster Ralph Aron Go

Online Publishing Team

Aprille Monique Corong

Matt Ruel Lustre

Iyessa Hufancia

Roxanne Robas

Princess Salvador

Collaborative Desktop Publishing Team

Fritz Matthew Hernandez

Gab Alano

Precious Andalis

Charie Magoljado

Coly Villegas

Alexie Fajardo

Rose Ann Adolfo

Radiobroadcasting Team

Ralph Aron Go

Kyla Bermeo

Princess Jillian Buena

Diane Caceres

Ervin Brondo

Rhio Margareth Ombao

Geoffrey Banaria

TANIKALA NG TINTANG MALAYA

Hindi na kailanman natapos ang batbat ng pagmamalinis ng mga gahaman sa kapangyarihang mga mamamayan ng Pilipinas, kaya hindi rin kailanman nasupil ang dumi.

LIHAM SA EDITOR

Divine Grace Gonzaga

Jairus Salvador

Cyrish Sambo

Aprille Monique Corong

Charie May Magoljado

Samantha Tianela

Sarah Jeane Royales

Francine Mae Sarra

Victoria Vanessa Paano

Princess

Mark Morandarte

Elaijah May Tesoro

Emy Carz Macedonio

Erika Faye

Jenny Dela

Vincent

Joshua Atizado

Angelo Deluna

Jenny Dela

Christy

Carol

Hanah Marie Devina

Punong Tagapayo

Clarisse Ramos

Katuwang na Tagapayo

Lilian Santiago

Radiobroadcasting Adviser

Head

Lubos

Kabilang sa karapatan ng isang demokratikong bansa ay ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng mga impormasyon at mga opinyon. Subalit, simula pa man noong panahon ng diktaturyang Marcos ay lantad na ang paniniil sa karapatan ng bawat mamamayang Pilipino na malayang ipahayag ang kanilang mga hinaing sa gobyerno. Nagsimula noon at nadala natin hanggang ngayon. Sa kasalukuyang panahon, ang katotohanan ay nagmistulang isang ibon, hindi malaya sapagkat nasa loob ng hawla, kontrolado, limitado, at nakakulong. Siya nitong ipinapahayag na ang Pilipinas ay hindi pa nakakapiglas sa kamay ng mga pinunong sandata ang posisyon upang pilit na gawing baluktot ang mga salungat sa kanilang mga impormasyon.

Inaanak din sa ganitong kalagayan ng pampaaralang publikasyon ang ideya na ang lapis na siyang tanging sandata ng mga musmos na mamamahayag ay pudpod na at wala nang maiguhit na kahit ano pang letrang naaayon sa sarili nilang kamalayan at perspektibo. Ayon sa Republic Act 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 na nararapat na panindigan at protektahan ang kalayaan ng pamamahayag kahit sa antas ng kampus at upang itaguyod ang pag unlad at paglago ng campus journalism bilang isang paraan ng pagpapalakas ng mga pagpapahalagang etikal, paghikayat sa kritikal at malikhaing pag-iisip, at pagpapaunlad ng moral na karakter at personal na disiplina ng kabataang Pilipino. Gayunpama’y tila bulag at bingi ang iilang mga nagsisilbing ulo ng mga paaralan at kibit balikat sa batas na ito. Ano nga ba naman ang laban ng mga mag-aaral na lapis ang sandata sa mga lider na ballpen ang hawak? At ano nga ba naman ang magagawa ng batas laban sa mga pinunong posisyon at kapangyarihan ang alas? Sumasalamin dito ang kalagayan ng Pilipinas, kung saan ang mga nasa laylayan ay walang lakas, na siyang walang magagawa kahit na magmatigas. Tunay nga namang walang mawawala kung magmamalinis. Tunay nga namang kailangang isipin ang mga sangkot na

Sa sumisidhing suliranin pagdating sa malayang pagpapahayag higit na ng mga mamamahayag, maging maliliit na sektor ng lipunan ay isa na ring sentro ng katiwalian, kung saan ang katotohanan ay nakatali, marami ang nakakubli, at ang mga impormasyong inililimbag ay piling-pili. Kabilang sa mga maliliit na sektor na ito ay ang mga paaralan na siyang dapat sanang lumilinang ng mga bagong henerasyon ng mga mamamahayag na puno ng katapatan, karunungan, katapangan, at walang kinikilingan. Subalit, maging ang pangarap na ito ay bigong makamtan, sapagkat ang siyang dapat na lumilinang ay ang siyang nangunguna sa katiwalian at kasinungalingan upang pwersahang linisin ang pinangangalagaan nilang kanilang mga pangalan. Walang kaduda-dudang tunay na masasalamin sa mga paaralan ang maruming budhi ng lipunang kanilang ginagalawan. Patunay ng mas paghigpit ng tanikala bilang sagisag ng lantarang pagusig sa malayang pamamahayag. Sa pagkontrol ng mga paaralan sa kanilang sariling publikasyon, sangay mismo ng edukasyon ang siyang nagtatanim ng binhi ng lason. Tangan ng mga musmos na mga mamamahayag ay hindi katapangan, bagkus ay takot sa maaari nilang kahantungan sa oras na sumalungat sila sa kagustuhang pangalagaan ang imahe ng sariling paaralan. Lantarang pagtataksil ito sa sa kanilang responsibilidad sa kapwa mag aaral—ang ipahayag sa kanila ang katotohanan. Publikasyong pampaaralan ang siyang dapat na tulay ng mga mag aaral upang malaman ang tunay na mga kaganapan sa lupang kanilang pinag-aaralan, at hindi ang siyang mismong nagbibigkis ng mga kasinungalingan upang pilit na itatak sa kanilang mga isipan na puti ang budhi ng kanilang paaralan. Salamin ito ng Pilipinas, kung saan marami na ang batid ng mga mamamayan subalit, tiyak na mas marami ang hindi nila alam.

pangalan at ang imahe ng paaralan. Subalit, ang mga taong may kasalanan ay hindi karapat-dapat na patikimin ng mahabaging kalooban sapagkat, sino sila upang kilingan? Responsibilidad ng publikasyong pangkampus ang ilahad lahat ng kaganapan sa loob ng paaralan, makasira man yan o makalinis ng pangalan, hindi dapat sila pinipigilan. Huwad ang pampaaralang publikasyon kung hindi boses ng mga estudyante ang naririnig, kaya walang sinuman ang dapat na may kontrol sa impormasyong kanilang inililimbag—hindi guro, hindi pinuno, kundi tanging magaaral lamang. Ngayon, sa panahong talamak ang pagkukubli ng katotohanan at pagpapabango ng mga pangalan, higit na kailangang pag-ibayuhin ang pwersa ng publikasyon upang buong pwersang supilin ang kasinungalingang bumabalot sa bayan. Nararapat lamang na ang mga susunod na henerasyon ng mga mamamahayag ay mainam na maensayo upang mabuksan ang kanilang mga isipan sa kung ano ang nararapat nilang gawin at upang pagtibayin ang kanilang pagpapahalaga sa tunay na responsibilidad nila bilang mga susunod na henerasyon ng mamamahayag ng lipunan; ang magpahayag ng katotohanan, magpakalat ng kaalaman, at magsilbi sa bayan ng tapat at walang kinikilingan. Nararapat lamang na manguna ang mga paaralan bilang sangay ng edukasyon upang hubugin ang mga pag-asa ng bayan tungo sa mas maunlad, malaya at matapat na Pilipinas. Nararapat na magkaisa tayo at mas maging wais upang sama-sama nating supilin ang mga nangunguna sa katiwalian sa maliit man yan o malaking sektor ng lipunan. Magkaisa tayong pangalagaan ang pahayagan, sapagkat sila ang boses nating mga mamamayan. Sama-sama tayong sumigaw bilang isang buong demokratikong bansa upang ialpas ang tanikala na siyang humadlang sa tinta ng katotohanang simbolismo ng ating pagiging tunay na malaya.

2

Magandang araw, Mj Lubos na gumagalang, Punong Patnugot

saloobin ukol sa isyung ito. Nauunawaan namin ang iyong pagkadismaya, lalo na’t ang Christmas Party ay isa sa mga pinakaaabangang tradisyon ng ating paaralan na nagdadala ng kasiyahan, pagkakabuklod, at diwa ng pagbibigayan. Nais naming linawin na ang naging desisyon ukol sa pagbabawas ng engrandeng selebrasyon ngayong Pasko ay bunsod ng epekto ng katatapos lamang na Bagyong Kristine. Napagkasunduan na ang pagdiriwang ay gagawing simple upang maiwasan ang labis na gastusin, ngunit hindi nangangahulugan na tuluyang wala nang Christmas Party. Hinangad pa rin namin na maipadama sa lahat ang diwa ng Pasko, kahit sa mas simple at praktikal na paraan. Hinihikayat din namin ang bawat klase na magdaos ng mga aktibidad na naaayon sa sitwasyon, nang hindi kinakailangang gumastos nang malaki. Sa ganitong paraan, naipagpatuloy natin ang tradisyon nang may konsiderasyon sa mga pangyayaring nakaapekto sa ating komunidad. Ang inyong pakikiisa at pag-unawa ang naging mahalaga upang magawa nating makapagdiwang ng Pasko sa diwa ng pagkakaisa at pag-asa. Maraming salamat, at nawa’y patuloy tayong magtulungan para sa ikabubuti ng ating paaralan.

Ano ang masasabi mo sa biglaang pagkansela ng School Intramurals ngayong taon?

lathalain 8

linGkod ng huwarang

mga puso

Sa mundong nakasusulasok at puno ng sigalot, tanging munting mga puwersa ang magbubukas sa tanikalang nakapilipit sa sinag ng pag-asa.

Tunay na makikita ang pagkamamamayang Pilipino sa oras ng sakuna pagkat taglay nila ang ginintuang mga puso na handang maglingkod at ialay ang sariling kapakanan alang-alang sa paghahatid ng tulong at pag-asa sa kapwa. Kahit na sa oras ng kagipitan ay buong puso pa rin ang kanilang pagtulong hanggat may maibibigay.

ORAGON SPIRIT

Sa gitna ng unos na sinapit ng bansa, may mga kabata an na pilit tumindig sa pagkababad mula sa putik upang maghatid ng pag-asa at tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Sa hagupit ng bagyong Kristine nitong ika-22 ng Oktubre, bukod-tangi ang serbisyong Hayskulano na tatak matibay. Nagsama-sama ang iba’t ibang mga organisasyon na pina ngunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) katuwang ang General Student Council (GSC) upang maghatid ng tulong pang-edukasyon.

PUSO:

KAMAY NA MAGBUBUKAS

“Kabataan ang pag-asa ng ating bayan” katagang matagal nang binitawan ng ating pambansang bayani, Gat. Jose Rizal, na matagal na ring umuugong at isinasambit ng mga nakatatanda bagkus naniniwala sila na nasa kamay ng kabataan ang susi sa pintuan ng kaunlaran ng bayang sinilangan. Taglay ng kabataan ang sandata ng pagpupursigi at ang kalasag ng katibayan laban sa mapanghamong kinabu kasan na susupil sa suliraning pilit pumipilipit sa landas ng kaunlaran.

MAPAIT NA SINAPIT

Ang bansa ay kamakailang nahimok sa mga mapaminsalang delubyong humagupit, maraming kabahayan at ari-arian ang nilamon nang nagraragasang tubig, at maraming inosenteng buhay ang biglaang nasayang. Lahat ay lumubog sa masamang putik ng trahedya. Sa iniwan na sugat ng kahapon, sumibol ang lunas na magpapahilom sa masakit na alaala ng delubyo. Hindi na bago sa bansa ang ganitong mga pangyayari, sapagkat halos buwan-buwan sinusubok ang katatagan ng taumbayan. Maraming mga sakuna na ang bumadya ngunit tila sa paghamon ng panahon ay mas lalo nitong napagtibay ang diwa at loob ng masang Pilipino. Pinatunayan nila na walang makakapagpatumba at hindi ma titinag ang bayan sa anumang suliraning bumabangga sa kanilang daan.

Ang proyekto ay tinawag na Bayanihan: Para sa Hayskulanx na ang pangunahing layunin ay mabigyan ng mga kagamitan tulad ng school supplies sa mga pinakaapektadong mga mag-aaral sa CamHi. Ayon kay Aljean D. Bernal, Pangulo ng 4H Club, miyembro ng GSC, at isa sa mga volunteers ng proyekto, nakaramdam siya ng halo-ha long emosyon. Namukod-tangi rito ang pangamba at lubos na pagkaa wa dahil sa masakit na iniwan ng bagyo lalo’t na marami sa kaniyang kakilala at kamag-aral ang lubos na naapektuhan.

Sa pagtulong niya sa proyekto naging maganda ang karanasan na ito para sa kaniya sapagkat nakatulong at nakabuo siya ng bagong mga kaibigan na parehas ang adhikain — na tumulong sa mga nan gangailangan sa gitna ng mga suliranin.

“Ang aking natutuhan at dadalhing aral sa pagtanda ukol sa pagtu long na aking ginawa ay dapat minsan tayo ay magsakripisyo rin para sa iba. Hindi man gaano kalaking sakripisyo ang aking nagawa ngunit para sa akin ay malaking tulong na ito para sa ibang nangangailangan noong kasagsagan ng sakuna,” ani Aljean.

Tunay na napatunayan ng mga kabataang lider ng Camarines Sur National High School ang kasabihang “Basta taga-CamHi, matibay!” Sa simpleng inisyatibo na kanilang ginawa tiyak na mapapagaan ang pasaning problema ng mga mag-aaral sa paglinang at sa patuloy na pag-abot para sa kaalaman.

Dagdag pa ni Aljean, ang pagiging leader ay ngangangahulugan na mayroon kang tungkulin na nararapat mong bigyan ng kahalagahan at nararapat din na maging responsable sa bawat kilos na iyong gagawin para sa kapakanan ng nakararami.

“Ang leadership ay isa sa mahalagang aspekto sa buhay ng tao, lalo na kung ang leader na iyong pinili ay nararapat at may malasakit sa kapwa, sapagkat ito ang nagiging daan upang mas mapabuti ang nakakarami sa paraan ng pagtulong,” dagdag nito.

Tunay na sa magandang pamamamalakad at busilak na puso ay maaaring makapagpabago sa isang buhay na nangangailangan ng gabay.

Kung kaya’t sa pagpili ng mga maninilbihan ay karapat-dapat na

Ang paglalakbay patungong National Schools Press Conference (NSPC) ay hindi isang simpleng paglalaro ng tinta at papel. Ito ay isang pakikipagsapalaran na puno ng mga hamon, pagkabigo, at tagumpay—bilang isang mamamahayag ng paaralan. Nagsisimula ang landas ng bawat estudyanteng nangangarap na makapunta sa entablado ng National Schools Press Conference (NSPC) ay sa kani-kanilang dibisyon ng paaralan na kung saan sila ay magtatagisan ng galing at talento sa paglalahad ng mga kuwento.

SUMIBOL NA PAG-ASA

Ang paglusong ni Wawa sa Dumadagusong agos ni Kristine

AKahit mabigat, sinalubong namin siya. Tulong-tulong kami sa pagsalubong para hindi kami madala ng agos.

ng kabayanihan ay makikita sa iba ‘t ibang larangan. Katulad ng pagiging isang pulis, doktor, guro, mangingisda, magsasaka at iba pang mga propesyon o larangang maaaring taglayin ng isang indibidwal ngunit may pambihirang kabayanihan na hindi isang propesyon. Hindi rin nangangailangan ng titulo sa pangalan. Kundi ito ay nangangailangan lamang ng pusong may pagmalasakit sa kapuwa na hindi mabibili ng kahit anuman. Si Joshua Ballaran, o mas kilala bilang ‘Wawa’ ay mag-aaral ng Senior High School sa Camarines Sur National High School (CSNHS) at isa rin siyang atleta ng paaralan. Ngunit bukod sa pisikal na galing na tinataglay bilang atleta at kinatawan ng paaralan,

Isa sa mga ipinagmamalaki ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang grupo ng Online Publishing (Filipino). Ang mga bumubuo ng grupo ay sina Matt Lustre, Aprille Monique Corong, Iyessa Hufancia, Roxanne Robas at Princess Anne Salvador na kung saan nakapunta ang grupo nila sa NSPC kahit pa ang lahat ay baguhan at ang dalawa sa mga kalahok ay nasa ikapito pa lamang na baitang.

Sa kanilang pagharap, hindi maipagkakaila ang pangamba na baka maaaring hindi sila manalo sa Division Schools Press conference (DSPC) sapagkat ang ibang kalaban nila ay dati nang nanalo sa larangang iyon. Humina man ang kislap ng pag-asa, patuloy pa rin ang kanilang motibasyon dahil na rin sa pinaghuhugutan nilang lakas ng loob – ang Diyos. Ayon sa kanila, ng dahil sa pananalig naging madali ang temang School Year Calendar dahil na rin sa may ideya na sila rito sapagkat ito ay naging bahagi na ng kanilang pag-eensayo sa kompetisyon. Nang dahil sa determinasyon, sila ang nagwagi sa DSPC at naging kinatawan para sa Regional Schools Press Conference (RSPC). Sa panibagong kabanata ng kanilang paglalakbay patungong RSPC mas naging komplikado ang sitwasyon dahil may panahong hindi sila nagkakaintindihan at nagkaroon ng bitak ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Hindi lang dito nagtapos ang mga hamon na ibinigay sa kanila, sapagkat sa pangyayari din na iyon ay nasubok ang kanilang pagsasama.

Ayon pa sa kanila, may isang pagkakataon pa nga kung saan nagkaroon ng tensyon sa grupo.

Nang dahil sa hindi pagkakaintindihan namuo ang poot sa puso ni Matt at nakapagsabi ng mga salita na nagdulot ng bangayan sa grupo.

“The win of our team is in my hand.”

Nang dahil dito nagkaroon ng samaan ng loob ngunit ang kataga ding iyon ang siyang nagbukas ng pahina upang sila ay makapag-usap at maayos muli ang relasyon ng bawat isa. Ito ang nagpatibay patungo sa kanilang susunod na hamon.

Habang ginagawa nila ang kanilang awtput, nahirapan sila makasagap ng maayos na internet connection kung saan nahuli sila ng halos 30 minuto sa pagpasa ng kanilang gawa.

“Pero nag-pray lang kami nang dumating ang gabi,” saad ni Matt dahil nawawalan na sila ng pag-asa nang mga panahon na iyon.

Sa kabila ng napakaraming pangyayari, nakuha pa rin nila ang kampeonato at muling naging kinatawan ngunit sa pagka-

maiangat ay tinulungan din nila itong makalipat sa ligtas na bahay na maaari nilang paglipatan pansamantala. Nang maayos na ang sitwasyon sa kanilang mga kalapit na bahay, hindi pa rin tumigil si Wawa sa pagtulong kahit pa may peligro sa bawat hakbang niya sa ilalim ng tubig. Sila ay pumunta ng kaniyang kasamahan sa Panganiban drive dahil nais nilang alisin ang mga palutang-lutang na putol na puno, katulad ng niyog dahil maaari itong magresulta ng disgrasya sa mga taong posibling dumaan sa mga oras na iyon. Pinaghihinalan ni Wawa ay galing pa ito sa city hall at napadpad sa Panganiban. “Dawa magabat, sinabat mi siya. Tabang-tabang kami sa pagsabat para dai kami madara kang agos, “ ani Wawa.

(Kahit mabigat, sinalubong namin siya. Tulong-tulong kami sa pagsalubong para hindi kami madala ng agos.)

“Tiggilid mi na siya [punong kahoy] para dai na siya maabot kang tubig” dagdag pa ni Wawa.

(Tinabi namin siya [punong kahoy] para hindi siya maabot ng tubig) Nang matapos na ang kanilang misyon sa pag-alis ng mga palutang-lutang na mga matutulis na putol na puno, may nakita silang isang lalaki at dalawang

Ni: Rose Ann Adolfo
Ni: Heaven Ezekiel Alano
BAYANIHAN: Namigay ng school supplies ang mga kinatawan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa mga estudyanteng naapektuhan ng bagyo ika-8 ng Nobyembre 2024 sa Camarines Sur National High School, Naga City.
GINITUANG
Pinangunahan ng mga miyembro ng Supreme
Learner Government (SSLG), ang makabuluhang inisyatibong pamimigay ng school supplies para sa mga mag-aaral ng Camarines Sur National Highschool na labis na naapektuhan

MALABSAY FALLS

Isang Natatanging Hiyas ng Isarog

“Matabang,” iyan ang kahulugan ng salitang malabsay ngunit sa kabila ng kahulugan ng pangalan, ang Malabsay Falls ay isang tunay na hiyas na nagtatago sa paanan ng Bulkang Isarog. Isang talon na nag-aalok ng nakakaengganyong tanawin at kakaibang karanasan sa bawat bisita.

Bagama’t natutulog na ang Bulkang Isarog, patuloy nitong binibigyan ng buhay ang mga paligid nito. Sa gitna ng luntiang kagubatan, matatagpuan ang 40-talampakang talon na ito. Ang tubig nito ay parang isang kumikislap na kurtina ng pilak na bumabagsak sa malalaking bato. Ang bawat pagbagsak ay parang isang malakas ngunit nakakawihong musika na nagpapalamig sa bawat damdamin. Ang hangin ay nagdadala ng amoy ng mga namumulaklak na halaman at basang lupa, na nagbibigay ng isang sariwa at nakakapreskong pakiramdam. “Nakakapreskong karanasan na nag-aalis ng pagod at nagpaparamdam ng pagiging buhay,” saad ni Emmerson John Vargas, isang binata na binabalikan ang naging pakiramdam niya sa pagbisita roon. Hindi tulad ng karaniwang sariwang tubig, ang Malabsay Falls ay may kakaibang lasa. Ang maalat na tubig nito ay nagmula sa mga mineral na nakukuha mula sa mga bato at lupa na nakapalibot sa talon, isa pa sa mga dahilan ay ang malamig na tubig. Ang kombinasyon ng mga ito ay nagbibigay ng kakaibang lasa at pakiramdam sa tubig ng talon. Ang talon ay isang perpektong lugar para sa mga naghahanap ng katahimikan at kagandahan ng kalikasan. Ang tunog ng pagbagsak ng tubig, ang sariwang hangin, at ang luntiang paligid ay nagbibigay ng isang nakaka-relax na kapaligiran. Dahil dito, ang mga bisita ay maaaring mag-enjoy sa paglangoy sa malamig na tubig ng talon, o maglakad-lakad sa paligid at tamasahin ang nakamamanghang tanawin.

Sabi pa ni Emmerson ang talon ay isang likhang-sining na may matayog na talon at luntiang paligid.

Subalit sa kabila ng kagandahan nito, ang Malabsay Falls ay nahaharap sa mga hamon ng polusyon at pang-aabuso. Ang pagtatapon ng basura ng mga bisita ay nagdudulot ng polusyon sa paligid ng talon. Mayroon ding mga kaso ng mga aksidente dahil sa kawalan ng pag-iingat at kawalan ng kaalaman tungkol sa lugar.

Matatagpuan sa puso ng makulay at masiglang lungsod ng Naga ang Magsaysay Avenue, isang kalsada na higit pa sa isang simpleng daanan. Isang buhay na tapestry ito, isang pelikula na nagkukuwento ng kasaysayan, kultura, at pag-unlad ng lungsod. Bukod sa pagiging ruta para sa mga sasakyan, nagsisilbi itong daan tungo sa nakaraan, isang landas na nag-aanyaya sa mga manlalakbay na tuklasin ang mga nakatagong kuwento ng Naga. Sa bawat sulok, sa bawat gusali, at sa bawat mukha ng mga taong naglalakad dito, may kwento na naghihintay na mailabas—isang piraso ng palaisipan na nagbubuo sa natatanging identidad ng Naga. Isang makapangyarihang simbolo ang pangalan ng kalsadang ito, Magsaysay Avenue, na kumikilala kay Ramon Magsaysay, ang dating pangulo ng Pilipinas. Higit pa sa isang simpleng pangalan, naging testamento ito ng kanyang pamumuno, ang kanyang pagsisikap para sa pagbabago, at ang kanyang malalim na koneksyon sa mga mamamayan. Nakatatak sa mga bato ng kalsada ang kanyang alaala, isang patuloy na paalala ng kanyang adhikain para sa mas maunlad na bansa. Ang kanyang kuwento, isang kuwento ng pag-asa at pagbabago, ay hindi lamang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas; ito rin ang kaluluwa ng Magsaysay Avenue. Ang pangalan ay nagsisilbing tulay sa nakaraan, isang koneksyon sa isang panahon ng pag-asa at pag-unlad sa ilalim ng kanyang pamumuno. Habang naglalakad sa kahabaan ng Magsaysay Avenue, parang nagsisimula kang manood ng isang mahabang dokumentaryo, isang pelikula na nagsasalaysay ng kasaysayan ng Naga. Matatandang gusali, na may mga disenyo na nagsasalaysay ng mga panahon ng kolonyalismo at ang pagbabago ng mga arkitektura, ay parang mga karakter na may kanya-kanyang kwento. Ang mga lumang bahay, na may mga dingding na nagkukuwento ng mga henerasyon ng mga pamilyang nanirahan dito, ay nagpapaalala sa atin ng pagiging matibay at matatag ng lungsod. Detalye sa kanilang arkitektura—ang mga disenyo ng bintana, ang mga uri ng bato, at ang mga kulay ng pintura—nagsasalaysay ng mga ng yaman at paghihirap, pagbabago at pagpapanatili, ng paglaban at pag-unlad. Matatandang puno, na tahimik na nakatayo bilang mga saksi sa mga pagbabago, nagmumungkahi ng patuloy na pag-iral at pag-unlad ng Naga, simbolo ng katatagan at pagtitiis. Ang kanilang mga sanga, na umaabot sa langit, ay parang mga kamay na

Sa pagbisita ng binata sa Malabsay Falls, muntik na siyang maaksidente dahil sa mababatong daan kung kaya’t payo niya ang ibayong pag-iingat. “Dapat panatilihing malinis ang lugar at igalang ang kalikasan,” dagdag niya pa. Ibinahagi niya rin na may mga taong naglilinis sa paligid ng talon at may mga bisitang gumagamit ng reusable containers upang makabawas sa mga basurang nakapalibot sa talon. Mahalaga ang paggalang at disiplina upang mapanatili ang kagandahan ng Malabsay Falls. Maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan, pagsunod sa mga patakaran sa pagbisita, at pagiging responsable sa ating mga kilos. Kinakailangan din na magkaroon ng kamalayan sa mga panganib na maaaring maidulot ng talon at mag-ingat sa paglalakad sa paligid. Isang tunay na kayamanan na dapat nating pahalagahan at pangalagaan ang nasabing talon para sa mga susunod na henerasyon. Ang kagandahan nito ay isang regalo mula sa kalikasan, at responsibilidad nating

na mapanatili ito para sa mga darating pang taon.

pagsunod sa mga patakaran sa pagbisita, at pagiging

MAGSAYSAY AVENUE

Kuwento sa Puso ng

lungsod nagdaragdag sa kuwento ng Magsaysay Avenue, nagbibigay ng buhay at ritmo sa pelikula. Awit ng mga tindera sa palengke, kwentuhan ng mga naglalako, nagtataasang tunog ng mga busina, at matunog na alon ng mga naglalakad at nagbibisikleta—lahat ng ito ay nagsasama-sama upang lumikha ng isang symphony ng mga tunog na nagpapakita ng buhay at sigla ng lungsod. Parang orkestra ang kalsadang ito, tumutugtog ng mga tunog mula sa nakaraan, kasalukuyan, at marahil ay hinaharap. Tunog na ito hindi lamang ingay; mga elemento ito na nagpapayaman sa karanasan ng paglalakad, nagbibigay ng tekstura at lalim sa kwento ng lungsod. Ang gusali ng Pamahalaan ng Lungsod ng Naga ay parang grand stage, may magandang arkitektura. Sa loob nito, nagaganap ang mga mahahalagang desisyon na humuhubog sa kinabukasan ng Naga. Nakasaksi ang mga pader nito sa mga pagtatalo, mga kasunduan, at mga pagkukusa na humubog sa lungsod. Kuwento ng mga lider na nagtrabaho sa gusali ay nakaukit sa mga bintana nito, at hangin na dumadaan sa mga koridor nagdadala ng mga awit ng pagbabago. Ang gusaling ito ay simbolo ng kapangyarihan at responsibilidad, isang lugar kung saan ang mga desisyon ay ginagawa para sa ikabubuti ng lungsod. Sa loob ng gusali ng Pamahalaan, matatagpuan ang Museo ng Naga City, isang treasure chest ng mga kuwento ng nakaraan. Nag-aalok ito ng pagsilip sa pamumuhay ng sinaunang mga taga-Naga, kanilang mga tradisyon, at mga pakikibaka. Artifact na nakalagay sa museo hindi lamang mga bagay kundi mga tagapag-ingat ng mga kuwento ng mga taga-Naga, mga patunay ng kanilang pagiging matibay at pagbabago. Ang Museo na ito ay isang lugar kung saan ang nakaraan ay nakikipag-usap sa kasalukuyan, kung saan ang mga alaala ay nabubuhay. Maraming lugar pa sa Magsaysay Avenue ang nagkukuwento ng mga kwentong hindi pa nabubunyag. Bawat gusali, bawat sulok, may sariling kasaysayan na naghihintay na matuklasan. Paglalakad sa Magsaysay Avenue pagkakataon ito upang maunawaan ang mga karanasan ng mga nakaraang henerasyon at paano ang mga kuwento ng nakaraan nakakaapekto sa kasalukuyan. Bawat detalye, bawat anino, bawat bato, nagtataglay ng piraso ng kasaysayan na naghihintay na mailabas. Ang matatanda sa Naga City ay may mga alaala ng Magsaysay Avenue mula sa kanilang kabataan. Maririnig mo ang mga kuwento ng mga kariton na nagdadala ng mga produkto, mga tindahan na dating matatagpuan sa mga sulok, at mga pagdiriwang na ginaganap sa Plaza. Ang Magsaysay Avenue ay naging tahanan ng mga kilalang personalidad sa Naga City, tulad ni Jesse Robredo, kilala sa kanyang

dedikasyon sa serbisyo publiko at pagiging mahusay na lider. Ang kanyang pamana ay patuloy na inspirasyon sa mga mamamayan ng Naga. Ang Magsaysay Avenue ay higit pa sa isang kalsada; ito ay tagapag-ingat ng mga kuwento, mga alaala, at mga tradisyon ng Naga City. Ito ay buhay na testamento sa pagiging matibay, matapat, at nagbabago ng lungsod. Isang pelikula ito na nagpapakita ng kasaysayan, kultura, at pag-unlad ng Naga City—isang pelikulang nagdudulot ng inspirasyon, pangungulila, at pag-asa sa bawat manonood. Paglalakad sa Magsaysay Avenue ay paglalakbay sa puso ng Naga, paglalakbay sa pamamagitan ng panahon at alaala, isang paglalakbay na nag-iiwan ng malalim at pangmatagalang impresyon sa puso at isipan ng bawat manlalakbay. Sa pagsasara ng paglalakbay sa Magsaysay Avenue, nagiging maliwanag na ito ay hindi lamang isang kalsada na dinadaanan. Isang simbolo ito ng pagkakaisa at pagkakaiba-iba, ng mga kwento ng pagtutulungan at pagsusumikap ng mga taga-Naga. Isang buhay na alaala ito na nag-uugnay sa nakaraan at hinaharap, isang palatandaan ng mga pagsubok na nalampasan at tagumpay na natamo. Sa bawat hakbang, ang mga alaala ay lumalabas, at ang mga kuwento ay muling isinusulat, pinapatibay ang koneksyon ng bawat isa sa kanilang komunidad at sa kanilang kasaysayan. Kapag bumalik ka sa Magsaysay Avenue, muling mararam daman ang mga damdamin ng pag-asa at pagmamalaki. Ang mga kwento ng mga matatanda, ng mga naglalakad, at ng mga nakatatandang gusali ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng mga sakripisyo at tagumpay na nagbigay-daan sa kasalukuyang sit wasyon ng lungsod. Sa bawat pagbisita, isang pagkakataon upang muling makilala ang mga pinagmulan, at upang ipagpatuloy ang pagsasalaysay ng mga kuwentong mag bibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon. Ang Magsaysay Avenue, sa kabuuan nito, ay isang ma halagang bahagi ng kulturang Pilipino, isang saksi sa mga pagbabago at pag-unlad ng Naga. Patuloy itong nagiging sentro ng komunidad, isang espasyo kung saan ang mga tao ay maaaring magtipon, magbahagi, at lumikha ng mga bagong alaala. Sa paglipas ng panahon, ang kalsadang ito ay mananatiling simbolo ng pag-asa at pagkakaisa, isang paalala na sa kabila ng lahat ng pagsubok, ang pagkakaisa at pagkakaintindihan ng mga tao ay ang tunay na yaman ng isang komunidad.

Alingawngaw ng Kampana

Sa paglipas ng mahabang panahon, maraming mga estruktura ang nawala at nagbago, ngunit sa mga pagbabagong ito ay mayroong isang nananatiling matatag na pinagtibay ng kasaysayan na hanggang ngayon ay nagbibigay ng ispiritwal na lakas sa mga taong pumupunta rito. Isa mga instrumentong ito ay ang kampana ng simbahan ng San Francisco de Assisi.

Mayroong matatagpuan na isang simbahan sa Peñafrancia Avenue, Naga City, Camarines Sur, na gumagana pa rin hanggang ngayon kahit itinayo ito noong panahon pa ng mga Espanyol. Ang simbahang ito ay ang San Francisco de Assisi Church. Ito ay isa sa mga pinakalumang simbahan ng Romanong Katoliko sa rehiyon ng Bicol. Itinatag ito noong 1700 siglo. Napuntahan ito ni Alonzo Gimenez, kauna-unahang misyonerong Kristiyano na umabot sa Bicol at ang dating tawag nila rito ay “Ibalon,” noong 1569. Bahagi ito ng ekspedisyon ni Enrique de Guzman, kapitan. Sa panahon ng Rebolusyong Pilipino noong 1898, ang simbahan ay naging lugar ng labanan, kung saan ang mga rebolusyonaryo ay nagtulak sa pagsuko ng mga awtoridad ng Espanya. Nawasak ang simbahan noong 1915, kasama na rito ang kampana ngunit nanatili itong maayos at patuloy pang gumagana. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagkakaroon ng masamang kondisyon sa mga sumunod na dekada.

mapakinabangan pa ng mga tao. Nilagyan ito ng dalawang side entrances na may mga haligi, at nagtataglay ito ng estatwa nina St. Peter at St. Paul. Ang harapang pader ay may mga dentil, cartouche, at fluted columns, na may mga Corinthian capitals. Ang oculus at arched fenestration ay naging disenyo sa pader. Samantala, ang pediment naman ay nagpapakita ng Jesus Christ na nagbibigay ng pagpapala, na napalilibutan ng mga cherub.

Ang kampana naman ng simbahan ay umaabot sa apat na palapag na may mga dome sa itaas. Bagaman karamihan sa orihinal na kolonial na estruktura ay nawasak, isang kampana mula sa panahon ng Espanyol ang nananatili hanggang ngayon. Dahil dito mas nabibigyan tayo ng pagkakataon na malaman ang ating kasaysayan na nakabatay sa mga hindi kapani-paniwalang pangyayari at hindi pangkaraniwang mga bagay-bagay. Mahabang panahon na ang itinagal ng kampana. Kahit nga ang mga apo sa tuhod ay masisilayan pa ito. Sa gitna ng mga pagdanak ng dugo dahil sa putukan at labanan noon, nagawa nitong tumagal at nanatiling mabuhay kahit nag-iisa na lamang. ting

Dahil sa mga sira-sirang mga parte ng simbahan, muli itong ipinatayo noong 1956 upang magamit at

Matt Ruel Lustre
Ni: Emy Macedonio
Ni: Emy Macedonio
Larawang kuha ni: Gab Ephraim Alano
Larawang kuha ni: Gab Ephraim Alano
Larawang kuha ni: Gab Ephraim Alano
Larawangkuhani: GabEphraimAlano
Larawang kuha ni: Gab Ephraim Alano

Skynet: Solusyong Pang-Agrikultura sa Pagkabulok ng Palay at Kamatis

Agrikultura ang isa sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya sa Pilipinas. Ayon sa CEIC nitong Oktubre, 2024, umaabot sa 10 milyong pilipino ang nasa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Sa araw-araw na pamumuhay ng mga magsasaka, isa sa mga kanilang mga bangungot ay ang pagkabulok kanilang mga pananim, tulad ng palay at kamatis.

Kung kaya’t ibinida ng grupo ng mga mag-aaral mula sa Camarines Sur National High School (CSNHS) ang isang robot na layuning tulungan ang mga magsasaka na tukuyin ang mga maagang senyales ng pagkabulok ng mga pananim lalong lalo na ang palay at kamatis, dalawa sa mga pinakakinokonsumong produktong pang-agrikultura ng mga Pilipino gamit ang Drone at Artificial Intelligence (AI).

Mula sa mga pinaghalo-halong ideya ng Grade 11 Team na binubuo Shane Penelope P. Apin, Trisha Mae T. Labor, Jared Matthieu D. Flores, at Renny Allen Buendia na may gabay ni John Roy V. Galvez ng Camarines Sur National High School (CSNHS), nabuo ang SKYNET: UAV-based Machine Learning with Geolocation for Rice (Oryza

Tsativa) and Tomato (Solanum lycopersicum) Foliage Fungal Disease. Pagkakabuo ng Agrikulturang Solusyon.

Nagsimula ang proyekto sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga sakit na maaaring makuha ng palay at kamatis. Kinabibilangan ito ng rice blast o mata-mata, rice brown spots, at sheath blight na sanhi ng mga amag. Ang ilan pang sintomas na ginamit sa pag-aaral ay early blight — mga maliliit at maiitim na bilog sa dahon ng kamatis, late blight — mas malaking pagkakabulok na may kayumangging kulay sa gitna , at septoria wilt o pagkakaroon ng mga maliliit na butlig sa dahon ng mga kamatis.

Nang matukoy ang mga sakit, lumikom ng 1,000 litrato ng kada kapansanan ang mga mananaliksik na nagresulta sa 6,000 imahe at tinipon sa Kaggle na nagsilbi bilang data set o pangkat ng mga datos. Ang mga larawan ay isa-isang dumaan sa anotasyon at pagsasala gamit ang Roboflow. Ginamit din ng pangkat ang augmentation o pagpapalawak ng datos upang masiguro na tama ang prediksyon ng robot sa iba’t ibang mga sakit. Sa huli, nadagdagan ang mga imahe mula 6,000 hanggang 18,000, kung saan 80% ay ginamit sa pagsasanay at 20% para sa validation. Ang 18,000 larawan ay inilipat sa AlexNet, VGG16, at ResNet na may iba’ibang

Gurong Tagapagsulong ng Inobasyon

ni: Carl Stephen Albania

unay na pinatunayan ni John Roy V. Galvez na siya ang magiging bagong gurong tagapagsulong ng inobasyon nang simulan niyang imbitahan ang mga mag-aaral ng Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) na sumali sa iba’t ibang patimpalak sa loob at labas ng bansa.

Mula sa pagiging isang iskolar ng Department of Science and Technology (DOST), hanggang sa isang maging ganap na guro. Iyan ang tinahak na karera ni John Roy V. Galvez, isang Special Science Teacher I sa Camarines Sur National High School (CSNHS) na nagtapos bilang cum laude sa Bachelor of Science Major in Computer Engineering sa Bicol University Polangui Campus. Ayon sa kanya, hindi niya man lang pinangarap o inisip na maging isang guro. Ngunit, dahil kinakailangan niya na magsilbi sa gobyerno bilang isa sa mga naging iskolar ng DOST, napilitan siyang gawin ito. Naging iskolar ng DOST si Galvez upang mabawasan ang gastusin ng kaniyang pamilya sa pagpapaaral sa kanilang magkakapatid kung saan ang ilan sa mga ito ay nasa high school at kolehiyo na. Nagsimulang pumasok bilang tagapagturo si Galvez noong ika-23 ng Hulyo, 2020. Nagbigay siya ng mga leksyon ukol sa programming na nakatutok sa C# at C++, dalawang lengguwaheng ginagamit sa pagpo-program. Habang nagtuturo, tumutulong siya sa paggawa ng mga live streaming na mga bidyo ng ICT Support Services ng paaralan. Kalaunan, naatasan siyang magturo ng Creative Technologies, isang paksa sa ilalim ng Technical Livelihood Education (TLE) kung saan,

ng iba’t ibang kaalaman sa robotics at artificial intelligence (AI). Napagtuunan ng pansin ni Galvez ang dalawang ito dahil ayon sa kanya, “Robots and Artificial Intelligence is the future. Understanding the capabilities of robots nowadays and learning how to maximize their potential will surely provide you a heads-up on what type of future it holds. Also, robotics can inspire and innovate other areas of specialization through automation and development.”

Mula sa pagtuturo ng robotics at inobasyon, nahikayat ni Galvez ang kanyang mga estudyante na sumali sa mga lokal at pandaigdigang paligsahan. Ang pinakaunang grupo na kaniyang tinuruan ay ang Team Flama Ignitues na binubuo nina Emmanuel Mari Remoquillo, Johenes Botor III, at Jhule Alfred Iraula. Nakamit nila ang 1st Runner Up sa katergoryang ito. Magmula rito, pinagsikapan pa ni Galvez na turuan ang mga susunod na henerasyon, at gumawa ng mas maraming proyekto sa robotics at ipasok ito sa mga patimpalak.

Sa kasalukuyan, ang pinakabagong pangkat ng magaaral na tinuruan ni Galvez ay ang TNL 49 na binubuo nina Yzza Gwyneth F. Cecilio, Carl Stephen G. Albania, Marc Lewis V. Binabay, Kenneth Christian P. Avila, at Tyra Fei L.

Pangan kung saan sumali sila sa Bett Asia School Challange nito lamang ika-2 hanggang ika-4 ng Oktubre sa Kuala Lumpur, Malaysia. Layunin ni Galvez na ipasok sa iba’t ibang patimpalak ng mga mag-aaral upang magkaroon sila ng karanasan at wala nang iba pa. Dinagdag pa niya na nais niyang matuto ang mga estudyante na magtagumpay at bumagsak nang sabay upang matutuhan nila na ito ang katotohanan sa buhay, at mas mainam na maranasan na nila ito nang maaga kaysa kapag huli na ang lahat. Mas pinagbuti at dinagdagan pa ni Galvez ang kaniyang naitulong upang isulong ang teknolohiya sa CamHi. Mula sa simpleng pag-alok at paggabay sa mga mga-aaral na sumali sa mga patimpalak na pang-inobasyon, hanggang sa pagbuo ng isang organisasyon na CRAFT o Creative Researchers and Future Technologists. Layunin nitong turuan at mahasa ang kakayahan ng mga estudyante sa paggawa ng mga proyektong inobatibo at makatutulong sa mundo.

Mula sa mga naitulong ni Galvez sa CamHi, mapagtatanto natin na hindi lamang simpleng tagapayo si Galvez. Bagkus, siya ay isang gurong nais magsulong ng inobasyon at teknolohiya sa CamHi sa pamamagitan ng pagiging huwarang gabay upang makamit ng mga mag-aaral ang tagumpay.

arkitektura na ginamit upang mahasa pa ang kakayanan sa pagtukoy ng mga sakit ng kamatis at palay. Ginamit ng mga mananaliksik ang Raspberry Pi Model 4B na nagsilbing main controller ng device. Upang mabuo ang device, pinagsasama-sama at pinagtagpi-tagpi ang DJT Tello Drone, Raspberry Pi Model 4B at case nito na 3d-printed, Raspberry Pi LIDAR, Raspberry Pi Camera Module NoIr, Lipo Battery, Jumper wires at GPS Module. Para masiguro ang husay at mapatunayang tama ang resulta ng Skynet, lumikom ang grupo ng halos 20 litrato at isa-isang tinukoy ng device ang sakit na nasa larawan.

Base sa kanilang pag-aaral, ang SKYNET ay nakakuha ng 95.5% na average precision, 92.8% precision, at 90.1% recall na nagdidiktang mataas ang kakayahan ng device sa pagkilala ng mga sakit ng halaman at ang resultang ibinibigay nito ay mapagkakatiwalaan.

Pandaigdigang Pagkakilala Ipinamalas ng SKYNET at ang pangkat sa likod nito ang kanilang galing sa pandaigdigang pananaliksik. Ang SKYNET ay nakapasok sa 13th Regional Congress Search for SEAMEO (Southeast Asian

gang 14 ng Hunyo sa Penang, Malaysia. Bagama’t hindi nanalo, ipinagpatuloy pa rin ng mga mananaliksik na ilaban sa iba pang patimpalak ang kanilang pagsasaliksik.

Habang, nito lamang ika-25 ng Agosto, 2024, nasungkit ng pangkat ang “Best Abstract Award” sa kauna-unahang International Conference on Data Science, Artificial Intelligence, Computing, and Information Technology 2024 (ICDSAICIT2024) na ginanap sa isang Google Meet conference.

Nakapasok pa ito sa 7th International Conference on Recent Trends in Multi-Disciplinary Research (ICRTMDR- 24) na gaganapin naman sa Istanbul, Turkey sa darating noong nakaraang Nobyembre 17, 2024.

Tunay na malayo na ang narating at napatunayan nina Apin, Labor, Flores, at Buendia sa mundo ng pananaliksik. Nawa’y madagdagan pa ang mga mananaliksik at pag-aaral na katulad nila na nakatutulong sa mamamayan at nakararating sa malalayong patimpalak.

Hayskulanx

ni: Jenny Dela Cruz

Nwagi sa SEAMEO 2024

akamit ng mga mag-aaral mula sa Camarines Sur National High School (CSNHS) ang ikatlong parangal sa Best in Project Report sa 13th Regional Congress: Search for SEAMEO Young Scientists (SSYS), na ginanap sa SEAMEO RECSAM, Penang, Malaysia mula ika-10 hanggang ika-14 ng Hunyo, 2024.

Binuo nina Xyza Mae B. Ablay, Jhon Paul N. Atacador, Patricia Gabrielle Blando, Aisha Jose De La Rosa, Shandel Liam Jeslen M. Dy, at Rain Delas Llagas ang proyekto nilang pinamagatang “AQUARIUS: AUV-Enabled Quest for Underwater Analysis and Recognition of Intrinsic Substances”. Ang kanilang pag-aaral ay nakatuon sa pagsugpo sa mga suliraning pangkalikasan na patuloy na nakakaapekto sa Naga City River. Ang “AQUARIUS” ay isang device na idinisenyo upang ma-monitor ang tamang pagtapon ng basura, pati na rin ang pagtukoy sa mga nakalalasong kemikal at mga uri ng hayop na posibleng makapagpalala sa kondisyon ng ilog. Layunin nito na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan at mapanatili ang kalinisan ng mga lokal na anyong tubig. Ayon kay Dela Rosa, hindi nila inaasahan ang kanilang pagkapanalo dahil sa hindi maayos na gumagana ang kanilang device ng lumapag sila sa Penang. “Na-shock kami ta dai mi man tig e-expect na mang gagana kami ta inot, kan nag land na kami sa Penang and nag abot na kami sa place na s-stayan mi inot ming tig check is si device mi if may na damage and dai nag gagana and igwa man talaga which is si propeller kan device mi

larawan mula kay Trisha Mae Labor
larawan mula kay John Roy Galvez
larawan mula kay : Aisha Dela Rosa
SKYNET: Ibinida ng Grade 11 TEAM ang drone na pinangalang SKYNET na kanilang itinanghal sa SSYS sa Penang, Malaysia, ika-11 ng Hunyo, 2024. SKYNET: Ibinida
ORGULYONG HAYSKULANO: Buong tapang na dinipensahan nina Jhon Paul Atacador, Shandel Liam Dy, Aisha Dela Rosa, at Xyza Ablay (mula sa kanan papuntang kaliwa) ang mga katanungan ng kanilang hurado sa SSYS nitong ika-11 ng Hunyo 2024 sa Penang, Malaysia.
BAGONG TAGAPAGSULONG:
Lumpur, Malaysia. GALVES

Pagtek

Meta AI: Mukha ng Hinaharap

atuloy na nagbabago ang takbo ng teknolohiya sa ating mundo. Kung kaya tayong palitan nito, ano ang mangyayari sa ating kinabukasan? Sa pagdating ng Meta AI, ang mga sagot ay tila nasa kamay ng makinang ito.

Sa walang humpay na pagsulong ng teknolohiya, isa ang Meta AI sa nagbibigay hugis sa hinaharap. Ang kompanyang Meta ang nasa likod ng tanyag na Facebook at Instagram na ginagamit sa araw-araw. Inilunsad nito ang Meta AI, isang makabagong sistemang naglalayon na mapadali ang takbo ng ating buhay.

Ngunit sa kabila ng kaunlaran, bitbit nito ang mga hamon at panganib na kinakailangang harapin ng lipunan. Isipin mo ang isang mundo na kung saan ang komunikasyon, trabaho, at pag-iisip ay kayang-kayang gawin ng AI. Handa ka bang harapin ang mga hamong kaakibat nito? Ayon sa naitalang datos ng Infrastructure, tinatayang mahigit 83% ng mga mag-aaral ang gumagamit ng AI tools sa kanilang research at upang makakalap ng mga datos na kung tutuusin ay pahirapan noon. Bilang isang mag-aaral, saksi ako sa kung paano naapektuhan ng Meta AI ang kakayahang mag-isip ng mga batang tulad ko. Sa isang click lang ay lalabas na agad ang mga sagot nang hindi na kinakailangang gamitan ng labis na pag-iisip. Mula rito, umaasa nalang sila imbis na sikapin na unawain ang mga aralin. Kasing bilis ng AI ang pagbawas sa pagkakataon na mahubog ang critical thinking. Mula sa pag-susulit na ginawa ng Programme for International Student Assessment (PISA) para sa mga 15-taong gulang, kalimitang mababa ang marka ng mga estudyante patungkol dito at patuloy na hinahanapan ng solusyon. Nagdudulot din ito na makagawa ng pandaraya ang mga estudyante sa mga pagsusulit o kaya naman sa mga takdang aralin na mayroon sila. Apektado ng teknolohiya ang kakayahan ng mga mag-aaral na makisalamuha sa kanilang kaklase o mga guro. Mas pipiliin pa nilang kausapin ang Meta AI upang magsilbing libangan nila. Maliban rito, may ibang isyung hatid ang Meta AI at ito ay ang seguridad ng mga patuloy na gumagamit nito. Kinakailangan nitong kumalap ng malaking datos upang gumana nang husto. Hindi maiiwasang maging agam-agam ang mga tao sa kung paano nito ginagamit at anong klaseng impormasyon ang kinokolekta nito. Paanong hindi mangangamba ang mga gumagamit ng teknolohiyang ito na kung sa bawat katanungan na mayroon sila ay ito ang nagsisilbing takbuhan nila. Samot-saring impormasyon ang ibinibigay nang walang pag-aalinlangan, makamit lamang ang kasagutang hinahangad.

Naging kasangkapan rin ito upang mapalaganap ang mga maling impormasyon tulad ng mga pekeng balita, videos o larawan na kilalang tawagin bilang deepfake at iba pang anyo ng panlilinlang. Sa instrumentong ito ay nakakagawa ng mga maling paraan upang maghimagsik ng kasamaan ang mga taong may tinatagong pakay. Isa pang problema ang kawalan ng trabaho ng mga manggagawa sa iba't ibang sektor. Sa halip na mabigyan ng pagkakataon upang makahanap ng pagkakakitaan ay tila teknolohiya pa ang nagsisilbing kaagaw nila sa pakikipagsapalaran.

Sa kabila ng mga hamong ito, malaki pa rin ang dalang potensyal ng Meta AI sa hinaharap. Ang susi ay nasa tamang paggamit nito. Kinakailangan nito ng responsableng paggamit at mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ukol dito upang maibsan ang mga masalimuot na epektong handog nito. Patunay ang Meta AI na ang teknolohiya ay nagtataglay ng maaaring maging mukha ng hinaharap. Nasa kamay ng ating paggamit kung isang maaliwalas at magaan na hinaharap o isang madilim na landas ang patutunguhan. Gamitin natin ang makapangyarihang instrumentong ito upang matulungan ang ating sarili nang hindi natatabunan ng masalimuot na panganib nito.

Karagdagang Programa para sa SHS PBMS, Bagong Akademikong Track sa Ilalim ng STEM

ni: Carl Stephen Albania

Sa ilalim ng Regional Memorandum 2024-00103 na pinirmahan ni Regional Director Gilbert T. Sadsad, opisyal na nagkaroon ng Pre-Baccalaureate Maritime Specialization (PBMS) ang Camarines Sur National High School (CSNHS) ngayong taong panuruan 2024-2025.

Sa isang post sa Facebook page ng paaralan, ipinakilala na nito ang panibagong programa para sa mga mag-aaral na nakapasa sa pagsusulit ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand. Ang PBMS ay isang modified program kung saan ang tatlo mula sa siyam na asignatura na para sa STEM ay pinalitan ng mga asignaturang nakatuon sa maritime. Ang anim naman na asignaturang natira ay hindi binago. Sa unang semestre, isa sa idinagdag sa kanilang asignatura ay “Intro to Maritime”. Sa unang batch ng programa,

21 mag-aaral ang nakapasa at kasalukuyang nag-aaral sa ilalim nito. Isa sa mga mag-aaral ay si Zejay Caudilla. Ayon sa kaniya, “so far enjoy man since dikit lang kami, and madali lang makiulay sainda, and ang teamwork madali lang.”

(Sa ngayon, masaya naman dahil konti lang kami, madali lang sila maka-usap, at madali lang kami magkaisa.)

Dagdag pa niya, “as a pioneer kang PBMS, masasabi ko na dakol ang pressure samo since kami ang inot na section sa PBMS and sabi ni sir samo dakol

daa nag eexpect samo para sa section na ini. Also, happy kami ta pwede mi tukduan si mga masunod samo next year.”

(Bilang isa sa mga naunang mag-aaral ng PBMS, masasabi ko na malaki ang presyur sa amin kasi kami ang pinakaunang seksyon ng PBMS at sinabi rin samo ng aming guro na marami ang umaasa sa aming seksyon. At saka, masaya kami dahil maaari namin turuan ang susunod sa amin sa sunod na taon.)

Ang CSNHS ay isa sa mga natatanging paaralan na mayroong ganitong akademikong programa para sa mga SHS.

Ang mga mag-aaral na magtatapos sa ilalim ng PBMS ay automatikong mapupunta sa Nippon Yusen Kaisha-Transnational Diversified Group (NYK-TDG) Maritime Academy (NTMA) bilang bahagi ng nasabing programa. Ang NTMA ay ang pinakaunang paaralan na itinatag ng NYK Line mula sa Japan at TDG, isang pilipinong kompanya, kung saan layunin ng paaralan na humulma ng

Bagong Mukha, Panibagong Biyaya

Bawat palit, hindi laging negatibo ang bitbit. Sa panibagong aksiyon ng gobyerno, isa muling proyekto ang nasaksihan nang buo at paniguradong pinaglalaanan ng pondo hanggang sa matapos ito.

Sa siklo ng walang sawang pagpapalit ng anyo ng salapi, pinaigting na seguridad ng kaban ang pilit na kinakamit.

Sa kalagitnaan ng lamig na dulot ng buwan ng Disyembre, panibagong papel pananalapi ang opisyal na ipinakita ng Pangulong Ferdinand E. Marcos kasama si Emol Remolona Jr., gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa masang Pilipino na magdudulot ng positibong epekto sa pampinansyal na katagalan, kalinisan, at seguridad sa yaman ng bansa.

Simula pa lamang 1985, ang mga perang papel ay tuluyang nagbabago nang paunti-unti. Sa bawat pagpalit, mga katangiang nakatatak sa isipan ng masa ang nawawala at napapalitan ng mas matatag na katangiang lalabanan ang banta ng pangongopya. Sa pagpapalit-palit ng salapi, ang R.A. 7663 o “The New Central Bank Act”na pinatatag pa ng R.A. 11211 ang dahilan kung bakit. Kung saan, ang BSP ay may kakayahang unti-unting halilihan ang pangkat ng mga perang salapi o tinatawag nilang New Design Series (NDS). Sa pag-upo pa lamang ng ngayong

pangulo ng bansa, perang may halagang 1,000 piso agad ang iniba ng pamahalaan. Mula sa mukha ng tanyag na mamamayan na sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda and Vicente Lim, larawan ng ibong agila ang humalili. Sa mas malinaw na ulo nito at ilang ilang bahagi pa, sumibol ang hakbang na tuluyang palitan din ang iba pang salapi, ang 50, 100, at 500 pisong papel. Ang perang polimer na pumalit sa perang papel ay mas higit sa iba't ibang larangan, hindi lamang sa katalinuhang dulot ng mga natatanging katangiang tampok sa harap at likod, bagkus pati na rin sa epektong pangkalikasan, kalinisan, at katagala't katipidan na nakasabit. Sa isang pagaaral ng De La Salle University, ang 1,000 pisong perang polimer ay nagdulot di umano ng mas mababang produksyon ng carbon, kumpara sa perang papel. Higit din sa linis ang dala ng bawat polimer dahil sa kakinisan at mukha nitong hindi mapapasukan ng dumi, tubig, at langis. Inaasahan din na tatagal ang buhay ng bawat polimer na salapi na aabutin ng 7.5 na taon, hindi tulad ng mga perang papel na 1.5 taon lamang ang buhay. Mula dito, mas makakatipid nang husto ang pamahalaan sa paglabas ng perang polimer kaysa sa papel.

Mula sa mga tanyag na personalidad na tinulungang pagyamanin ang kultura at kasay-

BUHAY HAYSKULANO, ISA NANG LARO

Ni: Carl Stephen Albania

Isipin mong isa kang magaaral ng Camarines Sur National High School (CSNHS), suot-suot ang iyong uniporme at napapalibutan ng mga estruktura ng paaralan. Ngunit isang araw, bigla mong nalaman na ang paaralan na iyong kinagagalawan ay napuno na ng mga AI robot. Ano kaya ang iyong gagawin? Iyan ang kuwento ng Hayskulanx Odyssey, isang laro na binuo ng pitong mag-aaral sa Senior High School ng nasabing paaralan.

Mula sa mga ideya nina John David Laureles, Rian Zedrick

Dela Cruz, Emmanuel Malana, Joshua Atizado, Zyrus Antonio, Ledwin John Bravo, at Paul Benedict Prado kasama ang paggabay ni Gg. Marvin Marquez, nabuo ang Hayskulanx Odyssey.

Ang salitang Odyssey ay nangangahulugang paglalakbay. Sa larong ito, layunin ng isang hayskulanx o maglalaro na maglalakbay upang hanapin at puksain ang lungga ng mga robot na ito.

Sa larong ito, maaaring gumalaw ang karakter sa iba’t ibang direksyon. Ang pinakalayunin nito ay makakolekta ng limang susi upang makapagpatuloy sa susunod na yugto ng laro kung saan mayroong tatlo nito. Kapag nakasalubong nito ang isang robot, ang karakter ay papuputukan ng mga bala na gawa sa plasma at mayroong kaakibat na katanungan. Kung ito ay tama, maaaring magpatuloy sa laro. Kung mali, mababawasan ng isa ang buhay ng manlalaro. Mayroon lamang tatlong buhay ang isang laro at kapag ito ay naubos, matatapos na ang laro ngunit kapag mayroon kang iba pang kasama sa laro, hindi ito agad matatapos.

Upang mabuo ang laro, ginamit ang iba’t ibang program-

ming language tulad na lamang ng Hypertext

sayan ng Pilipinas, mga nanganganib na halaman, hayop, at pook sa bawat sulok ng bansa ang ipinalit ng pamahalaan mula sa perang papel patungong perang polimer.

Sa bawat tingin at hawak sa perang pinalit, inaasahan hindi lamang ng pangulo, kundi ng BSP na ang bawat Pilipino ay magbigay halaga at alaala sa mga hayop, halaman, at lugar na makikita sa bawat salapi.

Sa kabila ng mga lamang na katangiang dulot ng perang polimer, may mga negatibong epekto pa rin itong bitbit. Pagkupas ng angking ganda at kulay, at lubos na kadulasang aabot sa hindi maayos na usapang pampinansyal ang kawalan ng perang pinalit. Ang bawat negatibong nakakapit sa perang polimer ay pansamantala lamang, mas mabigat at mahalaga pa rin ang mga maitutulong nito sa sambayanan at kalikasan.

Iba't ibang mga positibong epekto sa bayan at kapaligiran ang dala-dala ng mga perang polimer na binibida ang mga katangiang lubos na nagpapaalala sa bawat Pilipino na sariwain at pahalagahan ang mga yamang matatagpuan sa sarili nilang bayan. Mula rito, mapagtatanto na ang bawat salaping may bagong mukha ay kadugtong ng panibagong biyaya.

Markup Language (HTML) at Cascading Style Sheets (CSS) para sa webpage support ng laro, HTML Canvas para sa workspace ng laro, at JavaScript upang gumana ang laro. Ginamit din nila ang Visual Code Studio para sa Integrated Development Environment o IDE ng laro.

Ang libangang ito ay hindi lamang maaaring gamitin online kundi offline din. Ayon sa lider ng pangkat na si John David Laureles, hinati niya sa dalawa ang kaniyang mga kagrupo upang gawin ang online at offline na bersyon ng laro.

Maaaring itong laruin ng mag-isa o may kasama tulad ng iyong mga kaibigan. Naging posible ito dahil sa dalawa pang programang ginamit nila, ang Node.js at Socket.io.

Ang Hayskulanx Odyssey ay isang proyekto ng mga mag-aaral sa ilalim ng asignaturang Programming at planong ibida ito sa darating na Software Exhibition sa paaralan sa darating na Enero.

Hindi lamang sa loob ng paaralan natunghayan ang laro, kundi pati rin sa Cagayan De Oro kung saan itinampok nila ang online na bersyon nito sa paligsahan na kanilang sinalihan, ang Level-Up: DOST Esports Game Development Challenge kung saan nakapasok sila sa top 10. Hindi man nila nakuha ang panalo, pinatunayan ng ginawa nilang Hayskulanx Odyssey na may ibubuga rin ang mga hayskulano’t hayskulana sa larangan ng paggawa ng mga E-Sports sa Pilipinas.

ni: Jenny Dela Cruz
EDITORYAL
LATHALAIN
dibuho ni: Iyessa Hufancia
larawan mula kay: John David Laureles
PAGLAOT SA PANGARAP.: Aktibong nakikilahok sa klase si Zejay Caudilla, mag-aaral mula sa Pre-baccalaureate Maritime Strand (PBMS) ng ika-11 na baitang sa Camarines Sur National High School.
Larawang kuha ni: Gab Ephraim Alano

Makabagong Teknolohiya Naipakilala

Inobasyon ng mga mag-aaral mula CamHigh pasok sa Bett Asia School Challenge

Pasok ang inobasyon ng dalawang grupo ng mga magaaral mula sa Camarines Sur National High School (CSNHS) sa Bett Asia School Challenge sa Kuala Lumpur, Malaysia na gaganapin sa ikalawa hanggang ikaapat ng Oktubre, 2024.

Kinilala ng Bett Asia ang dalawang grupong TNL 49 at O.AS.IS gayundin ang kanilang mga makabagong teknolohiya bilang isa sa top 3 finalists na live na maitatanghal sa kanilang School Challenge.

Binubuo ang TNL 49 ng mga magaaral ng Senior High School na sina Carl Stephen G. Albania, Kenneth Christian P. Avila, Marc Lewis V. Binabay, Tyra Fei L. Pangan, at Yzza Gwyneth F. Cecilio, gayundin ang kanilang coach na si John Roy V. Galvez.

Samantala, kinabibilangan naman ang O.AS.IS ng mga mag-aaral ng Junior High School na sina Brianna Kelly P. Grageda, Ruby Ann N. Pastrana, Sabrina Zaine B. Alonzo, at Princess Habibah M. Hadjiomar, gayundin ang kanilang Coach na si Ma. Cynthia Baral.

Ipamamalas ng grupong TNL 49 ang kanilang device na pinangalanan nilang “WARDEN” na ang pangunahing layunin ay magbantay sa kalikasan.

“Iyong napili kasi naming challenge ay ‘yung Sustainable Development Goals (SDG) 15 na Life on Land para mamonitor namin ‘yung wildlife kasi hindi siya masyadong nabibigyang pansin. Karamihan lang kasi sa napapansin ay ‘yung urbanization at iba pang aspeto ng buhay bukod sa wildlife,” ayon sa pinuno ng TNL 49 na si Cecilio.

Ayon pa sa kaniya, ang “WARDEN” ay nagbibigay alam sa mga kaugnay na awtoridad tungkol sa mga anomalyang sitwasyon na nagaganap sa lugar na inoobserbahan nito dahil nasusubaybayan nito ang kalidad ng hangin at presensya ng buhay sa wildlife.

“Maproprotektahan nito ang wildlife mula sa mga mahihirap at malalang kondisyon,” dagdag pa ni Cecilio.

Nabanggit pa ng isang miyembro ng TNL 49 na si Binabay na namomonitor nito ang kalidad ng hangin sa wildlife gamit ang iba’t ibang

Pagdapo ng mga Pagatpat: Pag-alimpuyo ng Kalikasan at Kalinisan

Sa mga nagdaang buwan, naging kapansin-pansin ang dagsa ng mga ibon sa Plaza Quezon at ibang parte ng lungsod ng Naga, may mga ibon sa mga puno ngunit mayroon din sa mga kable ng kuryente. Sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, sila ay tila mga banderitas na nagkukumpulan at nagdulot ng halong saya at pahamak sa mga residente.

Ang mga ibong ito ay ang white-breasted woodswallow o mas kilala ng mga lokal na mamamayan bilang pagatpat. Sila ay mga nomadic o lagalag at mayroong natatanging puting dibdib at pinaghalong asul at kulay abo na katawan.

Habang ang mga ibon ay isang paalala ng likas na ganda ng kalikasan, ang kanilang dumi o ipot na nagkalat sa mga pampublikong lugar ay nagiging sanhi ng mga abala sa buhay ng mga tao. Mula sa mga sasakyan hanggang sa mga linya ng kuryente, makikita ang kanilang dumi na nagsimulang magdulot ng perwisyo sa mga residente at negosyo.

Hindi lamang abala ang maaaring dala ng mga pagatpat sa Naga. Ang kanilang mga dumi ay maaari din magdulot ng sakit, tulad ng avian tuberculosis, ornithosis, at histoplasmosis, na posibleng maipasa sa mga tao.

Bukod dito, ang mga pagatpat

ay nagiging sanhi rin ng problema sa sistema ng kuryente ng Naga. Ang mga dumi ng ibon ay nagdudulot ng ground fault sa mga linya ng kuryente, na nagiging sanhi ng biglaang pagkawala ng kuryente; isang isyung labis na nakakaapekto sa mga residente, lalo na sa mga oras na pinakamahalaga ang suplay ng kuryente para sa mga negosyo at pang-araw-araw na buhay.

Ayon kay Engr. Dan Cea ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), bagama’t naiintindihan nila ang hinaing ng publiko, hinahanap pa nila ang tamang solusyon upang balansehin ang pangangalaga sa kalikasan at kalinisan ng lungsod. Hinihikayat niya rin ang mga residente na magpakita ng pasensya at pang-unawa sa abala na dulot ng pagatpat.

Sa kabila ng hamon na dulot ng mga pagatpat, mahalaga pa rin na kilalanin ng bawat mamamayan ang papel ng mga ibon sa ating kalikasan at patuloy na magsagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng kalikasan at kalinisan sa lungsod.

UNTI-UNTING PAGBABAGONGNAGA

naaangkop na sensors upang matiyak ang stable at pollution-free air.

Samantala, ipinamWalas ng grupong O.AS.IS sa SDG 14-Life Below Water ang kanilang binuong proyekto na tinawag nilang “ANEMONE” na may layuning matukoy at malinis ang mga basura sa marine environment para sa isang “sustainable future.”

“Makatutulong siya sa napakaraming tao lalo na sa mga mangingisda at iba pang mga taong naghahanap-buhay sa dagat. Maaalagaan nito ‘yung mga isda. Napakahalaga po kasi sa ating kapaligiran ang mga nilalang sa dagat,” ayon sa miyembro ng O.AS.IS na si Grageda. Ang proyekto ng dalawang grupo ay pinasimulan ng Technology and Livelihood Education (TLE) Department ng CSNHS at bahagi ng isa sa mga aktibidad ng YES-O Club ng paaralan kung saan makakasama rin nila sina Francia O. Orillosa at Kristine B. Santelices upang magsilbing gabay sa kanilang kompetisyon.

Sinimulan ng dalawang grupo ang kanilang proyekto noong Mayo at naging kwalipikado noong Agosto 12, 2024 kung saan kinumpirma ito ng Event Product Director ng Bett Asia na si Bjorn Sirum nitong Agosto 14, 2024 sa kanyang ipinadalang mensahe.

Papangunahan ng Bett Asia ang ikalawang edisyon ng School

Challenge na bukas sa mga mag-aaral na edad 7 hanggang 17 mula sa Timog Silangang Asya na kinabibilangan ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam upang maisulong ang malikhaing pag-iisip at makabagong ideya sa malalawak na saklaw, at upang magbigay solusyon sa United Nations Sustainable Development Goals (SDGs).

ni: Carl Stephen Albania

Upang bumuo ng mas matibay na lungsod, opisyal na pinirmahan ng Naga

City Mayor Nelson S. Legacion ang isang Memorandum of Understanding na nagsasaad nga nito kasama ang Department of Science and Technology (DOST) — Region V, upang gawing model smart city ang Naga.

Sa pamamagitan ng Innovation, Science, and Technology for Accelerating Regional Technology-based Development (iSTART) Strategy, gagawing posible ng dalawang pangkat ang ideya.

Upang mas mapagplanuhan, nagsagawa ng Smart City Roadmapping Workshop noong ika-12, ika-13, at ika-20 ng Agosto sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST). Dumalo sa workshop ang iba’t ibang mga kawani ng lokal na gobyerno ng Naga kasama ang mga pampubliko at pribadong organisasyon, at akademikong institusyon na hinati sa anim na pangkat; Smart Living, Smart People, Smart Government, Smart Economy, Smart

Environment, at Smart Mobility.

Tinalakay sa workshop ang iba’t ibang mga isyu sa Science, Technology, at Innovation (STI), at solusyong naayon sa Comprehensive Development Plan (CDP) ng lungsod. Kasama ni Legacion sa pagpirma ang Regional Director ng DOST Region V na si Rommel Serrano, CESO III.

Ang iSTART ay nagsusulong ng balanseng pag-unlad ng rehiyon sa pamamagitan ng mga polisiyang at puhunan base sa STI. Ito ay parte ng programang Smart and Sustainable Communities (SSC) Program ng DOST na may layuning paigtingin ang teknolohiya at kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

ni: Aprille Monique Corong
ni: Vincent Reyes
LATHALAIN
larawan mula sa: Bett Asia
larawan mula sa: iNaturalist.org
larawan mula sa: Naga City Government
HAYSKULANO PRIDE: Ibinida nina Yzza Gwyneth Cecilio (Kaliwa), Marc Lewis Binabay (Gitna), at Tyra Fei Pangan (Kanan) ang kanilang proyektong Warden sa Bett Asia Summit, ika-3 ng Oktubre 2024 sa Penang, Malaysia.
SMART CITY: Pinangunahan ni Nelson S. Legacion, alkalde (nakatayo), Rommel Serrano, Regional Director ng Department of Science and Technology (Kaliwa), at ilang opisyal ng lungsod ang plano ng pagiging Model Smart City ng Naga sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology, ika-20 ng Agosto 2024.

isports

Milante bigong maiuwi ang panalo sa CAMHI kontra USANT

Tagisan ng bilis at lakas ang ipinamalas ng dalawang koponan sa ginanap na 5x5 Mens Tune Up Basketball Game sa Holy Rosary Major Seminary, Concepcion Pequena sa pagitan ng Camarines Sur National High School (CSNHS) at University of Saint Anthony (USANT), Disyembre 27, 2024.

Nagpakitang-gilas ang small forward at point guard ng CSNHS na si Cristobal Artiaga Milante na nag ambag nang apat na alley-oop, dalawang bank shot, tatlong free-throw, at isang buzzer beater na nagpagalak sa manonood sa loob ng 35 minuto.

“ The best ang pinakita naming play kanina at the best rin ang coaching technique ni coach,” pahayag ni Milante matapos ang laro.

Binuksan ni MJ Iblan ng USANT ang unang quarter ng laro sa pamamagitan ng open shot at lay-up na nagpa-angat sa kanilang puntos, 3-0.

Sinundan naman ito ng manlalaro ng CSNHS na si peter Carl Navarro na nagpakawala ng mapwersang lay-up na naging daan upang mahabol nito ang puntos ng kalaban, 2-3.

Red Anne Tolite at Kyurogi MVP Angela Jayness Abesa na nasa parehong antas ng Blue Belter Cadet. Sabi ni CSNHS coach Ma. Leslie Anne Mañago, masaya at bilib sila sa kanilang manlalaro dahil nagagawa nitong makipagsabayan at magpursige kahit na mga baguhan pa lamang.

“Syempre super happy and proud ako sa mga players ko though baguhan palang sila atleast nakikitaan ko na sila ng malaking potential,” ani Mañago. Dagdag pa nito, nagbunga ang kanilang mga paghahanda at binibigyan nila ng tiwala ang kanilang mga atleta sa larangan ng taekwondo. “Nagbunga ng magandang resulta ang training nila.. ang tiwala ko sakanila as coach ay laging andiyan, andito lang ako palagi sa kanila to push them into their limits and nagbunga naman,” dagdag pa ng tagapayo.

Humataw si Tolite ng unang parangal sa Pomsae Individual Category Event nang magpakita ng malilinis na galaw sa Taeguk 5 na kumana ng 7.933. Sumunod sa pwesto si Paul Kian Barrameda, blue belter Cadet, at nasa ikatlong parangal naman si Krystal Villarosa, red belter Cadet ng CSNHS. Naiuwi rin ni Angela Jayness Abesa ang gold medal at ang titulo bilang MVP sa Fin Weight Category, na sinundan naman ng panibagong gold ni Khixzer Art Mañago at bronze mula kay Trisha Mae Agao. Tumirada ng gold sa Light Weight Category si Reanne Tolite, at silver naman kay Maria Loren Benosa. Mainit na tinapos ni John Patrick Salinas ang laban sa Bantam Weight Category at Fly Weight Category nang makuha nito ang dalawang ginto at unang pwesto sa nasabing kategorya gamit ang mga axe kick at round house tungo sa kalaban. Sumipa’t nagawang tumungtong sa ikatlong pwesto ni Andreyhana Arlegue sa Welter Weight Category, na naging dahilan upang mapasakamay niya ang bronze medal sa kategorya. Ayon sa sinabi ni Mañago, ginagawa nila ang pagsali sa mga torneyong ito para paghandaan at upang hasain ang kanilang mga kalahok sa larangan ng taekwondo.

“Kaya kami sumasali sa mga ganitong invitational tournament para sa paghahanda sa incoming Palarong Panlungsod kasi ang mga private schools talagang veteran players ang manlalaro nila so kailangan namin humabol sa experience nila,” saad ni Mañago.

Aarangkada muli ang mga lobo sa darating na Public School District Meet sa Enero 3 hanggang 5, 2025. Gaganapin naman ang Division Meet sa susunod na Enero 31 hanggang Pebrero 2 na susundan ng Bicol Meet sa Legazpi City sa Marso 10-16.

CamHi naibulsa ang panalo...

Natapos ang unang quarter ng mababa pa ang tensyon ng dalawang koponan at nag iwan pa ng isang open shot si De Loyola upang manguna sa laro, 7-2. Walang sinayang na oras ang dalawang grupo at agad nilang binuksan ang ikalawang quarter at maaga rin nagsimula ang mga kaguluhan tulad ng sunod-sunod na traveling at mga errors.

Sa kabilang banda, hindi parin natinag ang CamHi at agad naman itong naglatag ng lay-up at open shot sa pangunguna nina Jesha Mojedo at Enraca na naging dahilan upang iwanan na nitong tuluyan ang USANT, 11-2.

Nakapag pasok naman ng bola ang #12 player ng USANT matapos ang sunod-sunod na aberyang kanilang naranasan at dahil rin sa travelling na ginawa ni Roxanne Ocsales ng CSNHS, 4-11.

Agad namang bumawi ang CSNHS at nagpakawala ng lay-up at free throw dahil sa foul ng #22 ng USANT naging susi upang makapuntos si Enraca at Edzhel Mendoza, 15-4. Nagwakas ang ikalawang quarter sa bank shot ng #27 ng USANT, ngunit kulang pa ito upang mahabol nito ang nangingibabaw na puntos ng CSNHS, 6-15.

Malagim na nag umpisa ang ikatlong quarter sa USANT dahil sa ankle break na naranasan ng #6 player nila at naging dahilan rin ng maagang Time Out.

Matapos ang time out agad itong binigyan ng pagkakataon na makapag free throw na naging resulta upang bumwelta ulit ng isa pang bank shot mula rin sa #2 player ng USANT, 9-15. Nabuhay naman muli ang CamHi at agad rin itong nag

Sinabayan din ito ng lay-up at alley-oop ni Milante upang umangat ang kanilang puntos sa sumunod na tatlong minuto, 10-5. Hindi rin nagpahuli ang beteranong manlalaro na si John Christopher Valle ng CSNHS gamit ang bank shot at pagsupalpal ng bola mula sa USANT, 14-9.

Pinatunayan talaga ni Milante ang kaniyang galing sa paglalaro ng basketball sa pagpakawal nito ng lay-ups kasabay ang mabilis na footwork na naging daan upang iwanan na nito ang USANT sa unang quarter, 22-14. Natapos ang unang quarter ng laro sa puntos na 27-14 sa pagtutulungan nina Romeo Reyes III at Navarro sa paraan ng pagpasa ng bola sa bawat isa.

Sinimulan ng nag iinit na ulo ng manlalaro ng CSNHS na si Kent Laurence MOtil tungo sa kaniyang kalaban na si Monge ng USANT na naging dahilan upang makapaglatag ng dalawang free throw, 16-27.

Sinundan naman ito ng sunod-sunod na pushing foul ni Ferdie Tuyay ng USANT patungo sa manlalarong si Navarro ng CSNHS na naging sanhi ng pagka-angat nito sa kanilang puntos, 30-21.

Sunod-sunod na free throw at lay-up ang ipinamalas ni Iblan kasabay ni Tuyay upang makahabol sa puntos ng CSNHS, 30-37. Iniwan ng tuluyan ng CSNHS ang USANT sa

pakawala ng alley-oop at layup ng magkasunod sa pagtutulungan ni Berry Taz Bolocon at Dela Cruz, 19-9.

Sa mga sumunod na oras muling nagkaroon ng aberya dahil sa pagka injury ng #1 ng USANT dahil natamaan ito ni Mojedo sa batok na naging dahilan upang makapag sub ang #3 player ng USANT at maka pag lay up kaagad, 11-21.

Dahil sa sunod sunod na error din na naranasan ng CamHi si Bolocon at Mojedo ay tinapos ang ikatlong quarter matapos ang intensibong bakbakan sa ere ng dalawang koponan sa pamamagitan ng lay up at bank shot, 25-13.

Bomba, amba at outside ang nanguna sa dalawang koponan sa pagsisimula ng huling quarter na agad naman kinasabik ni De Loyola at Edzhel Mendoza upang magtulungan kumubra ng puntos sa pamamagitan ng mga open shot at bomba shot, 29-13.

Hindi na pinalasap muli ng CamHi ang USANT ng puntos at agad nitong tinapos ang laro sa pamamagitan ng alley-oop at bank shot ni De Loyola at Mojedo dahil marami ng manlalaro ang natutumba at napapagod na., 33-13.

“Thank you… Better offense and momentum nila sa defense,” yan ang masasabi ni De Loyola sa USANT matapos ang nag iinit na laban.

Mag-eensayo pa ng tuluyan ang basketball team ng CamHi para sa mga paparating na laban at sa kanilang inaabangan na Palarong Panlungsod sa Enero.

paraan ng footwork at pag-clutch ni Navarro ng bank shot, 39-32. Salpukan kaagad ng simulan ni Navarro ang ikatlong quarter gamit ang tres na pinakawalan nito, kasabay ng alley-oop ni Valle, at bank shot ni Motil na nagpalamang sa unang dalawang minuto ng laro, 46-32. Sumabay naman ang USANT sa pag-arangkada ng CSNHS sa mga open shot at bank shot nina Tuyay at Paranal na naging daan upang makahabol ito, 44-46. Git-gitan ang laban pagdating sa kalagitnaan ng laro matapos ang salit-salitang boardshot na pinakawalan ni Milante at airball naman kay Paranal, 55-53. Naghiyawan ang manonood pagdating sa huling tatlong segundo ng laro matapos mag buzzer beater si Milante at makopo ang panalo sa ikatlong quarter, 59-54.

Determinadong makuha ng USANT ang panalo kaya nagpakawala ito ng sunod-sunod na lay-up sa tulong ni Hugo sa huling quarter ng laro, 59-61. Dikitan ang puntos sa sumunod na tatlong minuto ng laro sa palit-palitang free throw nina Navarro ng CSNHS at Tuyay ng USANT na humantong sa magkaparehong puntos, 63-63. Hindi nagpatinag ang CSNHS Players at agad itong nagpamalas ng sunod-sunod na lay-up asa pangunguna ni Milante katuwang ni Navarro, 67- 63. Sa kasamaang palad ang manlalarong si Milante ng CSNHS ay pinulikat sa kalagitnaan ng laro na naging bentahe sa USANT upang makabawi ito. Umabante

Bigong madepensahan ang panalo

Bigong maiuwi ng mga mananayaw ng Mass Dance ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang unang gantimpala sa ginanap na Mass Dance Competition para sa 2024 Penafrancia Festival sa Plaza Quezon, noong Setyembre 18.

Kinikilala ang nasabing kompetisyon bilang isa sa mga pangunahing bahagi ng taunang selebrasyon.

Mahigit kumulang 131 Junior High School mag-aaral ng CSNHS ang nakisayaw at nagpakitang-gilas sa nasabing kompetisyon upang maiuwi muli ang gintong korona.

Nag-umpisa ang pagpili ng mga mananayaw noong nakaraang Agosto 8 sa pamumuno ni John Michael Pastor at iba pang guro sa MAPEH Department.

Puspusan ang pagsasanay ng mga kalahok upang mapanatili nila ang titolong unang gantimpala sa tulong ng kanilang tagapag-ensayo na si Mei Prado.

Hirap at tiyaga ang naging puhunan ng mga mananayaw upang mabuo at mahubog nila ang kanilang mga routine para sa kompetisyon.

Subalit, mas nangingibabaw pa rin sa kanila ang kasiyahan at pagkakaisa sa bawat hirap na nararanasan.

Hinubog din nila ang kanilang disiplina, pagtitiyaga, at tamang kaugalian habang nag-eensayo dahil isa ito sa kanilang naging daan sa panalo.

Ngunit, sa gitna ng kanilang mga pagod at pagpupursige bigo pa rin nilang protektahan ang gintong korona na siya naman nilang ikinadismaya.

“It was another memorable experience as of 2nd inter Mass dance kahit pa may

mga struggles kami, and may mga time din kami na carefree kami, and enjoyable siya at the same time the moment and time we had with each other,” ayon sa kanilang lider na si Sam Tianela.

Sa ngayon hawak ng Concepcion Pequena National High School (CPNH) ang titulo sa unang gantimpala na kanila namang iingatan.

Mapupunta ang 70% nang perang nalikom sa ginawang lakaw-dalagan fundraising program sa mga atleta ng paaralang ito at ang 30% naman sa Division Sports Fund ng lungsod na ito.

Ni: Prince Mac Laquindanum
mula sa pahina 16
Ni: Prince Mac Laquindanum
Ni: Prince Mac Laquindanum
Ni: Charie Magoljado

Amaro: Alon ng Husay at Tagumpay

a kabila ng mga hamon sa larangan ng palakasan, patuloy na nagbubunga ng tagumpay ang dedikasyon at talento ng mga kabata-

Isa na rito si Albert Jose Amaro II mula sa Naga City na kamakailan lamang ay gumawa ng makasaysayang pagtatanghal sa Batang Pinoy 2024 National Championships sa Puerto

Sa Boys 16-17 100-meter Freestyle, itinala ni Amaro ang bagong record na 52.59 segundo, binasag ang kanyang dating marka na 53.29 segundo. Hindi dito nagtapos ang kanyang tagumpay, dahil binura rin niya ang sariling rekord sa 50-meter Freestyle, mula 24.53 segundo patungo sa bagong oras na

Ang Huling Pagaspas

Ang taong ito ang nagsisilbing ikatlo at huling pagsali ni Amaro sa Batang Pinoy, isang yugto ng kaniyang karera na puno ng tagumpay at makabuluhang karanasan. Sa bawat kompetisyon, ipinakita niya ang walang kapantay na determinasyon, na nag-udyok upang magdala ng karangalan hindi lamang para sa kanyang lungsod kundi para rin sa buong bansa.

Pagkilala sa Hinog na Talento

Ang 17-anyos na si Amaro ay isa sa mga pinakakahanga-hangang manlalangoy ng bansa. Bago pa man ang Batang Pinoy, naipakita na niya ang kaniyang galing nang makakuha ng pitong gintong medalya sa

Huwag limitahan ang Palakasan

Sa kabila ng tagumpay ng mga Pilipinong atleta sa iba’t ibang larangan, nananatiling basketball ang pinakamalaking prioridad sa sports development at funding sa Pilipinas. Sa mga komunidad, eskwelahan, at maging sa mga pambansang programa, malinaw na basketball ang hari ng palakasan.

Ayon sa datos mula sa Philippine Sports Commission (PSC), malaking bahagi ng pondo para sa grassroots programs at national teams ay napupunta sa basketball. Sa parehong aspeto, malaki rin ang sponsorship deals na natatanggap ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng Gilas Pilipinas.

Samantalang ang mga sports tulad ng athletics, swimming, at weightlifting ay nangangailangan pa ng mas maraming pondo, lalo na’t maraming Pilipinong atleta ang nagpapatunay ng kanilang husay sa international stage. Ang kamakailang tagumpay ni Carlos Yulo, na isang 2 Gold Medalist sa larangan ng Gymnastic, ay nagpapatunay na may iba pang sports kung saan kaya nating magtagumpay, kung ito ay mabibigyan ng sapat Sa kasalukuyan, nakikita ang malaking agwat sa

Palarong Pambansa noong Hunyo. Ang kaniyang disiplina at hindi matatawarang sipag sa training ang nagdala sa kanya sa kasalukuyang tagumpay.

Inspirasyon Para sa Susunod na Henerasyon Hindi lamang rekord ang naitala ni Amaro sa kompetisyon, nag-iwan din siya ng inspirasyon sa mga kabataang lalo na sa mga atleta ng Camarines Sur National High School nangangarap sa larangan ng swimming at makapagkamit ng panibagong record sa Batang Pinoy. Ang kwento niya ay patunay na ang tagumpay ay abot-kamay sa sinumang may tiyaga at determinasyon.

Bukod dito, ang kanyang kuwento ay isang paalala na kailangang patuloy na suportahan ng gobyerno, pribadong sektor, at mga lokal na pamahalaan ang mga kabataang atleta. Sa mas maayos na mga pasilidad, sapat na pondo, at mga oportunidad, mas marami pang “Albert Amaro” ang maaaring magbigay ng karangalan sa bansa.

Pagpapakilala sa Panibagong Mundo Ang pag-ukit ng bagong rekord sa Batang Pinoy ay hindi lamang panandaliang tagumpay para kay Amaro, kundi simula pa lamang ito ng isang mas malawak na karera sa larangan ng swimming. Bagama’t ito ang kaniyang huling paglahok sa Batang Pinoy, malinaw na ang kaniyang landas patungo sa mas malalaking olympic pool ng palakasan ay nagsisimula pa lamang. Si Albert Jose Amaro II ay tunay na isang inspirasyon at simbolo ng husay ng kabataang Pilipino. Isang pagpupugay para sa batang manlalangoy na nagdala ng karangalan para sa bansa at nagbigay ng pag-asa sa bagong henerasyon ng mga atleta.

atensyon at pondo na natatanggap ng basketball kumpara sa iba pang sports. Bagamat hindi maikakaila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa laro, nararapat na balansehin ang suporta sa iba pang larangan, lalo na’t maraming Pilipinong atleta ang lumalaban at nananalo sa global stage.

Ang tagumpay ng mga Pilipino sa sports ay hindi lamang dapat nakasentro sa basketball. Ang iba pang palakasan tulad ng weightlifting, boxing, at football ay nangangailangan ng tulong upang makilala at makapagbigay ng karangalan sa bansa. Ang paglikha ng mas pantay na funding at suporta ay isang hakbang upang maitaguyod ang sports bilang susi sa pag-unlad ng kabataang Pilipino.

Sa kabila ng pagmamahal sa basketball, panahon na upang bigyan din ng pansin ang ibang sports na maaaring magbigay ng mas maraming tagumpay sa hinaharap.

Matalas na utakan hindi palakasan

ni: Joshua Atizado

Utak ang labanan ngunit hindi kilala pagdating sa laban na pang-pisikal, sari-saring bagay ang napapaisip at nagtataka kung isang larong pampalakasan ang chess, sa taglay nito na hindi ginagamitan ng pisikal na lakas. Sa kabila ng katotohanan, hindi man nakikipagtunggali ang mga manlalaro ng chess sa lakas ng katawan, napakahalaga pa rin sa kanila na nasa mahusay na kakayahang pang-katawan.

Block Blast: Laro ba o Distraksyon lamang sa Kabataan?

UNBELIEVABLE… PERFECT… AMAZING…

Ang sarap pakinggan ng mga salitang ito pag ikaw ay nakaka pag tagpi tagpi ng mga blocks sa panibagong larong nauuso. Kaya naman sa modernong mundo ng gaming, maraming online games ang naglalaban-laban para sa atensyon ng mga manlalaro. Ngunit may isang laro na unti-unting nagiging paborito ng mga mahilig sa puzzle games. Ito ang Block Blast. Sa una, maaaring magmukha itong isang simpleng laro, pero ang diskarte, bilis ng pag-iisip, at tiyaga na kinakailangan dito na dahilan kung bakit maraming tao ang nahuhumaling dito.

Pag-usbong ng Panibagong Kinahihiligan

Ang Block Blast ay isang mobile game na may mala-Tetris na mekanika, ngunit may mas modernong twist. Ang layunin ay punuin ang mga linya gamit ang mga piraso ng block upang mag-clear ng espasyo at makaipon ng puntos. Walang time limit, ngunit habang tumataas ang iyong iskor, nagiging mas mahirap ang paglalagay ng mga blocks sa limitadong espasyo. Ang simpleng konsepto na ito ang dahilan kung bakit ito madaling matutunan ngunit mahirap masterin.

Intensyong Tulong

Ang Block Blast ay tila simpleng laro, ngunit ang hamon nito ay bumabalot sa atensyon ng mga manlalaro. Gamit ang mga blocks na kailangang ilapat sa tamang posisyon upang mag-clear ng linya, kailangan ang mabilis na pag-iisip at maingat na Bukod sa kasiyahan, sinasabing nakatutulong ang laro sa pagpapatalas ng utak. Ayon kay Morgan Shaver, isang writer at tetris enthusiast, “Ang mga larong tulad ng Block Blast at Tetris ay nagbibigay ng cognitive benefits, tulad ng pagpapabuti ng focus, problem-solving skills, at memorya.”

Epekto sa Puwang na Kaisipan ng Kabataan

Gayunpaman, may mga hindi kaaya-ayang epekto rin ang paglalaro nito. Sa maraming paaralan, napansin ng mga guro na nagiging sagabal ito sa atensyon ng mga estudyante.

Ipinahayag ni Christine Gaile Dimatatac, isang senior high school student, ang negatibong epekto nito. “Nakaka-distract siya in the way na habang may teacher sa unahan ako ay gumagamit ng phone para mag kawat lang block blast and sometimes mayo akong nasisimbag sa quiz”.

Ang Tamang Balanseng Kailangan

din ang chess ng matatalas na pag-iisip sa paglaro, kadalasang hindi ito nakikilala sa parehong antas. Hindi nakikipagkompetensya ang mga manlalaro ng chess batay sa pisikal na lakas, ngunit mahalaga pa rin sa mga manlalaro ng chess na mapanatili ang kanilang pisikal na kondisyon. Sa katunayan, kinakailangang panatilihin ang utak ng mga kalahok sa chess dahil nakabatay ang labanan sa utak at kakayahan, hindi sa pisikal na lakas. Lalong-lalo na madalas tumagal ang laban sa pagitan ng mga manlalaro ng 7, 8, o kahit 9 na oras, kung saan sinasalamin ng larong chess na mayroon itong kabatiran at kumplikadong estratehiya. Hindi

Ang Block Blast ay maaaring parehong mental exercise at distraksyon, depende sa paggamit nito. Ang laro mismo ay hindi masama, ngunit ang labis na paglalaro at kawalan ng disiplina ang nagiging ugat ng problema. Kung gagamitin nang tama, maaari itong maging tool para sa stress relief at ehersisyo sa utak. Ngunit kung ito ang nagiging hadlang sa mahahalagang gawain tulad ng pag-aaral, dapat na itong kontrolin.

Ang Tamang Balanseng Kailangan

Habang lumalawak ang popularidad ng Block Blast, hindi malayong maisama ito bilang bahagi ng E-sports. Ang simpleng gameplay mechanics nito ay maaaring gawing mas kapana-panabik sa pamamagitan ng may limitadong oras lamang o multiplayer competitions. Ang Block Blast ay patunay na kahit ang mga simpleng laro ay may kakayahang maging mas makabuluhan at maimpluwensya. Sa bawat block na inilalagay, hindi lang diskarte ang naisasabuhay ng isang manlalaro, kundi pati na rin ang mga aral ng pagtitiyaga, tamang pagpapasya, at dedikasyon na mga katangiang mahalaga hindi lang sa laro, kundi pati na rin sa totoong buhay. Sa isang banda, isa itong mental exercise na nagpapatalas ng isipan. Ngunit sa kabilang banda, kung hindi ito nakokontrol, maaari itong maging hadlang sa edu kasyon. Ang hamon ay nasa kamay ng mga manlalaro, kung paano nila gagamitin ang laro para sa kanilang benepisyo, hindi bilang sagabal sa kanilang pag-unlad. Sa huli, ang tamang balanse gawing positibo ang karanasan sa

Ni: Angelo De Luna
OPINYON
LATHALAIN
LATHALAIN

Larawang kuha ni: Gab Ephraim Alano

GINTONG GALAW : Naibulsa ni Queenie P. Chavez ng Camarines Sur National High School (CSNHS) ang apat na gintong medalya sa larangan ng gymnastic sa ginanap na Palarong BIcol 2025 sa Legazpi Convention Center, Legazpi City, noong Marso 25, 2025

Queenie Chavez, nag-uwi ng apat na gintong medalya

Nasungkit ng mag-aaral ng Camarines Sur National High School na si Queenie P. Chavez, isa sa mga kinatawan ng Naga City, ang apat na gintong medalya sa ginanap na Palarong Bicol 2025 sa larangan ng gymnastic, sa Legazpi Convention Center, Legazpi City, noong Marso 25, 2025.

Ipinamalas ni Chavez ang kanyang kahanga-hangang lakas, tiyaga, at dedikasyon sa bawat galaw at routine, na naging susi sa kaniyang tagumpay, hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa buong komunidad na patuloy na sumusuporta sa kaniya.

Pinagsikapan ni Chavez ang tagumpay na ito sa pamamagitan ng araw-araw na pagsasanay, walang reklamo at matinding dedikasyon.

Nag-eensayo siya ng pitong beses kada linggo, mula sa madaling araw na jogging at paglalakad, hanggang sa pagpapraktis ng flexibility, conditioning, at aparato handling sa gym.

“Sobrang saya po kasi binigay ko talaga lahat ng makakaya ko. My efforts and hard work paid off,” ani Chavez na sa bawat routine, bawat ikot, at bawat galaw, dala nito ang ilang taong pagsusumikap, sakripisyo, at panalangin.

Kahit na may iniindang moderate scoliosis, hindi huminto si Chavez at tinitiis niya pa ang sakit at patuloy na nagsanay upang

mapagtagumpayan ang mga limitasyon sa kaniyang katawan.

“Opo, dumating din po ako sa puntong gusto ko nang sumuko. Pero naaalala ko po kung bakit ko ito sinimulan,” ani Chavez. Bagama’t hirap na hirap sa mga araw na may matinding sakit, hindi siya nagpatinag at patuloy na nagpapagamot upang maipagpatuloy ang kaniyang pagsasanay.

Bukod sa pisikal na pagsasanay, binibigyan diin din pansin ni Chavez ang mental na aspeto ng gymnastics.

“’Yung 1 minute and 30 seconds naming routine, sobrang crucial po ’yon. Kapag nawalan ako ng focus, puwede akong magkamali, mahulog ang gamit ko, o mawalan ng rhythm. Kaya napakahalaga ng mind setting, focus, at visualization.”

Isa sa nagbigay ng inspirasyon kay Chavez pagdating sa gymnastic ang kaniyang sarili. Ayon sa kaniya, mula pa pagkabata, alam na niyang magiging matagumpay siya sa larangan ng gymnastics. “Ang future self ko po ang naging inspirasyon ko,” wika ni Chavez.

“Bata pa lamang po ako, alam ko na sa sarili ko na makakamit ko ito.” Ang pangarap na maging isang mahusay na gymnast at ang determinasyon na

Parang hating buwan, walang gustong malamangan.

Hatol, tabla

agpasiklaban ang dalawang koponan sa isinagawang 3 x 3 Women Tune-Up Basketball Game ng Camarines Sur National High School (CSNHS) at University of Saint Anthony (USANT) sa Concepcion Pequena, Holy Rosary Major Seminary, Disyembre 27, 2024.

Pinatunayan ng Grade 11 na manlalaro ng CSNHS na si Paulyn Gueriba ang kaniyang galing sa paglalaro ng basketball at nag-ambag ng apat na bank shot at isang dos na humantong sa gitgitang puntos na 1-1, (8-6, 8-9) sa loob ng 20 minuto. Sinimulan ang laro ng mga combo shot nina Myca Cabalquinto at Gueriba sa pamamagitan ng bank shot at free throw na naging daan upang manguna sa unang quarter, 2-0. Hindi rin nagpatinag ang USANT at agad rin itong nagpakawala ng sunod-sunod na bank shot mula sa number 27 player na tumulong upang makahabol at pumantay sa puntos ng CamHi, 3-3.

Pinatunayan muli ni Cabalquinto ang kaniyang angking galing sa paglalaro at nagpakawala ito ng two pointers shot na naging dahilan upang manguna sa laro ang CamHi, 5-3.

Sinundan naman ito ng bank shot ng number 01 player ng USANT upang makahabol sa puntos ng CamHi, 4-5.

Pilit na gustong iwanan ng CSNHS ang USANT sa paglatag ng dos shot ni Lovely San Isidro at free throw ni Gueriba na nagpanguna ng kanilang puntos na laro, 8-4.

Nagwakas ang laro nang

magtagumpay ang nagbigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy sa kabila ng mga pagsubok.

“Kung wala po ang dasal, pagmamahal, at tulong nila, lalo na po financially at emotionally, baka hindi ko na po ito naabot,” pahayag ni Chavez, na nagpapasalamat sa kanilang walang sawang suporta.

Sa kabila ng tagumpay sa rehiyon, hindi nagpapahinga si Chavez at patuloy na naghahanda para sa susunod na laban sa Palarong Pambansa 2025.

Kasama ang isang National Trainer, patuloy ang kanyang pagsasanay upang mapabuti pa ang kanyang performance at maabot ang mas mataas na antas ng tagumpay.

“Pursue what your heart desires and never let anyone be the reason why you stop chasing your dreams. Walang madali, pero lahat ng totoo’t mahalaga ay pinaghihirapan,” isa sa mga iniwang mensahe ni Chavez para sa mga batang nangangarap at gusto rin na maging atleta.

Patuloy na mag-eensayo si Chavez sa mga susunod na araw para sa kaniyang nalalapit na kompetisyon sa Palarong Pambansa sa darating na Mayo 2025.

CamHi naibulsa ang panalo kontra USANT sa Basketball

Ni: Prince Mac Laquindanum

Nagsagupaan ang dalawang koponan sa Holy Rosary Major Seminary sa Concepcion Pequenia ng nakaraang

Disyembre 27, 2024 sa ginanap na labanan ng Camarines Sur National HIgh School (CSNHS) kontra University of Saint Anthony (USANT) sa 5 x 5 Women Tune-Up Basketball Game.

Pinakita

nagpakawala rin ng dos shot ang USANT sa pangunguna ni number 27 na nagpahabol sa puntos ng CSNHS, 6-8.

Matapos ang 5 x 5 Women Tune Up Basketball Games at 3 x 3 Men agad rin namang inumpisahan ng USANT ang ikalawang quarter sa pangunguna ng number 27 gamit ang lay up at bank shots na nagpaangat ng kanilang puntos, 3-0. Sumabay naman kaagad ang CSNHS at agad naman nagpakawala si Gueriba ng dalawang magkasunod na dos shot na nagpaabante sa kanilang puntos, 4-3.

Tuluyang nanguna ng dalawang puntos ang CSNHS dahil sa mga layup ni San Isidro na binitawan nito sa gitnang bahagi ng laro, 6-4. Gitgitan ang mga sumunod na laban dahil sa salit-salitang free-throw at layup ng dalawang koponan na para bang walang gustong magpalamang ng puntos, 6-6,7-7,8-8.

Dahil sa pagod na ininda ng mga manlalaro ng CSNHS, tuluyan nang tinapos ng USANT ang laro sa huling bank shot na pinakawalan ng number 22 player at nagwagi sa ikalawang quarter, 9-8. Patuloy ang pag-e-ensayo ng mga manlalaro ng CSNHS para sa mga paparating na kompetisyon at sa Palarong Panlungsod na gaganapin muli sa Enero.

parin sa laban
Court na puno ng tensyon, laro na maraming hamon, sa huli wagi pa rin ang maiuwi

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.